Z P Araling Panlipunan · 2021. 1. 28. · Republic of the Philippines Department of Education...

15
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 3: Mga Konsepto ng Supply Zest for Progress Zeal of Partnership 9 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Transcript of Z P Araling Panlipunan · 2021. 1. 28. · Republic of the Philippines Department of Education...

Page 1: Z P Araling Panlipunan · 2021. 1. 28. · Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul

Republic of the Philippines Department of Education

Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 3:

Mga Konsepto ng Supply

Zest for Progress

Zeal of Partnership

9

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

Page 2: Z P Araling Panlipunan · 2021. 1. 28. · Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul

BumuosaPagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lezette T. Tribujeña

Editor: Florence S. Gallemit

Lydia I. Kilapkilap

Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr.

Florence S. Gallemit Dr. JephoneYorong

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Name of illustrator/Photographer

Tagalapat: Peter Alavanza

Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III

Dr. Eugenio B. Penales

Sonia D. Gonzales

Dr. Ella Grace M. Tagupa

Dr. Jephone P. Yorong

Florence S. Gallemit

Name of District Supervisor/PICD

Allan D. Bendaño

Page 3: Z P Araling Panlipunan · 2021. 1. 28. · Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul

Alamin

Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa suplay sa pang araw-araw na pamumuhay.

Balikan

Maraming Pagpipilian. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel

1. Maliban sa presyo,may iba pang salik na nakaaapekto sa deman,bakit

mahalagang malaman ang mga salik na ito?

A. Upang madagdagan ang ating kaalaman.

B. Upang may masabi tayo tungkol dito.

C. Upang matalinong makatugon sa pagbabagong dulot ng mga salik na ito.

D. Upang magkaroon ng mataas na marka sa asignaturang Araling Panlipunan

2. Ang pagbabago sa kita ng tao ay maaaring makapagbabago ng demand para sa

isang partikular na produkto,ano ang tawag sa mga produktong tumaas ang

demand kasabay sa pagbaba ng kita.

A. normal goods

B. inferior goods

Page 4: Z P Araling Panlipunan · 2021. 1. 28. · Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul

C. local goods

D. can goods

3.Ang susumusunod ay mga sitwasyon na maaaring makapapataas ng demand ng mga

mamimili,alin dito ang hindi kabilang?

A. Bandwagon effect,mabilis na pagdami ng populasyon.

B. Paglaki ng kita(nakatuon sa normal goods)

C. Pagiging lipas sa uso ng isang produkto

D. Inaasahan ng mamimili na tataas ang presyo

4.Kapag may pagtaas ng kita,paano mo gastusin ang iyong pera?

A. Unahin ang mahalagang bagay na dapat bilhin.

B. Mag-aabang sa lahat ng mga sales na produkto kahit hindi mo pagagamitin bilhin

muna habang mababa ang presyo.

C. Bibili ng marami kahit mauubos ang pera magkakapera pa naman ulit.

D. Bilhin ang lahat na gustong bilhin lalo na ang mga bagay na hindi ko nabili noon.

5. Paano mo matugunan ang mga pagbabagong dulot ng iba pang mga salik na nakaaapekto sa demand?

A. Kailangan ang matalinong pagtugon, pagplanuhang mabuti ang paggastos at maghanap ng alternatibo o pamalit sa mga produktong may mataas na presyo.

B. Hayaan na ang pamahalaan na maghanap ng paraan upang matugunan ang mga

pagbabagong dulot ng m na mga salik na nakaaapekto ng demand.

C. Kailangang uunahin ang sariling kapakanan,bilhin ang mga bagay nagdudulot ng

kasiyahan.

D. Magpapalibre na lng palagi nang sa ganun hindi mhihirapan sa usaping

pinansyal.

Tuklasin

Gawain 1: THREE PICS: ONE WORD

Kumpletuhin ang word puzzle ng bawat susuriing larawan. Matapos ito ay pag-ugnay-ugnayin ang inilahad ng bawat larawan upang mabuo ang hinihinging konsepto.Pumili ng mga letra upang mabuo ang salita o konsepto.

Aralin 3 Mga Konsepto ng Supply

Page 5: Z P Araling Panlipunan · 2021. 1. 28. · Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul

P __N__N__A N E__ __ S Y __ __ __ E P __ B R __ __ A

(Konsepto)

U N G P E L

Y P A B S M

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang mga salitang nabuo mula sa larawan? 2. Anong konsepto ang mabubuo mo batay sa mga larawan?

Suriin

Ang Konsepto ng Supply

Bilang tugon sa maraming pangangailangan ng tao, nabibigyan ng pagkakataon ang mga prodyuser na lumikha ng mga produkto at magkaloob ng serbisyo upang kumita. Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’tibang presyo sa isang takdang panahon.

