eal of artnership Filipino...ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikang lumaganap sa Panahon ng...
Transcript of eal of artnership Filipino...ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikang lumaganap sa Panahon ng...
8
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Zest for Progress
Zeal of Partnership
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 1
Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin
(Pangunahin at Pantulong na Kaisipan)
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Noelma T. Biol
Editor/Tagasuri: Ronna B. Laranjo/Michel P. Enero
Tagalapat: Dave D. Cubero
Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI- Schools Division Superintendent
Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien - Chief, Education Supervisor SGOD
Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor- Filipino
Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS
Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Ikalawang Markahan – Modyul 1: Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin (Pangunahin at Pantulong na Kaisipan) Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: [email protected]
1
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ng mga mag-aaral
ang pag-unawa sa mga akdang
pampanitikang lumaganap sa Panahon
ng Amerikano, Komonwelt at sa
Kasalukuyan.
Naisusulat ang sariling tula sa
alinmang anyo tinalakay tungkol sa
pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan.
Handa ka na ba? Halina’t simulan na natin.Kumusta ka na
kaibigan? Binabati kita at natapos mo na ang mga modyul sa Unang Markahan.
Tiyak kong ang dami mo nang natutuhan. Panibagong aralin na naman ang ating
tatalakayin sa loob ng modyul na ito. Tiyak na mawiwili ka sa pagsagot sa mga
gawaing inihanda ko para sa iyo.
Ang araling ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka para sa ibayong paglinang ng iyong kasanayan sa pang-unawa sa tekstong iyong binabasa. Inilalahad sa araling ito ang ilang tiyak na teknik para sa mabisang pagtukoy sa pangunahing kaisipan at pansuportang detalye ng isang talata, babasahin o sa alinmang akda. PAALALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG SARILING SAGUTANG PAPEL.
Alamin
Gamit ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang
nakasaad sa binasa (F8PB-IIa-b-24)
2
Aralin
1
Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin Pangunahin at pantulong na
Kaisipan
Balikan
Gawain A: Panimulang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na teksto. Isulat ang
pangunahing kaisipan ng bawat isa at pagkatapos ay itala ang pansuportang
detalye.
1. Ang kamatis na napagkakamalang gulay ay isa palang masustansyang prutas na nagtataglay ng Bitamina A at C? Ayon sa mga dalubhasa, ang madalas na pagkain ng kamatis ay nakatutulong upang makaiwas sa kanser sa tiyan. Pangunahing kaisipan: _________________________________________________ ________________________________________________________________________ Pantulong na kaisipan: _________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Ang isdang tuna ay isang malaking salik sa pagpasok ng dolyar sa ating bansa. Ang Pilipinas ang nangunguna sa pagluluwas ng mga de-latang tuna sa iba’t ibang panig ng daigdig. Mahigit 50% ng mga tunang ito ay nanggagaling sa Mindanao o sa timog na bahagi ng bansa. Kabilang na rito ang Golpo ng Moro, Dagat Sulu, Dagat Bohol, Look ng Batangas, at Golpo ng Ragay. Pangunahing kaisipan: _________________________________________________ ________________________________________________________________________ Pantulong na kaisipan: _________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Saging ang pinakamasustansyang prutas na malaki ang naitutulong sa pagpapalaki ng kalamnan ng ating katawan. Marami ang nagsasabi na ang saging ay hindi prutas kundi isang uri ng “berry” ang puno nito ay itinuturing na isang uri ng “herb” Nagtataglay rin ito ng mga sustansyang tumutulong sa pagpapabilis ng pagbuo ng mga nasirang tisyu sa ating katawan. Pangunahing kaisipan: _________________________________________________ ________________________________________________________________________ Pantulong na kaisipan: _________________________________________________ ________________________________________________________________________
3
4. Isang mabait na bata si Carol. Magalang siyang makipag-usap sa mga tao. Sinusunod niya ang mga payo ng kanyang mga magulang at guro. Siya ay tumutulong sa mga gawaing-bahay at mga gawain sa paaralan. Pangunahing Kaisipan: __________________________________________________ __________________________________________________________________________ Pantulong na kaisipan: __________________________________________________ __________________________________________________________________________
5. Kaming mag-asawa ay nagkakaroon na ng mga problema. Ang aking asawa ay mahilig gumasta ng pera samantalang ako ay matipid. Mahilig din siyang lumabas tuwing gabi kung kailan tulog na ako. Gusto rin niya ng iba’t ibang uri ng sports na talagang ayaw ko. Pangunahing Kaisipan: __________________________________________________
_________________________________________________________________________ Pantulong na kaisipan: _________________________________________________ ________________________________________________________________________
Nasagot mo ba nang tama ang gawain? Huwag kang mag-alala. Halina’t
tuklasin natin.
