Download (PDF, 7.46MB)

Click here to load reader

  • date post

    29-Jan-2017
  • Category

    Documents

  • view

    239
  • download

    5

Embed Size (px)

Transcript of Download (PDF, 7.46MB)

  • Sta. Monica, Puerto Princesa City | www.pcsd.gov.ph | [email protected] | (048) 434-4235

    P.5

    AUGUST 2016 | ISSUE 8, VOL. 1

    PCSDupdates

    CLOSED SEASON>>PAGE 2

    makatutulong upang alamin ang nalalaman ng mga Palawenyo ukol sa R.A. 7611 o ang Strategic Environmental Plan for Palawan Act, at maging sa iba pang batas at polisiyang ipinatutupad ng PCSD. Dito malalaman din kung ano ang pakiramdam at kung paaano umaasal ang mga tao sa mga nabanggit.

    At dahil diyan, ang resulta lalabas sa survey ay higit sa lahat na makatutulong sa PCSDS upang makagawa ng mas epektibong istratehiya para hikayatin ang mga komunidad na suportahan ang mga

    KAP SURVEY>>PAGE 3

    I N S I D E I N S I D E I N S I D E

    NAGTAPOS NA NITONG Myerkules, Agosto 31 ang closed season para sa reef-fish-for-food (RFF) sa Palawan, bilang bahagi ng implementasyon ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) Revised Admin Order No. 5, S. 2014.

    Open season ipatutupad simula Setyembre 1

    Pinasalamatan ni PCSD Executive Director Nelson P. Devanadera ang lahat ng sumuporta sa naturang polisiya dahil naipatupad ito sa kabila ng pag-alma mula sa ilang grupo ng mga mangingisda, traders at exporters.

    Ayon kay Devanadera, bilang ahensya na tungkuling isulong ang pangangalaga sa kalikasan kasabay ng pag-unlad, nanindigan ang PCSD na iimplementa ang polisiyang ito upang maging

    sustenable ang industriya ng RFF.Matatandaang ang naturang

    industriya ay sinasabing maaaring mawala dahil lumalabas sa ilang pag-aaral at datos na papaunti nang papaunti ang huli ng RFF sa karagatan ng Palawan.

    Ang RFF ay mga klase ng isda na galing sa bahura na ginagawang pagkain ng mga tao na binibenta, buhay man o patay. Saklaw ng nabanggit na polisiya ang tatlong uri ng RFF: suno (Plectropomus leopardus), loba (Epinephelus coioides) at lapung baboy (Epinephelus fuscoguttatus).

    Ang unang closed season para sa taong ito ay ipinatupad mula Hunyo 16 hanggang Agosto 31. Samantala ang huli ay nakatakda namang ipatupad simula

    CLOSED SEASON, TAPOS NA!

    Pagprotekta sa Dungon ng Palawan, isinusulong

    2,564bilang ng nakumpiskang RFF

    21bilang ng nahuling

    indibidwal na lumabag sa PCSD AO 5, S. 2014

    18bilang ng isinagawang

    operasyonPINAGKUNAN: PCSDS ERED

    NUMEROSa pag-implementa ng closed season

    KASALUKUYANG nagsasagawa ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) ng Knowledge-Attitude-Practice (KAP) Survey upang malaman ang pulso ng mga Palawenyo hinggil sa likas-yaman at kalikasan ng lalawigan.

    Katuwang ang 92 enumerators, nasa 15,000 survey forms ang ipinimahagi sa mga respondents sa 22 bayan ng lalawigan at lungsod ng Puerto Princesa.

