Grade 9 (Alternative) Araling Panlipunan III - Learning Module for Effective and Alternative...
description
Transcript of Grade 9 (Alternative) Araling Panlipunan III - Learning Module for Effective and Alternative...
Compilation by Ben: [email protected]
COMPILATION OF LEARNING MODULES
GRADE 9 (Alternative)
ARALING PANLIPUNAN
Effective and Alternative Secondary Education
(EASE) First Year
Compilation by Ben: [email protected]
CONTENTS
Modyul 01 ‐ Hegrapiya ng Daigdig Modyul 02 ‐ Mga Unang Tao Modyul 03 ‐ Ang Mga Unang Kabihasnan Modyul 04 ‐ Ang Pagsibol ng Sibilisasyong Griyego Modyul 05 ‐ Republika at Imperyong Romano Modyul 06 ‐ Sinaunang Aprika Modyul 07 ‐ Kabihasnang Klasikal sa Amerika at Pacifico Modyul 08 ‐ Ang Simbahang katoliko Isang Makapangyarihang In Modyul 09 ‐ Sistemang Piyudal OK Modyul 10 ‐Bourgeoisie, Merkantelismo at Monarkiyang Nasyona
Modyul 11 ‐ Ang Renaissance _Muling Pagsilang_ Modyul 12 ‐ Ang Repormasyon Modyul 13 ‐ Rebolusyong Siyentipiko at Industriyal Modyul 14 ‐ Panahon ng Eksploras at pagpalawak ng Teritoryo Modyul 15 ‐ Ang Rebolusyong Pampulitika sa Pransiya at Ameri Modyul 16 ‐ Ang Pag‐unlad ng Nasyonalismo Modyul 17 ‐ Labanan ng mga Bansa sa Daigdig Modyul 18 ‐ Mga Ideolohiyang Laganap Modyul 19 ‐ Cold War Modyul 20 ‐ Neo‐Kolonyalismo Modyul 21 ‐ Ang Paligsahan sa Armas Modyul 22 ‐ Populasyo Modyul 23 ‐ Pag‐unlad ng Teknolohiya Modyul 24 ‐ Karapatang Pantao
1
ARALING PANLIPUNAN III
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 1
HEOGRAPIYA NG DAIGDIG
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
2
MODYUL 1 HEOGRAPIYA NG DAIGDIG
Mag-aaral, alam mo ba kung kailan at paano nabuo ang daigdig? Bawat bagay
ay may simula. Maging ang daigdig ay may pinagmulan Ang pisikal na
kaanyuan nito ay hinubog ng maraming kadahilanan sa iba't ibang panahon.
Upang tugunan ang mga katanungang hinggil sa heograpiya ng daigdig, saglit
tayong maglalakbay sa nakaraan at aalamin natin ang mga teorya tungkol sa
pinagmulan ng ating daigdig. Sisiyasatin din natin ang maraming pisikal na katangian at
kamangha-manghang bagay tungkol sa heograpiya ng daigdig upang lalo natin itong
mapahalagahan.
May tatlong araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Mga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng Daigdig
Aralin 2: Pisikal na Katangian ng Daigdig Bilang Panahanan ng Tao
Aralin 3: Kahalagahan ng Heograpiya sa Kasaysayan
Pagkatapos ng modyul na ito ay inaasahang malilinang sa iyo ang mga
sumusunod na kasanayan:
1. Masusuri ang mga teoryang siyentipiko at teoryang panrelihiyon tungkol sa
pinagmulan ng daigdig;
2. Masusuri at mapahahalagahan ang katangiang pisikal ng daigdig bilang
tirahan ng tao;
3. Maipaliliwanag ang kahalagahan ng heograpiya sa kasaysayan; at
4. Masusuri ang kaugnayan ng heograpiya sa mga pandaigdigang penomena.
Bago ang lahat, sagutin mo muna ang inihandang panimulang pagsusulit.
3
PANIMULANG PAGSUSULIT: Panuto. Suriin ang mga pangungusap at bilugan ang titik ng tamang kasagutan.
1. Ayon sa teoryang ito, nagsimula ang daigdig sa pamamagitan ng pagbuo ng mga
masa ng hydrogen gas at atomic dust. A. Teoryang Planetisimal C. Teoryang Kolisyon
B. Teoryang Kondensasyon D. Teoryang Disrupsyong Solar
2. Sa teorya ni Georges Louis Lederc Buffon, nagmula ang sistemang solar sa
banggaan ng isang malaking kometa at ng araw.
A. Teoryang Panrelihiyon C. Teoryang Dynamic Encounter
B. Teoryang Kolisyon D. Teoryang Big Bang
3. Ang teoryang tungkol sa isang malaking bituin na bumangga sa araw.
A. Teoryang Disrupsyong Solar C. Teoryang Kondensasyon
B. Teoryang Planetisimal D. Teoryang Dynamic Encounter
4. Ang teoryang nagpapanukala na ginawa ang daigdig ng isang kinikilalang Diyos:
A. Teoryang Big Bang C. Teoryang Dynamic Encounter
B. Teoryang Kolisyon D. Teoryang Panrelihiyon
5. Teoryang dalawang malalaking bituin na nagbanggaan sa sansinukob:
A. Teoryang Dynamic Encounter C. Teoryang Planetisimal
B. Teoryang Kolisyon D. Teoryang Disrupsyong Solar
6. Ang mga guhit sa globo na patimog at pahilaga mula sa isang polo patungo sa isa
pang polo:
A. Latitud C. Ekwador
B. Longhitud D. Meridian
4
7. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking karagatan?
A. Atlantic C. Pacific
B. Indian D. Mediterranean
8. Pinakamalaking kontinente sa mundo kung saan naroon din ang pinakamalaking
populasyon sa daigdig:
A. Aprica C. Asya
B. Amerika D. Europe
9. Alin sa mga sumusunod ang nagdudulot ng matinding init at pagkatuyo ng lupa?
A. Pagkasira ng ekolohiya C. Pagkabutas ng Ozone Layer
B. El Niño D. Global Warming
10. Ang nangungunang dahilan ng pagkasira ng Ozone Layer.
A. Polusyon at paggamit ng kemikal C. Greenhouse effect
B. Global Warming D. El Niño
11. Ang kontinente ng ______ ay may hugis ng dahon at baluktot na puno:
A. Asya C. Australia at Oceania
B. Aprika D. Antarctica
12. Ang guhit sa globo na makikita sa kalagitnaan at pahalang sa pagitan ng timog at
hilaga:
A. Ekwador C. Longhitud
B. Parallel D. Meridian
13. Ang taas ng lupa mula sa dagat ay tinatawag na:
A. Burol C. Relief
B. Elebasyon D. Talampas
14. Ang kalupaan, katubigan, klima, at panahon ay bumubuo ng _______ ng daigdig.
5
A. Kabihasnan C. Heograpiya
B. Kabuhayan D. Kasaysayan
15. Alin sa mga teorya sa ibaba ang nagpapaliwanag ng pagsulpot ng mga kontinente?
A. Teoryang Continental Drift C. Big Bang
B. Teoryang Nebular D. Panrelihiyon
16. Alin sa mga sumusunod ang hindi mahalagang layunin ng pag-aaral ng heograpiya
ng daigdig?
A. Ang daigdig ay tahanan ng tao.
B. Humuhubog ito ng kabihasnan ng isang bansa.
C. Nakatutulong ito sa pagkakaunawaan ng mga tao.
D. Estratehiya ito ng mga bansa upang manalo sa digmaan.
17. Ang pagkakaroon ng iba't ibang gawaing pang-ekonomiya sa daigdig ay dulot ng:
A. klima at panahon.
B. porma at elebasyon ng lupa.
C. lawak at anyo ng katubigan.
D. lahat ng A, B, at C.
18. Ang heograpiya at kasaysayan ay:
A. hindi magkatulad.
B. may ugnayan sa isa’t isa.
C. magkatulad.
D. walang kaugnayan sa isa’t isa.
19. Alin sa mga pangungusap ang hindi kasama sa mga patunay na ang heograpiya
ay may mahalagang bahagi sa kasaysayan?
A. Hindi nasakop ng anumang bansa ang Thailand dahil sa relihiyon nito.
B. Natalo si Napoleon Bonaparte sa Rusya dahil sa matinding lamig noong
panahon ng kanyang pagsalakay doon.
6
C. Ang mga taga-Alaska ay may makapal na pananamit at nakatira sa
bahay na yelo o igloo.
D. Ayon kay Rizal, napagkamalang tamad ang mga Pilipino dahil sa init ng
klima sa Pilipinas.
20. Katungkulan ng tao sa daigdig na pangalagaan ang kalikasan upang:
A. magamit ang mga yamang-mineral sa mga digmaan.
B. huwag magalit ang Diyos sa tao.
C. magamit ang mga yamang-likas nang maayos para sa pagpapatuloy ng
buhay ng mga taong naninirahan dito.
D. mahikayat ang mga taga-ibang planeta na manahanan dito.
7
ARALIN 1 MGA TEORYA TUNGKOL SA PINAGMULAN NG DAIGDIG
Paano nagsimula ang daigdig? Ano ang paliwanag ng mga siyentista tungkol
dito?
Maraming haka-haka at paniniwala tungkol sa pinagmulan ng daigdig. Upang
maipaliwanag ang mga ito, nagbigay ang mga siyentista ng iba't ibang panukala gamit
ang mga datos na bunga ng pananaliksik. Tinawag na teorya ang mga panukalang ito.
Kahit iba-iba ang mga panukala, halos magkakatulad ang mga teorya ng mga
siyentista tungkol sa pinagmulan ng daigdig. Bagamat iba't iba ang naging pokus ng
bawat panukala o teorya, sa pangkalahatan, mapapangkat itosa tatlong uri lamang: gas
at ulap na nabuo, banggaan ng mga bituin, at pagsabog.
Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang ang mga sumusunod mong
karunungan:
1. Mailalahad ang mga teoryang pinagmulan ng daigdig;
2. Masusuri ang mga teoryang siyentipiko at panrelihiyon tungkol sa pinagmulan ng
daigdig; at
3. Makapagbibigay ng sariling kuru-kuro kung alin ang teoryang paniniwalaan.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Bago ka magsimula, pag-isipan mo ang mga sumusunod na katanungan.
Masagot mo kaya? Pagkatapos ay basahin mo ang teksto ng aralin at unawain mo ang
mga kataga at salitang iyong pinag-isipan.
Nasa loob ng mga kahon ang magulong ayos ng mga titik. Ayusin mo ito upang
mabuo ang isang salita na tinutukoy sa bawat bilang. May kaugnayan sa kasaysayan
ng ating planeta ang mga salitang ito:
8
1. Namumuong gas at alikabok
2. Teorya ng pagbabanggaan ng dalawang
malalaking bituin
3. NIlikha Niya ang lahat ng bagay
May buhay man o wala, ayon sa Bibliya
4. Natatanging planetang pinananahanan
o tinitirhan ng tao
5. Nagpanukala ng teoryang Continental Drift
Mga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng Daigdig Upang bigyan ng katugunan ang mga tanong kung paano nagsimula at nahubog
ang daigdig, iba't ibang teorya ang ipinanukala ng mga siyentista. Alin kaya sa mga
sumusunod na teorya ang higit na kapani-paniwala? Tunghayan natin ang iba't ibang
teorya ukol sa pinagmulan ng daigdig at ang iba't ibang pananaw na binibigyang-diin sa
mga ito. Ang mga panukala ng mga bumuo ng mga teoryang tatalakayin ay bunga ng
pananaliksik at malalim na pag-aaral at ginamitan ng maraming ebidensya.
a l e
n u b
l o c
i s i
n o i
o i k
n P o
g n
g i D
d
g i a
e r n
g
e W e
9
Teoryang Nebular
Ipinanukala ang teoryang ito ni Pierre Simon Laplace, siyentistang Pranses at
isang astronomer. Naniniwala siya sa katatagan ng sistemang solar at sa pinagmulan
nito. Ayon kay Laplace, nagmula sa nebula ang sistemang solar, kasama na ang
daigdig. Mga namumuong gas at alikabok ang nebula na nakikita sa kalangitan sa
pamamagitan ng mga radyasyong ultraviolet na nagmumula sa isang mainit na bituin.
Teoryang Dust-Cloud
Halos katulad din ito ng teoryang nebular. Ang pagkakaiba lamang, alikabok ng
mga meteorite ang nabuo sa halip na gas. Sinusugan ng ibang mga siyentistang
ebolusyonista ang mga naunang teorya tungkol sa gas o alikabok. Ayon sa kanila, nang
matuklap ang mga balat ng nabuong gas o alikabok mula sa mga meteorite sa
pamamagitan ng kondensasyon, lumamig at tumigas ang masa at naging mga planeta
sa kalawakan. Kabilang dito ang ating daigdig.
Teoryang Dynamic Encounter
Ipinanukala ang teoryang ito ni Georges Louis Leclerc Buffon, isang
naturalistang siyentistang Pranses. Ayon sa kanya, nagmula ang sistemang solar sa
banggaan ng isang malaking kometa at ng araw. Ang mga sangkap na nawala sa araw
ay nabuo at naging mga planeta. Katulad din ng mga teoryang nebular at dust-cloud
ang patutunguhan nito.
10
Teoryang Disrupsyong Solar
Tungkol naman sa isang malaking bituin na bumangga sa araw ang teoryang ito.
Ayon sa teorya, nagtalsikan sa kalawakan ang mga tipak na nagmula sa malaking bituin
na bumangga sa araw. Dahil sa lakas ng banggaan, naging malayo ang inabot ng mga
tumalsik na tipak mula sa malaking bituin. Subalit nagpatuloy pa rin ito sa pag-inog sa
araw dahil sa puwersang centrifugal. Ang mabilis at matagal na pag-inog ng mga ito sa
araw ang naging dahilan ng patuloy na pag-init at pagkakabuo ng bawat tipak.
Teoryang Planetisimal
Ayon sa teoryang ito, nagsama-sama at nagdikit-dikit ang mga kumpol-kumpol at
maliliit na mga planetoid at naging mga planeta kasama na ang daigdig. Nagmula ang
mga planetoid sa mga natatanggal na mga tipak ng mga bagay-bagay sa sansinukob
tulad ng mga bituin at kometa. Dahil sa mabilis na paggalaw ng mga bagay-bagay na
ito, natutuklap ang mga ibabaw na bahagi ng mga nabanggit na mga bituin at kometa.
Mabilis ding nagpaikut-ikot ang mga natutuklap na bahagi sa kalawakan sanhi ng
puwersang centrifugal at naging mga planeta pagkatapos ng maraming panahon.
Teoryang Kolisyon
May pagkakahawig ang teoryang ito sa disrupsyong solar at dynamic encounter.
Ang pagkakaiba lamang nito, dalawang malalaking bituin ang nagbanggaan sa
kalawakan sa halip na araw at bituin.
Ayon sa teoryang ito, may naganap na banggaan ng dalawang malalaking bituin
sa sansinukob. Napakalakas ng banggaan kaya't maraming tipak ang tumalsik mula sa
mga ito. Ang mga naturang tipak ang nagpaikut-ikot sa sansinukob at dumaan din sa
prosesong pinagdaanan ng mga planeta ayon sa mga naunang teorya.
11
Teoryang Big Bang
Sinasabi ng teoryang ito na nanatiling tahimik sa loob ng bilyun-bilyong panahon
ang sansinukob. Subalit noong 10 hanggang 15 bilyong taon na ang nakaraan may
malakas na pagsabog na yumanig sa kabuuan nito galing sa maliit na molekyul. Ang
mga tipak mula sa pagsabog ay patuloy na binubuong muli nang paulit-ulit sa
pamamagitan ng elementong Hydrogen na siyang kailangan sa pagsasaayos ng mga
nasirang bagay. Ayon sa isinusog na steady state theory, walang katapusan ang paulit-
ulit na pagbubuo hanggang sa nabuo ang planeta sa kalawakan.
Teoryang Continental Drift
Ipinanukala ni Alfred Wegner noong 1912, ang teoryang ito ay nagsasabi na ang
mga masa ng lupa sa nabuong planetang daigdig ay nagkaroon ng paggalaw,
naghiwalay, at napaanod sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Sanhi ito ng mga malalakas
na paglindol at pag-uga ng mga bato sa kailaliman ng kalupaan at karagatan ng
daigdig.
Teoryang Panrelihiyon
Lahat halos ng paniniwala o relihiyon ay nagpapanukala na nilalang ang daigdig
ng isang kinikilalang Diyos. Batay sa mga sinaunang relihiyon ng mga taga-
Mesopotamia, India, at maging sa Pilipinas, may higit na makapangyarihang puwersa
na naglalang sa sansinukob. Sa mga Kristiyano, nakasaad sa aklat ng Genesis sa
Bibliya ang kasaysayan ng paglalang ng Diyos sa sandaigdigan at sa mga tao sa buong
kalupaan.
12
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Matatandaan mo kaya ang mga halimbawa ng mga teorya tungkol sa pinagmulan
ng daigdig? Pagtapat-tapatin ang teorya at panukala ng bawat isa sa pamamagitan ng
paglalagay ng titik ng tamang sagot sa patlang sa Hanay A.
Hanay A Hanay B
___1. Dynamic Encounter A. Dahil sa pagkakauga ng mga bagay sa ilalim ng
kalupaan nagkaroon ng paghihiwalay ang malalaking
masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.
___2. Kondensasyon B. Ayon sa teoryang ito, ang alikabok ng mga
meteorites ay nabuo at nagging mga planetang
pinagmulan ng daigdig.
___3. Big Bang C. Ang sistemang solar, kasama ang daigdig ay
bahagi ng isang nebula o namumuong gas at
alikabok sa kalawakan.
___4. Planetisimal D. Nagsasabi na ang sistemang solar ay nagsimula
sa banggaan ng isang malaking kometa at ng araw.
___5. Panrelihiyon E. Nagsimula ang daigdig sa pamamagitan ng
paglamig at pagbuo ng mga masa ng gas at
alikabok.
___6. Disrupsyong Solar F. Isang malaking bituin ang bumangga sa araw at
nagkatipak-tipak.
___7. Kolisyon G. Nagsama-sama at nagdikit-dikit ang mga kumpul-
kumpol na mga planetoid na naging mga planeta
kasama na ang daigdig.
___8. Dust Cloud H. May dalawang malalaking bituin ang
nagkabanggaan sa kalawakan at nagkapira-piraso na
siyang pinagmulan ng mga planeta.
13
___9. Nebular I. May isang nakakagimbal na pagsabog buhat sa
isang maliit na molekyul. Bawat tipak ay muling
nabuo sa pamamagitan ng hydrogen. Walang
katapusan ang paulit-ulit na pagbubuo hanggang
sa nagkaroon ng mga planeta sa sansinukob.
___10. Continental Drift J. Ginawa ang daigdig ng isang kinikilalang Diyos.
Tandaan Mo! Iba’t iba ang mga teorya tungkol sa pinagmulan ng daigdig: ang
teoryang nebular, dust cloud, dynamic encounter, kondensasyon,
disrupsyong solar, planetisimal, kolisyong big bang, at continental drift.
Nasasaad sa teoryang panrelihiyon kung paano nilikha ng Diyos ang daigdig at mga
tao rito.
Bawat teorya ay nagsasaad ng panukala ng mga bumuo nito at ginagamitan ng
maraming ebidensya mula sa pagsasaliksik.
Gawain 3: Paglalapat Alin sa nga teorya tungkol sa pinagmulan ng daigdig ang higit na kapani-
paniwala para sa iyo? Bakit? Ipaliwanag mo ang iyong kuro-kuro sa
pamamagitan ng tatlong talata at magbigay ka ng mga dahilan kung bakit mo napili ang
teoryang iyon.
14
ARALIN 2 PISIKAL NA KATANGIAN NG DAIGDIG BILANG PANAHANAN NG TAO
Mahalagang pagtuunan ng pansin sa ating pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig
ang pisikal na katangian nito sapagkat nakaaapekto ito nang malaki sa kilos at gawain
ng tao.
Pagkatapos ng aralin inaasahang malilinang ang mga sumusunod mong
kasanayan:
1. Matatalakay ang grid ng daigdig;
2. Mailalarawan ang mga anyong lupa at tubig at ang pagkakaugnay ng mga ito;
3. Masusuri ang mga kontinente ng daigdig at pinagmulan ng mga ito; at
4. Mapahahalagahan ang impluwensya ng katangiang pisikal ng daigdig sa
paghubog ng ating katauhan.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Pag-aralan mo ang globo ng daigdig sa ibaba. Makapagbibigay ka kaya ng
mga pisikal na katangian ng daigdig? Subukan mo sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga tanong na ito:
1. Ano ang hugis ng daigdig? Sang-ayon ka ba dito? Bakit?
2. Anu-ano ang mga kalupaang bumubuo sa daigdig?
3. Anu-ano naman ang mga katubigan at karagatang bumubuo dito?
4. Ano ang iba pang katangian ng daigdig na matutukoy mo?
15
Pisikal na Katangian ng Daigdig Bilang Panahanan ng Tao Binubuo ang pisikal na katangian ng daigdig ng kalawakan, kalupaan, klima,
katubigan, buhay-halaman, buhay-hayop, at mga mineral. Nakaiimpluwensiya ang
bawat katangian sa isa't isa. Ang sistema ng halaman o behetastasyon, halimbawa, ay
nakasalalay sa nagbabagong klima na dulot naman ng nagbabagong temperatura at
presipitasyon. Ang mga hayop ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagkain ng halaman
o sa pagkain ng ibang hayop at lamang-dagat at lupa. Gayundin, ang mga halaman ay
may benepisyong nakukuha buhat sa mga tao.
llan lamang ang mga nabanggit sa mga pisikal na katangian ng nagbabagong
daigdig. Upang maunawaan mo ang mga iyon, tatalakayin natin ang kaanyuan at galaw
ng daigdig.
16
Grid ng Daigdig
Kung napansin mo ang globo sa simula ng aralin, mapapansin mo na oblate
spheroid ang hugis ng daigdig na nagiging patag sa mga polo. Upang masukat ang
kinaroroonan ng isang lugar, naglagay ang tao ng mga kathang-isip na guhit sa mundo.
Nagsisimula ito sa magkabilang dulo ng mga polo na may tawag na Timog Polo sa
bandang itaas at Hilagang Polo sa bandang ibaba. Ang guhit na makikita sa kalagitnaan
at pahalang sa pagitan ng hilaga at timog ay tinatawag na ekwador. Ang maliliit na mga
bilog na naka-parallel sa ekwador at ng polo. Tinatawag itong parallel ng latitud dahil sa
kanilang relasyon sa ekwador.
Meridian
Ito ang mga guhit patimog at pahilaga at nagsisimula sa isang polo patungo sa
isang polo. Sa wikang Latin, tanghali ang kahulugan ng meridian, kaya lahat ng pook na
bumabaybay sa kahabaan ng isang guhit meridian ay sabay-sabay na nakakaranas ng
katanghalian. Ibig sabihin nito, nakatutok sa kanila ang sikat ng araw. Dito rin kinuha
ang salitang ante meridian na pinaikli sa A.M. na ang ibig sabihin ay "bago sumapit ang
tanghali." Ang post meridian naman o P.M. ay nangangahulugang "pagkalipas ng
tanghali."
Parallel
Ito ang guhit na kaagapay o parallel sa kapwa nito guhit at walang paraan para
sila magsalubong. May apat na mahalagang parallel ang naiguhit sa umiinog na daigdig
sa pamamagitan ng sinag ng araw. Ito ang Arctic Circle, Tropic of Cancer, Tropic of
Capricorn, at ang Antarctic Circle.
17
Latitud
Ito ang tawag sa pagitan ng dalawang guhit ng parallel. Bawat pagitan ay may
sukat na 10° o 15°. Ito rin ang pagitan ng layo ng isang punto sa hilaga o timog ng
ekwador.
Longhitud
Ito ang tawag sa sukat o pagitan ng isang guhit sa silangang Prime Meridian at
sinusukat ng digri. Sa pagbibigay ng lokasyon ng isang pook sa daigdig, nakasanayan
nang sabihin muna ang latitude, susundan ng longhitud at daragdagan ng direksyon
(kung timog, hilaga, silangan, o kanluran).
Pag-inog ng Daigdig at Batayang Oras
Patuloy ang daigdig sa pag-inog sa kanyang axis habang umiikot ito sa araw.
Taliwas ito sa paniniwala noong sinaunang panahon na hindi gumagalaw. Nakagagawa
ito ng kumpletong pag-inog sa kanyang aksis sa loob ng 24 oras. Ang bilis ng paggalaw
ng mga puntos sa ekwador habang umiinog ito ay 1,609 kilometro bawat oras.
Nababawasan ang bilis na ito habang papalapit sa magkabilang polo.
Inaabot naman ng 365 1/2 araw, sa bilis na 107,016 kilometro bawat oras, ang
pag-ikot ng daigdig sa araw. Hindi natin nararamdaman ang mga nasabing pag-ikot
dahil matatag at napakalaki nito kung ihahambing sa tao at mga bagay.
Tulad ng nabanggit, umaabot ng 24 na oras ang isang pag-inog ng daigdig sa
kanyang axis. Kung magsisimula ang pagtatala ng pag-inog na ito sa hatinggabi ay
aabot ito hanggang sa susunod na hatinggabi. Kaya gumagalaw ang daigdig ng 15
minuto bawat oras o isang galaw bawat apat na minuto. Unti-unting pumapailanlang sa
18
pakiramdam natin ang araw sa ganitong pagkilos patungo sa kanluran dahil umiinog
ang daigdig patungo sa silangan.
Mga Anyong Lupa at Tubig
Bumubuo lamang ang kalupaan ng 29.2 bahagdan ng kabuuang daigdig at
nahahati-hati ito sa apat na malalaking rehiyon: EurAsya-Aprica - tripleng kontinente ng
Europa, Asya, at Aprica; Amerika - dobleng kontinente ng Timog at Silangang Amerika;
Antarctica; at Australia kasama ang Oceania.
Ang mga nabanggit na apat na rehiyon ay bumubuo ng 93 porsyento ng 53.28
milyong milya kwadrado ng kalupaan. Bunga ng distribusyon ng mga nabanggit na
masa ng lupa, nahiwa-hiwalay nila ang katubigan sa tatlong pangunahing rehiyong
katubigan: Pacific Ocean; Atlantic Ocean at maliit na karagatang Arctic; at Indian
Ocean. Para sa mga oceanographer o mga siyentista na nag-aaral tungkol sa
karagatan ng daigdig, tatio lamang ang matatawag na karagatan: ang Atlantic, Pacific,
at ang Indian. Ang Pacific ang pinakamalawak at sumasakop sa halos ikatlong bahagi
(1/3) ng daigdig.
Mga Masa ng Lupa
May iba't ibang pagkakabuo at kaanyuan ang ibabaw na bahagi ng lupa. Batay
sa laki, sukat, o kalagayan ang pagkakabuo ng mga ito. Batay naman sa hugis ang
kaanyuan ng lupa. Una nating talakayin ang tungkol sa pagkakabuo ng mga masa ng
lupa.
19
Pisikal na Anyo ng Lupa
May malaking kinalaman sa likas na kayamanan at pamumuhay ng mga tao ang
pisikal na anyo ng lupa. Kabilang dito ang mga bundok, burol, kapatagan, lambak,
talampas, bulkan, baybayin, at disyerto.
a. Bundok- Matataas na pook ang bundok ba binubuo ng bato at lupa. Maaaring
napakataas nito tulad ng Bundok Everest sa Himalayas, ang pinakamataas na bundok
sa mundo. May taas itong 8,848 metro mula sa lebel ng dagat.
b. Burol- Malaking umbok ng lupa ang burol o gulod. Higit itong maliit kaysa
bundok. Karaniwan, bahagi rin ng mga bundok ang burol at nasa mababang bahagi
nito.
c. Kapatagan- Isang malawak at mababang masa ng lupa ang kapatagan.
Angkop na angkop ito sa pagsasaka at pangangalakal.
Kalupaan
Upang pag-aralan at pangkat-pangkatin ang paggamit ng mga heograpo,
gumagamit ng sistema ng klasipikasyon na tinatawag na slope. Ito ang digri ng
pagkakaiba ng ibabaw ng lupa mula sa kaligiran at nag-iiba-iba mula 0 hangang 90
digri. Maaari itong sukatin sa angular na digri, porsyento, o sa isa hanggang 310 metre.
Apat na Tipo ng Kalupaan
Relief at elebasyon ang iba pang mahahalagang pagpapakahulugan na
ginagamit ng mga heograpo. Relief ang sukat sa pagitan ng pinakamataas at
pinakamababang lawak ng lugar, samantalang ang elebasyon ang taas mula sa lebel
ng dagat.
20
Ang Mga Kontinente sa Daigdig
Sa pakahulugan ng mga siyentipiko, mayroon lamang apat na kontinente. Subalit
dahil sa nakasanayan na ng tao, may itinuturing ang daigdig na pitong kontinente.
Mapupuna na nag-iiba-iba ang sukat ng kalupaan dahil sa paiba-iba rin ang paraan ng
pagsukat ng kani-kaniyang nasasakupan. Ang pagkakaiba, halimbawa, ay kung kasali
ba ang mga panloob na katubigan at mga baybayin o hindi.
SUKAT KONTINENTE
Milya Kwadrado Kilometro Kwadrado
1. Asya 17 120 000 44 390 000
2. Europe 4 054 050 10 500 000
3. Africa 11 710 500 30 330 000
4. North America 9 266 400 24 000 000
5. South America 6 872 580 17 800 000
6.Antarctic 5 470 000 14 160 000
7. Australia at Oceania 2 972 970 7 700 000
Kabuuan 57 466 500 148 829 000
ANG PINAGMULAN NG MGA KONTINENTE Ayon sa teoryang continental drift, nang may 200 milyong taon na ang nakaraan,
ang mga kalupaan sa daigdig ay magkakadugtong at bumubuo ng isang dambuhalang
kontinente sa gitna ng dagat Panthalassa. Kung tawagin ang kontinenteng ito ay
Pangaea. Pagkaraan ng 100 milyong taon, dahil sa tinatawag na continental drift nahati
ang Pangaea sa dalawang malalaking sub-kontinente, sa hilagang hemispero. Ang
ikalawa ay tinawag na Gandwana Land, na napaanod naman sa timog hemispero at
nahati sa mga kontinente ng Timog Amerika at Aprika.
21
Nang lumaon, dahil sa patuloy na pag-kakaanod at pagkakahiwalay ng mga
kontinente, pito (7) ang nabuong kontinente na siya ngayong tinitirhan ng iba't ibang lahi
at nasyon sa daigdig. Ito ay ang mga sumusunod:
Asya- Pinakamalaking kontinente sa daigdig ang Asya. Halos sakop nito ang
ikatlong bahagi ng tuyong kalupaan ng mundo. Sa bandang hilaga nito ang Karagatan
ng Arctic at inihihiwalay ito ng Reef Sea sa kontinente ng Aprica. Ang pinakamalaking
Karagatan ng Pacific ang yumayakap sa kalakhan nito.
Europa- Higit na maliit at hindi regular ang korte ng Europa kaysa Asya.
Matatagpuan din ito sa Hilagang Hemispero. Mayroon itong tatlong pangunahing
peninsula sa silangan: ang Iberian Peninsula (binubuo ng Espanya at Portugal), Italya,
at ang Balkan Peninsula.
Aprica- Pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig ang Aprica.
Nakalatag ito nang halos pantay ang distribusyon ng lupain sa magkabilang bahagi ng
ekwador.
Hilagang Amerika- Malawak ang Hilagang Amerika mula silangan patungong
kanluran. Mahaba rin ito mula hilaga hanggang timog dahil sa mga pulo ng Arctic.
Binubuo ito ng malalaking bloke ng lupain na may sukat na 6,437 kilometre mula
silangan patungong kanluran kung magmumula sa Cape Race, Newfoundland
hanggang Cape Prince of Wales sa Alaska.
Timog Amerika- Tulad ng Aprica, nakalatag din ang Timog Amerika sa ekwador.
May sukat itong 7,725 km. mula hilaga hanggang timog. Mula silangan naman
hanggang kanluran, ito ay may sukat na 5,150 km.
Australia at Oceania- Binubuo ito ng mga lupain ng Australia, New Zealand, at
mga pulo sa mga karagatan sa silangan. Nahahati ito sa Micronesia, Polynesia, at
Melanesia. Ang Australia ay itinuturing ding isang bansang kontinente.
22
Antarctica- Tila isang madahon subalit baluktot na puno ang korte ng Antartica.
Hindi nakasentro ang Timog Polo. Mayroon din itong hugis baywang na may sukat na
1,609 km. sa Palmer Peninsula na nasa 63°S at sa dalawang Dagat ng Ross at
Weddell.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
23
ASYA EUROPA APRIKA HILAGANG
AMERIKA TIMOG
AMERIKA AUSTRALIA
AT OCEANIA
ANTARCTICA
1.
2.
3.
4.
5.
B. Iayos mo ang magugulong titik sa loob ng kahon upang makabuo ng sagot sa mga
katanungan sa kanan.
24
1. Super kontinente na nasa gitna ng dagat Panthalassa noong unang panahon 200 milyong taon na ang nakararaan.
Sagot: __________
2. Isa sa dalawang naging sub-kontinente dahil sa
pagkakahiwalay ng super kontinente sanhi ng
continental drift.
Sagot: __________
3. Isang bansang kontinente.
Sagot: __________
4. Sakop ng karagatang ito ang halos 1/3 na bahagi
ng daigdig.
Sagot: __________
Tandaan Mo! Bilang tirahan ng tao, ang pisikal na katangian ng daigdig o
heograpiya ay binibigyang-diin sa pag-aaral ng kasaysayan.
Ang galaw at pag-inog ng daigdig ang nagbigay-daan sa pagtatakda ng
oras, araw, buwan, at mga taon.
Upang magkaroon ng gabay sa paglalakbay sa daigdig at sa paglalarawan nito,
gumawa ang mga pantas ng likhang-isip na paghahati nito na tinawag na grid.
Ang panahanan ng mga tao sa daigdig ay nahahati sa pitong kontinente na
pinaghihiwalay ng mga dagat at karagatan: Asya, Europa, Aprika, Hilagang Amerika,
Timog Amerika, Australia at Oceania, at Antarktika.
a g e
P
e a n
a i a
L s r
u a
r i A
a t s
u a l
P i f
c
c a i
25
Gawain 3: Paglalapat Saang bahagi ng daigdig nakatira tayong mga Pilipino? llarawan ang Pilipinas,
ang kontinenteng kinabibilangan nito, ang mga katangiang pisikal nito, at ang mga
nakapaligid ditong kalupaan, mga bansa, at mga karagatan at dagat.
ARALIN 3 KAHALAGAHAN NG HEOGRAPIYA SA KASAYSAYAN
"Mahalagang malaman ang tungkol sa pisikal na aspeto ng daigdig dahil tahanan
ito ng tao," wika ng isang manunulat. Sumasang-ayon ka ba? Totoong mahalaga ang
kaalaman sa heograpiya ng daigdig sapagkat makatutulong ito upang lubos nating
maunawaan ang mga pangyayari sa kasaysayan. Tulad ng ibang disiplina ng Agham
Panlipunan (antropolohiya, sosyolohiya, agham pampulitika, sikolohiya, ekonomiks, at
linggwistika) ang heograpiya ay lubos na nakakaapekto sa mga tao at pangyayaring
nagaganap sa kasaysayan. llan lamang ang sumusunod na mga paliwanag sa
maraming kaugnayan at kahalagahan ng heograpiya sa kasaysayan ng daigdig.
Maaaring marami ka pang matutuklasan mula sa iba't ibang babasahin. Sa
ngayon, tutulungan ka ng araling ito upang tukuyin ang kahalagahan ng heograpiya sa
pag-aaral ng kasaysayan.
Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang ang mga sumusunod mong
kasanayan:
1. Maibibigay ang impluwensiya ng heograpiya sa kasaysayan at pagbabago ng
kabihasnan;
2. Matatalakay ang kaugnayan ng heograpiya sa mga pandaigdigang
penomena; at
26
3. Masusuri ang epekto ng porma ng lupa at epekto ng klima sa kapaligiran at sa
kabuhayan.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Pansinin mo ang larawan ng ating daigdig. Napakaganda, hindi ba? Bakit
mahalagang pangalagaan ng tao ang daigdig? Makapagbibigay ka ba ng ilang
katangian ng heograpiya ng daigdig? Subukan mong magbigay ng tatlong katangian.
1. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
27
Ang Heograpiya at Pag-Unlad ng Kabihasnan ng Daigdig
Kung mapapagmasdan mo ang kagandahan ng daigdig mula sa kalawakan,
marahil ay maiisip mo na may malaking impluwensiya ang pisikal na kaanyuan ng
daigdig sa paghubog ng kabihasnan ng mga taong nakatira dito. Tama ka. Ang
heograpiya ay hindi lamang tungkol sa pag-aaral ng pisikal na katangian ng daigdig.
Sinasaklaw din sa pag-aaral ng heograpiya ang pag-unawa at pagbibigay-paliwanag
kung paanong ang kapaligiran ay nakatutulong sa paghubog ng kabihasnan at sa mga
paraan ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.
Ang mga nakaraang pangyayari at mga pagbabago sa daigdig o kasaysayan ay
naipaliliwanag din sa pamamagitan ng pag-unawa sa pisikal na katangian ng mga
bansa sa daigdig. Isang halimbawa ang mga Phoenician. Habang namumuhay ang
sinaunang tao sa pagtatanim, naging magagaling namang mandaragat ang mga
Phoenician dahil ang lokasyon ng kanilang lugar ay nakaharap sa Dagat
Mediterranean. Gayundin, dahil sa mga ruta at daan sa pagitan ng mga karagatan at
mga kontinente, ang mga makapangyarihang bansa ay nakapagpalawak ng kanilang
teritoryo.
Heograpiya, Kultura at Kabuhayan
May malaking impluwensiya sa kultura ng tao ang kanilang kinalalagyan sa
ibabaw ng daigdig. Halimbawa, dapat magsuot ang mga Eskimo sa Alaska ng
makakapal na damit at tumira sa igloo upang malabanan nila ang lamig sa bahaging ito
ng daigdig. Kailangan namang magsuot ng makakapal na putong sa ulo ang mga Indian
sa mainit na lugar sa Kapatagan ng Deccan at mga tao sa Arabia upang malabanan
ang init dahil sa mainit na klima sa kanilang lugar. Ang mga istilo ng mga bahay sa pook
na nagyeyelo kung taglamig ay kakaiba sa mga tahanan ng mga tao sa tropikal na mga
bansa. Pangingisda ang ikinabubuhay ng maraming nakatira sa mga peninsula o hindi
kaya ay paglalayag o pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Higit na maunlad ang
28
kabuhayan ng mga bansang sagana sa likas na yaman kaysa mga bansang salat dito.
May kinalaman din ang heograpiya sa paniniwala o relihiyon ng mga tao.
Heograpiya at Kalagayang Pulitikal ng mga Bansa
Naging mahalaga ang heograpiya sa pagtatatag at pagbagsak ng mga bansa.
Naging makapangyarihan ang Carthage noong sinaunang panahon dahil nasa teritoryo
nito ang Dagat Mediterranean. Subalit nang mapasakamay ng mga Romano ang
nabanggit na dagat, bumagsak ang Carthage, nawalan ito ng halaga sa daigdig at
naging matatag naman ang Imperyong Roma. Mahalaga ang Dagat Mediterranean
sapagkat ito ang nag-uugnay sa mga bansa sa Europa, Asya, at Aprica.
Ang mga bansang nakatuklas ng ibang lupain sa ibang kontinente, gaya ng
Espanya at Portugal noong ika-14 na siglo, ay nakaungos sa ibang bansa dahil sa
kaalaman sa heograpiya at naging mga mananakop at maunlad na bansa. May mga
bansa ring naging maunlad dahil pinag-aralan nila ang paggamit ng mga yamang-likas
ng kanilang teritoryo o kaya'y tumuklas at gumamit ng mga yamang-likas ng ibang
lupain upang manguna sa kalakalan at mga gawaing pampulitika sa buong daigdig,
kagaya ng Inglatera at Amerika.
Kaugnayan ng Heograpiya sa mga Pandaigdigang Penomena Malaki ang kaugnayan ng heograpiya sa mga pandaigdigang penomena tulad ng
El Niño, global warming, greenhouse effect, bagyo, sandstorm, tornado, lindol, tsunami,
La Niña at iba pa. May iba't ibang epekto ang pagkakaiba-iba ng klima, elebasyon,
porma ng kalupaan, katubigan, behetasyon o sistema ng halaman, uri ng lupa, at
mineral, tulad ng mga sumusunod:
1. Ang porma o elebasyon ng lupa ay nakakaimpluwensiya sa klima. Naaapektuhan ng
elebasyon ang temperatura at patak ng ulan, ang epektong tinatawag na rain-
29
shadow sa mga bulubundukin, ang pababang pag-agos ng malamig na hangin sa
gabi, mga ihip ng hangin sa lambak at kabundukan, ang lakas at direksyon ng
hangin, at iba pa.
2. Naaapektuhan din ng porma at elebasyon ng lupa ang mga katubigan. Ang
presipitasyon, distribusyon ng katubigan, pagkawala ng tubig sa mababang lugar,
distribusyon ng karagatan, ilog at mga lawa ay nakasalalay sa taas o baba at anyo
ng lupa.
3. May epekto rin ang porma ng lupa sa behetasyon o sistema ng halaman. Dahil sa
epekto nito sa lupa at klima, iba-iba ang uri ng mga halamang tumutubo sa bawat
lugar.
4. Kaiba ang lupa na nabubuo sa malapit na bundok sa mga kapatagan kaysa doon sa
malapit sa dagat. Dahil dito, iba rin ang sistema ng pagtatanim, at mga gawaing
pang-ekonomiya sa bawat lugar. Ang mga lupang sagana sa mineral ay
nakapagbibigay ng ginto, pilak, tanso, at iba pang uri ng mineral na magagamit at
nagpapaunlad sa mga pamayanan. Ang mga bulubunduking may minahan ng mga
ginto at mineral ay matatag na sandigan ng maunlad na ekonomiya. Dahil dito,
maraming mga lupaing mayaman sa mineral ang nasakop noong panahon ng
kolonyalismo at pagpapalawak ng teritoryo.
5. Sa isang banda, ang klima rin ay may malaking epekto sa pag-iiba-iba ng
temperatura, pagkatuyo o pagkabasa ng lupa, at sa pagkabuo at pagkasira nito.
Reponsable ang klima sa sukat ng ulan at dami ng tubig na nasa kalupaan. Dahil sa
klima, iba-iba ang uri ng lupa sa maiinit at malalamig na lugar. Iba-ibang halaman
ang tumutubo sa iba’t ibang lugar batay sa lamig o init ng panahon. Dahil dyan, iba’t
iba rin ang uri ng mga kalakal na ipinagbibili ng mga bansa sa pandaigdigang
pamilihan.
30
llan lamang ang mga nabanggit na halimbawa sa mga nagiging kaugnayan ng
bawat salik ng heograpiya sa isa't isa at sa mga pandaigdigang penomena. Sa
kasalukuyan, nararanasan natin ang tindi ng init o global warming. Sinasabing matindi
ang init na nararanasan sa kasalukuyan kaysa naranasan ng mga tao 50 taon na ang
nakaraan. May maibibigay ka bang iba pang halimbawa?
Pangangalaga sa Daigdig Bilang Panahanan ng Tao
Ang daigdig ang tanging planeta sa sistemang solar na may atmospera na
nakapagsusustina ng buhay. Ito ay may sapat na gas o hanging oxygen upang
makahinga at makapanahan ang mga tao at hayop na nagbibigay naman ng carbon
dioxide para sa ikabubuhay ng mga halaman. Marami nang ginawang pagsubok ang
mga bansa tulad ng Estados Unidos at Unyong Sobyet upang alamin kung mayroon
pang ibang planetang matitirhan ng tao. Subalit wala pa ring makitang posibilidad ang
mga siyentista na mayroon ngang ganitong planeta. Dahil dito, nararapat na mahalin at
pangalagaan ng tao ang planetang ito na isang tanging panahanan ng mga tao at mga
bagay na may buhay sa mundo.
Sa kasalukuyan, maraming ebidensya na ang daigdig ay nanganganib. Ang
pagkabutas ng ozone /ayer sa atmospera ng daigdig ay may babalang panganib ng
matinding pag-init sa mundo o global warming sa panahong hinaharap. Ang sanhi nito
ay patuloy na pagtaas ng antas ng polusyon sa hangin, sa kalawakan, at sa ating
kalapit na kapaligiran.
Hindi lamang sa usok ng polusyon sa mga pabrika sanhi ng teknolohiya ang mga
nagpapadali ng pagkasira ng kapaligiran. Maging ang mga dumaraming bundok ng mga
basura ay nagdudulot din ng panganib. Ang walang habas na pamumutol ng kahoy sa
mga kagubatan ay nakapagdudulot ng matitinding baha at pagkaubos ng mga likas na
yaman sa mga bulubundukin at kagubatan.
31
Sa dahilang ang heograpiya ay kaugnay ng sistema ng pag-ikot ng buhay sa
sandaigdigan, kinakailangan ang masusing pag-aaral kung paano maililigtas ang
kalikasan sa pagkasira upang magpatuloy ang ikot ng buhay at ng kasaysayan.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Sa kasalukuyan, maraming suliraning pangkapaligiran ang hinaharap
ng daigdig dahil sa kapabayaan ng mga tao rito. Sa iyong palagay, ano ang
mga pinakamabigat na suliranin buhat sa sumusunod na tsart? Ipaliwanag kung bakit
mo napili ang mga iyon.Sa kasalukuyan ba ay nadarama mo ang epekto nito sa tao at
sa kapaligiran?
Tsart ng mga Suliraning Pangkapaligiran at Epekto sa Tao
(Pinagkunan: Michael Todaro, Economic Development, Seventh Edition, 2000)
Problemang
Pangkapaligiran
Epekto sa Kalusugan Epekto sa Kabuhayan
1. Polusyon sa tubig Pagkamatay ng 2 milyong
tao taun-taon dahil sa mga
sakit na dulot ng karumihan
at kakulangan ng tubig.
Pagkasira ng mga
palaisdaan at pagkasira ng
mga biyayang-dagat;
kakulangan ng tubig-
inumin.
2. Polusyon sa hangin 400 hanggang 700 milyong
tao ang nagkakasakit o
namamatay dahil sa mga
sakit na dulot ng polusyon
sa hangin.
Maging ang tubig-ulan ay
nagiging acid rain na
maaaring makamatay sa
tao, hayop, at halaman.
3. Problema ng basura Dumaraming sakit at
pagkalat nito sa iba’t ibang
kapuluan.
Nagdudulot ng polusyon sa
hangin at tubig na may
panganib sa buhay.
32
4. Pagkasira ng lupa Dahil sa madalas na
paggamit ng kemikal na
pataba, lalong nasisira ang
kondisyon ng lupa at
nagdudulot ng panganib sa
kalusugan ng tao.
Paggamit ng mga kemikal
na nakalalason at
nagdudulot ng panganib sa
buhay ng tao.
5. Pagkasira ng
kabundukan
Matitinding baha na may
kaakibat na pagkamatay ng
mga tao at dislokasyon sa
tirahan.
Pagkabawas ng
mapagkukunang-yaman
kaya’t maliit ang
produksyon at kita ng
bansa.
6. Pagkasira ng biodiversity Sa pagkasira ng natural na
prosesong ugnayan ng tao,
hayop, at halaman, nasisira
rin ang resistensya sa sakit
ng mga tao at hayop.
Unti-unting pagkawala ng
mga species ng halaman at
hayop sa kalupaan,
katubigan, at kalawakan.
7. Pagbabago ng
atmospera
Pagdami ng mga hindi
maipaliwanag na mga
bagong sakit, mga
kalamidad sa kalikasan, at
mga kaso ng kanser.
Pagkasira ng temperature
at panganib na dulot ng
mga kalamidad at sakit.
Tandaan Mo! Mahalaga ang pag-aaral ng heograpiya sa pag-aaral ng kasaysayan
sapagkat may kinalaman ito sa paghubog ng kabihasnan at ng iba’t
ibang aspeto ng kultura, pamahalaan, relihiyon, sining, ekonomiya, at
maging ang hinaharap ng mga tao at bansa sa daigdig.
Nakasalalay sa pangangalaga ng kalikasan at ng heograpiya ang kaligtasan ng
sangkatauhan.
33
Gawain 3: Paglalapat
Ang daigdig, ayon sa pagsasaliksik ng mga siyentista, ang tanging
planetang may atmospera at maaaring panahanan ng tao: samakatuwid, nararapat
lamang na pangalagaan ng tao ang daigdig at iwasan ang mga gawaing nakasisira rito.
Magbigay ka ng mga paraang sa palagay mo ay dapat gawin ng mga bansa sa buong
daigdig upang mapangalagaan ito.
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang
mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan?
Iba’t iba ang mga teorya tungkol sa pinagmulan ng daigdig: ang teoryang
nebular, dust cloud, dynamic encounter, kondensasyon, disrupsyong solar,
planetisimal, kolisyon at big bang, at continental drift. Nasasaad naman sa
teoryang panrelihiyon kung paano nilikha ng Diyos ang mundo.
Binubuo ang pisikal na katangian ng daigdig ng kalupaan, klima, katubigan,
buhay-halaman, buhay-hayop, at mineral. Nakaiimpluwensya ang bawat
katangian sa isa’t isa. Ang kakulangan o pagkasira ng isa ay lubos na
nakaaapekto sa iba.
Ayon sa mga siyentista, mayroon lamang apat na malalaki at magkakarugtong
na kontinente ang daigdig. Subalit dahil sa continental drift, binubuo ang daigdig
nagyon ng pitong kontinente: Asya, Europa, Aprica, Hilagang Amerika, Timog
Amerika, Antarctica, at Australia at Oceania.
Mahalagang mapangalagaan ng tao ang kapaligiran ng daigdig na kanilang
pinananahanan sapagkat ang pagkasira nito ay makapagdudulot ng panganib sa
buhay.
Ang kasaysayan at heograpiya ay magkaugnay. Nakasalalay sa pangangalaga
ng kalikasan at heograpiya ang kaligtasan ng sangkatauhan.
34
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sa teoryang kondensasyon, nabuo ang daigdig sa pamamagitan ng A. paglalang ng Diyos dito.
B. malaking pagsabog ng dalawang bituin.
C. pagkabuo ng masa ng hydrogen gas at alikabok o atomic dust.
D. pagkakabanggaan ng mga kometa.
2. Ayon sa teoryang dynamic encounter nagmula ang sistemang solar sa
banggaan ng
A. isang malaking asteroid at kometa.
B. isang malaking kometa at araw.
C. dalawang bituin.
D. maliliit na planetoid.
3. Sa teoryang disrupsyong solar, isang malaking bituin ang bumangga sa
A. planetoid C. kometa
B. araw D. nebula
4. Sa teoryang panrelihiyon, ang daigdig ay nabuo sa pamamagitan ng
A. pagkakaanod ng mga lupain.
B. pagsabog ng maliliit na molekyul.
C. pagbangga ng bituin sa araw.
D. paglalang ng diyos.
5. Sa teoryang kolisyon, ang mundo ay nanggaling sa mga tipak ng
nagbanggaang
A. dalawang malaiaking bituin.
B. kometa at araw.
C. mga kumpol ng planetoid.
D. asteroid at kometa.
35
6. Ito ang gumuguhit sa globo patimog at pahilaga mula sa isang polo hanggang sa isa
pang polo.
A. Parallel C. Latitud
B. Longhitud D. Meridian
7. Ang guhit ng globo na makikita sa kalagitnaan at pahalang sa pagitan ng hilaga at
timog.
A. Meridian C. Ekwador
B. Parallel D. Longhitud
8. Ang mga bumubuo sa heograpiya ng daigdig.
A. Kalupaan C. Klima at Panahon
B. Katubigan D. Lahat ng nasa itaas
9. Ang taas ng lupa mula sa lebel ng dagat.
A. Elebasyon C. Relief
B. Meridian D. Ekwador
10. Pinakamalaking karagatan sa daigdig at may lawak na halos 1/3 ng daigdig.
A. Indian C. Mediterranean ,
B. Atlantic D. Pacific
11. Isang madahon subalit baluktot na puno ang hugis ng kontinenteng ito na kabilang
sa pitong kontinente ng daigdig.
A. Australia at Oceania C. Asya
B. Aprica D. Antarctica
12. Ang halos kalahati ng populasyon sa daigdig ay nasa pinakamalaking kontinenteng
ito sa daigdig.
A. Aprica C. Asya .
B. Europa D. Hilagang Amerika
36
13. Alin sa mga pangungusap ang hindi sumusuporta sa paglalahad na ang
kasaysayan at heograpiya ay magkaugnay?
A. Ang kasaysayan ng Pilipinas bilang bansang madaling masakop ng mga
kanluranin ay may kinalaman sa kawalan nito ng natural na tanggulan.
B. Hindi nasakop ang Thailand ng mga kanluranin dahil nasa pusod ito ng Timog
Silangang Asya.
C. Natalo si Napoleon Bonaparte sa Rusya dahil sa lamig ng panahon.
D, Ang mga pinuno ang nagtatakda ng pag-unlad ng mga bansa.
14. Alin sa sumusunod ang nakaapekto nang malaki sa pagkakaroon ng iba't ibang uri
ng kabuhayan ng mga kultura at kabihasanan sa daigdig?
A. Klima C. Anyo at lawak ng katubigan
B. Porma ng lupa D. Lahat ng nasa itaas
15. Naging mahalaga ang heograpiya sa pagtatatag at pagbagsak ng mga bansa dahil
nagkaroon ito ng malaking impluwensya sa:
A. kabuhayan C. panlipunan
B. putitika D. pangkabuhayan
16. Mahalagang malaman ang mga ______ aspeto ng daigdig dahil tahanan ito ng tao
at nakaaapekto sa pagpapatuloy ng ating buhay.
A. pisikal C. kultura
B. putitika D. panlipunan
17. Ang pagkakaroon ng iba't ibang kontinente sa daigdig ay ipinaliliwanag ng teoryang
___________.
A. Planetisimal C. Nebular
B. Continental drift D. Big bang
18. Nagdudulot ito ng matinding init at pagkatuyo ng lupa.
A. pagkabutas ng ozone layer C. El Niño
37
B. pagkasira ng kagubatan D. Panahon ng Yelo
19. Ang nangungunang suliraning pangkapaligiran na nagiging sanhi ng pagkabutas ng
ozone layer.
A. La Niña C. Satellite sa Kalawakan
B. Polusyon D. Basura
20. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang dapat sundin?
A. Dapat linangin ang kalikasan upang magamit sa digmaan.
B. Dapat pangalagaan ang kalikasan at pisikal na yaman ng daigdig upang
magpatuloy nang maayos ang buhay ng tao.
C. Ipaubaya na lamang sa Diyos ang pagliligtas sa sangkatauhan.
D. Hindi mahalaga sa pag-aaral ng heograpiya ang pagpapahalaga sa kalikasan.
GABAY SA PAGWAWASTO:
PANIMULANG PAGSUSULIT 1. B
2. C
3. A
4. D
5. B
6. C
7. C
8. C
9. C
10. A
11. D
12. A
13. B
14. C
15. A
16. D
17. D
18. B
19. A
20. C
ARALIN 1: MGA TEORYA TUNGKOL SA PINAGMULAN NG DAIGDIG Gawain 1: Pag-isipan Mo
1. Nebula
2. Kolisyon
3. Panginoon
4. Daigdig
5. Wegener
38
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman 1. D
2. E
3. L
4. H
5. M
6. G
7. I
8. B
9. C
10. A
Gawain 3: Paglalapat Ang angkop na kasagutan ay nakasalalay sa iyong paliwanag. Ipatsek sa gurong
tagapamahala ang iyong sanaysay.
ARALIN 2: PISIKAL NA KATANGIAN NG DAIGDIG Gawain 1: Pag-isipan Mo Kahit alin sa mga sumusunod ay tama:
1. Bilog ang daigdig sapagkat napatunayan ng mga manlalakbay noong unang
panahon na maaaring marating ang silangan sa pakanlurang ruta. Samakatuwid,
magkadugtong ang mga kalupaan at karagatan sa daigdig. Ang araw ay
sumisikat at sumisilang sa silangan at lumulubog sa kanluran bilang katibayan ng
pag-ikot ng mundo sa kanyang aksis habang umiikot sa araw.
2. Pitong kontinente at iba't bang bansa at kapuluan ang bumubuo ng mga
kalupaan ng daigdig.
3. Pinakamahalaga ang mga karagatan ng Pacific, Atlantic, at Antarctica. Ang
mga dagat Tsina, Mediterranean, at Dagat na Pula ay may mahalagang bahagi
sa kasaysayan; ang mga ilog Euphrates, Nile, at iba pa ay may bahagi rin sa
nakaraan at kasalukuyan.
39
4. May magandang atmospera ang daigdig na binubuo ng hangin at klimang
tamang- tama upang mabuhay ang bawat nilalang maging tao, hayop, o mga
halaman.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Mga Bansa sa Asya:
1. Silangang Asya (Pilipinas, Japan, Tsina, Tibet, Mongolia, Burma, Laos,
Cambodia, Vietnam, Korea, Burma, Myanmar, Indonesia, Malaysia)
2. Timog Asya (India, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Pakistan)
3. Gitnang Asya (Saudi Arabia, Yemen, Oman, Iran, Iraq, Afghanistan)
Mga bansa sa Europa: Inglatera, Espanya, Portugal, Ireland, Denmark, Norway,Sweden, Switzerland, Rusya,
Poland, Germany, Hungary, Romania, Ukraine, Bulgaria, etc.
Mga bansa sa Hilagang Amerika: Canada at Estados Unidos
Mga bansa sa Timog Amerika: Mehiko, Guatemala, Cuba, Honduras, El Salvador,
Nicaragua, Brazil, Ecuador, Bolivia, Argentina, Paraguay, Uruguay
Mga bansa sa Aprika: Morocco, Algeria, Libya, Egypt, Sudan, Mali, Nigeria, Ethiopa,
Kenya, Congo, Angola, Zambia, Sierra Leone, Botswana, Mozambigue, Timog Aprika
Gawain 3: Paglalapat Ang Pilipinas ay nasa Timog Silangang Asya. Binubuo ito ng 7,100 na pulo at
tinatawag na isang arkipelago. Mayaman ang Pilipinas sa mga mineral, yamang-dagat
40
at yamang-lupa, bulubundukin, lambak, at kapatagan. May 15 rehiyon sa Pilipinas.
Napaliligiran ito ng Karagatang Pacifico sa silangan, Dagat Tsina sa kanluran at hilaga,
at Dagat Celebes sa timog. Ang mga bansang nakapaligid ay Japan at Taiwan sa
timog, Vietnam sa silangang bahagi, at Indonesia sa hilaga.
ARALIN 3: KAHALAGAHAN NG HEOGRAPIYA SA KASAYSAYAN Gawain 1: Pag-isipan Mo! Halimbawa ng katangiang pisikal ng daigdig:
1. May oxygen at iba pang uri ng gas o hangin na angkop upang mabuhay ang
tao, hayop, at halaman.
2. May malalawak na kalupaan at behetasyon na nagbibigay ng magandang
tirahan at ikabubuhay ng tao.
3. May mga katubigan at karagatang sagana rin sa likas na mapagkukunang-
yaman at pagkain.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Lahat ng suliraning nasa talahanayan ay mabigat at kailangang iwasan o gawan
ng paraan upang hindi manganib ang buhay ng mga tao, halaman, at hayop sa
hinaharap.
Gawain 3: Paglalapat Mga halimbawa ng paraan upang mapangalagaan ang pisikal na kapaligiran ng daigdig:
1. Pangangalaga sa kalikasan. ,
2. Proteksyon sa mga hayop lalung-lalo na sa mga endangered species.
3. Pag-iwas sa digmaan lalung-lalo na sa digmaang nukleyar.
4. Pagkakaroon ng mga pandaigdigang kasunduan sa mga bansa hinggil sa
pagliligtas at pangangalaga sa kalikasan gaya ng UNCED at iba pa.
5. Sa sariling bansa, ang pagkakaroon ng mga batas at ordinansa sa proteksyon
ng kalikasan.
1
ARALING PANLIPUNAN III
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 2
MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
2
MODULE 2 MGA UNANG TAO SA DAIGDIG
Nakarinig ka na ba ng mga kuwento tungkol sa pinagmulan ng tao? Sino ang
ating mga ninuno? Paano nagsimula at dumami ang iba’t ibang lahi sa daigdig? Ang mga
katanungang iyan ay hinahanapan natin ng katugunan mula sa iba’t ibang kuwento.
Maraming haka-haka ang inihain ng iba’t ibang siyentista at pilosopo upang suriin at
patunayan ang pinagmulan ng tao. Bawat isa ay may kaakibat na pananaw at paliwang.
Tinawag na teorya ang mga haka-haka o hulang ito.
Sa modyul na ito ay iyong aalamin ang mga teorya kung paano nagsimula ang mga
unang tao sa daigdig kung paano umunlad ang kanilang kultura.
May dalawang araling inihanda para sa iyo.
Aralin 1 – Mga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng Tao
Aralin 2 – Mga Yugto ng Pag-unlad ng Kultura ng mga Unang Tao
Pagkatapos ng modyul na ito ay inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod
na kasanayan.
1. Masusuri ang mga teoryang siyentipiko at pahayag sa Bibliya tungkol sa
pinagmulan ng tao.
2. Masusuri ang katangian ng bawat yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong
paleonlitiko; at
3. Maipaliliwanag ang kaganapan sa rebolusyong neolitiko na naging batayan ng
mga naunang kabihasnan.
3
PANIMULANG PAGSUSULIT
Panuto: Suriin ang bawat pangungusap at bilugan ang titik ng tamang kasagutan.
1. Panahong hindi nasusulat sa kasaysayan. A. Mesolitiko B. Neolitiko C. Prehistoriko D. Paleolitiko
2. Taong nakapag-isip at nakapangangatwiran. A. Homo Sapien B. Homo Erectus C. Homo Habilis D. Taong Peking
3. Nag-isip at nagsimula ng pagpapangalan sa mga halaman at hayop ayon sa specie o uri.
A. Linnaeus Jean B. Baptiste Lamarck C. Charles Darwin D. Conte de George Buffon
4. Taong nakatatayo ng tuwid. A. Homo Habilis B. Homo Erectus C. Homo Sapien D. Taong Neanderthal
5. Hominid, malaking bakulaw A. Hominid B. Australopithecus C. Homo D. Habilis Ramapithecus
4
6. Tawag sa taong sanay o bihasa. A. Homo Sapien B. Homo Habilis C. Homo Erectus D. Ramapithecus
7. Siya ang nagtaguyod ng teoryang maka-relihiyon. A. Linnaeus B. Lamarck C. Buffon D. Creationist
8. Alin sa mga teorya tungkol sa pinagmulan ng tao ang higit na pinaniniwalaan ng mga siyentipiko?
A. Ebolusyon ayon sa atheistic materialism B. Ebolusyon ayon sa Bibliya C. Ebolusyon ayon sa alamat D. Ebolusyon ayon sa paniniwala
9. Nagpanukala ng teoryang “natural selection” A. Linnaeus B. Darwin C. Buffon D. Lamarck
10. Pinanirahan ng mga hominid A. Aprika B. Europe C. South America D. North America
5
ARALIN 1 MGA TEORYA TUNGKOL SA PINAGMULAN NG TAO
Maraming haka-haka ang nabuo upang ipaliwanag ang pinagmulan ng tao. Bawat
isa ay may kani-kaniyang paliwanag. Ang iba ay makaagham, ang iba ay batay sa
paniniwala, at ang iba naman ay batay sa Bibliya.
Nauuri sa tatlo ang mga teorya at paniniwala tungkol sa pinagmulan ng tao. Ang
ebolusyon na tinatawag ding atheistic materialism, ay ebolusyong theistic at ang espesyal
na paglalang. Isa-isahin at susuriin sa araling ito ang mga nabanggit na teorya at
paniniwala.
Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang ang mga sumusunod mong kaalaman:
1. Maipaliliwanag ang mga teorya tungkol sa pinagmulan ng tao;
2. Matutukoy ang mga katawagan at katangian ng mga unang tao at ang kanilang
distribusyon sa daigdig;
3. Mapaliliwanag kung paano umunlad ang kultura ng mga unang tao; at
4. Mailalarawan ang pangunahing lahi ng tao.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Bago ka magsimula isipin mo kung saan ka nagmula. Para sa iyo, ano ang
pinaniniwalaan mong pinagmulan ng tao sa daigdig?
___________________________________________________________________
________________________________________________________________________
6
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________ .
Nasagot mo ba ang katanungan? Suriin mo ngayon ang kaugnayan ng iyong sagot
sa mga paksa ng aralin.
Teoryang Atheistic Materialism Nagsimula kay Carolous Linnaeus noong 1760 ang konseptong maaaring may nag-
iisang pinagmulan ang mga buhay na organismo sa daigdig. Naisip niya ito habang
pinangangalanan at pinapapangkat niya ang mga organismong pinag-aaralan niya.
Sinusugan ito ni Comte de Georges Buffon na nagsabing ang pagkakaiba-iba ng mga
organismo ay ang pagkakaiba-iba rin ng kapaligirang kanilang pinananahanan
Inilimbag ni Jean Baptiste Lamarck ang unang teorya ng ebolusyon noong 1809.
subalit kulang ang kanyang mga makaagham na pagpapaliwanag hanggang sa
nagpalabas ng isa pang teorya sina Charles Darwin at A.R. Wallace noong 1858. Pinag-
ibayo ni Darwin ang pagpapaliwanag sa kanyang aklat na Origin of Species noong 1859.
Charles Darwin
7
Ebolusyong Theistic
Isang susog ang ebolusyong theistic tungkol sa pinagmulan ng tao at di gaanong
salungat sa teoryang ipinanukala ni Darwin at mga kasama. Naniniwala ang mga
nagpanukala nito na nagmula rin ang tao sa nag-iisang selula na sa pagdaan ng panahon,
ay naging komplikadong organismo dahil sa paraang mutasyon. Ang hindi maipaliwanag ni
Darwin ay ang pinagmulan ng nag-iisang selula, kung paano nagkaroon nito at paano ito
nabuo na siyang pinagtuunan ng pag-aral sa teoryang ito. Sa teoryang ito, may Diyos na
naglalang ng selulang pinanggalingan ng tao. Isang teoryang nanggaling din sa mga
ebolusyonistang theistic ang teorya ng espesyal na paglalang o Creation.
Naniniwala ang nakararaming relihiyon sa daigdig na nilalang ng Diyos ang tao.
Isang halimbawa ang paniniwala ng mga Kristiyano. Ayon sa Bibliya, unang nilalang ng
Diyos si Adan at binigyan ng kapangyarihang mamuno sa lahat ng mga bagay, halaman at
hayop. Subalit nang makita ng Diyos na malungkot si Adan, pinatulog siya at saka kinuha
ang isa niyang tadyang. Mula rito, hinugis ang babae at pinangalanang Eba. Silang dalawa
ang naging unang mga magulang na pinanggalingan ng lahat ng lahi.
Adan at Eba
8
Pagsusuri sa Dalawang Teorya ng Ebolusyon Alalahanin natin na nananatiling teorya ang teorya hangga’t hindi pa napatutunayan.
Isa itong panukala ng mga siyentista na maaaring inimbento o may lohika na pagsusuri sa
isang natural na penomena. Subalit hindi kaya nagkakamali ang mga siyentista? May mga
ideya noong unang panahon na sinasabi ring susuportahan ng agham subalit mali pala.
Ilan sa mga ito ang sumusunod.
• Patag ang daigdig.
• Ang pagpapadugo sa isang taong may lagnat ay makapagpapababa sa lagnat nito.
• Ang daigdig ang sentro ng sansinukob.
• Nabuo ang mga daga mula sa basura.
Kaya maaari rin na hindi makatotohanan ang isang teorya. Maraming katanungan
ang mga siyentistang Creationist. Ilan sa mga katanungang ito ang sumusunod.
• Anong kemikal ang pinagmulan ng organismo?
• Anong proseso ang pinagdaanan ng pagbabago sa anyo at katangian ng mga ito?
• Ano ang paraan ng reproduksyon at paano dumami ang mga nilalang sa ibabaw ng
lupa?
Sumasalungat ang ebolusyon sa mga natural na batas ng kalikasan tulad ng:
• Reproduksyon ng kamukha o katulad. Nanganganak ang aso; ang ibon ay ibon din;
ang unggoy ay nanganganak ng unggoy rin. Kaya hindi maaaring nagmula ang tao
sa unggoy.
• Ikalawang batas ang thermodynamics na nagsasabing ang sansinukob ay parang
relong de-susi na pahina nang pahina habang tumatagal.
Halimbawa:
• Ang bago ay naluluma o nasisira.
• Ang mga may buhay na organismo ay tumatanda at nawawala.
• Ang maayos ay nagiging hindi maayos pagtagal ng panahon. Tinatawag din
itong batas ng entropy.
9
• Ang komplikadong disenyo ng selula tulad halimbawa ng Deoxyribonucleic
Acid (DNA) ang nagdidikta ng magiging hitsura ng isang buong organismo.
Ang mga Unang Tao at Ang Kanilang Distribusyon sa Daigdig
Ayon sa mga antropologo na naniniwala sa ebolusyon, nabuhay ang mga ninuno ng
tao sa pagitan ng dalawang milyon hanggang 20,000 Bago ipanganak si Kristo (BC).
Subalit ang mga unang labí ng pinagmulan ng mga ninuno ng tao ay tinatayang 14 milyong
taon na ang itinagal sa daigdig. Tinatawag itong Proconsul at ang mga labí nito ay
matatagpuan sa deposito ng Miocene.
Isa pang higit na malapit na ninuno ng tao ang Australopithecine. Unang
natagpuan ang mga labí ng Australopithecine sa Timog Aprika at nahahati sa tatlong
pangkat: Ang Australopithecus na maaaring nabuhay sa pamamagitan ng pagkain ng mga
halaman at karne; ang Paranthropus na higit na primitibo sa Australopithecus at nabuhay
sa halaman lamang; at ang isang pangkat ng Paranthropus na tinawag na Zinjanthropus
kung saan natagpuan ang mga labí nito ng mag-asawang Leakey sa Olduvai Gorge sa
Tanzania, Aprika. Pinaniniwalaan na marunong nang gumamit ng kasangkapan ang
Zinjanthropus batay sa natagpuan sa tabi ng labí nito.
Ang iba pang pinagsimulan ng ating mga ninuno ay mahahati sa iba’t ibang pangkat.
Ang Homo Erectus ay taong nakatayo o taong naglalakad nang tuwid at maaaring
nabuhay sa Silangan at Timog Silangang Asya, Europa at Aprika. Higit na malaki ito kaysa
Australopithecine at malaki rin ang utak nito kaysa una. May apat na uri ng Homo Erectus:
Taong Java o Pithecanthropus Erectus ang natagpuan ni Eugene Dubois, isang
siyentistang Olandes, noong 1891 sa pulo ng Trinil sa Java, Indonesia. Ipinalalagay na
may 500 000 hanggang 750 000 taon ang itinagal nito sa daigdig. Ito ang kauna-unahang
labí ng Homo Erectus na natuklasan ng tao. Isa pang Homo Erectus na nadiskubre sa
Zambia noong 1921, ang Taong Zambia, na kauri rin ng Taong Java. Taong Peking.
Tinatawag na Sinanthropus Erectus Pekinensis ang itinawag sa labí na natagpuan sa
Peking, Tsina sa yungib ng Chowkou tien noong 1927. Hinihinalang natutuhan ng Taong
10
Peking ang mga gamit ng apoy. At ang pagkain ng berry sapagkat natagpuan din sa
naging tahanan nila ang mga buto nito.
Homo Sapiens ang tawag sa hinihinuhang taong nag-iisip. Pinaka-advance marahil
ang Homo Sapiens sa lahat ng unang tao dahil higit na malaki ang utak nito. Mga
halimbawa nito ang Taong Neanderthal at Taong Cro-Magnon. Ang mga labí ng Taong
Neanderthal ay nadiskubre sa mga lambak ng Ilog Neander sa Alemanya noong 1856.
Maaaring nabuhay sila sa pagitan ng 70,000 BC hanggang 50 000 BC. Pandak ito, malaki
ang pangangatawan, malalaki ang tila mabigat na panga, makapal ang noo at malaki ang
ilong. Ang Taong Cro-Magnon naman ay hinihinalang maaaring nabuhay noong 40,000
BC pagakaraang mawala ang mga Taong Neanderthal. Nakita ang mga labí nito sa
Pransya na lubhang napakalamig noon kaysa kasalukuyan. Nagyeyelo noon sa Polong
Hilaga at nagpatuloy sa timog Europa. Palatandaang malamig ang panahon na
kinaroroonan ng Taong Cro-Magnon dahil napaliligiran ito ng mga labí ng mga hayop at
halamang nabuhay sa malalamig na lugar noon nang matagpuan ang labí nito.
Upang mas maunawaan mo ang pinagdaanang lahi ng mga sinaunang tao, pag-
aralan mo ang sususnod na matrix ng antas ng tao. Mga katangian at mga katibayang
natuklasan.
Antas ng Tao Mga Katangian
Mga Labíng Natuklasan na Nagsilbing Katibayan
1. Hominid
Nabuhay noong 14,000,000-
13,000,000 BC
Naglalakad nang tuwid
Mas maliit ang utak kaysa
modernong tao
Malaki ang pagkakahawig sa
katangiang pisikal ng
modernong tao
May taas na apat na
talampakan
Ang sukat ng utak ay kalahati
Batang Taung – unang labíng
Australopithecus Aprikanus na
natuklasan. Natagpuan ni Raymond A.
Dart sa Taung, Timog Aprika noong
1974
Kromdraai (dating Parathropus
robustus) – unang a. robustus na
natuklasan. Natagpuan sa Kromdraai,
Timog Aprika ni Robert Broom noong
1938
OH 5 o Zinj- unang Australopithecus na
11
ng utak ng modernong tao
May limang uri batay sa laki
ng panga, bagang at utak:
a. Anamensis - nabuhay sa
Aprika may apat na
milyong taon na ang
nakararaan
b. Afarensis - nabuhay may
3.7 milyong taon na ang
nakararaan; kasinlaki ng
utak ng chimpanzee ang
utak nito
c. Aprikanus - mas malaki
ang bungo, higit na malaki
ang utak kaysa Afarensis
d. Boisei at Robustus- mas
malaki ang bagang at
panga; kasinliit ng
Aprikanus ang utak;
nawala sa pagitan ng 1.5-
isang milyong taon na ang
nakararaan.
natagpuan sa Silangang Aprika.
Natuklasan ni Mary O. Leaky sa Olduvai
Gorge, Tanzania noong 1959.
Lucy-pinakakumpletong kalansay ng
Australopithecus na natuklasan.
Natagpuan ni Donald Johanson sa
Hadar, Ethiopia noong 1974.
Bakas ng paa sa Laetoli-natagpuan sa
Laetoli, Tanzania noong 1978 malapit sa
lawa ng Eyasi. Pinatunayan ng mga
bakas na ito na nakatatayo nang tuwid
ang mga Australopithecus.
Anamensi-pinakamatandang labí ng
Australopithecus na nabuhay.
Natuklasan ito sa Kanapoi, Kenya ni
Peter Nzube Mutiwa noong 1994.
2. Homo Habilis
Itinuturing ng mga
antropologo na
pinakamatandang uri ng tao
Nabuhay sa Aprika may 2
milyong taon na ang
nakararaan
Hango sa salitang Latin na
homo na nangangahulugang
Taong Olduvai - unang nahukay na labí
ng Homo habilis. Natagpuan ang
bungo sa Olduvai Gorge, Tanganyika
nina Jonathon Leaky at asawa nito
noong 1960. Nagpatunay ito na
nabuhay ang sinaunang tao mahigit
tatlong milyong taon na ang
nakararaan
12
tao at habilis na ang ibig
sabihin ay sanay o bihasa.
Mas malaki ang utak at mas
maliit ang bagang kaysa
Australopithecus
Sukat ng utak-kalahati ng
utak ng modernong tao.
Pinaniniwalaang gumawa ng
unang kagamitan na gawa
sa bato bilang panghiwa,
pangkayod at pantadtad.
Pinaniniwalaang kumain ng
karne, prutas, insekto at mga
halaman
Nakalalakad nang tuwid
ER-1470 - pinakamatandang bungo ng
Homo habilis na nahukay noong 1972.
natuklasan ito sa Lawa ng Turkana ni
Richard F. Leaky.
3. Homo Erectus
]
Taong nakatatayo nang
tuwid
Tinatayang may taas na
limang talampakan, makapal
ang bungo, maliit ang ulo at
malaki ang panga
Mas maliit ang bagang at
mukha at hindi gaanong
nakausli ang mukha tulad ng
Homo habilis
Sukat ng utak-halos kasinlaki
ng sa modernong tao
Unang natotong gumamit ng
apoy at damit mula sa balat
ng hayop.
Taong Java (dating Pithecathropus
Erectus) - kaunaunahang labí ng Homo
Erectus na natuklasan. Natuklasan ni
Eugene Dubois, isang Olandes, sa
buhanginan sa gitnang Java, Indonesia
noong 1891. maliit ang mga taong ito
ngunit nakatatayo at nakalalakad ng
tuwid.gumamit ng mga tinapyas na
bato bilang sandata at kagamitan.
Taong Tabon - natagpuan sa mga
yungib sa Tabon, Quezon sa Palawan
ni Robert Fox noong 1962. Sinasabing
kauna-unahang tao sa Pilipinas.
Taong Peking - Pinakamalaking
kalansay ng Homo Erectus na
13
Nakagawa ng palakol mula
sa bato.
natuklasan. Natagpuan ni Davidson
Black ang mga buto sa isang kweba sa
Choukoutien noong 1919-1937 sa
Peking, China. Ayon sa pagsusuri,
natutong gumawa ng apoy ang taong
ito minsang tumama ang kidlat sa
isang puno.
East Turkana Homo Erectus - labí ng
Homo erna tinatayang nabuhay sa
Aprika mga 1 800 000 taon na ang
nakalilipas. Natuklasan ni Richard F.
Leaky sa Lawa ng Turkana noong
1975.
Batang Nariokotome - labí ng isang
batang lalaki. Ito ang pangunahing
nahukay na kalansay ng Homo
Erectus. Natuklasan ni Kamoya Kimeo
sa lawa ng Turkana, Kenya noong
1984.
4. Homo Sapiens
Taong nakapag-iisip at
nakapangangatwiran
Higit na malaki ang utak sa
lahat ng unang tao at hindi
nalalayo sa laki ng utak ng
modernong tao.
Nabuhay may 300 000-400
000 taon na ang nakararaan
Unang prehistorikong tao na
nanirahan sa Europe
Labí ng Kabwe (dating Taong
Rhodesian) - natagpuan sa Kabwe,
Zambia ni Arthur S. Woodward noong
1921.
Bungo ng Dali - natagpuan sa
lalawigan ng Shanxi sa China ni Wu
Xinzhi noong 1978.
Taong Neanderthal - unang nahukay
na labí ng kinikilalang prehistorikong
tao. Natagpuan ito ni Johann Fuhlrott
sa isang kweba ng Neander, Germany
14
noong 11856. mababa at matipono,
pahilig ang noo nito at usli ang panga,
malaki ang ilongat walang baba.
Mabangis ang anyo nito ngunit
matalino. Nakatira sa mga kweba at
nagsusuot ng balat ng hayop. Kaiba sa
mga sinaunang tao. Inililibing nila ang
kanilang mga patay. Ipinalalagay na
naglaho dahil sa matinding lamig
noong Panahon ng Pagyeyelo. Noong
1908, natuklasan nina Ameedi at Jean
Bouysonnie ang pinakakumpletong
kalansay ng Taong Neanderthal sa La-
Chapelleaux-Saints sa France.
Kalansay ng Skhul - labí ng unang
modernong tao na tinatayang nabuhay
mga 100,000 taon na ang nakaraan.
Natuklasan nina Theodore McCown at
Hallam L. Movius sa Mt. Carmel, Israel
noong 1931-1932.
Kalansay ng Qafzeh – labí ng unang
Homo sapiens na tinatayang nabuhay
100 000 taon na ang nakalilipas.
Nahukay nina Rene Neuville at
Bernard Vandermeersch sa kweba ng
Qafzeh malapit sa Dagat ng Galilee sa
Israel mula 1933-1935.
Taong Cro-Magnon - tinatayang
nabuhay noong 40 000 BC Nakita ang
labí nito sa isang kweba sa France ni
Louis Lartet noong 1868. Tinatayang
15
nagmula sa Asya o Aprika ang Taong
Cro-Magnon. Ipinapalagay na higit na
may kakayahang mabuhay dahil higit
itong matalino at nakagagawa ng
maayos na armas. Nag-iwan ang mga
ito ng maraming guhit sa mga yungib.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Subukan mo kung iyong matatandaan ang mga teorya na pinagmulan ng tao at ang
kanilang Distribusyon sa Daigdig.
Pagtapat-tapatin ang mga katawagan at paliwanag sa pamamagitan ng paglalagay
ng guhit sa magkatugmang bilang at titik sa Hanay A at Hanay B.
Hanay A Hanay B _____ 1. Homo Sapien A. Taong naglalakad ng tuwid.
_____ 2. Carolus Linnalus B. Taong nag-iisip.
_____ 3. Charles Darwin K. Tinawag na Pithecanthropus Erectus.
_____ 4. Taong Zambia D. Nakita ang mga labí nito sa France.
_____ 5. Conte de George Buffon E. Nilalang ng Diyos ang tao, ayon sa
_____ 6. Homo Erectus teoryang ito.
_____ 7. Teorya ng Paglalang G. Proseso ng pagpili ng pook na titirhan.
_____ 8. Taon Neanderthal H. Konseptong maaaring may nag-iisang
_____ 9. Taong Cro-Magnon pinagmulan ang mga buhay na
_____ 10. Taong Java organismo.
I. Nagkakaiba-iba ang nilalang dahil iba-iba
ang kanilang kapaligiran.
L. Nadiskubre ang mga labí nito sa
Germany.
M. Kauri ng Taong Java.
16
Tandaan Mo!
Maraming teorya ang nagpapaliwanag tungkol sa pinagmulan ng
tao. Ilan dito ang teoryang atheistic materialism, ebolusyong
theistic, espesyal na paglalang, at ebolusyon ng mga species.
Amg modernong tao ay hinihinuhang nanggalings sa iba’t ibang lahi sa iba’t ibang
panahon. Ang mga ito ay mga Proconsul, Australopithecus, Hominid, Homo Habilis,
Homo Erectus, at Homo Sapiens. Ang mga labí ng iba’t ibang antas ng tao ay
natagpuan sa iba’t ibang panig ng mundo kayat may iba’t ibang katawagan gaya ng
Taong Java, Taong Zambia, Taong Peking, Taong Neanderthal at Taong Cro-
Magnon.
Gawain 3 Paglalapat Batay sa napag-aralan mo tungkol sa ebolusyon gumawa ng family tree
na tumutukoy sa iyong sariling pinagmulan.
17
ARALIN 2 MGA YUGTO NG PAG-UNLAD NG KULTURA NG MGA SINAUNANG TAO
Nakakuha ang mga antropolohista ng mga impormasyon tungkol sa pamumuhay
ng mga unang tao sa pamamagitan ng kanilang mga labí tulad ng bungo, buto, at mga
kasangkapang nahukay sa iba’t ibang panig ng mundo. Buhat sa mga iyan nalaman ang
kanilang mga gawain at pamamaraan ng pamumuhay sa siyang bumubuo ng kanilang
kultura. Sa paglipas ng panahon, natutuhan ng mga unang tao na paghusayin ang kanilang
mga kagamitan upang lalong maging epektibo ang mga ito sa araw-araw na
pakikipagsapalaran. Dahil diyan, umunlad din ang kanilang kabihasnan at kultura
hanggang sa malinang ang kasalukuyang kabihasnan sa iba’t ibang kapuluan ng daigdig.
Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang ang mga sumusunod mong
kasanayan:
1. Masusuri kung anong panahon nabuhay ang mga sinaunang tao sa daigdig;
2. Maibibigay ang mga yugto ng panahon ng mga unang tao ayon sa mga kagamitan;
at
3. Mailalarawan ang mga pangunahing lahi ng tao sa daigdig.
Gawain I Pag-isipan Mo!
Maaari mo bang i-drowing kung saang lahi nabibilang ang Pilipino? Ano ang
anyo at katangian ng ating mga ninuno?
18
Panahon ng Bato Sa mahabang panahong nagdaan, nakalinang ng sibilisasyon ang mga sinaunang
tao. Sila ay namuhay bilang grupo ng sampu hanggang 30 katao. Pawang pangangaso at
pangingisda ang kanilang ikinabubuhay at karamihan ay mga yungib ang kanilang silungan
o panahanan.
Panahong Paleolitiko. Tinatayang nagtagal ang Panahong Paleolitiko mula noong
500,000 BC hanggang 8,000 BC Sa panahong ito nabuhay ang mga Proconsul,
Australophitecus, Homo Habilis, Homo Erectus tulad ng Taong Java, Taong Peking, at
Homo Sapiens tulad ng Taong Neanderthal at Taong Cro-Magnon.
19
Sa panahong ito, nakatira ang unang tao sa yungib upang pangalagaan ang sarili sa
malamig na panahon. Katatapos pa lamang ng panahon ng pagyeyelo at maaring
kasalukuyan pang nagyeyelo sa ibang bahagi ng daigdig) at walang permanenteng tirahan
ang mga tao sa panahong ito. Pagala-gala sila sa paghahanap ng pagkain. Namimitas sila
ng mga bungangkahoy, nanghuhuli ng mga hayop sa lupa at mga isda sa tubig sa
pamamagitan ng mga kamay lamang. Kung minsan naman, gumagamit sila ng batong
panghampas o pambato at sanga ng kahoy upang maging madali ang panhuli. Sa
panahong din ito natuklasan ang gamit ng apoy. Maaring sa hindi sinasadyang
pagkakataon, tinamaan ng kidlat ang isang puno. Nasunog ito at nagbigay ng init sa
paligid. Maganda ang epekto ng init sa panahon ng taglamig.
Panahong Mesolitiko. “Gitna” ang ibig sabihin ng salitang meso sa Griyego. Kayat
ito ang Gitnang Panahon ng Bato. Dito nagsama-sama ang mga gawain sa panahong
paleolitiko habang unti-unting pumapasok ang tao sa Panahon ng Neolitiko.
20
Tinatayang nagsimula noong 10,000 BC hanggang 7,000 BC ang Panahong
Mesolitiko. Ipinanukala ni Sir John Marshall, isang antropolohista, ang teorya ng
“paghamon at pagtugon” upang matugunan ang mabilis na pagbabagong naganap sa
kapaligiran (hamon) ng mga tao na natugunan nila sa pamamagitan ng pagbabago ng mga
kaugalian at mga gawaing kilos (tugon). Nakahandang tumanggap ang ibang pangkat ng
pagbabago samantalang namuhay sa kasukalan ang ibang nanatili sa lumang kaalaman.
Tumagal lamang ng 3000 taon sa Mesopotemia at kaunting panahon lamang sa
Europa ang Panahon ng Mesolitiko. Pinakamalubhang suliranin ng tao sa panahong ito
ang panustos na pagkain. Pinakasolusyon dito ang pagiging prodyuser ng tao kaysa
umasa sa likas na yaman. Subalit sa nagbabagong klima, mahirap na hamon ito.
Rebolusyong Neolitiko. Nahubog ang Panahong Neolitiko sa pamamagitan ng
pag-aalaga ng hayop na kinakain at ng pagtuklas sa pagtatanim. Ang pagtatanim o
pagsasaka ang pinakamahalagang kontribusyon ng panahong ito. Natuklasan marahil ng
tao ang pagtatanim nang minsan, sa paghahanap ng tao ng bungangkahoy na noon ay
paunti na nang paunti, nakakita siya ng isang uri ng bunga na may maraming buto.
Nagsimula rin sa panahong ito ang pagpapalayok. Natutunan ng taong gumawa ng
mga bagay na yari sa putik tulad ng laryo (bricks) na pinatitigas sa init ng araw gaya ng sa
India, o kaya ay pinatitigas sa pugon, gaya ng sa Mesopotamia. Ginagamit ang laryo sa
paggawa ng bahay.
Sa Panahong Neolitiko, malaki ang naging pagbabago sa kasangkapan ng tao.
Pinakinis ang dating magagaspang na bato at ginawang iba’t ibang hugis at laki ayon sa
kanilang gamit: pamutol ng kahoy, gamit sa pagsasaka, panghiwa, pang-ahit, pamutol ng
buhok, pamatay ng hayop, armas, at marami pang iba.
Lalo pang pinag-ibayo sa panahong ito ang pag-aalaga ng hayop na nasimulan
noong Panahong Mesolitiko. Sa kalaunan, ginamit na nila itong sasakyan o tagahila ng
behikulo katulad ng paragos at karwahe. Kabayo, baka at aso ang mga hayop na
ginagamit para rito.
Nabago rin ang mga tirahan sa panahong ito. Bagamat nagsimula ang pagkakaroon
ng permanenteng tirahan noong Panahong Mesolitiko, higit pa itong nalinang noong
Panahong Neolitiko. Dahil ito sa pag-unlad ng pagsasaka, at pag-imbento ng asarol at iba
pang gamit sa bukid. Kailangang tumira ang tao sa isang lugar habang hinihintay niyang
21
tumubo at maani ang kanyang pananim. Habang wala pa ang tag-ani, gumagawa naman
siya ng mga palayok at iba pang gamit na yari sa putik. Natuto siyang maghabi ng banig,
basket at tela dahil mahirap umasa sa mga balat ng hayop upang gawing damit.
Noong una, para lamang sa pansariling konsumo at sa mga kaanak ang
produksyon. Hindi nagtagal, nakapag-iimbak ng maraming bagay ang tao sa sariling gamit.
Dito nagsimula ang pagpapalitan ng produkto o ang sistemang barter. Dinadala ang
sobrang produkto sa lugar ng palitan. Kung may kailangan ang tao, pumupunta lamang
siya rito upang makipagpalit ng produkto. Nagsimula rito ang konsepto ng palengke. Hindi
nagtagal, naging mahirap na ang pakikipagpalitan ng produkto kaya umisip ng paraan ang
tao upang maging maayos ang sistema ng palitan. Dito naimbento ang sistema ng palitan
gaya ng sa Mesopotamia kung saan buto ng cacao ang unang ginamit na papalit produkto.
Panahon ng Metal. Ginto ang kauna-unahang natuklasang uri ng metal. Nakukuha
lamang ito sa gilid ng ilog Tigris at sinasala dahil nakahalo sa buhangin. Subalit hindi
nagkaroon ng panahon ng ginto dahil hindi naman kapakipakinabang ito sa tao. Malambot
ang ginto at hindi maaaring gawing kasangkapan o armas. Tanso (copper) ang sumunod
na natuklasan ng tao. Matigas ito kaysa ginto at nahuhulma ito sa iba’t ibang hugis na nais
ng tao.
Panahon ng Tanso. Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso. Subalit
patuloy pa rin ang paggamit sa kagamitang yari sa bato. Nagsimulang gamitin ang tanso
noong 4000 BC sa mga lugar sa Asia at 2000BC sa Europe at 1500 BC naman sa Egypt.
Tinawag na Panahon ng Tanso ang mga nabanggit na taon. Nalinang nang mabuti ang
paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang yari sa tanso.
Panahon ng Bronse. Naging malawakan na noon ang paggamit ng bronse nang
matukalasan ang panibagong paraan ng pagpapatigas dito. Natutuhan ng tao na paghaluin
ang tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit na matigas na bagay. Tinawag ang
kombinasyong ito na bronse o pulang tanso. Iba’t ibang kagamitan at armas ang nagagawa
mula sa tanso tulad ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at sibat.
Lumaganap ang paggamit ng bronse noong 2000 BC Sa panahong ito natutong
makipagkalakalan ang mga tao sa mga karatig-pook. Ang pag-unlad ng palengke at
kalakalan ang nagbigay daan sa pag-usbong ng mga bayan at lungsod. Nagkaroon din ng
mga ekspertong artisano na may kani-kanilang kaalaman. Nagtayo ng kani-kaniyang
22
samahan ang mga ito batay sa produkto na kanilang ginagawa tulad ng mga gumagawa ng
sandalyas. Ang mga samahang ito ang nagsilbing tagasuri sa kalidad ng mga produktong
nalilikha ng bawat kasapi.
Panahon ng Bakal. Natuklasan ang bakal ng mga Hittite, isang pangkat ng Indo-
Europeo na nakatira sa Gitnang Silangan noong 1500 BC. Natutuhan nilang magtunaw at
magpanday ng bakal. Noong hindi pa sila gaanong marunong magmina ng bakal, lubhang
mahalaga para sa kanila ito ng limang beses kaysa ginto at walong ulit kaysa pilak.
Matagal nilang pinanatiling lihim ang pagtutunaw at pagpapanday ng bakal. Dahil dito,
umunlad ang kabihasnan ng mga Hittite at madalas silang manalo sa mga digmaan.
Subalit sa katagalan, natuklasan din ang kanilang lihim at lumaganap na ang paggamit ng
bakal sa iba pang kaharian. Ito marahil ang dahilan kung bakit humina ang kaharian ng
Hittite.
Mga Pangunahing Lahi ng Tao Tignan naman natin ang mga pagbabago sa pagkakaroon ng iba’t ibang lahi ng tao.
Nagkaroon ang daigdig ng tatlong pangunahing lahi ng tao – ang Mongoloid o Dilaw,
ang Negroid o Itim, at ang Caucasoid o Puti. Bagamat di na inuuri ang mga tao ngayon
ayon sa kulay, makakatulong sa pag-aaral ng pinagmulan ng tao ang ganitong
klasipikasyon.
Mga Mongoloid. Mayroon ding sangang lahi ang lahing Mongoloid o dilaw na
kayumanggi: mala-kape o mala-tanso at mga mamulamulang kulay ng balat. Hugis almond
o singkit ang mga talukap ng mga mata ng mga lahing Mongoloid. Halos bilog ang hugis ng
kanilang ulo, maitim at tuwid ang kanilang buhok at hindi gaanong mabalahibo ang
kanilang balat. Manipis ang mga labí nila at hindi matangos ang ilong. Laganap ang lahing
Mongoloid sa Asya tulad ng mga Pilipino, Tsino, Hapones, Koreano, Vietnamese, Thai,
Tibetan, taga-Myanmar, Mongol, Malaysian, Indonesian, Singaporean, taga-Hong Kong at
karatig-pook. Ang mga Amerikanong Indian na nabibilang sa lahing Mongoloid ay nasa
23
kapatagang sentral ng Estados Unidos, mga Eskimo ng Hilagang Amerikanong Arktiko at
mga Indian sa Central at Timog Amerika ay nabibilang din sa lahing ito.
Mga Negroid. Maiitim ang kulay ng balat ng mga Negroid at kulut-kulot ang kanilang
buhok. Matataas at malalaki ang kanilang pangangatawan. Matatagpuan ang mga purong
Negroid sa kanlurang Sudan at Guinea. Pahaba ang hugis ng kanilang ulo, malalapad ang
kanilang ilong at makakapal ang mga labí. Maitim hanggang matingkad na kulay kape ang
kanilang balat. Sa Silangang Sudan naman matatagpuan ang mga Nilote, mga Bantu na
binubuo ng mga Masai, Kikuyu, Zulu, Swahili at Swazi. Hindi gaanong maitim ang mga
nabanggit. Manipis ang kanilang mga labí at ilong. Kulay tsokolate naman at hindi maitim
ang balat ng mga Negroid at Papuan sa New Guinea at ilang pulo ng Indonesia at
Melanesia sa mga pulo ng Pacific.
Mga Caucasoid. Mapuputing tao ang mga Caucasoid. Napapangkat sila sa Nordic,
Silangang Baltic, Alpine at Mediterranean. Matatangkad sila, pahaba ang hugis ng kanilang
ulo, maputi o blonde ang buhok at bughaw o berde ang kulay ng mga mata. Pandak ang
mga Alpine, malalaki ang katawan at malalapad ang ulo. Ang mga Mediterranean naman
ay hindi gaanong mapuputi, may kaitiman ang kulay ng balat at mata, maitim din at
mahabang kulot ang kanilang buhok. Kasama rito ang mga lahi na naninirahan sa rehiyon
ng Dagat Mediterranean kasama na ang mga Arabo. Matatagpuan ang iba sa hilaga at
gitnang India. Mga ninuno ng Hammites subalit nalahian ng Negroid ang mga nakatira sa
Egypt, Ethiopia, Somalia at sa kanlurang Sahara. Matatagpuan din sa Europa ang
karamihan sa mga lahing Caucasoid. Naninirahan ang mga Nordic sa Scandinavia,
Ingglatera at Alemanya. Ang mga Baltic naman ay paninirahan sa silangang Europa tulad
ng mga Alpine na Kinabibilangan ng mga Slav. Kasama rin sa lahing Caucasoid ang mga
Polynesian na nasa Islang Pasifico at New Zealand at ang mga Ainu ng Japan at Veddah
ng timog India.
24
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Subukin mong alalahanin ang iyong binasang aralin.
A. Isulat sa patlang ang mga pangunahing lahi ng iba’t ibang bansa
______ 1. Arabya
______ 2. Tsina
______ 3. New Guinea
______ 4. Singapore
______ 5. Pilipinas
B. Isulat sa patlang ang yugto ng panahon ng mga unang tao sa Daigdig ayon sa
kagamitan
______ 1. Pangangaso at pangingisda
______ 2. Ginto ang kauna-unahang natuklasan
______ 3. Nalinang mabuti ang paggawa at pagpapanday
______ 4. Paghaluin ang tanso at lata
______ 5. Dito naimbento ang sistema ng palitan sa Mesopotamia kung saan buto
ng Cacao ang unang gamit na produkto.
Tandaan Mo!
Mai-uugat ang yugto ng pag-unlad ng mga unang tao mula sa
Panahon ng Bato (Paleolitiko, Mesolitiko, Neolitiko), (Panahon ng
Tanso, Panahon ng Bronse, at Panahon ng Bakal). Bawat yugto ay may
kani-kaniyang katangian at pagkakakilanlan na naghatid sa tao sa kabihasnan
patungo sa modernong kapanahunan.
25
Ang pangunahing lahi ng tao sa daigdig ay ang Mongoloid o Dilaw na nahahati sa
kayumanggi, mala-kape at mapulang balat, ang Caucasoid na kulay puti at ang
Negroid na Maitim.
Hindi naging madali sa mga sinaunang tao ang mabuhay ng maayos. Ang
masukal na kagubatan at ang papalit-palit na panahon ang isang malaking
hamon sa kanilang tinugon. Nakuha nilang umangkop sa likas na kapaligiran.
Sa pagdaan ng panahon, ang kanilang karanasan ang nagtulak sa kanila
upang mag-isip ng mga paraang tutugon sa kanilang pangangailangan mula sa
pagiging pagala-gala, natutuhan nilang tumigil at manirahan sa isang
permanenteng lugar.
Unti-unting napaunlad ng tao ang kanilang pamumuhay kasabay ng pagbabago
ng kaanyuang pisikal ang pag-unlad ng kakayahang mental.
Gawain 3: Paglalapat Ang dalawang teorya tungkol sa pinagmulan ng tao ay ang teorya ng
ebolusyon (maka-agham) at teorya ng espesyal na paglalang (maka
relihiyon). Alin sa iyong opinyon ang iyong paniniwalaan? Sumulat ng
dalawang talatang magpapaliwanag ng iyong dahilan.
___________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
26
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Mga Dapat tandaan sa Modyul na ito
Ang dalawang pangunahing teorya tungkol sa pinagmulan ng tao ay ang teorya ng
ebolusyon (na tinatawag ding ebolusyong atheistic, ebolusyong materialismo, o
ebolusyong theistic) at ang teorya ng paglalang o panrelihiyon.
Naniniwala ang mga ebolusyonistang atheistic na nagmula ang isang tao sa isang
simpleng selula na dumaan sa prosesong mutasyon bago naging tao. Ang mga
ebolusyonistang theistic naman ay naniniwala na ang simpleng selulang tinutukoy
ng mga ebolusyonistang atheistic ay ginawa ng Diyos.
Mga ninuno ng tao ang Procunsol, Australopithecine, Homo Habilis, Homo Erectus
at Homo Sapien.
Ang yugto ng pag-unlad ng mga unang tao ay nagsimula sa Daigdig sa Panahon ng
Paleolitiko, at dumaloy sa Panahong Mesolitiko, Neolitiko, at Panahon ng Bato,
Metal, Tanso, Bronse at Bakal ayon sa mga kagamitan ng tao.
May tatlong pangunahing lahi ng tao ayon sa iba’t ibang teorya – Mongoloid o Dilaw,
Negroid o Itim at ang Caucasoid o Puti.
27
Binabati kita at natapos mo ang modyul na ito. Ngayon ay maari mo nang subukin
kung natutuhan mo ang mahahalagang konseptong tinalakay dito. Handa ka na ba sa
panghulng pagsususlit?
PANGHULING PAGSUSULIT
Panuto: Suriin at ibigay ang tamang kasagutan. Bilugan ang titik.
1. Matagal na proseso ng pagbabago.
a. Ebolusyon
b. Teorya
c. Creationist
d. Genesis
2. Sang-ayon sa kanya, nagkakaiba-iba ang nilalang na tao dahil iba-iba ang
kapaligiran. Umaangkop sa kanyang kapaligiran ang tao.
a. Darwin
b. Lamarck
c. Linnaeus
d. Buffon
3. Sang-ayon sa kanya, sumailalim ang hayop sa malaking pagbabago sa kapaligiran,
namamana ito ng mga anak.
a. Darwin
b. Lamarck
c. Buffon
d. Linnaeus
4. Nagsimula sa kanya ang konsepto na may isang pinagmulan ang mga organismo.
a. Linnaeus
b. Darwin
c. Lamarck
d. Buffon
28
5. Alin sa mga batas ng kalikasan ang higit na hindi naaayon ang teorya ng
ebolusyon?
a. Teorya ng DNA
b. Batas ng Entropy
c. Batas ng Thermodynamics
d. Reproduksyon ng katulad ng modernong tao
6. Sa mga Homo Erectus, alin ang katulad ng modernong tao?
a. Taong Java
b. Taong Peking
c. Taong Neanderthal
d. Taong Cro-Magnon
7. Tinawag na rebolusyon ang huling bahagi ng Panahong Neolitiko dahil sa
pagkakaimbento ng
a. apoy
b. busog at pana
c. hasaan
d. pagtatanim
8. Alin sa mga panahon ng pagsulong ang higit na nakatulong sa pag-unlad na
kabihasnan?
a. Panahon ng Metal
b. Panahon ng Bato
c. Panahon ng Bakal
d. Panahon ng Tanso
9. Isa sa mga labíng natagpuan sa Alemanya na tumutugma sa Homo Erectus
a. Taong Neanderthal
b. Taong Tabon
c. Taong Heidelberg
d. Zinjanthyus
10. ng American Indian ay nabibilang sa lahing
a. Mongoloid
b. Negroid
c. Caucasoid
d. Alpine
29
GABAY SA PAGWAWASTO
Pangunahing Pagsusulit 1. B
2. A
3. A
4. C
5. D
6. C
7. D
8. A
9. A
10. A
Gawain 2 1. B
2. H
3. G
4. M
5. I
30
6. A
7. E
8. L
9. D
10. K
Panghuling Pagsusulit 1. A
2. D
3. B
4. A
5. A
6. D
7. A
8. D
9. A
10. C
Aralin 2 Gawain 2 A 1.C
2.M
3. N
4. M
5. M
B. 1.Panahon ng Paleolitiko
31
2. Panahon ng Metal
3. Panahon ng Tanso
4. Panahon ng Bronse
5. Panahon ng Neolitiko
1
ARALING PANLIPUNAN III
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 3
Ang Mga Unang Kabihasnan
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
2
MODYUL 3 ANG MGA UNANG KABIHASNAN
Sa naunang modyul, natuklasan mo kung paanong ang heograpiyang pisikal ay
naging bahagi ng paglinang ng tao ng sinaunang kabihasnan. Sa sinaunang panahon
din natuklasan ng tao ang gamit ng apoy, paggamit ng bato at metal, pagtatanim,
pangangaso, pagbasa, at pagsulat.
Sa modyul na ito, pagtutuunan mo ng pag-aaral kung paano nabuo ang mga
unang pamilya, pamayanan, bayan, lungsod, kaharian o imperyo, at relihiyon. Ito ang
mga bumubuo ng mga unang kabihasnan.
May apat na araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Mga Unang Kabihasnan sa Mesopotamia
Aralin 2: Kabihasnan sa Sinaunang Ehipto
Aralin 3: Kabihasnan sa Sinaunang India
Aralin 4: Kabihasnan sa Sinaunang Tsina
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang malilinang sa
iyo ang mga sumusunod na kasanayan:
1. Matatalakay ang heograpiyang pisikal sa pagyabong ng mga unang kabihasnan;
2. Maipaliliwanag ang pagsulong ng mga unang kabihasnan sa Asya (Sumer,
Mesopotamia, India, Tsina, at Aprica); at
3. Mapahahalagahan ang kontribusyon sa daigdig ng mga unang kabihasnan.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para
sa iyo.
3
PANIMULANG PAGSUSULIT: I. Panuto: Suriin at ibigay ang tamang kasagutan. Bilugan ang titik.
1. Mahalaga ito sa buhay ng sinaunang tao:
A. ilog
B. damit
C. bag
D. sapatos
2. Ang lunday ng sibilisasyon na hugis arko o kalahating buwan:
A. Tsina
B. Fertile Crescent
C. Ilog Nile
D. India
3. Ang dala ng baha na nagsisilbing pataba sa mga tanim:
A. dumi ng hayop
B. lupa
C. banlik
D. puno
4. Ang sistema ng panulat ng mga Sumerian:
A. Hammurabi
B. Calligraphy
C. Minos
D. Cuneiform
5. Ang nagtataglay ng 232 batas at parusa sa mga lumalabag:
A. Kodigo ni Kalantiaw
B. Kodigo ni Hammurabi
C. Kasunduan sa Paris
D. Kasunduan sa Malolos
6. Ang pinakamahalagang ambag ng mga Assyrian sa kabihasnan ng daigdig:
A. Aklatan
B. Pomalan
C. Pamahalaan
D. Tao
7. Ang pagpapangkat-pangkat ng tao sa lipunang Asya:
A. Caste B. Barter
4
C. Veda D. Luwad
8. Ang uri ng pagsulat ng mga Tsino na ginagamitan ng mga pictogram:
A. Cuneiform
B. Hammurabi
C. Argon
D. Calligraphy
9. Ang ibinibigay na eksamin sa mga naglilingkod sa pamahalaan:
A. Calligraphy
B. Hiroglipiko
C. Cuneiform
D. Civil Service
10. Ang libingan ng hari sa Ehipto:
A. Hanging Garden
B. Dome
C. Memorial Park
D. Pyramide (Pyramid)
11. Ang mabagsik ngunit mahusay na hari ng Babylonia:
A. Hammurabi
B. Buddha
C. Minos
D. Phoenician
12. Ang nagpatayo ng unang aklatan na may tabletang luwad:
A. Tsina
B. Ashurbanipal
C. Nebuchadnezzar
D. Khufu
13. Ang nagpagawa sa Hanging Garden of Babylon:
A. Ashurbanipal
B. Charaka
C. Nebuchadnezzar
D. Buddha
14. Karamihan sa mga sinaunang sibilisasyon ay isinilang sa mga:
A. Lambak-ilog
B. Kabundukan
C. Tabing-dagat
D. Tabing-ilog
15. Alin sa mga ito ang hindi kabilang sa pangkat?
5
A. Ehipto-Nile
B. India-Indus
C. Tsina-Yangtze-Huang Ho
D. Ganges-Aztec Indies
16. Ang pagtakas ng mga Hebreo sa Ehipto ay tinaguriang:
A. Exodus
B. Hegira
C. Paglikas
D. Pagtakas
17. Susi ng kasaysayan ng Ehipto ang bato ng Rosetta. Sa Mesopotamia naman ay
ang:
A. Behistan Rock
B. Book of History
C. Nihonji
D. Old Testament
18. Nakatuklas ang mga Hittite ng bakal dahil sa paghahanap ng matigas na metal
upang gawing ______.
A. armor
B. araro
C. kagamitan
D. kasangkapan
19. Ang pinakamahalagang ambag ng mga Phoenician sa kabihasnan ay ang:
A. alpabeto
B. marex
C. kalakal
D. kasangkapan
20. Ang grupo ng taong pinaniniwalaang unang nanirahan sa India at nagtatag ng
Mohenjo-Daro at Harappa:
A. Dravidian
B. Aryan
C. Shiite
D. Hittite
6
ARALIN 1 MGA UNANG KABIHASNAN SA MESOPOTAMIA
Maglalakbay tayo sa nakaraan tatahakin natin ang landas ng mga sinaunang
tao sa tinatawag na Fertile Crescent at Mesopotamia tulad ng mga Sumerian,
Babylonian, Hittite, Hebreo, Phoenician, Assyrian, at Chaldean. Mamamangha ka sa
mga piramide na itinayo ng mga paraon sa Ehipto. Matutuklasan mo ang unang
kabihasnan ng Mohenjo-Daro at Harappa sa India. Matututuhan mo ang paraan ng mga
sinaunang Tsino sa Tsina at matutuklasan mo ang mga lihim ng iba pang sibilisasyong
itinatag sa Aprica.
Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang mo ang mga sumusunod na
kasanayan:
1. Maipaliliwanag ang kahalagahan ng heograpiya sa kasaysayan;
2. Maiuugnay ang heograpiyang pisikal sa paglinang ng mga unang kabihasnan;
3. Matatalakay ang pagsulong ng kabihasnang Mesopotamia mula sa mga unang
sentro ng kabihasnan; at
4. Masusuri ang kontribusyon ng mga unang kabihasnan sa kultura ng daigdig.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
A. Kapag narinig mo ang salitang Mesopotamia, ano ang pumapasok sa
iyong isipan?
B. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong natatandaan tungkol sa mga unang
kabihasnan? Subukan mong isulat sa mga patlang ang mga naiisip mo.
7
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Mga Unang Kabihasnan sa Mesopotamia May walong kabihasnan na unang nagtayo ng panahanan sa Mesopotamia. Ang
mga ito ay Sumeria, Babylonia, Hittite, Assyria, Hebreo, Phoenicia, Persia, at Chaldea.
Pawang may pamana sa kabihasnan ang bawat isa sa mga pangkat na ito.
Sa talahanayang sumusunod ay ipinakikita ang buod ng mga ambag sa
kabihasnan at ang mga sanhi ng pag-unlad at pagbagsak ng mga Sumerian,
Babylonian, Hittite, Assyrian, at Chaldean. Pag-aralan mo ang bawat isa.
KABIHASNANG SUMERIAN Mga Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak
Mga Imbensyon: 1. Cuneiform – unang nabuong sistema ng panulat. Isa itong uri ng pictograph na naglalarawan ng mga bagay na ginagamitan ng may 600 pananda sa pagbubuo ng mga salita o ideya 2. Gulong – sa pagkakatuklas nito, nagawa nila ang unang karwahe 3. Cacao – ginamit bilang unang pamalit ng kalakal 4. Algebra – sa prinsipyong ito ng matematika, ginamit ang sistema ng pagbilang na nakabatay sa 60, paghahati o fraction, gayundin ang square root 5. Kalendaryong lunar na may 12 buwan 6. Dome, vault, rampa, at ziggurat – mga disenyong pang-arkitektura at pang-inhinyera na
Pag-unlad: Malaki ang naitulong ng maraming
imbensyon sa pagtatag at pag-unlad ng kabihasnang Sumer. Ang mga imbensyong ito ay nagpaunlad sa pagsasaka, kalakalan, at iba pang mga industriya na nagpaunlad din sa lipunang Sumerian sa pangkalahatan.
Naitatag ang mga lungsod-estado na lubos na nakatulong sa pagtatag ng pamahalaan at pagpapalakas sa mga Sumerian bilang isang pangkat.
Nakatulong nang malaki ang edukasyon sa pagiging bihasa ng mga mamamayan sa halos lahat ng aspeto ng pamumuhay, mula kalakalan hanggang astrolohiya.
Pagbagsak: Panguanahing dahilan ng paghina
ng mga Sumerian ay ang madalas
8
ginamit sa mga palasyo at templo sa Sumer 7. Luwad – ginamit sa paggawa ng laryo na nagsilbing talaan ng mga Sumerian 8. Prinsipyo ng calculator
Iba pang mga ambag sa kabihasnan: 1. Mga Sumerian din ang unang gumamit ng sistema ng panukat ng timbang at haba. 2. Unang nagtatag ng organisadong puwersa sa pagtatayo ng mga dike. 3. Mga Sumerian din ang nakatuklas sa agham ng pag-oopera. 4. Unang gumamit ng hayop sa pag-aararo ng mga bukid.
na labanan at kawalan ng pagkakaisa ng mga lungsod-estado nito. Madalas na pinagtatalunan ang patubig at hangganan ng mga lupain.
KABIHASNANG BABYLONIAN Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak
Kodigo ni Hammurabi – binubuo ng 282 batas na nagsisilbing pamantayan ng kabihasnang Babylonian. Sakop ng Kodigong ito ang mga itinuturing na paglabag sa karapatan ng mga mamamayan at mga ari-arian nito; usapin sa kalakal, lupa, butaw, serbisyong propesyunal; at pamilya. Nakatala rin ditto ang mga parusang dapat na ipataw sa mga nagkasala tulad ng kamatayan, mutilasyon, at iba pa na itinuturing na malupit sa kasalukuyang panahon. Naglalarawan ang mga batas na ito ng isang organisadong lipunan.
Pag-unlad: Maayos ang pagpapalakad ng
pamahalaan, lalo na sa panahon ni Hammurabi.
Nagdulot ng katiwasayan sa lipunan ang pakikipagtulungan ng mga mababang opisyal ng pamahalaan, sundalo, at huwes sa hari.
Nagpatatag sa lipunan at pamahalaan ang Kodigo ni Hammurabi. Nakatulong ito sa pag-unlad ng halos lahat ng aspeto ng buhay ng mga Babylonian.
Pagbagsak: Paglusob ng mga Kassite,
isang tribong Indo-Europeo. Sinundan ito ng mga Hittite na may higit na mahusay na armas na gawa sa bakal.
9
KABIHASNANG HITTITE Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pag-Unlad at Pagbagsak
Pagkakatuklas ng bakal. Nanatiling lihim sa loob ng 200 taon ang kaalaman ng mga Hittite sa paggawa ng mga sandata mula sa bakal. Natuklasan lamang ito ng ibang pangkat sa rehiyon nang masakop at tuluyang bumagsak ang mga Hittite noong 1200 B.C.
Pagkilala at paggalang sa iba’t ibang wika
Pagkakaroon ng titulo ng lupa at mga talaan nito
Pag-imbentaryo ng mga lupain at pananim na naging batayan ng pagbubuwis ng ari-ariang kaugnay sa lupa
Pagtatayo ng mga istruktura na ginagamit bilang sandigan at tanggulan
Paglililok ng mga diyos, diyosa, at mga halimaw na may pakpak
Pag-unlad: Pangunahing dahilan ng kanilang
pag-unlad bilang isang pangkat ay ang pagkakatuklas nila ng bakal. Superior na mga sandata ang kanilang nagawa mula sa bakal na naging dahilan ng mabilis nilang pananakop sa ibang mga lupain.
Nakatulong nang malaki sa kanilang pag-unlad ang kanilang sistema ng pagbabatas. Hindi ito kasing-lupit ng mga batas ni Hammurabi subalit naging maayos ang pagpapatakbo ng imperyo na nagbigay-daan sa pag-unlad ng kalakalan nito.
Pagbagsak: Maraming pribilehiyo ang mga
kamag-anak ng hari na kadalasang naaabuso.
Pakikipag-alyansa ng mga Hittite sa mga Egyptian na naging dahilan ng paghihimagsik ng mga kaalyado nito sa silangan at kanlurang bahagi ng imperyo. Salik din dito ang paglawak ng kapangyarihan ng mga Griyego na nagbunsod sa pagdating ng mga tribo mula sa palibot ng Dagat Aegean sa hilagang bahagi ng Imperyong Hittite. Isa sa mga tribong ito, ang mga Mitas ng Phyrrgia, ay lumusob at sinunog ang Hattusas noong 1200 B.C.
Nanatiling nakatayo ang ilang mga lungsod-estado ng mga Hittite nang 500 taon. Naitatag ang Carchemish bilang kabisera sa silangan. Ngunit nasakop ito noong 717 B.C. ni Sargon II ng Assyria. Ito ang naging hudyat ng
10
pagwawakas ng pamahalaang Hittite sa Mesopotamia.
KABIHASNANG ASSYRIAN Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pagbagsak
Ang mga Assyrian ang kauna-unahang pangkat na nakabuo ng epektibong sistema ng pamumuno sa imperyo. Kinopya ng ibang pangkat sa Malapit na Silangan ang pamamalakad ng Imperyong Assyrian.
Kauna-unahang aklatan na may 200,000 tabletang luwad na itinayo ni Ashurbanipal.
Ang patuloy na pag-aalsa ng mga lungsod tulad ng Media at Babylonia na nasakop ng Assyria ay nakapagbawas nang malaki sa yaman ng Assyria at nagpahina sa hukbo nito.
Nagkaisa ang mga Chaldeans, Medes, at Persiano noong 612 B.C. upang pagtulungang salakayin ang Assyria.
KABIHASNANG CHALDEAN Ambag sa Kabihasnan Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak
Ang Hanging Gardens of Babylon ang isa sa pinakanakakahangang tanawin sa sinaunang panahon.
Ang mga Chaldeans ang luminang ng konsepto ng zodiac at horoscope.
Pag-unlad: Ang pamumuno ni Haring
Nebuchadnezzar ang nagdala sa mga Chaldean sa rurok ng tagumpay. Pumili siya ng matatalinong kabataan mula sa mga sinakop na lupain upang maging katulong niya sa pamumuno.
Pagbagsak: Tanging si Nebuchadnezzar II
lamang ang naging malakas na hari ng mga Chaldean. Sa kanyang pagkamatay, mahihinang hari na ang namuno sa Chaldean. Sa karangyaan, kasaganaan, at kasayahan lamang sila nakatuon. Hindi nila napatatag ang ekonomiya, pulitika, at sandatahan. Nang lumusob ang mga Persiano noong 529 B.C. mabilis na nagapi ang mga Chaldean na naging simula ng pagbagsak ng imperyo nito.
11
Katangiang Pisikal ng mga Unang Kabihasnan Sa mga nabasa mo tungkol sa mga sinaunang kabihasnan, mapapansin mong
halos sabay-sabay na umunlad ang mga sibilisasyong iyon sa kapatagan ng mga Ilog
Tigris-Euphrates, Indus, Yangtze, at Nile. Ang mga ilog ang nagsilbing daanan ng mga
kalakal at mga tao noong sinaunang panahon.
Ang Fertile Crescent at ang Kambal na Ilog Fertile Crescent, isang pambihirang pangalan ng pook. Saan nagmula ang
pangalang ito at sadyang kakaiba kaysa mga pangalan ng pook na nakasanayan na
nating marinig? Kung papansinin natin ang mapa, mapupuna ang makitid na istrip na
hugis-arko. Nagsisimula ito sa Isthmus ng Suez, tuloy-tuloy pahilaga at bumabaybay sa
dulong silangan ng Dagat Mediterranean habang bumubuo ito ng hugis-arko patungo
sa mataas na bahagi ng mga lupain sa Asya Minor at Armenia. Unti-unti itong
kumukurba patimog-silangan habang bumabagtas sa mga Ilog Tigris at Euphrates
hanggang sa Golpo ng Persia. Ang matabang mga ilog-lambak na ito na hugis
kalahating buwan ang tinawag na Fertile Crescent.
Kakaiba ang galaw ng kasaysayan sa Fertile Crescent. Habang pinanirahan ng
mga tao ang ibang lupain mula pa sa kanilang ninuno na nanatili roon kahit na sakupin
ng ibang grupo ng tao, pinanahanan ang Fertile Crescent ng mga tribong huling
nanakop nito. Habang malakas ang pamahalaan ng mga taong pansamantalang
nakatira roon, nakasisiguro ang mga mamamayan na mananatili sila Fertile Crescent.
Subalit kapag nanghina na sila, mayroon namang tribong sasalakay hanggang
mapaalis o gawing alipin ang mga dating nakatira roon.
Pinagyaman at nilinang ang lupain ng Fertile Crescent ng ilang malalaking ilog,
kasama na rito ang Tigris at Euphrates na tinaguriang Kambal na Ilog.
Nagsimulang dumaloy ang mga ilog Tigris-Euphrates mula sa mga kagubatan ng
Armenia. Ang Ilog Tigris na nasa silangang bahagi ay umaagos nang 1771 km.
patungong Golpo ng Persia samantalang ang Euphrates na nasa kanlurang bahagi ay
12
bumabagtas sa 2737 km. bago umabot sa Golpo ng Persia. May mga pook kung saan
magkakalapit ng halos 32.2 km. ang pagitan ng mga Ilog Tigris at Euphrates.
Pagkatapos, unti-unti itong aagos nang papalayo sa isa’t isa.
Mesopotamia: Lupain sa Pagitan ng Dalawang Ilog
Nagmula sa mga Griyego ang pangalang Mesopotamia na ang ibig sabihin ay
“lupain sa pagitan ng mga ilog”.
Mataba ang lupa sa Mesopotamia. Naghatid ng maraming biyaya at kayamanan
sa mga tao roon ang mga tabing-ilog, matapos nilang matutunang patuyuin at
pagyamanin ang mga ito. Noong 5000 B.C., sari-saring pagkain ang naani ng mga tao
rito tulad ng trigo, barley, mga bungang-kahoy, peach, dates, nuts, at maraming uri ng
gulay. Masagana rin ang Mesopotamia sa mga luntiang damuhan kung kaya nag-
aalaga ang mga tao rito ng mga baka, tupa, kambing, at baboy.
Kulang ang Mesopotamia sa bato at mga puno para gawing torso upang
magamit sa pagtatayo ng mga bahay at gusali. Bilang pamalit sa troso at bato, ginamit
ng mga tao ang putik upang gawing laryo para sa mga tahanan at gusali. Pinunuan
naman ng mga balat ng tupa at iba pang hayop upang gawing damit ang kawalan ng
hibla upang gawing tela.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Subukan mo kung natatandaan mo ang kasagutan sa mga sumusunod
na tanong.
1. Anong lugar ang nakikita mo sa gawing hillaga ng Golpo ng Persia? Ano ang
hugis nito?
2. Ano ang dalawang kambal na ilog na matatagpuan sa lupain ng Mesopotamia?
Bakit tinawag ang mga itong kambal na ilog? Saan umaagos ang mga nasabing
ilog?
13
Tandaan Mo! Ang magandang heograpiya ay may malaking ambag sa pag-unlad
ng kasaysayan at kabihasnan ng bansa. Ang mga ilog Indus,
Yangtze, Nile, at kambal na ilog na Tigris at Euphrates, ang hugis
kalahating buwan o Fertile Crescent sa tabi ng mga ilog, at matatabang lupain ang
tumulong upang mapagyabong ang mga unang kabihasnan.
Walo ang kabihasnang unang nagtayo ng panahanan sa Mesopotamia at
nakinabang sa magandang katangian ng heograpiya nito: Sumerian, Babylonian,
Assyrian, Hittite, Hebreo, Phoenician, Persian, at Chaldean.
Gawain 3: Paglalapat
Subukang tandaan ang mga dahilan ng pag-unlad at pagbagsak ng bawat
kabihasnan sa Mesopotamia. Isulat sa ikalawang puwang ng gulong ang
dahilan ng pag-unlad at sa panghuling puwang ang dahilan ng pagbagsak
ng mga kabihasnang tinalakay sa aralin.
Hittite
Sumerian
Babylonian
Chaldean
Assyrian
14
ARALIN 2 KABIHASNAN SA SINAUNANG EHIPTO
Sa araling ito, tutuklasin naman natin ang naging kontribusyon ng
sinaunang Ehipto sa kabihasnan ng daigdig. Anu-ano ang sumasagi sa iyong isipan
kapag narinig mo ang Ehipto? Alamin mo kung bakit naging maunlad ang sinaunang
Ehipto.
Matapos ang Araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Masusuri ang kahalagahan ng Ilog Nile sa sinaunang Egypt;
2. Maipaliliwanag ang pinakamahalagang pamana ng bansang Ehipto sa
daigdig; at
3. Matatalakay ang mga naiambag at mahalagang nagawa ng mga pinunong
naghari sa bansang Ehipto.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Noong panahon ng mga Kastila, naging mahalaga ang Ilog Pasig sa
pagyaman ng Maynila. Ano ang kahalagahan ng mga ilog sa kabihasnan?
Pagkatapos mo itong sagutin, pag-isipan mo rin kung ano ang
kahalagahan ng Ilog Nile sa Ehipto.
Kabihasnan sa Sinaunang Ehipto Nakalatag ang Ehipto sa mainit na lupain ng Aprica at halos binubuo ng disyerto
maliban sa mga oasis. Dahil sa Ilog Nile, nagkaroon ng pag-asa ang mga taga-Ehipto
na ang kanilang lupain ay magbibigay-buhay. Isa pang mahalagang aspeto ng Ilog Nile
15
ay ang hanging umiihip ditto na tinatawag na Hanging Extensian. Ito ang hangin na
nanggagaling sa Dagat Mediterranean at umiihip patimog at pasalungat sa agos ng ilog.
Ito ang nagpapalamig sa kabuuan ng lupain. Dahil sa magandang klima at matabang
lupa, umunlad ang sinaunang sibilisasyon ng Ehipto.
Basahin mo at unawain ang buod ng kasaysayan ng Ehipto at ng iba’t ibang
aspeto ng kabihasnan nito: pamahalaan, lipunan at kultura, ekonomiya, at mga ambag
sa kabihasnan ng daigdig.
Pamahalaan: Lumang Kaharian (2686 B.C. – 2181 B.C.)
Tinawag itong panahon ng piramide. Sa panahong ito nagsimula ang pagtatayo
ng mga piramide sa Ehipto na nagsilbing libingan ng mga paraon.
Hindi malinaw kung ilan at sinu-sino ang mga namuno. Gayunpaman, ang ilan sa
mga tanyag na paraon noong panahong iyon ay ang sumusunod.
1. Zoser (2750 B.C.) – sa panahon niya itinayo ang kauna-unahang piramide sa
Ehipto, ang step pyramid na may anim na patung-patong na mastaba noong
2780. Idinesenyo ni Imhotep, ang punong tagapayo ni Zoser at isang magaling
na arkitekto.
2. Khufu o Cheops (2650) – sa kanyang panahon itinayo ang Great Pyramid sa
Giza na itinuturing na isa sa Seven Wonders of the Ancient World. Sa sukat na
70 metro kwadrado ang base at 147 talampakan ang taas, ito ang
pinakamalaking istruktura na itinayo ng tao.
3. Unis – sa piramide niya natagpuan ang Pyramid Texts o ang kalipunan ng
Hieroglyphics na naglalarawan ng mga tradisyon ng paglilibing sa paraon at ang
kanyang kahahantungan sa kabilang buhay.
Gitnang Kaharian (1991 B.C. – 1786 B.C.)
Pinamunuan ng 14 na paraon na ang mga pinakamahalaga ay ang sumusunod:
1. Amenemhet I (1991-1962 B.C.) – Binuo niyang muli ang Ehipto mula sa
kaguluhan na namayani pagbagsak ng Lumang Kaharian. Binuhay niya ang
pakikipagkalakalan sa Palestina at Syria.
16
2. Amenemhet III (1842-1797 B.C.) – Siya ang nagpagawa ng sistema ng irigasyon
sa Faiyum na ginagamit pa hanggang ngayon.
Bagong Kaharian (1570-1090 B.C.)
Itinuturing na Panahon ng Imperyo dahil ditto nagsimula ang pananakop ng mga
sinaunang Ehipsyano. Pinamunuan ng 33 paraon na ang mga may mahalagang
ambag ay ang sumusunod.
1. Ahmose – itinaboy ang mga Hyksos palabas ng Ehipto at sinimulan ang Bagong
Kaharian. Itinatag niya ang kauna-unahang magaling na hukbong pandigma
gamit ang natutuhan mula sa mga Kyksos.
2. Thutmose II (1512 B.C.) – idinagdag sa imperyo ang Nubia, Syria, at Palestina.
3. Hatshepsut – asawa ni Thutmose II; unang babaing namuno sa daigdig;
nagpatayo siya ng mga templo at nagpaigting ng masiglang kalakalan kaysa
pananakop ng lupain.
4. Thutmose III – itinuturing na magaling na mandirigma; napalawak ang imperyo
hanggang sa mga baybayin ng Euphrates. Nagpatayo siya ng magagarang
templo sa panahong ito. Ang pinakamagara ay ang mga templo sa Kamak at ang
apat na Obelisk na kinauukitan ng mga tagumpay niya.
5. Amenhotep IV o Ikhnaton (1300 – 1358 B.C.) – nagpasimula ng monoteismo o
pagsamba sa iisang diyos, Aton, na itinuturing niyang pinakamataas at
pinakamagaling.
6. Tutankhamen (1358 – 1353 B.C.) – ang kanyang piramide ang itinuturing na
pinakamahalagang labi ng sinaunang kabihasnan ng Ehipto dahil kumpleto ang
laman nito nang matuklasan. Ibinalik niya ang polyteismo o paniniwala sa
maraming diyos sa panahon niya.
7. Rameses II (1304 -1237 B.C.) – Ipinagtanggol niya ang imperyo laban sa mga
sumasalakay na Hittite mula sa Gitnang Asya. Nag-iwan siya ng maraming
sariling monumento.
17
Lipunan at Kultura: Sumasamba sa mga diyos at diyosa tulad nina Amn Re, diyos ng araw; Osiris,
diyos ng Nile; Isis, asawa nito; at iba pa.
May apat na uri ng tao sa lipunan: ang mga maharlika, pari, at pantas; mga
sundalo; mga karaniwang mamamayan; at mga alipin.
Naniniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan na pinagmulan ng dalawa sa
dakilang pamana nila sa kabihasnan, ang pag-eembalsamo at ang piramide.
Umusbong ang gitnang uri ng tao sa lipunan sa panahon ng Gitnang Kaharian.
Ekonomiya: Dalubhasa sa mga gawang-kamay ang mga sinaunang Ehipsyano. Sila ay mga
platero, manggagawa ng palayok, manghahabi, at karpintero.
Pagsasaka at pagpapastol ang mga pangunahing hanapbuhay. Nagtanim sila ng
barley, trigo, at mga gulay. Nagmina rin sila ng tanso at ginto.
Nagkaroon ng palitan ng kahoy na cedar mula sa Phoenician at olive oil mula sa
Crete para sa flax, papyrus, inasnang isdang alabaster at ginto ng Ehipto. Ang
kalakalang ito ay nagdala ng karangyaan sa mga mangangalakal.
Nagkaroon ng bugso ng pagtatayo ng mga kanal at daan.
Mga ani at paglilingkod ang uri ng buwis na kinokolekta mula sa mga
mamamayan.
Sanhi ng Pagbagsak: Lumang Kaharian:
Pag-aalsa ng mga mamamayan laban sa mataas na buwis.
Mahina at walang kakayahan sa pamumuno ang mga sumunod na hari.
Gitnang Kaharian: Pag-aalsa ng mga maharlikang galit sa mga pribilehiyo ng mga bagong-yaman
na gitnang uri.
Pagsalakay ng mga Hyksos mula sa Arabia at Syria noong 1700 B.C.
18
Bagong Kaharian:
Pagpapabaya sa ekonomiya ng kaharian.
Pagsalakay ng mga Hittite sa mga kolonya ng Ehipto na nagdulot ng pagkawala
ng mga buwis ni kinukolekta mula rito.
Pag-aalsa sa loob ng kaharian.
Pagsakop ng mga Assyrian noong 570 B.C., ng mga Persiano noong 525 B.C.,
at ni Alexander the Great ng Macedonia noong 332 B.C.
Ambag sa Kabihasnan: Ang kalendaryo na may 365 araw sa isang taon na hinati sa 12 buwan ay mula
sa mga sinaunang Ehipsyanong astronomo noong 424 B.C. Ginawa nila ito
upang masubaybayan ang paghaba ng Nile. Nabuo ang sistemang panulat ng mga sinaunang Ehipsyano na tinawag na
hieroglyphics o hiroglipiko noong 3000 B.C. Ito ay binubuo ng mga salitang hiero,
isang salitang Griyego na nangangahulugang sagrado o banal, at glype na ang
ibig sabihin ay paglililok. Unang ginamit ng mga pari sa mga ritwal ang
hiroglipiko. Binubuo ito ng mga ideogramo at ponogramo. Mayroon itong 24
simbolo at ang bawat isa ay may tig-isang titik ng katinig. Bukod sa 24 simbolo,
mayroon pang 80 simbolo na may tig-dalawang katinig. Ang mga piramide ang kauna-unahang monumentong bato na nananatili pa
hanggang sa kasalukuyan. Ang pinakamalaking piramide ay ang piramide ni
Khufu o Cheops na nasa Giza. Ang pagkakaimbento ng papel mula sa dahon ng halamang papyrus ay nagmula
rin sa mga sinaunang Ehipsyano. Ang mummification o proseso ng pag-eembalsamo ay nagsimula noong 2600
B.C. sa ilalim din ng pamumuno ni Khufu. Natagpuan ang pinakalumang mummy
sa Medum ni Sir Flinders Petrie na tinatayang inembalsamo noong panahong
iyon. Ang mastaba ay mga naunang bersyon ng piramide. Una itong itinayo sa
panahon ni Haring Djer noong 2900 B.C. Naimbento rin ang araro sa panahong ito.
19
Pagtatayo ng malaking imbakan ng tubig na tinawag na faiyum na nagtustos ng
tubig sa panahon ng tagtuyot. Ginagamit pa rin hanggang ngayon ang sistemang
ito ng irigasyon. Amarna art noong panahon ni Ikhnaton na nagpapahalaga sa pagiging
makatotohanan ng mga bagay na inilalarawan.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Punan ang sumusunod na talahanayang nagpapakita ng mga naging
pinuno ng bawat kaharian at ang nagawa ng bawat isa. Sino para sa iyo ang may
pinakamalaking nagawa para umunlad ang kabihasnang Ehipsyano? Bakit?
Kaharian
Pinuno
Mga Nagawa
1. Lumang Kaharian
2. Gitnang Kaharian
3. Bagong Kaharian
20
Tandaan Mo!
Ang Ehipto ay umunlad bilang isang lupain sa tulong ng Ilog Nile.
Sinabi ni Herodotus na lahat ng Ehipto ay handog ng Nile. Walang
Ehipto kung walang Nile.
Ang mga natatanging pamana ng Ehipto sa kabihasnan ng mundo ay ang hiroglipiko
o paraan ng pagsusulat, pag-eembalsamo ng mga pumanaw, paniniwala sa
kabilang-buhay, at ang kahanga-hangang piramide.
Ang mga paraon sa iba’t ibang kaharian ng sibilisasyong Ehipsyano ay maraming
naiambag sa makabagong panahon sa larangan ng pulitika, ekonomiya, arkitektura,
at relihiyon.
Gawain 3: Paglalapat 1. Ano ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng mga kaharian sa
kabihasnang Ehipsyano? Isulat sa loob ng unang kahon. 2. Alin para sa iyo ang pinakamalaking pamana ng Ehipto sa kabihasnan? Isulat ang
sagot sa ikalawang kahon.
1
___________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
2
___________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
________________________
21
ARALIN 3 KABIHASNAN SA SINAUNANG INDIA
Ang India ay isa sa pinakamalaking bansa sa daigdig dahil sa lawak ng lupain at
yaman ng kultura.
Sa araling ito, aalamin mo ang pinagdaanang kasaysayan ng mga sinaunang
kabihasnan sa India at ang mga katangian at kontribusyon ng kabihasnang Indian sa
daigdig.
Pagkatapos ng paksang araling ito, inaasahang malilinang ang mga sumusunod
mong kasanayan:
1. Masusuri ang mga katangian ng kabihasnan ng sinaunang India;
2. Makapagbibigay ng mga kontribusyon sa daigdig ng sinaunang
sibilisasyon sa India;
3. Mapaghahambing at mabibigyang-halaga ang mga kabihasnang Aryan at
Mohenjo-Daro at Harappa.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Kung bibigyan ka ng pagkakataong bumalik sa sinaunang kasaysayan,
aling kabihasnan ang pipiliin mo? Bakit?
________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________ .
22
Pagkatapos mong basahin ang sumusunod na nilalaman ng aralin, iyan pa rin ba
ang pipiliin mo? Una’y suriin mong isa-isa ang mga sinaunang kabihasnan sa India.
Kabihasnan sa Sinaunang India Hindi maipagkakailang nakalunday sa Asya ang mga sinaunang kabihasnan.
Tulad ng iba pang sinaunang kabihasnan, iniluwal ang kabihasnang ito sa mga ilog at
lambak ng Indus na nasa hilagang kanlurang bahagi ng India. Umunlad ang
kabihasnang ito at tinawag na mga lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa.
Madalas na tawaging subkontinente ang India dahil sa laki nito. Halos lahat ng
anyong-tubig at lupa ay makikita rito tulad ng disyerto, matabang lambak, mga
kapatagan, matataas na talampas, mababang baybayin, mga naglalakihang ilog, at
mga kabundukan.
Basahin mo ang buod ng kasaysayan ng sinaunang India. Pansinin mo ang iba’t
ibang larangang pampulitika, pang-ekonomiya, lipunan, at kultura. Anu-ano ang mga
naiambag ng sinaunang kabihasnang Indian sa pamumuhay natin ngayon? Bakit
bumagsak at nahaluan ng ibang kultura ang sinaunang India? Alamin natin.
Kabihasnang Mohenjo-Daro at Harappa (2500-1500 B.C.)
Lipunan at Kultura May malalaking kalsada, alkantarilya, at sistema ng patubig na tumutustos sa
pangangailangan ng mga tahanan maging noong unang panahon.
Gumamit ang mga tao ng laryong putik na pinatutuyo sa pugon sa paggawa ng
bahay. Gumamit sila ng mga hulmahan upang magkakapareho ang mga laryo.
Maganda ang kanilang mga iskultura at simple ang istilo ng arkitektura.
Naniniwala at sumasamba sa mga kaluluwa na naninirahan sa kalikasan at
maging sa tao.
Ekonomiya Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao. May matabang lupa na
23
dulot ng malimit na pag-apaw ng mga ilog na pinagtaniman ng palay, mais, kape,
bulak, niyog, at iba pa. May mga nahukay na relikyang nagpapatunay na nakipagkalakalan ang
sinaunang India sa Mesopotamia tulad ng mga inukit na batong seal na ginamit
sa pagtatak ng mga kalakal.
Sanhi ng Pagbagsak Pagdating ng mga mananakop na Aryan mula sa Gitnang Asya noong 1500 B.C.
Ambag sa Kabihasnan Parisukat na seal carving na yari sa Soapstone, isang uri ng pulbos na pinatigas
at kadalasang ginagawang dekorasyon at selyo. Mga piguring bronse at terracotta ng mga bagay at diyos na sinasamba ng tao. Mga alahas na yari sag into, metal, at iba pang mamahaling bato tulad ng jade at
lapis lazuli.
Kabihasnang Aryan (1500-530 B.C.)
Pamahalaan Nahahati sa mga pamayanan na may kanya-kanyang pamahalaan.
Pinamumunuan ito ng rajh na nagmamana ng katungkulan at may katulong na
lupon ng tagapayo na binubuo ng mga pinuno ng tahanan.
Lipunan at Kultura Tinawag na Panahong Vedic dahil ditto isinulat ang mga Veda o ang apat na
aklat ng karunungan. Ito ay kalipunan ng mga himnong pandigmaan, mga ritwal
na panrelihiyon, at mga kwento. Ang Rig Veda, ang pinakamatanda sa apat, ay
tungkol sa kalikasan; ang Sama Veda naman ay tingkol sa mga ritwal; habang
ang Veda ay naglalaman ng mga sinaunang seremonya. Ang Athava Veda ay
tungkol naman sa kultura at mga tradisyon ng mga Aryan. Ang Upanishad
naman ay nagsasaad ng mga pangunahing paniniwala ng Hinduismo tulad ng
reinkarnasyon. Sa ilalim ng sistemang caste, inuri ang mga Brahman na binubuo ng mga pari na
nagsisilbing guro; ang mga Kshatriya o ang mga maharlika at mandirigma; ang
24
mga Vaisya o mga karaniwang mamamayan, mga artisano, mangangalakal,
magpapastol, at magsasaka; at ang mga Sudra na mga manggagawa at alipin.
Sa labas ng sistema matatagpuan ang mga untouchable o pariah, mga
mamamayang hindi Aryan na karaniwang mahihirap at gumaganap ng
mababang uri ng trabaho. Sumasamba sa maraming diyos sa kalikasan tulad nina Indra, ang diyos ng
bagyo at Agni, ang diyos ng apoy. Sa pagsambang ito nagmula ang relihiyong
Hinduismo, ang pangunahing relihiyon sa India ngayon at isa sa
pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Ang Budismo, na pinasimulan ni
Gautama Buddha noong 600 B.C., ay isa ring mahalagang relihiyon sa India na
kumalat sa iba pang lupain sa Asya. Walang kalayaan ang babaing Indian sa panahong ito, ngunit mayroon silang
karapatang magmay-ari ng negosyo at kasangkapan tulad ng alahas na
maaaring ipamana sa kanilang mga anak. Ang mga biyuda ay hindi na maaari
pang mag-asawa at dapat mamauhay nang simple hanggang sa kanyang
kamatayan. Ang iba ay nagpapakamatay at sumasama sa libing ng asawa na
tinatawag na suttee. Ang mga anak ng mayayamang pamilya ay nakapag-aaral. Ipinapakabisa sa
mga mag-aaral ang mga Veda. Ang krimen noong panahong iyon ay maaaring maparusahan ng kamatayan. Mahilig sa kasayahan ang mga Aryan. Sila ay madalas manood at makilahok sa
karera ng mga karwahe, pagsasayaw, at pagsusugal.
Ekonomiya Pagpapastol at pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga Aryan.
Nagtanim sila ng barley at trigo. Magaling din sa mga gawang-kamay ang mga Aryan. Ang pangunahing
hanapbuhay noon ay pagkakarpintero, paghahabi, pagkukulti ng balat ng hayop,
at paggawa ng mga kasangkapan sa bahay gaya ng araro at asarol.
Sanhi ng Pagbagsak Sinalakay at napailalim sa mga Persiano sa pamumuno ni Cyrus the Great
noong 530 B.C.
25
Ambag sa Kabihasnan Relihiyong Hinduismo at Budismo Sistemang caste Konsepto ng reinkarnasyon o muling pagkabuhay at ang karma na nagsasabing
ang ginawa ng tao sa kasalukuyang buhay ay maparurusahan o
magagantimpalaan sa susunod nilang buhay. Sa panitikan, ang mga Veda at ang Upanishad
Imperyo sa Sinaunang India
Imperyong Maurya 320-185 B.C. Nagtatag: Chandragupta Maurya (324-300 B.C.)
Pamahalaan May maayos na pamahalaan na nakasentro sa hari. Ang imperyo ay hinati sa
mga distrito na pinamunuan ng mga kasapi ng pamilya ng hari. Malaki rin ang
bahaging ginampanan ng mga tagapayo ng hari, tulad ni Kautilya sa panahon ni
Chandragupta Maurya.
Sa ilalim ni Bandusara (297 B.C.), anak ni Chandragupta, nasakop ng imperyo
ang talampas ng Deccan (273-232 B.C.)
Nagpalabas si Asoka, ang pinakamagaling na pinuno ng imperyo, ng maraming
batas na tinawag na Rock Edicts. Ito ay nakaukit sa mga bato, dingding ng mga
kweba, at sa mga pampublikong lugar. Ang mga batas na ito ay naglalaman ng
mga konsepto ng kawalan ng karahasan, paggalang sa lahat ng relihiyon at
opinyon, pagsunod sa magulang, at pagiging makatao sa mga naninilbihan.
Pinalaganap ang Budismo sa panahon ni Asoka. Nagpasagawa siya ng mga
daan, mga balon, at mga bahay-pahingahan. Ipinagbawal din ang
pagsasakripisyo sa mga hayop at nagpatayo ng mga sentrong pangkalusugan
para sa lahat ng mamamayan.
Lipunan at Kultura Ang lipunan ay nahahati sa pitong uri – mga pilosopo, magsasaka, kawal, pastol,
26
artisano, mahistrado, at konsehal. Pinakamalaking grupo ang mga magsasaka.
Hindi maaaring mag-asawa ng hindi kauri ang mga Hindu.
Ekonomiya Nakipaglaban sa mga Persiano na pinamunuan ni Seleucus, ang mga Seleucid,
noong 3000 B.C. Pagsasaka at pagpapastol ang pangunahing hanapbuhay, nagtanim ng millet,
trigo, at bulak. Nangulekta ng buwis mula sa mga mangangalakal ng bulak at may-ari ng lupa.
Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak Pag-unlad
Ang maayos na sistema ng pamahalaan at ang mga buwis ang siyang tumustos
sa mga gastusin ng imperyo.
Pagbagsak
Umusbong ang mga nagsasariling estado sa timog ng kahariang Sunga at
Kalinga.
Napabayaan ang hukbong military sa panahon ni Asoka dahil itinuon niya ang
pansin sa pagpapalaganap ng Budismo. Hindi nito nakayang ipagtanggol ang
imperyo mula sa mga nag-alsang Hindu na ayaw ng Budismo.
Hindi nakaagapay ang pamahalaan sa mga gastusin ng imperyo.
Ambag sa Kabihasnan Encyclopedia sa medisina na isinulat ni Charaka.
Aklat sa pulitika ni Kautilya, ang Arthasastra (The Science of Material Gain) na
tungkol sa pagpapalawak at paggamit ng kapangyarihan.
Imperyong Gupta 320-500 A.D. Nagtatag: Chandragupta (320-335 A.D.)
Pamahalaan Sa ilalim ng pamumuno ni Samudragupta (335-375 A.D.), anak ni Chandragupta
I, lalong napalawak ang imperyo hanggang Talampas ng Deccan. Ang
27
pagpapalawak na ito ay nagdala ng yaman sa imperyo sa pamamagitan ng mga
buwis na sinisingil ng imperyo sa mga nasakop na lupain.
Lipunan at Kultura Itinuring na Gintong Panahon ng India. Ang mga ambag ng Imperyong Gupta sa
kabihasnan ay nagpapahayag ng kasaganaan na dulot ng mga yaman mula sa
mga nasakop at kapayapaang tinamasa nito sa panahon ni Asoka. Sa panahong
ito umunlad ang pagkamalikhain ng mga tao at nalinang ang sining at kultura sa
India.
Ekonomiya Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga Gupta. Nagtanim sila ng
bigas, trigo, at tubo, gayundin ng mga prutas tulad ng mangga, melon, apricot,
peach, peras, at iba pa. May mga minahan ng mineral at asin, mga pabrika ng sandata, at pagawaan ng
ornamenting ginto at pilak. Nakipagkalakalan sa Ehipto, Gresya, Roma, at Ceylon (ngayon ay Sri Lanka).
Ang ilan sa mga produkto nila ay bulak,mga telang chintz, calico at cashmere,
garing, at elepante na ipinagpalit nila sa musk, seda, at amber.
Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak Pag-unlad
Mahusay na pamamahala ng mga naunang pinuno.
Pagbagsak
Pagsalakay ng mga Hun mula sa Gitnang Asya noong 415 A.D.
Ambag sa Sibilisasyon Dinar – gintong barya na inuukitan ng tula at iba pang disenyo Sakuntala – dula ni Kalidasa at mga pabula na may aral tungkol sa moralidad at
pulitika Sa arkitektura, ang Iron Pillar sa Delhi ay isang magandang halimbawa ng
teknolohiya noong panahong iyon. Mga epikong Ramayana at Mahabharata at ang pagtulong sa kanila ni Krishna
sa pagbawi sa trono mula sa kanyang magandang asawang si Sita na kinuha ng
28
isang demonyo mula sa Persia. Simbolong zero at bilang na 1 hanggang 9. Pi na katumbas ng 3.14 at 365.3568 na bilang ng araw sa isang taon Sistemang decimal Ang University of Nalanda, ang unang unibersidad sa daigdig, na nag-alok ng
mga kurso sa relihiyon, pilosopiya, at sining. Nagbigay sa mundo ng mga telang cashmere, calico, at chintz na hanggang
ngayon ay ginagawang damit at sapin sa bahay. Mga fresco painting (pinta sa pader na plaster) sa kweba ng Ajanta sa
Maharashtra.
Imperyong Mogul 1526-1793 A.D. Nagtatag: Babur (1526-1530)
Pamahalaan Sa ilalim ng pamamahala ni Akbar the Great noong 1556-1605 A.D., apo ni
Babur, nagpatayo ng mga monumento at palasyo sa India.
Naabot ng imperyo ang katanyagan sa panahon ng pamamahala nina Akbar
Jahangir na namuno noong 1605-1627 at Shah Jahan noong 1628-1658.
Lipunan at Kultura Magkahalong tradisyong Hindu at kaugaliang Muslim ang umiral sa lipunan
noong panahon ni Akbar at sumunod na namuno. Ipinagbawal ang pang-aalipin ng mga babae at batang bihag sa digmaan. Inalis din ang suttee o ang pagsunog ng mga biyuda kasama ng bangkay ng
kanilang asawa. Ang kaugaliang ito ay nagsimula noong 1 A.D., dala ng mga
Raiputs, mga mandirigmang Kushan na naniniwala sa monogamya o pag-
aasawa ng isa lamang. Nagkaroon ng direktang komunikasyon ang emperador at mga mamamayan sa
pamamagitan ng mga korte ng hustisya na pinamunuan ng emperador.
29
Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak Pag-unlad:
Pinalawak ang imperyo sa pamamagitan ng pagkakasundo ng mga Hindu at
Muslim sa imperyo.
Pagbagsak
Napabayaan ang pamahalaan sa panahon ni Aurangzeb (1695-1707), na
nagtuon ng pansin sa pakikidigma sa pag-asang masasakop ng imperyo ang
buong India.
Ambag sa Kabihasnan Istilong Mogul sa sining at arkitektura. Ito ay sining ng India na hinaluan ng
impluwensya ng Persia.
Ang Taj Mahal na itinayo sa pagitan ng 1620-1648 ay itinuturing na isa sa
pinakamagandang halimbawa ng arkitekturang Indian. Ipinatayo ito ni Shah
Jahan para sa paborito niyang asawa na si Muntaj Mahal.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Gumawa ng Venn diagram na naghahambing sa heograpiyang pisikal ng
dalawang bansa. Ano ang napansin mo?
Mesopotamia India
30
Tandaan Mo! Kung titingnan nang masusi ang mapa ng India, mapapansin na tila
dalawang tatsulok na pinagdikit sa baso ang hugis nito. Nakatutok
ang maliit na tatsulok sa mga kabundukan ng hilagang Asya habang
ang malaki naman ay sa karagatang India.
Dahil sa laki ng India, binubuo ito ng apat na rehiyong heograpikal. Ang kapatagan
sa India-Ganges, Talampas ng Deccan, mga kabundukan sa hilaga, at Baybaying
Gilid.
Ang mahalagang ambag ng sinaunang India sa daigdig ay ang relihiyong Hinduismo
at Budismo, konsepto ng karma at reinkarnasyon, mga Veda at Upanishad na
nagging mahalagang bahagi ng panitikan, mga epikong Ramayana at Mahabharata,
sistemang decimal, mga pintang fresco, at arkitekturang Mogul at Persian gaya ng
tanyag na Taj Mahal.
Gawain 3: Paglalapat Maging dito sa Pilipinas ay maraming taga-India na namumuhay bilang
mga mangangalakal. Sa iyong palagay, bakit mahusay sa negosyo ang mga Indian?
