Ulirang Halimbawa ni Efren Abueg: Tunga sa · PDF fileMga Susing Salita: alegorya,...

10
MALAY23.2(2011): 127-136 Ulirang Halimbawa ni Efren Abueg: Tunga sa Mapagpalayang Sining / The Exemplary Art of Efren Abueg: Notes Toward an Emancipatory Art E. San Juan, Jr. Philippine Cultural Studies Center, Connecticut, USA [email protected] Sa isang maiklit pahapyaw na sipat, mapapansin ang realistiko't alegorikong pamamaraan ni Abueg sa ilang piniling kathang maituturing na mikrokosmo ng kaniyang sining, Sa bawat pagkakataong gumagawi ang naratibo sa sikolohikal 0 espiritwal na direksiyon, sumasalisi at umiigpaw ang kolektibong panlipunang lakas na siyang buod ng katuturan at bisa nito. Nakasalig, samakatwid, ang halaga ng indibidwalistikong karanasan sa pagsulong ng relasyong sosyal sa kasaysayan. Huwaran ita ng uri ng sining na bumubuhay sa diwa ng komunidad, bukal ng lahat ng sining, at nagpapasigla sa makabayang hangaring lumaya sa paghahari ng komoditi-fetisismong sandata ng imperyalismong sumusupil sa dignidad at potensiyal ng buong sangkatauhan. Mga Susing Salita: alegorya, diyalektika, kontradiksiyon, sining, kasaysayan In this brief tangential appraisal, we foreground the combined realistic and allegorical methods of Abueg shown in afew selected works that can be taken as a microcosm of his art. At every moment the narrative verges toward a psychological or metaphysical direction, there intervenes and dominates the collective social force that constitutes the value and meaning of those personal experiences (for example, images of mass rebellion). Thus the value of individualist experience depends on the movement of social relations in history. This serves as the model of a kind of art that vitalizes the spirit of the community, source of all creativity, and invigorates the nationalist desire to liberate the nation from the tyranny of commodity-fetishism which functions as an imperialist weapon repressing the dignity and potential of all humanity. Keywords: allegory, dialectics, contradictions, art, history Copyright © 2011 Parnantasang De La Salle, Filipinas

Transcript of Ulirang Halimbawa ni Efren Abueg: Tunga sa · PDF fileMga Susing Salita: alegorya,...

Page 1: Ulirang Halimbawa ni Efren Abueg: Tunga sa · PDF fileMga Susing Salita: alegorya, diyalektika, kontradiksiyon, sining, ... mga krirninal batay sa ulat ni Ronalyn Olea ng Bul atlat

MALAY23.2(2011): 127-136

Ulirang Halimbawa ni Efren Abueg:Tunga sa Mapagpalayang Sining /The Exemplary Art of Efren Abueg: Notes Towardan Emancipatory Art

E. San Juan, Jr.Philippine Cultural Studies Center, Connecticut, [email protected]

Sa isang maiklit pahapyaw na sipat, mapapansin ang realistiko't alegorikong pamamaraan ni Abuegsa ilang piniling kathang maituturing na mikrokosmo ng kaniyang sining, Sa bawat pagkakataonggumagawi ang naratibo sa sikolohikal 0 espiritwal na direksiyon, sumasalisi at umiigpaw ang kolektibongpanlipunang lakas na siyang buod ng katuturan at bisa nito. Nakasalig, samakatwid, ang halaga ngindibidwalistikong karanasan sa pagsulong ng relasyong sosyal sa kasaysayan. Huwaran ita ng uri ngsining na bumubuhay sa diwa ng komunidad, bukal ng lahat ng sining, at nagpapasigla sa makabayanghangaring lumaya sa paghahari ng komoditi-fetisismong sandata ng imperyalismong sumusupil sa dignidadat potensiyal ng buong sangkatauhan.

Mga Susing Salita: alegorya, diyalektika, kontradiksiyon, sining, kasaysayan

In this brief tangential appraisal, we foreground the combined realistic and allegorical methodsof Abueg shown in afew selected works that can be taken as a microcosm of his art. At every momentthe narrative verges toward apsychological or metaphysical direction, there intervenes and dominatesthe collective social force that constitutes the value and meaning of those personal experiences (forexample, images of mass rebellion). Thus the value of individualist experience depends on the movementof social relations in history. This serves as the model of a kind of art that vitalizes the spirit of thecommunity, source of all creativity, and invigorates the nationalist desire to liberate the nation fromthe tyranny of commodity-fetishism which functions as an imperialist weapon repressing the dignityand potential of all humanity.

Keywords: allegory, dialectics, contradictions, art, history

Copyright © 2011 Parnantasang De La Salle, Filipinas

Page 2: Ulirang Halimbawa ni Efren Abueg: Tunga sa · PDF fileMga Susing Salita: alegorya, diyalektika, kontradiksiyon, sining, ... mga krirninal batay sa ulat ni Ronalyn Olea ng Bul atlat

128 MALAY TOMO XXIII BLG.2

PANIMULA

Kamakailan, bago pinalaya ang "Morong 43"na biktima ng AFP/PNP tcrorismo, tinangkangburnisita sa kanila habang nakapiit sa CampBagong Diwa, Taguig, ang isang grupo ngmakata at pintor. Nais ng Defend-ST, ArtistsArrest, at Kilometer 64 na magdaos ngworkshop para sa mga bilanggo. Bagamat maypahintulot sa BJMP-Capitol Region, hindi silapinahintulutan ng jail warden. Pinagbawalan.Mapanganib ang sining. Di lamangnakapupukaw, nakagagambala pa.

Walang lusot ang mga dumaramay. Bukod samarahas na strip search na bati ng mgaguwardiya, kinumpiska ng mga awtoridad anglahat ng babasahin. Kinunan ng litrato ang mgaalagad ng sining, inimbestigahan atpinagtatatanong. Itinuring ang mga dalaw namga krirninal batay sa ulat ni Ronalyn Olea ngBul atlat . Sinamsam ang ilang babasahingkritikal sa rehimeng Arroyo. Sindak at takot angnaghari.

