Omegle

download Omegle

If you can't read please download the document

description

k

Transcript of Omegle

Now Playing: Love Story by Andy Williams(Warning: This is a very long confession and might wear your eyes out.)[I know this kind of post belongs to the Omegle thread pero i'm somehow hoping na magkaroon ito ng sariling thread. Pero it's not that I badly want the other to see this anyway. Kaya bahala na po kayo admins. (:]So 'yun nga. Bored and slacking like ever, nakatambay ako sa Omegle without actually waiting for anything (not really).Then came this one "stranger".After I said hello, he begged na 'wag daw ako mag-disconnect.I didn't, because I'm not like that naman.Pagkatapos, 'yun, usap-usap, light talk at first, nagbibiro pa nga siya and was typing some lyrics of songs na karamihan eh hindi ko alam.Pero naaaliw akong kausap siya nun so somehow nabawasan 'yung boredom ko.After a while, napunta kami sa "real talk" (his term), we talked about some personal things. He opened up, and I did, too. Pagkatapos he a YouTube link for a song. I asked him what that is. Sabi ko hindi ko mavi-view dahil iPad ang gamit ko at baka ma-disconnect kami. Pero I tried clicking the link anyway, I thought hindi naman siguro madi-disconnect.I chatted him again, tapos na-realize ko, na-disconnect na pala. I tried looking for him, pero I DID NOT KNOW HOW. So 'yun. Hanap nalang ako siguro ng ibang kausap.Then while looking for other "stranger" to talk to, I came across one na kaka-connect pa lang, suddenly said, "Love Story Andy Williams". And I said "hi".Sabi niya, "Ikaw 'yun?" I said, "No. Sorry."Tapos pagka-disconnect niya, it suddenly hit me, "Hala siya 'yun!"And then sa mga next chats ko, 'yun na rin 'yung una kong sinasabi. "Love Story Andy Williams". It was hard. I came across a stranger pa na sinabing "Pharmaceutical Philosophy?" Tapos DC agad and other weird "strangers". I don't know why pero somehow I was desperate to look for this Love Story Andy Williams guy.Until (not sure if this was really what happened)...I typed the usual "Love Story Andy Williams"And then tinanong niya kung saan ko raw 'yun nakuha.Then I realized na siya na 'yun.Sabi ko sa kanya. "It's you again."Sagot niya, "Oo nga. Small world."Tapos sabi niya may hinahanap daw siya dun sa Omegle.Kaya id-DC na raw niya.And I said, "Ako 'yun!"Of course he was skeptical, so nagtanong siya ng proofs.Syempre, since alam kong ako 'yung hinahanap niya, I provided him the proofs.After telling him, sabi niya "OMG". Parang 'di makapaniwala, ganun.Tapos ako, I felt relieved na nakita ko siya ulit dun. I told him just that.Sabi niya siya rin daw. Sabi pa niya, hanggang kinabukasan daw hahanapin niya ako.Ayun. Just earlier I told him I wasn't looking for "sparks", but I guess I found just that.Tapos 'yun. Usap. Usap ulit. And then we made a deal to meet there again.We decided to put "Love Story Andy Williams" in our interests para makapagkita kami dun.Na-dc pa kami ulit once nang di sadya pero we found our way to each other easily kasi nilagay na namin sa interests 'yung "Love Story Andy Williams"May parang nakakakilig na feeling. Sparks with a stranger is not really a bad idea, I thought. I slept playing "Love Story by Andy Williams" from my phone.The next day nung nag-online ako, ayun na siya ulit. Sabi pa niya he was about to sleep. Sabi ko matulog siya. Pero sagot niya nagising daw siya nung nagka-chat kami. Edi 'yun, nagkausap ulit kami,Tapos we somehow "conspired" to meet. The thing is this, pupunta kami sa isang place nang hindi namin alam 'yung itsura ng isa't isa. It was an exciting idea.One time (magka-chat din kami nun), while I was reading my daily dose of UST Files confessions, I read this one thread about the girl na nung nagpakilala daw siya na "this" college, dinisconnect daw siya ng kausap niya. Tapos nung "that" college na 'yung pakilala niya, bumait na raw si guy. But it wasn't the thread that caught my attention. It's one of the comments. Sabi niya, "Ako nga may nakilalang pekeng pharma na 50 pero pinatulan ko pa rin." It was one of my pranks kasi, magpakilala na "50" years old para malaman kung sino 'yung naghahanap ng kausap lang at naghahanap ng iba. 