The Manila Collegian Volume 29 Number 01

12
MORE INSIDE 02 EDITORIAL Huwag Papakahon 03 NEWS Huling SONA ni PNoy, inulan ng mga kilos-protesta 08 FEATURES Perlas ng Silangan 09 CULTURE Iskolar ng Bayan 11 OPINION Oblation The Official Student Publication of the University of the Philippines Manila Volume 29 Number 1 August 17, 2015 - Monday

description

The Manila Collegian Volume 29 Number 01 | The Official Student Publication of the University of the Philippines Manila | 12 pages | August 17, 2015, Monday

Transcript of The Manila Collegian Volume 29 Number 01

Page 1: The Manila Collegian Volume 29 Number 01

MORE INSIDE02 EDITORIAL Huwag Papakahon03 NEWS Huling SONA ni PNoy, inulan ng mga kilos-protesta08 FEATURES Perlas ng Silangan09 CULTURE Iskolar ng Bayan11 OPINION Oblation

The Official Student Publication of theUniversity of the Philippines Manila

Volume 29 Number 1August 17, 2015 - Monday

Page 2: The Manila Collegian Volume 29 Number 01

IllustratIon by JazmIne ClaIre martInez mabansag

The Cover

College Editors Guild of the Philippines

Solidaridad - UP Systemwide Alliance of Student Publications

and Writers’ Organizations

layout by PatrICk JaCob laxamana lIwag

N E W S C O R R E S P O N D E N T SElizabeth Danielle Quiñones Fodulla

Adolf Enrique Santos GonzalesEunice Biñas Hechanova

Carlo Rey Resureccion MartinezRonilo Raymundo Mesa

Arthur Gerald Bantilan QuiranteSofia Monique Kingking Sibulo

F E A T U R E S C O R R E S P O N D E N T SLiezl Ann Dimabuyu Lansang

Jenna Yelle Manato MallariAngelica Natividad Reyes

C U LT U R E C O R R E S P O N D E N T SJosef Bernard Soriano De Mesa

Pia Kriezl Jurado HernandezJamilah Paola dela Cruz Laguardia

Jose Lorenzo Querol LanuzaGabrielle Marie Melad Simeon

Thalia Real Villela

R E S I D E N T I L L U S T R A T O R SMaria Catalina Bajar Belgira

Jamela Limbauan BernasLizette Joan Campaña Daluz

R E S I D E N T L A YO U T A R T I S TPatrick Jacob Laxamana Liwag

O F F I C E4th Floor Student Center Building,

University of the Philippines Manila,Padre Faura St. corner Ma. Orosa St.,

Ermita, Manila 1000

E M A I [email protected]

W E B S I T E Sissuu.com/manilacollegian

www.facebook.com/themanilacollegianwww.twitter.com/mkule

themanilacollegian.tumblr.com

M E M B E R

PAGKAKUMPIRMA NIYO PA LANG NG SLOT NIYO SA UNIBERSIDAD

NA ITO, MAY TINAGGAP NA KAYONG HAMON.

Makailang ulit na ang pagpupugay sa inyo dahil sa tagumpay niyong makapasok sa pamantasang hirang. Sa kabilang dako, dapat ngayon pa lang ay malaman niyo na ‘di biro ang pag-aaral sa UP, ngunit mas hindi rin dapat pakukulong dito—huwag hayaang maging sagabal ang edukasyon sa inyong pag-aaral; pakatandaan na ang kalawakan ng mundo ay nasa labas ng mga silid-aralan. Tuklasing hindi kayo Iskolar ng Bayan nang dahil at para sa wala lang.

Dumating ka sa UP sa panahong may nakaamba na namang budget cut. At may posibilidad na ito ay maging pinakamalaki sa kasaysayan ng pamantasan – 2.2 bilyon.

Matinding dagok ito sapagkat patuloy pang madadagdagan ang kasalukuyang dagat ng mga problema sa UP. Tulad ng mga malalakas na alon na humahagupit sa dalampasigan, ang taon-taong pagbabawas ng pondo ang ugat kung bakit ilang patuloy na nauupos ang pampublikong karakter ng unibersidad.

Ang panibagong kaltas sa pondo ay manipestasyon ng patuloy na pagbitaw ng pamahalaan sa mandato nitong magbigay ng may kalidad ngunit abot-kayang edukasyon sa lahat ng antas at para sa lahat ng Pilipino. Kaya naman, gaya ng ating kasalukuyang pamahalaan, pinapatakbo na ang UP na parang isang negosyo. Isang kabalintunaan na ang mga pambansang pamantasan, maging ang iba pang mga batayang serbisyong pampubliko, ay patuloy na inilalayo sa masa sa pamamagitan ng pagpatong ng presyong kayang-kaya naman pasanin (na siya naman talagang tungkulin) ng pamahalaan, gayong kamakailan ay napatunayang bilyon-bilyong pondo ang nasasayang dahil lang sa sistematikong korapsyon.

Nangunguna pa rin sa mga suliranin ng UP ang Socialized Tuition System (ST System) kung saan tinitignan ang mga mag-aaral bilang mga mamimili na ipinapangkat batay sa kanilang kakayahang magbayad ng edukasyong tila isa nang commodity. Isa itong insulto para sa isang pamantasan na dapat ay unang naninindigan na ang edukasyon ay isang karapatan. Walang pangangailangan nito kung patuloy nating igigiit ang higher state subsidy at ang karapatan natin sa edukasyon.

Dahil sa patuloy na pag-abandona ng estado sa edukasyon, lumalala ang komersyalisasyon nito. Hindi na lang sa porma ng paniningil ng tumataas na tuition at other school fees ginigipit ang mga mag-aaral. Nariyan na rin ang kawalan ng abot-kayang dormitoryo at kainan sa UP Diliman at Manila, habang sa UP Mindanao ay may complex na papasimulan. Malinaw na walang sentido ng prayoritasyon ang administrasyon ng UP. Sa kabila ng daan-daang mga estudyante sa UP Diliman na walang matirhang dormitoryo, kaliwa’t kanan ang pagbebenta at/o pagpaparenta ng lupain ng UP sa mga negosyante para makaagapay sa kakulangan ng pondo—nariyan ang UP Ayala TechnoHub, UP Town Center, at iba pa, na dapat sana’y nagagamit sa paglilinang at pang-akademiko’t tirahang pasilidad ng mga mag-aaral.

Gumastos din ng 700 milyong piso ang UP para sa pinagmamalaki ng administrasyon nito na eUP Project. Parte ng malawakang proyekto na ito ang Student Academic Information System (SAIS), ngunit kamakailan ay natunghayan natin sa UP Diliman at UP Manila ang malala pa ring problema sa enrollment at kakulangan ng mga klase. Dahil sa kakulangang ito, napilitan ang ilang mga propesor na magbukas ng mga klase kahit walang dagdag na bayad, bunga ng kakulangan sa dapat tinatamasang benepisyo’t sahod ng mga guro at iba pang kawani ng UP.

Bagamat hindi tayo direktang naapektuhan ng K-12 Program ay mahalagang makiusig tayo sapagkat maraming kapwa kabataan natin ang nakaambang hindi makapagkolehiyo dahil hindi naman

lahat ng eskwelahan ay nagbibigay ng kumpletong K-12 Program. Higit pa rito, nanggaling na mismo sa bibig ng pinuno ng Commission on Higher Education (CHED) na ang kolehiyo ay hindi para sa lahat. Sa usapin naman ng pagiging mahal nito ay may mga kurso naman daw na technical and vocational na maaring tapusin ng mga kabataan. Ang K-12 Program ay nakahabi sa ASEAN Integration na magpapalala sa pagiging mura at kasamanta-samantala ng ating lakas-paggawa sapagkat sa mga semi-skilled labor lang ihahanda ng K-12 Program ang mga kabataan.

Ilan pa lang ang mga nabanggit sa kabit-kabit na problema sa lipunang ito. Lagi’t lagi, hindi nahihiwalay ang mga isyu nating mga Iskolar ng Bayan sa iba pang isyung kinahaharap ng iba pang sektor ng ating lipunan. Matutuklasan niyo ang bawat isa at ang kanilang mga koneksyon sa pagtagal niyo sa loob ng pamantasan; mahalagang

panatilihin lang bukas at kritikal ang inyong mga pag-iisip.

Hindi tayo dapat nakukulong o nagpapakulong sa laban nating mga taga-UP bilang taga-state university, dahil sa mundo ng mga dapat, ang ating mga kapwa estudyante sa buong bansa ay kasama natin sa pamantasan. Dahil sa mundo ng mga dapat, ang edukasyon ay kinikilalang karapatan. Bilang Iskolar ng Bayan, hindi lang tayo basta-bastang pinapaaral ng taumbayan, sapagkat mismong kasama nila tayo sa kanilang laban, kasama tayo sa bayan. Dahil sa ating lipunan, ang mga karapatan ay ipinagdadamot at ang mga nasa tuktok lang ang umuunlad, ang una dapat na mawari ay walang mali sa paglaban, may mali kaya tayo lumalaban.

Kasaysayan na rin ang makapagpapatunay kung ano nga ba ang pagiging Iskolar ng Bayan, at ang pananatili naman sa pamantasan ang makakapagpatanto sa inyo sa mga maari niyong magawa ukol dito. Ang hamon sa atin ay ‘di lang basta makapagtapos sa UP nang may pang-akademikong tagumpay; dahil sa angkin nating lakas, dunong, at impluwensya, nasa atin din ang malakas na puwersang may kakayahang bumangga sa ‘di makatarungang status quo na naghihintay namang mitsa ng tunay na lipunang pagbabago.

Patunayan nating hindi sayang ang kaban ng bayan sa pagpapaaral sa atin sa pamamagitan ng pagiging kritikal at mulat, at pakikiisa sa kolektibong aksyong nagpanalo sa mga tagumpay nang nakaraan, at patuloy na magkakamit pa ng mga susunod na tagumpay.

LIZETTE JOAN CAMPAÑA DALUZ

HUWAG PAPAKAHON

bilang iskolar ng bayan, hindi lang tayo basta-bastang pinapaaral ng taumbayan, sapagkat mismong kasama nila

tayo sa kanilang laban, kasama tayo sa bayan.

02 EDITORIAL Volume 21 Number 01August 17, 2015 | Monday

Page 3: The Manila Collegian Volume 29 Number 01

Huling SONA ni Aquino, inulan ng mga kilos-protestaSigaw ng mamamayan: Tama na, tapusin na

ELIZABETH DANIELLE QUIÑONES FODULLA AT ARIES RAPHAEL REYES PASCUA

Hindi natinag ng malakas na ulan, water cannons, at mga dambuhalang barikada ang mga militanteng grupo sa pagpapababa kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa kaniyang puwesto sa araw ng huling State of the Nation

Address (SONA) niya noong Hulyo 27.

Pinangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang libo-libong magsasaka, manggagawa, propesyonal, at kabataan sa kilos-protesta sa Commonweatlh Avenue bilang pagkondena sa administrasyon ni Aquino.

