Mga Tula Ni Taribong
-
Upload
jes-marquez -
Category
Documents
-
view
243 -
download
2
description
Transcript of Mga Tula Ni Taribong
Mga Tula ni Taribong
Sinulat ni
Ginoong Gerald Soriano
Inayos ng mga kaibigan sa blogosperyo.
SMS from a distant relative (April 3, 2012, 6:58PM):
The season of LENT reminds us that the life we have and the material possessions
we hold are simply LENT to us. We are but pilgrims here on earth who will pass by
only once. We bring nothing when we die. But we can leave behind the love we’ve
shared, the hope we have given and the goodness we have done.
usal: isang dalit* (Talagang nakagigimbal ang Maguindanao massacre na naganap noong Nobyembre
23, 2009. Kalunos-lunos ang sinapit ng limampu’t pitong taong walang awang
pinaslang. Itong abang tula ay alay ko sa kanila at sa kanilang mga pamilya…)
Ang panaghoy ng damdamin
Mga buhay nang kitilin
Parang hayop ang kahambing.
Sila’y makabagong Cain…
Panginoon, sana’y dinggin
Itong munting panalangin
Katarunga’y aming hiling
Salarin ay panagutin.
(Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig kada
taludtod, apat na taludtod kada saknong at may isahang tugmaan. Depinisyon
mula sahttp://www.english-to-tagalog.com/tula.html.)
Tr(H)aiku ((Ang haiku ay tula ng mga hapones na binubuo ng labingpitong pantig na nahahati
sa tatlong taludtud. ang unang taludtud ay binubuo ng limang pantig, ang
pangalawang taludtud naman ay binubuo ng pitong pantig at ang ikatlong taludtud
ay binubuo di ng limang pantig gaya sa una. (Hango sa WikiAnswers.com) Nag-
try lang ako gumawa ng haiku sa Filipino. Subok lang hehehe… )
i
Katakataka
Gumalaw na mag-isa
Ang tumba-tumba
ii
Kababalaghan?
Marahil o malamang
Guni-guni lang
iii
Kung ang computer
Tinopak, naging monster
I-off ang power
iv
Ang kasintahan
Kapag ikaw’y iniwan
T’yak may dahilan
v
Mata’y tinakpan
Bata’y kinilabutan
Sa romansahan
vi
Di kasi alam
Anong kahihinatnan
Pag nagganunan
vii
Labi sa pisngi
Nang halik ay dumampi
Kiliti’y huli
viii
Basag ang mukha
Si Cotto, surrender na
Pacquiao, wagi ta
ix
H’wag na magtaka
Ginamit ay “wagi ta”
Ako’y may pusta
x
Labis ang tuwa
Pacquiao, di alintana
Bugbog na tenga
xi
Madla nagitla
Away Jinkee at Krista
Sad si Dionesia
xii
Grabeng intriga
Walang kakwenta-kwenta
Sakit talaga
xiii
Mas mabuti pa
Tayo ay magkaisa
Kasi pasko na
xiv
H’wag magsiraan
Dapat nga magtulungan
Ang buong bayan
xv
D’yos na Lumikha
Tunay na Hari Siya
Tayo’y Mahal N’ya
xvi
Natuwa ka ba
Dito sa munting tula?
Sana, sana nga.
emo (tanaga) (The Tanaga is a type of short Filipino poem, consisting of four lines with seven
syllables each with the same rhyme at the end of each line — that is to say a 7-7-7-7
Syllabic verse. – http://en.wikipedia.org/wiki/Tanaga.)
Hangin ay malamig na
Mga gabi’y mahaba
Laging nasa isip ka
Puso ay nagdurusa.
Miss na miss kita lagi
Luha sa mga pisngi
Hindi maitatanggi
P’ano nga ba nangyari?
Handog mong saya’t galak
Ay maraming salamat
Ang pag-ibig kong tapat
Sa panahon lang salat.
Nagkaroon ng saysay
Ang aking abang buhay
Aking ipinagnilay
Bakit nagkahiwalay?
Anong hatid na aral
Kasawiang kaytagal
Puso ba’y napapagal
Kahit tapat magmahal?
Sa pagsubok na ito
Kirot ay magugupo
Pangarap ma’y naglaho
Puso’y dapat matuto.