Tuklasin
Gawain A: Alamin Mo Na!
Ano ang unang ginagawa ng isang mahusay na mambabasa? Tama! Ang
unang gagawin ng mahusay na mambabasa upang maunawaan ang binasa ay ang
pagtukoy sa paksa ng tekstong binasa.
Ano ang paksa? Ito ay nagsasaad kung ano ang ideyang pinagtutuunan ng
pansin. Alam mo ba ang paraan para matukoy mo ang paksa ng teksto? Isa na rito
ang pagsusuri sa pamagat. Kapag nakuha mo ang paksa, madali nang kunin ang
pangunahing ideya.
Ang isang paraan na makatutulong sa pagtukoy sa paksa ay ang pagsusuri
sa pamagat. Ito ang dapat unang bigyang-pansin ng mga mambabasa. Sa
katunayan, malimit na ipinahihiwatig ng pamagat ang paksa ng isang teksto.
Tingnan ang halimbawa sa ibaba. Pansinin ang pamagat:
Basahin mo ang teksto at tingnan kung tungkol nga ba sa pagpapatupad ng
curfew sa Kalakhang Luzon ang paksa nito.
4
Tama! Tungkol nga sa pagpapatupad ng curfew sa Kalakhang Luzon ang
paksa ng teksto. Malinaw nga na natukoy ang paksa ng teksto sa tulong ng pamagat.
Pagkatapos mong matiyak ang paksa ng isang teksto, ang susunod na dapat
mong itanong sa sarili ay ganito: “Ano ang gustong ipaalam o nais ipaunawa ng
sumulat tungkol sa paksa? Ang sagot sa tanong na ito ay ang pangunahing ideya o
kaisipan ng teksto. Ang pangunahing ideya/kaisipan ay ang pinakamahalagang
kaisipan tungkol sa paksa ng isang teksto. Magiging madali ang pagtukoy sa
pangunahing ideya o kaisipan ng isang teksto kung itatanong mo sa iyong sarili ang
sumusunod na mga tanong:
Ano ang paksa o ang pinag-uusapan ?
Ano ang nais ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa?
Ang isang teksto ay binubuo rin ng mga pangungusap na nagtataglay ng mga pansuportang detalye. Ang mga pansuportang detalye ang nagbibigay-linaw sa pangunahing ideya upang maunawaan ito nang lubos. Ang mga pansuportang detalye ay nagtataglay ng mahahalagang impormasyon na tumutulong sa mambabasa upang lubusang maunawaan ang tekstong binasa. Gayundin nagtataglay ito ng mahahalagang impormasyon na tumutulong sa mambabasa upang lubusang maunawaan ang pangunahing ideya o kaisipan ng isang teksto tulad ng petsa, pangalan, lugar, paglalarawan, datos, istatistika at iba pang mahahalagang impormasyon na nagbibigay-suporta sa pangunahing ideya. Mahalaga ang pagkilala at pag-unawa sa mga detalyeng nagbibigay ng suporta sa pangunahing ideya/kaisipan dahil sa: 1. Ito ang susi sa lubusang pag-unawa ng pangunahing ideya/kaisipan.
