Pre Intrams Issue - 2013

10
Pre-Intrams Isyu 2013 Tomo XLIX Blg. 6 Ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Central Luzon State University Student Union Building, CLSU, Science City of Munoz, Nueva Ecija Miyembro: College Editors Guild of the Philippines Cuaresma: We will enjoy the game CHSI ikawalong yunit sa intramural games ni Kenneth Antolin Ito ang idiniin ni Dr. Hilaria Cuaresma, dekana ng College of Home Science and Indus- try (CHSI) na ngayo’y bagong Yunit na sasabak sa 50th In- tramural Games na magsisim- ula ngayon hanggang Setyem- bre 7. Matatandaang magkaha- long pwersa bilang Yunit III ang CHSI at College of En- gineering (CEn) simula nang ito’y lumahok sa taunang palaro. “It’s really difficult to accept change,” saad ni Cuaresma. “But we believe that we can stand as a unit,” dagdag niya. Mayroon lamang 17 guro ang hahawak sa 960 estudyante ng CHSI. Samantala, inamin ni Ms. Ji- mili Lopez, athletic manager ng CHSI na hirap ang kanilang kolehiyo sa pagkalap ng mga manlalaro at idagdag pa ang kakulangan sa budget na nag- pahirap sa kanila para makasa- bay sa ibang yunit. “Ang aim lang namin ay maipakilala ang CHSI,” ani Lo- pez. “Tapos sa mga susunod na taon, doon kami babawi,” pani- niguro nito. Binanggit naman ni Cu- aresma na hinuhugot nila ang ISPEAR muling mangunguna sa paghahanda nina Areli Joy Esguerra at Albert Tolin “Matalo man kami, we will enjoy the game. Hindi sasama ang loob namin.” Pangungunahan ng In- stitute of Sports, Physical Education and Recreation (ISPEAR) angpaghahanda para sa 50th Intramural Games ngayong araw. Pinaghahandaan din ng ISPEAR ang pagbalik ng buong pamamahala ng In- trams sa mga faculty ng unibersidad mula sa mga estudyante noong nakara- ang Intrams. Makikipagtulungan din ang ISPEAR sa University Hospital, University Secu- rity Force (USF), CLSU Collegian, Communica- tors for Development sundan sa Pahina 6 50 th intrams kasado na ni Paul John Villamor Kasado na sa walong koponan ang magpapa- siklaban sa Intrams ngay- ong taon. Bibitbitin na ng Col- lege of Home Science and Industry (CHSI) ang kanilang sariling bandila bilang ikawalong yunit na makikipagtunggalian sa 50th Intramural games sa CLSU ngayong araw hanggang Septyembre 7. Pormal nang nahiwalay sa panig ng College of Engineering (CEn) ang CHSI makaraang mase- lyuhan ang mga inalatag na plano sa pulong na na- Sa ginintuang yugto ng intramural games GIRL POWER. Ang buong pwersa ng pamunuan ng bagong yunit na College of Home Science and Industry sa pangunguna ni dean Hilaria Cuaresma (gitna) kasama ang department faculties. (File photo of CHSI) sundan sa Pahina 6 sundan sa Pahina 7

description

This is the 2013 pre-intrams issue of the CLSU Collegian, the official student publication of Central Luzon State University.

Transcript of Pre Intrams Issue - 2013

Page 1: Pre Intrams Issue - 2013

Pre-Intrams Isyu 2013Tomo XLIX Blg. 6

CLSUCollegianAng opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Central Luzon State University

Student Union Building, CLSU, Science City of Munoz, Nueva EcijaMiyembro: College Editors Guild of the Philippines

Cuaresma: We will enjoy the gameCHSI ikawalong yunit sa intramural games

ni Kenneth Antolin

Ito ang idiniin ni Dr. Hilaria Cuaresma, dekana ng College of Home Science and Indus-try (CHSI) na ngayo’y bagong Yunit na sasabak sa 50th In-tramural Games na magsisim-ula ngayon hanggang Setyem-

bre 7.Matatandaang magkaha-

long pwersa bilang Yunit III ang CHSI at College of En-gineering (CEn) simula nang ito’y lumahok sa taunang palaro.

“It’s really difficult to accept change,” saad ni Cuaresma. “But we believe that we can stand as a unit,” dagdag niya.

Mayroon lamang 17 guro ang hahawak sa 960 estudyante ng CHSI.

Samantala, inamin ni Ms. Ji-mili Lopez, athletic manager ng CHSI na hirap ang kanilang kolehiyo sa pagkalap ng mga manlalaro at idagdag pa ang kakulangan sa budget na nag-pahirap sa kanila para makasa-bay sa ibang yunit.

“Ang aim lang namin ay maipakilala ang CHSI,” ani Lo-pez. “Tapos sa mga susunod na taon, doon kami babawi,” pani-niguro nito.

Binanggit naman ni Cu-aresma na hinuhugot nila ang

ISPEAR muling mangunguna sa paghahandanina Areli Joy Esguerra at Albert Tolin

“Matalo man kami, we will enjoy the game. Hindi sasama ang loob namin.”

Pangungunahan ng In-stitute of Sports, Physical Education and Recreation (ISPEAR) angpaghahanda para sa 50th Intramural Games ngayong araw.

Pinaghahandaan din ng ISPEAR ang pagbalik ng buong pamamahala ng In-trams sa mga faculty ng

unibersidad mula sa mga estudyante noong nakara-ang Intrams.

Makikipagtulungan din ang ISPEAR sa University Hospital, University Secu-rity Force (USF), CLSU Collegian, Communica-tors for Development

sundan sa Pahina 6

50th intrams kasado nani Paul John Villamor

Kasado na sa walong koponan ang magpapa-siklaban sa Intrams ngay-ong taon.

Bibitbitin na ng Col-lege of Home Science and Industry (CHSI) ang kanilang sariling bandila bilang ikawalong yunit na makikipagtunggalian sa 50th Intramural games sa CLSU ngayong araw hanggang Septyembre 7.