Dasal na aking sambit
Pasang kirot, mawaglit
Sintang tunay, makamit
At sa langit, bumalik.
abo Abot-langit ang saya kapag ikaw ang kasama
Ngunit di makaporma dahil meron kang iba
Pero nung kayo’y maghiwalay, lihim akong natuwa
Habang sa balikat ko’y pinapawi ang luha
Best friends, yan ang turing natin sa isa’t isa
Ngunit sa paglaon, na-develop na yata
Itong damdamin naging pagsinta
Pa’no nangyari? Ewan ko ba…
Pinatahan kita, pinayuhang limutin siya
Nang-iwan, nang-away, nang-ayaw: lintik siya
Dama ko ang iyong hinagpis at lumbay
Ngunit sa loob ko, hindi ako mapalagay
Nahihirapan akong makita’t marinig kang malungkot
Nakapangalumbaba, umiiyak sa sulok
Nais na hangoin, minamahal kong ikaw
Sa iyong kinasasadlakang daigdig na bughaw
Pahiwatig nitong pag-ibig na nagsusumigaw
Gusto nang ipaalam ngunit baka mabalahaw
Baka mawalang saysay ang pagkakaibigan
Kapag tunay na nararamdaman ay iyong malaman
Di ko na kayang maghintay pa’t baka si mokong bumalik pa
Muli kang bulagin, madala sa mga panlilinlang niya.
Di na titikisin ang damdamin, wagas na pag-ibig ay ipinararating
Aking dalangin na sana’y walang pasubaling tanggapin
Huwag sanang mabahala na ang pagkakaibigan baka masiraKung ang pag-iibigan ay
bigyang puwang, kahit isang tsansa
Wala namang masama na tayo’y mag-level up, at masayang magkapiling
Magmamahalan, mag-iibigan, hanggang wakas, hanggang libing.
pawis Dati’y kailangang magpapawis
Para bawasan ang tabang labis
Ha..ha..ha.. habol ang hininga
Para katawa’y sumeksi’t sumigla.
Masigasig na nakamit ang pangarap
Lalo’t sa gabi, ang minamahal ang kayakap
Ah..ah..ah.. malalim na paghinga
Walang kaparis na ligaya.
Ngunit ngayon nga’y sobrang init
Hindi man gumalaw, hindi man pumihit
Daloy ng pawis, tumatagaktak
Maski may yelong sa bunganga nakasaksak.
Walang kuryente, walang ulan, walang hangin
Ano nga kaya ang puwedeng gawin
Para itong init ay maibsan
Pawisang katawan, kawawa naman…
G.A.S.
Mamayang gabi (May 28, 2010), bilog ang buwan. Sisikat pa rin ang kanyang
kariktan maski mayroong pabugso-bugsong ulan…. Bakit? wala lang, masabi ko
lang. Tara, maupo tayo sa munting bangko sa may balkonahe, samahan mo akong
mangarap sa ilalim ng buwan….
Ayaw mo, sige magbasa ka muna dito….
Gabi… Aninag ang Sikat
ng buwang buo at matikas, sumasakal
sa mga lihim ng magdamag.
alumpihit ang mga aswang
sa sinag ng buwang galing sa araw
na nangawala sa balabal ng kadiliman.
habang maraming isda ang naglipana
nagagalak, malaya, walang alinlangan
naglalaro sa lawak ng karagatan.
wasak PANGHIHINAYANG
Dahil sa walang pakundangang paglustay
Ang tubig na yaman ng buhay
Wala na bang saysay?
Sa patuloy na pagkalbo ng mga kagubatan
At pagkasira ng mga ilog, lawa at karagatan
Wala ka pa rin bang pakialam?
Ang pagkalat ng dumi sa kapaligiran
Na siyang sanhi ng sakit at karamdaman
Patuloy mo bang hahayaan na lang?
Ang hangin ba’y walang pakinabang
Dahil hindi mo pinahahalagahan
O sadyang sanay ka na lang sa bantot at sangsang?
Kamatayan ang kahihinatnan
Kapag tuluyang nasira ang kalikasan
Hindi ka ba nanghihinayang?
Ang pagkawasak ng mundo
Ang pagkawasak ng tao
Ito ba ang gusto mo?