2. Nakatutulong ang mga ito para madaling matandaan ang mahalagang impormasyon sa isang teksto.
3. Makatutulong din ito upang maunawaan ang pagkakabuo ng isang teksto. Ang pagtatamo ng mga kasanayan sa pagtukoy sa paksa, pangunahing ideya/kaisipan at mga pansuportang detalye ng isang teksto ay isang magandang simula upang ikaw ay maging epektibong mambabasa.
Naging malinaw ba sa iyo ang mga ipinaliwanag ko? Tingnan natin. Heto pa ang isang teksto.
Basahin mong mabuti at alamin ang paksa. Tukuyin o buuin ang pangunahing ideya/kaisipan, pagkatapos.
Curfew: Ipinatutupad na sa Kalakhang Luzon
Ipinapatupad ngayon sa Kalakhang Luzon ang pagpapatupad ng curfew.
Malinaw na ipinatutupad ang curfew sa mga kabataang may 17 taong gulang
pababa. Magsisimula ito ng ika-10 ng gabi hanggang ika- 4 ng umaga. Aarestuhin
at parurusahan ang mga kabataang lalabag sa nasabing curfew.
5
Mangosteen: Mahika ng Kalikasan Ni Ligaya Tiamzon Rubin
Liwayway, Disyembre – 2003 May mga nagtataguri sa mangosteen bilang reyna ng mga prutas sapagkat kakaiba at natatangi ito. Maaari ring ito ang prutas na sinasabing paborito ni Reyna Victoria ng Great Britain. Hugis piramido ang tuktok ng puno ng mangosteen. May katagalan itong lumaki. Brown na papaitim ang matigas na kahoy nito at may kulay dilaw na dagta. Pinaniniwalaang magiging mapakla ito kapag natalsikan ng dagta nito ang bunga. May mga dahon itong manilaw-nilaw na berde, makapal, madulas, makinis at hugis oblong. May kumpul-kumpol itong bulaklak na may tulduk-tuldok na pula. Kaakit-akit tingnan ang mga petalyo nito na kulay berde sa labas at kulay dilaw sa loob. Tulad ito sa mga ornamental na bulaklak. Ayon sa mga tala, mula sa Thailand ang mangosteen. May mga nagsasabi naman na mula ito sa peninsula ng Malay, Molucca at Sunda Island.
Karaniwang makikita ang mga taniman ng mangosteen sa Mindanao. Sa mga tropikal na bansa ito madalas na tumutubo.
Gabay na tanong:
1. Ano ang pangunahing kaisipan ng binasang teksto? 2. Anu-ano namang mga detalye ang inilahad sa teksto na nagsasabing
kakaiba at natatangi ang mangosteen? 3. Bakit sinasabing kakaiba at natatangi ang mangosteen?
Nasagot mo ba ang tanong? Ihambing mo ang iyong sagot dito. Ito ang mga
detalyeng sumusuporta sa pangunahing kaisipan ng tekstong binasa.
Itinataguri ang mangosteen bilang reyna ng mga prutas sapagkat kakaiba at natatangi ito dahil sa: 1. Hugis piramido ang tuktok ng puno nito. 2. May katagalan itong lumaki. 3. Pinaniniwalaang magiging mapakla ito kapag natalsikan ng dagta ang bunga nito.
4. Brown na papaitim ang matigas na kahoy nito at may kulay dilaw na dagta.
5. Sa mga tropikal na bansa ito madalas tumubo.
Ang pagtukoy sa paksa ay mahalagang hakbang sa pag-unawa, ngunit
kailangang tiyakin na alam at nauunawaan mo rin ang kahulugan ng pamagat ng
tekstong binabasa. Huwag isipin na maibibigay mo agad ang pangunahing
ideya/kaisipan ng isang teksto sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa sa una at
huling pangungusap nito. Kailangang basahin mong mabuti ang kabuuan ng teksto
upang matiyak ang pangunahing ideya. Tandaan na ang pangunahing ideya /
kaisipan ay ang pinag-uusapan sa alinmang teksto. Ito ang iniikutan ng talakay.
