Mga Susing Pangungusap para sa 2021 International Chinese ...
Transcript of Mga Susing Pangungusap para sa 2021 International Chinese ...
© 2021 Living Stream Ministry
Mga Susing Pangungusap para sa 2021 International Chinese-speaking Conference
Dapat tayong lumakad sa daan ng buhay
upang mamuhay sa pamamagitan ng puno ng buhay ayon sa espiritu,
hindi sa daan ng kamatayan upang mamuhay sa pamamagitan ng puno ng kaalaman
ng tama at mali ayon sa sarili.
Ang organikong pangsyon ng ekklesia ay para sa pagtatayo ng ekklesia
bilang ang organikong Katawan ni Kristo, ang kapuspusan ng Isa na pumupuspos ng lahat sa lahat.
Kailangan nating tumulad sa apostol upang dalhin ang mga ekklesia-lokal
tungo sa salamuha ng Katawan ni Kristo at sumunod sa mga yapak ng apostol
upang dalhin ang lahat ng banal tungo sa buhay-paghahalo ng buong Katawan ni Kristo.
Ang napakahalagang punto ng pagtuturo ng mga apostol ay hinggil sa
Tres-unong Diyos na naproseso upang ipamahagi ang Kanyang sarili
bilang nagpapaloob ng lahat na Espiritung nagbibigay-buhay
tungo sa Kanyang mga pinili nang sa gayo’y madala sila
tungo sa organikong pakikipag-isa upang matanggap ang dibinong pagsasalin
at sa gayon ay maging mga anak ng Diyos at mga sangkap ni Kristo;
bilang resulta, sila ay nagiging Katawan ni Kristo upang ihayag si Kristo.
Mga Balangkas ng mga Mensahe
para sa International Chinese-speaking Conference
Pebrero 13-14, 2021
PANGKALAHATANG PAKSA:
ANG INTRINSIKO AT ORGANIKONG PAGTATAYO
NG EKKLESIA BILANG KATAWAN NI KRISTO
Mensahe Isa
Ang Intrinsikong Esensiya ng Ekklesia para sa Organikong Pag-iral Nito
Babasahin sa Kasulatan: 1 Juan 1:2; Juan 1:12-13; 3:29-30; 12:24; Gen. 2:21-23; 1 Cor. 12:12, 28
I. Ang intrinsikong esensiya ng ekklesia ay ang dibinong buhay, na nagbubunga ng ekklesia—1
Juan 1:2; 5:1:
A. Ang intrinsikong esensiya ng ekklesia ay ang dibinong buhay, ang di-nasisirang buhay, na
ipinamahagi ng naprosesong Tres-unong Diyos tungo sa loob natin at ngayon ay ipinamamahagi
tungo sa loob natin; ang dibinong buhay na ito sa katunayan ay ang naproseso at namamahagi-
ngayon na Tres-unong Diyos—Juan 14:6; 10:10b; 1 Cor. 15:45b; Roma 8:2, 10, 6, 11; 2 Cor. 5:4:
1. Ibinubunga tayo ng dibinong buhay sa pamamagitan ng pagsisilang na muli ng Espiritu sa
loob ng ating espiritu; ipinapanganak ng dibinong Espiritu ang pantaong espiritu, at ang
dalawang espiritung ito ay pinaghalo bilang isa—Juan 3:3, 5-6; Roma 8:16; 1 Cor. 6:17.
2. Nang tayo ay naisilang na muli, tayo ay ginawang mga anak ng Diyos bilang ang kasintahang
babae ni Kristo, na Kasintahang Lalaki, para sa Kanyang paglaki, gaya ng isinagisag ni Eva
bilang ang kapareha ni Adam—Juan 1:12-13; 3:29-30; Gen. 2:21-23:
a. Bago umiral si Eva, siya ay isang tadyang ni Adam, isang bahagi ni Adam; ayon sa pahayag
na ito, masasabi natin na bago umiral ang ekklesia, siya ay isang bahagi ni Kristo; kung
paanong ang mga sangkap ng ating pisikal na katawan ay mga bahagi natin, ang mga
sangkap ni Kristo ay mga bahagi ni Kristo—bb. 21-23; Efe. 1:3-6; 1 Cor. 12:12; Roma 12:5;
cf. Gawa 9:5.
b. Kung paanong ang tadyang ni Adam ay namahagi ng buhay tungo kay Eva upang gawin
siyang kapareha ni Adam, gayundin ang walang hanggan, dibino, di-nasisirang buhay ni
Kristo ay namamahagi ng buhay tungo sa loob natin upang gawin tayong kapareha
Niya—Gen. 2:22; Heb. 7:16; 1 Cor. 15:45b; Roma 8:2.
B. Si Kristo ay naging ang intrinsikong esensiya ng ekklesia sa pamamagitan ng pagpapalaya ng
dibinong buhay sa pamamagitan ni Kristo bilang ang isang butil ng trigo na nahulog sa lupa at
namatay doon para sa Kanyang pagpaparami—Juan 12:24; Luc. 12:49-50.
C. Si Kristo ay naging ang intrinsikong esensiya ng ekklesia sa pamamagitan ng pamamahagi ng
Kanyang dibinong buhay bilang ang panganay na Anak ng Diyos sa Kanyang pagkabuhay na muli,
upang ang Diyos ay magtaglay ng maraming anak bilang ang maraming kapatid ni Kristo—1 Ped.
1:3; Roma 8:29; Heb. 2:11-12.
D. Ang maraming kapatid ni Kristo ay ang Kanyang maraming sanga na nakahugpong sa Kanya, ang
totoong puno ng ubas sa sansinukob, upang magbunga ng marami para sa Kanyang pagpapalaki
sa Kanyang paglaganap upang maihayag nila ang Tres-unong Diyos bilang ang Kanyang organismo;
kapag ang mga sanga ng puno ng ubas ay tumatanggap ng sapat na tustos ng Espiritung nagbibigay-
buhay bilang ang katas ng buhay ni Kristo, sila ay mamumunga bilang ang pag-apaw ng tustos ng
panloob na buhay—Juan 15:1, 4-5, 16, 8; Roma 11:17, 24.
E. Ang organismong ito ng Tres-unong Diyos ay ang organikong Katawan ni Kristo, binubuo ng
Kanyang maraming kapatid bilang ang maraming sangkap ng Kanyang organikong Katawan—
Efe. 1:22-23; Roma 12:5.
II. Kailangan nating makita at maranasan ang organikong pag-iral ng ekklesia—Efe. 1:17:
A. Ang ekklesia ay umiiral sa sansinukob bilang ang isang pansansinukob na ekklesia ng Diyos para
sa Kanyang pansasinukob na kahayagan, ang kapuspusan ng Diyos—1 Cor. 10:32; 12:28; Efe.
