Reporter-3rd Issue - May 2013

4
Bolyum 1 Ikatlong isyu Mayo 2013 P10 Ni Jasmine Santiago LAS PIÑAS CITY, Abril 19, 2013 Inirekomenda ng Na- tional Bureau of Investigation (NBI) ang mabilis na prose- kusyon sa panganay na anak ni Meyor Ronaldo Morada na si Ricardo Barcelo Morada IV, a.k.a. RJ; Nestor Rivamonte, Chief Security Officer ni Meyor Morada at tatlo pang John Doe kaugnay sa kidnap- ping kay Armando B. Galang at Michael H.Dutcher. Naga- nap ang kidnapping noong Enero 6, 2012 sa Las Piñas City. Sa ipinadalang sulat ni Atty. Efren L. Meneses, Jr., NBI Regional Director, Na- tional Capital Region (NCR) kay Hon. Marlyn Cynthia Fatima Madamba Luang, City Prosecutor, Las Piñas City, noong Abril 10, 2013, kasong kidnapping at mabilis na prosekusyon ang opisyal na rekomendasyon ni Meneses laban sa mga kidnapper batay sa resulta ng masusing imbestigasyon ni Special In- vestigator III Gary P. Ruiz, NBI-NCR. MGA KIDNAPPER Tinukoy sa imbestigasyon ang mga sumusunod na li- mang kriminal na kidnapper: (1) Nestor Red Rivamonte, Chief Security ni mayor Mo- rada at kasalukuyang nakaku- long sa New Bilibid Prison, Muntinlupa City batay sa sen- tensiya kaugnay sa iligal na droga (shabu); (2) Ricardo Barcelo Morada IV a.k.a. RJ Morada, panganay na anak ni mayor Morada, nakatira sa Poblacion, Bansud, Silangang Mindoro; (3) John Doe No. 1, 40 taong-gulang, may taas na 5’6” – 5’7”, may nunal sa kali- wang bahagi ng mukha; ) John Doe No. 2, may edad na 40-50 taong gulang at may taas na na 5’6” – 5’7”; KIDNAPPING P/3 Ricardo Barcelo Morada IV a.k.a RJ. Nestor R. Rivamonte a.k.a. Baleleng Ni Jansen Torres CALAPAN CITY, Abril 22, 2013 - Desperado na si mayor Morada. Pailing na pahayag ito ng isang kasalu- kuyang Kapitan ng Barangay na hiniling na ikubli sa publiko ang kanyang katauhan sa pangambang ipitin siya ni Mo- rada. “Tatlong lingo pa bago ang eleksiyon, pero gara- palan na ang pamimili ni Meyor Morada ng boto,” dug- tong pa ni Kapitan. Batay dito, nagsampa ng reklamo kaugnay sa paglabag sa Omnibus Election Code sa Provincial COMELEC si Roy Mudanza, kandidato ng UNA sa pagka-meyor laban kay Ronaldo Morada, kandidato ng LP sa pagka-meyor sa ikatlong termino nito, batay sa mga ibidensya ng garapalan at iligal na pamumudmod ni Morada ng mga Jetmatic DESPERADO P/3 Ni Justine Mapile BANSUD, Abril 24, 2013 - Panalo si Roy Mudanza, kan- didato ng UNA (United Nation- alist Alliance) sa pagka-meyor laban kay Ronaldo Morada, kasalukuyang mayor at kandi- dato sa parehong posisyon sa ikatlo nitong termino sa ilalim ng LP. Ito ang oisyal na resulta sa survey ng Paradigm Shift Re- search Center, Inc. (PSRC), isang NGO (Non- Governmental Organization) sa region IV-B na nakabase sa Calapan City, Silangang Min- doro. Inilabas ang resulta ng survey noong lunes, Abril 22, 2013. Ang naturang survey ay inilunsad noong Abril 15 han- gang Abril 20, 2013 sa labing- limang munisipalidad ng Silan- gang Mindoro, kabilang ang Calapan City. Itinanong sa survey kung ”sino ang iyong ibobotong mayor ng Bansud sa darating na halalan sa Mayo 13”. May kabuuang 1,200 katao ang mga respondents na mayroong edad mula labing -walong taong gulang pataas. Mudanza 57% Malaking mayorya ang nakuhang boto ni Mudanza na may 57% porsiyento, o sa ka- buuang bilang na 684 pabor na boto. Morada 30% Samantala, nakakuha la- mang si Morada ng 30% porsi- yento, o may kabuuang bilang na 420 pabor na boto. Umabot naman sa 5% por- siyento ang nagsabing hindi pa alam kung sino ang iboboto, sa bilang na 60 re- spondents. Tatlong porsiyento (3%) naman ang nagsabing ”no comment” sa bilang na 36 respondents. Mayroong 2% margin of error ang survey. Sa isang panayam ng RE- PORTER kay Mudanza, nag- pasalamat ito sa pabor na re- sulta ng survey at sinabing, ”lalong nagpapatibay ang gani- tong survey sa aking commit- ment at determinasyon na isu- long ang pulitika ng pagba- bago at tunay na serbisyo sa mamamayan ng Bansud,” pa- hayag ni Mudanza. “Gayunpaman, kailangan pa natin ang higit na sipag sa kampanya at makuha ang ma- lawak na suporta ng mamama- yan para matiyak ang ating panalo,” pagtatapos ni Mudanza.® Iligal na namimigay ito ng Jetmatic pump at inidoro sa pamimili ng boto