Mahalagang basahin nang may pang-unawa ang anumang teksto upang matukoy
ang pangunahing ideya nito.
Basahin at unawain ang tekstong nasa ibaba at sagutin ang mga tanong
tungkol dito.
6
Batas ng Lansangan
Manilyn A. Sison Ang Sulo, Mataas na Paaralang Torres
Disyembre, 2002
Isang makabuluhang hakbang ang pagpapatupad ng barangay curfew
mula ika-10 ng gabi hanggang ikaapat ng umaga sa may 897 barangay sa anim
na distrito ng Maynila sa mga kabataang 17 taong gulang pababa batay sa City
Ordinance No.8046 na itinakda ni Manila 6th District Councilor Julio Logarta.
Layunin ng ipinatutupad na curfew na mapangalagaan ang mga kabataan sa masasamang elemento tulad ng pagtutulak at pagkalulong sa mga ipinagbabawal na gamot at mga marahas na pangkat na gumagala sa lansangan tuwing gabi. Makabuluhan ang layunin ng ordinansang ito- ang pangalagaan ang mga kabataan at makaiwas sa pagkalulong sa mga ipinagbabawal na gamot,
pag-inom ng alak, paninigarilyo at pagsusugal, mailayo sa maimpluwensiyang barkada at lalo’t higit sa lumalalang karahasan sa bansa na karaniwang nagaganap tuwing gabi. Kaugnay nang pagpapatupad na ito, may mga kaparusahan sa mga mahuhuling kabataang nasa labas ng bahay sa ganitong oras ng gabi. Tunay na malaking tulong ang barangay curfew sa paghubog ng mga pag-asa ng bayan. Magkakaroon ang mga kabataan ng disiplinang pansarili, katangiang makapagpapaunlad sa kanilang katauhan at paghahanda sa pagiging responsableng mamamayan ng bansa.
Ano ang paksa ng teksto? Tama ka kaibigan, ang paksa ng teksto ay ang pagpapatupad ng curfew na agad na matatagpuan sa unang talata ng teksto. Ano naman ang pangunahing ideya nito? Di ba, “Isang makabuluhang hakbang ang pagpapatupad ng curfew sa Lungsod ng Maynila. Ngayon ay handa ka ng sagutan ang susunod na Gawain. SAGUTAN: Lagyan ng tsek ang bilang ng mga pansuportang detalye. _____1. Mapangalagaan ang mga kabataan sa masasamang elemento tulad ng pagtutulak at pagkalulong sa bawal na gamot. _____2. Mabawasan ang mga kabataang nagkakalat sa kalye. _____3. Maiwas sa pag-inom ng alak, paninigarilyo at pagsusugal ang mga kabataan. _____4. Mailayo ang mga kabataan sa impluwensiya ng barkada. _____5. Mapalaki ang kita ng mga panggabing negosyo. _____6. Ipatutupad ang curfew sa 897 barangays sa anim na distrito ng Maynila. _____7. Ang curfew ay para lamang sa mga kabataan sa mga baranggay na sakop ng ika-anim na distrito ng Maynila. _____8. Ang mga kabataang 17 taong gulang pababa ay sakop ng curfew. _____9. Mula ika-10 ng gabi hanggang ika-4 ng umaga ipatutupad ang curfew. _____10. May mga kaparusahan sa mga kabataang lalabag sa ordinansa.
Naunawaan mo na ba ito? Tingnan ko kung ano na ang natutuhan mo sa mga araling tinalakay. Sagutin mo ang pagsasanay na nasa ibaba tungkol dito.