Pormal nang nahiwalay sa panig ng College of Engineering (CEn) ang CHSI makaraang mase-lyuhan ang mga inalatag na plano sa pulong na na-

Sa ginintuang yugto ng intramural games

GIRL POWER. Ang buong pwersa ng pamunuan ng bagong yunit na College of Home Science and Industry sa pangunguna ni dean Hilaria Cuaresma (gitna) kasama ang department faculties. (File photo of CHSI)

sundan sa Pahina 6 sundan sa Pahina 7

Page 2: Pre Intrams Issue - 2013

CLSU COLLEGIAN 2 Pre-Intrams Isyu 2013 Pre-Intrams Isyu 2013

Nasa pundasyon

CLSU Collegian

Kenneth F. Antolin: Editor-in-chief/ Layout artist | Van Alen N. Lumandas: Associate editor/ Layout artist | Karina Yvonne D. Pascua: Man-aging editor | Ellaine M. Aquino: Opinion editor | Paul John P. Villamor : Sports editor | Prince Jerson M. Senorin: News editor | Jessa M. Rarama: Feature editor | Julius Dinglasan: Staff writer | King Philip Britanico, Ramon Rarama, Areli Joy Esguerra, Albert Tolin,

Meryll Taroma, Charmie Manangan, Dana Mae Carbonel, Ammabelle Bazar, Ren-ren Echanez:Probationary staffers

Para sa komento at suhestiyon, magsadya lamang sa CLSU Collegian office, Student Union Building, CLSU Science City of Munoz, Nueva Ecija o bisitahin ang www. collegian.clsu.edu.

Sino-sino kaya ang magiging makabagong Ambo, Estong, Francing, at Dot?

Marahil nagtataka kayo kung sino ba ang mga iyan. Base sa Disyembre 1964 –Enero 1965 na isyu ng pahayagang ito, sila ang mga produkto ng 1964 Intramural Games ng CLSU. Sila ang nagtayo ng bandera ng unibersidad sa State Colleges Athlet-ics Association (SCAA) III na ngayo’y State Universities and Colleges (SUC) Olympics III.

Mayroong 50 taon na ang nakalilipas mula nang magsimula ang Intramural Games noong unang semester ng 1964. Kaya hindi malabo na magkaroon ng makabangong bersyon nila.

Ang binansagang Ambo o si Pablo dela Cruz ay umangat sa basketball. Siya ang kauna-unahang most valuable player sa ka-saysayan ng intramural. Si Estong naman o Pacifico Alejo ay nanalo sa 800m run at 1500m run sa 1964 SCAA. Ang nakilal-ang Francing o Francisca Olivar ay ang susi ng mga panalo ng CLSU sa larangan ng softball at volleyball na kung wala siya sa bawat laro ay siguradong matatalo ang CLSU. Hindi din nagpa-huli ang Thai na si Dot o Sadudee Laungaroom na soccer star player noong kanyang kapanahunan.

Ilan lamang sila sa mga personalidad na nag-ukit ng pangalan sa kauna-unahang intramural games ng CLSU. Habang huma-hakbang sa makabagong panahon ang palarong ito, nakalulung-kot isipin na tila alon sa karagatan ang standing ng CLSU sa SCUAA. Ano kaya ang posibleng dahilan nito?

Ang dike kapag mahina ang pundasyon ay madaling magigiba ang kabuuan. Madaling matangay ang itaas nito. Ganoon din sa isports. Kapag hindi natutukan ng maigi ang intramural game na nagsisilbing pundasyon ng pagkatuto ng mga atleta, siguradong mahina ang delegado sa mas matataas pang lebel ng palakasan.

Sina Ambo, Estong, Francing, at Dot ay ilan lamang sa mga manlalarong nahasa na ng panahon. Sila ang mga manlalarong pinagkagastuhan at sinoportahan ng ating unibersidad. Sila ang mga atletang sinunog sa apoy hanggang lumabas ang ginto sa kanila. Ang resulta? Karangalan sa ating unibersidad.

Ngayong 50th intramural games, malaki ang tyansang maka-hubog ang Institute of Sports, Physical Education and Recre-ation ng mga makabagong Ambo, Estong, Francing, at Dot. Kung lalo pa nilang susuportahan kaisa ng unibersidad ang mga atleta, hindi malayong madagdagan pa ang gintong mai-uuwi nila sa SUC IIIat National State Colleges and Universities Athletics Association (NSCUAA).

Baka nga sa pamamagitan nito, tuluyan ng putulin ng CLSU ang pising nagtatali ng kampeonato sa halos dalawang dekadang pagkakakabit nito sa ugnayan ng Bulacan State Uni-versity. Kung lalong mapag-uukulan ang suporta sa mga man-lalaro, baka sakaling mag-overall champion na ang region III sa NSCUAA.

Oo, naniniwala kami na ang 50th intramural games ang mag-sisilbing pintuan sa mga bagong yugto ng kasaysayan ng CLSU sa larangan ng isports. Ang intramural games na ito ang tatay-ong matibay na pundasyon ng CLSU sa hilera ng mga mandi-rigma nito na sasabak sa giyera ng mas matataas pang lebel ng palakasan. Nasa pundasyon ang solusyon sa mas marami pang ginto na makakamit ng CLSU.

OPINYON

Patnugutan ng unang semestre A.Y. 2013-2014

EDI T ORYAL

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Page 3: Pre Intrams Issue - 2013

OPINYONCLSU COLLEGIAN

3

UNDERSCOREDVan Alen Lumandas

09268451313

UNDERSCORED / Pahina 7

KJ

Pre-Intrams Isyu 2013

Ngayon ay ang simula ng CLSU 50th Intramural Games. Wika nga ng marami “golden anniversary” daw ng Intrams. Ito ay itinuturing na mahala-gang araw hindi lamang ng mga student athletes kung hindi maging lahat ng mga mag-aaral at guro sa pagka-katatag ng Intrams, limam-pung taon na ang nakalilipas dahil pinatutunayan nito ang patuloy pa ring nabubuhay ang spirit of sportsmanship sa ating pamantasan.