PAGHARAP SA HAMON NG ONDOY
Sana hindi na maulit pa
Ang dinanas na sakuna
Dulot ng pagkaburara at pagpapariwara
At walang kapararakang pagpapabaya
Ng tao sa kalikasan.
Aanhin nga ang mga magagandang awit at tula
Tungkol sa minsang kinagisnang ganda
Kung tuluyan nang mangawala
Nagbabadyang mabaon sa limot at alaala
Ng tao sa kalikasan
Sana ay wala nang sana
Kung ikaw, ako, tayo, lahat ay magkaisa
Simulan at ipagpatuloy ang nasimulan na
Ang pagmamahal, pag-aaruga at pag-aalaga
Ng tao sa kalikasan.
PANAGHOY AT PANGARAP NG PUNONG MANGGA
Tatlumpung taon na ako nakatayo
Nakahilig kung yan ang wari mo
Mula sa bahagyang pagkabuwal dahil sa nagdaang bagyo.
Mga punong kasabayan ko nga’y nangamatay, tuluyang naglaho.
Mahirap mag-isa, maraming naaalala:
Sa aking mga ugat, mga bulate’y naglaro’t gumala
Sa aking mga sanga, nagpahinga ang pipit, uwak at maya
Sa aking mga dahon, dumaan ang higad, mga hantik ay nagkuta
Sina Jojo, Boyet at Olan, sa aking puno’y nagsipag-akyatan
Mga sanga’y niyuyogyug upang mahulog ang mga salagubang
Madalas manguha ng bunga, hinog man, bubot o manibalang
Para sa mga tatay nilang sa lilim ko nag-iinuman.
Sa aking paanan, sina Jake at Cora nagligawan, nagpulotgata
At sa aking katawan, ang kanilang mga pangala’y inukit pa.
Sa aking mga bisig, si Mildred ay tumangis, ibinuhos ang mga luha
Dahil sa pagkamuhi’t mga problema, ang tagiliran ko’y kanyang tinaga.
Tag-araw, tag-ulan, tagtuyot at tagbaha
Lahat ng unos na dumaan, nakayanan ko nga
Ngunit alam kong hindi na rin ako magtatagal
Darating ang araw, bibigay na ang katawang napapagal
Ang hiling ko lang sana’y akin pang makita
Ang pagtubo, paglaki at paglago ng aking salinlahi
Nang sa gayon, patuloy ang pamana ng mangga
Di lang sa ngayon kundi sa bagong henerasyon pa.
Kaya naman, hinihikayat kita sa muling pagkain ng aking bunga
Itanim ang buto, alagaan ang punla, hayaang lumaki’t mamunga.
Umaasa akong sa tulong mo matutupad itong pangarap
Maraming salamat, kaibigan! Kasiyahan ko’y magiging ganap.
magic here …
now …
…..
….
…
..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Gone
here’s what I really wish for I wish for….
TIME
…time to do whatever I need to do.
…time to do whatever I want to do.
…time to have fun.
…time to go home.
…time to find time!
just one shot just one shot, the toxicity creeps…
just one shot, the stupor reeks…
just one shot…
just one shot, the city noise was pierced…
just one shot, it went unnoticed…
just one shot, time stood still…
just one shot, a nightmare it was…
just one shot, a dream went bust…
just one shot.
(this one’s for those who knew sam who was only 29 but rushed to write 30)
shoUt Binigyan mo ng halaga ang aking pag-iral:
kung di kita nakilala, di sana ako nabuhay;
kung ako’y mamamatay nang di kita nakilala,
hindi ako mamamatay dahil hindi ako nabuhay.
Si el hombre pudiera decir Luis Cernuda
(Sevilla, 1902 – Mexico, 1963)
Tú justificas mi existencia:
si no te conozco, no he vivido;
si muero sin conocerto,
no muero, porque no he vivido.
(Copied from MRT’s Berso sa Metro en route to Guadalupe Station, March 4, 2011,
7:50 a.m.)
- – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – - – -
This was the previous post (Feb. 14, 2011):
Tú justificas mi existencia:
si no te conozco, no he vivido;
si muero sin conocerto,
no muero, porque no he vivido.
-Luis Cernuda
Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandirito :
kung ‘di kita nakilala, di sana ako nabuhay
kung mamamatay akong hindi ka nakikilala
hindi ako mamamatay dahil hindi ako nabuhay.
