Paper-Alternatives to Capitalist Globalization
-
Upload
david-michael-san-juan -
Category
Documents
-
view
1.325 -
download
13
description
Transcript of Paper-Alternatives to Capitalist Globalization
1 of 44
Tinig Mula sa Ibaba at sa Labas: Kritik ng Globalisasyon Tungo sa Pagbuo ng
Alternatibong Adyendang Sosyo-Ekonomiko Para sa Bansang Pilipinas
(Voices from Below and Beyond: A Critique of Capitalist Globalization Towards
the Formation of An Alternative Socio-economic Agenda for the Philippines)
David Michael M. San Juan
De La Salle University-Manila
Key words: Globalisasyon (Globalization), Ekonomiks (Economics), Usaping
Pandaigdig (International Affairs), Kapitalismo (Capitalism), Kaunlaran (Development)
ABSTRAK (English translation on the next page)
Mahigit sansiglo pagkatapos maihayag ang kalayaan ng Pilipinas sa Kawit,
Cavite, nananatiling dukha ang mayorya ng mga mamamayang Pilipino. Sa mga
nakaraang taon ay patuloy na dumausdos ang ranggo ng bansa sa Human
Development Index (HDI) ng United Nations. Mahigit sansiglo na rin mula nang maging
sunud-sunuran ang Pilipinas sa mga kanluraning hulwaran ng kaunlaran (development
models) gaya ng kapitalistang globalisasyon. Sunud-sunod na administrasyon sa
kontemporaryong kasaysayan ang naging masugid na tagapagpatupad ng mga
patakarang sosyo-ekonomikong ipinapataw ng International Monetary Fund (IMF),
World Bank at World Trade Organization (WTO). Samakatwid, malinaw na ang
2 of 44
matinding paghihikahos ng sambayanang Pilipino ay direktang resulta ng aplikasyon ng
kapitalistang globalisasyon sa bansa. Sa ganitong diwa, layunin ng papel na ito na
bumuo ng panimulang kritik sa kapitalistang globalisasyon sa Pilipinas bilang batayan
ng pagbuo ng isang alternatibong adyendang sosyo-ekonomiko. Bibigyang-pansin sa
papel na ito ang mga “tinig mula sa ibaba at labas,” ang tinig ng mga anak-dalita at ng
mga kilusang panlipunang iniluwal ng deka-dekadang pakikibaka para sa mas
makatarungang lipunan, ang mga tinig na karaniwang etse-pwera sa nakalipas na
sansiglo ng pagbubuo (o baka mas akmang sabihing “panggagagad”) ng mga hungkag
na programang sosyo-ekonomiko sa mga pangunahing tagapagsulong ng kapitalistang
globalisasyon.
ABSTRACT
One hundred years after Philippine independence was declared at Kawit, Cavite,
a great majority of Filipino citizens remain poor. In the past years, the country’s rank in
the United Nations’ Human Development Index (HDI) steadily declined. One hundred
years have passed too since the Philippines became subservient to western
development models such as capitalist globalization. Successive administrations in
contemporary history became ardent implementors of socio-economic policies imposed
by the International Monetary Fund (IMF), the World Bank and the World Trade
Organization (WTO). Thus, it is clear that the miserable poverty of the Filipino people is
the direct result of applying capitalist policies in the country. Within this context, this
paper aims to produce a preliminary critique of capitalist globalization in the Philippines
as a basis in formulating an alternative socio-economic agenda. This paper focuses on
the “voices from below and beyond,” voices of the poor and the social movements
3 of 44
precipitated by decades of struggles for a more just world, voices that are usually
marginalized and sidelined in the past century of creating (or perhaps it’s more apt to
use the term “copying”) empty socio-economic programs from the main adherents of
capitalist globalization.
~~~
Isandaa’t labindalawang (112) taon mula nang lumaya ang Islas Filipinas sa
kolonyalismong Espanyol at mahigit isandaang (100) araw mula nang pasinayaan ang
pamumuno ng ika-15 pangulo ng bansa, inihayag ng United Nations sa taunang ulat na
tinaguriang Human Development Index (HDI) na nasa ranggong ika-97 ang Republika
ng Pilipinas sa talaan ng 169 na bansa sa buong daigdig. Sa simpleng pagpapahayag,
mahigit kalahati ng daigdig ang nakalalamang sa Pilipinas sa aspekto ng edukasyon,
kalusugan at kita. Nasa ika-77 puwesto ang bansa noong 2000 at ika-66 naman noong
1990. Pinatutunayan ng samu’t saring estadistika ang ganitong dumadausdos na
kalagayan ng Pilipinas.
Matinding Kahirapan sa Panahon ng Globalisasyon
Ayon kay Senador Edgardo Angara, 70% ng mga Pilipino (o 70 milyong
mamamayan) ang nabubuhay nang mas mababa pa sa 42 piso o 1 dolyar bawat araw –
ang halagang itinakda ng United Nations na diumano’y kailangan ng isang tao upang
mabuhay nang disente (Torregoza, 2010). Kung tutuusin, lubhang mababa at malayo
na sa reyalidad ang sukatan ng United Nations (isaalang-alang halimbawa, na ang
4 of 44
isang karaniwang student meal sa University Belt ng Metro Manila ay nagkakahalaga
ng 30 – 80 piso) kaya posibleng mas malaki na ang aktwal na bilang ng mga Pilipinong
dukha kaysa sa mga isinasaad ng opisyal na estadistika. Tumutugma ang pahayag ni
Senador Angara sa 69% ng mga Pilipino na nagsasabing sila’y “mahirap” batay sa
isang survey na isinagawa ng Ibon Foundation noong Abril 2010. Sa isang pag-aaral
naman ng Food and Nutrition Research Institute/FNRI (isang ahensya ng gobyerno)
noong 2008, mayroong 4,000,0000 batang Pilipino ang malnourished. Kahirapan ang
pangunahing dahilan ng malnutrisyon sa Pilipinas (Alexandra 2009). Sa pagtataya
naman ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahirap (KADAMAY), may 30,000,000
Pilipino ang maituturing na maralitang tagalunsod o urban poor (2008). Malaking
porsyento sa kanila ang walang sariling bahay at lupa, at wala ring trabaho. Batay
naman sa datos ng National Statistics Office/NSO (2010), halos 3,000,000 Pilipino ang
walang trabaho at mahigit 7,000,000 naman ang kulang sa trabaho o underemployed.
Hindi kataka-takang sa kawalan ng sapat na oportunidad na makapaghanapbuhay sa
sariling bansa, halos 3,000 Pilipino ang umaalis sa lupang tinubuan araw-araw para
magtrabaho sa ibang bansa ayon sa Philippine Overseas Employment
Administration/POEA (2006). Sa tantya ng POEA, maaaring umabot ang bilang na ito
sa 4,000 kada araw kung isasama ang mga Pilipinong hindi dokumentado ang pag-alis
para magtrabaho sa ibang bansa. Ayon sa iba’t ibang pagtataya, ang bilang ng mga
Overseas Filipino Workers (OFWs) ay mula mahigit 8,000,000 (Congressional Planning
and Budget Department-Philippine House of Representatives, 2006) hanggang
10,000,000 (Cruz, 2010).
5 of 44
Bato, Noodles, Prostitusyon at Surrogate Ulam: Kakaibang Sukatan ng Kahirapan
Higit na kagimbal-gimbal ang datos sa mga di karaniwang sukatan ng kahirapan.
Iniulat ng Agence France Presse (2008) na 3,000 sa 50,000 residente ng Baseco (isang
komunidad ng mga maralita sa Maynila) ang nagbenta ng isang bato nila sa mga
dayuhan. Batay sa isang report ng Philippine Daily Inquirer (2010), pati mga menor de
edad ay napipilitan nang magbenta ng kanilang bato. Marami ring Pilipino ang
nagbebenta ng dugo, ngipin at iba pang bahagi ng katawan dahil sa matinding
kahirapan. Walang kagatul-gatol na inamin ng isang 60-taong donor ang dahilan ng
pagbebenta ng kanyang dugo sa ulat ni Etolle (2008): “Ang pagbebenta ng dugo ko ang
tanging moral na trabahong alam ko, kaysa naman magnakaw.” Ayon naman kina
Yrasuegui at Esselborn (2008), bagamat ilegal ang prostitusyon sa bansa ay may
“800,000 prostitute ang nakatira at nagtatrabaho sa Pilipinas. Kalahati sa kanila ang
menor de edad.”
Tinalakay naman noong Abril 29, 2010 sa ispesyal na edisyon ng Sine Totoo
(programang dokumentaryo) ng GMA 7 ang matinding kagutuman na dinaranas ng
maraming Pilipino, sa isang episode na pinamagatang “Philippine Agenda: Gutom.” Sa
nasabing episode ay aktwal na inilahad ang karanasan ng mga pamilyang Pilipino na
kumakain ng tira-tirang pagkain mula sa basura (tinatawag na “pagpag” o “kaning-
baboy”) o kaya’y mga isdang nakalalason na nahuhuli sa maruming katubigan ng
Manila Bay. Inihayag ni Florencio (2003) sa isang pananaliksik na maraming Pilipino na
rin ang kumakain ng kanin na tinambalan ng “surrogate ulam” gaya ng toyo, kape,
mantika ng baboy, asin, pulang asukal, bagoong at iba pa. Ang lumang euphemism sa
pagdaralita – “pagdidildil ng asin” – ay literal na nagaganap at malaganap na. Tila
6 of 44
pinagpala pa nga ang mga nakakakain ng kanin at “surrogate ulam” dahil ayon sa
Global Call to Action Against Poverty/GCAP-Philippines (2008), “Para sa maraming
mahihirap na pamilya, ang instant noodles na naglalawa sa sabaw ay kumpletong
pagkain na.” Katunayan, ang pagbebenta ng murang noodles ay bahagi na ng isa sa
mga programang kontra-kahirapan ng pamahalaan na tinaguriang “Tindahan Natin.” Sa
ilalim ng nasabing programa ay tinitiyak ng gobyerno ang pagkakaroon ng sapat na
suplay ng at access sa murang noodles at bigas para sa mga maralita. Kaugnay nito,
ayon sa Flour Fortification Initiative (2010), isang internasyunal na network ng mga
kumpanya, NGOs at mga akademista na naglalayong isulong ang paglalagay ng
bitamina/nutrient sa harina, tumaas ng 11% bawat taon ang pagkonsumo ng noodles ng
mga Pilipino sa nakaraang 10 taon.
