Kagawaran ng Edukasyon Physical Education 5
Transcript of Kagawaran ng Edukasyon Physical Education 5
Kagawaran ng Edukasyon
Physical Education 5 Mga Lead – Up Games
Ikalawang Markahan – Ika-6 na Linggo
Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Mellanie S. Ibay
Manunulat
Joan Claire De Padua
Ma. Dolores A. Almoro
Josephine J. Alarcon
Melissa D. Columna
Tagasuri
Evangeline M. Aman
Edison C. Enerlas
Pangdibisyong Katiyakan sa Kalidad
1
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
* Natutukoy ang iba’t –ibang Larong Lahi tulad ng Lead-up Games. (PE5GS-
IIb-2)
* Naiisa-isa ang iba’t-ibang panuntunang pangkaligtasan.
* Naisasagawa ang iba’t-ibang kasanayan sa Lead-up Games.
Panuto: Basahin at bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay isang laro na kung saan nasusubukan ang kagalingan sa
pag-iwas at pagtaya sa kalaro.
A. Invasion Game C. Physical Game
B. Lead up game D. Volleyball Game
2. Ito ay isang Larong Pinoy na nasusubok ang koordinasyon ng
katawan habang ginagaya ang isang pagong.
A. Patintero C. Turtle Tag
B. Lawin at Sisiw D. Agawan Base
3. Ito ay isang laro na kung saan ang manlalaro ay nakatayo sa gitna
at may hawak na isang panyo. A. Agawan Base C. Agawang sulok
B. Agawan Panyo D. Patintero
4. Ilang pangkat ang bumubuo sa larong Agawan Panyo?
A. 1 C. 3
B. 2 D. 4
5. Ito ay isang Lead- up Game na kung saan ang bawat kasapi ay
tatakbo papunta sa dingding at hahawakan ito.
A. Agawan Panyo C. Agawan Base
B. Lawin at sisiw D.Hawakan ang Dingding
6. Ang larong Invasion Game ay nakakatulong upang mapahusay ang
iyong__________.
A. liksi at bilis C. lakas ng kalamnan
B. tatag ng binti D. lakas ng katawan
7. Sa paglalaro ng turtle tag ay nasusubok ang iyong kagalingan sa____.
A. pagtalon at pagtakbo C. pagsayaw at pag-ikot
B. pag-upo at pagsayaw D. pagtakbo at pag-iwas
2
8. Hinahasa sa Invasion Game ang ____________.
A. physical fitness C. physical activity
B. physical appearance D. physical theraphy
9. Sa paglalaro ng Agawang Panyo, mahalaga na maging __________. A. alerto C. matalino
B. mahinhin D. mayabang
10. Upang makapuntos sa larong lead-up games kailangan
ang __________ upang manalo.
A. alerto C. malakas
B. mabagal D. matulin
Panuto: Buuin ang ginulong salita upang makabuo ng angkop sa
pangungusap.
1. Nagpapalakas ng (santima) ang paglalaro ng Invasion Game.
2. Ang (pagayat at siwa-pag) ay mga kasanayan sa paglalaro ng Lead up Games.
3. Sa paglalaro ng (sioninva emag) kailangann lusubin ang teritoryo
ng kalaban sa pamamagitan ng pagtaya.
4. Upang manalo sa laro kailangan maging (otlera) sa lahat ng oras.
5. Sa paglalaro ng invasion game nasusukat nito ang iyong ( lisik at lisib).
ANG TRADITIONAL GAMES O LARO NG LAHI
Ang Traditional Filipino Games o Larong Lahi -ay isang laro na kadalasang nilalalaro ng ating mga kabataan, kadalasang ginagamitan ng
katutubong kagamitan or kasangkapan. Dahil sa limitadong pagkukunan ng
mga kagamitan para sa laro ng ating mga kabataan, sila ay gumagawa ng mga laro na kung saan hindi na nila kailangan ng kahit anu pa man bagkus
sila na lamang ang naglalaro.
Sa paglalaro ng Lead - up Games ang kasanayan sa pagtaya at pag –iwas ay nasusubukan. Ang galing sa pakikinig at pagiging alerto, maging ang
iyong liksi at bilis ay nasusubukan. Ang kasanyan at abilidad na ito ay
makatutulong sa iyong mahusay na paglalaro.
3
LEAD UP GAMES
A. Turtle Tag
Sa larong Turtle Tag, ang iyong koordinasyon sa katawan ay
nasusubukan habang ginagaya ang isang turtle/pagong. Ang iyong
kasanayan sa pagtakbo at pag-iwas ay magagamit din. Ang mga
practice games ay ginagamit sa paghahanda at pagkondisyon ng mga
manlalaro para sa mas mabibigat na gawain.
Ang larong ito ay nangangailangan ng malawak na espasyo na
maaaring gamitin. Siguraduhing ang sahig ay walang anumang bagay
na makahaharang sa mga manlalaro.