(hango mula sa Berso sa Metro ng MRT)*
ubas, trigo, tubo, niyog, kanin at patatas pabayaan mong mabighani ako sa iyong mga daluyong
at mapag-alab ang diwang nahihimbing sa kaibuturan
magising ang kamalayang lingid sa karamihan
at maihele ako ng oyayi ng nakaraan.
papagnilayin mo ang aking kamangmangan
paglakbayin ang pulandit ng isipan
pagdaluyin sa aking kalamnan ang hiwaga
ng lahat ng iyong pinagdaanan.
nais kong mapawi ang uhaw kong damdamin
malunod ang pagkasabik ko’t pagkaulayaw
at ang kahibangan, huwag naman sanang
tuluyang magapi ng naghuhulagpos mong tapang.
- – - – - – - – -
Update (2/3/2011): UNRAVEL THE MYSTERY BEHIND THE TITLE
If you have any idea (or perhaps an inkling) of how the title to this post came about,
kindly share it at the comment section. The comment/explanation that first comes
closest to the author’s inspiration would be rewarded with either a copy of Peter
Abrahams’ Nerve Damage or Maria Ressa’s Seeds of Terror. Thanks!
ANG HIWAGA SA PAMAGAT: Kung mayroon kang ideya o kaya ay kuro-kuro
kung ano ang lihim na nakapaloob sa pamagat ng post na ito, mangyari lamang
na isulat sa pitak para sa mga puna. Ang puna/paliwanag na unang
pinakamalapit sa iniisip ng may-akda ay mabibiyayaan, alinman sa sipi ng Nerve
Damage ni Peter Abrahams o ang Seeds of Terror ni Maria Ressa. Maraming
salamat!
celebr8 Eight years ago, i affixed my signature
in one of the pages of the great book…
It was through faith and perseverance
that that one glorious occasion came to be….
They say the latest battle the others hurdled was tough;
but ours was tougher and may have been
the toughest in the last decade…
But then again, it’s what comes
after the battle that is really tough…
Tough times are not yet over;
there are more battles ahead…
The roads are rugged, narrow and rocky,
although one may go for the shortcuts…
How far have i gone since then?
Not far. But i am still going….
Going farther….
Farther still…
Further.
No matter how difficult
it may seem…
But today,
there is reason
to celebrate!
Cheers!!!!
Sa lahat ng nakilala, nakikilala at makikilala pa…
sa lahat ng mga taong naging bahagi na ng buhay ko,
sa anumang paraan at sa anumang pagkakataon,
maraming salamat! Isang tagay para sa ating lahat!!!
ningas Ang init talaga!
Nag-uumpisa na yatang magliyab ang buong paligid!!
Hindi pa itinuloy ang ulan kagabi, pero salamat na rin sa malakas-lakas at medyo
malamig na hangin!!!
Hindi na yata makakayanan ng bentilador at erkon na palamigin ang mga silid…
Maski sabayan pa ng paggamit ng abaniko at pamaypay…
Nakakapagsiklab…. nakakapagtagaktak ng pawis ang panahon…
Whew!
* * *
Pero sadya nga yatang ganyan ang panahon ngayon…. Teka, nais ko lang ibahagi ito,
pwede mong pag-aksayahan ng panahon. Binuo ko ito kagabi habang naghihintay
na muling dalawin ng antok. Babala: maaaring magpapainit lang ng ulo mo
hehehehe
Marahil ang mundo ay bulag.
O kaya’y bahagyang malupit.
Siguro.
Parang di mo na mawari
Ang anuman ngayon.
Subalit,
Pwede kang malungkot ngayon ‘tapos
Isang araw ngingiti kang muli.
Sa aking paglingon,
Masisilayan ko ang babaeng magpapaikot ng aking mundo,
Nakatayo doon…
At sa bawat pag-ikot ko,
Ang diwa niya’y nagpapalutang sa akin.
Ano na kaya?
Maghintay. Magmasid.
Sinubukan ko lang isalin ang theme song ng isang American sitcom na napapanood
ko noong bata pa ako, sa hindi pa naman matagal na panahon hehehe. Mahuhulaan
mo ba kung saan ko hinango ang tulang ito?
pandora .