'Yung iba syempre 'di naniniwala. 'Yung iba DC agad. Hi sa mga nakausap ko noon. ((: I viewed the commentor's profile. Wala lang. ((: Tapos ni-like ko 'yung comment niya sa Files.So 'yun, after I read the comment, kinwento ko kay #sparks Omegle guy. Isa rin kasi siya dun sa mga sinabihan ko na 50 years old ako pero inamin ko rin naman after 'yung real age ko. Later on, inamin niya na siya 'yung nag-comment na 'yun. Kasi sabi niya lalabas daw sa notif niya dahil 'di ba nga ni-like ko 'yung comment niya? Aww. And I told him hindi naman ako pekeng Pharma. Wala lang. Tapos 'yun. Naisip ko parang nag-die down 'yung excitement of meeting a stranger. Sinabi ko 'yun sa kanya. I think parang na-disappoint siya. Pero I wanted to be honest. Sabi ko I still want to meet him, though. Sabi ko hindi naman ako magpapakilala. Tsaka sabi rin niya hindi naman daw niya ivi-view 'yung nag-like ng comment niya. As for why and how niya malalaman na ako nga 'yun, may idea kasi siya how my name sounds like dahil hinula-hulaan niya. Ganun. Ayun. We still agreed to meet, kahit one-sided stranger meeting na lang ito.The next day, I met him again sa Omegle, pero this time, hindi under the interest "Love Story Andy Williams". Pero I knew it was him kasi "somehow" nagpakilala siya. Tapos I suggested discreetly na it was me. But it seems he was playing DJ. Basta 'yung kunwari, may caller, at may song in background. At first 'di ko siya sinasakyan. Ang iniisip ko kasi binaon na niya ako sa limot. Loljk. Pero I realized na trip-trip niya lang talagang mag-"DJ" that time. So 'yun I was playing along. Maya-maya I had something to do so sabi ko hanap muna siya ng ibang "caller".Later that night, 'di ko na siya nakita ulit.The next day, ulit, nag-online ako and after talking to some people, nakakita ako ng "stranger" na pareho ko ng interests: "You both like 'UST Files' and 'Love Story Andy Williams'. I said "Hello!" After a few minutes, the "stranger" disconnected.After a while ulit, I came across the same "stranger". Without saying anything to each other, the "stranger" disconnected.And that's it I guess. Hindi naman ako na-hurt, kasi hello? 'Di ba? Haha.Pero nagtataka lang ako about two things I think.Una, what made him do it? Na-bore na ba siya sa stranger #sparks thingy and realized it was, after all, a stupid idea, or naisipan niyang tingnan 'yung nag-like ng comment niyang 'yun and after seeing my face, he backed off (I'm not surprised if that's the case)."Second, if he didn't want to talk to me anymore, bakit hindi pa niya inalis 'yung "Love Story Andy Williams" sa interests niya? Or maybe he realized too late at ngayon ay nakatanggal na 'yun.'Yun lang. Despite the song, I'm sorry to say na this is not a love story.We all know na sobrang hirap humanap ng ka-sparks lalo na 'yung talagang ka-love story sa mga ganung stuff, Omegle or whatever dating sites. Pero maybe you're also thinking, ano ba naman 'yung umasa sa konting miracle 'di ba? After all, "sobrang hirap" lang naman, pero hindi "imposible".I made friends din sa Omegle. 'Yung iba na-follow ko sa Twitter. 'Yung iba naging friends sa Facebook. 'Yung iba, sa WeChat. Pero I think it's time I stop doing this na rin. Iba pa rin ang stranger na nakilala mo personally kesa sa stranger na nakilala sa chats. Pero don't get me wrong. It was fun talking with Thomasians like me. I just think it's time to be realistic. Mas maganda pa rin 'yung friends or "someone" na talagang nakakasama mo kesa sa mga ganito.This "Love Story Andy Williams" guy is not the one who made me realize this by the way. I just think na I should go out more and "talk" rather than stay inside and "chat".