description

KASONG KIDNAPPING LABAN SA ANAK NI MEYOR MORADA AT RIVAMONTE, ISINAMPA NG NBI Panganay na anak ni meyor Morada na si RJ MORADA at Chief Security nitong si NESTOR RIVAMONTE, 20 milyong piso ang hininging ransom sa biktimang si ARMANDO GALANG kapalit ng kanyang kalayaan MOTIBO NG KIDNAPPING Batay sa imbestigasyon at dokumentong hawak ng NBI na isinampa sa korte, lumilitaw ang tatlong motibo ng mga kriminal na kidnapper: una, likhain ang lagim at takot kay Galang para hindi na niya muling marekober ang mga kinamkam na mga lupain nito sa Bansud. Namanipula at nailipat sa ibang pangalan ang anim (6) na titulo ng mga lupain ni Galang sa Bansud nang di-otorisado at wala siyang pahintulot. May kabuuang 33 ektarya ang naturang mga ari-arian ni Galang ang kinamkam ng mga kriminal. Ikalawa, para patuloy nilang makuha ang libreng serbisyo ng ”El Kapitan” sa piyesta ng Bansud, at ikatlo, ay kumita ng pera sa masama at marahas na paraan.

Transcript of Reporter-3rd Issue - May 2013

Bolyum 1 Ikatlong isyu Mayo 2013 P10

Ni Jasmine Santiago LAS PIÑAS CITY, Abril 19, 2013 – Inirekomenda ng Na-tional Bureau of Investigation (NBI) ang mabilis na prose-kusyon sa panganay na anak ni Meyor Ronaldo Morada na si Ricardo Barcelo Morada IV, a.k.a. RJ; Nestor Rivamonte, Chief Security Officer ni Meyor Morada at tatlo pang John Doe kaugnay sa kidnap-ping kay Armando B. Galang at Michael H.Dutcher. Naga-nap ang kidnapping noong Enero 6, 2012 sa Las Piñas City. Sa ipinadalang sulat ni Atty. Efren L. Meneses, Jr., NBI Regional Director, Na-tional Capital Region (NCR) kay Hon. Marlyn Cynthia Fatima Madamba Luang, City Prosecutor, Las Piñas City, noong Abril 10, 2013, kasong kidnapping at mabilis na prosekusyon ang opisyal na rekomendasyon ni Meneses laban sa mga kidnapper batay sa resulta ng masusing imbestigasyon ni Special In-vestigator III Gary P. Ruiz, NBI-NCR.

MGA KIDNAPPER Tinukoy sa imbestigasyon ang mga sumusunod na li-mang kriminal na kidnapper: (1) Nestor Red Rivamonte, Chief Security ni mayor Mo-rada at kasalukuyang nakaku-long sa New Bilibid Prison, Muntinlupa City batay sa sen-tensiya kaugnay sa iligal na droga (shabu); (2) Ricardo Barcelo Morada IV a.k.a. RJ Morada, panganay na anak ni mayor Morada, nakatira sa Poblacion, Bansud, Silangang Mindoro; (3) John Doe No. 1, 40 taong-gulang, may taas na 5’6” – 5’7”, may nunal sa kali-wang bahagi ng mukha; ) John Doe No. 2, may edad na 40-50 taong gulang at may taas na na 5’6” – 5’7”;

KIDNAPPING P/3

Ricardo Barcelo Morada IV a.k.a RJ. Nestor R. Rivamonte a.k.a. Baleleng

Ni Jansen Torres CALAPAN CITY, Abril 22, 2013 - Desperado na si mayor Morada. Pailing na pahayag ito ng isang kasalu-kuyang Kapitan ng Barangay na hiniling na ikubli sa publiko ang kanyang katauhan sa pangambang ipitin siya ni Mo-rada. “Tatlong lingo pa bago ang eleksiyon, pero gara-palan na ang pamimili ni Meyor Morada ng boto,” dug-tong pa ni Kapitan. Batay dito, nagsampa ng reklamo kaugnay sa paglabag sa Omnibus Election Code sa Provincial COMELEC si Roy Mudanza, kandidato ng UNA sa pagka-meyor laban kay Ronaldo Morada, kandidato ng LP sa pagka-meyor sa ikatlong termino nito, batay sa mga ibidensya ng garapalan at iligal na pamumudmod ni Morada ng mga Jetmatic

DESPERADO P/3

Ni Justine Mapile BANSUD, Abril 24, 2013 - Panalo si Roy Mudanza, kan-didato ng UNA (United Nation-alist Alliance) sa pagka-meyor laban kay Ronaldo Morada, kasalukuyang mayor at kandi-dato sa parehong posisyon sa ikatlo nitong termino sa ilalim ng LP. Ito ang oisyal na resulta sa survey ng Paradigm Shift Re-search Center, Inc. (PSRC), isang NGO (Non-Governmental Organization) sa region IV-B na nakabase sa Calapan City, Silangang Min-doro. Inilabas ang resulta ng survey noong lunes, Abril 22, 2013. Ang naturang survey ay inilunsad noong Abril 15 han-gang Abril 20, 2013 sa labing-limang munisipalidad ng Silan-

gang Mindoro, kabilang ang Calapan City. Itinanong sa survey kung ”sino ang iyong ibobotong mayor ng Bansud sa darating na halalan sa Mayo 13”. May kabuuang 1,200 katao ang mga respondents na mayroong edad mula labing-walong taong gulang pataas.