Ang tatlong araw ng kom-petisyon ng walong kolehi-yong mag-aagawan sa korona ay magsisilbing daan upang maipakita ng bawat isa na may ibubuga sila hindi lamang sa gawaing pang-akademiko kung hindi maging sa laran-gan ng isports. Nagbubuklod pa rin ang buong komunidad ng CLSU sa pagdiriwang at pakikiisa sa intrams—isa ka

mang atleta na maglalaro para sa karangalan ng iyong kolehi-yo, isang guro na magsisilbing coach ng team o isang simp-leng estudyante na manonood at magbibigay ng suporta sa iyong kaklase ,kaibigan o kasintahan na maglalaro.

Ngunit magagawa kaya ng mga estudyante na makapag-cheer sa kanilang mga kaklase gayundin sa mga atletang na-glalaro ngunit hindi makapag-concentrate sa kompetisyon sa kadahilanang sila ay may klase?

Nakatutuwang isipin na tila naging tradisyon na ng ilang mga guro sa CLSU ang magk-

lase sa kasagsagan ng Intrams na kung tutuusin ay magsisil-bing pahinga na ng ating mga pagod na estudyante mula sa mga academic-related ac-tivities. Sa kasamaang palad, mukhang mauulit na naman ang taun-taon nang kagana-pan dahil may mga estudyante na nagrereklamo dahil may pasok daw sila sa Intrams. Grabe naman po ma’am at sir, ang kill joy naman po ninyo.

Ikatuwiran man nilang make-up class ang pagpasok ng mga estudyante dahilan sa hindi pa nakapag-eexam o may mga araw na hindi na-

ROADRUNNERKenneth F. Antolin

09351750920

Tatlo. Tatlong bagay ang napansin ko ngayong 50th In-tramural Games.

Una, walo na ang yunit na maglalabanlaban. Nangan-gahulugan na balanse na ang bawat sagupaan. Masasala na talaga ang totoong magal-ing sa bawat events lalo na sa mga team events.

Samakatuwid nga, lubos nang matatawag na bilog ang bola.

Ikalawa, hiwalay na ng ko-ponan ang tambalang College

of Engineering at College of Home Science and Industry. Nakatutuwa ngunit tila isang hindi inaasahang pangyayari ito sa kasaysayan ng CLSU na sakto pang naitapat ang paghihiwalay sa ika-50 taon ng Intramural Games.

Patunay lamang ito na handa na ang nabansagang kolehiyo ng mga kababaihan na CHSI na kaya na nilang makipagsabayan sa ibang kolehiyo. Nakatutuwa pero hindi ko lubos maisip na puro ROADRUNNER / Pahina 9

Lahat panalo! kababaihang guro, 17 lahat, ang hahawak sa 960 estudy-ante ng naturang kolehiyo. Pero sabi nga nila, kung kaya ng lalaki, kaya din ng mga ba-bae. Isa nga itong magandang subaybayan!

Ikatlo, naibalik na sa mga guro ang pamamahala sa na-sabing patimpalak. Matatan-daan na inako ng mga estudy-ante ang responsibilidad sa pagpapatakbo ng palaro ni-tong nagdaang taon. Patunay lamang na hindi pa sapat ang kakayahan ng mga estudyante para pamahalaan ang ganito kalaking aktibidad ng uniber-sidad. Oo, malawak pa ang dako para sa pagkatuto. Hindi pa huli ang lahat.

3Ang konsepto ng talo ay na-mamalagi la-mang sa mga

taong hindi hi-naing ang ma-talo. Pero ang

totoo, lahat ng manlalaro ay

panalo.

Ngunit magagawa kaya ng mga estudyante na makapag-cheer sa kanilang mga kaklase ga-yundin sa mga atletang na-glalaro ngunit hindi makapag-concentrate sa kompetisyon sa kadahilan-ang sila ay may klase?

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Page 4: Pre Intrams Issue - 2013

OPINYONCLSU COLLEGIAN 4 Pre-Intrams Isyu 2013

Prince Jerson Señorin09267089978

Puso. This might be a very fa-miliar word especially if one had been watching the recent FIBA Asia games held at the MOA arena. Filipino fans cheered and shouted the word in every game Gilas played. Some even had the word written on banners which were projected on air. To sum it all up, their cries suggested that one should play the game with all thy heart. It is because, as oth-ers say, it would make them win the game.

At first I had a hard time speculating whether or not the assertion, “Play with all your heart,” is logical, for I thought games are only played through intellect and physical capabilities alone. But it all came clear as I contemplate on a women’s bas-ketball game which I’ve watched in the previous intramural. It’s as though a battle between Da-

Do you have the heart?

STRONGER

vid and Goliath—only that the former wasn’t fortunate enough to succeed that time. The win-ning team was composed of seasoned varsity players while the other was just a squad of starters. In the early phase of the game, anyone can easily sense despair in the faces of the losing team. Each of its play-ers already appears to have the idea of quitting, except for one who is very persistent. She was their team captain. As captain, she bears the team’s pride. I felt the burden on her shoulders as

I studied her in the court. She’s dead serious in picking up score for her team notwithstanding teases from the winning crowd shouting, “Uwian na.”Despite too much exhaustion, she des-perately continued to play. And all throughout the game she played without any substitution.

The team captain’s persever-ance to bring her team forward depicts a game played with all thy heart. Perseverance comes from the heart. The mere fact

TAKEDOWNPaul John Villamor

09057094781

Espesyal

TAKEDOWN / Pahina 9

Sa ika-50 taon ng Intramu-ral games, kailangang bawat punto ay maging espesyal.