Sa malas, hindi ita nakagugulat. Noongbung ad ng Dekada 80, nakabisita ako sa ilangbilanggong politikal sa Bicutan; ganoon din angtrato sa mga kamag-anak ng mga detenido.Ngunit ngayon, ang mga manunulat at pintoray pinaghihinalaang peligroso. Kungnagkataong may sipi sila ng nobela ni EfrenAbueg, Mga Kaluluwa sa Kumunoy (UP Press2004), tiyak na kumpiskado iyon. Walang lusotang anumang lathalaing may politikal 0

panlipunang bira. Tulad ng akda niAbueg. Iyonay matapang at matalas na protesta sa inbustisyaat pagsasamantala ng mga uring parasitiko samga militanteng manggagawa't makabayangmamamayan, tulad ng 43 mediko't narses naikinulong sa bintang na sila'y kasapi ng NewPeople's Army (NPA) ng walang batayan. SiAbueg ay matapat na kapanalig ng mgatagapagtanggol ng kalayaan at karapatangpantao. Ang sumusunod na puna ayintroduksiyon lamang, hindi masinsinangpagtarok sa katangian ng lahat ng akda ni Abueg.Limitado ang sakop at saklaw nito. Sa

hinaharap, baka makuhang palawigin angargumento ritong panimulang pagtatasapagtaya.

Sa kasalukuyang salinlahi, marahil hindi kilasi Abueg. Nais kong sipiin ang ilang datos mulasa librong Sampaksaan ng Mga NobelistanzTagalog ng 1974:

Ipinanganak sa Cavite noong Marso1937, si Abueg ay nagtapos ng komersiyo atM.A. sa MLQ University. Tumanyag siyamula noong 1954, nang magkarnit ngmaraming gantimpala ang mga kuwentong"Mapanglaw ang Mukha ng Buwan" (1959),"Mabangis na Lunsod" (1961), "Sa BagongParaiso" (1963), at "Dugo sa Ulo ni Cerbo"(1965). Itinanghal ang kaniyang "AngKamatayan ni Tiyo Samuel" napinakamahusay na kuwento ng taong 1967,pati ang kaniyang masining na nobela, Dilimsa Umaga, sa pagtataguyod ng lingguhangLiwayway . Puwedeng banggitin dito angpamagat ng iba pang premyadong nobela ill

Abueg: Sa Muling Pagsilang ng IsanePangarap, Dugo sa Kayumangging Lupa,at Habagat sa Lupa.

Bukod sa mga gawaing pamamatnugot ~magasing Modern Bulaklak at iba pang aklakilala na si Abueg bilang lider ng mgkabataang umaklas sa tradisyong makalunoong Dekada SO at 60. Namuno siya sa mgsamahang KADIPAN at KAMPI. Nagingeditor at ko-awtor siya ng makabagong panitna itinipon sa koleksiyong Mga AgoDisyerto (1964), at iba pang kalipunan.aking palagay, batay sa tala ng kaniyang ~handog sa sining at kalinangang Filipikarapat-dapat gawing "National Artist"Abueg. Kung ihahambing sa ibang may hang karangalang iyon, si Abueg ay nakahihigiSa kabilang dako, hindi lamang a =-katungkulan ng pambansang manunulatnagawa ni Abueg, kundi maging ang pagigi _tagapamansag at konsiyensiya :=

sangkatauhan-isang karangalang maigagalamang ng masa sa bawat lupalop ng daigdig.

Page 3: Ulirang Halimbawa ni Efren Abueg: Tunga sa · PDF fileMga Susing Salita: alegorya, diyalektika, kontradiksiyon, sining, ... mga krirninal batay sa ulat ni Ronalyn Olea ng Bul atlat

ULiRANG HALIMBAWA NI EFREN ABUEG

Sa paningin ko, ang mga akda ni Abueg aymapanuri't prismatikong salamin ng tunggalian ngmga uri sa isang neokolonyang sakop ng U.S. Sa"Kamatayan ni Tiyo Samuel," (kalakip saantolohiyang Hiyas ng Panitikang Pilipino,Bookmark, 1991), sinikap niAbueg na ilarawanang maigting na sagupaan ng mga uri sa lipunannoong bago ipataw ng diktaduryang Marcos ang"martial law" noong 1972. Hinarap ni Abuegang pinakatampok na suliranin ng manunulat sapanahon ng krisis ng imperyalismong U.S.:paano mahuhulli ng imahinasyon ang prosesongistorikal, paano mailalangkap ang katotohananng realidad, ang diwa 0 konsepto ngkatotohanan, sa mimetikong paraang gamit saliteratura?

Sukat at Timbang

Ang metodo ni Abueg ay hindi mekanikal naimitasyon 0 direktang repleksiyon ngkapaligiran. Iyon ang bintang ng mgareaksiyonaryo sa mga akdang may kamala yangpanlipunan. Hindi iyon simpleng gagad sa lantadng mga pangyayaring nakapalibot, kundi analisisng mga partikular na detalye upang maipagkabit-kabit sa isang mapagbuong iskema ngdinamikong proseso sa lipunan. Sa hulingpagtataya, ang metoda ni Abueg aymagkalangkap na realistikong larawan ng mgatauhan at pangyayari, at alegorikong pahiwatigng batas ng galaw ng mga puwersa sa lipunan.