Paano ka iiyak kung wala nang luhang aagos sa pisngi?
Paano ka aatungal kung walang tinig na mamumutawi?
Paano ka kikilos kung ang kamay at binti ay nakatali?
Paano ka hihikbi kung ang paligid ay bingi?
.
.
Paano kung ang bertud ng gayuma ay humupa?
Paano kung ang anestisya ay mawalang-bisa?
Paano kung ang alak na bumabaha ay di na kayang lunurin pa
Ang mabigat na pagsubok, walang humpay na problema?
.
.
Pano kung ang nakaririnding sigaw ay ipinagkikibit-balikat lang?
Paano kung ang mga mithii’t pangarap ay unti-unting napaparam?
Paano kung patuloy ang bagyo at madilim ang umaga?
Paano kung palaging ang maibubulalas na lang ay puro mura?
.
.
How I wish each of us could truthfully yell:All is well!!!
para lang matawag na bibo Maraming kuwento ang OFW.
Lalo na tungkol sa kanyang mga karanasan.
Makulay. Samu’t sari.
Nais kong mapakinggan ang mga ito.
.
At ang dala niyang pagbabago.
.
Gusto ko ring mabigyan ng pasalubong kung meron man.
At tiyak meron yan.
.
Dagdag pa riyan ang paanyayang walang-humpay na kainan.
Walang humpay na kainan.
Oo, inulit ko talaga.
.
Sa piling ng mga pagkaing katakam-takam, paano pa kaya niya magagawang
makipagkuwentuhan?
Iniisip ko lang…
.
Isang buwang paghahandaan.
Sana lang mapagbigyan.
Sana lang naman.
Sana.
.
Ah basta.
Bahala na.
.
KUNG HEI FAT CHOI!!!!
Ito ang Aking Sagot sa Tanong na: EB with McRICH, BAKIT???
mr pogi As soon as I buzzed the doorbell, Tina opened the gate to their house. It looked like
Tina was already waiting for me even before my arrival.
“Pasok ka, Kuya. Si Kuya Tarbs ka, di ba?”
It felt awkward that I was being called by my blogname when I was there for some
business and professional matters.
I had to re-introduce myself.
“Ako si Bienvenido Oliveros NG TAytay, RIzal… You can call me Bong. ”
A cheerful applause came by.
The longest running noontime show was playing on television.
paghinto
(pinakahuling sinulat Aug. 15, 2012)
May isang bahagi ng blogosperyo ang malimit kong puntahan dahil sa mga
nakakaaliw na kuwento ng payak na karanasan ng may-akda, dagdag pa rito ang
naggagandahang mga guhit at higit sa lahat, binabalik-balikan ko ang kanyang mga
tula. Nagagandahan ako sa tula, kung kaya naman nakakapag-iiwan din ako ng
tugon bagamat hindi nagpapakilala. At nakakagalak na dalawang beses pang
naitampok ang aking iniwang bakas doon.
Noong Enero ay sinulat niya ang tulang “abante“. Na aking tinugonan ng “pagtigil”:
noong gabing lango tayo
sa tapang at pait
ng kape
pilit kong inunawa
ang paliwanag mo sa akin
ang pag-usad, abante at pagsulong
ngunit paano ako makakaalis
kung hindi naman ako makakahakbang?
hindi ko makuha
ang pagsulong na sabi mo
mula sa dating kinatatayuan
hindi ko magawa
ang paglimot sa
mga alaala
habang may kulay pang aandap-andap
sa pagpikit ng mga mata
hindi ko pa kayang itiklop ang maleta
at hindi ako handa sa paghila at pagkaray
dahil may mga bakas na maiiwan
kaya ipahintulot mo sana itong pagtigil
at konting panahon na pagpapahinga
sapagkat itanggi mo man o aking ipagkaila
ang lahat ng ito’y nananatili…
nakahimlay sa ating gunita.
Wasak!
paalam Taribong…gerald Soriano
---------------------
Si Taribong, ang aming mabait na kaibigan ay pumanaw noong umaga ng
ika-24 ng Nobyembre. Hindi na niya inabot ang kanyang ika-37 kaarawan
kahapon, November 27. I believe our best gift to him is our prayer for his
soul’s eternal repose. Maraming salamat po. – From Kaye