Kabi-kabilaang mga tune-up at invitational games ang kinaugnayan ng ating mga manlalaro partikular na sa futsal,softball, volleyball, at basketball sa loob at labas ng unibersidad nitong mga nagdaang buwan at sa mga nakalipas na taon. Sa mabili-sang analisasyon, maganda at positibong hakbang ito sub-alit sa kritikal na pagsusuri, hindi ito balanseng aksyon. Mas mag-aalab ang ating kampanya sa nalalapit na re-

hiyunal na kompetisyon kung magiging mulat tayo at titin-dig na hindi lang pala ang mga nabanggit na laro ang dapat pagpursigihan na lapatan ng masusing treyning.

Sa pagsapit ng ginintuang taon ng Intrams sa CLSU, muli na namang mabibigyan ng oportunidad ang mga es-tudyanteng magpapamalas ng natatanging galing sa bawat laro na maikarga sa hukbo ng mga atleta ng ating uniber-sidad na makikipagbuno sa SUC-III Olympics. Kung ikaw ay magiging isa sa mga mapapasama sa mga dati-

hang varsity ng institusyon, yuon pa lamang ang magig-ing simula ng tunay na hamon sa pagbuhat ng iyong sarili sa pampalakasang larangan.

Isa sa mga agarang hamon na lilitaw ay ang istilo ng pag-sasanay ng mga varsity players at ikalawa ang team chemistry. Sa punto ng pagpapraktis ng mga datihang atleta, kung dati ay may sarili kang routine na isinasagawa, sa pagkakataon na magtetreyning ka na bi-lang varsity ng unibersidad ay marapat ka lang na mag-adapt sa nakagawian na nilang balangkas ng pag-eensayo. Ang mas mabigat naman na punto ay ang team chemistry. Ikaw bilang bagong salta ay tatayo bilang bagong sang-kap na magbibigay ng bagong timpla sa pagsasamahan ng

Kung dati ay may sarili kang

routine na isi-nasagawa, sa pagkakataon

na magtet-reyning ka na bilang varsity

ng unibersidad ay marapat

ka lang na mag-adapt sa

nakagawian na nilang bal-

angkas ng pag-eensayo.

It’s as though a battle between David and Goliath—only that the former wasn’t fortunate enough to suc-ceed that time.The winning team was com-posed of sea-soned varsity players while the other was just of a squad of start-ers.

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

STRONGER/ Pahina 6

Page 5: Pre Intrams Issue - 2013

Pre-Intrams Isyu 2013 LATHALAINCLSU COLLEGIAN 5

anibagong hamon muli ang dapat harapin ng CLSU.Paano mapananatili ng ating unibersidad ang nasimu-lang adhikaing,“ Close the Gap” laban sa nagtatanggol

na kampyeon kung ang natatanging indibidwal na pasimuno nito ay lilisanin pansamantala ang unibersidad patungo sa pag-abot ng kanyang pangarap?

Simula ng mailuklok sa posisyon bilang director ng Institute of Sports, Physical Education and Recreation (ISPEAR), ang mga sumunod na taon ni Jay C. Santos ang naging hudyat upang mapalakas pa ang diwa ng pagiging “Green Cobras” matapos umangat mula sa ika-walong pwesto noong 2010 sa State Colleges and Universities (SUC-III) Olympics paatun-gong ikalawang pwesto noong nakaraang taon.

“Not in my crazy mind na naisip ko na magiging director ako ng ISPEAR,”ito ang kauna-unahang pahayag ni Santos sa CLSU Collegian sa isang lathalaing isinapubliko noong 2011. Samantala, hindi rin inaasahan ang unti-unting paghakbang ng CLSU patungong kampyeonato laban sa mga kilalang uniber-sidad na nangunguna sa nasabing patimpalak.

Si Santos ay nagtapos ng Bachelor of Arts in Social Science (Major in Psychology) at ipinagpatuloy ang kanyang Master of Arts in Community and Social Psychology sa University of Massachusetts Lowell. Sa darating na Marso sa susunod na taon ay inaasahang kukuha siya ng Doctoral degree sa Sports and Exercise Psychology sa University of Queensland, Aus-tralia.

Ang kanyang Adbokasiya para sa CLSU“Gusto ko kasi yung fusion ng Sports at ng Psychology,”

ito ang kanyang saad kung bakit nais niyang ipagpatuloy ang pagdadagdag ng kaalaman. Habang siya ay nag-aaral sa ibang bansa, kumuha si Santos ng kanyang internship sa National Collegiate Athletic Association (NCAA), kung saan natutunan niya kung paano mas magiging epektibo ang mga sports devel-opment program para sa mga estudyante.

Naging inspirasyon niya ang Athletics Department ng Unit-ed States kung saan siya nag-aral sa loob ng isang taon. Lubos niyang pinagtuunan ng pansin ang operasyon at approaches ng nasabing departamento na naging basehan niya upang ilapat sa sistema ng pagpapalakas sa ating unibersidad.

Sa kanyang pamumuno, binigyang-diin niya ang kanyang ad-bokasiya sa pagiging holistic. Nararapat lamang na may kaala-man rin sa iba’t-ibang aspeto ang mga student athlete gaya na lamang sa akademiks, pampalakasan, personalidad, social de-velopment at sa career na kanilang pinili. Idinagdag din niya ang pagbibigay importansya sa komunidad.

Karanasang hindi malilimutanNang naging director ng ISPEAR, nalasap ng CLSU ang

Jay C. Santos at ang kampanyang “Closing the Gap”ni Karina Yvonne Pascua

P matamis na tagumpay nang makamit nito ang ikalawang pwes-to kasunod ng Bulacan State university noong nakaraang taon. Idagdag pa rito ang patuloy na paglago ng bilang ng gintong nakuha mula tatlo noong 2010 hanggang sa 46 noong 2012. Dahil dito, nagsilbing baseline ang numerong ito sa gintong medalyang dapat maagaw ng CLSU sa bawat koponan saSUC-III Olympics sa mga darating pang taon.

“Pwede nating sabihin na light years ‘yung steps natin at pwede nating sabihin magiging maganda yung improvement,”dagdag ni Santos.