Pangatwiranan mo.
31
ARALIN 4 KABIHASNAN SA SINAUNANG TSINA
Sa ating paligid, makikita ang mayabong na kabihasnang Tsino. May mga
ninuno rin tayong Tsino sapagkat nakarating dito ang mangangalakal na Tsino bago pa
man dumating ang mga Kastila. Paano ba yumabong ang kabihasnang Tsino?
Tutuklasin mo iyan sa araling ito.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na ikaw ay:
1. Makapagbibigay ng mga aral mula sa pilosopiyang Tsino;
2. Makapagsusuri ng mga mahalagang ambag ng mga dinastiya sa
sinaunang Tsina; at
3. Makapagpapaliwanag sa mga naging sanhi ng pagbagsak ng mga
dinastiya sa sinaunang Tsina.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ipaliwanag ang isang mahalagang turo ni Confucius na maituturing na isang
ginintuang panuntunan:
“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.”
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_______.
32
Ano ang ipinahihiwatig ng panuntunang iyan tungkol sa kabihasnan ng
sinaunang Tsina? Iyan ay tutuklasin mo sa mga sumusunod na buod ng kasaysayan ng
sinaunang Tsina.
Kabihasnan sa Sinaunang Tsina Tinagurian ang Tsina na isa sa mga dakilang bansa dahil sa kanyang
kabihasnan at nakasulat na kasaysayan sa loob ng apat na libong taon. Kilala ang
Tsina sa katawagang “Natutulog na Higante” dahil sa matagal na panahong hindi nito
pakikisalamuha sa ibang kultura at ang pagsasara ng lupain nito sa mga dayuhan.
Diumano, nagkaroon ng xenophobia o pagkatakot sa mga dayuhan ang mga Tsino
kaya ipininid nito ang kanyang mga pintuan sa mga dayuhan. Ano kaya ang sinasabi ng
kanilang kasaysayan?
Iisa-isahin sa sumusunod na buod ang pinagdaanang panahon at kabihasnan ng
Tsina. Ito ang panahon ng mga dinastiya.
Mga Dinastiya sa Sinaunang Tsina
Hsia (200 B.C. – 1600 o 1500 B.C.) Ang dinastiyang itinatag ni Emperor Yu sa may lambak ng Huang Ho ang
itinuturing na pinakauna sa kasaysayan ng Tsina. Nakabatay sa tradisyon ang
mga tala tungkol sa dinastiyang ito. Pinamunuan ito ng mga paring-hari na
pinaniniwalaang gumawa ng mga sikretong kalendaryo na ikinamangha ni
Confucius noong panahon ng Han kung kaya’t binuhay niya ang paggawa at
paggamit nito.
Wala pang mga ebidensyang nahukay ang mga arkeologo na nagpapatunay sa
dinastiyang ito.
Shang (1700-1200 B.C.) Sila ang mga unang dayuhang permanenteng nanirahan sa Tsina. Nakasentro
ang kanilang kabihasnan sa lambak ng Huang Ho. Nakabuo sila ng mataas na
antas ng lipunan na pinamumunuan ng aristokrasya.
33
Kultura Naniniwala ang mga Tsino noong panahong ito na taglay ng kanilang pinuno ang
bisa ng “Utos ng Langit” na batayan ng kanilang pamumuno. Kapag nawala na
ang bisa nito, babagsak ang pinuno at papalitan ng bago. Pinaghalong animismo at pagsamba sa mga ninuno ang kanilang relihiyon.
Kaugnay nito, naniniwala sila sa oracle bone reading o panghuhula sa
pamamagitan ng pagbasa ng mga nakaukit sa buto ng hayop o bahay ng
pagong. Calligraphy o kaligrapo ang uri ng pagsulat na naitatag ngmga Shang. Pictogram
o mga larawan ang kanilang gamit sa calligraphy na dikit-dikit ang pagkakasulat
upang makabuo at maipakita ang ideya. Gumamit ng elepante bilang sasakyang pandigma gayundin ng karwaheng hila
ng kabayo.
Ekonomiya Pagsasaka ang pangunahing industriya ng mga Shang. Umani sila ng millet,
palay, at barley. Sila ang maituturing na unang pangkat na natutong kontrolin
ang pagbaba ng ilog Huang He sa pamamagitan ng sistemang irigasyon.
Nag-alaga dito na baka, baboy, manok, at aso.
Natutong mag-alaga ng uod bilang pagkukunan ng seda (silkworm) na tanging
Tsina lamang ang marunong gumawa sa buong daigdig noong sinaunang
panahon.
Marunong maghulma ng bronse upang gawing mga gamit.
May kasanayan sa paggawa ng mga alahas mula sa jade.
Ang mga artisanong Shan gang nagpasimula ng paggawa ng mga seramika
gamit ang kaolin, isang uri ng maputing putik.
Sanhi ng Pagbagsak Naging masama at makasarili ang mga huling pinuno.
Nilusob ng mga Chou, mga barbaro mula sa lambak ng We sa kanlurang bahagi
ng Tsina.
34
Ambag sa Kabihasnan Paggamit ng tanso
Paggamit ng elepante at karwaheng hila ng kabayo bilang mga sasakyang
pandigma
Sistemang irigasyon at pagkontrol sa tubig-baha
Nakaimbento ng kalendaryong lunar na sampung araw ang pinakamalaki – anim
na tigsasampung araw ang bumubuo ng 360 araw sa loob ng isang taon.
Chou (1122-256 B.C.) Nagmula ang mga Chou sa kanlurang bahagi ng Tsina ngunit direktang namuno
sa hilagang bahagi lamang nito, sa pangunguna ni Wu Wang, ang nagtatag nito.
Ang silangang bahagi nito ay pinamumunuan ng ibang mga miyembro ng
pamilya at pinagkakatiwalaang kasapi ng military. Naghari sa loob ng 900 taon,
ito ang itinuturing na pinakamahaba at pinakadakilang dinastiya sa Tsina. Sa
panahong ito naging matatag at permanente ang pamahalaan bilang isang
institusyon.
Pamahalaan Pinamunuan ng emperador katulong ang limang ministro o mandarin: punong
ministro (Mandarin of Heaven); ministro ng seremonya (Mandarin of
Ceremonies); ministro ng digma (Mandarin of Summer); ministro ng krimen
(Mandarin of Autumn); at ministro ng publikong paggawa (Mandarin of Winter).
Sa ilalim ng mandarin, ang iba pang opisyal ay pinili mula sa hanay ng mga
iskolar na may kaalaman sa kasaysayan at relihiyon.
Ipinatupad ang sistemang civil service kung saan kailangang pumasa sa
pagsusulit ang mga magiging opisyal at kawani ng pamahalaan. Sa
pamamagitan nito, napahusay ng mga Chou ang pamamalakad ng pamahalaan.
Sa panahong ito, nagsimula ang pilosopiyang Legalism kung saan higit na
pinahahalagahan ang estado at ang pinuno nito, taliwas sa mga turo ni
Confucius at iba pang mga pantas.
35
Lipunan Itinatag ang piyudalismo o ang sistemang sosyo-pulitiko at ekonomikong
pamamahala na nakabatay sa pag-aari ng lupain. Pinamamahalaan ang mga
lupaing piyudal ng mga warlord na nasa ilalim ng kapangyarihan ng emperador.
Siya ang regular na bumibisita rito upang magbigay ng tributo.
Bawat estado ng dinastiya ay may libreng paaral at tinustusan ng mga aklat
tungkol sa kasaysayan, panitikan, pilosopiya, agrikultura, at maging sa mahika.
Kultura Itinuturing ng Ginituang Panahon ng pilosopiyang Tsino ang Chou dahil sa
pagsikat ng sumusunod na mga pantas.
a. Confucius (551-479 B.C.) – nagpakilala sa daigdig ng Five Classics at Four
Books.
Ayon sa kanya, may anim na salik na dapat sundin ang tao sa pakikipag-
ugnayan: kagandahang-asal, kabutihan, katapatan, pagkamakatarungan,
pagkakawanggawa, at katalinuhan. Ilan sa kanyang mga ginintuang palaisipan ang
sumusunod.
1. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo ng ibang tao.
2. Kapag nakakita ka ng mabuting tao, tularan mo siya; kapag masamang
tao, suriin mo ang iyong puso.
3. Ang taong nakagawa ng kamalian na hindi nagtatangkang iwasto ito ay
makagagawa pang muli ng isa pang kamalian.
b. Lao Tzu (604-517 B.C.) – nagpakilala ng Tao Te-ching kung saan nakasulat ang
kanyang mga turo. May mga paliwanag ito ukol sa landas na dapat tahakin ng
bawat tao tungo sa kabutihan.
Ayon din sa kanya, makakamtan ng tao ang walang hanggang kaligayahan
kung susundin niya ang “Daan Tungo sa Kabutihan” o “Way of Virtue”. Itinuro niya
na kailangang maging matiyaga, mahinhin, at mababa ang loob ng tao.
Ang kanyang mga ginituang aral ay ang sumusunod.
1. Lumagi ka sa hulihan at bago mo malaman, ikaw ay nasa unahan na.
2. Ang taong nasusupil ang iba ay matapang, subalit ang taong nasusupil
ang sarili ay higit na matapang.
36
c. Mencius (372-289 B.C.) – may-akda ng Doctrine of Mean, naniniwalang may
karapatan ang mga mamamayang gumamit ng dahas ngunit dapat sikaping
manatili ang kapayapaan dahil walang mabuting ibubunga ang digmaan.
Para sa kanya, ang tao ang pinakamahalagang salik ng bansa kaya tungkulin
ng pamahalaan na paunlarin ang kanilang kabuhayan at kaisipan. Ayon sa
kanya, ang taong hindi nagtataglay ng damdaming makatao ay walang
karapatang manatili sa trono ng kapangyarihan.
d. Mo Ti o Mo Tzu (480-390 B.C.) – nagtaguyod ng pandaigdigang pagmamahalan
at pagtutulungan bilang mga prinsipyo ng isang maayos na lipunan. Tinawag na
Mohism ang pilosopiyang kanyang itinaguyod.
May elemento ng pilosopiya, kasaysayan, at tula ang panitikan na yumabong
noong panahong ito. Kinakatawan ito ng tatlong aklat:
a. Book of Changes – isang manwal na nagsasaad na hindi nakasalalay sa mga
diyos o kapalaran ang kinabukasan ng tao at kaluluwa kundi nasa sistema ng
pagbabago sa mundo.
b. Book of Documents – koleksyon ng mga makasaysayang dokumento mula sa
mga talumpati ng mga hari at opisyal ng imperyo. Ipinakilala nito ang mga
kaisipang pangkasaysayan at pulitikal na mga pinuno ng panahong ito.
c. Book of Poetry o Book of Songs – koleksyon ng mga dalit at awit na
naglalarawan ng mga hinagpis at tuwa sa araw-araw na buhay.
Sanhi ng Pagbagsak Pagpapagawa ng mga proyektong irigasyon kung saan kinakailangan ang
maraming manggagawa. Dahil dito, nawalan ng bantay ang mga hangganan na
nagpahina sa depensa nito, higit sa kanlurang bahagi kung saan nagmula ang
pagsalakay ng mga barbaro.
Paglakas ng mga warlord ng imperyo. Inilipat ng mga Chou ang kanilang
kabisera mula Xi’an sa Luoyang (Henan ngayon) sa may silangan.
Bagaman noong 771 B.C. tunay na nagwakas ang kapangyarihan ng Chou,
nanatili sa pangalan ang pamamahala nito hanggang 256 B.C.
37
Ambag sa Kabihasnan Mga pilosopiyang itinatag nina Confucius, Lao Tzu, Mencius, at Mo Ti.
Pagpapatupad ng sistemang civil service para sa pagpili ng mahuhusay na
kawani ng pamahalaan.
Qin o Ch’in (246-206 B.C.) Sa huling mga taon ng dinastiyang Chou, isa si Prinsipe Cheng sa mga warlord
na naghahari sa silangang bahagi ng imperyo. Noong 221 B.C., matapos na
talunin ang mga kaaway nito, itinatag niya ang dinastiyang Ch’in o Qin. Naghari
siya sa loob ng 15 taon at higit na kilala sa pangalang Shih Huang-ti o Shih
Huang Ti. Ang kanyang dinastiya ang kauna-unahan sa kasaysayan ng Tsina na
may matatag na pamahalaang sentral. Siya rin ang nagsimulang magpalawak ng
teritoryong nasasakupan ng Tsina. Pinangalanan niyang Tsina ang kanyang
kaharian, hango sa kanyang pangalang Ch’in.
Pamahalaan Itinatag niya ang kaharian batay sa prinsipyong legalismo, hindi sa mga
nakagisnang kaugalian at katuruan.
Pinagtibay ang depensa ng dinastiya laban sa mga dayuhan sa pamamagiatn ng
pagdurugtong sa pader na sinimulan ng mga nakaraang dinastiya. Tinawag na
Great Wal of China ang depensang ito na nagpalawak sa teritoryo ng kaharian ni
Shih Huang-ti.
Lipunan at Kultura Ipinasunog ni Shih Huang-ti ang mga aklat ng katuruang klasiko, lalo na ang mga
aklat ni Confucius upang maipag-ibayo ang mga pagbabago ng kaharian.
Sinunog din ang lahat ng talaan ng nakaraan upang maalis sa isipan ng mga tao
ang tungkol sa nakaraang pamahalaan. Subalit maraming iskolar ang nagtakas
ng mga aklat at ibinaon upang mailigtas ang mga ito. Ipinasunog ni Shih ang 500
na iskolar nang malaman niyang tinangka ng mga ito na magtago ng mga
klasikong aklat. Pinalayas naman ang ibang mga iskolar na tumuligsa sa
pamahalaan o patuloy na nagtuturo tungkol sa mga klasiko.
38
Sinimulan ang sistema ng scholarship, ang pagsasanay sa mga hihiranging
gobernador at opisyal ng imperyo.
Ginawang simple ang sistema ng pagsulat upang mas maraming mamamayan
ang matutong magbasa at magsulat.
Ekonomiya Binuwag ni Shih Huang-ti ang piyudalismo at isinalin sa kanyang kapangyarihan
ang lahat ng lupain.
Binigyan niya ng trabaho ang mga tao at ipinatunaw ang lahat ng mga
kagamitang pandigma at ginawang estatwa sa kanyang palasyo.
Pinagdugtong ang mga lalawigan ng kaharian sa pamamagitan ng pinahusay na
sistema ng transportasyon.
Ipinatupad ang sistema ng salapi.
Ginawang simple ang sistema ng pagtitimbang at pagsusukat ng mga produkto
upang mapadali ang paglikom ng buwis at ang pakikipagkalakalan.
Sanhi ng Pagbagsak Pagkawala ng mga iskolar na gumagabay sa pagpapatakbo ng pamahalaan.
Sa pagkamatay ni Shih Huang-ti noong 206 B.C., wala ng malakas na pinuno
ang pumalit sa kanya na naging dahilan upang maagaw ng mga nagrerebeldeng
mamamayan ang pamahalaan.
Ambag sa Kabihasnan Great Wall of China – may habang 2,200 kilometro, taas na 7 metro, at lapad na
6 metro. May tore ito sa bawat 9 metro. Bumabaybay ito mula hilagang silangan
ng Hopei hanggang kanluran ng Kansu.
Han (206-219 B.C.) Ang mga Han ang sumunod na nagtatag ng dinastiya pagkatapos ng Ch’in.
Naghari ito ng 400 taon. Si Wu Ti (140-87 B.C.) ang itinuturing na nagpalawak at
nagpalakas sa kaharian.
Pamahalaan Pinamunuan ng emperador ang estado. Siya ang tagagawa ng mga batas,
39
tagapagpatupad nito, at tanging hukom sa buong kaharian. Isang pari naman
ang kinikilalang makapangyarihan sa lahat ng mga ritwal na panrelihiyon. Katulong ng emperador ang isang Gabinete na binubuo ng dalawang pangkat:
a. Tatlong Duke – ang chancellor, kalihim ng imperyo o vice chancellor, at great
commandant na namahala sa pamahalaang sibil at militar.
b. Siyam na Ministro – higit na nakatalaga sa pagpapatupad ng mga batas.
Pagtataguyod ng agresibong patakarang panlabas na nagpahina sa mga Hun sa
may hilagang hangganan ng imperyo.
Lipunan at Kultura Pinag-ibayo ang pagpapanumbalik sa mga klasikong kaalaman. Tinipon nito ang
mga aklat na naitago at hindi nasunog ng Ch’in.
Sinimulang linangin ang edukasyon. Nagkaroon ng historyador at mga
manunulat ang Tsina. Nagsimulang magtipon ng mga impormasyon tungkol sa
kasaysayan ng Tsina si Pan-chao.
Sa panahong ito, ipinakilala ng mga Indian ang relihiyong Budismo sa Tsina.
Sanhi ng Pagbagsak Malawakang rebelyon noong 220 A.D. na nagpahina sa kaharian.
Ambag sa Kabihasnan Papel – naimbento noong 105 A.D.
Lexicon o diksyunaryo – nalathala dulot na rin ng pagkakaimbento ng papel.
Sui (581-618 A.D.)
Pamahalaan Dahil sa magulong buhay-pulitika bunga ng pamumuno ng batang emperador sa
trono ng dinastiyang Chou, iniluklok ni Yang Chien ang isang bata bilang puppet-
emperador at pagkatapos inagaw niya ang trono. Siya ang muling nagbuklod sa
Tsina sa pamamagitan ng Grand China.
Pinamahalaan ni Yang Chien ang buong hilagang Tsina. Itiinatag ang Ta-shing
bilang bagong kabisera. Pinalakas niya ang depensa sa hilaga laban sa mga
Turko sa pamamagitan ng pagpapaayos ng Great Wall. Nagtagumpay siya sa
40
muling pagkakaisa ng imperyo.
Pagpapatupad ng binagong kodigo, ang kodigong K’aihuang, na higit na payak
kaysa mga batas ng hilagang Tsina.
Ang sentro na pamahalaan ay binubuo ng mga direktor, lupon, ministro, at
hukuman.
Nagtatag ng sistemang hsiang sa lokal na pamahalaan na ang bawat isa ay
binubuo ng 500 pamilya.
Ambag sa Kabihasnan Sistema ng pamamahala
K’aihuang Code – naging modelo ng Kodigo Tang, ang pinakamaimpluwensyang
kalipunan ng mga batas sa ilang bansa sa silangan
Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak Pag-unlad
Maayos na pamamahala ni Yang Chien at ibang pinuno
Pagsasaisa ng imperyo
Pagbagsak
Paghina ng militar dulot ng mga kampanya, pagbabanta ng mga Turko, rebelyon
ng bawat rehiyon ng imperyo, at pagtatanghal sa sarili ng emperador ng bagong
dinastiyang T’ang.
T’ang (618-906 A.D.) Itinuturing na panahon ng kasaganaan at malawakang kultural na pag-unlad ang
300 taong paghahari ng mag T’ang. Una itong pinamahalaan ng ama ni Li Shih-
min. Noong 626, pinatalsik ni Shih-min sa trono ang kanyang ama at siya ang
naghari rito. Kinilala siya bilang Emperador Tai Tsung. Sa panahon ni Ming
Huang nakamit ng T’ang ang pinakamalawak na sakop nito.
Pamahalaan Isinanib ang mga prefecture sa mga lalawigan sa buong imperyo upang higit na
mapaunlad, mapanatili, at mapadali ang pamamahala.
Pinasimulan ang tunay na sistema ng serbisyo sibil batay sa galing. Ang Chin-
Shin ang pinakamataas na pagsusulit para sa nais makabilang sa pangkat ng
41
mga namumuno.
Batay pa rin sa katuruan ni Confucius ang pagsusulit sa serbisyo sibil.
Ekonomiya Ipinakilala ang isang uri ng palay na madaling itanim at anihin mula dalawa
hanggang tatlong ulit bawat taon. Malaki rin ang naging ani ng tsaa at seda na
iniluwas ng mga Tsino sa Asya at Europa.
Nakilala ang mga Sung sa paggawa ng makikinis at makikintab na porselana.
Umunlad sng sericulture o ang pag-aalaga ng uod sa paggawa ng telang seda.
Sanhi ng Pagbagsak Paglaki ng populasyon at pagsalakay ng mga Mongol mula sa hilaga.
Ambag sa Kabihasnan Mga naimbento sa panahon ng Sung: gunpowder, wheelbarrow, movable
printing.
Yuan (1280-1367 A.D.) Mga dayuhan ang mga Mongol. Sila amg kauna-unahang dayuhan na naghari sa
Tsina. Sinimulan ni Gengis Khan ang pagsalakay sa hilagang bahagi ng Tsina
noong 1205 hanggang sa masakop niya ito noong 1227. Ito ang naging simula at
pundasyon ng pinakamalaking imperyongnaitatag sa buong mundo. Si Kublai
Khan, ang kanyang apo, ang nagpatuloy sa kanyang nasimulan hanggang sa
masakopniya ang mga lupain ng mga Sung sa timog. Itinatag ni Kublai noong
1260 ang dinastiyang Yuan, na nangangahulugang “Unang Simula” at kinilala
bilang Great Khan.
Malaki ang pagkakaiba ng mga Mongol sa mga Tsino. Iba ang kanilang kultura,
wika, at mga kaugalian. Hindi nila inangkop ang kulturang Tsino bilang isang
paraan ng pagkontrol sa mga ito.
Pamahalaan Hindi binago ang sistema at balangkas ng pamahalaan. Pinanatili ang anim na
dibisyon sa ilalim ng anim na ministro, gayundin ang ehekutibo, militar, at
administratibong sangay ng pamahalaan. Gayunpaman, pawang mga Mongol
42
ang itinalagang mga opisyal sa mga ito. Yaong mga mababang posisyon lamang
ang ibinigay sa mga Tsino.
Iba ang mga batas ang kanilang sinunod kaysa mga batas na ipinatupad nila sa
buong bansa.
Naging bukas ang mga Mongol sa pakikipag-ugnayan sa mga taga-Kanluran
tulad ng mga mangangalakal na Europeo at mga misyonerong Kristiyano.
Patunay nito ay ang pagdating at pananatili sa bansa ni Marco Polo at ang
kanyang tiyo na si Maffeo Polo.
Lipunan at Kultura Hiwalay ang panahanan ng mga Mongol sa mga Tsino.
Inangkop at itinaguyod ang ideolohiyang Confucian sa buong imperyo.
Kilala bilang Ginintuang Panahon ng dulang Tsino.
Malaking pagbabago sa pagpipinta at naging aktibo sa Tibetan Buddhism.
Ekonomiya Ipinagpatuloy ang mga industriya ng agrikultura at kalakalan at inobasyon na
sinimulan ng T’ang at Sung. Malawakang paggamit ng papel na pera sa halip na ginto, pilak, at tanso.
Sanhi ng Pagbagsak Kawalan ng pondo dahil na rin sa lubhang magastos na digmaang
kinasangkutan ni Kublai Khan.
Hindi nakalimutan ng mga Tsino na dayuhan ang mga Mongol. Noong 1368,
pinangunahan ni Chu Yu-chang, isang mongheng Budista, ang isang pag-aalsa
at pinatalsik ai Shun Ti, ang huling haring Mongol.
Ambag sa Kabihasnan Sa lawak ng sakop ng imperyo, naging madali ang pakikipagpalitan ng mga
ideya at imbensyon sa pagitan ng Tsina, Europa, at ibang bahagi ng Asya.
Ming (1368-1643 A.D.) Si Chu Yu-chang ang nagtatag ng dinastiyang Ming at kinikilala bilang
Emperador Hung Wu o Hung-wu. Matapos ang 74 taong pamamahala ng mga
43
dayuhan, ninais ni Hung Wu na ibalik sa tradisyong Tsino ang estado.
Pamahalaan Ibinatay sa tradisyong T’ang at Sung ang organisasyon ng pamahalaan.
Ibinalik at pinag-ibayo ang pagsusulit para sa serbisyo sibil sa pagpili ng mga
opisyal ng pamahalaan. Nilimita lamang sa kaalaman tungkol sa ideolohiyang
Confucian ang paksa sa pagsusulit.
Itinuring na kasalanan ang hindi pag-uulat agad ng mga opisyal tungkol sa mga
kalamidad sa kanilang lugar. May karampatang kaparusahan ang paglabag na
ito.
Lipunan at Kultura Hindi katuyad ng mga klasiko ang panitikang nasulat sa panahong ito. Ngunit
ang mga nobelang nalathala ay tinangkilik ng mga ordianryong tao at ng mga
iskolar.
Ekonomiya Pinaigting ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa, tulad ng India, Arabia, at
Aprica sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga ekspedisyon.
Pinag-ibayo ang paggawa ng mga mamahalin at pinong porselana na naging
pangunahing kalakal sa pandaigdigang kalakalan.
Sanhi ng Pagbagsak Pagtulong sa Korea laban sa pananalakay ng mga Hapones noong 1590. Isa ito
sa mga dahilan ng paghina ng depensa ng dinastiya.
Ang kaguluhan at rebelyon sa loob ng imperyo ay nagpadali sa paglusob ng mga
Manchu mula sa hilaga.
Itinatag ang mga tanggapan na nagbigay ng balanse sa pamamalakad ng
pamahalaan.
a. Imperial Secretariat – tagapagbuo ngmga patakaran ng imperyo
b. Imperial Chancellor – tagasuri ng mga patakarang binuo ng Imperial Secretariat
c. Department of State Affairs – tagapagpatupad ng mga patakarang sinang-
ayunan ng una at ikalawang tanggapan
d. Board of Censors – taga-ulat sa emperador ng mga taong hinihinalang taksil sa
pamahalaan. Iniuulat din dito ang mga katiwalian ng mga emperador.
44
May pakikipag-ugnayan sa Persia, Arabia, at iba pang bansa sa Kanlurang Asya,
gayundin sa Timog-Silangang Asya tulad ng Annam (Vietnam ngayon).
Lipunan at Kultura Higit na pinasigla ang kaisipang iskolar dulot na rin ng pagkakaimbento ng
imprenta.
Nalimbag ang unang aklat at diyaryo sa panahong itona nakapagpaibayo sa
edukasyon at pagsusulit para sa serbisyo sibil. Nilinang din ang panitikan at
sining.
Lumitaw si Li Po, Tu Fu, at iba pang dakilang manunula.
Nagkaroon din ng kalipunan ng mga batas.
Sanhi ng Pagbagsak Katulad ng mga salik ng pagbagsak ng dinastiyang Han.
Ambag sa Kabihasnan Unang imprenta na yari sa bloke ng kahoy. Nauna itong naimbento kaysa
imprenta sa Europa.
Sung (960-1278 A.D.) Kaguluhan ang naghari sa Tsina matapos bumagsak ang dinastiyang T’ang.
Walang malakas na pinuno ang pumalit sa trono kung kaya’t nailuklok ang
limang magkakasunod na dinastiya na naghari sa Tsina sa loob ng kalahating
dantaon. Sa kabila ng kaguluhan at kawalan ng kontrol sa pamahalaan ng
limang dinastiya, nagpatuloy ang kulturang Tsino.
Nagwakas ang paghahari ng limang dinastiya noong 960 B.C. nang talunin ni
K’uang-yin. Siya ang nagtatag ng dinastiyang Sung na muling nagbuklod sa
buong Tsina. Kinilala siya sa kasaysayan bilang T’ai Tzu.
Pamahalaan Higit na sentralisado ang pamahalaan kaysa panahon ng T’ang.
Higit na may direktang kontrol sa pangungulekta ng buwis kung kaya’t malaki
ang kita ng pamahalaan at hindi naging suliranin ang pondo para sa mga
proyekto nito.
45
Pinagtibay ang Chin-Shin o ang pagsusulit sa serbisyo sibil at ibinigay ito tuwing
ikatlong taon.
Ibinatay ang pag-angat sa puwesto ng mga opisyal ng pamahalaan sa haba ng
serbisyo, kagalingan, markang nakuha sa Chin-Shin, at nominasyon ng isang
mataas na opisyal ng pamahalaan.
Mabisa ang sistema ng serbisyo sibil ng Sung. Nahikayat nito ang mag bata,
mahusay, at matalinong mamamayan na manilbihan sa pamahalaan. Dahil dito,
napaalis ang mga kawani ng militar at mga walang alam na nasa pamahalaan.
Lipunan at Kultura Higit na pinag-ibayo ang panitikan, sining, at edukasyon.
Naimbento ang gunpowder na ginamit sa paggawa ng mga paputok.
Naimbento rin ang movable printing na higit na nagpasigla sa panitikan, sining, at
edukasyon.
Nagawa ang kalendaryo at kompas.
Umabot sa 10 milyon ang populasyon ng Tsina sa panahong ito.
46
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ilagay sa talahanayan ang iba’t ibang dinastiyang Tsino at ang
kanilang naiambag sa sinaunang sibilisasyon.
Mga Dinastiya
Taon Mga Ambag sa Kabihasnan
47
Tandaan Mo! Malawak ang Tsina at tinagurian itong bansa ng mga ilog at
kabundukan na siyang pangunahing dahilan ng pagkakaiba-iba
ng mga Tsino. Sa ilog-lambak nito, lalo na ang makasaysayang
Huang Ho sa hilaga at ang ilog Yangtze umusbong ang sinaunang kabihasnan ng
mga Tsino.
Umusbong ang pilosopiyang Tsino sa panahon ng Dinastiyang Chou. Pangunahing
pantas na kinilala sina Confucius, Lao-Tze, Mencius, at Mo Tzu.
Sa mga ambag ng sinaunang kabihasnang Tsino, nangunguna ang Great Wall of
China, sistema ng irigasyon, serbisyo sibil, pilosopiyang Confucianism at Taoism,
ang sistema ng sericulture at seda, agrikultura, literatura, at istruktura ng
pamahalaang imperyo.
Masasabi na pinakapundasyon ng sinaunang kabihasnan ang dinastiyang Shang at
Chou. Dito nalinang ang kultura ng mga Tsino. Sa Shang pinanday ang kanilang
kaisipan. Nahubog ng Confucianismo at Taosimo ang katauhan ng mga Tsino.
Tinangka itong burahin ng dinastiyang Ch’in subalit nag-ugat na ito nang malalim sa
mga Tsino at walang sinumang makabubura nito sa kanilang pagkatao. Hindi na
mabibilang ang mga sumunod na dinastiya, subalit naging pamantayan nito ang
mga naunang dinastiya.
48
Gawain 3: Paglalapat Ipaliwanag mo ang mga kasabihang ito mula sa mga pilosopong Tsino.
Paano mo ito maiuugnay sa iyong pakikipagkapwa-tao?
1. “Kapag nakakita ka ng mabuting tao, tularan mo siya; kapag masamang tao, suriin
mo ang iyong puso.” -Confucius
2. “Ang taong nasusupil ang iba ay matapang, subalit ang taong nasusupil ang sarili ay
higit na matapang.” -Lao Tzu
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang
mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan?
Ang mga sinaunang kabihasnan ang nagsilbing pundasyon ng kasalukuyang
kabihasnan ng daigdig.
Nasa Fertile Crescent o Mesopotamia ang mga pangunahing sinaunang
kabihasnan. Binubuo ito ng mga Sumerian, Hittite, Hebreo, Phoenician,
Babylonian, Persiano, Assyrian, at Chaldean.
Pangunahing ambag ng Sumerian ang pagtatag ng mga lungsod-estado; mula
sa mga Babylonian, ang kodigo ng mga batas; Bibliya at pagsamba sa isang
Diyos o monotheism mula sa mga Hebreo; Zoroastrianismo mula sa mga
Persiano; alpabeto mula sa mga Phoenician; at mula sa mga Chaldean, ang
Hanging Garden.
Unang naitatag ang kabihasnang ng India sa mga kambal na lungsod ng
Mohenjo-Daro at Harappa na nasa lambak ng Ilog Indus.
Nagsimula ang kabihasnan ng Ehipto sa lambak ng Ilog Nile na kung tawagin ay
Nile Delta.
Unang naitatag ang kabihasnan ng Tsina sa mga lambak ng Ilog Huang-ho o
Yellow River at Ilog Yangtze.
49
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: Suriin at ibigay ang tamang kasagutan. Bilugan ang titik.
1. Ang nagsimula ng Budismo.
A. Buddha
B. Athesia
C. Taoism
D. Shintoism
2. Ang sumulat ng Encyclopedia sa Medisina.
A. Khufu
B. Hammurabi
C. Charaka
D. Buddha
3. Ang dakilang guro ng Tsina.
A. Confucius
B. Shih Huang-ti
C. Tai Tsung
D. Ming Huang
4. Ang emperor ng Tsina na nagpatayo ng Great Wall.
A. Confucius
B. Wu Wang
C. Shih Huang-ti
D. Lao Tzu
5. Ang paraon ng Ehipto na nagpatayo ng Pyramid of Giza.
A. Minos
B. Khufu
C. Ashurbanipal
D. Nebuchadnezzar
6. Ang haring nagdala sa Chaldea sa rurok ng tagumpay.
A. Ashurbanipal
B. Minos
C. Nebuchadnezzar
D. Charaka
7. Ang kilala bilang traders of antiquity.
A. Babylonian
B. Assyrian
C. Sumerian
D. Phoenician
50
8. Sa mga sinaunang hari ng Babylonia, kilala si Hammurabi dahil sa:
A. Kodigo ng mga Batas
B. Sampung Utos
C. Nihonji
D. Old Testament
9. Dahil sa malupit at mapanlupig ang mga Assyrian, tinagurian ang kanilang
punong-lungsod bilang:
A. Salot ng mga bansa
B. Salot ng mga lungsod
C. Salot ng mundo
D. Salot ng sangkatauhan
10. Ang grupo ng taong pinaniniwalaang unang nanirahan sa India at nagtatag ng
Mohenjo-Daro at Harrapa.
A. Dravidian
B. Lugar
C. Shiite
D. Hittite
11. Ang tinaguriang kambal na ilog:
A. Tigris at Euphrates
B. Golpo ng Delta
C. Ilog-lambak
D. Ilog Tigris
12. Ang tinaguriang lupain sa pagitan ng dalawang ilog:
A. Babylonia
B. Assyria
C. Chaldea
D. Mesopotamia
13. Ang ginamit bilang unang pamalit ng kalakal sa Sumeria.
A. abaka
B. cacao
C. kape
D. buko
14. Ang bansang luminang ng konsepto ng zodiac sign at horoscope.
A. Sumeria
B. Babylonia
C. Hittite
D. Chaldea
51
15. Ang ambag sa sibilisasyon ng Imperyong Gupta na gintong barya na inuukitan
ng tula at iba pang disenyo.
A. Dinar
B. Peso
C. Dolyar
D. Decimal
16. Unang dayuhang permanenteng nanirahan sa Tsina:
A. Hsia
B. Chou
C. Shang
D. Ch’in
17. Ang dinastiyang itinatag ni Emperor Yu sa may lambak ng Huang Ho.
A. Chou
B. Shang
C. Ch’in
D. Hsia
18. May akda ng Doctrine of the Mean, naniniwalang may karapatan ang mga
mamamayang gumamit ng dahas ngunit dapat sikaping mapanatili ang
kapayapaan.
A. Lao Tzu
B. Mencius
C. Confucius
D. Mo Tzu
19. Sino ang nagsimula ng pagsalakay sa hilagang bahagi ng Tsina noong 1205?
A. Gengis Khan
B. Huang Wu
C. Lao Tzu
D. Kublai Khan
20. Ang nagtatag ng Dinastiyang Yuan na nangangahulugang “Unang Simula”.
A. Gengis Khan
B. Huang Wu
C. Lao Tzu
D. Kublai Khan
52
GABAY SA PAGWAWASTO:
PANIMULANG PAGSUSULIT 1. A
2. B
3. C
4. D
5. B
6. A
7. A
8. D
9. D
10. D
11. A
12. B
13. C
14. D
15. C
16. A
17. C
18. A
19. C
20. D
ARALIN 1: MGA UNANG KABIHASNAN SA MESOPOTAMIA GAWAIN 1: PAG-ISIPAN M
I. Ang sagot ay batay sa iyong kaalaman. Ipatsek sa gurong tagapamatnubay
ang iyong sagot.
II. Ang mga unang kabihasnan ay malapit sa anyong-tubig (dagat o ilog).
Mahalaga ang tubig sa kanila, maaaring ginagamit na sistema ng
transportasyon at pinanggagalingan ng pang-araw-araw na
pangangailangan.
GAWAIN 2: PAGPAPALALIM NG KAALAMAN 1. Mesopotamia. Ito ay hugis kalahating buwan.
2. Tigris at Euphrates. Tinawag itong lambak ba ilog dahil nagsisimula ito
nang nag-iisa ngunit pagdating sa ibaba ay maayos nang naghihiwalay
ngunit muling nagtatagpo palabas ng Golpo ng Persia.
53
GAWAIN 3: PAGLALAPAT Tingnan sa sumusunod na talahanayan ang mga sagot na dapat ilagay sa
gulong.
Kabihasnan Dahilan ng Pag-unlad Dahilan ng Pagbagsak
1. Sumerian Unibersyon
Pagtatatag ng mga
lungsod-estado
Edukasyon
Madalas na labanan
Kawalan ng
pagkakaisa
2. Babylonian Maayos na
pamamahala
Pakikipagtulungan
ng mga tao at
opisyal sa
pamahalaan
Kodigo ni
Hammurabi
Paglusob ng ibang
pangkat ng tao na
may mahuhusay na
armas
3. Hittite Pagkatuklas sa
bakal
Sistema ng
pagbabatas
Pang-aabuso ng
mga kamag-anak ng
hari
Pakikipag-alyansa
sa Ehipto
Paglawak ng
kapangyarihan ng
mga Griyego
4. Assyrian Patuloy na pag-aalsa
Pagsalakay ng
Chaldean, Medes, at
Persian
5. Chaldean Mabuting pinuno
Pagpili ng
matatalinong
54
kabataan bilang
katulong sa
pamamahala
ARALIN 2: KABIHASNAN SA SINAUNANG EHIPTO GAWAIN 1: PAG-ISIPAN MO Ang Ilog Pasig noon ay pangunahing landas ng transportasyon kaya’t sentro rin
ng kalakalan. Ang mga ilog ay mahalaga sa pagyabong mga kabihasnan dahil sa tubig
na dulot nito sa pagtaba ng lupain at pananim at pagdudulot ng transportasyon at
mapagkukunan ng pagkain.
Dahil sa Ilog Nile, nalinang ang kabihasnan sa Ehipto. Kung wala ang ilog,
walang magdadala ng matabang lupang banlik sa mga lambak. Maaaring naging
bahagi ng disyerto Sahara ang bansa kung walang ilog dahil magiging tigang ang lupa.
GAWAIN 2: PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Kaharian Pinuno Mga Nagawa
a. Zoser Step-pyramid –
kauna-unahang piramide
sa Ehipto
b. Khufu o Cheops Great Pyramid of
Giza
1. Lumang Kaharian
c. Unis Nakatuklas sa
Pyramid Texts o
hieroglyphics
a. Amenemhet I Binuhay ang
pakikipagkalakalan sa Syria
at Palestina
2. Gitnang Kaharian
b. Amenemhet III Nagpagawa ng
sistema ng irigasyon
55
a. Ahmose Nagtatag ng kauna-
unahang magaling na
hukbong pandigma
b. Thutmose II Idinagdag sa
imperyo ang Nubia, Syria,
at Palestina
c. Hatshepsut Unang babaeng
namuno sa daigdig
d. Thutmose III Nagpatayo ng
magagarang templo at
obelisk
e. Amenhotep IV o Ikhnaton Nagpasimula ng
monoteismo
f. Tutankhamen Ibinalik ang
polyteismo
3. Bagong Kaharian
g. Rameses II Ipinagtanggol ang
imperyo laban sa Hittites;
Nagtayo ng maraming
monumento niya
GAWAIN 3: PAGLALAPAT 1. Pangunahing dahilan ng pagbagsak ng kaharian: pagsalakay ng mga
mananakop at ang pag-aalsa ng mga tao sa kaharian.
2. Ang sagot ay sarili mong opinion. Ipatsek sa gurong tagapamahala ang sagot.
ARALIN 3: KABIHASNAN SA SINAUNANG INDIA GAWAIN1: PAG-ISIPAN MO Ipakita ang iyong sagot sa gurong tagapamahala.
GAWAIN 2: PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
56
GAWAIN 3: PAGLALAPAT Mahuhusay ang mga taga-India sa matematika kaya magaling din sila sa
negosyo. Sa kanila nanggaling ang decimal system, ang pi, simbolong zero, at bilang 1
hanggang 9.
ARALIN 4: KABIHASNAN SA SINAUNANG TSINA GAWAIN 1: PAG-ISIPAN MO Ipatsek sa gurong tagapamahala ang iyong sagot.
GAWAIN 2: PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Mga Dinastiya Taon Mga Ambag sa Kabihasnan
1. Hsia 200-1600 BC Paggawa ng kalendaryo
2. Shang 1700-1200 BC Calligraphy, tanso, elepante
bilang transportasyon,
sistemang irigasyon, at
pag-imbento ng
kalendaryong lunar
walang bundok may mahabang hanay ng bundok, talampas, at kipot
lambak; may mga ilog na dumadaloy sa mas malaking anyong-tubig
57
3. Chou 1122-256 BC Pilosopiyang Confucianism
at Taoism at pagtatayo ng
Great Wall of China
4. Han 206-219 BC Pag-imbento ng papel at
leksikon o diksyunaryo
5. Sui 581-618 AD K’aihuang Code
6. T’ang 618-906 AD Gunpowder, wheelbarrow,
at movable printing
7. Yuan 1280-1367 AD Pakikipag-ugnayan sa
Europa at Asya
8. Ming 1368-1643 AD Unang imprenta na yari sa
bloke ng kahoy
9. Sung 960-1278 AD Kalendaryo at kompas
GAWAIN 3: PAGLALAPAT Ipatsek sa gurong tagapamahala ang iyong paliwanag sa dalawang kasabihan.
Batay ito sa iyong sariling opinyon.
PANGHULING PAGSUSULIT 1. A
2. C
3. A
4. C
5. B
6. C
7. D
8. A
9. B
10. B
11. A
12. D
13. B
14. D
15. A
16. C
17. D
18. B
19. A
20. D
1
ARALING PANLIPUNAN III
(Effective Alternative Secondary Education)
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
MODYUL 4
ANG PAGSIBOL NG SIBILISASYONG GRIYEGO
2
MODYUL 4 ANG PAGSIBOL NG SIBILISASYONG GRIYEGO
Bagamat marami at natatangi ang mga sumilang na sibilisasyon sa Silangan,
ang kauna-unahang sibilisasyon sa kanluran ay pinangunahan ng mga Griyego. Sila
ang naging tagapaghubog ng sibilisayong kanluranin. Mula sa kanila naipakilala ang
ideya ng demokrasya sa daigdig. Ang naibahagi nila sa iba’t ibang larangan ng
pamumuhay ay nagbigay daan sa paglago at pag-unlad ng sibilisasyong kanluranin. Sa
araling ito, matutunghayan mo at mauunawaan ang pagsibol ng sibilisasyong Grigeyo
at ang mga kontribusyon nito sa sibilisasyong kanluranin.
May apat na araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Ang Sinaunang Sibilisasyong Aegean
Aralin 2: Ang Pag-usbong ng Sibilisasyong Heleniko
Aralin 3: Panahon ng mga Digmaan at Pagpapalawak ng Nasasakupan
Aralin 4: Ang Pamumulaklak ng Sibilisasyong Helenistiko
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Mailalarawan ang heograpiya ng Gresya;
2. Maipaliliwanag kung paano nakaapekto ang heograpiya ng Gresya sa pagsibol ng
sibilisayong Aegean;
3. Maibibigay ang pagkakaiba ng pamumuhay sa Athens at Sparta;
4. Matutukoy ang dahilan ng pag-usbong ng sibilisasyong Heleniko;
5. Masusuri ang naging dahilan ng mga digmaang naganap sa Gresya;
6. Makikilala ang mga taong nakatulong sa pamumulaklak ng sibilisasyong
Helenistiko; at
7. Maiisa-isa ang mga kontribusyon ng Gresya sa iba’t ibang larangan ng ating
pamumuhay.
3
PANIMULANG PAGSUSULIT: I. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ang naging sentro ng kulturang Helenistiko sa Ehipto.
A. Alexandria
B. Cairo
C. Damanhur
D. Nile Valley
2. Isa ito sa pinakamagandang arkitekturang nagawa sa Gresya at kilala rin bilang Templo
ni Athena.
A. Acropolis
B. Colosseum
C. Olympic Stadium
D. Parthenon
3. Kinilala siya bilang “Ama ng Kasaysayan.”
A. Herodotus
B. Pericles
C. Sophocles
D. Thucydides
4. Pinagsanib na kultura ng Gresya at Asya na naging bunga ng pananakop ni Alexander
the Great.
A. Macedonia
B. Heleniko
C. Helenistiko
D. Persiano
5. Dito isinilang si Alexander the Great.
A. Athens
B. Macedonia
C. Persia
D. Sparta
4
6. Ito ang digmaan sa pagitan ng Athens at Sparta na tumagal nang mahigit na 27 taon, at
nagbunga ng malaking pagkawasak sa mga lungsod-estado ng Gresya.
A. Digmaang Peloponnesian
B. Digmaang Persians
C. Digmaang Punic
D. Digmaang Trojan
7. Ang lungsod-estadong ito ang may pinakamalaking populasyon at siyang naging sentro
ng demokrasya.
A. Athens
B. Crete
C. Sparta
D. Thebes
8. Siya ay isang mamamayang Athenian na naatasang gumawa ng kauna-unahang batas
na kasulatan para sa Athens.
A. Draco
B. Minos
C. Pisastrus
D. Minos
9. Ito ang tawag sa mga lungsod-estado ng Gresya.
A. Acropolis
B. Metropolis
C. Polis
D. Stoa
10. Sinaunang sibilisasyon sa Isla ng Crete na ipinangalan sa dakilang hari nila na si Minos.
A. Aegean
B. Ionian
C. Minoan
D. Mycenean
5
11. Ito ang tawag ng mga Griyego sa kanilang bansa.
A. Aegean
B. Hellas
C. Metropolitan
D. Polis
12. Ang tawag sa Sibilisasyong Griyego ay
A. Doric.
B. Heleniko.
C. Helenistiko.
D. Ionic.
13. Sila ang nakaimpluwensya sa mga sinaunang Griyego na gumamit ng barya o sinsilyo.
A. Babylonians
B. Lydians
C. Phoenicians
D. Sumerians
14. Ito ang digmaan kung saan tinalo ng mga maliit na puwersang Athenian ang puwersa
ng Persia.
A. Digmaang Marathon
B. Digmaang Persian
C. Digmaang Thermopylae
D. Digmaang Salamis
15. Ito ang pamilihang bayan ng mga sinaunang Griyego.
A. Agora
B. Acropolis
C. Polis
D. Stoa
6
16. Sa panahon ng kanyang panunungkulan naging sentro ng kulturang Griyego ang
Athens.
A. Cleisthenes
B. Draco
C. Pisastratus
D. Solon
17. Dito naganap ang isa sa pinakadakilang digmaan sa karagatan sa pagitan ng mga
Athenian at Persians.
A. Dardanelles
B. Hellespont
C. Salamis
D. Thermopylae
18. Ang alyansang itinatag sa Delos upang tigilan ang ano mang banta ng panganib sa
lungsod-estado.
A. Delian League
B. Dorian League
C. Ionic League
D. Peloponnesus League
19. Sa panahon niya narating ng Athens ang kanyang ginintuang panahon.
A. Cleisthenes
B. Draco
C. Pericles
D. Pisastrasus
20. Ang may-akda ng Iliad at Odyssey ay si
A. Homer.
B. Plato.
C. Socrates.
D. Sophocles.
7
ARALIN 1
SINAUNANG SIBILISASYONG AEGEAN
Tulad sa ibang mga tao, malaki ang naging impluwensya ng heograpiya ng Gresya
sa naging uri ng pamumuhay ng mga Griyego. Anu-ano ang mga katangiang pisikal ng
Gresya na nagpaunlad sa sibilisasyong Gresya? Paano nagsimula ang iba’t ibang
sibilisasyong bumuo ng matatag sa sibilisasyong Griyego? Sasagutin ng araling ito ang
mga katanungang iyan.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Mailalarawan ang heograpiya ng sinaunang Gresya;
2. Matatalakay ang naging pag-unlad ng sibilisasyong Aegean; at
3. Mapaghahambing and sibilisasyong Minoansat Mycenaean.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Pansinin ang larawang ito galing sa isang pelikula na marahil ay napanood mo.
Ganito sa simula ang pamumuhay ng mga Griyego. Magtala ka ng tatlong obserbasyon
sa kanilang sinaunang sibilisasyon mula sa larawang ito:
(Troy the movie)
8
1. ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
3. ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Heograpiya ng Sinaunang Gresya
Naging sentro ng sinaunang Gresya ang mabundok na bahagi ng tangway ng
Balkan sa timog at ilang mga pulo sa karagatan ng Aegean. Samantala, ang karagatan
ng Mediterranean ang naging tagapag-ugnay ng Gresya sa iba pang panig ng mundo.
Sa mundo ng mga sinaunang Griyego, ang karagatan ang pinakamainam na
daanan sa paglalakbay. Dahil dito karamihan sa mga pamayanan nila ay matatagpuan
60 kilometro lamang mula sa baybay-dagat.
9
Ang lupain ng Gresya ay mabato at bulubundukin. Ito ang pangunahing naging
sagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga pamayanan. Naging mabagal
ang paglago ng mga kaisipan at teknolohiya. Subalit ito rin ang naging dahilan upang
ang bawat lungsod-estado ay magkaroon ng kani-kanilang natatanging katangian na
nagpayaman sa kanilang kultura.
Ang mga mainam na daungan na nakapaligid sa Gresya ay nagbigay daan sa
maunlad na kalakalang pandagat na naging dahilan ng kanilang maunlad na
kabuhayan. Ito rin ang nagbigay daan upang magkaroon sila ng kaugnayan sa iba’t
ibang uri ng tao na nakatulong naman upang mapayaman nila ang kanilang kultura at
maibahagi ang kanilang mga naging tagumpay sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay
sa sandaigdigan.
Ang mga Minoans
Ayon sa mga arkeologo, ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula
sa Crete mga 3100 BC o bago isilang si Kristo. Tinawag itong Sibilisasyong Minoan
batay sa pangalan ni Haring Minos, ang maalamat na haring sinasabing nagtatag nito.
Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya.
Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo (bricks) at may sistema sila ng pagsulat.
Magagaling din silang mandaragat.
Di nagtagal, kinilala ang Knossos bilang isang makapangyarihang lungsod at
sinakop nito ang kabuuan ng Crete. Dito matatagpuan ang isang napakatayog na
palasyo na nakatayo sa dalawang ektarya ng lupa at napapaligiran ng mga bahay na
bato. Ang palasyo ay nasira ng sunud-sunod na sunog at iba pang mga natural na
kalamidad.
Paglipas ng ilan pang taon na tinatayang mula 1600 hanggang 1100 BC,
narating ng Crete ang kanyang tugatog. Umunlad nang husto ang kabuhayan dito dulot
na rin ng pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa Gitnang Silangan at sa paligid ng
Aegean. Dumarami ang mga bayan at lungsod at ang Knossos ang naging
pinakamalaki.
10
Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao: ang mga maharlika,
mga mangangalakal, mga magsasaka, at ang mga alipin. Sila ay masayahing mga tao
at mahiligin sa mga magagandang bagay at kagamitan. Maging sa palakasan ay di
nagpahuli ang mga Minoans. Sila na siguro ang unang nakagawa ng arena sa buong
daigdig kung saan nagsasagawa ng mga labanan sa boksing.
Ang sibilisasyong Minoans ay tumagal hanggang mga 1400 BC. Nagwakas ito
nang salakayin ang Knossos ng mga di nakikilalang mga mananalakay na sumira
nagwasak ng buong pamayanan. Tulad ng inaasahan ang iba pang mga lungsod ng
mga Minoan ay bumagsak at isa-isang nawala.
Mga 1100 BC, ibang pangkat na naman ng mga mananalakay ang lumusob sa
Crete. Sila ay kinilala bilang mga Mycenaeans na nagmula sa Gitnang Gresya. Sa
pamamagitan nila, nagkaroon ng tuwinang ugnayan ang Crete sa sibilisasyong
umusbong sa Gresya.
Prinsipe ng Minoans
11
Ang mga Mycenaean
Bago pa man salakayin at sakupin ng mga Mycenaean ang Crete, nasimulan na
nilang paunlarin ang ilang pangunahing sibilisasyon sa Timog Gresya.
Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang
Aegean ang naging sentro ng sibilisasyong Mycenaean. Ang mga lungsod dito ay
pinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Napapaligiran ng makapal na pader
ang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaring lumusob dito.
Pagdating ng 1400 BC, isa nang napakalakas na mandaragat ang mga
Mycenaean at ito ay nalubos ng masakop at magupo nila ang Crete. Naiugnay nila ang
Crete sa lumalagong sibilisasyon sa Gresya. Maraming mga salitang Minoan ang
naidagdag sa wikang Griyego. Ang sining ng mga Griyego ay naimpluwensyahan ng
mga istilong Minoan. Ilan sa mga alamat ng Minoan ay naisama sa mga kwento at
alamat ng mga Griyego.
Bagamat walang naiwang mga nakasulat na kasaysayan, ang pagsasalin-salin
ng mga kwento ng mga hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap. Di naglaon ang
mga kwentong ito ay nag-ugnay sa mga tao at sa mga diyos-diyosan. Ito ang
sinasabing naging batayan ng mitolohiyang Griyego.
Sa bandang huli, di nailigtas ng mga pader na kanilang ginawa ang mga
Mycenaean sa paglusob ng mga mananalakay. Noong 1100 BC isang pangkat ng tao
mula sa hilaga ang pumasok sa Gresya at iginupo ang mga Mycenaean. Sila ay
kinilalang mga Dorian. Samantala, isang pangkat naman ng tao na mayroon din
kaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog nga Gresya sa may lupain sa
Asya Manor sa may hangganan ng karagatang Aegean. Nagtatag sila ng kanilang
pamayanan at tinawag itong Ionia. Nakilala sila bilang mga Ionian.
Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang dark age o madilim na panahon na
tumagal din nang halos 300 taon. Naging palasak ang digmaan ng mga iba’t ibang
kaharian. Nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan.
Maging ang paglago ng sining at pagsulat nang unti-unti ay naudlot din.
12
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Sa tulong ng Venn Diagram, paghambingin ang sibilisasyong Minoan at
Mycenaean. Isulat ang katangian ng bawat isa sa tamang bilog at ang pagkakatulad sa
magkasalikop na bahagi.
Tandaan Mo! Isang mahalagang salik ang heograpiya sa sinaunang Gresya sa uri ng
sibilisasyong sumibol dito. Naging mahalagang daanan ang karagatan
sa pananakop ng mga teritoryog Aegean at Mycenaean.
Ang sibilisasyong Minoan na pinamumunuan ni Haring Minos ang pinakaunang
sibilisasyong Aegean.
Pagdating ng 1400 BC naging makapangyarihan ang mga Mycenaean sa paligid ng
Aegean at yumabong na ang mga sibilisasyong Mycaenean. Subalit dahil da patuloy
na digmaan sa pagitan ng mga yumayabong na iba’t ibang sibilisasyon, tinawag ang
panahong ito na dark age o madilim na panahon.
Mycenaean Minoan
13
Gawain 3: Paglalapat Patunayan na malaki ang naging bahagi ng karagatan sa pag-usbong ng
sibilisasyong Aegean. Bago mo ito gawin, pag-aralan mo muna ang
mapang naglalarawan sa Europa. Bilugan mo ang bahagi ng Gresya. Pagkatapos ay
magbigay ka ng tatlong patunay at paliwanag sa bawat isa.
Patunay 1: ____________________________________________________________ ______________________________________________________________________ Patunay 2: ____________________________________________________________ ______________________________________________________________________ Patunay 3:_____________________________________________________________ ______________________________________________________________________
14
ARALIN 2 ANG PAG-USBONG NG SIBILISASYONG HELENIKO
Mula sa labi ng madilim na panahon, unti-unting umusbong sa Ionia ang isang
bagong sibilisasyon na mabilis ding lumaganap sa kabuuan ng Gresya. Ilang
pamayanan sa baybayin ng Gresya na tinatawag ang kanilang sarili na Hellenes o
Greeks ang nagkaroon ng malaking bahagi sa sibilisasyong ito. Kinilala ito sa
kasaysayan bilang sibilisasyong Heleniko mula sa kanilang tawag sa Gresya na Hellas.
Ito ay tumagal mula 800 BC hanggang 400 BC at naging isa sa mga pinakadakilang
sibilisasyong naganap sa kasaysayan ng daigdig. Ipauunawa sa iyo ng araling ito ang
pag-unlad ng sibilisasyong ito.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Matatalakay ang pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng sibilisasyong
Heleniko; at
2. Mapaghahambing ang naging uri ng pamumuhay sa Athens at Sparta .
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Alam mo ba kung saan nagmula ang mga salitang ito? Subukan mong piliin ang
tamang sagot mula sa kahon sa ibaba. Isulat lamang ang titik ng iyong sagot sa mga
patlang.
_________ 1. Agora
_________ 2. Acropolis
_________ 3. Metropolis
_________ 4. Solon
_________ 5. Ostracism
_________ 6. Tyrants
15
Pagkatapos mong basahin ang teksto ng araling ito, ihambing mo ang iyong mga
sagot sa itaas sa nilalaman ng aralin. Mapapansin mo na ang mga salitang agora,
acropolis, metropolis, solon, ostracism at tyrants, ay pawing galing sa sibilisasyong
Heleniko.
Ang mga Polis
Dahil sa mga digmaan bago pa ang panahong Heleniko, nagtayo ng mga kuta
ang mga Griyego sa mga lugar sa may gilid ng mga burol at sa mga taluktok ng bundok
upang maprotektahan ang kanilang sarili sa pagsalakay ng iba’t ibang pangkat. Ang
mga pook na ito ay naging pamayanan. Dito nagsimula ang mga lungsod-estado o
polis kung saan hango ang salitang may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya,
pulitika at pulitiko. May malalaki at maliliit na polis. Ang pinakahuwarang bilang na dapat
bumuo ng isang 5000 na kalalakihan dahil noon ay sila lamang ang nailalagay sa
opisyal na talaan ng populasyon ng lungsod-estado. Karamihan sa mga polis ay may
mga pamayanang matatagpuan sa matataas na lugar na tinawag na acropolis o
mataas na lungsod. Sa panahon ng digmaan, ito ang naging takbuhan ng mga Griyego
para sa kanilang proteksyon. Sa acropolis matatagpuan ang mga matatayog na palasyo
at templo kung kaya’t ito ang naging sentro ng pulitika at relihiyon ng mga Griyego.
Samantala, ang ibabang bahagi naman ay tinawag na agora o pamilihang bayan. Ito ay
a. Mataas na lungsod
b. Mapang-abusong pinuno ng pamahalaan
c. Pagtatakwil sa isang tao
d. Lungsod-estado
e. Tagapagbatas
f. Pamilihang bayan
16
napapaligiran ng mga pamilihan at iba pang mga gusali na nagbigay daan sa malayang
bilihan at kalakalan
Sa mga lungsod-estado, naramdaman ng mga Griyego na sila ay bahagi ng
pamayanan. Ito ang dahilan kung bakit ipinagkaloob naman nila dito ang kanilang
katapatan at paglilingkod. Hindi lahat ng mga nasa lungsod-estado ay mamamayan
nito. Ang mga lehitimong mamamayan ay binigyang karapatang bumoto, magkaroon ng
ari-arian, humawak ng posisyon sa pamahalaan, at ipagtanggol ang sarili sa mga korte.
Bilang kapalit, sila ay dapat na makilahok sa pamahalaan at tumulong sa pagtatanggol
sa mga polis sa panahon ng digmaan. Ang lahat ng ito, dagdag pa ang paglago ng
kalakalan, ay nagbigay daan sa pag-unlad ng mga lungsod-estado. Kasabay nito ang
mabilis na paglaki ng populasyon na naging pangunahing dahilan naman kung bakit
nangibang lugar ang mga Griyego. Ang iba ay napadpad sa paligid ng mga karagatang
Mediterranean at Iton. Bagamat napunta sila at nanirahan sa malalayong lugar, di
nawala ang kanilang ugnayan sa pinagmulang lungsod-estado o metropolis.
Mula sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang panig ng daigdig, natutuhan ng mga
Griyego ang mga bagong ideya at teknik. Mula sa mga Phoenician ay nakuha nila ang
ideya ng alpabeto na naging bahagi naman ng kanilang sariling alpabeto. Ginamit din
nila ang mga teknik ng mga Phoenician sa paggawa ng mas malalaki at mabibilis na
barko. Sa mga Sumerian naman ay namana nila ay ang sistema ng panukat. Mula
naman at sa mga Lydians ay natutuhan nila ang paggamit ng sinsilyo at barya sa
pakikipagkalakalan.
Metropolis
17
Sparta, ang Pamayanan ng mga Mandirigma Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa
Peloponnesus na nasa timog na bahagi ng tangway ng Gresya. Sa lahat ng mga
lungsod-estado, ang Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan. Ito ay may
magandang klima, sapat na patubig at matabang lupa na angkop sa pagsasaka.
Pinalawak ng mga Spartans ang kanilang lupain sa pamamagitan ng pananakop ng
mga karatig na lupang sakahan at pangangangamkam nito. Ang mga magsasaka mula
sa nasakop na mga lugar ay dinala nila sa Sparta upang maging mga helot o tagasaka
sa malawak nilang lupang sakahan. Samakatwid, naging alipin ng mga Spartans ang
mga helot. Maraming pagkakataon na nag-alsa laban sa mga Spartans ang mga helot
ngunit ni isa dito ay walang nagtagumpay. Dahilan sa palagiang pag-aalsa ng mga
helot, nagdesisyon ang mga Spartan na palakasin ang kanilang hukbong militar at
magtatag ng isang pamayanan ng mga mandirigma upang maging laging handa sa
kahit anong pag-aalsang gagawin ng mga helot.
Ang naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ay magkaroon ng
mga kalalakihan at kababaihang walang kinatatakutan at may malalakas na
pangangatawan. Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri. Kapag nakitang ito’y
mukhang mahina at sakitin ang isang sanggol ay dinadala ito sa paanan ng mga
kabundukan at hinahayaang mamatay doon. Samantala, ang mga malulusog na
sanggol ay hinahayaang lumaki at maglaro sa kani-kanilang bahay, hanggang sumapit
ang ika-7 taon nila. Pagsapit ng pitong taon, ang mga batang lalaki ay dinadala na sa
mga kampo-militar upang sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyo
militar. Malakas na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa pakikipaglaban, at
katapatan ang ilan sa pangunahing layunin ng pagsasanay. Tinitiis nila ang mga sakit at
hirap nang walang reklamo. Pinapayagan lamang sila na makita ang kanilang pamilya
sa panahon ng bakasyon. Sa gulang na dalawampu, ang mga kabataang lalaki ay
magiging sundalong mamamayan at ipinapadala na sa mga hangganan ng labanan. Sa
edad na tatlumpu, sila ay inaasahang mag-aasawa na ngunit dapat na kumain at
manirahan pa rin sa kampo, kung saan hahati na sila sa gastos . Sa edad na animnapu,
sila ay maaari nang magretiro sa hukbo.
18
Sa lipunan ng mga Spartan, ang lahat ay nakikiisa upang mapigilan ang mga
pag-aalsa ng mga helot. Maging ang mga kababaihan ay sinasanay na maging
matatag. Di tulad ng mga kababaihang Griyego na limitado ang ginagampanan sa
lipunan, ang mga kababaihang Spartan ay maraming tinatamasang karapatan. Sila ang
mga nag-aasikaso ng lupain ng kanilang mga asawa habang ang mga ito ay nasa
kampo militar. Nangunguna din sila sa mga palakasan at malayang nakikipaghalubilo
sa mga kaibigan ng kani-kanilang mga asawa habang masaya silang nanonood ng mga
palarong tulad ng pagbubuno o wrestling, boksing, at karera.
Ang Sparta ang responsable sa pagkakaroon ng pinakamahusay na
sandatahang lakas sa buong daigdig. Sa simula, labu-labo kung makipagdigma ang
mga Griyego. Oo nga’t sama-samang nagmamartsa sa lugar ng digmaan, ang mga
sundalo ay isa-isang nakikipaglaban sa mga kaaway hanggang sila ay manghina at
mamatay. Nang lumaon ang mga Griyego, lalo na ang mga Spartan, ay mas naging
maparaan sa kanilang pakikipagdigma. Sa halip na lumusob ng isa-isa sa mga kalaban,
sila ay nananatiling sama-sama sa pagkakatayo pasulong man o paurong sa labanan,
hawak ang pananggalang sa kaliwang kamay at espada naman sa kanan. Ang hukbong
ito na tinaguriang phalanx ay karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay ng mga
mandirigma. Kapag namatay ang mga sundalo sa unang hanay, ito ay mabilis na
sinasalitan ng mga susunod pang hanay. Ang phalanx ay hindi mga bayarang
mandirigma, sila ay tagapagtanggol ng kanilang polis.
Phalanx
19
Ang mahabang pagsasanay-militar, ang sistemang phalanx, ang hukbong
sandatahan, at ang paggamit ng mga helmet ay nagbigay daan upang talunin ang mga
Griyego ang mga kalabang mandirigma na halos doble nila ang bilang. At ang mga
Spartan ang pinakamahusay sa kanilang lahat.
Habang patuloy na namumuhay sa pakikipagdigma, ang mga Spartan ay nakilala
bilang mga simpleng tao at walang hilig sa luho. Hindi humikayat ng sining at iba pang
gawaing pampagkatuto ang mga Spartan, kaya’t wala pagbabagong naipakilala na
nakapagdulot ng pag-unlad sa kanilang lipunan. Habang naging mabilis ang pag-unlad
ng ibang lungsod-estado, ang mga Sparta ay nanatiling agrikultural na lipunan na
nakadepende sa aliping manggagawa at naging tagasunod sa paniniwalang pang-
militar ng kanilang lungsod-estado.
Ang Athens at ang Pag-unlad Nito
Sa simula ng 600 BC, ang Athens ay isa lamang maliit na bayan sa gitnang
tangway ng Gresya na tinatawag na Attica. Ang buong rehiyon ay hindi angkop sa
pagsasaka kaya karamihan sa mga mamamayan nito ay nagtrabaho sa mga minahan,
gumawa ng mga ceramics, o naging mangangalakal o mandaragat. Hindi nanakop ng
mga kolonya ang Athens. Sa halip, pinalawak nito ang kanilang teritoryo na naging
dahilan upang ang iba pang nayon sa Attica ay sumali sa kanilang pamamahala.
Sa sinaunang kasaysayan, ang Athens ay pinamunuan ng mga tyrant na noon
ay nangangahulugang mga pinunong nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao at
maayos na pamahalaan. Bagamat karamihan sa kanila ay naging mabubuting pinuno,
may mangilan-ngilan din na umabuso sa kanilang posisyon na nagbigay ng bagong
kahulugan sa katawagang tyrant bilang malupit na pinuno sa ating panahon, sa
kasalukuyan.
Sa simula, ang Athens ay pinamunuan ng hari na inihalal ng asembleya ng
mamamayan at pinapayuhan ng mga mga konseho ng maharlika. Ang asembleya ay
binubuo naman ng mayayaman na may malaking kapangyarihan. Ang mga pinuno nito
ay tinawag na Archon na pinapaburan naman ang mga maykaya sa lipunan.
20
Di nagtagal, nagnais ng pagbabago ang mga artisano at mga mangangalakal.
Upang mapigil ang lumalalang sitwasyon ng mga di nasisiyahang karaniwang tao,
nagpagawa ang mga mayayamang tao o aristokrata ng nakasulat na batas kay Draco
isang tagapagbatas. Malupit ang mga batas ng Griyego at hindi ito binago ni Draco
ngunit kahit na paano ang kodigong ginawa niya ay nagbigay ng pagkakapantay-pantay
sa lipunan at binawasan ng mga karapatan ang mga namumuno. Sa gitna ng
pagbabagong ito nanatiling di kontento ang mga mamamayan ng Athens. Maraming
Athenian ang nagpaalipin upang makabayad ng malaking pagkakautang. Marami rin sa
kanila ang nagnais ng mas malaking bahagi sa larangan ng pulitika.
Athens
Ang sumunod na pagbabago ay naganap noong 594 BC sa pangunguna ni
Solon na mula sa mga pangkat ng aristokrata na yumaman sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan. Kilala din siya sa pagiging matalino at patas. Inalis niya ang mga
pagkakautang ng mga mahihirap at ginawang ilegal ang pagkaalipin nang dahil sa
utang. Gumawa rin siya ng sistemang legal kung saan lahat ng malayang kalalakihang
ipinanganak mula sa mga magulang na Athenian ay maaring maging hurado sa mga
21
korte. Ang mga repormang pampulitika na ginawa ni Solon ay nagbigay ng
kapangyarihan sa mga mahihirap at karaniwang tao. Nagsagawa rin siya ng mga
repormang pangkabuhayan upang maisulong ang dayuhang kalakalan at mapabuti ang
pamumuhay ng mga mahihirap. Nalutas ng repormang pangkabuhayan ang mga ilang
pangunahing suliranin ng Athens at napaunlad ang kabuhayan nito. Sa gitna ng
malawakang repormang ginawa ni solon, di nasiyahan ang mga aristokrata. Para sa
kanila, labis na pinaburan ni Solon ang mga mahihirap. Sa kasalukuyan, ginagamit ang
salitang Solon bilang tawag sa mga kinatawan ng pambansang pamahalaan na umuugit
ng batas.
Noong mga 546 BC, isang pulitikong nagngangalang Pisistratus, ang namuno
sa pamahalaan ng Athens. Bagamat mayaman siya, nakuha niya ang suporta at
pagtitiwala ng mga karaniwang tao. Mas radikal ang mga pagbabagong ipinatupad niya
tulad ng pamamahagi ng malalaking lupang sakahan sa mga walang lupang mga
magsasaka. Nagbigay siya ng pautang at nagbukas ng malawakang trabaho sa mga
malalaking proyektong pampubliko. Pinagbuti niya ang sistema ng patubig sa lungsod
ng Athens, at nagpatayo ng magagandang templo. Ipinakita rin niya ang kanyang
interes sa sining at kultura sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa mga pintor at sa
mga nangunguna sa drama. Ang pagsusulong niya sa sining ang nagbigay-daan upang
tanghalin ang Athens na sentro ng kulturang Griyego.
22
Noong 510 BC, naganap muli ang pagbabago sa sistemang pulitikal ng Athens
sa pamumuno ni Cleisthenes. Hinati niya ang Athens sa sampung distrito. Limampung
kalalakihan ang magmumula sa bawat distrito at maglilingkod sa konseho ng tagapayo
upang magpasimula ng batas sa Asembleya ang tagagawa ng mga pinaiiral na batas.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaboto sa asembleya ang mga mamamayan, may-
ari man ng lupa o wala.
Upang mapanatili ang kalayaan ng mga mamamayan ipinatupad ni Cleisthenes
ang isang sistema kung saan bawat taon ay binibigyan ng pagkakataon ang mga
mamamayan na ituro ang taong nagsisilbing panganib sa Athens. Kapag ang isang tao
ay nakakuha ng mahigit 6,000 boto, siya ay palalayasin sa Athens ng 10 taon. Dahil sa
ang pangalan ay isinusulat sa pira-pirasong palayok na tinatawag na Ostrakon, ang
sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao ay tinawag na ostracism.
Bagamat kaunti lamang ang naipatapon ng sistemang ito, nabigyan ng mas malaking
kapangyarihan ang mga mamamayan.
Sa pagsapit ng 500 BC, dahil sa lahat ng mga repormang naipatupad sa Athens,
ang pinakamahalagang naganap ay ang pagsilang ng demokrasya sa Athens, kung
saan nagkaroon ng malaking bahagi ang mga mamamayan sa pamamalakad ng
kanilang pamahalaan.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Maraming mahalagang kaalaman sa iba’t ibang aspeto ng pamumuhay
ang nagsimula sa sibilisasyong Heleniko. Anu-ano ang mga ito? Isulat sa
talahanayan ang pagkakatulad o pagkakaiba ng dalawang malalaking lungsod-estado
na umunlad noong panahong iyon.
SPARTA ATHENS Paraan ng Pamamahala
Paraan ng Pamumuhay
Edukasyon
23
Papel ng Kalalakihan
Papel ng Kababaihan
.
Tandaan Mo! Ang sinaunang Gresya ay binubuo ng mga lungsod-estado na
tinatawag na polis. Ang Sparta at Athens ang dalawang
pinakamaunlad na polis noong panahon ng sinaunang Gresya.
Sibilisasyong Heleniko ang itinawag sa bahaging ito ng kasaysayan ng Gresya. Ito
ay tumagal hanggang 400 BC at itinuring na isa sa pinakadakilang sibilisasyon sa
kasaysayan ng daigdig.
Ang mga Spartan ay kinilala dahilan sa pagiging mahusay na mandirigma at sa
kanilang simple at di masining na pamumuhay.
Sa Athens sumibol ang ideya ng demokrasya o pagbibigay ng tungkulin sa
pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala
Gawain 3: Paglalapat Kung ikaw ay nabuhay sa panahon ng mga lungsod-estado, saan mo mas
nanaisin manirahan, sa Athens o sa Sparta? Bigyang katwiran ang inyong
kasagutan sa pamamagitan ng isa o dalawang talata.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
24
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ ARALIN 3 PANAHON NG MGA DIGMAAN AT ANG PAGPAPALAWAK NG NASASAKUPAN
Ang humigit kumulang na 50 lungsod-estado ng Gresya ay may magkakatulad na
wika at kasaysayan bagamat sila ay nahati sa maliliit na lungsod-estado. Nagsumikap
silang maging matapang ang kani-kanilang sarili at lumaban para sa kadakilaan ng
kani-kanilang polis. Tinatawag nilang barbaro o mga taong may paurong na sibilisasyon
ang mga di Griyego.samantala ang mga kapwa Griyego ay itinuturing nilang edukado at
sibilisado. Naging mapagmataas sila at laging nakikipaglaban kung kaya’t di nila
nakasundo ang mga tao sa labas ng kani-kanilang lungsod-estado. Naging palasak ang
mga tunggalian. Ang pakikipagtunggalian at pakikipaglaban ay karaniwan ng
naglalabas sa kagalingan ng bawat isa, ngunit ang labis nito ay maaari rin maging salik
a pagbagsak ng isang bansa at ng kanyang sibilisasyon.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Mailalarawan ang mga kaganapan sa Digmaang Persia.;
2. Maipapaliwanag kung paano narating ng Athens ang kanyang ginintuang
panahon;
3. Matutkoy ang mga dahilan kung bakit naganap ang Digmaang Pelopennesian; at
4. Makikilala si Alexander, ang Dakila.
25
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Maituturo mo ba sa mapa ang mga lugar na ito.
Marathon Salamis
Dardanelles Delos
Digmaang Persia
Maaring nagkakaisa ang Athens at Sparta sa ilang mga bagay na magkakatulad
sila ngunit hindi lamang sa larangan ng pulitika. Nag pangamba lamang ng pananakop
ng Imperyo ng Persia ang nagbigay daan sa kanilang pansamantalang pagsasanib
pwersa upang labanan ang sunod-sunod na digmaan mula 490-479 BC na tinawag na
Digmaang Persia.
Para kay Darius I, ang dakilang hari ng Imperyong Persia ang mga lungsod-
estado ay maliliit at hiwa-hiwalay para makagawa ng malawakang paglaban sa kanyang
gagawing pananakop. Bukod dito di minabuti ni Daruis I ang ginagawang pagtulong ng
Athens sa mga ilang kolonya ng Persia, na noon ay nagrerebelde na ang Gresya bago
ito tuluyang lumakas naglunsad ng pag-atake si Darius I noong 490 BC sa Marathon
mga 26 na milya mula Athens. Kasama ang mahigit kumulang 25,000 sundalo at ilang
barko sinalubong sila ng mga naghihintay na Athenian. Bagamat mas kaunti himalang
natalo ang mga Persian sa digmaang ito na tinawag na Digmaan sa marathon. Dahil sa
labis na kagalakan inutusan ng mga heneral ang kanilang pinakamabilis na mensahero
na si Philippides upang balita ang tagumpay sa Athens. Sa loob ng 48 oras ay tinakbo
ni Philippides ang humigit kumulang na 150 milya. Pagsapit sa Athens, isinigaw niya
ang “Magdiwang! Tayo ay nagwagi!“ at siya ay biglang bumagsak at tuluyan nang
namatay. Sa kasalukuyang panahon ang marathon ay isang uri ng karera sa pagtakbo
ng di kukulangin sa 26 milya ang ang layo.
Hindi naging madali para sa mga Persian na tanggapin ang kanilang pagkatalo.
Paglipas ng 10 taon, si Xerxes na anak ni Darius I, ay bumuo ng mas malaki at
26
malakas na hukbo upang balikan at sakupin ang Gresya. Sila ay dumaan sa katubigan
ng Hellespont (isang dagat-kipot, na kilala na ngayon bilang Dardanelles, na nasa
pagitan ng karagatang Marmara at Karagatang Aegean). Pagkatapos ay tinalunton nila
ang makitid na daan sa kabundukan ng Thermopylae. Dito nila nakasagupa ang mga
Griyego na noon ay pinamumunuan ng mga Spartan. Matapos ang tatlong araw na
labanan na tinawag na Digmaan sa Thermopylae, natalo at walang awang napatay ang
mga Griyego. Narating ng mga Persian ang Athens at sinunog ang acropolis. Maaaring
nasira nila ang Athens ngunit hindi sumuko ang mga Griyego. Sa pamumuno ng mga
Athenian, sinagupa ng mga Griyego ang pwersang Persian sa look ng Salamis. Dito ay
naganap ang isa sa pinakanatatanging digmaan sa karagatan. Sa pagkakataong ito,
natalo ang mga Persian at tuluyan na silang umatras sa labanan.
Dahilan sa patuloy na banta ng panganib, kahit na natalo ng mga Griyego ang
mga Persian ay sinikap pa nilang palakasin ang kanilang sandatahan. Nagtatag sila ng
alyansa noong 478 BC na may humigit kumulang na 150 lungsod-estado kasama na
ang Sparta at Athens at ilang lungsod-estado sa Asya Manor at sa mga isla sa Aegean.
Nagkasundo ang aliyansa na mag-ambag ng barko, sundalo at salapi sa kanilang
alyansa na kinilala bilang Delian League dahilan sa ang naging sentro nito ay ang isla
ng Delos. Ang Athens na siyang pinakamayaman at may pinakamalakas na hukbo ay
unti-unting namuno sa Delian League. May mga lungsod-estado na nagnais tumiwalag
sa alyansa ngunit di sila pinayagan ng Athens. Ito ang nagbigay daan sa pagkakatatag
ng Imperyong Athenian.
Naging napakahalaga ng sumunod na mga pangyayari pagkatapos matalo ang
mga Persian ng mga Griyego. Nagsimula ng umunlad hindi lamang sa larangan ng
pulitika kundi maging sa kultura at ang Athens ang naging sentro nito.
Ginintuang Panahon ng Athens
Noong 461 BC, si Pericles, isang strategos o heneral na inihalal ng mga
kalalakihang mamamayan sa ang namuno sa Athens. Taun-taon ay nahahalal si
Pericles hanggang sa sumapit ang kanyang kamatayan noong 429 BC.
27
Sa loob ng mahabang panahon ng kanyang panunungkulan, maraming ipinairal
na mga programang pampubliko si Pericles. Lahat ay naglalayong gawing
pinakamarangyang estado ang Athens.
Nais ni Pericles na lumawak pa ang umiiral na demokrasya sa Athens kung
kaya’t dinagdagan niya ang bilang ng mga manggagawa sa pamahalaan at
sinuwelduhan niya ang mga ito. Lahat ng mamamayan ay nagkaroon pagkakataong
makapagtrabaho sa pamahalaan mayaman aman o mahirap. Kaya di nagtagal mga
ikatlong bahagi (1/3) ng populasyon ng Athens ay bahagi na ng mga gawain ng
pamahalaan.
Ngunit hindi lahat ay nasiyahan sa mga repormang ipinatupad ni Pericles. Para
sa mga mayayaman ang ginawa niyang mga pagbabago ay magdudulot ng pagkalugi
sa pamahalaan at maghihikayat ng katamaran sa mga ordinaryong mamamayan.
Ipinagtanggol niya ang kanyang mga ginawang pagbabago sa pamamagitan ng
pagbibigay ng isang pahayag na naitala naman ni Thucydides, na isang historyador.
Ayon kay Pericles “ Ang ating konstitusyon ay isang demokrasya sapagkat ito ay nasa
mga kamay ng nakararami at hindi ng iilan.”
Athena
28
Mahalaga ang edukasyon para sa mga Athenian. Ang mga lalaki ay pinag-aaral
sa mga pribadong paaralan kung saan sila ay natuto ng pagbasa, matematika, musika,
at mga obra ni Homer na Iliad at Odyssey. Hinikayat din silang talakayin ang sining,
pulitika at iba pang usapin. Ang palakasan ay bahagi rin ng kanilang pag-aaral. Sa edad
na 18 taong gulang, ang mga lalaki ay nagsasanay sa militar ng 2 taon at pagkatapos
ay maaari nang maging mamamayan ng Athens at makibahagi sa pamahalaan nito.
Samantala, ang mga kababaihan ay itinuring na mas mababa sa mga
kalalakihan. Hindi sila nabigyan ng pagkamamamayan at hindi maaaring makibahagi sa
pamahalaan. Hindi rin sila maaaring magmay-ari ng kahit ano at walang karapatang
mag-aral. Ang kanilang buhay ay umiikot sa mga gawaing bahay at pag-aalaga ng mga
anak. Sa edad na 14-16 sila ay ipinakakasal sa mga lalaking napili ng kanilang mga
magulang.
Pagsasaka ang karaniwang ikinabubuhay ng mga Athenian. Ang mga ani ay
kanilang kinakain. Ang mga sobrang produkto ay ipinapalit nila ng iba pang kagamitang
pambahay.
Bagamat marangya at magarbo ang ang mga gusaling pampubliko, ang mga
tahanan naman ang simple lamang, maging ito ay pag-aari ng mayayaman o
karaniwang tao.
Sa kabuuan, simple lamang ang naging pamumuhay sa sinaunang Gresya.
Ngunit mula sa simpleng pamumuhay na ito ay lumitaw ang pinakamahuhusay na
artista, manunulat, at mga pilosopo na tinitingala sa sandaigdigan hanggang sa ating
makabagong panahon.
Ang may-akda ng mga natatanging pilosopong Griyego sa larangan ng pulitika
ay kinilala sa mundo tulad ng The Republic ni Plato at Politics ni Aristotle.
Maging sa larangan ng arkitektura ay nakilala ang mga Griyego. Kahangahanga
ang arkitektura ng mga templo. Ang ilan dito ay matatagpuan sa Athens, Thebes,
Corinth, at iba pang syudad. Ang tatlong natatanging istilo na Ionian, Doric, at
Corinthian ay naperpekto nila nang husto. Ang pinakamagandang halimbawa ay ang
Parthenon, isang marmol na templo sa Acropolis sa Athens. Ito ay itinayo nina Ictinus
at Calicrates at inihandog kay Athena, ang diyosa ng karunungan at patrona ng Athens.
Ilan sa mga labi ng iskulturang Griyego ay matatagpuan din sa mga templo ng
Crete, Mycenaea, at Tiryus. Ang pinakadakilang Griyegong iskultur ay si Phidias. Ang
29
istatwa ni Athena sa Parthenon at ni Zeus sa Olympia ay ilan lamang sa mga obra
maestra niya. Ilan pang mga natatanging iskultura ay ang Collossus of Rhodes ni
Chares at Scopas ni Praxiteles na parehong itinanghal na Seven Wonders of the
Ancient World.
Kinilala rin ang kontribusyon ni Herodotus sa larangan ng kasaysayan. Ang
kanyang mga paglalakbay sa Asya at Spuka ay nakatulong upang maging obra maestra
niya ang Kasaysayan ng Digmaang Persian. Tinawag siyang Ama ng Kasaysayan.
Sinundan ito ng isa pang historyador, si Thucydides. Ilan sa mga isinulat niya ay ang
Anabis, isang kwento ng sikat na martsa ng mga Griyego mula sa Babylonia hanggang
Dagat na Itim at Memorabilia na kalipunan ng mga kwento ng guro niyang si Socrates.
Nagkaroon din ng kaalaman sa makabagong medisina sa sinaunang Gresya.
Ang pinakadakilang Griyegong manggagamot ay si Hippocrates na kinilala bilang Ama
ng Medisina. Itinaas niya ang larangan ng medisina bilang agham at hindi bunga ng
mahika.
Marami ring Griyego ang kinilala at dinakila dahil sa kanilang naging ambag sa
larangan ng agham at pilosopiya. Ang kauna-unahang pilosopiya ay ipinakilala ni
Thales ng Militus. Ayon sa kanya ang sandaigdigan ay nagmula sa tubig, ang
pangunahing elemento ng kalikasan. Samantala si Pythagoras naman ang nagpasikat
ng doktrina ng mga numero kung saan sinasabi niya na ang bilang na tatlo, lima at pito
ay maswerteng mga numero.
Socrates
30
Ilang dekada matapos ang Digmaang Persian, isang pangkat ng mga guro na
tinatawag na mga Sophist ang sumikat sa Athens. Nagpakilala sila ng pagbabago sa
mga umiiral na pilosopiya. Ayon sa kanila maaaring turuan ang mga tao na gumawa ng
magagandang batas, makapagsalita at makipagdebate sa mga Asembleya. Maraming
Athenian ang tumuligsa sa mga pilosopiya ng mga Sophist. Isa na rito ay si Socrates.
Ayon sa kanya mahalaga na kilalanin mo ang iyong sarili (know thyself). Ayon sa
kanya dapat na patuloy na magtanong ang mga tao hinggil sa mga bagay-bagay upang
matiyak kung sila ay may mga kasagutan sa mga kataningang ito. Ang pamamaraang
ito ay kinikilala ngayon na Socratic Method. Di nagustuhan ng mga Athenian ang
ginawang pagtatanong ni Socrates lalo na ang mga tungkol sa mga diyos-diyosan at
ilang patakaran ng Athens. Dahilan dito siya ay nakulong at nahatulan ng kamatayan.
Ngunit bago pa siya naparusahan, siya ay nagpakamatay sa pamamagitan ng paglason
sa sarili. Ang lahat ng mga ideya ni Socrates ay hindi niya naisulat. Si Plato, ang
kaniyang pinakasikat na mag-aaral, ang nagsumikap na maitala ang lahat ng dayalogo
sa pagitan ng dalawa o mas higit pang tauhan. Ang pinakatanyag ay ang Republic,
isang talakayan tungkol sa katangi-tanging polis at ang uri ng pamahalaan na
makapagbibigay ng kaligayahan sa mga mamamayan nito.
Samantala, si Aristotle, ang pinakamahusay na mag-aaral ni Plato, ay
nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng halaman, hayop, astronomiya, at pisika na pawing
nangangailangan ng masusing pagmamasid. Ayon sa kanya, ang alinmang teorya ay
maari lamang tanggapin kung ito ay batay sa masusing pagmamasid ng mga
katotohanan. Kinilala si Aristotle na Ama ng Biyolohiya. Ilan sa mga tanyag niyang aklat
ay ang Poetic, isang pagsusuri sa mga iba’t ibang dula-dulaan, ang Rhetoric na
nagsasabi kung paano dapat ayusin ng isang nagtatalumpati ang kanyang talumpati, at
ang Politics kung saan tinalakay ng mga mamamayan ang iba’t ibang uri ng
pamahalaan.
Sa pamamagitan ni Aristotle narating ng pilosopiyang Griyego ang kanyang
tugatog. Naimpluwensyahan ni Aristotle di lamang ang kanyang mga mag-aaral kundi
maging mga pilosopo at siyentipiko ng mga sumunod na henerasyon.
31
Aristotle
Digmaang Peloponnesian Nais ni Pericles na manatili ang kapayapaan di lamang sa Athens kundi maging
sa mga kalapit nitong mga lungsod-estado at maging sa Persia. Habang umuunlad ang
Athens, lumawak din ang kanilang kapangyarihan sa kalakalan. Ito ang naging dahilan
kung bakit sa panahon ng Delian league ay naging isang imperyo ang Athens.
Hindi lahat ng lunsod-estado ay sumang-ayon sa ginawa ng Athens na
pagkontrol sa Delian League subalit wala silang nagawa upang umalis sa alyansa.
Kayat ang mga lungsod-estado na kasapi sa Delian League tulad ng Sparta, Corinth at
iba pa ay nagtatag ng sarili nilang alyansa sa pamumuno ng Sparta at tinawag itong
Peloponnesian League.
Noong 431 BC nilusob ng Sparta ang mga karatig pook ng Athens na naging
simula ng Digmaang Peloponnesian. Batid ni Pericles na mahusay na mandirigma sa
lupa ang mga Spartan kung kayat iniutos niya ang pananatili ng mga Athenian sa
pinaderang lungsod. Samantala, inatasan niya ang sandatahang lakas ng Athens na
lusubin sa karagatan ang mga Spartan. Ngunit sinawing palad na may lumaganap na
sakit na ikinamatay ng libu-libong tao, kasama na si Pericles, noong 429 BC. Lahat ng
32
mga pumalit kay Pericles ay hindi nagtagumpay dahilan sa mga mali nilang mga
desisyon. Isa na rito si Alcibiades. Matapos siyang akusahan ng mga Athenian na
lumalabag sa paniniwalang pangrelihiyon, tumakas siya patungong Sparta upang
iwasan ang pag-uusig sa kanya. Doon siya ay naglingkod laban sa kanya mismong
mga kababayan. Di naglaon bumalik din si Alcibiades sa Athens at siya ay pinatawad at
binigyang muli ng pagkakataong pamunuan ang sandatahang lakas ng Athens.
Bagamat naipanalo niya ang ilang laban nila sa Sparta, lubhang malakas ang mga
Sparta at noong 404 BC, sumuko ang mga Athenian. Bilang ganti, ipinapatay ng mga
Spartan si Alcibiades.
Ang dalawampu’t pitong taong Digmaan ng Peloponnesian ay isang malaking
trahedya para sa Gresya. Nagkaroon ng malawakang pagkawasak ng ari-arian at
pagkamatay ng mga tao. Lumala rin ang suliranin sa kawalan ng hanapbuhay, pagtaas
ng presyo ng mga bilihin, at kakulangan sa pagkain.
Ang Macedonia at si Alexander
Patuloy na pinangambahan ng mga Griyego ang pananakop ng Imperyong
Persian. Lingid sa kanilang kaalaman, may isang bagong kaharian, ang Macedonia, na
nasa hilagang bahagi ng tangway ng Gresya, ay unti-unting lumalakas at nagiging
makapangyarihan.
Alexander the Great
33
Noong 359 BC isang pinuno sa katauhan ni Philip ang naging hari ng
Macedonia. Siya ay nagtatag na malakas na sandatahan na naging daan upang
makuha niya ang suporta ng mga lungsod-estado na kalaban ng Athens. Bagamat
noong panahong iyon na nagbigay babala na si Demosthenes, isang kilalang orador sa
Gresya, sa napipintong panganib, di pa rin nagkaisa ang mga magkakalabang lungsod-
estado upang pigilan ang darating na mga mananakop.
Pagsapit ng 338 BC sa lupain ng Chaeronea, nilupig ng hukbo ni Philip ang
Gresya at inagaw ang pinakamamahal nilang kalayaan.
Di nagtagal, noong 336 BC, napatay si Haring Philip at ang kanyang
dalawampu’t dalawang taong gulang na anak na si Alexander ang humalili sa kanya.
Kinilala sa kasaysayan si Alexander, ang Dakila. Mula sa kanyang ama ay nakuha niya
ang husay sa pakikidigma at pamumuno. Pangarap niya na dumating ang araw na
mapasailalim niya ang Imperyong Persian. Mula naman kay Aristotle natutunan niya
ang pagmamahal sa kulturang Griyego, at paghanga sa mga epikong isinulat ni Homer.
Pinangarap niya na matulad sa mga bayani ng Iliad at Odyssey. Dinakila sa
kasaysayan ang talino at pagkakaroon ng matatag na loob ni Alexander sa pakikidigma.
Noong 334 BC, mula sa Helespont pinalaya niya ang ilang kolonya ng Griyego sa Asia
Minors. Hindi nagtagal, maging ang lupain ng Phoenicia ay nasakop niya. Nang
masakop niya ang Ehipto, itinatag niya roon ang lungsod ng Alexandria. Pagsapit ng
331 BC, maging ang Mesopotamia ay napasakamay ni Alexander. Nang talunin niya si
Darius III, hari ng Persia, napalawak niya ang kanyang kapangyarihan hanggang sa
Hilagang India. Sa pagitan ng 334 BC hanggang 326 BC, tuluyan nang nakuha ng
puwersa ni Alexander ang mga lupain sa Ehipto hanggang sa India na di man lang
natalo sa kahit na isang digmaan.
Dala marahil ng pagod sa walang tigil at aktibo niyang pamumuhay, isang umaga
ay nilagnat ng mataas si Alexander habang siya ay nasa Babylon na ikinasawi niya.
Inilagay ang kanyang labi sa isang ginintuang kabaong at dinala sa Alexandria. Sa gitna
ng malawakang pagpapahayag ng pagkadakila at pagmamahal at pighati, inilibing si
Alexander sa lungsod na kanya mismong tinatag.
Bagamat naihabilin kay Peridiccus, isa sa mga heneral, ang Imperyo, hindi niya
nakayanan ang pamumuno rito. Ang mga heneral ay naglaban-laban upang maging
pinuno. Matapos ang mahabang panahon ng labanan, nahati sa tatlo ang malawak na
34
Imperyo. Ang kahariang Ptolemaic sa Ehipto, ang Imperyong Selericid sa Asya, at ang
Kahariang Antigonid sa Macedonia.
Ang tatlong ito, di naglaon, ay sinakop ng kapangyarihang Romano.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Itala ang mga sanhi at bunga ng dalawang malalaking digmaan
na unti-unting humubog sa pamumuhay ng mga sinaunang Griyego.
Balikan ang Teksto ng aralin upang mabuo ang talahanayan.
Sanhi Bunga
Digmaang Persian
Digmaang
Peloponnesian
Tandaan Mo!
Ang Digmaang Persian ay pinamunuan ni haring Darius I at
Xerxes. Pagkaraan ng digmaang ito, nagsimulang maitatag ang Imperyong
Athenian. Naging kasangkapan sa pagpapalawak ng Imperyong Athenian ang
Delian League.
Naging sentro ng kaunlaran ng sinaunang Gresya ang Athens. Sa kanyang
ginuntuang panahon (416-404 BC) yumabong ang kultura, sining, pilosopiya at
pulitikang Gresya. Nakilala ang mga pilosopong Griyego gaya nina Socrates, Plato
at Aristotle, sa larangan pulitika ay nakilala naman si Pericles. Sa agham at
syensiya, ibinigay ng Gresya sa daigdig sina Hippocrates, Thales ng Militus, at
35
Pythagoras. Sa sining ay may malaking ambag sina Phidias at Praxiteles. Si
Herodotus ang itinituring na Ama ng Kasaysayan.
Ang Digmaang Peloponnesian ay nagdulot ng malaking trahedya sa Gresya.
Nagbunga ito ng pagkalagas ng populasyon ng Gresya, pagkawasak ng
mahahalagang likha ng sining, at pagkalugmok ng mga ekonomiya ng Sinaunang
Gresya.
Sa pamamagitan ni Alexander nagkaroon ng uganyan ang kulturang Griyego sa
kulturang Asyano na nagbukas ng daan sa Sibilisasyong Helenistiko.
Gawain 3: Paglalapat Ano ang iyong masasabi sa pagkalupig at pagkasakop sa Gresya ni
Alexander the Great? Sa iyong palagay, nakatulong ba ito sa kasalukuyang
kalagayan sa Gresya at sa Daigdig? Sang-ayon ka bas a mga pagbabagong naganap
sa Gresya dahil sa pananakop ni Alexander the Great? Kung hindi niya sinakop ang
Gresya, ano ang maaring nangyari sa Gresya?
Magbigay ng kuru-kuro hinggil sa mga tanong sa itaas. Sumulat ka ng isang
sanaysay sa nagpapaliwanag ng iyong posisyon.
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
36
ARALIN 4 ANG PAMUMULAKLAK NG SIBILISASYONG HELENISTIKO
Ang lungsod ng Alexandria, noong panahon ng pamumuno ni Ptolemy ay naging
sentro ng makabagong karunungan at kaalaman. Nagpatayo si Ptolemy ng magarang
silid-aklatan at sentro ng pananaliksik na kinilala sa buong daigdig. May mga museo,
zoo, at obserbatoryo upang mapag-aralan ang mga bituin sa kalangitan. Ang silid-
aklatan ay naglaman ng humigi’t kumulang na 500,000 aklat na nakasulat sa mga
papyrus. May mga sipi ito ng mga akda ni Homer, mga dula na isinulat ng mga
Athenian, mga aklat sa medisina mula sa paaralan ni Hippocrates, at mga banal na
aklat ng mga Hebreo na isinalin sa wikang Griyego. Inanyayahan din sa aklatan ang
mga natatanging iskolar, at sinuportahan ang kanilang mga pangangailangan upang
magsaliksik at magsulat.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Maipaliliwanag kung bakit naging sentro ng sibilisasyong Helenistiko ang
Alexandria;
2. Matutukoy ang mahahalagang pagtuklas sa Gresya noong panahong ito sa
larangan ng aghan at pilosopiya; at
3. Masusuri ang mga pilosopiyang epicureanismo at storcismo.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Sa ibaba ay nakalarawan ang mga ng Ehipto. Matutukoy mo ba kung nasaan ang
Alexandria? Ituro ang Alexandria sa mapa ng Ehipto.
37
.
Ang Alexandria: Sentro ng Sibilisasyong Helenistiko
Ang pagkakawatak-watak ng imperyong itinayo ni Alexander ay di naiwasan
matapos siyang pumanaw, ngunit ang mga naging bunga ng kanyang pananakop ay
nagpatuloy sa mahabang panahon.
Ang panahon mula sa pagkamatay ni Alexander hanggang sa mapasailalim ang
Ehipto sa Roma ay panahon ng pamumulaklak ng Sibilisasyong Helenistiko.
Noong panahong Heleniko ay nahati ang Gresya sa dalawang pangkat ng tao,
ang Griyego at ang Barbaro, na salitang ginamit upang tawagin ang sinumang di-
Griyego. Ang panahong ito ay inilarawan bilang pinagsamang sibilisasyon ng Heleniko
o Griyego at Asya. Sa madaling salita, ito ay Sibilisasyong Graeco-Oriental kung saan
ang Alexandria sa Ehipto, Antioch sa Syria, at Pergamum sa Asya Manor ang
nagsilbing mga pangunahing lungsod.
38
Iba pang Pagtuklas
Archimedes
Ang mga siyentipiko mula sa Alexandria noong panahong ito ay nagsagawa rin
ng iba’t ibang pagtuklas na nakaimpluwensiya maging sa ating kasalukuyang panahon.
Si Euclid ay naging kilalang matematisyan. Ang kontribusyon niya sa larangan ng
Geometry ay ginagamit pa rin ng ating mga mag-aaral ng matematika sa ngayon.
Si Erastosthenes, isang iskolar at punong librarian sa Alexandria, ay nagbigay ng
tinatayang distansya ng ating mundo sa tulong ng kanyang kaalaman sa geometry.
Si Aristarchus, isa pang matematisyan at astronomer mula sa Samos, ay lumikha
ng kontrobersiya nang makipagtalo siya na ang mga planeta ang umiikot sa araw.
Si Archimedes naman ay nag-aral sa Alexandria ngunit naglagi ng matagal sa
isla ng Sicily. Kilala rin siya sa larangan ng matematika at pisika. Marami siyang
imbensyon ngunit ang armas sa pakikidigma na tinatawag na catapult ang
pinakanatatangi.
39
Mahahalagang Pilosopiya
Dalawang mahalagang pilosopiya ang nagsimula sa Athens noong Panahong
Helenistiko. Isa rito ay ang Epicureanismo na hango sa pangalan ni Epicurus ng
Samos, isang maestro at manunulat. Pinag-aralan ni Epicurus ang mga pamamaraan
upang magkaroon ng mapayapang pamumuhay. Ayon sa kanya, dapat umiwas ang tao
sa walang katapusang pagnanais na yumaman, magkaroon ng kapangyarihan at
maging tanyag upang mabuhay ng matiwasay at malayo sa pangamba. Ayon pa rin kay
Epicurus ang katawan ay dapat na malayo sa mga sakit at ang isip Malaya sa takot at
pag-aalala. Ipinayo niya ang matalinong pakikipag-usap sa kaibigan o ang paghiga sa
damuhan bilang mga simpleng pamamaraan ng pagmumuni-muni ng buhay.
Zeno
Samantala ang pilosopiyang stoicismo na ipinakilala naman ni Zeno. Ang
pilosopiyang ito ay natuklasan ni Zeno habang naglalakad siya sa portico o balkon sa
mga pamilihan ng Athens. Ang mga stoic tulad nina Socrates ay may malaking
pagpapahalaga sa dignidad, pagpipigil sa sarili at katwiran. Dahilan sa katwirang ito ng
mga stoic niya rin ang dignidad ng ibang tao. Ang paniniwalang ito ng pagkakapantay-
pantay ng tao sa buong mundo ay naging patunay ng nagbabago ng pananaw ng mga
40
Griyego sa Panahong Helenistiko. Matagal at malawak ang impluwensiya ng stoicismo
at nananatili hanggang sa kasalukuyang panahon.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ang Sibilisasyong Helenistiko ay nagbigay sa daigdig ng mga pantas at
siyentista na may mahalagang ambag sa iba’t ibang larangan. Punan ang
talahanayan upang mgakaroon ka ng isang pagbubuod ng mahahalagang tao noong
panahong ito. Ang unang halimbawa ay maaari mong tularan.
MAHALAGANG TAO
LARANGAN
AMBAG O PANGUNAHING
TUKLAS
1. Ptolemy
2. Euclid
3. Eratosthenes
4. Aristarchus
5. Archemedes
6. Epicurus
41
7. Zeno
Tandaan Mo!
Ang sibilisasyong Helenistiko ay may mga katangian ng mga
sibilisasyong Heleniko at Asyano na umusbong noong panahon ng
pananakop ni Alexander the Great.
Ang Alexandria ang naging sentro ng sibilisasyong Helenistiko.
Maraming pagtuklas pa sa larangan ng agham at matematika ang naganap sa
Gresya. Nagkaroon ng malaking impluwensiya sina Ptolemy, Euclid, Eratosthenes,
Aristotle, Archimedes, Epicurus at Zeno.
Ang dalawang mahalagang pilosopiya na nakaimpluwensya sa pamumuhay ng mga
Athenian noong panahong Helenistiko, at hanggang ngayon ay ang epicureanismo at
storcismo.
Gawain 3: Paglalapat May dalawang pilosopiyang namayani noong panahon ng sibilisasyong
Helenistiko. Epicureanismo at Stoicsismo. Alin sa dalawa ang pinaniniwalaan
mo? Pumili ng mas malapit sa sarili mong paniniwala at ipaliwanag mo kung
bakit mo pinaniniwalaan ang pilosopiyang iyong pinili. Magbigay ka ng mga halimbawa
mula sa iyong karanasan.
___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
42
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:
I.
1. Alexandria
2. Parthenon 3. Digmaang Peloponnesian 4. Helenistiko 5. Athens 6. Macedonia 7. Polis 8. Minoan 9. Hellas 10. Digmaang Thermopylae 11. Agora 12. Salamis 13. Delian League
II. Kilalanin
1. Homer
2. Pericles 3. Pisastrus 4. Lydians 5. Draco
1
ARALING PANLIPUNAN III
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 5
ANG PAGSIBOL NG IMPERYONG ROMANO
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
2
MODYUL 5
ANG PAGSIBOL NG IMPERYONG ROMANO
Sa panahong sumisibol ang sibilisasyong Griyego, isang maliit at natatanging
estado sa gitna ng Italya ang Roma. Bagamat maliit, hindi ito nagtagal bilang isang
lungsod-estado. Sa pagsapit ng A.D. 200, halos lahat ng mga lupaing nakapaligid sa
karagatang Mediterranean ay kanyang nasakop. Naitatag ang isang malawak na
Imperyong Romano.
Ang mga lupaing nasakop at napasailalim sa kapangyarihan ng mga Romano ay
nakinabang nang lubos. Kaakibat ng naging pagsakop ay ang kapangyarihan,
kaunlaran, at kaayusan. Lumaganap nang husto ang kulturang Romano sa mga lupaing
ito.
Subalit walang imperyo na nanatili habambuhay. Matapos ang mahabang
panahon ng pamamayagpag, bumagsak din ang imperyo noong AD 476.
Ang kahusayan ng mga Griyego ay nakita sa pamumulaklak ng sining at agham.
Samantala, ang mga Romano ay mas praktikal na mga tao. Nanguna sila sa batas at
pamahalaan at naging mahuhusay din silang inhinyero. Mula sa Imperyong Romano,
kinilala ang relihiyong Kristiyanismo. Sa katunayan, hanggang sa kasalukuyan ang
Roma pa rin ang sentro ng pananampalatayang Kristiyano sa buong daigdig.
Sa modyul na ito, matutunghayan mo ang pinagdaanang sibilisasyon ng Roma at
ang mga impluwensiya ng sibilisasyong ito sa kultura, relihiyon at pulitika ng iba’t
ibang bansa sa daigdig.
May limang araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Sinaunang Roma
Aralin 2: Pagpapalawak ng Imperyong Romano
Aralin 3: Ang Krisis sa Republika
Aralin 4: Ang Pamumuhay sa Imperyong Romano
Aralin 5: Ang Pagbagsak ng Imperyong Romano at ang Paglaganap ng
Kristiyanismo
3
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Mailalarawan ang sibilisasyon ng Sinaunang Roma;
2. Matatalakay ang mga pangyayaring nagbigay daan sa paglawak ng
Imperyong Romano;
3. Masusuri ang mga naging krisis sa Republikang Romano;
4. Mailalarawan ang Imperyong Romano at ang mga namuno dito;
5. Maibibigay ang mga kadahilanan ng pagbagsak ng Imperyong
Romano;
6. Maipapaliwanag kung paanong lumaganap ang Kristiyanismo sa
lupain ng mga Romano; at
7. Mapahahalagahan ang naiambag ng Imperyong Romano sa daigdig.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para
sa iyo.
4
PANIMULANG PAGSUSULIT: I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang pinakaunang pangkat ng tao na nanirahan sa Italya:
A. Latins B. Hittites
C. Lydians D. Sumerians
2. Pangkat ng tao mula sa Asya Manor na sinasabing lubos na nakaimpluwensya
sa pamumuhay ng mga Romano: A. mga Babylonian B. mga Mesopotamian
C. mga Phoenician D. mga Etruscan
3. Ang kapangyarihan ng pamahalaang ito ay nasa kamay ng mga pinunong
inihalal ng mga mamamayan. A. Monarkiya B. Oligarkiya
C. Republika D. Estado
4. Sila ang mga karaniwang tao
A. Plebeians B. Patricians
C. Urban poor D. Elite
5. Bumubuo ng 300 konseho ng mga patricians:
A. Mababang Kapulungan B. Senado
C. Punong-lungsod D. Kagawaran
6. Unang talaan ng mga nakasulat na batas ng mga Romano A. Kodigo ng Hamurabbi B. Konstitusyon
C. Twelve Tables D. Sampung Utos
7. Ang mga digmaang Punic ay naganap sa pagitan ng Roma at ng:
A. Sicily. B. Corsica.
C. Sardinia. D. Carthag
5
8. Isang dakilang Heneral na Carthaginian: A. Hannibal B. Attila
C. Sargon D. Darius
9. Ang pamilyang nagsagawa ng mga reporma upang sagipin ang humihinang
Republika: A. Tiberius B. Caesar
C. Gracchus D. Julian
10. Ang namuno sa pag-aalsa ng mga alipin noong 73 BC:
A. Mga Spartans B. David
C. Moses D. Abraham
11. Binuo nina Gracens Pompey, Marcus Licinus Crassus, at Julius Caesar
A. First Triumvirate B. Second Triumvirate
C. Assembly of Tribes D. Ides of March
E.
12. Kinilala bilang Augustus: A. Mark Anthony B. Brutus
C. Lepidus D. Octavian
13. Lumaganap ito sa Roma noong Pax Romana.
A. kapayapaan B. demokrasya
C. digmaan D. pananakop
14. Pinakahuli sa mga mabubuting emperador:
A. Hadrian B. Trojan
C. Marcus Aurelius D. Nerva
15. Ang may-akda ng Iliad at Odyssey:
A. Levy B. Homer
C. Horace D. Virgil
16. Ang kabisera ng Imperyong Romano sa silangan:
A. Syria B. Egypt
C. Constantinople D. Adrianople
6
17. Ang labanan sa Adrianople ay sa pagitan ng dalawang pangkat na ito.
A. Romano at Visigoth B. Romano at Hun
C. Romano at Ostrogoth D. Romano at Vandals
18. Ang matapang na heneral ng mga Hun:
A. Theodoric B. Diocletian
C. Odoacer D. Attila
19. Ang relihiyong hango sa buhay at aral ni Hesus :
A. Hinduism B. Judaism
C. Kristiyanismo D. Zoroastrianism
20. Noong 380 BC, hinirang niya ang Kristiyanismo bilang opisyal na relihiyon ng
Imperyong Romano: A. Constantinople B. Theodosius
C. Peter D. Paril
7
ARALIN 1 SINAUNANG ROMA
Ang sibilisasyong Romano ay nagsimula sa makitid at hugis botang tangway ng
Italya.Tulad ng Gresya, ang Roma ay napapaligiran rin ng karagatang Mediterranean, bagamat mas mainam ang lokasyon nito sapagkat ito ay nasa gitna ng Italya. Ang Italya naman ay nasa gitna rin ng Mediterranean. Dahil dito, naging sentro ng kalakalan sa buong Italya ang Roma.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Maituturo ang Italya sa mapa ng Europa at ang Roma sa mapa ng Italya; 2. Matatalakay ang pag-usbong ng pamayanang Roma; at 3. Makikilala ang mga katangian ng mga Plebeian at Patrician bilang
tagapamahala ng sinaunang Roma.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
A. Ituro sa mapa ng Europa ang Italya. Markahan ng pulang bolpen o krayola ang hugis at hangganan ng italya.
8
B. Masdan ang kinalalagyan ng Roma sa mapa ng Italya. Paano nakaapekto ito sa
pamumuhay ng mga tao roon.
Pagkatapos mong gawin ang mga gawaing ito, mas higit mong mauunawaan
ang nilalaman ng aralin. Handa ka na ba?
Sinaunang Pamayanan ng Italya at Ang Heograpiya Nito Sa habang 1120 kilometro at lapad na 240 kilometro, ang Italya ay umaabot sa
Timog ng Europa patungo sa Aprika at hinahati ang karagatang Mediterranean sa
silangan at kanlurang bahagi. Mula sa nakapagitnang lokasyon nito, naging napakadali
para sa mga Romano na pamahalaan ang kabuuan ng mga lupain sa Mediterranean.
Marami pang mga pangheograpiyang katangian ang Italya na nakatulong sa
pag-unlad nito tulad ng mga kabundukan na bumabalot sa kabuuan ng tangway. Ang
Bundok Alps sa hilaga ang siyang naghihiwalay sa Italya sa kabuuan ng Europa. Ang
bulubundukin naman ng Apennines ay matatagpuan mula hilaga hanggang timog ng
bansa. Ang lupa ay mataba at angkop na angkop sa pagtatanim. Dahilan sa
mahalumigmig at mamasa-masang klima nito, ang mga magsasaka ay nakapagtatanim
ng iba’t ibang butil, gulay, olives, at iba pang mga prutas. Samantala, ang pag-aangkat
9
at pagpapasok ng mga produkto ay hindi naging madali dahilan sa limitado nitong
daungan. Ito ang dahilan kung bakit ang mga sasakyang panlupa ang pangunahing
gamit sa paglalakbay at kalakalan. Ang pangyayaring ito ay nakatulong upang
magkaisa at magkalapit ang iba’t ibang rehiyon ng Italya. Di nagtagal, ang mga
nagkakaisang rehiyon ay napailalim sa iisang pamahalaan.
Ilang libong taon mula 2,000-1,000 BC, ang Italya ay sinakop ng mga Indo-
European na sinasabing may kaugnayan sa mga Mycenaean ng Gresya. Ang mga
mananakop na ito ay nagtayo ng mga pamayanan at nagsaka ng mga lupang sakahan.
Isa sa mga pangkat ng Indo-European ay tinawag na mga Latin sapagkat sila ay
nagtayo ng mga pamayanan sa kapatagan ng Latium. Sila ang naging ninuno ng mga
Romano.
Pagkatapos ng ilang daang taon, iba pang pangkat ng tao ang dumating sa
Italya. May mga tao mula sa Asya-Minor ang nagtayo ng pamayanan sa hilaga ng mga
pamayanan ng mga Latin. Sila ang mga Etruscan. Samantala, ang mga Griyego ay
nagtayo din ng kanilang pamayanan sa katimugan ng Italya at sa dulong bahagi ng Isla
ng Sicily. Ang mga Etruscan at Griyego ay nagkaroon ng malapit na ugnayang
pangkalakalan at nagbigay daan upang maipamana nila ang kanilang kultura sa mga
Latin.
Malaki ang naging impluwensya ng kulturang Griyego sa pamumuhay ng mga
Latin. Maging ang sining nila ay makakakitaan ng impluwensyang Griyego.
Pag-usbong ng Republikang Romano Pagsapit ng 800 BC, maraming pamayanan ng mga Latin sa gitnang bahagi ng
Italya ang nagsama-sama sa isang pamayanan na tinawag na Roma. Nakontrol ng
mga Romano ang Ilog ng Tibes na ruta ng kalakalan mula hilaga hanggang timog ng
tangway ng Italya.
Ang mga Etruscans, sa pamumuno ng pamilyang tinatawag na Tarquins, ay
nagtatag ng monarkiya sa Roma. Ginawa nilang pinakamayaman at pinakamalaking
lungsod-estado ng Italya ang Roma. Sa gitna ng lungsod ay itinayo ang forum o
pamilihan. Bagamat maraming natuhunan mula sa mga Etruscans ang mga Romano
dumating din ang panahon na ninais nilang lumaya kaya’t noong 509 BC, itinaboy nila
10
ang Tarquins at itinatag ang isang Republika – isang uri ng pamahalaan kung saan
ang pinuno ay inihahalal ng mga mamamayan.
Ang mga Plebeian at Patrician Di tulad ng Athens na isang demokratiko, sa Republikang Romano ang namuno
ay mga aristokrata. Lahat sila ay nagmula sa mga mayayamang may-ari ng mga lupa
na tinatawag na patrician. Bagamat sampung porsiyento lamang ng kabuuang
populasyon ang mga patrician, nasa kamay nila ang halos lahat ng pangunahing
posisyon sa pamahalaan at nagtamasa sila ng mas maraming karapatan. Karamihan
naman sa mga Romano ay mga plebeians. Sila ay mga karaniwang taona angmula sa
mayamang mamamayan, negosyante, artisano, magsasaka hanggang sa mga
manggagagawa. Bilang mamamayan sila ay nagbabayad ng buwis at naglilingkod sa
sandatahan ngunit hindi kapantay ng mga tinamasang karapatan ng mga patrician ang
kanilang tinaasang karapatan.
Ang Pamamahala ng Republika May maayos na takbo ng pamamahala ang pamahalaang Romano. May
tagapagpaganap (Executive) at tagapagbatas (Legislative). May dalawang patrician na
tumatayong tagapagpaganap. Sila ang nagangasiwa sa pamahalaan at sa hukbong
sandatahan. Sila ay inihalal sa tungkulin at may terminong isang taon upang
makapaglingkod. Sa mga kamay nila nakasalalay ang kapangyarihan ng buong Roma.
Maaari rin nilang i-veto o di tanggapin ang desisyon ng bawat isa. Kinakailangang
magkasundo sila sa mga pangunahin at kritikal na desisyon. Sa panahon ng krisis,
maaari silang pumili ng diktador mula sa mga pinagkakatiwalaang opisyal ng
pamahalaan. May anim na buwan lamang na termino ang mga diktador o hanggang di
natatapos ang krisis. Sa ganitong pamamaraan, napipigilan ang ganap na
kapangyarihan ng mga diktador at napangangalagaan ang demokrasya.
Ang tagapagbatas ay bumubuo ng 300 kinatawan. Ang pinakamakapangyarihan
ay ang senado. Ang 300 kinatawan ay mula sa mga patrician. Sila ay inihalal at may
11
terminong panghabambuhay. Tinatawag silang senador. Ang pangunahing gawain nila
ay ang magbigay ng payo sa consul, maghain ng batas, at magtalakay ng mga
patakarang panlabas.
Hindi lahat ay sumang-ayon sa ganitong pamamahala. Noong 471 BC, ang mga
Plebeians ay nagdesisyon na hindi na sila maglilingkod sa hukbong sandatahan ng
Roma, bagkus ay magtatatag ng sarili nilang lungsod-estado. Ito ay upang maiwasan
ang digmaang sibil at mapanatili ang kapayapaan. Sumang-ayon ang mga patrician sa
ilang nais ng mga Plebeian. Isa na rito ay karapatang pumili ng sampung pinuno nila sa
kanilang hanay na tatawaging tribunes na siyang magsusulong ng kanilang interes sa
pamahalaan. Ang mga tribunes ay maaaring mag-veto ng ano mang desisyon ng
consul o ng iba pang namumuno. Dahilan sa karapatang mag-veto, napangangalagaan
ng mga Plebeian ang kanilang sariling interes laban sa mga patrician. Nagkaroon din
ang mga Plebeian ng kanilang sariling asembleya na kinilala bilang Assembly of
Tribes. Pagsapit ng 287 BC, isa na itong pangunahing tagapagbatas sa Roma.
Sa simula ng Republika, ang mga batas ng Roma ay di nakasulat. Ang mga
patrician ang may kontrol sa batas at ipinaalam lamang ito sa mga Plebeians. Pagsapit
ng 451 BC, pinagbigyan ng mga patrician ang kanilang hiling. Ang mga batas ng Roma
ay inukit sa mga tabletang tanso at inilagay sa forum upang mabasa ng lahat. Ito ay
tinawag na Twelve Tables na siyang naging batayan ng iba pang batas sa Roma
noong mga sumunod na panahon. Kasabay nito, bumuti rin ang katayuan ng mga
plebeian. Pinayagan na silang makapag-asawa ng patrician at maglingkod sa mga
pampublikong tanggapan. Pagsapit ng 287 BC, pantay na ang karapatang tinatamasa
ng mga patrician at Plebeian. Ngunit, hindi maipagkakaila na ang kapangyarihang
pulitikal ay nasa kamay pa rin ng mga patrician at ilang mayayamang plebeian. Patunay
ito na ang republika at ang senado ay nasa kapangyarihan pa rin ng iilang
mamamayan.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Magtala at paghambingin mo ang mga tungkulin at karapatan ng mga
patrician at plebeian. May magkakatulad ba silang tungkulin? Kung
mayroon, ilagay ito sa tamang sa Venn Diagram.
12
Tandaan Mo!
Noong 509 BC, pinabagsak ng mga Romano ang kapangyarihan ng monarkiyang Etruscan at sila ay nagtatag ng
isang Republika. Pagsapit ng 471 BC ang mga Plebeian o mga karaniwang mamamayan ay nag-
alsa laban sa mga patrician upang mapabuti ang kanilang katayuan at noong 287 BC may pantay na karapatan na ang mga Plebeian at patrician.
Mula sa Republikang Romano nagsimula ang pagkakaroon ng mga pormal na sangay ang pamahalaan gaya ng tagapagpaganap (executive) at tagapagbatas (legislative). Nanggaling sa pamahalaang Romano noong panahong ito ang mga konsepto ng republika at senador na sinusunod pa maging sa kasalukuyan panahon.
Patrician Plebeian
13
Gawain 3: Paglalapat
A. Sa ating kasalukuyang panahon, may mga senador ba na maituturing
na patrician o plebeian? Magtala ng mga katangian ng mga senador
na patrician at mga senador na plebeian base sa iyong nababasa o naoobserbahan
sa Senado ng Pilipinas. Gamitin mo ang talahanayan sa pagbuo ng iyong sagot.
Katangian ng Senador na Patrician
Katangian ng Senador na Plebeian
1.
1.
2.
2.
3.
3.
4.
4.
5.
5.
B. Kung ikaw ay boboto sa halalan para sa pagka-senador, kaninong katangian ang
pagbabatayan mo, sa patrician o plebeian?
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
14
ARALIN 2 PAGPAPALAWAK NG IMPERYONH ROMANO
Habang patuloy na nagnanais ang mga Plebeian ng mas malaking
kapangyarihan sa loob ng Republika, ang Roma ay patuloy na nagpalawak ng kaniyang
nasasakupan. Pagsapit ng 265 BC nasa ilalim na ng kapangyarihan ng Roma ang
kabuuan ng tangway ng Italya. Matutunghayan mo sa araling ito kung paano napalawak
ng Roma ang kanyang imperyo.
Iginalang ng mga Romano ang mga lupaing kanilang nasakop. Nakipagkaibigan
sila sa mga mamamayan nito. Hinayaan nilang manatili ang kanilang kultura at
tradisyon, maging ang kani-kanilang mga batas. Ang tanging hiniling nila ay suportahan
sila ng mga ito sa pamamagitan ng pagbubuwis at pagiging matapat na kaalyado ng
Roma. Bilang kapalit, sila naman ay may proteksyon sa sandatahang lakas ng Roma.
May ilan ding mga mamamayan ng lupaing nasakop ang naging mamamayan ng
Roma. Ilan lamang iyon sa mga kaalamang ihahatid sa iyo sa araling ito.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Mapatutunayan na ang malakas na hukbong sandatahan ang pinakamalaking
salik sa pagiging matagumpay ng Roma;
2. Mailalarawan ang mga kaganapan sa una at ikalawang Digmaang Punic; at
3. Maipaliliwanag ang naging epekto ng tagumpay ng Roma sa Silangan at sa
Asya.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Ituro sa mapa ang Carthage. Bakit mahalaga sa mga Romano na masakop ito?
15
Ang Hukbong Sandatahan ng Roma Dahilan sa ang mga mamamayang Romano at ang mga plebeian ay may boses
sa pamahalaan, tapat sila rito. Ang mga matitipunong magsasaka ay mahuhusay na
sundalo. Kaya nilang magmartsa ng 30 milya araw-araw at dala-dala ang 60 libra ng
mga armas at iba pang suplay pandigma. Ang malakas na hukbong sandatahan ng
Roma ang pangunahing dahilan ng pananagumpay nito sa Italya. Ang pagiging
malakas ng sandatahan ay bunga ng pagkakaorganisa nito. Ang pangunahing yunit ay
legions na binubuo ng mula 3,000 hanggang 6,000 sundalo na tinatawag na
legionnaires. Sa pamamagitan ng mga legions, ang sandatahan ay mas malakas at
mas mabilis makipaglaban. Kumpara sa mga Griyego kung saan ang mga phalanx ay
kumikilos paurong lamang at pasulong, ang mga phalanx ng Romano ay mas magaling
kumilos maging pakaliwa o pakanan sa mga labanan. Ang taktikang ito at ang labis na
katapatan sa Roma ang pangunahing mga dahilan ng kanilang tagumpay. Sa loob ng
16
isang siglo, may ilan din labanan na sila ay natalo ngunit sa lahat ng digmaan na
kanilang sinalihan sila ay nanalo. Sila na marahil ang pinakamalakas na hukbong
sandatahan na nakilala sa kasaysayan. Dahil dito, naging mabilis ang pagpapalawak ng
Imperyong Romano.
Ang Unang Digmaang Punic
Pagsapit ng 200 BC, isa na lamang ang kalaban ng Roma sa Mediterranean:
ang Carthage na nasa hilagang Aprika. Ito ay dating kolonya ng mga Phoenician at
naging kabisera ng isang malaking imperyong pangkalakalan na umaabot mula
Espanya hanggang Sicily. Mula 264 hangang 241 BC, nagkaroon ng maraming
digmaan sa pagitan ng Roma at Carthage upang makuha ang karapatan sa Sicily. Ang
unang tatlong digmaan ay kinilala bilang Digmaang Punic. Ang ibig sabihin ng Punic ay
Phoenician. Ang Carthage ay itinatag bilang sentro ng kalakalan ng Phoenician. Simple
ang naging dahilan ng kanilang alitan: natakot ang Carthage na makuha ng Roma ang
Sicily. Ang Roma naman ay natakot na baka harangan ng Carthage ang kalakalan sa
pagitan ng Italya at Sicily.
Mga Guho sa Carthage
17
Sinimulan ng Roma ang Unang Digmaang Punic nang may mas pinalakas na
hukbong sandatahan, ngunit may mahusay sa digmaang pandagat ang mga
Carthaginian. Kayat ginamitan ito ng mga Romano ng taktika at dali-dali silang gumawa
ng mga barkong halos katulad ng mga barkong pandigma ng Carthage. Gamit ang mga
barkong ito, ang Roma ay nanalo sa ilang labanan nila sa Carthage. Ngunit tumagal ito
ng halos 20 taon bago tuluyang napabagsak ng Roma ang Carthage at nasakop ang
isla ng Sicily. Nagbayad ng indemnity o bayad pinsala ang mga Romano.
IKALAWANG DIGMAANG PUNIC
Bumagsak nga ang Carthage ngunit hindi ito tuluyang nanahimik. Sa halip, ito ay
nagpalawak pa ng kapangyarihan sa Espanya sa pamumuno ni Heneral Hamilcar
Barca. Pagsapit ng 221 BC, ay nagkaroon ng mahusay na pinunong Carthaginian ang
Espanya sa katauhan ni Hannibal, isa sa pinakamahusay na heneral ng hukbong
Espanya sa kanyang kapanahunan.
Noong 218 BC nilusob ni Hannibal ang Roma kasama ang sandatahang lakas na
binubuo ng 4,000 sundalo at 50 elepante. Tinahak nila ang daan sa hilagang silangan
ng Espanya at timog na bahagi ng Pransya at tinawid ang mayelong kabundukan ng
Alps, kung saan maraming sundalo at elepante ang namatay dala sa napakalamig na
klima.
Bagamat mas kaunti, natalo nina Hannibal ang mga sundalong Romano na
sumalubong sa kanila sa naganap na Labanan sa Cannae sa timog silangan ng Italya.
Nakarating ang mga Espanyol sa bukana ng Roma ngunit hindi nila ito pinasok. Umasa
si Hannibal na makikipagkasunduan ang Roma sa kanila ngunit hindi ito nangyari.
Habang nasa Italya ang hukbo ni Hannibal, nagkaroon ng ibang kaganapan. Nilusob ng
isang sundalong Romano na nagngagalang Hen. Publius Scipio ang mga Carthaginian
sa Espanya. Kung kaya’t di sila nakapagpadala ng tulong kay Hannibal na noon ay
nahaharap sa kabi-kabilang pakikipaglaban sa Italya. Noong 204 BC sinakop na rin ng
mga Romano ang Hilagang Aprika.
Upang maipagtanggol ang kanilang lupain, bumalik si Hannibal sa Carthage
ngunit siya ay natalo ni Scipio sa labanan sa Zama noong 202 BC. Ang pagkatalong ito
18
ang nagwakas sa ikalawang Digmaang Punic. Nanatili ang kalayaan ng Carthage
ngunit nawala na ang kapangyarihan nito.
Ang Ikatlong Digmaang Punic
Makalipas ang 50 taon pagkatapos ng ikalawang Digmaang Punic nagkaroon ng
kapayapaan sa pagitan ng Roma at Carthage. Sa mga panahong ito ay umunlad na
muli ang Carthage. Bagamat wala ng pangambang maidudulot ang Carthage sa Roma,
ang mga malalagim na alaala ng mga ginawa ni Hannibal ay patuloyn na nagsilbing
bangungot para sa mga Romano. Ito ang naging dahilan upang naisin nila ang tuluyang
pagkawasak ng Carthage. Kaya pagsapit ng 149 BC sinimulan nila ang ikatlong
Digmaang Punic. Nagpadala sila ng mga sundalo sa Hilagang Aprika at nilusob ang
Carthage. Sa loob ng tatlong taon, nagpatuloy sa pakikipaglaban ang Carthage bago
tuluyang sumuko. Pagkatapos nito, sinunog ng mga Romano ang kabuuan ng Carthage
at sinabuyan ng asin ang lupang sakahan nito upang tuluyan na itong mawalan ng
pakinabang. Ang mga taong di namatay ay pinagbili bilang mga alipin. Napakalaking
tagumpay ito sa Roma at nagkaroon sila ng ganap na kapangyarihan sa kanlurang
Mediterrenean.
Tagumpay sa Silangan Hindi lamang ang mga Digmaang Punic ang sumubok sa lakas ng Roma.
Habang nakikipaglaban sila dito, sila rin ay may nakikipagtunggali sa Helenistikong
Silangan. Matapos ang marami-raming labanan, natalo nila ang mga Macedonian at
noong 146 BC, naging probinsya ng Roma ang Macedonia.
Sumunod na nilusob ng Roma ay ang gitnang silangan. Noong 133 BC,
napasailalim sa kapangyarihan ng mga Romano ang Kaharian ng Pergamum sa Asya.
Bagamat nanatili ang kalayaan ng Ehipto at Syria, naging kaalyado ng Roma ang mga
pamahalaang ito. Pagsapit ng 100 BC, nasakop na ng Roma ang halos lahat ng lupaing
nakapaligid sa Mediterrenean.
19
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Itala ang mga naging epekto ng mga Digmaang Punic upang mapatibay
mo ang iyong kaalaman.
Sa Roma
Sa Carthage
Unang Digmaang Punic
1. _____________________________
_____________________________
2. _____________________________
_____________________________
1. _____________________________
_____________________________
2. _____________________________
_____________________________
Ikalawang Digmaang Punic
1. _____________________________
_____________________________
2. _____________________________
_____________________________
1. _____________________________
_____________________________
2. _____________________________
_____________________________
Ikatlong Digmaang Punic
1. _____________________________
_____________________________
2. _____________________________
_____________________________
1. _____________________________
_____________________________
2. _____________________________
_____________________________
20
Tandaan Mo!
Ang sandatahang lakas ng Roma at ang kahusayan nito ang
pangunahing dahilan ng pananagumpay ng Roma sa Italya at sa paligid ng Mediterrenean sa Italya.
Pakikidigma ang naging kasangkapan ng mga Romano upang itatag ang
kanilang imperyo. Nagkaroon ng Tatlong Digmaang Punic sa panahon ng
pagpapalawak ng Imperyong Romano.
Ganap na napabagsak ng Roma ang Carthage noong 149 BC at sinunog ang
kabuuan ng lupain ng mga Carthaginian.
Pagsapit ng 100 BC nasa kapangyarihan na ng Roma ang halos lahat ng lupain
sa paligid ng Mediterrenean.
Gawain 3: Paglalapat
Sa iyong palagay, magiging makapangyarihan kaya ang mga Romano at
maitatag ang kanilang imperyo kung hindi sila nagsulong ng mga
digmaan? Sumulat ng dalawang talata na nagpapaliwanag ng inyong posisyon o
opinyon.
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
21
ARALIN 3 ANG KRISIS SA REPUBLIKA
Habang lumalaki at yumayaman ang Republikang Romano, unti-unti rin itong
nakaranas ng iba’t ibang panloob na suliranin na yumanig sa pinkapundasyon nito. Oo
nga’t ang mga digmaang Roma ay nagbigay ng karagdagang lupain at kapangyarihan
para sa Romano, nagdulot din ito ng maraming suliraning pulitikal at pangkabuhayan.
Nagsikap ang mga pinuno na lutasin ang mga suliraning ito ngunit patuloy pa rin na
humina at nawalan ng katatagan ang Republika. Matutuklasan mo sa araling ito ang
mga pangyayari noong panahonh iyon.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Masusuri ang mga naging dahilan ng pagkakaroon ng krisis sa Republikang
Romano;
2. Matutukoy ang naging pangunahing epekto ng krisis na ito para sa Roma at sa
mga Romano;at
3. Matatalakay ang mga pamamaraang sinubukan ng mga pinuno upang
binigyang lunas ang krisis sa Republika;
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Anu-ano ang mga suliraning maaring makapagdudulot ng krisis sa isang
bansa? Magtala ng tatalo.
1. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
22
Ang Teritoryo
Bagamat hinayaan ng Roma ang mga lupaing nasakop nito na panatilihin ang
kani-kanilang wika, relihiyon, batas, kultura at tradisyon, sila may tungkuling magbayad
ng buwis at maging tapat sa kapangyarihang Romano.
Ginawang probinsya ng Roma ang karamihan sa mga kolonya nito, Sa simula ay
di naging maayos ang pamahalaan sa mga probinsyang ito. Upang mapadali ang
pagsasaayos, humirang ng mga Gobernador o Proconsuls ang mga Romano upang
mamuno dito. Ngunit imbis na mkatulong marami sa mga proconsul ay nagpabaya sa
kanilang mga tungkulin at may iba na tumanggap din ng suhol sa mga transaksyon ng
pamahalaan. Kasabay nito, hinirang din ng mga Romano ang mga publician upang
mangolekta ng buwis mula sa mga probinsyang ito. Upang sila rin ay makinabang sa
mga nakolektang buwis tinaasan ng mga publician ang kanilang sinisingil sa mga
mamamayan. Naging dahilan ito upang magalit ang mga mamamayan sa pamahalaan
ng Roma, ngunit dahilan sa malakas at matatag na sandatahang lakas, napigil ang ano
mang banta ng pag-aalsa. Unti-unti natanggap ng mga kolonya ang uri ng pamamahala
ng mga Romano.
Panlipunan at Pangkabuhayang Pagbabago
Halos nawasak ang ng Roma noong Ikalawang Digmaang Punic. Ang
pananakop ni Hannibal sa Italya ay nagdulot ng malawakang pagkasira ng mga lupaing
sakahan. Ang iba namang sakahan ay naiwanang nakatiwangwang habang
nakikipaglaban sa digmaan ang mga may-ari nito. Nawalan ng mapagkakakitaan ang
mga pamilya ng mga magsasaka kung kaya’t napilitan silang ibenta ang kani-kanilang
mga lupang sakahan sa mga Romanong yumaman sa panahon ng pananakop.
Sa panahon din ng pananakop nagkaroon ng kapangyarihan sa mga lupa sa
probinsya ang pamahalaang Romano at pinaupahan ito sa mga mayayamang Romano.
Di naglaon nagkaroon sila ng malalawak na lupain na tinatawag na Latifundias kung
saan sari-saring butil ang itnanim at ibenenta sa Italya. Naging napakadali rin para sa
mga mayayamang ito na humanap ng magsasaka sa kanilang lupain dahilan sa
23
napakaraming alipin ang handang magtrabaho sa murang sweldo lamang. Dahilan sa
mababang, halaga ng produksyon mas mura nila naibebenta ang kanilang mga
produkto. Ito ang naging dahilan kung bakit ang mga mahihirap na magsasaka sa Italya
ay di makasabay sa kanilang pagbebenta sa murang halaga kung kaya’t napilitan ang
mga ito na huminto sa pagsasaka, nagbenta ng lupa at lumipat sa mga lungsod.
Sa paglipat ng mga magsasaka sa mga lungsod, lalong lumaki ang mga naging
suliranin ng Republika. Naging masikip ang mga lungsod dahil sa paglaki ng
populasyon doon. Maging sa Roma ay patuloy na nagdagsaan ang mga magsasaka na
nagpalawig nang husto sa pagkakaiba ng uri ng pamumuhay ng mayayaman at
mahihirap. Kasabay nito, lalong naging aktibo ang kalakalan sa mga probinsya na
nagdulot ng lalong pagyaman sa mayayamanng Romano. Ang kapangyarihan sa
ekonomiya ng Roma ay mapasakamay ng mga equites o grupo ng mga negosyante.
Maraming mga matatandang patrician at mayayamang plebeian ang naging abala sa
pagpapayaman sa halip na isulong ang kapakanan ng Roma at ng mga karaniwang tao,
kasama na ang mga libo-libong magsasaka at mga walang hanapbuhay na mga
maralitang taga-lungsod.
Ang Repormista
Sa gitna ng krisis sa pamahalaan ng Roma noong panahon ng Republika, may
mangilan-ngilan ding mayayamang Romano ang nabahala sa katayuan ng mga
mahihirap. Para sa kanila, dapat na lunasan ang lumalalang sitwasyon bago pa man
magbunga ito ng pag-aalsa. Para sa kanila ang pagpapahalaga sa disipilina,
pagsasakripisyo at katapatan sa Republika ay dapat na ibalik upang makaiwas sa ano
mang banta ng pag-aalsa.
Isa sa mga repormistang ito ay si Tiberius Gracchus, isang repormista at
tagapagsutlong ng mapayapang pagbabago. Naging tribuno siya noong 133 BC at
ipinasa niya ang mga batas na tutulong sa mga mahihirap sa pamamagitan ng mga
bagong batas nalimitahan ang lupain ng mga mayayamang may-ari. Hindi sinang-
ayunan ng mga mayayamang senador ang kanyang ginawang pagbabago at nang
24
muling tumakbo si Gracchus bilang tribune, nagkaroon ng madugong riot na ikinasawi
niya at 300 pang kaalyado niya.
Makalipas ang sampung taon ang nakababatang kapatid ni Tiberius na si Gaius
Gracchus ay nahalal bilang Tribune. Tulad ng kapatid niya, isinulong nito ang reporma
sa lupa at pinarami ang bilang ng maliliit na magsasaka. Naging maayos ito sa kanyang
dalawang termino bilang Tribune, ngunit tulad ng kanyang kapatid siya rin ay pinaslang
ng kanyang mga kaaway sa isang madugong riot.
Nagpatuloy din ang kaguluhan sa republika na dulot ng lumalaking populasyon
ng mga alipin. Noong 73 si Spartacus, isang alipin, ay nagdeklara ng digmaan upang
palayain ang mga alipin sa Italya. Sa loob ng dalawang taon nagpatuloy ang labanan ng
mga hukbo ng mga alipin at hukbong sandatahan ng Roma. Natigil lamang ito nang
mapatay si Spartacus at 6000 pang ibang alipin sa sumama sa kanya.
Pamumuno ng mga Heneral
Nabigo ang lahat ng pagtatangkang magkaroon reporma. Nawalan na rin ng
tiwala ang mga mahihirap sa pamahalaan. Nagsunud-sunod ang pag-aalsa ng iba’t
ibang grupo na labis na nagahina sa Republika. Sa panahon ng kaguluhan, nagkaroon
ng pagkakataon ang mga heneral nang mamuno.
Noong 108 BC si Gaius Marius, isang tanyag na heneral, ay nagsimulang
kumuha ng sundalong mula sa mga maralitang walang hanapbuhay. Kung noon, mga
kalalakihan lamang na may-ari ng lupain at tapat sa Roma ang maaring maging sundalo
sa sandatahang lakas, sa pagkakataong ito nagboluntaryo kay Marius ang mga
mahihirap dahil pinangakuan niya sila ng pera at bahagi sa ano mang lupain na
makukuha niya. Samakatuwid naging tapat sila kay Marius at hindi sa pamahalaan.
Si Marius ay may mahigpit na katunggali sa posisyon: si Sulla. Sa loob ng anim
na taon nagpalitan sila ni Marius sa pagiging heneral. Pagsapit ng 82 BC natapos na
ang kanilang labanan kung saan si Sulla ang nagwagi. Di nagtagal itinanghal ni Sulla
ang kanyang sarili bilang pang habambuhay na diktador ng Roma.
Maaaring naitanghal ni Sulla ang kanyang sarili bilang diktador ngunit di ito
nagtagal sa kanyang puwesto. Si Pompey isang heneral, at si Crassus, isang pulitiko,
25
ang naipalit sa kanyang puwesto sa suporta ng batambatang si Julius Caesar. Noong
60 BC itinatag nina Pompey, Crassus, at Julius Caesar ang Triumvirate, isang pangkat
na may talong pinuno na may magkakapantay na kapangyarihan.
Sa paglipas ng panahon, di nagkaisa ang Triumvirate. Si Julius Caesar na may
malaking ambisyong pulitikal, ay nagsarili. Pinalakas niya ang kanyang hukbo sa Gaul
(France na ngayon) at sinakop ito. Di nagtagal maging Britanya ay sinakop rin niya,
kayat nasakop na nang ganap ng Roma ang hilagang bahagi ng Europa.
Noong 49 BC sa pagkamatay ni Crassus sa isang digmaan, tuluyan nang
nabuwag ang Triumvirate. Naging mortal na magkaaway si Julius Caesar at Pompey.
Pumunta si Julius Caesar sa Gresya kung saan tinalo niya si Pompey. Tumakas si
Pompey patungong Ehipto ngunit napaslang naman siya ng Hari ng Ehipto na galit sa
mga Romano. Kasabay nito kinilala ni Caesar ang kapatid ng hari na si Cleopatra na
noon ay namumuno sa Ehipto, bilang kaibigan ng Roma.
Pagbalik ni Caesar sa Roma, itinanghal siya bilang pinakdakilang bayani ng
Roma at namuno sa pamahalaan. Nakuha niya ang titulo bilang hari at consul nang
sabay. Maraming pagbabago ang kanyang ipinatupad. Inayos niya ang pamahalaan at
binabaan niya ang buwis. Upang matulungan ang mga mahihirap sa Roma, pinadala
niya ang 100,000 sundalo at iba pang mga tao sa mga lupaing kanilang nasakop at
doon sila ay binigyan ng lupaing sakahan. Nagbigay siya ng pagkamamamayan sa mas
maraming tao sa labas ng italya. Nagpalabas din siya ng bagong kalindaryo na
pinangalanan sa kanya: ang Julian Calendar. Pagsapit ng 44 BC ganap na siyang
diktador na panghabambuhay, ngunit naging dahilan ito upang mangamba ang mga
mayayaman. Natakot sila na kung magiging Hari si Caesar, mawawala na ang senado,
at mawawasak nang tuluyan ang Republika. Kaya isang pangkat na binubuo nina
Marcus Brutus at Gaius Cassius ang nagplanong paslangin si Caesar. Sinaksak nila
si Julius Caesar sa Senado noong Ides of March (Marso 15) 44 BC.( Sa Julian
Calendar ang Ides ay petsa kung saan ito ay kalagitnaan ng bawat buwan na
sumasabay sa pagbilog ng buwan).
26
Ang Pagwawakas ng Republika
Sa pagkamatay ni Julius Caesar, nagkaroon ng panibagong tunggalian sa
kapangyarihan sa pumumuno ng Roma. Ang ikalawang Triumvirate ay nabuo ng mga
taga suporta niya, na sina Octavian, isang malapit na kamag-anak ni Caesar, Marc
Anthony, isang heneral na kaalyado ni Caesar, at si Lepidus isang pangunahing
pinuno ni Caesar. Ipinaghiganti nila ang naging kamatayan ni Caesar. Hinati nila ang
mga lupain ng Roma sa kani-kanilang pangangasiwa. Kinuha ni Ocatavian ang
kanluran, samantalang ang silangan ay kay Marc Anthony, at si Lepidus naman ang
namuno sa hilagang Aprika. Silang tatlo naman ang namuno sa Italya. Tulad ng
inaasahan, nagtalu-talo rin ang tatlong pinuno. Pinilit ni Octavian na umalis sa tungkulin
si Lepidus upang siya na ang maghari sa Italya at hilagang Aprika. Samantala patuloy
na namuno sa Silangan Si Marc Anthony. Namuno din siya sa Ehipto kasama ang
reyna nitong si Cleopatra. Di ito nagustuhan ni Octavian kayat noong 31 BC sa isang
bahagi ng karagatan naganap ang labanan sa Actium sa may kanlurang bahagi ng
Gresya at tinalo niya ang magkasanib ng puwersa nina Cleopatra at Marc Anthony. Si
Octavian na lamang ang mag-isang namuno sa Roma at mga lupain nito. Upang hindi
magpatuloy ang kaguluhan sa Republika, kinailangang magtatag si Octavian ng bagong
pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan. Dito nagwakas ang Republika sa Roma.
.Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Paano sinikap bigyan ng kalutasan ng mga pinuno ng Roma ang krisis
sa Republika? Ilagay sa talahanayan ang angkop na sagot.
Mga Kasapi
Layunin
Sistema ng Pamumuno
Naging Bunga
1. Proconsul
2. Publician
27
3. Mga
Repormistang
Tribune
4. Unang
Triumvirate
5. Ikalawang
Triumvirate
Tandaan Mo!
Habang patuloy na lumalaki at yumayaman ang Republikang Romano sumailalim naman ito sa mga suliraning panloob na
nagdulot ng krisis sa pamunuan nito. Sina Tiberius at Gaius Gracchus ay ilan lamang sa mga repormistang
nagpanukala ng reporma sa gitna ng krisis sa Republika.
Ang krisis ay nagbigay daan sa pagtatamo ng kapangyarihan ng mga Heneral
bilang pinuno ng pamahalaan tulad nina Marius at Sulla.
Ang unang Triumvirate ay binuo nina Pompey, Crassus, at Julius Caesar.
Ang ikalawang Triumvirate ay binuo naman nina Octavian, Marc Anthony, at
Lepidus.
Noong 31 BC itinanghal si Ocatvian bilang nag-iisang pinuno ng Republikang
Romano.
28
Gawain 3: Paglalapat A. Alin sa mga sumusunod ang may pinakamalaking impluwensya sa
pagkawasak sa Imperyong Romano. Ibigay ang iyong katwiran.
1) mahinang pamumuno
2) lumalalang kondisyong pang-ekonomiya
3) tunggalian ng mga iba’t ibang uri ng tao sa lipunan
B. Sa iyong palagay maihahambing ba ang mga suliranin ng sinaunang Republikang
Romano sa mga suliraning hinaharap ng ating bansa kasalukuyan? Alin sa tatlong
nakatala sa (A) ang maipapalagay mong pinakamalaking suliranin ng Pilipinas sa
kasalukuyan? Lahat ba nang iyang ay kinakaharap ng ating bansa sa ngayon?
Ipaliwanag ang iyong opinyon.
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
29
ARALIN 4 ANG PAMUMUHAY SA IMPERYONG ROMANO
Paano pinamunuan ni Augustus Ceasar ang Imperyong Romano? Anong uri ng
pamumuhay ang umiral noong panahon ng Imperyo? Sisikaping sagutin ng aralin ang
mga tanong na iyan.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Makikilala ang mga naging emperador sa Imperyong Romano;
2. Mailalarawan ang naging pamumulaklak ng sibilisasyong Romano; at
3. Maiisa-isa ang naging pamana ng Romano sa mundo.
.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Ang araling ito ay tungkol sa mga unang emperador ng Roma. May kilala ka
bang emperador ng isang bansa sa kasalukuyan? Tukuyin at ilarawan ang kanyang
tungkulin at katangian bilang emperador.
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
30
Si Augustus Ceasar
Sa pagkakaluklok ni Octavian sa kapangyarihan noong 31 BC, ninais niyang
buhaying muli ang Republika. Ngunit dahil sa lawak ng nasasakupan nito at paglaganap
ng korapsyon sa pamahalaan, naging imposible ang kanyang mithiin. Sa halip itinatag
ni Octavian ang Imperyong Romano.
Bilang pinakaunang emperador ng Roma, sinarili ni Octavian ang kapangyarihan.
Nakuha niya ang suporta ng senado dahilan sa kinuha niya itong tagapayo at
hinayaang pamunuan nila ang ilang probinsiya ng Roma at pinahintulutan silang
magkaroon ng sariling kabang yaman o (treasury). Ginamit niya ang titulong Augustus,
na nangangahulugang ang dakila, at magmula noon kinilala siya bilang Augustus
Caesar .
Augustus Caesar
31
Si Augustus ay naging mabuti at malikhaing pinuno. Ginamit niya ang kanyang
kapangyarihan upang magkaroon ng kaayusan at kabutihan sa Roma at sa mga
probinsiya nito sa buong panahon ng kanyang pamumuno. Ang reporma sa
sandatahang lakas ang inuna niya. Kinuha ni Augustus ang pamumuno sa sandatahang
lakas at binigyan niya ang mga sundalo ng malalaking bonus at lupain. Upang
mapalawak ang pagkakaisa sa imperyo, ginawa niyang sentro ng pamahalaan ang
Roma. Isinulong din niya na ibalik ang mga ipinagmamalaking ugali ng mga Romano
saya ng pagmamahal sa bayan, pagkakabigkis-bigkis ng pamilya, kasipagan, disiplina,
at simpleng pamumuhay.
Ang mga Emperador na Julian
Namatay si Augustus noong 14 na taon sa panahon ni Kristo (AD). Sa sumunod
na 54 na taon, ang imperyo ay pinamunuan ng mga emperador na Julian o emperador
mula sa pamilya ni Julius Caesar.
Mula AD 14 hanggang 37, si Tiberius, ampon ni Augustus, ang itinanghal na
emperador. Ipinagpatuloy niya ang mga patakaran ni Augustus Caesar. Samantala
hindi ganito ang ginawa ni Caligula ang sumusunod kay Tiberius. Bukod sa isa siyang
malupit na pinuno maraming nagsasabi na siya ay baliw sapagkat hinirang niyang
consul ang kanyang mga alagang kabayo. Pagkalipas ng apat na taon, pinatay siya ng
mga sarili niyang sundalo sa kanyang palasyo. Ang mga sundalo ang pumili ng bagong
emperador sa katauhan ni Claudius, tiyuhin ni Caligula. Tanyag na emperador si
Claudius. Sa panahon ng kanyang pamumuno (AD 41-54), naglunsad siya ng
ekspedisyon at naging bahagi ng imperyo ang Britanya. Pagkamatay niya noong 54 AD
ang ampon niyang si Nero, ang humalili sa kanya. Di tulad ni Claudius, si Nero ay
malupit at sinisabing baliw din. Hinihinala niya na lahat ng tao ay gusto siyang patayin
maski na ang asawa niya at ina kayat ipinapatay niya ang mga ito pati na ang kanyang
mga senador. Noong AD 64, nagkaroon ng malaking sunog sa Roma at siya ang
pinaghinalaang gumawa nito. Pagkalipas ng apat na taon, nag-alsa laban sa kanya ang
mga sundalo na naging dahilan upang magpakamatay siya.
32
Ang mga Mabubuting Emperador
Sa sumunod na 30 taon, napasailalim ang imperyo sa kamay ng mga emperador
na sinusuportahan ng military tulad ni Vespian. Sa 10 taon (AD 69-79) ng kanyang
pamumuno, naibalik niya ang disiplina sa sandatahang lakas at napigil niya ang mga
pag-aalsa sa Gaul at Judea.
Sa pagitan ng Ad 79-98, tatlo pang emperador ang sumunod kay Vespian.
Dalawa dito ay mga anak niya, at ang ikatlo ay si Nerva na pinili ng senado, bilang
kapalit niya. Inampon ni Nerva si Trajan isang kilalang Kastilang heneral, na naging
tanyag dahilan sa kanyang mga naipanalong digmaan sa gitnang Silangan.
Noong AD 117, si Hadrian na pinsan ni Trajan ang naging emperador. Para sa
kanya, pinakamahalaga ang pagkakaroon ng mabuting pamahalaan kung kayat
sinimulan niya ang sistema ng promosyon sa pamahalaan. Pinalakas rin niya ang mga
pamahalaang lokal.
Ang pinakahuli sa mabubuting emperador ay si Marcus Aurelius, na naglingkod
mula AD 161-180. Siya ay matalinong tao at sumusunod sa pilosopiyang Stoicismo.
Isinulat niya ang aklat na Meditation na naglalarawan ng pilosopiyang ito. Naging
maunlad ang kanyang panunungkulan at lumaganap ang negosyo at kalakalan na
nakarating hanggang India at Tsina. Sa pagkamatay ni Marcus Aurelius noong AD 180,
natapos nang tuluyan ang mapayapang panahon sa Roma.