3:19b.
B. Ang ekklesia ay lumalaganap sa maraming lokalidad sa lupa bilang ang maraming ekklesia-lokal
upang maging ang Kanyang mga lokal na kahayagan—Apoc. 1:4, 11:
1. Sa 1 Corinto 12:28 inilagay ni Pablo ang mga apostol (na pansansinukob), mga propeta at mga
guro (na kapwa pansansinukob at panlokal), at ang mga diyakono at mga matanda (na
panlokal) nang magkakasama; nangangahulugan ito na ang salitang ekklesia sa bersikulong
ito ay nagpapahiwatig ng pansansinukob na ekklesia at lahat ng ekklesia-lokal.
2. Sa mga mata ng Diyos ang pansansinukob na ekklesia at lahat ng ekklesia-lokal ay “ang
ekklesia” lamang; ang naproseso at namamahagi-ngayon na Tres-unong Diyos ay isa, at Siya
ang pinakaesensiya ng ekklesia; samakatwid, ang ekklesiang ito, kapwa sa pansansinukob at
panlokal na aspekto nito, ay isang ekklesia.
C. Kapag bumabalik tayo sa intrinsikong esensiya ng ekklesia para sa organikong pag-iral nito,
hindi tayo magsasalita nang mali hinggil sa maling pagtuturo na ang mga ekklesia-lokal ay
maaaring maging iba sa isa’t isa; lahat ng ekklesia ay ang namumukod-tangi at isang organismo
ng naproseso at namamahaging Tres-unong Diyos.
D. Ayon sa mga Kasulatan, ang praktikal, pitong ulit na pagkakaisa ay upang tayo ay maging (1) isa
sa pagtuturo (1 Cor. 4:17; 7:17; 16:1; Gawa 2:42; Roma 16:17; 1 Tim. 1:3-4; 6:3; Efe. 4:13-14),
(2) isa sa pagsasagawa (1 Cor. 11:16; 14:33b-34), (3) isa sa pag-iisip (Fil. 2:2, 5-8; 4:2; 1 Cor.
1:10), (4) isa sa pagsasalita (Roma 15:6; 1 Cor. 1:10), at (5, 6, & 7) isa sa esensiya, anyo, at
kahayagan (Apoc. 1:11-12).
III. Dapat tayong patuloy na mag-ensayo ng ating espiritu (1 Tim. 4:7) at ibaling ang ating puso sa
Panginoon (2 Cor. 3:16-18) upang mapanatili sa daan ng buhay sa realidad ng intrinsikong
esensiya ng ekklesia para sa organikong pag-iral nito:
A. Dapat tayong lumakad sa daan ng buhay upang mamuhay sa pamamagitan ng puno ng buhay
ayon sa espiritu, hindi sa daan ng kamatayan upang mamuhay sa pamamagitan ng puno ng
kaalaman ng tama at mali ayon sa sarili—Gen. 2:9; Roma 8:4, 6; 2 Cor. 2:13; Mat. 16:24.
B. Tayo ay nananatili sa daan ng buhay sa pamamagitan ng pag-ibig sa Panginoon sa sukdulan; ang
manampalataya sa Panginoon ay ang tanggapin Siya bilang buhay; ang ibigin ang Panginoon ay
ang tamasahin Siya bilang buhay—Marc. 12:30; A. A. 1:4a.
C. Ang pag-ibig sa pagitan natin at ng Panginoon ay nakasalalay sa ating mga pag-iisip:
1. Sa 2 Corinto 11:2 ay sinasabi ni Pablo na ipinagkatipan niya tayo sa isang asawang lalaki
upang iharap tayo bilang isang dalagang dalisay kay Kristo na may isang wastong pag-ibig
tungo sa Kanya upang matamasa Siya; pagkatapos sa bersikulo 3 ay sinasabi sa atin ni Pablo
na posible para sa ating mga pag-iisip na mapasama mula sa kapayakan at kadalisayan tungo
kay Kristo.
2. Ang mga sumusunod na sintomas ng mga suliranin sa mga pag-iisip ng tao ay mga hadlang
lahat sa pagtatamasa kay Kristo bilang buhay:
a. Ang unang sintomas ng mga suliranin sa mga pag-iisip ng tao ay ang pagkakaroon ng mga
tumigas na kaisipan—3:14.
b. Ang ikalawang sintomas ng mga suliranin sa mga pag-iisip ng tao ay ang pagiging binulag ni
Satanas—4:4.
c. Ang ikatlong sintomas ng mga suliranin ng mga pag-iisip ng tao ay pagrerebelde—10:4-
5.
d. Ang ikaapat na sintomas ng mga suliranin sa mga pag-iisip ng tao ay ang pagiging
napasama—11:3.
3. Dapat tayong manalangin ng “O Panginoon, saliksikin Mo ang aking mga pag-iisip, at iligtas Mo
ang aking mga pag-iisip upang maituon ang mga ito tangi at lubusan sa Iyo”—Roma 8:6; Awit
139:23-24.
© 2021 Living Stream Ministry
4. Ang tamasahin si Kristo bilang ang intrinsikong esensiya ng ekklesia, dapat tayong magtaglay
ng nag-aalab na pag-ibig tungo sa Kanya sa pamamagitan ng pagbibigay sa Kanya ng unang
puwesto sa lahat ng bagay—Apoc. 2:4-5, 7; Col. 1:18b; Roma 12:11; 2 Tim. 1:6-7.
D. Nawa ay patuloy tayong makatanggap ng mahabaging kaawaan ng ating Diyos (Heb. 4:16; Luc.
1:78-79) upang tayo ay makapanatili sa daan ng buhay, ang linya ng buhay, at sa pagmimintina
ng buhay sa pamamagitan ng pagtatamasa kay Kristo bilang ang puno ng buhay sa daloy ng
buhay para sa pagtatayo ng Diyos sa buhay sa pamamagitan ng ating paglago sa buhay; ito ay
upang tayo ay mapanatili sa intrinsikong esensiya ng ekklesia para sa organikong pag-iral nito
(Gen. 2:9; Apoc. 22:1-2; Roma 8:6; Efe. 4:15-16; Col. 2:19; Juan 6:57, 63; 7:38-39; 20:22).