Pagdaralita sa Ika-21 Siglo: Resulta ng Isandaang Taon ng Kabiguan ng
Kapitalistang Globalisasyon
Kung pagtatagni-tagniin ang mga kalat-kalat na estadistikang ito, mahihinuhang
habang mabilis na umuunlad ang ibang bansa sa iba’t ibang aspekto (sa antas makro-
ekonomiko man lamang, sapagkat ibang usapan pa kung nakarating o nag-trickle down
ba sa mga ordinaryong mamamayan ang tahas na progresong makro-ekonomiko nila),
nananatiling mabagal kundi man hindi umuusad ang pag-unlad ng Pilipinas sa kabila ng
lubos na pagyakap ng bansa sa sistemang kapitalista at mga preskripsyon ng huwad na
globalisasyon. Sa isang panayam sa Manila Times (2010), inamin ng Puno ng United
Nations Information Center sa Maynila na si Therese Debuque na tila natatalo ang
bansa sa digmaan kontra kahirapan: “Mula 1990, ang antas ng matinding kahirapan [sa
Pilipinas] ay tumindi sa halip na maibsan.” Inihayag din ni Debuque na hindi maganda
7 of 44
ang performance ng Pilipinas sa pagkamit ng tinatawag na millennium development
goals – ang mga pangunahing layuning itinakda ng 192 bansang kasapi ng United
Nations at mahigit 20 organisasyong internasyunal upang masugpo ang matinding
kahirapan sa buong daigdig, noong taong 2000 (Bauzon 2010).
Melodramatikong naibuod ng ekonomistang si Alejandro Lichauco – na nagtapos
sa prestihiyosong Harvard University – ang kalunos-lunos na kalagayan ng
sambayanang Pilipino mula noon hanggang ngayon sa ilalim ng kapitalistang
globalisasyon, sa aklat na “Towards A New Economic Order and The Conquest of Mass
Poverty” (1986): “Ito’y isang lipunan kung saan ang mga kabataan ay walang
inaasahang magandang bukas; kung saan tinitiis ng mga magulang ang paghihikahos
ng kanilang mga anak, at binabagabag sila ng pag-iisip sa madilim na kinabukasan ng
kanilang mga anak; kung saan ang mga malalakas ang katawan ay napipilitang iwan
ang kanilang pamilya upang magtrabaho sa ibang bansa; kung saan ang mga
matatanda at ang mga may-kapansanan ay mag-isang namumuhay nang walang
tulong; isang lipunan kung saan ang mga siyentista, guro, alagad ng sining, lingkod-
bayan, mga propesyunal at mga sundalo ay walang trabaho kundi man kulang ang
sweldo...kung saan ang isinilang nang dukha ay namumuhay sa karukhaan at
namamatay ring dukha.”
Sa mga nakaraang dekada ay tuluy-tuloy na pinairal ng sunud-sunod na
administrasyon ang sistema ng kapitalismong nakakiling sa pribadong sektor, sa
konteksto ng huwad na globalisasyon – kapitalistang “globalisasyon” na pumapabor
lamang sa ekonomya ng mauunlad at industriyalisadong bansa at ilang indibidwal na
kasosyo nila sa mga bansang Third World. Samakatwid, makatwiran lamang na ibaling
8 of 44
ang kritisismo sa kawalan ng kaunlaran sa kahungkagan ng kapitalistang globalisasyon
bilang isang programang sosyo-ekonomiko. Tinalakay ni Madeley (2003: 6-8) sa
panimula ng aklat na “A People’s World” ang pagiging huwad ng pangakong
pagkakapantay-pantay at kaunlaran sa ilalim ng globalisasyon. Sa halip na
pagkakapantay-pantay, isang dambuhalang pagkakahati ng daigdig ang iniluwal ng
globalisasyon ayon kay Madeley: ang daigdig ng mga globalizer na binubuo ng mga
makapangyarihang korporasyong transnasyunal kasama ang pamahalaan ng mga
mauunlad na bansa na karamiha’y nasa Kanluran laban sa daigdig ng mga bansang
globalized, ang mga bansang dukha na karamiha’y dating kolonya ng mga bansa sa
Kanluran. Sa ganitong konteksto ipinahayag ni Khor (1995) na sa pananaw ng mga
mamamayan ng Third World, ang “globalisasyon” ay walang iba kundi ang tinatawag na
o pagpapatuloy ng “kolonisasyon” sa mga nakaraang siglo. Kung ituturing na propesiya
ang ikapitong kabanata ng “El Filibusterismo” ni Jose Rizal ay maaaring tawaging
bagong “tanikalang diyamante,” ang kapitalistang globalisasyong ipinapataw sa bansa.
“Tanikala” sapagkat patuloy nitong inilulubog sa karukhaan at pagkaalipin ang
sambayanan, at “diyamante” sapagkat may mapanlinlang na kislap ang mga huwad na
pangako nitong binalot ng mataginting na retorika gaya ng “malayang kalakalan,”
“daigdig na walang hanggahan (boundaries),” “kapatiran ng sangkatauhan” atbp.
Apatnapung Bilyunaryo sa Daigdig ng Mga Dukha
Malinaw na nabigo ang kapitalistang globalisasyon na magdulot ng tunay na
kaunlaran sa mga mamamayan ng bansa. Mismong ang dating pangulo ng Estados
Unidos na si Bill Clinton (2010) ang nagsabing “malubha ang kawalan ng
pagkakapantay-pantay sa daigdig kaya hindi lubos na maitaguyod ang paglago ng
9 of 44
ekonomya na makapag-aahon sa lahat ng mamamayan ng Pilipinas sa kahirapan,
makapagbibigay sa lahat ng magandang edukasyon, at makapagbibigay sa lahat ng
oportunidad na makakuha ng trabaho o makapagsimula ng magandang negosyo.” Ang
daigdig kung saan walang pagkakapantay-pantay na tinutukoy ni Clinton ay walang iba
kundi ang sistema ng kapitalismo at huwad na globalisasyon na nagpapayaman sa dati
nang mayaman at walang ganap na kaunlarang idinudulot sa naghihikahos na
sambayanan.
Sa kabila ng matinding karukhaan ng maraming Pilipino, kagulat-gulat na may
apatnapung bilyunaryo rin sa Pilipinas. Ayon sa isang ispesyal na ulat ng Forbes
Magazine Asia (2010), “(a)ng pinakamayayaman sa Pilipinas ay may kabuuang yaman
na nagkakahalaga ng $22.8 bilyon, isang kapuri-puring 39% na antas ng pagtaas mula
sa $16.4 bilyon ng nakaraang taon,” sa kabila ng pandaigdigang krisis-pinansyal na
hindi pa ganap na nalulutas. Akmang-akma ang ganitong estadistika sa paglalarawan ni
Papa Benito XVI (2009) sa kalagayan ng daigdig sa kanyang kauna-unahang encyclical
letter na pinamagatang Caritates in Veritate (Pag-ibig sa Katotohanan): “Ang yaman ng
daigdig ay palaki nang palaki, ngunit ang kawalan ng pagkakapantay-pantay ay pataas
nang pataas...Sa mga mahihirap na lugar, may ilang pangkat na nagtatamasa ng
superdevelopment... na hindi katanggap-tanggap kapag itinapat sa mga umiiral na
sitwasyon ng kalunus-lunos na paghihikahos ng ibang mamamayan. Nagpapatuloy ang
pag-iral ng eskandalosong kawalan ng pagkakapantay-pantay.”
10 of 44
Krisis ng Kapitalistang Globalisasyon sa Daigdig
Wala nang mas matibay pang argumento sa pag-abandona sa kapitalismo at
“globalisasyon” kundi ang mismong pandaigdigang krisis-pinansyal na nagsimula at
patuloy pa ring nananalasa sa numero-unong bansang kapitalista, ang Estados Unidos.
Mahusay na naipaliwanag ni Michael Moore sa dokumentaryong “Capitalism: A Love
Story” (2009) ang kahungkagan ng kapitalismo sa ekonomya. Inilahad ni Moore kung
paano nalugi ang mga dambuhalang pribadong bangko sa Amerika dahil sa kanilang
pagiging ganid sa tubo, at kung paano sila nakapagmaniobra upang makakuha ng
bilyun-bilyong dolyar na pondong pansalba sa pagkalugi (bail-out funds) na mula sa
buwis ng mga mamamayang biniktima ng kanilang pagiging gahaman sa salapi. Kung
talagang episyente ang kapitalismo, bakit kakailanganin pa ng mga kapitalistang
korporasyon ang tulong ng gobyerno sa panahong dumanas ito ng pagkalugi? Hindi
ba’t “sinolo,” “kinopo” o sinarili ng mga kapitalistang korporasyon ang tubo sa panahong
maganda ang negosyo? Bakit sa panahon ng pagkalugi’y nais nilang magpasalba sa
pamahalaan at taumbayan? Malinaw kung gayon na hungkag at bangkarote na ang
padrong kapitalista kung episyente at pangkalahatang kaunlaran ang layunin sapagkat
ni hindi nga nito kayang iligtas ang kanyang sarili! Walang ipinag-iba sa payat at
naghihingalong linta ang kapitalismo na di kayang mabuhay sa kanyang sarili – isang
parasitikong organismong nakaasa sa kanyang kulang-palad na biktima. Hindi kataka-
takang inihayag na ng ilang akademista ang pagpasok ng daigdig sa panahong post-
kapitalismo at post-globalisayon.
Mismong ang mga paring Amerikano ay namulat na sa kapalpakan ng
kapitalismo gaya ng ipinakikita sa ilang eksena sa dokumentaryong “Capitalism: A Love
11 of 44
Story” (“Kapitalismo: Isang Kuwento ng Pag-ibig”). Sa tanong na “Kasalanan ba ang
kapitalismo?” narito ang sagot ni Padre Dick Preston ng Michigan: “Para sa akin at para
sa marami sa atin, ang kapitalismo sa ngayon ay masama (evil). Ito’y labag sa lahat ng
mabuti (good). Ito’y kontra sa kapakanan ng nakararami (common good). Ito’y kontra sa
pagmamalasakit. Ito’y kontra sa lahat ng mga pangunahing relihiyon. Kapitalismo ang
bagay na tinutukoy sa mga banal na kasulatan, partikular sa ating mga banal na
kasulatan, na di makatarungan. At sa Kanyang sariling paraan, bababa ang Diyos at
wawasakin ito. Mali ang kapitalismo at dapat itong buwagin.” Higit pang matalas ang
depinisyon ni Padre Peter Dougherty sa kapitalismo: “Ito’y imoral. Ito’y obscene. Ito’y
nakagagalit (outrageous)! Ito’y talagang matinding kasamaan. Ito’y matinding
kasamaan.” Binigyang-laman naman ng isang obispo ang dahilan ng gayong mariing
pagpuna ng Simbahan sa kapitalismo: “Tila hindi nakapag-aambag ang sistema sa
kapakanan ng lahat ng tao at ito ang dahilan kung bakit sa kanyang mismong kalikasan
(nature) ay taliwas ito sa tinuro ni Hesus na nagsabing ‘Pagpalain ang mga dukha, sa
aba ng mga mayaman.’ Mula ‘yan sa ebanghelyo mismo ni San Lukas.”