Ang Lipunang Romano sa Panahon ng Imperyo
Ang panahon ng kapayapaan na naranasan ng Roma mula 27 BC hanggang Ad
180 ay tinawa na Pax Romana o kapayapaang Romano. Sa panahon ng Pax Romana,
ang Roma ay naging tahanan ng humigit kumulang isang milyong tao at naging sentro
ng sibilisasyong kanluranin. Ang panahong ito ay di lamang panahon ng kapayapaan,
panahon din ito ng kaunlaran para sa mga mamamayan. Bumuti ang mga daanan,
naiayos ang mga daungan at ilan pang mga pangunahing daanan ng kalakalan, at
naging masigla ang kabuhayan at kultura ng Roma.
33
Pangkat ng mga Mamamayan
Nagkaroong ng iba’t ibang bahagdan ng mga mamamayan sa panahong ito, Ang
mga maykaya tulad ng mga may-ari ng lupa, mangangalakal, doktor, abogado at iba
pang naglilingkod sa pamahalaan ang may pinakamabuting pamumuhay. Ang mga
mahihirap naman ay umaasa lamang sa pagkain na rasyon ng pamahalaan, nasa mga
lungsod at walang trabaho. Ang mga magsasaka ang may pinakamalaking populasyon.
Mahabang oras silang nagtatrabaho upang makapagbigay ng murang pagkain para sa
mga mamamayan. At ang mga alipin ay karaniwang mga Italyanong magsasaka na
nawalan ng kalayaan dahil sa hindi nakapagbayad ng utang.
Uri ng Libangan
Ang mga Romano, mayayaman o mahihirap man ay mahilig sa mga labanang
marahas at nakakamatay bilang libangan. Ang mga malalawak na arena ay lugar para
sa mga libangang ito. Ang circus maximus ang pinakamatandang arena sa Roma ay
may upuan para sa 300,000 na katao samantalang ang Coloseum na mas maliit ay
kaya namang maglaman ng 50,000 katao. Ang pinakapopular na libangan ay mga
Circus Festival, Chariot Racing at labanan ng mga gladiators o mga alipin at
naparusahang kriminal. Ang mga gladiator ay inilalaban sa iba pang gladiator, kung
minsan naman ay sa mabangis na hayop. Karamihan sa mga hayop na ginagamit dito
ay inaangkat pa ng Roma sa Aprika.
Ang Pamilya
Ang pamilya ang puso ng lipunang Romano. Karaniwan nang malalaki at sama-
sama sila sa iisang bubong: mga anak na wala pang asawa, mga anak na lalaking may
asawa na at ang pamilya nito, mga umaasang kamag-anak at mga katulong sa bahay
na karaniwang mga alipin.
34
Ang ama ang pinuno ng lahat ng pamilyang Romano. Siya ang may
responsibilidad sa pangangalaga ng kapakanan ng buong pamilya. Siya rin ang
nagunguna sa mga ritwal ng pagsamba, nangangasiwa ng mga ari-arian, at
nagpapaaral sa mga anak na lalaki.
Mas may kalayaan ang kababaihang Romano kaysa sa mga Griyego. Kung
noong unang panahon, ang mga ama ang nag-aayos ng kanilang pag-aasawa pagsapit
nila sa edad ng 12-13, sa panahon ng imperyo, hindi na ito ipinatupad. Ang kababaihan
ay maaari ring magmay-ari ng ari-arian at ibenta ito, kapag sila ay nakipagdiborsyo.
Maaari na rin silang makipagnegosyo at lumagda ng kasulatan kahit di sang-ayon ang
kanilang asawa. May karapatan din silang mag-aral kung kayat ang ibang may kaya ay
nagkakaroon ng impluwensya maging sa pulitika. Halimbawa, ang aktibo at agresibong
asawa ni Augustus na si Livia ay nakatulong sa kanyang pamamahala at maging sa
pamumuno ng anak nilang si Tiberius. Gayunpaman, nanatiling di nakakaboto ang
mga kababaihan at wala silang karapatan upang mangasiwa sa mga pampublikong
tanggapan.
Karamihan sa mga ugali at mabubuting asal ay itinuro ng mga magulang sa
bahay. Ang mga babae ay tinuruan ng literaturang Romano at Griyego, maging ng
musika at pagsasayaw. Samantala, mas pormal ang edukasyon para sa mga lalaki lalo
na noong panahon ng Republika. Tinuruan sila ng pagbasa at matematika. Ang may
mas edad na batang lalake ay nag-aral ng musika, geometry, literatura, at oratoryo o
ang pagsasalita sa publiko. Tulad sa Gresya, ang pagsasalita sa harap ng publiko at
pakikipagdebate ay pangunahing kakayahan na kakailanganin sa buhay pulitikal ng
mga kalalakihang Romano.
Mga Natatanging Kontribusyon ng Imperyong Romano
Matapos masakop ng Roma ang Silangang Meditteranean noong ikalawang
siglo, naragdagan ang kulturang Romano ng kulturang Griyego. Dinala ng mga
Romanong heneral ang ilang mga aklat at gawaing sining mula sa Gresya patungong
Roma. Ilang griyegong guro, manunula, at pilosopo ang nagtungo at nagtrabaho sa
Roma, samantala ang ibang Romano naman ay ipinadala sa Athens ng kanilang mga
35
magulang upang mag-aral. Nagsanib nang husto ang mga kulturang Griyego at
Romano at nabuo ang tinatawag na kulturang Greco- Romano.
Mga Batas
Ang sistema ng hustisya at pagbabatas ang pinakamalaking naging
kontribusyon ng mga Romano sa kanluraning sibilisasyon. Ang mga batas ng ilang
pangunahing bansa sa kasalukuyan tulad ng Italya, Espanya, Pransiya at Latin Amerika
ay hinango sa Batas ng Romano. Naniniwala ang mga Romano na ang batas ay dapat
na hinango batay sa prinsipyo ng katwiran at hustisya at dapat na mangalaga sa mga
mamamayan at sa kanilang ari-arian.
Ang Batas ng mga Nasyon (Law of Nations) ay isang sangay ng Batas ng
Romano na ipinairal sa lahat ng probinsiya ng imperyo. Sa ilalim ng batas na ito,
walang Briton, Kastila, Italyano o Griyego, bagkus lahat sila ay itinuring na Romano.
Ang batas ay para sa lahat maging ano man ang nasyonalidad. Ito ang pangunahing
kontribusyon sa sibilisasyon ng Imperyong Romano.
Literatura
Ang ilan pang kontribusyon ng sibilisasyong Romano ay sa larangan ng
literatura. Sa panahon ni Augustus, namulaklak ang Greco-Romanong literatura. Sa
hiling na rin ng ni Augustus, isinulat ni Virgil ang epikong patula na Aeneid na siya
niyang obra maestra. Hango ito sa kwento ni Aeneas sinasabing nagtatag ng Roma.
Isa pang historyador si Livy ang nagsulat tungkol kay Aenas sa aklat niyang
Kasaysayan ng Roma. Si Horace na kaibigan nina Virgil at Augustus ay sumulat
naman tungkol sa pagiging sakim ng tao na nagiging sanhi ng tunggalian. Tinuligsa rin
niya ang masaganang pamumuhay ng ilang mayayaman at pinayuhan ang mga itong
mamuhay ng simple at naaayon lamang sa kinakailangan. Samantala si Ovid ang
manunulat na nagbigay diin sa Romansa, yaman at masarap na pamumuhay ng mga
mayayaman.
36
Sa panahon ng Pax Romana, korapsyon at kasakiman naman ang tema ng mga
akda nina Martial at Juvenal. Sa aklat naming Historics, ang pagiging malupit ng mga
emperador at bisyo ng mga mayayaman ang tema ni Tacitus.
Virgil Agham
Dalawa sa mga natatanging siyentipiko sa panahon ng kulturang Greco-Romano
ay sina Galen at Ptolemy. Pareho silang nabuhay noong ikalawang siglo AD.
Si Galen ay isang Griyego, ngunit ang mga teorya niya ay hango sa medisinang
Romano. Upang mapag-aralan ang katawan ng mga tao, pinag-aralan at sinuri niya ang
katawan ng mga hayop. Bagamat hindi naging perpekto ang kaniyang mga nakita,
naging basehan ito ng mga makabagong kaalaman sa medisina sa kanluran.
Si Ptolemy ay isang mahusay na matematisyan, heograper at astronomer na
nagtrabaho sa Alexandria, Ehipto noong AD 150. Ang aklat niyang Algamest na may
13 volume ay buod ng sinaunang kaalaman ng tao tungkol sa astronomiya at
heograpiya. Maraming naging katanungan si Ptolemy sa mga batayan ng mga
astronomo upang mahulaan ang kilos nang mga planeta ng mas may katiyakan.
37
Arkitektura
Mahuhusay na inhinyero ng mga Romano. Ang mga lungsod, patubig, mga tulay
at aqueduct (istruktura na nagdadala ng tubig sa malalayong lugar), ay kamangha-
manghang nagawa. Ang Appian Way, ang kauna-unahang daanan ng nag-ugnay sa
Roma at Timog Silangang Italya, ay ginawa noong 300 BC. Naitayo din ang mga
gusaling pampubliko, templo, palasyo, arena, at mga pulungang pang-asembliya na
tinatawag na basilica. Karamihan sa mga gusaling ito ay ginawa para sa mga gawaing
pampulitika ngunit may iba din na ginawa para sa mga gawaing panrelihiyon.
Basiica ng Maxentius
Colosseum
38
Arch of Constantine
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Kilalanin Greco-Romano sa iba’t ibang larangan. Itala sa talahanayan
ang iyong mga sagot.
Mga Nakilalang Romano sa
Panahon ng Imperyo
Kontribusyon sa Daigdig
1. Augustus Caesar
2. Emperador Cluadius
3. Vespian
4. Hadrian
5. Marcus Aurelius
6. Virgil
7. Livy
8. Galen
9. Ptolemy
10. Mga Inhenyerong Romano
39
Tandaan Mo! Ang pagpapalawak ng Imperyong Romano ay nagresulta sa mga
suliraning panlipunan pulitikal at pangkabuhayan.
Ang mga suliraning ito ay nagbigay daan sa panahon ng mga emperador.
Ang panahon ni Augustus ay naging simula ng Pax Romana mula 27 BC hanggang
AD 180 ang Roma ay nakaranas ng kapayapaan, kaayusan at kasaganaan.
Ang pananakop ng Roma sa Gresya ay nagbunga ng malawakang impluwensya sa
kulturang Romano o ang naging resulta ng Kulturang Greco-Romano o ang
pinagsanib na galling ng Griyego at Romano.
Gawain 3: Paglalapat
May mga libangan pa ba ngayon na katulad ng libangan ng mga Romano
noon? Anu-ano ang mga ito? Ano ang layunin ng mga libangang ito noon? Ano
naman ang layunin ng mga ito ngayon?
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
40
ARALIN 5 ANG PAGBAGSAK NG IMPERYONG ROMANO AT ANG PAGLAGANAP NG BAGONG RELIHIYON
Sa loob ng halos dalawandaang taon na ang Roma ay nasa panahon ng Pax
Romana, ito ay nakaranas ng kapayapaan, katiwasayan, at kasaganaan. Nagpatuloy
ang pamumuhay na nagbigay-daan upang tuluyang mamulaklak ang kulturang Greco-
Romano sa maraming lugar sa Italya.
Ngunit ang lahat ay hindi nanatili nang maayos. Dumating ang krisis na mabilis
na nagpahina sa imperyo. Ang sunud-sunod na pananakop ng mga iba’t ibang tribo at
mga panloob na alitan ay nakaantala sa daloy ng kalakalan at nakapagpahirap sa
pamumuhay ng mga mamamayan. May mga emperador na nagsumikap na pigilan ang
krisis ngunit pagdating ng ika-5 siglo ganap nang nasugpo ng mga tribong Aleman ang
paglawak ng imperyo. Hinati ang imperyo sa dalawa at nawala ang kapangyarihan sa
Roma. Kasabay nito, ang Kristiyanismo ay nagsimula namang lumaganap sa Roma.
Tulad ng pagbagsak ng imperyo, ang paglaganap ng bagong relihiyon ay nagdulot ng
napakalaking pagbabago sa pamumuhay ng mga Romano.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Matutukoy ang mga naging dahilan ng krisis sa imperyo na nagpahina dito;
2. Masusuri ang mga naging reaksyon ng mga emperador upang lutasin ang
krisis;
3. Maipaliliwanag ang tunay na dahilan ng pagbagsak ng imperyo; at
4. Matatalakay ang paglaganap ng Kristiyanismo at ang naging epekto nito sa
mga Romano.
41
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Magtala ng ilang pangunahing suliranin ng isang pamahalaan. Katulad kaya
ang mga iyan ng naging suliranin ng pamahalaan ng sinaunang Imperyong
Romano?
1. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
5. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
Ang Krisis sa Imperyo
Pagdating ng ika-3 siglo AD, nakaranas ng matinding krisis ang imperyong
Romano. Ang kawalan ng mahusay na pinuno ang naging dahilan lumaganap nang
mabilis ang krisis sa kabuuan ng Italya.
Tuluyang nawala ang katapatan ng hukbong sandatahan sa emperador ng
Roma. Bagkus naging tapat sila sa mga kumander nila sa military. Nawala ang disiplina
sa sandatahang lakas, nangibabaw na lamang ang kanilang pagnanais na mapatalsik
ang sino mang mnmumuno. Nagpalit-palit ng emperador na halos lahat ay pinatay ng
kanilang mga katunggali.
Dahilan sa labanan ng iba’t ibang heneral at ng kanila-kanilang hukbo,
napabayaan ang depensa sa mga hangganan ng imperyo. Ito ang naging dahilan kung
bakit naging madali para sa tribung Aleman, na nanggaling sa hilagang bahagi ng
Europa ang makadaan sa Ilog Rhine at Danube. Di naglaon, nasakop ng mga Aleman
42
ang Italya, Gresya at Espanya at maging ang ilang bayan sa Asya Minor. Ang mga
Persiano naman ay nakipanakop din ang ilang lupain ng Romano sa Silangan. May ilan
din sa Gaul na nagnais na tuluyan nang humiwalay sa imperyong Romano. Sa gitna ng
pananakop na ito ng mga tribung Aleman at ang walang tigil na digmaang sibil, tuluyan
nang bumagsak ang ekonomiya ng imperyo. Naabala ang produksyon at kalakalan ng
mga pangunahing produkto. Ang paglaki ng bayad sa mga buwis ay labis na tinutulan
ng mga mamamayan. Karamihan sa mga taga-lungsod ay lumipat sa mga lalawigan at
nayon.
Si Diocletian at si Constantine
Constantine
May mga emperador na nagsumikap na pigilan ang lumalalang krisis sa imperyo.
Kabilang na dito sina Diocletian na inihalal ng mga hukbong sandatahan noong AD
284. Sumunod sa kanya si Constantine noong AD 306-337. Ngunit ang maraming
pagbabagong ginawa ang mga emperador na ito ay sinang-ayunan ng mga
mamamayan. Ilan sa mga pagbabagong ito ay ang pagpilit sa mga magsasaka na
manatili sa kani-kanilang lupang sakahan. Sa pagnanais na masuportahan ang
pangunahing pangangailangan ng sandatahan at ng imperyo tinaasan ni Diocletian ang
buwis. Ang mahirap na pamumuhay ng mga taga-lungsod ay lalo pang naging mahirap.
43
Sa kagustuhan ni Diocletian na maging madali ang pamumuno sa imperyo, hinati niya
ito sa dalawa. Nagtalaga ng isang heneral upang makatulong niya sa pangangasiwa ng
kanlurang bahagi. Inilipat din niya ang pamunuan sa Asya Minor at namuno sila doon
kung kayat hindi na ang Roma ang naging sentro ng imperyo. Ang paghahati ng
imperyo ay lalong nagpalaki at nagpalala sa krisis na nagaganap. Nagpatuloy ang alitan
sa pagitan ng mga namumuno. Pagsapit ng 330 AD, ginawa ni Constantine na kabisera
ng imperyo ang Constantinople, kung saan natatanaw ang katubigang nag-uugnay sa
Europa at Asya. Tuluyan nang tinanggap ang pagiging hati ng imperyo. Ang paglilipat
sa silangan ng kapangyarihan ay maraming ibinunga. Ang kabuhayan ng imperyo sa
kanluran ay bumagsak at dahil hindi na sila makakuha ng tulong pinansyal mula sa mga
mayayaman sa silangan, naging malaking suliranin ang panggastos ng hukbong
sandatahan na nangangalaga laban sa paglusob ng mga tribong Aleman. Kung
tutuusin, ang mga pagbabagong pinairal nina Diocletian at Constantine ay nagbigay ng
kaayusan sa imperyo ngunit di nito tuluyang napigil ang pagbagsak ng imperyo.
Ang Pananakop ng mga Visogoth
Maraming dahilan kung bakit ninais ng mga Aleman na masakop ang Roma at
ang kabuuan ng Italya. Sinasabing nais manirahan ng mga Aleman sa lugar na mas
mainit ang klima at may lupaing angkop sa kanilang paghahayupan. Ang iba naman ay
gustong makibahagi sa yaman ng Roma.
Noong AD 370, ang kapatagang Danube ay nasakop ng mga Hun, isang malupit
na pangkat ng mga taong lagalag mula sa gitnang Asya. Sa takot sa mga Hun, isang
tribung Aleman na nakilalang Visigoth (Kanlurang Goths) ang humingi ng tulong sa
Imperyong Romano. Bagamat nag-aalala pinaraan ng mga Romano ang mga ito sa Ilog
Danube na ngayon ay Romania. Paglipas ng dalawang taon, napalaban na ang mga
Romano sa Visigoth. Sa Labanan sa Adrianople, libu-libong sundalong Romano ang
napatay ng mga Visigoth. Ito na siguro ang pinakamadugong pakikidigma ng mga
Romano mula noong panahon ni Hannibal. Ang pangyayaring ito ay nagpatunay na di
na kayang ipaglaban ng mga Romano ang kanilang lupain.
44
Dahilan sa patuloy na pakikipaglaban, napabayaan ng mga sundalong Romano
ang pagbabantay sa hangganan ng Italya kung kayat mas maraming tribung Aleman
ang nakarating sa imperyo. Isang pinunong Visigoth, si Alaric, ang humingi ng lupain sa
Italya at kapangyarihang pamunuan ang sandatahang lakas ng Roma. Nang ito ay di
napagbigyan, nilusob at ninakawan ng pangkat nito ang Roma noong 410. Upang
makipag-ayos, pinayagan ng Roma na magtayo ng kaharian si Alaric at ang mga
Visigoth sa Espanya at Gaul.
Ang Pananakop ng mga Hun
Isa pang pangkat na nagdulot ng panganib sa imperyo ng Roma ay ang mga
Hun na nagmula sa Gitnang Asya. Sa pamumuno ng kanilang hari na si Attila, nasakop
nila ang mga lupain mula sa may Dagat Itim hanggang sa Ilog Rhines. Noong 451
nilusob nina Attila ang Gaul. Nagsanib pwersa ang mga tribong Aleman at ilang
naturang sundalong Romano upang talunin ang hukbo ni Attila. Pagkatapos ng isang
taon, nasakop naman ng mga Hun ang hilagang Italya subalit lumaganap ang gutom at
karamdaman kung kayat napilitan silang umatras. Sa pagkamatay ni Attila noong 453,
natapos ang panganib na dulot ng mga Hun, ngunit nagpatuloy pa rin ang pananakop
ng mga tribung Aleman.
Attila
45
Ang Paghina at Tuluyang Pagbagsak ng Imperyo
Pagsapit ng 455 AD, muling ninakawan ang Roma ng isa pang tribong Aleman,
ang mga Vandal na may kaharian naman sa Hilagang Aprika. Mas marami ang
ninakaw na yaman ng mga Vandal sa Roma kaysa sa ninakaw ng mga Visigoth. Kinuha
ng mga Romano ang serbisyo ng maraming sundalong Aleman upang makilaban sa
ilan pang paglusob ng mga Vandal. Noong AD 476, ilan sa mga pinunong Aleman ang
nag-alsa laban sa kanilang mga Romanong kumander at pinatalsik sa kapangyarihan
ang emperador sa kanluran. Hinirang nila si Odoacer, isang Aleman, bilang bagong
hari ng Italya. Dahilan sa si Odoacer ay isang Aleman, na naging kapalit ng isang taal
na pinunong Romano, ang pangyayaring ito ay tinatawag na pagwawakas ng
Imperyong Romano sa kanluran.
Nagpatuloy ang ilang tradisyon at kulturang Romano sa kanlurang Imperyo, ngnit
ito ay pinamunuan na na mga haring Aleman. Noong 493, napatay si Odoacer ni
Theodoric, isang haring Ostrogoth (East Goth). Naibalik ni Theodoric ang kapayapaan
at kasaganaan sa Italya. Nanungkulan siya hanggang 526 AD at nakuha niya ang
suporta ng Imperyong Romano sa Silangan, na di kasamang bumagsak ng imperyo sa
kanluran. Ang imperyong Romano sa silangan ay kinilala sa kasaysayan bilang
Imperyong Byzantine.
Ang tuluyang pagbagsak ng imperyong Romano ay hindi biglaan, ito ay unti-
unting naganap. Maraming debate na ang isinagawa tungkol sa tunay na dahilan nito.
Marahil ang pananakop ay isang dahilan ngunit mas maraming panloob na kadahilanan
na lubhang nagpahina sa imperyo tulad ng:
a. paghina ng sandatahang lakas ng Roma;
b. pagliit ng populasyon (mula 70 M noong panahon ng Pax Romana ay
naging 50 M na lamang noong ika-4 na siglo);
c. mapaniil na pamahalaan;
d. paghihirap sa mga lungsod at mga lupang sakahan;
e. di-umuunlad na ekonomiya; at
f. kawalan ng kompiyansa ng mga mamamayan sa pamahalaan at sa
pamunuan nito.
46
Ang Paglaganap ng Bagong Relihiyon
Bago pa man humina ang imperyong Romano, marami sa mga Romano ang
nagbago sa kanilang paganong paniniwala. Sila ay nahikayat ng mga aral ni Hesus na
pinagsimulan ng relihiyong Kristiyanismo. Pagbagsak ng imperyo, ang Kristiyanismo
na ang pinaniwalaang relihiyon ng mga Romano.
Sa panahon nina Augustus at Tiberius, nabuhay at kinilala si Hesus ng
Nazareth. Ang mga aral ni Hesus ay karaniwang nasa parabula o mga maikling kwento
na may aral. Ang katanyagan ni Hesus ay nakarating hanggang Palestina at maraming
naniwala na siya ang mesiyas. Ngunit ito ay nagdulot ng ligalig sa mga pinuno ng mga
Hudyo at sa mga pinunong Romano. Naniwala ang mga Romano na kahit na sinong
nagdudulot ng ligalig sa publiko ay isang malaking banta sa kanilang kapangyarihan.
Pagsapit ng AD 30 si Hesus ay ipinako sa krus sa labas ng Herusalem.
The Last Supper
47
Pagkamatay ni Hesus, ang mga disipulo niya ay nagpahayag ng kaniyang muling
pagkabuhay at nagsimulang magpahayag tungkol sa kanya bilang Anak ng Diyos at
ang tunay na daan sa kaluwalhatian. Ang mga mensaheng ito ay tinanggap ng mga
Hudyo at di Hudyo sa mga Helenikong lungsod. Ang mga taong ito ay kinilala bilang
mga Kristiyano, buhat sa salitang Kristo at nagtayo ng mga samahang tinatawag na
simbahan para sa kanilang pananampalataya, pagkakapatiran, at pag-aaral.
Ang mga disipulo ang nagpalaganap din ng relihiyon sa mga lupain ng mga
Romano. Ito ay pinamunuan ni Peter, na pinaniniwalaang nagtungo sa Roma at
nagtatag ng simbahan doon. Marami pang simbahan ang itinatag sa Ehipto, Asya
Minor, Gresya at nang lumaon ay sa Gaul at Espanya.
Para sa mga Kristiyano, iisa lamang ang Diyos na naglalang sa sangkatauhan at
dapat sampalatayahan. Hindi nila kinikilala ang mga emperador bilang diyos o ang mga
paganong diyos at diyosa. Hindi sila sang-ayon sa sandatahan, at hayagan din nilang
tinutuligsa ang mga pagdiriwang at palarong Romano. Hindi ito nagustuhan ng mga
Romano. Pagsapit ng CE 64 isang sunog ang naganap sa Roma na isinisi ni
Emperador Nero sa mga Kristiyano. Sa kanya unang nagsimula ang pag-uusig ng
mga Kristiyano (persecution) bagamat di lubos na lumaganap ang mga Kristiyano ay
inalisan ng ari-arian, ikinulong, pinatay o pinakain sa mga mababangis na hayop. Lahat
ng ito ay nabigong pigilan ang lumalaganap na relihiyon. Ang kabayanihang ipinakita ng
mga taong handang mamatay alang-alang sa pananampalataya ay lubos na
nakahikayat sa maraming Romano upang maging Kristiyano na rin.
Ang mga pananakop at ligalig noong ika-3 siglo CE ay nagpalago pang lalo sa
Kristiyanismo. Ang pag-uusig ay nagwakas at ang Kristiyanismo ay naging isa sa mga
pangunahing relihiyon ng Imperyo. Noong CE 312. Si Constantine, isang Romanong
emperador, ay nagbagong loob at naging kauna-unahang Kristiyanong Emperador.
Ayon sa alamat, upang maibalik ang kadakilaan ng Roma, sinuportahan niya ang
Kristiyanismo. Sinasabing noong isang labanan, nakakita siya ng krus na nagliliyab sa
apoy na nasa kalangitan at may mga salitang Latin na nakasulat , “in Hoc Signo Vinces”
( o sa palatandaang ito ikaw ay makakapanakop) sa ilalim nito. Noong manalo siya sa
labanan naniwala siya na ito ay dahilan sa Diyos ng mga Kristiyano. Noong AD 313
inilabas niya ang Edict of Milan na nagbigay ng kalayaan sa relihiyon at ginawang
legal ang Kristiyanismo. Ito ang naging simula ng paglaganap ng Kristiyanismo.
48
Nagkaroon ng mga simbahan sa Roma at Jerusalem, nagpatayo siya ng mga simbahan
na katulad ng mga Basilika sa Roma na may parihabang bulwagan at mahahabang
daanan sa tabi. Noong 380 Ad ipinahayag ni Emperador Theodosius na illegal ang
pagsamba sa mga diyos-diyosan at ginawang opisyal na relihiyon ng Imperyo ang
Kristiyanismo.
Alam ng mga Kristiyano na ang malinaw na mga aral at maayos na pamunuan
ay napakahalaga kung kaya’t binigyang diin nila ang mga ito na siya ring sinasabing
dahilan kung bakit naalis nila ang sistema ng pag-uusig at nalutas ang iba pang
suliraning panloob.
Maraming aklat ang naisulat na labis na nakaimpluwensya sa mga Kristiyanong
mag-aaral. Ipinapaliwanag sa mga aklat na ito ang turo ng Kristiyanismo at ito ay
sinusulat ng mga iskolar na kinilala bilang Ama ng Simbahan. Isa na rito ay si
Augustine (354-330). Isinilang sa Hilagang Aprika at nag-aral ng literaturang Latin at
pilosopiyang Griyego sa Carthage bago siya naging Kristiyano. Ang aklat niyang City of
God ang kauna-unahang aklat sa kasaysayan ng sangkatauhan sa pananaw ng mga
Kristiyano. Ang tala ng kanyang buhay at pagbabagong loob niya bilang Kristiyano ay
nasa Confession, isa sa pinakadakilang aklat ng mga talambuhay.
ST. AUGUSTINE
49
Ang mga ideya nina St. Paul at St. Augustine ay nakatulong ng lubos upang
lumaganap ang Kristiyanismo. Ganun din naman ang marubdob na pananampalataya
ng mga Kristiyano. Sa loob lamang ng tatlong siglo, ang Kristiyanismo na ang relihiyon
sa kabuuan ng lupain ng mga Romano.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ipaliwanag sa sarili mong pananalita ang mga tanong na sumusunod.
Ibatay mo sa teksto ng aralin ang iyong mga kasagutan:
1. Anu-ano ang mga salik na nagpahina sa Imperyong Romano?
2. Bakit sinakop ng mga tribung Aleman ang teritoryo ng mga Romano? Paano
nito naapektuhan ang imperyo?
3. Bakit sinuportahan ni Constantine ang Kristiyanismo?
Tandaan Mo!
Noong AD 200 nanghina ang Imperyong Romano bunga ng iba’t
ibang suliraning panloob.
Nagpahina rin sa Imperyo ang tangkang pananakop ng mga barbarong Visigoth,
Hun at mga tribong Aleman sa iba’t ibang panahon.
Matapos mabigo ang lahat ng pagsisikap ng mga pinuno ng imperyo ay hinati ito sa
dalawa noong AD 400, ang kanluran at ang silangang bahagi.
Noong AD 400 nilusob ng mga tribung Aleman ang Imperyong Romano na ganap na
nagpabagsak sa imperyo sa kanluran.
Ang Kristiyanismo na hango sa buhay at turo ni Hesus ay lumaganap sa lupain ng
mga Romano at naging opisyal na relihiyon ng imperyo.
50
Gawain 3: Paglalapat Ibigay ang iyong opinyon.
A. Ayon sa ibang historyador, ang paglaganap ng Kristiyanismo ay nakatulong sa
pagbagsak ng Roma. Sumasang-ayon ka ba o hindi? Pangatwiranan base sa
iyong natutuhan sa araling ito.
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
B. Kung isa kang Emperador na Romano noong AD 200-500, ano kaya ang iyong
gagawin upang mapigilan ang pagbagsak ng Imperyong Romano?
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
51
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:
A. Pagtapat-tapatin. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
I _____ 1. Ang pinakaunang pangkat ng tao sa Italya
_____ 2. Mga karaniwang tao
_____ 3. Dakilang heneral na Carthaginian
_____ 4. Namuno sa pag-aalsa ng mga alipin sa Roma
noong 73 BC
_____ 5. Kinilala bilang Augustus Caesar
_____ 6. Pinakahuli sa mga mabubuting emperador ng
Imperyong Romano
_____ 7. Matapang na heneral ng Hun na nagtangkang
sumakop sa Roma
_____ 8. Hinirang niyang opisyal na relihiyon ng
imperyo ang Kristiyanismo noong 380 AD
_____ 9. Nangggaling sa Asya Minor at
nakaimpluwensya sa pamumuhay ng mga
Romano
_____ 10. Nagpanukala ng reporma sa humihinang
Republika ng Roma
B. Ilarawan sa pamamagitan ng isang pangungusap ang mga sumusunod:
1. Republika: _______________________________________________________
2. Senado: _________________________________________________________
3. Twelve Tables: ____________________________________________________
4. Carthage: ________________________________________________________
5. First Triumvirate: __________________________________________________
6. Pax Romana: _____________________________________________________
II A. Attila
B. Spartacus
C. Octavian
D. Plebeians
E. Theodosius
F. Etruscan
G. Gracchus
H. Latin
I. Hannibal
J. Marcus Aurelius
52
7. Constantinople: ___________________________________________________
8. Labanan sa Adrianople: _____________________________________________
9. Kristiyanismo: _____________________________________________________
10. Iliad at odyssey : __________________________________________________
1
ARALING PANLIPUNAN III
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 6
SINAUNANG APRIKA
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
2
MODYUL 6
SINAUNANG APRIKA
Tulad din ng mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo, may natatanging
sibilisasyong umusbong sa sinaunang Aprika. Malaki ang naging impluwensya ng heograpiya sa naging pamumuhay ng mga tao
sa sinaunang Aprika. Ang mga tao ay natutong makibagay sa pabago-bagong klima sa
nararanasan. Kapag nagbago ang klima o lumaki ang populasyon sa lugar na kanilang
tinitirhan sila ay humahanap ng panibagong lugar kung saan matutugunan nila ang
kanilang pangangailangan.
Pagsapit ng 1500 AD ang mga sibilisasyong ito ay nagkaroon na ng ugnayan sa
mga tao sa Europa at Asya. Ito ang naging dahilan upang ang kanilang wika, kultura’t
tradisyon ay labis na naimpluwensyahan ng mga dayuhang ideya at gawi.
Ang pinakamatanda at pinakamakapangyarihang sibilisasyong umusbong sa Aprika
ay ang sibilisasyong Ehiptona nagsimula sa masaganang Lambak ng Nile. Di
nagtagal, may mga lunsod, estado na lumaki bunga ng malawakang kalakalan sa may
baybayin ng Silangang Aprika at dulo ng timog ng Sahara.
Ang kahusayan ng mga griyego ay nakita sa pamumulaklak ng sining at agham.
Samantala ang mga Romano ay mas praktikal na mga tao. Nanguna sila sa batas at
pamahalaan at mahuhusay din silang inhinyero. Mula sa Imperyong Romano, kinilala
ang relihiyong Kristiyanismo. Sa katunayan, hanggang sa kasalukuyan ang Roma pa
rin ang sentro ng pananampalatayang Katoliko.
May anim na araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Heograpiya ng Aprika
Aralin 2: Ang Simula ng Aprika
Aralin 3: Ang mga Bantum
Aralin 4: Ang Kaharian ng mga Kush
Aralin 5: Ang Kaharian ng mga Aksum
Aralin 6: Iba pang Kaharian sa Aprika
3
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Maipapaliwanag kung paano naimpluwensyahan ng heograpiya ng Aprika ang
naging uri ng sibilisasyon ditto;
2. Mailalarawan ang naging simula at wakas ng kulturang Kushite;
3. Masusuri ang naging epekto ng pandarayuhan ng Bantu sa Aprika;
4. Matatalakay kung bakit tinawag na Gitnang kaharian ang Ghana, Mali at
Songhai; at
5. Matutukoy ang mga dahilan ng pagbagsak ng mga kahariang Ghana, Mali at
Songhai.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para
sa iyo.
4
PANIMULANG PAGSUSULIT: I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Isang malawak at madamong lupain sa Aprika.
A. Savanna
B. Oasis
C. Dessert
D. Plain
2. Dito nagtayo ang pamayanan ang mga kushite.
A. Sahara
B. Egypt
C. Sudan
D. Nubia
3. Dito inilipat ng mga kushite ang kabisera ng kanilang kaharian.
A. Ghana
B. Meroe
C. Mali
D. Sudan
4. Isa dito ay hindi katangian ng Meroe
A. Buong taon na dumadaloy mula sa ilog.
B. May produksyon ng bakal
C. May maganda itong nitang pangkalakalan.
D. May malakas itong hukbong sandatahan.
5. Ang dating kaharian ng Axum ay matatagpuan sa kasalukuyan ay lupaing ito.
A. Saudi Arabia
B. Nigeria
C. Ethiopia
D. Mali
6. Ito ang pinagmulan ng yaman ng kahariang Ghana.
A. Ginto at kalakalan
B. Palay at mais
C. Produksyon ng bakal
D. Paggawa ng mga Barko
7. Sa panahon niya natamo ng Mali ang tugatog ng kanyang kaunlaran.
A. Abu-Bakuri II
B. Mandingo
C. Mansa Musa
D. Sunni Ali
5
8. Ang dahilan kung bakit tanyag ang timbuktu
A. Sentro ng kalakalan
B. Sentro ng hukbong sandatahan
C. Sentro ng Agrikultura
D. Senrtro ng magagandang moske at palasyo
9. Ang kahulugan ng Ghana.
A. Hari
B. Diyos
C. Kaharian
D. Palasyo
10. Ang imperyo sa kahabaan ng karagatang Atlantiko at Ilog Niger.
A. Bantu
B. Songhai
C. Mali
D. Ghana
11. Isang pangkat mula sa hilagang Aprika na nagpabagsak sa Ghana.
A. Muslim
B. Ashanti
C. Berber
D. Assyrians
12. Sa panahon niya narating ng Songhai ang tugatog ng kaunlaran at kasaganahan.
A. Mansa Musa
B. Abu Bakar II
C. Sunni Ali
D. Muhammad Askia
13. Ang lupaing lumusob sa Songhai at naging sanhi ng paghina at tuluyang pagbagsak
nito.
A. Morocco
B. Arabia
C. Turkey
D. Nigeria
14. Sila ang bumuo sa lungsod estado ng Kilwa.
A. Arabo at Persiano
B. Assyrians
C. Kushite
D. Nigeria
6
15. Ang mga Bantu ay sinasabing nagmula sa mataas na lupain ng bansang lupain ng
bansang ito sa kasalukuyan.
A. Sudan
B. Ehipto
C. Nigeria
D. Mali
16. Ang pinakamalaking pandarayuhan ng mga Bantu ay sinasabing gumagamit ng ruta
ito sa Aprika.
A. Kanluran patungong timog
B. Hilaga patungong timog
C. Silangan patungong kanluran
D. Timog patungong kanluran
17. Ang kauna-unhang at pinakamaimpluwensyang sibilisasyon na naganap sa Aprika
ay dito sinilang.
A. Nigeria
B. Ehipto
C. Morroco
D. Ghana
18. Malaki ang naging impluwensya ng kulturang Ehipto sa pamumuhay ng pangkat na
ito.
A. Bantu
B. Ghanaran
C. Kushite
D. Mandingo
19. Ang pinakaunang sumilang sa tatlong gitnang kaharian ng Aprika.
A. Mali
B. Ghana
C. Songhai
D. Bantu
20. Ang Swanhihi ay isang uri nito na may malaking impluwensya ng Arabo at Persiano.
A. Sining
B. Arkitektura
C. Literatura
D. Wika
7
ARALIN 1 HEOGRAPIYA NG APRIKA
Bagamat may pakikipag-ugnayan na ang Aprika sa iba’t ibang kontinente, konti
lamang ang alam ng mga dayuhan ukol dito. May ilang kuwento tungkol sa Aprika
upang ilarawan ito. Ilan sa mga kuwentong ito ay walang katotohanan ngunit may
mangilan-ngilan din na may bahid ng katotohanan na maging si Herodotus, isang
kilalang griyegong historyador, ang naglarawan sa Aprika noong 400 BC na isang lugar
na…
- may malalaking ahas, may mababangis na leon, mga oso at buriko… Dito rin ang
mga nilalang na walang mga ulo…
at mga mababangis na mga lalaki at mga babae…at iba pang mga di kapani-
paniwalang mga halimaw -
-Ayon sa aklat ni Herodotus Vol. 1 book
4 ni Goerge Rawlison 1910
Marami sa mga kathang kuwento na ito ang nananatili hanggang sa CE 1800. Kahit
na noon konti lamangang nakakaalam sa kasaysayanat sibilisasyon sa Aprika kung
kaya’t tinawag nila ito na “Ang Madilim na Kontinente” .
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Maipapaliwanag kung paano naimpluwensiyahan ng heograpiya ang
kasaysayan ng sinaunang Aprika;
2. Masususri kung paano nakatulong ang kalakalan at migrasyon sa paglago ng
sinaunang Aprika; at
3. Matutukoy ang mga katangian ng mga sinaunang kaharian at imperyo sa
Aprika.
8
Gawain 1: Pag-isipan Mo! A. Isa-isahin ang mga kontinente sa Aprika.
Kapaligiran Napakalaki ng kontinente ng Aprika, ikalawa ito sa pinakamalaking kontinente sa
mundo. Mula hilaga hanggang timog umaabot ito ng 8000 kilometro. Ang lawak nito sa
kanluran patungong silangang ay may sukat na 6400 kilometro. Sa Gitnang Aprika
matatagpuan ang mga talampas at kapatagan na napapalibutan ng ng mga kagubatan.
Samantala, ang mga Savanna o malawak na damuhan na may nagkalat na mga puno
at palumpong (Shrub) ay nakikita sa magkabilang bahagi ng ekwador. Sa hilaga at
timog ng mga Savanna ay matatagpuan ang mga malalawak na disyerto, ang Sahara
9
sa hilaga at ang Namib at Kalahari sa Timog. May mga makikitd na baybaying dagat
din sa hilaga at silangang bahagi ng Aprika.
A. Mga Natural na Hangganan
Ang disyerto ng Sahara ay halos sinlaki ng Estados Unidos at matatagpuan mula
kanluran hanggang silangan ng timog na bahagi ng Aprika. ito ay isang malaking
sagabal sa komunikasyon at paglalakbay. Noong sinaunang panahon ang Sahara
ay naging hadlang sa pagkakaroon ng ugnayan ng Mediterrenean at ang dakong
loob ng Aprika kung kaya’t ang sibilisasyong umunlad sa kanlurang Aprika ay
kakaiba sa sibilisasyong umunlad sa mga rehiyon sa timog ng Sahara o mas kilala
sa tawag na Sub-Saharan Arfica.
Ang mga baybayin dagat at ilog ng Aprika ay naging sagabal din, dahilan sa
limitado nitong look madali itong pasukin ng malalaking alon na nagpapahirap sa
pagdaing ng mga barko sa lupa. Maging mga ilog ay hindi masyadong
mapaglalayagan. Ang mga talon at ang mga matutulin na agos nito ay nakakapigil
din sa mga barko na marating ang mga aplaya.
B. Klima
Ang klima ay isa rin malaking problema sa Aprika. Sa mga rehiyon ng Savanna
may mga panahon na sagana sa tag-ulan ngunit sa mga pagitan nito ay mahabang
panahon ng tagtuyot. Ang pagkakaroon ng iba ibang tag-ulan ay nagbigay daan sa
mga lugar ng gulayan. Ang pinaka maulan na rehiyon ay nasa Congo River Basin at sa baybayin ng Guinea. Ang mga masukal na kagubatan at ang maraming latian
(Swamp) ay naging malaking sagabal sa paglalakbay.
Ang mga kondisyong ito ang nakapigil sa mga dayuhan na puntahan ang Aprika
at nagpahirap sa pagpapalago ng kanilang sibilsasyon.
.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Anu-ano ang mga natural na hadlang sa paunlad ng Aprika? Ipaliwanag isa-isa
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
10
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_______________________________________________________________.
Tandaan Mo! Ang Aprika ang ikalawa sa pinakamalaking kotinente sa mundo.
Ang mga Savanna ay malalawak na damuhan na may nagkalat na
mga puno at palumpong.
May 3 malalaking disyerto sa Aprika, ang Sahara sa Hilaga at ang Namib at Kalahari
sa Timog.
Ang mga rehiyon sa timog ng Sahara ay tinatawag na Sub-Saharan Africa.
Ang malaking bahagi ng Aprika ay Tag-init buong Taon.
Gawain 3: Paglalapat Ibigay ang iyong opinion:
Sa iyong palagay ang Heograpiya at klima ba sa kontinente ng
Aprika ay nakakapagpaantala ng pag-unlad ng sibilasayong dito? Patunayan ang iyong
naging kasagutan.
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_________________________________________
11
ARALIN 2 ANG SIMULA NG APRIKA
Ayon sa pananaw ng mga siyentipiko, ang Aprika ang tahanan ng pinaka–unang
tao. Ang mga buto at mga labi ng mga sinaunang tao ay natagpuan sa isang lugar sa
Silangan at Timog Aprika. Dahilan dito malaki ang paniniwala ng mga eksperto na ang
panahon ng bato ay nagsimula sa Aprika bago ito lumaganap sa iba pang kontinente.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Mailalarawan ang simula ng pagkakaroon ng mga tao sa sinaunang Aprika; at
2. Maipapaliwanag kung paano inangkop ng mga sinaunang tao sa aprika ang
kanilang pamumuhay sa pabago-bagong kapaligiran ng Aprika.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Itala ang mga dahilan kung bakit naglalakbay sa iba’t-ibang lugar ang mga tao?
1. ___________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________
3. ___________________________________________________________________
4. ___________________________________________________________________
5. ___________________________________________________________________
Ang Mga Sinaunang Aprikano Ang mga sinaunang Aprikano ay nanirahan sa mga Savanna, kung saan
maraming makukuhang pagkain. Sa loob ng libu-libong taon, mga maliliit na pangkat ng
tao ang lumaganap sa Aprika. Habang nagpatuloy ang paglaki ng kanilang bilang, ilan
sa mga pangkat na ito ang permanente na namuhay sa iba’t ibang bahagi ng Aprika.
Pagsapit ng panahon ng bagong Bato mga 100,000 taon na ang nakakalipas mas
permanenteng pangisdaang pamayanan ang nakita sa baybayin ng mga sapa at ilog ng
Aprika.
12
Sa panahon ng bagong bato, mas mahalaga ang produksyon ng pagkain kaysa
pangangalap lamang ng pang araw-araw na makakain. Samantala, ilang panig ng
Aprika noon ay ibang iba sa nakikita nating aprika ngayon. Ang tuyot na disyerto ng
Sahara ay isang saganang taniman kung kaya’t naging angkop ito sa pagtatanim ng
mga sinaunang tao sa Aprika. Sila rin ay nag-aalaga ng mga baka. Maraming
pamayanan ng mga magsasaka ang naitayo sa may lambak ng Nile at naging Sentro
ng pagsasaka ang ilang mataas na kalupaan ng Ethiopia.
Ngunit pagsapit ng 4000 BC, naging napakainit ng klima. Pagdating ng 2000 BC
maraming lupain na ang naging mga disyerto. Kasama na nito ang Sahara. Dahilan dito
ay mga taong naninirahan sa mga lupaing ito ay lumipat sa lambak ng Nile. Doon sila
nagtayo ng mga pamayanan at nagsaka. Naging pangunahing din itong salik sa
pagsisimula ng kaunaunahang sibilisasyon, na naganap sa Ehipto. Maraming tao ang
naglakbay sa timog ng Aprika at namuhay doon. Ngunit napakahalaga nila sa Ehipto
upang makinabang sa naging pag-unlad nito. Lumipas pa ang mahabang panahon
bago nila natamo ang pang kulturang kaunlaran na naganap sa lumalago ng
sibilisasyon ng Ehipto.
Ang Paglaganap ng Agricultura Sa paglawak ng Sahara, lumaganap din ang agrikultura sa iba’t ibang panig ng
Aprika. Pagsapit ng 3000 BC ang pagsasaka ay mas mahalaga na kaysa sa
paghahayupan lalo na sa mas mainit na bahagi sa hilagang rehiyon ng Ekwador.
Dahilan sa napeste ang mga malalaking hayop, di naging sapat ang mga tubig na
nagbubuhay sa mga kagubatan ng Congo basin at baybayin ng Guinea upang
matugunan naman, maging ang mga malalakasna ulan at masukal na kagubatan ay
naging hadlang din upang lumago ang iba’t ibang butil. Paglipas ilang siglo ang mga tao
sa Guinea ay nag-alaga ng isang bagong halamang ugat na tinatawag na Yam.
A. Paglaki ng mga Pamayanan
Ang paglaganap ng agrikultura ay nagdudulot ng pagbabago sa pamumuhay ng
mga taga Aprika. Napilitan silang magpalipat-lipat ng tirahan upang makahanap ng
makakain. Maging ang mga naghahayupan ay nagpalipat-lipat din sa mas
13
madadamong lugar para sa kanilang mga alagang hayop. Samantalang, ang mga
magsasaka ay mas maging permenente sa kanilang mga lupang sakahan. Dahilan dito
nagsimulang lumago ang mga pamayanan. Dumating din ang panahon ng sobra-sobra
ang kanilang inaanisa kanilang kakailanganin. Nagkaroon din sila ng panahon para
matulong gumawa ng iba pang gawain tulad ng paghahabi , paggawa ng mga palayok
at paggawa ng mga kagamitan. Kasabay ng masaganang ani, lumaki din ang kanilang
populasyon.
B. Ang Kulturang Nok
Kasabay ng pag-unlad sa pamumuhay, umunlad din ang kultura. Isa sa mga
kulturang kinilala ng mga arkeologo ay ang Kulturang Nok na nagsimula noong 500
BC Sa madamong bahagi ng Aprika na ngayon ay Gitnang Nigeria. Ang mga taong may kulturang Nok ay mga magsasaka at nangangalaga ng mga
hayop. Mahusay din silang manggagawang metal. Karaniwan nilang ginagawa ay mga
sandata at alahas na yari sa ginto, bakal at lata. May mga sinlaki din ng taong mga
rebulto na yari sa luwad at nakasuot ng mga damit na yari sa mga hinabing tela ang
mga gawang sining sa ilang bahagi ng kanlurang Aprika na hinihinalang
naimpluwensyahan ng mga Nok.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Gumawa ng pagsasaliksik tungkol sa kulturang Nok. Humanda sa
pagbabahagi nito sa klase.
14
Tandaan Mo!
Noong 5000 BC ang Sahara ay isang madamong lupain.
Pagdating ng 4000 BC naging mainit na ang klima sa Aprika.
Pagsapit ng 2000 BC maraming lupa na sa Aprika ang naging disyerto
kasama na ang Sahara.
Ang pag-unlad ng pagsasaka ay nagbigay daan sa pagkakaroon ng mga
pamayanan.
Ang kulturang Nok ay isa sa mga pinakaunang kultura na sumibol sa madamong
lugar ng Aprika at ngayon ay bahagi ng Gitnang Aprika.
Gawain 3: Paglalapat
Para sa iyo, alin ang mas unang dapat na matamo ng mga
mamamayan: Kaunlarang Panlipunan o Kaunlarang Pangkabuhayan. Ipaliwanag ang iyong napiling sagot.
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
15
ARALIN 3 ANG MGA BANTU
Maraming kultura ang umusbong sa sub-Saharan Africa, ang mga ito ay
pinaunlad ng mga maiitim na tao. Ang pinakauna dito ay ang Nok na umunlad sa
pagitan ng 700-200 BC sa kanlurang bahagi ng Aprika na ngayon ay lupain ng Nigeria.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Mailalarawan ang naging pandarayuhan ng mga Bantu;
2. Masusuri ang mga naging epekto ng pandarayuhan ng mga Bantu sa Kontinente
ng Aprika; at
3. Maipapaliwanag kung paano naorganisa ang lipunan ng mga Bantu.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Isulat ang mga salitang mauugnay sa
Pandarayuhan
16
Pandarayuhan ng mga Bantu
Ang bakal ay nagdudulot ng pagbabago sa pamumuhay ng tao sa Sub-Saharan
Africa. Ang mga kagamitang yari sa bakal ay nagpadali sa sistema ng pagsasaka,
pagsapit ng 100 BC naging malawakan na ang paggamit ng bakal. Dahilan dito
napadali ang produksyon ng pagkain at kasabay nito lumaki ang populasyon.
Dumating ang panahon na hindi na naging sapat ang mga lupang sakahan na
naging dahilan upang magkaroon ng kakulangan sa pagkain. Lumaganap ang
taggutom. Maraming pangkat ng mga itim na Aprikano na mula sa Kanlurang Aprika
ang napilitang lisanin ang kanilang tahanan upang humanap ng ibang lugar na may
mas kaunting populasyon. Ang pandarayuhang ito ay naganap ng mahabang panahon-
halos tumagal ng 1000 taon. Ang mga taong ito na nadayuhan ay kinilalang Bantu-
hango sa kanilang wika. Ayon sa pananaw ng mga Historiador ang pandarayuhang ito
ang pinaka malaking pagkilos ng tao sa kasaysayan ng mundo
Noong una ang mga taong nagsasalita ng Bantu ay nanirahan sa mga
kagubatan ng Gitnang Aprika. Gamit ang kanilang kaalaman sa pagsasaka at paggawa
ng bakal sila nagtayo ng isang malaki at malakas na lipunan. Habang patuloy na
lumalaki ang kanilang bilang, ang iba sa kanila ay lumipat sa timog at silangan.
Nagpatuloy ang paglipat –lipat ng mga Bantu hanggang tuluyan na silang nanirahan sa
iba’t ibang lugar. Inayon na rin nila ang kanilang kabuhayan sa kanilang kondisyon ng
lugar ng kanilang tinirhan. Ang iba na sa mga matataas na lupain ng Silangang Aprika
napadpad, kung saan may katamtamang klima na angkop sa paghahayupan, ay naging
mga magsasaka at mga pastol. Ang mga iba naman sa kapatagan ng Silangang Aprika
napunta ay naging magsasaka din ngunit nagkaroon sila ng mga bagong produkto tulad
ng mga saging at yam.
Naging mabagal at mapayapa ang naging pandarayuhan. Ang ibang mga
pangkat na nakita ng mga Bantu ay sumama na rin sa kanila at umayon sa kanilang
paraan ng pamumuhay. Mayroon din naman na umatras at nagpakalayu-layo na sa
mga kagubatan at disyerto. Sa dulo ng lahat ng pagkilos na ito ang mga taong
nagsasalita ng Bantu ang naging pangunahing pangkat ng tao sa Sub-Saharan Africa.
17
Samahang Panlipunan Hindi nagtagal ang mga Bantu ay naging isang pangkat etniko na may sariling
teritoryo, wika at paraan ng pamumuhay. Sila ay binubuo ng iba’t ibang angkan na
nangasiwa sa paggawa ng mga batas sa pagpapakasal at pagpapampamilya, nagbigay
din ito ng proteksyon at seguridad sa mga kasapi. Ang lahat ay lahat ay naniniwala na
sila ay nagmula sa iisang ninuno lamang.
Kanayunan Ang tahanan ng mga Bantu ay isang nayon na binubuo ng maraming malalaking
pamilya at lahat ng kamag-anak ay kasama maging mga lolo’t lola. Malaki ang kanilang
paggalang sa mga nakatatanda. Habang nagsasaka o nagpapastol ang mga
kalalakihan, ang mga kababaihan naman ay naghahanda ng mga pagkain at nag-
aasikaso ng sa bahay.
Nasa kapangyarihan ng mga kapitan at konseho ng matatanda ang
nagpapatupad ng mga batas. Ang pinakamataas na pinuno ng mga angkan ang nag-
aayos ng mga suliranin, nagpaparusa sa mga nagkakasala at nagsasabi kung kailan
magtatanim o mag-aani. Bagamat siya ang namumuno hindi siya lubos na
makapangyrihan, Kinukunsulta pa rin siya sa konseho ng matatanda at sa iba pang
pinuno ng iba’t ibang angkan.
Relihiyon
May iba’t ibang relihiyon ang mga Bantu. Bagamat may iba’t ibang paniniwala
ang iba’t ibang pangkat etniko, may pagkakatulad din ang kanilang relihiyon, Ang lahat
ay gumagamit ng alamat at parabola upang ipaliwanag ang nakaraan at ang kahulugan
ng buhay. Sila rin ay naniniwala sa Dakilang Lumikha na nangangalaga sa kanilang
araw-araw na pamumuhay. Aktibong nakikilahok ang mga Bantu sa pag-alay sa mga
espiritu ng dasal, awitin, sayaw at pag-aalay ng hayop.
18
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Sagutin.
1. Bakit sinasabing ang pandarayuhan ng mga Bantu ang tinatayang
pinakamalaking paglipat ng mga tao sa ibang lugar? ______________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Paano napaunlad ng mga Bantu ang kanilang kultura? ____________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Tandaan Mo!
Ang mga Bantu ay pangkat ng mga taong nagmula sa
kanlurang Aprika at nandarayuhan sa Sub-Saharan Africa.
Nang matapos ang pandarayuhan pagkalipas ng 1000 taon, ang mga Bantu ay
naging pangunahing pangkat ng tao sa Sub-Saharan Africa.
Nagkaroon ng natatanging sistema ng pamumuhay ang mga Bantu
May sariling sistema ng pagsamba ang mga Bantu.
19
Gawain 3: Paglalapat
Sa iyong palagay anu-ano ang nagiging epekto ng pandarayuhan sa:
Lugar na Nilisan
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
Lugar na Nilipatan
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
20
ARALIN 4 ANG KAHARIAN NG KUSH
Malapit sa ilog Nile ang rehiyon ng Nubia. Ang mga sinaunang mamamayan ng
Ehipto ay nakikipagkalakalan dito ng Ivory at maitim na kahoy, ang Ebony. Ang mga
Aprikano na matatagpuan sa Katimugan.
Mga 1600 BC, naitatag ng mga Nubians ang Kaharian Kush na tumagal ng
2000 taon. Ginawang kabisera ang Kerna kung saan ipinatayo ng hari ay
mararangyang kastilyo at libingan. Ang yaman ng kaharian ay nakasalalay sa
pakikipagkalakalan ng Ginto sa Ehipto.
Pagsapit ng 1525 BC, nasakop ng Ehipto ang Kush. Napilitan yakapin ng mga
Kuhsute ang impluwensya ng kanilang mananakop. Maraming naging pagbabago sa
Nubi, kasama na ang pagpapatayo ng templo ni Abu Simbel na inukit sa Bato. Noong
750 BC humina ang kapangyarihan ng Ehipto at naipahayag ng mga Kushute ang
kanilang kasarinlan. Isang haring Kushute ang namuno sa Ehipto noong 715 BC.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Matatalakay ang pag-unlad ng mga Kushute;
2. Maihahambing ang Lerma sa Meroe; at
3. Mailalarawan ang tugatog ng kapangyarihang Kushite.
.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Kilala mo ba ang mga Kushite? Magtala ng ilang kaalaman na iyong batid na
na sa unang kolum at mga nais malalaman sa ikalawa:
21
Ang mga Kushite
(A)
Alam Ko Na
(B)
Nais kong Malaman
(C)
Natutunan Ko
1) 1) 1)
2) 2) 2)
3) 3) 3)
Meroe Sa loob ng halos 100 taon, naipalaganap ng mga Kushite sa hilagang silangan
bahagi ng Aprika kasama ang Ehipto ang kapayapaan at kasaganaan. Ngunit noong
671 BC nilusob ng Assyrians ang Ehipto. Hindi naging sapat ang mga tansong armas
ng mga Kushite sa mga bakal na armas ng mga Assyrians kaya madali silang nagapi.
Napilitan ang mga Kushite na lisanin ang Ehipto at bumalik sa Kush.
Pagbalik sa Kush, pinakamalakas ng mga Kush ang kanilang sariling teritoryo.
Mula sa mga Assyrian natutunan nilang gumawa at gumamit ng mga kagamitan at
sandata na yari sa bakal. Di nagtagal naging sentro ng produksyon ng baka ang Meroe
sa Aprika at lumaganap ang kasanayan sa paggawa ng bakal sa iba’t ibang panig ng
kontinente.
Kulturang Kush Pagsapit ng 200 BC narating ng Kush ang tugatog ng pangkabuhayan at pang
political na kaunlaran. Nilusob ng mga Romano ang Kush noong 23 BC ngunit di ito
nagtagumpay. Ang pakikipagusap ng mga Romano ay pinamunuan ng babaeng
tinatawag nilang Candace, ito ay titulong iginagawad sa mga ina ng hari. Malaking
bahagi ang ginagampanan ng mga Candace sa pulitika ng kush.
Tanyag din ang Kush sa paggawa ng ginto. Matatagpuan sa Meroe ang mga
mahuhusay na artisano na gumagawa ng alahas, muebles pati na rin mga arkitekto.
Ang kanilang sining ng paghihilok ay kahanga hanga ang kalidad at mga orihinal na
22
disenyo ay kamangha-mangha. Ang ilang nilihok nila ay may guhit ng mga halaman at
hayop. Malaki rin ang impluwensya ng mga kangahan ng mga taiga Ehipto sa
arkitektura ng mga templo sa kush, ang lahat din ng mga inilibing ng hari ng Meroe ay
inilagay sa pyramid. Sa mga libingan sa Meroe ay makikitang nakasulat ang
hierogryphics tala ng mga Kushite ay nakasulat sa kanilang sariling marka. Kaya
lamang di naisalin ng mga eskolar sa wika ng makabagong panahon.
Ang Kalakalan Sa pagitan ng 250 BC at 100 BC hawak ng mga Kushite ang mga kalakalan
mula Ilog Nile hanggang sa Dagat Pula at pinalakad din nila ang komersyo sa kabuuan
ng rehiyon sa may karagatang Indian. Habang masagana ang kalakalan ang mga
mandirigmang Kushite ay patuloy na pinalawak ang kanilang teritoryo hanggang
makarating ito sa timog at silangang Aprika.
Samantala, ang mga Meroe na napaunlad ang produksyon at ani upang
matugunan ang patuloy na lumalaking populasyon.
Paghina ng Kush
Nagsimulang ligaligin ng mga taong lagalag mula sa mga disyerto ang Kush.
Labis na naapektuhan nito ang negosyo at agrikultura ng mga Kushite kung kaya’t
humina ang produksyon. Noong AD 350 ang Kush ay nilusob at nagapi ng kanilang
kalabang estado, ang Aksum.
23
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Punan ang tsart: kumpletuhin ito batay sa iyong sagot sa Gawain 1.
(K)
Alam Ko NA
(W)
Nais kong Malaman
(L)
Natutunan Ko
1)
2)
3)
1)
2)
3)
Tandaan Mo! Naitatag ng mga Nubian ang kahariang Kush sa rehiyon ng
Nubia noong 1600 BC.
Mula sa mga Assyrians natutong gumawa at gumamit ng mga
sandatang yari sa bakal ang Kushite.
Noong 200 BC narating ng kush ang tugatog ng pangkabuhayan at pampulitikal
na kaunlaran.
Malaki ang naging impluwensya ng kultura ng Ehipto sa Kultura ng mga Kushite.
Pagsapit ng 350 AD nanghina at tuluyan ng bumagsak ang kahariang Kush ng
ito ay talunin ng estado ng Aksum.
24
Gawain 3: Paglalapat Sumulat ng Sanaysay
Paksa: Ang kahalagahan ng paggamit ng bakal sa pagpapaunlad ng sibilisasyon.
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________
ARALIN 5 ANG KAHARIAN NG AKSUM
Ang Aksum ay isang kahanga-hangang kaharian sa hilagang bahagi ng
ngayon ay lupain ng Ethiopia.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Mailalarawan ang naging simula ng kahariang Aksum; at
2. Matatalakay ang naging pamumuhay ng kahariang Aksum.
25
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Ituro ang Ethopia sa mapa ng Aprika.
Ang Simula
Ang simula ng Aksum ay tinatayang naganap noong 600 BC, sa panahong ang mga
taong Simetiko mula sa timog kanluran ng Arabia na kilalang Yemen ay tumawid sa
Dagat Pula at nanirahan sa hilagang silangan ng Aprika. Sa baybaying dagat ay
nagtatag sila ng pamayanang pangkalakalan, isa na rito ang Aksum. Sa paglipas ng
panahon ang mga dayuhan ay lubos na napasama sa mga local na Aprikano.
Kultura at Kalakalan Sa paglipas ng panahon, lumaki at lumakas ang Aksum. Pagsapit ng 200 BC, isa
na itong makapangyarihang kaharian at ang hari nito ay may control sa kabuuan ng
kalakalan sa rehiyon ng dagat pula. Noong 100 AD malawak na ang teritoryo nito at
malawak na rin ang pakikipagkalakalan nito. Ang mga elepante sa Aprika , mga ivory,
ginto, rhinoceros, mga alipin at mga panimpla ay ilan lamang sa pinapadala mula sa
26
daungan ng Adulis patungo sa mga daungan sa paligid ng dagat Mediterrenean at
karagatang Indian.
Ang kultura ng Aksum ay may impluwensya ng kultura ng mga Arabo at Aprikano
na napasama na sa kanilang mga katutubong gawi at tradisyon.
Nagkaroon ng sistema ng pagsulat ang kaharian at ito rin ang kauna-unahang
kaharian sa timog ng Sahara na ng sarili nilang sensilyo o Barya. Mula sa yaman
nanggaling sa kalakaln ang mga hari ang nagpatayo ng mga templo at palasyo na
hawig sa nasa Hellenikong Ehipto. Ang mga lungsod ay punong-puno ng magagarang
mga palasyo at naglalakihang monumento.
Pagdating ng Kristyanismo Ang kristyanismo ay nakarating sa Aksum dala ng dalawang kabataang Syrian
na napadpad sa Baybayin Dagat.
Noong 350 CE si Haring Azana ang namuno sa pananakop sa Meroe ay
sumanib sa bagong relihiyong Kristyanismo. Paglipas ng ilang panahon ginawa niyang
opisyal na relihiyon ng kaharianang kristyanismo. Matapos ang 200 taon naging opisyal
na relihiyon na rin ito sa kaharian ng Nubia, mula dito lumaganap na ito sa timog
hanggang gitnang Aprika, kung saan maraming simbahan ang naitayo.
Ethiopia
Noong AD 600- isa na naman puwersa na kinaharap ng Aksum- ang Islam. Sa
loob ng 100 taon ang mga sundalong muslim at mangangalakal mula sa Arabia ng
nagkaroon ng control sa Dagat Pula. Ang Aksum ay sa mabundok na looban ng
Silangang Aprika sa lamang nakuntento. Buo ang loob, ang mga pinuno ng Aksum ay
nagtayo ng isang katolikong kaharian sa Ethiopia, bagamat di naging madali,
naipalaganap ang kristianismo sa kabuuan ng kaharian. Ang mga digmaang sibil at
pag-atake ng mga Muslim ay nagpahina sa kaharian subalit nanatiling matatag ang
kaharian sa Ethiopia.
.
27
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Magsaliksik at ibahagi sa klase ang sinaunang kasaysayan ng Ethiopia:
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________
Gawain 3: Paglalapat Sagutin ang mga katanungan:
1. Bakit sa palagay mo nananatili ang Kristiyanismo sa Ethiopia? ______________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Sa kasalukuyan, may epekto pa ba ang relihiyong Kristiyanismo sa Ethiopia?
Ipaliwanag. _______________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
28
ARALIN 6 IBA PANG KAHARIAN SA APRIKA
Mula noong 300-1500 AD, marami pang kaharian ang umusbong sa Sub-
saharan Africa. Ilan dito ay ang Ghana, Mali at Songhaina naitayo sa mga Savanna sa
rehiyon ng kanlurang Aprika. Dahilan sa kanilang pakikipag-ugnayan hilagang Aprika at
sa gitnang Silangan, silang lahat ay naimpluwensyahan ng Islam. Lahat din sila ay
yumaman dahil kontrolado nila ang mga mahahalagang daanan ng kalakalan mula
hilagang aprika hanggang kanlurang Aprika. Dahil nakapagitna sila sa kalakalang ito.
Kinilala sila bilang mga Gitnang Kaharian.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Maipapaliwanag kung bakit tinawag na Gitnang Kaharian ang Ghana, Mali at
Songhai;
2. Mailalarawan kung paano naimpluwensyahan ng Islam ang pag-unlad ng
sibilisasyon ng Africa; at
3. Masusuri ang mga kaganapan na nagbigay daan sa paglago at pagyaman ng
mga lunsod-estado sa Silangang Aprika.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Masdan ang mapa ng Aprika. Hanapin dito ang mga lugar na ito:
-Ghana -Nigeria -Morocco
-Mali -Senegal - Timbuktu
29
Ghana
Ang Ghana ang pinakauna sa tatlong kaharian. Ito ay naitatag noong 300 AD. Ito ay
nasa pagitan ng ilog ng Niger at Senegal. Ang mga sinaunang Ghanarian ay mga
magsasaka, mangingisda, gumagawa ng metal at mga tela. Di nagtagal, nangalakal na
rin sila dahilan sa, ang timog ng kaharian ay mayaman sa ginto. Nagbenta ang mga
negosyanteng Ghanarian ng mga mamahaling metal sa dulo ng Sahara kung saan sila
ay sinasalubong ng mga negosyanteng Arabo na nagbuhat pa sa Hilagang Aprika.
Ipinapalit nila ang kanilang mga ginto na asin, pinatuyong mga prutas at iba pang mga
kagamitan.
30
a. Mga Hari
Ang pangalan ng Ghana ay nagbuhat sa katawagan nila sa kanilang hari o
pinuno, ang Ghana.Lalaki lamang ang maaaring maging Hari. Maipapamana din ang
trono ng namatay na hari sa anak na lalaki ang kanyang pinakamatandang kapatid na
babae. Bago nila tinanggap ang Islam, sila ay naniniwala na sila ay banal. Ang mga hari
din ay ganap na makapangyarihan.
Napakayaman ng kahariang ito. Pinangangalagaan ng husto ng mga hari ang
kayamanan ng kaharian. Binubuwisan nila ang kalakalan ng ginto at asin. Lahat ng
ginto na makikitya sa kaharian ay kanila din inaari. Upang mapanatili ang mataas na
presyo ng ginto. Unti-unti lamang nila itong ibinibenta sa mga pamilihan. Lubos na
ipinagmamalaki ng mga Hari ang kanilang yaman. Araw-araw ay may mga
magagarbong pagdiriwang kung saan malaya ang mga tao/mamamayang na dumalo.
b. Pagbagsak ng Imperyo
Narating ng Ghana ang tugatog ng kanyang kaharian noong AD 800 hanggang
900, ang imperyo ay lumawak na at nakaabot sa Karagatan Atlantiko at ilog Niger.
Naging napakalakas ng impluwensya ng mga Arabo kung kaya’t inakap na nila ang
Isalam. Sa kauna-unahang pagkakataon nagkaroondin sila ng pakikipag-ugnayan sa
mga kristyano. Ilang mga Europeano ang bumili ng ginto upang gawing barya ang
sinalubong ng nga mabuti ng mga kinatawang Ghanarian.
Ngunit hindi naging sapat ang mga ginto upang sagipin ang humihinang Imperyo.
Noong CE 1000, isang pangkat ng mga tao mula sa Hilagang Aprika, ang mga Berber,
ang lumusob sa Ghana na nagpahina sa kanilang ekonomiya. Naging suliranin din ang
kawalan ng tag-ulan na nakaapekto ng lubos sa produksyon ng pagkain. Naging
dahilan ito ng paglikas sa ibang lugar ng maraming Ghanarian. Pagsapit ng AD 1200,
ang dating pinakamakapangyarihang kaharian ay tuluyan ng nawala at naging mga
maliliit na malayang estado
31
Mali
Isa sa maliit na estado ay pinamunuan ng mga Mandingo. Matapos nilang
talunin ang kanilang mga kalaban noong CE, nilusob at inangkin nila ang mga teritoryo
sa kanilang paligid. Matapos nila iton gawin ang estado nila ang naging pinakamalakas
sa kanlurang Aprika at kinilala nila itong Mali o kung saan nakatira ang hari, Ang
kanilang teritoryo ay umabot mula karagatang Atlantiko hanggang sa lupain na Nigeria
na ngayon.
Nagkaroon ng kapayapaan at kapayapaan at kasaganaan sa Mali hanggang AD
1300. Naging malawakan ang kalakalan ng ginto, bakal, palay, yam mga iba’t ibang
butil, mga inukit ng pigurin sa kahoy mga tela at iba. Yumaman ang namumuno dahil
binuhusan nila lahat ng mga kalakal na lalabas at papasok sa kanilang teritoryo.
Sa lahat ng namumuno dito sa Mansa Musa ang kinilala maging sa Africa. Asya
at Europa dahilan sa kanyang kayamanan. Sa panahon niya (AD 1327-1337) naging
kabisera ang Timbuktu at ginawa itong sentro ng sining at pag-aaral ng mga muslim.
Nagsagawa si Mansa Musa ng banal na paglalakbay sa Mecca noong AD 1324. Ayon
sa mga tula, isinama niya sa kanyang paglalakbay ang 12000 alipin at 80 kamelyo na
may mga dalang bareta ng ginto.
Matapos ang 50 taon, natapos mamatay si Musa humina ang Mali. Ang pag-
atake ng mga Berbers at ang panloob na tunggalian ay labis na nagpahina sa Mali. Di
nagtagal humiwalay ang Mali sa pamahalaang sentral at naging isang malayang
estado.
Songhai
Isa sa mga probinsya ay ang Songhai na nasa lambak sa may ilog Niger
kanluran ng Timbuktu. Ang mga tao dito ay mahuhusay na mangangalakal at yumaman
ng husto sa pakikipagkalakalan sa Arabo sa Hilagang Aprika at mga itim na Aprikano sa
kanluran na nakatira sa baybayin ng Atlantiko. Noong CE 1400 ang Songhai ay
pinamumunuan ni Sunni Ali na nagpalawak ang teritoryo sa pamamagitan ng
pakikidigma. Maging ang rehiyon ng Savanna ay nakuha niya. Itanatag niya ang
32
pamahalaang sentral sa Gao at naging pinakamakapangyarihan kaharian ang Songhai
sa kanlurang Aprika
Narating ng Songhai ang kanyang tugatog noong CE 1400 sa pamumuno ni
Muhammad Askia. Ang mga bagong lupainna kanyang nasakop ay nagdulot ng
karagdagang mapagkukunan ng ginto at asin para sa kanyang kaharian na
nagpayaman lalo dito. Ang mga buwis na pinataw sa mga produktong ito ay naging
dagdag sa kaban yaman ng kanilang pamahalaan. Ginamit ni Askia ang yamang ito
upang suportahan at ibalik ang ningning ng Timbuktu. Sinuportahan din niya ang Islam
sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga moske at binatay niya sa Koran lahat ng mga
batas sa imperyo.
Noong CE 1528 siya ay pinatalsik sa puwesto ng mga taong di nasisiyahan sa
kanyang pamamalakad. Ang pagkakagulo ay nagpahina ng husto sa imperyo. Di
nagtagal nilusob din ang Songhai ng pinuno ng Morocco at gamit ang kanyon at
makabagong armas, madali silang nagapi nito. Nagpatuloy ang kaguluhan sa kaharian
kaya pagsapit ng AD 1600 tuluyan na itong nabagsak.
Silangan at Timog Aprika Noong AD 900 may nagsimulang bagong pandarayuhan sa Aprika. Sa
pagkakataong ito, sa silangan naman ay may mga Arabo at Persyanong
mangangalakal ang nagtayo ng pamayanan sa baybayinng karagatang Indian. Sila ay
nakipagkalakalan sa mga taong taga looban ng Aprika ng mga ginto, bakal at iba pang
produkto na ipinadala naman nila sa Arabia, India at sa Malayong Silangan. Bilang
kapalit umangkat naman sila ng porcelana, mga palayok at seda sa mga bansang ito.
Pagsapit ng AD 1200, ang maliit ng pamayanan sa silangang Aprika ng mga
Arabo at Persiano ay ganap ng isang lunsod-estado. Ang Kilwa ay isa dito. Dahilan sa
naririto ang daungan ng kalakalan ng ginto, naging mayaman ang lugar na ito. Ang mga
kinita sa kalakalan ay ginamit pagpapatayo ng mga moske at tirahan ng mga
mangangalakal
Maraming Aprikano ang yumakap sa relihiyong Islam. Marami rin mga
kababaihang Aprikano ang nakapangasawa ng mga Arabong mangangalakal. Mula dito
ay umusbong ang isang bagong sibilisasyon na pinagsanib na kulturang Islam at
33
Aprikano. Nagkaroon din ito ng sariling wika ang Swahili na halos katulad ng Bantu
ngunit nahaluan ng mga Arabo at Persiano. Narating ng Islam East Africa ang kanyang
tugatog noong 1300 AD. Pagkalipas ng 200 taon nagdatingan sa rehiyon ng karagatang
Indian ang mga Europeano na naging sanhi ng paghina ng Islamic East Africa.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Magsaliksik tungkol sa Timbuktu. Samahan ito ng mga Larawan.
Maghanda na bahagi ito sa Klase.
Tandaan Mo!
Ang Ghana, Mali at Songhai ay kabilang sa Gitnang kaharian.
Ang Ghana ang pinaka-unang kaharian na naitatag sa gitnang
kaharian, narating nito ang tugatog noong AD 800.
Ang paglusob ng mga Berbers at ang madalang na tag-ulan ang ilan sa mga
dahilan ng pagbagsak ng kahariang Ghana.
Sa panahon ni Mansa Musa narating ng Mali ang tugatog ng kanilang kaunlaran.
Samantala narating naman ng Songhai ang tugatog ng kanilang kaunlaran sa
panahon ni Muhammad Askia.
Ang paglusob ng Hari ng Morocco ang naging dahilan ng pagbagsak ng
Songhai.
Gawain 3: Paglalapat Kung ikaw ang namumuno sa mga kahariang Ghana, Mali at
Songhai, ano ang iyong gagawin upang maiwasan ang pagbagsak ng
kaharian?
________________________________________________________________
______________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
34
______________________________________________________________________
______________________________________________
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO
Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang mahahalagang
kaalaman na dapat mong tandaan?
Ang Aprika ang ikalawa sa pinakamalaking kotinente sa mundo.
Ang mga Savanna ay malalawak na damuhan na may nagkalat na mga puno at
palumpong.
May 3 malalaking disyerto sa Aprika, ang Sahara sa Hilaga at ang Namib at
Kalahari sa Timog.
Ang mga rehiyon sa timog ng Sahara ay tinatawag na Sub-Saharan Africa.
Ang malaking bahagi ng Aprika ay Tag-init buong Taon.
Noong 5000 BC ang Sahara ay isang madamong lupain.
Pagdating ng 4000 BC naging mainit na ang klima sa Aprika.
Pagsapit ng 2000 BC maraming lupa na sa Aprika ang naging disyerto kasama
na ang Sahara.
Ang pag-unlad ng pagsasaka ay nagbigay daan sa pagkakaroon ng mga
pamayanan.
Ang kulturang Nok ay isa sa mga pinakaunang kultura na sumibol sa madamong
lugar ng Aprika at ngayon ay bahagi ng Gitnang Aprika.
Ang mga Bantu ay pangkat ng mga taong nagmula sa kanlurang Aprika at
nandarayuhan sa Sub-Saharan Africa.
Nang matapos ang pandarayuhan pagkalipas ng 1000 taon, ang mga Bantu ay
naging pangunahing pangkat ng tao sa Sub-Saharan Africa.
Nagkaroon ng natatanging sistema ng pamumuhay ang mga Bantu
May sariling sistema ng pagsamba ang mga Bantu.
Naitatag ng mga Nubian ang kahariang Kush sa rehiyon ng Nubia noong 1600
BC.
35
Mula sa mga Assyrians natutong gumawa at gumamit ng mga sandatang yari sa
bakal ang Kushite.
Noong 200 BC narating ng kush ang tugatog ng pangkabuhayan at pampulitikal
na kaunlaran.
Malaki ang naging impluwensya ng kultura ng Ehipto sa Kultura ng mga Kushite.
Pagsapit ng 350 AD nanghina at tuluyan ng bumagsak ang kahariang Kush ng
ito ay talunin ng estado ng Aksum.
Ang Ghana, Mali at Songhai ay kabilang sa Gitnang kaharian.
Ang Ghana ang pinaka-unang kaharian na naitatag sa gitnang kaharian, narating
nito ang tugatog noong AD 800.
Ang paglusob ng mga Berbers at ang madalang na tag-ulan ang ilan sa mga
dahilan ng pagbagsak ng kahariang Ghana.
Sa panahon ni Mansa Musa narating ng Mali ang tugatog ng kanilang kaunlaran.
Samantala narating naman ng Songhai ang tugatog ng kanilang kaunlaran sa
panahon ni Muhammad Askia.
Ang paglusob ng Hari ng Morocco ang naging dahilan ng pagbagsak ng
Songhai.
36
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: Isulat kung tama o mali.
__________ 1. Ang Oasis ay isang malawak at madamong lupain sa Aprika.
__________ 2. Sa Nubia unang nagtayo ng pamayanan ang mga kushite.
__________ 3. Sa Meroe inilipat ng mga Kushite ang kabisera ng kanilang kaharian.
__________ 4. May malaking produksyon ng bakal sa Meroe kung kaya’t isa itong
magandang lugar na gawing kabisera.
__________ 5. Sa Saudi Arabia matatagpuan ang sinaunang Kaharian ng Aksum.
__________ 6. Ang paggawa ng mga barko ang pangunahing pinagmulan ng yaman ng
kaharian ng Ghana.
__________ 7. Sa panahon ni Mansa Musa narating ng Mali ang tugatog ng Kaunlaran.
__________ 8. Naging tanyag ang Timbuktu dahil sa mga magagandang moske at
palasyo na matatagpuan dito.
__________ 9. Ang Ghana ay nangangahulugan ng hari o pinuno.
__________ 10. Ang Mali ay imperyong sa kahabaan ng Atlantiko at Ilog Niger.
__________ 11. Ang Berber ay pangkat mula sa hilagang Aprika na siyang
nagpabagsak sa kaharian ng Ghana.
__________ 12. Sa panahon ni Muhammad Askia narating ng Songhai ang tugatog
nito.
__________ 13. Nilusob ng bansang Turkey ang Songhai na naging dahilan ng
pagbagsak ng kaharian nito.
__________ 14. Ang Kilwa ay lunsod-estado ng mga Arabo at Persiano.
__________ 15. Ang mga Bantu ay nagmula sa lupain na ngayon ay sakop na ng
Nigeria.
__________ 16. Ang Bantu ay nagmula sa kanluran patungong silangan at timog ng
Aprika.
__________ 17. Ang Ehipto ang kauna-unahang at pinakamaimpluwensyang
sibilisasyon na naganap sa Aprika.
__________ 18. Malaki ang naging impluwensya ng Ehipto sa sibilisasyon ng mga
Kushite.
37
__________ 19. Ang Songhai ang pinaka-una sa tatlong gitnang kaharian ng Aprika.
__________ 20. Ang Swanlili ay isang uri ng wika na may impluwensya ng wikang
Arabo at Persiano.
ARALING PANLIPUNAN III
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 7
KABIHASNANG KLASIKAL SA AMERIKA AT PACIFICO
MODYUL 7 KABIHASNANG KLASIKAL SA AMERIKA AT PACIFICO
Ang modyul na ito ay tungkol sa pagkabuo ng kabihasnang Amerika, ang
kaganapan sa mga Pulo sa Pasipiko at ang kontribusyon nila sa sandaigdigan.
Tatlong uri ng kabihasnan ang sumibol sa Timog Amerika. Ito ay ang Inca, Maya
at Aztec. Sa Hilagang Amerika naman ay walang kabihasnan na kahalintulad ng
sa Timog Amerika ang umusbong.
Sa mga Pulo sa Pasipiko naman, dahil sa dami ng mga maliliit na pulo ditto, ang
mga ito ay pinagsama-sama at nabuo ang Tatlong grupo na ngayon ay kilala
bilang: Micronesia, Melanesia at Polynesia.
Mahabang paglalakbay ang gagawin natin sa modyul na tio kaya kailangan ay
magsanay tayo sa paggamit ng mapa.
May tatlong araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Kabihasnan ng mga Sinaunang Tao sa Amerika
Aralin 2: Kabishasnang nabuo sa Meso-America at Timog America
Aralin 3: Mga Pulo sa Pasipiko
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Matatalakay mo amg pagkabuo ng kabihasnang Amerika;
2. Maisasaarawan mo ang mga kaganapan sa Pasipiko;
3. Matutukoy ang mga lugar sa Amerika at Pasipiko sa map; at
4. Mapahalagahan ang kontribusyon ng Amerika at Pasipiko sa
sandaigdigan.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para
sa iyo.
PANIMULANG PAGSUSULIT: I. Panuto: Biluga ang titik ng tamang sagot.
1. Ang pinaniniwalaang mga unang tao na naninirahan sa Amerika ay mga:
a. Australyano
b. Aprikano
c. Asyano
d. Europeo
2. Sa panahon ng pagtuklas na kung saan ang mga Europeong bansa ay nag-unahan sa
pagtuklas ng mga teritoryo ang unang nakarating sa Amerika ay si
a. Magellan
b. Cortez
c. Columbus
d. Vasco de Gama
3. Pinakamahalagang tanim para sa mga Maya Cacao
a. Palay
b. Mais
c. Niyog
d. Trigo
4. Ang mga Eskimo ay nabubuhay sa pangingisda dahil sa
a. Ang kinalalagyang lugar ay nagyeyelong lupain
b. Bulubundukin ang lugar nila
c. Malawak ang ilog sa lugar nila
d. Maraming disyerto sa lugar nila
5. inawag na Indian ang mga unang nanirahan sa Amerika dahil sa
a. Galing sila sa India
b. Mula sila sa lahi sa India
c. Napagkamalan sila ni Columbus dahil sa akala niya na nakarating siya sa India
d. Tinanggap nla ang sibilisasyong India.
6. Alin sa sumusunod na grupong ito ang hindi nagsasakripisyo ng buhay bilang alay sa
mga Diyos?
a. Eskimo
b. Aztec
c. Maya
d. Inca
7. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na pagsasalarawan sa lungsod estado?
a. May patubig sa pananim
b. Maraming pataniman
c. Nandoon ang mahalagang istraktura tulad ng piramide, templo at pamilihan
d. May mga sari-saring palaro at pananampalataya
8. Ano ang kahulugan ng Polynesia?
a. Maraming pulo
b. Malalaking pulo
c. Pulo ng maiitim na tao
d. Maliliit na pulo
9. Saang grupo ng mga pulo nabibilang ang Hawaii?
a. Polynesia
b. Micronesia
c. Sental Asia
d. Melanesia
10. Ang “blackbirders” ay tumutukoy sa mga taong
a. Nanghuhuli ng ibon
b. Nagdadamit ibon
c. Nangingidnap ng ginagawang alipin
d. Nagliligtas sa mga alipin
ARALIN 1 KABIHASNAN NG MGA SINAUNANG TAO SA AMERIKA
Madalas tayong nakakapanuod ng pelikula tungkol sa mga Indian ng Amerika
kung saan ang madalas na kaaway nila ay ang mga “cowboy”. Saan kaya nagmula ang
mga Indian na ito? Saaan sila matatagpuan sa malalawak na kontinente ng Amerika at
ano ang uri ng kanilang pamumuhay?
Ang kasagutan dito ay matatagpuan natin sa aralin na ito.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Maisasalarawan ang uri ng buhay ng sinaunang taong nanirahan sa Amerika; at
2. Malalaman kung saan nagmula ang mga sinaunang tao sa Amerika.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Alam kong pamilyar sa inyo si Columbus. Magbigay ng ilang kaalaman
tungkol sa buhay niya sa Amerika. Bakit napakahalaga sa mga Amerikano si Columbus.
______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________
Christopher Columbus
Kabihasnan ng mga Sinaunang Tao sa Amerika
Noong naglakbay si Columbus noong ika 15 siglo, gusto niyang patunayan na
ang mundo ay bilog at sa paniniwalang ito inasahan niyang makakarating siya sa mga
pulo malapit sa India na ang daan ay sa kanluran mula Espanya.
Nakarating nga siya sa grupo ng mga pulo at inakala niya na ito ay bandang
India kaya ang mga taong dinatnan doon ay tinawag niyang “Indian”. Hindi akalain ni
Columbus na siya ay nakatuklas ng “Bagong Daigdig” dahil ang mga pulo na dinaungan
niya ay ang pulo Carribean sa Amerika.
Sinaunang Amerika
Ang mga unang Amerikanong Indian ay pinaniniwalaang nagsimulang manirahan
sa Amerika mga 30 libong taon na ang nakalipas. Ang mga unang tao ay nagmula pa
sa Asya na tumawid sa Kipot Bering patungong Hilagang Amerika.
May mga ebidensiyang nagpapatunay na may sariling kultura ang mga Indian
bago pa man dumating ang taga Europa. Gumamit na ang sinaunang tao ng apoy, may
mga kasangkapang bato, balat na damit at nag-aalaga ng aso. Noong 7,000 B.C.
marunong ng magtanim ang mga Indian. Mais ang pinakamahalagang pananim at ito ay
nagawa nilang palaguin sa Sentral Amerika noong 3,000 B.C. Natuto na rin silang
magtatag ng pamayanan, humabi ng damit at gumawa ng palayok.
Ang mga Eskimo o Inuit ang grupo na naninirahan sa mga nagyeyelong lupain
sa pinakadulong hilaga ng kontinente. Nakalinang ng pamumuhay na angkop sa klima
ng Artiko ang mga Eskimo. Sila ay nabuhay sa pangingisda at pangangalap.
Nanghuhuli sila ng balyena, seal, maliliit na isda, walrus at iba pa. Ang buto ng
malalaking isda at hayop ang ginawa nilang karayom at panghiwa. Balat ng hayop ang
ginawa nilang damit at tolda. Bumuo sila ng maliliit na grupo ng pamilya at hindi sila
nangangailangan ng sentralisadong pamahalaan. Ang ginamit nilang panglakbay ay
“sleds” at kayak (isang uri ng bangka). Mula sa isda ay nakakuha sila ng langis na
ginamit sa kanilang ilawan.
Sa magubat na pook ng hilagang silangan nanirahan ang lumang tribo ng mga
Indian. Ito ay ang mga Seneca, Cayuga, Onondaga, Oneida, at Mohawk. Nagtatag sila
ng isang kompederasyon na tinatawag na Liga ng mga Iroquis o ang limang nasyon.
Noong mga taong 1700, kontrolado ng mga Liga ang mga lupain mula lawa ng
Michigan hanggang Atlantic at mula ilog St. Lawrence hanggang ilog Tennessee.
Sa magubat na pook mula timog Alaska hanggang sa kasalukuyang estado ng
Washington nanirahan ang mga Indian ng Hilagang baybaying Pasipiko. Sila ay
nabubuhay sa pangingisda at pangangalap ng mga prutas sa kagubatan. Sila ay
bumuo ng maliliit na pamayanan. Ang bahay nila ay yari sa tabla o kahoy, at sa harap
ng bawat bahay ay may mga nakatayong haligi na tintawag na “totem pole”. Itong haligi
ay inukitan ng pigura ng isang hayop na ang espiritu ay itinuturing na mahalaga sa
pamilya. Ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng pamilya.
Ang grupo ng mga Indian sa hilagang Pasipiko ay nahahati sa tatlong antas:
maharlka; karaniwang tao at mga alipin. Ang maharlika ay may katangi-tanging
ipinagdiriwang at ito ay tinatawag na “potlack” kung saan ang may handa ay namimigay
ng mga mahahalagang bagay.
Bago sumapit ang 1600, marami sa mga Indian na nanirahan sa kapatagan ng
gitnang bahagi ng Hilagang Amerika. Sila ay nabuhay sa pangangaso at pagsasaka.
Ang kanilang mga bahay ay hugis itlog na kung tawagin ay “wigwam”
Ang grupong Indian Pueblo ang isa sa pinakamatanda at kumplekadong kultura
sa Amerika. Ang mga ito ay nanirahan sa timog kanluran na ngayon ay Estados Unidos.
Sila ay nagtatag ng organisadong pamahalaan na ang mga tao mismo ang namimili ng
pinuno.
Ito ang grupo na gumamit na ng adobe sa pagtatayo ng bahay na may maraming
palapag na kilala ngayon sa tawag na “apartment”.
Mahusay na magsasaka ang mga Indiang Pueblo. Gumamit na sila ng sistemang
patubig. Mais din ang pangunahin nilang pananim. Kabilang sa Indiang Pueblo ang mga
Hopi at Zuni.
Itong Hopi at Zuni ay maituturing na matahimik na tribo. Nakipaglaban lang sila
kung nakataya na ang kanilang buhay at kabahayan. Kapag sila ay umuuwi mula sa
digmaan, sila ay nagsasagawa ng ritwal upang mahugasan ang kanilang kasalanan.
Itinuturo ng kanilang relihiyon ang pakikiisa sa kalikasan, pagpapahalaga sa kalikasan
at tradisyon.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Tingnan mong mabuti ang larawan tungkol sa mga Eskimo. Pansinin
mo ang kanilang bahay.
Sa isang pirasong papel, isulat ang iyong sagot sa mga sumusunod na
katanungan:
1. Bakit iba ang hugis ng kanilang bahay?
2. Ano ang mga materyales ng kanilang bahay?
3. Bakit ganito ang uri ng kanilang Bahay?
Tandaan Mo!
Ang mga sinaunang tao sa Amerika ay pinaniniwalaang galing
sa Asya na dumaan sa kipot Bering. Sa kasalukuyan sila ay kilala
sa tawag na”Indian” dahil sa napagkamalan sila ni Columbus na
mga tao sa Indies dahil sa akala ni Columbus ang mga pulo na kanyang
narating ay Indies.
ARALIN 2 KABIHASNANG NABUO SA MESOAMERIKA AT TIMOG AMERIKA
Sa MesoAmerika at timog Amerika sumilang ang tatlong dakilang sibilisasyon;
ang Maya, Inca at Aztec. Natagpuan ang labi ng kabihasnang Maya at Yukatan sa
Mexico; ang Aztec naman sa sentral at Timog Mexico at ang Inca sa bundok Andes.
Mataas ang antas ng sibilisasyon ng mga grupong tio at marami ang naiambag
nila sa sandaigdigan.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Matutukoy mo ang mga lugar ng kabihasnang Maya, Aztec at Inca;
2. Maisasalarawan ang katangian ng kanilang kultura; at
3. Mapahahalagahan ang kontribusyon ng mga ito sa sandaigdigan.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Pagmasadan mabuti ang mapa.
Tingnang mabuti ang mapa at itala ang limang bansa na nabibilang sa
MesoAmerika at limang bansa rin sa Timog Amerika.
MesoAmerika
1. ____________________________
2. ____________________________
3. ____________________________
4. ____________________________
5. ____________________________
Timog America
1. ____________________________
2. ____________________________
3. ____________________________
4. ____________________________
5. ____________________________
Kabihasnan ng MesoAmerika at Timog Amerika
Tatlong sibilisasyon ang nalinang sa rehiyon ng MesoAmerika at Timog
Amerika. Ito ay ang Maya, Aztec at Inca. Ang Maya ay ginawang sentro ang
Teotihuacan sa lambak ng Mexico, samantalang ang humalili sa kanila sa
kapangyarihan sa MesoAmerika ay ang Aztec kung saan ang ginawa nilang
sentro ay Tenochtitlan at ang mga Inca naman ay namayani sa Bundok Andes
kung saan Cusco naman ang ginawang sentro.
Sibilisasyon ng Maya
Ang kabihasnang Maya ay nahukay sa kagubatan ng Guatemala, Honduras at
Katimugang Mexico.
Ang kulturang Maya ay may mataas na antas.. Mula 500 B.C. sila ay may
maraming naiambag sa atin. Nakabuo sila ng sistema ng pagsulat, sistema ng numero
at kalendaryo. Nakapagtatag na rin sila ng maraming siyudad at napaghusay ang
kanilang kaalaman sa sining, agham, at pag-aaral.
Taong 800 A.D. sinimulang lisanin ng mga Maya ang lugar na matagal ding
panahon na pinagyaman nila. Hindi lubusang matukoy kung bakit nilisan nila ang lugar
na iyon. May mga nagsasabing naparami ang populasyon at hindi makasapat ang
pagkain; maaari rin daw na nagkaroon ng epidemya at digmaang kumitil ng maraming
buhay.
Ang mga Maya ay lumipat pahilaga at nagtatag ng mga bagong siyudad sa
hilagang dulo ng Yucatan. Dito umusbong ang mga lungsod estado. Sinasabing ang
pamahalaan ng Maya ay isang teokrasya sapagkat ang buhay ng mga Maya ay
domiado ng mga pari.
Sa lunsod estado matatagpuan ang mga templong simbahan, malalaking
piramide, obserbatoryo at monumento.
Sumasamba ang mga Maya sa araw at marami pa silang kinikilalang diyos.
Kinikilala nila ang pari bilang lider-espiritwal at pinuno ng lunsod. Ang paring pinuno ay
nakatira sa lunsod.
Sinakop ng mga mandirigmang Toltec ang mga Maya sa Yucatan noong ika-11
siglo A.D. at namalagi sila ng may 200 taon. Sa loob ng panahon ng pamamalagi ng
mga Toltec sa lugar na iyon, sinasabing sila ang nagpabagsak sa mga Maya.
Sibilisasyon ng Aztec
Panahong ika 13 siglo, ng isang tribong Indian na pawang mga mandirigma ang
lumikas sa Sentral Mexico, buhat sa hilagang kanluran. Sinakop ng mga Aztec ang mga
Toltec at iba pang mga kalapit na tribo. Tinawag nila ang kanilang sarili na mga taga
Mexico.
Sa loob ng lungsod ng mga Aztec ay makikita ang mga templo at piramide. Sa
tabi ng templo ay nakatayo ang malaki at nababakurang palaruan kung saan idinaraos
ang larong bola na may kaugnayan sa relihiyon. Mayroon ding mga pamilihan na kung
saan ang mga tinda ay nakahanay ayon sa uri; halimbawa ay ang tela, prutas at iba pa.
Sumasampalataya ang mga Aztec sa maraming diyos. Ang pinakamataas nilang
diyos ay si Huitlopochtli; diyos ng araw at digmaan. Naniniwala ang mga Aztec na apat
na beses nang nilikha at ginunaw ng diyos ang mundo.
Itong paniniwalang ito ang nagdala sa kanila ng malas dahil nang dumating ang
mananakop na Kastila na si Hernando Cortez noong 1519, inakala ni Montezuma,
pinuno ng mga Aztec na ang mga ito ay mensahero ng diyos dahil sa naiiba ang mga
mukha. Tinanggap nilang maayos ang mga Kastila at niregaluhan pa ng ginto at mga
gamit na yari sa mamahaling balahibo ng hayop.
Inakala ni Montezuma na nasisiyahan ang mga dayuhan sa regaling ibinigay nila
ngunit naging lalong interesado si Cortes na malaman kung saan makikita ang
pinanggalingan ng ginto. Kasabwat ang mga tribong galit kay Montezuma, sinalakay
nila ang kuta nito ngunit natalo sila. Sa kung anong dahilan namatay di naglaon si
Montezuma at lubusang nasakop ni Cortes noong 1521 ang teritoryo niya.
Sibilisasyon ng Inca
Sa kabundukan ng Andes naman nanirahan ang mga Inca at sa ibayong rehiyon ng
Timog America. Mga taong 100 – 400 A.D., nakalinang sila ng kulturang tinawag na
Tiahuanaco. Walang masyadong kaalaman na nakalap tungkol sa kulturang ito maliban
sa sila ay mga bihasang manggagawa ng gusali. Biglang naglaho ang kulturang
Tiahuanaco bandang 900 A.D. Noong ika – 11 siglo may sumulpot muling grupo na
amg tawag sa pinuno nila ay Inca. Ang tawag na iyon ang siyang ginamit na pangalan
mismo ng grupo.
Nanirahan ang Inca sa Lambak ng Andes at di naglaon, nanakop sila ng mga
teritoryo. Bandang 1500, ang imperyo ng Inca ay may populasyon na 12 milyon na
nagsasalita ng 20 iba’t ibang wika at nahahati sa 100 na iba’t ibang grupong etniko.
Ang Inca ay nakatatag ng oeganisadomng sistema ng pamahalaan; sistema ng
trasportasyon at komunikasyon. Nakagawa sila ng daan sa gilid ng mga bundok at mga
nakabiting tulay sa ibabaw ng mga bangin at ilog.
Ang pinakamataas na pinuno ng mga Inca ay Emperador na pinaniniwalaang
inapo ng diyos na araw at habang nabubuhay, siya ay sinasamba ng mga tao sa
imperyo. Ang kapangyarihan niya ay lubos kaya nang humarap si Pizarro, ang
Kastilang “conguestador” kay Emperador Atahualpa sinabi niya sa “congestador” – “ Sa
aking kaharian walang ibang makakalipad at walang dahong malalaglag kung di ko
nanaisin”
Ang lahat ng bagay sa imperyo maging ito ay lupain, produksyon at distribusyon
ng kalakal ay kontrolado ng pamahalaan. May listahan ang pamahalaan ng bilang ng
taong nasasakop niya at lahat ng lalaki ay obligadong manilbihan sa sandatahang lakas
at mag-ukol ng panahon sa mga gawaing pambayan.
Halimbawa nito ay ang isang binata na nasa tamang gulang, sapilitan siyang
papipiliin ng mapapangasawa.
Karamihan sa mga Inca ay magsasaka, nag-aalaga rin sila ng hayop at
nangingisda. Ang ilan ay naghahabi. Mayroon ding iba na mahuhusay na
magpapalayok, mga minero ng ginto, pilak at tanso.
Tulad ng mga Inca, ay nag-aalay din ng tao sa mga itinuturing na diyos.
Ang pagsasaka ng Imperyong Inca ay naganap ng dumating ang conquistador.
Binihag nila si Emperador Atahualpa at pinangakuan ng kalayaan kung mabigyan sila
ng isang silid na puno ng ginto. Naibigay naman ang hiniling nila ngunit hindi tumupad
si Pizarro at ang ginawa ay binitay nila sa Atahualpa. Nag-away away ang mga Kastila
sa partihan ng ginto at maging si Pizarro ay pinatay.
Mga ugaling pagkakilanlan ng mga Indian:
1. Kaugaliang pangrelihiyon
Napakahalaga sa mg Indian ang kanilang relihiyon. Ang pari ay itinuturing na
makapangyarihan. Karamihan sa Amerikanong Indian ay sumasampalataya sa
araw. Ang ibang tribo ay sumasamba sa iba’t-ibang diyos na kumakatawan sa mga
bagay sa pangaraw-araw na buhay gaya ng agrikultura o isang bagay sa kalikasan.
Ang pag-aalay ng tao ay isang katangian ng kanilang relihiyon. May
paniniwala silang kailangang ang iaalay sa diyos ay isang napakahalagang bagay -
at ito ay buhay ng tao.
2. Sama-samang pamumuhay
Ang buhay ng Indian ay umiinog sa tribo o angkan. Ang tribo ang nagmamay-
ari ng lahat ng lupain kaya walang indibidwal ang nagmamay-ari ng lupa.
Kontribusyon ng mga Indian sa Sandaigdigan
Ang mga Indian ay may sistema ng pagsulat. Ang lahat ng tribo ay may
literature. Ito ay pinagsalinsalin sa isang henerasyon hanggang sa susunod. Ang
karaniwang panitikan ay tula at ang karaniwang tema ay relihiyon o ang tradisyon ng
tribo. Ang mga alamat naman ay tungkol sa hayop at digmaan.
Sa pagpapalayok, paghahabi, pagbuburda, paggawa ng metal, pagpipinta,
istraktura at arkitektura naman ay magaling sila. Ito ay makikita sa magagandang
istraktura nila at ang mga magagandang dekorasyon nito.
Hindi maipagkaila na marami sa salitang Indian ang bahagi na wikang English
katulad ng chocolate, tomato, chile.
Maraming imbensyon ng Indian ang ginagamit pa hanggang ngayon katulad ng
canoe at snowshoe.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
A. Sabihin ang gamit ng sumusunod:
1. Kayak - _________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Totem pole - _____________________________________________________
________________________________________________________________
3. Wigwam - _______________________________________________________
________________________________________________________________
4. Canoe - _________________________________________________________
________________________________________________________________
B. I-drawing ang anyo ng apat na bagay na nakatala sa #1.
Tandaan Mo!
Ang mga Indian sa Mesoamerica at Timog Amerika ang may
pinakamayamang kabihasnan. Marami silang naiambag sa
sandaigdigan katulad ng patubig.
ARALIN 3 MGA PULO SA PASIPIKO
Ang mga pulo sa Pasipiko ay nahahati sa tatlong pangkat batay sa
pagkakatuklas ng kanilang katangian. Ang Melanesia ay binubuo ng mga taong maiitim
ang balat; Micronesia ay ang mga maliliit na pulo; at Polynesia ay may maraming pulo.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Matutukoy mo ang pagkakaiba ng mga pinangkat-pangkat na mga pulo sa
Pasipiko ayon sa kanilang katangiang pisikal;
2. Malalaman ang pinagmulan ng mga taong nanirahan sa mga pulong ito; at
3. Matutukoy ang naging ugnayan ng mga Europeo sa mga pulong ito.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! May mga pulo sa Pasipiko na alam kong pamilyar na sa iyo. Subukan mong
isalarawan ang mga pulo batay sa mga naging kaalaman mo dito.
1. Hawaii
2. Guam
Isulat sa isang pirasong papel ang iyong nalalaman.
Mga Pulo sa Pasipiko
Ang mga pulo sa Pasipiko ay mayaman sa likas na yaman. Dahil dito,
tinawag na mga eksplorador na Europeo ang mga pulo na paraiso ng hardin ng Eden.
Sa kasalukuyan, ang pinakamahalagang industriya sa karamihan ng mga pulo ay
turismo, tulad ng Hawaii, Tahiti, Guam, Samoa at Palau.
Nahahati sa tatlong pangkat ang mga pulo ayon sa pagkakatulad ng kanilang
katangiang pisikal: Melanesia na hango sa salitang melanin na ang kahulugan ay
madilim o maitim; Micronesia na ang ibig sabihin ay ‘maliliit na pulo”; at Polynesia,
maraming tao.
Ang mga teritoryang bumubuo sa bawat pangkat ay ang sumusunod:
A. Melanesia: New Guinea; Salomon, Fiji, New Celedona, Irian Joya.
B. Micronesia: Federated States of Micronesia; Marshall Island; Guam; ---,---,---
C. Polynesia: Hawai; American Samoa;--------
Kasaysayan noong Sinaunang Panahon
Pinaniniwalaan na ang mga unang tao sa mga pulo ng Pasipiko ay nagmula sa
Timog Silangang Asya noong panahong ang New Guinea at Australya ay
magkadugtong pa.
Nomad o pagalagala ang mga unang nanirahan dito kaya ang mga unang grupo
ay nagmula sa Australya. Ito ay ang mga bumubuo ng Melanesia.
Mula sa Timog Silangang Asya naman nagmula ang mga nanirahan sa
Micronesia, at ang mga nanirahan sa Polynesia ay pinapaniwalaang mula sa Asya at
naglakbay sa pamamagitan ng lupang tulay na nagdurugtong sa mga pulo.
Nang matutong gumawa at gumawa ng bangka at iba pang sasakyang dagat,
narating ng manlalakbay ang iba pang pulo.
Ang pagkakaiba ng mga tao sa mga pulo sa Pasipiko ay nagpapahiwatig na sila
ay nanggaling sa iba’t-ibang pook. May ilang teorya na nagbigay liwanag sa pinagmulan
ng mga tao sa Pasipiko. Pinatunayan ni Thor hegerdahl, isang eksplorer mula Norway
ang teoryang ito ng migrasyon kung saan sinabi niya na ang migrasyon ay mula sa
silangan. Sa kabilang dako naman, ilang siyentipiko ang naniniwala na ang
pandarayuhan ay mula sa timog silangang sya noong magkadikit pa ang Australia at
New Guinea. Ang mga taong ito ay pagala-gala sa paghanap ng pagkain. Nang
matunaw ang mga yelo ay dumating naman ang mga taong marunong ng magtanim.
Pagdating ng mga Europeo
Mga bandang 1500 ng makarating sa mga pulo sa Pasipiko ang mga Europeo.
Si Antonio d’ Abreu ay bumisita sa New Guinea noong 1511. Siya ay galing sa
Potuguese East Indies. Natuklasan na rin ng mga Kastila ang maraming pulo ng sila ay
maglakbay kung saan nakarating sila sa Pilipinas. Napadaan na si Magellan sa
Solomon at Torres Strait subalit hindi nila ginalugad at ipinabatid sa iba. Kahit sila
Tasnian at Roggerreen ay hindi man ipinabatid ang pagtuklas ng Easter Island noong
1722.
Ang mga Euroeo na nakatuklas ng mga pulo na ito sa Timog Pasipiko ay hindi
kaagad-agad na sinakop ang mga hiwa-hiwalay na mga pulong ito. Nang ika-19 siglo,
ang mga pulong ito ay nalantad sa mga “whale hunters”, “sandal wood cutters” at “
blackbirders”. Ang blackbirders ay yaong nangingidnap ng mga taga pulo para gamiting
na magtatrabaho sa Queensland, Mexico or Peru. Dahil sa pangyayaring ito, nawalan
ng tiwala ang mga tagapulo sa mga dayuhang puti kaya ng may misyonerong
kristiyanong nagpunta sa ilang pook pinatay nila ang marami dito. Ganoon pa man
nagpatuloy pa rin ang mga misyonero sa paghimok sa mga taga pulo sa kristiyanismo
at para putulin na ang “cannibalism” o pangangain ng tao.
Maraming pagbabago ang naganap sa Europa sa larangan ng transportasyon.
Maraming riles ang nagamit sa paglalakbay. Noong 1898, sinakop ng Estados Unidos
ang Hawaii sa bias ng kasunduang Paris nang matalo ng Estados Unidos sa digmaan
ang España. Kinuha naman ng France ang Tahiti noong 1880 samantalang ang Chile
ay sinakop rin ang pulong Easter noong 1888. Binili naman ng Germany ang pulong
Caroline at Marshall sa España. Ang Britain naman, ay di kalaunan ay sumakop din ng
pulo para maprotektahan ang New Zeland na naging kolonya niya.
Sa ngayon ang karamihan sa mga pulo sa Pasipiko ay mga Estado na may sarili
ng pamahalaan. Ang Hawaii ay naging bahagi ng Estados Unidos bilang ika-50 estado.
Ang iba ay nasa pangangalaga (trust territory o protectorate) ng mga kanluraning
bansa. Iyong iba naman ay nasa “mandate” ng United Nations.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Gumawa ng tala hanayan ng mga sumusunod na
teritoryo. Sundan mo ang pormat sa ibaba.
.
Teritoryo
Pangkat na kinabibilangan
Kanluraning bansa na sumakop
Kasalukuyang “Political Status”
Samoa
Fyi
Tuvalo
Hawaii
Guam
New Guinea
Tonga
Saipan
Tahiti
Federated States
of Micronesia
Tandaan Mo! Napakarami ng mga pulo sa Pasipiko. Kahit maliliit
mayayaman din sa likas na yaman. Itinuturing nga ang mga ito
na paraiso sa hardin ng Eden magaganda ang mga teritoryo
kaya ang pangunahing industriya ay turismo.
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO
Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang
mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan?
Ang mga sinaunang tao sa Amerika ay pinaniniwalaang galing sa Asya na
dumaan sa kipot Bering. Sa kasalukuyan sila ay kilala sa tawag na”Indian”
dahil sa napagkamalan sila ni Columbus na mga tao sa Indies dahil sa
akala ni Columbus ang mga pulo na kanyang narating ay Indies.
Ang mga Indian sa Mesoamerica at Timog Amerika ang may
pinakamayamang kabihasnan. Marami silang naiambag sa sandaigdigan
katulad ng patubig.
Napakarami ng mga pulo sa Pasipiko. Kahit maliliit mayayaman din sa
likas na yaman. Itinuturing nga ang mga ito na paraiso sa hardin ng Eden
magaganda ang mga teritoryo kaya ang pangunahing industriya ay
turismo.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: Panuto: Bilugan ang Titik ng Tamang sagot.
1. Ang Micronesia ay nangangahulugan na ito ay:
b. malaking pulo
c. pulo ng maiitim na tao
d. maraming pulo
e. maliliit na pulo
2. Alin sa mga sumusunod ang pulo na nabibilang sa Polynesia?
a. Tonga
b. Hawaii
c. Tuvalo
d. Fyi
3. Ang Inding Pueblo ay matatagpuan sa kasalukuyang
a. Mexico
b. Canada
c. Estados Unidos
d. Hundras
4. Tinatawag nila ang mga sarili na “anak ng araw”.
a. Aztec
b. Maya
c. Inca
d. Indiang Pueblo
5. Ang wika na ginagamit ng karamihan sa Latin Amerika ay
a. Italian
b. Spanish
c. French
d. English
6. Ang grupo ng tao na naninirahan sa mga nagyeyelong lupain sa hilaga ng
kontinenteng Amerika.
a. Inca
b. Eskimo
c. Maya
d. Aztec
7. Ang tinutukoy na Latin Amerika ay tumutukoy sa sumusunod maliban sa:
a. Mexico
b. Kanlurang Indies
c. Estados Unidos
d. Sentral Amerika
8. Ang pinuno ng mga Aztec na nag-akalang mga sugo ng diyos ang mga
dayuhang dumating sa pamumuno ni Cortes.
a. Montezuma
b. Hiutzilopochtli
c. Pizarro
d. Atahualipa
9. Ang grupo ng mga Indian na ang pangalan ay hango sa tawag nila sa
kanilang pinuno.
a. Aztec
b. Maya
c. Inca
d. Mexico
10. Ang “blackbirders” ay tumutukoy sa mga taong
a. Nanghuhuli ng ibon
b. Nagdadamit ibon
c. Nangingidnap ng ginagawang alipin
d. Nagliligtas sa mga alipin
GABAY SA PAGWAWASTO:
1
ARALING PANLIPUNAN
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 8
Ang Simbahang katoliko: Isang Makapangyarihang Institusyon sa Gitnang Panahon
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
2
MODYUL 8 ANG SIMBAHANG KATOLIKO: ISANG MAKAPANGYARIHANG INSTITUSYON SA
GITNANG PANAHON Sa modyul na ito ay malalaman ntin ang paglakas ng Simbahang katoliko
bilang isang makapangyarihang intitusyon sa Gitnang panahon. Dito rin malalman ang
tungkol sa naganap na krusada. Natitiyak ko na may nalalaman ka sa mhga pag-
uusapan natin dito dahil sa karamihan sa atin dito sa Pilipinas ay kristiyano. Handa ka
na ba na balikan natin ang nakaraan at alamin ang tungkol sa makapangyarihang
simbahang ito?
May tatlong araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Ang simula ng Pagplaganap ng Kristyanismo
Aralin 2: Ang Kapapahan
Aralin 3: Ang Krusada
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Matatalakay mo ang Paglakas ng Simbahang Katoliko Bilang Isang
Makapangyarihang Institusyon sa Gitnang Panahon;
2. Maipaliliwanag mo ang Yungkol sa Kapapahan; at
3. Maisasalarawan mo ang naganap na krusada sa Gitnang Panahon.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para
sa iyo.
3
PANIMULANG PAGSUSULIT: I. Panuto: Bilugan ang titik ng Tamang Sagot.
1. Isang banal na digmaan na inilunsad ng Simbahang Kristiyano laban sa mga
Turkong Muslim na sumakop sa Jerusalem.
A. Kabalyerismo
B. Krusada
C. Piyudalismo
D. manoryalismo.
2. Ang kinikilalang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko ay ang:
A. Obispo
B. Hari
C. Papa
D. Arsobispo.
3. Si Jesus ay kinikilala ng mga kristiyano na:
A. Propeta
B. Hari ng Hudyo
C. Messiah
D. Apostole.
4. Ang Papa na naghimok sa mga kabalyero na maging krusador ay si:
A. Papa Leo I
B. Papa Urban II
C. Papa Innocent I
D. Papa Gregory VII
5. Ang Krusada ay masasabing bigo ngunit ang magandang naidulot nito sa
kristiyanismo ay:
A. ang paglakas ng kapangyariahn ng Simbahan
B. ang pag-unlad ng kultura ng Simbahan
C. ang pagsama ng mga Hari sa Europa sa krusada
D. ang pagkilala sa Kristiyanismo sa buong mundo
6. Ang kristiyanismo ay nagmula sa relihiyong:
A. Hudaismo
B. Zoroasterianismo
C. Hudaismo
D. Budahismo
4
7. Ang Kristiyanismo at Islam ay may parehong paniniwala tungkol sa:
A. Pagkadiyos ni Jesus
B. Pagkapropeta ni Jesus
C. Pinagmulang lahi ni Abraham
D. Bagong testamento.
8. Ang estadong pinamamahalaan ng Papa ay:
A. Roma
B. Vatican
C. Venice
D. Florence
9. Ang lupaing sinakop ng mga Turkong Muslim ay:
A. Roma
B. Byzatine
C. Jerusalem
D. Egypt
10. Kung Roma ang nagging sentro ng kristiyanismo sa kanlurang Europa, ano
naman ang sentro ng kristiyanismo sa silangan?
A. Roma
B. Jerusalem
C. Egypt
D. Byzatine.
5
ARALIN 1 ANG SIMULA NG PAGPLAGANAP NG KRISTYANISMO
Karamihan sa mga Pilipino ay kristiyano. Sa totoo lang ang Pilipinas ang nag-
iisang bansa sa Asya na maituturing na kristyanismong bansa. Ikaw ba ay nabibilang sa
mga kristiyano ditto sa ating bansa? Kung ganoon, may kaalaman ka sa simula at
paglaganap ng kristyanismo
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Matutukoy ang pinagmulan ng kristyanismo;
2. Maisasalaysay ang buhay ni Jesus; at
3. Maipaliliwanag ang pagpapalaganap ng kristyanismo.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ang Pasko at Semana Santa o Mahal na Araw ay dalawang pagdiriwang na
napakahalaga sa mga kristyano. Gawin ang sumusunod:
1. Magbigay ng pakahulugan mo sa:
a. Pasko - ____________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
6
b. Semana Santa - _____________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Magtala ng tatlong bagay na ginagawa ng kristyano sa mga pagdiriwang na ito.
Pasko 1. __________________________ 2. __________________________ 3. __________________________ 4. __________________________ 5. __________________________
Semana Santa 1. __________________________ 2. __________________________ 3. __________________________ 4. __________________________ 5. __________________________
Ang Simula at Paglalakbay ng Kristyanismo Ang Simbahang Katoliko bilang institusyong panrelihiyon ay nagging matatag sa
mga huling taon ng kasikatan ng Emperyong Roma.
Ang pagsimula ng relihiyong ito ay sa Palestine na ngayon ay kilala bilang bansang
Israel. Napalaganap ito sa Emperyong Roma at sa panahon ni Emperador Constantine
(313 AD) ito ay kinilalang relihiyon ng buong emperyo.
Nang bumagsak ang Emperyong Roma sa kanluran (5th century AD) ang
simbahan ang nagsilbing institusyon sa pagbangon at pagtuloy ng sibilisasyon.
7
Ang Pinagmulan ng Kristyanismo
Ang kristyanismo ay sumibol bilang isang sekta sa mga Hudyo. Ang mga disipulo
o mga tagasunod ni Jesus ay naniwala na Siya ang hinhintay nilang Tagapagligtas o
Mesiah. Si Jesus mismo ay isang Hudyo kaya ang mga turo ni Jesus ay ayon din sa
mga itinuturo ng mga Hudaismo katulad ng sumusunod: ang paniniwala sa iisang
makapangyarihang Diyos; ang paniniwala sa “Creation” kung saan ang kinikilalang
unang tao ay si Adan at Eba; ang pagsunod sa sampung utos ng Diyos; at ang
paniniwala sa pagdating ng Tagapagligats o Messiah. Ang banal na aklat ng mga
Hudyo ay siyang itinuturing na “Old Testament” ng mga kristiyano. Sa aklat natio ay
mababasa ang kasaysayan ni Abraham, ang itinuturing na “Ama ng mga Hudyo”. Ang
kaganapan tungkol sa pagsibol ng Huaismo ay nagsimula kay Abraham na mula sa
semitikong Tribo sa Mesopotamia.
Naparami ang tribon ni Abraham sa panahon ng apo niya na si Jacob, ngunit
nakaranas sila ng tagutom sa Palestine at napilitan silang pumunta sa Eghipto kung sa
haba ng panahon nila doon ay naparami sila at ginawang alipin ng Paraoh hanggang
natalaga si Moses ng kinikilala nilang diyos na si Jehovah o Yahweh na ibalik silang
mga Hudyo sa Palestina.
Kay Moises ibinigay ng Diyos ang Sampung Utos. Sa pagbalik ng mga Hudyo sa
Palestine pinangalanan nila ang lugar na Israel.
Ang mga Hudyo ay ilang beses napalaban sa sari-saring mananakop, tulad ng
Persia at Babylonia subalit nanatili silang matatag bilang mga Hudyo na may sariling
kultura kahit sila ay nasakop o napadpad sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Sa gabay ng
kanilang Propeta, sila ay naniwala na sila ay dindaan sa pagsubok ni Yahweh. Ang mga
karanasang ito ang napatibay sa kanila ng paniniwala na iisa lamang ang
makapangyarihang Diyos. Dito nagsimula ang monoteyismo na siyang nagging pamana
ng lahing Hudyo sa sanlibutan.
Ang Buhay at Turo ni Jesus
Si Jesus ay ipinanganak na Hudyo dahil sa ang kanyang ina na si Maria at ang
kinikilalang ama na si Jose ay kapwa Hudyo. Si Maria ay pinagpala ng Diyos na siyang
8
nagsilang sa Tagapagligtas. Namulat si Jesus at lumaki sa turong Hudyo. Dahil sa Siya
ang pinaniwalaang Tagapagligtas, nangaral siya kung papaano mailigtas ng tao ang
sarili.
Ang turo ni Jesus ay napapaloob sa apat na “gospel” nina Mateo, Marcos, Lucas
at Juan. Itong mga turo ay napaploob sa “New Testament”.
Sa paliwanag ni Jesus, dalawa lamang ang utos ng Diyos: mahalian ang Diyos
higit sa lahat at mahalin ang kapwa tulad sa sarili.
Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay binigyang diin ni Jesus sa kanyang
“Sermon on the Mount”. Dahil sa maraming naakit sa turo ni Jesus, siya ay
pinagbintangan ng mga Hudyo na impostor na nagpapanggap na anak ng Diyos na
siyang Tagapagligtas. Dahil dito, siya ay ipinagkanulo nila hanggang siya ay
maparusahan ng pagpako sa Krus. Namatay siya sa Krus, inilibing ngunit pagkatapos
ng tatlong araw siya ay nabuhay muli.
Ang pagsilang ni Jesus ay siya nating pinagdiriwang na Pasko at ang kanyang
paghihirap at pagkapako sa Krus kung saan siya ay namatay ay ginugunita natin sa
Mahal na Araw o Seman santa.
Ang Paglaganap ng Kristiyanismo
Sa pagkabuhay (Resurrection) ni Jesus muli Siyang nakasama ng kanyang mga
apostoles o tagasunod at dito niya ipinaliwanag ang maging gawain nila kung Siya ay
babalik na sa Ama. Nag Siya ay umakyat sa langit (Ascension) ipinangako niya sa
kanyang mga Apostoles na sila ay gagabayan ng Espiritu Santo.
Ang gamit ng salitang Kristiyano ay nagsimula sa Antioch (Syria) at tumutukoy sa
mga disipulo ni Jesus. Ang mga unang Kristiyano sa Antioch ay mga Gentiles (mga
lahing hindi Hudyo). Sa pamamagitan ni Barnabas si Paul ay nagging masugid na
disipulo ni Jesus at siyang naghikayat sa mga Gentiles na maging Kristiyano. Si
Barnabas at Paul ang nagpalaganap ng Kristiyanismo bilang isang pandaigdigang
relihiyon mula sa pagiging sekta lamang ng Hudyo.
9
Mabilis ang paglaganap ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng mga misyonero na
naglakbay sa bawat bansa sa Mediterranean. Laong nagging matibay ito sa panahon ni
Emperor Constantine ng gawin niyang relihiyon ng Estadong Roma ang Kristiyanismo.
Ang Roma ang nagging sentro ng Kristiyanismo sa kanluran at malakas din ito sa
Byzantine. Lumaganap ito sa Britanya at Irelang sa pamamagitan ni San Agustine.
Malaking tulong din ang ginawa ng mga monghe lalo na sina San Basiliuo at San
Benedicto kung saan ang mga moansteryo ang nagsilbing sentro ng panalangin,
edukasyon, sining at “enlightenment”
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Alam mo ba ang kwento ni Jesus sa Gospel tungkol sa “Mabuting
Samaritano”? Sa isang pirasong papel, ibigay ang buod ng kwento at isulat ang turo na
binigyan ng diin ni Jesus dito.
Tandaan Mo! Ang Kristiyanismo ay nag-ugat sa Hudaismo. Si Jesus ang
pinadalang Tagapagligtas o Messiah ng Diyos Ama ngunit hindi Siya
tinanggap ng mga Hudyo. Siya ay pinako sa Krus ngunit nabuhay muli
at ang kanyang turo ay pinalaganap ng kanyang mga apostoles, disipulo at
tagasunod.
10
ARALIN 2 ANG KAPAPAHAN
Kilala mo ba si Papa Juan Pablo XXIII? Bakit bukam-bibig ang pangalan niya
sa buong daigdig? Anong gulang ka ng huling pumunta siya ditto at paano siya
tinanggap ng mga tao?
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Matutukoy ang pinagmulan ng kapapahan;
2. Maipapaliwanag ang mga salik sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa; at
3. Mauunawaan ang tungkuling ginagampanan ng mga namumuno ng simbahan.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! A. Sa organisasyon sa simbahan, paano ang pagbabanghay mo sa mga
sumusunod na opisyales?
a. Pari
b. Arsobispo
c. Papa
d. Obispo
B. Punuan ang mga pangalan ng mga opisyales sa iyong probinsya o syudad.
a. Pari - _________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
b. Arsobispo - ____________________________________________________
______________________________________________________________
11
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
c. Papa - ________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
d. Obispo - ______________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Ang Kapapahan
Ang kapapahan (Papa) ay tumutukoy sa tungkulin, panahon, ng panunungkulan at
kapangyarihang pangrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, gayun
din ang kapangyarihang pampulitika bilang pinuno ng estado ng Vatican.
Ang salitang “Pope” ay ngangangahulugang AMA na nagmula sa salitang Latin
na “Papa”. Noong unang panahon itinuturing ng mga kristyano ang “Papa” bilang ama
ng mga kristyano, na siya pa ring tawag sa kanya sa kasalukuyang panahon.
San Pedro: Unang Obispo ng Roma at Unang Papa
Bago umakyat sa langit si Jesus tatlumpong araw mula sa kanyang pagkbuhay
(Resurrection) inihabilin niya kay Apostol Simeon ang pagtatag ng simbahan ng sabihin
niya “Ikaw si Pedro at sa batong ito Ako magtatatag ng simbahan”. Ang salitang Pedro
ay hango sa salitang Latin na “Petrus” na ang ibig sabihin ay bato. Si Simeon ay
nagging si Pedro at sa kanya naatang ang pagtatatag ng Simbahan ni Jesus.
12
Si Pedro ay napunta sa Roma kung saan pinalaganap niya ang Kristyanismo at
nagging unang Obispo ng Roma. Naranasan niya at ng iba pang nagging Kristyano ang
pagmamalupit ng pamahalaang Romano hanggang siya ay mabitay. Magmula noong
unang daang taon, ang mga sumunod na Obispo ng Roma ay itinuring na pinuno ng
Simbahang Kristyano. Ang pagbibigay halaga sa kapangyarihan ng Obispo ng Roma ay
kilala lahat ng miyembro ng Simbahang Kristyano. Bilang pinuno ng Simbahang
Kristyano siya ay tinawag na Papa.
Mga Salik sa Paglakas ng Kapangyarihan ng Papa
Ang unang salik sa pagkilala sa lakas ng kapangyarihan ng Papa ay sa panahon
ng pagbagsak ng Emperyong Roma. Mga barbaro mula sa Germany ang lumusob sa
Roma at sinira nila ang naitayong sibilisasyong Roma. Ang pagkasira ng sibilisasyong
ito ay itinuring na “madilim na Panahon” (Dark Age). Sa “kadilimang” ito bumangon ang
Simbahang Kristyano at nahikayat ang mga barbaro na tanggapin ang relihiyong ito.
Ang Simbahan ang nangalaga sa material na pangangailangan ng tao.
Pangalawang salik ay ang matatag at mabisang organisasyon ng Simbahan. Ang
Papa ang kataastaasang pinuno ng Simbahang Krisyano. Sumunod sa kanya ang
arsobispo na may kapangyarihang panrelihiyon sa mga Obispo. Sumunod nito ay ang
Obispo na namumuno sa bawa’t Diyosesis. Ang Diyosesis ay binubuo ng mga bayan at
ang mga bayan ay pinamumunuan ng mga pari na kilala sa taguring “Kura Paroko”.
Ang matatag na organisasyon ng Simbahan ay nakapagpatibay ng impluwensiya
ng Simbahan sa mga tao at pinuno.
Ang ikatlong salik ay ang paglilingkod ng mga monghe. Ang mga monghe ay
madaling nakahikayat ng mga barbaro sa Kristyanismo. Sila rin ang nagliwanag ng
kaisipan ng taol sa pamamagitan ng pagtatag ng paaralan. Sila ay nagtayo nga mga
ospital at tinulungan ang mga may sakit. Pinaunlad din nila ang sakahan. Sa ginawa
nilang ito, pinahanga nila ang mga tao at naakit sila sa Kristyanismo.
Pang-apat na salik ay ang magandang uri ng pamumuno ng simbahan.
Maraming Papa ang nagpakita ng kagalingan at katatagan ng paninindigan bilang
13
pinuno. Si Papa Leo the Great ang nagbigay diin sa Petrini Doctrini na ang Obispo ng
Roma ang tunay na pinuno ng Kristyanismo; Si Papa Gregory I ang nakahikayat sa
mga tribong barbaro na sumampalataya kay Jesukristo at siya rin ang nagpalaganap ng
Kristyanismo sa malalayong lugar ng kanlurang Europa; Si Papa Gregory VII ang
nagbawi sa mga hari ng karapatang magkaloob ng kapangyarihan sa mga tauhan ng
simbahan; at si Papa Innocent III ang nagpuwersa kay Haring John ng England na
maging sakop ng England.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Gumawa ng maikling talambuhay ni Papa John Paul XXIII, ang kasalukuyang
Papa. Batay sa iyong nabasa tungkol sa kanya, ano ang katangian niya na
hinahangaan mo? Isulat ito sa huling bahagi ng isinulat mong talambuhay.
Tandaan Mo!
Ang Papa ang pinuno ng Simbahang Katoliko. Ang unang kinilalang
pinuno ay ang unang Obispo sa Roma na si Peter. Ang Obispo ng
Roma ang siyang kinilalang pinuno rin ng Simbahang Katoliko at siya
ay tinawag na Papa na ang kahulugan ay ama ng mga Kristyano. Ang Papa
ay napakamakapangyarihan noong gitnang panahon.
14
ARALIN 3 ANG KRUSADA
Napanood mo ba ang pelikulang Robin Hood, Ivanhoe o Richard the Lion
Heart? Ito ay mga pelikula na nagsasalarawan ng buhay ng mga magigiting na
krusador. Bukod tangi ang pelikulang Richard the Lion Heart dahil si Richard ay hari
ng England na nanguna sa ikatlong Krusada para mabawi ang Banal na Lupa sa
mga Turkong Muslim. Sana itong mga uri ng pelikula ang makahiligan mo dahil sa
liban sa punong-puno ng aksyon, ito ay batay pa sa tunay na pangyayari sa buhay
ng mga Kristyano na may pagmamalasakit sa simbahan at relihiyon.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Malalaman ang layunin ng mga krusadang nailunsad;
2. Matatalakay ang resulta ng bawat nailunsad na krusada; at
3. Matutukoy ang mabuti at hindi mabuting naidulot ng krusada.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Iguhit ang apat na gamit na maaaring mapagkilanlan na ang mandirigma
noong panahong medyibal ay isang krusador.
15
Ang krusada ay isang ekspedisyong military na inilunsad ng Kristyanong
Europeo dahil sa panawagan ni Papa Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na
labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong Muslim na sumakop banal
na pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem balak salakayin ng mga Turkong Muslim na ito
ang Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Byzantine sa
Papa sa Roma lalo pa at sa pagsalakay na ito ay mapapalaganap ang relihiyong Islam.
Sa panawagan ni Papa Urban, hinimok niya ang mga kabalyero (knights) na maging
krusador at pinangakuan niya ang mga ito na papatawarin sila sa kanilang mga
kasalanan; kalayaan sa mga pagkautang; at kalayaang pumili ng “fref” mula sa lupa na
kanilang masakop.
16
Unang Krusada
Ang unang krusada ay binuo ng mga 3000 na kabalyero at 12000 na mandirigma
sa pamumuno ng Prinsipe at mga Frances na nabibilang sa “nobility”. Matagumapy na
nabawi ng grupong ito ang Jerusalem noong 1099 at nagtatag sila ng Estadong
Krusador malapit sa Mediterranean. Sa pagsalakay nila sa Jerusalem, maraming
Muslim ang napatay, pati na ang mga Hudyo at Kristyano. Nanatili sila ng mga
limampung taon sa Jerusalem ngunit sinalakay din sila ng mga Muslim.
Ikalawang Krusada
Sa paghihikayat ni St Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya nina Haring Luis VII
ng Pransya at Emperor Conrad III ng Germany. Maraming balakid na naranasan ang
grupong ito sa pagpunta sa Silangan at ang pinakatagumpay nila ay ang pagsakop ng
Damascus.
Ikatlong Krusada: Krusada ng mga Hari
Ito na marahil ang pinaka mahalagang Krusada dahil; tatlong Hari ng Europa ang
nanguna ditto: Frederick Barbossa ng Germany; Richard I ng England and Philip
Augustus ng France. Hindi pa man sila nakalayo sa pinanggalingang Europa ay
nalunod nsi Ferdirick at si Philip naman ay bumalik sa France dahil nag-away sila ni
Richard. Nagpatuloy si Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni Saladin, ang
pinuno ng mga Turko. Sa kahulihulihan nagkasundo silang tumigil ng labanan sa loob
ng tatlong taon ang mga Kristiyano ay malayang nakapaglakbay sa Jerusalem.
Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit sa baybayin.
17
Krusada ng mga Bata
Noong 1212 isang labing dalawang taong Frances na ang pangalan ay Stephen
ay naniwala na siya ay tinawag ni Kristo na mamuno ng krusada. Libong mga bata ang
sumunod sa kanya ngunit karamihan sa kanila ay nagkasakit, nasawi sa karagatan at
ang iba ay ipinagbili bilang alipin sa Alexandria.
Ikaapat na Krusada Ang ikaapat na krusada na inulunsad noong 1202 ay nagging isang iskandalo.
Ang mga krusador ay ibinuyo ng mga mangangalakal ng Venetra na Kristyanong bayan
ng Zara. Nagalit ang Papa sa ginawa nilang ito kya sila ay dineklarang “excomunicado”.
Nagpatuloy sa pagdarambong ang mga krusador hanggang sa Constantinople kung
saan nagtayo sila ng sariling pamahalaan. Noong 1261 sila ay napatalsik sa
Contantinople at naibalik ang imperyong Byzantine. Ang huling kuta ng mga Kristiyano
sa Arce ay napasakamay ng mga Muslim at ito ay naging simula ng paghina ng
krusada.
Iba pang Krusada Nakaroon ng ibang krusada noong 1219, 1228, 1224 ngunit lahat ng mga ito ay
nagging bigo sa pagbawi muli sa Holy Land.
Sa kabuuhan, ang mga krusada ay pawang bigo, maliban sa una na nahawakan
nila ang Jerusalem sa loob ng isang daang taon at pagkatapos nito ay nanumbalik na
naman sa kamay ng mga Turkong Muslim ang lupain.
18
Resulta ng Krusada Kung mayroon mang magandang naidulot ang krusada, ito ay sa larangan ng
kalakalan. Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga
lungsod at malalaking daungan. Ang kulturang Kristyano ay napayaman din.
Sa kabilang panig, ang krusada ay naglantad ng tunay na mga layunin ng mga
sumama sa gawaing ito. Hindi pagmamalasakit sa simbahan ang nagging dahilan sa
pagsama sa banal na laban na ito kundi ang pagkakataong makapaglakbay at
mangalakal.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Gumawa ng “retrieval chart” kung saan itatala mo ang mga sumusunod.
3 Importanteng Krusada
Pinuno
Katangian
Bunga
19
Tandaan Mo!
Ang krusada ay ekspedisyong militar na ginawa ng mga Kristyano
para makuha muli ang banal na lupain. Maraming krusada ang
nailunsad ngunit lahat ay bigo, ganon pa man may kabuthan ding
naidulot ito dahil napaunlad ang kulturang Kristyanosmo.
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO
Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang
mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan?
Ang Kristiyanismo ay nag-ugat sa Hudaismo. Si Jesus ang pinadalang
Tagapagligtas o Messiah ng Diyos Ama ngunit hindi Siya tinanggap ng mga
Hudyo. Siya ay pinako sa Krus ngunit nabuhay muli at ang kanyang turo ay
pinalaganap ng kanyang mga apostoles, disipulo at tagasunod.
Ang Papa ang pinuno ng Simbahang Katoliko. Ang unang kinilalang pinuno ay
ang unang Obispo sa Roma na si Peter. Ang Obispo ng Roma ang siyang
kinilalang pinuno rin ng Simbahang Katoliko at siya ay tinawag na Papa na ang
kahulugan ay ama ng mga Kristyano. Ang Papa ay napakamakapangyarihan
noong gitnang panahon.
Ang krusada ay ekspedisyong militar na ginawa ng mga Kristyano para makuha
muli ang banal na lupain. Maraming krusada ang nailunsad ngunit lahat ay bigo,
ganon pa man may kabuthan ding naidulot ito dahil napaunlad ang kulturang
Kristyanosmo.
20
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang pinakamataas na pangkat bsa lupunan noong panahong midyibal?
a. burgis
b. maharlika
c. clerego
d. mangangalakal
2. Sino sa mga sumusunod ang pinuno ng Turkong Muslim nanasagupa ni Haring
Richard I ng England?
a. Philip
b. Mohammad
c. Saladin
d. Abu Bakr
3. Sentro ng Simbahang Greek Orthodox sa Silangan na bahagi ng Imperyong
Romano.
a. Jerusalem
b. Damascus
c. Constantinople
d. Antioch
4. Si Charlemagne na nagging Emperador ng Banal na Imperyo Romana ay mula
sa:
a. Germany
b. Italy
c. France
d. Constantinople
5. Ang Krusada noong panahong midyibal ay:
a. Kilusan ng mangangalakal
b. Banal na digmaan
c. Kampanya sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo
d. Torneo na iidinadaos pagpista sa kaharian
6. Ang sagisag ng Krusada ay
a. espada
b. krus
c. medaly
d. kabayo
21
7. Alin sa mga sumusunod ang may malaking ginampanang papel sa paglakas ng
Simbahang katoliko dahil nahikayat nila ang mga barbaro na maging Kristiyano?
a. panginoong Piyudal
b. kabalyero
c. monghe
d. Obispo
8. Sino ang kinikilalang Tagapagligtas o Messiah ng mga Kristiyano?
a. St.Peter
b. Jesukristo
c. St. Paul
d. Moses
9. Sino ang itinuturing na “ Ama ng mga Hudyo”?
a. Moses
b. Jacob
c. Abraham
d. Jesus
10. Sino sa mga sumusunod ang binigyan ng Sampung Utos ng Diyos?
a. Moses
b. Jacob
c. Abraham
d. Jesus
22
GABAY SA PAGWAWASTO:
PANIMULANG PAGSUSULIT 1. B
2. C
3. C
4. B
5. B
6. A
7. C
8. B
9. C
10. D
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT 1. B
2. C
3. C
4. C
5. B
6. B
7. C
8. B
9. C
10. A
ARALING PANLIPUNAN III
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 9
SISTEMANG PIYUDAL SA GITNANG PANAHON SA EUROPA
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
MODYUL 9 SISTEMANG PIYUDAL SA GITNANG PANAHON SA EUROPA
Ang modyul na ito ay magdadala sa iyo sa Gitnang Panahon sa
Kanlurang Europa kung kailan ang sistemang piyudal ang umiral. Kaakibat nito
ang sistemang pampulitika, panlipunan, at pang-ekonomiya noong mga
panahong iyon.
Ang sistemang pampulitika ay makikita sa desentralisadong pamamahala.
Ang sistemang pang-ekonomiya ay naisasalarawan ng sistemang manoryal na
siyang sentro ng mga gawaing pangkabuhayan. Ang sistemang panlipunan
naman ay makikita sa pagkakapangkat-pangkat ng lipunan sa tatlo: 1) uring
maharlika; 2) mga klerigo; 3) at mga pesante.
Ang Simbahang Katoliko ang naging tagapagbuklod ng mga estadong
Kristiyano. Ang Simbahan at ang pagsunod sa mga doktrina nito ay naging
malaking bahagi ng araw-araw na gawain ng tao.
May tatlong araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Ang Pag-usbong ng Piyudalismo
Aralin 2: Ang Sistemang Manoryal
Aralin 3: Ang Pagsimula at Paglaganap ng mga Bayan at Lungsod
Pagkatapos ng mga gawain sa modyul, ikaw ay inaasahang:
1. Makapagtatalakay ng mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong at
paglaganap ng piyudalismo sa Gitnang Panahon sa Europa;
2. Makapaglalarawan ng ugnayan ng mga hari, basalyo, kabalyero, at
magbubukid sa sistemang piyudal;
3. Makapagpapaliwanag ng mga salik ng sistemang manoryal;
4. Makatutukoy ng ginampanang papel ng Simbahan sa sistemang piyudal;
at
5. Makapagbibigay ng kuro-kuro hinggil sa impluwensya ng sistemang
piyudal sa kasalukuyang panahon.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda
para sa iyo.
PANIMULANG PAGSUSULIT: Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagsasalarawan ng mga Burgis? a. Sila ay nabibilang sa maharlika. b. Sia ay mayamang mangangalakal. c. Sila ay panginoon ng magbubukid. d. Sila ay pinuno ng guild.
2. Ang basalyo ay yaong tao na: a. nagbigay ng lupa. b. nabigyan ng lupa. c. nagtatrabaho sa lupa. d. nangungolekta ng buwis.
3. Ang tawag sa artisano na nagpapakadalubhasa sa kanyang gawain sa pamamagitan ng pagsasanay sa gabay ng master ay
a. journeyman b. burgis
c. apprentice d. bailiff
4. Sa sistemang piyudal, ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao ay ang:
a. kastila. b. palasyo.
c. manor. d. simbahan.
5. Mahalaga ang papel ng mga kabalyero sa sistemang piyudal dahil sa sila
ang gumaganap ng gawaing a. panlipunan. b. pang-ekonomiya.
c. panrelihiyon. d. pangmilitar.
6. Ang bansa kung saan maraming lungsod ang umunlad dahil sa kalakal ay
a. Ingglatera b. Pransiya
c. Italya d. Alemanya
7. Ang unang paggamit ng pera o salapi sa kalakalan ay naganap sa
a. manor b. perya
c. banko d. pistahan
8. Ang pag-iral ng sistemang piyudal sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa
a. pagbasak ng Emperyong Roma. b. paghina ng Banal na Emperyong Roma. c. pagsalakay ng mga Asyano. d. paglakas ng Simbahang Kristiyano.
9. Ang pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng mga lunsod ng Italya at
Gitnang Asya ay nag-ugat saa. Piyudalismo. b. Krusada.
c. Sistemang Guild. d. Kristiyanismo.
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi salik sa pag-unlad ng mga kabayanan?
a. Bagong teknolohiya sa pagtatanim b. Paglakas ng kalakalan c. Bagong pamamaraan sa pagtatanim d. Pagtatayo ng “guild”
5
ARALIN 1 ANG PAG-USBONG NG PIYUDALISMO
Ang paghina ng pamamahala ng tagapagmana ni Charlemagne ang
nagpasimula ng sistema kung saan ang local na pamamahala ay lumakas. Dito mag-
uugat ang piyudalismo.
Matapos ang araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Matutukoy ang pag-usbong ng piyudalismo sa Kanlurang Europa;
2. Maipaliliwanag ang katangian ng institusyong ito;
3. Mailalarawan ang panlipunan at pampulitikal na katangian nito; at
4. Matutukoy ang papel ng kabalyero sa sistemang piyudal.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Bilang Pilipino, napag-aralan mo sa Kasaysayan ng Pilipinas ang tungkol sa
Sistemang Encomienda noong panahon ng Kastila. Magbigay ng dalawang
katungkulan ng Encomienda at dalawa ring katungkulan ng nasasakop na Indio. Isulat
sa isang pirasong papel at itabi hanggang matapos mong basahin ang aralin na ito.
6
Ang Pagtatag ng Piyudalismo Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng Banal na
Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdum. Mahihinang tagapamahala
ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang mga opisyal ng pamahalaan at mga
may-ari ng lupain ay humiwalay sa pamumuno ng hari. Naibangon muli ang mga local
na pamahalaan na ngayon ay pinatatakbo ng mga maharlikha katulad ng mga konde at
duke.
Sa sitwasyong ito pumasok ang mga barbarong Viking, Magyar, at Muslim.
Sinalakay nila ang iba’t ibang panig ng Europa lalo na sa bandang Pransya. Ang mga
Viking na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain sa bandang Pransya
kapalit ng pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang lupaing napasakanila ay kilala ngayon
sa tawag na Normandy.
Ang madalas na pagsalakay na ito ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga
mamamayan ng Europa. Dahil dito, hinangad ng lahat ang pagkakaroon ng proteksyon
kaya naitatag ang sistemang piyudalismo.
Ang Institusyong Piyudalismo Ang salitang Piyudalismo (Feudalism) ay hango sa salitang “feodus” or “fief”, ang
salitang tumutukoy sa lupa na ibinigay sa unang basalyo (vassal). Ang may-ari ng lupa
(Panginoon) ay nangakong bibigyan ng protesyon ang basalya at ipagtatanggol ang
kanilang karangalan. Ang basalyo naman ay nangako ring magiging matapat sa
panginoong piyudal at magbibigay ng suporta sa oras ng pangangailangan katulad ng
pakikipaglaban sa digmaang kinasasangkutan ng panginoon at paminsan-minsang
pagbibigay ng tirahan, aliw, at pagkain sa panginoong piyudal.
Sa sistemang umiiral sa Europa, ang salitang basalyo at panginoon ay
nagkakaugnay. Ang isang basalyo ay maaari ding tawaging panginoon kung siya ay
magbibigay ng bahagi ng kanyang lupa sa isang tao na ngayon ay tatawagin niyang
basalyo.
7
Ang Piyudalismo Bilang Pamahalaan Sa sistemang piyudal, ang basalyo ay may layang pamahalaan ang lupang
nasasakupan. Siya na ang nag-aayos ng usaping legal at namamahala sa sandatahang
lakas, supply ng pagkain, at paniningil ng buwis.
Sistemang Panlipunan
Sa sistemang piyudal, ang lipunan ay nakalathala sa tatlo:
1. maharlika - kinabibilangan ng hari, basalyo, at iba pang panginoon
2. pari o clerigo - ang tanging pangkat na nakapag-aral ng iba’t ibang
asignatura, bukod pa sa pakikipagdigma. Ang mga Obispo at iba pang
matataas na ranggong Clerigo ay namumuhay na parang mayayaman
samantalang ang pari sa nayon ay mula sa mababang uri at hindi gaanong
nakapag-aral.
Ang Kabalyero sa Sistemang Piyudal Ang lalaki na mula sa mababang antas ng lipunan ay halos hindi nabibigyan ng
pagkakataong maging kabalyero. Para makatiyak na ang mga magiging kabalyero ay
manggagaling sa angkang maharlikha, ang pagsasanay sa pagkakabalyero ay
mahigpit.
Ang kabalyero ay mula sa salitang Pranses na “Chevalier” na ang ibig sabihin ay
mangangabayo. Ang nagnanais na maging kabalyero ay dumadaan sa pagsasanay
ayon sa Codigo ng pagiging Kabalyero. Ang pagsasanay ay nagsisimula sa mga gulang
na pitong taon kung saan siya ay nagsisilbi sa Corte ng kastilyo o palasyo bilang “valet”
(little vassal) o damoireau (little lord) habang natututo ng kagandahang asal at
pagsasanay sa pakikidigma. Sa pagbibinata, siya ay magiging “assistant” o “squire” ng
kabalyero. Maaari na siyang sumama sa digmaan at kung mapatunayan ang kanyang
kasanayan sa kagandahang asal at pakikidigma, siya ay gagawin nang kabalyero sa
8
pamamagitan ng isang seremonya kung saan siya ay bibigyan na ng damit at gamit
pandigma.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Kunin mo ang iyong ginawa sa Gawain 1 at ngayon ay magtala ng
dalawang katungkulan na ginagampanan ng panginoong piyudal at dalawa ring
katungkulan ng basalyo.
Ihambing mo ang dalawang gawain na ginawa mo at magbigay ng
pagkakahawig at pagkakaiba ng mga nasabing tungkulin. Sundan ang “format” na ito:
Katungkulan Paghahambing
Panahon ng
Kastila
Panahong
Piyudal
Pagkakahawig Pagkakaiba
A. Encomendero A. Panginoong Piyudal
1.
1. 1. 1.
2.
2. 2. 2.
B. Indio (Tenant) B. Basalyo
1.
1. 1. 1.
2.
2. 2. 2.
9
Tandaan Mo!
Ang piyudalismo ay isang sistema kung saan mahigpit ang
kasunduan ng panginoong piyudal at basalyo. Bawat isa ay may
katungkulan na dapat tuparin.
ARALIN 2 SISTEMANG MANORYAL
Ang sistemang manoryal ay nakasalalay sa pagsasaka. Dito kinukuha ang
panggastos para sa pagpapatakbo ng pamahalaang piyudal. Ang manor ay sentro ng
lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito.
Ikaw ba ay nakapunta na sa isang hacienda dito? Kung nakapunta ka na, may
pagkakahawig ang kaanyuan ng dalawa.
Pagkatapos mong basahin ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Maisasalarawan ang manor;
2. Maipaliliwanag ang sistemang umiiral dito; at
3. Mapahahalagahan ang papel ng babae sa manor.
10
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Tingnan mo ang larawan sa ibaba. Ito ay larawan ng manor. Ano ang
masasabi mo sa kaayusan ng manor?
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
11
Sistemang Manoryal Ang sistemang manoryal ang sistemang pang-ekonomiya noong Gitnang
Panahon. Sa manor nanggagaling ang halos lahat ng produkto at serbisyong kailangan
ng mga tao.
Pagasasaka: Batayan ng Sistemang Manor Ang sistemang manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na
nakatira dito. Ang isang fief ay maaaring binuo ng maraming manor na nakahiwalay sa
isa’t isa. Ito ay maaaring maihalintulad sa isang pamayanan (village) kung saan ang
mga naninirahan dito ay umaasa ng kanilang ikabubuhay sa pagsasaka sa manor. Sa
kabilang dako ang kanilang panginoon ay dito rin umaasa sa kita ng pagsasaka sa
manor na kanyang magiging kayamanan.
Ang kastilyo ng panginoong piyudal ang pinakapusod ng isang manor. Maari ring
ang bahay sa manor ay isang malaking nababakurang gusali o kaya ay palasyo. Ang
lupain sa loob ng manor ay nahahati ayon sa paggagamitan nito. Kumpleto sa mga
kakailanganin ng magsasaka ang mga gamit sa manor. Para sa mga naninirahan doon,
ang mga pangangailangan nila ay napapaloob na sa manor. Nandiyan ang kamalig,
kiskisan, panaderya, at kuwadra ng panginoon. Mayroon ding simbahan, pandayan, at
pastulan. Kung maibigan ng panginoon, ang mga kaparangan at kagubatan ay kanyang
hinahati ngunit nag-iiwan siya ng pastulan na maaaring gamitin ng lahat.
Ang Pamamahala sa Manor
Ang Panginoong Piyudal ay karaniwang abala sa pakikidigma. Sa ganitong
pagkakataon ang pamamahala sa manor ay ipinagkakatiwala sa mga piling opisyales.
Halimbawa sa England ang mga pinagkakatiwalaan ay tinatawag na steward, bailiff, at
reeve. Ang steward ang may pinakamataas na ranggo. Siya ang legal na
12
tagapamahala sa korte ng manor. Binibisita niya ang iba’t ibang manor para matingnan
ang sitwasyon dito.
Ang bailiff naman ang nangangasiwa sa mga gawain ng magbubukid at sa
pagsasaka. Siya ang namamahala sa pagkukuwenta ng salapi at sa paniningil ng upa,
multa, at iba pang bayarin.
Ang reeve ay tumutulong sa bailiff. Maraming reeve ang kailangan kapag ang
manor ay malaki. Sila ang namamahala sa pagpaparami ng dayami at sa pagtatago
nito. Sila rin ang nag-aalaga ng kawan ng hayop at sa nag-aani ng mga pananim. Siya
rin ang nagpapaabot sa panginoong piyudal ng reklamo ng mga magbubukid tungkol sa
mga opisyales. Sa panig naman ng mga pesante, sila ay obligadong magtrabaho ng
dalawa hanggang tatlong araw sa bawat linggo sa lupa ng panginoong piyudal. Bahagi
ng kanilang ani ay kinukuha bilang buwis. Kung sila naman ay gumagawa ng tinapay o
alak, halos lahat ng ito ay ibibigay din sa panginoon.
Ang mga itinuturing na serf ay hindi malayang makaalis sa manor. Sila ay
itinuturing na pag-aari ng panginoon. Hindi rin sila makapangaso sa gubat o
makapangisda sa batis.