Sandaling ituon ang pansin sa kuwentong"Kamatayan." lkinintal ng awtor ang tunggaliannina Tiyo Samuel (pinagtambal na sagisag saolonyalismong U.S. at Espanya), Felipe, at Ligayaa gitna ng mga demonstrasyon at kilusang

makabayan. Tilapantasya ang daluyong ng madlangnakikipagtagisan, pahatid sa bungad ng kuwento:

a kanyang balisang magdamag ay isa-isangmulpot sa silid na iyon ang daan-daang lalaki at

abae ... " Tila baga ang lakas ng masa, naamdaman sa ingay, dagsa, at pakikisalamuha,

~ tanda ng sikolohikong danas ng protagonista.a kasukdulan ng daloy ng naghalong ideya at

damin sa kamalayan, gumising si Felipe sa

katunayan ng kaniyang pagrebelde at pagpatay sapatriyarkong Tiyo na tumutol sa pag-uugnay ninaFelipe at Ligaya dahil sa posisyong panlipunanayon sa kulay ng balat. Ang aktuwal na pagpaslangsa lumang orden ay inilarawan bilang isang dramasa kamalayan.

Sa gayon, naisiwalat ni Abueg ang saligan ngideolohiya (kamalayan) sa kongkretong relasyonng mga uri sa paghahanap-buhay. Bagamatsikolohikal ang antas na sinubaybayan, estilo ngmodernistang nobela nina Proust, Faulkner, atJoyce, masinop na inilahad ng awtor kung paanoginamit ni Tiyo Samuel ang minanang lupa, angpiyudal na pag-aari, upang mapalaki angkapitalistang negosyong kaakibat ng banyaganginteres. Ngunit ang puwersang kumakatawan saabstraktong oposisyon ng kapital at lakas-paggawaay masisinag sa pagbabawal ni Tiyo Samuel namagpatuloy ang pagdadalantao ni Ligaya, at angpagpipilit na tumiwalag si Felipe dahil sa ang balatni Felipe ay mestiso, at si Ligaya at kayumanggi.Ang rasistang dahilang ito, na sumalungat sapagtanggap ng pananagutan ni Felipe, aypinagdumiin sa banta ng aborsiyon. "Aalisin natinang sanggol na 'yan," sigaw ni Tiyo Samuel. Iyanay katibayan na ang hidwaan ng uri sa lipunan aysiyang nagbibigay-determinasyon 0 katuturan sapersonal na pakikibaka ng bawat tao.

Sa panitik ni Abueg, ang kamalayan ni Felipe(sirnbolo ng uring nagmamana ng lupa' t kapital) ayhindi maibubukod sa kinabibilangang henerasyon.Kaya di kataka-taka na sa sandaling pumagitan siTiyo Samuel sa ugnayan nina Felipe at Ligaya,sumingit ang imahen ng mga pulutong, imahen ngtunggalian at tagisan, komprontasyon ngmamamayan at kapangyarihan ng Estado:''Nakarinig siya [Felipe] ng kaingayan, ng sigawan,ng takbuhan. Nakarinig siyang sipol ngmga sirena,nakarinig siyang putok ng mga rebolber .... " Hindina nag-iisa si Felipe, kakawing 0 kasanib na siyang madlang may politikal na kamalayan atdireksiyon, kaya nakuha niyang igupo ang istrukturang patriyarkong kapitalismo't piyudalismo, si TiyoSamuel. Mahuhugot ang mungkahing kongklusyon:kolektibismong aksiyon, hindi indibidwalismo, angsagot sa terorismo ng Estado at imperyalismo.

E. SAN JUAN, JR. 129

Page 4: Ulirang Halimbawa ni Efren Abueg: Tunga sa · PDF fileMga Susing Salita: alegorya, diyalektika, kontradiksiyon, sining, ... mga krirninal batay sa ulat ni Ronalyn Olea ng Bul atlat

130 MALAY TOMO XXIII BLG

Batid na ng mambabasa na ang perspektiba koay nag-uugat sa isang historikal na pagsulong ngbayan. Ang paraang ito ng pagpapakahulugan aynaiiba sa karaniwang hirit sa masmidya. Ito aytaliwas sa pormalistikong panunuri na laganapnoong dekada 50 at 60. ltinuro ng mgaAmerikanistang akademiko sa U.P. at Ateneo ang"New Criticism" ng Kanluran, na lab an saprogresibo't historikal na pananaw. Namayani itasa turo at gawi ng mga manunulat sa Ingles - sinaNick Joaquin, NVM Gonzalez, Manuel Viray,Edilberto Tiempo, FranzArcellana, atbp. - mgakinilalang arbiter ng lasa sa sining at panitikan. Basesa kontrakdisiyong naglalaban, hinamon ito ngnasyonalistiko't demokratikong pangangatwirannina Salvador P. Lopez, Amado Hernandez,Teodoro Agoncillo, Renato Constantino, at mgakasapi sa KADIPAN, KAPPIL, PLUMA,PAKSA, at iba pang organisasyon.

Lumabas ang mga sanaysay kong laban saformalismo at idealistang estetika noong 1970, TheRadical Tradition in Philippine Liberature.Bago ideklara ni Marcos ang martial law, sumunodnaman ang Carlos Bulosan and the Imaginationof the Class Struggle (1972). Bunga ito ngpagbabanyuhay ng kilusang nasyonalismongpinamunuan nina Claro Recto, Lorenzo Tanada,Jose Diokno, at Jose Maria Sison. Nang sulatin niAbueg si "Tiyo Samuel," sampu ng nobelang MgaKaluluwa sa Kumunoy (inilathala sa PhilippinesFree Press noong 1970), nakaungos na angdiyalektikong sintesis ng realismo at mala-alegorikong pagsasalaysay. Ang rebolusyonaryongsimbo lismo ni Abueg ay hindi na idiyosinkratiko.Bukod kay Abueg, mababanggit ang mga akda ninaBienvenido Lumbera, Jose Lacaba, Ricky Lee, AvePerez Jacob, Rogelio Mangahas, at LualhatiBautista na kumakasangkapan sa mga estetikongpamamaraang masasaksihan sa mga panitik ninaBertolt Brecht, Aime Cesaire, Maxim Gorky,Pablo Neruda, Sean Q'Casey, John Dos Passos,Lu Hsun, at Nazim Hikmet. Bago 1972, naikalatna ang pedagohikal na aral ng materyalismongpangkasaysayan sa larangan ng ideolohiyangnagtatagisan sa lipunan.