Ang kapalpakan ng kapitalismo ay awtomatikong nangangahulugan ng
kapalpakan ng “globalisasyon” sapagkat kapitalista ang sistemang ipinatutupad ng mga
internasyunal na ahensyang promotor ng “globalisasyon” gaya ng World Trade
Organization, International Monetary Fund at World Bank. Ayon kay Padre Pedro
Salgado, isang Dominikanong eksperto sa ekonomiks (1997: 384-385): “gaya ng
International Monetary Fund, binibigyang-diin ng World Bank ang pagyakap ng mga
bansang nangungutang sa patakarang malayang kalakalan...Sa pamamagitan ng
malayang kalakalan, ang mga mahihirap na bansa’y nabibitag sa kumunoy ng kanilang
12 of 44
karukhaan...ang malayang kalakalan ay nangangahulugang kayamanan para sa mga
mayayamang bansa, mas matinding kahirapan para sa mga mahihina...Sa ilalim ng
patakaran ng WTO (World Trade Organization) maaaring tambakan ng halos lahat ng
produkto ng mga mayayamang bansang industriyal ang mga pamilihan sa Third World,
sa gitna ng bukas at walang habas na malayang kalakalan. Gaya ng kitang-kita sa lahat
ng kumpetisyon, ang malakas ang nangingibabaw.” Hungkag kung gayon ang
ipinamamaraling “malayang kalakalan” ng “globalisasyon” at kapitalismo: “malaya” ang
mga bansang may malakas na ekonomya na pagsamantalahan ang mga bansang
mahihina” at “global” ang saklaw ng kalakalan ngunit hindi global ang pakinabang.
Maihahambing sa isang dambuhalang arena ang kapitalistang globalisasyon:
“malayang” makilahok ang bawat bansa, ngunit hindi pinaghihiwalay ang mga feather
weight at heavy-weight, alalaon baga’y isang free-for-all na suntukan, bugbugan at
minsa’y patayan ang namamayani.
Case Study ng Kapitalistang Globalisasyon sa Pilipinas: Aliping Masunurin,
Luging-lugi pa rin
Pinatutunayan ng karanasan ng Pilipinas ang pag-iral ng ganitong hindi
makatwirang labanang free-for-all. Mula sa pagtataguyod ng parity rights, patakarang
dekontrol, deregulasyon ng industriya ng langis, pagpapataw ng value-added tax sa
mga pangunahing bilihin, kontraktwalisasyon ng mga mangggagawa, pagtatanggal ng
taripa (buwis sa mga produktong imported), tuluy-tuloy na pangungutang sa
International Monetary Fund (IMF) at World Bank, pribatisasyon ng mga pangunahing
industriya at public utilities (gaya ng tubig at kuryente), higit na pagdurusa at
13 of 44
paghihikahos lamang ang idinulot ng kapitalistang globalisasyon sa mayorya ng mga
Pilipino.
Sa maagang bahagi pa lamang ng implementasyon ng “malayang kalakalan” sa
pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos mula 1909-1941, kitang-kita na ang
disbentahe ng kapitalistang globalisasyon (na walang iba kundi aplikasyon ng
“malayang kalakalan” sa buong mundo) sa mga bansa gaya ng Pilipinas na hindi pa
industriyalisado. Ayon kay Lichauco (1982: 26-27), “32 taon pagkatapos ng
pagsasabatas ng malayang kalakalan noong 1909, wala pa rin tayong kahit anong
industriyang naitatayo. Nanatili tayong isang ekonomyang agrikultural na nag-iimport ng
halos lahat ng ating kailangang yaring produkto (finished goods)…” Hindi nagtapos sa
deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas sa Estados Unidos noong 1946 ang “malayang
kalakalan.” Sa pamamagitan ng Bell Trade Act na ipinataw sa taon ding iyon ay
nagpatuloy ang pananalasa ng “malayang kalakalan” sa Pilipinas. Sinundan pa ito ng
patakarang dekontrol na ayon mismo sa noo’y Pangulong Diosdado Macapagal ay
ipinatupad ng kanyang administrasyon alinsunod sa rekomendasyon ng International
Monetary Fund (Lichauco, 1982: 36-37). Nagdulot ito ng matinding krisis sa kabuhayan
ng mga Pilipino bunsod ng pagtaas ng presyo ng bilihin at pagbaba ng halaga ng mga
eksport ng Pilipinas (Villegas, 1982: 51) kaya naman noong 1965 ay natalo sa
kampanyang re-eleksyon si Macapagal (Lichauco, 1982: 37).
Tuluy-tuloy na ipinatupad ng mga kontemporaryong rehimen mula kay Marcos
hanggang kay Ramos ang patakarang “malayang kalakalan” sa utos ng IMF at World
Bank. Rumurok (nag-peak) ang walang habas na pagyakap ng bansa sa kapitalistang
globalisasyon sa panahon ni Ramos, nang ipatupad ang malawakang “liberalisasyon”
14 of 44
ng import sa pamamagitan ng pagbabawas at pagtatanggal sa mga taripa (buwis sa
imported na produkto). Naging isang malawak na duty-free zone ang bansa. Unti-unting
nasaid ang koleksyon ng buwis ng pamahalaan kaya naman ipinataw ng
administrasyong Ramos ang noo’y 10 porsyento pa lamang na value-added tax upang
“bawiin” sa taumbayan, ang kitang itinapon nito sa hangin (foregone revenue), bunsod
ng pagtatanggal at pagbabawas ng taripa. Bumaha ng imported na produkto na
nagbunsod ng pagsasara ng mga maliliit at midyum na negosyong Pilipino. Kaya
naman sa pagsambulat ng Krisis-Pinansyal sa Asya sa mga huling taon ng dekada 90,
matinding pagdaralita ang dinanas ng sambayanang Pilipino. Mismong ang noo’y
kalihim ng Department of Trade and Industry na si Jose Concepcion ay nagpahayag ng
batikos sa mga hakbang ng pamahalaan: “ang patakarang liberalisasyon ng import ang
dahilan ng pagkatanggal sa trabaho ng 700,000 manggagawa at pagkamatay ng mga
maliliit na lokal na industriya” (Lichauco, 2005: 71). Naglaho ang industriya ng gulong,
papel, sapatos at kemikal sa Pilipinas dahil sa liberalisasyon ng import. (Lichauco,
2005: 13) at maging ang mga malalaking negosyo gaya ng Hacienda Luisita, Inc. (HLI),
Caltex at Matsushita Electric Philippines ay naapektuhan (Lichauco 2005: 14-15).
Naghayag ng pagkalugi ang HLI dahil sa pagbaha ng imported na asukal. Isinara
naman ng Caltex ang refinery sa Batangas dahil natatalo na ito ng kumpetisyong dulot
ng mas malalaking refinery sa ibang bansa. Nagsara naman ang pabrika ng colored TV
ng Matsushita Electric Philippines dahil sa pagbababa ng taripa sa mga imported na
produkto. Binigyang-diin naman ni Dr. Edberto Villegas (2000: 54), propesor sa
Unibersidad ng Pilipinas na sa kabila ng pagiging pinakamasunurin ng Pilipinas sa IMF,
ang bansa rin ang pinakaapektado ng pagsambulat ng Krisis-Pinansyal sa Asya noong
15 of 44
mga huling taon ng dekada 90 batay sa mataas na antas ng kawalan ng trabaho sa
Pilipinas (11%) na higit na mataas sa mga karatig-bansa gaya ng Thailand – 5.5%;
Malaysia – 5.3%; South Korea – 6% at Indonesia – 8%.
Pangunahing tagapagmana ni Ramos ang administrasyong Arroyo sa
pagpapatupad ng kapitalistang globalisasyon. Ipinagpatuloy nito ang patakarang
liberalisasyon sa iba’t ibang industriya gaya ng semento na negatibo pa rin sa
pangkalahatan ang epekto. Ayon sa pananaliksik ni Dr. Divina M. Edralin (2003), full
professor sa De La Salle University-Manila “(n)agbigay lamang ng oportunidad ang
globalisasyon sa mga korporasyon, partikular sa mga transnasyunal na korporasyong
gaya ng Cemex, Holcim, at Lafarge na palakihin ang kanilang puhunan, palawakin ang
kanilang conglomerates, at unti-unting maisakatuparan ang monopolisasyon ng
industriya ng semento sa daigdig.” Nagdulot din ang globalisasyon ng “pagpapaliit ng
lakas-paggawa” (downsizing) sa industriya ng semento sa bansa, bagay na nagpahina
sa mga unyon at sa kolektibong kakayahan ng mga manggagawa na ipaglaban ang
kanilang mga karapatan, at nagpatibay lalo sa kapangyarihan ng mga korporasyon
(Edralin, 2003).
Pinasimulan din ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang liberalisasyon ng industriya
ng asukal sa pamamagitan ng Executive Order No. 857 na nagbigay-pahintulot sa
National Food Authority dahil na mag-angkat ng 150,000 metrikong tonelada ng asukal
sa kabila ng mariing pagtutol ng mga lokal na prodyuser ng asukal (Corpuz, 2010).
Tinatayang 2,000,000,000 piso ang mawawalang kita sa gobyerno dahil sa walang-
taripang (duty-free) importasyon ng asukal. Hindi rin naprotektahan ng administrasyong
Arroyo ang industriya ng sapatos at garment sa bansa. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Niels
16 of 44
Beerepoot (2008) ng University of Amsterdam, nahirapang makipagkumpetensya ang
industriya ng sapatos sa Marikina sa pagdagsa ng mga murang produkto mula Tsina at
tila naghihingalo na rin ang industriya ng garment sa bansa dahil sa pamamayani ng
Cambodia, Tsina at Vietnam sa larangang ito. Ani Beereport, nagdulot ng malawakang
pagsasara ng mga pabrika at tanggalan sa trabaho ang ganitong sitwasyon. Nitong
Nobyembre 2010 ay ibinalita naman ang pasya ng Department of Labor and
Employment (DOLE) na payagan ang outsourcing ng 2,600 trabaho sa Philippine
Airlines (PAL). Idinahilan ng pangasiwaan ng PAL ang matinding kumpetisyon na dulot
ng “globalisasyon” sa pagpupumilit nito na isagawa ang outsourcing na walang iba
kundi pinagandang pangalan sa kontraktwalisasyon ng mga regular na trabahador. Ilan
lamang ang mga ito sa masasamang karanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng
kapitalistang globalisasyon.