Dahil sa walang pinag-aralan at itinuturing na tanga, ang mga magbubukid ay
nakakita ng kasiyahan sa mga paniniwala tungkol sa mangkukulam, mahika, at
halimaw. Kung minsan sila ay nagdaraos ng kasiyahan tulad ng piyesta, sayawan, at
paligsahan.
Katayuan ng mga babae sa Manor Ang mga babaeng nabibilang sa maharlikang angkan ay tinatawag na “ladies”.
Sila ay nagmamana ng lupain at maaaring humawak ng mahalagang posisyon. Kung
nasa digmaan ang Panginoong Piyudal, ang mga asawa nito ang namamahala ng
manor at nagtatanggol dito kapag nagkaroon ng mga pagsalakay. Kung sakaling ang
panginoon ay nabihag, ang asawa nito ang nagtitipon ng pantubos upang siya ay
mailigtas.
13
Ang mga babaeng magbubukid naman ay gumagawa ng lahat ng trabaho sa
bukid. Sila ang nagtatanim at nag-aani ng mga butil. Sila ang naggugupit ng balahibo
ng tupa at naggagatas sa baka. Gumagawa din sila ng atip na pangbubong mula sa
dayami.
Maagang nag-aasawa noon ang babae. Sa gulang na labing-apat, siya ay
maaari nang ipagkasundo. May mga pagkakataon na sanggol pa lang ang babae ay
maaari na rin siyang ipagkasundo. Ang babae ay pwede lamang makasal kung siya ay
mayroong dote na salapi, lupa, o produkto na kanyang dadalhin o babaunin sa
pagpapakasal.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Magbigay ng reaksiyon o komentaryo sa papel na ginagampanan ng
babae sa manor. Mayroon na bang pagpapahalaga sa babae noon?
Tandaan Mo!
Ang manor ay mahalagang bahagi ng fief. Dito nakasalalay ang
ikabubuhay ng lahat ng tao—mula maharlika hanggang serf.
14
ARALIN 3 ANG PAGSIMULA AT PAGLAGANAP NG MGA BAYAN AT LUNGSOD\
Panahon ng ika-sampu hanggang ikalabing-isang dantaon ng lumitaw ang mga
bagong bayan at lungsod sa Europa. Ang pinakamabilis na pag-unlad ay naganap
noong ikalabintatlong dantaon.
Ang lungsod ay lugar kung saan ang mga bagong uri ng tao ay yumaman at
naging makapangyarihan. Ito rin ang nagsilbing sentro ng edukasyon, panitikan, at
sining.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Maisasalarawan ang sitwasyon na naging salik sa pagsimula at paglaganap ng
lungsod;
2. Matutukoy ang mga lugar sa Europa na naapektuhan ng maunlad na kalakalan;
at
3. Maisasalarawan ang bagong uri ng tao.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Dito sa Metro Manila, maraming bayan ang naging siyudad. Dati-rati apat
lang ang siyudad dito: Manila, Quezon City, Caloocan, at Pasay City. Bakit sa huling
tatlong taon halos lahat ng bumubuo sa Metro Manila ay siyudad na? Magtala ka nga
ng 8 bayan sa Metro Manila na naging siyudad kamakailan lang. Ano kaya ang mga
katangian ng mga bayan na ito para gawing siyudad?
15
Bayan
Katangian
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
6. 6.
7. 7.
8. 8.
Kalakalan sa pagitan ng Lungsod ng Italya at ng Gitnang Silangan Ang krusada ay may malaking naidulot sa pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng
mga lungsod sa Italya at Gitnang Silangan. Nagkaroon ng palitan ng produkto. Ang mga
tao sa Kanlurang Europa, lalo na ang mga maharlika ay nagustuhan ang mga
pampalasa at telang seda mula sa Asya. Ang kalakal na mula sa mga lungsod ng
Venice, Genoa, at iba pang lungsod sa Italya ay dinadala rin patungong Inglatera at
hilagang Europa. Dahil sa pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya,
lumawak ang kalakalan.
16
Paglago ng mga Bayan Ang paglakas ng kalakalan ay naging malaking tulong sa paglago ng mga bayan.
Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura bunsod ng pagtuklas ng mga bagong
teknolohiya at mga bagong pamamaraan sa pagtatanim. Bunga nito, tumaas ang ani
kaya nagkaroon ng magandang uri ng pamumuhay ang mga tao. Nakatulong din nang
malaki ang pagsasaayos ng mga kalsada upang mapadali ang pagdala at pagbili ng
mga produktong agrikultural. Marami ang nanirahan sa mga lugar na malapit sa
pangunahing daan.
Paggamit ng salapi Sa unang mga taon ng Gitnang Panahon, ang sistema ng kalakalan ay palitan ng
produkto o barter. Dinadala ng mga magbubukid o kaya ng “serf” ang mga produktong
bukid o produktong gawa sa bahay sa mga lokal na pamilihan. Dito nagpapalitan ng
produkto ang mga tao. Ang local na pamilihan ay nagaganap lamang bawat linggo sa
mga malalawak na lugar malapit sa palasyo o simbahan.
Sa paglawak ng kalakalan kung saan maraming lugar na ang sumali, naisip ng
panginoong piyudal na magtatag ng taunang perya. Dito sa peryang ito nagkatagpo-
tagpo ang mga mangangalakal. Sa peryang ito kumikita ang panginoong piyudal dahil
siya ay naniningil ng buwis at multa dito.
Dito sa peryang ito nakita ang paggamit ng salapi ngunit iba-iba ang kanilang
salaping barya. Dahil dito, nagsulputan ang mga namamalit ng salapi (money changer),
na sa maliit na halaga ay namamalit ng iba’t ibang barya.
Sa pagpapalit ng salapi na ito nasabing nagsimula ang pagbabangko.
Natuklasan ng ilang mangangalakal na hindi delikado ang mag-iwan ng malalaking
halaga sa mga namamalit ng salapi. Ang salaping ito ay ipinauutang din nang may tubo.
Ang isang mangangalakal ay maari ring magdeposito ng salapi sa isang lungsod at
bibigyan siya ng resibo. Itong dineposito niya ay maaari niyang kolektahin sa ibang
lungsod. Sa ganitong paraan naging ligtas ang paglipat ng salapi.
17
Ang sistemang ito ng pagpapautang at pagbabangko ay nalinang sa hilagang
Italya. Ang paggamit ng pera ay nakatulong sa paglalapit ng mga tao buhat sa iba’t
ibang lugar.
Ang paglitaw ng Burgis Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya at paglawak ng mga bayan, isang
makapangyarihang uri ng tao ang lumitaw. Sila ay tinatawag na burgis (men of burg o
burgers o bourgeoisie). Ang interes ng grupong ito ay nasa kalakalan. Ang mataas na
uri ng bourgeoisie ay ang mga mauunlad na negosyante at mga bangkero. Ang
kanilang mga anak ay nag-aaral sa mga magagaling na unibersidad. Ang mga
bourgeoisie ay ang nagiging gitnang uri at mababa ang pagtingin sa kanila ng
panginoong piyudal dahil sa sila ay mga bagong yaman lamang.
Ang mga burgis ay patuloy na umiral at sila ang nagtaguyod ng sining at
nakalinang ng sariling uri ng pagkamaharlika. Mababa rin ang pagtingin nila sa mga
dalubhasang manggagawa kaya nagkaroon ng pag-uuri ng tao sa lipunan batay sa
yaman at hindi na sa angkan.
Ang Sistemang “Guild” Ang “guild” ay isang samahang institusyunal na ang pangunahing layunin ay
protektahan ang interes ng mga kasapi. Bawat “guild” ay may sinusunod na patakaran.
Nawata nila ang pagsali sa kalakalan nang hindi kasali sa “guild”.
Ang “guild” ng artisano ang nangangasiwa sa pagsasanay ng isang tao sa
pamamagitan ng sistemang “apprenticeship”. Bago tanghaling dalubhasa ang isang
artisano, siya ay dumadaan sa dalawang antas ng pagsasanay: 1) ang kandidato
(apprentice) ay kailangang tumira kasama ang isang dalubhasa o master sa gawaing
nais niyang pag-aralan. Siya ay bibigyan ng damit at tuturuan ng kagandahang asal.
Obligasyon ng apprentice ang sundin lahat ang utos ng master at kailangang manatiling
lihim ang mga sikreto sa sining at paggawa na natutuhan niya sa master. Ang antas na
18
ito ay 3 hanggang 12 taon; at 2) sa ikalawang antas siya ay magiging journeyman,
isang bihasang artisano na naglilingkod sa isang panibagong master at tumatanggap ng
araw-araw na sahod. Ang gawa ng isang artisano na pumasa sa pamantayan ng “guild”
ay itinuturing na “obra maestra”.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Sagutin ang mga sumusunod.
1. Ikaw ba ay nakaranas nang manirahan sa probinsiya o nayon? Kung napatira
ka na doon, ano ang mga magagandang katangian ng probinsiya?
a. ________________________________________________________
________________________________________________________
b. ________________________________________________________
________________________________________________________
c. ________________________________________________________
________________________________________________________
2. Kung ikaw naman ay hindi pa nakaranas manirahan sa probinsiya, ano ang
mga nalalaman mo o naririnig na katangian ng probinsiya?
a. ________________________________________________________
________________________________________________________
b. ________________________________________________________
________________________________________________________
c. ________________________________________________________
________________________________________________________
19
3. Kung ikaw ay papipiliin, saan mo gustong manatili? Bakit?
___________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Tandaan Mo!
Ang lungsod ay kilala sa umiiral na malakas na kalakalan noong
Gitnang Panahon lalo na noong matapos ang Krusada.
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO
Ang piyudalismo ay isang sistema kung saan mahigpit ang kasunduan ng
panginoong piyudal at basalyo. Bawat isa ay may katungkulan na dapat tuparin.
Ang manor ay mahalagang bahagi ng fief. Dito nakasalalay ang ikabubuhay ng
lahat ng tao—mula maharlika hanggang serf.
Ang lungsod ay kilala sa umiiral na malakas na kalakalan noong Gitnang
Panahon lalo na noong matapos ang Krusada.
20
PANGHULING PAGSUSULIT: Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang manor ay pag-aari ng
a. Magsasaka
b. Mangangalakal
c. Panginoon
d. Simbahan
2. Alin sa sumusunod ang hindi lungsod ng Italya?
a. Genea
b. Venice
c. Cologne
d. Milan
3. Isang piyesta sa pamilihan na karaniwang idinaraos kung pista opisyal kung
saan maraming mangangalakal galing sa iba’t-ibang panig ng Europa ang
dumarating para mamili at magtinda.
a. Pasko
b. Perya
c. Palaro
d. Torneo
4. Ang samahang midyibal na binubuo ng mangangalakal at manggagawa na
naglalayong protektahan ang kanilang sarili sa di makatarungang paggawa,
presyo, at suweldo.
a. Basalyo
b. Guild
c. Burgis
d. Maharlika
5. Isang bagong pangkat ng tao na lumitaw at ang layunin ay para mangalakal,
hindi pandirigma.
a. Basalyo
b. Kabalyero
21
c. Burgis
d. Apprentice
6. Noong panahong midyibal ang sentro ng kalakal ay mga lungsod sa Italy at ___,
a. America
b. Gitnang Silangan
c. China
d. Silangang Indies
7. Alin sa mag sumusunod ang hindi salik sa pag-usbong ng piyudalismo?
a. Paglusob ng mga barbaro
b. Paghina ng kapangyarihan ng hari
c. Paglakas ng kalakalan
d. Pagsasamantala ng malalakas na local na pamahalaan
8. Ang tirahan ng mga panginoong piyudal ay ang
a. kamalig
b. kastilyo
c. palaruan
d. kumbento
9. Ang sistemang piyudal ay umiral dahil
a. Ang mga maharlika ay humingi ng proteksyon
b. Marami ang naging kabalyero
c. Ang hari ay naging makapangyarihan
d. Ang simbahan ay sumuporta sa hari
10. Isa sa mga salik sa pag-unlad ng bayan ay
a. Pagkakaroon ng mga magagandang daan
b. Pag-usbong ng mga guild
c. Paglitaw ng mga kabalyero
d. Pagbagsak ng Roma
22
GABAY SA PAGWAWASTO:
PANIMULANG PAGSUSULIT
1. B
2. B
3. C
4. C
5. D
6. C
7. B
8. B
9. B
10. D
PANGHULING PAGSUSULIT
1. C
2. B
3. B
4. B
5. C
6. B
7. C
8. B
9. A
10. A
1
ARALING PANLIPUNAN III
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 10
BOURGEOISIE, MERKATILISMO AT MONARKIYANG NASYONAL
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
2
MODYUL 10
BOURGEOISIE, MERKANTILISMO AT MONARKIYANG NASYONAL
Sa pagbagsak ng Panahong Piyudal, muling umigting ang kapangyarihan ng
mga hari o monarkiya. Nabago ang nakagisnang pamumuhay sa aspetong pang-
kabuhayan, pang-pulitikal at pang-sosyokultural. Sa modyul na ito ay tatalakayin ang
paglakas ng bourgeoisie o panggitnang uri ng lipunan. Bunga ng pagbabago sa
aspetong pangkabuhayan isinilang ang sistemang merkantilismo at ang pagyaman ng
mga mangangalakal na nagbigay-daan naman sa pagtatatag ng Monarkiyang
Nasyonal. Bibigyang pansin sa modyul na ito ang mga paksang iyan.
May tatlong araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Yaman at Impluwensiya ng Bourgeoisie
Aralin 2: Pagsilang at Epekto ng Merkantilismo
Aralin 4: Pagtatatag ng Monarkiyang Nasyonal
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Masusuri ang mga pangyayari kung paano lumakas ang
kapangyarihan ng mga bourgeoisie;
2. Maipaliliwang ang sistemang merkantilismo sa Europa at mga epekto
nito;
3. Maiisa-isa ang mga salik sa pag-usbong ng monarkiyang nasyonal; at
4. Mapahahalagahan ang mga pagbabago sa Europa sa pag-usbong ng
bourgeoisie, merkantilismo at monarkiyang nasyonal.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para
sa iyo.
3
PANIMULANG PAGSUSULIT: Panuto: Bilugan ang tamang sagot:
1. Bakit itinuring na mas abala ang naging kalakalan sa Silangang Europa kumpara
sa kanlurang Europa?
A. Hindi maunlad ang Kanlurang Europa.
B. Kawalan ng transportasyon at sapat na produkto.
C. Marangyang pamumuhay sa Kanlurang Europa.
D. Digmaang Sibil.
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging sentro ng kalakalan sa Europa?
A. Venice
B. Genoa
C. Florence
D. Paris
3. Ligang nabuo upang maprotektahan ang kalakalan sa Hilagang Europa:
A. Hanseatic League
B. Merchant Guild
C. North Atlantic League
D. Baltic Guild
4. Ang pinakaabalang sentro ng negosyo sa Hilagang Europa atat naging sentro sa
paggawa ng lana:
A. Florence
B. Bruges
C. Helsinki
D. Amsterdam
5. Kinilala dahil sa mabuting uri ng telang lana sa Europa:
A. Antwerp
B. Lisbon
C. Venice
D. London
6. Kalakalang naganap sa pagitan ng mga mangangalakal na ginanap lamang sa
loob ng isang taon.
A. Trade fair
B. Trade post
C. Palengke
D. Bangko
4
7. Isang bagong uri ng mga mamamayan na bumubuo ng panggitnang pangkat sa
lipunan.
A. Maharlika
B. Alipin
C. Bourgeoisie
D. Clergy
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng mga panggitnang
pangkat?
A. May-ari ng mga bangko
B. Mga negosyante
C. Mga susunod na hari o pinuno
D. Wala sa nabanggit
9. Itinuturing na pinakabalakid sa kalakalan noong kalagitnaang panahon:
A. Kawalan ng salapi
B. Digmaang Sibil
C. Lindol, bagyo at kalamidad
D. Pang-aabuso ng Hari at ng Simbahan
10. Ang unang baryang ginto na ginamit bilang salaping internasyunal sa Europa:
A. Ducat
B. Florin
C. Bruges
D. Peso
11. Alin sa mga sumusunod ang mabuting naidulot ng pag-unlad ng mga bayan at
lungsod?
A. Nakilala ang tao ayon sa kanyang kakayanan.
B. Umunlad ang panggitnang uri ng tao sa lipunan.
C. Naging makapangyarihan ang hari.
D. Nagsimula ang Korporasyon.
5
12. Samahang lumaganap sa Europa na binubuo ng mga mangangalakal:
A. Craftsmen
B. Merchant’s Guild
C. Hanseatic League
D. Bourgeoisie
13. Alin sa mga sumusunod ang mabuting naidulot ng Merchant’s Guild?
A. Naprotektahan ang pansariling interes ng mangangalakal.
B. Naipunyagi ang karapatan ng bawat isa mangangalakal.
C. Nagpatuloy sa pagbabayad ng buwis ang mga mangangalakal.
D. Napaunlad ang kanilang negosyo.
14. Tawag sa samahan ng mga manggagawang may kasanayan:
A. Apprentice
B. Journeymen
C. Master Craftsmen
D. Craftsmen’s Guild
15. Manggagawang naglakbay upang kumita ng arawan:
A. Apprentices
B. Journeymen
C. Master Craftsmen
D. Craftsmen’s Guil
16. Isang dahilan kung bakit naging masikap ang mga bayan sa kalagitnaang
Panahon:
A. Paglalagay ng mga pader.
B. Pagdami ng mga pamilihan.
C. Paglago ng dami ng mga manggagawa.
D. Wala sa nabanggit.
17. Isang suliranin sa mga bayan noong Panahonng Midyibal:
A. Pagkalumo sa alak
B. Prostitusyons
C. Nakawan
D. Lahat ng nabanggit
18. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging bunga ng kalakalan sa Panahong
Midyibal?
6
A. Espesyalisasyon
B. Bourgeois
C. Salapi
D. Wala sa nabanggit
19. Itinuring na sentro ng ruta ng pangangalakal sa Panahong Midyibal:
A. Fertile Crescent
B. Ilog Nile
C. Ilog Mississippi
D. Ilog Yellow
20. Alin sa mga sumusunod na daungan ang pinaka-abala noong Kalagitnaang
Panahon?
A. Daungan sa Tsina
B. Daungan sa Ehipto
C. Daungan sa Pransya
D. Daungan sa Ingglatera.
7
ARALIN 1 YAMAN AT IMPLUWENSIYA NG BOURGEOISIE
Sa kalagayang panlipunan ng Pilipinas, pinaniniwalaan na ang may pinakamaliit
na bilang na porsyento ng populasyon ay ang mga mayayaman na siyang
nagmamay-ari ng malaking lupain at kumpanya. Samantala, ang masa naman ang
siyang halos bumubuo sa kabuuang populasyon na kadalasang unaasa sa mga
programang inilunsad ng pamahalaan. Ngunit huwag nating kaligtaan na sa ating
lipunan ay mayroong ding tinatawag na middle class o mga propesyunal sa iba’t
ibang larangan. Sa kasalukuyan ang mga middle class na ito ay kilala bilang mga
propesyunal na guro, doktor, inhinyero, abugado at iba pa. sino naman kaya sa
naging kasaysayan ang mga middle class o bourgeoisie sauropa? Sila ba ay
propesyunal o mangangalakal? Masasagot sa modyul na ito ang katanungang iyan.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Masusuri ang mga dahilan sa paglakas ng kapangyarihan ng mga bourgeoisie;
at
2. Matatalakay ang ninanais na pagbabago ng mga bourgeoisie.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: Ayusin ang mga letra upang mabuo ang pinahulaan mula sa gay na
katanungan. Isulat ang kasagutan sa bakanteng linya.
L-A-L-A-N-G-G-A-M-A-K-A-N
Sagot: _________________________________________________
8
• Sila ay nabibilang sa panggitnang uri o bourgeoisie.
• Sila ng may hawak ng mga negosyo.
• Nagnais sila na tumaas ang kanilang kalagayan sa lipunan kapantay ng mga
maharlika at hindi ng mga manggagawa at nagbubukid.
Dahilan ng Paglakas ng Kapangyarihang Bourgeoisie
Kasabay ng pag-unlad ng mga bayan at lungsod sa Europa, lumaganap ang
mga pagbabago sa gawaing pangkabuhayan. Karamihan ng mga mamamayan ay
tumigil sa pagsasaka at sa halip ay nagpakadalubhasa sa paghahabi ng tela at
paggawa ng sapatos, mga alahas, at mga kasangkapan sa bahay.
Nang dumami ang mga produktong likha ng mga manggagawa, dumami rin
ang mga tagapamahagi nito. Ang kaganapang ito ang nagbunsod sa isang bagong uri
ng mga mamamayan na bumuo ng panggitnang-uring pangkat sa lipunan na tinatawag
na bourgeoisie. Naging makapangyarihan ang grupong ito ng mga mangangalakal at
negosyante. Itinuring silang kapakipakinabang hindi lamang sa aspeto ng kabuhayan,
kundi maging sa pangangailangan din ng mga hari. Ang mga bourgeoisie ay nagtustos
ng mga pondong kakailanganin ng mga hari para sa isasagawang digmaan.
Pagbabagong Isinulong ng Bourgeoisie
Ang kapangyarihan ng bourgeoisie ay unti-unting yumabong nang binigyan
sila ng hari ng posisyon sa pamahalaan bilang katumbas na kanilang boto at
representasyon sa konseho dahil sa kanilang pagpapautang at pagtulong sa pag-unlad
ng kaharian.
Bagamat nabigyan sila ng ganitong prebilehiyo sa konseho ay hindi pa rin ito
sapat upang kalimutan ng bourgeoisie ang kanilang pangarap at pagnanais na maalis
sa ikatlong estado na kinabibilangan ng mga ordinaryong mga mamamayan at
9
magbubukid. Ipinilit ng mga bourgeoisie na mapabilang sa ikalawang estado na
kinabibilangan ng mga mayayaman at mga maharlika o noble. Sa ganitong kalagayan
ay ninais ng mga bourgeoisie na mabago ang kanilang estadong kinabibilangan
sapagkat nakikita nila ang kanilang kahalagahan sa pag-unlad at paglago ng lipunan.
Ang mga tinatamasang kapangyarihan ng mga bourgeoisie ay nagkaroon ng limitasyon.
Bagamat mayroong silang kayamanan at edukasyon, tunutulan ng mga maharlika na
mapasama sila sa pangalawang uri. Sibalit sa paghadlang ng mga maharlika upang
mapabilang sila sa unag uri, binigyang pansin ng bourgeoisie ang kaisipang
pagkakapantay-pantay at kalayaan na taliwas sa kaisipang awtokratiko ng mga
maharlika.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Suriin mo ang larawang nagpapakita ng halimbawa ng mga taong kabilang sa
bourgeoisie. Sagutin mo ang mga tanong sa ibaba pagkatapos mong pag-aralan
ang larawan.
10
1. Ang larawan bang ipinakikita ay masasabing makatotohanan o tipikal na anyo
sa Panahong Midyibal?
2. Anong katangian ang tinataglay ng mga mangangalakal sa larawang
ipinapakita?
3. Paano ipinapakita sa larawan ang espesyalisasyon sa paggawa? (Ang
esepesyalisasyon ay tumutukoy sa kakayahan ng isang manggagawa o
mangangalakal na lumukha ng produkto, base sa kanyang gawain.)
Tandaan Mo!
Ang bourgeoisie ay ang panggitnang uri ng lipunan na binuo
ng mga mangangalakal, may-ari ng mga bangko, abugado,
doktor, manunulat at iba pang propesyunal.
Noong ika-18 na siglo, lumaki ang impluwensiya ng mga bourgeosie sa publiko
sa ginamit nila ang kanilang sa kanilang propesyon upang makagawa ng mga
reporma sa pamahalaan at mapalaganap ang pagkakapantay-paatay sa Europa.
Hinadlangan man ng mga maharlika ang mga adhikain ng bourgeoisie, naging
mahalagang pangkat din ng lipunan, bilang panggitnang-uri, ang bourgeoisie.
Napasimulan nila ang layunin tungo sa pagkakapantay-pantay ng tao sa lipunan.
Gawain 3: Paglalapat May pagkakaiba ba o pagkakatulad ang kalakalan noong Panahong
Midyibal sa kasalukuyang kalakalan mula sa ibang bayan o palengke? Punan mo ang
tsart ng iyong sagot.
11
PALENGKE
PANAHON
PAGKAKATULAD
PAGKAKAIBA
1. Midyibal
2. Kasalukuyan
ARALIN 2 PAGSILANG AT EPEKTO NG MERKANTILISMO
Sa mga nakaraang modyul, nailarawan na ang ekonomiya sa lipunang piyudal ay
nakasentro sa lupa. Sa paglakas ng panggitnang uri o bourgeoisie kasabay na
napalitan ng panibagong anyo ang sistemang pang-ekonomiya na kung saan ang mga
ginto at pilak ang naging batayan ng pagpasok ng makabagong panahon. Tatalakayin
sa modyul na ito ang mga kaganapang iyan.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Matutukoy ang mga dahilan sa pagsilang ng sistemang merkantilismo; at
2. Maipaliliwang ang epekto ng sistemang merkantilismo sa Europa.
12
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Pansinin ang larawan. Ganyan ang anyo ng malalaking bara (bar) ng ginto
Isipin mo na ikaw ay nagmamay-ari ng maraming ginto iyan. Ano ang
naramdaman mo? Ano sa palagay mo ang kahalagahan ng pagmamay-ari mo ng
maraming ginto? itala ang mga kapakinabangang maidudulot ng pagkakaroon ng isang
tao ng maraming ginto.
1. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
5. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
13
Pagsisimula Ng Merkantilismo
Dahilan sa pag-unlad ng mga bayan at lungsod, sistemang piyudalismo sa
Europa. Ang dating mga lupaing pansakahan ay hindi na gaanong mainam pagtamnan
kayat ang mga lupaing ito ay pinagtayuan ng mga industriya at plantasyon. Nagdulot ito
ng mabilis na pagbabago sa anyo ng ekonomiya sa Europa. Ganoon pa man ay ninais
ng mga mangangalakal mula sa iba't ibang panig ng Europa ang makipagkalalakalan at
pag-ibayuhin ang ekonomiya ng bawat estado. Sa panahong ito ay lumaganap sa
kabuuan ng Europa ang paggamit ng salapi bilang batayan ng pagbili ng mga produkto
tulad ng pagkain, damit, sandata, kagamitang hilaw, palamuti, handicraft at maging ang
mga sangkap sa pagkain na unang natuklasan ng mga taga-Europa noong panahon ng
krusada. Ang mga krusador ay nakatikim ng iba’t ibang klase ng sangkap na noon ay
hindi madaling nabibili sa Europa. Ang mga mangangalakal sa Venice at Genoa lamang
ang may magandang ugnayan sa sultan ng Ehipto, kayat sila lamang ang nagkaroon ng
kakayahan upang maipadala ang mga sangkap sa Mediterranean at ipagbili ito sa
Europa sa mataas na halaga.
Dahil hindi makapasok sa kalakalan ng pampalasa ang mga Portuges at Kastila,
minarapat nilang humanap ng ibang ruta na kung saan may bansang maaaring
pagkunan ng mga sangkap. Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga
mamumuhunan at pamahalaan kung saan ang mga mamumuhunan ay magpapaunlak
ng pera samantalang ang pamahalaan ay magbibigay ng mga barko, tao at
sandatahang lakas upang maprotektahan ang mga manlalakbay. Ang ganitong
kaayusan ay tinawag na sistemang merkantilismo. Pangunahing layunin ng
pamahalaan sa mga estado sa Europa ang magkamal ng maraming ginto at pilak para
sa kaban ng bayan. Ang kayamanan ng isang bansa ay nakabatay sa laki ng reserbang
bullion o dami ng ginto at pilak. Ang layuning ito ay nakamit sa pamamagitan ng
kalakalan ng sangkap.
14
Epekto ng Merkantilismo
Dumating ang panahon na kung saan ang mga bansang sumunod sa sistemang
merkantilismo ay higit na maraming iniluwas na produkto na galing sa kanilang mga
industriya kaysa sa mga inangkat na produkto mula sa kanilang mga kolonya. Sa
ganitong kalagayan lalong umunlad at naging makapangyarihan ang mga estado sa
Europa. Ang mga kolonya ay nagkaroon ng pananaw na ang mga produktong galing sa
Europa ay higit na mataas ang kalidad at binibili kahit mahal. Samantala, ang mga
produkto ng mga kolonya ay nabibili sa murang halaga sapagkat kalimitan ay hilaw na
materyales. Dito sa panahon ng merkantelismo nagsimulang maging mayayaman at
makapangyarihan ang mga bansa sa Europa.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
.
SENTRO AT RUTA NG PANGANGALAKAL
15
Tatlong ruta ang ginagamit na daanang pangkalakalan noong panahon ng
merkantelismo. Nasa pagitan ng silangang Dagat Mediterranean ang tatlong ruta.
Dumadaan sa Dagat na Pula ang isang ruta. Ibinababa ang mga kalakal na karga ng
bapor na mula sa India sa malapit sa Dagat na Pula. Mula dito ay dinadala ang mga
kalakal sa Nile at sa Alexandria at doon ipinagpapalit ang mga ito. Isang ruta naman
ang Golpo ng Persian, patawid sa Tigris Euphrates at patungo sa Damascus at Antioch
pahilaga sa Dagat Itim. Pinakamahirap ang ikatlong ruta dahil sa lupa ito nagdadaan.
Nagsimula sa Tsina at Hilagang India, tumatawid ang caravan sa Dagat Caspian at
Dagat Itim. Mula rito dinadala ang mga produkto sa Rusya o sa Kanlurang Europa
patungo sa Constantinople.
Sagutin ang mga tanong:
1. Paano naging hamon sa mga bourgeoisie ang pagtuklas ng panibagong ruta?
2. Bakit noong panahong iyon, mahirap tahakin ang rutang kalupaan?
Isulat mo sa iyong kuwaderno ang mga sagot sa tanong sa itaas.
Tandaan Mo!
Ang mga Europeo ay may malalaking paniniwala na ang ginto at
pilak ay makakatulong para sa kanilang adhikain maging
makapangyarihan at maunlad.
Ang merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na lumaganap sa
Europa na naghahangad ng pagkakaroon ng maraming ginto at pilak bilang tanda
ng kayamanan at kapangyarihan ng bansa.
Ang pera o salapi ay higit na naging mahalaga bilang pinagkukunan ng
kapangyarihan sa panahong iyon kaysa sa lupa.
Ang mga bansang sumunod sa sistemang merkantilismo ay higit na marami ang
iniluwas na produkto kaysa sa inangkat na produkto mula sa mga kolonya ng bansa.
16
Gawain 3: Paglalapat Kung noong panahon ng merkantelismo, ikaw ay isang
mangangalakal, mananatili ka ba sa kinagisnang ruta o maghahanap ng ibang rutang
tatahakin? Ilarawan ang iyong ruta sa mapang matatagpuan sa ibaba. Ipaliwanag mo
rin ang iyong dahilan.
17
ARALIN 3 MONARKIYANG NASYONAL
Dumating ang panahon na isa-isang nasupil ng mga hari ang humihinang lakas
ng mga panginoong piyudal. Ang paggamit ng sobrang kapangyarihan ng mga
panginoong piyudal ang nagtulak sa mga mamamayan upang ibaling ang kanilang
katapatan at serbisyo sa hari at kilalanin ito bilang pangkalahatang pinuno.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
a. Maisa-isa ang mga salik sa pagtatatag ng monarkiyang nasyonal; at
b. Mapahahalagahan ang pagbabagong dulot ng pagtatatag ng monarkiyang
nasyunal.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Nais mo na bang maging isang hari o reyna? Ano ang gagawin mo bilang isang
hari o reyna? Pag-isipan mo kung papaano ka mamamahala sa iyong
nasasakuapan.
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
18
Mga Dahilan ng Pagyabong ng Monarkiya Sa huling bahagi ng Kalagitnaang Panahon, unti-unting lumakas ang
kapangyarihan ng mga hari. Samantala, ang mga panginoong may-lupa at ang mga
maharlika ay nawalan ng kapangyarihan.
Ang mga sumusunod ay mga salik o dahilan sa paglakas ng monarkiyang
nasyonal at paghina ng panginoong may-lupa.
Una, ang krusada. Maraming mga panginoon ng may-lupa ang nahalina na
sumama sa krusada. Nang hindi na nakabalik ang mga ito sa kanilang mga estado,
humina at nabawasan nang malaki ang kanilang bilang sa Europa.
Ikalawa, dahil sa malawakang paggamit ng salapi at paggamit ng buwis na
ibinabayad ng mga mamamayan ay nakapagtatag ng sundalong hukbo ang mga
tagapamahala ng mga bayan at lungsod. Sa ganitong kalagayan ay hindi na sila
umaasa sa mga panginoong may-lupa sa pagtatanggol ng kaharian.
Ikatlo, nagkaroon ng pagkakataon ang mga mangangalakal at mga alipin na
bumili ng ng kalayaan ng kanilang bayan at sarili mula sa mga panginoong may-lupa.
Bukod dito, nais ng mga mangangalakal at ng mga alipin na mapasailalim at
mapamunuan ng isang hari kaysa sa isang panginoong may-lupa sapagkat binigyan
sila nito ng hari ng proteksiyon, sistemang batas, at pananalapi.
Ikaapat, ang pagkakaroon ng isang wika ng isang lugar. Ang mga mamamayan
na may magkakatulad na wika ay nagkaroon ng higit na pagkakaisa at naging matapat
sa kanilang estado at sa hari nito.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Bawat indibidwal ay naghangad ng kapangyarihan sa huling yugto ng
Panahong Midyibal. May tatlong pangkat o grupo ang naghangad na magtamasa ng
kapangyarihan. Ang hari, ang mga maharlikha, at ang simbahan. Ngunit ang
kapangyarihang ito ay matatamasa lamang sa pamamagitan ng pagsuporta ng
nakararaming pangkat ng tao, o ang masa. Sinasabing ang hari at ang simbahan ang
nagtamasa ng kapangyarihang ito sapagkat ang pangangailangan ng masa o
19
ordinaryong mamamayan gaya ng pagkakaroon ng kaligtasan o seguridad at kalayaan
ay kanilang natugunan.
Sa iyong nabasa sa itaas, sino sa palagay mo sa dalawang pangkat na ito ang
nararapat na nagtamasa ng higit na kapangyarihan, ang hari o ang simbahan?
Ipaliwanag o ang iyong kuru-kuro.
Tandaan Mo! Sa pagkawala ng kapangyarihan ng mga panginoong maylupa, ang
hari ang nagsilbing pinuno at nagpatingkad sa pagtatatag ng
monarkiyang nasyonal.
Ang wika ang nagsilbing ugnayan ng mga mamamayan upang mapanatili
ang suporta sa kanilang nahirang na hari.
Malaki ang ginampanan ng salapi sa pag-unlad ng monarkiyang nasyonal sapagkat
ang mga mamamayan ay nagkaroon ng pagkakataon na bilhin ang kanilang
kalayaan mula sa kanilang panginoong maylupa.
Sa pagtatatag ng monarkiyang nasyonal nabago ang pamumuhay ng mga
kanluranin sa gawaing pang-ekonomiya sapagkat ang kabuhayan ay hindi lamang
nakatuon sa lupa kundi higit na naging malawak at aktibo na kinabibilangan ng iba’t
ibang pangkat sa lipunan.
20
Gawain 3: Paglalapat
Kung ikaw ay isang karaniwang mamamayan na nabuhay panahon ng
monatkiya, paano mo suportahan ang hari na nagbigay sa mamamayan ng proteksyon
at kalayaan? Magbigay ng tatlong paraan at ipaliwanag kung bakit mo gagawin ang
bawat isa.
I. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
21
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO
Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang
mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan?
Ang mga mangangalakal sa gawing Mediterranean ay patuloy na nakipagkalakalan
sa mga taga-silangan. Nagkaroon ng dalawang ruta o daan ng kalakalan patungong
silangan.
Ang pinakamadaling paglalakbay ay mula sa Tsina patungong Golpo ng Persiya na
humahantong sa Ilog Tigris sa Mesopotamia. Ang isa pang ruta ay ang rutang
karaban patungong Constantinople.
Ang paglalakbay-dagat ay inaabot ng dalawang taon at lalong higit na matagal ang
paglalakbay sa karaban.
Sa simula, ang mga bayan-bayanan ay kontrolado ng mga mamamayanng
panginoon o panginoong piyudal. Itinuring na pagmamay-ari ng panginoong may-
lupa ang mga mamamayan pati na ang mga mangangalakal at manggagawa. Nang
lumaon ang mga ito ay humingi na ng kalayaan at mga karapatan.
Ang mga kaharian ay kadalasang naitatayo sa isang lugar na angkop para maging
tirahan ng maraming tao at magkaroon ng pakikipamuhay at interaksiyon. Maaaring
isang lugar na may tulay upang matawid ang isang ilog at daanan ng kalakalan.
Maaari rin namang sa tabi ng dagat kung saan may daungan ng mga sasakyang-
dagat na pangkalakal. Kadalasan, ang pamayanan ay nabubuo sa tabi ng palasyo o
kastilyo upang karakara silang mabigyan ng proteksiyon ng hari.
Maraming salik ang itinuturing na dahilan kung bakit nawala ang kapangyarihan ng
panginoong may-lupa at nalipat ito sa mga hari. Kabilang sa mga dahilang ito ay ang
paggamit ng salapi upang mabili ang kalayaan, ang epektong idinulot ng krusada, at
ang pagkakaroon ng isang wika na nakatulong upang mapalapit sa isa't isa ang mga
mamamayan at magtiwala sa kanilang hari.
22
PANGHULING PAGSUSULIT: I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mga sumusunod ay ginampanan ng mga bayan at lungsod maliban sa isa?
A. Nagsilbing sentro ng mga kaharian at naging mahalaga ang papel nito sa
kaunlaran ng lipunan.
B. Naging tagpuan ng mga pisante na tumakas sa kanilang amo sa bukid.
C. Naging lunduyan ng mga naghaharing uri.
D. Lahat ng nabanggit.
2. Naging bagsakan ng mga iba’t ibang produkto tulad ng seda, mga balat ng hayop,
kahoy at amber sa Panahong Midyibal:
A. Baybabaying Dagat
B. Lambak at Ilog
C. Kapatagan
D. Lahat ng nabanggit
3. Ang mga bata sa gulang na 7 lamang ay pumapasok na bilang
A. Apprentice
B. Journeymen
C. MasterCraftsmen
D. Merchant Guilder
4. Ang ligang Hanseatic ay binuo ng __ lungsod mula sa Rusya hanggang Britanya
A. 70
B. 57
C. 47
D. 27
5. Ang isang ___ ay haharap sa grupo ng mga maestro na siyang huhusga sa
kanyang kakyahan.
A. Apprentice
B. Journeymen
C. Master Craftsmen
D. Merchant Guilder
6. Pangyayaring nagbigay-daan sa pag-unlad ng mga bayan at lungsod:
A. Krusada
B. Digmaang sibil
C. Sistemang piyudalismo
D. Pagbagsak ng monarkiya
23
7. Isang sitwasyon na kung saan nagkaroon ang mga mamumuhunan at
pamahalaan ng isang kasunduan na magpapautang ng pera ang mga
mamumuhunan samantalang ang pamahalaan ay magbibigay ng mga barko, tao
at sandatahang lakas upang maprotektahan ang manlalakbay sa
pakikipagkalakalan sa Silangan:
A. Merkantilismo
B. Kolonyalismo
C. Imperyalismo
D. Kapitalismo
8. Sa sistemang Merkantilismo, nakabatay ang kapangyarihan at kayamanan ng
bansa sa:
A. Sandatahang lakas
B. Ginto at Pilak
C. Malawak na Lupain
D. Lahat ng nabanggit
9. Monarkiyang tumulong sa ekspedisyon ni Columbus sa Bagong Daigdig:
A. Portugal
B. Italya
C. Espanya
D. Pransya
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagbigay-daan sa pag-unlad ng monarkiyang
nasyonal?
A. Pagkakataon ng mga mangangalakal na bumili ng kalayaan sa kanilang
Panginoong Maylupa.
B. Paggamit ng baril bilang sandatang pang-depensa.
C. Pagkakaroon ng isang wika.
D. Lahat ng nabanggit.
11. Ang mga bansang kanluraning sumunod sa sistemang merkantilismo:
A. Maraming nailuwas kaysa inangkat na kalakal.
B. Maraming inangkat kaysa nailuwas na kalakal.
C. Maraming inangkat kaysa iniluwas.
D. Lahat ng nabanggit.
24
12. Saang kipot nakipagpalitan ng mga kalakal ang mga Tsino sa mga manganglakal
mula sa India na may dalang rekado?
A. Malacca
B. Malaya
C. Adriatic
D. Lahat ng nabanggit
13. Ano ang naging Sentro ng mga bayan sa Panahong Midyibal?
A. Manor
B. Taniman
C. Pamilihan
D. Kaharian
14. Ano ang karaniwang ayos ng tindahan sa mga bayan at lungsod sa Panahon ng
Midyibal?
A. Ang tindahan ay nasa silong ng bahay ng manggagawa.
B. Ang tindahan ay nasa paligid ng kalsada.
C. Bukas ang tindahan sa loob ng buong araw.
D. Wala sa nabanggit.
15. Itinaguyod ng mga bayan ang mga sining ng pagpipinta, iskultura at arkitektura,
Sumulpot ang mga uri ng arkitektura maliban sa:
A. Byzantine
B. Romanesque
C. Gothic
D. Saracenic
16. Sa pag-unlad ng bayan at lungsod, napabantog ang mga pamantasang midyibal
maliban sa:
A. Pamantasan ng Paris.
B. Pamantasan ng Salem sa Italya.
C. Pamantasan ng Bologna sa Italya.
D. Pamantasan ng London sa Ingglatera.
17. Ano ang pinaniniwalaang bilang ng mga mamamayang bumubuo sa Bayang
Midyibal?
25
A. 2,000 – 5,000
B. 5,000 – 10,000
C. 10,000 – 15,000
D. 15,000 – 20,000
18. Maraming paglilingkod na ibinibigay ang mga guild sa mga kasapi nito. llan sa
mga sumusunod ang hindi kabilang dito:
A. pagtatakda ng pamantayan ng mga produkto.
B. Pagbibigay ng proteksyon ng samahan sa mga kasapi nito laban sa mga
taga-labas.
C. Kontrolado ng mga samahan ang kompetisyon.
D. Wala sa nabanggit.
19. Ang pag-unlad ng mga bayan at lungsod ay nagbigay-daan sa isang bagong
pilosopiya na tinawag na
A. Scholasticism
B. Sarasenic
C. Democracy
D. Militarialistic
26
GABAY SA PAGWAWASTO: PAUNANG PAGSUSULIT
1. A
2. A
3. B
4. D
5. A
6. B
7. A
8. A
9. C
10. C
11. C
12. B
13. A
14. B
15. B
16. D
17. A
18. A
19. D
20. D
PANGHULING PAGSUSULIT 1. D
2. A
3. A
4. A
5. B
6. B
7. A
8. B
9. C
10. C
11. D
12. A
13. A
14. C
15. A
16. D
17. D
18. B
19. D
1
ARALING PANLIPUNAN III
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 11
ANG RENAISSANCE (MULING PAGSILANG)
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
2
MODYUL 11
ANG RENAISSANCE (MULING PAGSILANG) Ang muling pagsilang ng karunungan sa loob ng tatlong siglo makalipas,
matapos ang Panahong Midyibal sa Europeo, nagsimula ang maraming
pagbabagong panlipunan, pampulitika at higit sa lahat sa mga bagong kaisipang
pinalaganap ng mga pilosopo at siyentista mula ika-14 hanggang ika- 16 na
dantaon.
Mapupukaw ang iyong kaalaman sa modyul na ito kung paano namulat
ang tao sa katotohanang mahalaga ang pagkatao at sa mahalagang nagagawa
nila. Binigyan diin at inimulat ng Renasimyento kung paano sinikap ng tao na
linangin ang kanyang mga potensyal sa paggamit ng pag-iisip, pangangatwiran
at pag-eeksperimento na siya naming nagsulong sa pag-unlad ng kilusang
intelektual at humanistikong pag-aaral. Sa modyul na ito, mababatid mo kung
ano nga ba ang tinatawag nating Renaissance, mga salik na nagbigay-daan sa
sa kilusang ito, ang paglaganap ng humanismo at higit sa lahat ang kahalagahan
nito sa kasaysayan.
May apat aralin sa modyul na ito:
Aralin1: Kahulugan ng Renaissance
Aralin 2: Mga Salik sa Pagsibol ng Renaissance sa Italya
Aralin 3: Paglaganap ng Humanismong Renaissance
Aralin 4: Kontribusyon at Epekto ng Renaissance
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo
ang mga sumusunod:
1. Mabibigyang kahulugan ang konseptong Renaissance;
2. Masusuri ang mga salik na nagbigay - daan sa Panahong
Renaissance;
3
3. Mahihinuha ang mahalagang ginampanan ng Humanismo sa Panahon
ng Renaissance; at
4. Mapahalagahan ang mga kontribusyon ng Renaissance sa daigdig
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda
para sa iyo.
PANIMULANG PAGSUSULIT: Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot:
1. Rene Descartes: Discourse on Method; Isaac Newton: _______
a. Advancement of Knowledge
b. Mikrospoyo
c. Prinsipyo ng Grabitasyon
d. Pag-inog ng planeta
2. Ang bayang sinilangan ng Renaissance?
a. Germany
b. Spain
c. Switzerland
d. Italy
3. Ang muling pagsilang ng kaalaman sa Europa
a. Humanismo
b. Renaissance
c. Manor
d. Feudalismo
4. Ang kilusan na kumikilala sa kahalagahan ng tao.
a. Krusada
b. Humanismo
c. Guild
d. Espesyalisyason
5. Prinsipe ng mga Humanista.
4
a. Petrarch
b. Erasmus
c. Thomas More
d. Machiavelli
6. May akda ng The Prince.
a. Thomas More
b. Johannes Guttenberg
c. Erasmus
d. Machiavelli
7. Sumulat ng Utopia.
a. Thomas More
b. Johannes Guttenberg
c. Machiavelli
d. Petrach
8. Makata ng mga makata at Romeo at Juliet.
a. Raphael Santi
b. William Shakespeare
c. Miguel de Cervantes
d. Leonardo da Vinci
9. The Last Supper at Mona Lisa.
a. Leonardo da Vinci
b. Michaelangelo
c. Raphael Santi
d. Titian
10. Sistine Chapel sa Vatican.
a. Michaelangelo
b. Leonardo da Vinci
c. Raphael Santi
d. Titian
11. Don Quixote de la Mancha.
a. William Shakespeare
b. Leonardo da Vinci
c. Thomas More
d. Miguel de Cervantes
12. Araw ang sentro ng Sansinukob.
a. Sir Isaac Newton
b. Galileo Galilei
c. Johannes Kepler
d. Nicolas Copernicus
13. Teleskopyo.
5
a. Johannes Kepler
b. Nicolas Copernicus
c. Galileo Galilei
d. Sir Isaac Newton
14. Ang kulturang klasikal ay tumutukoy sa kulturang
a. Tsino
b. Griyego- Romano
c. Indo-Europeo
d. Americano
15. Ang bansa sa Europa na hugis bota at napapaligiran ng Dagat Adriatico at
Mediterranean.
a. Spain
b. Rome
c. Italy
d. Portugal
16. Ama ng Humanismo
a. Petrarch
b. Erasmus
c. Thomas More
d. Machiavelli
17. Pambansang sigla sa pag-aaral ng mga kaalamang klasikal.
a. Dark Age
b. Renaissance
c. Humanismo
d. Golden Age
18. Boccaccio: Decameron, Thomas More:______.
a. Divine Comedy
b. In Praise of Folly
c. The Prince
d. Utopia
19. Bakit sa Italya unang sumibol ang Renaissance?
a. Lokasyon
b. Katatagang Pampulitika at Pang-ekonomiya
c. Maraming mga tagapag-ambag ng Renaissance ay isinilang dito
d. Lahat ng nabanggit
20. Aklat na nanlalait sa mga kamangmangan ng lipunan at ng simbahan.
6
a. Decameron
b. La Pieta
c. In Praise of Folly
d. The Prince
ARALIN 1 ANG KAHULUGAN NG RENAISSANCE
Tatalakayin ng araling ito ang konseptong Renaissance, bakit ito
iniukol o iniangkop sa kasaysayan ng Europa mula ika-14 hanggang
ika-16 na dantaon (1350- 1600). Malaking pagbabago ang naganap sa mga
Europeo sa pagwawakas ng Panahong Midyibal.
Sa panahong Renaissance tatalakayin ng araling ito kung ano ang
pinanumbalik o binuhay na muli, na lumikha ng mga pagbabagong nagbigay- daan
sa makabagong panahon.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Mabibigyang kahulugan ang konseptong Renaissance;
2. Makakapagpapaliwanag kung bakit ito iniangkop sa kasaysayan ng Europa
mula ika-14 hanggang ika-16 na dantaon; at
3. Matutukoy ang mga binuhay na muli ng Renaissance.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
MAG-REVIVE KA NGA!
• Magtala ng mga awiting revival na naririnig mo hanggang sa
kasalukuyang panahon.
• Nagustuhan mo ba ang mga awiting ito? Bakit?
• Ano ang katangian ng mga awiting ito at ano ang nais ipahiwatig nito?
7
Renasimyento (Renaissance) Ang salitang Renaissance ay hindi na bago, hango ito sa salitang Latin
“renovatio” o “ spiritual rebirth.” Nasaad sa Bagong Tipan,( Jesus said to Nicodemus:
Verily, verily, I saw unto Thee, Except a man be born again, he cannot see the
kingdom of God.” [John3: 3] ).
Ano ang ibig sabihin ng Renaissance? Sa salitang Pranses, ito ay
nangangahulugang: muling pagsilang o rebirth. Muling pagkamulat, muling
pagkabuhay at pagpapanibago o revival.
Hindi isang kagyat na rebolusyon ang pagpasok ng Renaissance sa Europa,
kundi ito ay isang unti-unting transisyon para matamo ang kanilang pagbabago.
Sa panahong ito muling pinatili at pinanumbalik ang mga sinaunang kulturang
klasikal ng Gresya at Roma, na nakapagdulot ng sigla sa kaisipan ng Europa at
nagbigay daan sa maraming pagbabago sa larangan ng sining, arkitektura, at
eskultura. Naging inspirasyon din ang Renaissance sa mga mangangalakal dahil
naging maunlad ang ekonomiya at sa larangan ng eksplorasyon binigyang sigla ang
mga manlalakbay na galugarin ang mundo na kung saan naitatag ang mga bagong
imperyo ng Europeong mananakop. Isang panahon sa Renaissance na nabuhay na
muli ang interes ng mga mamamayan sa kalikasan ng tao. At mula rito, naglabasan
ang mga taong may taglay na kakayahan, kumbaga, “ all the talented people came,
for its their time to shine,”
Sa kabuuan, ang diwang ito ng kalayaang intelektual ang nagtayo ng tuntungan
sa pagpasok ng Renaissance na sumunod sa Panahon ng Karimlan (Dark Ages).
Nabuksan ang isipan ng mga tao na gamitin ang kanyang abilidad at talento sa
pagtuklas ng mga bagay-bagay at nagresulta ng mga ambag na napakinabangan ng
lipunan.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panahon pa ni Kristo nabigyan na ng kahulugan ang salitang
8
Renaissance, nangangahulugan itong
”Spiritual Rebirth”. Sa panahong mula ikalabing-apat na taon hanggang ikalabing-
anim na taon, ito ay naging “Muling Pagsilang.” Sa ngayon, paano mo ito
gagamitin o bibigyang kahulugan?
“Ang Simbahan ang institusyong hindi natitinag ng Panahon.” Iniugnay ito sa
paglakas ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko sa Panahon ng Karimlan. Sa
Panahon ng Renaissance nagkaroon ng pagbabago, natinag ang kapangyarihang
ito. Sa kasalukuyan, bakas pa ba ang kalakasan ng simbahan? Sa araling ito
anong aral ang napulot natin?
Tandaan Mo!
Ang terminong Renaissance ay mula sa salitang Pranses na
ibig sabihin ay muling pagsilang o revival
Ito ay muling paglago ng sining, panitikan at pag-aaral na naganap sa Europa
mula ika –14 hanggang ika-17 dantaon.
Isang transisyon mula sa kalagitnaang panahon patungo sa Modernong
Panahon.
Gawain 3: Paglalapat Magbigay ng sariling pakahulugan na nauugnay sa
salitang Renaissance at gamitin ito sa sariling pangungusap.
9
ARALIN 2 MGA SALIK SA PAGSIBOL NG RENAISSANCE SA ITALYA
Nagsimula sa Italya ang Renaissance: Bakit hindi sa Pransiya, sa
Inglatera,kaya, o saan man sa Europa. Bakit sa Italya? Anong mahalagang salik
ang nagbigay bentahe upang maging tahanan ng Renaissance ang Italya?
RENAISSANCE
Muling pagsilang o
rebirth. Muling
pagkamulat, muling
pagkabuhay at
pagpapanibago o
revival
Gamitin sa sariling pangungusap
Sariling kahulugan
10
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Masusuri ang mga kadahilanan sa pagsibol ng Renaissance sa
Italya; at
2. Mahihinuha ang kahalagahan ng kinaroroonang pangheograpiya sa
kasaysayan ng bansa.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
BAKIT SA ITALYA?
Pansinin ang nakalarawang mapa sa itaas. Sagutin ang mga sumusunod na
tanong:
• Anong mga katawang-tubig ang nakapalibot sa lupain ng Italya?
• Anu-ano ang mga pangunhing lungsod-estado na matatagpuan sa
mapa?
• Sa ganitong uri ng heograpiya, Ano sa palagay mo ang maaring
maitulong ng Kipot ng Adriatiko at Dagat Mediterrenean sa Italya?
11
Pinakamahalagang salik ang kinaroonang pangheograpiya ng Italya. Sa
mapa ng daigdig, matatagpuan ang Italya sa pagitan o dakong gitna ng Kanlurang
Europa at Kanlurang Asya. Dahil sa magandang lokasyon nito, nagkaroon ng
bentahe ang mga lunsod-estado ng Italya na noong panahon yaon, ang
pinakamayaman sa Europa, na nagkaroon ng pagkakataon na makipagkalakalan
sa mga bansa sa Kanlurang Asya at Kanlurang Europa. Nakatulong din ang
kinaroonang sentral ng Italya sa pagtanggap ng iba’t- ibang kaisipan mula sa
Kanluran at Silangan.
Naganap sa Italya ang Renaissance, sa kadahilanang itinuturing ng mga
Italyano sa dugo at wika, na sila ang may kaugnayan sa mga Romano kaysa
alinmang bansa sa Europa. Dahil sa pananaw na ito, muling nabigyang- sigla ang
kanilang pagnanasang mapanumbalik ang tagumpay ang kabihasnang klasikal ng
sinaunang Roma.
Mahalagang papel ang ginampanan ng mga unibersidad sa Italya,
naitaguyod at napanatiling buhay ang kulturang klasikal at ang mga teolohiya at
pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano. Sa pagkakaroon ng
malayang pag-aaral sa unibersidad, naging praktikal ang mga tao sa kanilang
pananaw sa buhay at mas naging malaya sa paglinang ng kanyang mga
kakayahan at kagustuhan. Higit na hinangad ng mga tao ang lubos na kasiyahan
sa kasalukuyang –buhay kaysa sa pag-aalala sa kanilang kamatayan.
Sa paglitaw ng Renasimyento, nakatulong din ang mga Griyegong
tumakas sa pananakop ng Turkiya sa bansang Gresya. Sa pagtakas nila
papuntang Mediterranean tungo sa mga lungsod –estado ng Italya, nadala nila
ang mga namanang kulturang Griyego na nakapagdulot ng karagdagang
impluensiya sa makasaysayang pag-unlad ng mga Renasimyento.
Itinuturing na isa sa maraming dahilan kung bakit naging tunay na
sinilangan ng Renaissance ang Italya, ay ay kanyang kinaroonan. Bunga nito
naging maunlad at sentrong pangkomersyo ang mga lungsod- estado ng Italya.
Kabilang sa mga mayayamang bangkero, mangangalakal at maharlikang angkan
ng lungsod- estado ay nagkaroon ng pagkakataon at kakayahan na itaguyod ang
mga alagad ng sining. Ginamit nila ang kanilang kayamanan sa pag-aanyaya sa
12
mga matatalino at malikhaing manunulat at artista upang itaguyod na muli ang
mga kaalamang o kaisipang klasikal. Pinatira nila ang mga ito sa kanilang
palasyo o tahanan. Pinakabantog sa lahat si Lorenzo de Medici o Lorenzo ang
Dakila, na gumugol ng limpak-limpak na salapi sa pagtaguyod ng kanilang
natatanging likhain. Hindi din pahuhuli ang mga kababaihan sa panahon ng
Renaissance. Sa iba’t- ibang larangan, nakilahok at naging kolektor sila ng mga
obra maestra.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
“ ANG KAPALIGIRANG PISIKAL NG ISANG BANSA AY
HUMUHUGIS SA KANYANG KASAYSAYAN.”
Anong konklusyon ang mahihinuha mo sa nabanggit na pangungusap?
Tunghayan mo ang mapa ng Italya. Hanapin ang Florence, Rome at
Venice. Paanong ang lokasyon ng Venice ang nakapadulot sa kanya ng pang-
ekonomiyang pag-unlad?
Tandaan Mo!
Ang terminong Humanismo ay mula sa salitang Latin na
Humanitas na ibig sabihin ay Kultura.
Ito ay isang kilusang kultural para sa muling pagsilang ng
karunungang Greek at Latin, ang pagpaparangal sa mga natamo ng
tao at pagpapahalaga sa kulturang Klasikal noong ika-14 na siglo.
Ang Humanismo ay hindi nangangahulugan nang pagtalikod sa Kristyanismo,
tinalikuran lamang nito ang ideyang Midyibal ng Teolohiya ang
pinakamahalagang pag-aaral ng tao.
Itinaas ng humanismo ang materyal na karangalan ng tao.
13
Gawain 3: Paglalapat
Tanong 1 Ano ang nangyari sa Europa mula ika-14 hanggang ika-16 na dantaon
1. ___________________________________________________________
2. ___________________________________________________________
3. ___________________________________________________________
4. ___________________________________________________________
5. ___________________________________________________________
Tanong 2: Bakit kaya ganoon ang nangyari?
1. ___________________________________________________________
2. ___________________________________________________________
3. ___________________________________________________________
4. ___________________________________________________________
5. ___________________________________________________________
Tanong 3: Ano ang kinahinatnan ng bunga ng pangyayari?
1. ___________________________________________________________
2. ___________________________________________________________
3. ___________________________________________________________
4. ___________________________________________________________
5. ___________________________________________________________
ARALIN 3 PAGLAGANAP NG HUMANISMONG RENAISSANCE
Ayon kay Peter Abelard na sinusugan ang pilosopiya ni Roger Bacon, “Sa
14
pag- aalinlangan napupunta tayo sa pagtatanong, at sa pagtatanong nararating
natin ang katotohanan.” Aalamin natin ang ibig ipakahulugan ng pangungusap
na ito sa pagsilang ng Humanismo sa panahon ng Renaissance.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Mapapahalagahan ang pagsilang ng Humanismo; at
2. Matutukoy ang mga bunga ng Kilusang Humanismo.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
KAKAYANAN MO! ALAMIN MO!
Isipin mo na ikaw ang nasa larawang ito at itala ang iyong mga kakayanan
base sa pagkakakilanlan mo sa iyong sarili. Itala ito sa talahanayan sa ibaba ayon
sa iba’t-ibang uri ng kasanayan.
15
PANGKISIPAN PANDAMDAMIN PANGKATAWAN
Hal. Malikhaing isip Hal. Pagpapahalaga Hal. Pagbuo ng mga bagay
Ang Pasilang ng Humanismo
Itinaguyod ng pilosopiya ni Roger Bacon, na lahat ng kaalaman ay
napasailalim ng lalong mahigpit na pagsusuri sa pamamagitan ng eksperimento at
katibayan. Nagbago sa panahon ng Renaissance ang pananaw sa buhay ng tao.
Sa kauna-unahang pagkakataon, natuklasan ng tao ang kanyang sarili, higit na
silang mapagtanong at mapanuri sa mga bagay na dati’y madali nilang tanggapin.
Ang pag-uusisa at hilig sa kaisipang klasikal ang nagtatag ng tuntungan sa
kilusang tinatawag na Humanismo. Minsan, nabanggit ni Cicero ang ganito: “
Lahat ng tao’y tinatawag na tao, nguni’t maari lamang tawaging makatao ay yaong
naging sibilisado dahil sa pag-aaral na angkop sa kultura. Ang Humanismo ay
isang kilusang kultura na ang saloobin sa buhay ay ang panunumbalik at
pagbibigay-halaga sa kulturang klasikal ng Griyego at Romano.
Nagsilbing inspirasyon sa mga Humanista ang mga panitikan at sining ng
mga sinaunang Griyego at Romano. Nagsaliksik at masusing nilang pinag-aralan
ang mga manuskrito ng mga manunulat na Griyego at Romano at isinalin nila ito
sa Latin.
Hinubog ng mga humanistang palagay ang pag-iisip at saloobin ng tao
upang baguhin ang maling paniniwala at pamahiin noong Medieval Period.
16
Nagsimula ng magkaroon ng lamat ang pananalig ng tao sa simbahan at pag-
aalinlangan sa mga paniniwalang panrelihiyon.
Ang Humanismo ay hindi laban sa Kristiyanismo, manapa, ipinadadama nito
na hindi lamang ang paghahanda sa sarili sa susunod na buhay ay pangunahing
tungkulin sa mundo. Kundi, dapat din hangarin ng tao ang lubos na kasiyahang
pangkasalukuyan.
Sa larangan naman ng sining at panitikan, sa halip na sumusunod sa istilo
na ginagawa noong panahong midyibal, ikinintal ang makabagong pamamaraan
sa pagpinta at pagsulat, binigyan daan ang realismo, perspektiba at kariktan sa
panitikan. Nabuhay sa panitikan ang kahinaan ng tao at kabiguan ng tao.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ayon kay Peter Abelard, “ Sa pag-aalinlangan napupunta tayo sa
pagtatanong, at sa pagtatanong nararating natin ang katotohanan.”
1. Paano mo maipapaliwanag ang pilosopiyang ito ni Peter Abelard?
2. Sa palagay mo, paano napukaw nito ang kilusang Humanismo?
3. Ibig bang sabihin ng pilosopiyang ito, na ang Humanismo ay isang
kilusang laban sa Simbahan?
Tandaan Mo!
Ang Renaissance ay nagsimula sa Italya dahil sa mga
sumusunod na salik:
Ang Italya ay nasa pagitan ng Gitnang Silangan at Kanlurang Europa. Ang
magandang lokasyon nito ay nagbigay pagkakataon sa mga lungsod dito na
makipagkalakalan at makatanggap ng iba’t-ibang kaisipan mula sa ibang
bansa.
17
Ang mga Italian ay mas malapit sa mga sinaunang Romano sa dugo at wika
kaysa sa ibang Europeo.
Ang mga Unibersidad sa italya ang nagbigay diin sa mga kaalaman sa
teolohiya at Pilosopiya ng mga Griyego at Romano
Ang pagtataguyod ng mga maharlikhang angkan sa mga taong mahusay sa
sining at masigasig sa pag-aaral
Gawain 3: Paglalapat
1. Ilista ang mga pangalan ng mga kilalang tao noong panahon ng
Renaissance Hal. Michaelangelo Binarotti
Leonardo Da Vinci
2. Pangkatin ang mga kilalang tao na ito ayon sa ganitong paraan
A B C D
3. Lagyan ng label ang bawat pangkat sa itaas.
• A = Larangan ng Panitikan
• B = Larangan ng Pagpipinta
• C = Larangan ng Iskultura
• D = Larangan ng Agham
18
ARALIN 4 KONTRIBUSYON AT EPEKTO NG RENAISSANCE
Hindi matutumbasang pamana ng Renaissance sa sangkatauhan ang mga
kahanga-hangang likha sa iba’t-ibang larangan ng sining at panitikan. Kilalanin
natin ang mga taong kinilala sa mga pambihirang nagawa nila sa panahon ng
Renaissance.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Matutukoy ang mga tanyag na Humanista sa Panahon ng Renaissance
2. Maipagmamalaki ang mga Kontribusyon sa iba’t-ibang larangan sa panahon
ng Renaissance.
3. Mapahalagahan ang mga mabubuting epekto ng Renaissance
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: Hanapin at bilugan ang mga salitang nasa loob ng kahon nasa
ibaba.
WORD HUNT L E V M N G E L I N E M A R T I
I N T E L E K T W A L K I L O N
T F G D G K E E J R D P R R R O
E G R E N J R R H K I P W D F R
R B E S F H F F H I O O D T E E
A T T I D G G G G T H I K G R P
T H Y N E F B H F E P U M H T O
19
U N J A R D M J E K I T J J G R
R M M R T S A K R T L R G K H M
A L K D U A R L T U O P F L B A
J J O U U N I V E R S I T I E S
J D L F S H T A T A O T E N Q Y
Y E I G F Y I S T G P F R B U O
T S H B J T M X F H I H T R E N
R A F C K R A E E J Y R Y G R R
E S D N B F E R R L A T U D F E
Intelektwal Arkitektura
Repormasyon
Literatura
Maritima
Pilosopiya Medesina
Universities Repormasyon
Sa Larangan ng Sining at Panitikan Francisco Petrarch (1304-1374). Ang “Ama ng Humanismo”. Pinakamahalagang
sinulat niya sa Italyano ang “ Songbook,” isang koleksyon ng mga sonata ng pag-ibig sa
pinakakamahal niyang si Laura.
Goivanni Boccacio (1313-1375). Matalik na kaibigan ni Petrarch. Ang kanyang
pinakamahusay na panitikang piyesa ay ang “Decameron”,isang tanyag na koleksyon na
nagtataglay ng isandaang(100) nakatatawang salaysay.
Wlliam Shakespeare (1564-1616) Ang “Makata ng mga makata.” Naging tanyag na
manunulat sa Ginintuang Panahon ng England sa pamumuno ni Reyna Elizabeth I. Ilan sa
mga sinulat niya ang mga walang kamatayang dula gaya ng: Julius Caesar, Romeo at Juliet,
Hamlet, Anthony at Cleopatra at Scarlet.
Desidarious Erasmus (c.1466-1536). “ Prinsipe ng mga Humanista.” May-akda ng “In
Praise of Folly” kung saan tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga pari at mga
karaniwang tao.
20
Nicollo Machievelli (1469-1527). Isang diplamatikong manunulat na taga Florence,
Italia. May-akda ng “The Prince.”Napapaloob sa aklat na ito ang dalawang prinsipyo:
“ Ang layunin ay nagbibigay matwid sa pamamaraan.”
“Wasto ang nilikha ng lakas.”
Ang bagong kaisipang pulitikal na nasasaad dito ay ang kanyang payo na kung
saan ang pinuno ay kailangang maging malupit, gumagawa ng katusuhan at panlilinlang para
manatili sa kapangyarihan.Ang implikasyon ng mga prinsipyong ito: ang estado ay nariyan
hindi para sa kasiyahan ng mamamayan; sa halip, ang mamamayan ay nariyan para sa
estado.
Miguel de Cervantes. Sa larangan ng panitikan, sinulat niya ang nobelang “Don
Quixote de la Mancha,” aklat na kumukutya at ginagawang katawa-tawa sa kasaysayan ang
kabayanihan ng mga kabalyero noong Medieval Period.
Sa Larangan ng Pinta at Pintor.
Michelangelo Bounarotti (1475-1564). Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance,
ang una niyang obra maestra ay ang estatwa ni David. Sa paanyaya ni Papa Julius II ipininta
niya sa Sistine Chapel ng Katedral ng Batikano ang kwento sa Banal na Kasulatan tungkol sa
.pinagmulan ng sandaigdaigan hanggang sa pagbaha. Pinakamaganda at pinakabantog
niyang likha ang La Pieta, isang istatwa ni Kristo pagkatapos ng Kanyang Krusipiksyon.
Leonardo da Vinci (1452-1519). Ang hindi makakalimutang obra maestra niyang “
Huling Hapunan” (The Last Supper), na nagpakita ng huling hapunan ni Kristo kasama ang
Kanyang labindalawang disipulo. Isang henyong mararaming nalalaman sa iba’t- ibang
larangan. Hindi lang siya kilalang pintor, kundi isa ring arkitekto,iskultor, inhinyero, imbentor,
siyentista, musikero at pilosoper.
Raphael Santi (1483-1520). “Ganap na Pintor”, “Perpektong Pintor”. Pinakamahusay
na pintor ng Renaissance. Kilala sa pagkakatugma at balanse o proporsyon ng kanyang mga
likha. Ilan sa kanyang tanyag na gawa ang obra maestrang “ Sistine Madonna”, “Madonna and
the Child” at “Alba Madonna.”
21
Agham sa Panahon ng Renaissance
Nicolas Copernicus (1473-1543). Inilahad ni Nicolas ang teoryang Copernican; “ Sa
pag-ikot ng daigdig sa aksis nito, kasabay ng ibang planeta, umiikot ito sa paligid ng araw.”
Pinasungalingan ng teoryang ito ang tradisyonal na pag-iisip na ang mundo ang sentro ng
sansinukob , na matagal din tinangkilik ng simbahan.
Galileo Galilei (1564-1642). Isang astronomo at matematiko, noong 1610. Malaki ang
naitulong ng kanyang na imbentong teleskopyo para mapatotohanan ang teoryang
Copernican.
Sir Isaac Newton (1642-1727). Ang higante ng siyentipikong Renaissance. Sang-ayon
sa kanyang “Batas ng Universal Gravitation,” ang bawat planeta ay may kanya-kanyang lakas
ng grabitasyon at siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang pag-inog.
Ipinaliwanag niya na ang grabitasyon ito ang dahilan kung bakit bumabalik sa lupa ang isang
bagay na inihagis pataas.
Tinatayang ang pag-usbong ng Renaissance ay hindi natatapos sa panahon na kung
saan nakilala ang mga nabanggit na siyentipiko bagkus ito ay nagpapatuloy magpakailanman
hangga’t ang tao ay naghahanap at naghahangad ng mga kasagutan sa kaniyang mga
katanungan.
Ang ika-14 hanggang ika-16 na siglo ang sinasabing panahon na kung saan kakikitaan
ng mga pagbabago mula sa madilim na anino ng kalagitnaang na panahon patungo sa
Modernong Panahon.
Ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng Renaissance ay nagbigay daan sa
pagyaman ng kabihasnan ng daigdig dulot ng malawak at maunlad na mga pag-aaral,
pagmamasid at pananaliksik. Ang transisyong ito ay nagbigay-daan rin sa pag-usbong ng
Rebolusyong Intelektwal at malawak nakaalaman sa daigdig bunsod ng malayang pag-iisip at
pagpapahayag ng bawat indibidwal. Ang pagbabagong dulot ng yugtong ito ay nakatulong sa
pagsulong at pagbubuklod buklod ng mga bansa sa katotohanang ang pagpapahalaga sa
kalayaan at kabutihan ay nauukol sa sankatauhan.
22
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Sa panahon ng Renaissance, si Niccolo Machiavelli ang
tinaguriang “Ama ng Makabagong Siyensiya ng Pulitika.” Sa kanyang mga
pilosopiyang, “Ang layunin ang nagbibigay ng katwiran sa pamamaraan” (The end
justifies the means), at “Ang lakas ang gumagawa ng tama” (Might makes right).
Batay sa mga pilosopiyang nabanggit, paano mo maipapaliwanag ang mga
sumusunod:
1. Ang magaling na pinuno ay yaong kinatatakutan.
2. Ang pinunong minamahal ngunit hindi kinatatakutan ay mahinang klase.
3. Ang uri ng pamamalakad ng isang pinuno ay dapat iakma sa pangangailangan
ng bansa at panahon.
4. Ang pinunong matagumpay ay yaong suwitik at maabilidad.
Tandaan Mo!
Ang Renaissance ay mayroong mahalagang impluwensya sa pag-
unlad ng kultura at takbo ng kasaysayan ng daigdig, ang mga epekto nito ay
makikita sa mga sumusunod:
Nagpayaman sa sibilisasyon ng daigdig partikular sa pilosopiya, literature at
edukasyon.
Nagpasimula ng Rebolusyong Intelektwal
Nakatulong sa pagtuklas ng heograpya at eksplorasyong maritima.
Nagpasulong ng paglago ng Nasyon –Estado.
Nagbigay-daan sa Repormasyon.
23
Gawain 3: Paglalapat Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng sagot sa ilalim
ng Oo at Hindi. Suriin at pangatwiranan ang iyong mga sagot.
Makatarungan ba ang pilosopiya
ni Machievelli sa “The Prince”
“ Ang layunin ay nagbibigay
matuwid sa pamamaraan.”
(The end justifies the means)
OO HINDI
24
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO
Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano
ang mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan?
Ang salitang reanissance ay isang salitang Pranses na hango sa salitang italyano na
renascimineto na ang ibig sabihin ay muling pagsilang o panunumbalik ng kawilihan
ng mga tao sa kahalagahan at kakayahan ng tao at sa kagandahan ng daigdig.
Ang panahong ito ay itinututring na ding pagpapalit ng panahon mula sa
panahong midyebal patungong makabagong panahon.
Isa rin itong reaksiyon sa uri ng pamumuhay medyibal kung saan ang
personalidad ng tao ay higit na mahalaga kaysa sa kalipunang kinabibilangan, at
tahasang pagpapahayag ng iniisip kaysa sa bulag na pagsunod.
Binibigyang diin at halaga ng Humanismo ang kahalagahan ng makabuluhang
pamumuhay ng tao sa daigdig, taliwas sa paniniwalang ang layunin ng pamumuhay
rito sa mundo ay upang maghanda para sa kabilang buhay.
Ang humanismo ay tumutungkol din sa kaalaman at pagkawili sa kulturang
Griyego at Romano. Ang Italyanong si Petrarch ang kinilalang ama ng humanismo,
malaki ang kaniyang nagawa upang muling sumigla ta manumbalik ang interes ng
tao sa pag-aaral ng mga klasikang kultura ng sinaunang Griyego at Romano.
Nagsimula ang reanissance sa Italya dahil sa pagiging mariwasa ng mga
siyudad sa hilagang Italya tulad ng Venice, Florence, Milan at Genoa. Ang mga
pintor, makata at manlililok ay hinimok at tinustusan ng mga mayayamang Italyano
upang gumawa ng mga dakilang likhang sining na may diwang klasika. Ang
kaalaman ng mag Italyano sa nakaraan na nakuha nila sa pakikipagkalakalan ay
galing sa Constantinople kung sann napanatili at iningatan ang kulturang klasika.
Ang pag-usbong Renaissance ay nagdulot ng malaking pagbabago para sa pag-
unlad ng sibilisasyon ng daigdig. Ang mga pagbabagong ito ay nagpaningas ng
rebolusyong intelektwal, pagunlad ng heograpiya at mga eksplorasyong maritima,
paglago ng pambansang estado at higit sa lahat ay nagsilbing inspirasyon para sa
mga kasalukuyang panatiko ng Sining.
25
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: I. Panuto:. Titik lamang ang isulat sa unahan ng bawat bilang maliban sa
isa: 1. Ang panahong Renaissance ay kakikitaan ng mga sumusunod na katangian
maliban sa isa:
A. Pagbibigay halaga sa tao at ikabubuti nito
B. Pagsunod sa kagustuhan ng simbahan
C. Paglikha ng iba’t- ibang anyo ng sining
D. Wala sa nabanggit
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi dahilan kung bakit nagkaroon ng
Renaissance.
A. Nakilala ang Iskolastisimo noong ika- 13 siglo
B. Nagkaroon ng komunikasyon ang Europa sa Byzantine at sa sibilisasyong
Muslim sa tulong ng mga Krusada at kalakalan
C. Paghina ng mga burgis sa Europa
D. Pagkalat ng mga unibersidad sa Europa
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi dahilan ng paglaganap ng Renasimyento sa
labas ng Italya?
A. Sa pamamagitan ng mga batang iskolar
B. Sa pamamagitan ng mga negosyante
C. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng digmaan
D. Sa pamamagitan ng mga diplomatikong palabas-labas ng bansa dahil sa
trabaho at interes
4. Ang Renaissance ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay rebirth o muling
pagsilang, sa yugtong ito ipinapaliwanag ang
A. Pagyabong ng Kaisipang Simbahan.
B. Transisyon mula Medieval hanggang sa pagpasok ng Modernong Panahon
C. Pagpapanatili ng paniniwalang Midyibal
26
D. Lahat ng nabanggit
5. Ang Renaissance ay nagmula sa Italya, alin sa mga sumusunod ang hindi
nagpapaliwanag kung bakit ito nagsimula sa Italya
A. Ang lokasyon ng Italya ay nagbibigay sa mga lungsod ng pagkakataon upang
yumaman at magkaroon ng pagkakataon sa paglikha ng sining
B. Ang Italya ay mas malapit sa mga sinaunang Romano sa dugo at wika kaysa
sa ibang bansa
C. Ang Italya ay kontrolado ng Papa sa Roma
D. Wala sa nabanggit
6. Si Lorenzo de Medici ay tinaguriang
A. Prinsipe ng Panahong Renaissance
B. Ama ng Panahong Renaissance
C. Prinsipe ng humanista
D. Ama ng Humanismo
7. Si Niccolo Machiavelli ay kinilala bilang
A. Ama ng Makabagong Siyensiya ng Pulitika
B. Prinsipe ng Humanismo
C. Ama ng Humanismo
D. Perpektong Pintor
8. Kulturang nais ipanumbalik ang interest sa Sinaunang Gresya at Roma sa
Panahong Renaissance
A. Humanismo
B. Primogeniture
C. Gothic
D. Klasikal
9. Kinilala siya bilang Ganap na Pintor o Perpektong Pintor dahil sa kanyang mga
pambihirang likhang sining
A. Bramante B. Rafaello Sanzio
27
C. John Colet D. Leonardo da Vinci
10. Aklat na nanlalait sa mga kamangmangan ng lipunan at ng simbahan
A. Decameron
B. La Pieta
C. In Praise of Folly
D. The Prince
11. Ang pinakamalaking simbahan sa daigdig at pinakamagandang halimbawa ng
arkitekturang Renaissance
A. St. Peter’s Basilica
B. St. Paul’s Cathedral
C. Our Lady of Lourdes
D. St. John the Baptist
12. Lumikha ng dalawang napabantog na obra maestra sa buong mundo, ang Huling
Hapunan at Mona Lisa
A. Leonardo da Vinci
B. Raphael
C. Michelangelo
D. Donatello
13. Lumikha ng obra maestra sa Sistine Chapel
A. Michelangelo
B. Erasmus
C. Pisano
D. Thomas More
14. Teoryang nagpapaliwanag na ang araw ang sentro ng sanlibutan
A. Geocentric theory
B. Heliocentric theory
C. Theory of Gravitational Force
D. Theory of Inertia
15. Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang hindi kabilang sa paniniwalang
Machiavellian?
A. Malakas ang gumagawa ng mabuti
B. Ang wakas ang magpapatunay
C. Ipamahagi ang kapangyarihan sa ibang makakatulong para sa pag-unlad
28
D. Kailangan ang kalupitan upang maingatan ang kapangyarihan
16. Anak ng isang edukadong abugado, siya ay ipinanganak sa Florence at kinilala
bilang Ama ng Humanismo
A. Niccolo Machiavelli
B. Francisco Petrach
C. Lorenzo de Medici
D. Leonardo da Vinci
17. Ang aklat na ito ay nagparebolusyon ng mga pulitikal na ideya ng kanyang
kapanahunan (Machiavelli) at naglagay na pundasyon ng isang bagong
siyensiyang pulitikal
A. The Prince
B. In Praise of Folly
C. Decameron
D. La Pieta
18. Kinilala at tinaguriang Universal Man dahil sa kanyang mga likhang sining
A. Leonardo da Vinci
B. Raphael
C. Michelangelo
D. Donatello
19. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa epektong dulot ng Renaissance?
A. Tumulong sa mga tuklas ng heograpiya at mga eksplorasyong maritime
B. Nagpaningas sa Rebolusyong Intelektual
C. Nagpaunlad sa dokrinang pang simbahan
D. Nagpasulong ng paglago ng mga pambansang estado
20. Isang aklat na nilikha ni Miguel de Cervantes na nagpapakilala sa isang
kabalyerong nadismaya kung saan sinasabing katawa-tawa
A. Hamlet
B. Macbeth
C. Don Quixote de la Mancha
D. Oratorio
29
GABAY SA PAGWAWASTO:
PANIMULANG PAGSUSULIT
1) C
2) D
3) B
4) B
5) B
6) D
7) A
8) B
9) A
10) A
11) D
12) D
13) C
14) B
15) C
16) A
17) B
18) D
19) D
20) C
PANGHULING PAGSUSULIT:
1. B
2. C
3. C
4. B
5. C
6. A
7. D
8. B
9. C
10. A
11. A
12. A
13. A
14. B
15. C
16. B
17. A
18. A
19. C
20. C
30
Sagot sa Aralin 4: Gawain 1
L M
I N T E L E K T W A L
T D R
E E K R
R S I E
A I T P
T N E P O
U A M K I R
R A T L M
A R U O A
U N I V E R S I T I E S
T A O Y
I P O
M I N
A Y
A
1
ARALING PANLIPUNAN III
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 12
ANG REPORMASYON
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
2
MODYUL 12 ANG REPORMASYON
Hindi lubos na maisisisi sa bagong siyentipko pamamaran ng mga tao sa
panahon ng Renaissance ang paghina ng simbahan. Dahil sa pagmamalabis at
pagasasamantala ng simbahan at Kapapahan ang institusyong di-natitinag ng
panahon ay unti unti nang humina. Sa modyul na ito, susuriin ang mahalagang
bahaging ginampanan ng Simbahang Katoliko sa paglakas ng Europa; ang
pagtalunton sa simula at paglaganp ng Repormasyon, na pinangunahan at
pinagtagumpayan nina Martin Luther at John Wycliffe. Ilalahad din sa araling ito ang
naging kasagutan ng Simbahang Katoliko na nagbigay- daan sa Kontra
Repormasyon.
May apat na araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Bahaging ginampanan ng Simbahang Katoliko sa paglakas ng
Europa
Aralin 2: Repormasyong Protestante
Aralin 3: Repormasyong Katoliko; Kontra Repormasyon
Aralin 4: Mga epekto at kahalagahan ng Repormasyon sa Kasaysayan
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Maisalaysay ang bahaging ginampanan ng Simbahang Katoliko sa
Panahong Midyibal;
2. Masusuri ang mga dahilan kung bakit tumiwalag sa Simbahang katoliko
ang mga lider ng mga Protestante;
3. Mailalarawan ang katauhan ng mga lider ng Protestantismo;
4. Maipaliliwanag ang mga Prinsipyong ipinaglaban ng mga Protestante;
5. Matutunton ang mga bansa kung saan lumaganap ang Protestantismo;
6. Maisusulat ang mga paraan ng kontra-Repormasyon; at
3
7. Mahihinuha ang mga bunga ng Repormasyon.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para
sa iyo.
PANIMULANG PAGSUSULIT: I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot:
1. Krisis sa relihiyon kung saan ang mga bansang Katoliko ay yumakap sa ibang
Relihiyon
A. Kontra-Repormasyon.
B. Renaissance.
C. Great Schism.
D. Repormasyon
2. Papa na nagbawal sa mga pari na mag-asawa
A. Paul I.
B. Gregory VII.
C. Leo the Great.
D. Gregory IV.
3. Pangunahing bansa na tagapagtanggol ng Katolisismo
A. Portugal.
B. Alemanya.
C. Espanya.
D. Estados Unidos.
4. Nagpasimula sa Repormasyong Protestante
A. Martin Luther.
B. Henry VIII.
C. John Calvin.
D. Ulrich Zwingli.
5. Ito ay ang tagapagbili ng Kapatawaran
A. Indulhensiya.
B. Great Schism.
C. Index.
D. Inquisition
4
6. Samahang itinatag na binuo ng mga taong pumipigil sa pagpapalaganap ng
Protestantismo
A. Konseho ng Trent.
B. Calvinist.
C. Indulhensiya.
D. Inquisition.
7. Bansang pinagmulan ng Repormasyong Protestante
A. Espanya.
B. Portugal.
C. Alemanya.
D. Inglatera.
8. Ang itinatawag sa kalaban ng mga Katoliko
A. Muslim.
B. Protestante.
C. Humanista.
D. Iskolar.
9. Pagpupulong na isinagawa upang pg-usapan ang kahinaan ng Simbahan
A. Parliamento.
B. Great Council.
C. Konseho ng Trent.
D. Estates - General.
10. Samahan ng mga tapat na Katoliko upang paunlarin ang Simbahang Katoliko
A. Great Council.
B. Humanista.
C. Repormasyong Katoliko.
D. Hinduismo.
11. Tinaguriang “Defender of Faith” dahil sa pagtatanggol ng Katolisismo laban sa
Lutheran noong 1520
A. Henry VIII.
B. Edward VI.
C. James I.
D. Henry III.
12. Misyonerong tinaguriang “Apostle of the Indies” dahil sa mga kahanga-hanga
nitong nagawa
A. St. Francis Xavier.
B. Henry III.
C. Gregory VII.
D. St. Ignatius of Loyola.
5
13. Argumentong tumutuligsa sa pagbili ng Indulhensiya
A. Utopia.
B. Songbook.
C. 95 theses.
D. In Praise of Folly.
14. Isang tala ng mga aklat na ipinagbabawal basahin ng mga Katoliko
A. 39 Articles.
B. Index.
C. Inquisition.
D. 95 theses.
15. Batas na naghihiwalay sa Simbahan ng England sa kapangyarihan ng Papa
A. 95 theses.
B. 39 articles.
C. Bill of Rights.
D. Act of Supremacy.
16. Panuntunang isinulat ng lupon ng mga obispong Ingles noong 1563 bilng
batayan ng paniniwalang Simbahang Anglikano
A. Index.
B. Institue of Christian Religion.
C. 39 Articles.
D. 95 Theses.
17. Ang namuno ng Repormasyon sa Pransya
A. Ulrich Zwingli.
B. Henry VIII.
C. John Calvin.
D. Martin Luther.
18. Samahang itinatag ni St. Ignatius of Loyola na naglalayong pangalagaan ang
mga Katoliko at pabalikin ang mga Protestante na magbalik sa Katolisismo
A. Inquisition.
B. Great Council.
C. Council of Trent.
D. Society of Jesus.
6
19. Aklat ni Luther na nagsasaad ng pakiusap sa mga namumunong Aleman na
ituwid ang mga kamalian ng simbahan at ihinto ang lahat ng pagbabayad sa
Rome
A. Index.
B. Adress to the Christian Nobility of the German Nation.
C. 39 Articles.
D. 95 Theses.
20. Ang namuno ng Repormasyon sa Switzerland
A. Ulrich Zwingli.
B. John Calvin.
C. Martin Luther.
D. Henry VIII.
7
ARALIN 1 BAHAGING GINAMPANAN NG SIMBAHANG KATOLIKO SA PAGLAKAS NG EUROPA
Nasa araling ito ang pagtalakay kung paano kumilos ang Simbahang
Katoliko noong Panahon ng Midyibal upang palakasin ang Europa. Binibigyang diin
din nito ang pagkilala ng mga barbaro sa Kristyanismo at ang pagkakasangkot ng
simbahan sa suliraning pambansa.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Mapahalagahn ang bahaging ginampanan ng Simbahan sa paglakas ng Europa;
2. Mailalahad ang pagkilala ng mga barbaro sa Kristyanismo; at
3. Masusuri ang pagkakasangkot ng Simbahan sa suliraning pambansa.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Magsimba at Magmasid
A. Sa iyong pagtungo sa Simbahan ano ang iyong napapansin? Itala ito.
B. Pagpangkat-pangkatin ang iyon napansin sa pagitan ng mga
paniniwala, tagasunod at taong naglilingkod sa simbahan.
Paniniwala Tagasunod Taong naglilingkod
8
Pagkilala ng mga Barbaro sa Kristyanismo
Ang paghina ng Empeyong Romano ay nagsisimula sa pagkakahati ng Imperyong
Romano sa Kanluran at Silangang Bahagi na lalo pang pinalubha ng pagsalakay ng mga
tribong Aleman – Franks, Saxon. Burgundian, Visigoth, Ostrogoth, Sueve, Olan, Vandal, sa
kanlurang Europa na humantong sa pagbagsak ng Roma sa kamay ng mga Goths noong
476 CE. Sa panahong ito, nagsimula na ang tinatawag na Panahong Midyibal o Panahon
ng Kadiliman. Sa yugtong ito ng kasaysayan ng kanlurang Europa, lubhang naging
mahalaga ang papel na ginampanan ng Simbahang katoliko sa paglakas ng Europa.
Sa pagkakatatag ng Banal na Imperyong Romano, sa panahon ni Leo III (Papa 795
– 816), hindi nagpabaya ang Simbahang Kristiyano sa pagpapalagnap ng kanilang
relihiyon, Hinirang nila si Charlemagne,ang hari ng mga Frank upang maging emperador
nito. Ang mga Frank sa pamumuno ni Charlemagne ang maagang yumakap sa
pananampalatayang Kristiyanismo.Ipinagpatuloy ito ni Haring Clovis, sa sumunod na
dantaon, dumami na ang mga tagasunod ng pananalig na ito. Mula hilaga hanggang
silangang Alemanya, dinala nila ang pananampalatayang ito,
Sa panahong Midyibal, nagtatag ay simbahan ng makapangyarihang instrumento sa
pagpapalaganap ng Kristianismo: ang monasteryo. Sa loob ng monasteryo, hindi lamang
pagdarasal at pagmumuni-muni ang ginagawa ng mga monghe. Naging repositoryo o
tagapag-ingat ng mga lumang kasulatan na siya nilang itinatanging papel na pagkalat ng
kaalaman sa Gitnang Panahon. Matiyaga nilang kinopya ang mga sulatin ng mga bantog
na gurong Kristyano at maging ng mga Romano. Nagsilbi din ang monasteryo na paaralan
ng mga artisano, ospital, pahingahan ng mga manlalakbay at kanlungan sa panahon ng
kaguluhan.
9
Itinatag din ng simbahan ang mga sumusunod na paaralan: paaralang pamparokya
para sa pagbabasa, pagsulat at doktrina ayon sa doktrina ng simbahan mayroon din
paaralan sa pag-awit, episkopal para sa gawaing pansimbahan.
Pagkakasangkot ng Simbahan sa Suliraning Pambansa
Noong una, nakikialam lamang ang simbahan sa suliraning ispiritwal ng mga tao.
Nagsimula ang suliranin sa usaping pangnonomina sa mga Obispong mangangasiwa sa
mga kahariang nakapaloob sa Emperyo. Naging madalas ang hidwaan sa pagitan ng Papa
at Emperador. Ang isyu tungkol sa mga pribilehiyo ng simbahan tulad ng hindi pagbabayad
ng buwis, eksempsyon ng mga taong-simbahan sa kumukupkop sa mga umiiwas sa
kaparusahan.
Nagpalabas agad si Pope Gregory VII (1073 – 1085) na tapusin na ang alitan na ito
sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga emperador at hari sa paghirang ng sarili nilang
mga kandidato sa pagkaobispo na tinatawag na lay investiture, na ang layunin lamang ay
makihati sa nakokolektang buwis ng Simbahan. Ipinahayag ni Papa Gregory VII, na lahat
ng taong-simbahan ay dapat igalang at sundin bilang alagad ng Diyos, at ang Papa ay may
kakayanang magpaalis ng mga emperador o hari.
Maraming hari, isa na rito si Henry IV ang hindi sumunod sa kautusan ng Papa na
alisin ang lay investiture. Nagpatawag si emperador Henry IV ng sunod na pagpupulong ng
Simbahan na ang layunin ay para patalsikin ni Papa GregoryIV. Dahil dito, bilang ganti,
inekskomunika ng Papa si Henry. Napilitang humingi ng tawad si Henry sa Papa para
lamang matapos ang gusot na ito. Pinatawad siya ng Papa pagkatapos paghintayin siya sa
labas ng palasyo ng tatlong araw na nakapaa sa niyebe. Ilang taon, si Henry naman ang
nanggipit kay Papa Gregory na nauwi sa tuluyang pagbibitiw ng huli.
Matapos ang alitan sa kasunduan sa Council of Worms 1122, na ang mga pari na
ang pipili ng Obispo at abbot ay namumuno sa lupain pero kailangan may pagsang-ayon
ng mga hari.
10
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Pagsunud-sunurin ayon sa kahalagahan 1 bilang pinakamahalaga at
8 bilang di gaanong mahalaga.Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
MGA NAGAWA NG SIMBAHAN
1. Ginawang Kristyano ang mga barbarong Aleman
2. Pinag – isa ang kanlurang Europa
3. Itinatag ang batayan ng Kabihasnang Midyibal
4. Pinamahalaan ang Edukasyon
5. Nagbukas ng Ospital
6. Kinalinga ang mga mahihirap, ulila at manlalakbay
7. Pinangalagaan ang mga aklat at iba pang tala o record
8. Pinagbuti ang pagsasaka
Tandaan mo!
Sa pagbagsak ng Roma noong 476 CE, nagtulong ang simbahan at
mga mamamayan upang mapangalagaan ang kalinangan ng imperyo.
Upang ipakita at ipalaganap ang Kristiyanismo, ang hari ng mga Franks
na si Clovis ang namuno sa Kanlurang Europa, samantalang sa Inglatera naman ay
si St. Augustine. Sa Ireland, pinamunuan ni St. Patrick ang pagpapalaganap ng
relihiyong Katoliko, at si St. Boniface naman ang nagpakilala nito sa Alemanya.
Sa panahong midyibal, malaki ang ginampanang tungkulin ng simbahan sa aspeto
ng edukasyon sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga paaralan.
Mayroon ding kapangyarihan ang simbahan na makialam sa suliraning ispiritwal ng
mga tao, ito ay nagbigay sa kanila ng karapatan upang tawaging isang estado ang
Papa.
Ang pagkakalipat ng tahanan ng Papa mula sa Roma (Italy) sa Avignon (France) at
pagpapapanatili doon ng 70 taon ay nagresulta sa Great Schism kung saan
11
nagkaroon ng dalawang magkaribal na Papa na ang bawat isa ay nag-aangkin ng
pagiging Banal na Ama.
Ang pagkakatatag ng mga malalakas na nasyon estado ay tanging malaking balakid
sa awtoridad ng Papa.
Ang Rebolusyong Intelektwal ang isa sa mga naging dahilan upang magsimulang
mag-alinlangan ang mga mamamayan sa mga aral at gawi ng simbahan.
Gawain 3: Paglalapat Pagkatapos mong malaman ang kahinaan ng simbahan, tukuyin kung
alin ang pang-ispiritwal, pampulitikal,pangkabuhayan at pangsosyo-
kultural.
.
KAHINAAN NG
SIMBAHANG KATOLIKO
PANGKABUHAYAN PANSOSYO-KULTURAL
PANG-ISPIRITWAL PAMPULITIKAL
12
ARALIN 2 REPORMASYONG PROTESTANTE
Tataluntunin ng araling ito ang simula at paglaganap ng Repormasyon , ang
pagtatangi nina Martin Luther at John Wycliffe sa pangunguna sa Repormasyon ang
bunga ng maraming pagkukulang ng Papa para sa pagtupad sa kanilang tungkulin
sa taong bayan
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Matatalakay ang dahilan ng pagtiwalag ni Martin Luther sa Rome ;
2. Mababakas ang Digmaang Panrelihiyon sa Alemanya; at
3. Matutunton ang paglaganap ng Kilusang Protestante.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Panuto: Ang mga nakatalang numero sa bawat patlang may mga
katumbas na letra mula sa alpabetong Ingles upang mabuo ang nakatagong salita na
kung saan tumutukoy sa isang panahon na kung kailan nagsulputan ang mga hinaing at
kontradiksyon laban sa simbahang Katoliko.
__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
18 5 16 15 18 13 1 19 25 15 14 7 16 18 15 20 5 19 20 1 14 20 5 Ang Repormasyon Ang katawagan sa mga kaganapan na yumanig sa kakristyanuhan mula ika-14
hanggang ika-17 na dantaon na humantong sa pagkakahati ng simbahang Kristyano. Dito
nagsimula ang paghihiwaly ng mga Protestante sa simbahang Katoliko Romano,
13
gayunpaman hindi nagpabaya ang mga Katoliko Romano, sinimulan nila ang pagbabago
sa sariling relihiyon nang hindi binabago ang kanilang doktrina.
Isa sa pumuna sa simbahan ay isang Ingles na si John Wycliffe( 1320-84). Naging
bahagi ng mga doktrina ng mga Protestante ang kaniyang paniniwala na ang tao ay
maaaring makipag-usap ng tuwiran sa Diyos at hindi na kailangan ng simbahan at mga
pari. Ang doktrina ng Transubstiation ay kanya ring kinuwestyon, ito ay ang pagtanggap ng
ostiya at alak bilang katawan at dugo ni Kristo.
Lumitaw si John Huss (1369-1415), isang Bohemian na naging tagasunod at
nagtuloy sa ipinanukala ni Wycliffe. Binansagan niyang “Institusyon ni Satanas” ang
institusyon ng pagka Papa.
Inatake naman ng Italyanong si Girolano Bonarola (1452 – 1528) ang karangyaan
ng simbahan at Estado. At si Erasmus (1466- 1536) sa kaniyang Praise of Folly (Papuri
sa Kamangmangan) itinuloy niya ang pagreporma sa masamang gawain ng mga pari.
Bagamat malungkot ang sinapit ng mga repormistang ito (sinunog sila bilang erehe)
ang kanilang nasimulan ay pinagpatuloy at binigyang kaganapan sa katauhan ng isang
Aleman na si Martin Luther.
Martin Luther, Ama ng Protestanteng Paghihimagsik
Isang mongheng Augustinian at naging Propesor ng Teolohiya sa Unibersidad ng
Wittenberg. Nabagabag siya at nagsimulang magduda ng mabasa niya ang kaibahan ng
katuruan ng simbahan sa katuruan ng Bibliya tungkol sa kaligtasan….”Ang pagpapawalang
sala ng Diyos sa mga tao ay nagsisismula sa pananampalataya, at naging ganap sa
pamamagitan ng pananampalataya ”(Roman 1:17)
Ang pag-aalinlangan at pagdududa ni Martin Luther sa bisa at kapangyarihan ng
mga relikya ay kanyang napatunayan sa pagdalaw niya sa Roma noong 1571. Nagpasiklab
ng galit ni Luther ang kasuklam-suklam na gawain ng simbahan, ang pagbenta ng
indulhensya, kapirasong papel na nagsasaad at nagpalabas na ang grasya ng Diyos ng
maaring ipagbili at bilhin para sa kapatawaran at kaligtasan ng tao. Para kay Luther ang
tanging daan tungo sa kaligtasan ay ang buong pusong pananampalataya sa Diyos.
14
Napag-alaman na ni Luther na isinagawa ni John Tetzel, isang Prayleng Dominikano, ang
pagbebenta ng indulhensya na iniutos ni Pope Juluis II, na ipinagpatuloy ni Pope Leo X,
para sa pagapapagawa ng mas lalong pinagandang simbahan na St Peter’s Basilica.
Martin Luther
Ang hindi pagsang-ayon ni Luther sa patakaran ng simbahan tungkol sa pagkamit
ng indulhensya, ang nagtulak sa kanya para ipaskil sa pintuan ng simbahan, noong ika-31
ng Oktubre, 1517 ang kanyang “Siyamnapu’t limang Proposisyon”(Ninety-five theses)
Bukod sa hindi pagkilala sa proposisyon ni Luther, binalaan pa si Luther ng
ekskomunikasyon at pagpapalabas ng Papal Bull noong Hulyo 1520, binigyn siya ng
animnapung araw na palugit para pabulaanan ang kaniyang mga tuligsa sa Simbahang
Katoliko. Pagsunog sa dokumento sa harap ng maraming tao ang naging kasagutan ni
Luther na nagresulta sa pagdeklara s kanya bilang erehe. Kinupkop siya ng mga
makapangyarihang tagapagtanggol, mga prinsipe at hari na nagnanais na makalaya ang
lokal sa simbahan sa mga imposisyon ng panghihimasok ng Roma. Itinungo siya sa
palasyo ng Wartburg na pag-aari ni Haring Elector Frederick ng Saxony. Sa panahong ito,
nagkakaroon siya ng pagkakataon na isalin ang Bibliya sa Aleman na lalong nagpatingkad
15
sa kanyang katanyayagan. Sa pagbabalik niya sa Wittenberg noong 1522, naitatag ang
simbahang Luther.
Nagbigay ng maling interpretasyon ang pag-atake ni Luther sa simbahan. Sa udyok
ng mga panatikong tagasunod ng relihiyon, nagkaroon ng Digmaan ng mga Pesante noong
1524 na tumagal ng dalawang taon. Sa kapakanang ito, bagamat walang kinalaman ni
Luther, siya ang naging tampulan ng sisi, dahil dito, ang Lutherianismo sa Timog Alemanya
ay hindi nagtagal at nagbalik sigla sa lakas ng Katolisismo.
Isinasaad ang mga paniniwala at aral ng Lutherianismo sa AUGSBURG
CONFESSIONS na inihanda nina Luther at Philip Melanethon. Binigyan din ng
dokumentong ito ang mga kredo at katuruang Lutherian, na ang tao ay naliligtas sa
pamamagitan ng pagtanggap at pananalig kay Jesus lamang at hindi sa mga sakramento
ng simbahan o paggawa ng kabutihan. Ang tanging awtoridad para sa buhay ispiritwal ng
tao ay nasa Bibliya lamang.
Kumalat sa iba’t-ibang bayan ng Alemanya ang kapangyarihan ni Luther. Noong
taong 1529, nagbigay ang mga sumusuportang estado at bayang Aleman ng isang
“protestasyon”- ang pinagmulan ng salitang “Protestante”(ang mga sumasalungat sa mga
mamamayang Katoliko) sa emperador ng Banal na Emperyong Romano na nananawagan
sa pagwawakas sa paghihimagsik ng simbahan. Pagkatapos ng ilang taong alitan ng
Protestante at Katoliko Romano na hanggang humantong sa digmaan, tinapos ni Charles V
ang panrelihiyong digmaan sa pamamagitan ng paglagda sa “Kapayapaang Augsburg”
nooong 1555. Nasasaad sa kasunduan na kilalanin ang kapangyarihan ng mga hari o
namumuno na malayang pumili ng relihiyonang kanilang nasasakupan.
Ang Calvimismo at iba pang mga Simbahang Protestante
Sa Geneve, Switzerland ang kilusang Repormista ay pinamumunuan nina Jean
Corin (1509-64) tunay na pangalan John Calvin. Noong 1536, ipinalabas ni Calvin ang
kanyang aklat na The Institute of Christian Religion. Katipunan ito ng mga paniniwala ng
mga Protestante na kung tawagin ay “predestination” ayon sa kaniyang paniniwala sa
kapalaran bago pa man isinilang ang tao, nakaguhit na sa kanyang palad kung anong uri
16
ng buhay dito ang mapapasakanya. Kaya ang bawat tao, bago pa isilang, ay nakatakda ng
mabuhay sa loob o sa labas ng biyaya ng Diyos. Isa pang prinsipyo ng Calvinism ay ang
payak na pamumuhay, naniniwala sila na ang mundo ay seryosong lugar at ang tao ay
nabubuhay dito hindi upang magsaya. Ang lahat ng kamunduhan at iba pang luho sa
buhay ay mga bagay na nagmula kay Satanas.
Sa kalaunan, lumitaw sa buong Europa ang iba’t-ibang sekta ng Calvinism. Isang
disipulo ni John Calvin, si John Knox ang nagtatag ng Simbahang Presbyteria sa Scotland
at nang makarating ito sa Inglatera, tinawag itong Puritanismo.
Mayroon ding isang grupo na hindi kasing dami at kasing tanyag ng mga tagasunod
ng Lutheranism at Calvinism, ang tawag sa sektang ito ay Anabaptist na ang ibig sabihin
ay “Binyagang Muli”. Naniniwala ng grupong ito na ang sakramento ng binyag ay nararapat
lamang ibigay sa taong nasa wastong gulang na para gumawa ng sariling desisyon kung
talagang gusto nilang sumapi sa sektang ito. Isang sangay pa ng Preotestantismo ay ang
Socinian, pinaniniwalaan nila na si Kristo ay isang dakila at mahusay na guro at hindi dapat
na ituring na Diyos; at ang mga Armenian, na bagamat naging tagasunod ng Calvanism,
naniniwalang ang tao ng malayang piliin ang kanyang landasin sa buhay, taliwas sa mga
aral ng Calvanism, na itinakda na ng Diyos ang kasasapitan ng tao. Ang mga unang sekto
ng Protestantismong nabanggit ang nagbigay daan sa mga kasalukuyang Simbahang
Protestante.
Ang Repormasyon sa Inglatera
Sa Inglatera, naging pinuno ng Repormasyon ay si Haring Henry VIII (1509-1547).
Dati siyang tagapagtanggol ng Katolisismo laban sa mga Lutheran noong 1520, kaya
iginawad sa kanya ng Papa ang titulong “Tagapagtanggol ng Katolisismo”. Nagsimula ang
paglaganap ng Protestantismo sa Inglatera ng hindi sinasang-ayunan ng Papa Clement VII
ang pagpawalang-bisa ng kanyang kasal kay Catherine ng Aragon. Itinitibok ng puso niya
noon at gustong pakasalan ay si Anne Boleyn, na sa paniniwala niya ay mabibigyan siya
ng anak na lalaki upang maging tagpamana ng trono, na hindi naipagkakaloob sa kanya ni
Catherine ng Aragon.
17
Kahit walang permiso ang Papa, pinakasalan ni Henry si Anne Boleyn, dahil dito
inekskomunikado siya ng Papa. Ito ang naging mitsa sa paghihiwalay ng Simbahang
Inggles sa Roma. Bilang ganti, naglabas si Henry ng diskreto mula 1529 hanggang 1536
na nagtatatag sa ilalim ng Act of Supremacy (1534) na nagdeklara sa hari bilang
pinakamataas na puno ng simbahan ng Inglatera. Ang Inglatera ay naging tunay na
Protestante sa mahabang pamumuno ng anak ni Henry at Anne Boleyn na si Elizabeth I
(1558-1603).
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman PAG-AARAL NG KASO:
Martin Luther
Sa mga repormista, hindi makakasagip ng kaluluwa ang simbahan bagkus isa
lamang itong institusyon. Sa doctrinal na pananaw ni Martin Luther, ang Bibliya ang
siyang susi sa kaligtasan ng tao. Ang paniniwala niyang ito ang naging dahilan upang
tawagin siyang erehe. Kung susunurin ang ipinaglalaban ni Luther, ang kanyang
tinututulan ay ang mga “paghahandog” na ang tinapay at alak ay magiging katawan at
dugo ni Kristo. Para sa mga repormista, ang alak at tinapay ay simbolo lamang. Ang
magliligtas sa mga tao sa kanyang kasalanan ay ang pamumuhay ng maayos,
panalangin at pagsamba sa Maykapal. Ito ay hindi lamang gawa ng tao kundi pagpapala
ng Maykapal.
Ang kanyang mga pananaw ay inyong mababasa sa kanyang mga sumusunod
na 95 Theses:
Out of love for the truth and the desire to bring it to light, the following
propositions will be discussed at Wittenberg, under the presidency of the Reverend
Father Martin Luther, Master of Arts and of Sacred Theology, and Lecturer in Ordinary
on the same at that place. Wherefore he requests that those who are unable to be
present and debate orally with us, may do so by letter.
18
.
In the Name our Lord Jesus Christ. Amen.
Tanong:
Pagtuunan mo ng pansin ang nabanggit na impormasyon sa pag-aaral ng kaso.
Alin sa mga sumusunod na ideya ang iyong susuportahan o paniniwalaan?
1. Si Martin Luther ay isang debotong Katoliko na nagnanis lamang na dalisayin ang
Simbahang Katoliko
2. Si Martin Luther ay isang rebeldeng naghahangad na baguhin at magtatatg ng
relihiyong humihiwalay sa Simbahang Katoliko.
Tandaan Mo!
Malaking pagbabago ang naganap sa Simbahang Katoliko noong
14-17 dantaon kung saan maraming mga turo at gawi ng simbahan
ang direktang tinulugsa ng mga repormista.
Sina John Wycliffe ng England, John Huss ng Bohemia, Savaranola ng Italy at
Erasmus ng Totterdem ang kilalang repormistang nanguna sa pangunguwestyon
hinggil sa pagpapalawak ng ari-arian at luho ng Papa, pagbenta ngposisyon ng
simbahan, mga imoralidad ng mga pari at mga doktrina ng simbahan na taliwas sa
turo ni Kristo.
Si Martin Luther, ama ng protestanteng paghihimagsik, ang lalaking nanguna sa
pagbabago ng imahe ng ka-kristyanuhan.
Ang paghihimagsik ni Luther ay sinamanatala ng mga magsasaka na mag-aklas
laban sa kanilang mga panginoong my lupa ay nagbunga ng malaking pinsala sa
timog na bagi ng Alemanya na nagresulta sa pagkasira ng adhikain ng mga
Lutheran.
19
Sa kabila ng pagkasira ng pangalan ni Martin Luther, mabilis pa ring umunlad ang
kanyang itinatag na kilusan.
Gawain 3: Paglalapat Panuto: Itala ang mga suliranin ng Simbahang Katoliko ayon sa kanilang
mga uri o kategorya.
Mga Suliranin ng Simbahang
Katoliko ayon sa mga Repormista
Mga Suliranin ng Simbahang
PINANSYAL ISPIRITWAL MORALIDCE
20
Gabay na tanong 1. Sa kasalukuyang panahon, lutang na lutang pa ba ang mga suliraning ito?
Bakit?
2. Kung ikaw ay isang Katoliko noong panahong iyon ay mananatili ka pa ba
sa kinagisnang pananampalataya? Bakit?
ARALIN 3 KONTRA REPORMASYON
Ang Kontra-Repormasyon ang naging kasagutan ng Simbahang
Katoliko sa mga gawain ng mga Protestante. Ang magiging paksa sa araling ito.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Mapahahalagahan ang mga dakilang nagawa ng mga misyonero;
2. Matatalakay ang Konseho ng Trent; at
3. Maipaliliwanag ang tinatawg na Inquisition.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
DEMONSTRASYON
Isipin mo na ikaw ay isang amo o may-ari ng isang kumpanya at sa di
inaasahang pangyayari ay nagsagawa ang iyong mga empleyado ay nagsagawa ng
21
protesta laban sa iyong pamamalakad. Maghanda ng isang sanaysay ukol sa iyong
isasagawang hakbang bilang kontra sa isinagawang Protesta.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
STORYTELLER The Inquisition sometimes used ”ordeals” to determine guilt or innocence,
confident that God would give victory to an innocent person and punish the guilty. In the
“Trial of the Cross” both parties, accuser and accused, stood before a cross with arms
outstretched. The first to drop his arms was judged guilty. In the trial by cold water, the
accused was tied up and lowered into water. If he sank, he was innocent. If he floated,
he was guilty.
- from the MedievalInquisition, Albert Clement Shannon, 1983
Tanong:
1. Sa kasaysayan ng Pilipinas ginamit din ng ating mga ninuno ang “trial by
ordeal” bilang bahagi ng kanilang kultura.
2. Makatarungan ba ang ginamit na pamamaraan ng Inkwisisyon sa
pagsugpo sa paglaganap ng Relihiyong Protestante?
Tandaan mo! Ang tagumpay ng himagsikang Protestante at
paghihiwalay ng marami sa Simbahang Katoliko ay
naging babala sa Papa upang magsagawa ng aksyon.
Nagtatag ang simbahang Katoliko ng mga kilusan upang pagbutihin ang
pananampalatayang Katoliko.
Sa Council of Trent nagkasundo upang magsagawa ng reporma ang
simbahan hinggil sa mga depekto nito tulad ng pagbenta at pagbili ng opisyo
ng simbahan at pagbabawal ng pagtatalaga ng mga hari o karaniwang pinuno
sa simbahan.
22
Lalong pinalakas ang Inquisition na siyang maglilitis sa mga kaso ng erehe o
pagtaliwas sa mga turo ng simbahan.
Binuo ang Society of Jesus na nagpapakita ng espiritung military. Sila ang
mga lalaking subok sa katapatan, lakas ng karater at matalino.
Gawain 3: Paglalapat Panuto: Itala ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng paniniwalang
Repormasyon(Protestant) at Kontra- Repormasyon(Simbahang
Katoliko) . Bilang mag-aaral paano mo tinatanggap ang mga ideyang taliwas sa iyon
paniniwala
.
PAGKAKATULAD
PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA
Reporamsyon Konta Reporamsyon
23
ARALIN 4 MGA EPEKTO AT KONTRIBUSYON NOONG PANAHON NG REPORMASYON
Sinasabi ang relihiyon ay isang gabay sa buhay upang maisakatuparan ang
pangangailangang ispiritwal sa pagbagsak ng Imperyong Romano, umusbong at
napag-isang muli ang Europa sa pmamagitan ng Simbahang Katoliko. Dulot ng mga
pagbabago sa panahon sabay ang pagbabago sa pag-iisip ng tao umusbong ang
mga kontradiksyon sa simbahang Katoliko nagpasimula ng panibagong paniniwala
at hidwaang panrelhiyon.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Mahihinuha ang bunga ng Repormasyon;
2. Mapahalagahan ang epekto ng Repormasyon sa kasalukuyang panahon;
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
WORDHUNT
T O N I A T C E A T E R I F
L U T H E R A N P O M R E I
S C E S H I L P R L A E R O
E S I N G L V E F O M P G U
E R E V E R I W E R M O H J
R H U G U E N O T S A R J G
T S I N G L I A S E R M B D
Y C E C I L S U D D T A N Z
U Z S W M E T H O D I S T W
R U G R A T S O H M N Y G Y
T O N I L O V E R E D O E R
H E L P S A K R A M E N T O
24
LUTHERAN
CALVINIST
HUGUENOTS
METHODIST
REPORMASYON
SAKRAMENTO
Epekto at Kahalagahan ng Repormasyon Malaki ang pagbabagong naganap sa Simbahang Katoliko noong ika-14
hanggang 17 dantaon , kung saan maraming mga gawi at turo ng simbahan ang
tinuligsa ng mga repormista partikular sa imoralidad at pagmamalabis ng simbahan.
Naging tanyag ang pangalang Martin Luther bilang “ Ama ng Himagsikang
Protestante” na siyang namuno sa paglaban sa mga depekto ng simbahan. Ang
kanilang layunin ay hindi upang sirain ang Simbahang Katoliko kundi upang maging
bukas ang simbahan sa mga pagbabago o reporma. Hindi nagustuhan ng Papa at ng
mga kawani ng simbahan ang pagtatagumpay ni Luther kaya’t tinapatan nila ito ng
Council of Trent, Inquisition, at Society of Jesus na naglalayong pagbutihin ang
pananampalatayang Katoliko.
Ang walang tigil na iringan sa pagitan ng Simbahang Katoliko at Protestante, at
patuloy na pagpapalaganap ng paniniwala at adhikain ay nagdulot ng mga sumusunod
na epekto:
• Nagkaoon ng dibisyong panrelihiyon sa Europa kung saan ang hilaga ay
naging mga Protestante samantalang ang timog naman ay nanatiling
Katoliko.
• Sa kadahilanang maraming mga turo ng Simbahang Katoliko ang taliwas sa
tunay na aral ni Kristo, at iba pang pagmamalabis ng mga pari, marami ang
humiwalay sa Simbahang Katoliko at nagtatag ng mga sekta ng Protestante
tulad ng Calvinism, Lutheranism, Methodist, Anglican, Presbyterian at iba.
• Gumawa ng aksyon ang Simbahang Katoliko hinggil sa mga depekto ng
kanilang relihiyon upang muling mapanumbalik ang dating tiwala ng mga
tagasunod nito at pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko. Ang ilan sa
mga repormang kanilang mga ginawa ay ang pagpapawalang bisa ng
seremonya na tumutukoy sa pagbenta at pagbili ng mga opisyo ng
25
simbahan; at ang pagbabawal sa pagtatalaga ng mga hari o karaniwang
pinuno sa simbahan.
• Ang taliwas na ideya ng dalawang malaking relihiyon sa Europa (Katoliko at
Protestante) ay nagresulta sa mahabang panahon ng digmaang panrelihiyon.
• At ang panghuli ay ang pagpapanumbalik na ispiritwal sa Kristiyanismo, ang
pagpapalaganap ng Bibliya at ang doktrina ng kaligtasan ng Bibliya. Ang
kaligtasan ay makakamit hindi sa pagsapi sa simbahan kundi ang
pagtanggap at pagtitiwala kay Kristo.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Tanong:
• Suriin ang mapa, noong taong 1650 paano nagkaroon ng pagkakahating
panrelihiyon sa Europa? Anong napansin mo?
26
Tandaan Mo!
Ang repormasyon ay nagdulot ng mga sumusunod na
epekto:
Pagkakahati ng Europa sa dalawa: sa hilaga ang Protestante; at sa timog
naman ay Katoliko.
Pagkakabuo ng maraming sektang panrelihiyon tulad ng Calvinism,
Lutheranism, Methodist, Anglican, Presbyterian at iba.
Pagkakaroon ng reporma hinggil sa mga depekto ng Simbahang Katoliko,
mga aral at gawi nito na taliwas sa turo ni Kristo.
Pagsiklab ng mga digmaang panrelihiyon.
Pagsisimula ng kasiglahan sa Kristiyanismo, ang paglaganap ng Bibliya at
ang Biblikal na doktrina na ang kaligtasan ay nagmumula sa
pananampalataya kay Kristo.
Gawain 3: Paglalapat
1. Nakatulong ba ang Repormasyon sa Simbahang Katolisismo? Ipaliwanag.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Suriin ang kasalukuyang Simbahang Katoliko, mayroon bang dapat baguhin sa
pamamaraan ng kanilang paniniwala? Ipaliwanag.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
27
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO
o Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito,
ano ang mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan? Sa pagbagsak ng Roma noong 476 CE, nagtulong ang mga mamamayan at ang
simbahan upang mapangalagaan ang kalinangan ng imperyo.
Iba’t-ibang pinuno sa iba’t-ibang lugar ang namuno sa pagpapakilala at
pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Malaki ang ginampanan ng simbahan sa usapin ng suliraning ispiritwal at edukasyon
tulad ng pagpapatayo ng paaralan na nagbigay sa kanya ng malaking kapangyarihan at
karapatan upang tawaging estado.
Ang pagkawala ng malakas na kapangyarihan ng Papa ay naging dahilan upang
magkaroon ng mga kaguluhan sa loob ng simbahang katoliko.
Ang pagkakaroon ng dalawang Papa na parehong nag -aangkin ng pagiging Banal na
Ama, pagkakatatag ng mga nasyon estado, at ang rebolusyong intelektwal ang naging
sanhi upang mawalan ng tiwala ang mga mamamayan sa tao at unti-unting kwestyunin
ang mga aral at gawain ng simbahan.
Ang pagpapalawak ng ari-arian at luho ng Papa, pagbenta sa opisyo ng simbahan,
mga imoralidad at pagmamalabis ng mga pari at ang mga turo ng simbahan na taliwas
sa aral ni Kristo ang nagbigay daan kina Wycliffe, Huss, Savaranola, at Erasmus sa
pangunguna sa pag-aalinlangan at pagtatanong sa aral ng simbahan.
Ang himagsikang panrelihiyon na pinasiklab ni Martin Luther ay nagresulta sa
pakakahati ng Europa sa Katolikong Europa at Protestanteng Europa, at pagkakabuo
ng maraming sektang panrelihiyon tulad ng Calvinism, Lutheranism, Methodist,
Anglican, Presbyterian at iba.
Naging babala sa Simbahang Katoliko ang matagumpay na paghihigmagsik ni Luther
kung kaya’t binuo ng simbahan ang Council of Trent, pinalakas ang Inquisition, at
itinatag ang Society of Jesus na naglalayong pagbutihin ang pananampalayang
Katoliko.
28
Ang taliwas na ideya ng dalawang malaking relihiyon sa Europa (Katoliko at
Protestante) ay nagresulta sa mahabang panahon ng digmaang panrelihiyon.
Nagkaroon ng pagpapanumbalik na ispiritwal sa Kristiyanismo, ang pagpapalaganap
ng Bibliya at ang doktrina ng kaligtasan ng Bibliya. Ang kaligtasan ay makakamit hindi
sa pagsapi sa simbahan kundi ang pagtanggap at pagtitiwala kay Kristo.
29
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Aklat ni Luther na nagpapakita ng pag-aalinlangan sa sakramento ng kasal,
kumpil, ordeinasyon at pagpapahid ng langis.
A. 39 articles.
B. Index.
C. 95 theses.
D. The Babylonian Captivity of the Christian Church.
2. Kasunduang nilagdaan ni Charles V noong 1555 na tumapos sa mga sigalot
panrelihiyon sa Germany
A. Diet of Worms.
B. Peace of Augsburg.
C. Treaty of Versailles.
D. Treaty of Tordesillas.
3. Aklat na isinulat ni Calvin na naglalaman ng mga paniniwala ng mga Protestante
A. 39 articles.
B. Index.
C. The Institute of the Christian Religion.
D. Augsburg Confession.
4. Iskolar na Ingles na naniniwala na ang Bibliya, hindi ang simbahan, ang
makapagliligtas sa kaluluwa ng tao
A. John Huss.
B. Ulrich Zwingli.
C. John Wycliffe.
D. Martin Luther.
5. Isang lider sa Unibersidad ng Prague sa Bohemia na tumuligsa sa awtoridad ng
Papa at ang kayamanan ng simbahan.
A. John Wycliffe.
B. Ulrich Zwingli.
C. Martin Luther.
D. John Huss.
30
6. Namuno sa Repormasyon sa Scotland
A. John Calvin.
B. John Knox.
C. John Huss.
D. John Wycliffe.
7. Ang sentro ng ideya ng Pilosopo ni Calvin
A. Predestinasyon.
B. Sakramento.
C. Kapatawaran.
D. Kaligtasan.
8. Kasulatang nagsasaad ng mga paniniwala ng mga Lutheran.
A. Augsburg Confession.
B. Treaty of Verdun.
C. 39 articles.
D. Council of Worms.
9. Isang grupong radikal na bumuo ng kaliwang sangay ng Protestantismo o ang
mga “binyagang muli”
A. Lutheranismo.
B. Anabaptist.
C. Calvinismo.
D. Zwinglinismo.
10. Paniniwala na ang mundo ay isang seryosong lugar at ang mga tao ay
nabubuhay rito hindi upang magsaya
A. Lutheranismo.
B. Anabaptist.
C. Calvinismo.
D. Zwinglinismo.
11. Paniniwala na hindi lahat ng sakramento ay mahalaga at kailangan ng mga tao
A. Lutheranismo.
B. Anabaptist.
C. Calvinismo.
D. Zwinglinismo.
12. Hindi sila naniniwala sa bisa ng sakramento sapagkat sila ay naniniwala na ang
Diyos lamang ang makapangyrihan sa lahat
A. Lutheranismo.
B. Anabaptist.
C. Calvinismo.
D. Zwinglinismo.
31
13. Ipinagbabawal nito ang hindi pag-aasawa ng pari, paggamit ng Latin sa misa at
pagiging tapat sa Papa
A. Lutheranismo.
B. Anabaptist.
C. Calvinismo.
D. Anglicanismo.
14. Ito ay ang pagkakaroon ng paniniwala na tumutuligsa sa simbahan
A. Indulhensya.
B. Heresya.
C. Ekskomulga.
D. Inkisisyon.
15. Ito ay ang pagpapatalsik sa taong Katoliko at inaayawan ng lahat ng tao
A. Indulhensiya.
B. Heresya.
C. Ekskomulga.
D. Inkisisyon.
16. Papa na nagbuo ng samahang inquisition noong 1232
A. Gregory IX.
B. Edward I.
C. Paul III.
D. Gregory VII.
17. Isang seremonyang panrelihiyon na binuo ng Inkissisyong Espanyol noong 1559
kung saa ang mga erehe ay hinahatulan
A. Guillotine.
B. Garote.
C. Auto- da-fe.
D. Paglilitis.
18. Ang nangunang Papa sa Kontra Repormasyon na nagpulong ng mga kinatawan
sa Trent
A. Gregory VI.
B. Gregory IX.
C. Paul II.
D. Paul III.
19. Ang mga sumusunod ay naging epekto ng Repormasyon maliban sa isa
A. Pagsilang ng Nasyonalismo.
B. Pag-unlad ng Merkantilismo.
32
C. Paglaho ng lubusang pananalig sa Simbahan.
D. Pagkakaroon ng kalayaan sa pananampalataya.
20. Ang mga sumusunod ay naging dahilan ng pagkabigo ng Protestismo sa
Espanya maliban sa isa.
A. Pagiging tapat na Katoliko ng mga maharlikang Espanyol.
B. Pagtatatag ng Inkisisyon.
C. Monarkiya ng Espanya.
D. Pagbagsak ng Imperyong Spain sa mga Kolonya nito.
33
GABAY SA PAGWAWASTO:
PANG-UNANG PAGSUSULIT 1. D
2. A
3. D
4. B
5. C
6. A
7. A
8. D
9. C
10. B
11. C
12. C
13. A
14. C
15. A
16. B
17. D
18. C
19. C
20. D
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT 1. D
2. B
3. C
4. C
5. D
6. B
7. A
8. A
9. B
10. A
11. C
12. D
13. D
14. B
15. C
16. A
17. C
18. D
19. B
20. D
1
ARALING PANLIPUNAN III
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 13
REBOLUSYONG SIYENTIPIKO AT INDUSTRIYAL
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
2
MODYUL 13 REBOLUSYONG SIYENTIPIKO AT INDUSTRIYAL
Mahika, mistisismo at mga lumang sulatin ang nakapangyari sa kaisipan ng
mga Europeo noong Panahong Midyibal. Ibinase ng mga Midyibal na iskolar ang
kanilang mga teorya sa mga prinsipyo at ideya ng mga Klasikal na pilosopo gaya
nina Aristotle, Ptolemy at Galen. Pinaniwalaan nila na ang mundo ay patag at kapag
ang isang maglalakbay sa karagatan ay nakarating sa dulo nito ay posible siyang
mahulog sa pinakadulo. Maging ang doktrina ng Simbahan ay pinalaganap ang
pagtuturo na ang mundo ang sentro ng Sansinukuban(Universe). Ang patunay dito
ng Simbahan ay batay sa pagsasabing ang mundo ang tirahan ng tao kaya ito ang
sentro ng Sansinukuban.
Noong ika-16 na siglo, ay lumaganap ang panibagong kaisipan sa tulong ng
mga imbensiyon at pagsusuri ng mga siyentipikong gaya nina Nicolaus Copernicus
at Galileo Galilei. Ito ang naging pasimula ng mga Makabagong Kaisipan o naging
kilala sa katawagang Rebolusyong Siyentipiko. Sinundan ito ng mga inobasyon at
pagtuklas ng mga makabagong gamit na nagpabilis sa produksiyon ng mga
Europeo at nagpatatatag ng kanilang komersiyo, kalakalan at pangkabuhayan.
Ang kaisipang ito ang naging daan din sa pagtuklas at pag-imbento ng mga
makabagong makinarya na nakapagpabilis at nagparami ng produksiyon ng mga
taga Hilagang Amerika at Europa. Ang Panahon ng Industriya ay isinilang kaya
naging daan ito sa pagkakaroon ng “ factory system” o mga malalaking industriya;
pag-unlad ng komunikasyon at transportasyon; paglawak ng pamilihang
internasyonal; at pagbubuo ng panggitnang uri ng antas ng pamumuhay ng mga tao
o ang “middle class”.
May tatlong na araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Bagong Ideyang Siyentipiko
Aralin 2: Ang Epekto at Impact ng Siyensiya
Aralin 3: Ang Rebolusyong Industriyal
3
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Natatalakay kung paanong nagpasimula ang Kaisipang Siyentipiko
noong ika-16 na siglo;
2. Naipapaliwanag ang epekto at impact ng Kaisipang Siyentipiko sa
pamumuhay, pangkabuhayan at iba pang larangan ng siyensiya;
3. Nailalarawan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Europeo
bago umusbong ang Makabagong Industriya;
4. Nasusuri ang mga pagbabago at epektong idinulot ng Rebolusyong
Industriyal sa pamumuhay at pangkabuhayan ng mga Europeo at taga
Hilagang Amerika; at
5. Nakabubuo ng isang tsart ng paghahambing ukol sa mga pamosong
imbentor at siyentipiko na nakapag-ambag sa Rebolusyong Siyentipiko
at Industriyal
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para
sa iyo.
4
PANIMULANG PAGSUSULIT: I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot
1. Ang bansang pinagsimulan at sumibol ang Rebolusyong Industriyal
A. Italya
B. Inglaterra
C. Pransiya
D. Estados Unidos
2. Ang siyentipikong naniniwala na ang araw ang sentro ng kalawakan at ang
mundo at iba pang mga planeta ay umiikot lamang dito
A. Nicolaus Copernicus
B. Galileo Galilei
C. Ptolemy
D. Rene Descartes
3. Ang yamang ito ay marami ang bilang sa Britanya at naging kasangkapan sa
paggawa ng maraming makinarya
A. Bulak
B. Uling at bakal
C. Ginto
D. Chromite
4. Siyentipikong nagpakilala ng pangangailangan sa pamamaraang imbestigasyon
upang makatulong sa pagtuklas ng katotohanan
A. Isaac Newton
B. William Harvey
C. Francis Bacon
D. Voltaire
5. Ideyang nagsasaad na ang pamahalaan ay hindi dapat makialam sa
pagpapatakbo ng negosyo
A. Merkantilismo
B. Laissez faire
C. Komunismo
D. Bullionismo
6. Isa sa mahalagang “factor of production” na kinakailangan upang magamit sa
pamumuhunan sa paggawa, makinarya at hilaw na materyal na mahalaga upang
mapalaki ang mga industriya
A. Kapital
B. Entreprenyur
C. Lupa
D. Lakas paggawa
5
7. Ang mga sumusunod ay epekto ng Rebolusyong Industriyal maliban sa:
A. Paglaki ng mga Industriya sa Tela
B. Pagbilis ng produksiyon
C. Pag-unlad ng transportasyon at komunikasyon
D. Repormasyon
8. Ang pag-usbong ng mga makabago at siyentipikong kaisipan ay naging dahilan
upang ang Simbahan ay:
A. Maragdagan ng kapangyarihan
B. Suriin at kwestiyunin sa kanyang mga aral at doktrina
C. Makapang-akit ng mga bagong kasapi
D. Makipagtulungan sa mga monarkong Europeo
9. Ang siyentipikong Italyano na nagpatunay na ang teorya ni Copernicus ukol sa
ang araw ang nasa gitna ng Sansinukuban at ang mundo ay isa lamang sa mga
planetang umiikot ay tama
A. John Locke
B. Galileo Galilei
C. Francis Bacon
D. Rene Descartes
10. Siyentipikong nagbuo ng makabagong pamamaraan sa pag-iimbestiga sa
larangan ng siyensiya o ang “scientific method”
A. Voltaire
B. Francis Bacon
C. Diderot
D. Nicolaus Copernicus
11. Ang paglaganap at naging bunga ng makabagong kaisipan sa Europa at
Hilagang Amerika ay ang
A. Karapatang makapagpahayag ng sariling damdamin at kaisipan
B. Pagiging deboto at masunurin sa doktrina ng Simbahan
C. Paniniwala sa mga superstisyon at mahika
D. Pagkakaroon ng mga monarkong makapangyarihan
6
12. Ang pag-unlad ng mga industriyalisadong siyudad sa Hilagang Amerika at
Europa ay dahil sa:
A. Pagkakaroon nito ng magandang lugar para daungan ng mga kalakal
B. Lakas paggawa
C. Makabagong makinarya
D. Mababang buwis na pinapataw sa mga kalakal
13. Isang organisadong pamamararaan sa produksiyon na nagsama sa
manggagawa at makinarya sa ilalim ng pamumuno ng isang tagapangasiwa
A. Pamamaraang Siyentipiko
B. Sistemang Factory
C. Industriyalisasyon
D. Laissez faire
14. Panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento
A. Rebolusyong Pranses
B. Rebolusyong Ingles
C. Rebolusyong Industriyal
D. Rebolusyong Siyentipiko
15. Ang kaunlarang naidulot ng Rebolusyong Industriyal ay naging daan sa
pagbubuo ng panibagong panlipunang istraktura para sa mga
A. Manggagawa
B. Entreprenyur
C. Panggitnang uri ng tao
D. Monarko
16. Pamamaraang ginamit sa mga industriya ukol sa pagtatalaga sa mga
manggagawa ng mga bagay na dapat lang niyang gawin sa panahon ng
kanyang pagtratrabaho
A. Division of Labor
B. Sistemang factory
C. Pamamaraang Siyentipiko
D. Pamamaraang Industriyal
17. Mga taong naniniwala sa pilosopiyang pampulitika ni John Locke at teoryang
siyentipiko ni Isaac Newton
A. Monarko
B. Philosophes
C. Lakas Paggawa
D. Panggitnang uri ng tao
7
18. Isinulong niya ang aral ukol sa paghihiwalay ng kapangyarihan ng mga sangay
ng ehekutibo, lehislatura at hukuman sa isang pamahalaan
A. Voltaire
B. Baron de Montesquieu
C. John Locke
D. Thomas Hobbes
19. Mga monarkong gumamit sa kanilang mga pamumuno ng mga pampulitikang
ideya ng Enlightenment
A.
B. Absolute Monarchs
C. Constitutional Monarchs
D. Enlightened Despots
E. Merry Monarchs
20. Aspeto ng pilosopiya na tumatalakay sa mga paksa ukol sa unibersal, ispiritwal
at mga eternal na tanong lalo na ang ukol sa pagkakaroon ng Diyos at ang
limitasyon ng kaalaman
A. Etimolohiya
B. Axiology
C. Lohika
D. Metapisika
8
ARALIN 1 BAGONG IDEYANG SIYENTIPIKO
Ang bagong ideyang siyentipiko ay instrumento sa pagkakaroon ng panibagong
pananaw sa kaalaman at paniniwala ng mga Europeo. Ang dating impluwensiya
ng Simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng mga tao ay nabawasan at humina dahil
sa mga paglalathala ng mga bagong tuklas na kaalaman na pinatunayan ng
“bagong siyensiya”. Naging tulong ang panahon ng katuwiran (age of reason) upang
magkaroon ng bagong liwanag ang mga tradisyunal na ideya at bigyan ng bagong
paglalarawan at redepinisyon ng lipunan
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Natatalakay ang dahilan ng pagkakaroon at pagbubuo ng bagong ideyang
siyentipiko
2. Nakikilala ang mga taong nagging pangunahing tagapagturo at nagsulong ng
bagong ideyang siyentipiko
3. Nakapagbibigay ng sariling kuru-kuro ukol sa kahalagahan ng bagong
ideyang siyentipiko sa pamumuhay ng mga tao
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Suriin ang larawan sa ibaba. Sa iyong palagay ano ang naging tulong nito sa
pagpapapalaganap ng bagong ideyang siyentipiko at pag-iisip ng mga tao sa
Europa. Isulat ang maikli mong paliwanag sa iyong kuwaderno.
9
Ang Rebolusyong Siyentipiko Ang Polish na si Nicolaus Copernicus ay nagpasimula ng kanyang propesyong
siyentipiko sa Pamantasan ng Krakow, Poland noong 1492. Kaalinsabay nito ang
panahon ng pagkakatuklas ni Christopher Columbus sa Amerika. Sa panahong ito ay
nagpasimula na si Copernicus ng mga pagtatanong ukol sa pangunahing paniniwala at
tradisyon ng mga tao.
Batay sa kanyang mga ginawang pananaliksik ay pinaniniwalaan niya na ang mga
ideyang itinuturo at pinaniniwalaan ng mga tao noong panahon na iyon ukol sa
Sansinukuban ay may mga pagkakamali. Binigyang diin niya na ang mundo ay bilog di
gaya ng paniniwala noon na ito ay patag at kapag nakarating ang isang manlalakbay sa
dulo nito ay posibleng mahulog siya. Isa pa sa kanyang inilahad ay ang ukol sa pag-ikot
ng mundo sa sarili nitong aksis habang ito’y umiikot sa araw. Idinagdag pa niya na ang
araw ang nasa sentro ng Sansinukuban na taliwas sa itinuturo ng Simbahan na ang
mundo ang sentro ng Sansinukuban. Ang teoryang ito ay nakilala sa katawagang
Teoryang Heliocentric.
Si Nicolaus Copernicus ang Polish astronomer na
nagbigay ng rebolusyonaryong pagpapaliwanag
ukol sa alin sa araw at mundo ang sentro ng
Sansinukuban
Ang kaisipang ito ni Copernicus ay di niya kaagad inilathala sa dahilang
posibleng ito ang maging daan sa mga puna mula sa Simbahan at
nangangahulugan ng persekyusiyon, ekskomunikasyon o pagsunog ng buhay sa
pamamagitan ng Inquisition.
10
Mga Bagong Teorya Ukol sa Sansinukuban (Universe)
Dalawang siyentipiko ang sumunod sa pag-aaral at pagsusuri sa Teoryang
Heliocentric ni Copernicus. Si Johannes Kepler, isang Aleman na astronomer, natural
scientist at mahusay na matematisyan ang nagbuo ng isang pormula sa pamamagitan
ng matematika ukol sa posibleng pag-ikot sa isang paribilog ng mga planeta sa araw na
di gumagalaw sa gitna ng kalawakan. Ito’ y tinawag niyang ellipse. Dinagdag pa niya na
ang mga planeta ay di pare-pareho sa bilis sa kanilang paggalaw nguni’t mabilis ang
kanilang paggalaw kung papalapit sa araw at mabagal kung ito’y palayo.
Si Johannes Kepler, Alemang astrologo na bumuo
ng pormula sa matematika upang mapatunayan ang
pag-ikot ng mga planeta sa araw
Nagkaroon ng mga pagtatanong si Kepler sa mga pinuno sa academics at
Simbahan ng panahon na iyon. Hindi siya nagkaroon ng pag-aalinlangan sa kanyang
mga hinuha at pagsusuri at maging sa pagtatanong sa Simbahan dahil siya’y kabilang
sa Kilusang nag-protesta ukol sa Simbahan sa panahong iyon. Nguni’t ang kanyang
kontemporaryo na si Galileo Galilei na isang Italyano at Katoliko ay nagkaroon ng
malaking oposisyon sa Simbahan.
Taong 1609 nang nabuo ni Galileo ang kanyang imbensiyon na teleskopyo at
naging dahilan ng kanyang pagdidiskubre sa kalawakan. Ang kanyang pagtanggap sa
teoryang itinuro ni Copernicus ay ginamit na dahilan upang siya’y mapailalim sa isang
imbestigasyon ng mga pinuno ng Simbahan at pagpapaliwanagin kung bakit nagkaroon
siya ng kontradiksiyon sa posisyon ng huli. Ang pagdidiin na ito sa kanya ng Simbahan
ay naging daan upang magkaroon siya ng ilang retraksiyon sa kanyang ginawang mga
11
pag-aaral at di maging daan ng pagtitiwalag sa kanya sa Simbahan. Matapos ang
retraksiyon ay nagpatuloy pa rin siya sa kanyang mga siyentipikong pagtuklas na
naging basehan ng pagbubuo ng mga unibersal na batas sa pisika at inertia.
Si Galileo Galilei, Italyanong siyentipiko na naparusahan
ng Inquisition dahil sa kanyang pagtanggap ng Teoryang
Heliocentric ni Copernicus at naging daan sa kanyang
habang buhay na “house arrest”
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Sa ibinigay na hatol ng Simbahan kay Galileo Galilei na habang buhay
na “house arrest” dahil sa kanyang pagtanggap at pagsusulong sa Teoryang
Heliocentric ni Copernicus noong 1633 sa Italya, sumasang-ayon ka ba o hindi? Bakit?
Si
Galileo habang tinatanong ng kapulungan ng mga matataas na pinuno ng Simbahang
Katoliko ukol sa kanyang pagsang-ayon sa teoryang pinalaganap ni Copernicus
12
Tandaan Mo!
Ang teoryang Heliocentric ay nagtuturo na ang araw ang nasa gitna
ng kalawakan at ang mundo ay umiikot dito kabilang ang iba pang
mga planeta
Si Nicolaus Copernicus, isang Polish ang nagbigay ng bagong pagtuklas na
ang araw ang nasa gitna ng kalawakan at di ang mundo
Si Johannes Kepler, isang Aleman na astronomer at mahusay na matematisyan ang
nagbuo ng isang pormula sa pamamagitan ng matematika ukol sa posibleng pag-
ikot sa isang paribilog ng mga planeta sa araw na di gumagalaw sa gitna ng
kalawakan. Ito’y tinawag na ellipse
Si Galileo Galilei ang Italyanong siyentipiko na nakapagimbento ng telescope at
naging daan sa pagpapatibay na ang araw ang nasa gitna ng kalawakan
Gawain 3: Paglalapat
Batay sa ginawang pagtalakay sa Aralin 1, alin sa Teoryang Heliocentric
at Geliocentric(paniniwalang ang mundo ang nasa gitna ng kalawakan)
ang iyong pinaniniwalaan? Bakit? Magbigay ng maikling paliwanag.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
13
ARALIN 2 ANG EPEKTO AT IMPACT NG SIYENSIYA
Nang makatuklas ng mga siyentipikong imbensiyon ukol sa tao, kalikasan at
kalawakan ay naging malaganap at popular ang siyensiya sa Europa. Sa
pamamagitan ng mga makabagong imbensiyon na ito ay nagkaroon ng mga bagong
kaalaman ang mga tao at ilan sa mga hari sa Europa ay sumuporta dito. Si Haring
Charles II ng Inglaterra ay nagtatatag ng Royal Society of London noong 1662 na
kung saan ay naging kasapi at nakilala sa pangkat na ito sina Isaac Newton at
Robert Boyle. Noong 1666 ay nagtatatag naman si Haring Louis XIV ng Pransiya ng
French Academy of Science. Ang mga kilusang ito ay nagbigay ng mga suportang
pinansiyal sa mga siyentipiko at nagpalimbag ng mga siyentipikong aklat at mga
babasahin
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Nakikilala ang mga naging sikat na siyentipiko o mga “thinker” sa Europa at
Amerika sa larangan ng pulitika, lipunan at siyensiya;
2. Nasusuri ang naging epekto sa pamumuhay, paniniwala at pangkabuhayan
ng mga tao ng Rebolusyong Siyentipiko;
3. Nabibigyang pagpapahalaga ang mga naiambag na reporma ng mga
Enlightened Despots sa kanilang mga kaharian ; at
4. Nakapagbibigay ng sariling hinuha sa naging epekto ng bagong pilosopiyang
panrelihiyon, ang Deismo sa tradisyunal na relihiyon sa Europa.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Suriin ang mga larawan sa ibaba. Kilalanin kung sino sila at ano ang kanilang
naiambag sa Rebolusyong Siyentipiko. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno sa
Makabayan
14
Ang Makabagong Ideyang Pampulitika Ang mga pagbabago sa siyensiya ay naging daan sa mga pilosopo at mga
mapag-isip(thinkers) na magkaroon ng ideya na kung ang sistematikong batas ay
maaring kasagutan sa paglikha ng sansinukuban at natural na kapaligiran, ito ay maari
ring maging gabay upang ang pampulitika, pangkabuhayan at panlipunang pakikipag-
ugnayan ay maipaliwanag ng analitikong pangangatwiran. Ang siyentipikong pag-iisip at
pamamaraan ay tunay na may malaking impluwensiya sa mga pampulitikang teorya.
Dalawang pilosopong Ingles, sina Thomas Hobbes at John Locke, ang nagbigay
ng konkretong paliwanag ukol sa ideya ng batas natural at pamahalaan noong
kalagitnaan ng ika-16 na siglo. Ito ang panahon na kung kailan ang Inglaterra ay may
malaking suliranin ukol sa pamumuno ng hari na absoluto ang kapangyarihan dahil sa
pinagbasehang Teorya ng Divine Right. Ang Teoryang Divine Right ay ang
paniniwalang lumaganap sa Europa na ang isang hari ay pinili ng kanilang diyos upang
mamuno sa kaharian kaya binibigyan ng absolutong kapangyarihan sa kanyang
pamumuno. Maraming pumuna sa pamahalaang ito at naging dahilan ito sa Inglaterra
ng Digmaang Sibil. Ang Digmaang Sibil ay sumiklab sa pagitan ng mga taong
naniniwala na ang hari ay may absolutong kapangyarihan sa pamamahala at mga tao
naming naniniwala na kailangang sila ay may karapatang pamunuan ang kanilang mga
sarili.
15
Ang Digmaang Sibil sa Inglaterra ay nangyari sa pagitan ng mga Royalistang
sumusuporta kay Haring Charles I at ng bumubuo ng Parliamento na pinamunuan ni
oliver Cromwell
Ang Pagpapaliwanag ni Hobbes ukol sa Pamahalaan
Ginamit ni Thomas Hobbes ang ideya ng batas natural upang isulong ang
paniniwala na ang absolutong monarkiya ang pinakamahusay na uri ng pamahalaan.
Pinaniniwalaan niya na ang pagkakaroon ng kaguluhan ay likas sa tao kaya dahil dito
ay kailangan ng isang absolutong pinuno upang supilin ang ganitong mga pangyayari.
Sa kanyang pagpapalimbag ng sinulat niyang aklat na Leviathan noong 1651 ay
inilarawan niya ang isang lipunan na walang pinuno at ang posibleng maging direksiyon
nito tungo sa magulong lipunan.
Binigyan niya ng pagdidiin na ang tao ay kinakailangang pumasok sa isang
kasunduan sa pamahalaan na kailangang iwanan niya ang lahat ng kanyang kalayaan
at maging masunurin sa puno ng pamahalaan. Ang kasunduang ito ang magiging
dahilan ng pangangalaga at pagproprotekta na ibibigay ng puno ng pamahalaan sa
kanyang nasasakupan. Dinagdag pa niya na ang mga tao ay di binibigyan ng
16
karapatang magrebelde sa kanyang pinuno maging ito man ay di makatwiran sa
kanyang pamamalakad.
Pagpapahayag ng Bagong Pananaw ni Locke
Isa pa sa kinilalang pilosopo sa Inglaterra ay si John Locke na may parehong
paniniwala gaya ni Hobbes na kinakailangang magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng
mga tao at ng kanilang pinuno. Nguni’t naiiba siya sa paniniwala na ang tao sa kanyang
natural na kalikasan ay may karapatang mangatwiran,may mataas na moral at
mayroong mga natural na karapatan ukol sa buhay, kalayaan at pag-aari.
Sinasabi niya na ang tao ay maaring magtalusira sa kanyang kasunduan sa
pinuno kung ang pamahalaan ay di na kayang pangalagaan at ibigay ang kanyang mga
natural na karapatan. Binigyang diin din niya na kung ang tao ay gumamit ng
pangangatwiran ay makararating siya sa pagbubuo ng isang pamahalaang mabisang
makikipag-ugnayan at tutulong sa kanya.
Ang kanyang mga ideya ay isinulat niya noong 1690 sa pamamagitan ng
lathalaing Two Treatises of Government. Ang kanyang sulatin ay naging popular at
nakaimpluwensiya sa kabuuan ng Europa at maging sa kolonya ng Inglaterra, ang
Kolonyang Amerikano. Ang ideya niya ang naging basehan ng mga Amerikano na
lumaya sa pamumuno ng Gran Britanya. Ang Deklarasyon ng Kalayaan na sinulat ni
Thomas Jefferson at naging mahalagang sulatin sa paglaya ng Amerika sa mga Ingles
ay halaw sa mga ideya ni Locke ukol sa kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng
pamahalaan.
17
Si Thomas Jefferson at ang kanyang sinulat na Deklarasyon ng Kalayaan ng
Amerika na kanyang hinalaw sa mga ideya ni John Locke ukol sa kasunduan sa pagitan
ng mga tao at pamahalaan
Isa pa sa kinilalang pilosopo sa larangan ng pulitika ay ang Pranses na si Baron
de Montesquieu na naniniwala sa ideya ng paghahati ng kapangyarihan sa isang
pamahalaan. Hinati niya sa tatlong sangay ang pamahalaan: ang lehislatura na
pangunahing gawain ay ang pagbubuo ng mga batas; ang ehekutibo na nagpaaptupad
ng batas at ang hukuman na tumatayong tagahatol. Si Voltaire o Francois Marie
Arouet,sa tunay na buhay at isa ring Pranses ay nagsulat ng ilang mga lathalain laban
sa Simbahan at Korteng Royal ng Pransiya. Ito ang naging dahilan ng kanyang
dalawang beses na pagkakabilanggo at nang lumaon siya ay napatapon sa Inglaterra.
Pinagpatuloy niya ang pagsusulat dito at patuloy niyang binigyan ng pagpapahalaga
ang pilosopiya ni Francis Bacon at siyensiya ni Isaac Newton.
Ang Pangangatwiran ay Nakaimpluwensiya sa Pagbabatas
Habang patuloy na naghahanap at nagsasaliksik ang mga Europeo ukol sa mga
bagong prinsipyo na maaring tumugma sa pamantayan ng pangangatwiran, malaking
pagbabago ang nangyari sa usapin ng pagbabatas. Sa pamamagitan ng paggamit ng
mga siyentipiko at makatwirang kaisipan sa pagbabatas ay natapos na ang
pagkakaroon ng mga unjust trials. Ang mga mambabatas ay di na gaanong bumatay sa
mga sabi-sabi at mga confessions na dulot ng ginawang pambubugbog sa nasasakdal
kundi nagkaroon na ng mga matitibay na pag-iimbestiga at paghuhusga sa hukuman.
Noong taong 1600 ay nagkaroon ng pagbabalak na bumuo ng isang pangkat na
bubuo ng isang pang-internasyonal na kalipunan ng mga batas. Isang Olandes na
hukom na nagngangalang Hugo Grotius ang nanawagan para sa pagbubuo ng isang
internasyonal na koda batay sa batas na natural. Naniniwala siya na ang pagkakaroon
18
ng ganitong kalipunan ng mga kautusan sa pagbabatas ay magiging malaking tulong sa
mga pamahalaan upang magkaroon ng kaayusan at sistema ang pamamalakad.
Sa kolonya ng Inglaterra sa Amerika, ang pinuo at tagpagtatag ng kolonya ng
grupo ng mga Quaker sa Pennsylvania na si William Penn ay nagsusulong naman ng
paniniwalang pacifismo. Ang pacifismo ay naglalahad na ang paggamit ng pakikidigma
o karahasan bilang pamaraan para ayusin ang mga sigalot ay di kapaki-pakinabang.
Siya ay nagsulong ng isang asembliya ng mga nasyon na dedikado sa pangdaigdigang
kapayapaan.
Si William Penn ay isang Ingles na naglakbay patungo
sa kolonya pa noon ng Amerika upang itatatag ang
tirahan ng pangkatin ng mga Quaker sa Pennsylvania
Pagsusuri sa Relihiyon
Marami sa mga Europeo ang gumamit na rin ng pangangatwiran ukol sa mga
paniniwalang may kaugnayan sa relihiyon. Maraming mga kabilang sa mataas at
panggitnang uri ng tao sa lipunan ang lumayo na at di naniwala sa mga tradisyunal na
aral ng Simbahan kaya ang Europa ay naging isang lipunang bukas sa iba’t ibang
pananaw ukol sa relihiyon. Noong taong 1700 ay nabuo ang bagong pilosopiyang
pangrelihiyong Deismo. Ang pilosopiyang ito ay naglalayon ng pagbubuo ng isang
relihiyon na bumabatay sa pangangatwiran at batas na natural. Binibigyan din ng
pagkakataon ang mga tagasunod ng pilosopiyang ito na patuloy na magsuri ukol sa
19
mga doktrinang matagal nang pinatupad at nagpalakas ng kapangyarihan ng Simbahan
sa panahong Midyibal.