7
Suriin
PANUTO: Basahin at suriing mabuti ang tula at sagutin ang hinihinging
impormasyon sa ibaba.
Isang Punongkahoy Jose Corazon de Jesus
Kung tatanawin mo sa malayong pook, Ako’y tila isang nakadipang kurus; Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
Organo sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian Habang ang kandila ng sariling buhay Magdamag na tanod sa aking libingan.
Sa aking paanan ay may isang batis
Maghapo’t magdamag na nagtutumangis; Sa mga sanga ko ay nangakasabit,
Ang pugan ng mga ibon ng pag-ibig.
Sa kinikislap-kislap ng batis na iyan, Asa mo ri’y agos ng luhang nunukal; At saka ang buwang tila nagdarasal, Ako’y binabati ng ngiting malamlam.
Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy; Ibon sa sanga koy may tabing nang dahon,
Batis sa paa ko’y may luha nang daloy.
Ngunit tingnan ninyo ang aking narating, Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging kurus ako ng pagsuyong laing, At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
Wala na, ang gabi ay lambong ng luksa, Panakip sa aking namumutlang mukha!
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga, Ni ibon, ni tao’y hindi na matuwa.
At iyong isipin nang nagdaang araw, Isang akhoy akong malago’t malabay.
Ngayon, ang sanga ko’y kurus na libingan Dahon ko’y ginawang korona sa hukay.
SANGGUNIAN: Ikalawang Edisyon Pluma 8
8
Gawain: Piliin o tukuyin ang pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa
binasang akda sa pamamagitan ng pagbuo ng balangkas nito na makikita sa
ibaba. Ang pangunahing kaisipang taglay ng tula ay ibinigay na para sa iyo.
Ngayon ay itala mo ang pantulong na kaisipang nagpapatunay na ang buhay ng
tao ay kagaya ng puno, may panahon ng pagyabong at panahon ng pagkatuyo.
Isang Punongkahoy
Pangunahing Kaisipan
Ang buhay ng tao ay kagaya ng puno, may
panahon ng pagyabong at panahon ng pagkatuyo.
Mga Pantulong na Kaisipan
9
Pagyamanin
Panuto: Suriin ang bawat larawan. Bumuo ka ng isang talatang
nagpapakita ng pangunahing kaisipan at pantulong na kaisipan.
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
10
Isaisip
Sa kabuuan ng araling ito, madali mong mauunawaan ang tekstong iyong
binabasa kung susundin mo ang dayagram na nasa ibaba.
PAKSA / PAMAGAT (Tungkol saan o kanino ang teksto?)
PANGUNAHING KAISIPAN
(Ano ang gustong ipaalam o nais ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa?)
MGA PANSUPORTANG DETALYE (Sumasagot sa mga tanong na…)
Tayahin:
A. Panuto: Unawaing mabuti ang bawat aytem sa ibaba. Piliin ang titik ng
tamang sagot upang mabuo ang nais ipahayag. Isulat ang sagot sa inyong
kuwaderno.
1. Ano ang gustong ipaalam o ipaunawa ng sumulat o may-akda tungkol sa teksto? a. detalye c. mensahe b. paksa d. pamagat 2. Ang ___________ ay maaaring isang salita o parirala na nagsasaad kung tungkol saan ang teksto. a. detalye c. mensahe b. kaisipan d. paksa 3. Isang teknik na makatutulong sa pagtukoy ng paksa ay ang pagkilala sa ______________ ng teksto. a. detalye c. paksa b. mensahe d. pamagat 4. Ito ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa ng isang teksto. a. paksa c. pansuportang detalye b. pangunahing ideya d. pamagat 5. Ang mga _______________ ang nagbibigay-linaw sa pangunahing ideya upang maunawaan ito nang lubos. a. paksa c. pansuportang detalye b. pangunahing kaisipan d. pamagat
Sino Kailan Bakit Paano
Ano Saan
11
B. Panuto: Suriin ang sumusunod na mga talata at tukuyin kung alin ang
pangunahing kaisipan.