Liban dito, nabigyan din ng pagkakataon na makakalap ng suporta ang Sports Development Program mula sa iba’t ibang organisayon gaya ng University Supreme Student Council, ang SCs ng mga kolehiyo at ang Alumni Association. Nadagdagan din ang mga sponsorships at naisama ang buong komunidad ng CLSU sa pagbibigay ng tulong.

Mga Aral na napulot bilang DirectorDalawa ang importanteng bagay na dapat bigyan ng suporta:

ang mga players, na kung saan ay hindi dapat tawaging players kundi student athletes; at ang mga coach.

“Kasi yung diploma mo, magagamit mo yun for the rest of your life. Kapag wala ka ng diploma, hindi mo pwedeng ipakita yung gold med- als mo, then sasabihin mong, pwede po ba akong magtrabaho dito?,”sabi ni Santos tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral. Idinagdag niya na ginagamit lamang na dahilan

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

sundan sa Pahina 7

Jay C. Santos

Page 6: Pre Intrams Issue - 2013

BALITACLSU COLLEGIAN 6

CUARESMA ...mula sa pahina 1

ni Julius Dinglasan

Post-Intrams Isyu 2012

Bilang paghahanda sa darating na University In-tramural games, isinagawa ng College of Veterinary Science and Medicine ang kanilang mini intrams sa University oval nitong Agosto 9.

Pinangunahan ng Veteri-nary Student Council (VSC)ang naturang aktibidad na dinaluhan ng mahigit kumu-lang 400 estudyante at mga guro ng kolehiyo.

Nakilahok din ang ilang mga student organization bilang suporta sa programa tulad ng Rodeo Club Philip-pines (RCP) at Tau Alpha Upsilon na tumayong facili-tator ng mga laro.

Sa pangunguna ng RCP, sama-samang tumakbo ang mga estudyante at guro mula CVSM hanggang sa

oval bago tumungo sa pag-sasagawa ng aktwal na mga laro.

Ayon sa VSC, ito ay hindi lamang panahon para magl-aban-laban ang bawat es-tudyante bagkus, panahon din ito upang magkasama-sama ang bawat magkaka-batch at makabuo ng bond-ing ang bawat isa sa CVSM.

“Masaya ang naging mini-intrams kahit may problema sa simula ay nag-ing masaya naman ang la-hat sa huli,” saad ni Jerico Binayug, VSC president. “Mahalaga pa ay nabuo ang bonding between batches in different year level.”

Idinagdag pa ni Binayug na sa palagay niya ay mada-ragdagan ang 6 na ginto na nasungkit ng kolehiyo

Post-Intrams Isyu 2012

unit,” wika ni Cuaresma.Ang CHSI ang ika-walong

Yunit at makikilala sila sa uniporme na may kulay na pinaghalong dark grey at pink.

(CODE), at The Educators sa nasabing taunang aktibidad.

Nag-aayos na rin ang University Hospital at ang kanilang mga empleyado, ga-yundin ang

mga miyembro ng Medical Team ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

Ayon kay Danilo Serrano, Supervisor ng Nursing De-partment, ang kanilang unang

paghahanda ay ang pagka-karoon ng first aid kit at ini-hahanda na rin nila ang mga ambulansya at ang mga para-medics na mula sa ROTC.

Tinanggap naman ng USF ang pagbabantay at pagpap-anatili ng kaayusan sa Intrams.

Magpapadala rin sila ng kanilang mga tauhan sa mga booth ng USSC bilang tugon sa

kahilingan ng USSC.“Ang request lang naman sa

amin, maintain peace and or-der. Magpapadala kami ng five personnel daily at may dalawa din na game supervisor mula sa amin. May mga magbaban-tay din sa mga booth request ng USSC,” wika ni SO3 Rog-elio Duldulao, USF Chief.

Naatasan naman ang mga miyembro ng Collegian, CODE, at Educators upang tumulong sa paglilikom ng mga iskor sa bawat isports.

SABI NILA

“CAS ang mananalo! Kasi maraming varsity, magiging exciting siguro ang labanan.” - Nerius, BSAB4

“Syempre ang mananalo yung college namin, magagaling kaya ang mga players namin, kasi for the first time college talaga naming ang irerepresent naming. Magiging Masaya ang darating na intrams.”

- Fernandez, BSCE2-3“Hindi ko alam siguro exciting kasi nadagdagan ng isang unit ang dating pitong units. Mananalo

syempre yung magagaling tsaka deserving at marunong sa salitang laro.”- Padilla, BSTGT3

“Mas mahigpit ang laban dahil nadagdagan ng isang team ang magkokompetensya para sa champi-onship. Go engineering pa rin ako.”

- BSAEN3-1“Sa nalalapit na intrams ng CLSU, inaasahan ang mahigpit na labanan lalo na’t walong units na ang maglalaban-laban para sa natatanging tropeyo at karangalang maihahatid sa kolehiyo. Pero syempre

sa huli, CE dang mananalo. Go Mighty Educ! Jojie Orpilla.”-BSED2-6

tinipon ni Jessa Rarama

CVSM handa na sa 50th intramural games

kanilang lakas sa mga estudy-ante na pursigidong lumaban bilang isang yunit.

“The clamor of students and faculty to make us as one unit strengthened our de-termination to stand as one

ISPEAR ...mula sa pahina 1

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

sundan sa Pahina 7

Tinanong namin ang mga estudyante kung sino ang tatanghaling golden intramural games champion?that she played seriously amidst the mocking crowd displays an act of courage. Courage that comes from the heart.

What the team captain has done is a proof of the crucial importance of putting thy heart in one’s game. It might not win you the game, but it might also actually help you win the game.

Intellect and physical capa-bility can fail especially when a difficult opponent comes along. However, putting thy heart in a game can somehow result into an unexpected outcome. Per-haps a miraculous victory, one would say.