Protesta Kontra-Globalisasyon sa First World
Dapat bigyang-diin na ang mga simpleng mamamayan sa buong daigdig ay
apektado rin ng kapalpakan ng kapitalistang globalisasyon. Sinasalamin ng mga
mataginting na protesta sa Gresya, Espanya, Belgium, Pransya at South Korea noong
2010 ang kabiguan ng kapitalistang globalisasyon sa pagdudulot ng kaunlaran sa
mayorya ng mga mamamayan. Malinaw na mailalagay sa konteksto ang mga
pandaigdigang dambuhalang protestang kontra-kapitalismo at -globalisasyon kung
isasaalang-alang ang isang epekto ng walang rendang globalisasyon sa ekonomya ng
daigdig ayon sa Association pour la Taxation des Transactions financières et pour
L’Action Citoyenne/ATTAC (Association for the Taxation of the Financial Transactions
and for Citizen’s Action): “…80 porsyento ng internasyunal na daloy ng salapi ay
17 of 44
nakakonsentra sa halos 20 bansa na kumakatawan lamang sa 22 porsyento ng
populasyon ng daigdig” (Fisher at Ponniah, 2003: 41). Maging ang mga mamamayan sa
First World ay nagpoprotesta dahil hindi rin sila nakinabang sa bilyun-bilyong dolyar na
tubo ng mga dambuhalang kumpanyang transnasyunal. Bunsod nito, inilarawan ng libu-
libong kalahok sa World Social Forum na isinagawa sa Porto Alegre, Brazil ang
kahungkagan ng kapitalistang globalisasyon sa isang Manipesto ng mga Kilusang
Panlipunan: “Lahat ito’y nangyayari sa konteksto ng pandaigdigang resesyon. Sinisira
ng neoliberal na modelong ekonomiko ang mga karapatan, pamumuhay at kabuhayan
ng mga mamamayan. Gamit ang lahat ng paraan upang protektahan ang halaga ng
kanilang mga sapi (shares), nagtatanggal ng mga manggagawa, nagbabawas ng sahod
at nagsasara ng mga pabrika ang mga kumpanyang multinasyunal, at pinipiga nila ang
kahuli-hulihang sentimo mula sa mga manggagawa. Ang mga pamahalaang
humaharap sa ganitong krisis ekonomiko ay tumutugon sa pamamagitan ng
pribatisasyon, pagbabawas ng pondo para sa panlipunang serbisyo at permanenteng
paglimita sa karapatan ng mga manggagawa. Ang resesyong ito’y naglalantad sa
katotohananng ang pangakong paglago at kaunlaran ng neoliberalismo ay isang
kasinungalingan” (Fisher at Ponniah, 2003: 348-349).
Tinig Mula sa Ibaba at Labas
Sa gitna ng kabiguan ng kapitalistang globalisasyon na magluwal ng kaunlaran
para sa nakararami, nararapat lamang na mag-isip na ng panibagong alternatibo ang
mga Pilipino. Sa ganitong diwa, ang pananaliksik na ito ay naglalayong makabuo ng
isang alternatibong pambansang adyendang sosyo-ekonomiko para sa bansang
Pilipinas – isang tinig mula sa “ibaba,” ang tinig ng mga dukha at tinig mula sa “labas,”
18 of 44
ang tinig ng mga non-government organization (NGO) at mga kilusang panlipunan na
mula sa at kasama ng mga dukha – silang laging etse-pwera sa pagbabalangkas ng
mga kinopyang padrong sosyo-ekonomiko. Isang programang sosyo-ekonomikong
nakasulat sa wikang higit na naiintindihan ng bayan ang hangad maisakatuparan ng
papel na ito, sa gitna ng daan-daang tomo o volume ng mga artikulo, pananaliksik,
papel, sanaysay, ulat, tesis at disertasyon tungkol sa paglutas ng kahirapan ng bansa,
na sa kasamaang-palad ay karaniwang nakasulat sa akademikong Ingles.
Mula Kay Charice Pempengco Hanggang sa Mga Tagabalangkas ng Programang
Sosyo-ekonomiko: Bansang Unggoy?
Nang ihayag ni Freddie Aguilar na “unggoy” si Charice Pempengco dahil sa
panggagaya sa mga banyagang mang-aawit (Nicasio, 2009), maraming Pilipino ang
nagalit kay “Ka Freddie.” Hindi matanggap ng mga Pilipino ang katawagang “unggoy”
na salamin ng pagiging mangongopya, manggagagad, o ng kulturang pamimirata sa
ginagawa ng iba; samakatwid baga’y ang panggagaya sa anumang makitang ginagawa
ng mga Amerikanong dinidiyos, na walang ipinag-iba sa isang matapat na alagang
unggoy na ginagagad ang bawat kilos ng among trainer (halaw sa Ingles na kasabihang
Monkey see, monkey do). Marahil, kung nabasa ng mga Pilipinong nagalit sa tinuran ni
“Ka Freddie” ang mabalasik na pangaral (o baka nga propesiya) ni Jose Rizal sa
pamamagitan ni Simoun sa ikapitong kabanata ng “El Filibusterismo,” mapag-iisip-isip
nilang higit pa sa kultural na “pang-uunggoy” ang ginagawa ng sambayanan at lalo na
ng pamahalaang Pilipino.
19 of 44
Ani Simoun: “Kayo’y nagkaisa upang ibigkis ang inang bayan sa Espanya gamit
ang mga kwintas na rosas ngunit ang totoo, iginagapos n’yo siya sa pamamagitan ng
mga kadenang matibay pa sa diyamante! Humihingi kayo ng pantay na karapatan, ng
Hispanisasyon ng inyong mga pag-uugali, at hindi ninyo mapagtantong ang inyong
hinihingi ay pagpapatiwakal, ang pagkawasak ng inyong pagkamamamayan, ang
pagdurog sa inyong lupang tinubuan, ang pagpapataw ng diktadura! Magiging ano kayo
sa hinaharap? Isang bansang walang sariling diwa, bansang walang laya, lahat ng
taglay ninyo’y hiram lamang, pati na ang inyong mga depekto! Nagmamakaawa kayong
lukuban ng Hispanisasyon at ni hindi man lang kayo nahihiya!” Upang higit na
maintindihan ang rekontekstwalisasyon ng sinabi ni Simoun, palitan ng “IMF, WTO at
World Bank” ang “Espanya” at palitan naman ng “kapitalistang globalisasyon” ang
“Hispanisasyon.” Malibang itakwil ng bansang Pilipinas ang banyagang padrong sosyo-
ekonomiko gaya ng kapitalistang globalisasyon na bigo sa pagluluwal ng kaunlaran
para sa sambayanan, mananatili ang mga “depekto” ng ekonomya ng bansa, mga
depektong hiniram lamang kasama ng buong sistemang sosyo-ekonomiko ng bansa sa
kasalukuyan. Sa isang talumpati sa forum na nagkakahalaga ng 25,000 piso ang
pagdalo, inamin ni Bill Clinton, dating pangulo ng Estados Unidos, na nakasama ang
kolonisasyon ng Amerika at Espanya sa Pilipinas. Nilinaw sa pagsusuri ni Esposo
(2010) na “ang kaunlaran ng Pilipinas ay hinahadlangan ng pakikialam ng Estados
Unidos sa ating mga usaping pampulitika at pang-ekonomya” hanggang sa
kasalukuyan.
Sa ganitong konteksto, dapat burahin ng mga Pilipino sa kanilang kolektibong
kamalayan ang maling kaisipan na ang pag-akit sa dayuhang pamumuhuan o foreign
20 of 44
investment ang susi sa pag-unlad ng bansa. Higit na praktikal na tigilan na ang pag-asa
sa mga dayuhang mamumuhunan dahil sa mga nakaraang taon mas malaki pa ang
naiambag na pera ng mga OFWs sa ekonomya ng Pilipinas kaysa sa mga foreign direct
investment. Halimbawa, noong 2009, $17,350,000,000 ang naisampang remittance ng
mga OFW kumpara sa $1,590,000,000 foreign direct investment. Panahon nang
simulan ang proseso ng pagbuo ng bansa at pagtatakwil sa pagsandig sa mga
dayuhan, na itinatagubilin ni Dr. Jose Rizal sa kanyang mga isinulat.
Sa kanyang malapropetikong Filipinas Dentro de Cien Años (Ang Pilipinas Isang
Siglo Mula Ngayon), hinulaan ni Rizal na sasakupin ng Estados Unidos ang Pilipinas.
Sa aklat na ito’y inihayag niyang lalaya ang sambayanang Pilipino sa kamay ng
Espanya at “marubdob na ipagtatanggol ang kalayaang nakamit sa pamamagitan ng di
kawasang dugo at sakripisyo” laban sa mga bagong mananakop. Sa halip na mga
pinunong namamalimos sa statehood ng Pilipinas (ang tahas na pagsakop ng Estados
Unidos sa Pilipinas) o kaya’y parity rights para sa mga dayuhan, pinangarap ni Rizal
ang sambayanang magluluwal “ng mga taong sisibol sa kanilang lupain...,”
“...magsisikhay na lumakad sa maluwang na daan ng kaunlaran...” at “kikilos nang
sama-sama upang patibayin ang kanilang lupang tinubuan...” Binigyang-diin ni Rizal
ang kahalagahan ng kalayaang ekonomiko bilang pundasyon ng kalayaang pulitikal,
samakatwid baga’y ang pagsandig sa sarili (self-reliance) tungo sa kaunlaran sa
pamamagitan ng mga industriyang sariling-sikap: “At ang mga minaha’y bubuksan
upang iluwal ang ginto para maibsan ang kanilang karukhaan, bakal para sa sandata,
tanso, tingga at uling...”
21 of 44
Taliwas sa preskripsyon ni Rizal hinggil sa pagsandig sa sariling lakas at
abilidad, nakabibingi ang ingay ng pamamalimos ng mga administrasyon, kasama na
ang administrasyong Aquino para sa dayuhang puhunan na inaakalang magsasalba sa
bansa. Nakalimutan na nila ang datos na nasa aklat ng Amerikanong mananaliksik na si
William Pomeroy (1992) sa bawat isang dolyar na puhunan ng mga dayuhang
korporasyon sa Pilipinas, tumutubo sila ng $3.68, at $2 rito ang ipinadadala nila sa
kanilang bansa. Ang datos ni Pomeroy ay kinalap noong 1970s, at inaasahang sa
pagkakaroon ng higit na episyenteng proseso sa lansakang produksyon o mass
production bunsod ng modernong teknolohiya, kakambal ang mababang pasahod sa
mga panahong ito, tiyak na lalong malaki ngayon ang tinutubo ng mga dayuhang
korporasyon sa Pilipinas, tubo na hindi naman nila inilalagak sa mga negosyo rito, kundi
ipinadadala nila sa kani-kanilang bansa. Ayon pa kay Salgado (1997: 132),
monopolisado rin ng mga dayuhang korporasyon ang mga pautang ng bangko
sapagkat “sa bawat 4 dolyar na dinala sa bansa ng mga dayuhang mamumuhunan,
humihiram sila ng 100 dolyar sa mga lokal na bangko.” Higit na nakikinabang kung
gayon, ang mga multinasyunal, kaysa sa mga Pilipino, sa kasalukuyang sistema.