    Sa pamamagitan nito, makakauha ang PCSDS ng baseline data na

    PCSDS nagsasagawa ng Knowledge-Attitude-Practice Survey sa buong Palawan

    Ang mga staff nd PCSDS DMO North kasama ang mga enumerators na naghahanda ng mga survey forms. (PHOTO/PCSDS DMO North)

  • AUGUST 2016 | ISSUE 8, VOL. 1

    PCSD2 updates

    PCSDPCSD Updates is a monthly publication produced

    by the PCSDS ECAN Education & Extension Division

    updatesMA. CHRISTINA D. RODRIGUEZ

    EDITOR NELSON P. DEVANADERA,

    ADELINA B. VILLENA EDITORIAL CONSULTANTS

    KEITH ANTHONY S. FABRO STAFF WRITER&LAYOUT ARTIST

    CELSO S. QUILING, JESSIE CERENO, AI NHI R. TRUDEAU

    PHOTOGRAPHER

    Oktubre 16 hanggang Disyembre 15.Maaari namang maghuli, magbenta,

    magbyahe at magluwas ng RFF pagpasok ng open season sa Setyembre 1 hanggang Oktubre 15, at Enero 1 hanggang Hunyo 15.

    Ngunit paaalala ng PCSD Staff-ECAN Regulation and Enforcement Division (PCSDS-ERED) na mag-renew o kumuha ng kaukulang mga permit dahil bagaman open season ay maaari pa rin magkaroon ng hulihan kapag hindi makapagpakita ng kaukulang mga dokumento.-K.A.S. FABRO

  • AUGUST 2016 | ISSUE 8, VOL. 1

    PCSDupdates 3HALOS DALAWANG linggo bago magtapos ang closed season sa reef-fish-for-food, nasa 526 piraso ng suno ang nakumpiska ng Provincial Law Enforcement Task Force (PLETF) sa Sitio Pamalatan, Bgy. Danleg, Dumaran, Palawan nitong Agosto 14.

    Dahil sa walang maipakitang Wildlife Special Use Permit and Local Transport Permit mula sa Palawan Council for Sustainable Development

    (PCSD), inaresto naman sina Adunis O. Ursal, Arsenio O. Ursal, Gabriel O. Ursal, at Eliseo S. Bagion na pawang mga residente ng Isla Sombrero, bayan ng Aborlan.

    Kakasuhan ang mga nabanggit bilang paglabag sa PCSD Reised Administrative Order No. 05-2014 o ang Guidelines for the Regulation and Monitoring of Catching, Culture,

    Trade, Transport and Export of Reef-Fish-For-Food in Palawan.

    Simula nang maipatupad ang closed season noong Hunyo 16 hanggang Agosto 31, nasa 16 na ang nasampahan ng kasong administratibo dahil sa paglabag sa nasabing polisiya.

    Sa ngayon, naibalik na sa karagatan ang mga buhay na suno.

    Ang nasabing operasyon ay isinagawa sa tulong ng pinagsanib na pwersa ng PCSD Staff Enforcement Team at Bantay Palawan Task Force, katuwang ang Kabayan Action Group, U2 ng Western Command at Rescue 165.

    526 suno, nakumpiska sa bayan ng Dumaran

    Ibat ibang wildlife species, nakuha

    sa Sheridan FarmIBAT IBANG WILDLIFE species ang kinumpiska at ni-rescue ng Provincial Law Enforcement Task Force (PLETF) sa Sheridan Farm sa Sitio Sugod II, Bgy. Cabayugan, Puerto Princesa City nitong Agosto 23.

    Ang nasabing mga threatened wildlife species ay ang sumusunod: Hill Mynah, 3 heads; Palawan Bearcat, 1 head; Porcupine, 2 heads; Wild Dove, 2 heads; Palawan Pheasant Peacock, 3 heads, at Palawan Bearded Pig, 1 head.

    Ikinasa ang operasyon matapos ipagbigay-alam sa PCSD Staff District Management Office (DMO) Central na walang permit para mangolekta at mag-alaga ng kahit anong wildlife species ang Sheridan Farm na nirerepresenta ni Joseph Tan at pinamamahalaan nina Michael Villegas, resident manager at Anastacio Ocampo Angeles, ang mismong farm manager.

    Nabatid din na makailang beses na umanong napagsabihan ng PCSDS DMO Central ang mga kinatawan ng Sheridan Farm na kumuha ng kaukulang permit para sa mga nabanggit na buhay-ilang upang legal na makapag-operate ang kanilang mini-zoo, ngunit wala umanong aksyon na ginawa ang management ng Sheridan.