Mga pinunong nagtaguyod ng mga Reporma
Mayroong mga hari at reyna na nagtaguyod na gamitin ang mga pampulitikang
ideya ng Enlightenment. Sila ay nakilala sa katawagang enlightened despots. Tinangka
nilang gamitin ang mga pampulitikang ideya ng Enlightenment habang sila’y nanatili sa
kanilang mga tradisyunal na kapangyarihan. Pinagbuti nila ang pamamalakad sa
kanilang mga pamahalaan at pinaunlad ang agrikultura, industriya, kultura at edukasyon
ng kanilang mga kaharian.
Ilan sa mga monarkong ito ay si Dakilang Frederick II ng Prussia. Sa panahon ng
kanyang panunungkulan ay nagpalabas siya ng mga reporma gaya ng pag-aalis ng
pagpapahirap sa mga nasasakdal maliban kung ang kaso ay ukol sa paghahangad na
pabagsakin ang pamahalaan at pagpatay; pagtatayo ng mga paaralang pang-
elementarya at pagpapasigla ng agrikultura at industriya.
Si Empresses Catherine ng Russia at Maria Theresa ng Austria ay parehong
nagsulong ng reporma ukol sa pagprotekta ng mga serfs at itaas ang uri ng kanilang
mga pamumuhay.
Ang anak ni Empress Maria Theresa na naging hari rin ng Austria na si Joseph II
ay sumunod din sa mga patakarang pinasimulan ng kanyang ina nguni’t dinagdagan
niya pa ito sa pamamagitan ng pag-aalis ng pag-aalipin, pagpapareho sa buwis na
binabayad ng mga pesante at maharlika at kalayaan sa pamamahayag.
20
Sina Empresses Catherine ng Russia at Maria Theresa ng Austria na itinuturing
na mga Enlightened Despots dahil sa pagsasama ng mga ideya ng Enlightenment at
pananatili bilang mga monarko sa kanilang mga kaharian
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Kung iyong babalikan ang pilosopiyang Deismo bilang isang bagong
pilosopiyang pangrelihiyon, paano kaya ito naging malaking suliranin sa tradisyunal na
relihiyon? Pangatwiranan.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Tandaan Mo!
Ang siyentipikong pag-iisip at pangagatwiran ay naging mabisang
pamamaraan upang tignan ang kaugnayan nito sa aspektong
pampultika ng lipunan
Sina Thomas Hobbes at John Locke ay dalawang Ingles na pilosopo sa pulitika na
may malaking impluwensiya sa pagbabago ng pamahalaan sa Europa
Ang bagong pangrelihiyong pilosopiyang Deismo ay naging kasangkapan sa
pagsusuri sa tradisyunal na realihiyon
Ang mga Enlightened despots ay mga monarko sa Europa na pinagsama ang
ideyang isinulong ng Enlightenment at pananatili ng kanilang kapangyarihan sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng mga reporma
21
Gawain 3: Paglalapat Kung ikaw ay nabuhay ng panahon ng Rebolusyong Siyentipiko, ikaw ba
ay posibleng maging kabilang pa rin sa mga taong nanatili sa tradisyunal
na paniniwala o maging kabilang sa mga nagsusulong ng mga
makabagong kaisipan? Bakit?
ARALIN 3
ANG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL
Taong 1700 at 1800 nang nagkaroon ng malaking pagbabago sa aspektong
agrikultura at industriya sa mga bansa sa Europa at sa Estados Unidos. Ang
transpormasyon na ito ay nakilala sa katawagang Rebolusyong Industriyal dahil
pinalitan nito ang gawaing manwal sa mga kabukiran ng mga bagong imbentong
makinarya. Nagbigay ito ng malaking produksiyon sa mga bansa, karagdagang kita
at pamilihan ng kanilang mga yaring produkto. Maraming mga naninirahan sa mga
kabukiran ang lumipat ng tirahan sa mga siyudad at namasukan sa mga industriya
upang kumita ng malaki.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Natatalakay ang iba’t ibang mga pagbabagong naidulot ng Rebolusyong
Industriyal sa pamumuhay at pangkabuhayan ng mga taga Europa at
Estados Unidos;
2. Nabibigyang halaga ang mga siyentipikong nakapag-ambag ng pagbabago
sa Rebolusyong Industriyal;
3. Nasusuri ang epektong naidulot ng Rebolusyong Industriyal sa pamumuhay
at pangkabuhayan; at
4. Nakabubuo ng isang poster na nagpapakita ng kahalagahan ng Rebolusyong
Industriyal.
22
Gawain 1: Pag-isipan Mo! I-drowing mo nga ang sa iyong pagkakaunawa ang larawan ng isang bansang
Industriyalisado. Ilagay ang iyong drowing sa isang coupon bond at lagyan ito ng
maikling paliwanag sa ilalim
Ang Bagong Uri ng Rebolusyon Ang tunog ng ingay ng mga tumatakbong makinarya sa isang pabrika ay bahagi
ng tinatawag na Rebolusyong Industriyal. Ito ang panahon na kung saan ang mga tao
ay nagpasimula nang gumamit ng mga makabagong kagamitan gaya ng makinarya sa
kanilang produksiyon. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga tao
sa dahilang naging mabilis ang kanilang produksiyon at ito’y lumaki. Naging daan ito
upang sila’y magkaroon ng malaking kita at napaunlad ang kanilang pamumuhay.
Nagpasimula ito noong 1760 na kung kailan nagkaroon ng mga bagong imbensiyon sa
pansakahan ang nabuo at pinasimulan ang rebolusyon sa agrikultura.
Ang Gran Britanya ang nagpasimula nito dahil sa pagkakaroon niya ng
maraming uling at iron na naging pangunahing gamit sa pagpapatakbo ng mga
makinarya at pabrika. Lumaganap ang kanyang pakikipagkalakalan at ito ay naging
dahilan ng pagiging matatag ng kanyang kalakalan. Sinuportahang mabuti ng
pamahalaan ang kalakalang ito sa pamamagitan ng pagtatatag ng malakas na hukbong
pandagat upang protektahan ang kanilang imperyo ng kalakal.
23
Ang pagkakaroon ng uling at iron na ginamit sa paggawa ng bakal ay nakatulong
sa paggawa ng mga makinarya na nagpatakbo ng mga industriya sa Gran Britanya
noong 1800s.
Pagsisimula ng Rebolusyong Industriyal Noong taong 1760 ay pinasimulan ang pagbabago sa pagprodyus ng tela sa
Gran Britanya. Dati sa ilalim ng sistemang domestiko(domestic system) ang trabaho sa
pagproprodyus ng tela ay ginagawa sa mga tahanan. Ang namumuhunang
mangangalakal ay hinahati-hati ang trabaho sa mga pamilya sa kanilang lugar
hanggang sa makabuo ng isang tapos na produkto na kanya namang pinagbibili at
pinatutubuan. Nguni’t ang halaga ng tela ay mahal dahil sa ganitong sistema nga ng
pagbubuo na matagal. Ang mga mayayaman lamang ang mayroong oportunidad na
magkaroon ng maraming damit at ang paggamit ng kurtina at ilan pang gamit sa
tahanan na gawa sa tela ay itinuturing na luho lamang ng panahong iyon.
Dahil sa pag-iimbento ng maraming makinarya ay naging madali ang pagprodyus
ng mga tela at mura na itong bilhin ng mga tao. Halimbawa ang makinang spinning
jenny ay nagpabilis sa paglalagay ng mga sinulid sa bukilya ng mabilis at sa maraming
sisidlan. Ang dating ginagawa ng walong manggagawa ay maari nang gawin ng isang
manggagawa sa tulong ng nabanggit na makinarya.
Taong 1793 nang maimbento ng isang Amerikanong nagngangalang Eli Whitney
ang cotton gin. Ito ay nakatulong para maging madali ang paghihiwalay ng buto at iba
pang mga materyal sa bulak na dati ay halos ginagawa ng 50 manggagawa bago
maimbento ang cotton gin. Dahil dito naging mabilis na ang nasabing proseso at
nakatulong ito sa malaking produksiyon para sa paggawa ng tela sa Estados Unidos.
24
Ang cotton gin na isang makinarya na inimbento ni Eli Whitney noong 1793
upang mabilis na mahiwalay ang buto ng bulak sa fiber.
Ang mga makinaryang ito ay nagpasimula ng unang bahagi ng mga imbensiyon sa
Rebolusyong Industriyal na nakatulong sa pagkakaroon ng malaking produksiyon at
malaking kita sa mga tao.
Ang Paglago at Paglaki ng Rebolusyong Industriyal Ang pagkakaimbento sa steam engine ay naging daan para maragdagan ang
suplay ng enerhiya na magpapatakbo sa mga pabrika. Kaya mas marami pang mga
sumunod na imbensiyon na ginawa ang tao na karaniwang gawa sa bakal gaya ng mga
makinarya sa bukid, baril, sasakyang dumaraan sa mga riles. Nakatulong ito sa mabilis
na pagdadala ng mga produkto sa iba’t ibang lugar at ugnayan sa pamamagitan ng
makabagong telekomunikasyon.
Naging kilala ang pangalan nina Alexander Graham Bell bilang imbentor ng
unang telepono at ni Thomas Alva Edison na nagpakilala ng lakas ng elektrisidad
upang ng lumaon ay makatulong para ang isang buong komunidad ay maliwanagan
nito at patakbuhin pa ang mga makabago nilang kasangkapan. Si Samuel B. Morse
naman ay pinakilala ang telegrapo na nakatulong para makapagpadala ng mga
mensahe sa mga kakilala, kaibigan at kamag-anakan sa ibang lugar.
25
Ang Newcomen steam engine at Watt steam engine na naimbento noong 1705
at 1760 na nakatulong sa pag-pump ng tubig na ginamit para makapag-suplay ng tubig
na magbibigay ng enerhiyang hydoelektrik at nagpatakbo ng mga makinarya sa mga
pabrika.
Ang Rebolusyong Industriyal ay nakatulong din sa pagbibigay ng maraming
oportunidad sa paghahanap-buhay sa mga tao. Maraming nagkaroon ng malaking
puhunan at nagbago sa pamumuhay ng mga tao hanggang mabuo ang panggitnang uri
ng mga tao sa lipunan.
Ang Uri ng Pamumuhay ng mga Taong nasa Panggitnang Uri ng Lipunan Dahil sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao sa Europa at Hilagang Amerika ay
nagkaroon panibagong mukha ang pamilya. Ang mga kalalakihan ay nagsilbing
tagapagtaguyod ng pamilya kaya sila ang nagbibigay ng desisyon sa pangangailangan
at suliraning bumabangon sa pamilya. Ang mga babae ay nagkonsentreyt ng kanyang
gampanin sa loob ng tahanan nguni’t binigyan siya ng maraming katulong na gagawa
ng iba pa niyang gampaning domestiko. Ang kanyang panahon ay para sa
pangangalaga ng miyembro ng pamilya at imonitor ang ginagawa ng kanyang mga
26
katulong. Dahil dito nabigyan niya ng maraming panahon ang kanyang pamilya lalo na
sa panahon ng kanilang mga leisure activities.
Ang karaniwang pamumuhay ng mga taong nasa panggitnang uri ng lipunan ay
ang karagdagang panahon sa pamimili pa ng mga bagay na higit sa kanilang
pangunahing pangangailan
Suliraning Dulot ng Rebolusyong Industriyal
Ang Rebolusyong Industriyal ay di nagbigay ng kasaganaan para sa lahat. Ang
dating mga manggagawa ay napalitan ng mga makinaryang nagpaaptakbo ng mga
pabrika. Maraming taga-lalawigan ang nagbakasakali ng kanilang pamumuhay sa mga
siyudad at sa ibayong dagat upang maghanap-buhay. Ang mga siyudad ay naging
siksikan ang mga panirahan ng mga tao at dahil lumaki ang populasyon ang sanitasyon
ay napabayaan kaya maraming sakit ang dumapo sa mga mangagagawa. Ang buhay
naman ng mga mangagawa sa pabrika ay di rin madali dahil may takdang oras silang
magtrabaho nguni’t ang kapaligiran ng pabrika ay di gaanong malinis at ang kalusugan
nila ay di tinutukan ng mga namumuhunan na naglalayon lamang ng mga malaking kita.
Ito’y nagdulot ng mga pag-aalsa at pagwewelga ng mga manggagawa kaya minabuti
nilang magtatatag ng mga unyon.
27
Ang karaniwang pamumuhay ng mga manggagawa sa mga siyudad na kanilang
pinagtratrabuhan
Ang mga unyon ang nakikipag-usap sa may-ari ng pabrika ukol sa mga
benepisyo nilang dapat tamuhin at sumailalim sila sa collective bargaining agreement
upang mabigyan ng solusyon ang suliraning bumangon.Dahil sa kasunduang ito ay
nakamit ng mga manggagawa ang mabuting pasahod, maayos na kondisyon ng
pasilidad ng kanilang mga pinagtratrabuhan, at pinaikling trabaho ng paglilingkod.
Ang naging malaking pagbabagong naidulot ng mga union sa kapakanan ng mga
manggagawa sa pabrika
28
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Pagsusuri ng mga Datos
Ano sa iyong palagay ang naging bunga ng Rebolusyong
Industriyal sa mga bansa sa Asya? Nakabuti kaya ito o hindi? Bakit?
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Tandaan Mo!
Ang Rebolusyong Industriyal ay panibagong uri ng rebolusyon sa
pamamagitan ng imbensiyon ng mga makabagong makinarya para
sa agrikultura at mga pabrika
Malaki ang naitulong sa pamumuhay at pangkabuhayan ng mga Europeo at
Amerikano ng Rebolusyong Industriyal dahil ito’y nagbigay ng malaking
produksiyon, karagdagang lakas paggawa, pamumuhunan, pag-unlad ng
telekomunikasyon at pangangalakal sa ibang bansa
Ang Gran Britanya ang nagpasimula ng Rebolusyong Industriyal dahil sa
pagkakaroon ng maraming uling at iron sa kanyang lugar na naging kasangkapan sa
pagpapatakbo ng mga pabrika
Ang panggitnang uri ng tao sa lipunan ay binuo ng ma taong nagkaroon ng malaking
puhunan sa pagnenegosyo
29
Nagkaroon ng mga suliranin ang Rebolusyong Industriyal na dulot ng pagkonberto
ng manwal na lakas paggawa sa makinarya at sa pangkalusugang kalagayan ng
mga manggagawa
Gawain 3: Paglalapat Kung ikaw ay isang manggagawa sa Panahon ng Rebolusyong
Industriyal, possible bang maging kasapi ka ng Unyon na itinatag ng
mga manggagawa? Ano sa palagay mo ang posibleng kabutihang
maidudulot nito para sa iyong kapakanan?
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO
Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang mahahalagang
kaalaman na dapat mong tandaan?
Ang teoryang Heliocentric ay nagtuturo na ang araw ang nasa gitna ng kalawakan at
ang mundo ay umiikot dito kabilang ang iba pang mga planeta
30
Si Nicolaus Copernicus, isang Polish ang nagbigay ng bagong pagtuklas na ang
araw ang nasa gitna ng kalawakan at di ang mundo
Si Galileo Galilei ang Italyanong siyentipiko na nakapagimbento ng telescope at
naging daan sa pagpapatibay na ang araw ang nasa gitna ng kalawakan
Ang siyentipikong pag-iisip at pangagatwiran ay naging mabisang pamamaraan
upang tignan ang kaugnayan nito sa aspektong pampultika ng lipunan
Sina Thomas Hobbes at John Locke ay dalawang Ingles na pilosopo sa pulitika na
may malaking impluwensiya sa pagbabago ng pamahalaan sa Europa
Ang bagong pangrelihiyong pilosopiyang Deismo ay naging kasangkapan sa
pagsusuri sa tradisyunal na realihiyon
Ang mga Enlightened Despots ay mga monarko sa Europa na pinagsama ang
ideyang isinulong ng Enlightenment at pananatili ng kanilang kapangyarihan sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng mga reporma
Ang Rebolusyong Industriyal ay panibagong uri ng rebolusyon sa pamamagitan ng
imbensiyon ng mga makabagong makinarya para sa agrikultura at mga pabrika
Malaki ang naitulong sa pamumuhay at pangkabuhayan ng mga Europeo at
Amerikano ng Rebolusyong Industriyal dahil ito’y nagbigay ng malaking
produksiyon, karagdagang lakas paggawa, pamumuhunan, pag-unlad ng
telekomunikasyon at pangangalakal sa ibang bansa
Ang panggitnang uri ng tao sa lipunan ay binuo ng ma taong nagkaroon ng malaking
puhunan sa pagnenegosyo
Nagkaroon ng mga suliranin ang Rebolusyong Industriyal na dulot ng pagkonberto
ng manwal na lakas paggawa sa makinarya at sa pangkalusugang kalagayan ng
mga manggagawa
31
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: I. Panuto: Piliin ang tamang letra ng iyong sagot mula sa mga opsiyon na
ibinigay. 1. Instrumento sa pagkakaroon ng panibagong pananaw sa kaalaman at paniniwala ng
mga Europeo.
a. Rebolusyong Siyentipiko
b. Rebolusyong Industriyal
c. Rebolusyong Pranses
d. Rebolusyong Amerikano
2. Panibagong uri ng rebolusyon sa pamamagitan ng imbensiyon ng mga makabagong
makinarya para sa agrikultura at mga pabrika
a. Rebolusyong Pranses
b. Rebolusyong Siyentipiko
c. Rebolusyong Industriyal
d. Rebolusyong Amerikano
3. Ang teoryang nagturo na ang araw ang nasa gitna ng kalawakan at ang mundo ay
umiikot dito kabilang ang iba pang mga planeta
a. Heliocentric
b. Geliocentric
c. Creation
d. Scientific
4. Isang Polish na nakatuklas na ang araw ang nasa gitna ng kalawakan at di ang
mundo
a. Thomas Hobbes
b. Galileo Galilei
c. Nicolaus Copernicus
d. Francis Bacon
5. Ang uri ng tao sa lipunan na binuo ng mga taong nagkaroon ng malaking puhunan
sa pagnenegosyo
a. Panggitnang uri
b. Nobilidad
c. Mga Pari
d. Pesante
32
6. Ang mga monarko sa Europa na pinagsama ang ideyang isinulong ng
Enlightenment at pinanatili ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng mga reporma
a. Diktador
b. Emperador
c. Philosophes
d. Enlightened Despots
7. Ang Italyanong siyentipiko na nakapag- imbento ng telescope at naging daan sa
pagpapatibay na ang araw ang nasa gitna ng kalawakan
a. Galileo Galilei
b. Voltaire
c. Thomas Hobbes
d. Nicolaus Copernicus
8. Ang nagpasimula ng Rebolusyong Industriyal dahil sa pagkakaroon ng maraming
uling at iron sa kanyang lugar na naging kasangkapan sa pagpapatakbo ng mga
pabrika
a. Amerika
b. Hapon
c. Gran Britanya
d. Alemanya
9. Ang naimbento noong 1705 at 1760 na nakatulong sa pag-pump ng tubig na ginamit
para makapag-suplay ng tubig na magbibigay ng enerhiyang hydoelektrik at
nagpatakbo ng mga makinarya sa mga pabrika.
a. Newcomen steam engine at Watt
steam engine
b. Spinning jenny
c. Cotton gin
d. Telepono
10. Siya ang nagpakilala ng telegrapo na nakatulong para makapagpadala ng mga
mensahe sa mga kakilala, kaibigan at kamag-anak sa malayong lugar
a. Thomas Alva Edison
b. Samuel B. Morse
c. Alexander Graham Bell
d. Wiiliam Faraday
33
11. Isang sistema na ang trabaho sa pagproprodyus ng tela ay ginagawa sa mga
tahanan.
a. Sistemang domestiko
b. Pacifism
c. Factory system
d. Continental system
12. Isang makinarya na inimbento ni Eli Whitney noong 1793 upang mabilis na
mahiwalay ang buto ng bulak sa fibe.
a. Spinning Jenny
b. Telegrapo
c. Telepono
d. Cotton Gin
13. Ang makinang nagpabilis sa paglalagay ng mga sinulid sa bukilya at sa maraming
sisidlan.
a. Cotton gin
b. Telepono
c. Telegrapo
d. Spinning jenny
14. Sa panahon ng kanyang panunungkulan ay nagpalabas siya ng mga reporma gaya
ng pag-aalis ng pagpapahirap sa mga nasasakdal maliban kung ang kaso ay ukol sa
paghahangad na pabagsakin ang pamahalaan at pagpatay at pagtatayo ng mga
paaralan.
a. Empress Catherine
b. Empress Ma. Theresa
c. Dakilang Frederick II
d. Joseph II
15. Ito’y naglalayon ng pagbubuo ng isang relihiyon na bumabatay sa pangangatwiran
at batas na natural
a. Pacifismo
b. Deismo
c. Sosyalismo
d. Monarkismo
16. Isang paniniwala na naglalahad na ang paggamit ng dahas at pakikidigma ay di
kapaki-pakinabang para ayusin ang sigalot
a. Deismo
b. Sosyalismo
c. Pacifismo
d. Monarkismo
34
17. Siya ang nagbibigay ng paliwanag na ang isang pamahalaan ay kinakailangang
binubuo ng 3 sangay: ehekutibo, lehislatibo at hukuman
a. Voltaire
b. Thomas Hobbes
c. Francis Bacon
d. Baron de Montesquieu
18. Ang kanyang ideya ukol sa pamahalaan ay nagging basehan ng pagbubuo ng
Konstitusyon ng Amerika.
a. John Locke
b. Thomas Hobbes
c. Baron de Montesquieu
d. William Penn
19. Isinulong niya ang ideya na ang absolutong monarkiya ang pinakamahusay na uri
ng pamahalaan.
a. Baron de Montesquieu
b. Thomas Hobbes
c. John Locke
d. Voltaire
20. Alitan sa pagitan ng mga taong naniniwala sa pagkakaroon ng pamahalaang
absoluto at mga taong naniniwala na kailangang sila ang mamumuno sa kanilang
mga sarili.
a. Digmaang Pranses
b. Digmaang Prusya-Austria
c. Digmaang Sibil
d. Digmaang Pandaigdig
35
GABAY SA PAGWAWASTO:
PANIMULANG PAGSUSULIT 1. B 6. A 11. A 16.A
2. A 7. D 12.C 17.B
3. B 8. B 13.B 18.B
4. A 9. B 14.D 19.C
5. B 10. B 15.C 20.D
ARALIN 1 BAGONG IDEYANG SIYENTIPIKO
Gawain 1: Pag-isipan Mo Teleskopyo ni Galileo. Ginamit para mapatunayan na ang araw ang nasa gitna
ng kalawakan hindi ang daigdig na itinuro ng matagal ng Simbahan
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Hindi, dahil walang laya na magbigay ng sariling iniisip at mangatwiran
Gawain 3: Paglalapat Heliocentric, dahil ito’y nababatay sa mga ginawang pagsisiyasat ng mga
siyentipiko at may ebidensiyang ipinakikita
ARALIN 2 ANG EPEKTO AT IMPACT NG SIYENSIYA
Gawain 1: Pag-isipan Mo Thomas Hobbes, John Locke at Voltaire. Sila’y mga tinawag na mga philosophes
dahil sila ang naglatag ng kaisipan na ang pangangatwiran ay dapat bahagi ng
paggawa ng batas.
36
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Binago ang matagal nang paniniwala na ang relihiyon ay di maaring gumamit ng
pangangatwiran
Gawain 3: Paglalapat Nagsusulong ng makabagong kaisipan
ARALIN 3 ANG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL Gawain 1: Pag-isipan Mo Sariling interpretasyon ng mag-aaral ukol sa industriyalisadong lugar
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Naging laglagan ng mga produktong yari galing sa Europa at Amerika, ginawang
pangunahing konsyumer ng mga produktong dayuhan
Gawain 3: Paglalapat Oo, dahil kailangang protektahan ang mga karapatang dapat ay ibinibigay sa mga
manggagawa
PANGHULING PAGSUSULIT
1. A
2. C
3. A
4. C
5. A
6. D
7. A
8. C
9. A
10. B
11. A
12. D
13. D
14. C
15. B
16. C
17. D
18. A
19. B
20. C
1
ARALING PANLIPUNAN III
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 14
PANAHON NG EKSPLORASYON AT PAGLAWAK NG TERITORYO
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
2
MODYUL 14 PANAHON NG EKSPLORASYON AT PAGLAWAK NG TERITORYO
Noong ika-14 na siglo ang mga Europeong manlalakbay at mandaragat ay
nagsimulang maghanap ng panibagong ruta sa karagatan upang makipagkalakalan sa
mga bansa sa Asya. Dala-dala nila ang paniniwalang marami silang matatagpuang mga
mineral, yamang likas, spices at makokonberto ang mga katutubong matatagpuan nila
sa mga isla sa Kristiyanismo. Ito ang naging simula ng ugnayan sa pagitan ng Kanluran
at ibang bahagi ng daigdig sa pamamagitan ng kanilang mga kalakal at kabihasnan.
May tatlong araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Mga Unang Eksplorasyon
Aralin 2: Mga Pangkatubigang Imperyo
Aralin 3: Pagbabago ng Pamaraan sa Pamumuhay
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Natatalakay ang mga dahilan at salik na nakaapekto sa ginawang
eksplorasyon ng mga Europeo sa Silangan
2. Nakikilala ang mga unang nabigador na nagpasimulang naglakbay sa
katubigan
3. Nasusuri ang mga dahilan kung bakit pinakinabangan ng mga Europeo
ang kalupaan at mga tao na kanilang natagpuan sa Asya, Aprika at
Amerika
4. Nahihinuha ang posibleng epekto ng pang-kalakalan at kolonyal na
ekspansiyon ng mga bansang Europeo sa Asya, Aprika at Amerika
5. Nakapagbibigay ng sariling opinyon sa kabutihan at di kabutihang naidulot
ng eksplorasyon at kolonisasyon sa pamumuhay at pangkabuhayan ng
mga bansang sinakop
3
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para
sa iyo.
PANIMULANG PAGSUSULIT: I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang Europa ay dumepende sa mga matatagpuang spices sa Asya at sa India,
ang mga sumusunod ay spices maliban sa
a. pepper
b. cinnamon
c. asukal
d. nutmeg
2. Ang mga spices na natagpuan ng mga Europeo sa Asya ay ginagamit nila sa
kanilang
a. pag-preserba sa kanilang mga karne
b. pagkain
c. pakikipagkalakalan
d. palitan ng produkto sa kalapit na bansa
3. Gumamit ang mga manlalakbay at mandaragat na Europeo sa kanilang mga
eksplorasyon ng mga kagamitang makakatulong sa kanila upang tuntunin ang
kanilang mga destinasyon, ang mga sumusunod ay mga kagamitan sa
paglalakbay maliban sa
a. hourglass
b. compass
c. astrolabe
d. caravel
4. Ito ang mga unang uri ng mga sasakyang pandagat na ginamit ng mga Portuges
at Espanyol noong ika-14 hanggang ika-15 siglo
A. armada
B. caravel
C. steam ship
D. astrolabe
4
5. Pinasimulan niya ang pagtatayo ng paaralan para sa mga magiging mahusay na
mandaragat sa hinaharap at inanyayahan niya ang mga mahuhusay na taga-
gawa ng mapa, matematisyan, at astronomero upang mag-aral ukol sa
nabigasyon
a. Bartolomeu Dias
b. Prince Henry, the Navigator
c. Ferdinand Magellan
d. Christopher Columbus
6. Kasunduan na nilagdaan ng Portugal at Espanya na nagsasaad ng pagkilos ng
line of demarcation patungong pa-Kanluran at maglatag ng tuluyan nilang
paghahati sa mga iba’t ibang lugar sa mundo na di pa naabot ng eksplorasyon.
a. Kasunduan sa Tordesillas
b. Kautusan ng Papa
c. Kasunduan sa Paris
d. Kasunduan sa India
7. Tinagurian siyang Admiral of the Ocean Sea at Viceroy/Gobernador ng mga
islang kanyang nadiskubre para sa kaharian ng Espanya
a. Ferdinand Magellan
b. Christopher Columbus
c. Bartolomeu Dias
d. Hernan Cortes
8. Ang kanyang ekspedisyon ay nagpakilala na ang mundo ay bilog at nagbago sa
dating pagkaalam ng mga Europeo na ito ay patag
a. Bartolomeu Dias
b. Hernan Cortes
c. Ferdinand Magellan
d. Christopher Columbus
9. Ang dalawang bansa na nagpapaligsahan sa eksplorasyon at nabigasyon noong
ika-14 hanggang ika-15 siglo
a. Pransiya at Alemanya
b. Olandiya at Inglaterra
c. Pransiya at Inglaterra
d. Espanya at Portugal
10. Hari at reyna ng Espanya na sumuporta sa mga paglalakbay nina Columbus at
Magellan patungo sa Silangan
a. Ferdinand at Isabella b. Carlos at Elizabeth
5
c. Henry at Anne d. William at Mary
11. Isang lugar o maliit na bansa na kontrolado ng isang makapangyarihang bansa
ang pamamahala
a. Kolonya
b. Concessionaires
c. Sphere of Influence
d. Teritoryo
12. Organisasyon na nagbibili ng mga stocks o shares sa mga nagnanais na kumita
sa interes na maaring ibigay ng isang eksplorasyon
a. Multinational
b. Transnational
c. Joint-stock companies
d. Banko
13. Sasakyang pandagat na ginamit ng mga Kastila na naglalaman ng mga
malalaking bulyon ng mga yamang kanilang nakuha sa mga lugar na kanilang
sinakop
a. Galyon
b. Caravel
c. Armada
d. Steam Ship
14. Pagsisimula ng pagbabago sa pamamaraan ng pangangalakal, pagkakaroon ng
mga pamilihang laglagan ng mga produkto at paggamit ng pera sa pamilihan
a. Rebolusyong Industriyal
b. Rebolusyong Siyentipiko
c. Rebolusyong Pulitikal
d. Rebolusyong Komersyal
15. Maraming mga pamilyang mangangalakal sa iba’t ibang panig ng Europa ang
yumaman sa pagpapahiram ng puhunan para sa mga eksplorasyon maliban kina
a. Fugger ng Alemanya
b. Medici ng Italya
c. Pazzi ng Italya
d. Adamsmith ng Scotland
6
16. Indibidwal na pinagsama ang paggamit ng pera, ideya, hilaw na material at
paggawa upang kumita ng malaki sa kanyang negosyo
a. Pesante
b. Mangangalakal
c. Entreprenyur
d. Bourgeoise
17. Bagong teorya ukol sa pambansang patakaran sa ekonomiya na naniniwala na
ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakabatay sa yamang mayroon ito
a. Merkantilismo
b. Kapitalismo
c. Sosyalismo
d. Pyudalismo
18. Kalakalang nagpasimula ukol sa pangunguha ng mga alipin na maaring
magtrabaho sa mga plantasyon ng mga makapangyarihang bansa
a. Kalakalan sa Katubigan
b. Slave Trade
c. Colonial Trade
d. Commercial Trade
19. Portuges na nakadiskubre ng Karagatang Indian
a. Pedro Alvares Cabral
b. Ferdinand Magellan
c. Christopher Columbus
d. Prince Henry, the navigator
20. Sila’y mga mananakop na nagpalaganap ng Kristiyanismo sa mga tao sa lugar
na kanilang nasakop
a. Eksplorador
b. Conquistador
c. Manlalakbay
d. Mangangalakal
7
ARALIN 1 MGA UNANG EKSPLORASYON
Taong 14 na siglo nang ang mga Europeo ay naghanap ng panibagong ruta na
maari nilang gamitin upang makakuha ng mga spices o panlasa para sa kanilang mga
pagkain at upang i-preserba ang mga karne. Ang mga produktong matatagpuan sa
Silangan ay malaking motibasyon para sa mga Europeo na maghangad ng panibagong
rutang pangkalakalan. Ang dating rutang kalakalan ay nasakop na ng mga Muslim na
Turko at ang mga mangangalakal na Italyano mula sa Venice, Pisa, at Genoa lamang
ang nakagagamit nito dahil sa mataas na buwis na ipinapataw ng mga Turko. Ang
panggagalugad ay isang anggulo rin ng kanilang pamamaraan upang mapalaganap
ang Kristiyanismo sa mga kapuluan at paniniwalang sila ang magiging daan upang ito’y
maging mga sibilisado. Ang bansang Espanya at Portugal ang mga bansa na naging
pangunahing tagapagtaguyod ng mga mandaragat mula sa Europa at naging daan sa
iba’t ibang eksplorasyon sa Asya, Aprika at Latin Amerika.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Natutunton ang mga rutang ginamit ng mga mandaragat na Europeo tungo sa
Asya, Aprika at Latin Amerika;
2. Nakikilala ang mga naging pangunahing eksplorador na Europeo noong ika-14
hanggang ika-15 siglo;
3. Natatalakay ang mga pangunahing salik at dahilan na nag-udyok sa ginawang
eksplorasyon ng mga taga Europa;
4. Nasusuri ang naging resulta at ambag ng eksplorasyon sa mundo; at
5. Nakabubuo ng isang simpleng journal (sulatin) ukol sa mga naging karanasan ng
mga eksplorador sa kanilang mga panggagalugad.
8
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ipagpalagay na ikaw ay isang eksplorador na naatasan ng hari at ng reyna sa
iyong kaharian na manggagalugad ng mga bagong lugar upang mapagkunan ng mga
yamang likas at makonberto ang mga katutubo na maging Kristiyano. Tingnan ang
larawan sa ibaba at isiping ikaw si Christopher Columbus na hinahabilinan ng hari at
reyna. Isulat ang iyong maikling testimonya o kuwento ng iyong paglalakbay (sulatin) sa
iyong kwaderno.
Ang Paghahanap ng Spices Mula noong ika-13 siglo ay naging depende na ang Europa sa mga spices na
matatagpuan sa Asya lalong lalo na sa India. Ang mga spices ay ginagamit nila bilang
pampalasa sa kanilang mga pagkain at upang mapreserba ang mga karne. Ginagamit
din nila ito para sa kanilang mga pabango, kosmetiks at medisina. Ang ilan sa mga
spices na may malaking “demand” para sa mga Europeo ay ang paminta, cinnamon, at
nutmeg.
Ang kalakalan ng spices sa Europa at Asya ay kontrolado ng mga Muslim at ng
mga taga-Venice, Italya. Ang mga mangangalakal na Tsino at Indian ay nagbibili ng
9
mga spices sa mga mangangalakal na Arabe na siyang nagdadala ng mga panindang
ito sa mga mangangalakal na taga-Venice. Malaking kita ang inaakyat ng ganitong uri
ng kalakalan sa mga mangangalakal na Arabe at Venetian. Dahil sa pagmomonopolyo
sa kalakalang ito ay naghangad ang mga Europeong mangangalakal na direktong
magkaroon ng kalakalan sa Asya sa mga spices na kailangan nila. Ang pang-lupang
kalakalan ay di na garantisadong protektado dahil sa mga pananambang na ginagawa
ng mga Mongol kaya mas minabuti ng mga Europeo na gamitin ang katubigan.
Ang mapa ng ruta ng iba’t ibang eksplorasyon ng mga Europeo mula sa ika-14 na siglo
Hindi lamang ang kita sa kalakalan ang naglunsad sa kanilang mga
eksplorasyon kundi ang pagkokonberto rin ng mga katutubo sa relihiyong Katolisismo.
Napag-alaman nila na ang relihiyong Islam ay patuloy na lumalaganap sa Asya kaya
kailangan na ito’y hadlangan. Ang eksplorasyon ay bunga ng mga malikhaing kaisipan
na naikintal ng Renesans sa mga Europeo na lumabas sa kanilang mga lugar at
tumuklas ng iba pang mga lugar. Ang mga eksplorasyon na ito ay nagbigay wakas din
sa isolasyon ng Europa at naging preparasyon sa paghahangad ng ibang lupain para
maging bahagi ng kanilang mga teritoryo.
10
Ang mga Teknolohiya ng Eksplorasyon Ang paglalakbay sa karagatan ay nangangailangan ng kaalaman at iskil ukol sa
nabigasyon, paggamit ng mga “accurate” na mapa at mga sasakyang pandagat na
makatatagal at kayang maglakbay ng mahabang panahon sa karagatan. Ang mga
sinaunang manlalakbay ay gumagamit ng mga palatandaan upang matantiya ang
kanilang kinalalagyan. Ng lumaon ay ginamit ng mga manlalakbay ang paggalaw ng
mga bituin sa kalawakan at ng araw upang malaman kung saang direksiyon sila
patungo. Ang hourglasses naman ang ginagamit nila upang malaman ang tagal ng
kanilang paglalakbay. Ang paggamit ng ganitong uri ng pagkalkula ay masasabing hindi
pa rin eksakto.
Sa pamamagitan ng compass na ang unang gumamit ay ang mga Tsino ay
naging malaking kapakinabangan ito para sa kanilang pag-alam ng heyograpikal na
direksiyon. Noong 1100 ay naging malaking tulong sa mga manlalakbay ang astrolabe
na napino ng mga Arabe sa dahilang ito ay ginamit upang malaman ang altitude ng
araw at ng iba pang mga heavenly bodies. Nguni’t sa katotohanan kaunti lamang sa
mga pinuno ng paglalakbay ang mayroong kaalaman at tiyaga na gamitin ang
astrolabe.
Ang Chinese compass , astrolabe at ang makabagong compass na naging gamit ng mga mandaragat sa kanilang ginawang mga paglalakabay sa mga karagatan
11
Ang mga mapa rin sa panahong iyon ay masasabing di ganon din ka-accurate
para gamitin at maging basehan ng mga manlalakbay sa kanilang nabigasyon sa mga
karagatan. Noong ika-13 siglo lamang nakagawa ng mga mahusay na mapa ang mga
kartograpo gaya ng paggamit ng coastal chart na nagpapakita ng baybayin ng
Mediterranean na akma sa tunay na larawan nito. Noong panahon ng Renesans ang
mapa na ginawa ng Ehipcio na astrologo na si Ptolemy ay napalathala sa Europa at
naisaayos ng mga iskolar sa Byzantine at Arabe isang daang taon ang lumipas. Ang
mapang ito ay nagbigay ng bagong pagtuklas at kaalaman ukol sa mukha ng mundo.
Maging ang paggamit ng grid system na nagpapahayag ng latitud at longhitud ay
natutunan din dahil sa paggamit ng mapang nabanggit.
Napaunlad din ang paggawa ng mga sasakyang pandagat na maaring gamitin ng
mga eksplorador at matibay sa mga malalakas na hangin na maari nitong masagupa sa
paglalayag. Taong 1400 ng mabuo ang sasakyang caravel na mas maayos ang
pagkakagawa sa mga sinaunang sasakyang pandagat. Karamihan din sa mga caravel
ay may dala-dalang mga kanyon at riple para pangsanggalang sa anumang
masasagupa ng isang manlalakbay.
Ang sasakyang pandagat na tinawag na caravel at malaki ang naitulong sa
paglalakbay ng mga mandaragat na Europeo
12
Pinangunahan ng Portugal ang Panggagalugad
Ang Portugal ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa
panggagalugad sa Karagatan ng Atlantic upang makahanap ng mga spices at ginto. Sa
pagitan ng mga taong 1420 hanggang 1528, ay nakapaglayag ang mga mandaragat na
Portuges hanggang sa Kanlurang bahagi ng Aprika upang hanapin ang rutang
katubigan patungo sa Asya.
Si Prinsipe Henry, anak ng Haring Juan ng Portugal, ang naging pangunahing
tagapagtaguyod ng mga nabigasyon sa pamamagitan ng pag-aanyaya ng mga
mahuhusay na mandaragat, taga-gawa ng mapa, matematisyan at astrologo na mag-
aaral ng siyensiya ng nabigasyon sa bansa. Siya ang naging patron ng mga
manlalakbay kaya ikinabit sa kanyang pangalan ang katawagang Ang Nabigador. Sa
kanyang mga itinaguyod na paglalakbay ay nakarating ito sa Azores, isla ng Madeira at
sa mga isla ng Cape Verde.
Ang mga isla ng Azores, Madeira at Cape Verde na grupo ng mga isla sa
Karagatan ng Atlantiko
13
Noong Agosto 1487 natagpuan ni Bartholomeu Dias ang pinakatimugang bahagi
ng Aprika na naging kilala sa katawagang Cape of Good Hope. Ang paglalakbay ni Dias
ay nagpakilala na maaring makarating sa Silangang Asya sa pamamagitan ng pag-ikot
sa Aprika.
Samantalang noong 1497 ay apat na sasakyang pandagat ang naglakbay na
pinamumunuan ni Vasco da Gama mula Portugal hanggang sa India. Ang nasabing
ekspedisyon ay umikot sa Cape of Good Hope, tumigil sa ilang mga trade post sa
Aprika upang makipagkalakalan at nakarating matapos ang 10 buwan sa Calicut, India.
Dito natagpuan ni Da Gama ang mga Hindu at Muslim na nakikipagkalakalan ng mga
mahuhusay na seda, porselana at panlasa na pangunahing kailangan ng mga Portuges
sa kanilang bansa. Hinimok niya ang mga Asyanong mangangalakal na magkaroon ng
direktong pakikipagkalakalan sa kanila nguni’t di siya gaanong nagtagumpay dito. Sa
bansang Portugal ay kinilala siyang isang bayani at dahil sa kanya ay nalaman ng mga
Portuges ang yaman na mayroon sa Silangan at ganoon din ang maunlad na kalakalan.
Ang ruta ng paglalakbay ni Vasco Da Gama
14
Ang Paghahangad ng Espanya ng kayamanan mula sa Silangan
Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille
noong ika-1400 na siglo ay naging daan upang ang Espanya ay maghangad din ng
mga kayamanan sa Silangan. Ang pinagsanib na lakas ng kanilang kaharian ay naging
dahilan sa pagpapadala nila ng mga ekspedisyon sa Silangan na ang una ay
pinamunuan ni Christopher Columbus, isang Italyanong nabigador. Noong 1492 ay
tinulungan siya ni Reyna Isabella na ilunsad ang kanyang unang ekspedisyon na ang
kanyang adhikain ay makarating sa India na ang gagamiting daanan ay ang pa-
Kanluran ng Atlantiko. Ang kanyang ekspedisyon ay nakaranas ng maraming
paghihirap gaya ng walang kasiguraduhan na mararating nila ang Silangan, ang pagod
at gutom sa kanilang paglalakbay, at ang haba ng panahon na kanilang inilagi sa
katubigan. Nguni’t naabot niya ang mga isla ng Bahamas na sa kanyang pagkakaakala
ay ang India dahil sa ang kulay ng mga taong naninirahan ay gaya ng mga taga-India
kaya tinawag niya ang mga tao dito na Indians. Tatlong buwan pa ang inilagi nila sa
kanilang paglalakbay hanggang maabot nila ang Hispaniola (sa kasalukuyan ay ang
mga bansa ng Haiti at Dominican Republic) at ang Cuba. Marami siyang natagpuang
ginto dito na makasasapat na sa pangangailangan ng Espanya nguni’t sa tingin niya ay
di pa rin niya tunay na narating ang mga kilalang sibilisasyon sa Asya.
Ferdinand V Christopher Columbus
15
Pagbalik niya sa Espanya ay pinagbunyi siya sa resulta ng kanyang ekspedisyon
at binigyan ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at Gobernador ng mga islang
kanyang natagpuan sa Indies. Tatlong ekspedisyon pa ang kanyang pinamunuan bago
siya mamatay noong 1506 at narating niya ang mga isla sa Carribean at sa Timog
Amerika nguni’t di pa rin siya tagumpay sa paghahanap ng bagong ruta patungo sa
Silangan.
Masusuri natin sa pangyayari na ito na ang kakulangan sa mga makabagong
gamit para sa gagawing paglalakbay gaya ng mapa ay di pa maunlad. Noong 1507,
isang Italyanong nabigador, si Amerigo Vespucci ang nagpaliwanag na si Columbus ay
nakatagpo ng Bagong Mundo. Ang lugar na ito nang lumaon ay isinunod sa pangalan
niya kaya nakilala ito bilang Amerika at naitala sa mapa ng Europa kasama ang iba
pang mga bagong diskubre na mga isla.
Amerigo Vespucci Paghahati ng Mundo Dahil sa lumalalang paligsahan ng pagpapadala ng mga ekspedisyon ng Portugal at
Espanya ay humingi sila ng tulong sa Papa sa Roma upang mamagitan sa kanilang
mga paglalabanan. Noong 1493 ay gumuhit ng line of demarcation ang Papa, isang di
nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Pola hanggang sa
Timugang Pola. Ipinaliliwanag nito na lahat ng mga matatagpuang kalupaan at
16
katubigan sa Kanlurang bahagi ng linya ay para sa Espanya at sa Silangang bahagi ng
linya ay para naman sa Portugal.
Nagduda ang mga Portuges sa naging kinalabasan ng kanilang pagtatanong
kaya nagpetisyon sila na baguhin ang naunang linya ng dapat mapunta sa kanila at sa
Espanya. Nakikita nila na baka lumawak ang panggagalugad ng Espanya sa kanluran
at maaring maapektuhan ang kanilang mga kalakalan sa Silangan. Sa pamamagitan
ng Kasunduan sa Tordesillas noong 1494 ay nagkasundo sila na ang line of
demarcation ay baguhin at ilayo pa-Kanluran. Ipinakikita dito na noong panahon iyon
ay pinaghatian ng lubusan ng Portugal at Espanya ang bahagi ng mundo na di pa
nararating ng mga taga-Europa.
Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan
Ferdinand Magellan
Noong 1519 ay nagpasimula ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan, isang
Portuges na kawal na ang nagpondo ng kanyang paglalakbay ay ang Espanya. Sa
ilalim ng watawat ng Espanya ay nais niyang ipagpatuloy ang paghahanap ng rutang
17
pa-Kanluran tungo sa Silangan. Natagpuan niya ang silangang baybayin ng Timog
Amerika o ang bansang Brazil sa kasalukuyan, isang makitid na daanan ng tubig na
tinawag na Strait of Magellan, pagpapangalan sa malaking karagatan na Karagatang
Pasipiko, at hanggang sa marating nila ang sa kasalukuyang bansa ng Pilipinas. Sa
haba ng kanilang paglalayag ay nakaranas ang ekspedisyon ng mga maliliit na pag-
aalsa sa mga miyembro ng ekspedisyon, taggutom at pagkauhaw. Nguni’t lahat nang
ito’y nalagpasan nila sa pamamagitan ng pagkatagpo sa malaking kayamanang ginto,
panlasa at pagkonberto sa maraming mga katutubo sa Katolisismo. Ang nasabi ring
ekspedisyon ay nagpakilala na maaring ikutin ang mundo at muling bumalik sa dating
pinanggalingang lugar ng ang sasakyang Victoria ay makabalik sa Espanya kahit
napatay na si Magellan ng isang katutubong Cebuano na si Lapu-lapu. Ito ang unang
circumnavigation o pag-ikot sa mundo. Itinama nito ang dating lumang kaalaman ng
mga taga-Europa na ang mundo ay patag, naitala sa mapa ng Europa ang iba pang
mga kalupaan sa Silangan at lalong nagpakilala ng yaman na mayroon sa Silangan.
Si Ferdinand Magellan at ang ruta na kanyang ginamit upang marating ang Silangan
18
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Kilalanin ang mga sumusunod na nabigador at itala sa iyong kwaderno
ang kanilang mga kontribusyon sa nabigasyon
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Tandaan Mo! Ang pangunahing salik na nag-udyok sa mga Europeo na
manggalugad ay ang paghahangad sa mga kalakal ng Silangan,
makatagpo ng ginto at pilak at makonberto ang mga tao sa Katolisismo
Si Prinsipe Henry ng Portugal ang nanguna sa pagpapatayo ng paaralan
para sa nabigasyon
Sina Haring Ferdinand V at Reyna Isabella I ng Espanya ang nagpondo sa mga
pangunahing ekspedisyon nina Columbus, Vespucci at Magellan
Ang Kasunduan sa Tordesillas ang naglatag ng paghahati ng Portugal at Espanya
sa mga kalupaan at katubigang matatagpuan ng mga nabigador sa Kanluran at
Silangang bahagi ng mundo
Ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan ay nagpakilala na ang mundo ay bilog at
maraming yamang matatagpuan sa mga kalupaan sa Silangan
Gawain 3: Paglalapat Sa iyong palagay ano pa ang mga bagay na dapat paghandaan ng isang
nabigador kung siya ay patungo sa isang mahabang paglalakbay? Bakit
sa iyong palagay ay kailangan ng mga ito?
19
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________ ARALIN 2 MGA PANGKATUBIGANG IMPERYO
Ang Kasunduan ng Tordesillas ay naglatag ng matatag na dahilan ng paghahati
ng mundo sa pagitan ng Espanya at Portugal. Ang dalawang Europeong bansa lamang
na ito ang nagbigay rekognisyon sa nabanggit na kasunduan. Ang Olandiya, Pransiya
at Inglaterra ay mga bansang Europeo na nagkaroon din ng interes na sumali sa
paligsahan ukol sa panggagalugad ng mga kayamanan sa mga kalupaan na nasa labas
ng Europa. Maging ang kalakalan ukol sa paghahangad at pagbibili ng mga alipin ay
naging bahagi na rin ng pakikipagkalakalan ng mga bansang Europeo. Ito’y sa dahilang
dumami ang mga plantasyon ng iba’t ibang produktong agrikultura at nangangailangan
ng mga manggagawa na karamihan ay nanggaling sa mga lupaing naging kolonya ng
mga bansang Europeo.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Naisasalaysay ang pamamaraang ginamit ng mga bansang Europeo upang
makapagtayo ng kanilang mga imperyo sa ibang panig ng daigdig
2. Naituturo sa mapa ang mga lupaing naging karagdagan sa teritoryo ng mga
bansang Europeo sa mga lupalop ng Asya, Aprika at Timog Amerika
3. Nasusuri ang naging epekto at bunga ng slave trade sa mga bansang naging
bahagi ng mga pangkatubigang imperyo
20
4. Naiguguhit ang larawan ng sasakyang pandagat na ginamit ng mga Europeo sa
pagdadala ng mga alipin sa mga plantasyon sa Europa at Amerika
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Suriin mo ang larawan sa ibaba. Saan sa iyong palagay ito ginamit at ano ang
naging tulong nito sa mga Europeong naghangad ng katubigang imperyo
Ang Portugal at Espanya Ang interes ng Portugal ay nakatutok sa Aprika at sa Asya upang
makipagkalakalan at hindi manakop. Ang mga Portuges ay ang kauna-unahang mga
Europeo na nakapaglayag sa Karagatang Indian. Dito nila nakita na ang kabilang
bahagi pala ng mundo ay matagal nang ginalugad ng mga Asyanong mandaragat at
mangangalakal. Matapos ang ginawang ekspedisyon ni Vasco de Gama, noong ika-15
siglo ay patuloy silang nagpadala ng mga sasakyang pandagat na manggagalugad sa
iba pang mga katubigan at dito nakilala si Pedro Alvares Cabral.
Pedro Álvares Cabral
21
Ang mandaragat na Portuges na ito ay nalagpasan ang isang madugong
pakikidigma sa mga Muslim na mangangalakal at tinalo ang isang malaking Arabeng
sasakyang pandagat upang kanyang lubusang maitatag ang malaking kolonya ng
Portugal sa mga islang nasa Karagatan ng Indian.
Ito ang naging dahilan ng paglalagay ng mga baseng pangkatubigan ng Portugal
sa may Karagatan ng Indian, sa may Look ng Persiya at sa Timog Silangang Asya. Ito
ang mga lugar na kung saan ay naglagay ang Portugal ng industriya ng paggawaan ng
mga sasakyang pandagat na noong panahon na iyon ay malaking pera ang inakyat sa
kanyang kabang yaman. Kasunod nito ay ang pagpapalawak ng bansa sa kanyang
teritoryo sa Silangang bahagi tungo sa Moluccas o ang kilala bilang Isla ng mga
Panlasa hanggang sa magkaroon sila ng matatag na lugar para sa pakikipagkalakalan
sa Tsina at Hapon.
Maging ang kasalukuyang bansang Brazil ay nasakop din ni Cabral para sa
Portugal samantalang ang malaking bahagi ng Timog Amerika ay naging sakop ng
Espanya. Ang mga Portuges ay naglagay dito ng mga plantasyon ng tubo, tabako, kape
at bulak. Sa dahilang ang lokal na populasyon ay di nakasasapat sa mga manggagawa
na magtratrabaho sa mga plantasyon ay kinailangang magdala ng mga aliping itim na
manggagawa mula sa Aprika. Isa sa natirang kolonya ng Portugal ang Brazil hanggang
sa huling bahagi ng ika-15 siglo.
Ang Espanya at ang kanyang Imperyo
Ang mga Espanyol conquistador o mananakop ay dumating sa Timog Amerika
upang “paglingkuran ang Diyos at ang hari ng Espanya” . ito ang naging matibay niyang
katwiran kung bakit nagpasimula ang Espanya sa kanyang pag-kolonya.
Isa sa kilalang Kastilang conquistador ay si Hernan Cortes, na tumungo sa
Mehiko upang maghanap ng yaman at gintong marami sa panahong iyon sa lugar na
nabanggit. Siya ay dumaong sa Tenochtitlan, ang kabisera ng Kabihasnang Aztec. Pinagkunan: Encarta Encyclopedia
22
Ang kanyang pagdaong sa Mehiko ay naging isang kababalaghan para sa mga
taong nakakita ng kanyang hukbo sa dahilang ang akala ng mga katutubo ay naganap
na ang propesiya ukol sa pagdating ng isang maalamat nilang diyos, si Quetzatcoatl.
Pinaniniwalaan ng mga Aztec na ang diyos nilang ito’y na-exile at balang-araw ay
darating ito upang maghari sa Angkan ng Aztec. Kaya ang hari na si Montezuma II ay
nagbigay sa kanya ng malaking bahagdan ng ginto at pilak bilang regalo sa kanyang
pagdating.
Ang headdress ni Montezuma II at ang larawan ng kanilang alamat na diyos na si Quetzatcoatl na nagkatawang isang malaking sawa na kumakain
ng mga buhay na tao
Ang kayamang mayroon ang kabisera noong panahon ay isang malaking
motibasyon para sa mga Kastila at isiping sakupin ito. Sa nangyaring labanan sa
dalawang grupo ay mas maraming namatay sa mga Aztec na halos umabot sa 50,000
kaya matapos ang tatlong taon ay naghari sa Mehiko si Hernan Cortes.
Isa pang Kastilang conquistador, si Francisco Pizarro ang sumakop sa Imperyo
ng mga Inca sa kasalukuyang bansa ng Peru. Hinuli niya at pinatubos ang pinunong si
Atahulpa at pinatay ang 2,000 mga sundalong bantay nito. Matapos siyang bayaran ng
ginto at pilak upang pakawalan ang kanilang pinuno ay minabuti pa rin niyang patayin
ito. Sa dahilang namatay na ang pinunong Inca kaya ang lakas ng kapangyarihan ng
mga Kastila ay umigting at nakontrol nito ang 375,000 milya kuwadrado o 975,000
kilometro kuwadrado ng kalupaan na may 7 milyong taong naninirahan sa Timog
Amerika.
23
.
Francisco Pizarro
Sinundan pa ng mga Kastilang mananakop si Pizarro na ang naging pokus
naman ay ang Hilagang Amerika gaya ni Hernando de Soto noong 1541 ay narating
ang Ilog ng Mississipi at ginalugad naman ni Francisco Vasquez de Coronado ang
Grand Canyon.
Ang mga Kastila ay nagnais na magtayo ng mga kolonya di gaya ng mga Portuges
na ang pinagbuti ay ang ukol sa kalakalan. Ang mga kolonya ng Espanya ay nakarating
sa Kanlurang Indies, Sentral Amerika, Timog Amerika at ang ilang bahagi ng
kasalukuyang Estados Unidos. Ang mga Kastilang viceroy ang namuno sa mga
nasakop niya at naging kolonya. Ang ginawang pamumuno ng mga Kastila sa kanyang
kolonya ay may kahalong karahasan sa dahilang ang mga katutubo ay nais nilang
sumunod sa mga batas na pinatutupad ng hari at makonberto sa Katolisismo.
Pinuwersa nila ang mga katutubo na magbigay ng libreng trabaho para sa
Pamahalaang Kolonyal at sa pagtatayo ng mga Simbahan. Ang pagtatanim ng tubo at
tabako ang mga pangunahing industriyang agrikultural ang kanilang itinatag at ang
ikalimang bahagi ng matatagpuang ginto at pilak ay bahagi para sa Pamahalaang
Kolonyal. Ang mga yamang ito ang nag-udyok din sa mga Espanyol ang maging
tiwaling pinuno dahil sa paghahangad ng malaking kita.
24
Mga Kolonya ng Olandiya Ang Olandiya ay nagpasimulang magkaroon ng malaking interes sa kalakalan
simula noong ika-15 siglo matapos na makuha niya ang kanyang kalayaan sa mga
Espanyol. Kaunti lamang ang mga yamang likas nito nguni’t mayroon itong
mayayamang mga mangangalakal na nakitang ang komersiyo ang maaring malaking
pagkakikitaan nang paanhon na iyon.
Ika-16 na siglo nang makamit nito ang Ginintuang Panahon sa komersiyo at
kalakalan. Ang Amsterdam ang naging pinakamalaking siyudad sa komersiyo at ang
mga Olandes ang mga Europeong nagtamasa ng mataas na antas ng pamumuhay.
Ang siyudad ng Amsterdam, Netherlands
Noong 1602 ay itinatag ng Olandiya ang Dutch East Indies Company upang
maging daan sa pagpapalawak ng kanyang komersiyo sa Asya. Ang pinakapunong
himpilan nito ay inilagay sa Batavia, isla ng Java ng kasalukuyang bansa ng Indonesia.
Lalo niyang napalakas ang pagiging makapangyarihan sa kalakalan ng mapaalis ang
mga trade posts ng Ingles at Portuges sa Asya. Nang makuha niya ang Malaka sa mga
Portuges ay tuluyan na nitong nakontrol ang kalakalan sa Spice Island. Gumamit din
siya ng puwersa sa mga Muslim na mangangalakal upang di ito maging sagabal sa
paglawak ng kanyang komersiyo at kalakalan.
25
Noong 1621 sa tulong ng Ingles na nabigador na si Henry Hudson na nasakop
ang baybayin ng Atlantiko ng Hilagang Amerika at ito rin ang naging pasimula ng Dutch
West India Company. Inilagay ng kompanya ang kanyang himpilan sa Isla ng
Manhattan na matatagpuan sa bunganga ng ilog ng Hudson.
Si Henry Hudson at ang Ilog ng Hudson na pinangalan sa kanya sa Manhattan, USA
Ang mga Olandes ay nagtatatag din ng pamayanan sa Aprika sa pamamagitan
ng mga Boers, mga magsasaka na nanirahan sa may Cape of Good Hope. Nguni’t ng
ika-17 siglo ay humina na ang kapangyarihang pangkomersiyo ng Olandiya at ito’y
pinalitan ng Inglaterra bilang pinakamalakas na imperyong pangkatubigan ng Europa.
Mga Kolonya ng Pransiya at Inglatera
Maliit na bahagi lamang ang naging kontribusyon ng Pransiya at Inglaterra sa
unang bahagi ng eksplorasyon. Ito’y sa dahilang may dalawang malaking suliranin
silang kinaharap ang ukol sa alitang dulot ng relihiyon at mga digmaang sibil. Nguni’t
noong ika-15 siglo ay sumama na rin sila sa pangtubigang pagpapalawak ng kanilang
mga teritoryo.
26
Taong 1524 ng kinuha ng mga Pranses ang Italyanong nabigador na si
Giovanni da Verrazano, upang hanapin ang Hilagang Kanluran daan mula sa Amerika
tungo sa Asya. Nguni’t di siya nagtagumpay sa ginawang panggagalugad at narating
niya lamang ang Hilagang Carolina patungo sa Maine, ngayo’y estado ng Amerika.
Sampung taon ang makaraan nang matagpuan ni Jacques Cartier ang kasalukuyang
Montreal, Canada. Si Samuel de Champlain naman ay natagpuan ang Quebec at si
Robert Cavalier naman ay sinakop ang kabuuang bahagi ng Ilog ng Mississipi para sa
Pransiya. Nagpadala rin sila ng mga Heswitang misyonero upang ikonberto ang mga
katutubong Amerikano sa Katolisismo. Nakipagkalakalan sila sa mga katutubo sa
pamamagitan ng pakikipagpalitan ng mga kumot, baril, alak para sa balat ng mga
hayop at maging ang mga isda at kahoy na matatagpuan sa mga lugar na kanilang
nasakop. Dinala rin ng mga Pranses ang mga aliping Aprikano sa mga islang kanilang
sinakop sa Kanlurang Indies gaya ng St. Kitts, Martinique at Guadeloupe upang
katulunging sila sa pagtatanim sa mga plantasyon ng tubo at tabako.
Jacques Cartier Samuel de Champlain
Ang Inglaterra naman noong 1497 nagpasimulang magpakita ng interes sa
pangkatubigang kalakalan. Si John Cabot na isang Italyanong nabigador ang nagbigay
ng mga unang kolonya sa Inglaterra gaya ng Newfoundland, Nova Scotia at New
England na kasalukuyan ay bahagi ng Canada at Amerika. Isang daan taon pa bago
27
nakapagtayo ng permanenteng kolonya dito ang Inglaterra dahil sa mga panloob na
alitan na nangyayari noon sa bansa. Noong ika-15 siglo ang karamihang mga kapitan
sa barko na Ingles ay naging pirata sa mga sasakyang pandagat ng mga Kastila at
Portuges. Ito’y upang makapag-ipon ng ginto at pilak na napkahalaga noong panahon
na iyon. Si Francis Drake, isa sa kinilalang mahusay na nabigador noong panahon ng
pamumuno ni Reyna Elisabeth I ng Inglaterra ay dating pirata. Siya ang kauna-unahang
Ingles na nakalibot sa mundo. Makaraan ang anim na taon pinamunuan niya ang mga
sasakyang pandagat ng mga Ingles na tumalo sa Spanish Armada. Ang pagwasak sa
Spanish Armada ay nagpahina sa kapangyarihang Espanya sa Europa. Naging bahagi
ng teritoryo ng Inglaterra ang mga isla ng Jamaica, Bahamas at Barbados. Itinatag din
nila ang English East India Company. Ipinakilala rin nila ang industriya ng tubo at
tabako sa mga islang kanilang sinakop at pareho ng mga Pranses ay nagdala sila ng
mga aliping Aprikano upang magtanim sa mga plantasyon. Malaki ang kanilang kinita
sa mga patanimang ito.
Sir Francis Drake
Taong 1606 ng ang Virginia Company ng London ay nagpadala ng ekspedisyon sa
Hilagang Amerika upang maghanap ng ginto at pilak. Itinatag ng kompanya ang isang
permanenteng pamayanan sa Jamestown na sa kasalukuyan ay Virginia. Sinundan ito
ng isang grupo ng mga mananampalatayang kabilang sa pilgrim na nagtatatag ng
panibagong pamayanan sa Plymouth ngayon ay Massachusetts.
28
First Sermon at Plymouth Kalakalan ng Alipin (Slave trade) Naging malaking pangangailangan ng mga bansang Europeo ang mga
manggagawa sa kanilang mga plantasyon. Dahil sa kakulangan ng mga magtatanim sa
plantasyon ay naging kalakalan ang pakikipagpalitan ng mga produkto para sa mga
aliping itim na magtratrabaho sa mga taniman. Ginawang hanapbuhay ng mga Europeo
ang maghanap ng mga alipin sa Aprika maging gumamit man ng puwersa at pang-
aabuso sa mga ito.
Napakahirap ng ginagawang paglalakbay ng mga alipin dahil mula sa kanilang
pinanggalingan ang mga sasakyang ginagamit para magdala sa kanila sa pamilihan
upang doon sila ipagbili ay hindi kondusibo para sakyan at napakatipid ang
ginagawang pagpapakain sa kanila. Ang mga ganitong sitwasyon ay naging daan sa
mga pag-aalsa ng malaking bilang ng mga aliping itim laban sa mga puting nangabuso
sa kanila. Ang pinakamatagumpay na rebelyon na inilunsad ng mga alipin ay nangyari
sa islang teritoryo ng Pransiya ang Saint Domingue noong 1793 at nagresulta sa
pagiging malaya ng ngayon ay bansang Haiti noong 1804.
29
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Magtala ng mga bagay n matatgpuan o makikita sa mga
sumusunod na banasa
a. Peru - _____________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
b. St. Kitts, Martinique&Guadeloupe - _______________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
c. Mexico - ____________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
d. Plymouth - __________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
e. Haiti - ______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
30
Tandaan Mo! Ang mga bansang Espanya at Portugal ang nag-umpisa ng
eksplorasyon sa mga bansang nasa Asya, Aprika at Latin Amerika
Iba’t iba ang pamamaraan ng pagtatatag ng pangtubigang imperyo ng
mga bansang Europeo sa Asya, Aprika at Latin Amerika
Noong ika-15 siglo ay nagkaroon ng malaking interes sa kalakalan at komersiyo ang
mga bansang Olandiya, Pransiya at Inglaterra
Ang slave trade ay naging malaganap dahil ito’y dulot ng malaking pangangailangan
sa mga manggagawa na magtatanim sa mga plantasyon
Gawain 3: Paglalapat Gumuhit ng sasakyang pandagat na sa iyong palagay ay dapat na
ginawang sasakyan sa pakikipagpalitan ng mga produkto at kinalagyan
ng mga aliping ipagbibili sa mga pamilihan. Ilagay sa isang buong papel. ARALIN 3 PAGBABAGO NG PAMARAAN SA PAMUMUHAY
Ang panahon ng eksplorasyon ay nag-iwan ng malaking pagbabago sa
pamumuhay ng lipunan at kabihasnan ng mundo. Ang pang-katubigang kalakalan at
pananakop ng mga bansang Europeo ay naging daan sa pag-unlad ng ekonomiya ng
Europa. Ang pamamaraan sa pakikipag-kalakalan at ang pagbabangko ay napaunlad
kaya ito’y nagdulot ng malaking kita sa mga bansang Europeo. Ang pambansang
ekonomiya na Merkantilismo ay umusbong na binigyang diin ang kapangyarihan ng
isang estado ay nakabatay sa yaman at dami ng ginto at pilak na mayroon ito.
31
Nagkaroon din ng asimilasyon ang kabihasnang Europa sa Asya, Aprika at Timog
Amerika.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Natatalakay ang naging resulta ng eksplorasyon sa lipunan at kabihasnan ng
mundo;
2. Nailalarawan ang mga bagong pamamaraan pangkabuhayan naipakilala sa
panahon ng Rebolusyong Komersiyo;
3. Nasusuri ang mga epekto at bunga ng pag-unlad ng kalakalan at pagbabangko
sa lipunan at pangkabuhayan ng mundo; at
4. Nakapagbubuo ng mga pamamaraan na maaring gamitin ng isang
mangangalakal upang mapaunlad ang kanyang negosyo
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Suriin ang larawan at sabihin kung ano ang kaugnayan nito sa komersiyo at
kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya
32
Ang Rebolusyong Komersyal
Noong ika-16 na siglo ay pinalitan ng mga nasyon ang dating mga siyudad at
pamayanan bilang pang-ekonomiyang yunit ng lipunan. Bawa’t isang nasyon ay may
iba’t ibang pamamaraang ginagamit sa kanilang mga pamilihan at pakikipagkalakalan.
Ang mga pamamaraang ito ay naging dahilan para patuloy na mamuhunan ang mga
mangangalakal at maghangad ng malaking tubo. Nagsilbi itong panimula sa
pagkakaroon ng ekonomiyang pera o money economy.
Malaki ang naging puhunang ibinibigay ng mga nagnanais na sumuporta sa
panggagalugad kaya nangailangan ng mga taong maaring magpahiram o magpautang
ng pera sa mga ilulunsad na mga ekspedisyon. Ang mga mangangalakal noong una ay
nanghiram sa mga mayayamang may banko gaya ng pamilya ng Medici sa Florence,
Italya at ang Fuggers ng Ausburg, Alemanya. Naging mabisang instrumento sa pag-
aakyat ng malaking kita ang ganitong klase ng kalakalan kaya ang mga nabanggit na
pamilya ay yumaman ng husto pagdating ng ika-15 siglo. Sila rin ang mga naging
pangunahing patron ng iba’t ibang larangan ng sining sa dahilang maari silang magpa-
aral ng isang mahusay na pintor o iskultor. Ito’y nagbigay daan sa mas mataas na uri ng
pamumuhay at kultura sa mga Europeo.
Pagdating ng ika-16 na siglo ang mga bankong pag-aari at pinamumuhunan na ng
mga bansa ang pumalit sa mga pamilyang may banko. Naragdagan pa ang tungkulin
ng nasabing mga government chartered banks dahil maari rin silang magpalit ng pera
mula sa isang bansa kung gagamitin sa ibang bansa(money changer) at nagtatakda rin
ito ng halaga upang maging kapalit ng pera ng isang bansa. Ang mga indibidwal naman
na nais maragdagan ang kanilang mga kita ay pumasok sa tinatawag na joint stock
companies. Ito’y mga organisasyon na nagbibili ng stocks o nakikihati sa mga kikitain
mula sa eksplorasyon at nagbabakasakali sa maaring maging bunga ng mga
ekspedisyong pinadadala sa Asya, Aprika at Timog Amerika. Kung magkaroon man ng
mga pagkalugi ay madaling mapondohan muli sa dahilang marami ang namumuhunan
at nagpapatakbo ng negosyong pagbabangko. Ilan sa mga nakilalang joint stock
companies ay ang Dutch East India Company at ang pamahalaan ng Olandiya na
nagkaroon ng malaking pagkontrol sa mga kalakalan sa lupalop ng Aprika at East
33
Indies. Nagbigay din ito ng kapangyarihan upang maglunsad ng mga digmaan,
humadlang ng mga sasakyang pandagat, gumawa ng coin money at magtatag ng mga
pangkomersyong kolonya. Ang mga pamahalaan na kaugnay nila ay kumikita sa
pamamagitan ng mga buwis na ibinabayad ng mga kompanya at mga mamahaling mga
produkto na galing sa mga kolonya.
Karagdagan sa Pera at ang Merkantilismo
Sa dahilang nagpasimula ng gamitin ang perang barya, ang mga ginto at pilak na
dinadala sa mga bansang nangolonya ay lalong nagiging mahalaga hanggang ito ang
naging dahilan ng pagtaas ng halaga ng pera. Maraming mga indibidwal ang
nagpasimulang pagsamahin ang pera, ideya, hilaw na mga materyales at paggawa na
tinawag na mga entreprenyur. Ang mga taong ito ay kumita ng malaki na nagsilbing
daan sa malakihang kalakalan at komesryo sa ibayaong dagat ng mga bansang
Portugal, Espanya, Inglaterra at Olandiya. Ito rin ang naging daan upang ang dating
mga siyudad estado na maunlad gaya ng Venice at Genoa sa Italya ay unti-unting
humina ang kalakalan sa ibayong dagat.
Isinilang ang sistemang pangkabuhayan na Merkantilismo na kung saan ang
kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa yaman nitong taglay. Pinaniniwalaan
ng mga Europeo na ang dami o bulyon ng ginto at pilak na mayroon nito ay
pagpapakilala ng katatagan ng kanyang pangkabuhayan.
34
Ang sistemang ito ang lalong nagtulak sa mga bansang Europeo na maghanap ng
mga kolonya na maaring mapagkunan ng malaking bilang nga mga mineral gaya ng
ginto at pilak. Ito ang naging pamamaraan ng Espanya ng sakupin nito ang malaking
bahagi ng Kabihasnang Inca sa Peru at ng Aztec sa Mehiko. Ang isa pang
pamamaraan ay ang pakikipagkalakalan sa pamamagitan ng mas maraming bilang ng
iniluluwas na produkto mula sa kanila tungo sa kanilang mga kolonya at maliit na
bahagi lamang ang kanilang pinapapasok na produkto mula sa kolonya tungo sa
kanilang mga bansa upang maiwasan ang kompetisyon.
Naging malaking gamit para sa mga bansang nangolonya ang mga hilaw na
materyales at pagtatatag ng mga pamilihan sa kanilang mga kolonya. Ang pangunahing
dahilan ng pagkakaroon ng mga kolonya ay para makatulong sa pagiging matatag ng
pangkabuhayan ng mga bansang Kolonyal at pagtatayo ng mga Imperyo sa ibayong
dagat.
Isang kolonyang bansa ng Inglaterra habang dumadaong ang kanilang mga sasakyang pandagat sa pantalan upang makipagkalakalan
35
Ang Pagbabagong Panlipunan at Pang-relihiyong Kaisipan sa Europa
Lumaki ang mga populasyon sa Europa matapos ang Black Death at lumaki
ang mga sentro ng kalakalan ng bawa’t isang bansa dahil sa mga naging kolonya sa
ibang lupalop. Bagong mga ideya, kaisipan at produkto ang pumasok sa Europa. Ang
mga pagkaing gaya ng mais, tsokolate, at patatas at mga inuming gaya ng kape at tsaa
ay naging mataas ang pangangailangan para sa mg Europeo. Ang mga ivory na galing
sa Aprika, pabango, seda at mga alahas na galing sa Silangang Asya ay nakilala sa
mga pamilihan ng Europa.
Nabuo rin ang panggitnang uri ng mga tao sa lipunan na karamihan ay mga
mangangalakal na yumaman dahil sa kalakalan. Nakilala ang iba’t ibang paniniwala at
kultura ng Asya sa Europa at ng Europa sa Asya. Maging ang mga benepisyo ng mga
manggagawa ay nabigyang tuon din sa dahilang kailangan ng mga malulusog na manggagawa sa mga agrikultural na plantasyon. Ang ibayong dagat na kolonya ay
naging laglagan din ng mga sobrang produkto nila at tapunan ng mga mahihirap,
kriminal at outcasts sa kanilang lipunan.
Dahil din sa pang-ekonomiyang presyur at ibang pananampalataya ay
maraming mga Europeo ang umalis sa kanilang mga bansa upang magpunta sa Timog
Amerika. Karaniwan silang bumuo ng kanilang mga pamayanan sa mga teritoryong
pag-aari ng Olandiya at Inglaterra. Mas naging bukas o tolerable ang mga nasabing
bansang Europeo kaysa sa mga Kastilang pinapatay ang mga taong tiwalag sa
Katolisismo o kaaway ng Simbahan sa pamamagitan ng Inquisition at ng mga Pranses
sa kanilang ginawa sa mga Protestanteng Huguenots.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Naniniwala ka ba na kapwa nakinabang sa aspektong
pangkabuhayan at panlipunan ang Europa at ang kanyang mga sinakop na bansa sa
lupalop ng Asya, Aprika at Timog Amerika? Pangatwiranan
______________________________________________________________________________________________________________________________________
36
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Tandaan Mo! Ang sistemang Merkantilismo ay isang sistemang pangkabuhayan
na ang binibigyang diin ay ang taglay na yaman ng isang bansa
Ang sistemang pagbabangko ay naging malaking tulong sa
pagpapahiram ng puhunan at pera sa mga ekspedisyong inilunsad ng mga
bansang Europeo sa ibayong dagat
Naging malaki ang bunga sa lipunan at ekonomiyang kalakaran ng Europa at
Silangan ng eksplorasyon at pagkolonya ng una
Ang entreprenyur ay isang taong naghahangad ng malaking tubo sa kanyang mga
produkto sa pamamagitan ng kanyang pagsasama-sama ng pera, ideya, hilaw na
materyales at paggawa sa produksiyon
Gawain 3: Paglalapat Isipin na ikaw ay isang entreprenyur noong ika-17 siglo. Mag-imbento ng
mga pamamaraan kung paano ka magkakaroon ng malaking kita at tubo
sa pamamagitan ng iyong puhunan at talento. Isama ang posibleng risks
na iyong maaring makasagupa. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
37
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO
Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang
mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan?
Ang pangunahing salik na nag-udyok sa mga Europeo na manggalugad ay ang
paghahangad sa mga kalakal ng Silangan, makatagpo ng ginto at pilak at
makonberto ang mga tao sa Katolisismo
Si Prinsipe Henry ng Portugal ang nanguna sa pagpapatayo ng paaralan para sa
nabigasyon
Ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan ay nagpakilala na ang mundo ay bilog at
maraming yamang matatagpuan sa mga kalupaan sa Silangan
Iba’t iba ang pamamaraan ng pagtatatag ng pangtubigang imperyo ng mga
bansang Europeo sa Asya, Aprika at Latin Amerika
Ang slave trade ay naging malaganap dahil ito’y dulot ng malaking
pangangailangan sa mga manggagawa na magtatanim sa mga plantasyon
Ang sistemang Merkantilismo ay isang sistemang pangkabuhayan na ang
binibigyang diin ay ang taglay na yaman ng isang bansa
Ang sistemang pagbabangko ay naging malaking tulong sa pagpapahiram ng
puhunan at pera sa mga ekspedisyong inilunsad ng mga bansang Europeo sa
ibayong dagat
Naging malaki ang bunga sa lipunan at ekonomiyang kalakaran ng Europa at
Silangan ng eksplorasyon at pagkolonya ng una
38
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: I. Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot
1. Ang kauna-unahang bansang Europeo na naglunsad ng eksplorasyon sa mga
kalupaan at karagatan sa Silangan
a. Espanya
b. Portugal
c. Olandiya
d. Inglaterra
2. Ang instrumentong ginamit ng mga nabigador upang malaman ang
heyograpiyang direksiyon sa kanyang paglalakbay
a. Astrolabe
b. Hourglass
c. Compass
d. Mapa
3. Ang isla sa Silangang na kilala sa dami ng mga panlasa na maaring matagpuan
at makuha dito
a. Batavia
b. Madeiras
c. San Domingue
d. Malaka
4. Ang kanyang ekspedisyon ay nagpatunay na ang mundo ay bilog
a. Ferdinand Magellan
b. Christopher Columbus
c. Prince Henry
d. Bartolomeu Dias
5. Isang sasakyang pandagat na unang ginamit ng mga manlalakbay Europeo sa
kanilang mga eksplorasyon
a. Banca
b. Caravel
c. Spanish Armada
d. Steam Boat
6. Ang kasunduan na binuo para maging maliwanag ang gagawing paghahati sa
kanilang eksplorasyon ng Portugal at Espanya
a. Bull Treaty
b. Paris
c. Tordesillas
d. Potsdam
39
7. Mga Kastilang mananakop na gumamit ng dahas upang makuha ang isang lugar
para sa pangalan ng Simbahan at ng hari
a. Mangangalakal
b. Sundalo
c. Misyonero
d. Conquistador
8. Bansang may malaking sakop na lupain sa Timog Amerika noong ika-16 na siglo
a. Olandiya
b. Espanya
c. Inglaterra
d. Portugal
9. Italyanong nabigador na nakapaglakbay sa bahagi ng Newfoundland, Nova
Scotia at New England gamit ang dinaanan ni Columbus
a. Jacques Cartier
b. Samuel de Chaplain
c. John Cabot
d. Henry Hudson
10. Ang mga produktong ito ay naging mataas ang pangangailangan sa Europa
maliban sa
a. Asukal
b. Tabako
c. Seda
d. Patatas
11. Ang Dutch East Indies sa kasalukuyan ay bansang
a. Malaysia
b. Indonesia
c. Pilipinas
d. Singapore
12. Kalakalang pangunguha ng mga alipin sa Aprika upang maging manggagawa sa
mga plantasyon
a. Slave trade
b. Commercial trade
c. Middle Passage
d. Eksplorasyon
40
13. Sistemang pangkabuhayan na nagbibigay diin sa pagkakaroon ng kayamanan
ng isang bansa
a. Komunismo
b. Sosyalismo
c. Merkantilismo
d. Bulyonismo
14. Doktrinang nagsasabi na ang may maraming kayamanan na ginto at pilak na
bansa ay pagpapakilala ng kanyang kapangyarihan at katanyagan
a. Merkantilismo
b. Bulyonismo
c. Kapitalismo
d. Sosyalismo
15. Mga mangangalakal na yumaman dahil sa pagbabangko
a. Ayala at Araneta
b. Sy at Dee
c. Medici at Fuggers
d. Ty at Gates
16. Ang mga bansang Europeo ay kumita ng malaki sa pagtatatag ng mga kolonya
sa lupalop ng Asya, Aprika at Timog Amerika maliban sa
a. Belgium
b. Olandiya
c. Inglaterra
d. Espanya
17. Organisasyong binuo ng mga mangangalakal upang magkaroon ng malaking
puhunan at tubo sa komersyong kanilang sasalihan
a. Joint stock companies
b. Bangko
c. Trade Union
d. Confederation
18. Naging pangunahin at madaling gamit ng mga mangangalakal bilang pamalit sa
kanilang mga produkto
a. Perang Barya
b. Ginto
c. Pilak
d. Sigay
41
19. Indibidwal na pinagsanib ang kanyang pera, ideya, hilaw na materyales at
paggawa sa kanyang pag-nenegosyo
a. Mangangalakal
b. Entreprenyur
c. Nobilidad
d. Hari
20. Isinunod sa kanyang pangalan ang pagkakatagpo ng Bagong Mundo o ang
Amerika
a. Amerigo Vespucci
b. Christopher Columbus
c. Hernan Cortes
d. Pedro Cabral
42
GABAY SA PAGWAWASTO:
PANIMULANG PAGSUSULIT
1. C
2. A
3. D
4. B
5. B
6. A
7. B
8. C
9. D
10. A
11. A
12. C
13. A
14. D
15. D
16. C
17. A
18. B
19. C
20. B
ARALIN 1 MGA UNANG EKSPLORASYON Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ang sagot ay maaring magkakaiba. Isangguni sa gurong tagapamahala ang
iyong sagot.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Christopher Columbus- Karagatang Indian
Ferdinand at Isabella- mga ekspedisyong inilunsad ng Espanya
Amerigo Vespucci – Bagong Mundo
Ferdinand Magellan- Strait of Magellan, Pilipinas
Gawain 3: Paglalapat Mga pagkain, kagamitan sa paglalakbay, tubig, konkretong plano kung saan tutungo
ARALIN 2 MGA PANGKATUBIGANG IMPERYO Gawain 1: Pag-isipan Mo! Sasakyang ginamit para sa mga aliping kinuha sa Aprika ng mga Europeo
43
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ang sagot ay maaring magkakaiba. Isangguni sa gurong tagapamahala ang
iyong sagot.
Gawain 3: Paglalapat Ang sagot ay maaring magkakaiba. Isangguni sa gurong tagapamahala ang
iyong sagot.
ARALIN 3 PAGBABAGO NG PAMARAAN SA PAMUMUHAY Gawain 1: Pag-isipan Mo! Mga produkto na naging bahagi ng kalakalan ng Asya sa Europa
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ang sagot ay maaring magkakaiba. Isangguni sa gurong tagapamahala ang
iyong sagot.
Gawain 3: Paglalapat Ang sagot ay maaring magkakaiba. Isangguni sa gurong tagapamahala ang
iyong sagot.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
1. B
2. C
3. D
4. A
5. B
6. C
7. D
8. B
9. C
10. D
11. B
12. A
13. C
14. B
15. C
16. A
17. A
18. A
19. B
20. A
44
1
ARALING PANLIPUNAN III
(Effective and Accessible Secondary Education)
MODYUL 15
REBOLUSYONG PAMPULITIKA SA PRANSIYA AT AMERIKA
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
2
MODYUL 15 REBOLUSYONG PAMPULITIKA SA PRANSIYA AT AMERIKA
Sa huling bahagi ng ika-18 siglo, ibang uri ng himagsikan ang lumaganap sa
bahagi ng Atlantiko. Ito ay naimpluwensiyahan ng mga ideyang pinalaganap noong
Panahon ng Enlightenment. Inilatag nito ang mga pagtatanong ukol sa absolutong
monarkiya at ang dominasyon ng Simbahan sa mga panlipunan at pampulitikang
galaw ng mga tao. Ang ganitong kaisipan ay naging daan upang patalsikin ang
tradisyunal na rehimen sa Amerika at Pransiya. Nagpasimula ang digmaan noong
1775 sa pagitan ng 13 kolonya sa Timog Amerika at Britanya. Ito ang unang
himagsikan na naghangad ng kalayaan at pagbabago ng lipunan. Naging daan din
ito sa paglawak ng mga prinsipyong rebolusyonaryo sa Pransiya at isang madugong
himagsikan noong 1789. Ang Himagsikan sa Pransiya ay itinuturing na mas malaki
ang iniwang epekto sa Europa at iba pang panig ng mundo sa dahilang iniwan nito
ang tatlong mahalagang prinsipyo ng pagbubuo ng isang nasyon-estado: ang
kalayaan, pagkakapantay-pantay at ang kapatiran.
May limang aralin na inihanda para sa inyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Ang Digmaan para sa Kalayaan sa Amerika
Aralin 2: Ang Rebolusyong Pranses
Aralin 3: Ang “Napoleonic Wars”
Aralin 4: Ang Labanan sa Waterloo
Aralin 5: Ang Rebolusyon ng mga Aliping itim sa Haiti
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Natatalakay ang Rebolusyong Pangkaisipan at Panlipunan sa Europa,
Amerika at Haiti
2. Naipaghahambing ang dahilan at epektong naidulot sa pulitika at
lipunan ng Rebolusyon sa Amerika, Pransiya at Haiti
3
3. Nakikilala ang mga naging pangunahing tagapagtaguyod ng
pagbabagong pampulitika at panlipunan sa Amerika, Pransiya at Haiti
4. Naiuugnay ang mga pagpapahalagang itinuro ng Rebolusyong
Pangkaisipan sa pagpapatalsik sa lumang rehimen sa Amerika,
Pransiya at Haiti
5. Nasusuri ang naging epekto ng Rebolusyon sa Amerika, Pransiya at
Haiti sa pagtataguyod ng liberalismo at nasyonalismo ng mga nasyon-
estado sa mundo
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para
sa iyo.
4
PANIMULANG PAGSUSULIT: I. Panuto:Piliin ang titik ng tamang sagot
1. Nagpasimula ang paghahangad ng kalayaan ng 13 kolonya sa Timog Amerika
sa Britanya dahil sa
A. paghingi ng karagdagang buwis
B. pagpigil sa malayang pagsasagawa ng kanilang pananampalataya
C. pagkuwestiyon sa aral at doktrina ng Simbahan
D. hangad na patalsikin ang hari ng Britanya
2. Ang 13 kolonya sa Timog Amerika ng Britanya ay lumawak mula sa
Massachusetts sa Hilaga at______ sa timog
A. Missisipi
B. Nueba York
C. Georgia
D. Carolina
3. Ang naging pangunahing islogan na ginamit ng 13 kolonya sa Timog Amerika
bilang protesta sa Parliamento ng Britanya
A. Ang paglaya namin ay mahalaga para sa kinabukasan
B. Ang pagmamahal sa bayan ay naipapakita sa pamamagitan ng
himagsikan
C. Maging Malaya at isang karangalan
D. Walang pagbubuwis kung walang representasyon
4. Insidente na nagpakilala ng malabis na galit ng mga kolonyang Amerikano sa
Britanya dahil sa pagdaragdag ng buwis sa tsaa na kanilang inaangkat
A. Saratoga Massacre
B. Boston Tea Party
C. Battle of Waterloo
D. Unang Kongresong Kontinental
5
5. Kinilalang bayani ng Digmaan ng paghahangad ng kalayaan sa Amerika
A. Thomas Jefferson
B. Thomas Paine
C. George Washington
D. Paul Revere
6. Isang abogado na nagsulat ng deklarasyon ng kalayaan ng dating 13 kolonya sa
Britanya at pagbubuo ng Estados Unidos
A. George Washington
B. Thomas Jefferson
C. Thomas Paine
D. Paul Revere
7. Pinuno ng mga rebolusyonaryong aliping itim sa Saint Domingue o Haiti laban sa
mga Pranses
A. Napoleon Bonaparte
B. Francois Dominique Touissaint L’Ouverture
C. Lacroix
D. Thomas Paine
8. Ang kasunduan na nagtapos sa digmaan ng 13 kolonya at ng Britanya
A. Kasunduan sa Ausburg
B. Kasunduan sa Paris
C. Kasunduan ng Tordesillas
D. Kasunduan sa Vienna
9. Isang insidente sa Pransiya kung saan maraming mga “royals” ang pinutulan ng
ulo sa pamamagitan ng guillotine dahil sa paghahangad ng mga taong patalsikin
ang hari at magtatag ng republika
A. Pagbagsak ng Bastille
B. Rebolusyong Pranses
C. Reign of Terror
D. Tennis Court Oath
10. Isang kulungan na sumisimbolo sa di makatarungang pamamalakad ng
monarkiya
A. Karlskrona
B. Bastille
C. Santiago
D. Warsaw
6
11. Marubdob na damdamin ukol sa bayan at paghahangad ng kalayaan
A. Nasyonalismo
B. Patriotismo
C. Liberalismo
D. Demokrasya
12. Pansamantalang pamahalaan na itinatag ng mga rebolusyonaryong Jacobins
upang palitan ang pamahalaang monarkiya
A. Demokratiko
B. Federal
C. Committee of Public Safety
D. Committee on Ways and Means
13. Konsehong ehekutibo na binubuo ng limang direktor
A. Parliamento
B. Kongreso
C. Diet
D. Directory
14. Pamahalaan na pinamumunuan ng isang absolutong hari
A. Imperyo
B. Diktaturya
C. Monarkiya
D. Shogunato
15. Sila ang mga pangunahing lider ng grupong Jacobins na nagpabagsak sa
monarkiya sa Pransiya
A. Danton at Robespierre
B. Louis XVI at Marie Antonette
C. Napoleon at Josephine
D. Nelson at Duke ng Wellington
16. Isang makina na ginamit sa panahon ng kaguluhan sa Pransiya at naging
simbolo ng hinahangad na reporma ng mga tao
A. Lethal injection
B. Silya Elektrika
C. Gas chamber
D. Guillotine
7
17. Hari ng Pransiya na naging malabis na maluho at magarbo sa kanyang
pamumuno kahit ang kanyang mga nasasakupan ay naghihirap ng lubusan
A. Henry VIII
B. Louis XVI
C. Edward III
D. Peter I
18. Isang mahusay na heneral na nagpalawak ng kapangyarihan ng Pransiya sa
Europa
A. Napoleon Bonaparte
B. George Washington
C. George Danton
D. Maximillien Robespiere
19. Kinilala itong Oath of the Tennis Court dahil sapilitang sumumpa ang mga
miyembro ng National Assembly upang kaagad silang makabuo ng Konstitusyon
para sa Pransiya at ito’y ginanap sa
A. Basketball Court
B. Badminton Court
C. Tennis Court
D. Baseball Court
20. Ang rebousyon sa Saint Domingue ay naging daan sa marubdob na pagnanais
ng isang pangkat ng mga alipin na lumaya sa mga mananakop at ito’y nagdulot
ng mga radikal na pangyayari maliban sa
A. pagpatay sa mga panginoong maylupa
B. pagsira ng mga gamit sa pabrika
C. pagsunog ng mga plantasyon
D. pag-aalis ng patakarang pang-aalipin
8
ARALIN 1 ANG DIGMAAN PARA SA KALAYAAN SA AMERIKA
Ang Digmaan para sa kalayaan sa Amerika ay lalong kilala sa katawagang
Himagsikan sa Amerika. Nagpasimula ang himagsikan nang ang mga Ingles nanaging
mga migrante sa Timog Amerika ay nagrebelde sa malabis na pagbubuwis na ipinataw
sa kanila ng Parliamentong Ingles nguni’t wala naman silang kinatawan sa Parliamento
upang sabihin ang kanilang mga hinaing. Nagdeklara sila ng paglaya sa mga Ingles
noong 1776 at pagkatapos sila’y nagbuo ng isang malakas na hukbo na magiging
tagapagtanggol nila sa mga hinaharap na alitan o sigalot sa Britanya. Ang Digmaan
para sa kalayaan ay naging dahilan sa pagbubuo ng Estados Unidos ng Amerika
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Naisasalaysay ang dahilan at pasimula ng Digmaan para sa kalayaan sa
Amerika;
2. Nakikilala ang mga pangunahing aktor at tagapagtaguyod ng kalayaan sa
Amerika ;
3. Nasusuri ang naging epekto sa lipunan at pamumuhay ng mga Amerikano ng
kanilang paglaya bilang kolonya ng Britanya; at
4. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang pagmamahal sa bayan at marubdob na
pakikihamok para makamit ang kalayaan.
9
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Kilalanin mo ang nasa larawan at sa iyong palagay ano ang kanyang naging
kontribusyon sa Digmaan para sa Kalayaan ng Amerika
Ang Labingtatlong Kolonya Ang malaking bilang ng mga Ingles ay nagpasimula nang lumipat at manirahan
sa Hilagang Amerika noong pang ika-17 siglo. Karamihan sa kanila ay nakaranas ng
mga persekyusyon dahil sa kanilang mga bagong pananamplataya na resulta ng
Repormasyon at Enlightenment sa Europa. Sa kalagitnaan ng ika-18 siglo ay nakabuo
na sila ng 13 magkakahiwalay na kolonya na ang hangganan sa Hilaga ay ang
Massachusetts at sa Timog ay ang Georgia. Bawa’t isa sa kolonya ay may mga sariling
lokal na pamahalaan. Noong 1750 ay gumastos ng napalaking halaga ang Britanya
laban sa Pransiya upang mapanatili sa ilalim ng kanilang imperyo ang 13 kolonya. Ito
ang dahilan kung bakit nais ng Britanya na ang mga kolonya ay mag-ambag sa naging
gastusin ng Britanya at ito’y nais nilang kunin sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga
buwis.
10
Ang 13 kolonya noong 1775
“Walang Pagbubuwis kung walang Representasyon”
Ang mga kolonya ay walang representante sa Parliamento ng Britanya sa
London kaya sila ay nagprotesta sa pagbabayad sa malabis na buwis na ipinapataw sa
kanila. Ang kanilang naging paboritong islogan ay ang” walang pagbubuwis kung
walang representasyon”. Noong 1773 ay isang grupo ng mga kolonista ang nagsuot ng
katutubong kasuotan ng mga Katutubong Amerikano at nakapasok sa isang pang-
kalakal na bapor ng mga Ingles. Kanilang itinapon ang mga tone-toneladang tsaa sa
pantalan ng Boston harbor sa Massachusetts. Sila’y nagprotesta sa ipinataw na buwis
sa tsaa na inaangkat sa mga kolonya. Kinilala sa kasaysayan ang pangyayaring ito
bilang Boston Tea Party. Nagpasa ang pamahalaan ng Britanya ng kaparusahan sa
mga kolonista na naging kabahagi ng nabanggit na insidente. Tinawag ang mga batas
na ito sa Amerika bilang Intolerable Acts.
11
Ang Stamp Act na ipinasa ng Parliamento noong 1765 ay nagdagdag ng buwis para sa pamahalaan ng Britanya sa pamamagitan ng paglalagay ng mga selyo sa
anumang produkto na dadalhin sa Britanya mula sa mga kolonya
Ang Unang Kongresong Kontinental
Ang mga kolonyang bumubuo sa 13 kolonya ng Britanya sa Amerika ay dagling
sumaklolo sa naging kahinatnan ng Insidente sa Massachusetts. Binuo nila ang Unang
Kongresong Kontinental na dinaluhan ng mga representante ng bawa’t isang kolonya
maliban sa Georgia. Ang pagpupulong na ito at pagsasama-sama ng mga kolonya ay
isang pagpapakilala ng kanilang paglaban sa mga batas at polisiyang ipinatutupad ng
mga Ingles sa kanila. Noong ika-5 ng Setyembre, 1774, 56 kinatawan ng mga kolonya
ang dumalo dito at binigyang diin ng grupo na sa pagkakataong iyon mula sa isang
kialalng kinatawan na si Patrick Henry, na wala ng dapat makitang pagkakaiba ang
isang taga-Virginia, Pennsylvania, New York at New England. Dapat na tandaan na
sila’y nagkakaisa at sama-samang magtataguyod para sa kapakanan ng kabuuang
kolonya. Pinagkaisahan nila na itigil na ang pakikipagkalakalan sa Britanya at ito’y
nagpasimula pagkatapos ng Setyembre, 1775.
Marami sa mga kolonya ang determinadong bumuo at gumamit ng mga radikal
na pamamaraan upang labanan ang puwersa ng Britanya. Sa bawa’t kolonya ay bumuo
12
sila ng magiging kabilang ng kanilang boluntaryong army at handang makipaglaban sa
pamamagitan ng digmaan.
Ang mga Amerikanong sundalo noong ika-18 siglo
Ang Pagsisimula ng Digmaan
Noong Abril 1775 nagpadala ang Britanya ng tropa ng mga sundalo sa Boston
upang kunin puwersahan ang isang tindahan ng pulbura sa bayan ng Concord. Isang
Amerikanong panday na nagngangalang Paul Revere ang naging kasangkapan upang
malaman ng mga tao na may paparating na mga sundalong British. Sa pamamagitan
ng pagsakay sa kanyang kabayo at pagligid sa buong bayan ay napagsabihan niya ang
mga tao na maghanda sa pakikipaglaban. Kaya mayroong grupo ng mga
tagapangalaga at tagapagbantay na Amerikano ang humadlang sa mga sundalong
Brtish na papalapit sa bayan ng Lexington. Nagpalitan ng putukan ang magkabilang
pangkat hanggang walong Amerikano ang napatay.
Dito na nagpasimula ang Digmaan para sa kalayaan ng mga Amerikano. Sa
Concord naman ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga Amerikano na mag-organisa at
puwersahang mapabalik ang mga sundalong British sa Boston. Dito na nila tuluyang
nakubkob ang mga sundalong British sa loob ng siyudad.
13
Ang mapa na nagpapakita ng digmaan para sa kalayaan ng mga Amerikano laban sa mga mananakop na British
Ang Ikalawang Kongresong Kontinental Ang Kongresong Kontinental ay muling nagpulong sa ikalawang pagkakataon
noong Mayo, 1775 at idineklara ang pamahalaan na tinawag nilang “United Colonies of
America” ( Pinagbuklod na mga kolonya ng Amerika). Ang hukbo ng mga militar ay
tinawag na “Continental Army” at ang naatasan na commander-in-chief ay si George
Washington.
Sinubukan ng hukbong militar na makuha ang Boston nguni’t natalo sila sa
Digmaan sa Bunker Hill. Sinunod ng mga Amerikanong kubkubin ang Canada nguni’t
natalo rin sila dito. Maski sunud-sunod ang pagkatalo ng mga Amerikano sa labanan ay
hindi pa rin sila nawalan ng pag-asa sapagka’t tuluyang napaalis nila ang mga
sundalong British na patuloy na nakukubkob sa Boston noong Marso, 1776.
14
Ang Deklarasyon ng Kalayaan Noong Hunyo 1776 ay nagpadala ng malaking tropa ang Britanya sa Atlantiko
upang tuluyang durugin at pahinain ang puwersang Amerikano. Upang matugunan ang
ganitong pangyayari ay minarapat ng Kongresong Kontinental na aprubahan ang
Deklarasyon ng Kalayaan noong Hulyo 4. Ang dokumento ay isinulat halos lahat ni
Thomas Jefferson, isang manananggol at binigyang diin ng dokumento na ang dating
mga kolonya ay di na sa kasalukuyan teritoryo ng Britanya. Sila sa panahong iyon ay
kinikilala na bilang malayang nasyon sa katawagang Estados Unidos ng Amerika. SI Thomas Jefferson ang manananggol na nagsulat ng Deklarasyon ng Kalayaan
ng Amerika
Buwan na ng Agosto ng tuluyang nakadaong ang hukbo ng Britanya at sinakop
nila ang siyudad ng Nueba York. Napilitan ang puwersa ni George Washington na mag-
retreat sa labanan. Ang hukbo ng mga British ay napakalaki na halos bumubuo sa
30,000 mga sundalo samantalang ang hukbo na pinangungunahan ni Washington ay
nasa 3,000 sundalo lamang ang bilang. Nagkaroon ng pag-aaral at pag-plaplano si
Washington kaya noong ika-25 ng Disyembre,1776 ay naglunsad siya at ang kanyang
hukbo ng isang sopresang pag-atake laban sa mga British. Ginamit ng hukbo ni
Washington ang Ilog Delaware upang maisakatuparan ang kanyang balak. Ito ang
naging dahilan kung bakit nila napagwagian ang Digmaan sa Trenton at Princeton
nguni’t sila’y di nagtagumpay sa pagkuha sa Nueba York.
15
Paglusob mula sa Canada Simula noong 1777 ay pinasimulan ng mga British ang pag-atake sa Amerika
mula sa Canada, nguni’t sa bawa’t pagtatangka nila sila ay napipigil ng mga hukbong
Amerikano. Ang Continental Army ay lumaki na sa bilang at umaabot na sa halos
20,000 sundalo ang bumubuo nito. Noong Oktubre 1777 ay nanalo sa Labanan sa
Saratoga ang mga Amerikano at ito ang naging dahilan sa pagwawakas ng mga pag-
atake ng mga British mula sa Canada. Ang pagsuko ng hukbong British ay mula sa
pamumuno ni Heneral John Burgoyne laban sa hukbong pinamumunuan ni Heneral
Horacio Bates.
Ang makasaysayang pagsuko ng mga British sa Saratoga, New York
Pagtulong ng mga Pranses sa Labanan Ang bansang Pransiya ay tradisyunal na kalaban ng Britanya at ang mga
Pranses ay naging lihim na taga-suporta ng mga rebeldeng Amerikano simula pa
lamang ng labanan. Noon pang 1778 ay pinasimulan ng bigyan ng rekognisyon ng
pamahalaang Pranses ang Estados Unidos ng Amerika bilang isang malayang estado.
Nagpadala sila ng mga bapor pandigma upang matulungan ang mga Amerikano sa
kanilang pakikipaglaban sa mga British.
16
Kaya dahil sa lumalakas na puwersa ng mga rebelde ay minabuti ng Britanya na
sakupin ang timugang bahagi ng kolonya isa-isa. Noong Diyembre, 1778 ay nakuha ng
mga British ang daungan ng Savannah at nakontrol ng buo ang Georgia. Dahil dito ay
naging mahirap sa mga Amerikano upang muling makuha ang Savannah kahit may
tulong na nagmumula sa mga Pranses. Kinubkob naman ng mga British ang
Continental Army sa daungan ng Charleston at pinuwersa itong sumuko sa pamahalaan
ng Brtianya.
Ang Labanan sa Yorktown Sa pamumuno ng British commander na si Heneral Charles Cornwallis ay
tinangkang sakupin ng Britanya ang Timog Carolina. Nguni’t sa pamamagitan ng
magkasamang puwersa ng mga Amerikano at Pranses ay natalo ang mga British sa
Labanan sa King’s Mountain noong huling bahagi ng 1780 at sa Labanan sa Cowpens
ng mga unang bahagi ng 1781. Nag-ipon ng lakas sa kanyang hukbo si Heneral
Cornwallis kaya pansamantalang humimpil muna sila sa Yorktown. May karagdagan
pang hukbo ng mga sundalong Pranses ang dumating sa Amerika na bumibilang sa
6,000 kaya napagpasyahan ni Washington na talunin ng lubusan ang mga British. Kaya
noong Okrubre 19,1781 ay minabuti ng sumuko ni Heneral Cornwallis at dito ay tuluyan
ng nakamit ng mga Amerikano ang kanilang kalayaan.
Paghahangad ng Kapayapaan Ang pagkapanalo ng mga Amerikano sa digmaan ay malaking pagkamangha sa
mga British sa mundo. Ang Britanya ay itinuturing ng panahong iyon bilang isang
malakas na kapangyarihan na mayroong mahuhusay na sinanay na mga sundalo
subali’t tinalo ng mga Amerikanong sundalo na di nagkaroon ng mga pagsasanay sa
pakikipaglaban. Sa isang kumperensiya sa Paris noong 1783 ay pormal na tinanggap
ng Britanya ang kalayaan ng kanilang dating kolonya, ang Amerika. Samantalang ang
17
mga nasa Amerika na nagnanais pa ring pamahalaan ng hari ng Inglaterra ay lumipat
sa Canada nanatiling kolonya ng Britanya.
Ang Digmaan para sa Kalayaan ng Amerika ay nagbago sa mukha ng kasaysayan
ng mundo sa dahilang ito ang naging dahilan ng pagbuo ng isang bagong nasyon na
umunlad at naging isang makapangyarihang bansa sa hinaharap. Ang mga ideyang
iniwan ng digmaan para sa kalayaan ay naging simbolo at inspirasyon sa maraming
mga kolonya na nais lumaya sa kanilang mga mananakop at lalo na sa mga
rebolusyonaryong Pranses. Ang mga rebolusyonaryong Pranses na ito ang naglunsad
ng pagpapabagsak sa rehimen ng absolutong monarkiya sa Pransiya noong 1789 at
nagbuo ng isang republika ng lumaon.
Isang simbolo na binuo ni Benjamin Franklin sa panahon ng Digmaan para sa kalyaan ng Amerika na nagpapakita ng kailangang pagkakaisa ng 13 kolonya
upang makamit ang tunay na kalayaan laban sa mga British
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Sagutin ng maikli ang tanong:
Sa iyong palagay ano ang direktong naging epekto ng digmaan para sa kalayaan
ng Amerika sa mga nasyong naghahangad ng paglaya sa kanilang mga mananakop ng
panahong iyon?
______________________________________________________________________________________________________________________________________
18
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Tandaan Mo!
Ang Digmaan para sa kalayaan ng Amerika ay lalong kilala sa
katawagang Rebolusyong Amerika
Ang digmaan ay nagpasimula dahil sa pagtutol ng dating 13 kolonya na
dagdagan ang buwis na pinapataw sa kanila ng pamahalaan ng Britanya
Ang naging kilalang islogan ng panahon ng digmaan ay”walang pagbubuwisan kung
walang representasyon”
Si George Washington ay itinuring na isang mahusay na heneral sa Rebolusyong
Amerikano at nang lumaon ay naging unang pangulo ng Estados Unidos ng Amerika
Taong 1783 sa pamamagitan ng isang Kasunduan sa Paris ay kinilala na ang
kalayaan ng Estados Unidos ng Amerika ng pamahalaang Britanya
Gawain 3: Paglalapat
Pagbibigay ng sariling opinyon: Sa iyong palagay mabisang paraan ba ng
pagtatamo ng kalayaan ang paggamit ng dahas at pakikipaglaban? Bakit?
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
19
ARALIN 2 ANG REBOLUSYONG PRANSES
Ang Rebolusyong Pranses na nagpasimula noong 1789 at nagwakas noong
1799 ay nag-iwan ng dalawang pangunahing epekto sa Pransiya, ang pagpapaalis ng
isang absolutong hari at nagtatag ng isang republika. Maraming bilang ng mga tao ang
pinutulan ng ulo sa pamamagitan ng guillotine na nangyari sa panahon tinawag ng mga
Pranses bilang Reign of Terror. Ang rebolusyon ding ito ang naglatag ng mga digmaang
pinamunuan ni Napoleon sa Europa.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Natatalakay ang mga dahilan na nagtulak sa pagkakaroon ng Rebolusyong
Pranses;
2. Nasusuri ang naging bunga ng Rebolusyong Pranses sa pampulitikang aspekto
ng Pransiya;
3. Nakikilala ang mga naging pangunahing tagapagtaguyod ng Rebolusyong
Pranses at ang kanilang mga naging kontribusyon sa pagtatamo ng kalayaan;
at
4. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang tatlong pangunahing ideya ng rebolusyon –
ang pagkapantay-pantay; kalayaan at kapatiran
20
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Suriin ang larawan sa ibaba. Sa iyong palagay ay ano ang kaugnayan nito sa
pagbabago ng pampulitikang pamumuhay ng mga Pranses?
Ang Kalagayan ng Lipunang Pranses noong 1789 Simula ng taong 1789 ang Pransiya ay pinaghaharian ni Haring Louis XVI, isang
Bourbon monarko na ang pamumuno ay absoluto. Ang absolutong hari ay itinuturing na
makapangyarihan pinuno ng isang nasyon sapagkat ang kanilang ginagamit na
basehan sa kanilang pamumuno ay ang divine rights of king. Ang divine rights ay ang
paniniwala na ang kapangyarihan ng isang hari ay nagmula sa kanilang mga diyoses
kaya siya ay pinili ng diyos para pamunuan ang bansa.
Ang lipunang Pranses naman ay nahahati sa tatlong pangkat na tinatawag na
estates. Ang unang estate ay binubuo ng mga obispo, pari at ilan pang may
katungkulan sa Simbahan. Ang ikalawang estate ay binubuo ng mga maharlikang
Pranses. Samantalang ang ikatlong estate ay binubuo ng nakakaraming bilang nga
21
mga Pranses gaya ng mga magsasaka, may-ari ng mga tindahan, mga utusan, guro,
manananggol, doktor, at mga manggagawa.
Pagdating noong 1780 ay kinailangan ng pamahalaang Pranses ng malaking
halaga ng pera para itaguyod ang pangangailangan ng lipunan. Ang bumuo ng una at
ikalawang estate sa ilalim ng kautusan ng hari ay di ibinibilang sa mga nagbubuwis at
ang ikatlong estate lamang ang nagbabayad. Idagdag pa rito ang magarbo at maluhong
pamumuhay ng hari at ng kanyang pamilya kaya patuloy ang paghihirap ng mga
bumubuo sa ikatlong estate. Gayundin ang maraming digmaan na sinalihan ng
Pransiya kabilang na dito ang tagumpay na Digmaan para sa kalayaan ng mga
Amerikano ay umubos ng pera para gamitin sa pangangailangan ng mga
pamgkaraniwang Pranses.
Sina Haring Louis XVI at Reyna Marie Antoinette ng Pransiya
Ang Pambansang Asembliya Upang mabigyan ng lunas ang kakulangan sa pera na kailangan ng Pransiya
nang panahong iyon ay minabuti ni Haring Louis na magdaos ng isang pagpupulong ng
lahat ng mga representante ng tatlong estates. Noong 1788 ay nagkaroon ng isang
pagpupulong kung saan pinili ang mga magiging representante ng bawat isang estado.
Sa panahon ng halalan ay naging mainit na usapin ang ukol sa mga radikal na ideya at
ang pamamaraan na dapat sundin ukol sa pamumuno sa Pransiya. Ang mga dumalong
22
representante ay naimpluwensiyahan ng nangyaring Digmaang Sibil sa Inglaterra at ng
Digmaan para sa kalayaan ng Amerika, kung saan ang mga tao ay naging
kasangkapan upang patalsikin ang pamumuno ng isang absolutong hari.
Kaya ng sila’y muling nagkita-kita noong Mayo 1789 sa Versailles malapit sa
Paris ay dinominahan ng ikatlong estado ang bilang ng mga representante. Sinasabing
ang kasapi ng ikatlong estado ang tunay na representante ng malaking bilang ng
populasyon ng Pransiya. Binigyang diin ng ikatlong estado na hindi sila magtatapos ng
pagpupulong hangga’t hindi nabubuo ang isang sinulat na Konstitusyon ng Pransiya.
Ang pangyayaring ito ay tinawag na Tennis Court Oath. Ito ay kanilang isinagawa sa
isang tennis court dahil hindi pinahintulutan ng hari na ipagpatuloy nila ang kanilang
pagpupulong. Ang kasapi ng ikatlong estado ay sabay-sabay na sumumpa rin dito
upang kanilang wakasan ang absolutong pamumuno ni Haring Louis XVI. Binalewala ni
Haring Louis XVI ang nasabing pangyayari at kanyang itinatag ang bagong institusyon
na tinawag na Asembliyang Nasyonal. Sa asembliyang ito ay ginawa niyang pare-
pareho ang bilang ng mga representate ng bawa’t isang estado.
Ang Tennis Court Oath na nangyari sa Versailles, Pransiya
23
Ang Pagbagsak ng Bastille Nagkaroon ng malaki at popular na suporta sa Paris ang Bagong Asembliya. Noong
Hunyo sa pamamagitan ng payo ni Reyna Marie Antoinette, nagpadala ng mga sundalo
ang hari upang payapain ang lumalaganap na kaguluhan. Noong Hulyo 14 ay isang
malaking kaguluhan ang nangyari ng sugurin ng mga nag-aalsang tao ang Bastille. Ang
Bastille ay isang kulungan ng mga napagbintangan at kalaban ng kasalukuyang
monarko sa kanyang pamamahala. Pinakawalan ang mga nakakulong dito. Ang
pagbagsak ng Bastille ay palatandaan na ang mga tao ay naghahangad ng pagbabago
sa pamumuno at pagtatatag ng isang Republika.
Lumaganap ang kaguluhan sa iba’t ibang panig ng Pransiya at tinawag ng mga
rebolusyonaryo ang mga sumama sa mga pakikipaglaban. Sila’y binuo na ng mga
sundalong sinanay at handang ipagtanggol ang Asembliya. Karaniwan silang nakasuot
ng mga badges na pula, puti at bughaw na naging kulay ng rebolusyon. Hanggang sa
kasalukuyan ang mga kulay na ito ay matatagpuan pa rin sa watawat ng bansang
Pransiya. Naging kilala ang peryodong ito sa ingles bilang “Great Fear”.
Kalayaan, Pagkapantay-pantay at Kapatiran Taong 1789 ng ang Constituent Assembly, ang bagong katawagan sa
Asembliyang Nasyonal ay nakapagpalabas ng isang bagong saligang-batas. Ang
pambungad na pananalita ng saligang-batas ay ukol sa Deklarasyon ng mga
Karapatang Pantao at Mamamayan. Binigyang diin nito na ang lipunang Pranses ay
kinakailangnang nababatay sa mga ideya ng kalayaan, pagkapantay-pantay at
kapatiran. Makalipas ang dalawang taon, Setyembre 1791, ay lubusang napapayag si
Louis XVI na pamahalaan ang Pransiya sa pamamagitan ng bagong saligang-batas.
Ang kapangyarihan ng mga nasa Simbahan at ng mga maharlika ay nabawasan din at
ang halalan para sa Asembliyang bubuo ng mga batas ay idinaos.
24
Ang Pagsiklab ng Rebolusyon
Maraming mga monarko sa Europa ang naapektuhan ng malaki sa pagsiklab
ng Rebolusyon sa Pransiya. Natakot silang ang ganoong uri ng rebolusyon ay
lumaganap sa kanilang mga kaharian at pinangangasiwaan. Noong taong 1792 ay
nagpadala ang Austria at Prussia ng mga sundalong tutulong upang pulbusin ang mga
rebolusyonaryong Pranses. Sa mahabang panahon ng pakikipaglaban ay tinalo ng mga
rebolusyonaryo ang mga sundalong tumulong upang sila’y patigilin. Ang rebolusyon ay
lalong naging malakas at malaki sa pamamagitan ng pamumuno ng isang abogadong
nagngangalang Georges Danton. Pinagsususpetsahan ng mga rebolusyonaryo na
posibleng ang mga nobilidad ng Pransiya ay nakikipagbuo ng alyansa sa iba pang mga
bansa sa Europa upang muling ibalik ang kapangyarihan ng hari at tapusin ang
rebolusyong pinasimulan. Dahil dito ay hinuli nila ang hari at daan sa mga sumusuporta
sa kanya ay pinatay sa pamamagitan ng paggamit ng guillotine. Tinawag ang
pangyayaring ito sa Pransiya bilang September Massacres. Noong Enero 1793 ay
napugutan naman ng ulo ang haring si Louis XVI mga ilang araw lang ay sinunod
naman nila si Reyna Marie Antoinette. Dahil sa mga sunud-sunod nitong pangyayari ay
idineklarang isang Republika ang Pransiya.
Ang rebolusyon ay lalong naging malakas at malaki sa pamamagitan ng pamumuno ng isangabogadong nagngangalang Georges Danton
25
Ang Reign of Terror Marami sa mga bansa sa Europa kabilang na ang Britanya ay sumama na sa
digmaan laban sa Pransiya. Malaking bilang ng mga nakababatang kalalakihan ang
pinuwersang sumama sa hukbong sandatahan upang idipensa ang bagong republika.
Noong Abril 1794 ay binuo ng mga rebolusyonaryo ang isang pansamantalang
pamahalaan sa ilalim ng Committee of Public Safety. Ang pinakamabisa at aktibong
miyembro rito ay ang isang manananggol na si Maximilien Robespierre, isang
masidhing republikano.
Ang manananggol na si Maximilien Robespierre
Isa sa naging pangunahin niyang gawain upang maipagpatuloy ang rebolusyon
ay sa pamamagitan ng pagpapadala ng maraming mga sundalo na uubos sa mga
kaaway ng Republika. Ang mga kaaway na ito ay pawang pinatay sa pamamagitan ng
guillotine at tinawag ang pangyayaring ito bilang Reign of Terror.Umabot sa 17,000
katao ang pinatay sa pagitan ng 1793 hanggang 1794 at may 20,000 naman ang mga
namatay sa mga kulungan.
Ang Pransiya sa ilalim ng Directory
Taong 1794 ng humina ang kapangyarihan ng mga rebolusyonaryo at nakuha
ng mga moderates ang pamamahala. Kabilang sa mga pinunong extremists ng
26
Rebolusyon gaya nina Danton at Robespierre ay pinatay din sa pamamagitan ng
guillotine. Napagwagian naman ng Pransiya ang kanyang pakikidigma sa mga bansang
Europa kaya ang mga ito ay lumagda ng kasunduan sa kaniya maliban sa Britanya.
Taong 1795 ng ang Republika ng Pransiya ay gumamit ng bagong saligang-
batas na ang naging layunin ay ang magtatag ng isang Direktoryo na pinamumunuan
ng 5 tao na taun-taon ay inihahalal. Nguni’t ang pamahalaang ito’y di nagtagumpay.
Ito’y sa dahilang ang pamahalaan ay naubusan ng pera, iba’t ibang pangkating
pampultika ang nagnais na hawakan ang pamamahala at maraming tao ang nais na
bumalik sa monarkiya.
Si Napoleon Bonaparte
Ang Pagiging Popular ni Napoleon
Kailangan ng Pransiya ng isang malakas na lider matapos ang rebolusyon kaya
noong 1799 ang pinakapopular at matagumpay na heneral, si Napoleon Bonaparte ay
nahirang na pinuno. Sa panahon ng kanyang pamumuno ay nasakop niya ang malaking
bahagi ng Europa at kinilalang Emperor Napoleon I noong 1804. Ang kanyang hukbo sa
kanilang pananakop ay naging mga disipulo ng mga ideya ng Rebolusyong Pranses,
ang kalayaan, pagkapantay-pantay at kapatiran. Ang mga ideya na ito ng rebolusyon ay
lumaganap sa Europa. Ang mga ideyang ito ang nagsilang sa iba pang mga ideyang
pampultika gaya ng republikanismo at ng mga praktikal na ideya gaya ng paggamit ng
27
sistemang metriko sa pagsukat. Naging susi ito upang maghangad ng mga pagbabago
sa pamumuno ang mga tao at magtatag ng isang Republikang pamahalaan.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ibigay ang sariling kuru-kuro. Kung ikaw ay isang Pranses sa
panahon ng Rebolusyon sa Pransiya, ano ang posible mong gawin:
1. Sumapi sa hukbong magtatanggol sa bagong tatag na republika
2. Maging tagapagtanngol ng mga maharlika at nasa Simbahan
3. Magtago sa mga liblib na pook at huwag makialam sa mga nangyayari
sa kapaligiran
Tandaan Mo!
Ang Rebolusyong Pranses ay nagtagumpay sa pag-alis ng
absolutong kapangyarihan ng hari at pagtatatag ng isang republika
Malaking bilang ng populasyon sa Pransiya ang pinatay sa pamamagitan
ng guillotine sa Panahon ng Reign of Terror
Tatlong liberal na ideya ang nagging pamoso pagkatapos ng Rebolusyong Pranses,
ang kalayaan, pagkapantay-pantay at kapatiran
Ang Rebolusyong Pranses ang naglatag ng Digmaang Napoleonic sa Europa
Gawain 3: Paglalapat Paanong naging inspirasyon ng Rebolusyong 1896 na pinangunahan ng
Katipunan sa Pilipinas ang Rebolusyong Pranses? Ipaliwanag. Isulat sa
inyong kwaderno ang iyong sagot.
28
ARALIN 3 ANG “NAPOLEONIC WARS”
Ang Napoleonic Wars ay isinunod sa pangalan ni Napoleon Bonaparte na
naging pinuno ng Pransiya noong 1799 at nagtangkang ipakilala ang kanyang ideya
ng pamahalaan sa buong Europa. Ang Napoleonic Wars ay di tuloy-tuloy na
pakikipaglaban sa dahilang nagkaroon pa ng mga peryodo ng kapayapaan sa
pagitan ng mga labanan. Ang digmaan ay nagwakas ng si Napoleon ay natalo sa
Digmaan sa Waterloo noong 1815.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Natatalakay ang mga pangunahing dahilan ng pagsisimula ng Napoleonic
Wars;
2. Nakikilala ang lakas at galing ni Napoleon Bonaparte sa pakikihamok sa iba’t
ibang digmaan na kanyang inilunsad sa Europa;
3. Natutunton sa mapa ang mga bansang sinakop ni Napoleon Bonaparte ;
4. Nasusuri ang epekto ng Napoleonic Wars sa Europa at iba pang panig ng
daigdig; at
5. Nakabubuo ng isang plano at istratehiya na maaring gamitin ng isang hukbo
sa pakikihamok sa kanyang kalaban.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Isaayos ang letra at itala sa ibaba ang nabuong pangalan ng tao. Tuklasin
ang kanyang naging ambag sa Europa.
E-T-R-A-P-A-N-O-B-N-O-E-L-O-P-A-N
_______________________________________
29
Mga Pangunahing dahilan ng Digmaan
Ang digmaang Napoleonic ay nag-umpisa sa panahon ng Rebolusyong Pranses.
Nagtagumpay ang mga rebolusyonaryo na mapaalis at mapahina ang kapangyarihan
ng hari sa Pransiya at maitatag ang isang Republika. Dahil sa pangyayaring ito ay
nagkaroon ng takot ang iba pang mga monarko sa napipintong paglaganap ng
rebolusyon na posibleng magpabagsak sa kanilang mga pamumuno. Noong 1792 ay
nagpadala ang mga pinuno ng Austria at Prussia ng hukbong sandatahan upang
lusubin ang Pransiya. Natalo sila ng mga rebolusyonaryong Pranses kaya sa pananaw
nila ang mabuting paraan para madepensa ang rebolusyon ay ipalaganap ito sa mga
bansa. Noong 1793 ay nagpasimulang lusubin ng mga rebolusyonaryong Pranses ang
Netherlands. Upang mapigil ang papalakas na puwersa ng mga Pranses ay minabuti ng
Britanya, Espanya, Portugal at Russia na sumali sa digmaan.
Ang Pagkilala sa Kakayahan ni Napoleon Sa mga ilang taon ng digmaan sa Europa ay nanatili ang lakas ng Pransiya sa
pakikihamok sa kalupaan at ang mga British naman ay sa katubigan. Nagbago lang ang
sitwasyon ng naging kilala ang kakayahan bilang pinunong heneral ni Napoleon
Bonaparte. Taong 1798 ng magpadala ng mga barkong pandigma si Napoleon sa
Ehipto dahil ang kanyang plano ay atakihin ang puwersa ng British sa India. Nakontrol
ni Napoleon ang Ehipto nguni’t ang kanyang mga bapor na pandigma ay sinira ng
puwersa ng British admiral na si Horatio Nelson. Nag-ipon muli ng lakas ang puwersa ni
Napoleon at naghandang lusubin muli ang puwersa ng mga British. Sa ikalawang
pagkakataon ay nasira ang mga sasakyang pandagat ng mga Pranses, ito’y nangyari
sa Battle of Trafalgar.
30
Ang plano ng naganap na labanan sa Battle of Trafalgar, ang kasalukuyang
larawan ng Trafalgar, London at si Heneral Horatio Nelson ng British army na tumalo sa hukbo ni Napoleon Bonaparte.
Ang Pananakop ng mga Pranses sa Europa
Ang Battle ng Austerlitz, sa kasalukuyan ay ang Slakov na nasa Timog Silangang
bahagi ng republikang Czeck
Ang tagumpay ng mga digmaang inilunsad ni Napoleon sa Europa ay
karamihang naipapanalo niya sa mga labanan sa katubigan at di sa kalupaan. Noong
1805 ay nasakop niya ang Hilagang Italya, Switzerland at ang Timog Alemanya. Tinalo
niya ang mga Austrians sa Battle of Ulm at ang pinagsanib na puwersa ng mga
Austrians at Russians sa Battle of Austerlitz. Taong 1806 nang durugin ng puwersa ni
31
Napoleon ang hukbo ng mga prussian sa Battle of Jena at sa kabuuan ay kanyang
masakop ang Gitnang Alemanya na nakilala bilang Konpederasyon sa Rhine. Patuloy
niyang sinakop ang iba pang bahagi ng Italya at noong 1807 ay tinalo niya ang puwersa
ng mga Ruso sa Battle of Friedland. Nakontrol din niya ang Poland nang lumaon.
Napilitan ang mga Ruso na makipagkasundo sa Pransiya, at sinunod naman niya ang
pagsakop sa Espanya at Portugal. Halos sa huling bahagi ng 1807 ay nakapagtayo at
napalawak na ni Napoleon ang Imperyong Pranses sa Kanlurang Europa. Tanging ang
Britanya na lamang ang nakikipagdigma sa Pransiya. Dahil sa lakas ng kapangyarihan
ni Napoleon ay nagtatag siya ng mga bagong pamahalaan at pinuno. Karamihan ay
miyembro ng kanyang pamilya. Isa sa kanyang mga kapatid na lalaki, si Joseph, ay
itinalagang hari sa Naples noong 1806 at nang lumaon bilang hari ng Espanya. Ang isa
pa niyang kapatid na si Louis, ay naging hari sa Holland. Ang mga bagong pinuno na ito
ay nagpakilala ng mga reporma upang baguhin at gawing modernisado ang mga
kaharian.
Battle of Lutzen, Saxony sa Alemanya
Ang paglusob sa Russia Taong 1808 ay nagkaroon ng mga pag-aalsa laban sa pamamahala ng mga
Pranses sa Espanya at Portugal. Nagpadala ng tulong na mga sundalo ang Britanya sa
32
mga rebelde nguni’t tinalo sila ng mga Pranses sa Espanya kaya minabuti ng mga
British na magkonsentreyt na lang sa Portugal. Ang bahagi na ito ng Napoleonic Wars
ay naging kilala bilang Peninsular War sa dahilang ang Espanya at Portugal ay nasa
bahagi ng Europa na Iberian Peninsula. Dahil dito ay napagdesisyunan ni Napoleon na
lusubin ang Russia sa dahilang kapag ito’y kanyang masakop ay madali na niyang
mapapasok ang Britanya. Noong 1812 ay nagpadala si Napoleon ng 600,000 mga
sundalo na binubuo ng mga Polish, German, Italyano at mga Pranses upang lumaban
sa Battle of Borodino.
Ang Battle of Borodino sa Russia
Marami sa mga sundalong pinadala ni Napoleon ang namatay sa labanan at kinulang
ang bilang ng mga sundalo na magpapatuloy ng paglaban. Nakaabot ang hukbo ni
Napoleon hanggang sa Moscow nguni’t laking gulat nila dahil wala silang naabutang tao
dito ng sila’y dumating. Nang gabi ng Setyembre 14 ay nagkaroon ng malaking sunog
sa Moscow. Ang mga gamit at tinitirhan ng mga sundalo ni Napoleon ay nadamay sa
sunog kaya nawalan sila ng pananggalang sa malamig na klima.
33
Ang Pagkatalo ng Pransiya Napilitan si Napoleon pabalikin ang kanyang hukbo sa Pransiya dahil sa
makamatay na lamig sa Russia. Karamihan sa mga natirang sundalo na kanyang
nakasama sa Battle of Borodino ay namatay naman sa kanilang paglalakbay pagbalik
sa Pransiya. Sila ay namatay dahil sa gutom, sa lamig ng klima o napatay ng mga
Russians. Mga 20,000 sundalong Pranses na lamang ang nakabalik ng maluwalhati sa
Pransiya. Habang abala sa pakikipaglaban si Napoleon sa Russia ay sinamantala
naman ng mga British ang Espanya at nanalo sila ng maraming beses sa kanilang
pakikipaglaban. Noong 1813 ay nasakop ng mga British ang Timog Pransiya at ang
pinagsanib na puwersa ng mga Ruso at Austrian ang sumakop naman sa Hilagang
Pransiya. Napulbos ang hukbo ng mga Pranses sa Digmaan sa Leipzig at bumagsak
ang imperyong itinayo ni Napoeon unti-unti.
Pagtatapos ng mga Labanan
Ang Battle of Waterloo
Humina ang kapangyarihan ni Napoleon sa Pransiya noong 1814 at siya ay
ipinatapon sa isang isla sa Mediterranean, ang isla ng Elba. Noong 1815 ay nakatakas
siya sa Elba at muling nagpasimula ng digmaan sa popular na katawagan na Isandaang
Araw.
34
Ang pagtakas ni Napoleon sa isla ng Elba ay patunay na nais niyang ibalik ang pakikidigma sa mga bansang nagpabagsak sa kanyang puwersa lalong lalo na
ang Britanya
Sa taong iyon ay natalo rin si Napoleon ng Duke ng Wellington sa Battle of
Waterloo. Muling ipinatapon si Napoleon sa isang napakalayong isla sa may Karagatan
ng Atlantiko ang isla ng St. Helena. Sa islang ito na siya namatay na sa kasalukuyang
imbestigasyon at pag-aaral ay namatay siya sa pamamagitan ng arsenic poisoning.
Pagkatapos ng mga digmaan sa Europa ay ibinalik ang mga dating monarkong
pinuno sa kanilang mga trono. Sa karamihang mga Europeo ay naging inspirasyon si
Napoleon sa pagpapalaya ng mga nasyon sa ilalim ng mga mapang-aping pamahalaan.
Sa Pransiya marami sa mga tao ang nanatiling sumusunod sa kanilang unang hari.
Nguni’t lalong dumami ang mga digmaan sa kabuuan ng Europa noong 1830 at 1848.
Ito’y isang malaking palatandaan na ang mga ideyang iniwan at inilatag ni Napoleon ay
di nabura maski siya ay natalo sa labanan.
35
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Suriin ang mapa at ilista ang mga bansang naging bahagi ng paglaki ng
imperyong Pranses sa panahon ng pamumuno ni Napoleon Bonaparte. Maaring isulat
ang sagot sa iyong kuwaderno
Tandaan Mo!
Ang Napoleonic Wars ay mga digmaang isinunod sa pangalan ni
Napoleon Bonaparte na nagging pinuno ng Pransiya noong 1799
Ang pangunahing dahilan ng Napoleonic Wars ay ang paglalatag ng
bagong pamahalaan, ang Republika
Lumawak ang Imperyong Pranses sa kabuuan ng Europa sa pamamagitan ng mga
digmaang pinanalo ni Napoleon Bonaparte
Ang alyansa ng Prussia, Austria at Britanya ang nagpabagsak sa puwersa ni
Napoleon Bonaparte sa Europa
Ang mga isla ng Elba sa Mediterranean at ang isla ng St.Helena sa may Karagatan
ng Atlantiko ay ang mga islang pinagtapunan kay Napoleon Bonaparte ng siya’y
talunin ng puwersang pinagsama ng Prussia, Austria, Russia at Britanya
36
Gawain 3: Paglalapat
Gumawa ka nga ng isang maikling plano kung paano mo maaring talunin
ang iyong kalaban sa isang laro na madalas ninyong gawin sa inyong
lugar. Tandaan mo ang mga taktikang iyong ginamit. ARALIN 4 ANG LABANAN SA WATERLOO
Ang Labanan sa Waterloo ay ang naging wakas ng pakikipaglaban at ng
kapangyarihan ni Napoleon Bonaparte. Itinuturing itong isa sa kilala at mahalagang
digmaan sa kasaysayan ng Europa. Noong 1815, ang pinagsamang puwersa ng
Britanya at Prussia ang nagtapos sa mga digmaang pinagwagian at nagpalawak sa
Imperyong Pranses na umabot sa 25 taon.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Nasusuri ang dahilan ng pagkatalo at paghina ng puwersa ni Napoleon
Bonaparte noong 1813;
2. Nakikilala ang mga pangunahing aktor na naging kasangkapan sa paghina ng
kapangyarihan ni Napoleon Bonaparte;
3. Naituturo sa mapa ng Europa ang kasalukuyang lugar na pinagyarihan ng
Labanan sa Waterloo ; at
4. Nakapagbibigay ng sariling opinyon ukol sa naging bunga ng paghina ng
kapangyarihan ni Napoleon Bonaparte bilang isang pinuno
37
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Suriin mo ang larawan sa ibaba. Anong mahalagang pangyayari ang iyong
posibleng maiiugnay dito?
Ang Pagtakas ni Napoleon Taong 1813 ng talunin ng pinagsamang puwersa ng Britanya, Austria, Prussia at
Russia ang emperador na Pranses na si Napoleon Bonaparte. Ang imperyong binuo at
itinatag ni Napoleon ay biglang bumagsak at siya ay sumuko sa kanyang mga
nagbubunying mga kalaban. Si Louis XVIII, ang kapatid ni Louis XVI (ang haring
pinapatay nang panahon ng Rebolusyong Pranses) ang naging hari ng Pransiya noong
1814 at si Napoleon ay ipinatapon sa isla ng Elba, malapit sa kanlurang baybayin ng
Italya.
38
Ang pagbabalik ni Napoleon sa Pransiya ng siya’y makatakas sa isla ng Elba
Noong Pebrero 1815 ay nakatakas si Napoleon sa Elba at nakabalik sa
Pransiya. Nang kanyang ipinahayag ang kanyang pagbabalik ang dati niyang mga
sundalo ay dali-daling sinalubong at pinagbunyi siya. Kaya ng kalagitnaan ng Marso ng
taong iyon ay nakapagbuo na muli ng isang malaking hukbo si Napoleon. Nagmartsa
sila patungong Paris upang agawin ang trono sa kasalukuyang hari at iproklama siya
bilang emperador muli. Ang peryodong ito ay tinawag na Isang daang Araw.
Ang Planong Talunin si Napoleon Ang apat na bansa na tumalo kay Napoleon ay nagpasyang muling magpadala ng
kanilang mga hukbo sa Belgium. Magsasama-sama ang puwersa ng kanilang mga
hukbo at kanilang lulusubin ang Pransiya upang matalo si Napoleon. Mas minabuti ni
Napoleon na unahan na ang paglusob ng kanyang mga kaaway bago pa sila magsanib
ng kanilang mga puwersa. Ang mga sundalong taga-Britanya at Prussia ang unang
nakarating sa Belgium. Ang Duke ng Wellington ang komander ng hukbo ng mga British
at si Gebhard von Blucher naman ang komander ng Prussia.
39
Ang Duke ng Wellington ng puwersang British at si Gebhard von Blucher ng puwersang Prussia ay ang mga naging pangunahing aktor sa pagpapahina ng
puwersa ni Napoleon Bonaparte
Ang mga unang labanan Noong Hunyo 15, pinangunahan ni Napoleon ang hukbong Pranses tungong
Belgium at may pangunahing adhikain na sagupain ang puwersang British at Prussian.
Kinabukasan ay nagpadala ng tropang Pranses si Napoleon sa pamumuno ni Michel
Ney upang lusubin ang headkwarter ni Wellington sa bayan ng Quatre –Bras.
Si Michel Ney ay isa sa mahusay na field marshal ng hukbo ni Napoleon Bonaparte
40
Si Napoleon naman ang umatake sa hukbo ng mga Prussians sa bayan ng Ligny.
Natalo ni Wellington ang hukbo ni Ney nguni’t nagtagumpay naman si Napoleon sa
puwersa ng mga Prussian. Noong Hunyo 17, ay dinesisyunan ni Wellington na ilipat
ang kanyang tropa sa isang maliit na bayan, ang Waterloo. Sinabihan niya si von
Blucher na magpadala rin siya ng mga hukbong Prussian dito.
Ang Malaking Tagumpay Nang umaga ng Hunyo 18 ay inatake ni Napoleon ang puwersa ni Wellington sa
Waterloo. Ang puwersa ng mga Pranses ay mas malaki ang bilang at may mas
maraming kanyon kaysa sa hukbo ng mga British. Ang tanging adhikain ni Wellington
ay mapigil niya ang hukbong papalapit hanggang dumating ang tulong na hukbo ni von
Blucher. Naging napakahusay ng ginawang istratehiya ni Wellington sa kanyang hukbo
kaya nahirapang tunay ang hukbo ng mga Pranses na makapasok sa lugar ng kanilang
mga kalaban.
Nang dumating ang tulong ay hapon na mula sa puwersa ni von Blucher at dagli
nilang pinagsama ang kanilang puwersa upang talunin ang puwersa ng mga Pranses.
Dahil sa lakas at tapang na pinagsanib ng mga British at Prussian ay unti-unti nilang
natalo ang puwersa ng mga Pranses. Tumakas na si Napoleon sa labanan.
41
Ang pagtakas ni Napoleon sa Labanan ng Waterloo
Noong Hunyo 22 ay sumuko si Napoleon sa mga British. Natapos na rin ang
kanyang Isang Daan Araw. Si Louis XVIII ay iniluklok sa trono bilang emperador at si
Napoleon ay ipinatapon sa isla ng St. Helena. Ito ang lugar na kanyang kinamatayan
noong 1821 na batay sa mga bagong pagsusuri ay dahil sa arsenic poisoning.
Si Haring Louis XVIII ang naluklok na emperador ng Pransiya matapos na
mapatapon si Napoleon sa St. Helena
42
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Kilalanin ang mga sumusunod na pangunahing aktor sa Labanan
sa Waterloo at ibigay ang kanilang mga naging ambag sa
nasabing labanan.
1. 2. 3.
Tandaan Mo! Ang Labanan sa Waterloo ay ang huling labanan na tumapos sa
kapangyarihan at lakas ni Napoleon Bonaparte sa Europa
Ang Waterloo ay isang bayan sa kasalukuyang bansa ng Belgium
Ang pamumuno ng Duke ng Wellington ng Britanya at ni Gebhard von
Blucher ng Prussia ang tumalo sa hukbo ng mga Pranses sa Waterloo
Taong 1821 ng mamatay si Napoleon Bonaparte sa isla ng St. Helena, kung saan
siya’y pinatapon ng kanyang mga kalaban
Si Haring Louis XVIII ang kapatid ni Haring Louis XVI ang iniluklok na emperador ng
Pransiya matapos mapatalsik si Napoleon Bonaparte
Gawain 3: Paglalapat Kung ikaw ang tatanungin ang pagkatalo ba ni Napoleon
Bonaparte sa labanan sa Waterloo ay makatwiran? Bakit?
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
43
ARALIN 5 ANG REBOLUSYON NG MGA ALIPING ITIM SA HAITI
Nagpasimula ang Rebolusyon ng mga aliping itim noong 1789 sa isla sa
Caribbean o ang isla ng Hispaniola. Nagkaroon ng mga pag-aalsa dahil sa ginawang
pang-aalipin at malabis na pag -aabuso ng mga Pranses na nagmamay –ari ng mga
plantasyon, nguni’t nang lumaon ay naging isang pampultikang rebolusyon ito na
umabot sa 13 taon at nagresulta sa kanilang kalayaan sa Pransiya. Sinira ng 1804 na
rebolusyon ang pagiging dominante ng mga puti sa populasyon, ang sistemang
plantasyon at ang institusyon ng pang-aalipin sa pinakamayamang bahagi ng kolonya
ng Kanlurang bahagi ng mundo. Ang paglaya ng kolonya ay naging kauna-unahan para
sa mga aliping itim at ng lumaon ay tinawag itong Republika ng Haiti.
Ang naging pangunahing epekto ng rebolusyon sa Haiti ay ang pagwawakas sa
kolonyal na ambisyon ng Pransiya sa kanlurang bahagi ng mundo. Napilitang ipagbili ng
Pransiya ang kanyang teritoryo sa Hilagang Amerika sa Estados Unidos sa ilalim ng
Bilihang Louisiana noong 1803. Karamihan sa mga Haitian refugees ay dito nanirahan
at naging daaan sa kanilang pagtatatag ng French Creole Culture. Ang nasabing pag-
aalsa ay nagsilbing paalala sa mga may-ari ng plantasyon na huwag pabayaan na
lumaganap ang emansipasyon sa mga aliping itim sa iba pang mga isla sa Caribbean at
Estados Unidos. Dahil dito ay nagkaroon ng 200 taong isolasyon ang Haiti sa ibang
bahagi ng mundo.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Natatalakay ang mga pangunahing dahilan ng Rebolusyon ng mga aliping itim
sa Haiti;
2. Nakikilala ang mga naging pangunahing tauhan sa pagpapalaya ng mga
aliping itim sa Haiti;
3. Nasusuri ang mga internal at eksternal na epekto ng Rebolusyon ng mga
aliping itim sa Haiti; at
4. Naituturo sa mapa ang lokasyon ng bansang Haiti sa kasalukuyan.
44
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Suriin ang mapa sa ibaba. Anong bansa sa kasalukuyan ang makikita rito?
Ano ang kaugnayan nito sa ating gagawing talakayan?
Ang Isla ng Hispaniola sa Kanlurang Indies
Ang isla ng Hispaniola sa Kanlurang Indies ay ang unang kalupaan na natagpuan ni
Christopher Columbus noong 1492. Ang kolonyang ito ang naging sentro ng mga
Kastilang gawain sa Amerika hanggang ng lumaon ay nagalugad ni Hernan Cortes at
masakop niya para sa pangalan ng hari at reyna ng Espanya ang Mehiko noong 1519.
Dahil sa mga yamang matatagpuan sa Mehiko gaya ng ginto at pilak na nagmula sa
yaman ng Imperyong Aztec at Inca ay mas pinagtuunan ng pansin at panggagalugad
ng mga Kastila ang huli kaysa sa Hispaniola. Ang mga katutubong naninirahan sa
Hispaniola ay mga Arawak. Ang kanilang populasyon ay nabawasan dahil sila’y
kinasangkapan sa mga pakikidigma, puwersahang paghahanap-buhay sa mga
plantasyon at ang pagkakaroon ng mga sakit na galing sa Europa gaya ng smallpox.
Sa loob ng 150 taon ay nagkaroon ng interes ang Inglaterra at Pransiya sa islang
ito. Ang kanlurang bahagi ng isla ay dinaungan ng mga piratang Pranses at naging
1
ARALING PANLIPUNAN III
MODYUL 16
ANG PAG-UNLAD NG NASYONALISMO
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
2
MODYUL 16 ANG PAG-UNLAD NG NASYONALISMO
Ang modyul na ito ay tungkol sa nasyonalismong nalinang sa Europa at sa mga
bansang kolonya. Ang pagsibol ng nasyonalismo ay dulot ng Rebolusyong Pangkaisipan
na nagsilbing malaking hamon sa bawat bansa na mapanatili ang kalayaan at
pagkakapantay-pantay ng bawat isa.
May tatlong araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Nasyonalismong Nalinang sa Europa at sa mga Kolonya
Aralin 2: Rebolusyong Pangkaisipan at ang Pag-unlad ng Nasyonalismo
Aralin 3: Paglaganap ng Nasyonalismo sa Iba’t ibang Bansa
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang mga
sumusunod:
1. Maihahambing ang nasyonalismong nalinang sa Europa at sa mga
Kolonya;
2. Maiuugnay ang Rebolusyong Pangkaisipan sa pag-unlad ng nasyonalismo
sa mga bansang sakop: at
3. Maipahahayag ang sariling pagpapahalaga sa diwa ng nasyonalismo sa
iba't ibang bahagi ng daigdig.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong. Huwag
kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo.
3
PANIMULANG PAGSUSULIT:
II. Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang katumbas na tamang titik.
1. Ito ay isang kasulatang naglalaman ng mga karapatan at kalayaan. Itinuturing din
itong Unang Bibliya ng mga Karapatang Ingles. A. Bill of Rights B. English Common Law
C. Magna Carta D. Writ of Habeas Corpus
2. Namuno sa hukbong Pranses at nagpamalas ng kabayanihan na gumising sa
damdaming makabayan ng mga Pranses. A. Elizabeth I B. Indira Gandhi
C. Joan of Arc D. Marie Antoinette
3. Sa panahon ni Philip IV, Philip the Fair noong 1302 ang Estates General ay
nagkaroon ng tatlong pangkat. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat? A. Alagad ng simbahan B. Commoners
C. Franks D. Maharlika
4. Ang Vox Populi, Vox Dei ay tumutukoy sa karapatan ng isang pinuno ayon sa
paniniwalang: A. Ang karaniwang tao ang hinirang ng Diyos para magpalaya. B. Ang mga hari at reyna ay hinirang ng Diyos para mamuno. C. Ang tagumpay ng mga maharlika ay tagumpay ng Diyos. D. Ang tinig ng nakakarami ay tinig ng Diyos.
5. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa patakarang pang-ekonomiya na naging
dahilan ng paghihimagsik ng 13 kolonyang Ingles sa Amerika, maliban sa: A. Ang Intolerable Acts na tungkol sa di makatarungan at paglabag ng mga Ingles
sa karapatang Amerikano. B. Ang Navigation Acts na nag-uutos na sa Britanya lamang maaaring ipagbili ang
mga produkto ng kolonya.
4
C. Ang Stamp Act na nagtakda ng pagbubuwis sa mga dokumentong pangnegosyo.
D. Ang Townshend Acts na nagtakda ng paglikom ng salapi at paghihigpit sa mga kolonya.
6. Ang pahayag ni Patrick Henry na Give me liberty or give me death ay nagpasiklab
sa: A. Himagsikang Amerikano B. Himagsikang Pilipino
C. Himagsikang Pranses D. Himagsikang Russo
7. Alin sa mga sumusunod ang bumubuo sa mga larangan ng Rebolusyong
Pangkaisipan? A. Agham, pulitika, sining, at kabuhayan B. Maharlika, alagad ng simbahan, at mga karaniwang tao C. Mamamayan, teritoryo, pamahalaan, at soberanya D. Pabahay, pagkain, at edukasyon
8. Ang mga sumusunod ay mga pangyayaring nagpasiklab sa damdaming
makabayan ng mga mamamayan sa India, maliban sa isa: A. Paghamak at mababang pagtingin ng mga Ingles sa mga Hindu B. Pagkakaroon ng mga pagpupulong at samahan na pinamunuan ng tulad nina
Allan Octabian Hume at Mohandas Gandhi C. Pagpatay sa mga taong mapayapang nagpupulong sa Amritsar, Punjab D. Pagtataguyod ng Muslim League sa Basic Democracy na nagpapatatag sa
mga institusyon ng bansa. 9. Ang mga sumusunod na pangyayari ay mga dahilan sa panunumbalik ng
demokrasya sa Pilipinas, maliban sa: A. Pagpapatibay ng Saligang-Batas ng 1987 B. Pagpapatupad ng Batas Militar C. Pagpaslang kay Sen. Benigno Aquino D. People’s Power Revolution sa Edsa
10. Ang gitna ng Aprika ay nanatiling palaisipan para sa mga taga-Europa hanggang
sa pagsapit ng 18-siglo dahil sa malawak na disyerto, malalakas na agos ng ilog, makapal na kagubatan, at malalaking hayop. Samakatuwid ang Aprika noon ay:
5
A. hindi kayang talunin ng mga taga-Europa dahil ang mga mandirigma ng Aprika mahuhusay sa sandatahang pandigma.
B. kontrolado ng Ehipto dahil tanging ang Ilog Nile lamang ang nagdadala ng masaganang buhay sa Aprika.
C. may sariling pamumuhay at kultura bago pa dumating ang mga mananakop na taga-Europa.
D. walang naninirahang tao dahil sa mapanganib na kalupaan at katubigan. III. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang una at ikalawang pangungusap. Isulat sa
patlang ang titik: A, kung ang parehong pangungusap at TAMA; B, kung ang parehong pangungusap at MALI; C, kung ang unang pangungusap ay TAMA at ang ikalawang pangungusap ay
MALI at D, Kung ang unang pangungusap ay MALI at ang ikalawang pangungusap ay
TAMA.
_________ 11. Ang mg bansang pinakamalaki at pinakamahalaga sa mga British Isles ay ang Britanya at ang Ireland.
Ang kalipunan ng Great Britain at Hilagang Ireland ay tinawag na European Union.
_________ 12. Ang kalipunan ng mga kabalyero at burgesse sa mga usapin tungkol bansa ay tinawag na House of Lords.
Ang samahan naman ng mga Baron at alagad ng simbahan ay tinawag na House of Commons.
_________ 13. Si Elizabeth I ang pinakahuling Tudor at itinuring na pinakadakilang reyna ng Inglatera.
Sa kanyang panunungkulan naabot ang Ginintuang Panahon ng Inglatera.
_________ 14. Naniwala si Otto Von Bismarck na ang yugto ng kasaysayan ay naisasagawa sa pamamagitan ng dugo at bakal.
6
Nakilala si Bismarck bilang Iron Chancellor.
_________ 15. Si Adam Smith ay kilalang Ama ng Pulitikal na Ekonomiya, at sumulat ng The Wealth of Nations.
Naniwala siya sa laissez-faire na kailangang hawakan ng pamahalaan ang saping pangnegosyo upang mapangalagaan ang yaman ng bansa.
_________ 16. Ang Samurai ay isang kodigo ng karangalan para sa mga kawal ng bansang Hapon.
Ang Bushido ang tawag sa mahuhusay na kawal ng Hapon sa panahon ng piyudalismo sa bansang Hapon.
_________ 17. Ang India at kalakhang Tsina ay may alitan dahil sa pag-agaw ng kalakhang Tsina sa relihiyong Buddhismo na nagmula sa India.
May sigalot din ang India at Pakistan dahil sa usapin sa Kashmir.
_________ 18. Si Benazir Bhutto ay isang pinunong sibilyan ng Pakistan noong 1990 na maluklok sa kapangyarihan.
Siya ang kauna-unahang babaeng naging Punong Ministro ng isang bansa sa kasaysayan ng daigdig.
_________ 19. Ang Indo-Tsina ay binubuo ng apat na malalayang teritoryo, Pilipinas, Malaysia, Indonesia, at Thailand.
Karamihan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya ay dating kolonya ng mga kanluraning mananakop.
_________ 20. Napasuko ng Estados Unidos ang mga komunista sa Vietnam noong 75 at nanatili ang pwersa nila doon hanggang sa ngayon. Ang pagkakahati ng Vietnam ay nagsilbing daan sa digmaang sibil ng Hilaga at Timog Vietnam na nagsimula noong 1956.
7
ARALIN 1 NASYONALISMONG NALINANG SA EUROPA AT SA MGA KOLONYA
Ang araling ito ay tungkol sa nasyonalismong nalinang sa mga bansa sa Europa tulad
ng Inglatera, Pransya, Italya, Alemanya at maging sa Amerika.
Matapos ang araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Matutukoy ang mga bansang pinagmulan ng diwang nasyonalismo sa Europa;
2. Maibibigay ang mahahalagang katangian ng mga piling pinuno sa pagsibol ng
nasyonalismo sa Inglatera, Pransya, Italya, Alemanya at Amerika; at
3. Maipaliliwanag ang mga pangyayaring nagbigay daan sa paglinang ng
nasyonalismo.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: Sa pamamagitan ng mapa ng daigdig ay ituro o lagyan ng tanda ang mga
bansang pinagmulan ng diwang nasyonalismo sa Europa at sa mga Kolonya.
8
Ano ang iyong napansin sa lokasyon ng bawat bansa sa mapa? Sila ba ay
magkakalapit o magkakalayo? Bakit sila naging magkakaibigan o magkakatunggaling mga
bansa?
ANG PAG-UNLAD NG NASYONALISMO SA INGLATERA
Ang nasyonalismo ay batay sa paniniwala na ang mga tao sa isang bansa ay may
isang wika adhikain, kaugalian, at kasaysayan, at dapat na pamunuan ng isa lamang
pamahalaan nang sa gayon makatayo ito bilang isang bansa. Paano umusbong ang
nasyonalismo sa Inglatera? Saglit tayong maglakbay sa nakaraan upang maintindihan ang
nangyayaring pagbabagong pampulitika sa bansang ito.