Malinaw kung gayon, na sa proseso ng pagkamit ng pambansang kaunlaran, hindi
dapat umasa sa dayuhang pamumuhunan.
Unang Hakbang sa Sanlibong Milyang Lakbayin: Maghanap ng Puhunan
Sa halip na dayuhang puhunan ay katutubong puhunan ang dapat gamitin ng
mga Pilipino sa pagpapaunlad ng bansa. Dapat ihinto ang pagbabayad ng utang
panlabas (foreign debt) at bawasan ang pambayad sa lokal na utang (domestic debt)
para magkaroon tayo ng pera na magagamit sa implementasyon ng mga repormang
22 of 44
sosyo-ekonomiko. Upang maisagawa ito, kailangang ipawalang-bisa ang awtomatikong
paglalaan ng badyet para sa utang sa pamamagitan ng pagbabasura sa Section 31 ng
Presidential Decree 1177 (isang batas na ipinataw ng diktadurang Marcos), at gayundin
sa Section 26, Chapter 4, Book VI ng Executive Order 292 (Administrative Code of
1987) na eksaktong kopya ng Section 31 ng PD 1177. Nakasalalay sa hakbang na ito
ang ikapagtatagumpay ng anumang repormang sosyo-ekonomiko: masaklap na
katotohanan na walang reporma kung walang pera.
Sa nakalipas na 10 taon (2000-2010), 5,600,000,000,000 piso ang nagastos ng
bansa sa pagbabayad ng utang. Ngayong 2010, 746,000,000,000 piso ang nakalaang
pambayad-utang sa pambansang badyet (halagang halos sapat na upang tumbasan
ang yaman ng 40 pinakamayamang tao sa Pilipinas na nagkakahalaga ng
754,400,000,000 piso ayon sa pagtataya ng Forbes Magazine Asia). Sa 2011, mahigit
823,000,000,000 piso ang nakalaan sa pagbabayad ng utang. Kung tutuusin,
napakaraming pabrika na ang maitatayo sa halagang ito pa lamang.
Sa kasamaang-palad, ang utang ng bansa ay nagpapatung-patong habang
bayad nang bayad ang pamahalaan. Sa pagtatapos ng administrasyong Estrada, ang
utang ng bansa ay nasa 2,170,000,000,000 piso lamang. Sa pagtatapos ng rehimeng
Macapagal-Arroyo, ang kabuuang utang ay lumobo na sa mahigit 4,000,000,000,000
piso (Pebrero 2010), at inaasahang aabot muli sa 5,000,000,000,000 sa pagtatapos ng
2010. Dapat tandaan na sa panahon din ni Macapagal-Arroyo ay nagbayad ang
Pilipinas ng halagang 5,100,000,000,000 piso! Hindi kataka-takang tinatawag na debt
trap ng ilang akademista ang ganitong sistemang ipinataw ng IMF at ng World Bank,
kung saan “...tinitiyak ng malayang kalakalan na ang kayamanan ng Third World ay
23 of 44
mapupunta sa First World, bagay na nagtutulak sa una na lalo pang mangutang nang
mangutang” (Salgado, 1997: 384). Habang nagbabayad ng utang ay lalong lumalaki
ang utang sapagkat ginagamit ang mga bagong utang upang bayaran ang mga lumang
utang. Hindi ginagamit ang malaking bahagi ng bagong utang upang maglinang ng mga
industriyang kumikita at tumutubo nang malaki. Gaya ito ng pagkuha nang pagkuha ng
salapi sa bangko at pagkatapos ay pagsusunog sa pera.
Ang tawag ng panahon: ihinto ang pagbabayad ng utang sa 10 taon, gamitin ang
pera bilang puhunan sa pagtatayo ng mga industriya at modernisasyon ng agrikultura,
at pagpapatupad ng iba pang reporma. Pagkatapos ng 10 taon, kakayanin na ng
ekonomya ng bansa na bayaran ang lahat ng utang. Ang paglimita sa at/o pagtigil ng
pagbabayad ng utang ay ginawa na ng mga bansang gaya ng Peru, Argentina, Brazil,
Mexico, at Romania (Lichauco, 1988: 250-268) kaya naman kahit sa gitna ng
pandaigdigang krisis-pinansyal ay higit pa ring maunlad ang kanilang ekonomya kaysa
sa ekonomya ng Pilipinas. Ayon sa datos ng 2010 United Nations Human Development
Index Report, nakalalamang ang mga bansang ito sa pangkalahatang kaunlaran, batay
sa kani-kanilang ranggo: Peru - 63; Argentina - 46; Brazil - 73; Mexico - 56; Romania –
50 (kumpara sa ranggong ika-97 ng Pilipinas). Nilinaw ni Lichauco (1988: 267) ang
dahilan ng ganitong “pangungulelat” o kawalan ng kaunlaran ng Pilipinas na kahiya-hiya
kung ihahambing sa relatibong pag-unlad ng ibang bansa: “Lahat ng mga umuunlad na
bansa ay may mga pasaning utang panlabas, ngunit sa pangkalahatan, ang mga utang
na ito’y ginamit upang pondohan ang pagbuo at paglinang ng isang matibay na
istrukturang industriyal, gaya ng ginagawa ng Brazil at South Korea. Kakaiba ang
Pilipinas sapagkat ang kanyang mga utang nakuha sa pangakong hindi gagamitin sa
24 of 44
pagpopondo ng industriyalisasyon ng bansa…” Hanggang sa kasalukuyan ay totoong-
totoo ang analisis ni Lichauco: wala pa ni isang proyektong pagtatayo ng industriya ang
naipangutang ng gobyerno ng Pilipinas. Kahit sa programang sosyohang publiko-
pribado (public-private partnership o PPP, na walang iba kundi pinagandang termino
lamang para sa napatunayan nang palpak na programang Built-Operate-Transfer/BOT
ng mga nakaraang administrasyon) ng administrasyong Noynoy Aquino ay walang
nababanggit na pagtatayo ng industriya.
Pagtatakwil sa Ninakaw na Utang
Upang magkaroon ng karagdagang pondong pangkaunlaran, dapat ding igiit o
ipagpilitan ang pagtatakwil o repudiation ng mga utang na ninakaw lamang ng mga
pulitiko noon. Ayon sa isang pananaliksik ng African Forum and Network on Debt and
Development o AFRODAD (2007), mula 1986 hanggang 2006 ay nagbayad ang mga
Pilipino ng US$1,900,000,000 billion, ¥23,000,000,000 at CHF (Swiss Franc)
107,100,000 sa mga nagpondo ng pagtatayo ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).
Ang nasabing plantang nukleyar na itinayo sa panahon ng diktadurang Marcos ay
maanomalya sapagkat over-priced ang halaga, itinayo sa paanan ng Bundok Natib (na
isang bulkang dormant) na nasa fault line din, at ni hindi nakalikha ng kahit isang
megawatt ng kuryente. Isa lamang ang BNPP sa mga halimbawa ng maanomalyang
utang na dapat itakwil at huwag bayaran. Mahalaga sa prosesong ito ang makipag-
ugnayan sa iba pang bansang Third World upang maisulong ang pagbura o
pagbabasura sa utang ng Third World sa mga bansang First World gaya ng
itinataguyod ng internasyunal na network ng mga aktibistang kontra-utang, ang Jubilee
South. Maaari ring pumasok sa mga kasunduang debt-for-Millennium Development
25 of 44
Goals swap gaya ng isinusulong ni UP Prof. Leonor Briones (dating Pambansang Ingat-
Yaman ng Pilipinas), kung saan binubura ang utang ng bansa, kapalit ng paglalaan ng
mas malaking pondo sa edukasyon, kalusugan at iba pang mga pangunahing
serbisyong panlipunan.
Upang magkaroon ng karagdagang pondo para sa mga hakbang na
makapagpapasampa ng pera sa kaban ng bayan o mga income-generating projects na
magagamit sa mga repormang sosyo-ekonomiko, dapat ibalik ang taripa o buwis sa
imported na produkto na mayroong katumbas o katulad sa Pilipinas gaya ng asukal,
sapatos atbp. Malaki ang kitang nawala sa gobyerno bunsod ng mga kasunduan sa
“malayang kalakalan” sa ilalim ng kapitalistang globalisasyon. Halimbawa, ayon sa
isang ulat ng Philippine Daily Inquirer (October 2010), 15,600,000,000 piso ang
mawawalang kita (foregone revenue) ng gobyerno sa taong 2010 dahil sa iba’t ibang
kasunduan sa “malayang kalakalan” gaya ng Association of Southeast Asian Nations’
(Asean) Trade in Goods Agreement o ATIGA at Japan-Philippines Economic
Partnership Agreement (JPEPA).
Ibayong pagkawasak ng mga industriyang Pilipino bunga ng matinding
kumpetisyon ang idudulot din ng ganap na pagpapatupad ng China-Asean Free Trade
Area (CAFTA) ayon sa pagsusuri ni Rep. Walden Bello (2010), na isa ring kilalang
akademista at mananaliksik sa larangan ng pulitika at ekonomiks. Maaga pa rito ay
nagbabala na si Dr. Alfredo Robles, Jr. (2007), propesor sa International Studies
Department ng De La Salle University-Manila hinggil sa “mga huwad na pangako ng
malayang kalakalan sa pagitan ng ASEAN at ng European Union.” Sa tantya ni Robles,
ang pagpapatupad ng “malayang kalakalan” sa pagitan ng European Union (na may
26 of 44
mas matatag at episyenteng industriya) at ng ASEAN (na karamihan sa mga bansang
kasapi ay hindi pa gaanong matatag ang mga industriya) ay tiyak na magdudulot ng
paghina ng sektor ng pagmamanupakura sa ASEAN, bagay na maaaring magdulot ng
malawakang kawalan ng trabaho kung hindi mapalalawak ang sektor agrikultura at
serbisyo (malls, call centers atbp.). Binigyang-diin din ni Robles na kung talagang nais
ng bansa na pumasok sa “malayang kalakalan,” kailangan nitong paghandaan ang
pagkawala ng malaking kita bunsod ng pag-aalis ng taripa. Sa kaso ng Pilipinas na
wala pang gaanong maipagmamalaking industriya, tiyak na ang lubos na pagkawasak
ng mga natitira pang nakatayong industriya na tila naghihingalo na, gayundin ang
pagkabangkarote o bankruptcy ng pamahalaang baon na sa utang. Samakatwid, ang
pagbabasura sa “malayang kalakalan” sa kasalukuyan, sa panahong hindi pa kayang
makipagsabayan ng Pilipinas sa matinding kumpetisyon, ay isang makatwiran at
matalinong panawagan. Maisasalba nito ang Pilipinas sa lalong pagkabaon sa utang at
makapagbibigay ito ng karagdagang pondong magagamit sa pagbubuo at
pagpapalakas ng mga industriyang Pilipino.