Mudanza 57%

Malaking mayorya ang nakuhang boto ni Mudanza na may 57% porsiyento, o sa ka-buuang bilang na 684 pabor na boto.

Morada 30%

Samantala, nakakuha la-mang si Morada ng 30% porsi-yento, o may kabuuang bilang na 420 pabor na boto. Umabot naman sa 5% por-siyento ang nagsabing hindi

pa alam kung sino ang iboboto, sa bilang na 60 re-spondents. Tatlong porsiyento (3%) naman ang nagsabing ”no comment” sa bilang na 36 respondents. Mayroong 2% margin of error ang survey. Sa isang panayam ng RE-PORTER kay Mudanza, nag-pasalamat ito sa pabor na re-sulta ng survey at sinabing, ”lalong nagpapatibay ang gani-tong survey sa aking commit-ment at determinasyon na isu-long ang pulitika ng pagba-bago at tunay na serbisyo sa mamamayan ng Bansud,” pa-hayag ni Mudanza. “Gayunpaman, kailangan pa natin ang higit na sipag sa kampanya at makuha ang ma-lawak na suporta ng mamama-yan para matiyak ang ating panalo,” pagtatapos ni Mudanza.®

Iligal na namimigay ito ng Jetmatic

pump at inidoro sa pamimili ng boto

MAHAL KONG MGA KABABAYAN, KASAMA AT KAIBIGAN, Tulad ng aking mahigpit na pakiusap at panawagan sa bawat pagkakataon ng aking pag-ikot at pagtatalumpati sa mga barangay, muli, sa aking bukas na liham na ito, ako ay nakikiusap at nananawagan sa inyong lahat. Tulungan natin at iboto sa Mayo 13 si Roy Mudanza bilang Meyor ng ating bayan, tungo sa direksiyon ng pagkakamit ng isang primera-klaseng bayan ng Bansud. Si Roy Mudanza, ay nagtapos ng Masters Degree in Public Administration (MPA). Nag-tamo ng mga matataas na pambansang karangalan sa kanyang serbisyo bilang isang malinis at magiting na Police Inspector. Kabi-lang dito ang Dangal ng Bayan Award (outstanding merit in public service) na igi-nawad ng Civil Service Commission noong 2008. Tumanggap din ng karangalan bilang isa sa sampung Country’s Outstanding Police-men in Service (COPS) noong 2007, na igi-nawad sa kanya ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa Palasyo ng Mala-cañang. Nakatanggap din si Roy ng Special Award mula sa United States Department of Justice-Federal Bureau of Investigation (US-FBI).

Matapat na Lingkod-Bayan Si Roy Mudanza higit sa lahat, ay isang matapat at progresibong lingkod-bayan. Mula pa noong siya ay naglilingkod bilang isang opisyal ng pulis, at naging kaagapay natin sa pagtatanggol ng ating bayan laban sa mga NPA. Nang mga panahong iyon ang bayan natin ay nasa krisis, umiiral ang pangamba at takot sa puso ng mamamayan. Marami noon ang nangamatay, nagdulot ng lungkot at sakit ng kalooban. Nagkaisa tayo, hindi natin ini-wan ang ating bayan. Pagkatapos nito sa ila-lim ng pamumuno at paglilingkod ng inyong lingkod at ni Butch, at mga nagdaang punong bayan sa paggabay at sakripisyo ng mga taumbayan na marami na ang yumao, ang Barrio New Bansud na naging bayan na ang mga mamamayan ay nagkakaisa, nagmama-halan, na noon ay umiiral ang kapayapaan, katarungan, kalayaan at pagbibigay galang sa karapatang pantao. Taliwas na ito ngayon sa kasalukuyang administrasyon.

Naglipanang mamamatay-tao Kalabisan pang baybayin ko isa-isa ang mga nangyayari at patuloy na umiiral sa ating bayan. Maliwanag na talos ng lahat, maliban sa ilang naglilingkod sa pamahalaan na pilit nagbubulagbulagan, nagbibingi-bingihan at pilit at ipinagwawalang-bahala ang mga naglipanang mamamatay-tao at kriminal at hindi tamang paggamit sa kaban ng bayan na nagmula sa ating pawis at nangapal nating palad at balikat.