Mensahe Dalawa
Ang Intrinsikong Paglago ng Ekklesia para sa Organikong Paglaki Nito
Babasahin sa Kasulatan: Col. 2:19; Efe. 4:13, 15-16; 1 Cor. 3:6-7; 12:12; Juan 3:29-30a, 34
I. Ang intrinsikong paglago, ang organikong paglago, ng ekklesia ay ang paglago sa loob ng
dibinong buhay, na siyang ang naproseso at namamahaging Tres-unong Diyos—Efe. 4:15-16;
3:16-17; 2 Cor. 13:14:
A. Ang ekklesia ay lumalago sa loob ng buhay na ito, pinalalago ng buhay na ito, kasama ang buhay
na ito, at sa pamamagitan ng buhay na ito; tayo ay ipinanganak ng dibinong buhay, na siyang
ang Diyos Mismo, at ngayon ay sinasanhi tayo ng Diyos na lumago—Juan 1:12-13; 1 Cor.
3:6c.
B. Binabanggit ng Colosas 2:19 ang paglago ng Katawan, na siyang ang paglago ng Diyos sa loob
natin:
1. Ang lumago ay ang maidagdag si Kristo tungo sa loob natin—1 Cor. 3:6-7; Gal. 4:19.
2. Ang paglago ng Katawan ay nakadepende sa kung ano ang magmumula kay Kristo bilang
Ulo—Efe. 4:15-16:
a. Kapag ang Katawan ay natutustusan sa pamamagitan ng pagtangan sa Ulo, ang
Katawan ay lumalago sa paglago ng Diyos—Col. 2:19.
b. Ang Katawan ay lumalago mula sa Ulo, sapagkat ang lahat ng tustos ay nagmumula
sa Ulo—Efe. 4:15-16.
3. Ang paglago ng Katawan ay nakadepende sa paglago ng Diyos, ang pagdaragdag ng
Diyos, ang paglaki ng Diyos, sa loob natin—Col. 2:19:
a. Ang Diyos ay hindi lumalago sa Kanyang sarili, sapagkat Siya ay kumpleto at
perpekto; Siya ay lumalago sa loob natin.
b. Ang Diyos ay nagbibigay ng paglago sa pamamagitan ng pagbibigay ng Kanyang sarili
sa atin sa isang subhektibong paraan.
c. Lalong naidadagdag ang Diyos tungo sa loob natin, lalong paglago ang ibinibigay
Niya sa atin; ganito ang paraan kung paano ibinibigay ng Diyos sa atin ang paglago—
1 Cor. 3:6-7.
d. Tanging ang Diyos ang makapagbibigay ng paglago; tanging ang Diyos ang
makapagbibigay ng Kanyang sarili sa atin, at kung wala Siya ay hindi tayo
magkakaroon ng paglago—bb. 6-7:
(1) Ang pagdagdag ng Diyos tungo sa loob natin ay ang paglagong ibinibigay Niya.
(2) Ang bigyan tayo ng Diyos ng paglago ay nangangahulugan sa katunayan na
ibinibigay Niya ang Kanyang sarili sa atin—Roma 8:11.
(3) Ang ibigay sa atin ng Diyos ang paglago sa buhay ay nangangahulugang Siya ay
lumalaki sa loob natin.
4. Kung gaano kalaki ang paglago ng Diyos sa loob natin ay nakadepende sa kung gaano
kalaking puwang ang ibibigay natin sa Kanya upang lumago—Efe. 3:17a; Col. 3:16:
a. Kapag binibigyan natin ang Diyos ng puwang sa loob natin, Siya ay lumalawak at
lumalaki sa loob natin; ang paglaking ito ay ang Kanyang paglago sa loob natin.
b. Ang paglago ng Diyos sa loob natin ay nagiging paglago natin sapagkat Siya at tayo
ay iisa—1 Cor. 6:17.
5. Ang paglago ng ekklesia bilang Katawan ni Kristo ay ang paglago ng Diyos sa ekklesia—
Col. 2:19.
C. Ang ekklesia ay lumalago hanggang ito ay humantong sa paggulang—“[ang] sukat ng
pangangatawan ng kapuspusan ni Kristo”—Efe. 4:13:
1. Si Kristo ay may kapuspusan, ang kapuspusan ay may pangangatawan, at ang
pangangatawan ay may isang sukat.
2. Ang Katawan ni Kristo ay ang Kanyang kapuspusan, ang Kanyang kahayagan—1:23:
a. Si Kristo, na siyang ang walang hangganang Diyos na walang anumang limitasyon,
ay napakadakila na Kanyang pinupuspos ang lahat ng bagay sa loob ng lahat ng bagay.
b. Ang gayong dakilang Kristo ay nangangailangan ng ekklesia upang maging Kanyang
kapuspusan para sa Kanyang kumpletong kahayagan—bb. 22-23.
c. Sa pamamagitan ng pagtatamasa sa kayamanan ni Kristo (3:8), tayo ay nagiging ang
Kanyang kapuspusan para sa Kanyang kumpletong kahayagan.
3. Ang kapuspusan ni Kristo, na Kanyang Katawan, ay may pangangatawan; ang
pangangatawan ng kapuspusan ni Kristo ay ang pangangatawan ng Katawan ni Kristo—4:13;
1:23.
4. Ang kapuspusan ni Kristo ay may pangangatawan, at ang pangangatawang ito ay may
sukat—4:13:
a. Dahil ang pangangatawan ng ekklesia, ang Katawan ni Kristo, ay lumalago,
binabanggit ni Pablo ang pangangatawan nito; ang sukat nito ay ang ganap na
lumagong tao—b. 13.
b. Tayo ay nasa daan patungo sa isang ganap na lumagong tao, patungo sa sukat ng
pangangatawan ng kapuspusan ni Kristo:
(1) Ang magtaglay ng sukat na pangangatawan ng kapuspusan ni Kristo ay hindi
isang bagay para sa mga indibiduwal; ito ay isang bagay ng sama-samang
Katawan.
(2) Habang si Kristo ay lumalago sa loob natin, tayo ay dahan-dahang makararating
sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Kristo.
(3) Kailangan nating magpatuloy hanggang sa makarating tayong lahat sa sukat ng
pangangatawan ng kapuspusan ni Kristo; ito ang ating gol, at dapat tayong
masigasig na magpatuloy patungo rito hanggang sa lahat tayo ay sama-samang
makarating dito—Fil. 3:12-14.
II. Ang organikong paglaki ng ekklesia ay ang paglaki ni Kristo sa Kanyang organikong Katawan
bilang Kanyang kasintahang babae—Juan 3:29-30a:
A. Ang kapuspusan ni Kristo ay ang Kanyang Katawan, at ang Katawan ni Kristo ay ang
Kanyang kapareha, ang Kanyang kasintahang babae—Efe. 4:12-13, 16; 5:25-27.
B. “Ang nagtataglay sa kasintahang babae ay ang kasintahang lalaki….Kinakailangan Siyang
maragdagan”—Juan 3:29-30a:
1. Ang pagdaragdag sa Juan 3:30a ay ang kasintahang babae sa bersikulo 29, at ang
kasintahang babae ay ang binubuo ng lahat ng naisilang na muling tao.