Dilim sa Umaga: Isang Pagsasanay

Ang aral na iyon ay unang naisakatuparanmatagumpay na analisis at sintesis sa nobclaAbueg, Dilim sa Umaga, unang gantirnpala ::-Liwayway, 1967. Sa isang balik-pananaw, -ay pagsasanay sa Mga Kaluluwa - may mgkarakter na tila dress rehearsal nina LigajBayani, Antero, at iba pa sa huling akda.ibang pagkakataon, dudulutan ko ng masu . ::-pagsusuri ang Dilim. Sa ngayon, sapat na e-

sipiin ko ang temang ipinahayag sa "blurb" ~lathala:

Hinabi sa kontrobersiyal na Philippine-Japanese Treaty on Amity, Navigation andCommerce,angDilim ay naghahantad ng iba'ibang tauhang ang mga personalidad apaninindigan ay nagtutunggali .. _.

Sa tunggallian ng mga tauhan ng nobelanilinaw ang relasyon ng Filipinas at Amerika.ang sanhi ng kawalan ng dayalogo ngmagulang at anak, ang hipokrisya ngipinagkakamaling moralidad, ang "brain-washed" na kaisipan ng mga Filipino, at angdahilan ng kawalan ng pananalig ngkaraniwang mamamayan sa gobyerno. Bukpa rito, ang nobela ay nagbabala ngkahahantungan ng industriya ng Filipinakapag "bumaha" sa buong kapuluan angproduktong Hapones (Abueg 1968)

Sa Dilim, ang metamorposis ni AntMagdalo, isang petiburgis na intclcktuwakababalik mula sa U.S., ang temang naitamIto ay problemang pang-indibidwal na sinahinirnay kaakibat ng iba pang masalimuoproblemang sosyal. Sa Mga Kaluluwa,sentro ng mga kontradiksiyong tinitistinakapaloob sa usaping pangkababaihankasarian. Nilagom sa triyanggulong sitw .ni Ligaya, ang kasintahang si Bayani, at i,Manuel Bontoc ang masidhing kontrakdisyoneokolonyalismo, kurapsiyon, dahas ng Esthidwaan sa hanay ng mga aktibista at saray ng

Page 5: Ulirang Halimbawa ni Efren Abueg: Tunga sa · PDF fileMga Susing Salita: alegorya, diyalektika, kontradiksiyon, sining, ... mga krirninal batay sa ulat ni Ronalyn Olea ng Bul atlat

ULiRANG HALIMBAWA NI EFREN ABUEG E.SANJUAN,JR. 131

panggitnang elemento sa lipunan. Nagtapos ito sapagtatagumpay ni Bayani at pagkabulusok niManuel sa kahayupan-kapuwa naisakatuparan saibabaw ng bangkay ni Ligaya. Samakatwid, angsakripisyo ng kababaihan ang kabayaran 0

katumbasan ng pagpapatuloyng sistemang bulok,katotohanang hanggang ngayon ay di matanggapng nakararami.

Ngunit ang pangyayaring iyon ay isang"multiplicity"-ayon sa pilosopiya ni AlainBadiou ( 1992, 2003)-na maraming bunga 0

patutunguhan, batay sa kung matapat ang lakasng taong magpahalaga sa potensiyal ngpangyayari. Alalaong baga, bukas ang hinaharap,maraming posibilidad, katugma ng dunong atgaling ng masa sa paglikha ng makatao'tmalayang kinabukasan. Sa isang pangyayari,mararning landas ang nabubuksan, depende sapraktika ng taong lumalahok at nakikipaglaban.

Sa aking palagay, natatangi ang MgaKaluluwa ni Abueg sanhi sa tatlong sangkap nabumubuo sa integridad ng akda. Una, angpagtatanghal sa lakas ng kababaihan saironikong hugis. Pangalawa, ang komplikadongsitwasyon ng intelektuwal sa kilusang saklawang manggagawa't panggitnang saray, Pangatlo,ang bagong artikulasyon ng alegorikal nanaratibo na hindi na matagumpay nanagdudugtong sa sagisag at katalagahan, tuladng ipinamarali ng Ingles na kritikong siColeridge na ang simbolismo ay organikongbahagi ng kabuuan na isinisiwalat nito. Kaibana ang alegorikong istratehiya sa nobelang ito:ilantad ang agwat ng nais at danas. Kailanganpalagi ang praxis ng kritikang pagsubok at gawa.

Bago ko talakayin ang natukoy na mgakatangian, nais ko munang punahin angmatiyaga't mahusay na sanaysay ni Loline M.Antillon. Sa kaniyang "Kab a lintunaan:Pangunahing Paksa ng Buhay at Sining sa mgaPiling Kuwento ni Efren R. Abueg" (kasama sakalipunang Panunuring Pampanitikan: MgaNagwagi sa Gawad Surian sa Sanaysay (1984),pinamatnugutuan ni Aurora Batnag, ipinakita niAntillon ang tema ng kabalintunaan sa ilangkuwento niAbueg, kasama na ang "Tiyo Samuel."

Ang temang ita ay hangaw sa Kanluraning voguena inspirado nina Kierkegaard at Heidegger noongdekada 50 at 60 ng Cold War. Limitado atmapanlinlang ang kategoryang ito.

