Produktivong laybraryanship ni g. roderick b. ramos

17
Halaw Sa: Ang Laybrari/Laybraryan ng Kasalukuyang Panahon Produktivong Laybraryanship Roderick Baturi Ramos, MAEd

Transcript of Produktivong laybraryanship ni g. roderick b. ramos

Page 1: Produktivong laybraryanship ni g. roderick b. ramos

Ha l a w S a : An g La yb r a r i / La yb r a r ya n ng Ka s a l uk u ya n g P a na hon

Produktivong Laybraryanship

Roderick Baturi Ramos, MAEd

Page 2: Produktivong laybraryanship ni g. roderick b. ramos

Ha l a w S a : An g La yb r a r i / La yb r a r ya n ng Ka s a l uk u ya n g P a na hon

Produktivong Laybraryanship

Roderick Baturi Ramos, MAEd

Page 3: Produktivong laybraryanship ni g. roderick b. ramos

2 0 1 1

By Roderick Baturi Ramos

ALL RIGHTS RESERVED

No portion of this book may be copied or reproduced in books, pamphlets, outlines or notes,

whether printed, mimeographed, typewritten, xeroxed or in any other form,

for distribution or sale, without the written permission of the author.

Page 4: Produktivong laybraryanship ni g. roderick b. ramos

Ha nd og a t P a s a s a l a m a t

Sa mga kapwa ko laybraryan at

sa sinumang sumusulong sa

aktivong pag-unlad ng

propesyong laybraryanship,

aking inihahandog

ang munting likhang ito at

pagpapasalamat na rin

sa ikadalawampung taon

bilang kawani at guro

ng mga laybrari at eskuwelahang aking napaglingkuran

sa loob ng dalawang dekada.

Page 5: Produktivong laybraryanship ni g. roderick b. ramos

P a n i m u l a

Apat na dahilan kung bakit ito ay nabuo: makapaghatid ng

impormasyon, inspirasyon, at makapagdulot ng kasiyahan at makahikayat.

Basahin, tunghayan at pag-aralan ang mga artikulong nakapaloob upang

makatuklas ng mga gawaing nararapat upang maging produktivong

laybraryan ng kasalukuyang panahon. Ang mga ipinahayag na mga

karanasan, damdamin, at ninanais ay maaring kapulutan ng mga kaalamang

magbubunsod sa mas malalim pang pagtataglay ng isang uri ng paglilingkod

sa ating mga tagatangkilik sa loob at labas ng laybrari.

Umaasa akong pahahalagahan ang mga mahihinuha mula sa

akdang ito bilang inspirasyon, gabay tungo sa tinatahak o nilulunggating uri ng

pagsisilbi sa mga nangangailangan.

Roderick

Page 6: Produktivong laybraryanship ni g. roderick b. ramos

Page 6

Evaluation of the Continuing Professional Education of the Philippine Association of Academic and Research Librarians, Inc.: Towards A Proposed Conference Program of PAARL, Inc., FY 2010-2011.

ABSTRAK

Name : RODERICK BATURI RAMOS

Course : Master in Education

Specialization : Library Science

School : Philippine Normal University

Adviser : Maria Arcilla Orendain, Ed.D.

Date : March 2011

Evaluation of the Continuing Professional Education of the Philippine

Association of Academic and Research Librarians, Inc.: Towards A Proposed

Conference Program of PAARL, Inc., FY 2010-2011.

Layunin

Pangkalahatang Layunin

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na masuri ang Continuing

Professional Education ng Philippine Association of Academic and Research

Librarians, Inc. o PAARL, Inc. sa taong 2010. Inihayag ng pag-aaral na ito ang

epekto ng programang Continuing Professional Education batay sa mga

baryanteng konteksto, input, proseso at produkto. Ang pag-aaral ay

naglalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang pagsusuri ng mga kalahok sa programang komperensiya

ng PAARL, Inc. batay sa mga sumusunod:

Mga Layunin (Context evaluation)

Nilalaman ng CPE (Input evaluation)

Page 7: Produktivong laybraryanship ni g. roderick b. ramos

Page 7

Evaluation of the Continuing Professional Education of the Philippine Association of Academic and Research Librarians, Inc.: Towards A Proposed Conference Program of PAARL, Inc., FY 2010-2011.

Mga Lektiyurer at presentasyon (Process evaluation)

Kalidad ng komperensiya at organisasyon nito (Product

evaluation)

2. Anong programang pangkomperensiya ang maaaring imungkahi

para sa PAARL, Inc. nang sa gayon ay magkaroon ng kontrol sa kalidad ng

proseso ng continuing professional education ang mga miyembro at mga

tagatangkilik?