Pagpupugay sa mga naunang lingkod-bayan Higit sa lahat ang panahon ng makulay na kasaysayan ng ating mahal na bayan mula pa

sa mga mabuting halimbawa ng mga yu-maong mga ama at ina at mga punong bayan. Nagpupugay tayo sa mga naunang ling-kod-bayan kabilang sina Leon S. Mampusti, Felimon Salcedo, Alejandro Minay, Noel Averion, Paulino Dela Peña, Nicanor Matinig, Vicente de Guia, Benito Calingasan, Rogelio B. Misal, Jose Castillo. Ibat-ibang matapat na lingkod-bayan tulad nina Jardeliza, Lusterio, Minay, Lambot, Semilla, Justiniano, Mendoza, Suan, Closa, Madrid, Mijares, Mallorca, Mon-tesa, Manato, Pantoja at mga naunang mga mamamayan nang ang New Bansud ay gubat pa. Hatid ko din ang katulad na pagpupugay sa mga hindi ko na naitala dito.

Mga bagong lingkod-bayan Huwag tayong magkakamali na bulagin ang ating pananaw sa pagpili ng bago at ta-mang lider na pagkakalooban natin ng karan-galang punong bayan, pangalawang punong bayan at mga kagawad ng sangguniang ba-yan sa nalalapit na halalan 2013. Naranasan na natin ang anim na taong atrasadong paglilingkod ng kasalukuyang ad-ministrasyon. Paghambingin nating mabuti ang pagkatao at integridad ng humaharap sa atin na mga aspiranteng kandidato. Piliin natin ang mga lider na maka-masa ang plataporma.

Reporter ng Bayan Sikapin nating basahin ang mga makabu-

luhang isyu ng pahayagang Reporter at mga

katulad pang babasahin. Na ang layunin ay

ilantad at ipalaganap ang mga katotohanan at

impormasyon na pilit ikinukubli ng kasalukuy-

ang adminstrasyon. Ayaw nating mag-

palinlang. Kalakip sa mga babasahing ito ang

kopya ng 8-puntong reporma ni Roy Mudanza

at kanyang grupo. Ang 8 puntong reporma

tungo sa progresibong Bansud ay inyong

basahin, itago, paka-ingatan at ariin natin na

isang sagradong bagay na kontrata ng Roy

Mudanza Administration at ng mamamayan

ng Bansud.

BUKAS NA LIHAM P/4

KATOTOHANAN PAGBABAGO SERBISYO Mayo 2013

EDITORYAL

Para sa Katarungan,

Serbisyo at Pagbabago

Ni Roy Mudanza

M ahal natin ang bayan ng Bansud. Hindi na dapat ipagpaliban pa ang nais nating reporma at tunay na pagbabago. Aspirasyon nating matiyak na ang

susunod na henerasyon ay makapamuhay sa isang bayang tunay na mapayapa, maunlad at may pagmamalasakit sa bayan at mamamayan. Nagbigkis tayong mga Bansudeño para sa pagkakamit ng katarungan at kapayapaan, para sa tunay na serbisyong panlipunan at tunay na pampulitikang pagbabago.

KATARUNGAN AT KAPAYAPAAN

Sigaw nating mga Bansudeño ay katarungan at ka-payapaan sa ating bayan. Walang kapantay sa kasaysayan ng Bansud ang kriminalidad at karahasan sa ilalim ng admin-istrasyon ng Morada Gang. Kabilang dito ang laganap na nakawan ng mga alagang baka ng mga magsasaka, akyat-bahay at nakawan sa mga tindahan, paglaganap ng ipinag-babawal na droga at walang pakundangang pagpaslang. Sa kasalukuyan ay umaabot na sa labing-anim (16) ang biktima ng pamamaslang. Ilan sa mga biktima ay pinatay sa plaza sa harap ng munisipyo sa katanghaliang-tapat at ang isa ay sa loob mismo ng motor pool ng munisipyo - tumunganga la-mang si Morada at walang ginawang hakbang para sa kata-rungan. Mas malubha pa, iresponsableng itinalaga ni Morada si Nestor Rivamonte bilang Chief Security Officer nito at pinasu-sweldo ng bayan, simula pa noong 2007, kahit isa itong WANTED at CONVICTED CRIMINAL simula pa noong 2004.

Obstruction of justice - Malinaw na ang pag-appoint ni Morada kay Rivamonte ay isang anyo ng pagkanlong sa isang sentensiyadong kriminal. Batay sa Presidential Decree No. 1829 ”Section 1. (c) harboring or concealing, or facilitat-ing the escape of, any person he knows, or has reasonable ground to believe or suspect, has committed any offense un-der existing penal laws in order to prevent his arrest prosecu-tion and conviction; Section 2. If any of the foregoing acts is committed by a public official or employee, he shall in addi-tion to the penalties provided there under, suffer perpetual disqualification from holding public office.” Kailan ma’y hindi makakamit ang katarungan at kapaya-paan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyong siya din ang itinuturo ng mga biktima na lumikha ng inhustisya at kara-hasan. Mananagot si Morada sa batas at sa bayan. Dapat na siyang palitan!