Suriin muna natin ang historikal na kontekstong ideoloyohiyang ito. Namayani angeksistensiyalismo bilang paradigmatikong nausosa Europa, at naging tanyag ang mga panitiknina Albert Camus, Jean Paul Sartre, at ang"theater of the absurd" nina Ionesco, Artaud,atbp. Ang mga sinangguning aklat ni Antillon,tulad ng mga aklat nina Fraser at Esslin, aypawang tumutukoy as alyenasyon sa lipunangkapitalista sa Europa. Iniangat iyon sa antas naunibersal na katayuan ng lahat. Ngunit sa halipna sikaping matarok ang puno't dulo ngalyenasyong ita sa kawalan ng makataongdireksiyon sa produksiyon at parnamahagi ngkayamanang panlipunan, iginiit na ang sanhi ngproblema sa buhay ay espritwal at panloob napagbabago. Walang kinalaman ang paghahati ngtao sa mayaman 0 rnahirap. Walang kinalarnanang pag-aari, salapi, kontrol ng gobyerno, atbp.Ibig sabihin, nakaugat ang alyenasyon sakalikasan ng tao, hindi sa kaniyang relasyongsosyal 0 historikal. Samakatwid, walangkalutasan kundi metapisikal 0 transcendental nasolusyon-halimbawa na ang ortodoksiya ninaT.S. Eliot, Northrop Frye, 0 nina Heidegger,Nietzsche, at Deleuze.

Walang pasubali, kontra-rebolusyonaryo angkilusang eksistensiyalismong iyon. Kaakibat ngpropaganda ng Cold War laban sa Marxismo atsekular na pananaw, ang eksistensiyalismo aytutol sa anumang pagbabagong materyal salipunan upang malunasan ang alyenasyon. Anti-masa iyon, sapagkat indibidwalistiko angpagtingin sa sitwasyong panlipunan. Maaaringmay bahid 0 tendensiyang eksistensiyal sasitwasyong pangkabuhayan sa ilang kuwento niAbueg tulad ng "Dugo sa Estero." Ngunit samaingat na pagsasaliksik, ang mga tauhan atkalagayan nila ay hindi maihihiwalay sakongkretong sitwasyon ng mgapinagsamantalahan at binusabos, mga taongnabubuhay sa isang takdang lugar at panahon. Ang

Page 6: Ulirang Halimbawa ni Efren Abueg: Tunga sa · PDF fileMga Susing Salita: alegorya, diyalektika, kontradiksiyon, sining, ... mga krirninal batay sa ulat ni Ronalyn Olea ng Bul atlat

132 MALAY TOMO XXIII BLG.2

masasalat, nararamdaman at tiyak na katangiangumiiral ang nagbibigay-laman sa abstrakto atmetapisikal na tema ng kabalintunaan.

Pansamantalang Pagbulatlat

Ang eksistensiyal na sitwasyon sa mga akdani Abueg ay tahasang sosyal at historikal. Angpangatlong katangiang nabanggit ko sa una aymasisilip sa bagong ambil ng alegorya sa nobela.Ayon kay Walter Benjamin, ang alegorya angsiyang nagtuturo sa atin na anumang bagay sakapitalistang lipunan ay laging hiwalay satotalidad na kinalalagyan, at hindi madalingmailalapat ang pangyayari sa ipinahihiwatig nito.Sa ibang salita, walang transendental 0

mahimalang tugon sa naghaharing d i-pagkatugma 0 pagkaalanganin ng mga bagay atkatuturan/halaga nito. Sa nobela, angmagandang halirnbawa ng kabalighuan ay nasawakas nito.

Binigti ni Manuel si Marilou+-sa galit 0 pag-ibig? Totoong ang pasistang dahas ay mayerotikong sangkap na nakalilito. Ngunit angpagpaslang kay Marilou ay katuparan ng higantini Manuel sa kataksilan ng babae, samantalangsa isip ni Marilou, ang kamatayan niya angkaligtasan ng kasintahan: "Kung gayon ay taposna ang lahat. May hangganan ang pisikal napaghihirap; may wakas ang katatagan atkagitingan. Hindi bale, Bayani. Nakaganti kana. Babalikan ka na nga ng mga dati mongkasama!" Tinutukoy ang pagbibilad ng mgadokumentong pinuslit ni Ligaya na siyangmagpapatunay sa kabulukan ng sistema.Alegoriko ang bisyon ng materyalismonghistorikal sa no bela sapagkat sa halip nakalmadong resolusyon ng digmaan ng samu'tsaring uri, damdamin at adhika, ibinabato sa atinang malaking agwat sa pagitan ng intensiyon atkatuparan. Tiyak nahindi mapapalagay ang loobng mambabasa na makatuwiran at maayos naang lahat.

Pangalawang katangian: ang sitwasyon niBayani Maglalang ay may bisa't katuturan lamangdahil sa katalinuhan at sakripisyo ng petiburgis na

katulong, si Ligaya. Kung nag-iisa, sakmal ito ngmga balisa, pagdududa, tulad ng iba pangpetiburgesyang nahumaling sa paniwalang maysabwatang dapat niyang ibunyag at igupo. (Walangpuwang dito upang hirnayin ang syndrome ng"conspiracy theory" na nakasentro sa naratibo niAbueg.) Ang intelektuwal-aktibista ay naliliman dinni Antero Magdalo, Max, at Armando at iba pangkasapi sa unyon na saksi sa karupukan ni Bayani.Tila suwerte ang pagkaligtas ni Bayani, sa tulongpa ng puwersa ng estadong binabatikos niya.Mahusay at malalim ang paglalarawang ito ng isangkalagayang matatagpuan pa rin sa kilusan ngayon.