Batas ng Supply

Isinasaad ng batas ng supply na mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo sa Quantity Supplied ng isang produkto. Kapag tumataas ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili. Kapag bumababa ang presyo, bumababa rin ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili (ceteris Paribus).

Ayon sa batas ng Supply, sa tuwing ang mga prodyuser ay magdesisyon na magprodyus ng produkto o magkaloob ng serbisyo, ang presyo ang kanilang pangunahing pinagbabatayan. Ipinapakita ng batas na ito na ang presyo ng produkto o serbisyo sa pamilihan ang pangunahing

Page 6: Z P Araling Panlipunan · 2021. 1. 28. · Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul

batayan ng prodyuser sa paglikha. Dahil dito, higit ang kanilang pagnanais na magbenta nang marami kapag mataas ang presyo.

Mga Mahahalagang Konsepto ng Supply

Supply Schedule

Ang supply schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo. Makikita sa ibaba ang supply schedule.

Supply Schedule ng Kendi

Presyo (pisobawatpiraso) Quantity Supplied Php 5 50

4 40 3 30 2 20 1 10 0 0

Ang iskedyul na makikita sa talahanayan ay tumutukoy sa quantity supplied para sa kendi sa iba’t ibang presyo. Halimbawa, sa halagang piso (php 1.00) bawat pirasong kendi, sampu (10) lamang ang daming handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser. Sa presyong (Php 2.00) bawat piraso, dalawampung (20) piraso naman ang handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser. Kung tataas pa ang presyo at maging limang piso (Php 5.00) bawat piraso ang kendi, kapansin-pansing magiging 50 ang magiging supply para dito. Malinaw na ipinapakita ang direktang ugnayan ng presyo at quantity supplied ng kendi para sa prodyuser.

Supply Curve

Isang paraan ng pagpapakita ng ugnayan ng presyo sa quantity supplied ay sa pamamagitan ng isang dayagram o graph, to ay tinatawag na supply curve. Ito ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity supplied.

Ang graph sa itaas ay batay sa schedule na nasa talahanayan. Kung ilalapat sa graph ang iba; ibang kombinasyon ng mga presyo at quantity supplied ay mabubuo ang supply curve para dito. Halimbawa, sap unto B ang presyo ay piso (Php1), sampu (10) ang dami ng kendi na gusto at handing ipagbili ng prodyuser; sap unto C na ang presyo ay dalawang piso (Php2), dalawampu (20) ang dami ng ng kendi na gusto at handang ipagbili ng prodyuser. Kung tuntunin ang mga puntong ito hanggang punto F ay makabuo ng isang kurbang pataas o upward sloping curve. Ang kurbang ito ay nagpapakita ng direktang ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at handang ipagbili ng mga mamimili. Ang paggalaw sa kurba mula punto B papunta ng punto C ay nagpapakita sa pagtaas ng supply ng sampung (10) piraso ng

Page 7: Z P Araling Panlipunan · 2021. 1. 28. · Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul

kendi. Kapag ang presyo naman ay bumaba ng piso makikita sa graph na bumababa ang quantity supplied sa sampung (10) piraso.

Ipinapakita sa graph sa itaas ang paggalaw sa supply curve. Mangyayari ang paggalaw sa supply curve kung ang salik na nakaaapekto ay ang sariling presyo ng produkto na pagbabago. Kung ang presyo ng kendi ay tumaas mula Php1 tungong Php2, makikita sa graph na lilipat ang punto B sa punto C. Kung ang bababa naman ang presyo mula Php5 tungong Php4, ang punto F ay lilipat sa punto E.

Supply Function

Ang isa pang paraan ng pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied ay sa pamamagitan ng supply function. Ang supply function ay ang matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied. Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba:

Qs = f (P)

Ang Qs o quantity supplied ang tumatayong dependent variable, at ang presyo (P) naman ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qs sa pagbabago ng presyo. Ang presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser. Isa pang paraan ng pagpapakita ng supply functionay sa equation na:

Qs = c + bP

Kung saan:

Qs= dami ng supply

P= presyo

c= intercept (ang bilang ng Qs kung ang presyo ay 0)

d= slope= ∆𝑸𝒔∆𝑷

Nagsasaad kung ang relasyon ng P at Qs ay positive o negative. Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa dami ng supply sa bawat pisong pagbabago sa presyo.

Upang mapatunayan na ang datos sa supply schedule sa itaas at ang supply function ay iisa, suriin at pag-aralan ang kompyutasyon sa ibaba:

Supply Function mula sa Supply Schedule para sa kendi: Qs = 0 + 10P.