Pananahimik sa mga isyu

Ayon sa Bayan, ang SONA ni Aquino ay isa lamang pagtatangkang pagtakpan ang lahat ng kapabayaan ng kaniyang rehimen sa taumbayan. Samantala, wala naman umanong bago sa huling SONA ni Aquino, ayon kay Terry Ridon, kinatawan ng Kabataan Partylist, simula sa paninisi sa nakaraang administrasyon ng kapalpakan na nangyari sa kaniyang termino, pamumuri sa pangalan ng kaniyang ama’t ina, hanggang sa pagdaragdag ng nakakapagtakang impormasyon at datos. Maraming isyu ang iniwasan umano ng pangulo na banggitin sa kaniyang huling SONA. Ilan na lamang dito ay ang korupsiyon, pork barrel, DAP, trahedya sa Mamasapano, ang kaso ni Mary Jane Veloso at iba pang mga Pilipino sa death row, at ang

malaking bilang ng paglabag sa karapatang pantao.

“Sa kabuuan, hindi nagtagumpay si Aquino na linlangin ang taumbayan na mayroong pagbabago sa ilalim ng kaniyang administrasyon sa kaniyang huling SONA. Para sa mga kabataan, ang SONA ay hindi signipikante at ito ay isa lamang pinagandang kabulaanan,” ayon pa kay Ridon.

Tunay na sona ng Bayan

Sa kabila ng malakas na ulan, mga harang na container vans, concrete barriers, concertina wires, at higit limang libong anti-raliyistang pulis sa Commonwealth Avenue, hindi nagpatinag ang mamamayan na ipakita ang tunay na kalagayan ng bansa.

Inihalintulad ng mga militante ang rehimeng Aquino sa luma, kalawangin, at sira-sirang bagon ng Metro Rail Transit (MRT).

“This run down MRT is like Noynoy Aquino’s rotten administration, which should’ve long been replaced — useless, unreliable, and a danger to people’s lives,” pahagay ni Bayan secretary general Renato

Reyes Jr.

Iba’t ibang sektor ang nagpahayag ng nararanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng mga polisiya ni Aquino gaya ng deregulasyon, kontraktuwalisasyon, pribatisayon, at liberalisasyon.

Kaugnay nito, ayon kay Gabriela Women’s Party Representative Emmi De Jesus, “[a]ng public-private partnership ni Aquino ang nagbigay-daan sa mga bilyonaryo upang makapasok sa mga pinakamayayaman habang nilalayo nito sa mamamayan ang karapatan sa pangunahing serbisyong panlipunan.”

Samantala, kumilos din ang mga mambabatas mula sa Makabayan bloc sa loob ng Batasan sa pamamagitan ng paglabas ng mga placard na kumokondena kay Aquino matapos ang SONA.

Sa huli, tinatayang labing-anim na raliyista ang nasaktan sa engkuwentro laban sa mga pulis, isa ang itinakbo sa ospital upang ipagamot.

Dinaluhan ito ng mahigit-kumulang 1000 estudyante mula sa 27 blocks na siya namang pinakilala ng kanilang mga dekano at dekana mula sa pitong kolehiyo ng UP Manila.

Pinaunlakan din ito nina UP System President Alfredo Pascual at UP Manila Chancellor Carmencita Padilla, at ng UP Manila University Student Council (USC) at iba’t ibang organisasyon ng mga mag-aaral mula sa UP Manila na nagpakita ng kani-kanilang malugod na pagtanggap sa mga bagong mag-aaral sa pamamagitan ng pag-awit, pagsayaw at mga pormal na pananalita.

Nagbahagi rin ng isang mensahe si Padilla sa mga bagong iskolar ng bayan kung saan

inilahad nya ang kaniyang mga karanasan bilang mag-aaral ng UP sa nakaraang mga taon niya sa kolehiyo na nagsilbing hamon sa mga bagong Isko at Iska upang tugunan ang malaking responsibilidad ng pagiging mag-aaral ng unibersidad. Binigyang-diin din ni Padilla ang kahalagahan ng social relevance o kamulatang panlipunan bilang isang katangian ng mga mag-aaral ng UP na dahilan upang maging katangi-tangi sa iba’t ibang larangan.

Samantala, iginawad din ang sertipiko ng pagkilala sa mga bagong Oblation Scholar kung saan 12 mula sa 50 Oblation Scholars sa buong UP system ang kinilala na galing sa

UP Manila.

Nagkaroon din ng isang lightning rally kasama ang mga mag-aaral na miyembro ng mga pang-masang organisasyon mula sa UP Manila upang ipabatid ang maigting nilang na pagtutol sa lumalalang komersalisasyon ng edukasyon sa mga state universities and colleges (SUCs) tulad ng UP.

Higit pa rito, patuloy na tinututulan ng mga estudyante ang nakaambang P2 billion na budget cut para sa UP sa susunod na taon, na mas palalalain pa ng mga isyu ukol sa patuloy na pagtaas ng matrikula sa porma ng Socialized Tuition System (STS) at Tuition and Other Fees Increase (TOFI).

Nagtipon ang mga bagong mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) Manila noong Agosto 3, 2015 sa Ang Bahay ng Alumni sa UP Diliman para sa Freshman Welcome Assembly (FWA) sa taong pampanuruan 2015-2016.

Mga bagong Iskolar ng Bayan, sinalubong sa FWA 2015 PATRICIA ANNE LACTAO GUERRERO

NEWS 03Volume 21 Number 01August 17, 2015 | Monday

at self-determination ng mga katutubo, pati na rin sa pagtaguyod sa tunay at epektibong partisipitasyon sa paggawa ng mga desisyon lalo na sa mga seryosong usapan.

Sinabi rin ni Malayao sa UN Special Rapporteur on the Rights of the Indigenous Peoples (UNSRRIP) ang tungkol sa paglabag ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa karapatan na free, prior and informed consent (FPIC) na ukol sa Sabangan Hydroelectric Project at Makilala Mining Company.

Lumipas man ang maraming taon at kahit ilang pagbabago pa ang mangyari ay nanatiling matatag at palaban ang ating mga katutubo. Sa ilalim ng administrasyong Aquino ay lumala lamang ang pagtrato sa kanila, na lalong nababakas sa ngayon sa nararanasang problema ng mga Lumad.

Hinihiling ng mga katutubong galing sa Cordillera Peoples’ Alliance na tigilan na ang extrajudicial killings (EJK), enforce disappearances (ED), pagkalat ng militarisasyon at iba pang paglabag sa mga karapatang pantao. Hinihiling din nila ang pagpapabalik ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front at ang pagpapalaya sa Morong 43.

Ngayon naman ay tinawag ng Katribu na ipawalang bisa na ang Executive Order 546 ni Arroyo na nagpapahintulot sa mga lokal na opisyal na magtayo ng Citizen Armed Force Geographical Units bilang katuwang ng AFP sa paglaban sa mga mandirigmang bayan.

“Under Aquino, Lumad paramilitary groups roam the hinterland communities in Mindanao, protecting mining and agribusiness projects, and “terrorizing” indigenous communities which try to defend their ancestral lands,” ani Malayao.

Sa naganap na ika-apat na pambansang kongreso ng Katribu, isa sa mga napahayag ay ang panawagan nilang patalsikin si Pangulong Aquino sa kanyang puwesto dahil pinalala lamang ng presidente ang kundisyon hindi lamang ng mga indigenous people sa bansa, kundi pati ng sambayanang Pilipino.

“We are ready to declare another ‘pangayaw’ (tribal war), if we have to,” inihayag ni Fanagel. Aniya, ipagpapatuloy nilang pagkaisahin ang mga katutubo mula Mindanao, Visayas, at Luzon, at lalaban hanggang makamit ang tunay at makabuluhang pagbabago.

PANDARAHAS PAHINA 04

GALIT NG MASA. Sa huling SONA ni Pangulong Aquino, libu-libong mamamayan ang nagsigawa ng kilos-protesta sa kahabaan ng Commonwealth Avenue. Larawan kuha ni Patrick Jacob Laxamana Liwag

Read and download MKule issues atissuu.com/manilacollegian

Like us on Facebook:facebook.com/ themanilacollegian

Follow us on Twitter:@MKule

Page 4: The Manila Collegian Volume 29 Number 01

04 NEWS Volume 21 Number 01August 17, 2015 | Monday

ISKOTISTIKSPANDARAHASPagsipat sa kasalukuyang kalagayan ng mga Pilipinong katutubo

SHAILA ELIJAH PEREZ FORTAJADA, SOFIA MONIQUE KINGKING SIBULO, AT EUNICE BIÑAS HECHANOVA

Nitong mga nakaraang buwan ay lalo itong nabatid ng publiko nang lumabas ang mga ulat kaugnay sa panggigipit ng mga militar sa katutubong Lumad ng Mindanao.

Ayon sa Mindanao Foundation for Medical Disaster Preparedness and Response (MFMDPR), umabot sa 700 na Lumad ang lumikas sa Haran Mission House ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP) sa Davao City mula sa banta ng pagpasok ng militar sa kanilang mga komunidad sa Bukidnon at Davao del Norte noong Hulyo 17, 2015.

Samantala, inihayag nina Hanimay Suazo, Karapatan-Southern Mindanao Region (SMR) secretary-general, at Bai Bibyaon Bigkay, isang pinuno ng mga Lumad, ang umano’y pagsuporta ng Commission on Human Rights (CHR) sa paglusob ng mga pulis sa evacuation center sa Haran. Iginiit naman ni Kerlan D. Fanagel, secretary-general ng Pasaka Confederation of Lumad Organization in Southern Mindanao, na hindi sila nirespeto ng mga ahensya ng gobyerno.

Dagdag pa rito, kaugnay ng militarisasyong nararanasan ng mga Lumad ay ang paglabag sa kanilang karapatan sa edukasyon.

Kamakailan lamang ay muntik nang hindi makapag-aral ang 2,896 na batang Lumad dahil binalak ipasara ang kanilang paaralan. Ang nasabing paaralan ay itinayo ng mga Lumad kasama ang ibang non-government organization upang magkaroon ng alternatibong edukasyon na hindi kayang ibigay ng gobyerno.

Upang resolbahin ang umiigting na suliranin ng mga Lumad, rumesponde ang pamahalaan sa katauhan ni North Cotabato 2nd District Rep. Nancy Catamco sa isang dayalogo, kung saan kasama niya ang mga opisyal ng 1003rd Brigade, 10th Infantry Division, at Eastern Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ngunit walang kinahinatnan ang “pag-uusap.” “Imbis na pakinggan niya ang mga biktima ay pinatahimik niya ang mga Lumad sa pananakot ng karanasan mula sa 68th Infantry battalion,” sinabi ni Pedro Arnado, chairperson ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas-Southern Mindanao.

Hindi nagtagal, sa utos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Region 11 ay sinugod ng Police Regional Office 11, Davao City Police Office, at iba pang hindi tukoy na grupo ng militar ang compound ng UCCP kung saan kinalinga ang ilang katutubong bakwet. Sinabi ng mga sumalakay na pwersa na sumugod sila roon upang “iligtas” ang mga katutubo na umalis sa kanilang komunidad.