SERBISYONG PANLIPUNAN

Ang Kalusugang-bayan ay Serbisyo, hindi Negosyo. Pahirap sa mamamayan ang administrasyon ng Morada Gang. Sa halip na mag-serbisyo, ginawang isang pribadong negosyo ang Basic Emergency Obstetric and Newborn Care (BEmONC). Patuloy na pinipiga nito ang bawat maralitang naganganak sa BEmONC sa paniningil ng P3,600 nang walang kaukulang opisyal na resibo. Nararapat itigil ang pan-iningil ng P3,600 sa mga pasyente at pagnanakaw sa pon-dong-bayan mula sa BEmONC. Tunay na Serbisyo para sa Malinis na Tubig inumin. Mahilig si Morada sa serbisyong pakitang-tao lamang ang epekto. Makitid, makasarili at iligal ang pamumudmod nito ng Jetmatic pump tuwing eleksiyon bilang anyo ng lantarang pamimili ng boto. Nararapat komprehensibong lutasin ang kawalan ng sistema at malinis na suplay ng inuming tubig. Dapat itayo ang Bansud Municipal Waterworks System (BMWS). Dapat ay tunay na Serbisyo, hindi ningas-kogon at pakitang-tao!

TUNAY NA PAGBABAGO Determinado tayo sa nais nating pagbabago para sa kagalingan ng mga Bansudeño. Gawin nating makabulu-han at makasaysayan ang okasyon ng nalalapit na halalang 2013. Ngayon na ang pagkakataon at panahon para putulin, itakwil at wakasan ang pagha-hariharian ng Morada Gang na kilala sa katiwalian, karahasan, kriminalidad at pag-abuso sa kapangyarihan. Itaguyod natin ang Pulitika ng Pagbabago at tunay na paglilingkod sa mamamayan. Bagong Pulitika ang ta-mang landas tungo sa tunay na pagbabago. Pulitikang nagbibi-gay ng tunay na kapangyarihan sa mamamayan, hindi ng panlil-inlang, pananakot, karahasan at paurong na pamumuno.®

BUKAS NA LIHAM SA MGA BANSUDEÑO

Ang REPORTER ay isang peryodikong-bayan para sa gawaing

impormasyon at edukasyon. Tungkulin ng REPORTER na ilantad

ang tunay na nagaganap sa ating bayan, kung saan pilit na ikinu-kubli ng mga tiwali at bulok na pulitiko. Ito ay buwanang publikas-

yon ng RPM (Reporma Para sa Masa). Anumang puna at mungkahi ay maaaring ipadala sa e-mail o dumiretso sa himpilan: Nautical Highway, Barangay Pag-asa, Bansud, Silangang, Mindoro.

E-mail: [email protected]

PATNUGUTAN

Punong Patnugot Jasmine Santiago

Kapatnugot Jansen Torres

Patnugot sa Balita Justine Mapile

Patnugot sa Grapix Ma. Sierra Samonte

Pinansiya Katrina Valencia

Tagapamahala sa Sirkulasyon Kristine Joy de la Paz

KATOTOHANAN PAGBABAGO SERBISYO Mayo 2013

DESPERADO NA SI

MORADA, mula sa pahina 1

pump sa mga barangay at sitio na mahina ang kanyang suporta. Ang reklamo ni Mudanza ay opi-syal na tinanggap ni Atty. Fernando Besiño, OIC Provincial Election Super-visor, COMELEC, Calapan City. Tu-manggap din ng kopya ng reklamo si Ronnie M. Manuel, Election Officer, COMELEC, Bansud. Sa interview ng Reporter kay Mu-danza, pagkatapos nitong magsampa ng kaso sa COMELEC, ipinahayag nito na, ”immoral at iligal na ginagamit ngayon ni Morada ang pondong-bayan at lohistika ng gubyerno sa kanyang kampanya. Ang pamumudmod ni Mo-rada ng jetmatic pump at inodoro sa mga barangay ay isang garapal na maniobra sa pamimili ng boto. Tahasang pag-insulto ito sa katauhan ng mga botante. Repleksiyon ito ng desperasyon ni Morada sa kanyang napipintong pagkatalo,” paglilinaw ni

Mudanza. Vote-buying and selling Tinukoy din ni Mudanza ang probi-syon ng Omnibus Election Code na parehong ipinagbabawal ang pamimili, at ang nagbebenta ng boto. Alinsunod sa Section 261 ng Om-nibus Election Code, ang vote-buying and selling ay: “any person who gives offers or promises money or anything of value… directly or indirectly… in order to induce anyone or the public in general to vote for or against any can-didate”. Kabilang din sa kinasuhan ni Mu-danza sina, Thelma Reyes, Adminis-trador ni Morada, Barangay Health Worker Ruby Sola, at mga empleyado ng General Service Office (GSO) na sina Hector Hernandez at Sevilla Dapula kaugnay sa iligal na pamumud-mod ng Jetmatic pump at inidoro. Sinampahan din ng kasong pagla-bag sa Election Code si Violeta Naza-reno, Municipal Social Work Officer, sa paggamit nito sa programang 4P’s sa

pamimili ng boto para kay Morada. Ayon kay Mudanza, ”ang mga bu-lok na pulitiko, katulad ni Morada at mga kampon nito ang yumuyurak sa malaya at malinis na proseso ng pag-pili ng iboboto ng mga botante. Instru-mento din si Morada sa pagpapababa sa kalidad ng eleksiyon sa antas ng maduming halalan. Dapat malaman ito ng COMELEC para maparusahan at madiskwalipika ang ganitong mga kurap na pulitiko at mga tauhan nito,” dagdag pa ni Mudanza. Disqualification Batay sa Sec. 68 ng Omnibus Election Code: “Sec. 68. Disqualifica-tions. — Any candidate who, in an ac-tion or protest in which he was a party is declared by final decision of a com-petent court guilty of, or found by the Commission of having (a) given money or other material consideration to influ-ence, induce or corrupt the voters or public officials performing electoral functions x x x shall be disqualified from continuing as a candidate, or if he