Sa paglalaro nito,
Isang manlalaro ang magiging taya.
Susubukin ng taya na hulihin ang mga manlalaro.
Upang makaiwas ang ibang manlalaro sa pagkataya,
kailangan nila humiga nang patihaya sa sahig at itaas ang
mga braso at binti hanggang umalis ang taya.
Ang mahuhuli ang susunod na taya.
B. Agawang Panyo
Ang larong ito ay binubuo ng dalawang pangkat na may
parehong bilang ng miyembro at isang tagataas ng panyo. Ito ay
isinasagawa upang mahasa ang kanilang bilis at liksi. Ito ay binubuo
ng dalawang pangkat na may pantay na bilang ng miyembro. Bawat
kasapi ay bibigyan ng numero. Pipila ang dalawang pangkat na
magkaharap sa isa’t-isa.
Sa paglalaro nito,
Uupo ang mga manlalaro sa sahig.
Isang manlalaro ang tatayo sa gitna at may hawak na isang
panyo o bandana.
4
Tatawagin niya ang isang numero at ang dalawang manlalaro
na may – ari ng numerong ito ay tatakbo at mag – aagawan sa
panyo.
Ang nakakuha ng panyo o bandana ay kailangang makabalik
sa kanyang puwesto bago siya tayain ng kaniyang kalaban.
Kung makabalik sa puwesto ang manlalaro na hawak ang
panyo, ang kaniyang pangkat ay mabibigyan ng isang puntos.
Ang pangkatang may pinakamaraming puntos ang mananalo.
C. Hawakan ang dingding
Ito ay binubuo ng dalawang pangkat na may pantay na bilang
ng miyembro, kung saan ang dingding ang magsisilbing base o
bahay ng bawat grupo. Nililinang nito ang liksi at koordinasyon
ng katawan.
Upang maiwasan ang anumang aksidente habang naglalaro kailangang sundin ang mga sumusunod:
5
Magsuot ng proteksiyon tulad ng helmet, pads at ibang pang gamit pang proteksyon.
Mag warm up bago maglaro at cool down pagkatapos.
Sundin ang mga tutuntuning pangkaligtasan sa paglalaro. Iwasan ang paglalaro kapag may pinsala.
Ibayong pag-iingat ay dapat sundin sa lahat ng oras.
Panuto: Humanap ng isang lugar na maaring paglaruan sa labas ng
inyong bahay. Pumili ng isang laro mula sa napag-aralang aralin na
nakatala sa ibaba. Isagawa ito kasama ng iyong mga magulang, kapatid
o kaibigan. Isaalang-alang ang mga panuntunang pangkaligtasan
habang isinasagawa ang paglalaro.
a. Turtle Tag
b. Agawan Panyo
c. Hawakan ang Dingding
Pamantayan
1. Sumunod nang tapat sa panuntunan ng laro.
2. Sumunod sa mga panuntunang pangkaligtasan.
3. Nakiisa sa kanyang pangkat.
4. Nagpakita ng kasanayan.
5. Nagpamalas ng sportsmanship.
Rubriks:
Puntos
5
Nakasunod sa lahat ng pamantayan
4
Nakasunod sa 4 lamang pamantayan
3
Nakasunod sa 3 lamang pamantayan
2
Nakasunod sa 2 lamang pamantayan
1
Nakasunod sa 1 lamang pamantayan
6
ANG TRADITIONAL GAMES O LARO NG LAHI
Ang Traditional Filipino Games o Larong Lahi -ay isang laro na kadalasang nilalalaro ng ating mga kabataan, kadalasang ginagamitan ng
katutubong kagamitan o kasangkapan. Dahil sa limitadong pagkukunan ng
mga kagamitan para sa laro ng ating mga kabataan, sila ay gumagawa ng mga laro na kung saan hindi na nila kailangan ng kahit anu pa man bagkus
sila na lamang ang naglalaro
Sa paglalaro ng Lead-up Games ang kasanayan sa pagtaya at pag –
iwas ay nasusubukan. Ang galing sa pakikinig at pagiging alerto, maging ang
iyong liksi at bilis ay nasusubukan. Ang kasanyan at abilidad na ito ay makatutulong sa iyong mahusay na paglalaro.
Halimbawa:
a. Turtle Tag b. Agawang Panyo
c. Hawakan ang Dingding
Panuto: Isulat ang T kung totoo at H kung hindi totoo ang bawat
pangungusap. Isulat ito sa patlang bago ang bilang.
_______1. Ang Lead-up games ay mga laro na kung saan nalilinang ang liksi
at bilis.
_______2. Malalaman ang pakikiisa ng pangkat sa paglalaro ng Lead-up
games.
_______3. Laging may tiyak na oras sa paglalaro ng Lead-up games.
_______4. Kailangang tandaan ang panuntunang pangkaligtasan sa
paglalaro ng Lead-up games.
