Ikalawang Markahan: Modyul 8 Ang Piyudalismo...Republic of the Philippines Department of Education...

14
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan: Modyul 8 Ang Piyudalismo Zest for Progress Zeal of Partnership 8 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Transcript of Ikalawang Markahan: Modyul 8 Ang Piyudalismo...Republic of the Philippines Department of Education...

  • Republic of the Philippines Department of Education

    Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Araling Panlipunan

    Ikalawang Markahan: Modyul 8

    Ang Piyudalismo

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    8

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: ___________________________

    Name of School: ___________________________

  • Bumuo ng Modyul

    Manunulat: Lorinda F. Elumba Editor: Florence S. Gallemit,

    Julito H. Abne

    Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr. Florence S. Gallemit Dr. Jephone Yorong Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Tagalapat: Peter Alavanza, Name of layout artist Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III Dr. Eugenio B. Penales

    Sonia D. Gonzales

    Dr. Ella Grace M. Tagupa

    Dr. Jephone P. Yorong

    Florence S. Gallemit

    Jr simed Joseph B. Saguin

    Name of District Supervisor/PICD JR Simed Joseph Saguin-School Principal

  • Alamin

    Sa mudyol na ito, pag-aaralan ang sistemang Piyudalismo sa Europa noong panahong Medieval.

    Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang nasusuri ang tungkol sa pagkakabuo ng sistemang piyudalismo at nauunawaan ang mga patakarang nakapaloob ditto.

    Balikan

    Panuto: Piliin ang titik lamang para sa inyong sagot. Isulat sa kwaderno.

    1.) Sa iyong palagay, sinong personalidad ang pinakamahalaga sa pagtatag ng Holy Roman Empire?

    A. Pope Leo III B. Charlesmagne C. Louis

    D. Charles Martyl

    2.) Bakit kaya pinahalagahan ang simbahang katoliko sa “Roman Empire”?

    A. Dahil nagiging isa sa tagapangalaga ng imperyo ang kristiyano. B. Dahil nabuhay ito sa panahon ng Holy Roman Empire C. Dahil sa pagkasilang ng kristiyanismo sa pagturo’t pagsanay ng mga pari at opisyal ng pamahalaan

    D. lahat tama

    3.) Paano umusbong ang simbahang katoliko? A. sa pamamagitan ng pagkakaugnay ng simbahan at pamahalaan sa panahong medieval. B. sa pamamagitan ng pamumuno ni Charlesmagne C. sa pamamagitan ng isang sentralisadong pamahalaaan D. sa pamamagitan ng tagapangalagang kristiyano. 4.) Ano ang panawagan ni Pope Urban II noong 1095? A. ekspedisyon B. krusada C. labanan D. relihiyon

  • 5.) Ano kaya ang layunin ng ating pagtatalakay tungkol sa mga pangunahing wika at relihiyon ng daigdig?

    A. mapaphalagahan ang mga natatanging rehiyon ng mga kultura, wika at lahi.

    B. mapag-aralan ang iba’t ibang kultura, wika at lahi. C. bigyang-halaga ang mga kultura, wika at lahi D. pansinin ang mag kultura, wika at lahi.

    Suriin

    Mula sa ika-9 hanggang ika-14 na siglo, ang pinakamahalagang anyo ng

    kayamanan sa Europe ay lupa. Kinakailangang pangalagaan ang pagmamay-ari ng lupa.

    Pangunahing nagmamay-ari ng lupa ang hari.

    Dahil sa hindi niya kayang ipagtanggol ang lahat ng kanyang lupain, ibinabahagi

    ng hari ang lupa sa mga nobility o dugong bughaw. Ang mga dugong bughaw na ito ay

    nagiging vassal ng hari. Ang hari ay isang lord o panginoong may lupa. Ang iba pang

    katawagan sa lord ay liege o suzerain. Samantala, ang lupang ipinagkaloob sa vassal ay

    tinatawag na fief. Ang vassal ay isa ring lord dahil siya ay may-ari ng lupa. Ang kanyang

    vassal ay maaaring isa ring dugong bughaw.

    Ang homage ay isang seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang kanyang kamay

    sa pagitan ng mga kamay ng lord at nangangako rito na siya ay magiging tapat na tauhan

    Lesson 4 Ang Piyudalismo

  • nito. Bilang pagtanggap ng lord sa vassal, isinasagawa ang investiture o seremonya kung

    saan binibigyan ng lord ang vassal ng fief. Kadalasang isang tingkal ng lupa ang ibinigay

    ng lord sa vassal bilang sagisag ng ipinagkaloob na fief. Ang tawag sa sumpang ito ay oath

    of fealty.