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ay nakatuon sa programa para sa continuing

professional education ng Philippine Association of Academic at Research

Librarians, Inc. o PAARL, Inc, (mga komperensya, programang seminar-

workshop at ebalwasyon) para sa taong 2010. Kasama sa pag-aaral bilang

sumasagot-kalahok ay ang mga dumalo sa pambansang komperensiya sa

Superior Practices & World Widening Services of Philippine Libraries na

ginanap sa sa Lyons Function Hall ng Dao Diamond Hotel, Tagbilaran City,

Bohol noong Abril 14-16, 2010 at ang mga dumalo sa isang parallel session-

workshop patungkol sa Library & Web Services 2011 na ginanap sa

Multifunction Hall ng Holy Angel University, Angeles City, Pampanga noong

Agosto 19-20, 2010.

Sinubok din ng pag-aaral na ito na matuklasan ang mga problema at

paghihirap na naranasan ng komiteng nanguna sa programang continuing

professional education lalo na sa pangangasiwa nito.

Page 8: Produktivong laybraryanship ni g. roderick b. ramos

Page 8

Evaluation of the Continuing Professional Education of the Philippine Association of Academic and Research Librarians, Inc.: Towards A Proposed Conference Program of PAARL, Inc., FY 2010-2011.

Ang pag-aaral ding ito ay nakatutok sa mga benepisyong hatid ng

continuing professional education sa propesyonal na kasanayan, teknikal na

kasanayan at mga personal at panlipunan na mga katangian. Ito rin ay

isinagawa upang malaman ang mga karanasang natamo ng mga nagsidalo

mula sa dalawang komperensiyang pinangunahan ng PAARL, Inc.

Metodolohiya

Ito ay isang pagsusuri sa programang continuing professional

education ng dalawang pangunahing programang komperensiya ng PAARL,

Inc. ayon sa CIPP Model na binuo ni Stufflebeam. Ang pagsusuri ay ibinatay

sa mga nakalap na datos at impormasyon na natipon mula sa mga kalahok ng

komperensiya.

Kinalabasan ng Pag-aaral

1. Pagsusuri ng mga kalahok sa programang komperensiya ng PAARL,

Inc. batay sa mga sumusunod:

1.1 Mga Layunin (Context evaluation)

Umaayon ang mga kalahok sa markang 2 at natanggap nila ang

kanilang inaasahan at naisakatuparan ng dalawang komperensiya ang mga

layunin para sa parehong mga programa. Ang mga layunin ng parehong mga

programang komperensiya ay nakatuon sa epektong pagbabago sa lahat ng

uri ng mga aklatan habang tinatayo ang bagong uri ng pamumuno. Ang lawak

nito ay sakop ang buong mundo dahil na rin sa paglalayong

internasyonalisasyon ng mga serbisyo ng mga silid-aklatan sa pamamagitan

Page 9: Produktivong laybraryanship ni g. roderick b. ramos

Page 9

Evaluation of the Continuing Professional Education of the Philippine Association of Academic and Research Librarians, Inc.: Towards A Proposed Conference Program of PAARL, Inc., FY 2010-2011.

mga web-based at onlayn na mga teknolohiya. Nagkaroon ng pagnanais na

ilahok ang lahat ng mga sektor, pampubliko at pribado, iba’t-ibang komunidad,

mga lokal at internasyonal, upang mapagtanto ang epekto ng mga aklatan at

mga kawani nito sa buhay ng kanilang mga pinaglilingkuran. Sa tulong ng

mga programang komperensiya, maaari nang pasiglahin at maengganyo ang

mga kliyente ng mga aklatan upang hanapin ang kanilang tulong sa mga

bagay na may kaugnayan sa serbisyong pang-impormasyon.

1.2 Nilalaman ng CPE (Input evaluation)

Ayon sa mga kalahok ng Superior Practices at Library & Web

Services 2011, natugunan ng mga nilalaman ng mga lektura ang mga layunin

ng dalawang komperensiya. Sila rin ay sumang-ayon na ang pagkakasunod-

sunod at daloy ng mga lektura at antas ng mga nilalaman ay angkop sa nibel

ng mga nagsidalo kabilang ang linaw at pagiging kapaki-pakinabang ng mga

handawt. Ang Library & Web Services 2011 lamang ang nakakuha ng mas

mataas sa markang 2 batay sa linaw at tulong hatid ng visual aid.