6. Maagang pumapasok sa paaralan si Tonyo upang makapag-review sa library. Tuwing nagkakaroon ng oral recitation ay palagi siyang nakakasagot. Kapag nakauwi mula sa paaralan ay agad niyang ginagawa ang kanyang mga takdang-aralin kung kaya mataas ang markang nakukuha ni Tonyo. Si Tonyo ay mabuting estudyante.
a. Maagang pumapasok si Tonyo c. Mabuting estudyante si Tonyo b. Nakakasagot sa klase si Tonyo d. Mataas ang marka ni Tonyo
7. Si Patricia ay isang mabait na bata. Kapag nakikipag-usap siya ay kakikitaan
mo talaga ng paggalang. Sinusunod niya rin ang payo ng kanyang mga magulang, guro at iba pang mga nakakatanda sa kanya. Tinutulungan niya rin ang kanyang mga magulang sa mga gawaing-bahay.
a. Matulungin na batasi Patricia c. Magalang si Patricia. b. Mabait na bata si Patricia d. Masunurin si Patricia.
8. Napakagandang tingnan kung ang ating mga ngipin ay maputi. Kapag ito’y walang sira, tiyak na mabango ito. Kapag araw-araw kang nagsisipilyo, tiyak na walang sasakit at walang masisirang ngipin. Kaya dapat talagang mapangalagaan ang ating mga ngipin.
a. Maputing ngipin c. Pagsisipilyo ng ngipin b. Mabangong ngipin d. Pangangalaga ng ating ngipin
9. Ang paborito kong bulaklak ay rosas. Gustong-gusto ko ang amoy nito kaya araw-araw akong namimitas nito sa aming hardin. Tuwing birthday ko ay hindi mawawala ang rosas sa dekorasyon.
a. Ang paborito kong bulaklak c. Pamimitas ng rosas b. Ang amoy ng rosas d. dekorasyon sa birthday
10. Palaging nag-aaway ang aking mga magulang. Kung si papa ay matipid, mahilig namang gumasta ng pera si mama. Mahilig din si mama na lumabas kasama ang mga kumara nito kahit gabi na. Gusto ni mama ang sports habang si papa ay mahilig magbasa ng mga libro. Natatakot ako na baka maghiwalay sila.
a. Ang mga hilig ni papa c. Paghihiwalay ni papa at mama b. Ang mga hilig ni mama d. Palaging nag-aaway ang aking magulang
C. Panuto: Basahing mabuti ang susunod na mga talata at salungguhitan ang
pantulong na kaisipan.
11. “Anak, huwag mong ipasok ang iyong kamay sa butas. Baka may ahas riyan. O
kaya nama’y mousetrap at baka maipit ka. O baka naman may mga insekto
riyan at makagat ka pa.”
12. Ayon sa pag-aaral ay nanganganib na lumubog ang Maynila sa darating na 2020.
Kaunting ulan lamang ay binabaha na ang siyudad.
13. Marami sa ating mga kabataan ngayon ay nalululong na sa masasamang bisyo
gaya ng paninigarilyo, pagsusugal, pagsali sa mga illegal na fraternity at maging
12
ang paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.
14. Naawa ang isang ina sa kanyang anak. Ramdam niyang nais ng kanyang anak
na makapag-aral. Minsan ay nakikita niya itong nakatanaw sa mga
estudyanteng dumadaan sa kanilang tahanan.
15. Ilang taon na ang nakararaan nang maipasa ang Republic Act 9003 o ang Solid
Waste Management Act. Ang batas na ito ay naglalayong tugunin ang isa sa mga
mabahong suliranin ng ating bansa – ang tamang pamamahala ng ating basura.
Karagdagang Gawain
Gawain: Kakayanin ko... Gagawin ko...