2. Ang pagkasilang na muli ay hindi lamang nagdadala ng dibinong buhay tungo sa loob ng
mga mananampalataya, bagkus ginagawa din silang ang sama-samang kasintahang babae
para sa paglaki ni Kristo—3:3, 5-6, 29-30a.
3. Si Kristo ay lumalaki sa pamamagitan ng pagsisilang na muli sa mga tinubos na
makasalanan, ginagawa silang Kanyang kasintahang babae—b. 29.
C. Inihahayag ng kapitulo 3 ng Ebanghelyo ni Juan ang lumalaking Kristo, ang Isa na nagsasalita
ng mga salita ng Diyos at nagbibigay ng Espiritu nang walang sukat—b. 34:
1. Kapag ang isang tao ay tumatanggap ng Kanyang mga salita, ang Espiritu ay sumusunod
upang maging realidad ng kung ano ang isinalita.
2. Pinalalaki ni Kristo ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsasalita ng salita ng Diyos
upang ipalaganap ang Diyos at sa pamamagitan ng pagbibigay ng Espiritu ng Diyos upang
maging realidad ng kung ano ang sinalita Niya upang maipamahagi ang buhay na walang
© 2021 Living Stream Ministry
hanggan tungo sa loob ng mga tao, ginagawa silang mga anak ng Diyos upang maging ang
paglaki ni Kristo; ito ang paraan kung paanong si Kristo ay nagiging ang lumalaking
Kristo—6:63; 3:30a, 34.
D. Ang paglaki ni Kristo ay ang multiplikasyon at pagpaparami ni Kristo; ang naisilang na muling
bahagi ng ating katauhan ay isang bahagi ng paglaki ni Kristo, ang Kanyang kasintahang
babae—b. 6.
E. Ang kasintahang babae bilang ang paglaki ni Kristo ay si Kristo Mismo sapagkat ang Katawan
ni Kristo—“ang Kristo” (1 Cor. 12:12)—ay ang sama-samang Kristo, binubuo ni Kristo bilang
Ulo at ng ekklesia bilang Kanyang Katawan kasama ang lahat ng mananampalataya bilang
mga sangkap.
Mensahe Tatlo
Ang Intrinsikong Pagtatayo ng Ekklesia para sa Organikong Pangsyon Nito
Babasahin sa Kasulatan: Efe. 4:11-16; Roma 12:4-8; 1 Cor. 12:4-11, 28
I. Ang intrinsikong pagtatayo ng ekklesia ay sa pamamagitan ng lahat ng napasakdal na sangkap
ng Katawan ni Kristo—Efe. 4:11-16:
A. Si Kristo, ang umakyat sa langit na Ulo, ay nagbigay ng mga kaloob—ang mga apostol, mga
propeta, mga ebanghelista, at mga pastol at mga tagapagturo—para sa pagpapasakdal ng mga
banal sa mga ekklesia-lokal—bb. 11-12; 1 Cor. 12:28; Gawa 13:1.
B. Ang pagpapasakdal ng mga banal ay “tungo sa gawain ng ministeryo, tungo sa ikatatayo ng
Katawan ni Kristo”—Efe. 4:12:
1. Ang salitang tungo sa Efeso 4:12 ay nangangahulugang “nagreresulta sa,” “para sa layunin
ng,” o “nang may pananaw sa.”
2. Ang maraming may kaloob na tao ay mayroon lamang isang ministeryo, yaon ay, ang
ihain si Kristo para sa pagtatayo ng Katawan ni Kristo, ang ekklesia; ito ang namumukod-
tanging ministeryo sa Bagong Tipang ekonomiya—2 Cor. 4:1; 1 Tim. 1:12.
3. Ayon sa gramatikong pagkakabuo ng Efeso 4:12, ang pagtatayo ng Katawan ni Kristo ay
ang gawain ng ministeryo:
a. Anuman ang ginagawa ng mga may kaloob na tao bilang gawain ng ministeryo ay
dapat para sa pagtatayo ng Katawan ni Kristo—bb. 12, 16.
b. Ang pagtatayong ito ay hindi tuwirang isinasagawa ng mga may kaloob kundi ng mga
banal na napasakdal ng mga may kaloob; ang gawain ng mga kaloob ay hindi tuwiran,
subalit ang gawain ng mga banal ay tuwiran—bb. 11-12.
c. Ang mga kaloob ay pinagsama-sama sa loob ng koordinasyon upang pasakdalin ang
mga banal sa ekklesia upang ilabas ang kanilang pangsyon, bawat isa na gumagawa
ng gawain ng ministeryo—b. 12.
d. Sa ganitong paraan, sa pamamagitan ng pagpapasakdal ng mga may kaloob, lahat ng
banal ay gagawa ng gawain ng ministeryo, at sa huli ang Katawan ni Kristo ay
maitatayo—bb. 12, 16.
C. Sa kalaunan, lahat ng sangkap ng Katawan ni Kristo ay “makararating sa kaisahan ng
pananampalataya at ng lubos na pagkakilala sa Anak ng Diyos, sa ganap na lumagong tao”—
b. 13:
1. Ang kaisahan ng Espiritu sa bersikulo 3 ay ang kaisahan ng dibinong buhay sa realidad,
at ang kaisahan sa bersikulo 13 ay ang kaisahan ng ating pamumuhay sa praktikalidad:
a. Ang kaisahan ng realidad ay kailangang maisagawa at sa gayon ay maging ang
kaisahan sa praktikalidad—bb. 3, 13.
b. Ang salitang makarating sa bersikulo 13 ay nagpapahiwatig na isang proseso ay
kailangan upang tayo ay makarating sa kaisahan ng ating pamumuhay sa
praktikalidad; ang kaisahan ng realidad ay ang pasimula, at ang kaisahan sa
praktikalidad ay ang hantungan.
2. Ang kaisahan sa praktikalidad ay ang kaisahan ng pananampalataya—b. 13:
a. Ang pananampalataya ay hindi tumutukoy sa ating pagsampalataya kundi sa mga bagay
na pinananampalatayanan natin, gaya ng dibinong persona ni Kristo at ng Kanyang
mapanubos na gawain na naisakatuparan para sa ating kaligtasan—1 Tim. 1:19; 6:10,
12, 21; Judas 3.
b. Sa buhay-ekklesia ay mayroon lamang tayong isang bagay na espesyal—ang
pananampalataya; ang ipaggiitan ang anuman maliban sa pananampalataya para sa
pagtanggap sa mga mananampalataya ay ang maging mapagbaha-bahagi—Roma
14:1; 15:7.