1.3 Mga Lektyurer at presentasyon (Process Evaluation)

Ang marka ng mga lektyurer at mga presentasyon para sa

Library Web Services 2011 ay mahusay. Tunay na kasiya-siya ang pagiging

epektibo ng mga estilo ng mga lektyurer sa kanilang presentasyon para sa

Superior Practices at Library Web Services 2011. Ang mga lektyurer at

presentasyon sa Pampanga ay tunay na kasiya-siya lamang. Markang 2 para

sa bawat isa sa mga sumusunod: ang mga lektyurer ay may epektibong estilo

Page 10: Produktivong laybraryanship ni g. roderick b. ramos

Page 10

Evaluation of the Continuing Professional Education of the Philippine Association of Academic and Research Librarians, Inc.: Towards A Proposed Conference Program of PAARL, Inc., FY 2010-2011.

sa presentasyon; may sapat silang kaalaman at alam ang mga paksa na

kanilang ibinabahagi; umaayon sila sa antas ng mga nakikinig o kalahok;

maayos ang pagkakatalakay at pagpapaliwanag ng mga paksa; at, tumutugon

sa mga katanungan sa panahon ng forum.

1.4 Kalidad ng komperensiya at organisasyon nito (Product evaluation)

Sa aspeto ng paghawak ng forum at paghahain ng parehong tema,

nakakuha ng markang 1.25 ang Library & Web Services 2011 habang

markang 2 na man sa Superior Practices. Ang mga forum ay naisagawa ng

kapaki-pakinabang habang ang rekomendasyon para sa mga katulad na mga

tema ay hindi ipinahayag ng matindi. Ayon sa mga kalahok, ang Library Web

Services 2011 ay mahusay sa aspeto ng mga impormasyong naipabatid,

bagong kaalaman at kasanayang nakamit, organisasyon ng konperensiya,

katanggap-tangap na kapaligiran para sa pag-aaral, pagkamatulungin ng mga

nasa komite, ang pagkatuto ng mga kalahok ay lalo pinahusay habang ang

Superior Practices ay lubhang kasiya-siya.

Kongklusyon

Batay sa mga resultang lumabas sa pag-aaral na ito, nabuo ang mga

sumusunod na kongklusyon:

1. Nais ng mga kalahok na ang mga programang komperensiya

pinamamahalaan na may kalidad, sangkap ang maliliwanag at magkakaugnay

na mga layunin. Ang kahandaan ng mga bumubuo ng komite sa

pag-oorganisa ng konperensiya ay maglalaan ng kahalagahan nito habang

Page 11: Produktivong laybraryanship ni g. roderick b. ramos

Page 11

Evaluation of the Continuing Professional Education of the Philippine Association of Academic and Research Librarians, Inc.: Towards A Proposed Conference Program of PAARL, Inc., FY 2010-2011.

ang tagumpay ay sinusukat sa pamamagitan ng kung ano ang nilulunggati

bago pa man ang pagdako ng bawat kalahok dito. Nararapat nilang malaman

dahilan para sa pag-aaral ng isang bagay. Mula sa pagrerehistro para sa

isang konperensiya, batid na karaniwang kung ano ang layunin at gustong

makuha at malaman. Samakatuwid, pahalagahan nila ang isang programang

konperensiya kung ito ay organisado at malinaw ang mga sangkap sa

pangangasiwa. Nararapat din na ipahayag at ipakita ng mga lektiyurer sa

mga kalahok kung paano makakatulong ang programa upang makamit ang

kanilang mga layunin.

2. Na ang paggamit ng paralell session-workshop na kung saan ang

sinumang kalahok ay binibigyan ng pagkakataon na pumili ng mga sesyon na

dadaluhan at mga lektiyurer na mapagkukunan ng kaalaman ay lubhang

hinihikayat. Sa pamamagitan nito, ang mga kalahok ng komperensiya ay

maaaring magdesisyon at dumisenyo ng akmang moda para sa kanilang

sariling pag-aaral. Malaya at diskarte nila ang pagpapasiya para sa pang-

sariling proseso sa edukasyong propesyonal at hawakan at tanggaping kritikal

na batay sa kung ano ang nararapat o angkop sa kanilang mga kagyat na

pangangailangan.

Rekomendasyon

Batay sa mga pagsusuri at konklusyon sa ginawang pag-aaral,

iminumungkahi ang mga sumusunod:

Page 12: Produktivong laybraryanship ni g. roderick b. ramos

Page 12

Evaluation of the Continuing Professional Education of the Philippine Association of Academic and Research Librarians, Inc.: Towards A Proposed Conference Program of PAARL, Inc., FY 2010-2011.