    Kapag naisagawa na nga lord at vassal ang oath of fealty sa isa’t isa, gagampanan

    na nila ang mga tungkuling nakapaloob sa kasunduan. Tungkulin ng lord na suportahan

    ang pangangailangan ng vassal sa pamamagitan ng pagkakaloob ng fief. Tungkulin din

    niya na ipagtanggol ang vassal laban sa mga mananalakay o masamang-loob at maglapat

    ng nararapat na katarungan sa lahat ng mga alitan. Bilang kapalit, ang pangunahing

    tungkulin ng vassal ay magkaloob ng ilang kaukulang serbisyong pangmilitar. Tungkulin

    din ng vassal na magbigay ng ilang kaukulang pagbabayad tulad ng ransom o pantubos

    kung mabihag ang lord sa digmaan. Kailangan din niyang tumulong sa paghahanap ng

    sapat na salapi para sa dowry ng panganay na dalaga ng lord at para sa gastusin ng

    seremonya ng pagiging knight ng panganay na lalaki ng lord. Ang knight ay isang

    mandirigmang nakasakay sa kabayo at nanumpa ng katapatan sa kaniyang lord.

    Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig, Batayang Aklat

    sa Araling Panlipunan nina Mateo et al. pahina 192-

    193

    Ang Pagtatag ng Piyudalismo

    Ang piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng Banal na

    Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan ng Verdun. Napunta kay Charles the Bald

    ang France, Louis the German ang Germany at Lothair ang Italy. Mahihinang

    tagapamahala ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang mga opisyal ng

    pamahalaan at mga may-ari ng lupain ay humiwalay sa pamumuno ng hari. Naibangon

    muli ang mga local na pamahalaanna ngayon ay pinatakbo ng mga maharlika katulad ng

    mga konde at duke.

    Ano ang ibig sabihin ng Piyudalismo?

    Paano mo mailalarawan ang ugnayan o relasyon ng lord at vassal?

  • Sa sitwasyong ito pumasok ang mga barbarong Viking, Magyar, at Muslim.

    Sinalakay nila ang iba’t ibang panig ng Europe lalo na sa bandang France. Ang mga Viking

    na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain sa bandang France kapalit ng

    pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang lupaing napasakanila ay kilala ngayon sa tawag

    na Normandy.

    Ang madalas na pagsalakay na ito na mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga

    mamamayan ng Europe. Dahil ditto, hinangad ng lahat ang pagkakaroon ng proteksiyon

    kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo.

    Halaw mula sa: Araling Panlupunan III, EASE

    Module 9, Sistemang Pyudal sa Gitnang Panahon

    sa Europa

    Ano ang kahinatnan ng mahinang uri ng pamumuno, batay sa tekstong binasa?

    Bakit itinatag ang sistemang Piyudalismo?

    Lipunan sa Panahong Piyudalismo

    Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunang Europeo sa panahong Piyudalismo –

    ang mga pari, kabalyero o maharlikang sundalo, at mga alipin (serf).

    Isang magandang alaala ng Piyudalismo ang sistemang kabalyero (knighthood).

    Kinapapalooban ang kodigo ng kagandahang asal ng mga kabalyero o (chivalry) ng

    katapangan, kahinahunan, pagiging marangal at maginoo lalo na sa kaibigan.

    Nagpapalaganap din ng mga saloobing Kristiyano ang sistemang kabalyero tulad ng

    pagtatanggol sa mga naapi at paggalang sa kababaihan.

    Banal at isang propesyon na pinagpalang Simbahan ang pagiging kabalyero.

    Kalakip nito ang tungkuling ipagtanggol at itaguyod ang Kristiyanismo.

    Halaw sa: Kasaysayan ng Daigdig Batayang

    Aklat para sa Ikatlong Taon nina Vivar et al., p.50

  • Mga Pari.Hindi itinuturing ang mga pari na natatanging sector sapagkat hindi

    namamana ang kanilang posisyon dahil hindi sila maaaring mag-asawa. Maaaring

    manggaling ang mga pari sa hanay ng maharlika, manggagawa at mga alipin.

    Mga Kabalyero. Noong panahon ng kaguluhankasunod ng pagkamatay ni

    Charlemagne, may matatapang at malalakas na kalalakihan na nagkusang-loob na

    maglingkod sa mga hari at sa mga may-ari g lupa upang iligtas ang mga ito sa mga

    mananakop.Dahil sa hindi umiiral and paggamit ng salapi, ang magigiting na sundalo o

    kabalyero aypinagkalooban ng mga kapirasong lupa bilang kapalit ng kanilang

    paglilingkod. Ang mga kabalyero ang unang uri ng mga maharlika, tulad ng mga

    panginoon ng lupa, na maaaring magpamana ng kanilang lupain.

    Mga Serf. Ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Medieval Period. Nanatili silang

    nakatali sa lupang kanilang sinasaka.Kaawa- awa ang buhay ng mga serf. Nakatira sila

    samaliit at maruming silid na maaaring tirahan lamang ng mga hayop sa ngayon.