STRONGER ...mula sa pahina 4

Page 7: Pre Intrams Issue - 2013

BALITACLSU COLLEGIAN 7

ni Prince Jerson Senorin

Post-Intrams Isyu 2012

Bagamat sa unang taon na pagkakatatag nito bilang Yunit VIII, positibo pa rin ang College of Home Science and Industry (CHSI) na hindi nito makukuha ang huling puwesto sa 50th intramural games.

“Positive thinker naman kami eh since, kahit baby pa

kami, siguro nasa 6th naman kami,” pahayag ni Ms. Jimili Lopez, athletic manager ng CHSI.

Matatandaan na sa mga na-kalipas na taon, nakakabit ang CHSI sa Yunit III na kinabib-ilangan din ng College of En-gineering (CEn).

Ang pagbukod nito mula sa

50th intrams ...mula sa pahina 1

ganap sa Office of the Vice President nitong Hulyo 2.

Balik coach na din ang mga faculty at staffs mata-pos ibaba ang partisipasyon ng mga estudyante na maaari na lamang italaga bilang assistant coaches o mas mababa pa sa nasabing posisyon sa bawat koponan na ilalahok ng walong kole-hiyo ngayong taon.

Samantala, ‘knockout system’ pa din ang ilalapat sa mga individual events gaya ng taekwondo, karate-do, lawn tennis, table tennis at badminton, na kung saan magkakaroon ng awtoma-tikong puwesto sa semi-finals ang dalawang finalists

noong nakaraang taon.Makapaglilista naman

na ng pantay na bilang ng mga kalahok sa bracket A at bracket B sa mga team events na matatandaan noong mga nagdaang intrams, ang defending champion nang partiku-lar na team competition ay makikipagduwelo sa dalawang kolehiyo sa isang bracket habang tatlo na-man ang kagitgitan ng runner-up base sa round-robin format.

Nakatakdang depen-sahan ngayong taon ng College of Arts and Sci-ences (CAS) ang titulo sa

CHSI ‘di pahuhuli sa Intramural gamesSa unang taon ng pagsasarili

Yunit III ay sanhi ng patuloy na paglago ng bilang ng mga estudyante nito.

Samantala, inaasahan ni Lopez na hindi lalabas na ta-lunan ang kanilang yunit dahil mayroon silang laban pagdat-ing sa basketball, baseball, at lalo na sa men’s futsal .

“We’ll be competitive na-

man,” saad ni Lopez.Sa naganap nitong mini in-

trams noong Hulyo 23, bigo ang nasabing yunit na maka-buo ng sapat na mga man-lalaro para sa sepak takraw at football.

sundan sa Pahina 8

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

sa gaganaping University In-trams dahil sa maganda ang kinalabasan ng aktibidad.

Naging daan din ito upang makapili ng mga atleta ang kolehiyo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng try-outs sa iba’t-ibang uri ng laro at ang mga mapipili ay siyang kaka-tawan sa kolehiyo sa para sa

University intramural games.Ayon kay Karlo Tawataw,

beteranong manlalaro ng Vet-Med sa University intrams ay malaki ang posibilidad na tu-maas ang puwesto ng CVSM dahil mas marami ang magag-aling na manlalaro ngayon na nagmula sa 2nd year at 3rd year at iginiit pa niya na mala-

mang na pumasok ang CVSM sa top 5.

Samantala, tinanghal na-man bilang Ms. Intrams big edition si Bernadeth Ramirez.

Nakuha naman ng batch Xantrons ang kampeonato sa mini-intams ng CVSM.

CVSM ...mula sa pahina 6

sundan sa Pahina 7

kapagklase dahil nagkasakit ang guro ay hindi makaturan-gan lalo pa at nagpalabas na ng memo ang ating VPAA na suspendido ang lahat ng klase upang makadalo ang lahat sa Intrams.

Nawa po ay masunod ang memo na ito at kung sakaling magkakaroon ka ng klase sa kasagsagan ng Intrams sana ay matapang mong sabihin na, “Mam/Sir bawal po yan!” at para sa ating mga minama-hal na mga guro, sana po ay hayaan naman po natin ang ating mga estudyante na ma-saksihan at mag-enjoy sa In-trams .

Huwag po sa tayong mag-ing KJ.

UNDERSCORED ... mula sa pahina 3

ang pagkakaroon ng talent sa isports upang makapag-aral. Isinusulong din niya ang pinaka-importanteng makuha ng bawat estudyante sa loob ng apat, ikalima o ika-anim na taon–ang kanyang diploma. Hindi dapat sinasamantala ang mga tao ang pagkakata-ong ito upang iwasan ang pag-aaral.

Maiiwang Pangarap para sa unibersidad

Apat na taon ang gugugu-lin ng Doctoral degree ng kasalukuyang director, isang henerasyon din itong mga es-tudyante.

“Gusto ko sanang mag-champion tayo. Pero ang real-istic kasi we’re still 2-3 years away,” sabi nito ukol sa kan-yang pangarap para sa mga student athlete at coaches subalit pinabulaan na ito ang agwat laban sa nagtatanggol na kampyeon. “Yun ‘yung agwat para makapag-com-pete tayo sa championship. Hindi porket nakakuha ng gold medal ‘yan sa palaro, huwag mong asahan na mag-cocontribute‘yan agad. Iba-yung college competition.”

Patuloy na development

JAY C. SANTOS ...mula sa pahina 5

sundan sa Pahina 10

STRONGER ...mula sa pahina 4

Page 8: Pre Intrams Issue - 2013

BALITACLSU COLLEGIAN 8 Post-Intrams Isyu 2012

CRITICAL POINT ... mula sa pahina 4

Nagsagawa ng Grand Try-out Day ang College of Edu-cation (CEd) nitong Agosto 2 upang piliin ang mga man-lalarong ilalahok sa 50th Uni-versity Intramurals ngayong araw hanggang Septyembre 7 .

Ang naturang try-out ay magsisilbing hakbang upang maiangat ang kartada ng kolehiyo at muling makuha ang kampeonato matapos ang pagbaba sa ikatlong puwesto noong nakaraang taon.