“Our fellow Ata Manobos sought help and refuge in our church since 1995, the first of a series of internal displacement due to militarization. Providing them sanctuary in our peace haven is a duty we embrace arising from our own Declaration of Principles,”

sinabi ni Bishop Hamuel Tequis, pinuno ng UCCP Southeast Mindanao Jurisdictional Area. Dagdag pa niya, paglabag sa karapatan ng mga Ata-Manobo na makapamuhay sila ng payapa at hindi totoo ang sinasabi ni Catamco na kinukulong nila ang mga katutubo sa kanilang compound.

kalunos-lunos na kalagayan

Sa pangunguna ng grupong Kalipunan ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (Katribu), ipinagpatuloy ng mga IP ang kanilang panawagan sa pagbaba ni Pangulong Aquino sa puwesto noong Hulyo 4 bilang pagkondena sa karumal-dumal na pagtrato ng gobyero sa mga IP. “It has been five years of the Aquino regime’s crooked path of fascism, five years of violation of the human rights of indigenous peoples and of the Filipino people,” sambit ni Fanagel.

Ipinahiwatig ni Fanagel ang pagpatay sa halos 60 na IPs na kumilos laban sa development projects na ipinasasagawa ng mga pribadong korporasyon sa ilalim ng pamumuno ni pangulong Aquino. Sinamahan ng ilan pang grupong etniko ang protesta na ginanap malapit sa tirahan ng pangulo sa Times Square, Quezon City.

Kasama sa daing na isinambit ni Fanagel ay ang pagkabigo ng counterinsurgency plan ng gobyerno, ang Oplan Bayanihan, sa paghuli sa mga miyembro ng New People's Army (NPA) noong Hunyo 14, 2015 na nagdulot sa kamatayan ng tatlong sibilyan sa Paquibato District sa Davao City. Diniin naman ng AFP na rebelde ang mga nasawi sa engkwentro ng 69th Infantry Battalion (IB).

Maliban dito, mahigit isang libong taga-Banwaon ang lumikas mula sa komunidad nila sa San Luis, Agusan del Sur upang lumayo sa operasyong pangmilitar nitong Enero. Nakabalik sila sa tirahan noong Marso sa pamamagitan ng pakikipag-usap nila sa militar, ngunit apat ang pumanaw sa paglalakbay.

Isa lamang sa nararanasang problema ng mga grupong etniko ang presensya ng militar sa kanilang bayan. (Sumangguni sa Tsart 1) Patuloy na nanatiling matatag ang mga indigenous people upang pigilan ang Mining Act of 1995 dahil hindi lamang nito sinisira ang kanilang mga tahanan, kundi pati ang kanilang pinagkakakitaan. Ang tanging nakikinabang din sa mga ito ay ang iba’t ibang mining companies na kumikita mula rito.

Kalinya nito, nagtipon ang mga residente sa Nueva Vizcaya sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong Setyembre 18 ng huling taon upang tutulan ang malakihang operasyon ng OceanaGold mining corporation sa kanilang komunidad.

Batay sa pananaliksik ng Environmental Investigative Mission (EIM) na pinangangasiwaan ng Kalikasan People's Network for the Environment (Kalikasan

PNE) kasama ng ilang environmentalist groups, malala ang polusyon na idinulot ng aktibidad ng nasabing dayuhang kompanya.

“The massive heavy metal contamination of the riverine ecosystems affected by the mining operations of OceanaGold is a serious environmental risk that continues to affect the basic needs and livelihoods of the grassroots communities in Nueva Vizcaya. OceanaGold’s operations should immediately be stopped by DENR to prevent further pollution, and should immediately hold these environmental criminals accountable,” ani ni Kalikasan PNE National Coordinator Clemente Bautista.

Bukod pa rito, inulat ng mga residente ang pang-aabuso ng korporasyon gaya ng pagpapaalis sa tirahan, pagbabakod ng lupain, at intimidasyon na nagpuwersa sa kawalan ng hanapbuhay at tirahan ng mga residente.

“We challenge the Aquino government to stand up against the corporate bully that is OceanaGold. The DENR must immediately order OceanaGold to cease

Mga Suliranin Dahilan

> Pangangamkam sa ancestral domains> Pagmimina sa lupain, pagkasira sa mga kagubatan> Polusyon sa komunidad> Kawalan ng hanapbuhay ng mga IPs

> Aktibidad ng mga pribadong kompanya, eco-tourism, agresyon sa minahan, proyektong pang-enerhiya> Militarisasyon

> Paglabag sa karapatang pangtao: Extrajudicial killings, enforced disappearances> Restriksyon sa pinagkukunan ng pagkain> Pag-recruit ng mga IP ng sapilitan sa militar> Pagsususpetsya ng pakikipagtulungan sa mga rebelde

> Pangangasiwa ng mga operasyong pangmilitar> Pagkaipit sa mga digmaang sibil (dahil sa labanan sa Mindanao)

> Mahinang serbisyong panlipunan> Pagtaas ng infant at maternal mortality rate> Kakulangan sa pinagkukunan ng pagkain

> Kawalan ng pondo> Mababang uri ng empleyado at pasilidad sa pangkalusugan at sa edukasyon> Kahirapan ng mga pamilya> Natural na kalamidad

Tsart 1. Enumerasyon ng ilan sa mga kinakaharap na suliranin ng mga grupong etniko. (Sanggunian: Indigenous People Rights Monitor)

Tsart 2. Listahan ng mga katutubong grupo sa Pilipinas. (Sanggunian: National Commission for Culture and the Arts)

Luzon Visayas Mindanao

Agta CayaganAgta Casiguran

AetaPakkakGadang

Pugot, N. ApayaoNegritos

Apayao IsnagGaddang

IbanagIlongot

Itneg (Tingian)MalawegParananBontokIfugaoIgorotIsnegItneg

KalingaKankanay

Tinggian (= Itneg)

BatakPalawan

TagbanwaTaut’ batu

Ata du sud, A. du nordMagahatBukidnon

AlanganBuhid

HanunòoTadyawan

Taubuid (= Batangan)Iraya

Ratagnon, Loktanon

MangwangaTasaday (Manobo Cotabato)

MamanwaManobo AtaAta Manobo

BagoboBlaan

Blit (Manobo Cotabato group)Bukidnon

Ilanon ManoboIlianen

MagindanaoMandaya Cataelano

Mandaya SangabManobo-Cotabato

ManoboMansakaSubanon

Subanon, Tuboy SalogTagabawa

TboliTigwa

TirurayUbo Manobo

Patuloy pa rin ang pagdurusa ng mga indigenous people (IP) sa Pilipinas sa ilalim ng sistematikong paglabag ng gobyerno sa kanilang karapatang

mamuhay ng payapa at may dignidad.

and desist its operations. OceanaGold must be compelled to immediately compensate all communities it has adversely affected in its spate of environmental and rights violations, and ordered to immediately address all its outstanding environmental, social and cultural crimes—or else face permanent closure,” pagtatapos ni Bautista.

Pandaigdigang isTandard

Sa ika-walong Expert Mechanism on the Rights of Indigenous Peoples (EMRIP) na ginanap sa Geneva, Switzerland noong Hulyo 20-24 ay walang representante ang Pilipinas. Dito inihain ng Katribu sa mga kinatawan ng United Nations (UN) ang mga kaso sa 61 katutubong napatay, pagsugod at paggamit ng mga militar sa mga paaralan, at pagsalakay na mayroong puwersahang pagpapaalis sa komunidad ng mga tribu sa mga nakalipas na taon.

Ayon kay Piya Macliing-Malayao, secretary-general ng Katribu, base sa UN Declaration on the Rights of Indigenous Peoples ay bigo ang administrasyong Aquino sa pagtupad sa pagrespeto sa karapatan ng ancestral land

IPAGPATULOY SA PAHINA 03

Page 5: The Manila Collegian Volume 29 Number 01

NEWS 05Volume 21 Number 01August 17, 2015 | Monday

Back-to-school sumvhong numbah wan: He-SAIS-maryosep!

OMG nemern, YuFiEm admin puhleaze! Isa nenemern sa mga sinumvhong ng aking mga afowz ay ang panunumvalik ng katakotsung-takotsung na problematics ng Shemay Aneksung Imbiyernakels Shiztem (SAIS)!!! Puhrung pagbabalik lung ni Amor Powerz sa #PSY! Charot!!!!! I thoughtsung nawakasan na itechiwa noong nakaraang semesterz but no! Anez!!!!!

May mga afowz akong na-last place sa pag-enlist at nawaleyan na dawsung ng sloths sa mga subjectz na need na need nila!!!!! Akaluh pa nemern ng poor afowz kow, lightspeed warpsung na ang enrollment niluh dahil sa multi-million-billion-trillion pesozes na e-UP project! Lumalaylay na sa ground ang eyebagz ng aking mga afowz kaka-wait nila sa kanilang mga SAIS accountz!!!

At hindi pa diyan nag-ending ang SAIS horror stories! Ang mga many more afowz ang nagpapa-add slotz para makuha ang mga need nilang subjectz... p i n a g p a b a l i k - b a l i k sila sa Cybernuknukan! Kalurkey tuluguh!!! Az in afowz-go-round ang peg ng ibuh! From Cybernuknukan to OCS to OUR and everywhere nuh! Luh!!!!! Your lovely Lola P iz hoping na owkay lung kayo, my dear afowz! Remembering na kung waley kang tiyaga, waley kang slots! Ahihihi.

Back-to-school sumvhong numbah two: Avenges Age of

Construction

Orayt orayt orayt! At tapowsz na nga ang dalawhung buwang vekeyshun ng aking mga afowz. It’z time tu get those bonez werqing and breynz thinking!!!!! Ready set gora na buh ang inyong iskul supplies like ballpen, yellow pad, and blue book??!!! If

not, whatchu waiting for!!! Getsung them na! Kalurkey!

Anywayz, hellowz sa aking mga afowz sa Yu Fi Em!!! Omigosh may bago na tayowng mga afowz welcome freshiez!!!!! Welcome sa ating bagong-bagong este lumang-

lumang Yu Fi Em!!! Hihihi.

Sana menjoy niyo ang Yu Fi Em sa kavila nang mga vagay na vumavalot ditey! Magmumuta este mamumulaht kayo sa mga vagay na umiikotski sa ating lipunanz! Swear!!! Vat huwag kayowng matakotski mga afowz! Lola Pi iz here to da reskyu! At kung may gustobells kayong isumvong, don’t be shyerz and go aheaders, send your

bonggang-bonggang sumvhong lang!!!

Bagow pa man magsimula ang AY 2015-2016, sum my afowz are already crying for tulong!!!! Rak en rol to the world na natin itech!

Mga Fulung-Vulungan ng nagjijisang

Lola PatolaBack to School Edishuuuun!

Bago mag-ending ang last academic year, ginora na ang renoveyshun ng 4th floor ng Old NEDA Building! Kahit mej nahassle ang mga afowz, okay nemern sana because newly renoveyshun officez ang babalikan niluh!

Oh well papel, mukhang improvingz naman ang naganapsung na renoveyshun pero pinapa-got to believe in forever nila ang aking mga afowz!!!! Paano ba nemern,

magpapasukan na ang Yu Fi Em peepz eh under renoveyshun pa rin ang pegging ng mga peepol sa taas??? Haggardo versoza!!!!!

Thank you equally beautiful and super youthful Tita Chancy for

the renoveyshun na naganapsung. I hope afowz, mas maging

maganda (kagaya ko hihihi), ang pagtratrabaho niyo at mas magiging handle with care

kayowz. Pero sana nemern, Wish ko Lang na Maalala

Mo Kaya ng admin ang deadlinerz na sinabi sa

amin!!!! Nag-expect ang aking mga afowz na m a k a k a r e l o c a t i n g s

na sila sa kanilang bonggang-bonggang officez and tambayanz

but no!!!!!