Ang British Isles ay isang pangkat ng 5,000 isla na nakahiwalay sa Europa sa
pamamagitan ng English Channel. Ang pinakamalaki at ang pinakamahalaga sa mga isla ay
ang Gran Britanya (binubuo ng Inglatera, Scotland at Wales) at ang Ireland (binubuo ng
Republika ng Eire at Hilagang Ireland). Ang pagsasama ng Gran Britanya at Hilagang
Ireland ay tinawag na United Kingdom.
Sa pagitan ng 1000 B. C. at 400 B. C., dumating sa kapuluan ng Gran Britanya ang
maraming pangkat ng Celts mula sa Gitnang Europa. Sinakop nila ang mga mamamayan sa
dinatnang lupain. Ang mga Celts ay may sariling kultura na binubuo ng pamahalaan ng tribo
at ng relihiyon na kung tawagin ay Druidism. Sila ay nag-aalay ng buhay ng tao at
gumagamit ng templong walang bubungan na napapaligiran ng naglalakihang bato tulad ng
stonehenge.
Noong 55 B. C., ang mga Celts ay sinakop ng mga Romano sa pamumuno ni Julius
Caesar. Tinawag silang Britons ni Julius Caesar na ang kahulugan ay mga taong pintados
dahil ang mga mukha nila ay may pintang asul. Ang pananakop ng Romano ay tumagal ng
apat na siglo at sa loob ng naturang panahon, ang mga Celts ay naging Kristiyano at
Romanized. Nang alisin ang mga sundalong Romano sa Britanya noong 450 A. D., tatlong
tribung Aleman – Angles, Jules at Saxons – ang dumating sa Kanlurang Europa at
sumalakay sa Britanya. Ang mga Romanized Celts ay nasakop ng mga Alemanyang ito at
9
nang lumaon, ang Britanya ay tinawag na Angel land o England at ang mga mamamayan ay
tinawag namang Anglo-Saxons o English.
Ang mga Anglo-Saxon ay nagtatag ng maraming hiwalay na kaharian kaya noong 27
A. D., pinagsama-sama ni Haring Egbert, Hari ng Wessex, ang lahat ng ito sa ilalim ng
kanyang pamamahala bilang unang hari ng Inglatera. Si Alfred the Great, apo at kahalili ni
Egbert ang sumunod at itinuring na isa sa pinakamahusay sa mga naging hari ng Inglatera.
Nagpagawa siya ng mga barko upang ipaglaban ang mga baybay-dagat. Dahil dito, tinawag
siyang Ama ng Hukbong Dagat ng Britanya (Father of the English Navy). Pinagsama-sama
niya ang mga unang kodigo ng batas ng mga Anglo-Saxon at nagtatag ng mga paaralan, at
simbahan. Itinaguyod niya ang pangkat ng mga paham sa kanilang pagsulat ng Anglo-Saxon
Chronicles.
Ang Inglatera ay napasailalim din ng isang Haring Danish na si Canute, na naging
isang matalinong pinuno. Tinanggap niya ang Kristiyanismo at pinanatili niya ang batas
Ingles at hukuman. Ang pumalit sa kanya ay malulupit na pinuno kaya noong 1402 ay nag-
alsa ang mga Ingles.
Matapos ang mga pag-aalsa, pinili ng Witan (Council) si Edward the Confessor na
buhat sa angkan ni Alfred the Great, bilang bagong hari, kaya’t nabalik na muli ang mga
Anglo-Saxon sa kapangyarihan. Nang mamatay si Edward the Confessor na walang
tagapagmana, pinili ng Witan si Harold, isang nahusay na pinuno ng mga Saxon bagamat
hindi dugong mahal. Tinutulan ito ni William, Duke of Normandy (isang lupain sa Pransya),
na umangkin ng trono ng Inglatera batay sa kanyang pagiging pinsang-buo ni Edward the
Confessor. Sinalakay niya ang mga Ingles na pinamumunuan ni Haring Harold. Sa labanan
sa Hastings, napatay si Harold at si William ay kinoronahan bilang William I, Hari ng
Inglatera.
Ilan sa mahahalagang nagawa ni William ay ang pagpapalakas ng monarkiya at
pangangalaga sa katahimikan ng buong kaharian. Pinalaganap niya ang kulturang Norma-
Pranses at nahalo ito sa kulturang Anglo-Saxon. Iginalang niya ang magagandang
kaugalian ay Ingles at pinanatili ang Witan. Ipinag-utos din niya ang paggawa ng Doomsday
Book na siyang naging census ng Inglatera.
10
Ang mga naging kahalili ni William I ay walang gaanong kakayahan kaya’t nagkaroon
ng digmaang pyudal. Ang nagtagumpay ay si Henry Platagenet na kinoronahan bilang Henry
II, unang hari ng Dinastiyang Platagenet.
PANIMULA NG DINASTIYANG PLATAGENET
Henry II (1154-1189). Binago niya at pinabuti ang mga hukuman at nagtatag ng circuit
courts o mga hukom na naglalakbay sa bayan-bayan. Pinalakas din niya ang panghukumang
lupong tagahatol (jury system) at pinagtibay niya ang English Common Law na nakatulong
sa pagkakaisa
Richard I, tinaguriang Lion-Hearted (1189-1199). Isa sa mga lider ng ikatlong
krusada, subalit hindi naging mabuting hari at mas madalas pa siya sa mga torneo kaysa sa
Inglatera.
King John (1119-1216). Isa sa kinamumuhiang hari ng Inglatera dahil mapanikil at
naging dahilan ng pag-aalsa ng mga Baron sa pamumuno ni Stephen Langdon. Sa takot na
mawalan ng korona, napilitan siyang lumagda sa Magna Carta (Great Charter), isang
kasulatan na naglalaman ng sumusunod na karapatan at kalayaan:
1. Ang Hari ay hindi maaaring humingi ng anumang buwis nang walang pahintulot ang
Witan (Council of Nations).
2. Walang mamamayang maaaring dakpin o ibilanggo nang walang paglilitis.
3. Walang ari-arian o panindang maaaring kunin sa sinuman nang walang pahintulot ang
hukuman.
4. Ang mga mangangalakal ay malayang makapupunta sa bayan-bayan nang walang
gugulo sa kanila.
Ang Magna Carta ay tinawag na "Unang Bibliya ng mga Karapatang Ingles" (First
Bible of English Liberties)
11
Henry III (1216-1272).Ang mga Baron ay nag-alsang muli nang labagin ni Henry II
ang nilalaman ng Magna Carta. Binihag nila ang hari at ang lider nilang si Simon de Monfort
ay tumawag ng pulong hindi lamang ng mga Baron at alagad ng simbahan ang kundi pati
mga kabalyero mula sa mga bayan at mga burgesses. Ang nasabing Witan na sinalihan ng
mga pangkaraniwang mamamayan sa unang pagkakataon ay tinawag na Parlyamento
(Parliament).
Unti-unting nagbubuklod sa mga pag-uusap ang mga kabalyero at burgesse, at di
nagtagal ang kanilang pagsasama ay tinawag na House of Commons. Ang samahan naman
ng mga Baron at alagad ng simbahan ay tinawag na House of Lords. Hanggang ngayon ay
ito ang bumubuo sa Parlyamentaryo ng Inglatera.
Natatag ang tinaguriang Modelong Parlyamento at ang panganay na lalaki ni Hery III
na si Edward I (1972-1307) ay ipinanganak sa kastilyo ng Carnavon sa Wales. Tinawag niya
itong Prince of Wales.
Edward III (1272-1307). Sa kanyang panunungkulan nagsimula ang pinakamahabang
digmaan sa pagitan ng Inglatera at Pransya, Daang Taong Digmaan (1337 hanggang 1453).
Ang dahilan ng digmaan ay nang angkinin Ni Edward I ang trono ng Pransya batay sa
kanyang pagiging apo ni Philip the Fair ng Pransya. Ang mahusay na liderato ng Black
Prince, ang paggamit ng mahabang busog o pana at ng pulbura ay nakapagpanalo sa mga
Ingles sa mga labanan. Subalit nang pamunuan ni Joan of Arc ang hukbong Pranses, ang
takbo ng digmaan ay naging panig sa Pransya. Nagpamalas si Joan ng kabayanihan at
ginising niya ang damdaming makabayan ng mga Pranses. Sa kanyang pamumuno,
puspusang lumaban ang mga Pranses hanggang sa mapalayas nila ang mga Ingles.
Di-nagtagal, sumiklab naman ang isang digmaang sibil sa Inglatera sa pagitan ng
dalawang pamilyang parehong umaangkin sa trono, ang House of York at House of
Lancaster. Ang paglalaban ay tinawag na Digmaan ng mga Rosas (War of Roses) sapagkat
isang pulang rosas ang sagisag ng Lancaster at puti naman ang sa York. Noong 1485,
nagtagumpay si Henry Tudor ng Lancaster at siya ay umakyat sa trono bilang Henry VII, ang
unang hari ng Dinastiyang Tudor.
12
Henry VII (1485-1509). Tinustusan niya ang paglalakbay ni John Cabot upang
siyasatin ang Hilagang America noong 1448. sinuportahan niya ang pagyabong ng arte at
literaturang Renaissance at pinasigla niya ang pagtuturo ng humanidades.
Henry VIII (1509-1547). Kilala si Haring Henry VIII sa pagkakaroon ng maraming
asawa. Dahil dito, nagkaroon ng hidwaan si Haring Henry VIII at ang Papa ng Simbahang
Romano Katoliko. Inudyukan Haring Henry ang Parlyamento upang pagtibayin ang batas na
Act of Supremacy na naghihiwalay sa simbahan ng Inglatera sa kapangyarihan ng Papa. Si
Henry bilang hari ang siyang naging puno ng Simbahang Ingles o ang Anglican Church.
Edward VI (1547-1553). Sa panahon ng kanyang panunungkulan, ipinasulat niya kay
sinulat ni Arsobispo Cramer ang Thirty-nine Articles na siyang kabuuan ng mga paniniwalang
sinusunod ng Simbahang Anglican.
Mary Tudor (1553-1558). Kasal kay Philip II ng Espanya si Mary Tudor. Niyakap niya
hindi lamang ang paniniwalang Katoliko kundi pati na ang motibo ng Espanya na labag sa
paniniwalang Katoliko at kapakanang pangkalakalan ng Britanya.
Sinikap ni Mary Tudor na ibalik ang Katolisismo sa Inglatera subalit siya ay nabigo.
Sa kanyang panahon ay pinag-usig ang mga Protestante at marami sa kanila ang namatay.
Dahil dito, tinawag siyang Bloody Mary.
Elizabeth I (1558-1604). Siya ang pinakahuling Tudor at itinuring na pinakadakilang
reyna ng Inglatera. Ang kanyang 45 taong panunungkulan ay tinaguriang Ginintuang
Panahon ng Inglatera (Golden Age of England). Sa kanyang pamumuno, naging Mistress of
the Seas ang Inglatera nang talunin nito ang Spanish Invincible Armada na ipinadala ni
Philip II ng Espanya noong 1558 upang sakupin ang mga Ingles. Nagtatag siya ng mga
kolonyang Ingles sa Amerika kung saan ang Estadong Virginia ay ipinangalan kay Reyna
Elizabeth na may taguring Virgin Queen sapagkat hindi siya nag-asawa. Namukadkad din
ang literaturang Ingles dahil sa mga naisulat nina William Shakespeare, Edmund Spencer,
Ben Johnson, Francis Bacon, at iba pang dakilang manunulat na Ingles.
13
James (1603-1625). Sa kanyang panahon, itinatag sa Virginia noong 1607 ang
Jamestown, unang permanenteng pamayanang Ingles sa Amerika. Inilathala sa Inglatera
ang King James ng Bibliya. Naging mapanikil si James I sa mga Puritan. Sakay ng bapor na
Mayflower, ang mga Pilgrim Fathers na Puritan ay lumikas at nakarating sa isang bagong
pamayanan sa Plymouth, Massachusetts noong 1620 upang layuan ang mapanikil na Haring
James.
Charles I (1625-1649). Napilit siya ng Parlyamento na lumagda sa Petition Rights,
isang kasulatang tulad ng Magna Carta na nilagdaan ni Haring John noong 1215. Ang ilan sa
mga karapatang nilalaman nito ay ang mga sumusunod: walang buwis na maaaring ipataw
nang walang pahintulot ang Parlyamento; walang maaaring mabilanggo nang hindi nilitis ng
jury; walang sundalong maaaring tumira sa bahay ng mayayaman sa panahon ng
katahimikan at walang taong maaaring piliting magbigay ng regalo o donasyon kaninuman.
Ang digmaang sibil na tinawag na Puritan Revolution ay humati sa mga mamamayan
sa dalawang pangkat: ang Cavaliers o Royalists na panig kay Charles I at ang
Parliamentarians o Roundheads na panig sa Parlyamento. Sa pamumuno ni Oliver
Cromwell, isang lider Puritan, natalo ng mga Roundheads ang pangkat ng hari. Nabihag si
Charles I at nagsimula sa Inglatera ang pagkakaroon ng mga partidong pampulitika. Ang
Whigs ay katig sa pagbibigay ng kapangyarihan sa Parlyamento at karapatan sa mga
mamamayan samantalang ang Tories ay panig sa hari. Ito ang kasalukuyang mga partido
sa Inglatera, ang Whigs ay Liberal Party sa kasalukuyan at ang Tories naman ay ang
Conservative Party.
James II (1685-1688). Nilagdaan niya ang Bill of Rights, kasulatang naging Ikatlong
Bibliya ng mga Karapatang Ingles (Third Bible of English Liberties). Naging pananggalang ito
laban sa paninikil. Nasasaad sa mga kautusan ang sumusunod: walang batas ang maaaring
alisin at suspendihin ng hari; walang buwis ang maaaring singilin nang walang pahintulot ang
Parlyamento; walang labis na piyansa o multa sa mga nagkasala; walang di-pangkaraniwang
parusa ang maaaring ilapat; at ang mga kagawad ng Parlyamento ay may kalayaan sa
pagsasalita at pagtatalo.
14
Charles II (1660-1685). Sa pagkakabalik ng Stuarts (Restoration) ay inanyayahan ng
Parlyamento si Charles II na magbalik upang maging hari ng Inglatera. Pinagtibay ang
Habeas Corpus Act, batas na nagbibigay ng proteksyon sa mga tao laban sa pagkabilanggo
nang walang paglilitis, at ang patakaran na ang kabinete ang siyang may pananagutan sa
Parlyamento at hindi sa hari o sa reyna.
Queen Anne (1702-1714). Pinagtibay ng Parlyamento ang Act of Union nang
panahon ni Queen Anne. Ito ang batas na nagsama sa Inglatera at Scotland sa isang unyon
na tinawag na Gran Britanya. Pinasimulan ni Queen Anne ang isang kaugaliang sinusunod
pa hanggang ngayon, na ang mga hinirang para sa kabinete ay buhat sa partidong
nakararami (majority party) sa Parlyamento.
Namatay si Queen Anne na walang tagapagmana kaya't pinili ng Parlyamento si
George I ng Hanover, Germany na Protestanteng apo ni James I, bilang hari ng Inglatera.
Dito nagsimula ang pag-akyat ng Dinastiyang Hanoverian na hanggang sa kasalukuyan ay
nasa trono ng Britanya, bagamat ang apelyido ay napalitan ng Windsor noong Unang
Digmaang Pandaigdig.
Ang Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Pransya
Ang Pransya ang nanguna sa Europa pagkakamit ng pambansang pagkakaisa. Ang
Himagsikang Pranses ay isang hudyat na gumising sa mga bansang kanluran na sila ay
magkaisa at ipaglaban ang kanilang kalayaan. Ang Pransya ang nagbigay daan sa pag-
unlad ng nasyonalismo.
Ang Pransya ay tirahan ng mga Celts. Nang dumating dito ang mga Romanong
pinamumunuan ni Julius Caesar, sinakop ang mg Celts at tinawag ang lupaing Gaul. Ang
buong Gaul ay tinawag na France, lupain ng mga Frank.
Si Clovis ang pinakamagaling na hari ng mga Frank, at siyang nagtatag ng Metro-
vingian Dynasty. Tinanggap ni Clovis ang Kristiyanismo at gumawa siya ng maraming batas,
isa rito ang Salic Law na nagbabawal sa kababaihan na magmana ng trono.
15
Ang mga haring sumunod kay Clovis ay naging mahina kaya't dumating ang
panahong ang mayor ng palasyo ay naging mas makapangyarihan pa kaysa sa hari. Isa sa
mga mayor na ito ay si Charles Martel na siyang tumalo sa mga Muslim sa labanan sa Tours
at pumigil sa paglaganap ng Islam sa Europa. Ang kanyang anak na si Pepin ang naging
mayor ng palasyo. Noong 751 A.D., sa kapahintulutan ng Papa Stephen 11, inagaw ni
Pepin ang trono ng Pransya at itinatag niya ang Carolingian Dynasty. Bilang pagkilala ng
utang na loob sa Papa, tinalo ni Pepin ang mga Lombard na nagtangkang sumakop sa
Roma at inihandog niya sa simbahan ang malaking lupain. Ang donasyong ito ni Pepin ang
naging batayan ng kapangyarihang temporal ng Papa bilang puno ng isang teritoryo sa
Italya.
Ang pinakadakilang hari ng Carolingian Dynasty ay si Charlemagne na tinatawag na
Charles the Great, anak at tagapagmana ni Pepin. Tumulong siya sa pagkalat ng
kabihasnang Kristiyano Romano at itinaguyod ang edukasyon sa pamamagitan ng
pagtatatag ng mga paaralan sa palasyo o palace school at pagtuturo ng mga paham.
Nagtaguyod din si Charlemagne ng mga makatarungang batas na kilala sa tawag na
Capitularies. Nagpadala rin siya ng mga tauhan sa lahat ng sulok ng kanyang kaharian
upang siguruhin ang mabuting kalagayan ng mga mamamayan.
Nang araw ng Pasko, 800 A. D., habang nakaluhod si Charlemagne sa simbahan ng
St. Peter sa Roma, bigla siyang pinutungan ng korona ni Papa Leo III at ipinahayag na
Emperador. Nang lumaon ang kanyang imperyong Carolingian ay tinawag na Holy Roman
Empire. Sa pagkamatay ni Charlemagne, ang kanyang anak na si Louis the Pious ang
naging hari. Siya ay walang kakayahan bilang hari kaya hindi naglaon ang tatlong anak ni
Louis ay nagkasundong hatiin ang imperyo sa pamamagitan ng kasunduan sa Verdun
(Treaty of Verdun).
ANG PAMAMAHALA NG CAPETIAN
Noong 987 A.D., nakuha ng Duke ng Paris, si Hugh Capet, ang trono ng Pransya at
itinatag niya ang Capetian Dynasty. Ang sumusunod ay ilan sa mga hari ng ng Capetian
Dynasty at ang mahahalagang pangyayari sa kanilang panahon;
16
Philip II, Kilala sa Tawag na Philip Augustus. Pinagbagsak niya ang piyudalismo
sa Pransya at pinalakas niya ang kanyang kapangyarihan. Pinalawak din niya ang kaharian
sa pamamagitan ng pagsamsam sa mga lupaing sakop ng Inglatera sa Pransya. Bilang
resulta, naging isang makapangyarihang bansa ang Pransya sa Europa.
Philip IX, tinaguriang Saint Louis. Pinabuti niya ang mga hukuman at ipinagbawal
niya ang paglilitis sa pamamagitan ng dwelo (duel). Tinalo niya ang baron at pinalaya niya
ang maraming alipin. Siya ang namuno sa dalawang krusada sa banal na lupain ng
Palestine noong 1248 at 1270. Siya rin ang tanging hari na naging santo ng Simbahang
Katoliko. Sa lahat ng haring namuno noong panahon ng midyibal, siya lamang ang maaaring
maihambing kina Alfred the Great at Charlemagne.
Philip IV, Tinaguriang Philip the Fair. Naipailalim niya sa kanyang kapangyarihan
ang lahat halos ng mga estadong piyudal sa Pransya. Noong 1302, isinali niya ang mga
pangkaraniwang mamamayan (commoners) sa Estates General o Parlyamento sa Pransya,
kaya't ito'y nagkaroon ng tatlong pangkat: ang mga alagad ng simbahan ang First Estate,
ang mga maharlika ang Second Estate, at ang commoners ang Third Estate. Si Phillip the Fair ay hinalinhan ng kanyang anak na si Charles IV. Sa pagkamatay ni
Charles IV, ang korona ay napunta sa isang pamangkin, si Philip VI, na siyang naging unang
hari ng Dinastiyang Valois. Dahil dito, inangkin ni Edward III, hari ng Inglatera ang trono ng
Pransya batay sa kanyang pagiging apo ni Philip the Fair sa panig ng ina. Ang pagsalakay
ni Edward III sa Pransya noong 1337 ang naging simula ng Hundred Years War o
Daantaong Digmaan , ang pinakamatagal na digmaan sa kasaysayan.
Malaki ang naging epekto ng Daantaong Digmaan. Dito tunay na nagising ang
diwang nasyonalismo ng mga mamamayang Pranses. Ang pagkamatay ng maraming
maharlika at kabalyero sa iba’t ibang labanan ay nagwasak sa piyudalismo at naging dahilan
ng pagkakaroon ng Pransya ng isang malakas na monarkiya.
Ang mga hari ng Pransya ay naging absolutong pinuno ng bansa sa tulong ni Cardinal
Richelieu. Pinangarap ni Haring Louis XIII na manguna ang Pransya sa Europa. Nagkaroon
ito ng kaganapan sa pamamagitan ng reporma na ginamitan ng dahas at kapangyarihan.
Ang ganitong pamamalakad ay ipinagpatuloy ni Cardinal Mazarin.
17
Pagbagsak ng Monarkiyang Pransya
Ang kapangyarihang tinamasa ng Pransya ay unti-unting nasira dahil na rin sa
pagmamalabis at pagkalasing sa kapangyarihan ng mga namuno rito. Nang mamatay si
Philip XIII, pinalitan siya ni Louis XIV na noon ay limang taong gulang pa lamang.
Pinakamatagal ang kanyang panunungkulan sa Pransya na umabot sa 72 taon. Sa
panahong iyon, ang Pransya ay naging huwaran, ang wikang Pranses ay nagsilbing wika ng
ugnayang diplomatiko ng mga bansa at ang mga palasyo ng Versailles ang naging sentro
maraming ng marangyang pagtitipon ng mga maharlika. Subalit ito rin ang simbolo ng labis
na paglustay ng salapi.
Sa panahon ni Louis XIV, ang hukbong Pranses ay naging modelo sa pagsasanay at
sa pakikipagdigma. Ipinahayag ni Louis XIV ang mga salitang "Ako ang Estado," bilang
pagbibigay diin sa absolutong kapangyarihan at banal na karapatan ng mga hari. Tinawag
din si Louis XIV na Dakilang Monarko. Ginugol niya ang kanyang panahon sa pagtatanggol
sa hangganan ng bansa.
Subalit ang karangyaan at labis na paglustay sa magastos na daantaong digmaan ay
nagpabagsak sa ekonomiya ng Pransya. Bukod dito, ang bigat ng mataas na buwis ay
nagpahirap sa mga mamamayan at dahil dito, nagsimulang umusbong ang paghihimagsik sa
katotohanang habang ang buong bansa ay naghihirap, ang monarko naman ay namumuhay
nang masagana at marangya. Ang kalagayang pulitikal at panlipunan sa Pransya ay lalong
lumala sa panahon ni Louis XV, apo ni Louis XIV.
Sa gitna ng ganitong kalagayan, may pangkat ng lipunan na binubuo ng mga
negosyante, bangkero, mambabatas at mangangalakal ang nagsimulang sumalungat sa
monarkiya.. Iginiit nila ang pagkakaroon ng karapatan at kapangyarihan ng mga karaniwang
tao.
Tinuligsa nila ang banal na karapatan sa pamumuno ng iisang pinuno. Sa halip ay
kanilang iginiit ang prinsipyong Vox Populi, Vox Dei na nangangahulugang “Ang tinig ng
nakakarami ang siyang dapat mamuno sa pamamagitan sa paghahalal sa mga kinatawan
buhat sa mga ito. Humingi rin sila ng kaluwagan at pagbabago lalo na sa mabigat na
pagbabayad ng buwis.
18
Sa halip na pakinggan ang mga karaingan ng mga mamamayan, lalong namuhay sa
karangyaan ang mga maharlika at ang monarkiya. Upang maputol ang pagtutol ng mga tao,
hinigpitan ng hari ang palimbagan, ang mga sulat ay pinabuksan at ipinabilanggo ang mga
radikal na manunulat. Bago tuluyang magtapos ang pamamahala ni Louis XV, winika niya
ang ganito: Pagkatapos ko, ang dilubyo.
Noong 1774, namuno si Louis XVI, isa siyang mabait na tao, ngunit hindi niya taglay
ang mga katangian ng mga naunang Bourbon. Wala siyang katatagan, tapang at talino sa
pamamahala. Lalong di matanggap ng mga mamamayan ang asawa niyang si Marie
Antoinette, na dahil sa kahusayang maglustay ng salapi tinawag na Madame Deficit.
Itinalaga ni Louis XVI si Turgot bilang tagapayo sa ekonomiya. Agad bumuo si Turgot ng
isang napapanahong programa upang sagipin ang Pransya. Mahigpit na tumutol ang mga
burgis na isuko ang kanilang mga karapatan at mga kaluwagan. Hindi rin nagbago ang
kalagayan ng mga Pranses.
Ang Nasyonalismo at ang Unipikasyon ng Italya
Nang panahon umuusbong ang nasyonalismo sa Inglatera at Pransya, ang Italya ay
isang watak-watak na bansa, bagamat pansamantalang nagkaisa ang ilang bahagi nito sa
ilalim ng pamumuno ni Napoleon I. Noong 1815, sa Kongreso ng Vienna, ang Italya ay
pinaghatian ng iba’t ibang pinuno at bansa. Ang Lombardy at Venice sa Hilaga ay napunta
sa Austria. Pinamunuan naman ng pamilyang Hapsburg ang Parma, Modenna at Tuscany.
Ang Papa ay namahala sa Estado ng Papal, kasama ang Roma, sa gitnang Italya. Isang
Bourbon ang namuno sa kaharian ng dalawang Sicily. Ang kaharian ng Sardinia na binubuo
ng Piedmont ay napasailalim sa hari ng House of Savoy.
Mga Kilusang Pangkalayaan
Isa si Giuseppe Mazzini (1805-1872) sa mga taong gumising sa makabayang
damdamin ng mga Italyano. Ang kanyang pagsisikap para sa kalayaan ay parang isang
19
panatang relihiyon. Ang kanyang paniniwala sa pagkakapatiran ng tao ang nag-udyok sa
kanya na tangkilikin ang kapakanan ng mga mahihirap na mamamayan. Noong kanyang
kabataan, sumapi si Mazzini sa Karbonari at minsan, naaresto siya dahil sa kanyang
rebolusyonaryong gawain. Iniwan niya ang Karbonari at itinatag niya ang Samahan ng
Batang Italya (Society of Young Italy) na binuo ng mga batang Italyano. Ang kanilang
islogan ay Kalayaan, Pagkakapantay-pantay, at Humanidad o Pagkamakatao. Maraming
kasapi ang namatay nang hindi naitatag ang Republika. Naipatapon si Mazzini ngunit ang
kanyang pinasimulan ang nagsindi ng apoy sa puso ng mga Italyano. Tinawag siyang
Propeta sa Pag-iisa ng Italya.
Si Konde Camilo Cavour (1810-1861) ang pangunahing Minister ng Sardinia-
Piedmont ay tulad din ni Mazzini na praktikal at ideyalisa. Naisip niyang maaring mamuno
ang kaharian ng Sardinia para sa unipikasyon ng Italya.
Bagamat tapat ang kanyang paglilingkod kay Haring Victor Emmanuel II, naniwala si
Cavour sa Pamahalaang Parlyamentaryo. Humingi siya ng tulong sa gitnang uri ng tao
upang ihanda ang pakikipaglaban ng Sardinia sa Austria. Nagsikap siyang makakuha ng
tulong sa Europa. Naging kakampi niya ang Britanya at Pransya laban sa Russia sa
Digmaang Krimian. Sumunod, nakipagkasundo siya ng lihim kay Napoleon III. Pinangakuan
niya si Napoleon III ng dalawang lalawigan, ang Nice at Savoy, kung tutulungan sila ni
Napoleon III sa pagpapaalis sa Austria sa tangway ng Italya. Ikatlo, pinagkagalit ng
matalinong si Cavour ang Austria at Sardinia na humantong sa isang labanan noong 1859.
Nanalo ang Sardinia ngunit umurong sa laban si Napoleon III. Bagamat hindi tumupad si
Napoleon III sa kasunduan, ibinigay pa rin Cavour kay Napoleon III ang Nice at Savoy.
Si Giuseppe Garibaldi (1807-1882) na may ginintuang buhok at may balat na parang
bronze ay katutubong mamamayan ng Nice na nakilahok din sa mga himagsikan laban sa
mga malulupit na pinuno ng estado. Siya ay tumakas sa Timog Amerika noong 1830 dahil
sa gantimpala sa kanyang ulo. Doon, nakianib siya sa mga labanan para sa demokrasya at
nasyonalismo sa ilang bansa sa Latin Amerika. Sinanay ni Garibaldi ang ibang Italyanong
ipinatapon sa Amerika sa pakikilaban. Bumalik siya sa Italya, kasama ang 18 taong gulang
na asawa na si Anita muling mapag-isa ang Italya.
Napaniwala si Garibaldi na ang unipikasyon ng Italya ay mapapabilis kung
makikipagtulungan siya kay Gavour at sa monarkiya ng Sardinia. Noong 1860, kasama ang
20
isang libong sandatahan, sinalakay at nilupig ni Garibaldi ang pulo ng Sicily at Naples, sa
tulong ng kanyang Red Shirts. Noong 1860, lahat ng mga Estadong Papal maliban sa Roma
ay nadagdag sa Italya. Noong 1861, hinirang si Victor Emmanuel bilang hari ng Italya.
Ang Italya ay naging kapanalig ng Pransya sa Digmaang Austria-Prussia noong 1866.
Nang manalo ang Prussia ibinigay ang Venice sa Italya. Nang mga taong ding iyon, lahat ng
mga estado ng Italya sa pagitan ng dalawang dagat at bundok ng Alps ay napag-isa ng
maliban na lamang sa Roma.
Nang pinauwi ni Napoleon III ang mga tropang Pranses mula sa Banal na Lungsod,
isang plebisito ang naganap, at bumoto ang mga mamamayan sa pagsanib ng Roma sa
Bagong Kaharian. Naging kapital ng Italya ang Roma, kaya sa wakas, nakumpleto na ang
unipikasyon ng Italya.
Tungo sa Unipikasyon ng Alemanya
Ang nasyonalismo sa Alemanya ay nagsimula noong panahon ni Otto Von Bismarck
(1815-1833), isang minister ng Prussia. Siya ay nanggaling sa isang konserbatibong
pamilya. Ang kanyang paniniwala at pilosopiya ay nakatulong nang malaki sa paghubog ng
Aleman at sa unipikasyon nito. Naging kinatawan siya ng Prussia sa Diet (Parlyamento) ng
Alemanya at naging embahador din siya sa Russia at Pransya. Naniniwala si Bismarck na
ang lahat ng pangunahing pagbabago sa kasaysayan ay dapat isabuhay sa pamamagitan ng
dugo at bakal at hindi sa pamamagitan ng puro debate. Naniwala siya sa monarkiya,
awtokrasya, at militarismo. Tinawag siyang Iron Chancellor.
Mula noong 1815 hanggang 1860, maraming pangyayari ang nagbigay-daan sa
unipikasyon ng Alemanya. Maraming mga lihim na kilusan ang naitatag kagaya ng
Burchenschaft para sa kalayaan at pagsasarili. Maraming mamamayan ang nagbigay halaga
sa kagitingan at kataasan ng kulturang Aleman. Binigyang-diin ng mga paaralan ang
kahalagahan ng pagmamahal sa bansa. Noong 1834 itinatag ang Zollverein sa Prussia. Ito
ay isang unyong pangkabuhayan ng lahat ng mga estadong Aleman. Ipinamalas ng unyon
ang kahalagahan ng pagkakaisa, na siyang diwa ng tunay na pagtitiwala.
21
1. Pitong Linggong Digmaan (1866)
Inudyukan ni Bismarck na lusubin ng Austria ang mga teritoryong inangkin ng
Denmark. Naging dahilan ito upang salakayin ng Prussia ang Austria. Organisado at
handang-handa ang hukbo ni Heneral Moltke ng Prussia kaya madaling natalo ang
hukbo ng Austria. Bilang kapalit, pinawalang-bisa ang kompederasyong Aleman at
sinakop ang ilang teritoryong nasa Hilaga ng Ilog Main, ang Schleswig at Holstein.
2. Digmaang Austria-Prussia (1866)
Tinalo ng Prussia ang Austria sa labanang ito at dito naipamalas ang lakas at
galing ng hukbong Prussian. Pagkatapos talunin ang Austria, nawala ang
kompederasyon ng Alemanya at pinag-isa ang mga estado na tinawag na Hilagang
Kompederasyon ng Alemanya. Apat na estado sa Timog Alemanya ang hindi kasapi;
ang Baden, Bavaria, Wurttemberg, at Hesse.
3. Digmaang Franco-Prussian (1870)
Nagsimula ang digmaang ito nang ang embahador ng Pransya ay humingi ng
katiyakan sa hari ng Pransya ukol sa inialok sa trono ng Espanya ng isang prinsipe ng
Prussia. Hindi ipinagkaloob ng Prussia at isang mensahe ang ipinalabas na tinawag
na Ems Dispatch. Sa mensahe ay lumalabas na ang bawat bansa ay gustong
hamakin ang bawat isa. Nagdeklara si Napoleon ng digmaan laban sa Prussia na
humantong sa pagkatalo ni Napoleon. Ang digmaang ito ay nabigyang wakas ng
kasunduan sa Frankfurt. Isang konstitusyon ang binuo at ang isang nilalaman ay ang
pagbuo ng Reichstag o batasan na halal ng mga tao. Ang chancellor o punong
ministro ay hinirang ng kaiser o hari. Itinalagang chancellor si Bismarck subalit siya
ay naging marahas. Sinupil niya ang mga kaisipan at kilusang liberal. Sa mga taong
1871 hanggang 1914, ang Alemanya ay naging isa sa pinakamalakas at
makapangyarihang bansa sa Europa. Umunlad at naging karibal ng Britanya sa
larangan ng pangangalakal.
22
Ang Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Amerika
Bunga ng mga kaisipang liberal na kumalat sa Espanya at Amerika noong
ikalabingwalong siglo, ang mga kolonya ng Espanya ay naghimagsik laban sa inang bayan
upang makamit ang kanilang kalayaan. Marahil ay nagtataka ka kung paano nakarating ang
mga Espanyol sa Amerika? Tinustusan nina Haring Ferdinand at Reyna Isabela ng Espanya
ang paglalakbay ni Christopher Columbus, isang marino na taga-Italya. Naniwala si
Columbus na mararating niya ang Indies sa pamamagitan ng paglalayag patungong
kanluran. Kahit na si Columbus ang unang marinero na nakarating sa Hilagang Amerika
hindi ito naipangalan sa ngalan ni Columbus kung di kay Amerigo Vespucci. Si Amerigo
Vespucci ay sumulat ng isang aklat tungkol dito.
Ang paninirahan sa Amerika ang pinakamahalagang bahagi ng pagpapalawak ng
Espanya. Ang mga bagong nanirahan doon ay galing sa tatlong sentro sa Espanya,
Pransya, at Inglatera. Sinikap ng Espanya na palawakin ang kanyang mga lupain kaya
nakarating ang mga Europeo sa pagtuklas nito sa kontinenteng Amerika. Ang Hilagang
Sentral at ang Timog Amerika ay sinakop at pinamahalaan ng mga taga-Europa sa
mahabang panahon. Lahat ng mga kolonyang ito ay naghimagsik Espanya hanggang sa
nakamit nila ang kanilang kalayaan.
Ang Paninirahan ng mga Ingles sa Amerika
Nabanggit na sa simula ang pagdating ng mga Ingles sa Virginia, simula sa
Jamestown noong 1607. Nagtagumpay ang mga Ingles sa pagtatatag ng maunlad na
gawaing pang-agrikultura. Noong 1620, isang kolonya ang itinatag naman sa Massachusetts
ng mga Puritan at imigrante. Ayon sa Mayflower Compact, isang kasunduan ng mga
pasahero ng sasakyang-dagat na Mayflower patungong Amerika, isang asemblea ng mga
malalayang mamamayan ang dapat mamahala sa itatatag na pamahalaan nila. Subalit
naging sunud-sunuran din ang mga ito sa mga patakaran ng hari. Noong 1630, ang mga
imigrasyon sa mga kolonya ng New England ay umunlad at noong 1634, isang kolonya
23
mga ng Ingles ang itinatag sa Maryland. Nang maglalabingwalong siglo, may labintatlong
kolonya na ang itinatag sa may silangang baybayin ng Hilagang Amerika.
Marami sa ideyang bunga ng Rebolusyong Pangkaisipan ay may kulay pulitika at ito
ang kaisipang pulitikal sa Rebolusyon na isinagawa ng 13 kolonyang Ingles sa Amerika. Ang
rebolusyong Amerikano ay nagsimula noong panahong 1763.
Ang patakarang pang-ekonomiya ng mga Ingles ay lubos na nagpasidhi sa pag-aalsa
ng 13 kolonya. Ang Navigation Acts ay nag-uutos na sa mga Ingles lamang maaaring
ipagbili ang ilang produkto ng kolonya at ang kolonya ay bibili ng mga yaring produkto sa
Inglatera lamang. Ang malaking pagkakautang ng Britanya dahil sa pakikidigma, ang
pagtulong sa mga Amerikano laban sa kaaway, ang hayagang alitang nagsimula nang itakda
ang Townshed Acts tungkol sa paglikom ng pera, ay nagresulta sa loob pang paghihigpit sa
mga kolonya.
Pagsiklab ng Himagsikan sa Amerika Ang mga tumutol sa palakad ng mga Ingles ay dumami noong panahon ng
pamamahala ni Samuel Adams. Ang unang Kongresong continental ay nagpulong noong
1774. Ipinahayag dito na ang Intolerable Acts ay hindi makatarungan at ang Parlyamentong
Ingles ay lumalabag sa karapatang Amerikano. Ang pahayag ni Patrick Henry na “Give me
liberty or give me death,” at ang aklat ni Thomas Paine na Common Sense ay gumising sa
damdaming Amerikano. Itinuring nilang ang kalayaan ng Amerika ay kalayaan din ng mundo.
Nagtayo sila ng hukbong sandatahan sa ilalim ng pamumuno ni George Washington. Noong
ika-4 ng Hulyo, 1776, ipinahayag ng kongreso ang Deklarasyon ng Kalayaan na isinulat ni
Thomas Jefferson. Lihim na tinulungan ng mga Pranses ang mga Amerikano laban sa mga
Ingles. Ang pagkatalo sa Yorktown ng mga Ingles ang nagwakas ng digmaan at nagkaroon
ng pakikipag-ugnayan sa Paris noong 1783. Napilitang kilalanin ng mga Ingles ang kalayaan
ng 13 kolonya.
24
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panuto: Punan ang bawat kahon sa ating talahanayan ng mga
mahahalagang pangyayari na nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa
Europa at sa mga kolonya. Subalit bago mo iyan gawin, pagbalik-aralan mo muna ang ibig
sabihin ng salitang nasyonalismo mula sa pahina 8. ito ang magiging batayan mo ng pagpili
ng angkop na pangyayari na isusulat mo sa talahanayan.
Kahulugan ng Nasyonalismo: Ito ay isang paniniwala na ang isang bansa ay nararapat
na nabubuklod ng isang wika, adhikain, kaugalian, at
kasaysayan at pinamumunuan ng isa lamang pamahalaan
upang makatayo bilang isang malayang bansa.
Inglatera Pransya Italya Alemanya Amerika
25
Tandaan mo
Ang nasyonalismo ay ang kamalayang pambansa na pinakbubuklod ng
isang mithiin, damdamin, wika, kaugalian ay kasaysayan at nagtataguyod
ng isang pamahalaan upang makatayo bilang isang malayang bansa.
Sa mga bansang Inglatera, Pransya, Italya at Alemanya at sa mga kolonya ng mga
bansang ito sumibol ang diwa ng nasyonalismo sa Europa at Amerika.
Sa Inglatera, nahubog ang pagiging matapat sa hari at reyna ang pagiging matapat din
ng mga mamamayanng Ingles sa kanilang bansa at sa mga mithiin nito. Ang
pagmamalaki sa pagiging makapangyarihan ng Inglatera simula pa noong ika-12 siglo,
ang matibay na katayuan ng mga hari at reynang namuno at nagpalawak ng
kapangyarihan ng Inglatera sa Europa ay nakapaghubog ng pagmamahal sa bayan at sa
monarkiya, na isang batayan ng nasyonalismo.
Sa Pransya, ang paghihimagsik ng mga Pranses sa pag-aabuso ng kapangyarihan ng
mga monarkiya ay naging hudyat upang gumising ang mga mamamayan sa mga
bansang kanluran na pamunuan ang kanilang mga sarili at ipaglaban ang kalayaan. Ang
kanilang islogan ay “Vox populi, Vox dei.”
Sa Italya, ginising ni Guiseppi Mazzini ang makabayang damdamin ng mga Italyano sa
pamamagitan ng islogang “Kalayaan, pagkakapantay-pantay, at Humanidad.” Ang
unipikasyon ng Italya ay isang sukatan din ng diwa ng nasyonalismo sa bansang ito.
Ang unipikasyon ng Alemanya sa pamumuno ni Otto Von Bismark ang gumising ng diwa
ng nasyonalismo sa mga Aleman. Sa maraming taon ng pakikidigma sa ibang bansa,
natanim sa diwa ng mga Aleman ang Pagmamahal sa bayan.
Sa Amerika, ang mga Ingles na nagtayo ng kolonya sa iba’t ibang bahagi nito ay natutong
magsarili. Naipakita ang nasyonalismo sa kanilang pagtangging sundin ang mga
patakarang pang-ekonomiya ng Inglatera na hindi angkop sa bagong daigdig. Ang
pahayag ni Thomas Paine na “Give me liberty, or give me death,” (Bigyan ninyo ako ng
kalayaan; kung hindi’y kamatayan,) ang gumising sa diwang nasyonalismo ng mga
Amerikano. Ang Deklarasyon ng Kalayaan ni Thomas Jefferson ay isa pang sagisag ng
nasyonalismong nalinang sa Amerika.
26
Gawain 3: Paglalapat Panuto: Matapos mong mabasa at maunawaan kung paano nalinang ang
diwa ng nasyonalismo sa Europa at mga kolonya dito, ay sikapin mong suriin
ang pangyayari sa ating sariling bayan na nakatulong tungo sa paglinang ng
nasyonalismo sa Pilipinas.
Mahahalagang katangian ng isang pinunong Pilipino na nagpasibol ng
nasyonalismo sa bansa:
Pangyayari sa ating bayan na nagbigay daan sa paglinang ng nasyonalismo
1.
1.
2.
2.
3.
3.
4.
4.
5.
5.
27
ARALIN 2 REBOLUSYONG PANGKAISIPAN AT ANG PAG-UNLAD NG NASYONALISMO
Ang araling ito ay tungkol sa kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa pag-unlad
ng nasyonalismo sa mga bansang naging kolonya ng mga bansang Europeo. Anu-ano ang
mahahalagang kaganapan sa loob ng ika-19 at 20 siglo na may kaugnayan sa
nasyonalismo? Anu-ano rin ang mahahalagang kaisipang naging gabay sa mga gawaing
pang-nasyonalismo noong mga panahong iyon? Ang mga tanong na ito ang sasagutin ng
aralin.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Maiisa-isa ang mga kaisipang lumaganap sa pag-unlad ng nasyonalismo;
2. Masusuri ang mga kaisipang napalitan at kaisipang umunlad dulot ng
nasyonalismo; at
3. Maipapaliwanag ang mahahalagang pangyayari sa labas ng Europa noong ika-19
at 20 siglo na nagbigay daan sa paglaganap ng diwa ng nasyonalismo sa buong
daigdig.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Anu-ano kaya ang mga kaisipang lumaganap sa pag-unlad ng nasyonalismo sa
buong daigdig? Talasan ang mga mata at bilugan ang mga salita na iyong makikita, maaring
patayo, pahalang o padayagonal. May 10 salitang maaring mabuo.
28
A S D F G R R R W A S F G H S A Q F H K L R A S A
K L A P A G K A K A P A N T A Y P A N T A Y B B K
B P G A R D W V R E B U L O S G N J K L I W E C V
E A H N E X K M S I N I L I H A H K A S A S D F G
N G A G D C A H J H A Y S I A S C A A B I U Y R C
S K N G S V B H B A B E S A T S D B M A S A S V E
D A L I A B U G P U L I T A K I V U S F S B N M S
G K I T F R E B O L U S Y O N J K H K X D R T Y A
R A B N Y M T F J A Y S J U N C O A C E S A R M O
Y P R A O P G S S A A E O U I S U Y M A L A Y K O
A A E N I O D A I R S I G U R O I A E W A N K O H
D N A G F U A Z K A L A Y A A N I N S I N I G N G
F T S U D T S O L I B E R A L I S K I H E H A H E
Z I V R S W M Z D E M O G R A S Y A N N N Y A H A
X M L I B E R A L I S M O R O N A L D D G A A X C
C O B A D Q D A P A N G G I T N A N G P U R I M O
B Y B Z R O N A L D E N J H A Y I G P U L I T I K
Rebolusyong Pangkaisipan at ang Pag-unlad ng Nasyonalismo
Malawak at walang hangganan ang naging bunga ng Rebolusyong Pangkaisipan sa
daigdig na nagsimula pa noong ika-labindawang siglo at nagpapatuloy hanggang sa
kasalukuyan. Ang rebolusyong ito ay nagsilbing binhi ng maraming pagbabago sa
makabagong panahon at sa ating hinaharap.
Ang Rebolusyong Pangkaisipan ang naging dahilan ng pagkamulat ng mga tao sa
makabagong pananaw. Isinaisantabi nila ang mga lumang paniniwala at kaugalian.
Hinalinhan nila ang mga ito ng mga bagong kaisipan na itinaguyod ng mga paham at
pilosopong naging tanyag. May apat na larangan ang Rebolusyong Pangkaisipan: Agham,
Pulitika, mga Sining, at Kabuhayan.
29
Ang makabagong agham ay nagsimula sa Rebolusyong Pangkaisipan. May iba’t
ibang siyentipiko na nakilala tulad nina Newton, Descartes, Galileo, Darwin, at iba pa.
Marami sa kanilang nilikha ang nakapagdulot ng kabutihan sa kalusugan at kabuhayan ng
tao. Umusbong din at nakilala ang gitnang-uri sa lipunan (middle class) at ang pangkat ng
ito ay naging bagong puwersang isinaalang-alang ng pamahalaan at pamayanan. Ang mga
kaisipang kaugnay ng piyudalismo, absolitismo at kapangyarihan ng simbahan ay tinalikuran
at napalitan ng sekularismo, pagkakapantay-pantay, at kalayaan para sa lahat. Sa larangan
ng pulitika ay lumaganap ang salitang liberalismo at demokrasya. Ang mga himagsikan ay
naghatid ng pagbabago tungo sa mas malayang pamahalaan na ayon sa batas at
karapatang-pantao. Tunay na napaunlad ng Rebolusyong Pangkaisipan ang diwa ng
nasyonalismo lalung-alo na sa mga bansang nasakop ng mga Europeo.
Ang nasyonalismo ay damdaming nagpapahiwatig ng pagiging kaanib sa isang
pangkat na may sariling mithiin, kaugalian, kalinangan, wika o kung minsan ay isang lahing
pinagmulan at isang relihiyong sinasampalataya. Sinasaklaw nito ang pag-unlad ng
kamalayang pambansa simula noong ika-labinlimang siglo hanggang sa ika-dalawampung
siglo sa mga pangunahing bansa ng Europa, Amerika, Asya, at Aprika.
May isang pangyayari sa kasaysayan ng daigdig na higit na nakatulong sa
paglaganap ng nasyonalismo o damdaming makabayan sa lahat ng dako. Ito ay ang
Rebolusyong Pranses. Nakapaloob ito sa kanilang pambansang salawikain: “Kalayaan,
Pagkakapantay-pantay, at Pagkakapatiran.”
Noong Panahong Midyibal bago sumapit ang Ika-19 na siglo, laganap ang
piyudalismo at ang kaisipan ng pagkamatapat sa isang pansariling bagay lamang. Ang
basalyo ay matapat sa kanyang panginoon o sa pamilya ng kanyang panginoon. Nang
magwakas ang panahon ng piyudalismo at isinilang ang mga bansa, ang pangkaraniwang
tao at ang sumisikat na panggitnang uri ng tao (middle class) ay bumaling sa hari para sa
kanilang pagkalinga. Ang pagkamatapat sa bansa, at hindi sa hari, ay isa sa mga
kinahantungan ng Himagsikang Pranses. Ang pagpapaalis sa hari at ang pagkilala sa
karapatan ng karaniwang tao upang pamahalaanang kanilang sarili ang nakapagpaunlad sa
diwa ng nasyonalismo sa buong daigdig.
30
Noong Ika-19 na siglo, ang nasyonalismo ay isa sa mga katangian ng Kanlurang
Daigdig. Subalit lumaganap din ito sa Silangang Daigdig kung saan ang pambansang
pagkakaisa ay naging mahalagang puwersa sa mga bansang sakop upang isulong ang
mithiing pambansa na magkaroon ng kalayaan at pagsulong. Ang mga pangunahing
pangyayari na kaugnay sa pag-unlad ng nasyonalismo sa Europa ay mabubuod sa mga
sumusunod:
1. Ang tagumpay ni Napoleon III ay nakapagpalakas sa nasyonalismong Pranses.
Ang kanyang hukbong sandatahan ay siyang nagdala ng diwa ng nasyonalismo sa
mga nasasakupan kahit saan sila magpunta. Ngunit si Napoleon din ang sumuway
sa prinsipyo ng nasyonalismo nang ilagay niya ang kanyang kamag-anakang
dayuhan sa trono ng ibang bansa.
2. Ang paghahangad ng mga nasasakupan na mamahala sa kanilang sarili ay naging
malakas pagkatapos ng pagbagsak ni Napoleon, kahit na minaliit nila ang
makabayang prinsipyo ng mga pinuno ng Kongreso ng Vienna at ng autokratikong
pinuno noong panahon ni Metternich.
3. Ang rebolusyon noong 1830 at 1848 sa Pransya, Italya, Poland at Alemanya ay
sumiklab dahilan sa umuunlad na diwa ng nasyonalismo at demokrasya.
4. Ang diwa ng nasyonalismo na lumaganap sa Italya at Alemanya noong kalahati ng
ika-19 na siglo ay humantong sa pagsasa-isang bansa ng dalawang bansang ito
noong 1870.
5. Lumaganap sa Gresya at mga bansa sa Balkan ang diwa ng nasyonalismo na siya
ring nakatulong sa pagkakahiwalay nila sa kontrol ng bansang Turkey.
6. Sa Amerika naman ay nagkaroon ng mabilis na pagsulong ng pambansang
pagmamalaki kahit na may Himagsikang Sibil noon. Ang nasyonalismo ng mga
Amerikano ay nakita sa mabilis na pakanlurang pagpapalawak ng lupain sa ibang
kontinente sa Pasipiko. Ang nasyonalismo rin ang nagpaloob sa kagustuhan ng
batang Republikang Amerikano na isulong ang Himagsikan laban sa Britanya.
Sa pagsapit ng ika-20 siglo, ang nasyonalismo ay higit pang lumakas bilang
mahalagang puwersa sa pagbabago ng daigdig.
31
1. Ang diwa ng nasyonalismo sa mga nasasakupang bansa ang nakapaghihina sa
patuloy na pananakop ng mga bansang kanluranin. Ang malalaking bansa kagaya
ng Britanya, Pransya, Olandes at Estados Unidos ay napilitang palayain ang mga
nasasakupang bansa nang ang mga ito’y kinakitaan ng nasyonalismo at
pagkakaisa.
2. Ang nasyonalismo ang naging pangunahing dahilan ng mga Pandaigdigang
Himagsikan. Ang mga kolonya ay nahikayat na naghiganti sa kanilang kalapit-
bansa, sumakop ng ibang teritoryo, at sumalakay sa mga bansang dayuhan.
Ginawa nila ito upang makuha ang pagtataguyod ng kanilang mamamayan at
upang maragdagan ang katanyagan makapagdagdag sa ikatatanyag ng kanilang
sariling lupain.
Lumaganap din ang iba’t ibang uri ng panitikan sa panahong ito. Ilan sa mga
nakilalang pilosopo at manunulat ay sina:
1. Rene Descartes, ang Ama ng Rationalismo o modernong pilosopiya, at sumulat ng
aklat na Discourse on Method.
2. John Locke, isang Ingles na pilosopo na nagpatanyag ng mga natural na
karapatan ng tao at ng disbentaha ng limitadong pamahalaan. Siya ang
nakaimpluwensiya kina Jefferson, Thomas Paine, at iba pa.
3. Voltaire, ang pangalang sagisag ni Francois Marie Arouet, ay isang pilosopong
Pranses na nagpasikat ng ideya ni John Locke at Isaac Newton at nagsulong ng
indibidwal na kalayaan. Ang kanyang talino ay nagbunsod ng Rebolusyong
Pranses.
4. Adam Smith, kilalang Ama ng Pulitikal na Ekonomiya at sumulat ng The Wealth of
Nations. Naniwala siya sa kalayaang pang-ekonomiya (laissez-faire) at binatikos
niya ang merkantilismo. Pinatanyag niya ang adhikain ng produksyon at paggawa
sa pandaigdigang kalakalan. Tinutulan din niya ang pakikialam ng pamahalaan sa
negosyo at kalakal.
32
5. Jean-Jacques Rousseau, isang Pranses-Swiss na awtor ng Social Contract
(1716). Siya ang nagpanukala ng limitadong gobyerno at konsepto ng
demokrasya. Itinanghal siyang Ama ng Modernong Demokrasya at Ama ng
Romantisismo dahil sa kanyang nobelang Emile.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga konseptong nakasulat sa
kahon at maglagay ng mag halimbawa sa ilalim ng bawat paksa. Ilista ang
mga kaisipang napalitan o kaisipang umunlad dahil sa Diwa ng Nasyonalismo. Balikan mo
ang teksto ng aralin upang makapili ka ng angkop na kasagutan. Ang una ay ginawa na para
sa iyo bilang halimbawa.
Kaisipang Napalitan
Kaisipang Umunlad
1. Pagkamatapat sa isang panginoon,
hari o pinuno.
1. Maaring pamahalaan ng mga tao ang
kanilang sarili.
2.
2.
3.
3.
4.
4.
5.
5.
33
Tandaan mo
Ang Rebolusyong Pangkaisipan sa larangan ang Agham, Pulitika, mga
Sining at Kabuhayan ang naging dahilan ng pagbabago ng pananaw
pagkamulat ng mga tao sa diwa ng nasyonalismo.
Ang mga siyentistang tulad nina Newton, Descartes, Galileo, Darwin at iba pa, ay
nagtaguyod ng makabagong pagtanaw sa syensya at pulitika.
Pinangunahan ng gitnang-uri (middle class) ng lipunan ang pagwawaksi ng mga
kaisipang piyudalismo, absolutismo at bulag na pagsunod sa kapangyarihan ng
simbahan. Sa halip ay itinaguyod nila ang sekularismo, pagkakapantay-pantay, at
kalayaan at pamahalaan para sa kagalingan ng lahat.
Ang Nasyonalismo ay ang diwang pagpapahiwatig ng pagigiging kaanib sa isang pangkat
na may sariling mithiin, kaugalian, kalinangan, wika o kung minsan ay paniniwala sa
isang lahing pinagmulan at isang relihiyong sasampalatayahan.
Ang pambansang salawikain ng mga Pranses na: Kalayan, Pagkakapantay-pantay at
Pagkakapatiran ang nagsulong ng diwa ng nasyonalismo sa Europa at Amerikano.
Ang tagumpay ni Napoleon ay nakapagpalakas sa nasyonalismong Pranses. Ang
rebolusyon noong 1830 at 1848 sa Pransya, Italya, Poland at Alemanya ay sumiklab at
gumising sa diwa ng nasyonalismo at demokrasya.
Lumaganap din sa Gresya at mga bansa sa Balkan ang diwa ng nasyonalismo at
nagdulot ng pagkakahiwalay nila sa kontrol ng Turkey.
Nasyonalismo rin ang diwang nagpasiklab sa Digmaang Ingles at Amerikano.
Dahil sa paglaganap ng iba’t ibang uri ng panitikan na sinulat ng mga pantas at pilosopo
sa panahong ito, nalinang ang diwa ng nasyonalismo sa maraming bansang Europeo.
Ilan sa mga nakilalang pilosopo at manunulat ay sina Rene Descartes, John Locke,
Voltaire, Adam Smith at Jean-Jacques Rousseau.
34
Gawain 3: Paglalapat Panuto: Sa pamamagitan ng 3-5 pangungusap ay ipaliwanag mo ang
kahalagahan ng mga pahayag ukol sa Rebolusyong Pranses at ang
kaisipang pang-ekonomiya ni Adam Smith. Paano mo maiuugnay ito sa mga
nangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan? Magbigay ka ng mga halimbawa sa iyong
paliwanag.
A. Kalayaan, Pagkakapantay-pantay ,at Pagkakapatiran
- Rebolusyong Pranses
Paliwang : _______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
B. Pagbibigay ng kalayaang pang-ekonomiya (Laissez-faire) at pagtutol sa
pakikialam ng pamahalaan sa negosyo at kalakalan.
-Adam Smith
Paliwang : _______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
35
ARALIN 3 PAGLAGANAP NG NASYONALISMO SA IBA’T IBANG BANSA
Ang araling ito ay tungkol sa pagpapahalaga ng iba’t ibang bansa sa diwa ng
nasyonalismo. Matutukoy mo kaya kung ano ang mga pamamaraan na ginawa ng mga
pinuno tungo sa pagkakamit ng kalayaan para sa kanilang bansa? Sisikapin ng araling ito na
ipaliwanag iyan sa iyo.
Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Matutukoy ang mga pinuno at kanilang nagawa para sa pag-usbong ng
nasyonalismosa kanilang bansa;
2. Masusuri ang mga mahahalagang pangyayari ng nakaimpluwensya sa pag-unlad
ng nasyonalismo sa mga bansang dating sakop; at
3. Mabibigyang halaga ang diwa ng nasyonalismo sa pagtataguyod ng kalayaan at
pagkakapantay-pantay ng tao.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Bago tayo dumako sa pagtatalakay ng paksang-aralin, may nakikilala ka bang mga
pinuno ng iba’t ibang bansa na nagtaguyod ng nasyonalismo sa kani-kanilang mga bansa?
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga pangungusap sa Hanay A at hanapin sa
HANAY B ang titik ng tamang sagot na tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng
iyong sagot sa sagutang papel. Magkakaroon ka ng ideya kung sinu-sino ang nagpalaganap
ng diwa ng nasyonalismo sa Asya, Latin Amerika at Aprika. Itsek mo ang sagot sa Gabay sa
Pagwawasto.
36
HANAY A
1. Isang sundalo na kinilala bilang
tagapagpalaya ng Venezuela.
2. Isang misyonero na nakarating at matagal na
nanirahan sa loob ng Aprika.
3. Kauna-unahang babaeng pangulo ng
Pilipinas at isa sa naging daan sa
panunumbalik ng demokrasya sa bansa.
4. Siya ang nagtatag ng Democratic Republic of
Vietnam at masigasig na nakipaglaban para
sa kalayaan ng Vietnam.
5. Ipinahayag niya ang kalayaan ng Indonesia
at naitatag ang republika sa pangunguna
niya.
6. Ang pinakamatagal na pangulo ng Pilipinas at
maaalala sa maraming programang
pangkabuhayan at ang deklarasyon ng Batas
Militar sa bansa.
7. Nahalal na Secretary General ng United
Nations at masugid na tagapagtaguyod ng
kapayapaan lalo na sa Burma (Myanmar).
8. Isang paring nanguna sa himagsikan sa
Mexico laban sa Espanya at nanguna sa
pagkilos tungo sa katarungang panlipunan.
9. Pinamunuan niya ang pagpapahayag ng
kalayaan sa limang bansa sa Gitnang
Amerika, ang Guatemala, Honduras, El
Salvador, Nicaragua at Costa Rica.
10. Pinamunuan niya ang “Non-violent
Resistance” sa India laban sa Inglatera.
HANAY B
A. Abdul Rahman
B. Achmed Sukarno
C. Aung San
D. Benazir Bhutto
E. Corazon Aquino
F. David Livingstone
G. Ferdinand Marcos
H. Ho Chi Minh
I. Jose De San Martin
J. Jose Simeon
K. Miguel Hidalgo
L. Mohandas Gandhi
M. Muhammad Ali Jinnah
N. Simon Bolivar
O. Sirimayo Bandaranaike
P. Stephen Senanayake
Q. U Thant
37
11. Hinirang na kauna-unahang Gobernador-
Heneral na kumatawan sa korona ng Britanya
at nagsulong sa paglaya ng Pakistan.
12. Naluklok sa kapangyarihan sa pamamagitan
ng pwersa ng mga mamamayan subalit
napaalis ng isang “Constitutional Coup” sa
Pakistan. Nagtagal ang kaniyang
panunungkulan sa loob lamang ng 20 buwan.
13. Kinilalang “Ama ng Kalayaan” at naging
unang punong ministro ng Ceylon (Sri
Lanka).
14. Kauna-unahang babae na naging punong
ministro sa kasaysayan ng daigdig.
15. Sinikap niyang makalaya ang Burma mula sa
malupit na pamamahala ng Hapon at
nagtatag ng Anti-Facists People’s Fredom
League.
38
Ang Pag-unland ng Nasyonalismo sa iba’t ibang Bansa Ang Nasyonalismo sa Latin America Marami ang dahilan sa pagkakaroon ng digmaang pangkalayaan sa Latin
Amerika at ang ilan dito ay ang mga sumusunod:
1. Ang paglaganap ng kaisipang liberal mula sa Europa at Amerika na naging dahilan
ng pagsiklab ng himagsikan sa Pransya at Amerika.
2. Kawalang katarungan, mataas na buwis, at ang pang-aabuso ng pamahalaan sa
mga mamamayan ng kanilang kolonya.
3. Kahirapan ng mga karaniwang mamamayan at sobrang karangyaan ng ilan.
4. Ang pagpapabaya sa mga karapatan ng mga bansang sakop.
5. Hindi pagbibigyan ng pagkakataon at pantay na oportunudad sa pulitika at lipunan.
Ang mga mananakop lamang ang may karapatang humawak ng mataas na
tungkulin sa pamahalaan.
Ang mga naantalang kalayaan sa Latin Amerika ay nagkaroon ng bagong sigla
noong sakupin ni Napoleon III ang Espanya at Portugal. Noong 1808, napaalis ni
Napoleon si Ferdinand VII ng Espanya sa kanyang trono. Isang sundalo, si Simon
Bolivar, ang ipinahayag ng mga taga-Venezuela na "Tagapagpalaya" noong 1813.
Lumakas ang pagnanasang makalaya ng mga mamamayan sa Timog Amerika kaya
mula sa Venezuela at Columbia, nagmartsa si Bolivar sa Andes, sa Ecuador, at sa
Peru. Nagtatag siya ng estado na pinangalanang Bolivia. Sa Peru, nakasalubong niya
si Jose de San Martin, isang taga-Argentina na nagpalaya sa Chile. Lumaban ang
Espanya sa kanyang mga kolonya sa Amerika hanggang 1824, ngunit papalubog na
noon ang kapangyarihan ng Espanya, kayat napilitan siyang kilalanin ang kalayaan ng
mga bagong bansa sa Timog Amerika.
Samantala, ang himagsikan sa Mexico laban sa Espanya ay sinimulan ni Miguel
Hidalgo, isang pari na matagal nang kumikilos para sa ikauunlad ng katarungang
panlipunan sa bansang ito. Pagkapahayag niya ng kalayaan noong 1810 ay tinalo sila
ng mga hukbo ng Espanya. Bagamat dalawang magkasunod na pinunong pari ang
39
binitay, nagpatuloy ang himagsikan na nagtagumpay sa pamumuno ni Agustin de
Iturbide, isang Heneral na Kastila na tumalikod sa sariling bansa.
Limang bansa naman sa Central America – ang Guatemala, Honduras, El
Salvador, Nicaragua at Costa Rica – ang nagpahayag ng kanilang kalayaan noong ika-
15 ng Setyembre, 1821 sa pamumuno ni Padre Jose Simeon.
Nasyonalismo sa Cuba. Ang mga Cuban ay naghimagsik noong 1895 sa
pamumuno ni Jose Marti ang tinuturing na bayani ng Cuba. Ang himagsikang ito ay
nagpatuloy hanggang ang Estados Unidos ay nagpahayag ng digmaan laban sa
Espanya noong 1898. Sa Treaty of Paris, noong ika-10 ng Disyembre, 1898, nagwakas
ang digmaan ng Amerika at Espanya at naging malaya ang Cuba.
Nasyonalismo sa Haiti. Ang mga Pranses ay naging interesado sa yamang-tao
ng Haiti. Sila ay umangkat dito ng mahigit isang milyong alipin noong ika-labingwalong
siglo. Nang sumiklab ang Himagsikang Pranses noong 1791, naghimagsik din ang mga
aliping Haitian. Ang hukbong Pranses ay ipinadala sa Haiti upang supilin ang
himagsikang pinamunuan ni Toussaint L. Ouverture. Si Toussaint ang naging pinuno
ng Haiti. Ang kanyang pamamahala ay nagwakas noong siya ay bihagin at dalhin sa
Pranses. Ipinagpatuloy ni Dessalines ang paglaban sa Pranses para sa kanilang
kalayaan. Ipinahayag niya ang kalayaan ng Haiti noong unang araw ng Enero, 1804.
Nasyonalismo sa Brazil. Nang lusubin ni Napoleon ang Portugal noong 1808,
tumakas si Haring John VI at tumira sa Rio de Janeiro, Brazil. Subalit si Haring John VI
ay bumalik sa Portugal noong 1821 at iniwan ang kanyang anak na si Pedro bilang
regent. Noong 1822, ipinahayag na emperador si Prinsipe Pedro at nang sumunod na
taon, nagpahayag sa Prinsipe Pedro ng saligang-batas na siyang uugit sa pamamahala
ng Brazil.
40
Nasyonalismo sa Japan. Noong ika-8 siglo ipinagbawal sa batas ng Hapon ang
pagdadala ng espada ng mga lalaki. Ang mga pinahihintulutan lamang ay ang mga
Samurai (two-sword men). Sa katunayan, ang Hapon ay isang bansang piyudal, ang
mga samurai ay sumumpang maglingkod sa kanilang panginoon. Ang mga kawal at
mga panginoon ay itinataguyod ng matiyagang mga alipin at manggagawa at mayroon
silang kapangyarihan sa buhay ng mga ito.
Ang Bushido o alituntunin ng mga samurai ay isang kodigo ng karangalan na
naglalagay sa mga kawal sa mataas na kalagayan kaysa sa mga mangangalakal at
dalubhasa. Sila ay magalang sa mga aristokratikong babae bagamat itinuturing nilang
higit na mababa ang babae sa lalaki. Binibigyang diin din ang katapangan at katapatan
sa pinuno kaysa ibang katangian. Kung madungisan ang kanilang karangalan sila ay
inaasahang magpapakamatay. Ito ay naisasagawa sa pagtatarak ng punyal sa kanilang
tiyan at pinaiikot ayon sa dapat sunding ritwal, ang Hara-kiri. Ang tradisyong ito ng
Bushido ay sinusunod hanggang sa ngayon.
Mula pa noong 1200 hanggang 1866, ang mikado ng Hapon ay emperador
lamang ang turing. Ang diktador na militar na tinawag na shogun ang naging tunay na
makapangyarihan. Ang unang shogun ay isang makapangyarihang daimyo at ang
panglulupig sa ibang daimyo ang nag-udyok sa emperador upang humirang ng
shogun. Kahit na pinapayagan ng mga shogun na magkaroon ng kaunting ka-
pangyarihan ang kanilang emperador, ginaganyak din nila ang mga tao na sambahin
ang tau-tauhang emperador, dahil ito ang simbolo ng bansa at may kapangyarihan sa
tao.
Noong 1549, ang Katoliko Romanong misyonero na si St. Francis Xavier, ay
malugod na tinanggap ng mga Hapones. Maraming Hapones ang nahikayat sa
Kristiyanismo. Pagkatapos ng 1616, lahat ng ito ay nagbago. Ang mga Kristiyano ay
pinagbintangang nakikialam sa pamamalakad ng pamahalaan upang mahati ang mga
Hapones. Maraming Kristiyanong Hapones ang ipinapatay at ang Kristiyanismo ay
halos mawala sa Hapon. Ang mga Kristiyano ay pinagbawalang lumabas ng bansa at
ang mga dayuhan ay hindi pinapasok. Sa mga makabayang Hapones, lahat ng mga
taga-kanluran ay mga barbaro. Natatakot silang masira ng Kristiyanismo ang Shinto.
41
Isang araw noong 1853, ang bapor ng Estados Unidos na pinamumunuan ni Com-
modore Perry ay dumating sa Tokyo. Inutos ni Perry na alamin kung nais ng mga
Hapones na makipagkalakalan ngunit ang shogun ay tumanggi. Noong sumunod na taon
ay naipakita ni Perry ang kabutihan ng pakikipagkalakalan sa mga taga-Kanluran.
Nagdala siya ng mga baril, teleskopyo, makina sa pananahi at isang modelong riles. Ang
ibang bansa ay sumunod sa ginawa ng mga Amerikano at nakipagkasundong
makipagkalakalan sa mga Hapon.
Ang mga mangangalakal na Hapon ay lubhang umunlad. Sila ay naghanap ng
mga bagong mamimili, isang palatandaan ng malaking pagbabagong nagaganap sa
Hapon noong 1850. Ang Shinto ay nabuhay na muli, at ang pagbabalik ng pambansang
relihiyong ito ay nagganyak sa mga taong nais ibagsak ang mga shogun at ibalik ang
kapangyarihan ng emperador. Noong 1868, isang himagsikan ang naganap laban sa
mga shogun, sa pamumuno ng ilang panginoon at ng kanilang samurai. Muli ay naibalik
ang emperador sa kanyang kapangyarihan. Sa taong 1914, ang Hapon ay naging isang
makapangyarihang bansa sa daigdig. Bagamat, nagwakas ang piyudalismo at pang—
aalipin, ang pag-uugaling piyudal ay nanatili pa rin. Sa maraming siglo, nahubog ang
isipan ng mga Hapones na sundin ang may kapangyarihan - sa pamilya, sa angkan, sa
bansa, sa mayayaman at sa militar, at isaisantabi ang pansariling kapakanan. Ang
Shinto ang naging relihiyon ng estado. Ang sistemang paaralang publiko ay naitatag, at
noong 1868 ay binigyang diin ang paggalang at paglilingkod sa emperador.
Ang pagkakaroon ng isang makapangyarihang hukbo at hukbong-dagat ay
nakapagbigay kasiyahan sa mga ninuno ng mga samurai at daimyo. Maraming
Hapones ang napaniwala na sila ay maghihirap kung mawawala at pababayaan ang
kanilang malakas na hukbo at hukbong-dagat kaya't hindi sila nag-aatubiling gamitin
ang kanilang lakas upang magsimula ng digmaan. Sa pagitan ng una at pangalawang
Digmaang Pandaigdig, nagkaroon ng pananaw ang mga Hapones na sila ang nararapat
sumakop sa kalakhang Asya upang magtaguyod ng kaunlarang pang-ekonomiya sa
buong kontenente ng Asya.
42
Nasyonalismo sa India. Ang malaking bahagi ng kaunlarang panlipunan at
pangkabuhayan ng India ay utang nito sa Ingles. Sa kabila nito ay hindi rin nasiyahan
ang mga tao sa pagkakatali sa ibang bansa. Ikinalungkot nila ang pagkawala ng
kanilang kalayaan at ang pagpapalagay ng mga Europeo na ang mga Hindu ay isang
mababang uri ng lahi. Ang mga Hindung nagtapos ng pag-aaral sa mga unibersidad sa
Inglatera ay hindi makakuha ng trabaho. Ang lahat ng mga pangunahing klaseng klub,
tren, at otel ay hindi maaaring gamitin ng mga Hindu. Nadama ng mga Hindu ang
unang pagsilang ng damdaming makabayan noong kapaskuhan ng taong 1885 nang
itatag ang Pambansang Kongreso sa Calcuta, India ni Allan Octabian Hume, isang
nagretirong empleyado. Ang organisasyong ito ang siyang nanguna sa kampanya sa
pagkakapantay-pantay sa pulitika.
Subalit may iba pang suliraning kinakaharap ang bansa. Noong 1906, ang mga
pinuno ng mga Muslim na natakot sa katanyagan ng Indian National Congress na
hawak ng mga Hindu ay nagtatag ng Liga ng mga Muslim upang pangalagaan ang mga
kapakanan ng mga Muslim. Upang matigil ang pag-aalitan, ipinalabas ng Inglatera ang
repormang Morly-Minto noong 1909 na nagdagdag ng representasyon ng mga taga-
India sa Viceroy Legislative Council at sa panlalawigang Asembliya. Pansamantalang
nahinto ang kilusan sa pagkamakabayan noong Unang Digmaang Pandaigdig (1914-
1918). Tumulong nang lubusan ang India upang maipakita ang pagkamatapat nito sa
Inang-bayang Inglatera.
Pagkatapos ng digmaan, ipinagpatuloy ng Inglatera ang mahigpit at di
makatarungang pamamahala sa India. Inaasahan ng mga pinuno ng India na magiging
mabuti na ang kanilang kalagayan dahil sa pagtulong noong digmaan ngunit sila’y
nabigo. Ang kilusang makabayan ay muling sumiklab, at hiningi sa mga Ingles ang
kalayaan. Ito ay pinamunuan ni Mohandas Gandhi na nakilala sa kanyang Non-violent
Resistance Movement.
Sa pamumuno ni Gandhi, nagkaroon ng mga demonstrasyon sa mga lungsod at
ang buong bansa ay masiglang nagpulong upang mapag-usapan kung paano sila
makalalaya. Noong Abril 13, 1919 sa Amritsar, capital ng Punjab, ipinabaril ni Heneral
Due ang pulutong ng mga lalaki, babae at batang tahimik na nagpupulong. Maraming
napatay, at nasugatan. Ito ang lalong nagpasiklab ng damdaming makabayan sa
43
kalakhang India.
Ang katanyagan ni Gandhi ay nakatawag ng pansin sa mga batang makabayan.
Isa sa mga ito’y si Jawaharlal Nehru 91889-1964) ang anak ng kaibigang matalik ni
Gandhi, si Pandit Meilal Nehru. Naghirap sila sa pagsulong ng kalayaan ng India. Si
Gandhi at iba pang mga pinuno ay tumutol sa pagsali ng India sa digmaan, ngunit
ginamit din ng Inglatera ang mina, salapi at tao ng India sa pakikipaglaban.
Pagkatapos ng digmaan, natalo ni Clement Atlee ng Partidong Manggagawa ang
Pamahalaang Konserbatibo ni Winston Churchill sa Inglatera. Sang-ayon si Clement
Atlee sa pagbibigay ng kalayaan sa India ngunit nais ng mga Muslim na magkaroon ng
sariling bansa. Pagkatapos ng pagpapalitan ng kuro-kuro, naipasya ni Atlee na hatiin
ang bansa sa Hindu Indian at Muslim Pakistan. Ipinagdiriwang noong Agosto 15, 1947
ang kalayaan ng India at Pakistan sa New Delhi at Karachi.
Pagkatatag ng kalayaan, nagkaroon ng kaguluhan sa pagpapalitan ng mga
Muslim at Hindi sa India at Pakistan. Naglakbay at nagkolasyon si Gandhi upang matigil
ang kaguluhan ngunit noong siya ay nagdarasal sa Birla Mansion, binaril siya ng isang
panatikong Hindu, si Mathuran Vinayak Goose.
Noong Enero 26, 1950, ika-20 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng India,
itinatag ang Republika ng India. Ang pangulo ng India ang isang panseremonyang puno
lamang, ang tunay na tagapamahala ng bansa ay isang punong ministro. Ang unang
pangulo ng India ay si Dr. Rajenda Prasad. Ang ikalawa’y si Dr. Zakir Huain na naihalal
noong 1967, isang Muslim.
Sa kasalukuyan, pinagsisikapan ng bansa na lunasan ang mga suliraning tulad
ng kagutuman, pagdami ng tao, kamangmangan, pagpili ng wikang opisyal at ang
tunggalian sa pag-aaral ng Kashmir. Ang India ay kaibigan ng lahat ng bansa maliban
sa Pakistan dahil sa usapan sa Kashmir, at ang kalakhang Tsina dahil sa Rehiyong
Ladakh na pinagsimulan ng di pagkakaunawaan ng dalawang bansa.
Nasyonalismo sa Pakistan. Nagnais din ang Pakistan na makalaya sa
pamahalaang Ingles. Sa pamumuno ni Aga Khan itinatag ang Muslim League noong
1906, at ito ay nagpalaganap ng damdaming makabayan sa mga Muslim. Ang
makabayang si Muhammad Ali Jinnah ang naging pinuno ng kilusan sa kalayaan ng
44
Pakistan nang siya’y mahalal na Presidente ng Muslim League noong 1916. Noong
1940, itinaguyod niya ang hiwalay na malayang estado para sa mga Muslim ng India.
Noong ika-15 ng Agosto, 1947, ipinagdiwang ng Pakistan ang kanyang kalayaan
sa Karachi. Ang Pakistan ay isang malayang Dominyon ng British Commonwealth of
Nations. Ang pamahalaan ay pinamunuan ng gobernador heneral na kumakatawan sa
korona ng Britanya. Ang kauna-unahang gobernador heneral ay si Muhammad Ali
Jinnah. Namatay siya noong Setyembre 11, 1948 kaya hindi niya nakita ang pagiging
republika ng Pakistan na itinatag noong Marso 23, 1956 at ang Saligang-Batas na
pinagtibay noong Pebrero 27, 1956.
Si Gobernador Heneral Iskander Mirzan ay nagsilbing pangulo ng Pakistan mula
1956-1958. Ang mga pandaraya sa pamahalaan at ang takot sa rebolusyon ang
nagbunsod sa kanya na ipasailalim ang bansa sa batas militar. Nagbitiw siya sa
tungkulin noong Oktubre 27, 1958. Humalili sa kanya si Heneral Muhammad Ayub
Khan. Bilang diktador, itinigil ni Ayub Khan ang katiwalian sa gobyerno, winasak ang
sistema sa lupaing piyudal, pinagyaman ang sistema ng edukasyon at ibinalik ang
pagtitiwala ng tao sa pamahalaan. Noong Pebrero 17, 1960, siya ang kauna-unahang
halal na pangulo ng Pakistan.
Binago ni Ayub Khan ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng higit
na kalayaan pampulitika sa mga nayon. Naniniwala siya sa basic democracy. Ayon sa
kanya, ang katatagan ng mga nayon. Ito’y isang pilosopiya na ipinagaganap ng bagong
Saligang-Batas ng Pakistan na pinagtibay noong Marso 1, 1962. Pinanumbalik ng
bagong Saligang-Batas ang demokrasya sa Pakistan. Islam ang pananampalataya ng
estado subalit may kalayaan sa relihiyon ang mga tao. Itinaguyod ng pamahalaan ang
pagkakapantay-pantay, kalayaan sa pagsasalita at pananampalataya, walang bayad at
sapilitang pag-aaral, at pagbibigay ng mga lupain sa mga mahihirap.
Sa kasalukuyan, ginagawa ng mga pinuno ng Pakistan ang maraming
pagbabago upang malunasan ang pagdami ng tao, kamangmangan, karukhaan at ang
suliranin sa Kashmir. Ngayon ang Pakistan ay may pakikipag-ugnayan sa lahat ng
bansa bilang kasapi ng United Nations, British Commonwealth of Nations, at Colombo
Plan. Ang silangang bahagi ng bansa ay humiwalay noong 1971 at naging Bangladesh.
45
Napailalim lamang sa isang pinunong sibilyan ang Pakistan noong 1990 nang
maluklok sa kapangyarihan si Benazir Bhutto sa bisa ng puwersa ng mga mamamayan.
Si Benazir Bhutto ay anak na babae ni Zulfikar Ali Bhutto, isang dating pinunong
ministro ng Pakistan. Sa kasawiang palad, si Benazir Bhutto ay namuno lamang sa
loob ng 20 buwan. Noong ika 15- ng Agosto, 1991, siya ay biglang inalis sa tungkulin
dahilan sa sinasabing maraming katiwalian at nepotismo sa kanyang pamahalaan.
Isang constitutional coup ang nangyari kay Benazir at paglabag sa Saligang-Batas.
Ang pumalit bilang pinunong ministro ay si Pangulong Gulam Ishaq Khan.
Ibinalik niyang muli ang mga institusyong military. Ipinalalagay na ang pagkakaalis kay
Benizir ay pakana ng pangulo, militar, at ng oposisyon.
Nasyonalismo sa Malaysia. Ang mga Portuges ang kauna-unahang taga-
Europa na yumapak sa Malaysia. Sila ay nakipagkalakalan sa mga Malay sa loob ng
130 taon. Hindi naibigan ng mga Olandes na noo’y may himpilang pangkalakalan sa
Indonesia ang pananatili ng mga Portuges sa Malaya kayat noong ika-14 ng Enero
1641, sinakop nila ang Malacca at ito ang naging himpilan ng kalakalan ng mga
Olandes. Habang sila ay nagpapayaman sa Malacca, natuklasan din ng mga Ingles ang
mina sa pakikipagkalakalan sa Malacca at noong 1786, sinakop ni Francis Light ang
pulo ng Penang na may pagpapala ng Sultan ng Kedah. Ang Malaysia ay nagpasailalim
nang ganap sa mga Ingles noong panahon ni Stanford Raffles na noo’y gobernador ng
Indonesia. Sa ilalim ng pamumuno ng mga Ingles, ang Malaysia ay umunlad.
Samantalang ang pakikipagkaibigan at pakikiisa ng mga Hapon ay nagbigay sa
kanilang matataas na tungkulin sa pamahalaan, ang karanasang pampulitika ay
ipinagkait ng mga Ingles sa mga Malay. Ang mga Indian sa Malaysia ay
pinakitunguhang tulad ng mga Malay; ang mga Intsik lalo na ang mga tagasunod ni
Chiang Kai Shek ay pinarusahan at pinagpapatay. Noong panahon ng Hapa, nag-alsa
laban sa pamamahala ng Hapon ang mga Instik at Hindu sa ilalim ng Malayan People
Anti-Japanese Army na itinatag ni Chen Peng. Nakamit nila ang kalayaan noong
Setyembre 1945. Itinuturing silang tunay na mamamayan ng Malaysia at hindi mga
Intsik o mga Hindu.
46
Nakapagtayo ang mga Ingles sa Malaysia ng British North Borneo Company
hanggang 1946, at noong noong ika-1 ng Pebrero 1948 ay pinasinayaan ang
Pederasyon ng Malaysia noong Hunyo, 1948 ay nagkaroon din ng pag-aalsa ang mga
pinamumunuan ni Chen Peng at namahala ito sa bansa sa loob ng siyam na taon
hanggang noong 1957. Habang sila ay nakikipaglaban sa mga komunista, nagkaroon
sila ng inspirasyon na maghangad ng kalayaan dahil sa paglaya ng Pilipinas, ng Burma
at ng Indonesia. Pinamumunuan ni Tunko Abdul Rahman ang Malaysia at siya ay
tinawag na Yang di-Pertuan Agong (Permanent Ruler). Isang pamahalaang
Parlyamentaryo ang itinatag niya at noong ika 16-ng Setyembre 1963, pinasinayan ang
Pederasyon ng Malaysia at si Abdul Rahman ang naging kauna-unahang Punong
Ministro.
Nasyonalismo sa Sri Lanka. Noong 1656, napasailalim ng kapangyarihan ng
mga Olandes ang Sri Lanka, dating Ceylon mula sa kamay ng Portuges. Noong ika-18
siglo, ang Dutch East India Company, ay nawalan ng interes sa Ceylon at noong 1796,
ay isinuko ito sa mga Ingles. Sa loob ng isang siglo at kalahati (1796-1974) ang Ceylon
ay nasa kapangyarihan ng Ingles.
Sa simula, and English East India Company ang namuno sa bansa, subalit ang
mga pinuno ay umabuso kaya’t naghimagsik ang mga Ceylonese. Sa kabila nito ay
pinaunlad ng mga Ingles ang mga daan at riles, pinaunlad ang pagsasaka, at ang mga
paaralan ay binuksan at ginamit and wikang Ingles sa pagtuturo. Natutuhan ng mga
Ceylonese ang mga kaisipan ng mga kanluranin tungkol sa demokrasya.
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sinimulan ni Stephen
Senanayake ang kampanya para sa kalayaan. Ang mga Sinhalese at Tamil na
magkaiba sa pananampalataya ay tumulong sa ikabubuti ng bansa. Noong Pebrero 4,
1948 naging malaya na ang bansang Ceylon. Nagkaroon ng malaking kasiyahan at
seremonya sa Colombo. Si Stephen Senanayake, kinilalang Ama ng Kalayaan ng
Ceylon, ang naging unang Punong Ministro ng Ceylon.
Malaya man ang Ceylon ay namagitan pa rin ang hindi pagkakaunawaan ng mga
Sinhalese na Buddhist at mga Hindung Tamil. Ang sigalot ay hindi nalutas ni S.W.E.R.
Bandaranaike, pinuno ng Sri Lanka Freedom Party.
47
Noong Setyembre 25, 1959 si Bandaranaike ay pinatay ng isang baliw na pareng
Buddhist. Nagkaroon muli ng halalan at ang balo niyang si Madam Sirimayo
Bandaranaike ang nagwagi. Siya ang kauna-unahang babae na naging punong ministro
ng isang bansa sa kasaysayan ng daigdig.
Sa panahon niya bilang Punong Ministro, inilipat ni S. Bandaranaike sa kamay
ng mga Ceylonese and pangangasiwa sa mga industriya. Inalis niya sa kapangyarihan
ng mga dayuhan ang pag-aari ng kumpanya ng langis. Ginawa niyang pambansang
wika ang Sinhalese. Nagalit dito ang mga Tamil at siya ay natalo noong halalan ng
1965. Tulad ng isang bagong maunlad na bansa, marami ang suliranin ng Ceylon.
Gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang malutas, mabigyan ng sapat na
pagkain ang lumalaking populasyon. Marami sa mga tao ang walang hanapbuhay. Ang
huling suliranin ay ang humigit kumulang na 1,000,000 Tamil sa Ceylon na biktima ng
pang-aapi at kahirapan.
Nasyonalismo sa Burma (Myanmar). Ang Burma ay tinatawag sa ngayon na
Myanmar at isa sa pinakamalaking bansa sa Asya. Ito ay napasailalim ng impluwensiya
ng Tsina bago sinakop ng mga Ingles noong 1880. Ikinatuwa ng mga Burmese ang
pagkakasangkot ng Inglatera sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pinabayaan nilang
mag-isang lumaban sa Hapon ang mga pinunong Ingles hanggang sa sila ay matalo.
Tumulong si Aung San at ang kanyang mga gerilya sa pagsakop sa Hapon noong
Marso 8, 1942. Kinilala ng Hapon ang kalayaan ng Burma noong Agosto 1942 at
nagtatag ng pamahalaang pinamunuan ni Bamaw ngunit naging malupit ang mga
Hapon.
Nabatid ni Aung San na hindi tunay na mapagpalaya ang mga Hapon, kaya
tinatag ang AFPEL o Anti-Facists People’s Freedom League na binubuo ng
makabagong mamamayan at mga komunista. Sa pagbabalik ng mga sundalong British
noong 1945 tinulungan nila si Aung San at ng kanyang mga gerilya upang mapalaya
ang Burma sa mga Hapon.
Malaking kapinsalaan ang naidulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa
Burma. Ang pagkasira ng Burma sa digmaan ay tinumbasan ng kalayaan ng mga
Hapon at hindi na kailanman tinanggap ng mga Burmesa ang pamumuno ng Inglatera.
48
Ang digmaan din ay nagbigay sa mahihirap na Burmese ng pagkakataong makuha muli
ang mga lupain nila sa mga Hindu.
Noong Pebrero 1946 naganap ang mahabang pakikipag-ugnayan ng
pamahalaang British at ni Aung San para sa kalayaan ng Burma. Habang
nakikipagtalastasan ang mga pinuno ng dalawang pangkat, at mga komunista ay
nanggulo upang makamit ang kalayaan. Ang Red Flags na pinamumunuan ni Than
Thun.
Noong Enero, 1947 isang kasunduan ang nilagdaan sa London na naghanda sa
kalayaan ng Burma at bumuo ng Saligang-Batas ng Burma. Ngunit noong Hulyo 1947
namatay si Aung San at ipinagpatuloy ni U Nu ang gawain ni Aung San na dati ay
matapat niyang kaibigan. Noong Setyembre 24, 1947 naitatag ang Saligang-Batas at
noong Enero 4, 1948 ang Republika ng Nagkakaisang Burma ay ipinagdiwang na si U
Nu ang Primyer. Ngayon, pagkatapos ng 63 taong pamamahala ng Ingles, ang Burma
ay naging isa nang bansang malaya at naging isang masigasig na kasapi ng UN Bilang
pagkilala sa mga paglilingkod niya sa kapayapaang pandaigdig, ang kanyang punong
delegado na si U Thant ay nahalal na Secretary General”ng UN.
Noong 1962, naging magulo muli sa Burma. Nang masalin kay Ne Win ang
pamamahala, nagtatag siya ng gobyernong sosyalista at hindi siya tumanggap ng
tulong sa mga dayuhang bansa.
Nasyonalismo sa Indo-Tsina. Ang Indo-Tsina ay binubuo ng apat na dating
malalayang bansa tulad ng Cambodia, Laos, Hilagang Vietnam at Timog Vietnam na
ngayon ay pinag-isa na sa pamamahala ni Ho Chi Minh. Ang mga Indo-Chinese ay
mapagmahal sa kalayaan lalo na ang mga Vietnamese. Matagal ding nasakop ng Pransya ang mga bansa sa Indo-Tsina. Ang
makabagong Vietnamese ay nagkaroon ng kalayaan. Noong Agosto 1945, sa pagsuko
ng mga Hapon sa Allied Powers, itinatag ni Ho Chi Minh ang Democratic Republic of
Vietnam sa kabundukan ng Tonkin na siya ang pangulo. Tinangkilik siya sa Vietnam
dahil siya ay sagisag ng kalayaan . Umalis si Emperador Bao Dao sa kanyang
panunungkulan at sumama kay Ho Chi Minh. Sa takot ng mga hari ng Cambodia at
49
Laos sa muling pagsalakay ng mga Pranses, tinanggap nila ang pansamantalang
kalayaan.
Nasyonalismo sa Demokratikong Republika ng Vietnam. Ang mga
Vietnamese ay nakipagtunggali na sa loob ng isang libong taon at handa pa siyang
lumaban muli kung kinakailangan. Iyan ang sinabi ng mga Vietnamese na nagmamahal
sa bayan. Noong Marso 6, 1946, natapos ang mahabang pakikipag-ugnayan. Lumagda si
Ho Chi Minh at ang mga pununong Pranses sa isang kasunduan na kinilala ng Pransya
ang Demokratikong Republika ng Vietnam na isang bansang malaya sa loob ng French
Union. Ngunit ang kasunduang nilagdaan ay sadyang balak ng Pransyang nawalang
tunay na intensyong magkaloob ng kalayaan sa Vietnam.
Noong Nobyembre 23, 1946, sinalakay ng mga Pranses ang Haiphong sa Tonkin
at maraming sibilyan ang namatay. Gumanti ang mga Vietnamese at sinalakay ang
garrison ng Pransya sa Hanoi. Ang dalawang pangyayaring naganap ang naging simula
ng digmaan para sa kalayaan ng Vietnam, na tinawag na Digmaang Indo-Tsina. Ang
mga sundalong Vietnamese na sinanay ng Kalakhang Tsina at Rusya ay hindi nagapi
ng Pranses.
Noong Mayo 7, 1954, ang Dien Bien Phu, pinakamalakas na kuta ng Pransya sa
Hilagang Vietnam, ay sumuko kay Heneral Vo Nguyen Giap at nagwakas ang
kapangyarihang Pranses sa Asya. Ang pagbaksak ng Dien Bien Phu ay nakapukaw sa
isang pandaigdigang pulong na ginanap sa Geneva. Dito ay tinalakay ang suliranin ng
Indo-Tsina. Matapos ang mahabang talakayan, na tumagal mula Abril 26 hanggang
Hulyo 21, 1954, ang pulong sa Geneva ay nagtakda ng sumusunod na mga kasunduan:
1. Lahat ng kaguluhan sa Vietnam ay ititigil.
2. Kikilalanin ng Pransya ang kalayaan ng Vietnam.
3. Lahat ng sundalong banyaga ay paaalisin sa Cambodia at ang mga gerilya
ay isasama sa pambansang sandatahang lakas.
4. Lahat ng kawal na buhat sa ibang bansa ay paaalisin sa Laos at ang mga
gerilya ay ililipat sa dalawang lalawigan ng Sam Nua at Saly.
50
Sa mga kasunduang pinagtibay ng Geneva noong 1954, hinati ang Vietnam sa
dalawang bahagi: ang Timog Vietnam sa ilalim ng maka-Kanluraning Vietnamese at
ang Hilagang Vietnam na napailalim ng komunistang pinamumunuan ni Ho Chi Minh.
Ang paghahati ng Vietnam ay nagsilbing daan sa isa na namang digmaan – ang
digmaang sibil ng Hilaga at Timog Vietnam na nagsimula noong 1956 at nagwakas
noong 1975. Nagtagumpay ang mga komunista at pinag-isa ang Hilaga at Timog
Vietnam. Ang Saigon ay tinatawag ngayong Ho Chi Minh City. Sinikap palawakin ng
mga Vietnamese ang kanilang teritoryo sa pamamagitan ng pagsalakay sa Cambodia
upang patunayan na sila ay isa sa mga pinakamahusay na namumuno sa Timog
Silangang Asya. Subalit hindi naging ganap ang katuparan ng kanilang pangarap dahil
ang mga tagasunod ng pininong Pol Pot sa Cambodia sa tawag na Khmer Rouge, ay
patuloy na lumalaban sa mga Vietnamese sa pamamagitan ng samahang gerilya sa
lahat ng sulok ng bansang Cambodia.
Nasyonalismo sa Indonesia. Ang Indonesia na binubuo ng malalaking isla ng
Sumatra, Java, Sulawesi at iba pa. Higit na mahalaga sa mga Olandes ang Indonesia
kaysa ang India sa mga Ingles. Ang pagsakop ng mga Hapon sa Indonesia noong
1942 ay nakasira sa karangalan ng mga Olandes at pumukaw sa damdaming
makabayan ng mga Indones. Nang sina Achmed Sukarno, Hatta at iba pang pinuno ng
Indonesia ay pinalaya ng mga Hapon sa bilangguan, sila’y nakipagsabwatan sa mga ito
upang matamo nila ang kalayaan mula sa mga Olandes.
Noong Agosto 17, 1945, ipinahayag ni Sukarno ang kalayaan ng Indonesia sa
Batavia. Malakas at masiglang sigaw na Merdeka ang narinig sa buong bansa. Naitatag
ang Republika sa pangunguna ni Sukarno. Di naglaon dumating muli ang mga Olandes
at sinakop muli ang bansa. Matapos ang mahabang labanan ang pamahalaan ng
Netherlands at mga pinuno ng Indonesia ay lumagda sa Linggadjati Agreement noong
Marso 25, 1947.
Ang kasunduang ito ay kumilala sa Republika ng Indonesia na binubuo ng Java,
Mandura, at Sumatra. Ipinanukala ang pagtatag ng pambansang pederal na tatawaging
United States of Indonesia na bubuuin sana ng Republika ng Indonesia, Borneo at iba
51
pang pulo sa pamamahala ng mga Indones at ang pagbubuo ng Netherlands-Indonesia
Union sa ilalim naman ng pamamahala ng mga Olandres.
Ang kasunduang Linggadjati ay di nagtagumpay sa paglutas ng kaguluhan. Sa
pagitan ng Indonesia at Olandes. Noong Hulyo 19, 1947 ipinagpatuloy ng mga
Olandres ang labanan. Ang makabayang Indonesian ay lubusang nakipaglaban. Sa
pamamagitan ng UN o mga bansang nagkakaisa, ang labanan ay natigil. Ang
ikalawang kasunduan, ang Renville Agreement, ay naganap noong Enero 18, 1948.
Muling sinalakay ng mga Olandes ang mga Indones noong Disyembre 19, 1948.
Nabihag nila si Sukarno. Namagitan ang UN upang himukin ang mga pinunong Olandes
na palayain si Sukarno. Noong Nobyembre 2, 1949, matapos ang sampung buwang
pakikipag-ugnayan sa Hague ng Estados Unidos ang Indonesia ay naitatag. Ito ang
republikang pederal na binubuo ngayon ng 16 na estado. Noong Disyembre 27, 1949,
kinilala ng Netherlands ang kalayaan ng Indonesia.
Nasyonalismo sa Pilipinas. Sa huling bahagi ng ika-19 siglo, ang kalagayang
sosyal, pulitikal at pangkabuhayan ng Pilipinas sa ilalaim ng mga Espanyol sa loob ng
mahigit na 300 taon ay labis na nakabahala sa mga Pilipino. Ang mga kilusang
propaganda at ang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ang kamatayan
ng tatlong paring martir na sina Padre Gomez, Burgos at Zamora, at ang pagbaril kay
Rizal sa Luneta, ay pawang nakagising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino.
Ang paghahangad sa mapayapang pagbabago ay nabigo at sa ilalim ng pamumuno ni
Andres Bonifacio, nagtatag ng katipunan, ang rebolusyon ay inilunsad. Ang
Republikang itinatag ni Heneral Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898 ay naging
panandalian lamang dahil sa pagsiklab ng digmaang Pilipino-Amerikano. Ang
magigiting na Pilipino ay nasakop ng mga Amerikano at ang Pilipinas ay napasakamay
ng Amerikano dahil sa naganap na Kasunduan sa Paris noong Disyembre 10, 1898. sa
pagitan ng Espanya at Amerika. Ang pamamahala ng mga Amerikano ay panahon ng
reporma sa edukasyon, kalusugan, at pangkabuhayan.
Noong 1907, inihalal ang mga kinatawan ng Unang Asembliya Nasyonal. Sa
Batas Jones 1916, ang batasan ay napasakamay ng mga Pilipino. Ang walang humpay
na pagsisikap nina Quezon, Osmeña at Roxas upang ang Pilipinas ay lumaya ay
52
nakamtan nang itakda ng Batas Tydings-McDuffie ang kalayaan ng Pilipinas
pagkatapos ng 10 taong transisyon sa Pamahalaang Komonwelt. Ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig ay naglagay sa bansa sa kamay ng mga Hapones sa loob ng
apat na taon. Pagkatapos ng digmaan ang kalayaan ng Pilipinas ay nakamtan noong
Hulyo 4, 1946 sa ilalim ni Pangulong Manuel Roxas.
Mula kay Pangulong Manuel Roxas ay naging pangulo ng bansa sina Sergio
Osmeña na pumalit kay Manuel Quezon sa Pamahalaang Komonwelt, at kasabay na
umiral din ang pamahalaang papet ng mga Hapon sa pamumuno ni Jose Laurel. Nang
biglaang namatay si Manuel Roxas ay humalili si Elpidio Quirino. Sumunod naman ang
tanyag na idolo ng masa na si Ramon Magsaysay, subalit namatay sa isang aksidente
sa eroplano at pinalitan ni Carlos Garcia. Matapos ang administrasyon ni Garcia ay
sumunod si Diosdado Macapagal.
Pumalit kay Macapagal si Pangulong Ferdinand Marcos, ang tinuturing na
pinakamatagal sa posisyon at nagsulong ng maraming programang pangkabuhayan,
pampulitika at higit sa lahat, ang naglagay sa bansa sa ilalaim ng Batas Militar noong
1972. ang panahong ito ang muling humamon sa diwa ng nasyonalismo ng mga Pilipino
na umabot sa EDSA Peoples Power Revolution noong 1986, kung kailan napaalis sa
halos 20 taong panunungkulan si Marcos. Pumalit sa kanya si Corazon Cojuangco
Aquino, ang maybahay ng pinaslang na lider ng oposisyon na si Senador Benigno
Aquino Jr. noong 1983 sa Manila International Airport.
Ang diwa ng EDSA ang nagbalik ng demokrasya at muling gumising sa
nasyonalismo ng maraming Pilipino. Matapos ang termino ni Corazon Aquino ay
sumunod si Fidel Ramos at makalipas ang anim na taon ay mapayapang naisalin ang
kapangyarihan kay Joseph Ejercito Estrada. Ngunit sa kabila ng kasikatan ni
Pangulong Estrada ay hindi niya natapos ang kanyang termino dahil sa isyu ng plunder
o pangungurakot ng yaman ng pamahalaan. Sa isa na namang Peoples Power sa
EDSA noong 2000, napaalis sa puwesto si Pangulong Estrada at napalitan ni Gloria
Macapagal Arroyo bilng pangulo ng Pilipinas.
Sa kasalukuyan ay sinisikap ng mga Pilipino na maiangat ang kabuhayan nito sa
kabila ng maraming suliranin tulad ng malaking populasyon at kawalan ng hanapbuhay.
Hangad din ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng epektibong pamamahala sa bayan.
53
Nasyonalismo sa Aprika. Magtatapos na ang ika-18 siglo ay wala pang
gaanong nalalaman tungkol sa Aprika na dati'y tinatawag na madilim na kontinente.
Nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig nagsimulang linangin ng mga
mananakop ang kanilang mga kolonya upang magkaroon ng matatag na kabuhayan.
Bago pa lamang nagsimula ang panahon ng pananakop ay nakuha na ng Pransya ang
Algeria. Matapos ang taong 1874, ang Pransya at Italya ay sabay na naghangad sa
katabing lupain ng Tunis. Nagmadali ang Italya at marami ang lumipat ng tirahan sa
Tunis, kaya't sa katapusan higit ng malakas ang Pransya kaysa sa bago pa lamang
nagkakaisang Italya, at ang Tunis ay napasama sa Imperyo ng Pransya.
Upang maghilom ang sugat ng pagkatalo ay kinuha naman ng Italya ang paligid
ng Tripoli. Pinag-awayan rin ng Pransya at Alemanya ang Morocco at muntik nang
humantong sa isang digmaan. Ang kolonyang ito ay hindi lubhang mayaman sa mga
mina. Ang Algeria lamang ang mahalagang pinanggagalingan ng phosphate na gamit
bilang pataba ng lupa. Marami rin sa mga Pranses ang naninirahan sa mga lupaing ito
at ang mga katutubo ay natuto ng mga kaugalian ng mga taga-Europa kaya naging
magandang pamilihan ito ng mga produktong galing sa Pransya.
Samantala, ang Britanya ay may mahalagang dahilan sa pagnanais nitong
masakop ang Ehipto. May malawak na taniman ng bulak dito at kilala ang bulak sa
Ehipto sa mahaba at malasedang sutla nito. Pangalawa ay ang Suez Canal, na
nagpatipid ng 4,000 milyang paglalakbay patungong India. Nagsimulang masakop ito
nang ang hari ng Ehipto ay nangailangan ng malaking halaga upang mapabuti ang
pagkakayari ng Suez Canal. Ngunit ang malaking bahagi ng salaping ito ay ginamit
lamang ng hari sa sariling kapritso. Upang makabayad sa mga hiniram na salapi ay
napilitang ipagbili ng Ehipto ang karapatan sa Suez Canal sa Britanya. Noong 1882 ay
nagkaroon ng kaguluhan laban sa mga Ingles at Pranses. Napilitang magpadala ng
hukbo ang dalawang bansa upang mapangalagaan ang kanilang mga mamamayan.
Nang magkaroon ng katahimikan, ang mga tagapayong Ingles ay nagmungkahi na
ipaubaya ang kanilang pamahalaan sa kanilang pinagkakautangan.
Hindi napilit ng Britanya ang mga katutubo na gamitin ang wikang Ingles. Hindi
rin nila napalitan sapagkat ang bansang Ehipto ay may makasaysayang tradisyon at
kabihasnang ipinagmamalaki. Ngunit naging matagumpay na rin ang Inglatera sa
54
pagsakop sa Ehipto. Ang kanal o daang tubig sa Suez ang nagpaikli ng daan
patungong India at tinaguriang "pag-asa ng Imperyo ng Britanya".
Ang gitnang grupo ng Aprika ay hindi gaanong kilala ng mga taga-Europa.
Marami sa mga ilog doon ay malalakas ang agos at lubhang mapanganib at ang mga
gubat ay madilim at maraming hayop na naglipana. Nagkaroon lamang ng kaalaman
dito nang marating sa Gitnang Aprika ang isang misyoneryong Ingles na si David
Livingstone. Noong 1854, ginalugad ni Livingstone ang Ilog Zambesi at siya ang unang
puti na nakamasid sa magandang talon ng Victoria, na ipinangalan niya sa Reyna ng
Inglatera. Nakita rin niya ang lawa ng Nyasa at Tanganyika. Dito na siya inabot ng
pagkamatay dahil sa sakit na karaniwan sa pook na tropikal.
Marami sa mga mangangalakal ang nakabatid sa kayamanang makukuha sa
Congo na maaaring magamit ng mga kalakal na nagmumula sa mga gubat gaya ng
ivory o garing na galing sa elepante, at goma na napipiga mula sa katas ng puno ng
goma. Sa karurukan ng pananakop, ang pagkakalat ng relihiyon, ang pambansang
ambisyon, at mga pangkabuhayang pangangailangan ang nagbunsod sa mga taga-
Europa upang pag-agawan ang Gitnang Aprika. Sa loob lamang ng tatlumpung taon,
ang mga pook na dati'y hindi kilala ng tao ay naangkin na lahat ng mga kanluraning
bansa. Ang pinakamalaking bahagi ng Congo Basin ay nakuha ng Belhika sa
pamumuno ng pinakatusong mangangalakal sa Europa, si Haring Leopoldo, hari ng
Belhika noong 1885. Ang ibang bahagi ay pinaghatian ng Pransya, Britanya, Alemanya,
Portugal at Italya.
Ang kontinente ay pinaghati-hatian at binalangkas ang ekonomiya sang-ayon sa
sarili nilang kapakanan. Sila ay nagtayo ng mga daang bakal at industriya upang
mapangalagaan ang kanilang kapangyarihan. Ang pagkakaiba-iba ng mga kultura ng
mananakop ang siyang naging dahilan ng magkakaibang pag-unlad. Bago magsimula
ang 1914 ay tatatlo lamang ang malayang bansa sa Aprika: ang Ethiopia, Liberia, at
Republika ng Timog Aprika. Ang nasyonalismo ay lumaganap pagkaraan ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Maraming bansa ang naging malaya nang walang
karahasan. May mga bansang nagdarak o dumanak ang dugo bago nakamtan ang
kalayaan tulad ng Congo (Zaire) at Algeria. Ang Rhodesia at Nyasaland ay naging
Zimbabwe at Malawi. Ang Angola, Mozambique at Guinea Bissau ay lumaya noong
55
1975.
Sa kasalukuyan, maraming proyekto ang isinasagawa upang umunlad ang mga
bansa gaya ng mga patubig, paaralan, pagawaan, reporma sa lupa, transportasyon at
komunikasyon, subalit marami pa ring suliraning nakahadlang sa lubusang pag-unlad
ng kontinente. Ang apartheid o diskriminasyon ng mga Aprikano ay isa sa mga ito.
Kailangan din ang puhunan at mga inprastraktura para sa kaunlarang pang-ekonomiya.
Halos lahat ng bansa sa Aprika ay nagtamo ng kanilang kalayaan pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Subalit maraming mga bansa ang hindi pa lubusang
handa sa naturang kalayaan. Ilan sa mga maraming suliranin ng mga bansang Aprika
ay ang sumusunod:
1. Kakulangan ng kaalaman ukol sa pagsasarili;
2. Kakulangan ng mga sinanay na tao ukol sa pamamahala ng bansa;
3. Kahirapan ng maraming tao na nabubuhay sa kahirapan at marami ang
namamatay sa sakit at gutom;
4. Mataas ang antas ng kamangmangan kayat maraming tao ang hindi
marunong sumulat at bumasa; at
5. Pagiging matapat sa tribo kayat laganap pa rin ang alitan sa pagitan ng iba’t
ibang tribo at sa pagitan ng mga tribo at ng pamahalaan.
Ang mga suliraning ito ay unti-unting nalulutas sa pagtulong na ginagawa ng
mayayamang bansa sa Europa at ng UN o Samahan ng Bansang Magkakaanib.
Darating ang pagkakataon na ang mga bansang ito ay makikilala sa mukha ng
daigdig bilang mga malalakas at mauunlad na bansa.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panuto: Isulat sa ikalawang kolumn ang mahahalagang pangyayari na
may kaugnayan sa pag-unlad ng nasyonalismo sa mga bansang dating sakop. Muli,
56
bago mo gawin ito ay pagbalik-aralan mo ang kahulugan ng nasyonalismo sa
pagsisimula ng Aralin 2. gawin mo itong gabay sa pagpili ng mga pangyayari at
bayaning may kinalaman sa pag-unlad ng nasyonalismo sa iba’t iabng bansa.
Lugar o Mga Bansa
Mahahalagang pangyayari at katangian ng bawat bansa na nagpapakita ng pag-unlad ng nasyonalismo
Latin Amerika
Hapon
India
Pakistan
Malaysia
Sri Lanka
Burma
Indo-Tsina (Vietnam)
Indonesia
Pilipinas
57
Aprika
Tandaan Mo! Sa pag-unlad ng kamalayan o diwang nasyonalismo, namulat ang
mga bansang kolonya sa Amerika, Asya at Aprika tungo sa pagsasarili at kalayaan sa mga mananakop.
Si Simon Bolivar, ang “Tagapagpalaya” ng Venezuela ay nagmartsa sa Andes, Ecuador, at Peru. Samantalang ang himagsikan sa Mexico laban sa Espanya ay sinumulan ni Miguel Hidalgo, isang paring matagal na kumikilos para sa ikauunlad ng katarungang panlipunan. Limang bansa nanman sa Gitnang Amerika: ang Guatemala, Honduras, El Salvador, Nicaragua at Costa Rica, ang nagpahayag ng kanilang kalayaan noong ika-15 ng Setyembre, 1821 sa pamumuno ni Padre Jose Simeon.
Pinamunuan ni Mohandas Gandhi ang kilusang makabayan sa pamamagitang ng kanyang nonviolent resistance na nakatulong sa paglaya ng India laban sa mga Ingles. Gumising sa diwang makabayan ng mga taga-India ang mga diskriminasyon at karahasang nararanasan sa kamay ng mga mananakop na Ingles.
Ang bansang Hapon ay nagkaroon ng ibang uri ng nasyonalismo na nakasalig sa pagsunod sa emperador sa angkan at sa bansa. Ito rin ang nagbigay daan upang manakop ng ibang bansa sa Asya ang mga Hapones.
Malaki ang naging papel ng mga pinuno ng mga bansang kolonya sa pagganyak ng mga mamamayan upang ipaglaban ang mga karapatan nila ta makamit ang kalayaan at demokrasya ng mga nakilalang pinuno sa mga bansang dating sakop ay sina Muhammad Ali Jinnah at Benazir Bhutto ng Pakistan, Stephen Senanayake at Sirimayo Bandaranaike mula sa Ceylon (Sri Lanka), Aung San at U Thant ng Burma (Myanmar), Ho Chi Minh ng Vietnam, Achmed Sukarno ng Indonesia at sina Jose Rizal, Manuel Quezon at Corazon Aquino ng Pilipinas.
Maraming bansa sa Asya ang sinakop ng iba’t ibang dayuhang kanluranin. Ang India, Sri Lanka at Pakista ay sinakop ng mga Ingles. Ang Pilipinas ay nasakop ng mga Espanyol at Amerikano, ang Vietnam, Indonesia, Laos, Cambodia at Malaysia ay nasakop ng mga Olandes. Sa ganitong sitwasyon, umsbong at umigting sa mga bansang ito ang diwa ng nasyonalismo.
Maraming bansa sa Aprika ang pinaghati-hati ng mga bansang Euripeo at naging biktima ng pang-aapi subalit nagpunyagi rin ang kanilang pinuno makamtan ang
58
kalayaan tulad ng Ehipto, Congo (Zaire), at Algeria, Rhodesia at Nyasaland, Angola, Mozambique at Guinea Bissau.sa Timog Aprika, nagiging malibha ang isyu ng apartheid na nagbigay daan naman upang mabuklod ang mga katutubo doon.
Gawain 3: Paglalapat Panuto: Gumawa ng isang tula na tumatalakay sa kahalagahan ng
nasyonalismo tulad ng kalayaan at pagkakapantay-pantay. Ang tula ay
kailangan may 3-5 saknong at ang bawat saknong ay may tig-apat na
taludtod. Ikaw na ang pumili ng pamagat na angkop sa diwang iyong ipahahayag.
_________________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
59
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang
mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan?
Ang Nasyonalismo ay pagpapahiwatig ng pagigiging kaanib sa isang pangkat na
may sariling mithiin, kaugalian, kalinangan, wika o kung minsan ay may isang lahing
pinagmulan at relihiyong sinasampalataya.
Sa Pransya sumibol ang diwa ng nasyonalismo. Ang Sandaang Taong Digmaan at
Himagsikang Pranses ay naging mga hudyat na gumising sa mga bansang kanluran
na sila ay magkaisa at ipaglaban ang kalayaan. Ang mga islogang Pranses na
naging ispirasyon ng maraming bansa ay: “Vox populi, Vos dei.” “Kalayaan,
Pagkakapantay-pantay at Pagkakapatiran.
Nangyari ang unipikasyon ng Italya sa ilalim ng pamumuno ni Napoleon I.
Samantalang si Giuseppe Mazzini (1805-1872) naman ang naglunsad ng
nasyonalismo sa pamamagitan ng kanyang islogan na Kalayaan, Pagkakapantay-
pantay at Humanidad.
Ang unipikasyon ng Alemanya ay naisagawa naman ni Otto Von Bismark (1815-
1833), isang minister ng Prussia. Noong 1815 hanggang 1860, maraming
pangyayari ang nagbigay-daan sa unipikasyon ng Alemanya, tulad ng Pitong
Linggong Digmaan (1866), Digmaang Austria-Prussia (1866) at Digmaang Franco-
Prussian (1870).
Ang Rebolusyong Amerikano ay nagsimula noong panahong 1763. Ang patakarang
pang-ekonomiya ng mga Ingles ay lubos na nagpasidhi sa pag-aalsa ng 13
kolonya.
Ang Rebolusyong Pangkaisipan ang naging dahilan ng pagkamulat ng mga tao at ito
ay may apat na larangan ang Agham, Pulitika, mga Sining at Kabuhayan. May iba’t
ibang siyentipiko ang nakilala sa panahong ito tulad nina Newton, Descartes,
Galileo, Darwin at iba pa. Marami sa kanilang nilikha ang nakapagdulot
Mula sa Europa, lumaganap ang nasyonalismo sa mga bansang kolonya sa Asya,
Aprika at Latin Amerika. Si Simon Bolivar ang itinuring na “Tagapagpalaya” ng
60
Venezuela at sinmulan naman ni Miguel Hidalgo, isang pari, ang pagkakaroon ng
katarungang panlipunan sa Latin Amerika. Si Mohandas Gandhi ay nakilala sa
kanyang "nonviolent resistance" sa India laban sa mga Ingles. Sa Asya, naging
inspirasyon ang pamumuno nina Muhammad Ali Jinnah at Benazir Bhutto ng
Pakistan, Stephen Senanayake at Sirimayo Bandaranaike ng Ceylon (Sri Lanka),
Aung San at U Thant ng Burma (Myanmar), Ho Chi Minh ng Vietnam, Achmed
Sukarno ng Indonesia, Tunku Abdul Rahman ng Malaysia at sina Jose Rizal, Andres
Bonifacio, Manuel Quezon at Corazon Aquino ng Pilipinas.
Maraming bansa sa Aprika ang naging alipin at nagtiis ng diskriminasyon sa mga
dayuhang Europeo. Marami ang nagbuwis ng buhay sa iba’t ibang bansa bago
nakamtan ang kalayaan tulad ng Congo (Zaire) at Algeria, Rhodesia at Nyasaland,
Angola, Mozambique, at Guinea Bissau.
61
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT I. Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at
pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang katumbas na tamang titik.
1. Ipinamalas niya ang kabayanihan na gumising sa damdaming makabayan ng
mga Pranses nang kanyang pamunuan ang hukbong Pranses laban sa mga
Ingles.
A. Benazir Bhutto
B. Elizabeth I
C. Joan of Arc
D. Sirimayo Bandaranaike
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat ng Estates General
noong 1302, sa panahon ni Philip IV na kilala din bilang Philip the Fair?
A. Ang mga Commoners
B. Ang Maharlika
C. Mga alagad ng simbahan
D. Pangkat ng mga Franks
3. Ang Unang Bibliya ng mga Karapatang Ingles ay isang kasulatan tungkol sa
mga karapatan at kalayaan. Ito ay nakilala bilang
A. English Common Law
B. Magna Carta
C. Habeas Corpus
D. Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights
4. Saang bansa sumiklab ang himagsikan nang ipahayag ni Patrick Henry ang
katagang “Give me liberty or give me death”?
A. Alemanya
B. Indo China
C. Estados Unidos
D. Italya
5. Ito ay tumutukoy sa karapatan ng isang pinuno na mamahala ayon sa isang
kilalang prinsipyo na Vox Populi, Vox Dei.
A. Hinirang ng Diyos ang mga hari at reyna para mamuno.
B. Kilalanin ang tinig ng nakakarami dahil ito ang tinig ng Diyos.
62
C. Mga maharlika ang pinagpala ng Diyos para sa tagumpay.
D. Mga karaniwang tao ang hinirang ng Diyos para magpalaya.
6. Ang Rebolusyong Pangkaisipan ay higit na nakaimpluwensya sa larangan ng:
A. Alagad ng simbahan, mga Maharlika at karaniwang tao
B. Edukasyon, kalakalang pandaigdig at kalusugan
C. Gobyerno, sambayan, bansa at kalayaan
D. Pulitika, kabuhayan, sining at agham
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangyayaring nagpasiklab sa
damdaming makabayan ng mga mamamayan sa India?
A. Pagbaril sa mga taong mapayapang nagpupulong sa Amritsar, Punjab.
B. Pagkakaroon ng diskriminasyon laban sa mga Hindu kahit na nakapag-
aral ang mga ito sa Europa.
C. Pagpapatatag ng Basic Democracy laban sa monarkiyal na pamamahala
ng Britanya sa Muslim League.
D. Pamumuno nina Allan Octabian Hume at Mohandas Gandhi sa mga
samahan at usapin ukol sa paglaya ng India.
8. Naghimagsik ang 13 kolonyang Ingles sa Amerika dahil sa mga pahirap at labis
na patakarang pang-ekonomiya. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang
dito?
A. Ang hindi makatarungang paglabag ng mga Ingles sa karapatang
Amerikano na tinawag na Intolerable Acts.
B. Ang pagbubuwis sa mga dokumentong pangnegosyo tulad ng Stamp Act.
C. Paglikom ng salapi at paghihigpit sa mga kolonya na kilala sa tawag na
Townshend Acts.
D. Pag-uutos ng Britanya na sila lamang ang maaaring bumili ng mga
produkto ng kolonya at ito ay tinawag na Navigation Acts.
63
9. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang hindi kabilang sa mga dahilan ng
panunumbalik ng demokrasya sa Pilipinas?
A. Pagbaril kay dating Sen. Benigno Aquino sa Manila International Airport
B. Pagdedeklara ng Batas Militar sa buong bansa
C. Pagkakaroon ng bagong Saligang-Batas noong 1987
D. Pagpupunyagi ng mga Pilipino sa People’s Power sa EDSA
10. Nanatiling palaisipan para sa mga taga-Europa hanggang sa pagsapit ng ika-
18 siglo ang gitna ng Aprika dahil sa kakaibang katangian nito tulad ng
disyerto, mga ilog, kagubatan at mababangis na hayop. Dahil dito ay masasabi
nating ang Aprika, bago dumating ang mga taga-Europa ay:
A. Isang malawak na lupaing mapanganib para sa tao at walang pamayanan
dahil sa kakulangan sa pagkain.
B. May mahuhusay na sandatang pandigma at mga kaharian na hindi
kinayang talunin ng mga taga-Europa.
C. May ugnayan na sa ibang kabihasnan, may sariling pamumuhay at kultura
bago pa dumating ang mga taga-Europa.
D. Nagdulot ng mga digmaan sa mga taga-Europa dahil sa sapilitang
pagpasok at pakikialam sa mga tribo ng Aprika.
II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang unaat ikalawang pangungusap.
Isulat ang titik:
A, Kung ang parehong pangungusap at TAMA;
B, Kung ang parehong pangungusap at MALI;
C, Kung ang unang pangungusap ay TAMA at ang ikalawang pangungusap
ay MALI at
D, Kung ang unang pangungusap ay MALI at ang ikalawang pangungusap
ay TAMA.
64
____________ 11. Ang samahan ng mga Baron at alagad ng simbahan ay
tinawag na House of Commons.
Ang pagsasama ng mga kabalyero at burgesse sa mga usapin
ng bansa ay tinatawag na House of Lords.
____________ 12. Pinakadakilang reyna ng Inglatera si Elizabeth I at siya din ang
pinakahuling pinuno naTudor.
Naabot ang Ginintuang Panahon ng Inglatera sa ilalim ng
kanyang panunungkulan.
____________ 13. European Union ang tawag sa Gran Britanya at Hilagang
Ireland kapag silang dalawa ay pinagsama.
Ang Gran Britanya at Ireland ang pinakamalaki at
pinakamahalagang teritoryo sa British Isles.
____________ 14. Nakilala si Otto Von Bismarck na Iron Chancellor bilang pinuno
ng Alemanya.
Siya ay naniniwala na ang kasaysayan ay naisasagawa sa
pamamagitan ng dugo at bakal.
____________ 15. Ang Bushido ay tumutukoy sa mahuhusay na kawal sa bansang
Hapon noong panahon ng piyudalismo sa kanilang bansa.
Sa bansang Hapon, Samurai ang tawag sa isang kodigo ng
karangalan para sa mga kawal.
____________ 16. Naniwala si Adam Smith na ang laissez-faire ay kailangan
upang hawakan ng pamahalaan ang usaping pangnegosyo
para mapangalagaan ang yaman ng bansa.
Siya ay kinilala bilang Ama ng Pulitikal na Ekonomiya, at may-
akda The Wealth of Nations.
65
____________ 17. Ang usapin sa Kashmir ay nagdulot ng alitan sa pagitan ng
Pakistan at India.
Samantala ang relihiyon ay pinagmulan din ng sigalot sa
Kalakhang Tsina dahil sa pag-agaw ng mga Instik sa
Buddhismo na nagmula sa India.
____________ 18. Sa kasaysayan ng daigdig, si Benazir Bhutto ang kauna-
unahang babaeng Punong Ministro.
Noong 1990 siya ay inaging pinunong sibilyan ng Pakistan
subalit hindi nagtagal sa katungkulan dulot ng bintang na
katiwalian.
____________ 19. Noong 1956, ang digmaang sibil sa pagitan ng Hilaga at Timog
Vietnam ay nagdulot ng pagkakahati ng bansa.
Noong 1975 ang mga komunista ng Vietnam ay napasuko ng
Estados Unidos at mula noon ay pinaunlad na ng Estados
Unidos ang kabuhayan sa Vietnam.
____________ 20. Maraming bansa sa Timog Silangang Asya ang dating
kolonya ng mga taga-Europa at Amerikanong mananakop.
Ang malalayang teritoryo ng Pilipinas, Malaysia, Indonesia at
Thailand, ang kasalukuyang bumubuo sa Indo-Tsina.
66
GABAY SA PAGWAWASTO:
PANIMULANG PAGSUSULIT 1. C
2. C
3. C
4. D
5. A
6. A
7. A
8. D
9. B
10. C
11. C
12. B
13. A
14. A
15. C
16. C
17. D
18. C
19. D
20. D
ARALIN 1 NASYONALISMONG NALINANG SA EUROPA AT SA MGA KOLONYA
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Sa mapa ng daigdig na ito, ang mga naging mananakop ay nakalista sa ibaba.
United State
Spain
Portugal
Netherland Belguim
France
Germany
Great Britain Italy
67
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ang mga sumusunod ay mga pangyayaring nakapagpapalaganap ng
nasyonalismo sa Europa at mga kolonya nito:
Inglatera Pransya Italya Alemanya Amerika Dito naganap ang paglagda sa Magna Carta.
Namuno si Charlemagne bilang isa sa pinakadakilang pinuno.
Si Giuseppe Mazzini ay gumising sa damdaming makabayan at tinawag na Propeta ng Pag-iisa.
Nakilala si Otto Von Bismarck bilang minister at tagapagbuklod ng kanyang bayan.
Dito matatagpuan ang Jamestown na unang tirahan ng mga Ingles noong 1607.
Simula ng Isang Daang Taong Digmaan (1337-1453).
Si Philip IX ang tanging hari na naging santo ng Simbahang Katoliko. Naging mabuti siyang pinuno na naging daan upang ipagmalaki ng mga Ingles ang kanilang bansa.
Sa bansang ito naitatag ang isang samahan na ang slogan ay Kalayaan, Pagkakapantay-pantay at Humanidad.
Naitatag dito ang Zollverein, isang unyong pangkabuhayan na nagpapahalaga sa pagkakaisa at pagtitiwala.
Ang rebolusyon ng 13 kolonya sa bansang ito ay dulot ng pagnanais na lumaya sa monarkiya ng Inglatera.
Natamo ang Ginintuang Panahon at nakilala ang Inglatera bilang Mistress of the Seas na ipinagmamalaki ng mga Ingles.
Ang palasyo ng Versailles ay naging sentro ng mga pagtitipon at karangyaan na nakapukaw sa mga karaniwang mamamayan ay pang-gitnang uri ng lipunan na maghimagsik sa umaabusong hari at reyna.
Ang mga lugar ng Sicily, Naples at Venetia ay napasama sa teritoryo nito at nagkaroon ng pagkakaisa o unipikasyon.
Umunlad ang bansang ito na naging karibal ng Britanya sa larangan ng kalakalan kayat naipagmalaki ng mga Aleman.
Ang aklat ni Thomas Paine na Common Sense ay gumising sa damdaming makabayan.
68
Gawain 3: Paglalapat Mungkahing sagot: Maaring ganito ang iyong sagot.
Mahahalagang katangian ng isang pinunong Pilipino na nagpasibol ng
nasyonalismo sa bansa:
Pangyayari sa ating bayan na nagbigay daan sa paglinang ng nasyonalismo
1. Jose Rizal – mapagmahal sa kapwa
at sa bayan; naghangad ng
pambansang pagkakaisa.
1. Pagkamartir / pagbubuwis ng buhay
ni Dr. Jose Rizal.
2. Ninoy Aquino – naghangad ng
pambansang rekonsilyasyon.
2. Pagkamartir / pagbubuwis ng buhay
ni Ninoy Aquino.
3. Corazon Aquino – pinahalagahan
ang demokrasya.
3. Pakikiisa sa EDSA para sa
mapayapang rebolusyon.
4. Andres Bonifacio – paglaban ng
may makataong layunin at hindi
pansariling ambisyon.
4. Diktadurya, paglabag sa
karapatang pantao na nilaban ng
karamihan.
5. Cardinal Sin – itinaguyod ang moral
na batayan ng pamamahala ng
bansa sa makataong paraan.
5. Paglaban sa mga Hapon noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
ARALIN 2: REBOLUSYONG PANGKAISIPAN AT ANG PAG-UNLAD NG NASYONALISMO
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ang mga salita ay - Agham, Kabuhayan, Kalayaan, Demokrasya, Liberalismo,
Pagkakapantay-pantay, Panggitnang-uri, Pulitika, Rebolusyon, Sining.
69
P A G K A K A P A N T A Y P A N T A Y
A U G
N L H K
G I A
G T B M
I A I U
T R E B O L U S Y O N K H
N S A
A A S Y
N R I A
G K A L A Y A A N N
U O I
R M N
L I B E R A L I S M O G
D
Gawain 2: Pagpapalawak ng Kaalaman
Kaisipang Napalitan
Kaisipang Umunlad
Piyudalismo Liberalismo
Absolutismo Demokrasya
Kapangyarihan ng Simbahan Sekularismo
Katapatan sa Hari Pagkakapantay-pantay
Pananakop ng bansa Kalayaan para sa lahat
70
ARALIN 3 PAGLAGANAP NASYONALISMO IBA’T IBANG BANSA Gawain 1: Pag-isipan Mo!
1. N
2. F
3. E
4. H
5. B
6. G
7. Q
8. K
9. J
10. L
11. M
12. D
13. P
14. O
15. A
Gawain 2: Pagpapalaganap ng Kaalaman
Lugar o Mga Bansa Mahahalagang pangyayari at katangian ng bawat bansa
Latin Amerika Tinalo ni Napoleon ang Espanya at Portugal at lumaganap ang
kilusang himagsikan sa pamumuno ng mga tulad ni nina Simon
Bolivar at Jose De San Martin.
Hapon Pagpapalakas ng puwersa bilang isang nasyong
makapangyarihan sa Asya; pagsunod sa mga mithiin ng
emperador at pinuno.
India Pagpatay sa mga lalaki, babae at batang tahimik na
nagpupulong sa Amritsar at ang pamumuno ni Gandhi ang
nagpaalab ng sa damdaming makabayan laban sa Inglatera.
Pakistan Nahiwalay ang bansang ito sa India dahil sa pagpapalitan ng
teritoryo sa pagitan ng mga Hindu at Muslim. Kinalaunan ay
humiwalay din sa bansang ito ang Bangladesh.
Malaysia Ang ilang bahagi ng bansang ito ay dating kontrolado ng British
North Borneo Company hangang 1946 at nasakop at nasakop
din ng Hapon noong iklaawang Digmaang Pandaigdig.
Pinagsikapang makalawa sa impluwensya ng Inglatera at kahit
magkakaibang lahi (Instik at Hindu) ay magkaisa sa
pagkakamit ng kalayaan sa mga mananakop.
71
Sri Lanka Sa bansang ito lumaganap ang sigalot sa pagitan ng Sinhalese
Buddhist at mga Hindung Tamil. Dating sakop ng Ingles mula
1796-1974.
Burma Kilala ngayon bilang Myanmar at isa sa pinakamalaking bansa
sa Asya na nagsikap makalaya laban sa Ingles at Hapon.
Kilala rin sa bansang ito ang tagapagtaguyod ng Nagkakaisang
Bansa (UN) na si U Thant.
Indo-Tsina (Vietnam) Binubuo ng Cambodia, Laos, Hilaga at Timog Vietnam na
dating sakop ng Pransya. Nagsikap makapagsarili at kahit may
madudugong labanan ay nagtagumpay din.
Indonesia Ilan sa kilalang pulo nito ay ang Java, Mandura at Sumatra na
sumailalim sa pananakop ng Netherlands at ganap na lumaya
noong Disyembre 27, 1949. Sa pamumuno ni Sukarmo,
nakabangon sa pananakop ng mga Olandes at Hapon.
Pilipinas Nakilala sa mga Kilusang Propaganda, Katipunan, Unang
Republika sa Asya. Nagtaguyod ng kalayaan laban sa
Espanya, Estados Unidos at Hapon. Nilabanan ang Batas
Militar at naibalik ang demokrasya sa pamamagitan ng
People’s Power sa EDSA.
Aprika Dito matatagpuan ang Suez Canal na nagpapadali sa
paglalakbay sa pagitan ng Europa at Asya. Pinaghati-hatian
ang teritoryong ito ng mga Europeong mananakop tulad ng
Pransya, Britanya, Alemanya, Portugal, Espanya, Belhika at
Italya.
Gawain 3: Paglalapat Ipatsek ang iyong tula sa gurong tagapamahala ng modyul.
72
PANGHULINGPAGSUSULIT
1. C
2. D
3. B
4. C
5. B
6. D
7. C
8. A
9. B
10. C
11. B
12. A
13. D
14. A
15. B
16. D
17. C
18. D
19. C
20. C
1
ARALING PANLIPUNAN III
(Effective Alternative Secondary Education)
MODULE 17
Labanan ng mga Bansa sa Daigdig (Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig)
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
2
MODULE 17 LABANAN NG MGA BANSA SA DAIGDIG
(UNA AT IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG)
Ang modyul na ito ay tungkol sa mahahalagang pangyayari hinggil sa
pagkakaroon ng Unang Digmaang Pandaigdig (1914-1918) at ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig (1939-1945). Ang mga digmaang ito ay nag-iwan ng malalim
na sugat at aral sa kasaysayan ng sangkatauhan. Tatalakayin sa mga aralin sa
modyul na ito ang mga pangyayari at ang maraming pagbabagong idinulot ng
dalawang digmaang pandaigdig na naganap sa kasaysayan.
May apat na araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Mahahalagang Pangyayari na Nagdulot ng Unang Digmaang
Pandaigdig
Aralin 2: Mga Epekto sa mga Bansa ng Unang Digmaang Pandaigdig
Aralin 3: Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Aralin 4: Ang Pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at mga
Pagbabagong Dulot Nito
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Mailalahad ang mga kritikal na pangyayari sa panahon ng Unang Digmaang
Pandaigdig;
2. Masusuri ang mga epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa mga bansang
nasangkot dito;
3. Mailalahad ang mga kritikal na pangyayari sa panahon ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig;
4. Masusuri ang epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europa, Asya,
3
Aprika, mga kolonya at iba pang bansa sa daigdig;
5. Mabibigyang-puna ang mga pagsisikap ng mga bansa na magkaroon ng
kapayapaang pandaigdig upang maiwasan ang mga digmaan; at
6. Makapagbibigay ng sariling pananaw hinggil sa pag-iwas sa digmaan.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para
sa iyo.
4
PANIMULANG PAGSUSULIT:
I. Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang
Pandaigdig maliban sa A. pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente. B. pandaigdigang krisis tulad ng naganap sa mga Estado ng Balkan at sa
Morocco. C. pagpapalakas ng hukbong militarng mga bansa. D. pagtatatag ng Nagkakaisang Bansa.
2. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa
pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig? A. Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers B. Pagpapalabas ng labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson C. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo,
Bosnia D. Pagwawakas ng mga Imperyo sa Europa tulad ng Alemanya, Austria-
Hungary, Rusya, at Ottoman
3. Ang kasunduan sa Versailles ay mahalaga dahil sa mga probisyon nito ukol sa A. pag-angkin ng Rusya sa Constantinople upang magkaroon ng
magandang daungan. B. paghahati-hati sa dating kolonya ng Alemanya sa pangangasiwa ng
mga bansang magkaka-alyado. C. pagkakaroon ng Triple Alliance at Triple Entente D. paglaban ng Alemanya sa kapangyarihang pandagat ng Inglatera.
4. Ang pagsisimula ng World War II ay maiuugnay sa:
A. pagkabigo ni Adolf Hitler na sakupin ang Inglatera. B. paglusob ng mga Aleman sa Poland noong 1939. C. pagpapadala ng Estados Unidos ng mga armas sa Inglatera. D. pagpaslang sa maraming Hudyo sa Europa.
5
5. Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naganap ang mga sumusunod, maliban sa:
A. pagbagsak ng totalitariang ng Nazi ni Hitler, Pasismo ni Mussolini, at Imperyong Hapon ni Hirohito.
B. paghina ng pandaigdigang ekonomiya tulad ng mga industriya, transportasyon, komunikasyon, at pananalapi.
C. pagsilang ng malalayang bansa mula sa pagiging dating kolonya decolonization.
D. pagtitiwalag sa Alemanya sa Liga ng mga Bansa at pagbabawal na lumikha ng mga armas pandigma.
6. Si Winston Churchill ay nakilala at maaalala sa buong mundo bilang:
A. magiting na Heneral ng Hukbong Sandatahan ng mga bansa sa Allied Power.
B. pinuno ng mga uring manggagawa sa panahon ng Rebolusyong Industryal.
C. punong Ministro ng Gran Britanya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
D. tagasuporta ng Nazi Party ni Adolf Hitler sa Alemanya.
7. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng tao sa Europa ang nakatanggap ng pinakamatinding pinsala sa buhay noong Ikalawang Digmaaang Pandaigdig?
A. Aleman B. Amerikano
C. Hudyo D. Pranses
8. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa tunay na interes ng
Hapon sa kanyang pag-atake sa Pearl Harbor: A. Maging kaanib ang mga bansa sa Asya sa samahan ng mga
Nagkakaisang Bansa B. Mapabilis ang kalakalan sa pagitan ng mga Hapon, Aleman at Italyano
sa Pasipiko C. Mapalawak ang imperyo ng Hapon sa Asya at ang kaisipang Asya para
sa mga Asyano D. Mapalaya ang mga bansa sa Asya na sakop ng mga Ingles, Pranses,
Olandes at Amerikano
6
9. Ang D-Day sa Normandy noong June 6, 1944 ay inaalala bilang: A. malagim na pagpatay sa mga Hudyo na nasa Europa. B. matagumpay na pagdaong dito ng mga Allied Powers. C. pagsuko ng mga Aleman sa Gran Britanya. D. pag-urong ng Italya sa digmaan sa Europa.
10. Ano ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
1. Pagdating ng Allied Powers sa Pransya bilang D-Day 2. Pagdeklara ng Estados Unidos ng digmaan laban sa Hapon 3. Paglusob ng Hapon sa Manchuria 4. Pagsalakay ng Alemanya sa Poland
Ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ay :
A. 2 - 4 - 3 - 1 B. 4 - 1 - 3 - 2 C. 3 - 4 - 2 - 1 D. 1 - 2 - 4 - 3
II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at isulat ang titik:
A. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Ekonomiya; B. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Lipunan; C. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Pulitika at D. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Relihiyon;
__________ 11. Paghina ng industrialisasyon at pananalapi dulot ng malawakang digmaan. __________ 12. Pagkilala ng mga Alemanya na sila ang nangungunang lahi o tao sa mundo. __________ 13. Pagkasira ng mga ari-arian, daan, tulay at iba pang mga imprustraktura. __________ 14. Pakikialam ng mga Ruso sa mga estado sa Balkan dahil marami sa kanilang kalahing Ruso ay mga Greek Orthodox. __________ 15. Paglakas ng Central Powers sa larangan ng pamamahala matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig laban sa mga natalo.
7
__________ 16. Pagsisikap ng Hapon sa layunin nito na magkaroon ng Greater East- Asia Co-Prosperity Sphere. __________ 17. Pagsusulong ng mga Hapon sa kaisipan ng mataas na uri ang lahing Asyano tulad ng mga Kanluranin o Europeo. __________ 18. Paglaganap ng galit laban sa mga Hudyo dahil sa paniniwalang sila ang pumatay kay Kristo. __________ 19. Pagtutunggali ng Pasitang Nationalist Front at Sosyalistang Popular Army sa pamumuno nito sa Espanya. __________ 20. Pagpigil sa suplay ng langis at pagtigil sa pagpasok ng mga ari- ariang Hapones sa Estados Unidos.
8
ARALIN 1 ANG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Ang araling ito ay tungkol sa mga pangyayaring nagbigay daan sa Unang
Digmaang Pandaigdig at ang pakikilahok ng mga bansang magkakampi sa mga
labanan. Sa aralin ding ito ay inaasahang makapagbibigay ka ng mga paraan tungo
sa pandaigdigang pagkakaunawaan.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Matutukoy ang mga bansang magkakampi sa Unang Digmaang Pandaigdig;
2. Mailalahad ang mga sanhi ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig; at
3. Makapagbibigay ng mga paraan upang maipakita ang kahalagahan ng
pagkakaunawaan.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: Suriing mabuti ang mapa na nagpapakita sa mga bansang
magkakampi bago naganap ang Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914.
Ilista ang mga bansang kabilang sa Allied Powers, Central Powers, at Neutral
Countries sa listahan sa ibaba.
9
ALLIED POWERS
(Kulay Berde)
CENTRAL POWERS
(Kulay Kahel)
NEUTRAL COUNTRIES
(Kulay Itim)
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
___________________ ___________________ ___________________
Kalagayan ng Europa Bago Sumapit ang Taong 1914
Sa pagitan ng 1871-1914, ang mga bansang industriyalisado sa kanluraning
Europa ay nasa rurok ng kanilang kapangyarihan. Sila ay naging matatag dahil sa
industriyalisasyon. Pinabilis ng nasyonalismo ang pagpapalawak ng kanilang
nasasakupan.
Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig 1. Nasyonalismo
Ang damdaming nasyonalismo ay nagbubunsod ng pagnanasa ng mga tao
upang maging malayaang kanilang bansa. Kung minsan, ito ay lumalabis at
nagiging panatikong pagmamahal sa bansa. Halimbawa, ang mga Junker, ang
aristokrasyang militar ng Alemanya, ay nagpilit na sila ang nangungunang lahi sa
Europa.
10
May mga bansa na masidhaing paniniwalang karapatan nila na
pangalagaan ang mga kalahi nila kahit nasa ilalim ng kapangyarihan ng ibang
bansa. Isang halimbawa ay ang pagnanais ng Serbia na angkinin ang Bosnia at
Herzegovina na nasa ilalim ng Austria. Marami rin sa mga estado ng Balkan na
Greek Orthodox ang relihiyon at ang pananalita ay tulad ng mga Ruso. Ito'y
ginagawang dahilan ng Rusya upang makialam sa Balkan. Gusto ring maangkin
ng Rusya ang Constantinople upang magkaroon siya ng daungang ligtas sa yelo.
Sa kabilang dako, nais angkinin ng Italya ang Trent at Triste na sakop din
ng Austria. Ang Pransya naman ay nagnanais ding mapabalik sa kanya ang
Alsace-Lorraine na inangkin ng Alemanya noong 1871 bunga ng digmaan ng
Pransya at PRusya. Dahil dito, ipinalagay ng maraming Pranses na natural nilang
kaaway ang mga Aleman.
2. Imperyalismo
Isang paraan ng pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan at pag-
unlad ng mga bansang Europeo ang pag-aangkin ng mga kolonya. Ang pag-
uunahan ng mga makapangyarihang bansa na sumakop ng mga lupain at
magkaroon ng kontrol sa pinagkukunang-yaman at kalakal ng Aprika at Asya ay
lumikha ng samaan ng loob at pag-aalitan ng mga bansa. Sinalungat ng Britanya
ang pag-angkin ng Alemanya sa Tanganyika (East Africa) sapagkat balakid ito sa
kanyang balak na maglagay ng transportasyong riles mula sa Cape Colony
patungong Cairo. Tinangka namang hadlangan ng Alemanya ang pagtatatag ng
French Protectorate sa Morocco sapagkat naiinggit ito sa mga tagumpay ng
Pransya sa Hilagang Aprika. Sa gitnang silangan, nabahala ang Inglatera sa
pagtatatag ng Berlin-Baghdad Railway sapagkat ito'y panganib sa kanyang lifeline
patungong India. Ang pagpapalawak ng hangganan ng Austria sa Balkan ay
tumawag ng pansin at mahigpit na pagsalungat ng Serbia at Rusya. Naging
kalaban din ng Alemanya ang Britanya at Hapon sa pagsakop sa Tsina . Hindi
nasiyahan ang Alemanya at Italya sa pagkakahati-hati ng Aprika sapagkat kaunti
lamang ang kanilang nasakop samantalang malaki ang nabahagi ng Inglatera at
Pransya.
11
3. Militarismo
Upang mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo, kinakailangan ng mga
bansa sa Europa ang mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa lupa at
karagatan. Kaugnay nito ang pagpaparami ng armas. Ito ang naging ugat ng
paghihinalaan at pagmamatyagan ng mga bansa. Nagsimulang magtatag ng
malalaking hukbong pandagat ang Alemanya. Ipinalagay na ito'y tahasang
paghamon sa kapangyarihan ng Inglatera bilang Reyna ng Karagatan.
4. Pagbuo ng mga Alyansa
Dahil sa inggitan, paghihinalaan at lihim na pangamba ng mga bansang
makapangyarihan, dalawang magkasalungat na alyansa ang nabuo – ang Triple
Entente at ang Triple Alliance. Ang una'y binubuo ng Alemanya, Austria-Hungary
at Italya. Ang mga bansa sa loob ng bawat grupo ay nagkasundong
magtutulungan kung sasalakayin ang alinman sa kanila.
Ang Triple Alliance ay itinatag ni Bismarck noong 1882 upang
mapaghiwalay ang Pransya at mawalan ito ng kakampi. Ang isa pang layunin ng
Alemanya ay upang mapigilan ang impluwensya ng Rusya sa Balkan.
Ang Triple Entente ay binuo para mapantayan ang kapangyarihan ng Triple
Alliance. Ito ang resulta ng pagkakahiwalay ng unawaan ng Pransya at Rusya
noong 1884 (Dual Alliance), ng Pransya at Britanya noong 1904 (Entente Cordiate)
at ng Britanya at Rusya noong 1907. Ang dahilan ng pagsali ng Pransya sa Triple
Entente ay upang gumanti sa Alemanya. Ang Rusya naman, gaya ng nabanggit
na, ay karibal ng Alemanya at Austria sa rehiyon ng Balkan.
5. Pandaigdig na Hidwaan (International Anarchy)
Ang Hague Court of Arbitration na itinatag noong 1899 ay hindi naging
mabisa dahil hindi naman obligado ang isang bansang mapailalim dito. Ang unang
pagpupulong sa Hague noong 1899 na pinatnubayan ni Czar Nicholas II ng Rusya
ay nagtatag sa samahan ngunit nabigo rin sa pagbabawas ng mga armas. Ang
pangalawang pagpupulong sa Hague ay noong 1907, sa mungkahi ni Pangulong
12
Theodore Roosevelt. Nabigo rin ito sa layuning magpabawas ng armas ngunit
nagkaroon ng unawaan tungkol sa lalong makataong paglalabanan. Sa
kasamaang-palad, ang mga kasunduang ito ay nabura nang sumiklab ang Unang
Digmaang Pandaigdig.
6. Mga Pandaigdig na Krisis Bago Sumapit ang Unang Digmaang Pandaigdig
Isang dekada bago sumapit ang Unang Digmaang Pandaigdig (1905-1914)
sunud-sunod ang nangyaring krisis sa pagitan ng mga bansa na tuwirang
nagbigay-daan sa pandaigdig na alitan.
1. Krisis sa Morocco noong 1905
Hinamon ng Alemanya ang karapatan ng Pransya na magtatag ng
Protectorate sa Morocco
2. Krisis sa Balkan noong 1908
Sinakop ng Austria ang Bosnia at Herzegovina. Ang nakatira rito ay mga
Slav, na may sariling ambisyong maangkin ang lalawigang ito.
3. Krisis sa Morocco noong 1912
Ang pangatlong krisis na ito'y ang pagsakop ng hukbong sandatahang
Pranses sa Fez, punong-bayan ng Morocco, upang papayapain ang lugar.
4. Krisis sa Balkan noong 1913
Sinakop ng Serbia ang Albania nang talunin niya ang Turkey sa digmaang
Balkan. Sa wakas, wari'y natupad na rin ang kanyang ambisyong magkaroon
ng lusutan tungo sa Dagat Adriatiko.
13
Archduke Francis Ferdinand
Noong ika-28 ng Hunyo, 1914, si Archduke Francis Ferdinand, tagapagmana
sa trono ng Austria ay dumalaw sa Sarajevo, Bosnia. Siya ay pataksil na pinatay ni
Gavrilo Princip, isang Serbian na naninirahan sa Bosnia. Si Princip at ang kanyang
kasama ay kabilang sa The Black Hand, isang grupong teroristang laban sa Austria.
Naghinala ang Austria na may kinalaman ang Serbia sa pangyayari, at agad
nagpadala ng ultimatum ang Austria sa Serbia. Ang mga itinalaga sa ultimatum ay
hindi katanggap-tanggap ng Serbia kung kayat iminungkahi nitong isangguni sa
Hague Court ang suliranin. Hindi nasiyahan ang Austria sa kasagutan at noong ika-
28 ng Hulyo, 1914, ito ay nagpahayag ng pakikidigma laban sa Serbia.
Ang pagsisimula ng Unang Digmaag Pandaigdig
Sinuportahan ng Alemanya ang tangka ng Austria na mapahina ang Serbia.
Hindi rin naman mapayagan ng Rusya na mapahina ang Serbia kayat humanda na
14
itong tumulong. Ang Pransya ay nakahanda ring tumulong sa Rusya.
Alam ng Alemanya na kung makakalaban niya ang Rusya, makakalaban din
niya ang Pransya.
1. Ang Digmaan sa Kanluran
Dito naganap ang pinakamainit ng labanan noong Unang Digmaang
Pandaigdig. Ang bahaging nasakop ng digmaaan ay mula sa hilagang Belhika
hanggang sa hangganan ng Switzerland.
Lumusob sa Belhika ang hukbong Alemanya at ipinagwalang-bahala nitong
huli ang pagiging neutral na bansa nito. Ito ang paraang ginamit nila upang
malusob ang Pransya. Ngunit sila'y inantala ng magiting na pagsasanggalang ng
mga taga-Belhika sa Leige.
2. Ang Digmaan sa Silangan
Lumusob ang Rusya sa Prusya (Germany) sa pangunguna ni Grand Duke
Nicholas, pamangkin ni Czar Nicholas II. Ngunit noong dumating ang saklolo ng
Alemanya, natalo ang hukbong Ruso sa Digmaan ng Tannenberg.
Sa Galicia ay nagtagumpay ang Hukbong Ruso. Ngunit hindi nagtagal ang
tagumpay nila. Sila ay pinahirapan ng mga Aleman sa Poland. Dito tuluyang
bumagsak ang hukbong sandatahan ng Rusya. Ang sunud-sunod nilang
pagkatalo ay naging dahilan din ng pagbagsak ng dinastiyang Romanov noong
Marso, 1917 at ang pagsilang ng Komunismo sa Rusya. Upang makaiwas na ang
Rusya sa digmaan, nakipagkasundo si Lenin sa ilalim ng pamahalaang Bolshevik
sa Alemanya sa pamamagitan ng paglagda sa Treaty of Brest-Litovsk. Iniwan ng
Rusya ang mga Alyado at sumapi sa Central Powers.
3. Ang Digmaan sa Balkan Lumusob ang Austria at tinalo ang Serbia pagkaraan ng ilang buwan.
Upang makaganti ang Bulgaria sa kanyang pagkatalo, sumapi ang Bulgaria sa
Central Powers noong Oktubre, 1915. Sa taong 1916, karamihan sa mga estado
ng Balkan ay napasailalim na ng Central Powers”.
15
Ang Italya naman ang tumiwalag sa Triple Alliance at nanatiling neutral
pansamantala hanggang 1915. Sa taong ito sumali siya sa magkaanib na bansa.
Hinangad niyang maangkin ang mga teritoryong Latin na hawak ng Austria (Italy
Irrendenta) at ang mga kolonya nito sa Aprika. Ang Turkey ay kumampi sa
Alemanya upang mapigilan ang Rusya sa pag-angkin sa Dardanelles.
4. Ang Digmaan sa Karagatan
Sa unang bahagi ng digmaan ay nagkasubukan ang mga hukbong
pandagat ng Alemanya at Britanya. Ang lakas pandagat ng Britanya ay naitaboy
ng mga barkong pandigma ng Alemanya mula sa Pitong Dagat (Seven Seas).