Hinggil naman sa pangunang katangian: angusapin ng kababaihan. Walang pasubaling siLigaya ay martir 0 nasawi sa bigat ng martyr-complex nito. Ngunit hindi ba siya ang tunay nabayani na isinantabi ang sariling kapakananupang masagip ang kasintahan at maisulong angprogresibong layunin? Bagamat ang birtud niLigaya ay matalinong pagkuha't pagsalin ng mgadokumentong ibinulgar ni Bayani, namayani parin ang nakagawiang asal. Marahil, magagalitang mga feminista sa paglalarawan ng kaisipanni Ligaya sa bahaging ito sa huling dako ngnobela:

Kunwa'y napabikbi siya, ngunit pinigil niyakaagad. Alam niyang isang mabisangkasangkapan iyon ng isang babae parapalambutin ang kalooban ng isanglalaki .... Naisip niyang iyon nga lamang angkapangyarihan ng isang babae. At babae ngalamang siya. At hindi isang tao na may mgakarapatang iginagalang (Abueg 63).

Mairnumungkahi ko rito na ang bangkay niLigaya ang siyang matimtimang sagot sa sumbatna kulang ang panunuri ni Abueg sa seksismoat machismo. Ang walang buhay na katawan niLigaya ang testigo din na hanggang hindinagtatamasa ng kapantayan ang kababaihan,hindi matatamo ang tunay na kasarinlan atdemokrasyang pambansa. Wika nga, sila angsumusuhay sa kalahating bahagi ng langit. SiLigaya, ang babae, ang may hawak at may ugit sapanaginip na siyang luklukan ng utopyang dalumat:

Page 7: Ulirang Halimbawa ni Efren Abueg: Tunga sa · PDF fileMga Susing Salita: alegorya, diyalektika, kontradiksiyon, sining, ... mga krirninal batay sa ulat ni Ronalyn Olea ng Bul atlat

RANG HALIMBAWA NI EFREN ABUEG E. SAN JUAN, JR. 133

.... Umaawi't sila, sumisigaw, ipinangangakonggtatatag sila ng panibagong sambayanang

. itante, masisipag, makatwiran, makabayan at-Lumikha" (Abueg 63). Laging sumusungaw

g imahen ng madlang nakikibaka sa puwang ngolohikal na agam-agam at pagkakawatak-watakdiwa.Alegorikong teknik ang katalik ng temang

bolusyon at radikal na pagbabago: ita anglamang paksang walang espasyo rito upangtalakay nang masinsinan. Kahawig nito ang

rama sa mga pelikuJa, TV telenobela, korniks,ilia pang popular na aliwan, na nagpapangako

kasiyahan sa dulo ng mapanganib naikipagsapalaran. Walang duda na ang sining,

labat ng gawaing pang-aliw, ay dominante ngofit-motive 0 komersiyal na layunin sa panahon

kapitalismong global. Patunay nito angggawad kay Carlo Caparas ng bansag naational Artist" ng rebimeng Arroyo. Ito ay

. utulan ni Virgilio Almario na isang pang-uuyarngantirnpalang dangal. Ngunit kakatwa ito

pagkat ang tagapagtanggol na pormalistikonggan ng sining-para-sa-sining ay siya mismongalubog sa pagtitinda ng estetikong komoditi,

o na ang mga ipinagbibiling teksbuk ng tula saalang publiko at rnga iba't ibang babasahin atan para sa rnga kabataan. Puwedeng maging

pular 0 pangmasa ang makaelitistang produkto.akit hindi? Walang National Artist na hindibahiran ng alyenasyon, petisismong pang-

omoditi, at kornersiyalisasyon sa neokolonya.Wala akong hangad na siraan ang dangal ng

ga National Artist ngayon, 0 pumanig sa.-AJlJ..lJ.a..ngbirtud ni Caparas. Ang nais ko ay linawin

g karnaliang nakapaloob sa puna ni Almariokay Caparas na inilahad sa "Bakit Panitikan

g Panitikan," isang polemikong banat laban saliwa, laban sa nasyonalistiko 't pro gresibong

anay. Baka makatulong ita sa debate atlakayan tungkol sa pagkakaiba ng dalawanggkaaway na pananaw: panitikan-para-sa-itikan at pantikan-parasamasa. Walangay ang mga katagang iyon kundi inilalagay sa

onteksto ng panahon, lugar, diskurso, mgahoknanag-uusap, 0 nagpapalitang-kuro.

Estetikang Radikal

Pangunahing aksiyom sa isip ni Marx angtaguring "species-being" ng bawat nilalang. Sagawa at paghubog sa kalikasan, nalilikha ng taoang kaniyang sarili sa bawat antas ng panahon.Sa gawa 0 praxis, walang nasasayang na dunongo kakayahan, kahit na hindi palaging tuwid angtakbo ng kasaysayan. Nang sabihin ni Marx namay halaga pa ang sining ng sibilisasyongGriyego bagamat industriyalisado na tayo, hindiita nangangahulugan na walang kinalaman angugnayan sa produksiyon. Sa dalawang panig,ang ugnayan ng produksiyong nakasalalay satrabaho ng mga alipin noong panahon nina Platoat Sophocles, at ang ugnayang piyudallmerkantilna negosyo noong panahon ng mga nagpuri saGriyegong sibilisasyon, ang mga iskolar saItalya, Alemanya at Pransiya ng Renaissance.

Ang ideolohiya ng Kanluran sa yugto ngmerkantil-kapital ng Siglo XV-XVI-noongRenaisssance-ang nagbigay-halaga at bighanisa sining ng mga Griyego bilang identidad ngkolonyalistang puti sa harap ng mga sinupil nalabing may kulay sa Aprika, Latin Amerika, atAsya. Bukod dito, inangkin din ng burgesyanguri ang natuklasang "species-being" na inibayagsa sinaunang sining at panitik-na puwedengmagamit din ng proletaryado kapag nagwagi anglipunang walang uri. Gayundin ang Angkor Watat Darangan-kailangang purihin ang bighani ngmga ito upang pangalagaan ang bisa ng herarkiyasa lipunan kahit na may sariling katangiangpansining ang mga ito. Samakatwid, ang estetikang Angkor Wat, Homer at trahedyang Griyego, 0

Darangan ay bunga ng relasyong sosyal-ngkanilang pinagmulan at ng nanunuri at nagbibigay-dangal dito. Ang ugat ng halaga ng kultura (sining,panitikan) ay panlipunang pangangailangan at pag-unlad ng lakas ng tao sa kasaysayan.