has been elected, from holding the office. . .” Ayon pa kay Mudanza, nilabag din ni Morada at kanyang kampo ang ka-sunduan sa ”Peace Covenant” na pinirmahan ng bawat panig noong Marso 3, 2013, kung saan ay pumirma din ang Bansud COMELEC, Simba-hang katoliko, Bansud PNP at Philip-pine Army bilang mga saksi. Nakasaad sa naturang ”Peace Covenant” na bawal ang pananakot at pamimili ng boto sa anumang anyo nito. Bigo si Morada “Bigo si Morada para lutasin nito ang kawalan ng sistema at malinis na suplay ng inuming tubig para sa mamamayan. Anim na taon na sa po-der si Morada subalit walang maihain na plataporma ito sa mamamayan ng Bansud. Pakitang-tao lamang ang ser-bisyong alam ni Morada. Ang kailangan ng bayan ay mai-tayo ang Bansud Municipal Water-works System (BMWS), ” pagdidiin ni Mudanza.®

at (5) John Doe No. 3, ang master-mind, taga-bigay ng utos kay Riva-monte. Ang kasong kidnapping na isi-nampa sa Las Piñas City Prosecutors Office ay may bilang na NPS Docket No. XV-04-INV 13D-00468.

MGA BIKTIMA NG KIDNAPPING Ang biktimang si Armando B. Galang, 64 taong-gulang, may-ari ng El Kapitan Pro Sounds and Lights Sys-tem Inc., na matatagpuan ang opisina sa Naga Road, Pulanglupa 2, Las Pi-ñas City, ay isang Bansudeño. Kabi-lang din sa biktima si Michael Dutcher, 36 taong-gulang, supervisor ng El Kapitan Pro Sounds and Lights Sys-tem Inc. Si Galang ang nagbibigay ng de-kalidad na serbisyo sa Sounds and Lights System sa pamamagitan ng kanyang kumpanya tuwing piyesta sa bayan ng Bansud simula pa noong maging mayor si Morada noong 2007 hanggang 2012.

IMBESTIGASYON NG NBI Batay sa imbestigasyon ng NBI, sina Nestor Red Rivamonte, Chief Se-curity ni mayor Morada, Ricardo Bar-celo Morada IV a.k.a. RJ Morada, John Doe No. 1, John Doe No. 2, at John Doe No. 3 ay nagkasundo, nagsabwa-tan at nagsama-sama sa pag-kidnap sa mga biktimang sina Armando B. Galang at Michael H. Ducther. Mula sa sa labas ng El Kapitan Pro Sounds and Lights System Inc. sa Las Piñas City, noong Enero 6, 2012, kinidnap at isinakay ang mga biktima sa isang kulay berdeng tinted van na Toyota Hiace, may palakang No. ZHZ-516, na minamaneho ni Rivamonte, katabi si Morada sa front passenger seat. Ayon pa sa report ng imbestigador ng NBI, dinala ng mga kidnapper sina Rivamonte, Morada at mga ka-samahan ang mga biktima sa C-5 Ex-

tention Road, Las Piñas City. Sa hindi mataong lugar, biglang itinigil ni Riva-monte ang van. Binunot ni Rivamonte ang dalang pistolang may nakakabit na silencer, ikinasa at itinutok kay Galang. Agad na iniutos ni Rivamonte kay John Doe No. 1,”pare, yung posas. Posasan mo!” Habang pinoposasan ni John Doe No. 1 si Galang, pasigaw na sinabi nitong, ”huwag lalaban, pera-pera lang kailangan namin at para hu-wag masaktan.” Kasabay nito’y bumu-not din ng pistola si Morada at mabilis namang itinutok kay Dutcher. Sinabi din sa report ng NBI, pag-katapos maposasan si Galang, kinuryente naman ni John Doe No. 2, na noon ay nakaupo sa likuran ng dalawang biktima, ang batok ni Dutcher gamit ang stun gun. Takot na takot si Ducther at paulit-ulit na sina-sabi nitong, ”Diyos ko po, huwag po, Diyos ko po, huwag po!” habang naka-yuko sa kanyang hita at hawak ng dalawang kamay nito ang kanyang batok na kinuryente. Mabilis na kinuha naman ni John Doe No. 1 ang belt bag, lisensiyadong pistol, wallet at cellphone ni Galang. Kasabay nito’y nagtatakang tinanong ni Galang si Rivamonte,”bakit gina-gawa mo ito sa akin, Nestor? Bakit ginaganito mo ako?” Ang naisagot lamang ni Rivamonte ay,”Sir, subong-subo na ako”, pagkatapos ay iniham-pas ni Rivamonte ang kanyang kamay sa manibela ng sasakyan. Sa paulit-ulit na tanong ni Galang, naisagot ni Rivamonte na,”pag hindi ko ginawa ito, sa Mindoro ang pamilya ko, baka patayain ang pamilya ko.” Nagbanta din si Rivamonte kay Dutcher, ”tandaan mo Mike, alam ko ang bahay mo, alam ko kung saan ka nakatira.”