Bukod sa pagbabalik ng mga taripa sa imported na produkto, maaari ring
magpataw o mag-impose ng buwis sa mga produktong luho o luxury goods gaya ng
sports utility vehicles, Apple laptops, Rolex watch, diamond jewelry atbp. Makabubuti
ring pag-aralan ang pagpapataw o imposition ng buwis sa mga big-time financial
transaction, partikular ang paglalabas ng dolyar at/o puhunan/investment sa Pilipinas at
pagpapataw ng special tax sa mga pinakamayamang pamilya sa bansa (na kahawig ng
mga proposal sa Estados Unidos). Dapat ding seryosohin ang pagbawi sa mga ninakaw
na kayamanan ng bayan ng mga nakaraang diktador at pulitiko.
27 of 44
Mula sa Baul ng Kasaysayan: Mga Solusyong Di Pa Nasusubukan
Gamit ang puhunang mula sa pagpapahinto ng pagbabayad ng utang at iba
pang nabanggit na iskemang income-generating, maisasakatuparan na ang mga
pangunahing reporma na siyang magiging gulugod o backbone ng pag-unlad ng bansa:
ang tunay na reporma sa lupa at modernisasyon ng agrikultura, at makabansa at
pambansang industriyalisasyon. Ang mga pangunahing repormang ito ay matagal nang
panawagan ng anak-dalita sa Pilipinas. Halimbawa, noong 1935, idinaos ang kauna-
unahang halalan sa pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng Komonwelt. Sina Manuel
Luis Quezon, Emilio Aguinaldo at Gregorio Aglipay ang tatlong kandidato sa
pagkapangulo. Bagamat natalo si Aglipay nina Quezon at Aguinaldo sa bilang ng boto,
dapat maitatak sa kasaysayan ang kandidatura ni Aglipay bilang kauna-unahang
pagtatangka ng isang makabayang kandidato na kamtin ang pagkapangulo upang
simulan ang pagpapaunlad ng Pilipinas. Ibinandila ni Aglipay ang programang reporma
sa lupa at pambansang industriyalisasyon (Pomeroy, 1992: 91-93). Sumunod sa
kanyang yapak ang isa pang dakilang makabayan na sumubok din sa eleksyong
pampanguluhan, walang iba kundi si Senador Claro M. Recto. Bagamat di gaanong
kapansin-pansin ay posibleng sina Senador Manuel Villar at Sen. Jamby Madrigal na
ang naging tagapagmana ng sinimulan nina Aglipay at Recto batay sa kanilang mga
plataporma de gobyerno noong nakaraang halalan na pawang nagbibigay-diin sa
reporma sa lupa at industriyalisasyon. Ang mga solusyong kanilang inihapag ay
pawang di pa nasusubukan. Pagkatapos ng isandaang taong kapalpakan ng
kapitalistang globalisasyon, panahon nang isigaw ng sambayanan: “Ang bayan naman!”
28 of 44
Lupa Para Sa Tagabungkal
Dantaong problema na ang kawalan ng reporma sa lupa, ang matibay na kontrol
ng iilang pamilya sa mayorya ng lupa sa Pilipinas, ang sistemang kahawig ng lumang
pyudalismo sa Europa noong Edad Media (Middle Ages). Tinatayang 60% ng mga
lupang agrikultural sa bansa ay kontrolado ng mga mayayamang pamilya na bumubuo
sa 13% lamang ng populasyon ng bansa, at 7 sa 10 magsasaka ang walang sariling
lupa (Ibon Foundation, 2008). Ang ganitong konsentrasyon ng lupa sa iilang pamilya
ang dahilan ng kawalan ng sapat na pagkain ng bansa at kawalan ng sapat na trabaho
para sa mayorya ng mga mamamayan (75% ng mga Pilipino ay magsasaka ayon sa
Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, 2008). Ang pagliit ng share ng agrikultura sa
pambansang ekonomya – na bunga ng kawalan ng reporma sa lupa – ay nagresulta rin
ng matinding kahirapan at kawalan ng oportunidad para sa maraming taga-probinsya.
Ayon sa World Factbook ng Central Intelligence Agency (CIA), 34% ng lakas-paggawa
ng bansa ay nasa agrikultura, 15% ang nasa industriya at 51% naman ang nasa
serbisyo (call centers, fastfood chains, malls at iba pa). Hindi uunlad ang Pilipinas kung
patuloy itong aasa sa sektor ng serbisyo. Ang pagbibigay-prayoridad lamang sa sektor
ng agrikultura at industriya ang makapagsasalba sa bansa, gaya ng pinatunayan ng
Japan, South Korea, Tsina at iba pang karatig-bansa.
Mula kay Rizal sa “El Filibusterismo” hanggang kina Amado V. Hernandez sa
“Mga Ibong Mandaragit” at Rogelio Sicat sa “Tata Selo” ay naging pangunahing paksa
ng mga obra maestra sa panitikang Filipino ang magsasakang inagawan ng lupa, ang
magsasakang alipin ng asendero, ang magsasakang simbolo ng karukhaan at
pagkaalipin ng sambayanang Pilipino. Pagpapatunay ito ng nagnanaknak na suliraning
29 of 44
panlipunan na nangangailangan ng agad na kalutasan. Sa aktwal, malaking bahagi ng
mga rebeldeng komunista sa ilalim ng Communist Party of the Philippines-New
People’s Army (CPP-NPA) ay mga magsasakang naakit sa programa ng nasabing
grupo na libreng lupa para sa mga magsasaka na isinasaad sa “12-puntong Programa”
ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), ang sangay-pulitikal ng CPP-
NPA. Ayon sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP), bukas ito sa
pagpirma mga kasunduang nakatuon sa mga repormang sosyo-ekonomiko, kabilang na
ang reporma sa lupa, gaya ng isinasaad sa panukala nitong Concise Agreement for an
Immediate Just Peace (CAIJP) noong 2005. Kaipala’y magdudulot din ng kapayapaan
ang reporma sa lupa.
Dapat isailalim sa reporma sa lupa ang lahat ng mga hacienda sa Pilipinas sa
pamamagitan ng libreng pamamahagi o distribusyon ng mga parsela sa mga
magsasakang walang sariling lupa. Upang maisabalikat ang episyenteng pagpapatakbo
ng mga lupang isinailalim sa reporma, dapat tulungan ang mga magsasaka sa
pagtatayo ng mga kooperatiba na papalit sa mga lumang management board ng mga
hacienda. Dapat pangasiwaan o iadminister ng pamahalaan ang pagbuo ng mga
kooperatiba ng magsasaka sa tulong ng mga organisasyon ng mga magsasaka upang
lalong maging produktibo ang pagbubungkal sa lupa. Ang mga kooperatiba ang
magpapatibay sa pagkakaisa ng mga magsasaka tungo sa mabilis at mas episyenteng
produksyon, na higit pa sa produksyong pinamahalaan ng mga management board na
wala namang kongkretong kaalaman at direktang karanasan sa pagsasaka. Wala nang
mas huhusay pa sa pamamahala ng mga sakahan kundi ang mga magsasaka mismo.
30 of 44
Sa pamamagitan ng mga kooperatiba ay magiging maayos, episyente at mabilis din
ang daloy ng tulong-pinansyal ng pamahalaan sa mga magsasaka.
Ayon kay Steve Suppan, Senior Policy Analyst ng Institute for Agriculture and
Trade Policy/IATP (2008), “(b)agamat patuloy na nauungusan ng produksyon ng
pagkain ang paglago ng populasyon (ayon sa Food and Agriculture Organization), ang
paglaganap ng gutom ay resulta rin ng kakulangan ng salaping pambili ng pagkain at/o
kawalan ng access, o kontrol sa, mga resource na nakalilikha ng pagkain. Ang access
sa mga resource na ito – lupa, tubig, input, pagsasanay, teknolohiyang post-harvest,
transportasyon, pautang...atbp. – ay mahalagang bahagi ng pakikibaka para sa
kasapatan sa pagkain.” Sa konteksto ng Pilipinas, ang reporma sa lupa ay
magtatagumpay lamang kung patitibayin ang mga kooperatibang pansakahan na
magtitiyak sa matibay na suporta ng pamahalaan sa sektor agrikultura – mula sa
pagtatanim hanggang sa transportasyon ng ani gaya ng binanggit ni Suppan – at
magpapatibay rin sa pagtutulungan ng mga magsasaka at iba pang mga katuwang ng
sektor agrikultura gaya ng mga mananaliksik.
Kakabit ng kooperatibasisasyon ng mga hacienda sa pamumuno ng mga
magsasaka, dapat ding pasimulan ang modernisasyon ng agrikultura sa bansa. Malaki
ang papel na gagampanan nito ng mga kooperatiba at/o organisasyon ng mga
magsasaka, at mga kolehiyo, unibersidad at mga sentro sa pananaliksik sa bansa,
partikular ang mga nangungunang paaralan na maunlad na ang pananaliksik sa
larangan ng siyensya at teknolohiya. Ang modernisasyon ng agrikultura ang magtitiyak
sa kasapatan sa pagkain ng bansa. Ang kasapatan sa pagkain ay isa ring porma ng
pagtitipid sapagkat ang importasyon ng pagkain ay ginugugulan ng dolyar. Sa nakalipas
31 of 44
na mga taon ay libu-libong tonelada ng bigas ang inimport ng bansa. Sa halip na mag-
import, mas makabubuting gamitin sa modernisasyon ng agrikultura ng bansa ang
pondong dating ginagamit sa pag-aangkat ng bigas. Sa pamamagitan ng
modernisasyon ng agrikultura ay matitiyak din ang pagkakaroon ng sapat na hilaw na
materyales o raw materials para sa mga industriyang itatayo sa bansa. Walang
magiging matibay na gulugod o backbone ang pambansang industriyalisasyon kung
hindi magiging moderno ang agrikultura sa bansa. Sa kabuuan, ang pagsigla ng
agrikultura na dulot ng reporma sa lupa at modernisasyon ng sektor na ito ay
magpapalapad sa pamilihan at magreresulta sa pagsigla ng ekonomyang agrikultural
na magluluwal na karagdagang kapital para sa pagtatayo ng mga industriya
(Ecumenical Institute for Labor Education and Research Inc./EILER, 2010).