Nagpaabot din ng suporta ang mga mag-aaral at mga

faculty members sa mga napiling manlalaro na idada-gdag sa koponan ng kole-hiyo na lalahok sa nasabing taunang aktibidad ng insti-tusyon.

Ayon kay Ms. Hiyasmin Malicdem, adviser ng CEd student council ay maglalaan sila ng mga pangangailangan ng mga manlalaro tulad ng lugar at mga kagamitan na magagamit sa pag-eensayo.

Idinagdag pa nya na mag-sisilbing inspirasyon sa mga manlalaro ang ipinapakitang suporta ng kanilang kole-hiyo.

nina Meryll Taroma at Charmie Manangan

Inorganisa ng College of Business Administra-tion and Accountancy (CBAA) ang mini-intrams ng kanilang kolehiyo na gi-nanap sa University oval ni-tong July 26.

Pinamunuan ni Allan Paul Gabriel, president ng CBAA-SC ang naturang aktibidad na naglalayong makapili pa ng mga maaar-ing maging manlalaro ng kolehiyo sa darating na in-tramural games.

“Maganda ang activity kasi naachieve naman ang goal na mag enjoy ang lahat. Also, nakamit din naming ang objective na makapag select ng maaaring maging players ng kolehiyo para sa university intrams.” Ayon

kay Gabriel sa isang inter-view.

Balak naman ng CBAA na pataasin ang kanilang karta-da sa intrams mula sa ika-lima patungong ikaapat na puwesto kaya inagahan ng kolehiyo ang pagkakaroon ng try-outs bago pa man ang mini-intrams.

Kaugnay din nito, ayon kay Gabriel ay magsisilbing fun day ang mini-intrams dahil mas magkakaroon ng oportunidad ang lahat ng mga estudyante sa kanila na makilahok sa mga aktibidad.

Ayon din sa CBAA stu-dent council ay pumayag nang maging coach sa ibat-ibang mga laro ang mga guro upang masubaybayan ang kanilang mga atleta.

intrams matapos maidekla-rang pinakamagilas nang ika-49 na serye ng naturang palar-ong pang-kampus.

Itutuloy din ang pagpapatu-pad ng ‘modified medal sys-tem’, na ang yunit na maka-lilikom ng pinakamaraming bilang ng ginto ang tatanghal-ing over-all champion at ang bilang ng naisikwat na pilak at tanso ay gagamitin namang basehan kung sakaling pareho ang bilang ng gintong medalya ng dalawa o higit pang yunit.

Sa kabilang banda, ang na-

sabing pulong ng University Intramural Board (UIB) na nagtala ng mga iaakmang reg-ulasyon sa Intramural games 2013 ay dinaluhan nina Dr. Soledad M. Roguel, VPAA at chairman ng UIB; Mr. Jay C. Santos, direktor ng ISPEAR at Mr. Paul A. Cardenio, pangulo ng USSC bilang co-chairs; Ms. Melane F. Fer-nandez, chairman ng sports and recreation department na tumayong secretary; unit ath-letic managers at mga council presidents.

50th intrams ...mula sa pahina 7

CEd nagdaos ng GTD

Mga faculty oobligahin sa pagsubaybay ng mga laroni Prince Jerson Senorin

Sanhi ng ‘di-aktibong parti-sipasyon ng karamihan sa mga guro noong nakaraang 49th intramural games, oobligahin na ang mga ito na lumahok sa pamamagitan ng pagtatalaga sa kanilang muli sa coaching.

Ayon sa direktor ng In-stitute of Sports, Physical Education and Recreation (ISPEAR) na si Mr. Jay San-tos, maraming estudyante ang umalma sa takbo ng nakara-ang intramural games sapag-

kat hindi nila umano naram-daman ang suporta ng mga guro.

Bagamat ang nakaraang intramural games ay pinan-gasiwaan ng mga estudyante, mayroon pa rin umanong kasunduan na gagabayan ng mga guro ang mga ito sa kanilang mga hakbangin.

“Ang magli-lead ay yung es-tudyante pero hindi iiwanan nung faculty,” saad ni Santos ukol sa sistema ng nakaraang intramural.

Idinagdag pa niya na ang darating na 50th intramural games ay nasa pamamahala pa rin ng mga estudyante, maliban na lamang sa coach-

ing.“Student led pa rin siya da-

hil student activity naman ito eh. Pero in terms of coach-ing, ang magko-coach yung mga faculty na,” ani Santos.

Samantala, hinikayat naman niya ang mga manlalaro na ibuhos ang lahat ng kanilang makakaya sa darating na gin-tong anibersaryo ng intramu-ral games.

“Ngayon yung golden edi-tion kaya historic kaya ako ine-encourage ko ang lahat ng players na to give it all kasi minsan lang na sasabihin mo, ‘We are the golden intramu-rals champion’,“ pahayag ni Santos.

CBAA nagsagawa ng mini-intrams

ni Julius Dinglasan

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Page 9: Pre Intrams Issue - 2013

Rampage ni Ramon Rarama

MAKE MY DAY ni Christopher Narne

Bayad-Utang ni Ren-ren Echanez

Snatser ni Ren-ren Echanez

Hulog ng langit ni Ren-ren Echanez

KOMIKS

“No classes will be held. I-report sa akin ang pangalan ng faculty and subject ng sinumang magkaklase during the 50th Intramural Games.”

-- Dr. Soledad Roguel, Vice President for Academic Affairs.

Para sa inyong kabatiran

CEd nagdaos ng GTD

Page 10: Pre Intrams Issue - 2013

BALITACLSU COLLEGIAN 9 Post-Intrams Isyu 2012 www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

nina Ammabelle Bazar at Dana CarbonelNagsagawa ng mini-in-

tams ang College of Fish-eries (CF) nitong Agosto 15 bilang preparasyon at upang pataasin ang kanilang kartada sa 50th University Intramural

Fisheries nagdaos ng mini-intrams

games ngayong araw hang-gang Septyembre 7.