Kumanlong ang bapor ng Alemanya sa Kanal Kiel. Naging mainit ang labanan.
Makapangyarihan ang hukbo ng mga alyado sa dagat. Sa kabilang dako, ang
mga mabibilis na raider at mga submarinong U-boats ng kanilang kalaban ay
nakagawa ng malaking pinsala sa kalakalang pandagat ng mga Alyado. Ang
pinakamabagsik na raider ng Alemanya ay ang Emden. Sa dakong huli,
napalubog ito ng Sydney, isang Australian cruiser.
16
5. Ang Paglahok ng Estados Unidos sa Digmaan
Ang pagsali ng Estados Unidos sa digmaan ay nakapagpabago sa takbo ng
kasaysayan. Halos tatlong taon mula noong mag-umpisa ang digmaan ay
nanatiling neutral ang Estados Unidos. Nagpalabas ng Proclamation of Neutrality
si Pangulong Woodrow Wilson noong mag-umpisa ang digmaan. Ngunit noong
Abril, 1917 ay nagpahayag ng pakikidigma ang Estados Unidos laban sa
Alemanya. Ang dahilan ng pagbabago ng desisyon ng Estados Unidos ay ang
mga sumusunod:
Pangulong Woodrow Wilson
1. Ang pagkamatay ng maraming Amerikano dahil sa walang humpay na
pagrapido ng mga hukbong Alemen sa barkong sinasakyan, ang Lusitania,
isang barkong Ingles. Ang pagpapalubog sa Lusitania at kasama ang
maraming Amerikano noong Mayo 1915 ang malaking sanhi ng pagkagalit
ng mga Amerikanosa mga Aleman at pagdedeklara nito ngpakikidigma sa
Alemanya.
2. Ang mahusay na propagandista ng mga bansang alyado ay humikayat sa
17
galit ng mga Amerikano laban sa Alemanya. Isa pang dahilan ay ang
Zimmerman Note. Ang Zimmerman Note na nakuha ng British Intelligence
Service ay nagbunyag sa balak ng mga Aleman na hikayatin ang mga
Mexicano at Hapones na makidigma sa Amerika. Lubos na naniniwala ang
mga demokratikong bansa sa sinabi ni Pangulong Wilson na “ang mundo ay
kailangang maging ligtas alang-alang sa ikauunlad ng demokrasya”.
Noong taong 1917, nagpadala ang Estados Unidos ng American
Expeditionary Forces na may lakas na dalawang milyong katao sa
pangunguna ni Heneral John J. Pershing. Tumulong din sila nang malaki sa
Digmaan ng Argonne Forest na siyang nagbigay daan sa tuluyang pakatalo at
pagsuko ng Alemanya noong 1918. Humingi itong huli ng amnestiya. Ito ay
nilagdaan sa loob ng kagubatan ng Compeigne sa ganap na ika-11 ng umaga
sa araw ring iyon. Biglang nanahimik ang daigdig nang matigil ang putukan.
Sa huli ay nagtagumpay ang mga Alyado.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Panuto: Isulat sa bawat sibak ng kahoy ang mga tinalakay na pangyayari na naging
sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
18
Ano kaya ang naging pinakahuling sanga na lalong nagpasiklab sa digmaan
noong 1914?
_______________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Tandaan Mo!
Sa pagitan ng 1871-1914, ang mga bansang industriyalisado sa
Kanluraning Europa ay nasa rurok ng kanilang kapangyarihan. Naging
sentro ng daigdig ang Europa dahil sa kaunlaran at kalakalan. Naging sentro rin
ito ng pandaigdigang alitan at di-pagkakaunawaan ng mga bansang
makapangyarihan.
Ang mga sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang nasyonalismo,
imperyalismo, militarismo, pagbuo ng mga alyansa, pandaigdig na hidwaan at
mga pandaigdigang krisis tulad ng mga pangyayari sa Morocco at Balkan.
Ang pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand noong 1914, ang
tagapagmana sa trono ng Austria na dumalaw sa Sarajevo, Bosnia, ang
nagpasiklab sa Unang Digmaang Pandaigdig.
Gawain 3: Paglalapat
Sa iyong natutuhan sa aralin, nagsimula ang Unang Digmaang
Pandaigdig sa mga maliliit na hidwaan at samaan ng loob sa pagitan ng mga bansa.
Nagpapatunay na ang hindi pagkakaunawaan ay maaring mauwi sa matinding
kapahamakan.
19
Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan mo maipapakita ang kahalagan ng
paglutas sa mga pangyayaring nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng
iyong kapwa mag-aaral? Magbigay ng ilang hakbang upang ito ay iyong
maisakatuparan.
1. _______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. _______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
3. _______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
4. _______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
5. _______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
ARALIN 2 MGA EPEKTO SA MGA BANSA NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG.
Ang araling ito ay tungkol sa mga pagbabagong naganap sa Europa at mga
pagsisikap ng mga bansa na matamo ang kapayapaan matapos ang Unang
Digmaang Pandaigdig. Tatalakayin din ang mga pangunahing dahilan ng mga bansa
upang mapanatili ang kapayapaan at maiwasan ang digmaan.
20
Matapos ang araling ito ay inaasahan na iyong:
1. Matatalakay ang mga pagbabagong naganap sa Europa bago at pagkatapos
ng Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914-1918;
2. Maipapaliwanag ang nilalaman ng bawat pagsisikap na isinagawa ng mga
pangunahing bansa tungo sa kapayapaan: at
3. Maitatala ang mga pangunahing dahilan sa pagkabigo ng mga bansa sa
daigdig na mapanatili ang kapayapaan matapos ang Unang Digmaang
Pandaigdig.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Panuto: Muli mong tingnan ang mapa na nasa Aralin 1. Ihambing mo ito sa mapa na
nasa ibaba. Isulat mo ang mga naging pagbabago mula sa naunang mapa at
sa mapang ito sa ibaba na naglalarawan sa Europa matapos ang Unang
Digmaang Pandaigdig
21
Anu-ano ang inaakala mong mga naging pagbabago sa Europa?
1. _______________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. _______________________________________________________________
_______________________________________________________________
3. _______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Mga Naging Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig
Matinding pinsala ang naidulot ng Unang Digmaang Pandigdig sa buhay at ari-
arian. Ang namatay sa labanan ay tinatayang umabot sa 8,500,000 katao. Ang mga
nasugatan ay tinatayang 22,000,000 at ang mga namatay na sibilyan sa gutom, sakit
at paghihirap ay 18,000,000. Napakaraming ari-arian ang nawasak at naantala ang
kalakalan, pagsasaka at iba pang gawaing pangkabuhayan. Ang nagastos sa
digmaan ay tinatayang umabot sa 200 bilyong dolyar.
22
Ang mapa ng Europa ay sadyang nabago. Ang kalagayang pampulitika sa
buong daigdig ay nag-iba. Ang Austria at Hungaria ay nagkahiwalay. Ang mga
bansang Latvia, Estonia, Lithuania, Finland, Czechoslovakia, Yukoslavia at Albanya
ay naging malalayang bansa.
Apat na imperyo sa Europa ang nagwakas, ang mga Hohenzollern ng
Alemanya, mga Hapsburg ng Austri-Hungary, Romanov ng Rusya at Ottoman ng
Turkey.
Nabigo ang mga bansa sa pagkakaroon ng pangmatagalang kapayapaaan sa
daigdig. Ang mga itinalaga ng kasunduan sa Versailles ay nagtanim ng hinanakit sa
Alemanya. Lubhang marahas ang mga parusang iginawad sa Alemanya. Ang
pagkapahiya ng Gernany ay naging dahilan kung bakit ang bansang ito ay naghanda
na naman upang muling makipaglaban sa mga bansang alyado.
Mga Kasunduang Pangkapayapaan
Ang mga nanalong bansa ay umisip ng paraan upang maiwasan ang muling
pagsiklab ng digmaan na inakala nilang nagiging salot sa kapayapaan ng mundo. Sila
ay bumalangkas ng mga kasunduang pangkapayapaan na naganap sa Paris noong
1919-1920. Ang mga pagpupulong na ito ay pinangunahan ng tinatawag na Big Four:
Pangulong Woodrow Wilson ng Estados Unidos; Punong Ministro David Llyod George
ng Britanya; Vittorio Emmanuel Orlando ng Italya; at ang Punong Ministro
Clemenceau ng Pransya. Ang pangunahing nilalaman ng mga kasunduan ang
ibinatay sa Labing-apat na Puntos (Four Points) ni Pangulong Wilson.
Ang Labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson
Binalangkas ni Pangulong Wilson noong Enero, 1918, dito napapaloob ang
mga layunin ng Estados Unidos sa pakikidigma. Ito’y naglalaman din ng kanyang
mga ideya ukol sa isang “kapayapaang walang talunan” para sa kapakinabangan ng
lahat ng bansa. Ilan sa mga puntos na napagkasunduan ay:
23
1. Katapusan ng lihim na pakikipag-ugnayan;
2. Kalayaan sa karagatan;
3. Ang pagbabago ng mga hangganan ng mga bansa at ang paglutas sa
suliranin ng mga kolonya ayon sa sariling kagustuhan ng mga mamamayan o
self-determination;
4. Pagbabawas ng mga armas;
5. Pagbabawas ng taripa;
6. Pagbuo ng Liga ng Mga Bansa.
Mga Lihim na Kasunduan Lingid sa Kaalaman ni Pangulong Wilson
Ngunit lingid sa kaalaman ang Britanya, Pransya at iba pang mga bansang
alyado ay gumawa ng lihim na kasunduang sila-sila ay maghahati sa kolonya at
teritoryo ng mga Central Powers. Halimbawa, pinangakuan ang Italya ng mga
teritoryong hindi naman Italyano, at ang paghati-hati ng mga teritoryo ng Turkey sa
ilalim ng iba’t ibang impluwensya.
Ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang Kasunduan sa Versailles. Pinaghati-
hati ang mga probinsya ayon sa mga sumusunod:
1. Nawalang lahat ang mga kolonya ng Alemanya. Ibinigay ang mga
teritoryong Posen, Kanlurang PRusya at ang Silesia sa bagong Republika
ng Poland. Ang Danzig ay naging malayang lungsod sa pangangasiwa ng
mga alyado bilang mandate.
2. Ang Alsace-Lorraine ay naibalik sa Pransya. Ang Saar Basen ay
napasailalim ng pamamahala ng Liga ng mga Bansa sa loob ng labinlimang
taon.
3. Ang Hilagang Schleswig ay ibinigay sa Denmark.
4. Ang hukbong sandatahan ng Alemanya sa lupa at sa dagat ay lubhang
pinahina. Binawasan ito ng marami at ang pinaglalakbayang ilog ng
Alemanya at ang kanilang mga partisipasyon sa anumang digmaan ay
ipinagbawal.
24
5. Ang Kanal Kiel at ang lahat ng mga pinaglakbayang ilog ay ginawang
pang-internasyonal.
6. Pinagbawalang gumawa ng mga armas at amyunisyon ang Alemanya.
7. Ang Alemanya ay pinapangakong magbayad ng malaking halaga sa mga
bansang napinsala bilang reparasyon. Ang layunin ng mga gumawa ng
kasunduang ito ay upang lubusang pilayin ang Alemanya nang hindi na ito
muling magtangkang gambalain ang kapayapaan ng daigdig.
Ang Liga ng Mga Bansa
Ang pagkakaroon ng isang pandaigdig ang samahan ng mga bansa ay matagal
nang pangarap ni Pangulong Wilson. Sa wakas, nagtagumpay siya sa panghihikayat
sa mga pinuno ng mga bansang alyado itatag at upang sumapi sa Liga ng mga
Bansa. Ang konstitusyon nito ay napapaloob sa kasunduan sa Versailles at ang mga
layunin ay ang mga sumusunod:
1. Upang maiwasan ang digmaan;
2. Upang maprotektahan ang mga kasaping bansa sa pananalakay ng iba;
3. Lumutas sa mga usapin at sa hindi pagkakaunawaan ng mga kasapi;
4. Palaganapin ang pandaigdig na pagtutulungan, at
6. Maipalaganap ang mga kasunduang pangkapayapaan.
Ang ilan sa mga nagawa ng Liga ng Mga Bansa ay ang mga sumusunod:
1. Napigil nito ang ilang maliliit na digmaan sa pagitan ng Finland at Sweden
noong 1920, Bulgaria at Gresya noong 1925, at Colombia at Peru noong
1934.
2. Pinangasiwaan nito ang mga iba’t ibang mandates.
3. Pinangasiwaan nito ang rehabilitasyon ng mga sundalo pagkatapos ng
digmaan.
25
Ang Pagkabigo ng Liga ng mga Bansa
Winalang-bahala ng Italya ang mga kasunduan ng Liga nang makipag-away ito
sa Gresya noong 1923. May dalawang pangunahing pangyayari na sumira ng tiwala
ng mga kasapi sa Liga. Una, lumusob ang Hapon at sinakop nito ang Manchuria,
isang teritoryo ng Tsina. Nang binatikos ng Lytton Commission ng Liga ang Hapon sa
kanyang ginawa, agad itong tumiwalag sa Liga ng mga Bansa. Ikalawa, noong 1935,
nilusob ng Italya ang Ethiopia. Ipinalagay ng marami na ito na ang huling paghamon
sa kakayahan ng Liga sa tungkuling pagpapayapa.
Marami ang dahilan kung bakit bigo ang Liga ng mga Bansa. Una, hindi lahat
ng makapangyarihan at malalaking bansa ay kasapi. Ang Estados Unidos ay hindi
kasapi. Noong una, ang Alemanya ay hindi pinayagang sumali ngunit pinayagan din
sa bandang huli. Ang Rusya ay sumali lamang noong 1934. Sa taong ito ay
tumiwalag ang Alemanya at Hapon. Hindi makapagtatagumpay ang isang
pandaigdigang organisasyon kung hindi kasapi rito ang malalaking bahagi ng mundo.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Panuto: Isulat sa ikalawang kolumn ang mahahalagang nilalaman o itinadhana ng ilan
sa mga pagsisikap na isinagawa upang matamo ang kapayapaan matapos
ang Unang Digmaang Pandaigdig.
Pagsisikap Tungo sa Kapayapaan Nilalaman
1. Kasunduang Pangkapayapaan _______________________________
(Paris 1919-1920) _______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
26
_______________________________
_______________________________
2. Labing-apat ng Puntos ni _______________________________
Pangulong Woodrow Wilson _______________________________
(Enero, 1918) _______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
3. Kasunduan sa Versailles _______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
4. Ang Liga ng mga Bansa _______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
27
Tandaan Mo!
Matinding pinsala ang naidulot ng Unang Digmaan Pandaigdig sa
pagkawala ng maraming buhay at pagkawasak ng mga bansa at at
ari-arian. Ang apat na imperyo sa Roma ay nagwakas din.
Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, nag-isip ng mga planong
pangkapayapaan ang Big Four na binubuo ng Estados Unidos, Britanya, Italya,
at Pransya. Nagpalabas si Pangulong Wilson ng Labing-apat na Puntos upang
maiwasan ang mga susunod pang digmaan.
Ang Britanya, Pransya at iba pang mga bansang alyado ay nagsagawa rin ng
lihim na kasunduang sila-sila ay mahahati sa mga dating kolonya at teritoryo ng
mga Central Powers. Ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang Kasunduan sa
Versailles na nagdulot ng maraming sanction sa Alemanya na nagbigay ng
malaking hinanakit dito.
Naitatag pagkatapos ng digmaan ang pandaigdigang Liga ng mga Bansa na
ang pangkalahatang layunin ay ang pagtutulungan, at hindi ang digmaan, ng
mga bansa sa daigdig.
Gawain 3: Paglalapat Mula sa iyong napag-aralan sa araling ito, magbigay ng limang dahilan
kung bakit nabigo ang mga pagsisikap na matamo ang pandaigdigang
kapayapaan matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig
1. _____________________________________________________
2. _____________________________________________________
3. _____________________________________________________
4. _____________________________________________________
5. _____________________________________________________
6.
28
ARALIN 3 ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Ang araling ito ay tungkol sa tunggalian ng mga bansa sa pagitan ng nabuong
Allied Powers at ang mga mahalagang pangyayari na may kaugnayan sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Marahil ay nagtataka ka kung bakit hindi naiwasan ang muling
pagsiklab ng ganitong uri ng digmaan sa kabila ng malagim na pinsalang. Suriin sa
araling ito nag mga sanhi at ang mahahalagang kaganapan sa pagsiklab ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Matutukoy ang mga bansang magkakaalyado noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig na nahati sa mga puwersang Allied at Axis;
2. Masusuri ang mga pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at matataya
ang pinsalang naidulot nito; at
3. Makapagbibigay ng sariling paraan sa pamamagitan ng 3-5 pangungusap
upang maiwasan ang digmaan gaya ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Pagmasdang mabuti ang mga bandila. Pagkatapos ay piliin mo ang inaakala
mong tatlong pangunahing bansa sa Allied Powers at gayon din ang 3 pangunahing
bansa kabilang sa AxisPowers. Bilugan ( ) mo ang mga bandila ng mga bansang
kabilang sa Allied Powers; at ikahon ( ) mo naman ang mga kabilang sa Axis
Powers.
29
Mga Sanhi ng Digmaan Hindi pa man lubusang nakakabangon sa mga pinsala ng digmaan ang mga
bansa sa daigdig, muling umigting ang mga hidwaan sa pagitan ng mga bansa. Dala
na rin ito ng nasimulang ambisyon ng mga makapangyarihang bansa na
maipagpatuloy ang pananakop at pagpapalawak ng kanilang teritoryo. Ang mga
pangyayarig naganap at nagpasiklab ng ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang mga
sumusunod:
1. Pag-agaw ng Hapon sa Manchuria Noong 1931, inagaw ng Hapon ang lunsod ng Manchuria. Kinundena ng
Liga ng mga Bansa ang Hapon at sinabing ang ginawang ito ay paglusob.
Kasunod ng pagkundena, ang Hapon ay itiniwalag sa Liga ng mga Bansa.
30
2. Pag-alis ng Alemanya sa Liga ng mga Bansa
Ang Alemanya naman ay tumiwalag sa Liga noong 1933, sapagkat ayon sa
mga Aleman, ang pag-aalis at pagbabawal ng Liga sa pagsasandata ng
Alemanya ay isang paraan ng pag-aalis ng karapatan nito na itatag na muli ang
pag-aarmas. Matapos tumiwalag ang Alemanya sa Liga, pinasimulan ni Adolf
Hitler, ang lider ng Nazi, ang muling pagtatatag ng sandatahang lakas ng bansa.
Nagmithi si Hitler na labagin ang kasunduan sa Versailles na naglagay sa
Alemanya sa kahiya-hiyang kondisyon sa daigdig. Upang makabangon sa
pagkagapi sa Unang Digmaang Pandaigdig, pinagbalakang mabuti ni Hitler ang
pananakop na muli.
Bilang sagot ng mga bansa sa paghahanda ng Alemanya, ang Pransya ay
nakipag-alyansa sa Rusya laban sa Alemanya, samantalang ang Inglatera naman
ay pinalilimitahan ang bilang o laki ng puwersa ng Alemanya. Dahil dito,
nagpadala ang Alemanya ng tropa sa SONA kung saan dapat ay walang militar
ayon sa Kasunduan ng Versailles.
3. Pagsakop ng Italya sa Ethiopia
Sa pamumuno ni Benito Mussolini, sinakop ng Italya ang Ethiopia noong
1935. Tuwirang nilabag ng Italya ang Kasunduan sa Liga (Covenant of the
League)
4. Digmaang Sibil sa Espanya
Nagsimula ang digmaan sibil sa Espanya noong 1936 sa pagitan ng dalawang
panig: ang fascistang Nationalist Front at ang sosyalistang Popular Army. Nanalo ang
mga Nasyonalista. Marami ang nadamay sa digmaang sibil ng Espanya dahil sa
pakikialam ng ibang bansa.
5. Pagsasanib ng Austria at Alemanya
Nagnasa ang mga mamamayang Austriano na maisama ang kanilang
bansa sa Alemanya. Ngunit ang pagsisikap na ito ay sinalungat ng mga bansang
kasapi sa Allied Powers (Pransya, Gran Britanya at Estados Unidos). Dahil sa
31
kasunduan sa pagitan ng Italya at Alemanya na kinalabasan ng Rome – Berlin
Axis noong 1936, ang pagtutol ni Mussolini sa nasabing unyon ng Austria at
Alemanya ay nawalan ng bisa noong 1938. Ang pagnanasang ito sa unyon ay
natupad.
6. Suliranin sa Czechoslovakia
Noong 1938, matapos makuha ni Hitler ang Austria, isinunod naman ng
mga Aleman ang misyon sa Czechoslovakia. Ang diplomat ni Hitler ay nanghingi
sa pamahalaan ng Prague na bigyan ng kumpletong awtonomiya ang Sudeten,
isang rehiyon sa Czechoslovakia na maraming Aleman. Dahil dito, humingi ng
tulong ang Czechoslovakia sa Pransya at Inglatera na tinanggihan naman ng
dalawa.
Noong Setyembre 1938, hinikayat ni Hitler ang mga Aleman sa Sudeten na
magpursigi sa pagtatamo ng kanilang awtonomiya. Dahil dito, hinikayat ng
Inglatera si Hitler na magdaos ng isang pulong sa Munich. Ngunit nasakop ni
Hitler ang Sudeten, at noong 1939, ang mga natitirang teritoryo sa Czechoslovakia
ay napunta pa rin sa Alemanya.
7. Paglusob ng Alemanya sa Poland
Ang huling pangyayari na nagpasiklab sa Ikalawang digmaang Pandaigdig
Digmaan ay ang pagpasok ng mga Aleman sa Poland noong 1939. Ang pagsakop
na ito ay pagbaliktad ng Alemanya sa Rusya na kapwa pumirma sa kasunduang
Ribbentrop-Molotov, isang kasunduan ng hindi pakikidigma. Ang pagbaliktad na
ito ay dulot ng mga sumusunod na pangyayari:
1. Ang hindi pagsali ng Rusya sa negosasyon tungkol sa krisis ng
Czechoslovakia.
2. Ang pagkainis ng Rusya sa Inglatera nang ang ipinadalang negosyador ng
Inglatera sa Kasunduan ng Pagtutulungan (Mutual Assistance Pact) ay hindi
importanteng tao.
32
Ang Takbo ng Digmaan Matapos masakop ni Hitler ang Poland, ipinahayag niya na hindi siya hihingi ng
pabor sa mga ibang bansa ngunit dahil sa ilang ulit na siyang di tumupad sa pangako,
lalong naghanda ang mga Allies para sa anumang mangyayari. Ang mga Pranses ay
nagtatag ng isang depensa sa pamamagitan ng pader na konkreto na tinawag na
Maginot Line. Nagtatag din ng mga depensa ang mga bansa at nagpalakas ng
kanilang hukbo.
Ang Pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Noong tag-araw ng 1939, si Hitler at ang kanyang hukbo ay sumalakay sa
Austria at Czechoslovakia. Pagkatapos, nais niyang kunin mula sa Poland ang Baltic
Port at ang Polish Corridor. Tumanggi ang Poland, kayat nagkaroon ng krisis.
Noong unang araw ng Setyembre 1939, ang puwersa ng Nazismo sa lupa at
himpapawid ay sumalakay sa Poland. Ipinaglaban ng mga magigiting na taga-Poland
ang kanilang kalayaan. Nang mabatid ito ng Britanya at Pransya, sila ay nagpahayag
ng pakikidigma sa Alemanya. Noong ika-17 ng Setyembre, ang Rusya na may lihim
na kasunduan kay Hitler ay sumalakay rin sa Poland sa gawing Silangan. Hindi
nagtagal, ang Poland ay nalupig. Ang Poland ay pinaghatian ng Alemanya at Unyong
Sobyet nang walang labanan.
Ang Digmaan sa Europa Sa kanlurang Europa, ang mga hukbong Pranses at Ingles ay nag-abang sa
likod ng Maginot Line. Hindi kaagad sumalakay dito ang mga Aleman pagkatapos
nilang masakop ang Poland.
Noong Abril 1940, ang Phony War ay biglang natapos sapagkat sinimulan ni
Hitler ang kanyang blitzkrieg biglaang (paglusob na walang babala). Ang mga taga-
33
Norway ay lumaban subalit madaling natalo samantalang ang mga taga-Denmark ay
hindi lumaban.
Noong ika-10 ng Mayo 1940, ay biglang sinalakay ng mga Nazi ang neutral na
mga bansa ng Belhika, Holland at Luxembourg. Binomba ng mga eroplanong Aleman
ang mga bansang ito na kung tawagin ay Low Countries at sinira ang mga paliparan,
pahatiran, at tulay. Ang Hukbong Ingles at Pranses ay sumugod sa Low Countries
upang tulungan sila sa pakikipaglaban subalit sila ay natalo. Noong ika-14 ng Mayo,
1940, ang Holland ay sumuko at si Reyna Wilhelmina ay tumakas papuntang London.
Noong ika-28 ng Mayo, 1940, ang Belhika ay sumuko na rin.
Ang Hukbong Pranses ay umurong sa tabing-dagat ng Dunkirk. Sa ganitong
gipit na kalagayan ipinasya ng Punong Ministro ng Inglatera na si Winston Churchill
na umurong ang hukbo. Ang kagitingang ipinamalas ng mga sundalo laban sa mga
Aleman ay itinuring na Epiko ng Dunkirk.
Samantala ang Pransya na umasa sa Maginot Line bilang kanilang tanggulan
ay nabigla nang dumating na lamang sa pintuan ng Paris ang mga Aleman noong ika-
10 ng Hunyo, 1940. Bumagsak ang Paris at ang pamahalaan ay inilipat sa Bordeaux.
34
Mga Pagkabigo ni Hitler
Ang daigdig ay nangilabot sa karahasan ni Hitler at ng puwersang Aleman.
Bumagsak ang Pransya. Nilusob ng Inglatera na naiwanan nang nag-iisa sa
pakikipaglaban sa Alemanya.
Humingi ng armas sa Estados Unidos ang Inglatera sapagkat nawala ang lahat
ng ito sa dalampasigan ng Dunkirk. Nagpakita ng pambihirang kagitingan at
kabayanihan ang mga Ingles sa kanilang pakikipaglaban sa mga Aleman. Hindi
napasuko ng mga Nazi ang mga Ingles sa pamamagitan ng pagsalakay sa
himpapawid. Natiis ng mga mamamayang Ingles ang araw-araw na pag-ulan ng mga
bomba. Mahigit na 15,000 Ingles ang namatay at 20 porsyento ng mga gusali sa
London ang nawasak. Nabigo si Hitler sa pagsakop sa Inglatera. Ito ang kanyang
unang pagkabigo.
Ito ay sinundan ng isa pang pagkabigo. Noong ika-22 ng Hunyo 1941, nilusob
ng mga Aleman ang Rusya. Nagpadala si Hitler ng 3,000,000 hukbong Nazi sa
Rusya. Natalo ang mga Ruso bagamat lumaban sila nang buong giting. Nakuha ng
35
mga Aleman ang Leningrad, Crimea, Ukraine, Sevastopol at Stalingrad. Nahininto
lamang ang labanan pagdating ng taglamig. Samantala, biglang lumakas ang hukbo
ng Rusya sa pagdating ng mga armas galing sa Estados Unidos. Natalo ang mga
Aleman. Sila ay umurong at ang Leningrad at Stalingrad ay naligtas.
Ang Estado Unidos at ang Digmaan
Ang pananalo ng Nazi sa Europa ay nagdulot ng pangamba sa mga
Amerikano. Nabahala sila sa kaligtasan ng Inglatera pati na ang layuning
demokrasya. Nagpatibay ang Kongreso ng batas na Lend Lease na nagsasabi na
ang Estados Unidos ay magbibigay ng kagamitang pandigma sa lahat ng lalaban sa
mga kasapi ng Axis Powers. Naging miyembro ng puwersang Alyado ang Estados
Unidos noong 1941.
Noong Agosto 1941, si Pangulong Roosevelt ng America at Punong Ministro
Winston Churchill ng Inglatera ay nagpulong sa may baybayin ng Newfoundland.
Doon, isinagawa nila ang isang kasunduan na kilala sa tawag na Atlantic Charter.
Sinisiguro ng kasunduan na “pagkatapos wasakin ang tiraniya ng Nazi, lahat ng mga
bansa ay mabubuhay sa kapayapaan, malaya sa takot at pangangailangan: at lahat
ng mga bansa ay di na muling gagamit ng puwersa.”
Ang Digmaan sa Pasipiko
Samantalang ang mga Hukbong Nazi ay namiminsala sa Europa, ang Hukbong
Hapones ay naghahanda sa Pasipiko. Upang ito ay masugpo, pinatigil ng Estados
Unidos ang pagpapadala ng langis sa Hapon at kinumpiska ang lahat ng ari-arian ng
Hapones sa Estados Unidos. Ang Punong Ministro na Hapon na si Hideki Tojo ay
nagpunta kay Embahador Saburu Kurusu upang tulungan si Admiral Kichisaburu Nomura
sa pakikipagtalastasan nang sa gayon ay maiwasan ang krisis ng Amerika at Hapon.
Habang pinag-uusapan ang kapayapaan, ang mga Hapones ay naghahanda sa digmaan.
36
Noong ika-7 ng Disyembre 1941, biglang sinalakay ng mga Hapones ang Pearl
Harbor, ang isa sa mga himpilan ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos sa Hawaii.
Ang pagtaksil na pagsalakay sa Pearl Harbor ay tinawag na “Araw ng Kataksilan.”
Nagpahayag ng pakikipagdigma sa Hapon ang Estados Unidos, gayon din ang
Britanya. Ang Alemanya at Italya ay sumugod sa panig ng Hapon at nagpahayag rin
ng pakikipagdigma laban sa Estados Unidos noong ika-11 ng Disyembre, 1941.
Ilang oras matapos salakayin ang Pearl Harbor, ang mga eroplano ng Hapon
ay sumalakay din sa Pilipinas at winasak ang hukbong panghimpapawid sa Clark
Field, Pampanga. Lumunsad ang Hapon sa Hilagang Luzon. Ang Pilipinas, sa
pamumuno ni Pangulong Manuel L. Quezon ng Pamahalaang Komonwelt, at si
Heneral Douglas MacArthur ay magiting na lumaban. Nasakop ng Hapones ang
Maynila noong ika-2 ng Enero, 1942. Ang pinakahuling pananggalang ng demokrasya
ay ang Bataan at Corregidor. Samantala, nakapaghanda ang Austria at nabigo ang
Hapon na masakop ito.
Kaalinsabay ng pananalakay sa Pilipinas ang pagsalakay at pagsakop ng mga
Hapones sa Thailand, British Malaya, Hongkong, Guam, at Wake Islands. Narating
37
ng Hapon ang tugatog ng tagumpay sa pananakop sa Pasipiko nong 1942 at nagtatag
sila ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.
Unti-unti namang nakabangon ang Estados Unidos mula sa pagkatalo sa Pearl
Harbor at sa Pilipinas. Gumawa agad ang mga Amerikano ng mga kagamitang
pandigma bilang kapalit sa mga nawasak ng Hapon. Tinipon ang mga puwersang
alyado at pinamumunuan ni Heneral Douglas MacArthur, na nakatakas mula sa
Corregidor at nangako sa mga Pilipino ng “I Shall Return.”
Gawain 2: Pagpapalawak ng Kaalaman Ayusin ang ilang mahahalagang pangyayari noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig sa “time table”. Suriin ang naging takbo ng digmaan sa pagitan ng Allied
Powers at Axis Powers mula 1931 hanggang 1945. pagkatapos ay ilagay ang mga
pangyayari sa tamang panahong nakatala sa ibaba.
• Umalis sa Liga ng mga Bansa ang Alemanya
• Sinakop ng Italya ang Ethiopia na isang paglabag sa Covenant of the League
• Nagdeklara ng digmaan ang Alemanya laban sa Estados Unidos
• Nilusob ng bansang Hapon ang Manchuria
• Sinakop ng Alemanya ang Austria
• Nilusob ng Alemanya ang Poland
• Nagkaroon ng Tripartite Pact ang mga bansang Hapon, Alemanya at Italya
• Sumuko na ang Hapon
• Sinalakay ng Hapon ang Pearl Harbor sa Hawaii at nagdeklara ang Estados
Unidos ng digmaan laban sa Hapon
• Sinalakay ng Hapon ang Pilipinas
• Dumating ang Allied Powers sa Pransya na kilala bilang D-Day
• Nagpakamatay si Adolf Hitler
• Nagsimula ang digmaang sibil sa Espanya sa pagitan ng Fascistang Nationalist
Front at Sosyalistang Popular Army
• Binomba ng Atomika ng Estados Unidos ang Hiroshima sa bansang Hapon
38
• Sinalakay ng Alemanya ang Denmark, Norway the Netherlands, Belhika,
Luxembourg, at Pransya
1931 ________________________________________________________
1933 ________________________________________________________
1935 ________________________________________________________
1936 ________________________________________________________
Marso 1938 ________________________________________________________
Sept 1, 1939 ________________________________________________________
April-May 1940 ________________________________________________________
Sept. 1940 ________________________________________________________
Dec. 7, 1941 ________________________________________________________
Dec. 8, 1941 ________________________________________________________
Dec. 11, 1941 ________________________________________________________
June 6, 1944 ________________________________________________________
April 30, 1945 ________________________________________________________
Aug. 6, 1945 ________________________________________________________
39
Sept. 2, 1945 ________________________________________________________
Tandaan Mo!
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay labanan sa pagitan ng
Allied Powers (Estados Unidos, Inglatera, Rusya at Pransya) at
Axis Powers (Aleman, Hapon ai Italya).
Ang mga sanhi ng Ikalawang Digmaan Pandaigdig ay ang pag-agaw ng Hapon
sa Manchuria noong 1931, ang pag-alis ng Alemanya sa Liga noong 1933,
pagsakop ng Italya sa Ethiopia noong 1935, ang digmaang sibil noong 1936 sa
Espanya, pagsakop ng Alemanya sa Austria, pagsakop ni Hitler sa parte ng
Czechoslovakia, at ang pagpasok ng mga Aleman sa Poland noong 1939.
Sinimulan ni Hitler ang kanyang blitzkrieg at noong ika-10 ng Mayo 1940, sa
biglaang pagsalakay ng mga Nazi sa mga neutral na bansang Belhika, Holland
at Luxembourg. Napabagsak din ang Pransya at nilusob ang Inglatera.
Ang hukbong Aleman ni Hitler at ang hukbong Italyano ni Mussolini ang
nanguna ng digmaan sa Europa, samantalang ang mga Hapones ang
nanalanta sa Pasipiko at Asya.
Ang Estados Unidos ay tumulong sa paghahatid ng mga kagamitang pandigma
sa mga kaalyansa ng Allied Powers at sinumang bansang lumaban sa mga
kasapi ng Axis Powers.
Narating ng Hapon ang tugatog ng tagumpay ng pananakop sa Pasipiko noong
1942 at nagsimula silang magtatag ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.
40
Gawain 3: Paglalapat
Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan at magbigay ng 3-5 pangungusap ukol sa
pinsalang naidulot ng digmaan sa mga buhay at ari-arian ng mga tao sa
mundo. Ipaliwanag mo rin kung ano ang damdamin mo sakaling ikaw ang
nakaranas ng mga pangyayaring nasa larawan.
_______________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
41
ARALIN 4 ANG PAGKAWAWAKAS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG AT ANG MGA PAGBABAGONG DULOT NITO
Ang araling ito ay tungkol sa pagsasalarawan ng mga pangyayari sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Kasama din sa araling ito ang mga naging epekto ng digmaan
sa tao at ang mga inaasahang hakbang ng United Nations upang mapanatili ang
kapayapaan.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Maibibigay ang kahulugan ng mga salita o konseptong may kaugnayan sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig;
2. Matutukoy ang mahahalagang pangyayayri na nakaapekto sa pagwawakas ng
digmaang ito sa iba’t ibang bahagi ng daigdig;
3. Mailalarawan sa pamamagitan ng isang maikling sanaysay ang inaasahang
mangyayari sa mga tao matapos ang digmaan.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Mabubuo mo kaya ang mga salitang may kaugnayan sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?
Ayusin mo ang mga titik na nasa bawat kahon upang malaman ang tamang
sagot na tinutukoy sa bawat bilang.
1. MANNODRY Sa lugar na ito lumunsad ang hukbo ng mga
Allied Powers upang simulan ang paglaban
kay Hitler.
_________________________
42
2. SHHIIMRAO Isa sa dalawang lugar sa Japan na
pinasabugan ng Bomba ng mga hukbong
panghimpapawid ng Estados Unidos.
_________________________
3. AMG NSABNAG KANIASGAKA Sa pagtatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, nabuo ang
samahang ito upang pangalagaan ang
pandaigdigang kapayapaan.
_________________________
4. CIGDEENO Malawakang pagpatay na ginawa noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig lalo na
laban sa mga Hudyo.
_________________________
5. SAG MBCEHRA Lugar sa mga kampo na nagsisilbing lugar
para sa mabilisan at maramihang pagpatay
ng mga Hudyo noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
_________________________
6. ATDHE ARMHC Isang uri ng pagpaparusang ipinataw ng mga
Hapon sa Pilipinas laban sa mga sumukong
sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan.
_________________________
43
7. RBEMNEURG Dito naganap ang paglilitis sa mga taong may
kinalaman sa maraming buhay at ari-ariang
nawasak noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
_________________________
Tagumpay ng mga Alyado sa Europa at Hilagang Aprika
Ang taong 1943 ay naging tanda ng pagbabago ng ihip ng digmaan para sa
Alyadong Bansa. Ito ay nagsimula sa pagkakapanalo ng Allied Powers sa Hilagang
Aprika noong ika-13 ng Mayo, 1945, na sinundan ng pagkabihag sa Sicily noong ika-
11 ng Hunyo, at ang pagsuko ng Italya noong ika-3 ng Setyembre. Noong ika-6 ng
Hunyo 1944, ang mga hukbong Alyado ay lumapag at dumaong sa Normandy
samantalang sa Silangang Europa ay nilumpo ng mga Ruso ang mga hukbong Nazi
at sinakop ang Berlin.
Habang nilalabanan ni Heneral Montgomery ang mga Nazi sa Egypt, sinalakay
naman ng mga puwersang Anglo-Amerikano sa pamumuno ni Heneral Dwight
Eisenhower ang Morocco at Algeria. Noong ika-13 ng Mayo, pagkaraan ng matinding
labanan, ang Hilagang Aprika ay napasakamay ng mga Alyadong Bansa.
Sa Hilagang Aprika at Sicily, ang pagkatalo ng mga hukbong Italyano ay nauwi
sa pagbagsak ni Mussolini. Napaalis siya ni Pietro Badoglio. Si Mussolini ay
nakatakas mula sa bilangguan at nagtungo ng hilagang Italya. Nagtatag siya ng
bagong pamahalaang Fascista, ngunit di ito tinangkilik ng mga tao. Doon nahuli siya't
pinatay kasama ng kanyang kinakasamang babae na si Clara Peracci noong ika-2 ng
Abril, 1945.
44
Ang Pagbagsak ng Alemanya Noong ika-6 ng Hunyo, 1944 (D-Day), ang puwersa ni Heneral Eisenhower ay
lumapag sa Normandy, Pransya at pagkaraan ng ilang linggong paglalaban, natalo
nila ang mga Nazi.
Noong Setyembre pinalaya ng mga Alyado ang Belhika. Nakipagsapalaran si
Hitler at sinalakay ang mga alyado na malapit sa Luxembourg nong ika-6 ng
Disyembre sa labanang tinawag na Battle of the Bulge kung saan natalo ang mga
Nazi.
Sa huling araw ng Abril 1945, bumagsak ang Alemanya dahil sa pag-atake ng
mga Alyado sa kanluran at ng mga Ruso sa Silangan. Napagtanto ni Hitler mula sa
pinagtataguan ang kanyang pagkampi. Sa umaga ng ika-30 ng Abril, hinirang niya si
Admiral Karl Doenitz bilang kanyang kahalili at sa hapon ding iyon, siya at ang
kanyang kinakasamang babae na si Eva Brawn, ay nagpakamatay.
Noong ika-2 ng Mayo, nabihag ng mga Ruso ang Berlin. Noong ika-7 ng Mayo,
tinanggap ang walang pasubaling tadhana ng pagsuko ng mga Aleman sa Rheims at
nang sumunod na araw sa Berlin. Sa wakas ay sumapit din ang tinatawag na V-E
Day (Victory in Europe).
Ang Tagumpay sa Pasipiko Noong ika-20 ng Oktubre, 1944, bumalik si Heneral Douglas MacArthur sa
Leyte sa gitna ng pagbubunyi ng mga Pilipino. Pagkatapos ng mahigit na ilang
buwang pakikipaglaban sa Hapones ng mga Pilipino, idineklara ni Heneral McArthur
ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Hapon. Noong ika-6 ng Agosto, 1945, ang
unang bomba atomika ay ibinagsak sa Hiroshima. Sinalakay naman ng Rusya ang
Manchuria, Korea at Timog Sakhalin. Noong ika-9 ng Agosto, muling nagbagsak ng
bomba atomika ang mga Amerikano sa Nagasaki. Nagimbal ang Hapon sa mga
bombang atomika kaya tinanggap ng mga Hapones ang ultimatum ng mga Alyado
noong ika-15 ng Agosto ang walang pasubaling pagsuko.
45
Noong huling araw ng Agosto lumapag sa bansang Hapon si Heneral
MacArthur bilang SCAP o Supreme Commander of the Allied Powers. At noong ika- 2
ng Setyembre, 1945, nilagdaan ng bansang Hapon ang mga tadhana ng pagsuko sa
sasakyang US Missouri sa Tokyo Bay.
Mga Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ito ng malaking pagbabago
sa kasaysayan ng daigdig.
1. Malaking bilang g mga namatay at nasirang ari-arian. Tinatayang halos 60
bansa ang naapektuhan ng digmaan at higit na mas marami ang namatay
kaysa Unang Digmaang Pandaigdig.
2. Napagtibay ang simulaing command responsibility para sa pagkakasalang
nagawa ng mga opisyal ng bayan at mga pinunong militar.
3. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng
agrikultura, industriya, transportasyon at pananalapi ng maraming bansa.
4. Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler, Fascismo ni
Mussolino, at Imperyong Hapon ni Hirohito.
5. Ito ang daan tungo sa pagkasilang ng malalayang bansa – ang Silangan
Alemanya, Kanlurang Alemanya, Nasyonalistang Tsina, Pulahang Tsina,
Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Ceylon, India, Pakistan, Israel, Iran, Iraq at iba
pa.
Ang Mga Bansang Nagkakaisa (United Nations)
Hindi pa natatapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, napag-isip ni
Pangulong Roosevelt ng Estados Unidos na muling magtatag ng isang samahang
pandaigdig na papalit sa Liga ng mga Bansa o may nawawala ba?.
46
Apat ng buwan bago sumalakay ang mga Hapones sa Pearl Harbor, sina
Pangulong Roosevelt at Punong Ministro Winston Churchill ng Inglatera ay
bumalangkas nang deklarasyon, ang Atlantic Charter, na siyang saligan ng 26 na
bansa sa nilagdaang Deklarasyon ng Mga Bansang Nagkakaisa (United Nations). Sa
isang komperensiya sa Moscow noong Oktubre 1943, ang Estados Unidos, Gran
Britanya at Soviet Union ay nagkasundo ng pagpapairal at pagpapanatili ng
kapayapaan sa sandaling matalo ang Axis. Sinundan ito ng Deklarasyon ng Apat na
Bansa, kasama ang Tsina, para sa pagtatatag ng isang pangkalahatang samahang
pandaigdig upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa mundo. Limampung
bansa ang nagpulong sa California, Estados Unidos, upang balangkasin ang Karta ng
mga Bansang Nagkakaisa o UN. Noong ika-24 ng Oktubre, 1945 ay itinatag ang Mga
Bansang Nagkakaisa. Muling nagpulong ang mga kinatawan ng mga bansa sa
London noong 1946 at nahalal na unang Sekretaryo-Heneral si Trygve Lie ng
Sweden.
Ang Mga Bansang Nagkakaisa ay may anim na pangunahing sangay. Ang
47
Pangkalahatang Asemblea (Assembly) ang sangay na tagapagbatas ng samahan.
Binubuo ng mga kinatawan ng lahat ng mga kasaping bansa, dito isinasagawa ang
mga pangkalahatang pagpupulong.
Ang Sanguniang Pangkatiwasayan (Security Council) ang sangay
tagapagpaganap. Binubuo ito ng 11 kagawad na ang lima ay permanenteng
miyembro, samantalang ang anim ay inihalal sa taning na pununungkulang dalawang
taon.
Ang Kalihim (Secretariat) ay ang pangkat ng mga tauhang pampangasiwaan ng
U. N. na nagpapatupad sa mga gawaing pang-araw-araw.
Ang Pandaigdig na Hukuman ng Katarungan (International Court of Justice)
ang siyang sangay na nagpapasya sa mga kasong may kinalaman sa alitan ng mga
bansa.
Ang Sangguniang Pangkabuhayan at Panlipunan (ECOSOC) ay binubuo ng 54
na kasaping bansa. Ito ang sangay na namamahala sa mga bagay na
pangkabuhayan, panlipunan, edukasyonnal, siyentipiko at pangkalusugan ng daigdig.
Ang Sanggunian ng mga Katiwala ay nangangasiwa sa mga teritoryong
ipinagkatiwala na kinabibilangan ng mga sumusunod: (1) mga teritoryong pinigil sa
ilalim ng batas ng Samahan ng mga Bansa; (2) mga teritoryong kinuha mula sa
Kapangyarihang Aksis (Axis power) inilagay sa sistema ng katiwala ng U. N.
Maraming Hudyo ang ipinapatay ng mga Nazi na kilala sa tawag na Genecide
sa pamamagitan ng Gas Chamber at sa mga kampo ng konsertrasyon kung saan na
sapilitang pinagtratrabaho ang mga bihag para sa suplay ng armas pandaigdig.
Sa Pilipinas ay nakilala ang Death March bilang pagpapahirap ng mga Hapon
sa mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa Bataan.
Matapos ang digmaan ay nagkaroon ng makasaysayang paglilitis sa
Nuremberg sa Alemanya upang mabigyang hustisya ang halos 11 milyong nasawi
dulot ng digmaan.
48
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Panuto: Gumawa na maikling pagsasalarawan ukol sa bawat larawan na makikita sa
ibaba ukol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
49
Tandaan Mo! Ang pagdating ng Allied Powers sa Normandy at pagkatalo dito
ng tropang Aleman ang hudyat ng pagkapanalo ng hukbo laban
sa Axis Powers at pagbagsak ni Hitler.
Ang pagkatalo ng Italya sa Hilagang Aprika ay naging hudyat sa pagbagsak ni
Mussolini.
Ang pagbabalik ni Gen. Douglas MacArthur sa Pilipinas ay simula ng paglaya
ng bansa at pagwawakas ng Imperyong Hapon sa Asya matapos na bombahin
ng hukbong Amerikano ang Hapon sa Hiroshima at Nagasaki gamit ang atomik
bomb.
Ang Mga Bansang Nagkakaisa o United Nations ay nabuo at nagkaroon ng
pagpupulong ang 50 bansang kasapi nito noong Oktubre 24, 1945 upang
mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng daigdig. Ito ang
pinakamahalagang naidulot ng pagtatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
Gawain 3: Paglalapat Batay sa larawan na nagpapakita sa isang babae, isipin mo na ikaw
ang babae na nakaranas o nasa gitna ng digmaan. Ano ang iyong natatanaw
matapos ang gulo at digmaan? Gumawa ng isang maikling sanaysay para sa iyong
kasagutan sa pamamagitan ng 7-10 pangungusap.
50
_______________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
51
Mga Dapat Tandaan sa Modyul na Ito
Sa pagitan ng 1871-1914, ang mga bansang industriyalisado sa
Kanluraning Europa ay nasa rurok ng kanilang kapangyarihan. Naging sentro ng
daigdig ang Europa dahil sa kaunlaran at kalakalan. Naging sentro rin ito ng
pandaigdigang alitan at di-pagkakaunawaan ng mga bansang makapangyarihan.
Ang mga sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang nasyonalismo, imperyalismo,
militarismo, pagbuo ng mga alyansa, pandaigdig na hidwaan at mga pandaigdigang
krisis tulad ng mga pangyayari sa Morocco at Balkan.
Ang pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand noong 1914, ang tagapagmana sa
trono ng Austria na dumalaw sa Sarajevo, Bosnia, ang nagpasiklab sa Unang
Digmaang Pandaigdig.
Matinding pinsala ang naidulot ng Unang Digmaan Pandaigdig sa pagkawala ng
maraming buhay at pagkawasak ng mga bansa at at ari-arian. Ang apat na imperyo
sa Roma ay nagwakas din.
Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, nag-isip ng mga planong
pangkapayapaan ang Big Four na binubuo ng Estados Unidos, Britanya, Italya, at
Pransya. Nagpalabas si Pangulong Wilson ng Labing-apat na Puntos upang
maiwasan ang mga susunod pang digmaan.
Ang Britanya, Pransya at iba pang mga bansang alyado ay nagsagawa rin ng lihim na
kasunduang sila-sila ay mahahati sa mga dating kolonya at teritoryo ng mga Central
Powers. Ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang Kasunduan sa Versailles na nagdulot
ng maraming sanction sa Alemanya na nagbigay ng malaking hinanakit dito.
Naitatag pagkatapos ng digmaan ang pandaigdigang Liga ng mga Bansa na ang
pangkalahatang layunin ay ang pagtutulungan, at hindi ang digmaan, ng mga bansa
sa daigdig.
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay labanan sa pagitan ng Allied Powers
(Estados Unidos, Inglatera, Rusya at Pransya) at Axis Powers (Aleman, Hapon ai
Italya).
Ang mga sanhi ng Ikalawang Digmaan Pandaigdig ay ang pag-agaw ng Hapon sa
52
Manchuria noong 1931, ang pag-alis ng Alemanya sa Liga noong 1933, pagsakop ng
Italya sa Ethiopia noong 1935, ang digmaang sibil noong 1936 sa Espanya, pagsakop
ng Alemanya sa Austria, pagsakop ni Hitler sa parte ng Czechoslovakia, at ang
pagpasok ng mga Aleman sa Poland noong 1939.
Sinimulan ni Hitler ang kanyang blitzkrieg at noong ika-10 ng Mayo 1940, sa biglaang
pagsalakay ng mga Nazi sa mga neutral na bansang Belhika, Holland at Luxembourg.
Napabagsak din ang Pransya at nilusob ang Inglatera.
Ang hukbong Aleman ni Hitler at ang hukbong Italyano ni Mussolini ang nanguna ng
digmaan sa Europa, samantalang ang mga hapones ang nanalanta sa Pasipiko at
Asya.
Ang Estados Unidos ay tumulong sa paghahatid ng mga kagamitang pandigma sa
mga kaalyansa ng Allied Powers at sinumang bansang lumaban sa mga kasapi ng
Axis Powers.
Narating ng Hapon ang tugatog ng tagumpay ng pananakop sa Pasipiko noong 1942
at nagsimula silang magtatag ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.
Ang pagdating ng Allied Powers sa Normandy at pagkatalo dito ng tropang Aleman
ang hudyat ng pagkapanalo ng hukbo laban sa Axis Powers at pagbagsak ni Hitler.
Ang pagkatalo ng Italya sa Hilagang Aprika ay naging hudyat sa pagbagsak ni
Mussolini.
Ang pagbabalik ni Gen. Douglas MacArthur sa Pilipinas ay simula ng paglaya ng
bansa at pagwawakas ng Imperyong Hapon sa Asya matapos na bombahin ng
hukbong Amerikano ang Hapon sa Hiroshima at Nagasaki gamit ang atomik bomb.
Ang Mga Bansang Nagkakaisa o United Nations ay nabuo at nagkaroon ng
pagpupulong ang 50 bansang kasapi nito noong Oktubre 24, 1945 upang mapanatili
ang kapayapaan at kaligtasan ng daigdig. Ito ang pinakamahalagang naidulot ng
pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
53
PANGHULING PAGSUSULIT
I. Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
__________ 1. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang hindi kabilang sa
mahahalagang naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig? A. Pagdanas ng krisis ng mga estado ng Balkan at sa Morocco B. Pagkakaroon ng Triple Alliance at Triple Entente C. Pagpapasinaya sa Nagkakaisang Bansa D. Pagtataguyod ng mga hukbong militar
__________ 2. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tumutukoy sa naging
sanhi ng ng Unang Digmaang Pandaigdig? A. Pagbagsak ng mga kilalang imperyo tulad ng Alemanya,
Austria-Hungury, Rusya, at Ottoman B. Paglabas ng labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow
Wilson ukol sa pagpapanatili ng kapayapaan C. Pagpatay kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria habang
nasa Sarajevo, Bosnia D. Pagtakas ni Adolf Hitler matapos ang sunud-sunod na
pagkatalo laban sa mga Allied Powers __________ 3. Ang mga probisyon sa Kasunduan sa Versailles ay tumutukoy sa:
A. Pagbabaha-bahagi ng mga teritoryong dating nasasakop ng Alemanya sa pagitan ng mga bansang magkaka-alyado
B. Pagkilala sa pagkakapangkat-pangkat ng mga bansa sa pagitan ng Triple Alliance at Triple Entente
C. Pagkuha ng Rusya sa magagandang daungan ng Constantinople para makaiwas sa matinding taglamig
D. Pakikipagtunggali ng Alemanya laban sa kontrol ng Inglatera sa kalakalan sa mga katubigan
__________ 4. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula dahil sa:
54
A. Pagdating ng mga armas galing sa Estados Unidos para sa Inglatera
B. Pagkatalo ni Adolf Hitler laban sa magigiting na hukbo ng Inglatera
C. Pagpatay sa napakaraming Hudyo sa Europa D. Pagsalakay ng mga Aleman sa Poland noong 1939
__________ 5. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tungkol sa kinahinatnan ng
ating kabuhayan makalipas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig maliban sa isa.
A. Ang pagkakaroon ng malalayang bansa mula sa pagiging kolonya o bansang sakop ng mga taga-kanluran
B. Ang pagpigil sa Alemanya na lumikha ng mga armas pandigma at pagtitiwalag dito bilang kasapi ng Liga ng mga Bansa
C. Ang pandaigdigang ekonomiya ay pansamantalang natigil at bumagal ang pag-unlad ng kabuhayan sa mundo
D. Ang totalitarianismo ni Hitler, Fascismo ni Mussolini at Imperyong Hapon ni Hirohito ay nagwakas.
__________ 6. Maaalala sa buong mundo si Winston Churchill bilang isang kilalang:
A. Heneral ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Allied Power B. Isang tagasuporta ng Nazi Party ni Adolf Hitler sa Europa C. Lider manggagawa sa panahon ng Rebolusyong Industriyal D. Punong Ministro ng Gran Britanya noong World War II
__________ 7. Ang mga taong ito ay pawang nakaranas ng pinakamatinding pinsala
sa buhay na dulot ng mga Aleman noong Ikalawang Digmaaang Pandaigdig:
A. Amerikano B. Hapon C. Hudyo D. Italyano
__________ 8. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tumutukoy sa interes
ng Hapon nang kanyang salakayin ang Pearl Harbor noong 1941?
55
A. Makatulong sa mga bansang sakop ng mga Europeo sa Asya B. Makontrol ang daloy ng kalakalan sa Pasipiko C. Mapabilang sa mga bansang kaanib ng Nagkakaisang Bansa D. Mapalaganap ang kaisipan at imperyo ng mga Hapon sa Asya
__________ 9. Noong June 6, 1944 ay naganap ang D-Day sa Normandy na kilala
sa kasaysayan bilang: A. Mabilis na pakikipaglaban at pagsalakay ng mga Aleman
laban sa mga Ingles at Amerikano B. Mahigpit na patakarang ipinatupad laban sa pagsuko ng mga
Aleman at Italyano matapos ang digmaan C. Malawakang pagdating ng suporta mula sa mga hukbo ng
Allied Powers D. Malawakang paghuli at pagpatay sa mga Hudyo na
naninirahan sa Europa
__________ 10. Ayusin ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig:
1. Ang D-Day ng mga Allied Powers sa Pransya 2. Ang pagsalakay ng mga Hapon sa Pearl Harbor 3. Ang pagpasok ng Alemanya sa Poland 4. Ang pananakop ng Hapon sa Manchuria
Ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ay :
A. 2 4 3 1 B. 1 4 3 2 C. 4 3 2 1 D. 3 4 2 1
II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot:
A. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Ekonomiya; B. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Lipunan; C. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Pulitika; at D. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Relihiyon;
56
__________ 11. Paglaganap ng kaisipang tanging mga Aleman ang magaling at
nangungunang lahi sa daigig. __________ 12. Paglaganap ng kaisipan laban sa mga Hudyo dahil sa paniniwalang
sila ang dahilan sa kamatayan ni Kristo. __________ 13. Pagkawasak ng buhay at mga ari-arian hatid ng Una at Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. __________ 14. Pakikisangkot ng Rusya sa usapin ng mga Estado sa Balkan dahil sa
mga kapwa Ruso na Greek Orthodox. __________ 15. Pagbagal ng industrialisasyon at kalakalan dulot ng mga digmaang
pandaigdig. __________ 16. Pagpapalaganap ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere ng mga
Hapon sa kalakhang Asya. __________ 17. Pagpapakilala ng mga Hapon na ang lahing Asyano ay mataas na
lahi tulad ng mga Europeo. __________ 18. Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig ay pinamunuan at
nakontrol ng Central Powers ang pamamahala laban sa mga natalo sa digmaan.
__________ 19. Paglalabanan ng pamumuno sa pagitan ng mga Fascistang
Nationalist Front at Sosyalistang Popular Army sa Espanya. __________ 20. Paghinto ng suplay sa langis at pagpigil sa mga ari-ariang Hapones
sa Estados Unidos.
57
GABAY SA PAGWAWASTO
PANIMULANG PAGSUSULIT
1. D
2. C
3. B
4. B
5. D
6. C
7. C
8. C
9. B
10. C
11. A
12. B
13. A
14. D
15. C
16. A
17. B
18. D
19. C
20. A
ARALIN 1 MAHAHALAGANG PANGYAYARI NA NAGDULOT NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
ALLIED POWERS
(Kulay Berde)
CENTRAL POWERS
(Kulay Kahel)
NEUTRAL COUNTRIES
(Kulay Itim)
Belhika Austro-Hungarian Empire Albanya
Gran Britanya Bulgarya Denmark
Gresya German Empire Espanya
Italya Ottoman Empire Morocco (Spain)
Portugal Netherlands
Pransya Norway
Romanya Sweden
Rusyan Empire Switzerland
58
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Mga sagot:
Damdaming Nasyonalismo ay nagbunsod ng pagnanasa ng mga taong
makalaya
Ang Imperyalismo bilang paraang sa pagpapalawak ng pambansang
kapangyarihan sa pamamagitan ng pag-angkin ng mga kolonya
Militarismo upang mapangalagaan ang nasyonalismo sa pamamagitan ng
mahuhusay at malaking hukbong sandatahan
Pagbuo ng mga bansang magkaka-alyansa tulad ng Triple Entente at Triple
Alliance
Pandaigdigang hidwaan dahil sa mga bansang hindi sumusunod sa
kasunduang magbawas ng mga armas
Ang Pandaigdigang krisis tulad ng sa Morocco (1905-1912) at Balkan (1908 at
1913)
Ang pinakahuling nagpasiklab ng digmaan ay ang pagpaslang kay Archduke
Francis Ferdinand noong ika-28 ng Hunyo, 1914. Ang tagapagmana sa trono ng
Austria ay dumalaw sa Sarajevo, Bosnia. Siya ay pataksil na pinatay ni Garivlo
Princip, isang Serbian na naninirahan sa Bosnia.
Gawain 3: Paglalapat Ipatsek sa gurong tagapamatnubay ang iyong sagot na binubuo ng sarili mong
opinyon.
ARALIN 2 MGA EPEKTO SA MGA BANSA NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Mga Naging Pagbabago sa Europa
59
1. Ang Austria at Hungary ay nagkahiwalay
2. Ang mga bansang Latvia, Estonia, Lithuania, Finland,
Czechoslovakia, Yugoslavia at Albanya ay lumaya
3. Ang apat na Imperyo ng Hohenzollen ng Alemanya, Hapsburg ng
Austria-Hungary, Romanov ng Rusya at Ottoman ng Turkey ay
nagwakas
Gawain 2: Pagpapalawak ng Kaalaman Mga tamang sagot:
Pagsisikap Tungo sa Kapayapaan Nilalaman
1. Kasunduang Pangkapayapaan Paraan upang maiwasan ang
(Paris 1919-1920) muling pagsiklab ng digmaan
sa mundo na pinangungunahan
ng BIG FOUR-Pangulong
Woodrow Wilson ng Estados
Unidos, Punong Ministro
David Llyod George ng Britanya,
Vittorio Emmanuel Orlandong
Italya, at Punong Ministro
Clemenceau ng Pransya.
2. Labing-apat ng Puntos ni 1. Kapayapaan walang talunan.
Pangulong Woodrow Wilson 2. Pagbuo ng Liga ng mga Bansa.
(Enero, 1918) 3. Wakasan ang mga lihim na
ugnayan ng mga bansa.
3. Kasunduan sa Versailles 1. Pag-aalis ng lahat ng kolonya ng
Alemanya .
2. Pagbabayad ng mga Alemanya ng
repparasyon sa mga bansang
60
naging biktima ng digmaan.
3. Pagbabawal sa Alemanya sa
paggawa ng armas.
4. Pagbabawas sa hukbong pandagat
at panghimpapawid ng Alemanya
4. Ang Liga ng mga Bansa 1. Pag-iwas sa digmaan.
2. Pagtutulungan ng mga bansang
nagkakaisa sa panahon ng
kapayapaan at digmaan.
3. Pangangalaga sa kapakanan at
kaaway ng bawat isa.
Gawain 3: Paglalapat Isangguni mo sa gurong tagapamatnubay ang mga iminungkahi mong paraan
na batay sa sarili mong kuru-kuro at pananaw.
ARALIN 3 ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Gawain 1
61
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Narito ang tamang “time table”
1931 - Nilusob ng bansang Hapon ang Manchuria
1933 - Tumiwalag sa Liga ng mga Bansa ang Alemanya
1935 - Sinakop ng Italya ang Ethiopia na isang paglabag
sa Covenant of the League
1936 - Nagsimula ang digmaang sibil sa Espanya sa pagitan
ng Fascistang Nationalist Front at Sosyalistang Popular
Army
Marso 1938 - Sinakop ng Alemanya ang Austria
Sept 1, 1939 - Nilusob ng Alemanya ang Poland
April-May 1940- Sinalakay ng Alemanya ang Denmark, Norway, the
Netherlands, Belhika, Luxembourg at Pransya
Sept. 1940 - Nagkaroon ng Tripartite Pact ang mga bansang
Hapon, Alemanya at Italya
Dec. 7, 1941 - Sinalakay ng Hapon ang Pearl Harbor sa Hawaii at
nagdeklara ang Estados Unidos ng digmaan laban sa
Hapon
Dec. 8, 1941 - Sinalakay ng Hapon ang Pilipinas
Dec. 11, 1941- Nagdeklara ng digmaan ang Alemanya laban sa Estado
Unidos
June 6, 1944- Dumating ang “Allied Powers” sa Pransya na kilala
bilang “D-Day”
April 30, 1945- Nagpakamatay si Adolf Hitler
Aug. 6, 1945 - Binomba ng Atomika ng Estados Unidos ang
Hiroshima sa bansang Hapon
Sept. 2, 1945- Sumuko na ang Hapon
62
Gawain 3: Paglalapat Ipatsek sa gurong tagapamatnubay ang iyong sanaysay. Sa interpretasyonmo
sa mga larawan nakasalalay ang iyong kasagutan.
ARALIN 4 ANG PAGWAWAKAS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG AT MGA PAGBABAGONG DULOT NITO
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Mga Sagot:
1. Normandy
2. Hiroshima
3. Mga Nagkakaisang Bansa
4. Genecide
5. Gas Chamber
6. Death March
7. Nuremberg
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ipatsek sa guring tagapamatnubay ang iyong mga sagot. Depende sa iyong
interpretasyon ng mga larawan ang iyong sagot.
Gawain 3: Paglalapat Ipatsek mo sa gurong tagapamatnubay ng modyul ang iyong sanaysay
PANGHULING PAGSUSULIT
1. C
2. C
3. A
4. D
5. B
6. D
7. C
8. D
9. C
10. C
11. B
12. D
13. A
14. D
15. A
16. A
17. B
18. C
19. C
20. A
63
1
ARALING PANLIPUNAN III
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 18
MGA IDEOLOHIYANG LUMAGANAP SA DAIGDIG
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
2
MODYUL 18 MGA IDEOLOHIYANG LUMAGANAP SA DAIGDIG
Marahil ay mayroon ka nang nabatiran hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng
mga bansa sa daigdig. Bakit iba’t iba ang mga kalagayang pampulitika ng mga
bansa? Matutuhan sa modyul na ito ang iba't ibang ideolohiyang sinusunod ng
mga bansa. At ang mga katangian ng bawat isa. Tatalakayin din kung ano ang
epekto ng iba’t ibang idolohiya sa kabuhayan ng mga tao. Inaasahang mas lalo
mong mauunawaan ang ideolohiyang umiiral sa ating bansa, ang Pilipinas,
pagkatapos ng mga aralin sa modyul.
May tatlong araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Mga Ideolohiya ng Iba't ibang Bansa at ang Puwersa ng
Demokrasya at Komunismo
Aralin 2: Puwersang Pangkabuhayan sa Pulitika ng Bansa
Aralin 3: Ang Pilipinas at ang Ideolohiya nito
Pagkatapos mong mapag-aralan ang nilalaman ng modyul, inaasahang
magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Mailalahad ang mga ideolohiyang sinusunod ng mga bansa;
2. Maipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng puwersang
demokrasya at komunismo sa kalagayan ng mga tao;
3. Maiuugnay ang mga puwersang pangkabuhayan sa kalagayang
pulitikal ng bansa; at
4. Mapahahalagahan ang makatwiran at bukas na isipan ng mga bansa
lalo na ang Pilipinas sa pagpili ng mga ideolohiyang yayakapin.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda
para sa iyo
3
PANIMULANG PAGSUSULIT:
Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sino ang HINDI kabilang sa pangkat ng mga lider ng Komunismo sa
Rusya?
A. Nicolai Lenin
B. Karl Marx
C. Joseph Stalin
D. Leon Trotsky
2. Ayon sa kaisipang komunismo, ang mga manggagawa ang siyang magiging
tagapamalakad ng pamahalaan at magbibigay daan sa pagwawakas ng:
A. awtoritaryanismo
B. fascismo
C. kapitalismo
D. monarkiya
2. Ayon sa Ideolohiyang kapitalismo, kailangan ay maliit o limitado ang papel na
ginagampanan ng ahensya o institusyong ito sa mga patakarang
pangkabuhayan ng bansa tungo sa kaunlaran.
A. Edukasyon
B. Mass Media o Mamamahayag
C. Pamahalaan
D. Simbahan
3. Ano sa palagay mo ang kaisipang hindi gaanong naaapektuhan ng anumang
ideolohiya?
A. Pampulitika
B. Pangkabuhayan
C. Pangsining
D. Panlipunan
4
4. Sa ilalim ng isang demokratikong bansa, ang pakikilahok ng mga mamamayan
sa pagpili ng mga pinuno ay maaaring:
A. Check and Balance
B. Natatakdaan at Di-natatakdaan
C. Tagapagbatas at Tagapagpaganap
D. Tuwiran at Di-tuwirang pagboto
5. Ang bawat bansa ay may sinusunod na ideolohiya, alin sa mga sumusunod na
tambalan ng ideolohiya at bansa ang HINDI magkatugma?
A. Demokrasya - Timog Korea
B. Komunismo – Tsina
C. Monarkiya – Inglatera
D. Totalitaryanismo – Hapon
6. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa mga prinsipyo ng
Nazismo na nakapaloob sa Mein Kamp maliban sa:
A. Pagbuwag sa kasunduan sa Versailles sanhi ng mga suliranin sa
Alemanya.
B. Pagtatatag ng diktadurya ng mga manggagawa na tatayong mas
makapangyarihan sa pamahalaan.
C. Pagwasak sa Republika at pagtatatag ng Third Reich na isang estadong
totalitaryan ng Nazismo.
D. Paniniwala ng mga Aleman na sila ang pangunahing lahi sa mundo – mga
Aryano
7. Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang HINDI kabilang sa prinsipyo ng
Komunismo?
A. Ang manggagawa ang supremo sa pamahalaan.
B. Lubos na paghihiwalay ng simbahan at Estado.
C. Pagpapalakas ng mga mangangalakal sa pribadong negosyo.
D. Pagwawakas ng kapitalismo.
5
8. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang HINDI kabilang sa pagsilang ng Pasismo
sa Italya?
A. Hindi nasiyahan ang mga Italyano sa resulta ng Unang Digmaang
Pandaigdig.
B. Malawakang pagpapahirap at pagpatay sa mga Hudyo sa Europa.
C. Paghihirap ng kabuhayan tulad ng kakulangan ng pagkain at mga
pangunahing pangangailangan.
D. Walang kakayahan ang mga pinuno na lutasin ang mga suliranin sa
pamahalaan.
9. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI tumutukoy sa
katangian ni Nicolai Lenin?
A. Naging unang pinuno ng komunismo sa Rusya.
B. Nagpatupad ng malawakang pagpapahirap at pagpatay sa mga Hudyo
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
C. Nakilala sa kanyang panawagang "kapayapaan, lupain, at tinapay".
D. Nakuha ang tiwala ng mga tao, dahil sa kanyang pinagsamang pag-
angkin ng pamahalaan sa lahat ng mga pagawaan.
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at isulat sa
patlang ang titik:
A. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Demokrasya;
B. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Kapitalismo;
C. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Komunismo;
D. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Monarkiya;
E. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Sosyalismo; at
F. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Totalitaryanismo.
__________ 1. Sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksyon, distribusyon
at kalakaran ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal.
6
__________ 2. Naglalayon na makamit ang perpektong lipunan sa pamamagitan ng
pantay na distribusyon ng produksyon ng bansa, pagtutulungan, at ang paghawak ng pamahalaan sa mahahalagang industriya.
__________ 3. Layunin nito ang pagkakapantay-pantay at kawalan ng antas o pag-
uuri-uri ng lipunan (classless society) kung saan ang mga salik ng
produksyon ay pag-aari ng lipunan.
__________ 4. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay lamang ng isang
tao. Ang pinuno ng sistemang ito ay karaniwang tinatawag na hari o
reyna.
__________ 5. Sa sistemang ito ang kapangyarihan sa pamahalaan ay nasa kamay ng
mga tao at karaniwang pumipili ang mga tao ng pinuno sa
pamamagitan ng halalan.
__________ 6. Ang pamahalaang ito ay karaniwang pinamumunuan ng isang
diktador o grupo ng mga taong makapangyarihan. Nasa kamay ng
pamahalaan ang pag-aari ng mga lupain, kayamanan ng bansa, at
mga industriya.
__________ 7. Ideolohiyang nalinang ni Karl Marx na naglalayong maging
pagmamay-ari ng lipunan ang produksyon.
__________ 8. Ang ideolohiyang ito ay malaya sa pamamahala at sa kabuhayan na
sinusunod ng mga bansang tulad ng Pilipinas, Hapon, Estados Unidos,
at Timog Korea.
__________ 9. Ayon kay Nicolai Lenin ang dahas at pananakop ay kailangan upang
maitatag ang “DiktaDurya ng Manggagawa”.
__________ 10. Ang pamahalaang ito ay kahalintulad ng pamumuno nina Hitler sa
Alemanya at ni Mussolini sa Italya. Kadalasang isang punong-militar
ang may kapangyarihang diktador. Karaniwang lumaganap ang
ideolohiyang ito sa mga bansa sa Timog Amerika at Apri
7
ARALIN 1 MGA IDEOLOHIYA SA IBA'T IBANG BANSA AT ANG PUWERSA NG DEMOKRASYA AT KOMUNISMO
Ang araling ito ay tungkol sa mga ideolohiya ng iba't ibang bansa tulad ng
Kapitalismo, Monarkiya, Demokrasya, Totalitaryanismo, Awtoritaryanismo, Sosyalismo
at Komunismo. Inaasahang malalaman mo ang mga katangian ng bawat isa kung alin
at ang mga bansang sumusunod sa bawat ideolohiyang nabanggit.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Maibibigay ang kahulugan ng salitang ideolohiya sa pamamagitan ng mga
kaugnay na salita o mga kaisipan,
2. Matutukoy ang mga katangian ng iba't ibang uri ng ideolohiya na lumaganap sa
ibang bansa; at
3. Mapaghahambing ang katangian ng mga puwersang demokrasya at komunismo.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: Bago ka magsimula sa aralin, mag-isip ng salita o mga salitang may
kaugnayan sa katagang IDEOLOHIYA. Ano ang kaugnay na kaisipan ang maaaring
makatulong sa iyo upang maunawaan ang salitang ito. Isulat mo sa mga kahon ang
iyong sagot.
8
Ang Kahulugan ng Ideolohiya
Ang ideolohiya ay isang sistema o lipunan ng mga ideya o kaisipan na
naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito. Galing ito sa salitang
ideya o kaisipan na tuwirang sinusunod ng mga tao.
Si Desttuff de Tracy ang nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang pinaikling
pangalan ng agham ng mga kaisipan o ideya.
IDEOLOHIYA
9
May Iba’t ibang Kategorya ang Ideolohiya. Ito ay ang mga Sumusunod:
Ideolohiyang Pangkabuhayan. - Nakasentro ito sa mga patakarang pang-
ekonomiya ng bansa at paraan ng paghahati ng mga kayamanan nito para sa mga
mamamayan. Nakapaloob dito ang ang mga karapatang makapagnegosyo,
mamasukan, makapagtayo ng unyon, at magwelga kung hindi magkasundo ang
kapitalista at mga manggagawa.
Ideolohiyang Pampulitika. - Naasentro naman ito sa paraan ng pamumuno at
sa paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala. Ito ay mga
pangunahing prinsipyong pulitikal at batayan ng kapangyarihang pulitikal. Karapatan ng
bawat mamamayan na bumuo at magpahayag ng opinyon at saloobin.
Ideolohiyang Panlipunan. - Tumutukoy ito sa pagkakapantay-pantay ng mga
mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng pamumuhay ng
mga mamamayan.
Ang Iba’t Ibang Ideolohiya
Anu-ano ang mga ideolohiyang laganap ngayon sa daigdig? Isa-isahin natin ang
mga ito:
Kapitalismo. – ito ay tumutukoy sa isang sistemang pangkabuhayan kung saan
ang produksyon, distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong
mangangalakal hanggang sa maging maliit na lamang ang papel ng pamahalaan sa
mga patakarang pangkabuhayan.
Monarkiya. - Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay lamang ng
isang tao. Ang pinuno ng sistemang monarkiya ay karaniwang tinatawag na hari o
reyna. Ang kapangyarihan niya ay maaring natatakdaan o di-natatakdaan.
Sa monarkiyang natatakdaan, ang kapangyarihan ng monarko ay natatakdaan
ng Saligang-Batas. Batay sa Saligang-Batas ng Thailand, halimbawa ang hari nila ay
10
isa lamang simbolo ng pagkakaisa ng mga Thai. Sa kaso ng Hapon, ang monarko nito
ay tinatawag na emperador, at tulad ng sa Thailand, siya man ay panseremonyang
pinuno lamang. Samantala, sa monarkiyang di-natatakdaan ay hawak ng monarkiya
ang buhay at kamatayan ng kanyang mga nasasakupan. Naghahari siya ayon sa
kanyang kagustuhan.
Demokrasya. – Ang kapangyarihan sa pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao.
Sa demokrasya ay maaaring makilahok ang mga mamamayan ng tuwiran o di-tuwiran.
Ito ay tinatawag na direct o tuwirang demokrasya kung ibinoboto ng mamamayan ang
gusto nilang mamuno sa pamahalaan. Karaniwang pumipili ang mga tao, sa
pamamagitan ng halalan, ng mga kinatawan na siyang hahawak sa kapangyarihan o
pamahalaan sa ngalan nila. Tinatawag ang pamamaraang ito na representative o
kinatawang demokrasya. Maaari rin namang di-tuwiran ang demokrasya kung ang
ibinoboto ng mamamayan ay ang mga kinatawan nila sa pamahalaan na siyang pipili ng
mga pinuno sa pamahalaan.
11
Mayroon ding uri ng demokrasya na nagiging diktadura. Ito ay nagaganap kapag
ang inatasan ng mga tao upang mamuno ay magsimulang mangamkam ng
kapangyarihan at isawalang-bahala ang kagustuhan ng mga tao. Ang diktador ay
namumuno batay sa kanyang kagustuhan at hindi sa kagustuhan ng mga tao.
Totalitaryanismo. - Ang pamahalaang totalitaryan ay karaniwang
pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan. Sa ilalim ng
ganitong pamahalaan, may ideolohiyang pinaniniwalaan at may partidong
nagpapatupad nito. Natatakdaan ang karapatan ng mga mamamayan sa malayang
pagkilos, pagsasalita, at pagtutol sa pamahalaan. Pati ang pagpapahayag ng relihiyon
ay hindi lubusang sinasang-ayunan, ngunit hindi rin naman tahasang ipinagbabawal.
Lahat ng desisyon tungkol sa pamamahala at kabuhayan ay nasa kamay din ng
isang grupo o ng diktador. Nasa kamay ng pamahalaan ang pag-aari ng mga lupain,
kayamanan ng bansa, at mga industriya. Ang halimbawa nito ay ang pamahalaan ni
Hitler sa Alemanya at ni Mussolini sa Italya bago at habang may Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
Isang uri ng pamahalaang totalitaryan ang sistemang diktatoryal. Unang ginamit
ang sistemang ito noong sinaunang panahon tuwing may mga kagipitan o labanan kung
12
kailan mag pangangailangang magtakda ng isang punong militar na may
kapangyarihang diktatoryal. Subalit, matapos ang kagipitan, ang katungkulang ito ay
inaalis.
Sa sinaunang panahong, maraming mga bansa ang yumakap sa sistemang ito,
kung saan ang pinuno ay isang diktador. Naging palasak ito sa mga bansa sa Timog
Amerika at iba pang lugar sa Asya at Aprika.
Higit na makapangyarihan kaysa sinaunang mga diktador ang makabagong
diktadurya. Napananatili ang kapangyarihan sa diktador sa pamamagitan ng paghawak
at pagkontrol sa pamahalaan, ekonomiya, mass media o mga uri ng pamamahayag,
simbahan, at pati kaisipan ng mga mamamayan.
Awtoritaryanismo. - Isang uri pa rin ng pamahalaan ang awtoritaryanismo kung
saan ang namumunong tao ay may lubos na kapangyarihan. Makikita ito sa
pamahalaan ng Iran, kung saan ang namumuno ay siya ring puno ng relihiyon ng
estado, ang Islam. Ang namumuno ay may napakalawak na kapangyarihan na
sinusunod ng mga mamamayan.
Mayroon ding tinatawag na konstitusyonal na awtoritaryanismo kung saan ang
kapangyarihan ng namumuno ay itinakda ng Saligang-Batas. Ito ang itinawag ng dating
Pangulong Marcos sa kanyang pamamahala sa ilaim ng Batas Militar noong 1972
hanggang sa mapatalsik siya noong Pebrero 1986.
Sosyalismo. - Isang doktrina ito na nababatay sa patakarang pang-ekonomiya
kung saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang grupo ng tao.
Ang grupong ito ang siyang pumipigil sa pagmamay-ari, at sa pangangasiwa ng lupa,
kapital, at mekanismo ng produksyon. Ang mga industriya at lahat ng mga kailangan sa
pagpapabuti ng kalagayan ng mga mamamayan ay nasa kamay rin ng pamahalaan.
Hangad ng sosyalismo ang pagkakamit ng perpektong lipunan sa pamamagitan
ng pantay na distribusyon ng produksyon ng bansa. Binibigyang diin nito ang
pagtutulungan habang ang mahahalagang industriya ay pag-aari ng pamahalaan.
Halimbawa ng ganitong pamahalaan ay ang Tsina at ang dating Unyong Sobyet,
kung saan ang teorya ni Karl Marx ay sinubukang bigyang katuparan.
13
Karl Marx
Komunismo. - Ang kaisipang ito ay unang nilinang ni Karl Marx, isang Alemang
pilosopo, at pinayabong naman ni Nicolai Lenin ng Unyong Sobyet at ni Mao Zedong ng
Tsina. Ayon kay Karl Marx, ang pinakamataas at huling hantungan mula kapitalismo
patungong sosyalismo ay ang komunismo. Ang komunismo ay naghahangad na
bumuo ng isang lipunang walang antas o pag-uuri-uri (classless society) kung saan ang
mga salik ng produksyon ay pag-aari ng lipunan.
Sa sistemang ito, tinatayang darating ang panahon na hindi na kailangan ang
estado kaya kusa itong mawawala. Ang estado ang may-ari ng produksyon ng lahat ng
negosyo ng bansa. Upang masiguro ang maayos na pagpapatupad, kailangang
pairalin ang diktadurya. Ito ang huling kalagayang mahirap matamo o maabot
kailanman.
Ang Taumbayang Republika ng Tsina at ang Unyong Sobyet ay mga
pamahalaang sosyalista na naghahangad matamo ang estadong komunista dahil
tinatalunton nila ang ideolohiyang pinalaganap ni Karl Marx noong ika-19 na dantaon.
14
awain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panuto: Isulat ang tamang sagot sa bawat pangungusap na tinutukoy.
Ang mga sagot ay maaaring pahalang at pababa.
7
1 9
2
8
10
3
4
5
6
15
Pahalang:
1 Pamahalaang karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong
makapangyarihan. Sa ilalim ng ganitong pamahalaan, may ideolohiyang
pinaniniwalaan at may partidong nagpapatupad nito.
2 Isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksyon, distribusyon at kalakalan
ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal.
3 Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay lamang ng isang tao. Ang pinuno
ng sistemang ito ay karaniwang tinatawag na hari o reyna.
4 Nakasentro ang ideolohiyang ito sa paraan ng pamumuno at pagpapatupad ng mga
batas at ang kapangyarihang mamuno ay karaniwang nakabatay sa bawat
mamamayan na bumuo at magpahayag ng opinyon at saloobin.
5 Tumutukoy ang ideolohiyang ito sa pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa
tingin ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng pamumuhay.
6 Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao. Maaaring makilahok sa
pamamahala ang mga mamamayan nang tuwiran o di-tuwiran.
Pababa:
7 Isang doktrina na nababatay sa patakarang pang-ekonomiya kung saan ang
pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang grupo ng tao. Ang grupong ito
ang siyang pumipigil sa pagmamay-ari pangangasiwa ng lupa, kapital, at mekanismo ng
produksyon.
16
8 Kaisipang unang nilinang ni Karl Marx at pinayabong nina Nicolai Lenin ng Unyong
Sobyet at ni Mao Zedong ng Tsina.
9 Isang uri pa rin ng pamahalaan na ang namumunong tao ay may lubos na
kapangyarihan tulad ng pamahalaang umiiral sa Iran.
10 Nakasentro ang ideolohiyang ito sa mga patakarang pang-ekonomiya ng bansa at sa
paraan ng paghahati ng kayamanan nito sa mga mamamayan. Ang pangunahing
kategorya nito ay ang Ideolohiyang Pangkabuhayan, Pampulitika at Panlipunan.
Tandaan Mo! Ang ideolohiya ay isang sistema o lipon ng mga ideya o kaisipan na
naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito.
Ang pangunahing kategorya nito ay ang ideolohiyang pangkabuhayan,
pampulitika at panlipunan.
Ang mga pangunahing ideolohiya na sinusunod ngayon sa iba’t ibang bansa sa
daigdig ay ang demokrasya, kapitalismo, monarkiya, totalitaryanismo,
awtoritaryanismo, sosyalismo at komunismo.
Gawain 3: Paglalapat A. Mula sa iyong napag-aralan,ang mga nag-uumpugang puwersa ng
demokrasya at komunismo ang mga pangunahing ideolohiya sa iba't ibang bansa sa
mundo sa kasalukuyan. Anu-ano ba ang mga katangian ng mga ideolohiyang iyan?
17
Panuto: Itala sa talahanayan sa ibaba ang mga katangian ng demokrasya at
komunismo.
DEMOKRASYA
KOMUNISMO
B. Alin sa dalawang ideolohiyang sinuri mo ang paniniwala mong dapat mong itaguyod?
Ipaliwanag mo kung bakit
ARALIN 2 MGA PUWERSANG PANGKABUHAYAN SA PULITIKA NG BANSA
Ang araling ito ay tumatalakay sa paglaganap ng komunismo mula sa Rusya,
Fascismo sa Italya, at ang Nazismo sa Alemanya. Paano nakakaapekto sa kabuhayan
at kalagayang pulitikal ng mga bansa. Ang mga ideolohiyang ito? Sasagutin sa araling
ito at katanungang iyan.
18
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Matutukoy ang mga pangunahing kaisipan at katangian ng komunismo, fascismo
at nazismo,
2. Masusuri ang mga katangian ng komunismo, fascismo at nazismo ayon sa
bansang pinagmulan, pinuno at mga prinsipyo at bawat ideolohiya.
3. Maipaliliwanag ang sarili mong pagtataya sa positibo at negatibong dulot ng
komunismo, fascismo at nazismo.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Bilang paghahanda sa aralin, pag-isipan mo muna ang mga tawag sa gaing ito.
Panuto: Bilugan ang HINDI kabilang sa grupo at pangatwiranan. Isulat sa patlang ang
dahilan.
Nicolai Lenin Joseph Satalin
Benito Mussolini Leon Trotsky
Dahilan:_______________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Pagwawaksi sa Kapitalismo Paghihiwalay ng simbahan at Estado
Classless Society Tuwirang Demokrasya sa Pamahalaan
Dahilan:_______________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
19
Black Shirts Corporate State
Diktatoryal Third Reich
Dahilan:_______________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Mein Kampft (Ang Aking Labanan) Der Fuehrer (The Leader)
Gestapo o Sekretong Pulisya Red at White Army
Dahilan:_______________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Ang Pagsilang ng Komunismo sa Rusya
Nag-uagat ang deolohiyang komunismo sa Rusya noong panahon ng mga Tsar.
Ayon sa nasusulat sa kasaysayan, sa ilalim ng Tsar, ang Rusya ay naging
makapangyarihan. Subalit ang mga namumuno ay naging despotic. Noong Marso
1917, ang Dinastiyang Romanov ay bumagsak bunga ng hindi maiwasang himagsikan.
Ang mga dahilan ng kaguluhan ay ang mga sumusunod:
Pulitikal - Ang pamahalaan ay awtokratiko, bulagsak at mahina. Hindi
nagbibigay ng pantay-pantay na karapatan sa mga tao.
Pangkabuhayan - Mahirap at makaluma ang mga kalagayan at pamamaraan ng
pagsasaka. Walang kalayaan at maliliit ang sahod ng mga manggagawa.
20
Sosyal - Kakaunti lamang ang mga kalayaang sosyal. Lahat ay pinipilit na
sumunod sa pananampalatayang Orthodox. Sapilitang pinalalaganap ang wikang Ruso
sa mga minoryang kultural tulad ng mga Poles, Hudeo, taga-Finland at mga taga-Baltic.
Dumating sa Petrograd ang ilan sa mga lider na Bolshevik. Dito ay kabilang
sina Nicolai Lenin, Leon Trotsky at Joseph Stalin. Nakuha ni Lenin ang pagtitiwala ng
mga tao dahil sa kanyang programang nagsasaad ng pag-aangkin ng pamahalaan sa
lahat ng mga pagawaan. Ang kanyang panawagan, "Kapayapaan, lupain, at tinapay".
Sa tulong nina Trotsky at Stalin, binalak ni Lenin na magkaroon ng Pamahalaang
Komunismo base sa mga prinsipyo ni Karl Marx. Noong Nobyembre 1917,
naghimagsik ang mga Bolshevik sa Petrograd at bumagsak ang pansamantalang
pamahalaan ni Kerensky. Tumakas itong huli at pagkatapos ay itinatag na ni Lenin ang
pamahalaang Komunismo na siya ang unang Puno.
Ang Paglaganap ng Komunismo
Joseph Stalin
Mula 1917 hanggang 1920, nagkaroon ng mga labanan sa pagitan ng mga Red
Army ng mga Bolshevik at ng mga White Army ng mga konserbatibo na dating
21
tagasunod ng Tsar. Dala ng galit sa dating pamahalaan, nasupil ng mga Red Army ang
mga White Army. Noong 1920, napasailalim ng Komunista ang buong Rusya.
Ipinalalagay ni Lenin na kailangan ang dahas at pananakop para maitatag ang
"Diktadurya ng mga Manggagawa." Ang estadong naitatag nila ay tinawag na Union
Soviet Socialist Republic o USSR o base sa mga sumusunod na prinsipyo ng
komunismo:
1. Pagtatatag ng diktadurya ng mga manggagawa. Ang manggagawa ang siyang
supremo sa pamahalaan.
2. Ang sistema ng produksyon at distribusyon ng pag-aari ay pinangangasiwaan ng
pamahalaan.
3. Pagwawaksi sa kapitalismo
4. Pagtatwa ng kapangyarihan ng Diyos at lubos na paghihiwalay ng estado at ng
simbahan.
5. Pagsuporta, paghikayat at pagpapalaganap ng Kilusang Komunismo sa buong
daigdig.
Pagsilang ng Fascismo sa Italya
Sa Italya, ibang ideolohiya naman ang namayani. Tinawag itong fascismo. Ang
mga kondisyong nagbibigay daan sa fascismo sa Italya ay ang mga sumusunod:
Nasyonalismo - Hindi nasiyahan ang mga Italyano sa mga resulta ng Unang
Digmaang Pandaigdig gayong nabigyan naman ito ng bahagi sa mga pabuya ng
digmaan. Natanggap niya ang Trieste at Trentino (Italia Irredenta) na nasiyahan
sapagkat hindi kabilang dito ang Fiume at ibang kolonya ng Alemanya at Turkey.
Paghihirap sa Kabuhayan - Dahil sa Unang Digmaang Pandaigdig, , nagkaroon
ng kakulangan sa pagkain at maraming pangangailangan sa Italya. Tumaas ang
halaga ng mga bilihin. Iginawad ng pamahalaan ang mataas na buwis upang
mabayaran ang malaking pagkakautang ng bansa bunga ng digmaan. Marami ang
nawalan ng trabaho sapagkat nasira ng digmaan ang mga sakahan at pagawaan.
22
Kahinaan ng Pamahalaan - Hindi nakayanan ng pamahalaang lutasin ang mga
suliranin ng bansa. Ito ay pinalala pa ng pagkakaroon ng mga mahinang opisyal sa
pamahalaan. Sa ilalim ng ganitong mga pangyayari, nawalan ng saysay ang mga
tradisyong demokratiko at nawalan din ng tiwala ang mga tao sa kanilang
demokratikong institusyon.
Noong 1920, inagaw ng mga manggagawa at mga tradisyong demokratiko.
Nawalan din ng tiwala ang mga magsasaka laban sa mga may-ari ng lupa kaya't
inagaw ang kanilang mga lupain. Ang kapayapaan ay naibalik ng mga Fascista, isang
samahang itinatag ni Benito Mussolini, isang dating sosyalista at editor ng pahayagan.
Benito Mussolini
Ang mga tagasunod na ito ni Mussolini ay bumuo ng mga pangkat militar na
tinawag na Black Shirts na nagsagawa ng mga pagpupulong ng mga grupong
sosyalista at komunista. Ipinangangako nilang pangalagaan ang mga pribadong ari-
arian.
Noong Oktubre, 1922 ay naganap ang dakilang Pagmamartsa sa Roma. Pinilit ni
Mussolini at ng mga Black Shirts na buwagin ang kabinete. Si Haring Victor Emmanuel
ay napilitang magtatag ng bagong kabinete na si Mussolini ang Punong Ministro. Ang
Parlyamento ay napilitang maggawad ng mga kapangyarihang diktatoryal kay
Mussolini. Ayon sa paniniwala ni Mussolini, ang demokrasya, kapitalismo at
23
sosyalismo ay bigo. Sa halip, itinatag niya ang tinatawag niyang Corporate State. Dito
ay pinagsama-sama niya ang kapitalismo, sosyalismo at ang sistemang guild ng
Panahong Medyibal. Ang Corporate State ay isang diktadoryang totalitarian.
Ang mga prinsipyong sinusunod ng Fascismo ay ang mga sumusunod:
1. Ang tao ay gumagawa lamang sa kapakanan ng estado. Ang demokrasya ay
mahina at walang saysay at ang lakas ay kinakailangang pangibabawin.
2. Lahat na bibitiwang opinyon, sa pagbigkas man o pagsulat ay kailangang
naaayon sa pamahalaan.
3. Ang buong sistema ng edukasyon ay kinukontrol upang ang mamamayan ay
makapagsilbi sa estado at makatulong sa paghahanda para sa digmaan.
Dinodominahan ng fascistang propaganda ang mga paaralan.
4. Maingat na sinesensor ang lahat ng mga pahayagan at publikasyon.
5. Lahat ng uri ng libangan ay sinusuri ng pamahalaan.
6. Hindi kinikilala ang kalayaang sibil.
7. Binibigyan ng bonus ang malalaking pamilya.
8. Hindi binibigyan ng karapatang sosyal, pulitikal at pangkabuhayan ang mga
babae.
Ang Nazing Alemanya
Bilang isang ideolohiya, ang Nazismo sa Alemanya ay naitatag noong 1930. Ito
ay isa sa pinakamalupit na diktaduryang totalitaryan sa makabagong panahon. Ito ay
nakakahawig ng fascismo sa Italya at ng komunismo sa Rusya.
24
Adolf Hitler
Ang mga pangyayaring tumulong sa pagkakatatag ng diktaduryang Nazismo ay ang
mga sumusunod:
1. Ang kahinaan ng Weimar Republic - Ang Republikang itinatag sa Alemanya
pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig ay isa sa mga
pinakademokratikong pamahalaan sa buong mundo. Ngunit hindi nito taglay ang
pagtitiwala ng mga tao.
2. Kasunduan ng Versailles - Nasaktan ang makanasyonalismong damdamin ng
mga Aleman dahil sa mga itinatalaga ng Kasunduang Versailles. Ang mga
masugid na makabayan ay nakahandang tumulong sa pamahalaan upang
maiwasto ang sa palagay nila ay mga pagkakamali upang mabawi ang
pagkapahiya ng Alemanya.
3. Ang paghihirap sa kabuhayan - Pagkatapos ng digmaan, ito ang talagang
nagbigay-daan sa pagbagsak ng Republikang Weimar. Dahil sa mga pinsalang
dulot ng digmaan sa malaking pagkakautang ng Alemanya at mga reparasyong
pagbabayaran, ay nagkaroon ng inflation.
25
Si Adolf Hitler ang pinakamakapangyarihanng pinunong Nazi. Siya ay isinilang
sa Austria. Isa siyang panatikong nasyonalista. Pagkatapos ng Unang Digmaang
Pandaigdig, binuo niya ang National Socialist Party na tinawag na Nazi.
Ang mga prinsipyo ng Nazismo na napapaloob sa Mein Kampf, Ang Aking
Labanan ni Adolf Hitler ay ang mga sumusunod:
1. Ang kapangyarihang racial - Ang paniniwala ng mga Aleman, sila ang
nangungunang lahi sa daigdig na nanggaling sa mga makalumang tribung
Germanic na tinatawag nating Nordic o Aryano.
2. Anti-Semitism - Sinasabi ng mga Nazista na ang mga Hudyo na naninirahan
sa Alemanya ay hindi mga Aleman at sila ang sanhi ng maraming suliranin at
kabiguan ng Alemanya kayat kinakailangang mawala sila sa daigdig. Ito ang
naging dahilan ng holocaust o pagpapapatay sa mga Hudyo.
3. Ang pagbuwag sa Treaty of Versailles - Binigyang-sisi ng mga Nazista ang
Kasunduan sa Versailles na siyang sanhi ng mga suliranin ng Alemanya.
4. Pan-Germanism - Ayon kay Hitler, ang isang pinalawak ng Alemanya ay
kailangang maitatag, kasama na ang mga teritoryong nawala sa kanila noong
Unang Digmaang Pandaigdig.
5. Ang pagwasak sa Demokrasya - Laban ang Nazismo sa demokrasya at
pamahalaang Parlyamentaryo. Nanawagan silang wasakin ang Republika at
itatag ang Third Reich na siyang estadong totalitaryan ng Nazismo.
Noong 1932, ang Nazi ang pinakamalaking partido sa Alemanya. Iniluklok ng
noo’y pangulo si Paul Von Hindenberg si Hitler bilang Chancellor ng Aleman noong
Enero, 1933.
Sa ilalim ng Third Reich, ang Alemanya ay naging totalitaryan. Ang Third Reich
ang pumalit sa Republika ng Weimar. Pagkaraang mamatay si Hindenberg noong
1934, ang puwesto ng Pangulo at Chancellor ay pinagsama. Lahat ng kapangyarihan
ng gobyerno ay napasakamay ni Hitler, Der Fuehrer (The Leader).
26
Lahat ng nasa oposisyon sa rehimen ni Hitler, gayundin ang mga Hudyong
Aleman ay pinarusahan, ipinabitay, ipinadala sa mga concentration camps o ikinulong
sa tulong ng Gestapo (Sekretong Pulisya) o Storm Troopers at ng mga gwardiya ni
Hitler.
Isa sa pinakamaraming biktima ni Hitler ay ang mga Hudyo na kanyang
ipinapatay. Tinatayang may anim na milyong Hudyo ang pinatay ng mga Nazi. Isa sa
sikat na Hudyong Aleman na umalis sa Aleman ay si Albert Einstein.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Panuto: Isulat sa talahanayan ang mga katangian ng mga tinalakay
pangunahing ideolohiya tulad ng Komunismo, Fascismo at Nazismo.
KATANGIAN KOMUNISMO FASCISMO NAZISMO
BANSA
PINUNO
MGA PRINSIPYO
1.
2.
1.
2.
1.
2.
27
3.
4.
5.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
3.
4.
5.
28
Tandaan mo
Sumilang ang komunismo sa Rusya sa pamamagitan ni Lenin ng
kanyang panawagang “Kapayapaan, lupain at tinapay”. Ipinalalagay niya
na kailangan ang pananakop upang maitatag ang Diktadurya ng mga
Manggagawa.
Ang pagsilang ng Fascismo sa Italya ay pinangunahan ni Benito Mussolini na
bumuo ng mga pangkat militar. Ayon sa kanya ang demokrasya, kapitalismo at
sosyalismo ay bigo.
Ang Nazing Alemanya ay isa sa pinakamalupit na diktaduryang totalitaryan sa
makabagong panahon at si Adolf Hitler ang namuno at bumuo ng National Socialist
Party na tinawag na Nazi.
Isa sa pinakamaraming biktima ni Hitler ay ang mga Hudyo na kanyang ipinapatay.
Tinatayang may anim na milyong Hudyo ang pinatay ang mga Nazi.
Gawain 3: Paglalapat Panuto: Ano sa palagay mo ang positibo at negatibong hatid ng bawat
ideolohiya sa mga mamamayan ng daigdig sa kasalukuyan ang
iyong kasagutan.
IDEOLOHIYA
POSITIBO
NEGATIBO
KOMUNISMO
29
FASCISMO
NAZISMO
ARALIN 3 ANG PILIPINAS AT ANG IDEOLOHIYA NITO
Ang araling ito ay tungkol sa katangian ng sistemang Presidensyal at
Parlyamentaryo na umiiral sa iba’t ibang bansa. Matututuhan mo rin dito ang katangian
ng Pilipinas bilang isang Republika at demokratikong bansa na nagtataguyod ng
kalayaan at pagkakapantay-pantay ayon sa mga batas na umiiral na naaayon sa
Saligang-Batas. Kasama rin dito ang mga sangay ng pamahalaan at ang kanilang mga
gawain at tungkulin.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Matutukoy ay mga katangian at sangay ng pamahalaan;
2. Maipaghahambing ang sistemang presidensyal at parlyamentaryo ayon sa
katangiang taglay ng bawat isa;
30
3. Makapagpapahayag ng 7-10 pangungusap na tumatalakay sa kahalagahan ng
Demokrasya sa Pilipinas ayon sa mga batas na umiiral sa bansa.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Bago ka magsimula ng aralin, pag-isipan mo muna ang mga sagot sa mga
sumusunod na tanong na tatalakayin sa araling ito.
Panuto: Isulat sa patlang ang tamang sagot ayon sa tinutukoy sa bawat sa
pangungusap.
1. Sangay ng pamahalaan na bumabalangkas ng patakaran at alituntunin para sa
bansa. _____________________________________________________________
2. Sangay ng pamahalaan na nagpapatupad ng mga programa, batas at serbisyong
pampamahalaan: ____________________________________________________
3. Sangay ng pamahalaan na namamahala sa mga gawaing may kaugnayan sa usapin
ng paglilitis at mga batas. Ang pinakamataas na dulugan nito ay tinatawag na Korte
Suprema (Supreme Court): _____________________________________________
4. Ito ang pangunahing batas na umiiral sa bansa at siyang nagtatakda ng gabay sa
pamamahala ng mga pinuno sa pamahalaan: ______________________________
5. Ang ideolohiyang ito sa pamamahala ay may Check and Balance. Itinataguyod nito
ang diwa bg kalayaan tulad ng mga bansang Pilipinas, Hapon, Estados Unidos,
Malaysia at Timog Korea: ______________________________________________
Ang Pilipinas at ang Ideolohiya nito
Ang paglaya ng mga bansa mula sa kanilang mga mananakop ay nakatulong sa
pagpapahalaga sa iba't ibang uri ng sistema lalo na sa pamamahala at kabuhayan ng
mga bansang ito. May mga bansang yumakap sa ideolohiyang demokrasya tulad ng
bansang Pilipinas, Hapon, Malaysia, at Timog Korea, samantalang may mga bansang
31
sumunod sa diwa ng komunismo tulad ng Tsina, Hilagang Korea, dating Unyong
Sobyet, at Vietman.
Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang mga pagbabago sa mga ideolohiyang
gumagabay sa pamamahala at pamumuhay ng mga bansa sa daigdig. Patutunayan
natin ng pansin ang ideolohiya ng ating bansa, ang Pilipinas.
Sistemang Presidensyal
Batay sa organisasyon ng Pamahalaan ang sistemang presidensyal ay tulad sa
Pilipinas at Estados Unidos at ang sistemang Parlyamentaryo naman ay tulad sa
pamahalaan ng Gran Britanya, Hapon at India.
Sa ilalim ng sistemang presidensyal, ang pangulo o presidente ang kinilalang
pinuno ng isang bansa. Siya ang tagapagpaganap ng pamahalaan (executive) at
panseremonyang pinuno ng bansa. Maaari siyang ihalal nang tuwiran ng sambayanan
o sa pamamagitan ng Electoral College (EC) tulad ng sa Estados Unidos. Ang EC ay
pangkat ng mga taong hinirang ng taong-bayan sa bawat teritoryo at inatasang
maghalal ng pangulo o presidente. Ang nahalal na pinuno ay kailangang magsilbi ayon
sa itinakda ng Saligang-Batas o Pambansang Batas na umiiral. Ang pangulo ay may
karapatan ding pumili ng kanyang mga kalihim sa bawat kagawaran o mga tanggapan
ng pamahalaan bilang tagapayo at katulong sa pagpapatupad ng mga programa at mga
batas sa pamahalaan.
Samantala, ang mga kasapi sa sangay ng tagapagbatas o lehislatura
(Legislative) ay tuwirang inihahalal ng mga mamamayan at inaasahang gagawa ng mga
batas at alituntunin para sa bansa na naaayon sa Saligang-batas na umiiral.
Ang sangay panghukuman, na tinatawag ding Tagapagbatas o Hudikatura
(Judicial) ay hinihirang ng Pangulo. Sa Pilipinas ito ay tinatawag na Korte Suprema
(Supreme Court) na siyang namamahala sa mga gawain ng iba't ibang hukuman sa
bansa at nagsisilbing huling dulugan sa mga usaping may kaugnayan sa paglilitis at
mga batas.
32
Sistemang Parlyamentaryo
Sa sistemang parlyamentaryo, ang tagapagpaganap ng batas ay iba sa
kinikilalang pinunong panseremonya ng bansa. Ang panseremonyang pinuno ay
maaaring isang pangulo, hari o reyna.
Samantala, ang mga kinatawan sa tagapagbatas ang siyang pumipili ng punong
ministro mula sa lupon ng mga kinatawan. Ang nahalal na punong ministro ang siyang
magiging tagapagpaganap ng mga batas. Siya rin ay tuwirang nananagot sa mga
tagapagbatas at hindi tuwiran sa mga mamamayan.
Ang Pamahalaan ng Pilipinas at ang Ideolohiya Nito
Ang Pilipinas bilang isang Republika ay nagtataguyod ng demokrasya. Ito ay
may demokratikong pamahalaan. Ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isang
pangulo na tuwirang ihinalal ng mamamayan.
Ang katangian ng pamahalaan ay alinsunod sa Saligang-Batas 1987 na umiiral
sa bansa. Nakasaad dito ang pagkakaroon ng tatlong sangay ng Pamahalaan -
Tagapagpaganap, Tagapagbatas at Tagapaghukom.
Naninindigan ang bawat sangay ng pamahalaan tungo sa demokratikong
pamamahala at paglilingkod. Mayroon ding Check and Balance sa bawat sangay na
gumaganap sa iba't ibang tungkulin.
Noong ang bansa ay nasa ilalim ng Batas Militar sa panunungkulan ni Pangulong
Ferdinand Marcos ay umiral ang malaparlyamentaryong pamahalaan na ayon sa
itinakda ng Saligang-Batas ng 1973. Ngunit sa katotohanan ang pamamaraang ito ni
Pangulong Marcos ay diktatoryal. Ito ay nagwakas noong maganap ang People Power
sa Edsa noong 1986 at muling naibalik ang kalayaan at demokrasya sa bansa.
33
EDSA I
EDSA II
Hanggang sa kasalukuyan ay sinisikap ng mga Pilipino na mapanatili ang diwa
ng kalayaan at Demokrasya sa Pilipinas na siyang ideolohiyang umiiral sa bansa.
34
Isinulong ng pamahalaan at ng mga mamamayan ang pantay sa karapatang pantao,
kasama na ang karapatan sa pagkakaroon ng tinig sa pag-ugit ng pamahalaan.
Gawain 2: Pagpapalawak ng Kaalaman Panuto: Isulat ang salitang Presidensyal kung ang pangungusap ay
tumutukoy sa mga katangian ng sistemang presidensyal at salitang Parlyamentaryo
kung ang pangungusap ay tumutukoy sa katangian ng sistemang parlyamentaryo.
_________________ 1. Ang Pangulo ay may karapatang pumili ng mga kalihim
ng bawat kagawaran o tanggapan ng pamahalaan.
_________________ 2. Ang tagapagpaganap ng batas ay iba sa kinikilalang
pinunong panseremonya sa bansa. Ang pinunong
panseremonya ay maaring isang pangulo, hari o Reyna.
_________________ 3. Ito ang sistemang pampamahalaan na sinusunod ng mga
bansang tulad ng Pilipinas at Estados Unidos.
_________________ 4. Maari siyang ihalal ng tuwiran ng sambayanan o kaya sa
pamamagitan ng "Electoral College" tulad ng sa Estados
Unidos. Sa sistemang ito ay may karapatan ang pinuno
na pumili ng mga kalihim sa bawat kagawaran ng
pamahalaan.
_________________ 5. Sa sistemang pampamahalaang ito ang mga tagapag
batas ang pumipili ng Punong Ministro mula sa lupon ng
mga kinatawan at siya ang magiging tagapagpaganap ng
mga batas. Tuwiran ang kanyang pananagutan sa mga
tagapagbatas ngunit hindi sa mga mamamayan.
35
Tandaan Mo!
Batay sa organisasyon ng pamahalaan, ay may sistemang
presidensyal at sistemang parlyamentaryo.
Sa ilalim ng sistemang Presidensyal, ang pangulo o presidente ang
kanilalang pinuno ng isang bansa. Siya ang Tagapagpaganap ng pamahalaan at
panseremonyang pinuno ng bansa. Ang tagapagbatas o lehislatura ay tuwirang
inihahalal at inaasahang gagawa ng mga batas at alituntunin para sa bansa na
naaayon sa Saligang-batas.
Ang mga mambabatas sa sangay panghukuman o Hudikatura (Judicial) ay
hinihirang ng Pangulo. Sa Pilipinas ito ay tinatawag na Korte Suprema
(Supreme Court) na nagsisilbing huling dulugan sa mga usaping may kaugnayan
sa paglilitis at mga batas.
Sa istemang Parlyamento ang mga kinatawang Tagapagbatas ang siyang
pumipili ng Punong Ministro mula sa lupon ng mga kinatawan.
Ang Pilipinas ay isang Republika at may Demokratikong Pamahalaan. Alinsunod
sa Saligang-Batas ng 1987 mayroon itong Check and Balance sa bawat sangay
ng pamahalaan.
Demokrasya ang pangunahing ideolohiyang gumagabay sa pamahalaang
Pilipino. Hanggang sa kasalukuyan ay sinisikap ng mga Pilipino na mapanatili
ang diwa ng kalayaan at demokrasya sa Pilipinas.
Gawain 3: Paglalapat Panuto: Bilang isang mag-aaral, gumawa ka ng 7-10 suhestiyon upang
36
mapanatili natin ang diwa ng Demokrasya sa Pilipinas na
naayon sa ating mga batas.
Mga Suhestiyon:
1. ________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________
4. ________________________________________________________________
5. ________________________________________________________________
6. ________________________________________________________________
7. ________________________________________________________________
8. ________________________________________________________________
9. ________________________________________________________________
10. ________________________________________________________________
37
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO:
Ngayon tapos ka na sa modyul na ito, anu-ano ang mga dapat mong tandaan?
Ang ideolohiya ay isang sistema o lipon ng mga ideya o kaisipan na
naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito. Ang mga
pangunahing ideolohiya na lumaganap sa daigdig ay ang kapitalismo,
monarkiya, demokrasya, totalitaryanismo, awtoritaryanismo, sosyalismo ay
komunismo.
Ang demokrasya at ang komunismo ang dalawang magkasalungat na
ideolohiya sa daigdig. Mas maraming bansa ang naniniwala sa kabutihan ng
demokrasya sa kaunlaran at kagalingang panlipunan.
Ang demokrasya at mga prinsipyo nito ay gumagabay sa dalawang sistemang
pampamahalaan: ang prisidensyal at parlyamentaryo. Sa ilalim ng sistemang
Presidensyal, ang pangulo o presidente ang kanikilalang pinuno ng isang
bansa. Ang Punong Ministro naman ang kinikilalang pinuno ng bansa.
Ang Pilipinas ay isang Republika na may Demokratikong Pamahalaan. Sa
kasalukuyan ay sinisikap ng mga Pilipino na mapanatili ang diwa ng kalayaan
at demokrasya sa Pilipinas.
38
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:
I. Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Kung ating susundin ang kaisipang komunismo, ang mga manggagawa ang
magiging tagapamahala at ito ang magpapahina at tuluyang tatapos sa: A. Fascismo B. Kapitalismo C. Monarkiya D. Totalitaryan
2. Ang tanggapang ito ay kailangan magkaroon ng maliit o limitadong saklaw sa ekonomiya ng isang bansa at patuloy na umunlad ang mga namumuhunan sa kalakalan.
A. Dayuhang Bangko at Institusyon B. Korte Suprema C. Militar D. Pamahalaan
3. Sa mga lider komunista sa Rusya, sino sa apat na ito ang HINDI kasali? A. Nicolai Lenin B. Karl Marx C. Joseph Stalin D. Leon Trotsky
4. Ang demokratikong pagpili ng sambayanan sa mga pinuno ng bansa ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng:
A. Check and Balance B. Natatakdaan at Di-natatakdaan C. Tagapagbatas at Tagapagpaganap D. Tuwiran at Di-tuwiran
39
5. Alin sa mga sumusunod na aspeto ng ideolohiya ang HINDI kasama batay sa
mga nabasa at natutunan mo sa ating mga aralin? A. Ideolohiyang Pampulitika B. Ideolohiyang Pangkabuhayan C. Ideolohiyang Pangsining D. Ideolohiyang Panlipunan
6. Ang mga sumusunod na tugma ng bansa at ideolohiya ay tungkol sa katangiang
sinusunod ng bawat isa MALIBAN sa: A. Estados Unidos-Demokrasya B. Pilipinas-Totalitaryanismo C. Thailand-Monarkiya D. Vietnam-Komunismo
7. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa prinsipyo ng komunismo
maliban sa: A. Pagbibigay-daan sa paghina at tuluyang pagkawala ng mga kapitalista sa
ekonomiya. B. Paghihiwalay sa kapangyarihan ng Estado at Simbahan. C. Pagkilala sa mga manggagawa bilang pinakamakapangyarihan sa
pamahalaan. D. Pagsusulong sa kapakanan ng mga mangangalakal sa lipunan at
pampamahalaan.
8. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa pagsilang ng Fasismo sa Italya, maliban sa isa:
A. Kawalan ng mga pangunahing pangangailangan at serbisyo tulad ng pagkain at gamot.
B. Mahinang mga pinuno na hindi makatugon sa mga suliranin ng bayan. C. Negatibong dulot ng Unang Digmaang Pandaigdig sa pamumuhay ng
mga Italyano. D. Pagpapahirap sa milyong Hudyo na nanirahan sa Europa.
9. Ang mga sumusunod na pangungusap ay pawang mga katangian ni Nicolai Lenin maliban sa isa:
40
A. Isa sa mga unang nagtaguyod ng Komunismo sa Rusya. B. Humikayat sa pag-angkin ng mga manggagawa sa mga pagawaan at
pamahalaan. C. Nagpalaganap ng malawakang pagtugis at pagpatay sa mga Hudyo na
nanirahan sa Europa. D. Nanawagan ng “Kapayapaan, lupain at tinapay” para sa lahat.
10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI kabilang sa prinsipyo ng Nazismo na nakasaad sa Mein Kampf?
A. Pagbuo at pagsulong sa diktaduryang manggagawa sa pamahalaan. B. Pagpapawalang bisa sa Treaty of Versailles matapos ang digmaan. C. Pagtatatag ng lahing Aryan ng mga Aleman bilang natatangi at
nangungunang lahi sa mundo. D. Pagtatatag ng Third Reich bilang estadong totalitaryan ng Nazismo kapalit
ng Republika. II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at isulat sa patlang
ang titik ng tamang sagot. A. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Demokrasya; B. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Kapitalismo; C. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Komunismo; D. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Monarkiya; E. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Sosyalismo at F. Kung ang pangungusap ay tumutukoy sa Totalitaryanismo.
__________ 11. Ang kapangyarihan sa pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao at
karaniwang pumipili ang mga tao ng pinuno sa pamamagitan ng halalan.
__________ 12. Pagkakapantay-pantay ang pangunahing layunin at pagkawala ng
antas o pag-uuri-uri (classless society) kung saan ang mga salik ng produksiyon ay pag-aari ng lipunan.
__________ 13. Isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksyon,
41
distribusyon at kalakaran ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal.
__________ 14. Karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan. Nasa kamay ng pamahalaan ang pag-aari ng mga lupain, kayamanan ng bansa at mga industriya.
__________ 15. Ang kaisipang ito ay malaya sa pamamahala at sa kabuhayan na sinusunod ng mga bansang tulad ng Pilipinas, Timog Korea Hapon at Estados Unidos. __________ 16. Layunin nito na makamit ang perpektong lipunan sa pamamagitan ng
pantay-pantay na distribusyon ng produksyon ng bansa, pagtutulungan, at paghawak ng pamahalaan sa mahahalagang industriya.
__________ 17. Ang pinuno ng sistemang ito ay karaniwang tinatawag na hari o reyna. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay lamang ng isang tao. __________ 18. Si Karl Marx ang nagsulong ng ideolohiyang ito na naglalayong maging pagmamay-ari ng lipunan ang produksyon. __________ 19. Kahalintulad ang pamahalaang ito sa pamumuno nina Hitler sa
Alemanya at ni Mussolini sa Italya. Madalas na isang punong-militar ang may kapangyarihang diktador. Sa mga bansa sa Timog Amerika at Aprika lumaganap ang ideolohiyang ito.
__________ 20. Naniwala si Nicolai Lenin na upang maitatag ang Diktadurya ng Manggagawa ay kailangan ang dahas at pananakop.
42
MGA GABAY SA PAGWAWASTO
PANIMULANG PAGSUSULIT
1. B
2. C
3. C
4. C
5. D
6. D
7. B
8. C
9. B
10. B
11. B
12. E
13. C
14. D
15. A
16. F
17. C
18. A
19. C
20. F
ARALIN 1 MGA IDEOLOHIYA NG IBA'T IBANG BANSA AT ANG PUWERSA NG DEMOKRASYA AT KOMUNISMO
Gawain 1:Pag-isipan Mo! Mga Mungkahing Sagot (Maaaring may iba kang sagot na katulad rin ng mga
halimbawang nakasulat.)
Isang idea o kaisipan
Batayan Patakarang Pangkabuhayan
Paraan ng Pamamahala
Sinusunod ng mga tao
IDEOLOHIYA
Prinsipyo Patakarang Pampulitika
Pamantayan
43
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Narito ang tamang sagot:
S
T O T A L I T A R Y A N I S M O
S W
Y K A P I T A L I S M O
A O O P
L M O N A R K I Y A A
I U I N
S N T G
M I P A M P U L I T A K A
O S R A
M Y B
O A U
N H
P A N L I P U N A N A
S Y
M A
D E M O K R A S Y A N
44
Gawain 3: Paglalapat A. Mungkahing Sagot
DEMOKRASYA
KOMUNISMO
• Nasa kamay ng mga tao ang
kapangyarihan sa pamahalaan
• Walang pag-uuri-uri sa lipunan
(Classless Society)
• Naghahalal ng pinunong gusto nila
ang mga mamamayan
• Ang produksyon at mga produkto
ay pag-aari ng estado
• Tinutugunan ng pamahalaan ang
kagustuhan ng nakararaming
mamamayan
• Mawawala ang estado at papalit
ang diktadurya
B. Isangguni sa gurong tagapamatnubay ang sagot mo sa pangalawang bahagi (B.)
depende sa iyong katwiran ang kawastuan ng iyong sagot.
ARALIN 2 PUWERSANG PANGKABUHAYAN SA PULITIKA NG BANSA
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Nicolai Lenin Joseph Satalin
Benito Mussolini Leon Trotsky
Dahilan: Sina Lenin, Stalin ay Trotsky ay pawang mga lider sa Rusya na nagpalaganap
ng komunismo. Si Mussolini ay nagpalaganap ng Fascismo sa Italya.
Pagwawakas ng Kapitalismo Paghihiwalay ng simbahan at Estado,
Classless Society Tuwirang Demokrasya sa Pamahalaan
Dahilan: Hindi kabilang ang tuwirang demokrasya sa pamahalaan dahil ang mga salita
ay tumutukoy sa prinsipyo ng komunismo.
45
Black Shirts Corporate State
Diktatoryal Third Reich
Dahilan: Ang hindi kabilang sa mga salita ay ang Third Reich dahil ito ay hindi
tumutukoy sa katangian ng Pasismo sa Italya. Ang Third Reich ay ang pumalit sa
Republika ng Weimar sa Alemanya.
Mein Kampft (Ang Aking Labanan) Der Fuehrer (The Leader)
Gestapo o Sekretong Pulisya Red at White Army
Dahilan: Ang Red at White Army ang hindi kabilang sa pangkat dahil ang tatlo
ay tumutukoy sa katangian ng pamamahalang Nazismo sa Alemanya
samantalang ang Red at White Army ay ang magkakatunggaling hukbo sa
Rusya.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
KATANGIAN KOMUNISMO FASCISMO NAZISMO
BANSA Rusya Italya Alemanya
PINUNO Nicolai Lenin, Leon
Trotsky at Joseph
Stalin
Benito Mussolini
Adolf Hitler
MGA
PRINSIPYO
1. Pagtatatag ng
diktadurya ng
mga
manggagawa.
Ang
manggagawa
ang siyang
1. Ang tao ay
gumagawa lamang
sa kapakanan ng
estado, ang
demokrasya ay
mahina at walang
saysay at ang
1. Ang
kapangyarihan
g racial -
Ginamit nila
ang paniniwala
na ang mga
Aleman ang
46
supremo sa
pamahalaan.
2. Ang sistema ng
produksyon at
distribusyon ng
pag-aari ay
pinangangasiw
aan ng
pamahalaan.
3. Pagwawakas
ng kapitalismo.
4. Pagtatwa ng
kapangyarihan
ng Diyos at
lubos na
paghihiwalay
ng estado at ng
simbahan.
5. Pagsuporta,
paghikayat at
pagpapalagana
p ng Kilusang
Komunismo sa
buong daigdig.
lakas ay
kinakailangang
pangibabawin.
1. Lahat na
binitiwang
opinyon, sa
pagbigkas man o
pagsulat ay
kailangang
naaayon sa
pamahalaan.
2. Ang buong
sistema ng
edukasyon ay
kinukontrol
upang
makapagsilbi sa
estado at upang
makatulong sa
paghahanda
para sa digmaan.
Dinodominahan
ng Fascistang
propaganda ang
mga paaralan.
3. Maingat na
sinesensor ang
lahat ng mga
pahayagan at
publikasyon.
4. Lahat ng uri
nangungunang
lahi at sila ay
nanggaling sa
mga
makalumang
tribung
Germanic na
tinatawag
nating Nordic o
Aryano.
2. Anti-Semitism -
Sinasabi ng
mga Nazista
na ang mga
Hudyo na
naninirahan sa
Alemanya ay
hindi mga
Aleman at sila
ang sanhi ng
maraming
suliranin at
kabiguan ng
Alemanya.
3. Ang pagbuwag
sa Treaty of
Versailles -
Binigyang-sisi
ng mga
Nazista ang
Kasunduan sa
47
ng libangan ay
sinusuri ng
pamahalaan.
5. Hindi
kinikilala ang
kalayaang sibil.
6. Binibigyan
nila ng bonus
ang malalaking
pamilya.
7. Hindi
binibigyan ng
karapatang
sosyal, pulitikal
at
pangkabuhayan
ang mga babae.
Versailles na
siyang sanhi
ng mga
suliranin ng
Alemanya.
4. Pan-
Germanism -
Ayon kay
Hitler, ang
isang
pinalawak na
Alemanya ay
kailangang
maitatag,
kasama na ang
mga
teritoryong
nawala sa
kanila noong
Unang
Digmaang
Pandaigdig.
5. Ang pagwasak
sa
Demokrasya -
Laban ang
Nazismo sa
demokrasya at
pamahalaang
Parlyamentary
o. Nanawagan
48
silang wasakin
ang Republika
at itatag ang
Third Reich na
siyang
estadong
totalitaryan ng
Nazismo.
ARALIN 3 ANG PILIPINAS AT ANG IDEOLOHIYA NITO Gawain 1: Pag-isipan Mo!
1. Sangay ng pamahalaan na bumabalangkas ng patakaran at alituntunin para
sa bansa. TAGAPAGBATAS
2. Sangay ng pamahalaan na nagpapatupad ng mga programa, batas at
serbisyong pampamahalaan. TAGAPAGPAGANAP
3. Sangay ng pamahalaan na namamahala sa mga gawaing may kaugnayan sa
usapin ng paglilitis at mga batas. Ang pinakamataas na dulugan nito ay
tinatawag na Korte Suprema (Supreme Court). PANGHUKUMAN o
TAGAPAGHUKOM
4. Ito ang pangunahing batas na umiiral sa bansa at siyang nagtatakda ng
gabay sa pamamahala ng mga pinuno sa pamahalaan. SALIGANG-BATAS
5. Ang ideolohiyang ito sa pamamahala ay may Check and Balance.
Itinataguyod nito ang diwa ng kalayaan tulad ng mga bansang Pilipinas, Hapon,
Estados Unidos, Malaysia at Timog Korea. DEMOKRASYA
49
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
PRESIDENSYA 1. Ang Pangulo ay may karapatang pumili ng mga kalihim
sa bawat kagawaran o tanggapan ng pamahalaan
PARLYAMENTARYO 2. Ang tagapagpaganap ng batas ay iba sa kinikilalang
pinunong panseremonya sa bansa. Ang pinunong
panseremonya ay maaring isang pangulo, hari o reyna
PRESIDENSYAL 3. Ito ang sistemang pampamahalaan na sinusunod ng mga
bansang tulad ng Pilipinas at Estados Unidos.
PRESIDENSYAL 4. Ito ang sistemang pampamahalaan na sinusu-nod ng
mga bansang tulad ng Pilipinas at Estados Unidos.
Maari siyang ihalal ng tuwiran nang sambayanan o kaya
ay sa pamamagitan ng "Electoral College" tulad ng sa
Estados Unidos. Sa sistemang ito ay may karapatan
ang pinuno na pumili ng mga kalihim sa bawat
kagawaran ng pamahalaan
PARLYAMENTARYO 5. Sa sistemang pampamahalaang ito ang mga
Tagapagbatas ang pumipili ng Punong Ministro
mula sa lupon ng mga kinatawan at siya ang
magiging Tagapagpaganap ng mga batas.
Tuwiran ang kanyang pananagutan sa mga
Tagapagbatas ngunit hindi sa mga mamamayan.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
1. B
2. D
3. B
4. D
5. C
6. B
7. D
8. D
9. C
10. A
11. A
12. C
13. B
14. F
15. A
16. E
17. D
18. C
19. F
20. C
1
ARALING PANLIPUNAN III
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 19
Cold War
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
2
MODYUL 19 COLD WAR
Natatandaan mo pa ba ang modyul mo tungkol sa ikalawang Digmaang
Pandaigdig? Nang matapos ang digmaan, nagsumikap ang bawat bansa na maiangat
ang kani-kanilang kabuhayan at lugmok na kalagayan. Isinulong din ang kapayapaan
upang maiwasan ang isa pang digmaang pandaigdig. Pinangunahan ng dalawang
makapangyarihang bansa, Estados Unidos at Unyong Sobyet, ang pagbabago.
Gayunpaman, hindi naging mabuti ang ugnayan ng mga tinawag na superpower. Lalo
pa itong umigting at nauwi sa Cold War.
Sa modyul na ito, pag-aaralan natin kung ano ang Cold War at mga ideolohiya
nito. Sisikaping sagutin ng modyul ang mga tanong na ito: Ano ang Cold War? Anu-ano
ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng Cold War? Anu-anong mga bansa ang
sumailalim sa impluwensya ng Estados Unidos at Unyong Sobyet? Ano ang epekto ng
Cold War sa kalagayan ng mga bansa? Paano nagwakas ang Cold War?
May apat na araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Cold War at Sanhi ng Pagkakaroon Nito
Aralin 2: Mga Bansang Kasangkot sa Cold War
Aralin 3: Epekto ng Cold War sa Kalagayan ng mga Bansa
Aralin 4: Pangyayaring Nagpawalang-saysay at Nagwakas sa Cold War
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Maipaliliwanag ang kahulugan ng Cold War at sanhi ng pagkakaroon nito;
2. Maiisa-isa ang mga bansang nasa ilalim ng impluwensya ng Russia at Amerika;
3. Matatalakay ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng Cold War;
4. Maiisa-isa ang naging epekto ng kolonyalismo at imperyalismo; at
5. Mapapahalagahan ang mga pangyayari at aksyon upang wakasan ang Cold
War.
3
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para
sa iyo.
PANIMULANG PAGSUSULIT: Handa ka na bang suriin kung mayroon kang mga kaalaman sa paksa
natin sa modyul? Subukan mong sagutin ang mga tanong. Piliin ang
tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang napiling sagot sa patlang sa kaliwa.
Cold War, Stalin, Roosevelt, SALT I, Watergate Scandal, Détente, Peristroika,
Glastnost, Demokratizatsiya, 38th parallel, 17th parallel,
Taiwan, Mao Tse Tung, Supersonic, Apollo 11
________1. Kauna-unahang misyon sa kalawakan na nakapagdala ng unang tao sa
buwan.
________2. Paraan ng paghahati sa Korea.
________3. Pinuno ng USSR nang magkaroon ng Cold War.
________4. Isyung kinasangkutan ni Pangulong Nixon at naging dahilan ng kanyang
pagbitiw sa tungkulan.
________5. Dating Formosa at bahagi ng kalakalang Tsina na pinamumunuan ni Dr.
Sun Yat Sen.
________6. Paraan ng pagkakahati sa Vietnam.
________7. Tawag sa pagbabawas ng tensyon.
________8. Nangangahulugang muling pagsasaayos ng ekonomiya ng Russia.
________9. Pinuno ng kalakalang Tsina at nagtatag ng Komunismo sa bansa.
________10. Nangangahulugan ng Openess ng Russia sa mga mamamayan.
________11. Kauna-unahang spaceship na nakalibot sa kalawakan ng daigdig.
________12. Alitan sa pagitan ng dalawang bansa na hindi ginagamitan ng armas.
________13. Pangulo ng Amerika nang magsimula ang Cold War.
4
________14. Kasunduang nilagdaan nina Nixon at Brezner na bawasan ang panganib
ng pagkakaroon ng digmaang nukleyar.
________15. Nagbigay ng karapatan sa mga Russian na bumoto at pumili ng kanilang
pinuno.
5
ARALIN 1 COLD WAR AT SANHI NG PAGKAKAROON NITO
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagsumikap ang bawat bansa
na maiangat ang kanilang kabuhayan. Isinulong din ang kapayapaan upang maiwasan
ang isa pang digmaang pandaigdig. Bakit nauwi ito sa Cold War? Sa araling ito,
susuriin natin kung ano ang Cold War at sanhi ng pagkakaroon nito
Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Masasabi ang kahulugan ng Cold War; at
2. Maibibigay ang mga sanhi ng pagkakaroon ng Cold War.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Alin sa palagay mo ang maaaring ilarawan sa Cold War? Bakit mo napili ang
mga iyan?
• Alitan ng mga bansa na hindi ginagamitan ng armas
• Tunggalian ng kapangyarihan at ideolohiya ng bawat bansa
• Matinding kompetensya ng mga bansa
• Pagkakagalit ng walang kibuan ng mga bansa
6
Ang Pananaw sa Cold War Ang bansang Estados Unidos at Unyong Sobyet ang naging makapangyarihang
bansa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hindi naging mabuti ang
ugnayan ng mga bansang ito na tinatawag na superpower. Ito ay nauwi sa Cold War.
Ang Cold War ay bunga ng matinding kompatensya na naganap sa pagitan ng
mga bansa noong 1940 hanggang 1990. Hindi lamang tunggalian ng kapangyarihan
kundi ideolohiya ang kinatawan ng bawat bansa. Ang Estados Unidos ang nagtaguyod
ng demokrasya at kapitalismo samantalang ang Unyong Sobyet ay kumatawan sa
sosyalismo at komunismo.
Malaki ang papel sa muling pag-aayos ng daigdig ng Estados Unidos bilang
pinakamalakas na kapangyarihang kapitalista. Upang mapigil nito ang paglaganap ng
sosyalismo at komunismo ng USSR, gumawa ito ng iba’t ibang hakbang.
Sa pamamagitan ng Marshall Plan, tiniyak ng Estados Unidos ang pagbangon ng
kanlurang Europa bilang kapanalig sa kanluran. Sa silangan, tiniyak din nito ang
pagbangon ng Hapon sa pamamahala ni Heneral Douglas MacArthur.
Mga Tunay na Sanhi Ang Estados Unidos at Unyong Sobyet ay magkakampi at kasama sa mga
bansang nagtatag ng “Nagkakaisang mga Bansa”. Dumating ang pagkakataon na sila’y
nagkaroon ng Cold War o tunggaliang hindi tuwirang labanan kundi magkaribal na
militar at pagkawala ng tiwala sa isa’t isa.
May mga pangyayaring namagitan sa kanila na lumikha ng tension dahil sa
paglalaban ng ideolohiyang kanilang pinaniniwalaan. Ang Estados Unidos ang
pangunahing bansang demokratiko, samantalang ang Unyong Sobyet ay komunista.
Ang kanilang sistemang pulitikal ay nakaapekto sa maraming bansa.
Upang mapanatili ng Unyong Sobyet ang kapangyarihan sa Silangang Europa,
pinutol nito ang pakikipag-ugnayan sa mga kanluraning bansa. Naputol ang kalakalan,
limitado ang paglalakbay, bawal ang pahayagan, magasin, aklat, at programa sa radio.
7
Ito ay tinagurian ni Winston Churchill na Iron Curtain o pampulitikang paghahati sa
pagitan ng Soviet Bloc at taga-Kanluran. Lalo pang umigting ang di pagkakaunawaan
dahil sa hindi pagkakaroon ng bukas na kalakalan ng mga ito.
Noong 1945, hiniling ni Stalin na magtayo ng base military sa bahagi ng Black
Sea at Aegean. Bahagi ito ng pagpapalawak ng Unyong Sobyet.
Bilang pagtugon sa isinasagawang pagpapalawak ng Unyong Sobyet,
nagpalabas noong 1947 ng isang patakaran si Harry S. Truman, pangulo ng Estados
Unidos, ng Truman Doctrine. Layunin nito ang pagpapadala ng hukbong Amerikano sa
Gresya at Turkey upang hadlangan ang pagpapalaganap ng Komunismo.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Makipag-usap sa inyong lolo at lola at ilang matatanda na buhay na
noong mga taong 1940 at ipakwento ang tungkol sa Iron Curtain, Truman Doctrine, at
Marshall Plan Kontra Comecon. Sino sa dalawang may superpower na bansa ang may
magandang ideolohiya?
Tandaan Mo! Ang Cold War ay labanan ng ideolohiya, kapangyarihan at alitan ng
dalawang bansa na hindi ginagamitan ng puwersa o armas.
Ang hindi pagsunod sa kasunduan, pagyakap sa sariling ideolohiya,
kawalan ng respeto at tagisan ng kapangyarihan ng mga bansa ang dahilan
ng pagkakaroon ng Cold War.
8
Gawain 3: Paglalapat Ipagpalagay mo na nabuhay ka na noong panahon ng Cold War.
Kaninong ideolohiya ang itataguyod mo? Demokrasya at Kapitalismo ng
Amerikano o Sosyalismo at Komunismo ng Unyong Sobyet?
Pangatwiranan mo.
ARALIN 2 MGA BANSANG KASANGKOT SA COLD WAR
Dalawang bansa ang naging makapangyarihan pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Ito ay ang Estados Unidos at Unyong Sobyet. Ang mga
pangunahing kaalyansa ng Estados Unidos noong panahon ng Cold War ay ang
Britanya, Pransya, Kanlurang Alemanya, Hapon, at Canada. Ang Unyong Sobyet
naman ay ang mga bansa sa bahagi ng Silangang Europa tulad ng Bulgaria,
Czechoslovakia, Hungary, Poland, Silangang Alemanya, at Romania. Ang Cuba at
Tsina ay nasa kampo ng sosyalismo.
Sa modyul na ito, pagtutuunan ng pansin ang mga bansang maka-demokrasya
at mga bansang maka-komunismo. Nakatulong kaya sa mga bansa ang kanilang mga
ideolohiya?
Pagkatapos mong mapag-aralan ang nilalaman ng araling ito, inaasahang
magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Maiisa-isa ang mga bansang nasa ilalim ng impluwensya ng Amerika at Russia;
2. Masusuri ang mga bansang nahati sa dalawang ideolohiya; at
3. Masasabi ang mga kaganapan sa bawat bansa.
9
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Suriin ang larawan. Ano ang nais ipahiwatig ng larawang ito?
Mga Bansang Nasa Ilalim ng Impluwensya ng Amerika at Russia Pagkatapos mapasailalim sa impluwensya ng demokrasya at komunismo ang
mga bansa ay nanatiling tapat sa kanilang paniniwala.
Hindi natapos sa Silangan at Kanlurang Germany ang tunggalian ng dalawang
bansa. Napunta ang tagisan nila ng galing sa mga bansa sa Asya na nahati rin dahil sa
kanilang mga ideolohiya. Halimbawa nito ay Korea. Ang mga Ruso ang namahala sa
Timog Korea – Naging sentro ang Seoul sa pamumuno ni Dr.
Syngman Rhee
Taiwan – Naging kapital ang Taipei sa pamumuno ni Dr. Sun Yat Sen
Timog Vietnam – Naging kapital ang Saigon sa ilalim
ni Ngo Dinh Diem
Hilagang Korea – Naging sentro sa pamumuno ni Kim
Sung
People’s Republic of China – Ang kapital ay Beijing sa pamumuno ni Mao Zedong
Hilagang Vietnam – Naging kapital ang Hanoi sa ilalim
ni Ho Chi Minh
Paggawa ng mataas na uri ng armas Paggawa ng mataas na uri
ng armas
Inilunsad ang Apollo 11 na unang nagdala ng tao sa
buwan
Inilunsad ang supersonic – unang sasakyan na gumalugad sa kalawakan
at ang Sputnik
nahati sa:
DEMOKRASYA KOMUNISMO
38th parallel
17th parallel
10
mga nakatalaga sa hilaga 38° latitud (38th parallel) sa Korea samantalang ang mga
Amerikano naman ang nasa timog. Bago pa man nahati ang Korea, napagkasunduan
na ng Estados Unidos at Unyong Sobyet na gawin nilang isang malayang bansa ang
Korea at bigyan ito ng malayang halalan upang makapagtatag ng isang sentral na
pamahalaan. Ngunit ang kasunduang ito ay hindi sinunod ng mga Ruso at sa halip,
nagtayo pa sila ng komunistang pamahalaan sa Hilagang Korea.
Ang Vietnam ay nahati sa Hilaga (17th parallel) sa pamumuno ng mga Ruso at
ang Timog sa pamumuno ng mga Amerikano.
Ang Tsina ay nahati rin sa dalawa. Ang isa ay sa pamumuno ni Dr. Sun Yat Sen
at ang isa ay sa pamumuno ni Mao Zedong.
Mga Kaganapan sa Bawat Bansa Ang Kanlurang bahagi ng Alemanya ay sumailalim sa pinagsanib na
kapangyarihan ng Pransya, Gran Britanya, at Estados Unidos sa tinawag na
pamamahala ng “Federal Republic of Germany”. Ginamit nito ang parliyamentaryong uri
ng pamahalaan. Ang Silangang Alemanya naman ay sumailalim sa komunismong
pamumuno ng Unyong Sobyet na kinilala bilang “German Democratic Republic”.
Laban sa nakibakang Tsino sa pamumuno ni Mao, sinuportahan ng Estados
Unidos ang pamahalaang Chiang-Kai-Shek. Ganoon din ang Vietnam, Cambodia, at
Laos.
Sa Timog-Kanluran at Timog Asya, sinikap nitong magkaroon ng maiinit na
ugnayan sa Turkey, Iran, at India.
Malakas ang suportang ibinigay ng USSR sa mga pamahalaang sosyalista sa
Silangang Europa, Mongolia, at Hilagang Korea. Ganoon din sa Asya, Aprika, at Latin
Amerika.
11
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Ngayong nabasa mo ang mga bansang kasangkot sa Cold War,
buuin ang mga titik upang makabuo ng pangalan ng bansa. Kulayan ng pula ang
dalawang bansang pangunahing sangkot sa Cold War.
1. ___________ 2. _________
3. __________
4. _____________ 5. _______________
Tandaan Mo! Ang bansang Estados Unidos at Unyong Sobyet ang mga bansang
tinatawag na superpower. Bawat isa ay may mga kaalyansang
bansa.
Ang Kanlurang Alemanya, Britanya, Pransya, Hapon at Canada ang kaanib
ng Estados Unidos. Ang Unyong Sobyet naman ay Silangang Europa tulad ng
Bulgaria, Czechoslovakia, Hungary, Poland, Silangang Alemanya, at Romania. Ang
Tsina at Cuba naman ay nasa kampo ng Sosyalismo.
Nahati ang Alemanya sa Silangan at Kanluran; Korea sa Hilaga at Timog; Tsina at
Vietnam ayon sa sistemang pulitikal.
P A I L I I P S N
U P E R
R U I S A S
C E H L I
A R M I C A E
12
Gawain 3: Paglalapat Magtanong sa iyong lolo o lola at ipakwento ang kaalaman tungkol sa
Unyong Sobyet at Amerika.
.
ARALIN 3 EPEKTO NG COLD WAR SA KALAGAYAN NG MGA BANSA
Bagamat may layunin ang dalawang bansa na tinatawag na “superpower”, ang
Cold War ay nagkaroon ng iba’t ibang epekto sa kalagayan ng mga bansa. Dito sa
modyul ay malalaman mo ang mabuti at di-mabuting epekto nito sa mga bansa.
Inaasahang pagkatapos ng aralin ay magagawa mo ang sumusunod:
1. Matutukoy ang mga kompetisyon sa kalawakan ng USSR at USA;
2. Maiisa-isa ang mga naging mabuting epekto ng Cold War; at
3. Masasabi ang mga di-mabuting epekto ng Cold War.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Subukan mo kung masasagot mo ang mga sumusunod na tanong na may
kaugnayan sa araling ito. Sagutin ng oo o hindi. ______ 1. Ang kasunduang naglimita ng panganib ng pagkakaroon ng digmaang
nukleyar ba ay mabuti?
______ 2. Ang Glastnost ba ay nakatulong sa mga bansa sa pagiging matapat sa isa’t
isa?
______ 3. Nakatulong ba ang Peaceful Coexistence sa mga Kanluranin?
13
______ 4. Si Mickail Gorbachev ba ang nagpatupad ng patakarang demokratizasiya?
______ 5. Naging masama ba ang epekto ng iba’t ibang imbensiyon sa mga bansa?
Kompetisyon sa Kalawakan ng USSR at USA Naunahan ng USSR ang USA sa pagpapadala ng sasakyang pangkalawakan.
Binuksan ng paglipad ng Sputnik I noong Oktubre 1957 ang Panahon ng Kalawakan
(Space Age). Una ring nagpadala ng tao sa kalawakan ang USSR. Si Yuri Gagarin ang
unang cosmonaut na lumigid sa mundo, sakay ng Vostok I noong 1961.
Naabutan at nahigitan pa ng USA ang USSR nang nakaikot sa mundo nang
tatlong beses noong 1962 si John Glenn Jr. sa sasakyang Friendship 7.
Ang Estados Unidos ay hindi nagpahuli sa mga imbensyon. Ipinadala nito si
Allan B. Shepard Jr. ang kauna-unahang Amerikanong astronaut na nakarating sa
kalawakan. Sinundan pa ng matagumpay na misyon noong Hulyo 20, 1969 nang unang
makatapak sa buwan ang mga Amerikanong astronauts na sina Michael Collins, Neil
Armstrong, at Edwin Aldrin.
Naunahan din ng USA ang USSR sa paggamit ng puwersang atomika.
Nakagawa ito ng unang submarino na pinatatakbo ng puwersang nukleyar, ang USS
Nautilus. Hindi lamang sa gamit pandigma ginagamit ng USA ang lakas atomika kundi
pati sa panahon ng kapayapaan. Ginagamit ito sa medisina, agrikultura, transportasyon,
at komunikasyon. Noong ika-10 ng Hulyo, 1962, pinalipad sa kalawakan ang Telstar,
isang pang-komunikasyong satellite. Nagulat ang buong mundo sa nagawang ito ng
USA. Sa pamamagitan nito, maaari nang makatanggap ng tawag sa telepono at
makakita ng palabas sa telebisyon mula sa ibang bansa.
Mabuting Epekto ng Cold War Ang Estados Unidos at Unyong Sobyet ay nagpasikat sa pagpapalaganap ng
kanilang ideolohiya. Bukod sa larangan ng militar, tiniyak din ng Estados Unidos na
14
maayos ang takbo ng ekonomiya ng pandaigdigang sistemang kapitalista. Binuo ang
International Monetary Fund (IMF) upang ayusin ang daloy ng malayang kalakalan sa
mundo. Kasabay ring inayos ang International Bank for Rehabilitation and
Reconstruction (IBRR) o World Bank upang tumulong sa gawaing rehabilitasyon at
rekonstruksyon.
Pagkamatay ni Stalin ng USSR, hiniling ni Khrushchev ang Peaceful Co-
existence o Mapayapang Pakikipamuhay sa halip na pakikipaglaban sa digmaan.
Isinulong ni Mikhail Gorbachev ang glasnost o pagiging bukas ng pamunuan sa
pamayanan at perestroika o pagbabago ng pangangasiwa sa ekonomiya.
Nagkasundo sina Gorbachev ng Unyong Sobyet at Ronald Reagan ng Amerika
na tapusin na ang Arms Race upang maituon ang badyet sa ekonomiya.
Maraming imbensiyon ang naisagawa ng dalawang panig. Ang pagpapalipad ng
Sputnik I ng USSR, Vostok I, sakay si Yuri Gagarin, unang cosmonaut na lumigid sa
mundo.
Ang USA naman ang nagpalipad ng Friendship 7, Apollo 11, at mga puwersang
nukleyar na hindi lang ginamit sa digmaan kundi sa medisina at komunikasyon satellite.
Mga Di-Mabuting Epekto ng Cold War Dahil sa Cold War, umigting ang di pagkakaunawaan sa pampulitika, pang-
militar, at kalakalan ng mga bansa.
Bumaba ang moral ng mga manggagawa ng Unyong Sobyet na nagdulot ng
malaking suliraning pang-ekonomiya.
Dahil sa matinding sigalot dahil sa Cold War, pilit iginigiit ng dalawang puwersa
ang kanilang pamamalakad kaya’t nawalan ng tunay na pagkakaisa.
May banta ng digmaan nang magkaroon ng mga samahang pansandatahan
tulad ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), WARSAW Treaty Organization o
Warsaw Pact, at ikatlong pwersa o kilusang nonaligned.
15
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Anu-ano ang mabuti at di mabuting epekto ng Cold War? Isulat ang M
sa patlang kung mabuti at DM kung di-mabuti:
1. Nagkaroon ng iba’t ibang imbensyon
2. Walang tunay na kapayapaan
3. May banta ng digmaan
4. Pagtuon ng pansin sa ekonomiya
5. Kawalan ng pagkakaisa
Tandaan Mo! Marami ang naghirap at nagkimkim ng sama ng loob dahil sa hindi
pagkakaisa ng dalawang superpowers. Walang magawa ang mga
bansang kaanib kundi sumunod sa ideolohiya ng namumunong bansa.
May naging mabuti at di mabuting epekto ang Cold War sa mga bansa.
Gawain 3: Paglalapat Sumulat nang naibigan mong epekto ng Cold War. Ipaliwanag kung bakit
naibigan mo ito.
16
ARALIN 4
PANGYAYARING NAGPAWALANG-SAYSAY AT NAGWAKAS SA COLD WAR
Nang lumala ang sitwasyon ng ekonomiya sa pamahalaang Sobyet humina ang
loob ng mga bansang komunista. Nagkasundo na rin sina Gorbachev at Reagan na
tapusin na ang Arms Race. Sa araling ito, susuriin natin kung anu-ano ang mga
pangyayaring nagpawalang-saysay sa Cold War. Anu-ano ang mga dahilan ng
pagwawakas ng Cold War?
Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Matatalakay ang mga pangyayari sa daigdig na nagpawalang-saysay sa Cold
War; at
2. Mapapahalagahan ang mga aksyon upang wakasan ang Cold War.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Anu-ano sa palagay mo ang mga pangyayari na nagpawalang-saysay sa Cold
War? Lagyan ng (√) o (x) ang patlang.
_____ 1. pagtakda ng Peaceful Co-existence o Mapayapang Pamumuhay
_____ 2. pag-alis ng tropang Amerikano sa Vietnam
_____ 3. paghanda ng kagamitang pandigma na gagamitan ng lakas nukleyar
_____ 4. pagsasaayos ng ekonomiya ng mga bansa
_____ 5. pagkawala ng kontrol ng Soviet Communist Party sa pamahalaan
17
Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagwawakas ng Cold War Tunghayan ang timeline sa ibaba na nagpapakita ng mga pangyayaring
nagbigay-daan sa pagpapawalang-saysay o pagwawakas ng Cold War:
1953 – Namatay si Marshal Joseph Stalin ng Soviet Union.
Pinalitan siya ni Nikita Khrushchev na nagtakda ng mga bagong
patakaran. Ito ay ang Peaceful Coexistence sa mga Kanluranin.
1969 – Naging pangulo ng United States si Richard Nixon.
Pinaunlad niya ang relasyon ng US sa USSR sa pamamagitan ng Détente
o pagpapaluwag ng tensyon.
Inalis ang tropang Amerikano sa Vietnam.
Dinalaw ang China at USSR.
1972 - Nilagdaan ang SALT o Strategic Arms Limitation Treaty. Kasamang
lumagda si Leonid Breznev.
*Nakapagbigay ito ng malaking pag-asa na malimitahan na ang panganib
ng pagkakaroon ng digmaang nukleyar.
1974 - Nagbitiw sa tungkulin si Richard Nixon dahil sa Watergate Scandal.
*Nagkaroon uli ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
1985 - Naging pangulo ng Russia si Mikhail Gorbachev. Ipinatupad niya ang mga
bagong patakaran sa Russia tulad ng:
• Glastnost o openness, pagiging transparent ng pamahalaan
• Perestroika o muling pagsasaayos ng ekonomiya
• Democratizasiya o democratization, pagboto ng mga mamamayan ng kanilang
pinuno
Panghuling termino na ni Reagan sa Amerika.
18
1987 - Nilagdaan nina Gorbachev at Reagan ang Intermediate Range Nuclear
Forces (INF) sa Wahington D.C.
Ito ang kauna-unahang kasunduan sa kasaysayan na nag-alis ng lahat ng
uri ng armas nukleyar.
1989 - Binuwag ang Berlin Wall.
1990 - Pinagsanib ang Silangan at Kanlurang Germany noong buwan ng
Oktubre.
*Nobyembre 1990 – Nilagdaan ang “Charter of Paris for a New Europe”
na may 34 estado. Sila ang kumakatawan sa Silangan at Kanlurang
Europe. Ito na rin ang naging hudyat ng pagwawakas ng Cold War.
1991 - Nawalan ng control ang Soviet Communist Party sa pamahalaan na
naging dahilan ng pagkabuwag ng Unyong Sobyet.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Anu-ano ang mga pangyayaring nagpawalang-saysay sa Cold War?
Isulat ang titik ng mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod.
A. pagkamatay ni Marshal Joseph Stalin
B. pagpatupad ng Glastnost ni Gorbachev
C. pagkasangkot ni Richard Nixon sa “Watergate Scandal”
D. pagbuwag sa Berlin Wall
E. paglagda sa “Charter of Paris”
19
Tandaan Mo!
Marami ang nag-alala sa Cold War dahil sa pag-iisip na
magkakaroon uli ng digmaang pandaigdig na gagamitan ng higit na
mapanganib at mapamuksang armas nukleyar. Sa pagwawakas ng
Cold War, naituon ang pansin sa pagpapabuti ng ekonomiya at ang
pagkakaroon ng kasunduang pag-alis ng lahat ng uri ng armas nukleyar.
Gawain 3: Paglalapat Sumulat ng iyong pananaw tungkol sa INF o kasunduan na nag-aalis ng
lahat ng uri ng armas nukleyar. Maaari mong hingiin ang opinyon ng
mga guro at mga magulang tungkol sa armas nukleyar.
20
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: Panuto: Pag-ugnayin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang titik ng wastong
sagot.