Anywayz mga afowz, mukhang short na shorts na lang, makakatransferee na kayo sa vagong bihis niyong roomz! Take care mga afowz and love love love!

At ayun na nga, shunganga! Yan muna ang

mga sumvhong ng aketch afowz na sana ay ma-improve ng mga taong involved!!!! Once again, welcome to

Yu Fi Em freshiez!!! Chickenjoy your stay here and good lucksung to you!!!

Always remembering huh, if you have any sumvhongs, make spluk lung to me!!!! Hihi. Mwah mwah tsup tsup tsup! XOXO, Lola P.

makeshifT rehaBiliTaTions

On July 5, the transportation department announced the arrival of new rail tracks that will replace the old tracks of MRT-3. The said rails, which are 7,296 lineal meters long, arrived on the first week of July. Earlier this year, the DOTC also replaced 348 meters of rail tracks between Magallanes and Taft Avenue stations with stabling tracks - tracks that are only used for the trains’ parking purposes. The said act was duplicated from Santolan to Ortigas stations. Additionally, on July 20, the pilot testing of the Beep Card, a reloadable ticketing card that will replace the old magnetic tickets of MRT and LRT, began in LRT-2’s Legarda Station. The new ticketing system creates a unified system for both LRT and MRT’s railways. The said testing faced minor technical glitches but was deemed generally successful.

However, commuter group Train Riders Network (TREN) articulated that DOTC should put its attention on the rehabilitation and acquisition of trains first instead of the ticketing system.

“… [S]inimulan na nilang iimplement sa LRT…bagaman may tagas sa kisame ng mga bagon sa mga panahong hindi ito bumabangga…,” TREN mentioned. The group Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) also had a similar statement with TREN about the mismanagement of DOTC’s resources. “It’s not what the commuters demand. We need more trains and better stations,” said Raymond Palatino, BAYAN-Metro Manila Chair.

As of press time, the said Beep cards are currently used in all stations of LRT-2, with the old stored value cards still being issued. However, AF Payments Inc., DOTC’s partner for the new ticketing system, did not announce when the Beep cards will be implemented for the LRT-1 and MRT-3. If successful, the new ticketing system is expected to reduce long queue lines and save time for the public.

On the other hand, the DOTC also mentioned the rehabilitation of escalators and elevators, with the first 12 elevators scheduled to be refurbished within the next six months.

slow and unCerTain imProvemenTs

Aside from makeshift rehabilitations, on June 9 the DOTC, together with D. M. Consunji Incorporated (DMCI), staged a groundbreaking ceremony for the extension

of LRT-2. The said extension project will add 4 kilometers and 2 new stations to the current LRT-2. The first station will be built in Cainta, Rizal and the last station will be in Masinag, Antipolo City. The extension project costs P2.27 billion and is likely to be finished by mid-2017.

Additonally, on May 19, NEDA approved DOTC’s proposal to extend the LRT-2 line to Manila North Harbor in Tondo. The project would create three stations, one in Tutuban near the Tutuban PNR Station, one in Divisoria, and one near the North Port Passenger Terminal in Manila North Harbor’s Pier 4 as its terminus.

Last year, the LRT-1 Cavite Extension was opened up for bidding and labelled the Light Rail Manila Consortium, a joint company of Ayala’s AC Infrastructure Holdings Corp. and Metro Pacific Light Corp, as the winning bidder. The said P65 billion extension project will construct 10 stations starting from Redemptionist, Paranaque to a station in Niog, Bacoor. Accordingly, on April 2015, the NEDA declared the construction of LRT line 6 under the public-private partnership (PPP) scheme and will undergo bidding. The said line is expected to contain seven stations from Niog, Bacoor to Dasmarinas, Cavite.

addiTional dismay To CommuTers

Several of the aforementioned projects were delayed and continue to dismay commuters’ trust in the DOTC. According to MRT Spokesperson Hernando Cabrera, the MRT-3 line has been used for 15 years and yet no major rehabilitation projects have been made. He also noted that despite the need for trains to be refurbished every 8 years, the MRT-3’s last rehabilitation was in 2006 or 9 years ago.

Additionally, after decades of use, technical problems in all three lines have increased such as malfunctioning air conditioners, waterholes on the roofs, and sudden stops. Accidents such as the overshooting of an MRT coach at Taft Avenue station that injured 38 passengers on August 2014 and the train collision along Monumento Station last May 23 can attest to the fact that these trains are no longer safe.

Due to recent events caused by the ageing trains, TREN and other commuter groups have called on the DOTC secretary to step down. Commuters also mentioned that they do not feel the benefits of the trains’ fare hike that were imposed earlier this year.

After a series of technical mishaps on the Metro Rail Transit (MRT) and Light Rail Transit (LRT) System, the Department of Transportation and Communications (DOTC) and the trains’ private shareholders finally started implementing rehabilitation and expansion efforts for the ageing

mass transport system.

DOTC rolls out rehab plans for MRT, LRTAmidst promises, conditions of rail transits continueto worsen

ADOLF ENRIQUE SANTOS GONZALES

Page 6: The Manila Collegian Volume 29 Number 01

06 NEWS Volume 21 Number 01August 17, 2015 | Monday

ITANONG KAY ISKO’T ISKA

Pwede ring ipadala ang inyong mga sagot sa pamamagitan ng pag-text sa 0917 510 9496 o sa 0917 539 0612! (Pero bawal textmate!)

1 anong masasabi mo sa p3.002 trilyong proposed budget ng gobyerno para sa 2016?

Sana lang maayos na maidistribute. - nakapila pa rin, CAS, 2013

Sa dami ng kapalpakan ng administrasyon ni Aquino, hindi ako masusurprise kung mali-mali na naman ang pagkakabahagi ng pera. - di na freshie, 2014

Mej umaasa na mabibigyan ng mas malaking fraction ang education sector. At sana magkaroon ng transparency para hindi mapunta kung saan yung budget. - optifree, 2015-08***, CAS

Sana tunay na makarating sa dapat na paroonan. At sana, siniyasat at sinuring mabuti ng mga mambabatas. - boomberg, 2014-xxxx, CAS

Tinaas ang budget pero gustong bawasan ng 2 billion ang budget ng UP. Mga t****. - Tobias, CAS, 2012-24852

Sana bawat sentimo ay magastos sa tama at sa dapat kapuntahan. Hindi sa bulsa ng mga politikong nagdudunong-dunongan. - randomnasophie, CAS, 2014- *****

Please lang, pakisigurong maganda ang kararatnan ng budget na ito. - qtp2t, CAS

Sana mapunta sa tama at nakakalungkot lang na sa kabila nitong pagtaas ng budget, binawasan pa rin ang pondo ng UP. - twig, CAS, 2012***09

Masasabi kong sapat na ang badyet na ito kung tunay na lahat ng perang ito ay napupunta para sa ikauunlad ng UP System at hindi lamang napupunta sa bulsa ng iba’t ibang politiko. - isopropyl alcohol, 2014-*****

Love of money is the root of all evil. Charot. Basta kingina naman oh, paki ayos lang iyong paggamit ng pera ng sambayanan dibuhh. - Baskil, CAS

Sana maglaan sila ng mas maraming percentage nung budget sa PGH wawa the facilities there and magready for APEC kasi kalurks kahiya naman tayo if ever, tapos sa k-12 program ng public schools sana maexecute ng maayos. Saka kahit naman ganyan kalaki yung budget di pa rin ramdam yung progress. - Bang, CAS, 14-57641

Isuksok nila sa pwet nila lahat ng yaman. Masusunog din sila sa impyerno. P******. - joyce pring

Oo, sana muna nagagamit nang maayos PARA SA BAYAN daming proposals eh kainis mga paasa magsama sama kayo. - patglow, CD, 2014-05844

Ilaan po sana sa edukasyon upang malinang ang kaisipan ng mga kabataan sa Pilipinas - hindi puro kajejehan and puro PBB ang peg. - getalife, CAS, 2012-35xxx

*rolls eyes* - brokekolehiyala, CAS, 2011-ooooo

2 anong amenities ang gusto mong makita sa bagong tayong Cas student Center?

bakit?

Olympic-sized pool, cafeteria from Mean Girls at foosball table. - nakapila pa rin, CAS, 2013

Maayos na canteen na may maliliinis at mura na food concessionaires. - di na freshie, 2014

Siguro maayos na student lounge at kainan :) - optifree, 2015-08***, CAS

Shower na matino. Murang kainan. Maayos na higaan. - randomnasophie, CAS, 2014- *****

PS4!!!! - boomberg, 2014-xxxx, CAS

Canteen at sariling swimming pool. Char. Pero seryoso yung canteen! - qtp2t, CAS

Rodic’s, bilihan ng school supplies, marami pang kainan. - isopropyl alcohol, 2014-*****

Una congrats, pangalawa, sana maging effective at comfortable for the students. - joyce pring

AIRCON PLEASE. VERY MUCH NEEDED. SALAMAT THANKS LABYU. - Baskil, CAS

Badminton court para di na pupunta ng Vito Cruz. Tapos canteen para di tayo namumulubi sa Rob. And photocopy and printing services para hindi tayo haggard na dumadayo pa tayo kung saan mang lupalop makapag paphotox lang. - Bang, CAS, 14-57641

Photocopy machine at printer!!!! Basta! - patglow, CD, 2014-05844

Internet cafe please. School supplies. Tapos may rush ID. Haha. - getalife, CAS, 2012-35xxx

Yung Bracket E2 friendly na mga stalls. Please. - brokekolehiyala, CAS, 2011-ooooo

Rodic’s, Sisig, Siomai. Also photocopy machine. Pls. - twig, CAS, 2012***09

the past is too quixotic to be grasped—it rather brought a new storm of problems to students who are already burdened with the exorbitance of their tuition and other fees. Not only does it fail to address the needs of the students, but it heightens their suffering as well and only deprives them more of the basic services that they should have acquired from the university. In the end, the eUP has been nothing but a symbol of an educational system that treads its path towards privatization and the commercialization of education.

Despite the charges having been long overdue, students remain vigilant in the middle of the services that the UP administration and the government fails to deliver. The fight does not end with only having a proper registration system—it continues to the assertion of adequate subsidy from the government as well as the protection and empowerment of the rights of the students.

katulad na lamang ng Pilipinas.

Taliwas rin sa inaakala ng marami, hindi kailanman tutulungan ng Estados Unidos ang Pilipinas na palakasin ang kanyang kakayahang pangmilitar. Ang Pilipinas ang pangunahing bansang pinagtatambakan ng mga lumang kagamitang panggiyera ng Estados Unidos. Hindi makabubuti para sa Estados Unidos na maging mahusay ang kakayahang militar ng Pilipinas sapagkat wala nang tatangkilik sa mga basura nito. Dagdag pa, mawawalan na rin ng kabuluhan ang mga kasunduang militar, na siyang pangunahing instrumento ng Estados Unidos sa pagpapanatili ng kanyang kapit sa bansa, kung magiging malakas na ang kakayahang militar ng Pilipinas.