1. Ang continuing professional education ng PAARL, Inc. ay dapat self-

directed. Ang mga tagapangasiwa ng komperensiya ay inaasahang aktibong

isasama ang mga kalahok sa proseso ng pagkatuto, partikular na sa kanilang

pagpili ng tema ng sesyon at mga paksa na dadaluhan. Ang pagkatuto ay

naaangkop sa kanilang mga trabaho o iba pang mga responsibilidad na may

halaga sa kanila. Ito ay maaaring maganap sa pamamagitan ng pagpapaalam

sa mga kalahok ng kanilang pagkakataon na makapili ng mga paksa na

sumasalamin sa kanilang sariling interes. Ang paggamit ng paralel na mga

sesyon ay hinihikayat.

2. Ang mga propesyunal na mga organisasyong pang-laybrari, maliit

man o malaki, alam na kung paano makamit ang mga layunin at

magampanang mabuti sa kasalukyang kapaligiran sapagkat ang

diseminasyon ngayon ng pangangailan sa pagsasanay ay mananatili, lagi-

lagi, at napapanahon. Ang mga pagsasanay ay maaaring mapagpatibay ng

iba't ibang mga pamamaraang kung saan ang mga indibidwal ay makakakuha

ng hindi lamang optimal na antas ng pag-aaral kundi idagdag pa rito ang

mabilis na paggamit at paglapat ng kaalamang natamo kaagad sa loob o

labas ng pinapasukang silid-aklatan.

3. Ang programang continuing professional education ay dapat na

pinaplano at ibatay sa resulta ng pagsusuring CIPP upang magsilbing gabay

para sa bawat konperensiya tungo sa isang mas sistematikong pagpapatupad

at mas mahusay na direksiyon.

Page 13: Produktivong laybraryanship ni g. roderick b. ramos

Page 13

Talasanggunian

Books Bailey, Keith and Karen Leland(2008). Customer Service in an Instant. Barbazette, Jean (2004). Instant Case Studies: How to Design, Adapt, and Use Case Studies in Training. Brophy, Peter (2002). The Library in the Twenty-first Century: New Services for the Information Age. Conger, Joan E. (2004). Collaborative Electronic Resource Management: From Acquisitions to Assessment. Cullen, Noel C. (2001) Team Power: Managing Human Resources in the Hospitality Industry. Dhammananda, K. Sri (1998). Why Worry?: How to Live Without Fear & Worry. Eisenberg, M., et al. (2004). Information Literacy: Essential Skills for the Information Age. Lago, Elpedia M. (2010). Front Office System and Procedures. Matthews, Joseph R. (2004). Technology Planning: Preparing and Updating a Library Technology Plan. Natividad, Evelyn A. (1987). Effective Guide to Libraries & Reference Sources. Payne, Adrian (2006). Handbook of CRM: Achieving Excellence in Customer Management. Reyes, Ma. Corazon R. (2007). Practicum Manual in College of International Hospitality Management. Rieman, Patricia L. and Jeanne Okrasinski (2007). Creating Your Teaching Portfolio. Roberts, Phil & Jim Sullivan (1998). Service That Sells: the Art of Profitable Hospitality. Rokes, Beverly (2001). Customer Service: Quick Skills. Rowe, Alan J. (2004). Creative Intelligence: Discovering the Innovative Potential in Ourselves and Others. Tilke, Anthony (2002). Managing Your School Library and Information Service: a Practical Handbook. Ukens, Lorraine L.(2007). 101 Ways to Improve Customer Service: Training Tools, Tips and Techniques. Van Ordern, Phyllis J. And kay Bishop (2001). The Collection Program in Schools. Walker, John R. (2006). Introduction to Hospitality. Willams, Michael D. (2000). Integrating Technology into teaching and learning: an Asia-Pacific Perspective.