Bumuo ng isang talata na nagpapakita ng pangunahin at pantulong na kaisipan hinggil sa sumusunod na paksa. Pumili lamang ng isa. 1. Ang buhay ay parang kandila. 2. Pagkahawa ng maraming doktor sa sakit na covid-19. 3. Mga taong naninirahan sa paanan ng bulkan.
Binabati kita! Natapos mo nang sagutan ang modyul na ito. Maaari ka ng magpatuloy sa susunod na modyul.
13
Susi sa Pagwawasto
Tuklasin: 1. / 2. x 3./ 4. / 5. x 6. / 7. x 8. / 9. / 10./
TAYAHIN: 1. c 2. d 3. d 4. b 5. c 6. c 7. b 8. d 9. a 10. d 11. “Anak, huwag mong ipasok ang iyong kamay sa butas.
Baka may ahas riyan. O kaya nama’y mousetrap at
baka maipit ka. O baka naman may mga insekto riyan
at makagat ka pa.”
12. Ayon sa pag-aaral ay nanganganib na lumubog ang
Maynila sa darating na 2020. Kaunting ulan lamang
ay binabaha na ang siyudad.
13. Marami sa ating mga kabataan ngayon ay nalululong
na sa masasamang bisyo gaya ng paninigarilyo,
pagsusugal, pagsali sa mga illegal na fraternity at
maging ang paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.
14. Naawa ang isang ina sa kanyang anak. Ramdam
niyang nais ng kanyang anak na makapag-aral.
Minsan ay nakikita niya itong nakatanaw sa mga
estudyanteng dumadaan sa kanilang tahanan.
15. Ilang taon na ang nakararaan nang maipasa ang
Republic Act 9003 o ang Solid Waste Management Act.
Ang batas na ito ay naglalayong tugunin ang isa sa mga
mabahong suliranin ng ating bansa – ang tamang
pamamahala ng ating basura.
14
Mga Sanggunian:
AKLAT:
Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8 (K to 12); pahina 152 – 156; Alma M.
Dayag, et.al; 2017; Phoenix Publishing House, Inc.
Project Ease, Filipino 1 Modyul 8, Pasig City
INTERNET/WEBSITES:
https://www.google.com/images
https://slideshare.net/mobile/cli4d/ang-pangunahing-paksa-at-mga-pantulong-na-detalye https://drive.google.com/file/d/0B9ErwJkQyXJJZThWQnUzeEZvV2c/view https://www.slideshare.net/mobile/31mikaella/pamaksa-at-pantulong-na-pangungusap https://www.slideshare.net/annsheryl/modyul-9-43109627 http://cstcgroup8safilipino.blogspot.com/2017/07/ https://www.google.com/search?q=flowering+of+plants+using+hose&tbm=isch&ved=2ahUKEwjkrJLN-5TsAhVH6ZQKHVtmC0cQ2-cCegQIABAA&oq=flowering+of+plants+using+hose&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECCMQJzoFCAAQsQM6BAgAEEM6BwgAELEDEEM6AggAOgYIABAIEB46BAgAEBg6BAgAEB5Q0mZYnp4BYJGiAWgAcAB4AIABuwqIAcVukgEPMC4xLjQuNC43LjQuMS40mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=WJ52X-SgCcfS0wTbzK24BA&bih=639&biw=638 https://www.google.com/search?q=evacuation+during+flood&tbm=isch&ved=2ahUKEwiKkuKC_JTsAhV4zYsBHWjcAboQ2-cCegQIABAA&oq=evacuation+during+flood&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECCMQJzoECAAQQzoHCAAQsQMQQzoHCCMQ6gIQJzoFCAAQsQM6AggAOggIABCxAxCDAVDyS1ighgFguYgBaANwAHgAgAGlBYgB41CSAQkyLTcuOC4yLjiYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABCsABAQ&sclient=img&ei=yJ52X4qOJfiar7wP6LiH0As&bih=639&biw=638