_______5. Mahalaga ang patas na paglalaro sa anumang isport.
7
Panuto: Bilugan ang letra ng wastong sagot.
1. Sa paglalaro ng turtle tag ay nasusubok ang iyong kagalingan sa
__________.
A. pagtalon at pagtakbo C. pagsayaw at pag-ikot
B. pag-upo at pagsayaw D. pagtakbo at pag-iwas
2. Hinahasa ng Invasion Game ang _____________.
A. physical fitness C. physical activity
B. physical appearance D. physical theraphy
3. Sa paglalaro ng Agawang Panyo, mahalaga na malinang dito ang
__________.
A. pagiging alerto C. pagiging matalino
B. pagiging mahinhin D. pagiging mayabang
4. Upang makapuntos sa larong Lead-up Games kailangan __________ upang manalo.
A. alerto C. malakas
B. mabagal D. matulin
5. Ito ay isang laro na kung saan nasusubukan ang kagalingan sa pag-
iwas at pagtaya sa kalaro.
A. Invasion Game C. Physical Game
B. Lead Up Game D. Volleyball Game
6. Ito ay isang Larong Pinoy na nasusubok ang koordinasyon ng
katawan habang ginagaya ang isang pagong.
A. Patintero C. Turtle Tag
B. Lawin at Sisiw D. Agawan Base
7. Ito ay isang laro na kung saan ang manlalaro ay nakatayo sa gitna
at may hawak na isang panyo.
A. Agawan Base C. Agawang sulok
B. Agawan Panyo D. Patintero
8
8. Ilang pangkat ang bumubuo sa larong Agawan Panyo?
A. 4 C. 2
B. 3 D. 1
9. Ito ay isang lead up game na ang bawat kasapi ay tatakbo papunta
sa dingding at hahawakan ito.
A. Agawan Panyo C. Agawan Base
B. Lawin at sisiw D. Hawakan ng Dingding
10. Ang larong Invasion Game ay nakakatulong upang mapahusay ang iyong
__________.
A.liksi at bilis C. lakas ng kalamnan
B.tatag ng binti D. lakas ng katawan
9
Sanggunian
Masigla at Malusog na Katawan at Isipan Batayang Aklat 5
Helen G. Gatchalian, Gezyl G. Ramos, Johannsen C. Yap
Inilathala sa Pilipinas ng Vibal Group, Inc., 1253 Gregorio Araneta
Avenue, Quezon City, Philippines.
https://www.google.com/search?q=patintero+black+and+white+clipart&tbm=isch&
ved=2ahUKEwii3Zbk_9vrAhUCYJQKHdHDA4EQ2-
cCegQIABAA&oq=patintero+black+and+white+c&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADoE
CAAQHjoGCAAQCBAeUOvjAljB5QJg3vICaABwAHgAgAGSBIgB-
gWSAQcyLTEuNS0xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=UcB
YX-LwBoLA0QTRh4-ICA&bih=663&biw=1366#imgrc=igRiNjTXbmmzjM
https://www.google.com/search?q=tagu+taguan&tbm=isch&hl=en&sa=X&ved=2ah
UKEwi5_vfOgNzrAhUGD6YKHZmqBQkQBXoECAEQLw&biw=1349&bih=663#imgrc
=hDz4U9SE2rpzUM
https://www.google.com/search?q=luksong+baka&tbm=isch&ved=2ahUKEwj5qLu
3gtzrAhUD15QKHaeaDXAQ2-
cCegQIABAA&oq=luksong+baka&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzICCAAyAggAMgIIA
DICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoECCMQJzoFCAAQsQNQn_kLWNaHDGC
eiQxoAHAAeACAAaUCiAGwD5IBBTAuOC4zmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQ
E&sclient=img&ei=GMNYX_m8J4Ou0wSntbaABw#imgrc=beM3jtu0hTAF6M
https://www.google.com/search?q=turtle+tag+game+image&tbm=isch&ved=2ahUK
EwiCgY_XjdzrAhXOzIsBHZw0CecQ2-cCegQIABAA#imgrc=kaM4UhR2vdIBVM
SUSI SA PAGWAWASTO
Susi n
g P
agw
aw
asto
Un
an
g P
agsu
bok
1.
B
2.
C
3.
B
4.
B
5.
D
6.
A
7.
D
8.
C
9.
A
10.
A
Balik
- Tan
aw
1.
STA
MIN
A S
tam
ina
2.
Pagta
ya a
t Pag-iw
as
3.
Invasio
n G
am
e
4.
Ale
rto
5.
Lik
si a
t Bilis
Gaw
ain
1.
√
2.
√
3.
√
4.
√
5.
√
Pan
gw
akas n
a P
agsu
su
lit
1.
D
2.
A
3.
A
4.
A
5.
B
6.
C
7.
B
8.
C
9.
D
10.
A