Kapag ang P=1 Qs=? Kapag ang P=10 Qs=?

Qs=0 + 10P Qs=0 + 10P

Page 8: Z P Araling Panlipunan · 2021. 1. 28. · Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul

Qs=0+ 10(1) Qs=0 + 10(5)

Qs=0 + 10 Qs=0 +50

Qs=10 piraso Qs=50 piraso

Gamit ang supply function ay makukuha ang dami ng quantity supplied kung may given na presyo. I-substitute ang presyo na piso sa I na P at I-multiply ito sa slope +10, ang makukuhang sagot ay idadagdag sa 0 (intercept). Mula ditto ay makukuha ang sagot na 10 na quantity supplied. Sa ikalawang halimbawa, ang presyo na 5 ay i-multiply sa 10. Ang naging quantity supplied ay 50.

Pagyamanin Gawain 2: TAMA o MALI

Isulat ang T kung ang sumusunod na pahayag ay tama at M naman

kung mali.

_____1. Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at

kayang ipagbili ng mga prodyuser sa takdang presyo at panaho.

_____2. Ang ugnayan ng presyo at quantity supplied ay maaaring ipakita gamit ang

supply schedule, supply curve, at supply function.

______3. Ayon sa Batas ng Supply, ang presyo at quantity supplied ay may di-

tuwirang relasyon.

______4. Ang slope ng supply function ang magtakda kung ang ugnayan ng presyo

at supply ay positibo o negatibo.

_____5. Ang ceteris paribus assumption ay nagsasaad na ang ugnayan ng presyo at

supply na may magkasalungat na relasyon.

Isaisip

Punan ang patlang ng mga angkop na salita upang mabuo ang kaisipan na nais ipahayag. Piliin lamang sa loob ng kahon ang mga angkop na salita.

Presyo serbisyo

Direkta supply schedule

Supply curve Prodyuser

Supply Supply function

Quantity supplied produkto

Page 9: Z P Araling Panlipunan · 2021. 1. 28. · Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul

Bilang tugon sa maraming pangangailangan ng tao, na bibigyan ng pagkakataon ang mga _____________ na lumikha ng mga produkto at magkaloob ng serbisyo upang kumita. Ang __________ ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang __________ sa isang takdang panahon.

Isinasaad ng batas ng supply na mayroong ___________ o positibong ugnayan ang presyo sa ____________________ ng isang produkto. Kapag tumataas ang presyo, tumataas din ang dami ng ___________ o serbisyo na handa at kayang ipagbili. Kapag bumababa ang presyo, bumababa rin ang dami ng produkto o ____________ na handa at kayang ipagbili (ceteris Paribus).

Higit na mauunawaan ang konsepto ng supply kung gagamit ng iba’t ibang pamamaraan. Ang _________________ ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gusting ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo. Maipapakita rin ang ugnayan ng presyo sa quantity supplied sa pamamagitan ng isang dayagram o graph, ito ay tinatawag na _________________________. Ang isa pang paraan ng pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied ay sa pamamagitan ng matematikong pagpapakita at paggamit ng equation, ito ay tinatawag na ___________________.

Tayahin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Sa Ekonomiks, pinag-aralan kung paano matutugunan ang walang katapusang

pangangailangan ng tao. Ang gawaing ito ay tung kulin ng prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser?? A. Demand C. Produksyon B. Ekwilibriyo D. Supply

2. Ano ang tawag sa isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng

mga prodyuser sa iba’tibang presyo? A. Supply Schedule C. Quantity supply B. Demand Schedule D. Quantity demand

3. Ito ay isang konsepto sa ekonomiks na nagpapakita ng relasyon o serbisyo at ang

kantidad na naisuplay sa isang takdang panahon. A. Demand curve C. Supply curve B. Supply schedule D. Demand schedule

4. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa matematekong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied?? A. Supply function C. Supply curve B. Demand function D. Demand curve

Page 10: Z P Araling Panlipunan · 2021. 1. 28. · Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul

5. Ipinapakita ng batas na ito na ang presyo ng produkto o serbisyo sa pamilihan ang

pangunahing batayan ng prodyuser sa paglikha ng prodyuser. A. Batas ng Supply C. Konstitusyon B. Batas ng Demand D. Supply schedule

6. (Analohiya) Demand: Konsyumer, Supply:_____________

A. Pamilihan C. Prodyuser B. Konsyumer D. Negosyante

7. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng presyo sa

pamilihan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag nito? A. Pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga ng karapatan ng mga konsyumer. B. Paghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo C. Paghuli sa mga illegal vendors na nagkalat sa paligid.