Page 14: Produktivong laybraryanship ni g. roderick b. ramos

Page 14

Talasanggunian

Internet Sites AASL Information Literacy Standards for Student Learning. Retrieved May 15, 2008 from the World Wide Web: http://www. weblink.scsd.us/~liblinks/AASLstandards.pdf Global Literacy. Retrieved November 13, 2008 from the World Wide Web: http://criticplaywright.blogspot.com/2008/01/global-literacy.html Jenista, Jerri Ann. Culture, Heritage and Stereotypes. Retrieved November 13, 2008 from the World Wide Web: http://www.hopeforchildren.org/heritage_stereotypes.htm Jessica Zafra vs Bob Ong: Ang Sarcastic Intellectual at ang Batang Kalye. Retrieved November 13, 2008 from the World Wide Web: http://www.peyups.com/print.khtml?sid=4223 Library Instruction. Retrieved May 5, 2008 from the World Wide Web: http://www.geocities.com/danamao2002/homework2.html; http:// library.stmarytx.edu/acadlib/about/li.htm#whatis Rebecca Moore’s Reading Principles. Retrieved November 13, 2008 from the World Wide Web: http://www.d.umn.edu/~moor0145/readingprinciples.htm Periodicals Abram, Stephen and Judy Luther(2004). Born with the Chip. Library Journal May 1. Chelton, Mary K. (2003). Readers’ Advisory 101. Library Journal November 1 38 Hoffert, Barbara (2003). Taking Back: Readers’ Advisory. Library Journal September 1 44 Keresztury, Tina (2004). Super Librarian to the Rescue. Library Journal October 15 36 King, Carol A. (1995). What is Hospitality? International Journal of Hospitality Management 14(3/4). Lancaster, Lynne C. (2003). The Click and Dash of Generations. Library Journal October 15 36 Lapuz, Elvira (2007). Is Your Library Still Relevant? PAARL Newsletter July-September No. 3 Ramos, Roderick B. (2006). Book Resources on Education Still Vast – OPAC Study. PNU LISAA Newsletter January-June Tan, Michael L. (2008) Culture and Health. Philippine Daily Inquirer August 14 page A15

Page 15: Produktivong laybraryanship ni g. roderick b. ramos

Page 15

Talasanggunian

Seminars Arlante, Salvacion M. (2006). Marketing and Quality Management of Libraries. National Summer Conference on Library & Information Services: New Paradigms for the Digital Age. A Customer is Always... The Customer. From A Seminar—workshop on Library Customer Care 2007 August 14-15 Garcia, Perla T. (2006). Innovative Services and Future Challenges for Libraries. National Summer Conference on Library & Information Services: New Paradigms for the Digital Age. Marketing Brands & Library Customer Care Models. From A Seminar— workshop on Library Customer Care 2007 August 14-15 Quality Service for All: Management Training Programme for ASEAN Senior Librarians: A Seminar (1997). Unpublished Materials, etc. Del Mundo,Clodualdo Jr. Devotion to cinema: continuing the search for a national audio-visual archive. Limpin, Placida Socorro A. L. (2004). Information Literacy Initiative of Assumption College (ILIAC). Montealegre, Ma. Antoinette (2004). Genoveva Edroza Matute: a literary biography and a critical edition of her short stories. Orendain, Ma. Arcilla (2007). Cogent Facts on PNU Library Utilization and Orientation of College Freshmen SY 2007-2008. Ramos, Roderick B. (2011). Evaluation of the Continuing Professional Education of the Philippine Association of Academic and Research Librarians, Inc.: Towards A Proposed Conference Program of PAARL, Inc., FY 2010-2011. (2003). Perspectives on the New Average PNU Librarian: First of a Series Verzosa, Fe Angela M. (2007) User Education and Information Literacy: Current Practices and Innovative Strategies.

Page 16: Produktivong laybraryanship ni g. roderick b. ramos

Page 16

Ang Manunulat

Ang manunulat ay kasalukuyang pangulo ng fully-engaged, member-

driven association, Philippine Association of Academic and Research

Librarians, Inc. at associate librarian ng De la Salle University-Manila.

Si G. Ramos ay nakapagtapos ng Master of Education in Library Science

(MaEd LIS) noong 2011 at Bachelor of Secondary Education sa Library

Science (BSE Library Science) noong 1992 sa Pamantasang Normal ng

Pilipinas.

Nakapagturo rin siya sa mga eskwelahang kanyang pinaglingkuran

tulad ng Araullo High School (1992), St. Louis College of Valenzuela (1993-

1999) at Trinity College-Q.C.-Sagada Special Academic Program (1999-

2002). Isa siyang adopted son ng Sagada Mountain Province at tagadala ng

mga panauhin o turista sa nabanggit na lugar na may layuning maiparanas sa

iba ang kakaibang kabutihan ng buhay na mayroon sa kabundukan sa loob ng

dalawang gabi at tatlong araw na may kasamang outreach o pagbibigay ng

mga libro bilang donasyon sa mga laybrari ng Sagada.

Nakapagtrabaho at nagsilbi sa kanyang Alma mater mula 2002

hangang 2009 habang pangulo ng Philippine Normal University and Library

Information Science Alumni Association (PNU-LISAA) noong 2008.

Siya ay kasal kay Julie Ann Castillon at may dalawang supling:

Heaven Julia Mae C. Ramos (5) at Bituin Ann Margaret C. Ramos (3),

kanyang tinaguriang mga prinsesang bigay ng Dios.

Page 17: Produktivong laybraryanship ni g. roderick b. ramos

Page 17

Sirach

Each of us is given a great deal of work to do

and a heavy burden lies in all of us

from the day of our birth

until the day we go back

to the earth.