3. Ang kaisahan sa praktikalidad ay ang kaisahan rin ng lubos na pagkakilala sa Anak ng
Diyos—Efe. 4:13:
a. Ang lubos na pagkakilala sa Anak ng Diyos ay ang pagkabatid sa pahayag hinggil sa
Anak ng Diyos bilang buhay sa ating karanasan—Mat. 16:16.
b. Ang kaisahan ng pananampalataya ay lubusang nakasalalay sa lubos na pagkakilala
sa Anak ng Diyos; tanging kapag kinuha natin si Kristo bilang sentro at nakatuon sa
Kanya na makararating tayo sa kaisahan ng pananampalataya, sapagkat tanging sa
Anak ng Diyos magiging isa ang ating pananampalataya—Juan 20:31; Gal. 1:15-16;
2:20; 4:4, 6; 1 Cor. 2:2.
4. Ang makarating sa “ganap na lumagong tao” ay ang makarating sa paggulang sa buhay;
ang paggulang ay kailangan para sa praktikal na kaisahan—Efe. 4:13.
D. Para sa pagtatayo ng Katawan ni Kristo kailangan nating panghawakan ang katotohanan sa
loob ng pag-ibig upang tayo ay “lumago sa lahat ng bagay tungo Kanya, na siyang Ulo, si
Kristo”—b. 15:
1. Ang lumago tungo kay Kristo ay ang mapalaki si Kristo sa loob natin sa lahat ng bagay
hanggang sa makaabot tayo sa isang ganap na lumagong tao.
2. Ang Ulo sa Efeso 4:15 ay nagpapahiwatig na ang ating paglago sa buhay sa pamamagitan
ng paglaki ni Kristo ay dapat ang paglago ng mga sangkap sa Katawan sa ilalim ng Ulo.
E. Ang lumago sa buhay ay ang lumago tungo sa Ulo, kay Kristo, subalit ang gumawa sa loob
ng Katawan ay ang gumawa mula sa Kanya—bb. 15-16:
1. Una, tayo ay lumalago tungo sa Ulo; pagkatapos mayroon tayong isang bagay na galing
sa Ulo para sa pagtatayo ng Katawan—b. 16.
2. Sa pamamagitan ng paglago sa buhay at ang pag-unlad ng mga kaloob, bawat sangkap ng
Katawan ni Kristo ay may kanyang sariling sukat, na gumagawa para sa paglago ng
Katawan.
3. Ang paglago ng Katawan ni Kristo ay ang paglaki ni Kristo sa ekklesia, na nagreresulta sa
pagtatayo ng Katawan sa pamamagitan ng Katawan mismo—b. 16.
II. Ang organikong pangsyon ng ekklesia ay nasa organikong Katawan ni Kristo at nasa mga lokal
na kahayagan ng organikong Katawan ni Kristo—1 Cor. 1:2; 12:27-28; Roma 12:4-8; 1 Cor. 12:4-
11:
A. Dahil tayo ang organikong Katawan na ito, tayo ay dapat organiko at nagpapangsyon nang
organiko sa buhay-ekklesia—Roma 12:4-5:
1. Kapag ang biyaya ng Diyos sa loob ni Kristo bilang dibinong elemento ay pumasok tungo
sa ating katauhan upang maging ating buhay para sa ating katamasahan, kasama nitong
dinadala ang elemento ng ilang espiritwal na kasanayan at kakayahan, na, kaakibat ng
ating paglago sa buhay, ay umuunlad tungo sa mga kaloob sa buhay upang
makapagpangsyon tayo sa loob ng Katawan ni Kristo—bb. 6-8.
2. Kapag ang buong Katawan ay gumagawa, sinasanhi ng Katawan ang paglago ng sarili
nito, nagreresulta sa Katawan na naitatayo sa loob ng pag-ibig—Efe. 4:16.
B. Ang organikong pangsyon ng organikong Katawan ni Kristo ay nasa mga lokal na kahayagan
ng Katawan at sa pamamagitan ng pagkilos ng Tres-unong Diyos sa mga paggawa ng Diyos,
sa pamamagitan ng mga ministeryo ng Panginoon, at sa pamamagitan ng mga kaloob ng
Espiritu sa Kanyang mga pagpapakita sa mga sangkap ng organikong Katawan ni Kristo—1
Cor. 12:4-11, 28:
1. Sa 1 Corinto 12:4-6 ay naroon ang mga paggawa ng Diyos Ama, ang mga ministeryo ng
Diyos Anak, at ang mga kaloob ng Diyos Espiritu.
© 2021 Living Stream Ministry
2. Ang mga kaloob ng Espiritu ay upang isagawa ang mga ministeryo ng Panginoon, at ang
mga ministeryo ng Panginoon ay upang isakatuparan ang mga paggawa ng Diyos Ama—
bb. 4-6.
3. Habang tayo ay organikong nagpapangsyon, ang Tres-unong Diyos, na nasa loob natin,
ay kumikilos kasama natin.
4. Ang Tres-unong Diyos ay hindi kumikilos nang hiwalay sa atin; kapag tayo ay kumikilos,
Siya ay kumikilos—Efe. 3:16-17; 2 Cor. 13:14; 1 Cor. 12:4-6.
C. Ang organikong pangsyon ng ekklesia ay para sa pagtatayo ng ekklesia bilang organikong
Katawan ni Kristo, ang kapuspusan ng nagpapaloob ng lahat na Isa na pumupuspos ng lahat
sa lahat—Efe. 1:23.
Mensahe Apat
Ang Intrinsikong Pagsasalamuha ng mga Ekklesia
para sa Kanilang Organikong Ugnayan
Babasahin sa Kasulatan: Apoc. 22:1; Gawa 2:42; 1 Cor. 10:16-18; 2 Cor. 13:14; Fil. 2:1; 1 Juan 1:3, 7
I. Kailangan nating makita at pumasok sa intrinsikong pagsasalamuha ng mga ekklesia:
A. Ang salamuha ay ang pagdaloy ng buhay na walang hanggan sa loob, sa pamamagitan, at sa gitna
ng lahat ng sangkap ng organikong Katawan ni Kristo; inilalarawan ito ng pagdaloy ng tubig ng
buhay na nagmumula sa trono ng Diyos at ng Kordero sa Bagong Herusalem—Apoc. 22:1.
B. Kung paanong may sirkulasyon ng dugo sa katawan ng tao, gayundin ay may sirkulasyon sa
Katawan ni Kristo na tinatawag ng Bagong Tipan na salamuha—1 Juan 1:3, 7.
