AP 6 Ang Edukasyon sa Panahon ng Komonwelt

9
H E K A S I 5 Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS EDUKASYON SA PANAHON NG KOMONWELT Department of Education BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

Transcript of AP 6 Ang Edukasyon sa Panahon ng Komonwelt

Page 1: AP 6 Ang Edukasyon sa Panahon ng Komonwelt

H E K A S I

5

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools

SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

EDUKASYON SA PANAHON NG KOMONWELT

Department of Education

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

Page 2: AP 6 Ang Edukasyon sa Panahon ng Komonwelt

Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),

DepEd - Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education

in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

Page 3: AP 6 Ang Edukasyon sa Panahon ng Komonwelt

1

GRADE V

EDUKASYON SA PANAHON NG KOMONWELT

Kilala mo ba ang nasa larawan?

Tama ka, siya si Manuel L. Quezon na naging pangulo ng Pamahalaang Komonwelt.

Marami siyang mga pagbabagong isinagawa sa panahon ng kanyang

panunungkulan. Isa na rito ang mga pagbabago sa edukasyon.

Gusto mo bang malaman ito?

Sige, simulan na natin!

ALAMIN MO

Page 4: AP 6 Ang Edukasyon sa Panahon ng Komonwelt

2

Subukin mong sagutin ang mga sumusunod na mga tanong tungkol sa

nakaraan nating aralin, ang sistema ng eudkasyon sa panahon ng Amerikano.

Panuto: Isulat ang (K) kung ang ipinahahayag ng pangungusap ay may katotohanan at (WK) kung walang katotohanan. Gawin mo ito sa iyong kuwadernong sagutan.

1. Ang naging unang guro ng mga Pilipino sa panahon ng Amerikano ay

ang mga Thomasites. 2. Bukod sa mga paaralang pambayan, nagbukas din ng mga paaralang

pampribado sa panahong ito. 3. Binigyang-diin ang pagtuturo ng relihiyon sa panahong ito. 4. Layunin ng mga Amerikano na tulungan ang mga Pilipino na maging

mabuting mamamayan. 5. Ang sagisag ng sibilisasyong Amerikano ay ang simbahan.

PAGBALIK-ARALAN MO

Page 5: AP 6 Ang Edukasyon sa Panahon ng Komonwelt

3

Narito ang mga pagbabago sa edukasyon na ipinatupad ni Pangulong Manuel L. Quezon noong panahon ng Komonwelt. Basahin mo ang mga nakapaloob sa mga lobo ng kaalaman.

PAG-ARALAN MO

Binigyang-diin ang pagtuturo ng kabutihang-asal, disiplina, sibika at mga gawaing-kamay. Nilinang mabuti ang diwang makabayan.

Pinangalagaan ang edukasyong bokasyunal. Itinuro ang pagbubungkal, pananahi at pagluluto upang magkaroon ng kasanayan sa pagkakakitaan kung di na makapagpatuloy ng pag-aaral.

Pinagtibay ang Batas Pang-Edukasyon noong 1940 na itinakda ang pag-aalis ng ikapitong baitang at gumawa na lang ng anim na taon ang elementarya.

Itinatag ang Tanggapan ng Edukasyong Pang may Sapat na Gulang (Adult Education). Pinasigla nito ang pagtuturo ng pagbasa at pagsulat sa mga may sapat na gulang.

Nilikha ang Tanggapan ng Pribadong Edukasyon noong 1936. Pinangasiwaan nito ang lahat ng mga pribadong institusyong pang-edukasyon sa Pilipino.

Sa seremonya sa pagtataas ng watawat kung Lunes at pagbaba ng watawat kung Biyernes ipinaaawit ang “Star Spangled Banner”, pambansang awit ng mga Amerikano at “Lupang Hinirang”, ang ating pambansang awit

Page 6: AP 6 Ang Edukasyon sa Panahon ng Komonwelt

4

Alam mo ba kung bakit binigyang diin ng Pamahalaang Komonwelt ang paglinang ng diwang makabayan?

Sapagkat naging makabago man ang sistema ng edukasyon sa panahon

ng Espanyol at panahon ng Amerikano, ang umunlad naman ay ang kanilang kultura. Kaya nang manungkulan si Manuel L. Quezon bilang pangulo ng Komonwelt pinagtibay niya ang isang edukasyong Pilipino sa diwa at kaluluwa.