Sinungkit ng white team ang kampeonato matapos ang magilas na kampanya partiku-lar na sa table tennis, basket-ball at volleyball.

Makaraang mamayani ay ir-erepresenta ng naturang kulay ang mga sasabak na manlala-ro sa taunang intrams.

Hindi rin naman nagpatalo ang yellow team na nilikuran ang white team buhat sa apat

na koponan.Kabilang sa mga larong

pinaglaban-labanan ay table tennis, basketball, volley-ball, futsal, sepak takraw, badminton, chess, track and field, at lawn tennis.

ang nais mangyari ni Santos sa mga susunod pang taon para sa mga natitirang atleta mula una hanggang ikalimang taon nila sa pag-aaral sa kolehiyo. Sa patuloy na pagpupursige ng bawat student athlete at patnubay ng kanilang coaches, hindi na maitatanggi na ang dalawa hanggang ikatlong taon para ma-karating muli sa championship ay mararamdaman nang bawat kabilang sa patimpalak na ito.

Matatandaan na noong 2010, nagkamit ng tatlong gintong medalya ang CLSU at mahigit 200 ang BulSU. Sa pagsapit ng 2011, nakuhaang 31 ginto samantalang 136 ang sa kampyeon. Lamang ng 105 medalya upang maungusan. At sa nakaraang taon, 46 na ginto ang nasungkit ng unibersidad laban sa 121 na gintong medalya ng BulSU. Ang agwat ay nahulog sa 75 gintong medalya. Ang adhikaing bawasan pa ang lamang hang-gang 40 na ginto ay malaking tulong na sapagkat tatlo hang-gang apat na events lamang iyon.

Ang HamonAng hudyat ng pag-alis ay hindi nangangahulugang habang-

buhay na pagkakawala. Sa apat na taong kawalan ng presensya ni Santos, kailangang tumbasan nito ang kontrata na return-service na dalawang taon sa bawat taon na mawawala dahil sa-pag-aaral. Kumbaga, may pitong taon pa siyang dapat gugulin sa CLSU matapos makapag-aral sa Australia.

Malaki ang naging kontribusyon niya sa pag-angat ng pwesto ng CLSU sa mga patimpalak ng palakasan sa loob ng dalawang taong termino. Sa desisyong paglisan sa susunod na taon sa pagkalap ng mas maraming kaalaman, isa itong hamon hindi lamang sa maitatalagang bagong director, sa student athletes at coaches. Ito ay pagsubok para sa lahat ng tao sa CLSU.

“Kahit wala kang kinalaman sa sports, basta kapag taga-CLSU ka, kapag may achievement ‘yung team natin, you can count in,”saad niya tungkol sa pagiging kalahok ng bawat indi-bidwal saunibersidad.

Tangan ng bawat estudyante at ng mga guro ang pangalan ng CLSU. Ang anumang tagumpay ay makakamit lamang sa pama-magitan ng patuloy na pagbuhos ng suporta mula sa mga ito at sa mga organisasyong naghahangad na magbigay ng suporta, sa labas man o loob ng komunidad.

Sino pa nga ba ang magtutulungan sa pagkamit ng unang parangalkundi ang mga taga-CLSU rin lang?

JAY C. SANTOS ...mula sa pahina 7

Ang taong ito ay ang simula ng pag-uukit ng bagong nara-ting ng CLSU sa larangan ng isports. Pansamantala muna nating iwaglit ang mga isyung nakapaloob sa tatlong bagay na inilahad ko. Hindi biro ang 50 taon na sakripisyo ng mga nagdaang pamumuno dito sa unibersidad. Nakatutuwa da-hil napreserba ang pagsasaga-wa nito sa loob ng 50 taon. Nakagagalak dahil isa tayo sa magiging bahagi ng tagpong ito.

Bagama’t hindi maaalis ang sakitan, hinanakit, hidwaan, o anupamang hindi magandang naidudulot ng tunggalian, lagi nating isipin na walang talo sa lahat ng labanan kung ginawa mo naman ang lahat ng iyong makakaya. Ang konsepto ng talo ay namamalagi lamang sa mga taong hindi hanaing ma-talo. Pero ang totoo, lahat ng manlalaro ay panalo.

ROADRUNNER ... mula sa pahina 3

mga natirang players. Tunay na makatutulong sa pagpa-paganda ng samahan ng ko-ponan ang pagsabak sa ma-dalasang pag-eensayo dahil buhat dito ay mapag-aaralan at maibabahagi nila ang kani-kanilang mga galing, ngunit sa takbo ng pampalakasang torneo sa gitnang Luzon,

hindi sapat na kayo-kayo na lamang ang magsusukatan. Sa mga nagdaang taon nga ay lumahok at nag-organisa ang ating unibersidad ng mga tune-up games sa tulong at kooperasiyon na din ng iba’t-ibang pamantasan. Dahil dito ay naluklok tayo sa hanay ng mga pinakamatitikas na State Universities and Colleges sa Region III sa larangan ng is-ports. Samantala, kahit pa nasa ikalawang puwesto tayo sa ating rehiyon ay pikit-mata pa rin tayo sa mga laro na hin-di nabigyan ng mga tune-ups. Ito na lamang din ang buhay na patunay na hindi balanse ang pagtutuon ng pansin sa bawat laro dito sa CLSU kung kaya’t dose-dosenang ginto pa rin ang agwat sa atin ng Bulacan State Univesity, ang ilang dekada nang hari sa SUC III Olympics..

Mapagsikapan lang ng mga responsableng awto-ridad na mabigyan ng balan-seng uri ng pag-eensayo ang bawat laro na para na rin sa kapakanan ng bagong tipak ng mga atleta ay di malayong mas makinis ang kartadang iuukit natin sa mga darating na paligsahan. Ngayon ay espesyal na taon, gawin din nating espesyal ang paghakot ng ginto sa mga sasabakang kompetisyon.

TAKEDOWN ... mula sa pahina 3