Dapat ding tandaan na mahigpit na turo ninaMarx at Engels na walang tuwirang mekanikal naparalelismo ang ideolohiya (sining, panitikan) atrelasyon sa produksiyon. Kaya mali ang sabihingdiretsong nadidiktahan ng ugnayan sa produksiyongekonomiko ang sining. Laging may agwat 0

Page 8: Ulirang Halimbawa ni Efren Abueg: Tunga sa · PDF fileMga Susing Salita: alegorya, diyalektika, kontradiksiyon, sining, ... mga krirninal batay sa ulat ni Ronalyn Olea ng Bul atlat

134 MALAY TOMO XXIII BLG. 2

distansiya ang dalawa, pagsulong na baluktot 0

baku-bako (''uneven development"). Kung hindi,paano maituturing na progresibo ang sining ngaristokratang si Balzac 0 si Tolstoy, ayon kayLenin? Sa kabilang dako, ang politikang laranganang tunggalian ng mga uri-ay mas nakaniniig sadiwa at kamalayan ng manunulat, kaya wala itongabsolutong kasarinlan.

Dapat idiin na talagang kumplikado angdiyalektikang ugnayan ng ideolobiya, politika, atekonomika. Kaya bagamat tubo 0 yaman angpangunahing hangad ng mga negosyanteng tulad niCaparas at mga nagyayari ng telenobela, at ibapanglculturangpopular,dapat suriinangpartikularna datingat impak ng kanilang akda-kung tatanggapin ngangbawat ponna, hugis, 0 anyo ng gawaing kultural aymay kaniya-kaniyangkatangian, bighani, lakas, ayonsa awdiyens at kondisyon ng pagtanggap sa kanila.Sinoba angkarapat-dapat rnaghusga't magpahalaga,ang may simbolikong kapital 0 yaong dahop sakaalamang pupuhunauin sa palengke at mega-mall?

Gayundin ang isip ni Walter Benjamin sa tanyagna sanaysay, "The Work of Art in the Age ofMechanical Reproduction." Totoo, bagaymagkaroon ng kantangiang pansining ang likhang-sining. Ngunit sino ang nagpanukala ng "literarystandards"at anong silbi 0 ginagampanan niyon?Kasiningan ng sining at "pampanitikan ngpanitikan"? Tautolohiya iyon. Walang saysay namga kataga. Sa katunayan, susog ni Benjamin, samodernistang aplikasyon ng teknolohiya, atmabilisang pagpaparami ng imahen, nawawala ang"aura" 0 bighani ng mga likhang-sining ninaMichelangcio, Leonardo da Vinci, Rembrandt,Cezanne, at iba pa. Hindi makamandag 0

matalinghaga ang idea ni Benjamin tungkol sarebolusyonaryong tagubilin niya sa akdang "TheAuthor as Producer": Upang maibagsak angsistema ng kapitalistang reipikasyon, dapatsunggaban ng awtor ang mga kagamitan saproduksiyong pangkultura't ideolohikal. "Walangkalayaan 0 kasarinlan ang sining, panitikan, awtor,pintor, dibubista ng komiks, manunuri, propesor,at iba pang trabahador sa larangang ita kung walasilang kontrol at gabay sa kondisyon ng kanilanggawaing mapanlikha."

Abot- Tanaw na Pagtutuos

Sa huling pagtaya, ang tunay na awtoridadni Almario ay hindi sina Marx 0 Benjamin kundiang ministrong si Northrop Frye. Humalili angkritisismong arketipikal ni Frye sa "NewCriticism" noong Dekada 50 at 60, bagonapallitan ng dekonstruksiyon nina Derrida, DeMan, at Foucault. Hango sa romantikongtradisyon nina Coleridge at Blake, angdogmatikong perspektiba ni Frye ay isangmetapisikal na reduksiyon ng sining salunggating unibersal 0 pang-utopia. May hawigsa eksistensiyalismo, lamang ang padron ni Fryeay ang propetikong hirnatong sa Bibliya. Isangbaluktot at malisyang pagsasakdal ang ginawaniAlmario nang paratangan niya ang mga maka-Marxistang "tibak sa U.P." at kritikong aktibistana sila'y nagpipilit sa idea na ang panitikan aysalamin ng kalikasan sa positibo't istatikonglagay nito. Hindi niya inisip na idiniin nina Marxat Engels sa "The German Ideology" at "Theseson Feuerbach" ang humanisasyon ngkalikasan-hindi lang ang natural na kalikasan(sa makitid na tingin ni Frye) kundi ang kalikasangsosyal at historikal.

Di nakamamangha na, sa kabila ng sophistikongbilig niAlmario kina Frye at Pangkating Frankfurt,nabalaho siya sa isang mababaw na empirisismongpalpak. Lumalabas na propagandista siya ngnamamaraling mekanikal na sosyolohiyangnagtuturo na ang ekonomiko 't sosyal na lagay ngtao ang nagdidikta ng kanilang saloo bin atkamalayan. Nasaan ang lunggati at praxis ngpagnanais? Lantad ito sa deklarasyon ni Almario:"Dahil sa lubhang dukha ang buhay, dukha rin angisip at damdamin ng madla." Diretsongkorespondensiya ng malayat kapaligirang pisikal-hindi ba ito ang minumura niya? Dagdag pa niAhnario: "Sa halipna progresibo 't rebolusyonaryo,taglay nito ang lahat ng katangian na tila eternal nakamangmagan-lumpo ang pangarap, kubikongang halagahan at pananaw sa daigdig, atnapakababaw ng kaligayahan." Patalistikongpagsumpa sa masang niyuyurakan at dinudusta ngmga imperyalistangbansa, sampu ng mga Filipinong