Katawa-tawang isipin na pilit pinapalakas ng pamahalaang Aquino ang panawagan nito laban sa agresibong tindig ng Tsina sa West Philippine Sea gayong hinahayaaan naman nito ang lantarang pagsasamantala ng Estados Unidos sa mga katubigan at kalupaan ng bansa.

Tila rin nakaliligtaang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang mga korporasyong Tsino na nagsasamantala sa mga yamang mineral ng bansa sa loob mismo ng kalupaan nito. Ilang halimbawa ang mga pagmimina sa Cagayan Valley at sa Pampanga.

Kung ang idadahilan naman ng pamahalaan ay ang kagustohan nitong mapasabansa ang mga yamang likas sa mga pinag-aagawang teritoryo katulad na lamang ng saganang deposito nito ng langis, maisasampal pa rin sa kanya ang katotohanang hindi rin ang mga Pilipino ang makikinabang dito sapagkat walang itong sapat na teknolohiya upang galugarin ang likas nitong yaman. Sa huli ay mauuwi rin ito sa kamay ng mga

dayuhang korporasyon ng langis katulad ng mga nagyari sa nakaraan.

Aminin man ng pamahalaan o hindi, walang kakayahan ang Pilipinas na labanan ang Tsina sa aspektong militar. Dagdag pa, ang dalawang bansa ay parehong may nakatayang pang-ekonomikong interes sa isa't isa. Kung kaya ay mainam na solusyonan ang sigwang ito sa pamamagitan ng diplomatikong pag-uusap kaalinsabay ng pagsulong at pagpapatupad ng mga polisiyang panlabas na nagbibigay galang sa teritoryo at soberanya ng bawat isa. Marapat na sigurohing hindi na makapangingialam ang ibang bansang may pansariling interes, partikular na ang Estados Unidos, kung tunay na nagnanais ang Pilipinas at Tsina na wakasan ang kanilang gusot sa mapayapang pamamaraan.

Ang pagtawag sa patriyotikong pakikibaka ay madali para sa isang bayang uhaw sa kalayaan. Subalit kung ang pamahalaan ay sumusunod lamang sa dikta ng among imperyalista, nanganagailangan ng malalimang pagsusuri ang pagtindig at hindi basta basta lamang magpapatangay sa agos ng panlilinlang. Kalunos-lunos ang kinasapitan ng bayang daan daang taong binusabos at nilapastangan ng mga manlulupig na dayuhan.

Ngunit sa huli, nasa kamay pa rin ng masa ang aksyong tunay na magpapalaya sa bayan. Sapagkat ang daluyong ng nasyonalismo ay hindi kailanman makukulong sa panig ng imperyalismo-- ito ang tuluyang magpapakawala sa bayan mula sa tanikala, ang maghahatid ng tunay at makabulohang pagbabago sa lipunan.

PERLAS NG SILANGAN MULA SA PAHINA 08

The truth is, I always experience this crippling anxiety and despair that whatever I write will never live up to anyone’s expectations and exposing myself will do no good. I also find it difficult to string words together and I reel in panic whenever I think about writing a long essay. I never had a compelling reason to pursue writing as hobby or a profession. I was honestly surprised when an editor from MKule approached me and offered me this gig, explaining that I came highly recommended. Although, I have a sneaking suspicion that my friends, who were former columnists of Mkule, had something to do with this. I wonder which one of them was insane enough to vouch for me.

So, here I am, clueless and racking my brain on how I can pull this off. My predecessors are quite famous in their own rights and are undoubtedly tough acts to follow. How can I ensure that I will be at par with my friends, whose stories graced the pages of the publication in the past? I admit, I have no idea. Still, by some miracle, I was given this opportunity and I am not one to back out from a challenge.

Thus, with shaky fingers and a pounding heart, I will continue typing and let the words spill over the pages.

Can you bear with me and read on?

A SHOT IN THE DARK PAGE 11 SYSTEMS CRASH FROM PAGE 07

Page 7: The Manila Collegian Volume 29 Number 01

FEATURES 07Volume 21 Number 01August 17, 2015 | Monday

THE STUDENTS REMAIN THE victims as the university continues

to embrace rather than fight the onslaughts of commercialization. Such is the situation of the University of the Philippines, specifically on the poor implementation of the Student Academic Information System (SAIS).

With the emergence of SAIS, students have been promised a smoother and more efficient process of registration. A year after however, the casualties were not lessened—they are rather ever growing.

B U F F E R I N G

The current system used held no great differences to its previous counterpart, for the burdens shouldered by the students before are merely being reflected in the recent enrollment.

The 751.9 -million php eUP project of President Alfredo Pascual consists of five information systems purportedly aiming to make information dissemination in UP more efficient and competitive. As part of the project, SAIS is primarily concerned with displaying student, alumni, and faculty-related information. Some of its essential functions include holding academic records and financial dues, as well as allowing the students to enlist for subjects and ideally, even being able to let them settle the whole enrollment process online. Allegedly more efficient than the previously used Computer Registration System (CRS), the SAIS and the whole eUP project is promoted as being in the same level with the enrolment systems of several top universities in the world. The rationale for this is the use of the Oracle technology, a proprietary software that is said to fill the gaps of the university-grown CRS.

Replacing the manual registration in the early 2000s, the CRS has sought to alleviate the problem of enrollment in the university but were confronted with the same complaints from students each year. Apart from the technical glitches and shutdowns of the servers, problems regarding schedules was brought by the randomized way of acquiring slots, which gives insecurity to the students in acquiring the slot in the subject they need. The CRS has also been known to fail on multiple occurrences, leading to loss of information and misinformation of enlisted and dropped subjects as well as published grades. Such cases would usually cause students to undergo tedious processes of having to submit different requirements to the college secretary or the registrar in order for the information to be corrected. With all these predicaments sought to be addressed and to mask the mistakes in the implementation of the CRS, the administration urged to implement the use of SAIS. Since academic year 2014-2015, the implementation of SAIS

has moved in between Phase 1 and Phase 2. Significant progress should have been seen with SAIS replacing the CRS, but barely any improvement has been observed in the past year.

Until the latest enrollment, students have been experiencing errors in the system, such as not being able to enlist in advance during the days where they are supposedly designated. Many have also complained of not being able to log in since the server has shut down. This has caused several students to lose slots that were not restricted to their respective programs. Errors in financial dues has also been a common problem to many enrollees, in which they have to get it corrected first before being able to pay. Since the current system thrives in a first-come-first-served basis in accommodating students in terms of slots, it also proves to be unfair and discriminatory to those who do not have

i m m e d i a t e access to the

In t e r n e t .

A d d Slot lines are still kept long for those who were unable to compete with securing slots in the advanced enlistment. In the end, registration in UP remains the same for students—delayed and having to resort to extensions.

The illusion of improvement has seemingly served as a facade making the administration overlook the core of the problems in the UP registration. The disproportionate ratio between the instructors, facilities and the growing student population causes the inadequate number of slots for each student of the university-- and this could never be addressed by merely CRS nor SAIS.

C R A S H I N G

The exorbitant funding allotted to change the information dissemination system is being put to waste as the SAIS and its counterparts remain inept, and their implementation staggering behind.

As part of the “One University, One Vision”, the eUP has failed to materialize in accordance to its time frame, considering that the system is expected to be deployed to all constituent universities by 2016. Enrollment using SAIS has only been implemented in UPB this academic year, in contrast to the supposed Phase 2 of the program where it should have been deployed not only to UPB and UPM, but also to UP Los Baños. On the other hand, considering that SAIS has also continued

to malfunction in the relatively smaller student population of UPM, implementing it without enough preparations in other constituent universities only foretells of the same problems mirrored in a larger student body. This being said, it will still be inevitable for students to line up just to be able to add slots and obtain the proper number of units they have to take, since slots continues to be limited to certain number of students.

Years of CRS development spearheaded by staff and experts in the university have also been put to waste, with the SAIS suddenly replacing the system. As said in the eUP website itself, one of the only main

differences between the two would be that SAIS would provide more features not seen in the CRS. Rather than encouraging the staff and the experts of the university to develop a more efficient information system, the administration merely gave opportunity to a winning bidder—the ePLDT Inc. and Partners. The administration also defended SAIS by saying that it will be more cost-effective than to develop the homegrown system, since Oracle has already been known to use the best practices. However, the big disparity of budget between the two systems could be seen—in comparison to the 2.7-M annual budget for the CRS, the SAIS already consumes 23,598,400-M just by its implementation alone. This also implies that not enough budget was not allocated to the CRS for its further development, which if enhanced with more features, could have been also considered more 'competitive’.

Since the SAIS uses a proprietary software, 43,364,202.12-php of the funds have also

been allocated to merely buying the licenses, as well as maintenance for the first year only. This means that while the licenses remain unexpired, not

being able to pay the maintenance fees in the following years would constitute

to not being able to access further system upgrades. In this case, staff will still be needed to maintain the systems once technical support ceases to be given by the provider. Considering pending budget cuts to be implemented in the UP System in 2016, along with many other problems currently faced by the university, the SAIS remains a misplaced project.

The purpose of implementing the eUP in order to prove that UP could be globally competitive proves to be contrary to the pressing issues currently experienced by the premier university. Even if the university develops an advanced information system, it could not be denied that it remains to lack in the establishment and improvement of basic infrastructures. The lack of dormitories in Diliman for instance have resulted to a lot of students being left with no choice but to camp out in the university grounds. Iskolars ng Bayan are also still deprived of adequate facilities such as better classrooms for discussions. Since professors are also underpaid, the number of instructors remain insufficient in catering thousands of students applying for various courses, and some professors were even forced to leave the university. The large sum of money allotted for the SAIS could have been used in the building and renovation of more infrastructures that would be more beneficial for the students. But the administration decided to allocate the money in a privatized system that would merely serve as a façade for the university’s root problems.

The idea of the eUP and SAIS relieving the problems that the CRS have caused in

SYST E M S C RA S HSCRUTINIZING THE ONLINE ENROLMENT AND INFORMATION SYSTEMS IN THE UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

KATRINA MARIA LIMPIADA PEROLINO AND CHLOE PAULINE REYES GELERA ILLUSTRATION BY JOSE PAOLO BERMUDEZ REYES

CONTINUED ON PAGE 06

Page 8: The Manila Collegian Volume 29 Number 01

08 FEATURES Volume 21 Number 01August 17, 2015 | Monday

BIYAYANG MAITUTURING ANG pagkakaroon ng Pilipinas ng mayamang

kalikasan, partikular na sa katubigan. Subalit, ang biyayang ito ay nagmistulang sumpa kalakip ang walang hanggang panlulupig ng mga makapangyarihang bansa.

Saksi ang kasaysayan; ang Pilipinas ay inalipin, pinagsamantalahan at ginawang sunod-sunuran.

Sa modernong panahon, mayroon mang itinuturing na sariling gobyerno at pagkakakilanlan, hungkag pa rin ang kalayaan at kasarinlan sa mga mata ng masang api. Nakatali pa rin ang bayan sa interes ng mga naghahari-hariang bansa; paghihirap at pang-aalipusta pa rin ang dinaranas ng mga mamamayang Pilipino.