RANSOM NA P20 MILYON, KAPALIT NG KALAYAAN Nag-demand si Rivamonte ng ha-lagang dalawampung milyong piso (P20 milyon) kay Galang kapalit ng kalaaan nito. ”Sir, pera-pera lang para pakawalan ka namin nang hindi masa-saktan”. “Kahit tadtarin mo ako ng pi-nong-pino, Nestor, wala akong maibibi-gay sa inyo na twenty million”, sagot ni Galang kay Rivamonte. Ang hinihing-ing P20 milyon ay bumaba sa ha-lagang P10 milyon.”Wala ako kahit isang milyon,“ sagot ni Galang,“ na hindi naman pinaniwalaan ni Riva-monte. Alam ni Galang na hindi titigil ang mga kidnapper, kaya’t nag-counter-offer si Galang ng Metrobank blank check No. 0421045169, na nasa kan-

yang wallet na kinumpiska ng mga kidnapper. May balanse ang kanyang account sa banko sa halagang P600,000.00. Pagkatapos makausap ni Riva-monte sa cellphone si John Doe No.3, na sa paniniwala ni Galang na iyon ang mastermind, pumayag si Riva-monte sa halagang iyon. Agad silang nagtungo sa Metrobank, Pamplona Branch sa Las Piñas City. Pagkatapos mapirmahan ni Galang ang tseke, sinabi ni John Doe No.1 kay Riva-monte, ”sige pare, pag hindi ka naka-balik, tutuluyan na namin ang dala-wang ito.” Nakabalik si Rivamonte sa sa-sakyan mula sa loob ng banko at ha-wak na nito halagang P600,000.00 ransom, na nakalagay sa isang brown paper bag.

DAGDAG NA RANSOM: LIBRENG SERBISYO NG ”EL KAPITAN” SA PIYESTA Nakuha na ni Rivamonte ang ran-som sa halagang P600,000.00, subalit hindi pa din pinapakawalan ang mga biktima. Pagkatapos ng halos labing-limang minuto na pakikipag-usap ni Rivamonte sa cellphone kay John Doe No.3, may panibagong demand si Rivamone kay Galang. Iginiit ni Rivamone kay Galang na obligadong dalhin nito ang mga pasili-dad ng kanyang El Kapitan Pro Sounds and Lights System Inc. nang libre, sa piyesta ng Bansud, Silangang Mindoro, na nakatakdang ganapin noong Enero 17-19, 2012. Ang buong set-up ng ”El Kapitan” para sa gani-

tong okasyon ay kabilang ang mga equipments para sa audio, lighting at staging facilities. Kabilang din ang dalawampung (20) abereyds na bilang ng personnel at crew na mananatili sa Bansud sa loob ng limang araw. Karaniwang gastos sa kanitong event ay umaabot sa halagang P900,000.00. Nagbanta pa si Rivamonte kay Galang.”Kapag hindi mo dinala sa pi-yesta ng Bansud ang El Kapitan, ma-sama ang mangyayari sa’yong pamilya at sa’yong negosyo.“ Ipinagmalaki pa ni Rivamonte na marami na silang pi-natay, at sinabi pa niyang, ”madali lang naming gawin iyon sa’yong pamilya at sa negosyo mo.” Napilitang sumang-ayon si Galang sa kagustuhan ng mga kidnapper. Matapos nito’y pinakawalan na ng mga kidnapper ang mga biktima.

MOTIBO NG KIDNAPPING Batay sa imbestigasyon at do-kumentong hawak ng NBI na isinampa sa korte, lumilitaw ang tatlong motibo ng mga kriminal na kidnapper: una, likhain ang lagim at takot kay Galang para hindi na niya muling marekober ang mga ki-namkam na mga lupain nito sa Bansud. Namanipula at nailipat sa ibang pan-galan ang anim (6) na titulo ng mga lu-pain ni Galang sa Bansud nang di-otorisado at wala siyang pahintulot. May kabuuang 33 ektarya ang naturang mga ari-arian ni Galang ang kinamkam ng mga kriminal. Ikalawa, para patuloy nilang makuha ang libreng serbisyo ng ”El Kapitan” sa piyesta ng Bansud, at ikatlo, ay kumita ng pera sa masama at

marahas na paraan.®

Metrobank check No. 0421045169, may petsang Enero 6, 2012, sa halagang P600,000.00

Likod ng check No. 0421045169, makikita ang pirma ni Nestor Rivamonte sa loob ng bilog na guhit.