    Napilitan silang magtrabaho sa bukid ng kanilang panginoonnang walang bayad. Wala

    silang pagkakataon na umangat sa susunod na antas ng lipunan tulad ng maharlika at

    malayang tao. Makapag-aasawa lamang ang isang serf sa pahintulot ng kaniyang

    panginoon. Lahat ng kaniyang gamit, pati na ang kaniyang mga anak, ay itinuturing nap

    ag-aari ng panginoon. Wala silang maaaring gawin na hindi nalalaman ng kanilang

    panginoon.

    Halaw sa: Kasaysay ng Daigdig Batayang Aklat

    para sa Ikatlong Taon nina Vivar et al., p. 148-

    149

    Ano-ano ang uring panlipunan noong panahon ng Piyudalismo? Ilarawan ang bawat isa.

    Suriin

    Sagutin ng mga sumusunod: 1. ano ang ibig sabihin ng salitang Piyudalismo? _________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________.

  • 2. Paano mo mailalarawan ang ugnayan o relasyon ng ng Lord at vassal? _________________________________________________________________________________

    ______________________________________________________________________________. 3. Ano ang kahihinatnan ng mahinang uri ng pamumuno sa sistemang Piyudalismo?

    _________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________.

    4. Ano ang kahalagahan ng lupa sa sistemang Piyudalismo? _________________________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________________.

    Pagpapayaman Ibigay ang hinihingi:

    Ano ano ang uring panlipunan noong panahon ng Piyudalismo?

    Ilarawan ang bawat isa. a. _______________________________________ Paglalarawan:

    _________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________________. b. ______________________________________ Paglalarawan: _________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________

  • ______________________________________________________________________________________. c. ______________________________________ Paglalarawan: _________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________________ _____________________________________________.

    Pagtataya

    Piliin ang titik tamang sagot at isulat ang titik sa sagutang papel.

    1. Alin sa sumusunod ang nagmamay-ari ng pinakamalawak na lupain sa sistemang piyudalismo?

    A. Knight B. Hari C. Baron D. Villein 2. Ito ay isang sistemang political, socio-ekonomiko, at military na nakabase sap ag- mamay-ari ng lupa. A. piyudalismo B. sosyalismo C. merkantilismo D. komunismo 3. Ang taong tumatanggap ng lupa mula sa Lord. A. Villein B. Fief

    C. Vassal D. Baron

    4. Sila ang pangkat ng mga taong bumubuo ng masa na nanatiling nakatali sa lupang kanilang sinasaka. A. Fief B. Vassal

    C. Knight D. Serf

    5. Sila ang mga taong nagkusang-loob na manilbihan upang iligtas ang may-ari ng lupa mula sa mga manananlakay. A. Pari B. Kabalyero C. Baron D. Vassal

    Para sa pang-anim hanggang ika-siyam na bilang.

    I Villein II Baron III Hari IV Knight

  • 6. Alin sa mga nakatala sa itaas ang katumbas sa isang alipin? A. I B. III C. II D. IV 7. Sino sa kanila ang may tungkuling magsanay ng mga magiging Knight? A. I B. III C. II D. IV 8. Alin sa apat ang binibigyan ng Hari ng bahagi ng kaniyang lupain katumbas ng pagiging tapat sa kanya? A. I B. III C. II D. IV 9. Sino ang itinuturing na amo ng mga Villein? A. I B. III C. II D. IV 10. Ito ang lupang ipinagkaloob para sa isang vassal. A. gift B. fief C. Thief D. serf

    Karagdagang Gawain

    Basahin ang tungkol sa Sistemang Manoryal at gawin ang sumusunod.

    1. Ilarawan ang sistemang manoryal.

    ___________________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________________________

    _______________________________________.

    2. Ano ang ipinahiwatig ng kastilyo sa isang manor?

    _________________________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________________________

    ___________________________________________________.

  • 3. Ano ang pangunahing ikinabubuhay sa isang manor at ano ang kahalagahan ng mga magbubukid?

    _________________________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________________________

    ___________________________________________________________.

    4. Sa iyong palagay, naipagkaloob bas a isang manor ang mga pangangailangan ng mga mamamayan nito?

    _________________________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________________________

    ____________________________________________.

    5. Ano ang ginagampanan ng mga kababaihan sa sistemang manoryalismo? Ipaliwanag.

    _________________________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________________________

    ________________________________________________________________________________.

  • Batayan ng Pagwawasto

    Sanggunian: 1. Modyul ng Mag-aaral Araling Panlipunan (Kasaysayan ng Daigdig pahina 248-255)

    Balikan

    1. C

    2. A

    3. A

    4. B

    5. C

    Assessment 1.B 2.A 3.C 4.D 5.B 6.A 7.C 8.C 9.D 10. B

  • 1

    Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

    Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

    Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

    Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land

    Region IX Our.. Eden... Land...

    The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed that I was walking along the beach with the LORD.

    In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong to me and the other to the LORD.

    Then, later, after a long walk, I noticed only one set of footprints.

    “And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am sad and helpless?”

    And the LORD replied “My son, My son, I have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it was then that I CARRIED YOU!

    I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a tree.