C. Ang salamuha ng Katawan ni Kristo, na siyang pagsasalamuha sa gitna ng mga ekklesia, ay ang
salamuha ng mga apostol—Gawa 2:42; 1 Juan 1:3:
1. Ang salamuha ay nagmumula sa pagtuturo; kung tayo ay magtuturo nang mali at naiiba sa
pagtuturo ng mga apostol, ang pagtuturo ng ekonomiya ng Diyos, ang ating pagtuturo ay
magbubunga ng isang makasekta, mapagbaha-bahaging salamuha—Gawa 2:42; 1 Tim. 1:3-6;
6:3-4; 2 Cor. 3:8-9; 5:18:
a. Ang pagtuturo ay lumilikha ng salamuha, at ang salamuha ay nagmumula sa pagtuturo—1
Cor. 4:17; 1:9; 10:16.
b. Sa pagbabawi ng Panginoon ngayon, tayo ay nasa ilalim ng pagtuturo ng mga apostol at
nasa loob ng salamuha ng mga apostol—Gawa 2:42.
2. Ang magkaroon ng pakikipagsalamuha sa Tres-unong Diyos sa salamuha ng mga apostol ay
ang isaisantabi ang ating mga pribadong interes at makiisa sa mga apostol at sa Tres-unong
Diyos para sa pagsasagawa ng layunin ng Diyos—Fil. 4:14; 2:1; Gawa 2:42; 1 Juan 1:3; 1 Cor.
1:9; 3:6, 12.
D. Ang isang dibinong salamuha ay isang hinabing salamuha—ang pahalang na salamuha ay inihabi
sa patayong salamuha:
1. Ang paunang karanasan ng mga apostol ay ang patayong pakikipagsalamuha sa Ama at sa
Kanyang Anak, si Hesu-Kristo, ngunit nang iniulat ng mga apostol ang buhay na walang
hanggan sa iba, naranasan nila ang pahalang na aspekto ng dibinong salamuha—1 Juan 1:2-3;
cf. Gawa 2:42.
2. Ang ating pahalang na pakikipagsalamuha sa mga banal ay nagdadala sa atin sa patayong
pakikipagsalamuha sa Panginoon; pagkatapos ang patayong pakikipagsalamuha sa
Panginoon ay nagdadala sa atin sa pahalang na pakikipagsalamuha sa mga banal:
a. Pumapasok tayo tungo sa patayong aspekto ng dibinong salamuha sa pamamagitan ng
dibinong Espiritu, ang Espiritu Santo; itong aspekto ng pagsasalamuha ay tumutukoy sa
ating pakikipagsalamuha sa Tres-unong Diyos sa ating pag-ibig sa Kanya—2 Cor. 13:14;
1 Juan 1:3, 6; Marc. 12:30.
b. Pumapasok tayo tungo sa pahalang na aspekto ng dibinong salamuha sa pamamagitan
ng pantaong espiritu; itong aspekto ng pagsasalamuha ay tumutukoy sa ating
pakikipagsalamuha sa isa’t isa sa pamamagitan ng pag-eensayo ng ating espiritu sa ating
pag-ibig sa isa’t isa—Fil. 2:1; Apoc. 1:10; 1 Juan 1:2-3, 7; 1 Cor. 16:18; Marc. 12:31; Roma
13:8-10; Gal. 5:13-15.
3. Sa dibinong salamuhang ito ang Diyos ay inihahabi sa atin; ang paghahabing ito ay ang
paghahalo ng Diyos at tao upang dalhin ang dibinong bumubuong-sangkap tungo sa ating
espiritwal na katauhan para sa ating paglago at transpormasyon sa buhay—Lev. 2:4-5.
E. Ang dibinong salamuha ay lahat-lahat sa buhay-Kristiyano:
1. Kung paanong ang daloy ng kuryente ay ang kuryente mismo, ang salamuha ng dibinong
buhay, ang pagdaloy ng dibinong buhay, ay ang dibinong buhay mismo.
2. Kapag ang salamuha ay nawala, ang Diyos ay nawawala rin; ang Diyos ay dumarating bilang
salamuha—2 Cor. 13:14; Apoc. 22:1.
II. Kailangan nating makita at pumasok tungo sa organikong ugnayan ng mga ekklesia; ito ang
namumukod-tanging ugnayan ng namumukod-tanging ekklesia (ang pansansinukob na
ekklesia na binubuo ng lahat ng ekklesia-lokal); “ang ekklesia” sa 1 Corinto 12:28 ay tumutukoy
sa ekklesia kapwa sa pansansinukob at panlokal na aspekto nito:
A. Ang organikong ugnayan ay isinasagawa nang bukod-tangi at nang pansansinukob sa gitna
ng lahat ng ekklesia-lokal bilang namumukod-tangi, organikong Katawan ni Kristo—2 Cor.
13:14; 1 Juan 1:3, 7.
B. Lahat ng ekklesia-lokal ay isang ekklesia; ang kanilang organikong ugnayan ay batay sa
organikong salamuha ng dibinong buhay; sa gitna ng lahat ng ekklesia na bumubuo sa isang
pansansinukob na Katawan ni Kristo, ay walang organisasyon, subalit mayroong salamuha ng
Katawan ni Kristo—Fil. 1:5; cf. Gawa 9:31.
C. Ang ekklesia sa isang lokalidad ay hindi dapat magtaglay ng saloobin na sila ay walang kinalaman
sa ekklesia sa ibang lokalidad; isang intrinsikong maling pagkatanto at naiibang pagtuturo ng
hiwalay, nagsasariling ugnayan ng mga ekklesia ang umiiral sa gitna natin; ang mali at naiibang
pagtuturong ito ang nagsasanhi ng pagkakabaha-bahagi kada pagkakabaha-bahagi.
D. Ang pagbabawi ng Panginoon ay batay sa katotohanan na si Kristo ay mayroon lamang isang
Katawan, na nahahayag sa maraming lokalidad bilang mga ekklesia-lokal; dahil mayroong isang
Espiritu, mayroon lamang isang Katawan, at mayroon lamang isang sirkulasyon ng buhay sa
Katawan; ang sirkulasyong ito ay ang salamuha ng Katawan ni Kristo, na siyang pagsasalamuha sa
gitna ng mga ekklesia—Efe. 1:22-23; 4:4-6; 1 Juan 1:3, 7; Apoc. 1:11.
E. Ang isang ekklesia-lokal ay bahagi ng namumukod-tanging Katawan ni Kristo, at ang salamuha ng
Katawan ay pansansinukob na iisa; sa dibinong salamuha ay walang paghihiwalay—b. 11; 2:7a:
1. Walang ekklesia o rehiyon ang dapat ihiwalay ang sarili nito mula sa salamuha ng Katawan;
ang resulta ng isang ekklesia o isang rehiyon na inihihiwalay ang sarili nito mula sa salamuha
ng Katawan ni Kristo ay kadiliman, kaguluhan, pagkakabaha-bahagi, at kamatayan.