D. Pagtatakda ng price ceiling at price floor upang mgakaroon ng gabay sa presyo ng bilihin.

8. Ito ang kaganapan na kung saan parehong nagtamo ng kasiyahan ang prodyuser at konsyumer. A. Pamilihan C. disekwilibriyo B. Ekwilibriyo D. serbisyo

9. Ayon sa Batas ng Supply, sa tuwing ang mga prodyuser ay magdedesisyon na

magprodyus ng produkto o magkaloob ng serbisyo, ang ____________ ang kanilang pangunahing pinagbabatayan. A. Presyo C. Puhunan B. Kita D. Kustomer

10. Bakit kailangang pag-aralan ang tungkol sa Konsepto ng supply?

A. Ito ay nakatutulong para umasenso B. Ito ay parte ng kurikulum na dapat pag-aralan C. Ito ay nakatutulong upang maging isang mahusay na negosyante D. Ito ay nakatutulong upang magkaroon ng matalinong pagdedesisyon tungo sa

pambansang kaunlaran.

Karagdagang Gawain

Gawain 2: I-GRAPH MO!

Ilipat sa graph ang mga punto na makikita sa supply schedule sa kaliwa upang mabuo ang supply curve.

Presyo (Php) BawatPiraso

Quantity Supplied

5 50

10 100 15 150

P

Page 11: Z P Araling Panlipunan · 2021. 1. 28. · Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul

Pamprosesong tanong:

1. Ano ang quantity supplied sa presyong Php30? 2. Ano ang nangyari sa quantity supplied nang bumaba ang presyo sa Php10? 3. Paano inilalarawan ng supply curve ang batas ng supply?

Gawain 3: SU-DA-KU (SURI, DATOS, KURBA)

Nalalapit na ang pagsisimula sa buwan ng Agosto, kaya inaasahan ang pagtaas ng presyo ng school supplies partikular sa kwaderno. Gamit ang supply function na Qs=0+50P at itinakdang presyo sa ibaba, bumuo ng hypothetical na iskedyul na magpapakita ng iyong desisyon kung ilang kwaderno ang handa mong ipagbili. Matapos ito ay i-plot ang iskedyul upang mabuo ang supply curve.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong pangunahing dahilan para lumikha ng maraming produkto at serbisyo? 2. Kung ikaw ay isang negosyante/nagtitinda, ano ang dapat mong isaalang-alang

maliban sa kumita? Ipaliwanag.

Gawain 4: MAG-COMPUTE TAYO!

Kompyutin ang sumusunod na talahanayan gamit ang datos na nasa

ibaba.

A. Supply Function na Qs=0+5P

20 200 25 250

Presyo (Php) ngKwaderno

(P)

Dami ng ibebenta (Qs)

15 12 9 6 3

Presyo (Php) Qs

2

20

P

Qs

Page 12: Z P Araling Panlipunan · 2021. 1. 28. · Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul

Susi sa Pagwawasto

6 40

10

Tuklasin 3-pics-1-word

PANINDA

NEGOSYANTE

PABRIKA

Konsepto

SUPPLY

Balikan

1. C 2. B 3. C 4. A 5. A

Tayahin

1. D 6. C 2. A 7. D 3. C 8. B 4. A 9. A 5. A 10. D

Pagyamanin 1. T 2. T 3. M 4. T 5. M

Isaisip 1. Prodyuser 2. Supply 3. Presyo 4. Direkta 5. Quantity

supplied 6. Produkto 7. Serbisyo 8. Supply

schedule 9. Supply curve 10. Supply

function

Qs

Page 13: Z P Araling Panlipunan · 2021. 1. 28. · Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul

Pagyamanin

A. I-GRAPH Mo!

B. SU-DA-KU (SURI, DATOS, KURBA)

Presyo (Php) ng Kwaderno (P)

Dami ng ibebenta

(Qs) 15 750 12 600 9 450 6 300 3 150

0 150 300 450 600 750

0 50 100 150 200 250

25

20

15

10

5

0

Page 14: Z P Araling Panlipunan · 2021. 1. 28. · Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul

Sanggunian:

Araling Panlipunan9 Teacher’s Guide EKONOMIKS Araling panlipunan (Modyul Para sa Mag-aaral) 147-152

C. MAG-COMPUTE TAYO!

Presyo (Php) Qs

2 10 4 20

6 30 8 40 10 50

Page 15: Z P Araling Panlipunan · 2021. 1. 28. · Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul

1

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land

Region IX Our.. Eden... Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed that I was walking along the beach with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong to me and the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am sad and helpless?”

And the LORD replied “My son, My son, I have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it was then that I CARRIED YOU!

I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a tree.