Trabaho at Kaunlaran Para sa Lahat
Sa kabilang banda, hindi rin magiging ganap ang kaunlaran ng Pilipinas kung
makukuntento na lamang ang Pilipinas sa pagpapaunlad ng agrikultura. Kailangang
isulong ang pambansa (national) at makabansang (nationalist) industriyalisasyon o
pagtatayo ng mga industriyang Pilipino na lilikha ng mga trabaho para sa mga Pilipino
at magsusuplay ng mga pangangailangan ng bansa. Napakarami nang tomo o volume
ang naisulat ng mga makabayang akademista gaya nina Alejandro Lichauco
(“Nationalist Economics”), Renato Constantino (“The Nationalist Alternative”), Lorenzo
Tañada, Claro M. Recto, Edberto Villegas hinggil sa pagsasakatuparan ng pambansa at
makamasang industriyalisasyon. Naghihintay na lamang ang mga ito ng
implementasyon.
32 of 44
Dapat bigyang-prayoridad ang industriya ng pagkain, petrolyo, enerhiya, kemikal,
gamot, bakal at mineral, tubig, kuryente, komunikasyon, transportasyon at iba pang
mga industriyang malaki ang gampanin sa pagpapaunlad ng bansa at pagsusuplay ng
mga pangunahing pangangailangan at serbisyo sa mga mamamayan. Natural lamang
na gobyerno ang magtaguyod ng prosesong ito sapagkat ang pribadong sektor o ang
sektor ng mga malalaking negosyante ay may makasariling adyenda, samantalang ang
gobyerno ay inaasahang magsusulong ng interes ng buong sambayanan. Binigyang-
diin ni Lichauco (1988 : 127-129) ang superyoridad ng gobyerno bilang tagapagsulong
ng industriyalisasyon: “Ang estado ang pinakamataas na pagpapahayag ng kolektibong
personalidad ng sambayanan. Kung gayon, ito ang pinakamatibay na kinatawan ng
kapangyarihang soberanya ng mga mamamayan, mula sa kapangyarihang mag-
imprenta ng pera, hanggang sa kapangyarihang linangin at patakbuhin ang patrimonya
ng basa, at ang kapangyarihang pumasok sa produktibong negosyo…” Ibinigay na
halimbawa ni Lichauco ang Unyong Sobyet (dating unyon ng mga republikang
pinangungunahan ng Rusya) at Tsina upang patunayan ang lakas ng isang
pamahalaan sa pagbuo ng mga industriya nang wala halos tulong mula sa mga
pribadong kumpanya, lokal man o dayuhan.
Sa kaso ng Pilipinas, napatunayan nang bigo ang anumang tangkang
industriyalisasyon na pinangunahan at pinangibabawan ng mga malalaking negosyante
sa pribadong sektor. Samakatwid, kakambal ng pambansa at makabansang
industriyalisasyon ang pagbabasura sa palpak na programang pribatisasyon at
deregulasyon ng mga pangunahing industriya. Maraming magagandang aral sa
pambansang industriyalisasyon at nasyonalisasyon ng mga industriya ang matututuhan
33 of 44
ng Pilipinas sa Venezuela, Bolivia at iba pang mga umuunlad na bansa. Sa kaso ng
Venezuela, isinailalim sa kontrol ng gobyerno ang mga planta ng langis, kasama na ang
planta ng Exxon (isa sa pinakamalaking korporasyong petrolyo). Samantala, isinabansa
naman ng pamahalaan ng Bolivia ang mga minahan ng natural gas upang matiyak na
makikinabang sa kita nito ang lahat ng mga Boliviano at upang matiyak din ang
pagiging makakalikasan ng operasyon nito. Sa Pilipinas, ang pagsasabansa o
nasyonalisasyon ng mga umiiral na malalaking industriya ay magluluwal ng malaking
puhunan na magagamit para sa pagpapalago ng iba pang industriya at paglalaan ng
sapat na pondo para sa edukasyon, kalusugan, pabahay at iba pang serbisyong
panlipunan. Halimbawa, ang Petron-Philippines ay tumubo ng 1,900,000,000 piso sa
unang quarter pa lamang ng 2010; ang Philex Mining (isa sa pinakamalaking
korporasyon sa pagmimina sa bansa ay tumubo ng 2,740,000,000 noong 2009; ang
MERALCO naman ay tumubo ng 6,000,000,000 pesos noong 2009 at ang SM Prime
Holdings (ang opereytor ng mga SM mall) ay tumubo ng 7,000,000,000 noong 2009.
Dapat alalahanin na ang pribadong sektor ay likas na may makasariling adyenda
kaya ang pribatisasyon ay tiyak na daan tungo sa kapahamakan gaya ng dinaranas ng
bansa ngayon. Ayon nga sa negosyanteng dating CEO ng Benpres (may-ari ng ABS-
CBN atbp. negosyo gaya ng Maynilad Water Services Inc.) na si Eugenio Lopez, Jr.,
“Tubo ang pangunahing dahilan kung bakit nagnenegosyo ang isang tao...” (Kalikasan-
Peoples Network for the Environment/Kalikasan-PNE at Water for the People
Network/WPN, 2008). Isang malinaw na halimbawa ng kapalpakan ng pribatisasyon sa
bansa ang tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng diesel sa kabila ng pribatisasyon ng
Petron at Malampaya natural gas fields, katambal ng deregulasyon ng industriya ng
34 of 44
langis. Ayon sa Ibon Foundation, ang presyo ng diesel ngayong 2010 ay mas mataas
ng 175% kumpara sa presyo nito siyam na taon na ang nakaraan. Ayon naman sa
Kalikasan-PNE at WPN (2008), bigo rin ang pribatisasyon ng tubig dahil mula sa 7.21
piso at 4.02 piso kada metro kubiko ng tubig sa Maynilad at Manila Water noong 1997,
lumobo na ang halaga nito sa 32.91 piso at 33.42 piso noong 2008. Sa pagmimina ay
bagsak din ang pribatisasyon gaya ng pinatunayan ng mapanirang sistema ng
Marcopper at Placer Dome (kontrolado ng mga dayuhang pinautang ng Asian
Development Bank) sa Marinduque na nakasira sa pinagkukunan ng kabuhayan ng
20,000 residente dahil sa malawakang pagtagas ng lason mula sa minahan tungo sa
katubigan (Ibon Databank, 2008). Sa San Miguel, Bulacan ay napabalita naman ang
kagimbal-gimbal na pagkawasak ng mga bundok bunsod ng pagmimina ng limestone
ng mga pribadong kumpanya. Hindi lamang pala ang sambayanan ang talo sa
pribatisasyon, kundi pati ang inang kalikasan sapagkat tubo lamang ang pangunahing
adyenda ng mga pribadong korporasyon. Ang pamumuno lamang ng pamahalaan sa
pambansang industriyalisasyon at ang nasyonalisasyon (o pagpapatigil ng
pribatisasyon at deregulasyon) ng mga industriya ang makatitiyak na ang mga likas na
yaman ng bansa ay magagamit nang maayos para sa kapakanan ng sambayanan nang
di gaanong nakasisira sa kalikasan.
Independent Variable: Pamahalaang Tunay na Naglilingkod sa Sambayanan
Gayunman, dapat isaalang-alang na ang pagtatagumpay ng pamahalaan bilang
pangunahing pwersa sa pansamantalang pagpapahinto ng pagbabayad ng utang,
pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa, industriyalisasyon at nasyonalisyon ng
mga industriya ay nakasalalay sa legal na assumption na ang pamahalaan ay dapat
35 of 44
maglingkod sa kapakanan ng nakararami (bagay na malayo pa sa reyalidad kung
titingnan ang kasalukuyang dami ng kaso ng katiwalian sa pamahalaan). Kakambal ng
panawagang pagbuo at pagpapatupad ng alternatibong adyendang sosyo-ekonomiko
sa pamumuno ng gobyerno, ay ang pagtiyak na magiging malinis at matapat ang mga
lingkod-bayan sa pamahalaan, gaya ng nararapat. Sa ganitong diwa, ang pagsasagawa
ng mga repormang pulitikal gaya ng pagsasabatas ng konstitusyunal na probisyon na
nagbabawal sa mga dinastiyang pulitikal at mga batas na magpapatibay pa sa
representasyon ng mga grupong marginalized (gaya ng sistemang party-list) ay dapat
isagawa. Sa kasamaang-palad, “madugong proseso” ang pagpapatupad ng mga
repormang pulitikal sapagkat kontrolado ng mga pinakamayayamang pamilyang
asendero at negosyante ang malaking bahagi ng pamahalaan. Batid ng elite na ang
demokratisasyon ng pulitika ay nangangahulugan ng pagbubukas ng mga bulwagan ng
kapangyarihan sa masa. Sa mas malawak na partisipasyon ng mga ordinaryong
manggagawa, magsasaka at iba pang mga anak-dalita sa pulitika, laban sa tradisyunal
na paghahari ng mga asendero at negosyante, tiyak na hahantong sa tunggalian ng
mga interes ang mga labanan sa sangay lehislatibo, ehekutibo at hudisyal ng
pamahalaan. Sa ganitong konteksto, natural lamang na hadlangan ng elite ang ganap
na demokratisasyon ng pulitika, bagay na hindi maaaring manatiling permanente.
Darating ang panahon na magpapantay ang kapangyarihan ng elite at masa sa
sistemang pulitikal ng bansa. Sa panahong iyon, ganap na igigiit ng masa ang reporma
sa lupa at pambansang industriyalisasyon bilang alternatibo sa mga hungkag na
pangako ng kapitalistang globalisasyon habang ipaglalaban naman ng elite ang
pananatili ng kapitalistang globalisasyon na nagbigay sa kanila ng monopolyo sa
36 of 44
kapangyarihang pulitikal at ekonomiko sa bansa sa nakalipas na mahigit isang siglo.
Kasangga ng mga elite ang IMF at World Bank at ang mga dambuhalang multinasyunal
at transnasyunal na korporasyong tiyak na masasagasaan ng anumang tangkang
reporma sa lupa at industriyalisasyon ng bansang Third World. Sa ikauunlad ng
Pilipinas, maliwanag kung sino ang dapat manaig. Isang bukod na pananaliksik pa ang
kailangan upang sagutin ang tanong na “paano sila makapananaig?”
Bibliyograpiya:
Alave, Kristine. 4M malnourished Filipino children: Rising costs to increase number FNRI.
05 July 2008. Philippine Daily Inquirer.
<http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20080705-146662/4M-
malnourished-Filipino-children>
Date of Access: 14 November 2010
Alexandra, Kreisl. “Malnutrition in the Philippines – perhaps a Double Burden?” Journal
für Ernährungsmedizi. 2009. Berlin: Verlagshaus der Ärzte GmbH.