PAG-AANGKIN: SA APOY NG DRAGON

Sa loob ng mahabang panahon ay tunay ngang nakaakyat sa hirarkiya ng kapangyarihang pang-ekonomiya ang bansang Tsina. At katulad ng lahat ng kapitalistang bansang may imperyalistang ambisyon, nais nitong palawakin ang sakop ng kanyang kapangyarihan. Hindi katakatakang punteryahin nito ang Asya Pasipiko na siya namang kinabibilingan ng Pilipinas.

Isa sa mga pinag-aagawang teritoryo sangkot ang Pilipinas at Tsina ay ang Scarborough o Panatag Shoal. Sa ilalim ng United Nations Conventions on the Law of the Sea o UNCLOS, isinasaad na ang bawat bansa ay mayroong 200 nautical miles na Exclusive Economic Zone o EEZ mula sa kanyang kalupaan. Bilang ang Scarborough Shoal ay nakapaloob sa 124 nautical miles na katubigan mula sa pampang ng Zambales, malinaw na ito ay parte at lehitimong teritoryo ng Pilipinas. Sa kabila nito, agresibo pa rin ang Tsina sa pag-angkin ng nasabing teritoryo.

Taong 2012 nang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga militar pandagat ng Tsina at Pilipinas sa Scarborough shoal matapos mahuli ng Philippine Navy ang isang mangingisdang Tsino na nanghuhuli ng mga endangered na lamang dagat. Noong taong 2013, nakapagtala ang Armed Forces of the Philippines o AFP ng labindalawang insidente ng pandarahas sa mga mangingisdang Pilipino na kinasangkotan ng Tsina. Sa isang insidente, gumamit pa umano ang mga militar ng Tsina ng mga water cannon upang dahasin ang mga mangingisdang Pilipino.

Sa pag-aaral na isinagawa sa pangunguna ni Propesor Sarah Raymundo ng Unibersidad ng Pilipinas noong ika-30 ng Hunyo hanggang ika-5 ng Hulyo sa Masinloc, Zambales, napag-alamang nakararanas na ng pandarahas ang mga mangingisda sa kamay ng Chinese Coastguard noon pang taong 2012. Noon pa rin umano ay iligal nang kumukuha ang mga malalaking fishing vessels ng Tsina ng mga endangered na lamang dagat sa Scarborough shoal.

Dahil sa mga pandarahas at sa isinasagawang reclamation ng Tsina, malaking bahagdan na umano ang nabawas sa nahuhuling isda. Sanhi nito, maraming mga mangingisda ang nawawalan ng kabuhayan at napipilitang maghanap ng ibang trabaho.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, ang West Philippine Sea ay nagtataglay ng dalawampu't anim na bahagdan ng kabuuan ng pangisdaan ng bansa. Ang mga gawain umano ng Tsina ay nagiging sanhi ng P4.8 bilyong kabawasan sa kita ng lokal na ekonomiya at P300,000 naman mula sa lingguhang kita ng mga mangingisda.

Sa kabila ng napakalaking pinsalang dulot ng Tsina sa bansa, ang pamahalaang Aquino ay nagbibigay pa ng karagdagang pabor sa nasabing bansa imbes na gipitin sila sa mga ginagawa nilang paglapastangan. Ayon kay Anakpawis Representative Hicap, kamakailan lamang ay ibinigay ng gobyerno ang isang P3.7 bilyong proyekto ng MRT Line 3 sa isang korporasyong tsinong nagngangalang Dalian Locomotive and Rolling Stock Co. Ltd.

Sadyang inutil ang administrasyong Aquino sa mga pinagdaraanan ng bayan. Tila hindi nito pinag-iisipan ang kanyang mga hakbangin at pawang kawalan ng pakialam ang kanyang ipinapamalas.

PAGPAPAIN: SA KUKO NG AGILA

Sa kabila ng sunod sunod na pandarahas ng Tsina at ng nakaambang kapahamakan, katakatakang hinahayaan at kinukumbinsi pa ng pamahalaan ang mga mangingisda na ipagpatuloy ang kanilang pangingisda sa pinag-aagawang teritoryo. Dagdag pa, walang ibinibigay na anomang tulong o inilalahad na mekanismo ang pamahalaan upang protektahan ang mga mangingisda kung sakaling sila ay muling atakihin ng mga pwersa ng Tsina habang sila ay nangingisda. Tila baga sadyang ibinubuyo nito ang kanyang mga mangingisda tungo sa kanilang kapahamakan upang bigyang dahilan ang mga susunod nitong hakbangin.

Bagaman kakonde-kondena ang mga ginagawang pandarahas ng Tsina, mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga nakakubling hangarin ng pamahalaan. Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamalakaya Ng Pilipinas o Pamalakaya, katakatakang isiniwalat ang mga pandarahas partikular na ang insidente ng water cannon isang buwan makalipas itong nangyari at hindi noong mismong araw kung kailan ito naganap.

Mula sa paglalagay sa mga mangingisda sa tiyak na kapahamakan, malinaw ang motibo ng gobyernong Aquino. Dinagdagan pa ng mahusay na pagkontrol sa midya, kung saan ipinapahayag lamang ang mga pandarahas ng Tsina sa panahong papabor ito sa mga balakin ng gobyerno. Nais ng administrasyong ito na palalain ang sitwasyon upang bigyang dahilan ang noon ay niluluto pa lamang na bagong kasunduang militar ng Pilipinas at Estados Unidos, na sa kalaunan ay lumantad din sa publiko sa pangalang Enhanced Defense Cooperative Agreement o EDCA.

Layunin nitong bigyang rason ang malawakang presensiya ng mga Amerikanong militar sa bansa at gawing isang malaking base militar ang Pilipinas at ang South China Sea sa kabuuan, tungtungan sa pagbabantay ng mga interes ng Estados

Unidos sa silangang Asya partikular na sa malaking deposito ng langis at iba pang yamang mineral sa mga pinag-aagawang teritoryo. Nais din ng Estados Unidos, katulong ng kanyang mga kasapakat na bansa katulad ng Japan at South Korea, na maging alerto sa pagkontra sa patuloy na lumalakas na kapangyarihan ng Tsina upang manatili sa pagiging pinakamakapangyarihang bansa sa mundo.

Isinasakatuparan ng Estados Unidos ang lahat ng ito habang ang gobyernong Aquino ay sunod-sunuran lamang sa anomang kanyang naisin. Ang higit pang masaklap, ang mga ordinaryong mamamayang Pilipino ang sumasalo sa mga karumal-dumal na implikasyon at epekto ng mga ikinukubling hangaring ito.

PAGBALUKTOT: SA ILALIM NG GOBYERNONG AQUINO

Salungat sa inaakala ng pamahalaang Aquino at gayon din ng karamihang Pilipino, walang balak ang Estados Unidos na protektahan ang Pilipinas kung sakali mang umakyat ang tunggaliang ito kasangkot ang Tsina sa isang direktang digmaan. Ito ay sa kadahilanang kalakhan ng pang-ekonomikong interes nito ay nakalagak sa relasyon nito sa Tsina, katulad na lamang ng kanyang utang panlabas. Pinakamalaking bahagdan ng utang panlabas ng Estados Unidos ay mula sa Tsina kung kaya ay malayong harapin nito ang huli sa isang digmaan lalo na kung para lamang ito sa pagprotekta sa Pilipinas.

Hindi rin nakapirma ang Estados Unidos sa UNCLOS na siyang pangunahing pinanghahawakan ng Pilipinas bilang katunayan ng pagmamay-ari nito sa mga pinag-aagawang teritoryo, partikular na ang Scarborough shoal. Sa katunayan, hindi kailanman pipirmahan ng Estados Unidos ang isang kasunduang maglilimita sa pagpasok nito sa iba't ibang teritoryo

IPAGPATULOY SA PAHINA 06

PERLAS NG SILANGANANG PILIPINAS SA KAMAY NG MGA IMPERYALISTANG BANSA

AN

GELIC

A N

ATIVID

AD

REYES D

IBUH

O N

I JAM

ELA LIM

BAUA

N BERN

AS

Page 9: The Manila Collegian Volume 29 Number 01

CULTURE 09Volume 21 Number 01August 17, 2015 | Monday

“UP ako, ikaw?"

Madalas nagtutunog hambog at mayabang ang mga katagang ito, lalo na kapag nakalapat sa mga university shirts na tila ba ipinangangalandakan sa lahat ng makakakita. Sa pananaw ng iba, isa lamang itong paghayag ng pagmamalaki nila sa pagkakabilang sa pinaka-prestihiyosong unibersidad sa bansa – isang ‘di matatawarang pagkatataon na makapasok sa UP.

Subalit, kamakailan lang, isang patalastas na magarbong ipinapakita ang imahe ng masasaya at maaliwalas na mukha ng mga kabataan kasama ang isang senador ang umiikot sa telebisyon. Isang promo ito ng Iskolar ng Bayan Act ni Senador Alan Peter Cayetano na naglalayong gawing libre at halos instant ang pagpasok sa kolehiyo ng top 10 graduates ng bawat pampublikong eskwelahan.

Sa pagkaka-panukala ng batas na ito, hinahamon ngayon ang bawat Isko at Iska na turolin ang kanyang identidad bilang isang tunay na Iskolar ng Bayan – pagkakakilanlang hindi sa enrollment at university shirts matutukoy.

“Honors” and ExcEllEncE

Nakaraang taon pa nang magsimulang mag-ingay at makilala ang Iskolar ng Bayan Act. Sinasabing ito ang magiging sagot sa

papaunti nang papaunting bilang ng mga nakakapag-aaral sa kolehiyo. Ito rin daw ang magiging pag-asa ng mga magagaling ngunit mahihirap na mga mag-aaral. Sa ilalim kasi ng panukala, hindi na kailangang gumastos pa ‘ni isang sentimo sa pagtuloy sa unibersidad.

‘Yun nga lang, ayon sa Iskolar ng Bayan Act, ang libreng edukasyon sa UP ay para lamang sa sampung

pinaka-magagaling na estudyante ng bawat

pampublikong paaralan sa buong bansa. Pasensyahan

na lang kung top 11 ka, o kung nag-aaral ka

sa isang pribadong institusyon.

Kailangang tandaan na hindi kailanman magiging sapat ang

simpleng pagpasok at pag-e-enroll lamang o

pagkabit ng pangalan sa ID na may selyo ng UP, upang

matawag na tunay na Iskolar ng Bayan. Ang

mga mag-aaral ay patuloy na sinusubok ng institusyon sa loob man ng lecture halls o mga laboratoryo, upang tanggapin ang hamon na

baguhin ang sistema ng lipunan. Ang mabigat

na tungkuling ito ang dahilan kung kaya’t

ang pag-aaral sa UP ay nangangailangan ng masusi at komprehensibong

pagsukat at paglinang ng kakayahan ng mga

mag-aaral.

Kritikal na maintindihan na ang paglinang na ito ay dapat mag-umpisa sa pagpapatibay at pagpapatatag ng sistema ng edukasyon sa mga pampublikong institusyon. Subalit, paano kung sa elementarya at hayskul pa lamang ay marupok na ang pundasyon ng pagkatuto ng kabataan?