    This shows a clear manifestation of negligence on their part and lack of interest in securing the proper permits for their wildlife species, ayon

    sa post-operation report ng PCSDS Enforcement Team.

    Kasalukuyang inihahanda ng PCSDS ECAN Regulation and Enforcement Division ang kaukulang kasong maaaring isampa sa mga nabanggit na personalidad bilang paglabag sa R.A. 9147 o ang Wildlife

    Act.Ang operasyon ay ikinasa sa tulong

    ng pinagsanib na pwersa ng PCSDS Enforcement Team at Bantay Palawan Task Force, katuwang ang U2 ng Western Command, Kabayan Action Group at Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center. - K.A.S. FABRO

    Maingat na hinuhuli ng mga staff ng Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center ang nakumpiskang Porcupine para mailipat ito sa pet carrier. (PHOTO/PCSDS ENFORCEMENT TEAM)

    NI KEITH ANTHONY S. FABRO

    natatanging gawi na nagsusulong ng sustainable development.

    Ang KAP Survey ay sinimulan nitong Hulyo lamang at nakatakda itong magtapos bago sumait ang Oktubre. Ang aktibidad na ito ay sa

    ilalim ng PCSDS ECAN Education and Extension Division (EEED) na naatasang gumawa ng mga plano at programa na dahan-dahang maglalayo sa mga tao mula sa kinagisnan nitong mga gawi na nakasisira sa kalikasan ng lalawigan. - K.A.S. FABRO

  • Pagprotekta sa Dungon ng Palawan isinusulongIsinisulong ngayon ng isang grupo ng kabataan ang pangangalaga at pagprotekta sa isang species ng hayop na sa buong Pilipinas ay tanging sa Palawan lamang matatagpuan.

    Ang Keep Otters in the Wild ay proyekto ng isang grupo ng mga kabataan na layuning itaas ang kamuwangan ukol sa Asian Small-clawed Otter (Aonyx cinereus).

    Ito ay sa ilalim ng Young Southeast Asian Leaders Initiative (YSEALI) Sea and Earth Advocates (SEA) Camp ng non-profit organization na Save Philippine Seas, at ng U.S. Embassy-Manila, ayon sa nagpasimula ng proyekto na si Jenevieve Hara, isa sa 25 kabataan na partisipante ng YSEALI SEA Camp na ginanap noong ika-6

    hangang 12 ng Hunyo taong kasalukuyan sa Boracay Island, Aklan.

    Ayon sa mga siyentipikong pag-aaral, ang Asian Small-clawed Otter ay ang pinakamaliit

    NI EDUARDO CABRERAContributing Writer

    sa 13 otter species sa buong mundo. Ito ay isang uri ng mammal at ang pangunahing kinakain nito ay ang mga alimasag, kuhol at iba pang molusko, insekto at maliliit na isda na

    BULNERABLE: Ang Asian Small-clawed Otter o kilala rin sa

    tawag na Dungon at Pangkat-pangkatan ay naninirahan sa kabakawan at bukana ng mga

    ilog kung saan sila kumakain ng alimasag, kuhol at iba pang molusko, insekto at maliliit na

    isda. PHOTO// IANTHE MARIE P. BENLIRO/WPU-CFAS

    PCSDupdatesAUGUST 2016 | ISSUE 8, VOL. 1

    4

    Ang mga volunteers ng Keep Otters in the Wild kasama ang mga estudyante ng Western Philippines University -Agricultural Science School matapos ang isinagawang info-campaign. KUHA JAKE DE GUZMAN

    matatagpuan sa kabakawanan at ng ilog.Base sa Red List of Threatened

    Species ng International Union for Conservation of Nature, ang Asian Small-clawed Otter o kilala rin sa tawag na Dungon at Pangkat-pangkatan, ay nakakategorya bilang Vulnerable o kasama na sa mga nanganganib na maglaho kapag hindi pinrotektahan mula sa mga nakaambang banta rito, gaya ng pagkasira ng kanilang tahanan.

    Sa datos ng PCSDS, ang mga nakukumpiska o narereskyung Dungon mula sa posesyon ng mga wildlife traffickers ay nasa bayan ng Quezon at Aborlan sa katimugang Pal