2. Kung ihihiwalay natin ang ating sarili mula sa salamuha ng Katawan, hindi tayo
kuwalipikadong makibahagi sa hapunan ng Panginoon, sapagkat ang tinapay na nasa hapag
sa hapunan ng Panginoon ay sumasagisag sa buong Katawan ni Kristo—1 Cor. 10:16-17;
11:25-28.
III. Ang dibinong salamuha ay ang realidad ng pamumuhay sa loob ng Katawan ni Kristo sa
kaisahan ng Espiritu—1:9; 10:16-18; 12:12-13, 27; Gawa 2:42; Efe. 4:3:
A. Ang dibinong salamuha ang naghahalo sa atin; yaon ay, nagwawasto, nagtutugma, naglalapat, at
naghahalo sa atin nang sama-sama tungo sa isang Katawan—1 Cor. 10:17; 12:24-25:
1. Ang maihalo nang sama-sama ay ang dumaan sa krus at gawin ang lahat ng bagay sa
pamamagitan ng Espiritu upang ipamahagi si Kristo sa iba alang-alang sa Katawan ni
Kristo—cf. 2 Cron. 1:10.
2. Hindi tayo dapat gumawa ng anumang bagay nang walang pakikipagsalamuha sa ibang banal
na nakikipagkoordina sa atin; ang salamuha ay humihiling na tumigil tayo kapag mayroon
tayong gagawin—cf. Ezek. 1:11b-14.
B. Sa pagiging nalimitahan sa loob ng dibinong salamuha, ang Katawan ni Kristo ay naiingatan sa
kaisahan, at ang gawain ng ministeryo ay nagpapatuloy; ang bagay na bumubuhay sa lahat ng
bagay ay salamuha—Efe. 4:11-12; cf. Ezek. 47:9.
© 2021 Living Stream Ministry
C. Kailangan nating tumulad sa apostol upang dalhin ang mga ekklesia-lokal tungo sa salamuha ng
Katawan ni Kristo at sumunod sa mga yapak ng apostol upang dalhin ang lahat ng banal tungo sa
buhay-paghahalo ng buong Katawan ni Kristo—Roma 14:3; 15:7-9, 25-33; kap. 16.
D. Dapat nating mataglay ang realidad ng pagsasalamuha at paghahalo ng Katawan ni Kristo; kung
hindi, gaano man tayo naghahabol at gaano man tayo kasimple at kamapagpakumbaba, sa
malao’t madali ay magkakaroon ng mga suliranin, mga pagkakabaha-bahagi pa nga, sa gitna
natin.
E. Ang layunin ng paghahalo ay ang dalhin tayong lahat tungo sa realidad ng Katawan ni Kristo;
pinahahalagahan natin ang mga ekklesia-lokal para sa isang layunin—kailangang tayo ay nasa
mga ekklesia-lokal bilang pamamaraan upang dalhin tayo tungo sa realidad ng Katawan ni
Kristo.
Mensahe Lima
Ang Intrinsikong Salik ng mga Hangin ng Pagtuturo para sa Masamang Layunin ng mga Ito
Babasahin sa Kasulatan: Efe. 4:13-15; Gawa 2:42; 1 Tim. 1:3-4; Tito 1:9; 1 Cor. 1:2; 4:17; 12:12-13, 27
I. Ang pagtuturo ng mga apostol ay ang namumukod-tangi at malusog na pagtuturo ng walang
hanggang ekonomiya ng Diyos—Gawa 2:42; 1 Tim. 1:3-4; 6:3; Tito 1:9; 2:1:
A. Ang pagtuturo ng mga apostol ay ang buong pagtuturo ng Bagong Tipan bilang pagsasalita ng
Diyos sa pamamagitan ng Anak sa Kanyang Bagong Tipang bayan—Heb. 1:1-2.
B. Ang pagtuturo ng mga apostol ay ang namumukod-tangi, dibinong pahayag ng Bagong Tipang
ekonomiya ng Diyos mula sa pagkakatawang-tao ng Diyos hanggang sa pagpapasukdol ng
Bagong Herusalem—Juan 1:14; Apoc. 21:2.
C. Ang pagtuturo ng mga apostol ay ang tumatangan na salik ng isang puso’t kaisipan, sinasanhi
tayong magkaroon ng isang puso, isang daan, at isang gol—Gawa 1:14; 2:42a, 46a; Jer. 32:39.
D. Dapat tayong maging mga yaong “tumatangan sa tapat na salita, na ayon sa pagtuturo ng mga
apostol”—Tito 1:9:
1. Ang mga ekklesia ay itinatag ayon sa pagtuturo ng mga apostol at sumunod sa kanilang
pagtuturo, at ang kaayusan ng mga ekklesia ay napanatili ng tapat na salita, na ibinigay
ayon sa pagtuturo ng mga apostol.
2. Dapat nating isalita ang mga bagay na naaangkop sa malusog na pagtuturo ng mga
apostol, ang pagtuturo ng ekonomiya ng Diyos—2:1, 7-8; 1 Tim. 1:4.
E. Anumang pagtuturo na naiiba sa pagtuturo ng mga apostol ay hindi pinahihintulutan ng mga
apostol; ang pagtuturo ng “ibang mga bagay” ay ipinagbabawal—Gawa 2:42; 1 Tim. 1:3-4:
1. Ang ibang mga pagtuturo ay tumutukoy sa mga pagtuturo na wala sa linya ng ekonomiya
ng Diyos—6:3.
2. Ang kaguluhan sa ekklesia ay pangunahing dahil sa paglihis sa pagtuturo ng mga
apostol—Gawa 2:42:
a. Upang labanan ito, dapat tayong tumangan sa tapat na salita na itinuro sa mga
ekklesia ayon sa pagtuturo ng mga apostol—Tito 1:9.
b. Sa madilim at magulong sitwasyon, kailangan nating kumapit sa nagliliwanag at nag-
aayos na salita sa Bagong Tipan—ang pagtuturo ng mga apostol—Gawa 2:42.
3. Dapat tayong umiwas sa ibang mga pagtuturo at magtuon sa ekonomiya ng Diyos hinggil
kay Kristo at sa ekklesia—1 Tim. 1:3-4; Efe. 3:9; 5:32.
F. Itinuro ni apostol Pablo ang parehong bagay sa lahat ng ekklesia; dapat din nating ituro ang
parehong bagay sa lahat ng ekklesia sa bawat bansa sa buong mundo—1 Cor. 4:17; 7:17; cf.