Paano niya isinagawa ito?

Pinaturo niya ang buhay at mga nagawa ng bayaning Pilipino.

Pinagamit niya ang pambansang wika bilang wikang panturo.

Pinaturo nang mabuti ang kasaysayan, sibika, kagandahang asal at iba pang Pilipinong-pilipino.

Balikan mo ang mga lobo ng kaalaman anu-ano pang pagbabago ang

naisagawa sa edukasyon? Gumawa ka ng isang talaan.

Anong baitang sa intermedya ang inalis?

May natutuhan ka ba sa mga “Lobo ng Kaalaman”? Sagutin mo ang sumusunod na mga tanong.

1. Anu-ano ang binigyang-diin sa pagtuturo sa mga paaralan sa panahon ng

Komonwelt? 2. Ano ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng edukasyong bokasyunal/ 3. Bakit itinakda ang Batas Pang-edukasyon 1940? 4. Paano nakatulong ang Tanggapan ng Edukasyong Pangmay-sapat na

gulang? 5. Bakit nilikha ang Tanggapan ng Pribadong Edukasyon noong 1946? 6. Anu-ano ang ipinaaawit sa pagtaas at pagbaba ng watawat?

Nasagot mo ba ang mga tanong? Basahin mong muli ang mga lobo ng kaalaman upang maiwasto mo ang iyong mga sagot.

PAGSANAYAN MO

Page 7: AP 6 Ang Edukasyon sa Panahon ng Komonwelt

5

Nagtakda ng mga batas at tuntunin upang mapabuti ang kalagayan ng edukasyon sa bansa tulad ng:

- Batas pang-edukasyon 1940

- Paggamit ng pambansang wika bilang wikang panturo

- Pagtuturo ng kasaysayan, sibika at kagandahang-asal

Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng diwang

makabansa o makabayan? Isulat mo ang kung nagpapakita ng pagiging

makabayan at kung hindi. Gawin mo ito sa iyong kuwadernong sagutan.

Mga Gawain

1. Iginagalang ang watawat ng Pilipinas 2. Bumili ng mga produktong yari sa bansa 3. Ikinahihiya ang pagiging kayumanggi. 4. Nakikilahok sa mga proyektong “Operasyon

Linis” 5. Ipinagtatanggol ang sariling bansa 6. Nakikipagtulungan sa mga lingkod-bayan 7. Minamahal ang sariling wika 8. Itinatakwil ang pagka-mamamayang Pilipino

TANDAAN MO

ISAPUSO MO

Page 8: AP 6 Ang Edukasyon sa Panahon ng Komonwelt

6

Binigyang-diin sa pagtuturo sa panahon ng Komonwelt ang pagkakaroon ng disiplina. Gumawa ka ng talaan kung paano mo maipakikita ang disiplina sa tahanan, sa paaralan at sa pamayanan.

Kopyahin mo sa iyong kuwaderno ang House Chain Web at dito mo isulat

ang iyong mga sagot.

GAWIN MO

Disiplina sa

Tahanan

Disiplina sa

Paaralan

Disiplina sa

Pamayanan

Page 9: AP 6 Ang Edukasyon sa Panahon ng Komonwelt

7

Itambal ang hanay A sa hanay B. Isulat mo ang titik ng wastong sagot sa

iyong kuwadernong sagutan.

Hanay A Hanay B

1. Itinakda ang pag-aalis ng ikapitong baitang

2. Ginamit bilang wikang panturo 3. Itinuro ang pagbuburda, pananahi at

pagluluto 4. Nangasiwa sa mga pribadong

institusyon 5. Pinasigla ang pagtuturo ng pagbasa

at pagsulat sa mga may sapat na gulang

a. Batas pang-edukasyon 1940

b. Edukasyong Bokasyunal c. Pambansang Wika d. Tanggapan ng

Edukasyong Pangmay-sapat na gulang

e. Tanggapan ng Pribadong

Edukasyon f. Tanggapan ng Pangulo

Si Pangulong Quezon ang nagpatupad ng iba’t-ibang patakaran sa edukasyon. Magsaliksik ka tungkol sa kanyang talambuhay.

PAGTATAYA

PAGPAPAYAMANG-GAWAIN

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.