Page 9: Ulirang Halimbawa ni Efren Abueg: Tunga sa · PDF fileMga Susing Salita: alegorya, diyalektika, kontradiksiyon, sining, ... mga krirninal batay sa ulat ni Ronalyn Olea ng Bul atlat

G HALIMBAWA NI EFREN ABUEG E. SAN JUAN, JR. 135

iminal na nagpapasasa sa kahirapan ngararami. Walang pag-asang tadhana angtaw ni Almario sa nakararaming Filipino,

ang patuloy na umaaklas at naghihimagsik.a bawat proposisyong nabanggit, ipinakitanobela at mga kuwento ni Abueg angaligtaran: ang lipunan ay prosesong hitik sa

ontradiksiyon. Sa kumplikadong daloy nggyayari, sa bawat kamalayan ng mga tauhan

" a (mayaman, mahirap, 0 panggitnang uri),agpapaligsahan ang sari-saring idea,amdamin, haka-haka, panaginip, mithiin,

ggati: reaksiyonaryo, progresibo, tradisyonal,radikal, at iba pa. Naghalo ang elitista't popularna atitud sa kalooban ng mga tauhan nainilarawan ni Abueg sa isang takdang panahonng pakikibaka. Sa panayam niyang "Ang

osyalismo sa Nobelang Tagalog," pinuna nibueg na sa halos lahat ng mga nobelang mayamalayang panlipunan, sa kabila ng intensiyon

ng awtor, lumilitaw pa rin ang kontradiksiyonng indibidwalistikong damdamin atkolektibistang hangarin. Hindi ito kakulangan 0

kalabisan, manapa'y sagisag ng diyalektikongprosesong sumasaklaw sa sitwasyon ng awtor, nginstitusyon ng publikasyon, ng pagtuturo ng nobela,at klima ng buong lipunan. Maraming lakas nahumuhubog sa sining. Patunay ita na ang mgakantangiang pansining ay hindi maaaring ihiwalaysa tema, punto-de-bista, estilo, retorika, at paghabing balangkas ng likha. Hindi rin maaaring ihiwalayita sa paraan ng interpretasyon at pagpapahalagang mga mambabasa, kritiko, estudyante, atbp.

Ang pinakakritikal na proyekto sa sining atkritika ay ang pagbubuo ng hegemonya 0

gahum, kung saan nagtatagumpay ang moral atintelektuwal na pamumuno ng masang lumilikhang kayamanan ng lipunan. Sa pagsasakatuparanng proyektong ita malulutas din ang isyu nghustisya, kalayaan, kapantayan ng kasarian, atkasarinlan ng bayan. Kung tutuusin, ang usapin ngsining at kultura ay usapin ng bawat mamamayan,ng bawat tao sa daigdig, sa harap ng alyenasyon,reipikasyon, at kabuktutan ng ordeng kapitalistalimperyalista. Para kanino ang sining?Anong tulongng panitikan at sining sa lunggating mapagpalaya't

mapag-ugnay ng masang Filipino? Maliliwanagannatin ito sa matiyaga't maselang pagsubaybay samasalimuotna paghabing tema, tauhan, balangkas,at retorika sa mapangbimagsik na panitik ni EfrenAbueg. Isang panimulang hakbang ito tungo sapagbabagong-buhay ng bansa.

SANGGUNIAN

Abueg, Efren. 1968. Dilim sa Umaga. Manila:Liwayway Publishing Inc. Nakalimbag.

· 1974 .. "Ang Sosyalismo sa Nobelang---

Tagalog." Sampaksaan ng mga NobelistangTagalog: Mga Panayam Tungkol sa NbelangTagalog. Quezon City: AngAklaan ngUnibersidad ng Pilipinas. Nakalimbag.

___ . 2004. Mga Kaluluwa sa Kumunoy.Quezon City: University of the PhilippinesPress. Nakalimbag.

Antillon, Lo line. 1984. "Kabalintunaan:Pangunahing Paksa ng Bubay at Sining sa MgaPiling Kuwento ni Efren R. Abueg."Panunuring Pampanitikan: Mga Nagwagi saGawad Surian sa Sa nays ay. Ed. AuroraBatnag. Manila: Surian ng Wikang Pambansa.Nakalimbag.

Almario, Virgilio. 2009. "Bakit Panitikan angPanitikan, 0 Bakit Hindi Ito Maabot ngKamangmangan ni Carlo J. Caparas."Talumpati para sa kongreso ng UMPIL saGSIS Museum, 29 Agosto 2009.Nakalimbag.

Badiou, Alain. 1992. Manifesto for Philosophy.Albany: State University of New York Press.Nakalimbag.

· 2003. Infinite Thought. London and---New York: Continuum. Nakalimbag.

Benjamin, Walter. 1968. Illuminations. NewYork: Harcourt Brace. Nakalimbag.

· 1973. "The Author as Producer." In---Understanding Brecht. London: New LeftBooks. Nakalimbag.

Marx, Karl and Friedrich Engels. 1968 (1845-46). The German Ideology. Moscow:Progress Publishers. Nakalimbag.

Page 10: Ulirang Halimbawa ni Efren Abueg: Tunga sa · PDF fileMga Susing Salita: alegorya, diyalektika, kontradiksiyon, sining, ... mga krirninal batay sa ulat ni Ronalyn Olea ng Bul atlat

136 MALAYTOMO XXIII BLG.2

Marx, Karl. 1978. "Theses on Feuerbach." InThe Marx-Engels Reader. Ed. Robert C.Tucker. New York: W. W. Norton.Nakalimbag.

San Juan, E. 1970. The Radical Tradition inPhilippine Literature. Quezon City: ManlapazPublishing Co. Nakalimbag .

. 1972. Carlos Bulosan and the------

imagination of the Class Struggle. QuezonCity: University of the Philippines Press.NakaJimbag.