Col. 4:16.
G. Ang napakahalagang punto ng malusog na pagtuturo ng ministeryo ng mga apostol ay hinggil
sa Tres-unong Diyos na naproseso upang ipamahagi ang Kanyang sarili bilang nagpapaloob ng
lahat na Espiritung nagbibigay-buhay tungo sa Kanyang mga pinili upang madala sila tungo sa
organikong pakikipag-isa upang matanggap ang dibinong pagsasalin at sa gayon ay maging mga
anak ng Diyos at mga sangkap ni Kristo; bilang resulta, sila ay magiging Katawan ni Kristo upang
ihayag si Kristo, ang Isa kung kanino nananahan ang kapuspusan ng Diyos—1 Cor. 15:45b;
6:17; 12:12-13, 27.
H. Lahat ng pagtuturo na naiiba sa namumukod-tanging pahayag ng Bagong Tipang ekonomiya
ng Diyos ay itinuturing ng mga apostol bilang mga hangin ng pagtuturo—Efe. 4:14.
II. Bilang mga sangkap ng Katawan, hindi na tayo dapat maging “maliliit na bata na sinisiklot
ng mga alon at tinatangay ng bawat hangin ng pagtuturo sa pamamagitan ng pandaraya ng
mga tao, sa pamamagitan ng katusuhan tungo sa sistema ng kamalian”—b. 14:
A. Ang maliliit na bata ay tumutukoy sa mga mananampalataya na bata kay Kristo, kulang sa
paggulang sa buhay—1 Cor. 3:1; Efe. 4:13, 15.
B. Ang mga alon ay pinupukaw ng mga hangin ng ibang pagtuturo, mga doktrina, mga konsepto,
at mga opinyon na ipinadala ni Satanas upang akitin ang mga mananampalataya upang
tangayin sila mula kay Kristo at sa ekklesia—1 Tim. 1:3-4; Efe. 4:14:
1. Mahirap para sa mga sanggol kay Kristo na kilalanin ang mga ito; ang tanging paraan
upang makatakas mula sa mga alon na pinupukaw ng mga hangin ng pagtuturo ay ang
lumago sa buhay, at ang ligtas na paraan upang lumago sa buhay ay ang manatili sa
wastong buhay-ekklesia kalakip si Kristo at ang ekklesia bilang pananggalang—bb. 13-
15.
2. Anumang pagtuturo, kahit naaayon sa Kasulatan, na naglilihis sa mga mananampalataya
mula kay Kristo at sa ekklesia ay isang hangin na tumatangay sa kanila mula sa walang
hanggang layunin ng Diyos—b. 14.
C. Kailangan nating makita ang intrinsikong salik ng mga hangin ng pagtuturo—b. 14:
1. Ang isang intrinsikong salik ay isang nakatagong salik, isang salik na hindi halata.
2. Upang makita ang intrinsikong salik na ito, kailangan natin ng isang wasto at matalas na
pang-unawa na makalalagos sa buong sitwasyon.
3. Ang mga pagtuturong ito ay naiiba sa Bagong Tipang pagtuturo hinggil sa ekonomiya ng
Diyos para sa pagtatayo ng Katawan ni Kristo—1 Tim. 1:3-4; 6:3:
a. Tila, ang bawat hangin ng pagtuturo ay mabuti; gayunpaman, sa loob ng mga hangin
ng pagtuturo, sa pang-intrinsiko, ay isang bagay na naiiba sa pagtuturo ng mga
apostol at hindi mabuti.
b. Ibinabagsak ng mga hangin ng pagtuturo ang pananampalataya ng mga
mananampalataya at winawasak ang buhay-ekklesia—2 Tim. 2:18.
D. Ang mga pagtuturo na nagiging mga hangin, tinatangay ang mga mananampalataya mula sa
sentrong linya ni Kristo at ng ekklesia, ay mga panlilinlang na sinulsulan ni Satanas sa
kanyang katusuhan, sa pamamagitan ng pandaraya ng mga tao, upang hadlangan ang walang
hanggang ekonomiya ng Diyos, yaon ay ang itayo ang Katawan ni Kristo—Efe. 1:10; 3:9-11;
4:14, 16:
1. Ang mga mapagbaha-bahaging pagtuturo ay isinaayos at sinistema ni Satanas upang
magsanhi ng seryosong kamalian at sa gayon ay sirain ang praktikal na kaisahan ng
buhay-Katawan—b. 3.
2. Ang pandaraya ay sa mga tao, subalit ang sistema ng kamalian ay kay Satanas at may
kaugnayan sa mga mapanlinlang na pagtuturo na dinisenyo ng masamang isa upang ilihis
ang mga banal mula kay Kristo at sa buhay-ekklesia—b. 14; 5:32.
E. Ang layunin ng mga hangin ng pagtuturo—ang masamang layunin ng kaaway na si Satanas—
ay upang hadlangan ang pagtatayo ng organikong Katawan ni Kristo at upang hatiin ang mga
sangkap ng organikong Katawan ni Kristo, nagsasanhi ng walang katapusang mga
pagkakabaha-bahagi sa halip na ingatan ang kaisahan ng Katawan ni Kristo sa loob ng pag-
ibig at kabutihan—1 Cor. 1:10-11; Jud. 19.
F. Ang maling pagtuturo hinggil sa ganap na pagsasarili ng isang ekklesia-lokal ay nakapasok sa
pagbabawi ng Panginoon:
1. Ang ituro na ang mga ekklesia-lokal ay lubusang nagsasarili ay ang hatiin ang Katawan ni
Kristo—Roma 12:5; 16:17.
2. Ang pagtuturo hinggil sa pagsasarili ang pumipinsala, nagliligaw, at lumilinlang sa mga
Kristiyano at lumilikha ng maraming pagkakabaha-bahagi—Jud. 19.
3. Ang ekklesia ay ang Katawan ni Kristo, at bilang Katawan ni Kristo, walang bahagi ng
ekklesia ang maaaring maging nagsasarili—1 Cor. 1:2; 12:12-13.
4. Ang mga ekklesia-lokal ay para sa kahayagan ng Katawan ni Kristo; ang mga ito ang
kahayagan ng Katawan ni Kristo sa iba’t ibang lokalidad—1:2; 12:27.
© 2021 Living Stream Ministry
5. Sa ating pagsasaalang-alang ang Katawan ay dapat maging una, at ang mga ekklesia-lokal
ay dapat ikalawa—Efe. 2:21-22.
6. Kung nakikilala natin ang Katawan at may kamalayan sa Katawan, matatanto natin na ang
ekklesia bilang organikong Katawan ni Kristo ay walang kinalaman sa pagsasarili.