Hindi maikakailang ang mga pampublikong paaralang pinanggalingan ng top 10 na mga mag-aaral na ito ay mga biktima rin ng maling pamumuno. Sa pasilidad, libro, at guro pa lamang ay agrabyado na ang maraming pampublikong paaralan sa bansa, at ito’y nakakaapekto sa patuloy na pagbaba ng kalidad ng kaalamang binabaon ng mga estudyante. Idagdag pa ang pasanin ng pagtuloy ng programa ng K-12 at ang kakulangan ng kahandaan ng estado sa pagpapatupad nito, lalo lamang nababaon sa walang hanggang kasayangan ng talino at kasanayan ang potensyal ng kabataan.

Hangga’t marupok ang pundasyon ng sistema ng pampublikong edukasyon sa bansa, walang saysay ang prinsipyong nais isakatuparan ng Iskolar ng Bayan Act. Kahit itinuring pang premier university ng bansa, hindi kailanman mapupunan ng unibersidad ang mga nasayang na potensyal na dapat sana’y nalinang ng mga estudyante sa de-kalidad na edukasyong mayroon sana sa elementarya at hasykul.

UP naming “maHal”

“Magkano ang tuition mo?”

Maraming sasagot ng labingwalong libo, mas marami ang sasagot ng tatlumpung libo, at mahina pa sa bulong ang sagot ng mga walang binabayaran dahil napakakaunti lamang nila. Lahat ng mag-aaral ng UP ay dumadaan sa tila reaping na ito ng STS at sumasagot ng mga borderline stalker material na tanong para lang mapatunayang sila ay mahirap, at makakuha ng libre o mababang tuition.

Kasama ng enrollment, ito ang unang patikim ng mga isyung mangungulit sa kanila sa pag-aaral nila sa UP. Pero ang problemang ito’y binubura ng mala-anghel na dating ng Iskolar ng Bayan Act dahil ginagawa na nitong libre ang pagpasok ng mga top 10 ng bawat eskwelahan. Pero, patikim lang ito, sapagkat hanggang first year lang kasi ang maaring ma-libre, at walang kasiguraduhang makakatapos ang mga batang umano’y tinulungan nito.

Siguro nga, maswerte naman ding maituturing ang iilang mga batang mabibiyayaan ng libreng pagpasok sa unibersidad ngunit tandaan na ang pahayag na “It is the policy of the State to protect and promote the right of all citizen to quality and accessible education at all levels...” ay nakasaad mismo sa mapanuyang batas na ito. Isang masakit na tumbalik pala ito na ang depinisyon sa “all citizen” ay mga top 10 lamang ng mga paaralan.

Nakakalungkot na naghahari na naman dito ang bunga ng “meritocracy” sa mga paaralang pinanggalingan nila; na ang mga sinasabing “nagsikap at nag-aral mabuti” lamang ang may karapatang ituloy ang edukasyon sa kolehiyo. Mas nabibigyang pokus ang bunga ng reward system ng mga

paaralan kaysa sa malawakang aksyon patungo sa libre at abot-kayang edukasyon para sa lahat, di lamang para sa tig-sampu.

sErvE tHE PEoPlE

Ang rebulto ng Oblation ang pangunahing simbolo ng UP. Sa simpleng salita, ito ay simbolo ng pag-aalay ng sarili sa bayang pinaglilingkuran; isang prinsipyo ng Unibersidad ng Pilipinas na naging trademark na rin nito.

Kumbaga kasi, isang lifestyle na ang Oblation. Maraming UP Students ang dinadala sa kalsada ang laban at isinasabuhay ang diwa ng pagserbisyo sa lipunan kahit pa ang ibig sabihin nito’y sila’y mahusgahan at makantyawan ng mga taong hindi ito maintindihan. Sa UP, mas matimbang ang bayan kaysa sa personal na mga kagustuhan, at iyon ang nagpapatunay sa bansag na Iskolar ng Bayan.

Ang nakakabahalang implikasyon ng Iskolar ng Bayan Act sa pinakadiwa ng Oblation ay ang pagpiloto ng kanilang serbisyo at utang na loob na ang pokus ay lihis na sa paglilingkod sa bayan. Sa isang kritikal na perspektibo, ang Iskolar ng Bayan Act ay sa una’y mapagkawanggawa at mabuti, ngunit isa pa ring mahinang alternatibo sa problemang pang-edukasyon. Hindi ba’t dapat lang na libre ang edukasyon para sa lahat, at hindi lamang sa iilan? Sa pagtangkilik sa mga batas na band-aid lamang para sa isang flesh wound, nagiging bulag ang mamamayan sa tunay na pangangailangan ng lipunan.

Ang patuloy na pag-iisip na isang pribilehiyo ang edukasyon, na ang kaunti lamang ang “karapat-dapat” na makatamasa ay siya ring pagpatay sa kahalagahan ng pakikipaglaban para sa bayan. Kung ang mga susunod na papasok sa UP ay natamnan na ng ideyang isang regalong ipagpapasalamat ang pagtulong ng mga mambabatas sa mga estudyante, tuluyan nang mabibihag ang mga ito sa pagtangkilik sa mga band-aid solutions na ito at mawawalan ng inisyatibong lumaban para sa pangkalahatang karapatang ng mga mamayan.

Sa bawat sigaw ng mga grupo ng “Karapatan! Karapatan!” ay siya ring pagpapatuloy ng laban na matagal nang inayawan ng marami dahil sa pagkahumaling, at pagkakulong sa burukratang himpilan ng mga makapangyarihan. Sa pagpasok sa UP, kailangang tandaan na di lamang purong akademikong karanasan ang malilinang, kundi pati na rin ang diwa’t pusong magigising namagkukumahog magsilbi sa at palayain ang bayan.

Sa dinami-rami ng mali sa bansa, at sa paglaganap ng mga batas na naglalayong takpan lamang imbes na tuluyang gamutin ang mga nagnanaknak at nabubulok na mga maling ito, tungkulin ng isang Iskolar ng Bayan ang makilahok sa pagsagot sa mga ganitong suliranin, at ‘di dapat makunteto sa mahihinang solusyong nagpapatuloy lang sa pagkabulok ng sistema.

Iskolar man sa UP o hindi, kailangang nagkakaisa ang lahat na ang edukasyon ay hindi isang pribilehiyo —na ang lahat ng kabataan ay dapat Iskolar ng Bayan.

isko

lar

ng B

ayan

®PA

GTAS

A SA

EDUK

ASYO

NG H

UMUH

UBOG

SA K

INAB

UKAS

AN N

G NA

SYON

PIA

KRI

EZL

JURA

DO

HER

NA

ND

EZ D

IBU

HO

NI P

AULI

NE

SAN

TIA

GO

TIO

SIN

Page 10: The Manila Collegian Volume 29 Number 01

10 CULTURE Volume 21 Number 01August 17, 2015 | Monday

SWERTE KA NGA BA KUNG IKAW AY pagbibigyan ng isang pabebe?

Sa kasalukuyang panahon kung saan ang mga sikat na videos ng mga pabebeng kabataang kumakain ng mamon, at nagdu-dubsmash ng Twerk It Like Miley ang sumakop sa kalakhan ng internet, dalawa lang ang iyong pagpipilian: gugustuhin mong maging crush ang pabebe, o kamumuhian mo sila.

Marami ang mga nagpapaka-vain at napapasikat na mga pabebe sa halip na layuning magkaroonng mas malawak na kamalayan sa lipunan. Kaya nama’y imbis na magustuhan, marami ang naiirita, at gustong tugisin ang mga pabebe. Ngunit imbis na tugisin, nararapat muna nating unawain at intindihin ang kultura ng pabebe, at bakit ito dapat pakialaman.

Wala kayong pakialamAngmgapabebe para saiba ay parangisang holiday—walang “class”. ‘Pag bitin ang pagkain o pera, at wala kang kasama, matuto kang magpabebe. Basta’t meron kang makeup at tapang ng loob, ‘di mo na kailangang tiisin ang gutom o pag-iisa. Konting kindat lang ng mata, pout ng labi, at mapang-akit na boses, siguradong may mabibwisit, este papansin sa’yo. Pero bakit nga ba marami ang naiinis sa mga pabebe? Marahil, sa unang tingin ay maaaring personal ang dahilan, ngunit kung lalaliman ang pagsuri, masasabing isa itong porma ng ‘cultural cleansing’.

Ang paboritongsports daw ng mga pabebe ay walang iba kung hindi social climbing. Try-hard daw maging cute ang mga pabebe. Sa ating lipunan kasi, ang pagiging pabebe ay nakakabit sa lower class. Ito ay dahil ginagaya ng pabebe ang kultura ng upper class sa paglalayong siya rin ay mapabilang sa elite. Katulad na lamang ng maarteng pananalita ng mga mayayaman na tila ba’y malagkit ang bibig, at ang pasosyal na pagkain ng mamon na pilit ginagaya ng mga pabebe. Hindi man aminin ng nakararami, ngunit kinaiinisan at pinandidirihan nila ang pabebe dahil para sa kanila, pilit itong nagpapanggap na maging sosyal at cute.

Ang panggagaya ng lower class sa kultura ng upper class ay naging kadahilanan upang magkaroonng cultural cleansing na nakatuon sa kultura ng lower class. Kamumuhian at pandidirihan ng mga tao ang pabebe nang sa gayon ay mapanatili ng upper class ang pagiging classy at elegante ng kanilang kultura. Bakit nga naman ba hahayaan ng mga tulad nila Kris Aquino na gayahin ng mga ordinaryong mamamayan ang kanyang “classy” na pagta-Taglish o ang paglalandi with style. Ibig sabihin, hindi hahayaan ng mga mayayaman na maging mainstream ang kanilang kultura o paraan ng pamumuhay sapagkat bababa ang halaga nito.

Hindi lamang panggagaya ng kultura ang pagiging pabebe, ngunit masasabi ring

i s a n g p a n g u n g u t y a

sa kultura ng mga mayayaman. Nagkalat ngayon ang napakaraming videos na nagpapakita kung paano kumain ang mahirap at mayaman. Pagalingan ngumuya nang hindi bumubuka ang bibig. Mahihinuha na ang mga video na ito ay para bang nagsasabing, bakit kailangan mo pang artehan ang iyong pagkain kung sa dulo ay pare-parehas naman nating idudumi ito? Ibig sabihin, ang pabebe ay classy sa sarili nitong paraan at nararapat na ipantay sa kultura ng upper class.

Ang kultura ng pabebe ay masasabing dalawa ang talim. Sa pamamagitan ng panggagaya nito sa kultura ng upper class, inaalis nito ang pagkakaiba ng mababa at mataas na kultura, ngunit sa kabilang banda, ibinababa rin nito ang kanyang mismong sarili bilang isang first-rate na kultura. Ano man ang mangyari, ang mga kultura ng pabebe ay hindi dapat marginalized sa lipunan, bagkus ay itrato bilang isang mahalagang parte na bumubuo sa identidad ng isang Pilipino—mayaman man o mahirap.

Walang makakapigil sa aminSa pagsulpot ng iba’t ibang bersyon ng mga pabebe video sa Internet, talaga namang hindi na napigilan ang pagkalat nito sa mainstream media.