Paid for by Friends of Roy Mudanza

BUKAS NA LIHAM, mula sa pahina 2

Mapanghati ang kasalukuyang Adminstrasyon Sa anim na taon ng pamumuno ng kasalukuy-ang meyor ay hindi ko kailanman naranasan at nadama ang paggalang at pagpapahiwatig sa kan-yang mukha at kilos ang diwa ng pagkakasundo. Hinintay kong marinig mula sa kanya ito, “talo ka Ninong subalit nakalipas na iyon. Tulungan mo ako at magkabalikat tayong ipagpatuloy ang mga panga-rap mo at mga naunang naglingkod at mga Ban-sudeño.” Hinihintay ko at inaasahan ang mga kata-gang ito ngunit mga taon na ang lumipas di ko na-kamtan ito. Ang maimbita ay bagay na hindi ko naranasan, na noong ako ang Meyor sa tuwing may maha-lagang okasyon, kabilang ang Anibersaryo ng Ban-sud, pista ng bayan sa karangalan ng Mahal na Pa-tron Sto. Niño de Bansud, Araw ng Kalayaan, Rizal Day... ang mga naglingkod ay iniimbita at sinasariwa ang kanilang mga nagawa. Gaya ng Limampung (50) Ginintuang taon ng bayan na araw sana ng makabuluhang pagdiriwang at pagsasaya, pagba-balik-tanaw at pag-alala sa nakaraan at kasalukuy-ang tagumpay, kaunlaran na naabot na ng bayan at kanyang mamamayan. Okasyon din sana ito para mahikayat ang mga kababayan na nasa ibayong-dagat at ibang lugar ng bansa na bumalik sa tinubuang bayan. Sa halip ay ang napakasakit na alaala: ang paglalagay ng pamilya Soller ng isang malaking tar-polin ng pagbati, kung saan nakatala doon ang mga nagdaang punong bayan... pinabantayan hanggang madaling araw at ng aking bisitahin pagsikat ng araw ay wala na ito. Di naman ako gaanong nagulat pagkat bawat tarpolin ng Soller ay sinisira. Nagtagumpay ang kasalukuyang admin-strasyon, na itanim sa puso at diwa ng bawat Ban-sudeño ang takot at lagim. Tama na! Wakasan na natin ang administrasyong ito.

Meyor para sa mabuting pamamahala Hangad at hinihiling ko po sa inyo mga kababa-yan, ipagkaloob ninyo sa akin at sa ating bayan ang isang meyor na kasangga at kaisa sa mabuting pamamahala. Maging kaagapay at katulong natin na muling maibalik ang bayan na iniwan ng mga na-karaang meyor at ng mga Soller. Bayang nagka-

kaisa sa damdamin, nagmamahalan at pinaghahar-ian ng kalayaan at katarungan. Pagkalooban ninyo ako ng muling pagkakataon na makatulong sa mga hinaing ng ating mga kababayan sa pagbibigay ninyo ng Meyor na kasangga ko at kasangga nating lahat.

Roy Mudanza Para Meyor ang kailangan Bilang dating punong-bayan ng Bansud sa loob ng 18 taon, nasaksihan ko ang iba’t-ibang uri at pamamaraan ng pamumuno sa ating bayan. Ka-baligtaran sa kasalukuyang administrasyon ang mga nagdaang pamamahala. Higit na makabubuti sa mga Bansudeño at sa susunod na henerasyon ang istilo ng pamumuno ni Roy Mudanza na gustong ihandog sa ating bayan at mamamayan. Taglay nito ang pro-people orientation and mission at sapat na kakayahan sa alternative governance. Binibigyang buhay ni Roy Mudanza ang mga konsepto at prinsipyo ng mabuting pamamahala. Kabilang ang mga konsepto ng transparent governance, accountable govern-ance at participatory governance. Ganito rin ang pinairal ng mga naunang lingkod-bayan. Kaisa ako at ng mamamayan sa mga kahanga-hangang konsepto ni Roy Mudanza sa pulitika ng pagbabago. Pulitikang naka-base sa prinsipyo, plataporma at mga isyu ng mamamayan. Pulitika ng pananagutan sa bayan, integridad at serbisyo publiko, hindi ng pansariling kapakanan at pangangamkam sa kaban ng bayan ng sinumang nais mag-lingkod. Ibinubukas ng nalalapit na halalan sa Mayo 13, 2013 ang bibihirang pagkakataon at oportunidad sa ating mga mamamayan para sama-samang ihalal ang isang progre-sibo at demokratikong lider at lingkod-bayan tulad ni Roy. Nakikiusap at nananawagan ako sa la-hat. Tulungan natin at iboto sa Mayo 13 si Roy Mudanza bilang Meyor, at kanyang buong grupo. Muling iboto si Butch Soller Tulungan din natin at iboto si Butch Soller. Kasabay nito’y sama-sama nating bi-guin ang napakaitim na tangka at maduming maniobra, ni Ginoong Morada, na sirain si Butch hindi lang sa Bansud kundi sa buong lalawigan. Samahan po ninyo kami sa aming

panalangin na sa huling laban ni Butch ay ipagka-loob pa din ng Panginoon at mamamayan, na ang isang Soller ay muling makapaglingkod sa bayan. Ako at aking pamilya ay patuloy na maglilingkod at magmamahal sa ating mga kababayan at sa ba-yan. Mabuhay po kayo.

Paid for by Friends of Butch Soller

PRUDENTE D. SOLLER, M.D. Punongbayan 1977-1998

Ang inyong lingkod at kaibigan,