< http://www.kup.at/kup/pdf/8113.pdf >
Date of Access: 14 November 2010
African Forum and Network on Debt and Development (AFRODAD). Illegitimate Debt &
Underdevelopment in thePhilippines: A Case Study. 2007. Harare, Zimbabwe: AFRODAD.
Agence France Presse. Desperately poor Filipinos sell kidneys. 18 April 2008.
< http://www.abc.net.au/news/stories/2008/04/18/2221064.htm>
37 of 44
Date of Access: 15 November 2010.
Balana, Cynthia. Health Forum Hot Issue: Kids now used as organ donors. 11 November
2010. Philippine Daily Inquirer.
<http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20101111-302577/Kids-now-
used-as-organ-donors>
Date of Access: 15 November 2010
Bauzon, Camille. RP losing war vs. extreme poverty. 17 July 2010. Manila Times.
<http://www.manilatimes.net/index.php/component/content/article/42-rokstories/21730-
rplosing-war-vs-extreme-poverty>
Date of Access: 15 November 2010
Beerepoot, Niels. Local Outcomes of Globalization: Manufacturing Decline and Labor
Response in the Philippine Garment and Shoe Industries. 2008. Quezon City:
Philippine Journal of Labor and Industrial Relations.
< http://journals.upd.edu.ph/index.php/pjlir/article/viewFile/1545/1492 >
Date of Access: 12 November 2010
Bello, Walden. The China-Asean Free Trade Area: Propaganda and Reality. 14 January 2010.
Makati City: Philippine Daily Inquirer.
< http://opinion.inquirer.net/viewpoints/columns/view/20100114-
247344/The-China-Asean-Free-Trade-Area-Propaganda-and-Reality>
Date of Access: 12 November 2010
38 of 44
Clinton, Bill. Embracing Our Common Humanity (Address at the Manila Hotel).
10 November 2010.
Congressional Planning and Budget Department-Philippine House of Representatives.
Facts in Figures: May 2006.
< http://www.congress.gov.ph/download/cpbd/fnfofw.pdf>
Date of Access: 14 November 2010
Corpuz, Gerry Albert. Philippine sugar industry in bitter position. 05 February 2010.
<http://www.upiasia.com/Economics/2010/02/05/philippine_sugar_industry_in_bitter_position/7740/>
Date of Access: 12 November 2010
Cruz, Tonyo. Thanking overseas Filipino workers for saving the economy. 2010.
<http://asiancorrespondent.com/tonyo-cruz-blog/thanking-overseas-filipino-workers-for-
saving-the-economy>
Date of Access: 14 November 2010.
Domingo, Ronnel. Oil tariff removal, trade pacts to cost gov’t P15.6B. 18 October 2010. Makati
City: Philippine Daily Inquirer.
http://business.inquirer.net/money/topstories/view/20101018-298290/Oil-tariffremoval-trade-pacts-to-
cost-govt-P156B
Date of Access: 12 November 2010
Ecumenical Institute for Labor Education and Research Inc. (EILER). Tunay na Repormang
39 of 44
Agraryo at Makabayang Industriyalisasyon ang Solusyon sa Krisis Pangkabuhayan. 23
October 2010. University of the Philippines-Diliman, Quezon City: EILER
Globalization Lecture Series 2.
Edralin, Divina M. Are the Cement Industry and its Workers Victims of Globalization? 2003.
Manila: De La Salle University.
<http://www.dlsu.edu.ph/research/centers/cberd/pdf/bus_focus/cement_industry.PDF>
Date of Access: 12 Novermber 2010
Esposo, William M. He came, he saw and he made a sales pitch. 14 November 2010. Manila:
The Philippine Star.
Etolle, Nestor. Cops raid illegal blood bank. 19 December 2008. The Philippine Star.
<http://www.philstar.com/microsite/noynoy-first-100-
days/article.aspx?articleId=425126&publicationSubCategoryId=65>
Date of Access: 14 November 2010
Fisher, William F. and Thomas Ponniah. (eds). Another World Is Possible: Popular
Alternatives to Globalization at the World Social Forum. 2003. New York: Zed
Books, Ltd. 41; 348-349
Florencio, Cecilia. Food and Nutritional Status of Filipinos and Nutrition
Integration. 2003. Quezon City: UP-Diliman.
< http://www.up.edu.ph/oldsystem/florencio.pdf >
Date of Access: 14 November 2010.
40 of 44
Flour Fortification Initiative. FFI Country Information: Philippines. 2010.
< http://www.sph.emory.edu/wheatflour/Philippines.php>
Date of Access: 14 November 2010
Global Call to Action against Poverty (GCAP)-Philippines. Philippine Poverty
and Inequality Situation (as of March 2008).
< http://www.preda.org/main/archives/research/documents/r09073001.html>
Date of Access: 14 November 2010.
Ibon Foundation Inc. Ibon Facts and Figures: Datos sa Isang Sulyap. April-May 2008.
________________. Ibon Facts and Figures (Student Edition): Lessons from Mining
Liberalization: Case of Marinduque. September-October 2008.
Ibon Foundation Inc. at Pagbabago! People’s Movement for Change. Voter’s Education Kit on
the May 2010 Elections: The People’s Criteria. May 2010.
Jose, Vivencio R. (ed). Mortgaging the Future: The World Bank and IMF in the
Philippines. 1984. Quezon City: Foundation for Nationalist Studies.
Kalikasan-Peoples Network for the Environment (Kalikasan-PNE) at Water for the People
Network (WPN). Water Privatization. 2008.
Kalipunan ng Damayang Mahirap (KADAMAY). Batayang Kurso ng Maralitang Lungsod. 2008.
< http://www.mediafire.com/?wdity0fmhym >
Date of Access: 14 November 2010.
41 of 44
Khor, M. Address to the International Forum on Globalization. 1995. New York.
Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. “Peasants’ Report During the Forum on Economic, Social
and Cultural Rights: Violations and Remedies.” Kabuhayan, Karapatan, Katarungan:
Reports Presented During the Forum on Economic, Social and Cultural Rights:
Violations and Remedies. 2008. Quezon City: IBON Foundation Inc.
Lichauco, Alejandro. “The International Economic Order and the Philippine Experience.”
Mortgaging the Future: The World Bank and IMF in the Philippines. Ed. Vivencio R.
Jose. 1984. Quezon City: Foundation for Nationalist Studies. 12-48.
________________. Hunger, Corruption and Betrayal: A Primer on U.S. Neocolonialism and
the Philippine Crisis. 2005. Manila: Citizen’s Commitee on the National Crisis. 13-15; 71
________________. Nationalist Economics. 1988. Quezon City: Institute for Rural
Industrialization, Inc. 250-268; 127-129
________________. Towards A New Economic Order and The Conquest of Mass Poverty.
1986. Quezon City.
Madeley, John. A People’s World: Alternatives to Economic Globalization. 2003. New York: Zed
Books, Ltd. 6-8
Makilan, Aubrey. Once Again, the OFW Saves the Day for RP Economy. 2006.
< http://www.bulatlat.com/news/5-46/5-46-ofw.htm>
Date of Access: 14 November 2010
Moore, Michael. (director). Capitalism: A Love Story. 2009. USA: Overture Films.
Nam, Suzanne. The Philippines' Wealthiest. 07 July 2010. Forbes Asia.
42 of 44
< http://www.forbes.com/2010/07/06/philippines-richest-henry-sy-wealth-philippines-rich-
10.html>
Date of Access: 14 November 2010.
National Democratic Front of the Philippines. 12-Point Program of the National Democratic
Front of the Philippines.
http://ndfp.net/joomla/index.php?option=com_content&task=view&id=42&Itemid=60&limi
t=1&limitstart=6
Date of Access: 15 November 2010.
_______________ . NDFP proposes concise agreement to end civil war and achieve just peace
immediately.
<http://ndfp.net/joomla/index.php?option=com_content&task=view&id=351&Itemid=53>
Date of Access: 15 November 2010.
Nicasio, Nonie. Freddie Aguilar says Charice Pempengco and Arnel Pineda proved that Pinoys
are monkeys. 06 July 2009.
< http://www.pep.ph/news/22360/Freddie-Aguilar-says-Charice-and-Arnel-Pinedajust-proved-that-
Filipinos-are-%22monkeys%22 >
Date of Access: 12 November 2010.
Pomeroy, William. The Philippines: colonialism, collaboration, and resistance. 1992. USA:
International Publishers Co., Inc. 91-93
Rizal, Jose. Political and Historical Writings. 1976. Manila: National Historical Institute,
43 of 44
_________. El Filibusterismo. Leon Ma. Guerrero (trans.). 1965. London: Longman Group
Ltd.
Robles, Alfredo Jr. The False Promises of an ASEAN-EU FTA. 2007.
< http://www.caramasia.org/enews/2007/JUne/Critic%20EU%20ASEAN%20FTA.pdf >
Date of Access: 12 November 2010.
Salgado, Pedro. Second Edition: Social Encyclicals: Commentary and Critique. 1997. Manila:
Lucky Press, Inc. 132; 384-385
Scholte, Jan Aart. Globalization: A Critical Introduction (Second Edition). 2005. New York:
Palgrave Macmillan.
Sunstar Newspaper. Unemployed Filipinos stand at 2.8M. 17 March 2010.
< http://www.sunstar.com.ph/network/unemployed-filipinos-stand-28m>
Date of Access: 14 November 2010.
Suppan, Steve. “Challenges for Food Sovereignty” The Fletcher Forum of World Affairs. Vol.
32:1 Winter 2008. USA: Tufts University. 111-123
Torregoza, Hannah. National budget called impractical. 07 September 2010. Manila
Bulletin.
<http://mb.com.ph/articles/276015/70-filipinos-live-p42-a-day-budget>
Date of Access: 14 November 2010
United Nations Development Program. Human Development Report 2010 - 20th Anniversary
Edition The Real Wealth of Nations: Pathways to Human Development. November 2010.
44 of 44
<http://hdr.undp.org/en/reports/global/hdr2010/chapters/en/>
Date of Access: 15 November 2010.
Villegas, Edberto. “Debt Peonage and the New Society.” Mortgaging the Future: The World
Bank and IMF in the Philippines. Ed. Vivencio R. Jose. 2006. Quezon City: Foundation
for Nationalist Studies. 49-74.
_______________. Global Finance Capital and the Philippine Financial System. 2000. Manila:
Institute of Political Economy. 54
Yrasuegui, Magnolia at Priya Esselborn. Philippines: Women struggling to achieve
sexual equality. 12 January 2009.
< http://www.dw-world.de/dw/article/0,,4465029,00.html >
Date of Access: 14 November 2010.