Kasikatan sa tulong ng napakaraming shares ng videos ng mga pabebe ang siyang naging bunga upang lalo pa silang makilala ng mga tao. Marami ang naki-usyoso sa video ng pabebe girls dahil gusto nilang malaman kung bakit sila sikat at bakit gusto nilang magpasikat. Maliban sa pagiging bahagi ng isang kultura na siyang nag-aangat sa estado ng lower class, ang pagiging pabebe ay maaaring makita rin bilang isang defense mechanism o kaya nama’y simpleng problema sa pag-uugali.

Masasabi na ang ibang mga taong nasa lower class ay nakakaramdam ng kakulangan sa self-esteem at self-confidence bunga ng pangmamata ng mga mas nakakataas sa kanila. At ang pagiging pabebe, dahil

nakakabit ito sa lower class, ay masasabing isang paraan upang dagdagan ng isang tao ang kanyang self-confidence sa pamamagitan ng pagkuha ng labis na atensyon sa ibang tao. Samakatuwid, ang atensyon at kasikatang binibigay ng mga tao sa mga pabebe ang siyang nagdudulot sa kanila upang mas galingan pa ang kanilang ginagawa—ang pagpapabebe, at dahil dito, mas nararamdaman ng mga pabebe na sila ay empowered.

Naging mainit ang pagtanggap ng media sa mga pabebe – bawat like, share, at TV guesting ay naging parang bitamina na nagpapalusog sa kanilang self-esteem. Naging panauhin ang mga pabebe girls sa ilang mga TV shows, nagkaroong ng

music video, at unti-unting ginagaya ng ilang mga celebrities. Ang mainit na pagtangkilik ng media sa pabebe girls ay dulot ng celebrity-industrial complex kung saan ang sikat at ang nagpapasikat ay nagtutulungan upang

matugunan ang pangangailangan ng isa’t-isa.

Sa celebrity-industrial complex, pansamantalang pasisikatin at bibigyan ng pribilehiyo ng mga korporasyon ang mga pabebe girls upang sila ay pagkakitaan. Katulad halimbawa ang pagkuha sa kanila bilang panauhin sa isang tv show. Pabalat lamang ang layunin ng palabas na makilala at malaman ang storya ng pabebe girls, dahil sa katunayan, kinuha lamang ang mga pabebe girls upang pataasin ang ratings. Samakatuwid, ang mga pabebe girls ay nagsilbing kasangkapan ng ilang tao upang pagsilbihan ang kanilang pansariling interes. At sa oras na bumagsak ang kultura ng pabebe, iiwanan na ito ng media at hahanap na ng panibagong tatangkilikin ng tao.

Marahil, sa internet ay walang makakapigil sa mga pabebe, ngunit nararapat nating tandaan na sila rin ay biktima ng opresyon. Sa huli, mamatay man ang kultura ng pabebe, nakatatak pa rin ito sa lipunan at kulturang Pilipino.

Hindi dapat tayo makuntento sa panonood lamang ng mga pabebe, bagkus nararapat nating silipin ito sa mas malawak na konteksto. Ang mga video ng pabebe at ang kultura nito mismo ay dapat nating makita bilang indikasyon ng patuloy na paglawig ng diperensya sa pagitan ng kultura ng dalawang uri – mayaman at mahirap.

Bigla man silang sumikat, nasa atin ang pagkakataon na makita ang layunin sa likod ng kanilang pagpapaganda sa harap ng lente at pagsasalita na waring bata. Hindi lang simpleng pagkukuhanan ng puna o halakhak ang dahilan ng kanilang pagsikat. Lumipas man ang panahon at mabaon man sa limot ang hatid nilang impluwensiya, magsisilbing tanda ang kulturang pabebe sa patuloy na pagyabong ng malikhaing pag-iisip ng mga Pilipino.

KakaibebePag-angat at Pagbagsak ng Kultura ng Pabebe

JOSEF BERNARD DE MESA AT JOSE LORENZO LANUZA DIBUHO NI MARIA CATALINA BAJAR BELGIRA

Page 11: The Manila Collegian Volume 29 Number 01

That smile eventually started to disappear as the realities of the responsibility I now bore weighed down on me. My predecessor once referred to being Managing Editor as the most stressful job in the institution, and I kid you not, she was absolutely right. But somehow, I persevered - and continue to, until today.

And if you're wondering where I found the strength to keep pushing, I found it in you. You, the Iskolar ng Bayan, who picked up this newspaper and took the time to read it. You, young freshie, who has the initiative to feed your mind with the information contained in these pages. I joined this publication with one simple desire - to serve the people in the best way I can. And seeing, even just knowing, that I am doing that fulfills me and fuels my fire.

Now is the time I understand.

I have been in this publication for three

OBLATIONREBEL WITH A CAUSECarlo Rey Resureccion Martinez

This may turn out to be the worst decision of my life.

Three years ago, without knowing anything - and I mean anything - about the Manila campus of UP, I had already decided on one thing: joining its official student publication, The Manila Collegian. I didn't know what kind of articles they put out, what kind of culture they had, or if they would actually accept a wide-eyed, naive, socially oblivious freshman like me. But they did, thankfully, and now I find myself in the precarious position as one of its leaders.

One thing I learned from AIESEC (an organization I am currently part of and am eternally grateful to) is that leadership requires fearlessness, knowing that you have no idea what you're getting yourself into and stepping forward anyway. I took that first fateful step forward when my predecessor asked me if I wanted to be her trainee, and I said yes. I remember the doubt in my mind and the fear in my heart when I responded to that question, but I also remember the smile on my face as I gleefully walked out of our office.

There were times when I felt it was.

years now and I have seen three editors-in-chief take the helm. I have seen their anger brew and their frustration grow. I have seen them struggle with their academics and other commitments. I have seen them hit rock bottom.

But I have also seen them at their peak, at the height of excellence that defined them as leaders. I have seen them produce articles written so sharply that it would impress even the most stringent literary critic. I have seen their hands create illustrations that evoke a sense of awe. I have seen them at the top of their game, and I get it.

I get the simple fact that leading this publication isn’t just about how you are as a person, a writer, or a leader, but about how far you are willing to go for the publication. It’s about how much you are willing to compromise, to sacrifice. It’s about how much you are willing to give even when you are dry as a bone.

It’s the perfect embodiment of the Oblation – offering one’s self to something greater. And I can’t think of anything greater than that.

i joined this publiCation with one

simple desire - to serve the people in the best

way i Can.

PANIC ATTACKELECTROPHILEPatrick Jacob Laxamana Liwag

Famous Last WordsAriA HernAndez

A SHOT IN THE DARK

This is where everything comes crashing down and a new chapter begins.

Since I was a little girl, people have believed that I have this uncanny ability to persevere both in academics and extracurricular activities. My friends see me as a confident and responsible young adult with everything she ever wanted. My mother thinks I can do no wrong while my sister calls me the goody two-shoes in our family of three. And at some point, all of these are true. I am very diligent in school, I keep my mouth shut, and I never questioned the so-called norm. I am unlike my sister who is referred to by our mother as ‘not good enough to warrant recognition’ and is frequently ‘too opinionated’.

In reality, these are mere assumptions. I am perfectly flawed. There are times when I am paralyzed by fear and self-doubt. I make a lot mistakes with catastrophic results. But, people cannot see that because they only accept and reinforce what fits their own version of reality. Even my own mother thinks that it is never enough to be myself. And, if all else fails, they end up convincing me to do what’s right. But, which version are they referring to?

For three years, I had convinced myself that I should cover myself under the veil of pretense to please everyone. I was an esteemed advocate of ‘progressive social changes’ and false notions based on prejudiced assumptions. I gravitated towards campaigns that merely reinforce the culture of ignorance and apathy. I was trying to fit in and survive as a pre-medical student, all the while ignoring what really lies beneath the surface. I found it easier to continue pretending to be someone I was not because I was scared of failure, judgement, and feeling out of sorts. And, in my quest to do whatever it takes to be ‘perfect’, I lost myself to fear and pressure.

Yet, in spite of everything my lifestyle had to offer, I always knew that what I was doing was wrong. It will only be a matter of time before the ramifications and consequences of my actions get bigger. There is no way out of this. That is why, despite not having a substantial background and experience in writing, I decided to be a regular columnist for The Manila Collegian (Mkule). I was ready to discard whatever vestigial loyalty I had by telling my story; and thus, defying what my so-called peers has taught me. I wanted to save others and seek redemption for myself in whatever means I can utilize – though I am not quite sure how to go about it. Writing for UP Manila’s official student publication is definitely a bizarre experience for me. I do not consider myself a writer, but I do have an affinity for great literature. I have not written anything save for reports and assignments for my classes. I am worried about the relevance of what I will write and, more often than not, that I will eventually lose interest and press the backspace button repeatedly.

CONTINUED ON PAGE 06

OPINION 11Volume 21 Number 01August 17, 2015 | Monday

Naive.

That’s what I was four years ago. Four years ago, I was in my last year of high school. Four years ago, I was clueless, with no idea how to move forward. I didn’t even know where to go to college then. I didn’t even know what course to take. I applied in various colleges simply because my mother asked me to. But I had one goal in mind, to become a doctor. I may not know how to move forward back then but at least I had a goal.

Disbelief.

That’s what I felt when I realized that this year is my last. When the last of my grades were released, it’s when I realized that this is it, one more year, and I’m done. One more year and I’m free, off to do whatever I want with my life.

I never thought that I’d get accepted in UP.

Heck, I never thought that I’d get accepted in Ateneo either. That moment when I knew that I passed both the UPCAT and ACET will go down as one of the happiest moments of my life. However, the joy I felt quickly vanished. Suddenly, I didn’t want to leave. I had a reason to stay in Pampanga. I was content in studying in one of the universities there, where I’d put my worrywart mother at ease and I’ll be close to the girl I didn’t want to leave.

But, here I am. I decided to push through with taking up Biochemistry and then Medicine and becoming her personal doctor anytime, anywhere.

I never thought I’d reach this point in my life.

I never thought that my last year in college would come so quickly. I looked back and started reminiscing the last three years. The last three years came by so fast that now, they seem to only be a blur. Until

now, I still remember that first day in Diliman vividly. It seems only yesterday that I was fighting the urge to sleep during the Freshman Welcome Assembly because I didn’t sleep the night before due to a mixture of excitement and anxiety.

Every memory after that came by so fast until alas, this year is the last.

Back then, I was lost.

I had a plan: finish Biochemistry, enter the

College of Medicine and become a doctor. At least, that’s what I wanted when I entered. However, halfway through my stay in UP, I lost interest in studying Medicine. Pursuing Medicine would mean more years of studying and more importantly, more expenses for my parents. I was lost for a while. But then, I came to love the idea of teaching, caused by the tutorial sessions I do with my friends or in the LRC and the inspiring words of my professor. That was when I decided to become a professor instead, and help mold the minds of the future.

Now, I’m scared.

Scared that this year will not be my last, that I will not make my parents proud because I will not graduate on time, and that I will cost them a bit more money for another semester. Scared that this year will be my last, that this entire experience will come to an end, and that I won’t know what to do with my life. Yes, I decided on becoming a professor. But now, I’m not that sure anymore.

Believe me, I want to graduate as soon as possible. But what happens after graduation? Who knows.

All I know is that I have no idea what to do with my life after I graduate. And that scares me.

sCared that this year will be my last, that this

entire experienCe will Come to an end, and that i won’t know what to do

with my life.

Page 12: The Manila Collegian Volume 29 Number 01