1. Bagong patakaran ng pakikitungo sa mga
Kanluranin
2. Salitang ang kahulugan ay “openess”
3. Pumalit sa pamumuno ni Stalin
4. Pangulo ng Amerika na nagpaunlad ng
relasyon ng US at USSR
5. Lugar sa Germany kung saan itinatag ang
pader na naghati sa Silangan at Kanluran
6. Kasunduang naglimita ng panganib ng
pagkakaroon ng digmaang nukleyar
7. Pangulo ng USSR sa panahon ng kainitan ng
Cold War
8. Si ________ Breznev ang isa sa lumagda ng
Strategic Arms Limitation Treaty
9. Si ________ Gorbachev ang nagpatupad ng
patakarang Demokratizasiya
10. Ipinatupad noong 1969 na nakapagpaluwag
ng tensyon sa pagitan ng US at USSR
A. Berlin
B. Richard Nixon
K. Nikita Khrushchev
D. Glastnost
E. Peaceful Coexistence
G. Détente
H. Mikhail
I. Leonid
L. Joseph Stalin
M. SALT
21
GABAY SA PAGWAWASTO:
Panimulang Pagsusulit
1. Apollo 11
2. 38th parallel
3. Stalin
4. Watergate Scandal
5. Taiwan
6. 17th parallel
7. Détente
8. Perestroika
9. Mao Tse Tung
10. Glastnost
11. Supersonic
12. Cold War
13. Roosevelt
14. SALT I
15. Demokratizatsiya
Pangwakas na Pagsusulit
1. E
2. D
3. K
4. B
5. A
6. M
7. L
8. I
9. H
10. G
1
ARALING PANLIPUNAN III
(Effective and Accessible Secondary Education)
MODYUL 20
NEO-KOLONYALISMO
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
2
MODYUL 20 NEO-KOLONYALISMO
Tatalakayin sa modyul na ito ang mga sangkap ng sistemang neo-kolonyalismo;
mga programang ginamit na instrumento upang patatagin ang neo-kolonyalismo at ang
epekto sa mga bansang sinakop at pinagsasamantalahan nito.
May tatlong araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Ang Pamamaraan o sangkap ng Sistemang Neo-kolonyalismo
Aralin 2: Mga Instrumentong Ginamit o Uri ng Neo-kolonyalismo upang makamit
ang Nais nito;
Aralin 3: Ang Epekto ng Neo-kolonyalismo sa mga Bansang Nasakop nito.
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang mga
sumusunod:
1. Maipapaliwanag ang tunay na kahulugan at Layunin ng sistemang Neo-
kolonyalismo;
2. Mabibigyang puna ang mga anyo o instrumentong ginamit upang makamit ang
nais nito;
3. Masusuri ang epekto ng Neo-kolonyalismo sa pangkalahatang kalagayan ng
papaunlad at di-maunlad na bansa; at
4. Maipapahayag ang sariling damdamin tungkol sa bagong uri ng pananakop.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong. Huwag
kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo.
3
PANIMULANG PAGSUSULIT: I. Panuto: Itambal ang hanay A sa hanay B.
Isulat ang titik sa patlang.
A B
_____1. Foreign Debt a. Imperyalistang bansa
_____2. Surplus b. Bagong uri ng pagsasamantala
_____3. Kapitalismo sa mahihirap na bansa
_____4. Komunismo c. Institusyong itinayo ng
_____5. Foreign Aid 120 pribadong kompanya
_____6. Ekonomiyang Hapon d. Panahong isinilang ang
_____7. World War II neo-kolonyalismo
_____8. ADELA e. Ang lumusob sa bansang Asya
_____9. Neo-kolonyalismo f. Tulong pang-ekonomiya
_____10. USA at RUSYA g. Unyon Sobyet
_____11. IMF/World Bank h. USA
_____12. Debt Trap i. Natitirang kagamitang militar
_____13. Hapon j. Pag-utang sa mayayamang bansa
_____14. Pilipinas k. Nagsagawa ng neo-kolonyalismo
_____15. Neo l. Produktong banyaga
_____16. Underdeveloped m. Uri ng neo-kolonyalismo
_____17. Base Militar n. Anyo ng neo-kolonyalismo
_____18. Ideolohiya o. Biktima ng neo-kolonyalismo
_____19. Hamburger p. Nangangahulugang bago
_____20. Mayayamang bansa q. Papaunlad na bansa
r. Maunlad na bansa sa Asya
s. Hindi makaahon sa utang
t. Britten Woods Twins
4
ARALIN 1 ANG PAMAMARAAN O SANGKAP NG SISTEMANG NEO- KOLONYALISMO
Pagnarinig mo ang salitang Neokolonyalismo, ano ang sumasagi sa iyong isipan?
Tinatalakay dito ang talong Paraan o Sangkap ng Sistemang Neo-Kolonyalismo.
Pagkatapos mong pag-aralan ang mga paksa sa araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Makapagsusuri ng mga dahilan na walang tunay na kalayaan sa mga bagong silang na
bansa pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig; at
2. Maipaliliwanag ang mga Pamamaraan o sangkap ng sistemang neo-kolonyalismo.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Tukuyin ang mga bansang ipinakikilala sa larawan sa tulong ng mga
bandila.
1. _____________________________________________
2. _____________________________________________
3. _____________________________________________
4. _____________________________________________
5. _____________________________________________
6. _____________________________________________
7. _____________________________________________
Sila ang tinatawag na Group of Seven
5
Ang Pamamaraan ng Neo-kolonyalismo
Pagkatapos ng ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumitaw ang makabagong uri ng
pananakop upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan, ito ay ang neo-kolonyalismo at
interbensyon.
Ang neo-kolonyalismo ay nangangahulugan ng bago at ibang uri ng pagsasamantala
sa mahihirap na bansa.
Sa pag-aaral ng agham-pampulitika, ang neo-kolonyalismo ay patungkol sa
pananatili ng kontrol ng isang dating kolonyalista. Ito ay sa pamamagitan ng mas
malumanay at patagong (subtle) pamamaraan at pagmamanipula sa isang bansa. Layunin
nitong patatagin ang pamumuhunan, pigilin ang pagkamit ng tunay na kalayaan, at kunin
ang mas malaking kita mula sa negosyo. Palakasin pa nito ang imperyalismo sa usaping
pang-ekonomiya, pulitika, ideolohiya, at militar na paninindigan ng isang bansa.
Isa sa maituturing na pinakamahalagang sangkap ng sistemang neo-kolonyalismo
ay ang pagkakaroon nito ng makabagong pamamaraan para sa pagluluwas ng
pamumuhunang industriyal at pinansyal. Kabilang dito ay ang pagbuo ng iba’t ibang uri ng
lipunan at kumpanya, pandaigdigan at pampribadong pondo, pagkakaroon ng mga
korporasyon at konsoryum (samahan ng mga namumuhunan), pagsisiguro ng
pamumuhunan, paglalaan ng mga pautang na makakatulong hindi lamang sa
nangangailangan kundi magbibigay rin ng sapat na tubo para sa magpapahiram, at iba pa.
Ang mga imperyalista ay nakatuon sa kita ng kapital na kanilang inilagay sa mga
negosyo ng papaunlad ng mga bansa. Ang mga kumpanya ng langis ang kadalasang
kumikita ng malaki lalo na sa kanlurang Asya, Venezuela, Cambodia, Argentina, Brazil,
Bolivia, at Aprika. Isa pang pamamaraan ay ang pagluluwas ng puhunan sa pamamagitan
ng paggawa ng mga internal at pribadong kumpanya upang makagawa ng konsorsyum at
makakuha ng mas magandang kundisyon sa negosyo sa papaunlad na mga bansa.
Halimbawa nito ay ang Atalantic Community Development Group for LATIN America
(ADELA) na itinayo ng 120 pribadong kumpanya at mga bangko ng kanlurang Europa,
USA, Canada at Hapong na ang layunin ay magbibigay ng pondo sa mga bansang Brazil,
Ecuador, Nicaragua at Chile.
6
Ang neo-kolonyalismo ay isang uri ng suliraning pampulitika at pang-ekonomiya na ang lahat ng estado mayaman at mahirap ay maaring masangkot.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang kahulugan ng neokolonyalismo at anu-ano ang mga
pinakamahalagang sangkap ng sistemang ginamit nito? __________________ _____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Anu-anong bansa ang nagsagawa ng neo-kolonyalismo at ano ang tunay na layunin nila? ____________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
B. Makikita sa ibaba ang mga pangalan ng iba’t ibang bansa. Pangkatin mo ang mga
ito sa dalawa. Una, mga bansang mayayaman o makapangyarihan at ikalawa mga bansang mahirap o papaunlad pa lamang.
Unang Pangkat Ikalawang Pangkat 1. 1. 2. 2. 3. 3. 4. 4. 5. 5.
Aling pangkat ang nagsagawa ng neo-kolonyalismo? Ano ang kanilang katangian? ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
USA, Japan, Pilipinas, Cambodia, Kenya, Great Britain, France,
Laos, Pakistan, Australia
7
Tandaan Mo!
Lumitaw ang mga makabagong uri ng pananakop pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay itinuturing na “neo-
kolonyalismo”.
Ang neo-kolonyalismo ay nangangahulugan ng bago at ibang uri ng
pagsasamantala sa mahihirap na bansa. Ito ay ipinapakita sa tatlong paraan:
• Ang mga mamamayam ng bagong layang estado ay sinasamantala at inaapi ng
kanilang sariling mga pinunong nasusuhulan na ngayon, umaabuso sa
kapangyarihan at nagpayaman ng kanilang mga sarili.
• Ang ekonomiya ng mga bansang umuunlad ay patuloy na pinangingibawan
• ng mayayamang bansa at mga kumpanyang multinasyonal.
• Ang bagong layang mga estado ay nagsasagawa ng mga pananalakay at
nagdaragdag ng teritoryong pag-aari ng ibang mga bansa
Gawain 3: Paglalapat Isulat at ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan:
1. Paano pinapalaganap ang neo-kolonyalismo? _________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Mayroon bang naitulong ang kolonyalismo sa bansa? ___________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
8
ARALIN 2 MGA INSTRUMENTONG GINAMIT O URI NG NEO-KOLONYALISMO
Sa araling ito, tatalakayin ang mga instrumentong ginagamit at uri ng neo-
kolonyalismo upang lalong epektibo ang pananakop ng mga mayayamang bansa tulad ng
sa larangan ng ekonomiya at kultural
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Masusuri ang mga instrumentong ginamit ng neo-kolonyalismo upang makuha
nito ang nais sa malalayang bansa; at
2. Matatakay ang mga kondisyong napapaloob bago magbigay ng pang-
ekonomiyang at pampulitikang tulong ang mga mayayamang bansa.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Bago ka magsimula ng aralin, subukin mo kung makikilala mo ang nasa larawan.
World Bank 1. Ano ang mahalagang ginagampanan niya sa pagpapalaganap ng neo-kolonyalismo?
2. Ano ang tunay na layunin niya sa pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na bansa?
9
Mga Instrumento O Uri ng Neo-kolonyalismo Ang mga instrumentong ginamit ng neo-kolonyalismo upang makuha nito ang gusto
sa malalayang bansa ay kinabibilangan ng mga uring pang-ekonomiya at pangkultura.
May mga pagkakataong ginamit din ang militar at ang mga pailalim na gawain ng mga
institusyong pang-espiya.
1. Ekonomiko- napalaganap ito sa pamamagitan ng kunwaring tulong tungo sa
pagpapaunlad kalagayang pangkabuhayan ng bansa, ngunit sa katotohanan ay
nakatali na ang bansang tinutulungan sa patakaran at motibo ng bansang
tumutulong.
2. Kultural- sa anyong ito ay nabago ang ating pananaw sa mga bagay na likas na
angkin ng bansa. Dala ng mga ipinakilala ng mga dayuhan. Nagkaroon ng
pagbabago ang ating buhay. Higit na pinahahalagahan ang musika, palabas,
babasahin ng mga dayuhan.
Nagbigay ng masamang epekto sa mga Pilipino ang pagpapairal ng wikang Ingles
bilang wikang gagamitin sa mga paaralan. Itinuro ng kabihasnan at kasaysayan ng mga
Amerikano kaya napabayaan ang sariling kalinangan at maging ang sariling wika. Ang mga
ito ang ilan sa naging ugat upang magtaglay ang mga Pilipino ng kaisipang kolonyal na
pumupuri at dumarakila sa anumang bagay na gawa ng Estados Unidos at pagsasantabi
sa mga bagay na gawa sa sariling bayan. Bahagi rin ng neo-kolonyolistang kultural ang
pagpasok ng iba’t ibang pagkaing Amerikano na ngayo’y palasak na sa panlasang
Pilipino – hotdog, hamburger, at mansanas, na ipinagpalit na sa katutubong mga pagkaing
tulad ng kalamay, puto, latik, ginataan, bibingka at marami pang iba. Maging ang mga
pananaw ng mga Pilipino sa buhay ay nabahiran na rin ng imperyalismo. Naghangad
ang mga Pilipino ng pagkakaroon ng mga materyal na bagay na siyang batayan ng
katayuan sa lipunan. Sa pananaw ng mga katutubong pinunong pampulitika at pang
ekonomiya, nakauganay ang pambansang o pansariling nilang interes sa interes ng mga
neo-kolonyalista. Dahil dito, madaling impluwensyahan nitong huli ang una upang gawin
ang mga hakbang na nais nila.
10
Dayuhang Tulong o Foreign Aid
Ilang instrumento ng mga neo-kolonyalista ang napakaloob sa tinatawag na
dayuhang tulong (foreign aid) – pang-ekonomiya, pangkultura, at pangmilitar.
Sa Unang malas ay mga tulong na walang kondisyon, tulad ng pamimigay ng gatas
sa mga bata at pamamahagi ng libreng aklat ay may kapalit. Kung titingnan maigi, ang mga
tulong na ibinigay ng Estados Unidos ay napunta rin sa mga negosyanteng Amerikano.
Maging ang tulong militar ng Estados Unidos ay hindi rin libre. Ang ipinamimigay na mga
kagamitang militar ay mga surplus na lamang.
Dayuhang Pautang o Foreign Debt
Anumang pautang na ibigay ng International Monetary Fund (IMF/WORLD BANK) o
ng Estados Unidos ay laging may mga kondisyon. Isa na rito ang mga kondisyon. Kabilang
sa mga kondisyon ang pagbubukas ng ekonomiya sa dayuhang pamumuhunan at
kalakalan, pagpapababa ng halaga ng salapi at pagsasaayos ng sistema ng pagbubuwis.
Kung hindi sundin ang mga kondisyon, hindi makautang ang umuutang. Dahil dito, hindi rin
makaahon sa utang ang mahihirap na bansa. Debt trap ang itinawag dito.
Lihim na Pagkilos (Covert Operation)
Kung hindi mapasunod nang mapayapa, gumawa ng paraan ang mga neo-
kolonyalista upang guluhin ang isang pamahalaan o ibagsak ito nang tuluyan.
11
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Tukuyin kung anong uri ng neo-kolonyalismo ang ipinakita ng mga sitwasyon. _________1. Pinalaganap nang mayayamang bansa ang kanilang ideolohiya
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
_________2. Nagpautang ang World Bank ng pera sa Pilipinas upang
masurpotahan ang pagsasaayos ng sistema ng edukasyon.
_________3. Maraming mga organization at embahada ang mga nag-alok ng
mga scholarship grant para mag-aral sa kanilang bansa.
_________4. Nagpadala ng mga sundalo ang bansang Amerika sa Pilipinas
upang supilin ang mga terorista.
_________5. Ang wikang Ingles ang siyang itinadhana at papairalin bilang
wikang gagamitin sa mga paaralan.
Tandaan Mo! Ayon sa nabangit, masusuri natin ang neo-kolonyalismo sa
sumusunod:
• Ekonomiko- nagpapalaganap ito sa pamamagitan ng kunwaring
tulong tungo sa pagpapaunlad ng kalagayang pangkabuhayan ng
bansa, ngunit sa katotohan ay nakatali na ang mga bansang tinutulungan sa
patakaran at motibo ng bansang tumutulong.
• Kultural- sa anyong ito ay nabago ang ating pananaw sa mga bagay na likas na
angkin ng bansa. Dala ng mga ipinakilala ng mga dayuhan. Nagkaroon ng
pagbabago ang ating buhay. Higit na pinahahalagahan ang musika, palabas,
babasahin ng mga dayuhan.
Pang-Pulitika, Pang-ekonomiya, Pangkultural, Pangmilitar
12
Gawain 3: Paglalapat A. Dapat bang tanggapin ang mga sumusunod, na mula sa mayamang
bansa?
Dapat
Di-Dapat
1. Madalas na Pag-utang
2. Tulong teknikal
3. Produktong dayuhan
4. Tulong (gamot,pagkain)
5. Wikang dayuhan
6. Pelikulang dayuhan
7. Musikang dayuhan
8. Tulong military
B. Ipaliwanag kung kailan naging mali ang pagtanggap nito at kung papaano ito
maiwawasto.
___________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
13
ARALIN 3 ANG EPEKTO NG NEO-KOLONYALISMO SA MGA BANSANG SINAKOP NITO.
Sa araling ito, tatalakayin natin ang mga mabuti at di-mabuting epekto ng
neo-kolonyalismo sa mga bansang sinakop nito.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Gumawa ng Talahanayan ng mabuti at di-mabuting epekto ng neo-kolonyalismo.
Mabuti Di- mabuti
1.
2.
3.
4.
5.
1.
2.
3.
4.
5.
Epekto ng Neo-kolonyalismo
Maraming naging epekto ang neo-kolonyalismo sa mga bansang sinakop at
pinagsamantalahan nito.
1. Over Dependence o Labis na Pagdepende sa Iba Malinaw na umasa ng labis
ang mga tao sa mga mayayamang bansa lalung-lalo na sa may kaugnayan sa
United States.
2. Loss of Pride o Kawalan ng karangalan Sanhi ng impluwensya ng mga dayuhan,
nabuo sa isipan ng mga tao na lahat ng galing sa kanluran ay mabuti at
14
magaling, na siyang dahilan kung bakit ang tao ay nawalan ng interes sa sariling
kultura at produkto.
3. Continued Enslavement o Patuloy na Pang-aalipin Totoo ngang ang mga
umuumlad na bansa ay malaya sa prinsipyo, ngunit sa tunay na kahulugan ng
salitang kalayaan, ang mga maliliit na bansa ay patuloy pa ring nakatali sa
malakolonyal at makakapitalistang interes ng kanluran. Ang lahat ng aspekto ng
kabuhayan ay kontrolado pa rin ng kanluran.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Gumawa ng talaan ng mga produktong yari sa Pilipinas at Produktong
galing sa ibang bansa.
Mga Produktong Yari sa:
A. Pilipinas
1. ________________________
2. ________________________
3. ________________________
4. ________________________
5. ________________________
B. Ibang bansa (imported)
1. ________________________
2. ________________________
3. ________________________
4. ________________________
5. ________________________
Ayon sa talahanayang ginawa mo, masasabi mo ba na ikaw ay biktima ng neo-
kolonyalismo? At Bakit? Ipaliwanag. ___________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
C. Ipaliwang sa sagutang papel ang mga sumusunod na epekto ng neo-kolonyalismo:
1. Mananatili bilang isang agricultural country ang ating bansa.
2. Stop regulating the oil prices.
3. It’s better if you import more flour and eat more bread.
15
4. Start Tightening your belt.
D. Ipaliwanag sa sagutang papel ang mga sumusunod na tanong:
1. Paano nagsimula ang kaisipang kolonyal ng mga Pilipino?
2. Masasabi mo bang napabuti ang kalagayan ng mga Pilipino ngayon dahil sa neo-
kolonyalismo?
Tandaan Mo!
Ang epekto ng Neo-kolonyalismo ay ang mga sumusunod:
• Over Dependence o Labis na Pagdepende sa Iba – na ang ibig
sabihin na umasa ng labis ang mga tao sa mga mayayamang bansa.
• Loss of Pride o kawalan ng karangalan – sanhi ng impluwensya ng mga
dayuhan, nabuo sa isipan ng mga tao na lahat ng galing sa kanluran ay mabuti
at magaling.
• Continued Enslavement o Patuloy na Pang-aalipin- ang mga umuunlad na bansa
ay malaya sa prinsipyo, ngunit sa tunay na kahulugan ay nakatali pa rin sa
malakolonyal na interes ng kanluran.
Gawain 3: Paglalapat Gumawa ng isang sanaysay. Pumili ng isa at talakayin.
1. “ Walang bansa ang Makapag-iisa.”
2. “ Ang sariling pagkakakilanlan ay nawawala dahil sa kulturang dayuhan”.
16
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO
Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang mahahalagang
kaalaman na dapat mong tandaan?
Ang neo-kolonyalismo ay isang anyo ng pananakop ng mga mayayaman at
makapangyarihang bansa. Ito ay hindi tuwirang pananakop.
Ang neo-kolonyalismo ay may dalawang uri: ang ekonomiko at kultural. Ang una ay
sa pamamagitan ng mga tulong at pautang na ipinagkaloob sa isang mahirap na
bansa. At ang kultural ay binubuo ng mga awit, palabas, babasahin at iba pa na
ipinagkakaloob ng mga dayuhan sa isang bansa.
Nakakaapekto ang neo-kolonyalismo sa kadahilang nagiging labis na palaasa ang
mga mahirap ng bansa at kadalasan nawawala sila ng karangalan. Patuloy na
inaalipin ang mga bansang maliliit dulot ng neo-kolonyalismo.
17
PANGHILING PAGSUSULIT:
I. Panuto: Upang matiyak ang mga natutunan sa aralin. Sagutan ang mga
sumusunod na gawain. Bilugan ang tamang sagot.
1. Mapayapang pananakop sa likod ng kunwaring malasakit.
A. Neo
B. Neo-kolonyalisno
C. Imperyalismo
D. Kolonyalismo
2. Ahensyang ginagamit upang maisakatuparan ng mga mayamang bansa ang kanilang
adhikain.
A. ADELA
B. IMF-WB
C. Marshall Plan
D. US Aid
3. Nanguna sa pagsuporta sa mga gawain ng mga Bansang Nagkakaisa.
A. Africa
B. Cambodia
C. Philippines
D. United States
4. Nawalan ng pagkakakilanlan dahil sa pagyakap sa mga bagay na gawa ng dayuhan.
A. Pagtangkilik ng sariling atin
B. Pagtangkilik ng produktong banyaga
C. Isipang kolonyal
D. Kolonyalismo
5. Lahat ng aspeto ng pamumuhay ay kontrolado ng dayuhan.
A. Continued Enslavement
B. Kultural
C. Kompetisyon
D. Tulong mula sa dayuhan
6. Mga bansang mahihirap ay kabilang sa:
A. Unang Daigdig
B. Ikalawang Daigdig
C. Ikatlong Daigdig
D. Mga bansang Asyano
18
7. Tulong pinansyal at pangkabuhayan ang balat kayo ng Uring ito.
A. Ekonomiko
B. Foreign Aid
C. Colombo Plan
D. US Aid
8. Ang pananakop ng malalakas na bansa upang matamo ang kayamana at
kapangyarihan ng isang bansa.
A. Neo-kolonyalismo
B. Imperyalismo
C. Komunismo
D. Sosyalismo
9. Higit ang pagpapahalaga sa mga palabas, musika, babasahin ng mga dayuhan.
A. Colonial mentality
B. Kultural
C. Ekonomiko
D. Political
10. Minana na produkto na galing sa ibang bansa.
A. Pagtangkilik ng sariling atin
B. Alliance for Progress
C. Loss of Pride
D. Peace Corps
11. Anyo ng neo-kolonyalismo na ang layunin ay ipalaganap ang ideolohiyang pang-
kabuhayan at politikal.
A. Nasyonalismo
B. Globalisasyon
C. Komunismo
D. Militarismo
12. Ang mga bansang kabilang sa tinatawag na group of Seven:
A. Africa at Nigeria
B. Estados Unidos at Grand Britanya
C. Pilipinas at Malasya
D. South at North Korea
13. Bahagi ng neo-kolonyalistang kultural ay ang pagpasok ng iba’t ibang pagkaing
Amerikano tulad ng:
A. bibingka at pinipig
B. hamburger at hotdog
C. ginataan at latik
D. kalamay at puto
19
14. Instrumento ng mga neo-kolonyalista ang pagkakaloob ng tulong pang-ekonomiya at
pangkultura.
A. Foreign Aid
B. Foreign Debt
C. Monetary Fund
D. Debt Trap
15. Isinilang ang neo-kolonyalismo matapos ang:
A. Digmaang China
B. Ikalawang Digmaang Pandaigdig
C. Digmaang Korea
D. Digmaang Alemanya
-
B. Isulat kung ang Pangungusap ay Tama o Mali
____1. Matatawag na malaya ang isang bansa kapag nagsasarili na ito sa
lahat ng aspeto ng pamumuhay.
____2. Sinasakop ang isang bansa kapag wala itong katatagan sa pulitika.
____3. Sinasakop lamang ang mahihirap na bansa.
____4. Ang mga tulong teknikal ng mayamang bansa ay may kaakibat na
kapalit.
____5. Sa neo-kolonyalismo, amg mayaman ay hindi maaring mabiktima
20
GABAY SA PAGWAWASTO:
PANIMULANG PAGSUSULIT
1. J
2. I
3. H
4. G
5. F
6. E
7. D
8. C
9. B
10. A
11. K
12. L
13. M
14. N
15. O
16. P
17. Q
18. R
19. S
20. T
ARALIN 1: ANG PAMAMARAAN O SANGKAP NG SISTEMANG NEO-OLONYALISMO Gawain 1: Pag-isipan Mo!
1. Canada
2. France
3. Germany
4. Great Bratain
5. Italy
6. USA
7. Japan
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ang sagot ay maaring magkakaiba. Isangguni sa gurong tagapamahala ang iyong
sagot.
Gawain 3: Paglalapat Ang sagot ay maaring magkakaiba. Isangguni sa gurong tagapamahala ang iyong
sagot.
21
ARALIN 2: MGA INSTRUMENTONG GINAMIT O URI NG NEO-KOLONYALISMO UPANG MAKAMIT ANG NAIS NITO
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Gawain 3: Paglalapat
ARALIN 3: ANG EPEKTO NG NEO-KOLONYALISMO SA MGA BANSANG NASAKOP NITO. Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Gawain 3: Paglalapat PANGHULING PAGSUSULIT A.
1. B
2. B
3. D
4. C
5. A
6. C
7. A
8. B
9. B
10. C
11. B
12. B
13. B
14. A
15. A
B.
1. T
2. M
3. M
4. T
5. M
1
ARALING PANLIPUNAN III
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 21
ANG PALIGSAHAN SA ARMAS
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
2
MODYUL 21
ANG PALIGSAHAN SA ARMAS
Ang digmaan ng mga bansa ay patuloy na mangyayari hanggat nagpapatuloy
ang paggawa at bentahan ng mga armas. Marahil ay nangangamba ka rin, kagaya
ng ibang kabataan, sa mga panganib na bunga ng tinatawag na paligsahan sa
armas. Ano nga ba ito at bakit kailangang bigyang-pansin ang patuloy ma pagdami
ng armas? Ang mga katanungang iyan ay sasagutin ng modyul na ito.
May tatlong aralin sa modyul na ito:
Aralin 1: Paligsahan sa Kalawakan at Sandatang Nuklear
Aralin 2: Mga Pagsisikap na Bawasan ang Pag-aarmas
Aralin 3: Mga Epekto ng Pagpaparami ng Armas
Pagkatapos ng modyul, inaasahang iyong:
1. Masusuri ang mga pangunahing dahilan ng mga bansang
makapangyarihan sa pagpaparami ng armas;
2. Maipaliliwanag ang kahalagahan ng mga pagsisikap na bawasan ang
pag-aarmas; at
3. Matatalakay ang mga Epekto ng Pagpaparami ng Armas.
Handa ka na ba? Sagutin mo muna ang panimulang pagsusulit bago ka
magsimula sa mga aralin. Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa
pag-aaral na inihanda para sa iyo.
3
PANIMULANG PAGSUSULIT: Panuto: Itambal ang Hanay A sa hanay B. Isulat ang titik sa patlang.
A. B. ____1. Digmaang patago A. Clark at Subic ____2. Samahan ng Nagkakaisang B. Trident Submarine Bansa C. CAM RANH ____3. Paglilimita ng armas sa D. USA at USSR Europa E. SALT ____4. Patakarang iwas-digmaan F. START ____5. Sputnik G. Allan Shepard ____6. Armas na lubhang malakas H. Armstrong at Aldrin ____7. Sandatang pumipinsala I. Radyasyon sa isip at katawan ng tao J. bomba atomika ____8. Kasunduan upang mapatatag K. John Glenn ang siguridad sa rehiyon L. Defoliant ____9. Sandatang binubuo ng M. ZOPFAN poison gas N. Armas na biyolohikal ____10. Frienship 7 O. Hydrogen bomb ____11. Armas nukleyar P. Yuri Gagarin ____12. Maaring bunga ng Q. deterrence digmaang nukleyar R. CFE ____13. Unang taong nakatapak sa S. United Nation buwan T. Cold War ____14. Unang taong nakarating sa U. China at Iraq kalawakan ____15. Strategic Arms Reduction Talk ____16. Strategic Arms Limitation Talk ____17. Bansang nagpaligsahan sa armas ____18. Base militar ng Unyong Sobyet ____19. 2,000 Milyon US$ ang halaga nito ____20. Base militar ng Estados Unidos
4
ARALIN 1 ANG PALIGSAHANG PANGKALAWAKAN AT SANDATANG NUKLEYAR
Tinatalakay dito ang paligsahan sa kalawakan at sandatang nukleyar ng
dalawang malalakas na bansa: ang Estados Unidos at Unyong Sobyet. Bakit kaya
kailangang gawin nila ito? May mga benipisyo ba o kapakinabangan sa pagpaparami
ng armas? Lilinawin sa iyo ang mga kasagutan sa mga tanong na iyan.
Pagkatapos ng pag-aralan ang paksang sa araling ito, ikaw ay
inaasahang :
1. Makapagsusuri ng mga pangunahing salik o dahilan ng pagpaparami ng armas;
2. Matutukoy ang mga bansang may pinakamaraming armas; at
3. Makapagbibigay ng puna hinggil sa pagpapaligsahan sa armas ng Unyong
Sobyet at Estados Unidos.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Pag-aralan ang larawan. Paano nagpaligsahan sa larangang
pangkalawakan and dalawang superpower: Unyong Sobyet at Estados Unidos? Isulat
sa iyong kuwaderno ang sagot.
Sputnik, ang unang artipisyal na satellite –USSR
5
Edwin Aldrin, isa sa mga astronauts na unang nakatapak sa buwan – USA
Mga Sandatang Nukleyar Samantalang umiiral ang Cold War, naging masidhi ang kompetisyon ng Estados
Unidos at Unyong Sobyet. Nagkaroon ng espiya ang bawat panig. Taun-taon, gumasta
ang mundo ng mga $ 1 trilyon sa mga armas at bomba.
Kung higit na malaki ang pansing ibinibigay ng isang bansa sa mga bagay na
militar, mas maliit ang natitirang pondo para sa pagpapagawa ng mga ospital, paaralan,
pabahay, kalye, tulay, at iba pang proyektong makatulong sa tao. Higit na malaking
bahagi ng kita ng pamahalaan ang inilaan para sa mga bomba, bala, baril at iba pang
sandata.
Sapagkat mahalaga para sa isang bansa ang puwersa, higit na mapapasakanya
ito kung lalong marami siyang sandatang pandigma. Naging malaking kompetisyon
para sa mga nangungunang bansa ang Estados Unidos at Unyong Sobyet ang
pagpaparamihan ng mga sandatang nukleyar.
Nagsimula ang paligsahang ito noong 1945, nang bagsakan ng Estados Unidos
ng tig-isang bomba atomika ang Hiroshima at Nagasaki sa Japan. Nang gamitin ng
Amerika ang bomba atomika, hindi lamang napadali ang pagtatapos ng giyera kundi
ipinaalam din niya sa buong mundo kung gaano siya kalakas.
Gaya ng inaasahan, hindi nagpabaya ang mga Ruso na makahigit sa kanila ang
mga Amerikano. Gumawa rin sila ng bomba atomika. Noong 1949, matagumpay na
nakapagsagawa ng atomic bomb testing ang Unyong Sobyet na ikinagulat ng Estados
Unidos.
Hinangad ng bawat bansa na mahigitan ang bawat isa sa pagpapaunlad ng kani-
kanilang armas at maging higit na makapangyarihan upang maiwasan ang anumang
digmaan. Tinawag itong deterrence, isang patakarang naglalayong maiwasan ang
pagsiklab ng digmaan sa magkabilang panig.
Noong 1952, pinasabog ng Estados Unidos ang kauna-unahang hydrogen bomb,
isang armas na higit na malakas at makapangyarihan kaysa sa bombang atomika.
Makalipas ang isang taon, nagsagawa rin ang Unyong Sobyet ng hydrogen bomb
6
testing. Pinaunlad ng bawat bansa ang mga sasakyang pangkalawakan o rocket na
nagtataglay ng armas nukleyar.
Nagsagawa rin ng mga pagsabok sa armas nukleyar ang mga bansang Pransya,
India, Tsina at Gran Britanya.
Iba’t ibang uri ng armas lumalabas din ang iba’t ibang uri ng mga pakay. Ang
iba’y tinawag na mga sandatang biyolohikal na pumipinsala sa katawan at isip ng mga
tao o kapiligiran. Halimbawa nito ang mga sandatang poison at nerve gas at yaong mga
kemikal tulad ng defoliants na ginamit ng mga Amerikano sa Vietnam noon upang
makalbo ang lahat ng mga gubat na maaring pagtaguan ng mga kalaban nilang
Vietcong.
Paligsahang Pangkalawakan Nagkaroon din ng paligsahang pangkalawakan ang Unyong Sobyet at Estados
Unidos. Nagsimula ito noong1957 nang ipinakilala ng Unyong Sobyet ang Sputnik, ang
kauna-unahang sasakyang pangkalawakan na nakarating sa kalawakan at lumibot sa
daigdig.
Nakarating sa buwan ang ipinadalang sasakyang pangkalawakan ng walang
sakay na tao noong 1959. Makalipas ang dalawang taon, si cosmonaut Yuri Gagarin
ang kauna-unahang taong nakalibot sa labas ng daigdig.
Dahil sa pangambang mahigitan ng Unyong Sobyet sa larangan ng teknolohiyang
pangkalawakan, naglaan din ng malaking pondo ang Estados Unidos para sa mga
programang pangkalawakan.
Noong 1962, si John Glenn Jr., sakay ng sasakyang Frienship 7, ay nakaikot sa
mundo nang tatlong beses. Si Allan B. Shepard Jr. ang kauna-unahang Amerikanong
astronaut na nakarating sa kalawakan. Sinundan ito ng isa pang matagumpay na
misyon noong ika-20 ng Hulyo, 1969, nang unang nakatapak sa buwan ang mga
Amerikanong astronauts na sina Neil Armstrong at Edwin Aldrin.
7
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Suriin mo ang talahanayan sa ibaba. Alin ang mga bansang may
malalakas na armas?
Hinihinalang Arsenal ng Sandatahang Nukleyar ng mga Bansa
Bansa
Hinihinalang Dami ng
Strategic na Sandatang
Nukleyar
Hinihinalang dami
ng Non- Strategic
na Sandatang
Nukleyar
Hinihinalang
Kabuuang Dami
ng Sandatang
Nukleyar
China
France
India
Israel
Pakistan
Russia
United Kingdom
Estados Unidos
250
350
60
100-200
24-48
-6,000
180
8,646
120
0
?
?
?
-4,000
5
2,010
400
350
60+?
200+?
24-48
-10,000
185
10,656
1. Ano ang mga bansang may pinakamataas na uri nang armas?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Bakit nagpaparami ng armas ang USA at USSR?
8
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Sang-ayon ka ba sa mga dahilan nila sa pagpaparami ng armas? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Tandaan Mo!
Nagsimula ang paligsahan ng pagpaparami ng armas at paggamit
ng sandatang nukleyar ng Estados Unidos at Unyong Sobyet noong
1945, nang bagsakan ng Estados Unidos ng bomba atomika ang
Hiroshima at Nagasaki, Japan. Noong 1949, matagumpay na
nakapagsagawa ng atomic bomb testing.
Noong 1952, pinasabog ng Estados Unidos ang kauna-unahang hydrogen bomb,
isang armas na higit na malakas. Makalipas ng isang taon, nagsagawa rin ang
Unyong Sobyet ng hydrogen bomb testing. Nagsagawa rin ng mga nuclear testing
ang mga bansang Pransya, India, Tsina, at Gran Britanya.
Nagkaroon din ng paligsahang Pangkalawakan ang Unyong Sobyet at Estados
Unidos. Noong 1957, ipinakilala ng Unyong Sobyet ang Sputnik, ang kauna-
unahang spacecraft na nakarating sa kalawakan. Si Yuri Gagarin ang kauna-
unahang taong nakalibot sa labas ng daigdig.
Noong 1962, si John Glenn Jr. ng Estados Unidos, sakay ng sasakyang Frienship 7,
ay nakaikot sa mundo ng tatlong beses. Ang mga Amerikanong astronauts na sina
Neil Armstrong at Edwin Aldrin ang unang nakatapak sa buwan noong 1969.
9
Gawain 3: Paglalapat Sa iyong pananaw, ano ang maaring mangyari sa daigdig kung
magpatuloy ang paligsahan sa armas? Magbigay ng tatlong maaring
mangyari sa daigdig natin ngayon.
1. ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
10
ARALIN 2 MGA PAGSISIKAP NA BAWASAN ANG PAG-AARMAS
Gaya ng naisip mo sa Gawain 3 nang nakaraang aralin, maraming pangambang
naidulot ang paligsahan sa armas. Sa araling ito, tatalakayin ang mga pagsisikap ang
mga bansa sa daigdig na maiwasan ang naka-ambang digmaan ng mga malalakas na
armas. Tatalakayin din ang mga ipinanukalang kasunduan at ang kinalabasan ng mga
ito.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Maipaliliwanag ang kahalagahan ng mga pagsisikap na bawasan ang pag-
aarmas;
2. Matatalakay ang mga pulong at kasunduan tungkol sa mga sandatang nukleyar;
at
3. Mabibigyang puna ang mga probisyon at kinalabasan ng mga kasunduan.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Bago ka magsimula ng aralin, subukin mo kung makikilala mo ang ilang mga
kilalang tao sa buong daigdig na may mahalagang ginampanan sa pagbabawas ng
mga nukleyar na armas.
Hanapin at buuin ang mga sagot
A R B D C E F R G
G O R B A C H E V
B O A R R H L A Q
U S A E T I M G R
S E C Z E J N A S
H V S H R K P N T
B E H N I X O N Z
H L I E P R T V X
M T B V Q S U W Y
11
Mga pagsisikap na Bawasan Ang Pag-aarmas
Sinasabing ang Pranses, Inglatera, Tsina at India ay mayroon ding armas
nukleyar bukod pa sa mga kemikal na pandigma. Ang Iraq ay may ganito na ring armas.
Dahil sa pagpaparami ng mga armas ng mga malalaki at makapangyarihang bansa,
nanganganib ang pandaigdigang kapayapaan.
Strategic Arms Limitation Talks( SALT I at II)
Nang patapos na ang dekada 60, ang Esatados Unidos at Unyong Sobyet ay
nagkaroon ng mga negosasyon tungkol sa pagkakalas ng mga missile at pagsasaayos
ng umiinit na relasyon ng dalawang bansa. Ang pag-uusap na ito ay nagbunga matapos
ang apat na taong negosasyon nang ang Strategic Arms Limitation Talks (SALT 1) ay
napagkasunduan. Ito ay pinamunuan nina Pangulong Richard Nixon ng USA, Kalihim
Leonid Brezhnev ng USSR noong 1972.
Makaraan ang limang taon, pinirmahan ang SALT II noong 1979 nina
Pangulong Jimmy Carter at Brezhnev. Ngunit pagkatapos ng ilang buwan, lumala ang
kanilang relasyon ng pasukin ng Unyong Sobyet ang Afghanistan.
Strategic Arms Reduction Talks at
Intermediate-Range Nuclear Forces (STRT I at INF)
Sa panahon ng panunungkulan nina Pangulong Reagan ng USA at Kalihim
Mikhail Gorbachev ng USSR, sinimulan ang mga negosasyon sa pagkontrol ng mga
armas. Una ang Strategic Arms Reduction Talks (Start 1) at ang Intermediate- Range
Nuclear Forces (INF). Ang INF ang kasunduang nilagdaan ng dalawang pinuno noong
ika-8 ng Disyembre, 1987.
12
Conventional Forces (CFE)
Noong 1990 naman, nakipagkasundo si Gorbachev sa mga pinuno ng mga
bansa sa Europa upang limitahan ang mga karaniwang armas sa kanya-kanyang
hukbo. Ang kasunduang Conventional Forces in Europe ay pinirmahan ng 22 bansang
kasapi ng NATO at Warsaw Pact.
Strategic Arms Reduction Talks II (Start II)
Ang kasunduang START II ay nilagdaan nina Pangulong George Bush ng USA
at Gorbachev noong Hulyo 1991 sa Moscow. Sinasabing lalong mapabuti ng START II
ang mga makapagsunduan sa SALT I AT II dahil pumayag si Gorbachev na bawasan
ang malalaking bahagi ng mga missile ng USSR.
Narito ang isang talahanayan ng iba pang kasunduan at probisyon tungkol
sa pagbabawas ng sandatang Nukleyar.
Mga Pandaigdigang Kasunduan Ukol sa Sandatang Nukleyar
KASUNDUAN PROBISYON • Sea Bed Treaty Nagbabawal na maglagay ng sandatang
nukleyar at kauri nito sa pusod ng karagatan.
• Vienna Talks on Mutual Reduction of Forces and Armaments and Associated Measures in Central Europe.
Pagpupulong ito ng mga bansang kasapi ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) at Warsaw Pact ukol sa pagkakaroon ng matatag na ugnayan at pagpapanatili ng katatagan ng kapayapaan at seguridad ng bawat isa.
• Anti-ballistic Missiles (ABM) Treaty Kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Unyong Sobyet tungkol sa pagbabawas ng anti-ballistic missiles.
• Biological Weapons Convention Pagpupulong ito tungkol sa pagbabawal ng pagpapaunlad, paggawa at pag-imbak ng
13
sandatang bakteryolohikal na nakapupuksa.
• Antarctic Treaty Nagsasaad ito na dapat maging malaya sa mga sandatang nukleyar ang Antartica.
• Trearty on the Nonproliferation of Nuclear Weapons
Ipinagbabawal nito ang pagsubok ng mga sandatang nukleyar sa kalawakan, karagatan, at himpapawid.
• Strategic Arms Limitation Talks (SALT) I at II
Noong Agosto 1972, isang kasunduan ng SALT, ang nagtakda sa bilang ng mga anti-ballistic missile na maaring gawin ng Estados Unidos at Unyong Sobyet. Limitado ang paglulunsad ng mga missile na ito sa dalawang base o himpilan sa bawat bansa.
Sa SALT II, binalak ng dalawang makapangyarihang bansa na palagiang ihinto ang pagdagdag ng ICBM at kung maari, bawasan ang bilang nito.
• Mutual Assured Destruction (MAD) Hindi pumigil sa mga makapangyarihang bansa na pag-ibayuhin ang katumpakan ng kanilang gamit pandigma.
• Conventional Forces in Europe (CFE) Isang pag-uusap ang isinagawa sa pagitan ng Rusya at Amerika. Nagkasundo sila na bawasan ang imbak nila sa 6,000 sandata. Ang paghahangad ng Iran at North Korea ng kakayahang pangnukleyar ay maaring maging hadlang sa mga hakbang na makontrol ang pagdami ng sandatang nukleyar. Ang bomba atomika sa anyo ng mga nakalalasong kemikal o nerve gas at mga armas biyolohikal (virus/germ) ay banta sa pandaigdig na kapayapaan. Madali itong imbakin at mahirap kilalanin.
14
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ipaliwanag ang iyong mga sagot sa mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang kinalabasan ng mga kasunduang SALT, INF, CFE, at START?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Ano sa palagay mo ang dahilan nang paglabag ng ilang mga bansa sa mga
kasunduan tungkol sa sandatang nukleyar?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Sa palagay mo sino ang nakikinabang sa pagpaparami ng armas? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
4. Kung pinuno ka ng pamahalaan, ano ang maaari mong gawin upang matigil ang
komersyalismo o bentahan sa armas?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
15
Tandaan Mo!
Dahil sa pagpaparami ng mga armas ng mga malalaki at makapangyarihang
bansa, nanganganib ang pandaigdigang kapayapaan.
Nang matapos na ang dekada 60, ang USA at USSR ay nagkaroon ng mga
negosasyon at kasunduan tungkol sa pagkakalas ng mga missile at pagsasaayos ng
umiinit na relasyon ng dalawang bansa. Ang kasunduan sa pagbabawas ng
pandigmang armas ay ang mga sumusunod: Strategic Arms Limitation Talks I
(1972), Strategic Arms Limitation Talks II (1979), Strategic Arms Redeuction Talks I
at Intermediate-Range Nuclear Forces (1987), Conventional Forces (1990), at
Strategic Arms Reduction Talks II 1991.
Gawain 3: Paglalapat Gumawa ng isang sa palagay mong epektibong tratado o kasunduan na
may kaugnayan sa pagbabawal sa paggamit ang sandatang nukleyar.
Magmungkahi ka ng mga panukala na inaakala mong makatutulong sa mga
bansa upang mabawasan ang panganib ng ikatlong digmaang pandaigdig.
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
16
ARALIN 3 MGA EPEKTO NG PAGPAPARAMI NG ARMAS
Tatalakayin sa araling ito ang mga epekto ng pagpaparami ng armas lalung-lao
na sa pandaigdigang kapayapaan.
Pagkatapos ng pag-aaral, inaasahan na iyong:
1. Matatalakay ang mga epekto ng pagpaparami ng armas sa iba’t ibang panig
ng daigdig;
2. Mabibigyang puna ang malalaking halaga na inilaan ng mga bansa sa daigdig
para sa mga kagamitang pandigma kaysa pangangailangan ng tao; at
3. Maitataguyod ang patakaran ng Pilipinas tungkol sa sandatang nukleyar.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Tunghayan mo ang mapang ito. Dalawang makapangyarihang bansa – USA
at USSR – ang nagpaligsahan sa pagtatayo ng base militar sa Asya.
Ano sa palagay mo ang layunin ng dalawang bansang ito sa pagtatayo ng base
militar sa iba’t ibang panig ng Asya?
Ano ang epekto sa mga bansang Asya kung sakaling magdigmaan ang
dalawang ito?
17
Mga Epekto ng Pagpaparami ng Armas sa mga Mamamayan ng Daigdig
Ang posibilidad ng pag-aaway ng Estados Unidos at Unyong Sobyet ay isang
malaking banta sa pandaigdigang kapayapaan at seguridad. Hindi lamang ang
nabanggit ng mga bansa ay ang kasangkot dito, kundi pati na rin ang iba pang nasyon,
lalo na ang maliliit na mga bansa kung saan ang USA at USSR ay may nakatayong
mga base militar. Ang isang pangamba na ibubunga ng pag-aaway ng dalawang bansa
ang patuloy na pagpapaunlad at pagpaparami ng mga armas nukleyar. Kung ang
pagpaparami ng armas nukleyar ng dalawang bansa ay hindi mapipigilan, hindi
malayong mangyari na darating ang panahon at ang mundo ay makararanas na naman
ng digmaan – ang Ikatlong Digmaang Pandaigdig.
Kung magkakaroon man ng isa pang digmaang pandaigdig, ang lahat ng mga
nilalang sa mundo ay pawang hindi makaliligtas sapagkat sa isang pindot lamang sa
mga missile ay mapapaalis na sa mapa ang tinatarget.
Nakakalungkot na maraming bansa sa daigdig ang nag-aaksaya ng
napakalaking halaga para sa mga armas at mga kagamitang pandigma, samantalang
kinakapos naman ang gastusin sa pagkain, tirahan, edukasyon at iba pang
pangangailangan lalo na ang mga mahihirap na bansa.
Suriin mo ang tsart upang lubos mo itong mauunawaan.
Halimbawa, ang isang trident submarine ay nagkakahalaga ng 2,000 milyon
dolyar. Ano ang katumbas nitong mahalagang pangangailangan?
18
Halaga ng isang Katumbas na halaga sa
Submarine rident Pangangailangan ng tao
Isang Trident
2,000 milyon dolyar
• Pagbakuna sa lahat ng mga
bata sa bansang mahirap laban
sa mga sakit. 500 milyon US$
• Malinis na tubig para sa 500
milyong tao. 1,000 milyon US$
• Dalawang hayop para sa bawat
isa sa 1 milyong magsasaka sa
mga bansang mahirap. 500
milyon US$
19
3
Sang-ayon sa ipinakitang pagsusuri ng International Institute for Strategic
Studies, tumaas nang 13% ang pagbili ng armas noong 1995 magpapatuloy ito sa mga
susunod na taon na may walong bahagdan pataas. Ang mga bansang pangunahing
nagluluwas ng armas ay ang Amerika, Gran Brintanya at Pransya. Pinakamalaking
mamimili naman nito ang Saudi Arabia na gumagastos ng $9 bilyon at ang Egypt na
gumagastos ng $2.3 bilyon taun-taon.
Habang tumataas ang tensyon ng digmaan sa gitnang Silangang Asya, lumalaki
naman ang bentahan ng armas. Sa buong daigdig lumalaki ang kalakalan ng armas.
Noong 1995 umaabot sa $36.9 bilyon at noong 1996 ay $39.6 bilyon.
• Kabuuang halaga 2,000 milyon
US$
• Edukasyon: 120,000,000 mga
bata na dapat ay nag-aaral ay
walang eskwelahang
mapuntahan.
20
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panuto: Ipaliwanag at isulat sa iyong kwaderno ang mga sumusunod na
katanungan:
1. Paano makakaapekto sa pandaigdigang kapayapaan ang
pagpaparami ng armas?
2. Bakit kailangan ng makapangyarihang mga bansa ang
magparami ng armas? Anu-ano ang epekto ng pagpaparami nito? 3. Sa mga sigalot o tensyon na naganap sa daigdig anong sektor ng lipunan ang nakikinabang dito?
Tandaan Mo!
Ang posibilidad ng pag-aaway ng Estados Unidos at Unyong Sobyet
ay isang malaking banta sa pandaigdigang kapayapaan at seguridad,
dahil hindi lamang ang nabanggit na mga bansa ang kasangkot dito, kundi
pati na rin ang iba pang mga nasyon, lalo na ang maliliit na mga bansa.
Kung magkakaroon man ng isa pang digmaang pandaigdig, ang lahat ng mga
nilalang sa mundo ay pawang hindi makakaligtas sapagkat isang pindot lamang sa
mga missile ang gawin ng magkalaban ay sasabog na ang lugar na gusto nitong
pasabugin.
21
Gawain 3: Paglalapat A. Ang mga napapaloob sa tsart ay ang mga posibling mabuti at hindi
mabuting epekto ng pagpaparami ng armas. Lagyan mo ng tsek ( ) ang
iyong mga sagot kung mabuti at ( ) kung di-mabuti.
MABUTI DI-MABUTI
1. Napapanatili ang balanseng
kapangyarihan sa daigdig.
2. Nagpapaligsahan sa paggawa ng
mas malalakas na Sandatang
nukleyar.
3. Nakakasira ng kapaligiran.
4. Nakapagdudulot ng tensyon at
pangamba.
5. Naging instrumento ng kapayapaan.
B. Panuto:
1. Gumawa nang poster na magpapakita ng di-mabuting epekto ng pagpaparami
ng armas.
2. Kumuha ng Saligang-Batas ng Pilipinas. Saliksikin ang probisyon na may
kaugnayan sa paninindigan nang Pilipinas hinggil sa mga sandatang nukleyar.
Sumasang-ayon ka ba sa paninindigang ito?
22
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO
Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang
mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan?
Ang Cold War ay pinasidhi ng kompetisyon ng Estados Unidos of America at
Unyong Sobyet sa larangan ng pag-aarmas.
Sa kalawakan, may Sputnik ang USSR; may Frienship 7 naman ang Estados
Unidos. Kung mayroong Yuri Gagarin ang USSR, may John Glenn Jr. naman
ang USA.
Nagparamihan din ang dalawang bansa sa larangan ng mga sandatang
nukleyar. Nakababahala ang hakbang ng magkabilang panig. Ang mga naitatag
na sandatang nukleyar ay sapat na upang mawasak ang magkabilang panig.
May mga pagsisikap na isinasagawa upang mabawasan ang pagpaparami ng
arena. Ito ay ang mga sumusunod: Strategic Arms Limitation Talks I, Strategic
Arms Limitation Talks II, Strategic Arms Redeuction Talks I, Strategic Arms
Reduction Talks II, Intermediate-Range Nuclear Forces, Conventional Forces at
iba pa.
23
PANGHULING PAGSUSULIT: Panuto: Piliin ang titiki ng tamang sagot at isulat sa patlang.
A. Hiroshima K. nukleyar bomb
B. Afghanistan L. militarisasyon
C. CFE M. Saudi Arabia
D. Sputnik 1 N. Estados Unidos
E. SALT 1 O. Antartic Treaty
F. Poison Gas P. Sea Bed Treaty
G. $ 900 bilyon Q. deterrence
H. Nukleyar R. $ 2,000 M
I. Vietcong S. Art. 11 Sec. 7
J. Vostok 1 T. Mangangalakal ng Armas
____1. Mga kawal ng komunistang Vietnam.
____2. Lungsod sa Japan na unang nabagkakan at nawasak ng bomba atomika.
____3. Programa ng pagbabawas ng sandata ngunit di naging matagumpay
sapagkat palihim na tumutustos ang Unyong Sobyet sa mga gerilya
ng Ethiopia at Angola.
____4. Bansang sinakop ng Unyong Sobyet na nagpalala sa relasyon nila ng
Estados Unidos at nauwi sa pagkabigo ng SALT II.
____5. Sasakyang panghimpapawid na unang lumigid sa buong mundo.
____6. Isang uri ng armas pandigma na naging dahilan ng pagkasira ng
kabundukan at kalikasan.
____7. Ang kabuuang gastos militar ng buong mundo noong taong 1986.
____8. Kasunduang nilagdaan ng mga bansang kasapi sa NATO at
Warsaw Pact noong 1990.
____9. Ang pinakamapanganib na armas sa kasalukuyan.
24
____10. Unang sasakyang pangkalawakan na ipinadala ng Unyong Sobyet sa
kasalukuyan.
____11. Kasunduang nagdedeklara sa Antartika na dapat maging malaya
sa sandatang nukleyar.
____12. Sa kasunduang ito ay ipinagbabawal ang paglalagay ng
sandatang nukleyar sa mga pusod ng dagat.
____13. Uri ng sandatang pinasabog sa Hiroshima at Nagasaki, Japan.
____14. Tawag sa hakbang ang pamahalaan upang isulong ang modernisasyon ng
hukbong militar.
____15. Bansang itinuturing na pinakamalaking mamimili ng malalakas na armas.
____16. Pangunahing suplayer ng matataas na uri nang armas sa iba’t ibang bansa sa
daigdig.
____17. Tawag sa pagpigil sa mga bansang may sandatang nukleyar na
gamitin ito.
____18. Tinatayang halaga ng isang submarino.
____19. Sektor ng lipunan na nakikinabang sa alitan ng mga bansa.
____20. Probisyon ng Saligang-Batas na nagsasaad ng paninindigan ng bansa
tungkol sa sandatang nukleyar.
25
GABAY SA PAGWAWASTO:
PANIMULANG PAGSUSULIT
1. T
2. S
3. R
4. Q
5. P
6. O
7. N
8. M
9. L
10. K
11. J
12. I
13. H
14. G
15. F
16. E
17. D
18. C
19. B
20. A
PANGHULING PAGSUSULIT 1. I
2. A
3. E
4. B
5. D
6. F
7. G
8. C
9. H
10. J
11. O
12. P
13. K
14. L
15. M
16. N
17. Q
18. R
19. T
20. S
1
ARALING PANLIPUNAN
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 22 ANG POPULASYON NG DAIGDIG
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
2
MODYUL 22 ANG POPULASYON NG DAIGDIG
Tayong lahat ay kabilang sa mga taong nananahanan sa iisang daigdig. Ang
pagdami ng tao o polusyon sa mumdo ay dulot na benepisyo sa sangkatauhan.
Gayunding may kaakibt na suliranin sa pagdami ng tao sa daigdig. Matutunghayan
mo ang sariling ito ang kondisyon ng populasyon sa mundo. Susuriin mo ang mga
salik sa mabilis na pagdami ng populasyon kasama ang mga suliraning dulot ng
paglaki ng populasyaon. Inaasahang mapahahalagahan mo ang mga katangian at
kalagayan ng populasyao sa daigdig.
May tatlong araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Ang kalagayan ng Populasyon
Aralin 2: Populasyon, Kapaligiran at Pamumuhay ng tao
Aralin 3: Programa ukol sa Populasyon
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Mailalahad ang kondisyon ng populasyon sa mundo;
2. Maiisa-isa ang mga salik sa mabilis na paglago ng populasyon;
3. Masusuri ang mga suliraning dulot ng mabilis na paglaki na
populasyon; at
4. Maipaliliwanag ang mga programa ukol sa populasyon at ang mag
implikasyon nito sa kaunlaran ng mga bansa sa buong daigdig.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para
sa iyo.
3
PANIMULANG PAGSUSULIT: I. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ang populasyon sa mundo ay umaabot na ng
A. 6 bilyon.
B. 6.2 bilyon.
C. 6.3 bilyon.
D. 6.4 bilyon.
2. Ang populasyon ng mundo ay inaasahang madodoble sa taong
A. 2040.
B. 2050.
C. 2060.
D. 2070.
3. Ang lampas sa kalahati ngpopulasyon ay matatagpuan sa
A. Asya.
B. Aprika.
C. Europa.
D. Hilagang Amerika
4. Ang may pinakamalaking populasyon sa buong daigdig ay ang bansang
A. Bangladesh.
B. India.
C. Pakistan.
D. Tsina.
5. Lumalaki ang pupolasyon ng mundo dahil sa
A. Kalidad ng edukasyon.
B. Makabagong medisina.
C. Makabagong teknolohiya.
D. Makabagong komunikasyon.
6. Alin sa mga sumusunod ang hindi katanggap-tanggap na argumento hinggil sa
populasyon at kapaligiran?
A. Ang paglaki ng populasyon ay isang banta sa ating likas na yaman.
B. Ang malaking populasyon ay nagpapababa ng uri ng ating likas ng yaman.
C. Kayang sustentuhan ng ating likas na yaman ang mabilis na paglaki ng
populasyon sa hinaharap.
4
D. Ang malaking populasyon ay nangangahulugan ng pagdami ng kosumo ng
yamang likas sa kapaligiran.
7. Ang antas ng pamumuhay ng tao ay
A. mas mataas kung malaki ang populasyon.
B. mas mababa kung malaki ang populasyon.
C. hindi apektado ng malaking populasyon.
D. aangat pa sa hinaharap dahil sa lumalaking populasyon.
8. Alin ang hindi kaugnay ng paglaki ng populasyon?
A. Digmaan
B. Taggutom
C. Taglamig
D. Pag-init ng Mundo
9. Alin ang epekto ng paglaki ng populasyon?
A. industriyalisasyon
B. liberalisasyon
C. malayang kalakalan
D. urbanisasyon
10. Alin ang argumentong katanggap-tanggap?
A. Walang kinalaman ang populasyon sa yaman ng bansa.
B. Ang mga mayayamang bansa ay may malalaking populasyon.
C. Malaki ang kinalaman ng malaking populasyon sa pag-angat ng bansa.
D. Ang mas mahihirap na bansa ay may malalaking populasyon.
11. Alin ang hindi kasam ng malaking populasyon sa pag-angat ng bansa.
A. UNFPA
B. IPPA
C. FPOP
D. UNEP
12. Ang mga sumusunod ay nangangalaga sa paligid maliban sa
A. DENR
B. Greenpeace
C. UNEP
D. UNFPA
5
13. Ang pagdami ng tao sa lunsod ay isang katangian ng
A. industriyalisasyon
B. liberalisasyon
C. malayang kalakalan
D. urbanisasyon
14. Ang paglaki ng populasyon ay maaaring makaapekto sa mga sumusunod
maliban sa:
A. bayolohikal ng tao
B. kultura
C. lipunan
D. pulitika
15. Habang damarami ang tao ay
A. lumalago ang industriya
B. dumarami ang yumayaman
C. dumarami ang umaangat sa buhay
D. dumarami ang suliranin sa kapaligiran
6
ARALIN 1 ANG KALAGAYAN NG POPULASYON SA DAIGDIG
Magugulat ka kung gaano kabilis ang paglaki ng populasyon. Ang araling ito ay
magpapakita ng mga datos tungkol sa kondisyon ng populasyon sa mundo. Kasama
mong malalaman ang mga salik kung bakit napakabilis lumago ang populasyon ng
mundo. Mapapansin mo na maging sa Pilipinas ay bumibilis ang pagdami ng tao at
kapansin-pansin ang pagdami ng mga bata sa larangan.
Matapos ang Araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Makapaglalahad ng kasalukuyang kalagayan ng populasyon sa mundo;
2. Makapagsusuri ng mga salik sa mabilis na paglaki ng populasyon; at
3. Makapagbibigay ng mga mungkahi o alternatibo sa pagpigil sa paglaki na
populasyon ng daigdig.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Gumawa ka ng graph na makapagpapakita ng kalagayan ng populasyon ng
mundo. Ibatay ang sagot sa unang Tahanayan sa teksto ng aralin. (pahina 6)
7
2. Sumulat ng dalawang obserbasyon batay sa graph. ________________________________________________________________
________________________________________________________________
____
3. Kailangan ba ng ating bansa ang malaking populasyon?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
______
Kalagayan Populasyon ng sa Daigdig
Tinatayang may 6.8 bilyon na ang kasalukuyang populasyon sa mundo at
lumalaki ito ng 76 milyon bawat araw o 209,000 bawat araw. Bagamat bumaba na ang
porsiyento ng paglaki ng populasyon mula sa dalawa noong 1970 hanggang sa 1.5
porsiyento sa kasalukuyan, ang lumalagong populasyon ay dahil na rin sa napalaking
populasyon sa kasalukuyan kaysa noong 1970 na 3.7 milyon lamang. Kung ang
porsiyento ng paglaki ng populasyon ay hindi bababa, ang populasyon ng mundo ay
magiging doble sa taong 2040. Ang ganitong kalaking populasyon ay makaapekto sa
kaunlaran maraming pamayanan at sa sistemang ekolohikal sa daigdig.
Talahanayan 1: Populasyon ng Mundo, 2003
Rango Kontinente Populasyon
1 Asya 3,816,573,388 2 Aprika 857,087,413 3 Europa 728,996,759 4 Hilagang Amerika 503,374,176 5 Timog Amerika 364,236,663 6 Australya 31,919,758
Pinagkunan: www.census.gov
8
Ipinapakita sa talahanayan 1 na ang may pinakamalaking populasyon ay nasa Asya.
Nasa Asya at Aprika rin ang mga pinakamahihirap na bansa sa mundo at sila rin ang
may malalaking populasyon. Samantalang halos nasa mayayamang kontinente naman
ang karaniwang may maliit na populasyon.
Talahanayan 2: Populasyon ng mga Piling Bansa sa Daigdig, 2003
Rango Bansa Populasyon
1 China 1,286,975,468 2 India 1,049,700,118 3 Estados Unidos 290,342,554 4 Indonesya 234,893,453 5 Brazil 182,032,604 6 Pakistan 150,694,740 7 Rusya 144,526,278 8 Bangladesh 138,448,210 9 Nigeria 133,881,703 10 Japan 127,214,499 11 Mexico 104,907,991 12 Pilipinas 84,619,974 13 Alemanya 82,398,326 14 Vietnam 81,624,716 15 Egypt 74,718,797 16 Iran 68,278,826 17 Turkey 68,109,469 18 Ethiopia 66,557,553 19 Thailand 64,265,276 20 Pransya 60,180,529
Pinagkunan: www.census.gov
Ipinakikita ng Talahanayan 2 ang 20 bansang may pinakamalalaking populasyon
sa mundo. Nangunguna dito ang Tsina at India. Halos malapit na sa kalahati ng
populasyon ng mundo kapag pinagsama ang populasyon ng India at Tsina.
9
Talahayan 3: Paghahambing ng Pamilya noong 1960 at 2000
Ayon sa talahanayan 3, lumiliit ang bahagdan ng sanggol na
ipinanganganak mula 1960 hanggang sa taong 2000. Subalit malaki pa rin ang
populasyon sapagkat lubhang malaki na ang populasyon ng mga nanganganak
sa mundo.
Sa kasaysayan ng mundo, naging 1 bilyon ang populasyon ng mundo
noong 1800 at 3 bilyon naman noong 1960. Sa kasalukuyan, ang populasyon ng
mundo ay nadaragdagan ng 3 bilyon sa loob lamang ng 11 taon.
Mga Salik sa Pagtaas ng Bilang ng Populasyon Ang mabilis na pagtaas ng bilang ng populasyon ay maaring sanhi ng
pag-unlad ng agham sa medisina, pag-unlad ng agrikultura, at paniniwala ng tao. Ang mga pagtuklas sa mga makabagong gamot at gamit sa paggagamot
ay may malaking nagagawa upang panatilihing malusog ang mga tao.
Nahumahaba ang buhay ng tao at lumiliit ang bilang ng mga namamatay sa
panganganak. Sa ganitong sistema, dumarami ang mga malulusog na ina na
siyang makapagpaparami sa mga susunod na henerasyon. Ang mga sanggol
naman na ipinanganganak taun-taon ay nabibigyan ng wastong gamut at
modernong pangangalaga kayat nabubuhay nang maayos at malusog. Dahil
dito, patuloy na dumarami ang bilang ng mga tao sa mundo.
10
Ang mga imbensyon upang maparami ang mga produktong galing sa
agrikultura ay nagbibigay din ng seguridad sa mga tao upang magparami ng mga
anak. Bagamat may peligro na hindi kakayanin ng agrikultura ang mabilis na
pagdami ng populasyon sa mundo, nakondisyon na ang tao na sagana ang
pagkain ng mga susunod na henerasyon, kayat patuloy ang kanilang
pagpaparami.
Ang mga ekonomiyang agrikultural ay may malakas na paniniwala na ang
dagdag na anak ay dagdag na kamay upang magtrabaho sa kabukiran. Ang
sistema agrikultura tulad ng sa Pilipinas ay nangangailangan ng maraming tao
sapagkat tradisyonal pa rin ang pagsasaka. Madalang ang may mga makinarya
sa mga mahihirap na magsasaka. Samakatwid, bukas-palad na tinatanggap ang
dagdag na anak.
Sa Pilipinas, ang dagdag na anak ay nangangahulugan ng maraming
kumpare. Ang compadrazgo ay mahalaga sa Pilipino sapagkat ang mga ninong
at ninang ay siyang makapagbibigay ng tulong upang magkaroon ng mabuting
buhay ang mga isinisilang na mga bata.
Sa kabuuan, may pisotibong paniniwala ay mga tao na isang biyaya ang
pagkaroon ng maraming anak at kapamilya, lalung-lalo na sa mga bansang
papaunlad pa lamang.
.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panuto:
1. Mag-interbyu ng mga nars sa health centers. Tanungin sa kanila ang mga
sumusunod:
a. Mahalaga ba ang maliit na populasyon sa ating bansa? Bakit?
11
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_____________________________________________________________
b. May pag-asa bang lumiit ang ating populasyon? Paano?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_____________________________________________________________.
2. Sumulat ng isang maikling awit upang maipalam ang iyong niloloob tungkol sa
populasyon ng Pilipinas.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
__________.
3. Sumulat ng isang maikling awit upang maipalam ang iyong niloloob tungkol sa
populasyon ng Pilipinas.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
__________.
12
Tandaan Mo!
Ang populasyon ng mundo ay 6.8 bilyon at ito ay madodoble sa
taong 2040. Nasa Asya ang lampas sa kalahating populasyon sa buong mundo
at ito ay 3.8 bilyon. Ang Tsina ang may pinakamalaking populasyon sa buong mundo. Ito ay may
1.2 bilyon. Pangalawa ang India na may isang bilyong tao. Ang mabilis na pagtaas ng bilang ng populasyon ay maaring sanhi ng pag-unlad
ng agham sa medisina at agrikultura, at paniniwala at kultura ng mga tao. .
Gawain 3: Paglalapat Panuto:
1. Maglista ka ng tatlong argumento kung bakit kailangang pigilin ang paglaki ng
populasyon sa bansang Pilipinas.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________
2. Sumulat ng isang liham para sa iyong sarili kung gaano kalaki ang pamilyang nais
mo sa hinaharap.
.
13
ARALIN 2 POPULASYON, KAPALIGIRAN AT PAMUMUHAY NG TAO
Matutunghayan mo sa araling ito ang epekto ng malaking populasyon sa ating
kapaligiran at sa ating pamumuhay. Nararamdaman natin ang pagkaubos ng ating likas
na yaman at pag-init ng ating paligid dahil sa sobrang pagkunsumo ng tao sa ating likas
na yaman. Marami din ang nakararanas ng kahirapan at digmaan dahil sa agawan sa
limitadong pinagkukunang-yaman. Dahil dito, ang kaunlaran ng mga tao at mga bansa
ay nganganib.
Matapos ang Araling ito, inaasahang magagawa mo ang sumusunod:
1. Matatalakay ang epekto ng mabilis na paglaki ng populasyon sa ating likas
na kapaligiran at pamumuhay ng tao;
2. Makapaglalahad ng mga datos bilang suporta sa malaking epekto ng
populasyon sa ating kapaligiran; at
3. Makapagbibigay ng mga paraan upang mapangalagaan ang ating
kapaligiran.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: 1. Buuin ang web tsart sa ibaba. Punan ng mga epekto ng malaking
populasyon ang kapaligiran at pamumuhay ng tao. Gawin ang web tsart sa iyong
kuwarderno.
Malaking Populasyon
Kapaligiran Pamumuhay ng tao
14
2. Ano ang sukat o laki ng populasyon na gusto mo para sa isang pamilya? Bakit?
Ipaliwanag mo sa isang talata at isulat sa iyong kuwaderno.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________
Ang Populasyon at Kapaligiran .
Malaki ang banta ng paglaki ng populasyon sa mundo. Dahil sa di mapigil na
pagdami ng tao, maaaring unti-unting maubos ang mga likas na yaman sa daigdig at na
magdudulot ng kahirapan sa pamumuhay ng mga tao.
Kahit na tagumpay ang sangkatauhan sa kasalukuyan na pakainin ang lumalaking
populasyon ng mundo, malaki pa rin ang banta nito sa pagkasira at pagkaubos ng ating
mga likas na yaman tulad ng malinis na tubig, lupang sakahan, pangisdaan, kagubatan
at biodiversiti. Kahit na bumababa ang bilang ng anak ng mga kababaihan mula sa lima
at ngayon ay tatlo na lamang, at ang pag-aasawa ng mga populasyon sa gulang na 25
pataas, malaki pa rin ang populasyon sapagkat ang mga magiging ina ay naisilang na.
Kayat mahalagang bigyang solusyon ang mga suliranin sa populasyon upang
matugunan ang mga pangangailangan ng lumalaking populasyon.
15
Suliranin sa Tubig
Sa Kasalukuyan, 434 milyon tao ang may kakulangan sa tubig. Kung pareho pa
rin ang porsiyento ng paglaki ng populasyon, may 2.6 bilyon hanggang 3.1 bilyon tao sa
mundo ang may kakulangan sa tubig sa taong 2025. Milyong-milyon tao sa Gitnang
Silangang Asya at Aprika sa kasalukuyan ang nagkakaroon ng matinding problema
dahil sa kakulangan sa malinis na tubig tabang. Karamihan ng mga tubig tabang sa
kasalukuyan sa mga rehiyong ito ay walang kapalit na bagong tubig batay sa siklo ng
pagbuo ng tubig tabang. May 25 na mga bansa ang may ganitong suliranin at
tinatayang magiging 36 hanggang 40 na bansa ang may parehong suliranin sa taong
2025. Ang mabilis na paglaki ng populasyon ay isang malaking sanhi sa suliranin sa
tubig tabang. Taun-taon ay lumalakas ang pagkunso ng tao sa tuig tabang.
Kalagayan ng mga Lupang Sakahan
Ang bilang ng mga taong nakatira sa mga bansang may lumiliit na lupang
sakahan ay inaasahang lalaki mula sa 600 milyon hanggang sa 986 milyon sa taong
2025. Kahit na nagkaroon Green Revolution o (programa sa pagpapalago ng mga
pananim) at ang pagsusulong ng teknolohiya, ang mga eksperto ay hindi sigurado kung
kaya nitong makaprodyus ng pagkain para sa lahat. Ang lupa sa mga sakahan ay dapat
na maging malusog upang makapagtanim ng makasasapat na pagkain para mga
mamamayan. Kailangan ng bawat tao ng .7 hektarya lupa na walang artipisyal na
pataba at pestisidyo upang makakain siya ng gulay at butil. May 415 milyon tao na sa
kasalukuyan ang walang ganitong kalaking sakahan. Dagdag pa dito, halos 20
porsiyento lamang ng tao sa mundo ang may-ari ng 80 porsiyento ng lupang sakahan
na karamihan ay nasa mayayamang bansa. Sa mahihirap na bansa naman, ganito rin
16
ang kadalasang nangyayari. Nasa mga mayayamang pamilyang ang mga lupang
sakahan. Ang ganitong istruktura ay magdudulot ng malawakang taggutom sa mga
darating na panahon.
Kalagayan ng mga Pangisdaan
Karamihan ng mga karagatan sa kasalukuyan ay malawakan nang
pinangingisdaan kayat unti-unti nang nauubos ang mga lamang dagat. Ang
pinakamataas na antas ng pangingisda ay naabot noong 1997. Ito ay naabot ng
bansang Tsina na siyang may pinakamalaking populasyon sa buong mundo. Halos
lahat ng mga pangisdaan sa mundo ay unti-unting nauubusan na ng yamang dagat.
Ang mga mahihirap na bansa ay nakadepende sa mga pangisdaan ng kanilang
ikabubuhay. Subalit mukhang mawawala na ito para sa mga susunod na henerasyon.
Ang Kalagayan ng mga Kagubatan
Sa kasalukuyan, may 1.8 bilyong tao sa 36 na bansa ang may .10 na hektarya
bawat tao ang lawak ng gubat. Ang mga kagubatan ay nasa kritikal na kalagayan na.
Tinatayang magiging 3 bilyon pa ang tao sa mga bansang ito sa taong 2025.
17
Karamihan ng mga kagubatan sa daigdig ay nauubos dahil sa mga gawain ng tao. Mas
malala ang pagkaubos ng kagubatan sa mga papaunlad na bansa. Nasa panganib ang
pinagkukunan ng pagkain, panggatong at bahay ng mga papaunlad na bansa.
Kalagayan ng Klima sa Daigdig
Ang mga emisyon ng carbon dioxide ay may malaking kontribusyon sa pag-init
ng mundo. Nararamdaman na natin ang greenhouse effect sa ating paligid. Mula
noong 1990, ang paggamit ng tao ng mga teknolohiyang naglalabas ng carbon dioxide
ay tumataas. Dalawamput apat (24%) na bahagdan ng emisyong ito ay galing sa
pagkonsumo ng Estados Unidos. Ang iba ay galing sa mga maunlad na bansa at
papaunlad na bansa at dalawang bahagdan lamang sa mga mahihirap na bansa. Ang
mga emisyon ay galing sa panggatong na posil at mga pagawaan ng semento. Ang
paglaki ng populasyon sa mundo ay nangangahulugan ng pagdami ng kukunsumo sa
mga gamit na may emisyon ng carbon dioxide. Kayat ang pag-init ng mundo ay patuloy.
Nararanasan na din natin ang pagtaas ng mga dagat at ang pagkasira ng pananim dahil
sa pag-init ng mundo.
Bayodiersiti (Biodiversity)
18
May 1.1 bilyong tao ang nakatira sa mga lugar na may mga tanim at hayop na
iba-iba ang lahi. Ang populasyong dito ay may 1.3 bahagdan ang paglago samantalang
1.8 na porsiyento naman ang pagkawala ng mga hayop at tanim sa mga bansa na
katatagpuan ng mayayamang uri ng hayop at halaman. Ang mabilis na pagdami ng
populasyon ay nagbibigay-banta sa pagkawala ng mga tanim at hayop.
Mga Banta sa Buhay ng Tao Pagsisikip ng Kalunsuran
Anu-ano ang mga banta ng patuloy na paglaki ng populasyon sa buhay ng tao?
Isa-isahin natin ang mga ito at suriin mo kung may magagawang solusyon ang mga tao
upang maiwasan ang mga ito.
Ang pagsiksikan ng tao sa mga lungsod dahil sa migrasyon ay nagdudulot ng
maraming problema sa kalunsuran. Ang mga ito ay ang kakapusan sa malinis na tubig,
masisikip na lugar, kakulangan sa serbisyong publiko tulad ng edukasyon, kalusugan at
seguridad, pagkakaroon ng iskwater, kahirapan at polusyon.
Masikip na tirahan sa lunsod
19
Ang paglaki ng populasyon ay lalong nagpapahirap sa mga pamilya ng mga
mahihirap na bansa dulot ng dami ng bibig na pakakainin. Sa halip na para sa pang-
edukasyon, kalusugan at iba pang panlipunan serbisyo, inuuna muna ng pamilya at
pamahalaan ang pagkain, damit at tirahan ng mga mag-anak. Nasa 20 bahagdan
lamang ng populasyon ang may sapat na antas ng pamumuhay. Samantalang 80
bahagdan naman ang hirap na hirap na itawid ang kanilang buhay. Ang kontinente ng
Aprika ang may pinakamataas na bahagdan ng paglago ng populasyon subalit ito
naman ang may malaking bahagdan ng mahihirap. Sa Asya matatagpuan ang
maraming lungsod na masisikip at walang sapat na kabuhayang makapag-aangat ng
kalidad ng mga mahihirap na nagsilipat sa mga lunsod.
Mga Away at Digmaan ng mga Bansa
Ang paglaki ng populasyon sa Europa noong ika-15 siglo ay nagpasimula ng
pananakop sa mga bansa sa Amerika, Asya at Aprika. Nagkaroon ng maraming
digmaan upang makakuha ang mga Europeo ng mga kayamanan sa iba’t-ibang bansa.
Ang dating may mga lupain ay inagaw ng mga mananakop kayat napilitan silang
maghanap ng iba pang lupain sa mga masusukal na lugar. Ito ay nagdulot din ng mga
digmaan ng magkakaparehong lahi sapagkat nawalan ng lupa ang mga orihinal na
nakatira sa mga kabundukan at malalayong isla. Hanggang sa kasalukuyan, patuloy
ang paghahanap ng tao ng mga kayamanan upang masuportahan ang lumalaking
pamilya o populasyon. Ang mga magkakaparehong lahi ay nag-aaway-away dahil sa
pag-aaagawan sa pinagkukunan ng yaman. Ang ganitong sitwasyon ay nangyayari sa
Rwanda, Sri Lanka, Kashmir, Iraq, Balkan, Sudan, Colombia, Pilipinas, Burma at iba
pang bahagi ng daigdig. Ang mga pag-aaway na ito ay pulitikal ngunit ang pinaka-ugat
ay ekonomiya, o ang pinagkukunang yaman.
20
Hirap na Kalagayan ng mga Kababaihan
Ang paglaki ng populasyon ay nagdudulot ng maraming suliranin sa mga babae
at lalaki. Ngunit mas nakararanas ng suliranin ang mga kababaihan.
Tinatayang sa bawat minuto:
• 380 babae ang nabubuntis; kalahati sa kanila ay walang planong maging
buntis;
• 110 babae ag nakararanas ng kumplikasyon sa pagbubuntis;
• 100 babae ang nakararanas ng aborsyon; 40 ay delikado at di ligtas;
• 11 tao ay nagkakaroon ng nakakahawang sakit na HIV/AIDS;
• 1 babae ang namamatay dahil sa pagubuntis;
• 1 sa bawat 10 nanganganak ay tinedyer na nanay;
• sa mga mauunlad na bansa, 1 sa bawat 6 na nanganganak ay kabataang
babae sa gulang na 15 hanggang 19; at
• may 4.4 na milyon na kabataang babae sa gulang na 15 hanggang 19 ang
nagpapalaglag ng sanggol, at ang kalahati ay di ligtas.
May Pag-asa Ba?
Ang ika-21 siglo ay nagbabadya ng maraming suliranin sa paligid at populasyon.
Ang tanging pag-asa ay ang pagbaba ng bahagdan ng paglaki ng populasyon,
ang pagtaas ng karaniwang edad ng pag-aasawa at panganganak, ang pagkakaroon
ng trabaho ng kababaihan pagpaplano ng tunay bilang ng mga anak, at ang
pagpaplano ng pamilya. May mga bansa rin na masusing nag-iisip ng komprehensibong
programa hingil sa pagpigil ng paglaki ng populasyon. Mataas na rin ang kamalayan ng
21
mga tao sa pagkonsumo ng mga bagay na makakatulong sa kaligtasan populasyon at
kapaligiran.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panuto:
1. Anu-ano ang programa ng ating pamahalaan tungkol sa mga sumusunod?
2. Magtanong-tanong sa pinuno ng barangay kung paano nila ito ipinatutupad?
a. Populasyon
________________________________________________________________ b. Kapaligiran
________________________________________________________________ c. Mga serbisyong panlipunan
_______________________________________________________________
Tandaan Mo! Malaki ang epekto ng malaking populasyon sa ating kapaligiran
at sa pamumuhay ng tao.
Ang mga likas na yaman tulad ng pangisdaan, lupang sakahan, tubig,
kagubatan, paligid, mga halaman at hayop ay unti-unti nang
nauubos.
Nararamdaman naman lalo na ng mga mahihirap na bansa ang epekto ng
malaking populasyon tulad ng kakulangan sa pagkain, tubig, serbisyong publiko
at mga digmaan, at suliranin ng mga kababaihan.
Kinakailangan ang pagkakaroon ng mga programang magsasaayos ng sapat na
dami at kalidad ng populasyon sa bawat bansa.
22
Gawain 3: Paglalapat Panuto:
1. Bumuo ng isa ng kuwento ng isang pamilyang may sampung anak.
2. Gumuhit at maglista ng mga katangian ng populasyon na nais mo sa mga sumusunod:
A. Pamilya
B. Pamayanan
23
C. Bansa
ARALIN 3 MGA PROGRAMA SA POPULASYON
Ikaw ay nasa huling aralin na ng modyul na ito. Nalaman mo sa mga
nakaraang aralin ang kalagayan ng populasyon at ang epekto ng malaking populasyon
sa ating kapaligiran at pamumuhay. Sa araling ito, masusuri mo ang mga programa
ukol sa pangangalag ng populasyon sa daigdig at matamo ang mga hangaring
pangkaunlaran ng mga bansa.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Masusuri ang mga programa magpapabuti at magpapaunlad ng kalagayan ng
populasyon ng mga bansa;
2. Maipaliliwanag ang implikasyon ng mga programa sa pagpapatupad ng
sustainable development at mapabuti ang panirahan ng tao sa hinaharap; at
3. Makapagbibigay ng sariling opinyon upang hindi maging pabigat sa
lumalaking populasyon sa bansa.
24
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Panuto: A. Paghambingin ang malaki at maliit na pamilya sa pamamagitan ng iba’t-ibang kriterya o
palatandaan ng kaunlaran.
Kriterya
Maliit na Pamilya
Malaking Pamilya
Edukasyon
Pagkain
Damit
Tahanan
Paggawa
B. Matapos mong maitala ang maaaring kalagayan ng maliit at malaking pamilya, gaano
kalaking pamilya ang nais mo? Pangatwiranan mo ang iyong sagot.
Mga Programa Ukol sa Populasyo
Anong programa ng pamahalaan tungkol sa pangangalaga ng populasyon ang
nakaraang sa iyong barangay?
Bilang mga mamayanan ng isang bansa, mahalaga ang kapakanan ng mga tao
para sa pamahalaan. Ang yaman ng isang bansa ay nasusukat sa kalidad ng yamang
tao o ng mamamayanan nito. Ang kaunlaran ng isang bansa ay nakasalakay sa
malusog, matalino, at aktibong mamayanan sa may malaking kontrobibusyon sa
paglinang ng kaunlarang pang-ekonomiya at kagalingang panlipunan.
25
Iba’t ibang programa na ang sinubukan, isinasagawa at pinagpaplanuhan
ng mga bansa sa daigdig upang mapabuti ang kapakanan ng populasyon sa
buong mundo. May mga ahensiya na sadyang binuo upang magsagawa ng nga
programang iyan. Pag-aralan mo ang mga programang inilunsad ng ibat’ ibang
ahensiya sa sumusunod na talaan.
Talahanayan 4: Mga Organisasyon at ang Kanilang Programa Ukol sa Populasyon
Organisasyon Programa United Nations Fund
for Population
Assistance(UNFPA)
Itinatag ng United Nations noong 1967.
May pinakamalaking pandaigdig na pondo
na inalalaan sa pagtulong sa mga umuunlad na
bansa ukol sa isyung pampopulasyon. Tungkulin
ng UNPFA na tumulong sa pangangailangan ng
populasyon at pagpaplano ng pamilya; paunlarin
ang kaalaman ukol sa iba’t ibang salik na kaugnay
sa populasyon tulad ng paglaki ng populasyon,
fertility, migrasyon at mortalidad, at tulungan ang
mga pamahalaan sa programa at mga proyekto
nila sa populasyon, at magbigay ng pinansyal na
tulong para sa implementasyon ng mga ito.
International Planned
Parenthood
Association (IPPA)
Binubuo ito ng mahigit nna 100 samahan na
humihikayat sa pagpaplano ng pamilya. Mahigit sa
kalahati ang galing sa mga bansa ng kasapi sa
Overseas Economic Cooperation Development
(OECD). Pinakamalaki ang tulong na tinatanggap
ng Brazil, Columbia, India, Korea at Mexico.
Ginagamit ng mga unibersidad at institusyon sa
pananaliksik ang ikaapat na bahagi ng tulong mula
sa Estados Unidos, ang Family Planning
International Assistance and Population Council, at
26
Pathfinder Fund.
Kagawaran ng
Kalusugan
Philippine Population Management Program
(PPMP)
Ito ang kabuuang programa ng ating pamahalaan
ukol sa pagkontrol ng populasyon. Nilikha ito
upang suportahan at sang-ayunan ang kabuuang
programang pang-ekonomiya ni Pangulong Fidel
Ramos, ang Medium Term Philippine Development
Plan (MTPDP) na mas kilala sa tawag na
Philippines 2000. Ayon dito, hindi magiging
tagumpay ang Philippines 2000 kung walang
kaukulang programa sa ating populasyon.
Binubuo ang PPMP ng iba’t ibang sangay ng
pamahalaan. Ang kagawaran ng Kalusugan ang
pangunahing tagapagtupad nito. May bahagi rin
ang Kagawaran ng Edukasyon sa pamamahagi ng
kaalaman ukol sa populasyon sa pamamagitan ng
pagsasanib nito sa mga kurikulum ng mga
paaralan.
Kabilang sa PMPP ang mga programang may
direktang kaugnayan sa pagkontrol ng populasyon
tulad ng pagpaplano ng pamilya. Nakapaloob din
ang programang pampopulasyon sa mga
programang pang-ekonomiya at pangkapaligiran
27
Commision on
Population and
Development (CD)
(dating Population
Comission o
POPCOM)
May 27 kasapi ito at itinatatag ng Economic and
Social Council (ECOSOC) ng UN noong 1947.
Tungkulin nito na magbibigay ng payo at gumawa
rin ng pag-aaral tungkol sa mga isyu sa
populasyon, mga patakaran at programa,
integrasyon ng populasyon sa pag-unlad ng bansa
kaugnay ng iba’t-ibang salik sa populasyon, at
ibang mga katanungan tungkol sa populasyon.
Family Planning
Organization of the
Philippines (FPOP)
Itinatag noong ika-4 ng Agosto, 1969 ang FPOP
upang itaguyod ang pagpaplano ng pamilya. Isa
itong pribadong organisasyon at isa sa 150
organisasyon sa 128 na bansa na magkakatulad
ang layunin. Kasapi ang FPOP sa International
Planned Parenthood Foundation (IPPF) na
nakabase sa London. Nagbibigay ito ng payo,
impormasyon at serbisyo sa klinika at pamayanan.
Kumikilos ang FPOP batay sa paniniwala na ang
responsableng pagkamagulang at kalusugan ng
pamilya ay nakaambag sa magandang uri ng
pamumuhay at sa pambansang kaunlaran.
Sa kasalukuyan, naglilingkod sa bansa ang FPOP
sa pamamagitan ng 215 na pamunuan, 1362 na
mga boluntaryo sa 35 na mga klinika at siyam na
mga sentro ng kalusugan. Naglilingkod ito sa
200,000 na mga kliyente na karamihan ay nasa
malalayong lugar na walang mga manggagamot.
28
National Commission
on the Role of the
Filipino Women
Nangangalaga sa kalagayan ng mga kababaihan
sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapatupad ng
Philippine Plan on Gender and Development.
Layunin nito na bigyang kapangyarihan ang mga
kababaihan upang maging maayos ang kanilang
kalagayan, lalo na ng mga ina at mga bata.
Ang United Nations Fund for Population Assistance ay naglalaan ng mga pondo
sa mga bansang mahihirap na nais pigilin ang kanilang ng lumalaking populasyon. Ang
International Planned Parenthood Association (IPPA) ay isa ring organisasyon na
humihikayat sa pagpaplano ng pamilya.
Sa Pilipinas, ang sangay ng pamahalaan na nangangalaga sa pamamahala ng
paglaki ng populasyon ay ang Philippine Commission on Population at Kagawaran ng
Kalusugan. Naitatag din ang National Commission on the Role of the Filipino Women
upang pangalagaan ang kalagayan at kalusugan ng mga ina at bata.
Ang Family Planning Organization of the Philippines (FPOP) ay isang pribadong
organisasyon na may malaking tulong programa sa populasyon sa Pilipinas.
Ang Philippine Population Act of 1994 ay isang batas na nagtatakda ng mga
programang pampopulasyon.
Ang Populasyon at ang Kapaigiran
Nalaman mo na ang malaking populasyon ay maaaring magdulot ng suliranin sa
ating kapaligiran. Ang pagkonsumo natin ng mga likas na yaman ay nagbabanta ng
pagkasira ng ating kapaligiran. Kayat mahalagang tunghayan ang mga programa na
nakatutulong upang mapanatiling balanse ang ating paligid.
29
Talahanayan 5: MGA PROGRAMA NA NANGANGALAGA SA BALANSENG KALAGAYANG EKOLOHIKAL
Programa Paglalarawan Asia Pacific
Conference on
Climate Change
Ang mga siyentista at kinatawan ng mga bansa sa Asia-
Pacific ay nangangampanya ng panrehiyon na kamalayan at
pagkakaisa upang mabigyang lunas ang suliranin sa
pagbabago ng klima, polusyon, at pagkapanot ng kagubatan.
Programa ng United
Nations Environment
Program (UNEP)
Nakatutok ang programa ng organisasyong ito sa
kahalagahan ng mga punungkahoy sa kapaligiran,
paghadlang sa pagkasira ng kagubatan, partisipasyon ng
mga tao sa muling pagtatanim, at paghadlang sa pagkakalbo
ng mga kagubatan.
Republic Act 8749 o
Clean Air Act
Pinaiiral ito sa Pilipinas na nagbabawal sa paggawa at
paggamit ng mga incinerator dahil ang pagsunog ng mga
basura ay nakakasama sa kalusugan.
Republic Act 9003 o
Ecology Solid Waste
Management Act of
2001
Ito ang unang batas na nilagdaan ni Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo na naglalayon na mabawasan ng 60
bahagdan ang 3600 metriko tonelada ng basurang
kinukolekta araw-araw sa kalakhang Maynila.
Isinasaad ng batas na ito ang paghihiwalay o pagbubukod ng
nabubulok at di-nabubulok na basura, paggamit muli at
composting ng basura sa buong bansa. Ipinagbabawal nito
ang paninirahan sa bukas na tapunan ng basura. Ang
lumabag sa batas ay magmumulta ng 300- 1 milyon (Php) at
anim na taong pagkabilanggo.
Programa ng
Greenpeace
Nagmomonitor ng nakakalasong mga dumi na itinatambak
ng mga industriyalisadong bansa sa Ikatlong Daigdig ang
ahensiyang ito.
Ecotourism Binigyang sigla sa Pilipinas ang kamalayan tungkol sa
ekoturismo noong 1977. Nabuo ang salitang ecotourism sa
kumperensya tungkol sa kapaligiran noong 1988.
30
Isang ecologically sustainable na turismo ang ecotourism na
nagtataguyod ng likas na kapaligiran at kultura upang
mapalawak ang kaalaman dito at makabuti sa pamayanan.
Hindi lamang maganda at kaakit-akit na kapaligiran ang
kailangan sa ganitong uri ng turismo kundi mga ligtas at
mapayapang lugar.
Philippine Agenda 21 Ito ay programa ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na
Yaman. Ito ay tumututok sa kalidad ng hangin, lupa,
karagatan at tubig, halaman at hayop.
Ang mga pandaigdigan at pambansang organisasyon na ito ay aktibong
nangangalaga sa ating paligid.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Pagkatapos mong maunawaan ang mga programang may kinalaman sa
populasyon, ano ang maaari mong gawin? Sagutan mo ang mga sumusunod na
tanong:
A. Kung sakaling ikaw ay sasali sa mga organisasyon para sa populasyon at
kapaligiran, ano ang sasalihan mo? Bakit?Suriin mong muli ang mga talaan bago
mo sagutin ang mga tanong na ito.
a. Populasyon
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
b. Kapaligiran
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
B. Alin sa mga programa ng pampopulasyong inilahad sa aralin ang kailangang ng
iyong barangay? Bakit
31
a. Populasyon
________________________________________________________________
________________________________________________________________
b. Kapaligiran
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Tandaan Mo! Ang mga organisasyon na nagsusulong ng pagpaplano ng pamilya ay
ang United Nations Fund for Population Assistance, Family Planning
Parenthood Association, Kagawaran ng Kalusugan at ang Commission
on Population and Development.
Ang mga organisasyon na nagsusulong ng balanseng kapaligiran ay ang Asia
Pacific Conference on Climate Change, United Nations Environment Program,
Greenpeace Monement at Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman.
Ang mga programang pampopulasyon ay naglalayong mapabuti ang kalidad ng
buhay ng mga mamamayan at mapangalagaan ang kapaligiran at likas na yaman na
pinagkukunan ng mga tao ng kanilang kabuhayan.
Ilan sa mga programa sa kapaligiran ay ang Republic Act 8749 o Clean Air Act,
Republic Act 9003 o Ecology Solid Waste Management Act of 2001 at ang
Philippines Agenda 21.
32
Gawain 3: Paglalapat
Panuto: A. Magtanong sa mga sumusunod kung papaano mapapangalagaan ang kapaligiran at populasyon.
Populasyon
a. mga magulang at kapatid
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
__________________________________________________________
b. punong barangay
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
__________________________________________________________
Kapaligiran
a. mga magulang at kapatid
______________________________________________________________________
______________________________________________________________
b. punong barangay
B. Bumuo ng isang plano ng proyekto batay sa nais ng barangay at mga magulang mo.
1. Proyektong Populasyon
Proyekto Mga Gawain Kailan Gagawin
33
2. Proyektong kapaligiran
Proyekto Mga Gawain Kailan Gagawin
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO:
Ang mga susmusunod ang mga pangunahing kaisipan na dapat mong tandaan
tungkol sa modyul na ito:
Ang populasyon ng mundo ay 6.8 bilyon at ito ay madodoble sa taong 2040. Nasa Asya ang lampas sa kalahating populasyon sa buong mundo at ito ay 3.8
bilyon. Ang Tsina ang may pinakamalaking populasyon sa buong mundo. Ito ay may 1.2
bilyon. Pangalawa ang India na may isang bilyong tao. Ang mabilis na pagtaas ng bilang ng populasyon ay maaring sanhi ng pag-unlad ng
agham sa medisina at agrikultura at paniniwala ng tao.
Malaki ang epekto ng malaking populasyon sa ating kapaligiran at sa
pamumuhay ng tao. Ang mga likas na yaman tulad ng pangisdaan, lupang
sakahan, tubig, kagubatan, paligid, mga halaman at hayop ay unti-unti nang
nauubos. Nararamdaman naman lalo na ng mga mahihirap na bansa ang epekto
ng malaking papulasyon tulad ng kakulangan sa pagkain, tubig, serbisyong
publiko at mga digmaan.
Ang mga organisasyon na nagsusulong ng pagpaplano ng pamilya ay ang
United Nations Fund for Population Assistance, Family Planning Parenthood
Association, Kagawaran ng Kalusugan at ang Commission on Population and
Development.
34
Ang mga organisasyon na nagsusulong ng balanseng kapaligiran ay ang Asia
Pacific Conference on Climate Change, United Nations Environment Program,
Greenpeace Movement at Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman.
Ilan sa mga programa sa kapaligiran ay ang Republic Act 8749 o Clean Air Act,
Republic Act 9003 o Ecology Solid Waste Management Act of 2001 at ang
Philippine Agenda 21.
Kinakailangang pangalagaan ang kapakanan ng populasyon sa daigdig kasama
na ang kapaligiran pinananahanan natin.
35
ANGWAKAS NA PAGSUSULIT: I. Panuto: Isulat ang titik ng hindi kabilang sa grupo at isulat ang konsepto na
nag-uugnay sa magkakaparehong opsyon.
______________1. A. Klima B. Kagubatan C. Edukasyon D. Tubig
______________2. A. UNFPA B. UNEP C. IPPA D. FPOP
______________3. A. DENR B. UNEP C. APCCC D. UNFPA
______________4. A. Australya B. Estados Unidos C. India D. Tsina
______________5. A. Chile B. Hapon C. Nigeria D. Pilipinas
______________6. A. Asya B. Aprika C. Australya D. Europa
______________7. A. Asya B. Hilagang Amerika C. Timog Amerika
D. Australya
______________8. A. Estados Unidos B. India C. Pransya D. Tsina
______________9. A. pagkain B. halaman C. digmaan D. edukasyon
______________10. A. kagubatan B. klima C. lupa D. paniniwala
II. Panuto. Isulat ang titik ng tamang sagot.
_____1. Alin ang katanggap-tanggap na argumento para sa Pilipinas?
A. Hindi suliranin ng mga Pilipino ang lumalaking populasyon.
B. Mahalaga sa pamilyang Pilipino ang pagdami ng mga anak.
C. Isang banta sa paglustay ng likas na yaman ang pagdami ng mga Pilipino.
D. Kaya pa ng likas na yaman ng bansa na pakainin ang lumalaking populasyon
nito.
_____2. Ang Pilipinas ay may
A. maliit na populasyon
B. katamtamang laki ng populasyon
C. malaking populasyon
36
D. pinakamalaking populasyon
_____3. Ang likas na yaman ng Pilipinas ay
A. di sapat upang masuportahan ang lahat ng Pilipino
B. sapat lamang para sa lahat
C. sobra-sobra
D. kapos
_____4. Ang digmaan sa Pilipinas ay sanhi ng
A. pulitika
B. pang-aagaw ng lupa
C. magkakaibang kultura
D. magkakaibang relihiyon
_____5. Mahalaga ang pagbaba ng antas ng populasyon upang
A. may urbanisasyon na magaganap
B. may industriyalisasyon na magaganap
C. malayang makikipagkalakalan ang lahat
D. makikinabang sa likas na yaman ang lahat
_____6. Lumaki ang populasyon sa mundo dahil sa
A. pagsulong ng agham sa medisina
B. paniniwala na ang anak ay dagdag na magtatrabaho
C. sagana sa likas na yaman ang mga bansa
D. A at b
E. A, b at c
_____7. Nalustay ang likas na yaman ng mga mahihirap na bansa dahil sa
A. paglaki ng populasyon nito
B. kolonisasyon ng Europa
C. pagsulong ng teknolohiya
37
D. A at B
E. A, B at C
_____8. Malaki ang populasyon ng Tsina sapagkat
A. mahahaba ang buhay ng Tsino
B. malaki ang kanyang bansa
C. mahusay ang mga gamot ng Tsino
D. A at B
E. A at C
_____9. Ang mga programa sa populasyon ay
A. mangangalaga sa populasyon
B. maaring makabawas ng populasyon
C. magpapababa ng antas ng populasyon
D. makatutulong sa kalidad ng buhay ng tao
_____10. Mahalaga ang pagbaba ng antas ng populasyon upang
A. mabuhay nang may kalidad ang tao
B. magkaroon ng mahusay na serbisyong publiko
C. matugunan ang pangangailangan ng mga tao
D. A at B
E. A at C
.
38
GABAY SA PAGWAWASTO: PANIMULANG PAGSUSULIT
1. D
2. A
3. A
4. D
5. B
6. C
7. B
8. C
9. D
10. C
11. D
12. D
13. D
14. A
15. D ARALIN 1: ANG KALAGAYAN NG POPULASYON Gawain 1: Pag-Isipan Mo! 1. Ganito ang maaaring sagot:
Asya Aprika Europa H. Ame. T. Ame Australya 2. a. Nasa Asya ang may pinakamalaking populasyon
b. Ang Asya at Aprika ang may malalaking populasyon at mahihirap na bansa
c. Ang australya ang may pinakamaliit na populasyon
3. Malaking suliranin kung may malaking populasyon ang Pilipinas sapagkat hindi sapat
ang ating likas na yaman. Bukod dito, nasa kamay ng mga mayayaman at dayuhan
3 Bilyon 2 bilyon 1 Bilyon
39
ang ating likas na yaman. Hindi sapat ang ating industriya para lumaki ang
pambansang kita. Mangilan-ngilan lamang sa mga Pilipino ang kumikilos upang
magkaroon tayo ng industriyang sariling atin.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman 1. Batay sa datos na nakalap
2. Batay sa karanasan ng mag-aaral
Gawain 3: Paglalapat 1-2 Batay sa karanasan ng mag-aaral
ARALIN 2: MAISA-ISA ANG MGA SALIK SA MABILIS NA PAGLAGO NG
POPULASYON SA MUNDO
Gawain 1: Pag-Isipan Mo! 1. May epekto sa kapaligiran at pamumuhay natin
2. Batay sa karanasan ng mag-aaral
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman 1. Tingnan ang teksto
2. Batay sa datos na nakalap
Gawain 3: Paglalapat 1-3 Batay sa karanasan ng mag-aaral
Aralin 3: MASUSURI ANG MGA SULIRANING DULOT NG MABILIS NA PAGLAKI NA
POPULASYON
Gawain 1 1-3 Batay sa karanasan ng mag-aaral
Gawain 2 1-2 Batay sa datos na nakalap
Gawain 3
40
Batay sa datos na nakalap
Panghuling Pagsusulit I. Unang bahagi:
1. C- Lahat ay epekto ng populasyon sa likas na yaman
2. B- Lahat ay ahensya ukol sa populasyon 3. D. Lahat ay ahensya ukol sa kapaligiran 4. A. Lahat ay malalaki ang populasyon 5. A- Lahat ay malalaki ang populasyon 6. C-Lahat ay malalaki ang populasyon 7. A- Lahat ay maliliit na populasyon 8. C-Lahat ay malalaking populasyon 9. B. Lahat ay ukol sa pamumuhay ng tao 10. D- Lahat ay ukol sa likas na yaman II. Ikalawang bahagi:
1. C
2. A
3. A
4. B
5. C 6. B 7. D 8. E 9. C 10. E References: Nanda, Serena and Richard L. Warms. 1998. Cultural Anthropology. New
York: International Thomson Publishing Company Population Issues. www.unfpa.org
41
WHY POPULATION MATTERS TO NATURAL RESOURCES. www.population action.org World Population. www.census.gov
1
ARALING PANLIPUNAN III
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 23
PAG-UNLAD NG TEKNOLOHIYA
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
2
MODYUL 23 PAG-UNLAD NG TEKNOLOHIYA
Sa maikling panahon ng paghahanda ng mag-aaral sa pagpasok, marami na
siyang nagamit na teknolohiya. Kapag itinuloy mo pa ang kwentong ito sa maghapon ng
mag-aaral, maaring lampas sa sampu ang mga teknolohiyang kanyang ginamit sa
maghapon. Napapakinabang mo rin ba ang mga kasalukuyang teknolohiya? Bakit sa
bawat pagkilos natin ay gumagamit tayo ng teknolohiya?
May tatlong araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Mga Imbensyon sa Ibat-Ibang Panahon Aralin
Aralin 2: Mga Pakinabang Natin sa Teknolohiya Aralin
Aralin 3: Mga Isyu at Suliranin sa Teknolohiya
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Nakatatalakay ng kasaysayan pag-unlad ng Teknolohiya sa mula sa
sinaunang kabihasnan hanggang sa kasalukuyan;
2. Nasusuri ang mga kabutihan, suliranin at isyu na dulot ng teknolohiya;
at
3. Nakabubuo ng kriterya bilang batayan ng desisyon sa paggamit ng
magandang uri ng teknolohiya sa pang-araw-araw na buhay.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para
sa iyo.
3
PANIMULANG PAGSUSULIT: Pre-test I. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ang unang kalendaryo ay ginamit ng mga
A. Intsik
B. Inca
C. Maya
D. Pilipino
2. Ang unang teknolohiyang naimbento sa Europa ay
A. Abacus
B. Algebra
C. Paglimbag
D. Paggamit ng Decimal
3. Ang mahalagang naimbento noong ikalabinlimang siglo ay
A. Eroplano
B. Kuryente
C. Palimbagan
D. Telegrama
4. Alin sa mga imbensyon ang nakakasira ng kalidad ng kalupaan?
A. Kotse
B. Pestisidyo
C. Refrigerator
D. Tren
5. Ang mga sumusunod na imbensyon ang sumisira sa hangin maliban sa
A. Kotse
B. Pestisidyo
C. Refrigerator
D. Tren
6. Ang imbensyon na mabilis na nagpabago sa inog ng mundo ay nasa larangan ng
A. Agrikultura .
B. Kuryente
C. Telekomunikasyon
D. Transportasyon
4
7. Ang teknolohiya ay naging tulong sa tao upang
A. maging mapayapa ang mga pamayanan.
B. maging maayos ang kapaligiran.
C. mapagaan ang kanilang buhay.
D. kumita ng panggastos.
8. Mabisa ang pagsasalin ng teknolohiya kung ang isasaling teknolohiya ay
A. Hindi nakasasama sa paligid
B. Nag-uugnay-ugnay sa mga bansa
C. Akma sa kultura ng sasalinang bansa
D. Magbibigay ng seguridad sa bansang sasalinan
9. Ang mga sumusunod ay mga masasamang epekto ng teknolohiya maliban sa
A. Paglawak ng Krimen
B. Pagbabago ng kultura
C. Pagkawala ng seguridad
D. Pagkakaroon ng panibagong sakit tulad ng SARS, foot and mouth disease at
iba pa
10. Alin sa mga sumusunod ang sagabal sa pag-unlad ng telekomunikasyoon?
A. Kumpetisyon
B. Malayang kalakalan
C. Monopolyo
D. Pananaliksik
II. sulat Ang T kung Tama at M kung Mali ang mga sumusunod na pangungusap.
_____1. Ang teknolohiya ay unang naimbento sa Asya.
_____2. Ang modernong teknolohiya ay unang naimbento sa Estados Unidos.
_____3. Eroplano ang pinakamahalagang imbensyon ng tao.
_____4. Masama ang teknolohiya sa isang kultura.
_____5. Palaging mabuti ang idinudulot ng teknolohiya.
_____6. Mas malaki ang pakinabang sa teknolohiya ng mga mahihirap na bansa.
5
_____7. Napapanot ang kagubatan dahil sa teknolohiya.
_____8. Mas mabilis magawa ang krimen noong unang panahon.
_____9. Maunlad ang mga bansang gumamit ng teknolohiya.
_____10. Mas maraming masama kaysa mabuti ang dulot ng teknolohiya.
_____11. Cellphone ang pinakamodernong teknolohiya sa kasalukuyan.
_____12. Daig ng teknolohiya ng transportasyon ang teknolohiya ng
telekomunikasyon.
_____13. Mas makakatulong sa tao ang teknolohiya sa agrikultura kaysa sa
pagbabangko.
_____14. Mas mabuti ang buhay sa lugar na walang telepono.
_____15. Ang teknolohiya ang pangunahing sanhi ng terorismo.
6
ARALIN 1
MGA IMBENSYON SA IBAT-IBANG PANAHON
Alam mo ba kung saan-saan at kung anu-anong imbensyon sa teknolohiya ang
pinasimulan? Sa araling ito, matutunghayan mo ang mga teknolohiyang nagpapagaan
sa buhay mo ngayon, lalung-lalo na sa larangan ng telekomunikasyon. Simulan na
nating tahakin ang mga aralin at gawain sa mudyol na ito.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Naiisa-isa ang mga imbensyon sa ibat-ibang panahon sa ibat-ibang larangan.;
2. Nakapagbibigay ng palagay ukol sa mga kabutihang dulot ng teknolohiya; at
3. Nakapipili ng mga teknolohiya na nakakatulong sa pag-unlad ng sarili.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Isulat ang mga teknolohiya na iyong maiisip sa bawat letra ng alpabeto: A. ___________________________________________________________
B. ___________________________________________________________
C. ___________________________________________________________
D. ___________________________________________________________
E. ___________________________________________________________
F. ___________________________________________________________
G. ___________________________________________________________
H. ___________________________________________________________
I. ___________________________________________________________
J. ___________________________________________________________
K. ___________________________________________________________
L. ___________________________________________________________
M. ___________________________________________________________
N. ___________________________________________________________
7
O. ___________________________________________________________
P. ___________________________________________________________
Q. ___________________________________________________________
R. ___________________________________________________________
S. ___________________________________________________________
T. ___________________________________________________________
U. ___________________________________________________________
V. ___________________________________________________________
W. ___________________________________________________________
X. ___________________________________________________________
Y. ___________________________________________________________
Z. ___________________________________________________________
Kasaysayan ng Teknolohiya sa Mundo .
Panahong 1-1000
Nasimulan sa unang siglo ang pag-imbento ng mga pang-araw-araw na gamit.
Ang Tsina ang nangungunang bansa sa pagimbento ng teknolohiya. Narito ang mga
imbensyon sa mga unang sampung siglo sa ating panahon.
• 105 Naimbento ang papel sa Tsina
• 190 Nabuo ang Abacus
• 250 Naisulat ang unang libro sa Algebra ni Diophontus ng Alexandria.
• 350 Ginamit ang unang kalendaryo sa Kulturang Maya (Gitnang Amerika).
• 595 Naisulat ang paggamit ng decimal sa India.
• 640 Unang naglimbag sa Tsina.
• 765 Unang paglilimbag ng aklat sa bansang Hapon
• 1000 Ipinakilala ang mga arabikong pagbilang ni Sylvester
8
Sa taong 1-1000 naimbento ang papel, abacus, kahusayan sa pagbilang at
paglimbag. Maraming kontribusyon ang bansang Tsina sa mga teknolohiyang ito bilang
isa sa pinakamatandang sibilisasyon sa mundo.
Panahong 1001-1500 Sa panahong 1001-1500 nagsimula ang mga imbensyon sa Europa. Narito ang
mga teknolohiyang naimbento:
• Ang windmill ay unang naipatala noong 1185.
• 1200 Isinulat ni Leonardo Fibonacci (Italya) ang aklat sa algebra para sa mga
taga-kanluran.
• Ang compass ay unang ginamit noong kalagitnaan ng ika-12 siglo.
• 1436 Naimbento ni Johannes Gutenberg (Germany) ang mga gumagalaw na
letra para sa paglilimbag.
• Lumabas ang kanyon noong kalagitnaan ng ika-14 na siglo.
9
Panahong 1501-1800 Mula ika-15 siglo, sunod-sunod na ang imbensyon sa Europa. Nariyan ang
pagdiskubre ng kuryente at telegrama na nagpasimula ng rebolusyong industriyal.
• 1729 Nadiskubre ni Stephen Gray (England) ang electrical conductivity
• 1771 Nagprodyus si Luigi Galvanni (Italy) ng kuryente
• 1787 Naipakita ni Lammond ang paggamit ng telegrama sa Paris.
• Naimbento ni Eli Whitney ang Cotton Gin noong 1784
• 1800 naimbento ang bateryang de kuryente ni Alessando Volta.
Panahong 1801-1866
Nagpatuloy noong ika-18 at ika-19 na siglo ang mga imbensyon sa
larangan ng enerhiya at komunikasyon.
• 1811 naimbento ni Friedrich Konig (German) ang unang limbagan na
pinatatakbo ng enerhiya sa singaw (steam).
• 1840 Naimbento ni Samuel Morse (U.S.) ang linyang telegrama o "Morse
code".
• 1858 Unang cable sa Atlantiko ay inilagay
• 1860 Inilarawan ni Johan Philip Reis ang magnetikong telepono
• 1866 Paggamit ng Trans-Atlantic na kable
• Naimbento ni Alfred Nobel and dinamita noong 1866
Panahong 1867-1900
Ang panahong 1867 hanggang 1900 ay nagpatibay pa ng mga imbensyon
sa komunikasyon at enerhiya. Naimbento din ang dinamita, makinilya, ilaw,
10
kamera at mikropono. Karaniwang imbensyon ay sa larangan ng kalakalan at
paglilibang.
• 1867 Naimbento ni Alfred Nobel (Sweden) ang dinamita
• 1868 Nagawa ni Christoper Sholes (U.S.) ang makinilya
• 1872 Naimbento ni Thomas Edison (U.S.) ang duplex telegraph
• 1876 Nagawa ni Alexander Bell (U.S.) ang unang telegrama
• 1878 Naimbento ni Thomas Edison (U.S.) ang ilaw at ponograpo
• 1879 Naimbento ni William Crooks (English) and cathode-ray tube.
• 1884 Naitala ni Ottomar Mergenthaler (German) ang makinang Linotype
• 1885: Binuo ni Karl Benz ang unang-unang sasakyan.
• 1888 Nakapagprodyus si George Eastman (U.S.) ng box camera
• 1895 Nagbukas na kauna-unahang sineha ang magkapatid na Lumiere sa
Paris.
• 1896 Nadikubre ni Joseph Thompson ang electron
• Naipakita ni Horace ang unang loudspeaker sa Eiffel Tower
Panahong 1901-1950
Ang ika-20 siglo ang nagpalakas sa mga imbensyon. Piagsama-sama ng
mga imbentor ang lakas ng mga naunang imbensyon kayat nakabuo sila ng mga gamit
na kumbinasyon ng telepono, kamera at makinilya. Ito na ang telebisyon na
kumbinasyon ng kamera, micropono at telepono. Ang kompyuter ay pinagsamang
telebisyon, radyo, makinilya at elektrisidad. Pumapaimbulog na dito ang teknolohiya sa
telekomunikasyon.
• 1903: Ang magkapatid na Orville and Wilbur Wright ay nagpasimula ng
unang-unang eroplano.
• 1906 Sumahimpapawid ang unang programa sa radyo sa pamamagitan ni
Reginald Fessenden (Canada)
11
• 1913: Ford Motor Company ay nagsimula ng produksyon ng sasakyan
• 1921 Naimbento ang Teleprinter
• 1921 Naimbento ni Thomas Edison ang ilaw.
• 1922: Ipinakilala ng Japan ang eroplanong Hosho.
• 1923: naimbento ni Vladimir Zworykin camera tube.
• 1923: nabuo ng Electrolux ang unang-unang refrigerator na de kuryente
• 1925 Naipakita ni John Logie Baird (Scotland) dang unang
pagsasahimpapawid ng telebisyon.
• 1930 Ipinakilala ni Vannevar Bush (U.S.) ang unang analog computer.
• 1935: Ipinakilala ng General Electric Corp. ang ilaw na fluorescent.
• 1936 Ang British Broadcasting Company (BBC) ay nagsahimpapawid ng
unang open-circuit TV broadcast.
• 1940: Naimbento ni Igor Sikorsky ang helicopter.
• 1942: nagawa ni Enrico Fermi ang unang atomic chain reaction.
• 1943 Dinesenyo ni Alan Turing (England) ang unang kompyuter na
"Colossus"
• 1945 Ang Pamantasan ng Pennsylvania ay nagsulit ng automatikong
kompyuter ENIAC (Electronic Numerical Integration and Computer).
• Naimbento ang 1947 radyong transistor
Panahong 1951-1999
Ang telekomunikasyon ang siyang pinagtuunan ng pansin ng mga imbentor at ito
din ang teknolohiyang mabilis na nagbabago bawat taon. Mula 1951 hanggang sa
kasalukuyan, napakarami na mga bersyon ng telekomunikasyon: Ang mga modelo ng
cellphone ay napapahusay sa bawat imbensyon. Isang nakakamangha at
kapakipakinabang ay ang pagkakaroon natin ng internet.
• 1951 UNIVAC 1 kompyuter ay namanupaktura.
12
• 1955 Paggamit ng Ultra-High Frequency (UHF).
• 1957 sumahimpapawid ang Sputnik
• 1959 Naimbento ni Robert Noyce (U.S.) ang circuit chip na gawa sa silicon.
• 1959 Nabuo ang Stereo-Gramaphone records
• 1964 Jack Kilby nagpadokumento ng maliit na electronic circuit
• 1969 nakarating sa buwan ang Apollo 11
• 1969 Naimbento ni Edward Hoff (U.S.) ang unang microprocessor
• 1973 Naimbento ni Godfrey Hounsfield (England)) ang unang scanner
• 1975 Ang unang personal na kompyuter, Altair, ay nakilala
• 1977 Ang unang kable na gawa sa fiber-optic na napaunlad
• 1979 Nakapagprodyus ng maliliit na laser-scanning at mabibilis na kompyuter.
• 1979 Naimbento ang Liquid Crystal Displays (LCD) na nakagagawa ng digital na
relo, tv, atbp
• 1980 Ang mga teleponong Cellular at fax machines ay nakilala
• 1982 ipinakilala ng Sony and Philips Corporations ang CD player
• 1985 High capacity submarine cable ay nailatag sa pagitan ng U.S. and
• Great Britain.
• 1986 naipakilala ang 32-bit computer chip
• 1987 Naipakilala ang supercomputer, superconductors at super VHS para sa
videocasette recorder
• 1988 Ang unang fiber optic na kable ay nailatag sa Karagatan ng Atlantic
(40,000 telephone tawag kada Segundo), ang High definition television (HDTV)
ay naipakilala at ang digital video interactive technology
13
• 1989 Naipakilala ang Mainframe at laptop kompyuter ganundin ang advanced
television signal
• 1990 Ang Multi-media computing text audio graphics ay naikalala gayundin ang
digital audio tape decks, photo CD's and maliliit na miniature camcorder
• 1991 naipakilala nag Digital compact cassettes at pen computers introduced;
naisulong ang multi-media
• 1992 IBM and Apple ay nakabuo ng software na pwede sa dalawang kompyuter;
Ang IBM and Toshiba ng Japan and Siemens ng Germany ay nagpakilala sa
dynamic random access memories (CD-ROM); Ipinakilala ng Intel ang "Pentium"
kompyuter
• 1993 Opisyal na ipinakilala ng Pangulo ng Estados Unidos , Bill Clinton ang
Information Super Highway; Ang LCD video and malaking screen na telebisyon
ay naipakilala din isang website ng internet
14
• 1994 30 million tao ang gumagamit na ng Internet at mga serbisyong on-line
services; Ang power PC chips at digital satellite home systems ay naipakilala.
• 1995 Ang Micropower impulse radar (MIR) o "radar-on-a-chip" ay naipakilala;
ang High definition compatible digital (HDCD) technology; digital camcorder
video camera ay naipakilala din
15
Narito ang particular na kasaysayan ng pag-imbento ng telepono. Mula sa
pagdiskubre ng magnet at kuryente, napayabong ang mga imbensyon sa
telekomunikasyon.
A. Istorya ng Telepono
• 1876, Ipinalista ni Alexander Graham Bell, isang taga-Canada, ang isang gamit
na naglilipat ng salita sa pamamagitan ng magnet at kuryente.
• 1877, Ipinakilala ni Emile Berliner ang unang-una palitan sa telepono na
kontrolado ng operator.
• 1892, unang ginamit ang automatikong telepono na dinesenyo ng isang taga-
Kansas.
• 1913, ang kumpanyang AT&T ay naging monopolyo ng telepono sa Estados
Unidos
• 1948, Ang idea ni Claude Shannon ay naging pundasyon ng teleponong digital at
internet
• 1961 nagsimulang gamitin ang teleponong touch-tone na malawakang ginamit
makalipas ang 20 taon.
• 1973, naimbento ang teleponong walang cordon.
16
• 1983, ipinakilala ng AT&T ang walang cordong telepono.
• 1984, nalansag ang AT&T at nagbukas ng kompetisyon sa mga kumpanya ng
telepono.
• 1992, ang unang celphone ay ipinakilala sa pamilihan.
• 1994, ipinakilala ng Qualcomm ang panibagong telepono na wireless.
• 1995, Isang maliit na kumpanya ng software ang nagsimulang gumamit ng
telepono sa pamamagitan ng internet. Ang kausap ay dapat may parehong
computer.
• 1998, pwede nang gamitin ang computer sa telepono at telepono sa computer.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panuto:
I. Gumuhit ng mga imbensyon sa bawat panahon na sa iyong tingin
ay mahalaga. Isulat ang kahalagahan ng imbensyon.
Panahon
Imbensyon
Pakinabang sa
Kasalukuyan
Panahong 1-1000
Panahong 1001-1500
Panahong 1501-1800
Panahong 1801-1866
Panahong 1867-1900
Panahong 1901-1950
Panahong 1951-1999
II. Sagutan ang mga Tanong
1. Maglista ng limang naimbentong teknolohiya na may malaking pakinabang ka?
Isulat din kung bakit malaki ang iyong pakinabang. __________________________
17
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Maglista ng limang pangangailangan mo na hindi pa natutugunan ng teknolohiya. _
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Anu-anong teknolohiya ang maaring imbentuhin upang tugunan ang iyong
pangangailangan? ______________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Tandaan Mo! Sa mga bansa sa Asya at particular sa Tsina ang simula ng
imbensyon ng sinaunang teknolohiya.
Panahong 1200 nagsimula ang imbensyon sa Europa.
Panahong 1800 nagsimula ang imbensyon sa Estados Unidos.
Ang mga imbensyon sa telekomunikasyon ang napayabong ng mga siyentipiko
hanggang sa kasalukuyang panahon.
Ang pagbuwag ng AT&T na siyang may monopolyo sa komunikasyon ang nagbigay
daan sa iba pang kumpanya upang payabungin ang industriya ng
telekomunikasyon..
Gawain 3: Paglalapat
Kung may bagong labas na teknolohiya, anu-ano ang dapat mong
tingnan bago mo bilhin ang teknolohiya? Ilista ang iyong mga kriterya
bago gumamit ng teknolohiya at isulat ang iyong katwiran kung bakit mo
nilagay ang isang kriterya.
18
Kriterya Katwiran sa Pagsulat ng kriterya
Halimbawa: presyo
ng teknolohiya
Mahalaga ang presyo sapagkat makikita ko
kung kaya ko itong bilhin o hindi
ARALIN 2 MGA PAKINABANG NATIN SA TEKNOLOHIYA
Isipin mo kung wala pang telepono, sasakyan, telebisyon, radyo at marami pang
iba sa kasalukuyan. Ano kaya ang mangyayari? Sa araling ito, tutunghayan natin ang
maraming pakinabang na nakuha nating sa ibang-ibang uri ng teknolohiya.
Ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa at pagtatapos ng mga gawain sa araling ito.
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Nasusuri ang mga pakinabang na nakukuha sa teknolohiya para sa sarili;
2. Naipaliliwanag ang pakinabang na makukuha sa teknolohiya ng mga bansa; at
3. Nakapaghuhusga ng mga teknolohiya na pakikinabangan ng bansa.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! I. Punan ang Tsart. Isulat ang teknolohiya at sa tapat nito ay ang pakinabang
sa sarili at bansa.
19
Teknolohiya
Pakinabang para sa Sarili
Pakinabang para sa Bansa
1.
2.
3.
4.
5.
II. Ano ang mas mahalaga para sa iyo, makinabang ang sarili sa teknolohiya o
makinabang ang bansa? Ipaliwanag. _____________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Mga Pakinabang sa Teknolohiya
Iba-iba ang mukha ng pakinabang sa teknolohiya. Maaring pakinabangan ito ng
buong mundo o iilang bansa lamang. Narito ang mga pakinabang ng teknolohiya.
• Pakinabang ng Europa at Hilagang Amerika
• Pakinabang ng Europa at Hilagang Amerika
20
Ang mga naunang teknolohiya ay nagsimula sa mga sinaunang sibilisasyon sa
Tsina, India at Mesopotamia sa Asya. Subalit nang magsimula ang mga imbensyon sa
Europa, naging mabilis at patuloy ang imbensyon ng mga teknolohiya hanggang
madama nila ang kakulangan sa mga hilaw na kagamitan. Dito nagsimulang
manggalugad sa Amerika, Asya at Aprika ang mga bansa sa Europa. Ang mga likas na
yaman na nakuha nila sa mga bansang nasakop ay ginamit nila para sa produksyon ng
ibat-ibang gamit tulad ng mga gamit pambahay, sasakyan, makinarya sa industriya at
agrikultura, bag, sapatos, damit, kosmetiko, gamot, pagkain at marami pang iba. Upang
patulo ang daloy ng hilaw na material sa Europa, sinakop nila ang mga bansang
narrating at ginawa nila itong mga kolonya. Hindi lang hilaw na materyales ang nakuha
sa kanilang mga kolonya, nakakuha din sila ng mga manggagawa na mura ang sahod.
Ang ganitong sistema ay nagpayaman sa mga bansa sa Europa.
Ang sistemang kolonyalismo at imperyalismo ng Europa ay sinundan din ng mga
bansa sa Amerika na pinangungunahan ng Estados Unidos. Dagdag sa mga produkto
at murang paggawa, nakinabang din ang mga bansang ito lalo na nang itinayo ang
maraming pabrika sa mga nasasakupang bansa. Ang mga korporasyon na itinatag sa
mga dating kolonya ay tinawag na Multinational Corporation. Tumagal ang buhay ng
kanilang mga likas na yaman sa Europa. Kumunti ang polusyon sapagkat kaunti na
lang ang mga pabrikang malakas sumira sa kapaligiran.
Militar
Naging makapangyarihan ang mga bansa sa Europa at Amerika sapagkat
naimbento nila ang mga makabagong armas, barko at eroplano na nakatulong nang
malaki sa kanilang pakikidigma. Ang kapangyarihang militar ay naging kakambal ng
kapangyarihang pulitikal. Kayang-kaya nang diktahan ng mga makapangyarihang
militar ang mga lider ng bansa. Nagawang pasununurin ng mga makapangyarihang
bansa ang mga lider ng mga mahihinang bansa sa Asya, Aprika at Latin Amerika. Ang
mga mahihinang bansa na ito ay naging sunod-sunuran sa nais mangyari ng mga
makapangyarihan bansa.
21
Agrikultura
Malaki ang naitulong ng mga traktor, thresher, mga makinang pang-ani,
pagtatanim, kaalaman sa paggamit ng pataba at pestisidyo, pagmamanipula ng mga
genes (genetically manipulated organisms) at iba pang teknolohiya sa ating agrikultura.
Pinarami, pinahusay at pinatatag ng mga teknolohiyang ito ang mga produktong butil,
gulay, prutas at karne kayat kahit papaano ay nakakaagapay tayo sa mabilis na
pagdami ng populasyon.
Medisina
Maraming uri ng mga makabagong instrumento sa pagsusuri ng sakit at
panggagamot ang naimbento upang makagamot at makapagpanatili ng kalusugan ng
tao. Kahit na mga sakit na maselan tulad ng kanser at Acute Immune Disease
Syndrome (AIDS) ay nagagamot na rin sa tulong ng teknolohiya. Ang mga magkakadikit
na kambal ay napaghihiwalay na. Ang mga lamang-loob tulad ng puso, atay, baga,
kidney at iba pa ay napapalitan at naayos na rin. May mga bulag na nakakita na, may
mga pipi na nakapagsasalita na at mga bingi na nakakarinig na. Kung hindi man
natanggal ang kanilang kapansanan, marami namang naimbentong teknolohiya upang
sila ay mabuhay ng normal. Ang kulay ng balat, hugis ng mata, ilong, bibig, pilik mata at
maging ang seks ay maari na ring palitan, salamat sa teknolohiya!
Dati-rati, nasa limampung taong gulang lamang ang tao at sila ay namamatay
na. Ngunit dahil sa makabagong teknolohiya, humaba ang buhay ng tao. Ang
karaniwang buhay ng tao sa kasalukuyan ay umaabot na sa pitumpo hanggang
walumpong taong gulang lalo na sa mga bansang mayayaman. Ang teknolohiya sa
larangan ng medisina ay isa sa pinaunlad ng mga siyentipiko upang tumagal ang buhay
ng tao.
22
Negosyo
Noong panahon ng kastila, ang yelo ay nanggagaling pa sa Europa. Ito ay
dinadala ng mga barko kasama pa ng ibang produkto na gawa sa Europa. Gayundin,
ang mga paminta, bawang, sibuyas at iba pang produkto na galing dito sa Pilipinas at
Asya ay aabutin ng maraming buwan bago makarating sa Europa. Ang mga balita at
ideya mula sa Espanya ay nakakarating dito sa Pilipinas ng isa hanggang dalawang
taon dahil dumadaan pa ng Mexico. Ang mga kalapit bansa ay nakikipagkalakalan sa
pamamagitan ng hanging habagat at amihan (tradewinds). Ngunit nang maimbento ang
mga mabibilis na barko, eroplano at telekomunikasyon, lalo na ang internet, napabilis
ang palitan ng mga produkto ng mga bansa sa mundo.
Kung ano ang produktong meron sa Europa, Amerika, Australya, Aprikaat
kungsaan-saanpa, meron na rin dito sa Pilipinas. Hindi na natin kailangang pumunta sa
Amerika at Europa upang makatikim ng tsokolate, keso at alak. Gayundin, hindi na
kailangang pumunta ng mga taga-ibang bansa sa Pilipinas upang magkaroon ng mga
produktong ipinagmamalaki natin. Ito ay dahil sa makabagong transportasyon at
telekomunikasyon. At dahil din sa larangang ito, ang mga negosyante ay madaling
mangasiwa ng kanilang mga negosyo sa ibat-ibang panig ng mundo. Maaaring
makipagmiting sa ibat-ibang panig ng daigdig sa pamamagitan ng video conference.
Ang mga nag-uusap ay galing sa ibat-ibang lahi.
Napabilis din ang daloy ng mga pera dahil sa modernong pagbabangko. Hindi na
natin kailangang pumunta sa ibang bansa upang personal na magbayad. Ang bangko
na ang bahala sa ganitong transaksyon. Kayat napapabilis ang pakikipagkalakalan ng
mga produkto at serbisyo sa buong mundo.
Panlipunan
Ang teknolohiya sa telekomunikasyon ang siyang may pinakamalaking epekto sa
interaksyon ng mga tao sa daigdig. Dahilan sa Cellphone at internet ang kasalukuyan
ay pinagbabahaginan na ng mga tao sa mundo. Mabilis na dumarating ang mga
23
impormasyon sa tao at ito rin ang nag-uugnay-ugnay sa pagkakaroroon ng isang
lipunang walang hangganan at kulturang global. Bagamat marami pa rin ang may
kulturang pambansa at lokal, marami na ring mga tao ang nakakaranas sa kulturang
global lalo na kung ang mga kausap nila sa internet at cellphone ay mga dayuhan.
Inggles ang wikang nag-uugnay-ugnay sa mga kultura kayat kapag ito ay nagpatuloy,
tuluyan nang magiging global ang ating kultura.
Ang pagbabago ng kultura ay sanhi din ng mga moderno at mabilis na uri ng
transportasyon kayat ang mga tao ay madaling nakarating sa ibat-ibang bansa. Ang
mga Pilipino halimbawa ay madaling pumunta sa ibang bansa upang maghanapbuhay.
Pagbalik nila sa ating bansa, dala-dala na nila ang kultura ng mga bansang napuntahan
nila. Ang ganitong mga karanasan ay unti-unti nagpapabago sa ating kultura
Napagaan din ng teknolohiya ang mga gawain sa bahay kayat ang mga
kababaihan na dating nasa bahay lamang ay may panahon na din na maghanapbuhay
at makisali sa buhay pulitika sa lipunan. Napalitan na ng modernong kasangkapan sa
bahay ang gawain ng mga kababaihan, kayat may panahon na silang mag-aaral upang
maiaangat ang kanilang kalagayan sa lipunan.
Sa larangan ng paglilibang lalong dumami ang teknolohiya. Nariyan ang ibat-
ibang katangian ng telebisyon, sine, videoke, cd, vcd at marami pang iba upang
malibang ang mga tao. Nababago ng teknolohiya ang ating mga kilos at gawi sa
pamumuhay (lifestyle).
Naging moderno na rin ang mga teknolohiya sa pagkuha ng impormasyon sa
larangan ng edukasyon. Ang mga multimedia at computer ay mga kasangkapan upang
mapabilis at maging makabuluhan ang pag-aaral. Sa dali ng pagkuha ng datos, ang
suliranin na lang sa pagtuturo ay kung paano matututunan ang kasanayan sa mataas
na antas ng pag-iisip.
Higit sa lahat, mabilis at madaling magtulungan ang mga tao kung sakaling may
mga nabiktima ng natural na kalamidad, sakit o pang-aabuso sa mga tao. Dahil mabilis
kumalat ang balita, ang kalagayan ng mga taong biktima ng anumang uri ng aksidente
o sakit ay kaagad-agad matutulungan.
24
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panuto: Magsaliksik at ilista sa tsart ang maari pang pakinabang na
makukuha sa teknolohiya na hindi nabanggit sa itaas.
Larangan Halimbawa ng
Teknolohiya
Pakinabang
Agrikultura
Ekonomiya
Pulitika
Kultura
25
Medisina
Mga Tanong:
1. Gaano kahalaga ang teknolohiya para sa isang bansa? Ipaliwanag. _______________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. May mga teknolohiya ba na pantay ang pakinabang ng babae at lalaki? Ipaliwanag. __
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Tandaan Mo! Malaki ang pakinabang ng mga bansa sa Europa at Amerika sa
kanilang mga imbensyon.
Ang teknolohiya ang nagpagaan ng larangang agrikultura, negosyo o
kabuhayan, medisina, panlipunan at militar.
26
Gawain 3: Paglalapat Panuto: Marami na ang nakikinabang sa mga teknolohiya sa pagreretoke
ng katawan ng tao. Halimbawa dito ay noselift, facelift, liposuction at bust
enhancement. Kung ikaw ay maraming pera, gagawin mo rin ba ito? Ipaliwanag.
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.
ARALIN 3 MGA ISYU AT SULIRANIN SA TEKNOLOHIYA
Marami tayong pakinabang sa mga teknolohiyang naimbento sa kasalukuyan.
Ngunit sa isang banda, marami ding suliranin at isyu na dulot ng teknolohiya.
Halimbawa, inimbento ng enerhiyang nukleyar upang mapunan ang pangangailangan
ng tao sa enerhiya. Subalit may mga taong ginawa naman itong bomba upang masupil
ang buhay ng tao. Kayat marapat lamang, pag-uusapan natin sa araling ito ang mga
kasamaang dulot ng teknolohiya pati na rin ang mga isyu patungkol dito.
27
Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong:
1. Nakakapagbibigay ng halimbawa ng mga teknolohiyang kontrobersyal;
2. Nakapagsusuri ng mga suliranin at isyu na dulot ng teknolohiya; at
3. Nakapagbibigay ng rekomendasyon upang maiwasan ang mga teknolohiyang
nakasasama sa tao.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Maglista ng halimbawa ng teknolohiya at isulat ang masamang dulot nito o
ang isyu na kaakibat nito.
Teknolohiya
Kasamaang Dulot o Isyu
1.
2.
3.
4.
5.
28
Mga Tanong:
1. Kailan sinasabing isyu ang paggamit ng isang teknolohiya?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________.
2. Anu-anong larangan dapat tingnan ang kasamaang dulot ng teknolohiya?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pakinabang sa Kapaligiran
Maraming pakinabang ang nakukuha natin sa teknolohiya. Subalit sa isang
banda, nararanasan naman natin ang mga hindi mabuting dulot ng teknolohiya.
Pagkasira ng Paligid
29
Ang mga mineral ay ang hilaw na materyal na siyang karaniwang ginagamit upang makabuo ng mga makinarya. Ang mga mineral na ito ay ang yamang nauubos. Halimbawa, ang supply ng langis ay tatagal lamang hanggang may nakukuha sa kalupaan. Ang sobrang paggamit ng teknolohiya upang mabilis tayong makakuha ng mga likas na yaman ay nakapagpapababa ng antas ng ating paligid.
Dahil kailangan natin ang kahoy upang maging kagamitan, naimbento ang mabilis na pamutol nito kayat, mabilis na ring nauubos ang mga kagubatan. Ganito din ang nangyayari sa mga isda at iba pang yamang tubig. Mabilis namang nauubos ang sustansya ng mga kalupaan ganundin ang ibat-ibang halaman at hayop dahil sa sobrang konsumo at paggamit nito. Ang hangin ay punong-puno na ng kemikal na nagiging sanhi ng polusyon. Ang Ozone Layer na siyang nagbibigay proteksyon sa atin sa sobrang init ay nabubutas na dahil sa epekto ng mga carbon monoxide at CFC. Ang ganitong kalagayan ay nagdudulot ng sobrang init ng panahon o ang tinatawag na greenhouse effect. Banta sa Kalusugan
Bagamat malaki ang tulong ng teknolohiya sa medisina, may mga panibagong
sakit naman na lumalabas dahil din sa pagmamanipula ng mga halaman at hayop. Naging problema ang Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS), HIV-AIDS, Bird Flu, foot and mouse disease at marami pang iba ng mga bansa. Tinatayang ilan sa mga sakit na ito ay dulot ng pagmamanipula ng mga genes (GMO-Genetically Manipulated Organism) ng mga hayop at tanim.
Ang Genetically Manipulated na Mais
30
Pagdepende ng mga Mahihirap na Bansa sa Mayayamang Bansa
Karaniwang ang mga teknolohiya ay nanggagaling sa mga mayayamang bansa.
Upang mabenta ang mga ito, karaniwang ipinauutang ang mga ito sa mahihirap na
bansa. Dahil sa kagustuhan ng mga mahihirap na bansa na maging makabago,
napipilitan sila na tanggapin ang alok ng mga mayayamang bansa. Ito ang isa sa mga
dahilan upang mabaon sa utang ang mga mahihirap na bansa. Dahil sa nakabaon na
sila sa utang, pumapayag na sila sa mga kondisyon ng mga bansang inutangan nila
nahihirapan. Ito ang nagpapasimula ng kawalan ng kalayaan ng mga pinuno ng bansa
ng magdesisyon para sa sariling bansa.
Ang idinidikta naman ng mga mayayamang bansa ay mga patakarang
pakikinabangan nila upang sila ay lalong yumaman. Halimbawa, maraming produktong
banyaga ang kumakalat sa ating bansa dahil sa patakarang liberalisasyon at malayang
kalakalan na nais ipatupad ng mga mayayamang bansa tulad ng Hapon, Estados
Unidos at mga bansa sa Europa. Tuloy, hindi na natin makayanang gumawa at
magtinda ng sarili nating produkto. Ang ganitong sistema ay lalong nagpalawak ng
agwat ng mga mayayaman at mahihirap na bansa.
Pagkasira ng Pagpapahalaga at Tradisyon May mga teknolohiyang nagbabadya ng panganib sa pagkawala ng kinagisnang
kultura sapagkat nawala rin sila sa kanilang lupang kinagisnan. Maraming kaso sa
Pilipinas at sa iba pang mahihirap na bansa na ang dahilan ng pagkawala ng kultura ay
dahil sa teknolohiya. Halimbawa, ang pagtatayo ng mga dam sa kabundukan sa
Cordillera at Mindanao ay nagpalubog sa mga lupain ng mga katutubo. Ang lupaing ito
ay hindi lamang pinagkukunan ng kanilang pagkain. Sa mga lupain ding ito umiinog ang
kanilang sistema ng paniniwala at pagpapahalaga. Ang paglubog ng kanilang lupain
dahil sa dam ay nangangahulugan ng pagkawala ng kanilang mga lupang tinubuan na
itinuring nilang sagrado.
31
Ang mabilis na daloy ng telekomunikasyon at transportasyon ay nagdudulot ng
pag-impluwensya ng mga dominanteng kultura sa mga mababang uri ng kultura. Ang
Europa at Estados Unidos ang may mga dominanteng kultura sa mundo. Ang mga
kulturang ito ay mabilis na kumakalat sa ibat-ibang paraan: telebisyon, internet,
telepono, sine at iba pa. Malakas ang impluwensya ng mga kulturang ito sa mga tao sa
mundo. Ito ay nangangahulugan ng pagkonsumo ng mga tao ng anumang material na
bagay na ipinalalaganap ng mga mayayamang bansa na ito. Kayat ang mga
mayayayamang kumpanya sa buong daigdig ay nasa Estados Unidos at Europa at
karaniwang nasa larangan ng libangan. transportasyon at telekomunikasyon.
Halimbawa, ang kumpanya ng sine ng Time Warner at BMG Records ang siyang may
pinakamalaking industiya at kita sa buong daigdig. Ito rin ay patunay na kayang-kayang
sapawan ng kulturang ipinahahayag ng mga kumpanyang ito ang mga tradisyunal na
kultura ng mga mahihirap na bansa.
Paglawak ng Krimen Dati-rati ang krimen ay nasa isang pamayanan lamang makikita ang
pinagganapan at pinagmulan ng krimen. Nang nagkaroon ng telepono at modernong
transportasyon ang mga bansa, ang krimen ay lumawak sa loob ng bansa. Nang naging
mahusay ang daluyan ng transportasyon at telekomunikasyon sa mundo, lalong
lumawak ang sakop ng krimen. Halimbawa, ang terorismong naganap noong ika-11 ng
Setyembre, 2003 ay pinaghinalaang pinagplanuhan ng grupo ni Osama Bin Laden sa
Afghanistan. Ang iba pang terorismo sa Estados Unidos, Asya at Amerika ay dahil sa
lawak din daw ng galamay ni Saddam Hussein at Osama Bin Laden. Sa kasalukuyang
sitwasyon, posibleng ang krimen ay naganap sa Maynila o sa Sulu, ngunit ang mga
nagplano at ulo ay nasa ibang bansa. Nararanasan din natin ngayon ang krimen dala ng internet. Ito ay ang cybersex.
Sa pamamagitan din ng internet nagagawa ang krimen ng sex trafficking at mail order
bride. Maraming kababaihan, bata o matanda at mga batang lalaki ang naging biktima
na ng ganitong krimen.
32
Mabilis din ang illegal na paglabas ng mga pera ng bansa lalo na kung ito ay
galing sa masamang paraan sa pamamagitan ng off shore banking. Money laundering
ang tawag sa krimen na ito. Ginagawa ito karaniwan ng mga corrupt na opisyal ng
pamahalaan, smuggler, kidnapper, trafficker at dealer ng mga droga.
Nagagawa ang lahat ng ito dahil sa mahusay ng sistema ng transportasyon at
komunikasyon ng mga bansa.
Banta sa Kapayapaan ng mga Bansa
Ang isyu ng terorismo ay hindi lamang isang krimen sa isang lugar kundi ito ay
naging pandaigdigang isyu. Dahil sa paghahanap ng Estados Unidos kay Osama Bin
Laden sa Afghanistan, hinikayat ang mga bansa na sugurin ang kuta nina Osama Bin
Laden. Ginamit nila sa pagsugod at pagbomba ng mga kuta sa Afghanistan ang
kanilang makabagong armas.
Gayundin ang ginawang istratehiya ng Estados Unidos sa pagsugod sa Iraq
upang bombahin ang kuta ni Saddam Hussein. Pinaniniwalaan kasi na may itinatagong
armas na nakamamatay ng buhay si Saddam Hussein. Hati ang mga bansa sa pagsali
sa pakikipagdigma ng Estados Unidos sa Afghanistan at Iraq. May mga bansang
kumampi sa Estados Unidos at may mga bansang nagbigay-kritisismo sa aksyon ng
Estados Unidos.
Marami pa ang mga pangyayari na ginagamit ng mga bansa ang kanilang
teknolohiya ng mga armas upang kumitil ng buhay at sumira ng kapaligiran. Lalong
napapatindi ang awayan ng mga bansa dahil sa paninirang dulot ng kanilang mga
armas.
Isyu sa Pagsasalin ng Teknolohiya Ang mga teknolohiyang nanggaling sa mayayamang bansa ay isinasalin sa mga
mahihirap na bansa sa pamamagitan ng mga eksperto. Siyempre, ang mga eksperto ay
33
galing din sa mga mayayayamang bansa na pinanggalingan ng teknolohiya.
Kadalasang, nakapatong ang bayad ng ekspertong magtuturo sa mga mahihirap na
bansa sa mga produktong inangkat.
Maraming problema tuloy ang dulot ng pag-angkat ng makabagong teknolohiya;
Una, maraming teknolohiya ang inutang ng mga mahihirap na bansa kasama ang mga
eksperto. Kayat baon sa utang ang mga mahihirap na bansa. Sila pa rin ang nagbibigay
ng empleyo sa mga mayayamang bansa. Ikalawa, marami sa mga teknolohiyang ito ay
hindi agad nagagamit sapagkat hindi kaagad natutunan ng mga taong tinuturuan ang
sistema ng paggamit nito. Kayat maraming buwan ang nasasayang sa hindi paggamit
ng mga ito. Ikatlo, kapag nasira ang mga makinaryang inangkat, masyadong mahal ang
mga bahagi ng makinarya na aangkatin pa sa bansang pinanggalingan nito. Ikaapat,
may mga iskolar na pinaaral sa mayayamang bansa na galing sa mahihirap na bansa
upang matutunan ang paggamit at pag-aayos ng teknolohiyang inangkat. Maraming
kaso sa mga pinag-aral na ito ang hindi na bumabalik sa bansang pinanggalingan
sapagkat mas malaki ang sahod nila sa mga mayayamang bansa. Ito ay isang sanhi ng
brain drain sa mahihirap na bansa.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panuto: Magdagdag pa ng mga kasamaang dulot ng teknolohiya sa mga sumusunod na larangan:
Larangan Teknolohiya Kasamaang dulot ng
teknolohiya
1. Libangan
2. Telekomunikasyon
3. Pulitika
4. Kalakalan
34
Mga Tanong:
1. Anu-ano ang mga teknolohiyang gamit ng inyong pamayanan sa kasalukuyan? ___
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Palagi bang pakinabang ang dulot nito? Ipaliwanag. _________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tandaan Mo! Ang teknolohiya ay maraming dulot na kasamaan. Ang mga ito ay :
• pagkasira ng paligid
• pagdepende ng mahihirap na bansa sa mayayamang bansa
• pagkasira ng tradisyon at pagpapahalaga ng isang kultura
• paglawak ng krimen
• banta sa kapayapaan
• banta sa kalusugan
Ang pagsasalin ng teknolohiya sa mga mahihirap na bansa ay isang malaking isyu.
35
Gawain 3: Paglalapat
Panuto: Anu-ano ang pagkilos na gagawin mo sa mga sumusunod na
sitwasyon? Ipaliwanag ang iyong katwiran sa pagkilos.
1. May kumakalat na GMO na gulay sa inyong pamayanan, ano ang iyong gagawin?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. May mga nangingisda na gumagamit ng dinamita, ano ang iyong gagawin? ___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________ 3. May mga gumagamit ng kemikal upang hindi kaagad mabulok ang mga pagkain,
ano ang iyong gagawin?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______________________________________________________________.
36
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO:
Ang mga sumusunod ay pangunahing kaisipan na dapat mong tandaan tungkol
sa modyul na ito:
Sa mga bansa sa Asya at particular sa Tsina ang simula ng imbensyon ng
sinaunang teknolohiya.
Panahong 1200 nagsimula ang imbensyon sa Europa.
Panahong 1800 nagsimula ang imbensyon sa Estados Unidos.
Ang mga imbensyon sa telekomunikasyon ang napayabong ng mga
siyentipiko hanggang sa kasalukuyang panahon.
Ang pagbuwag ng AT&T na siyang may monopolyo sa komunikasyon ang
nagbigay daan sa iba pang kumpanya upang payabungin ang industriya ng
telekomunikasyon.
Malaki ang pakinabang ng mga bansa sa Europa at Amerika sa kanilang mga
imbensyon.
Ang teknolohiya ang nagpagaan ng larangang agrikultura, negosyo o
kabuhayan, medisina, panlipunan at militar.
Ang teknolohiya ay maraming dulot na kasamaan. Ang mga ito ay :
• pagkasira ng paligid,
• pagdepende ng mahihirap na bansa sa mayayamang bansa
• pagkasira ng tradisyon at pagpapahalaga ng isang kultura
• paglawak ng krimen
• banta sa kapayapaan
• banta sa kalusugan
Ang pagsasalin ng teknolohiya sa mga mahihirap na bansa ay isang malaking
isyu.
37
PANGHULING PAGSUSULIT: I. Isulat ang titik ng tamang sagot: _____1. Unang nagkaroon ng teknolohiya sa
A. Asya
B. Aprika
C. Estados Unidos
D. Europa
_____2. Ang mga kasalukuyang teknolohiya na lumalaganap sa daigdig ay
nagsimula sa
A. Asya
B. Aprika
C. Estados Unidos
D. Europa
_____3. Ang may malaking pakinabang sa teknolohiya ng Europa at Hilagang
Amerika ay ang mga
A. Mahihirap na bansa
B. Mayayaman na bansa
C. Papaunlad na bansa
D. A at B
_____4. Ang pinakamalawak na mabuting epekto ng teknolohiya ay sa larangan ng
A. Ekonomiya
B. Kapaligiran
C. Kultura
D. Libangan
_____5. Ang kondisyon sa ekonomiya na nagpaimbulog ng pag-unlad ng
telekomunikasyon ay
A. Malayang Kalakalan
B. Monopolyo
C. Oligopolyo
D. Sosyalismo
_____6. Ang telekomunikasyon ang siyang pinakamahalagang imbensyon sa
kasalukuyan sapagkat ito ay
A. Nagpayaman sa halos lahat ng bansa
B. Nag-uugnay ng kasalukuyan ng halos lahat ng tao
C. Nag-uugnay ng mga mayayaman at mahihirap na tao
D. Nagpayabong sa halos lahat ng kultura ng mga bansa
38
_____7. Pinagaan ng teknolohiya ang mga sumusunod maliban sa:
A. Kultura
B. Libangan
C. Medisina
D. Negosyo
_____8. Ang paghaba ng buhay ng tao ay dahil sa
A. Makabagong medisina sa Europa at Hilagang Amerika
B. Sinaunang medisina sa Tsina at Hapon
C. Pananaliksik ng mga halaman at hayop
D. Makabagong medisina sa Tsina
_____9. Ang mga susumusunod ay salik kung bakit mahirap isalin ang teknolohiya
ng Hilagang Amerika at Europa:
A. Magkaiba ng kasanayan ang mga tao
B. Magkaiba ng teknolohiya ang mga bansa
C. Hindi akma sa kultura ng bansang sasalinan
D. Walang kasanayan ang mga tao ukol sa teknolohiya
_____10. Ang mga mahihirap na bansa ay dumepende sa ekonomiya ng mga
mayayamang bansa dahil sa
A. Pagkakabaon sa utang
B. Wala silang pinagkukunan ng hilaw na yaman
C. Hindi sapat ang kanilang edukasyon upang gumamit ng teknolohiya
D. Hindi sapat ang kanilang kaalaman upang mag-imbento ng teknolohiya
_____11. Ang mga sumusunod ay mga suliranin na dulot ng pagsasalin ng
teknolohiya maliban sa
A. brain drain
B. Pagkakabaon sa utang
C. pagkakatatag ng mga pamantasan
D. Migrasyon ng Pilipino sa Ibang bansa
39
_____12. Ang paghahangad ng taga-Europa na dumami ang kanilang hilaw na
materyal ang siyang nagbunsod upang sila ay
A. Mangalakal
B. Sumakop ng mga bansa
C. Magtatag ng mga makabagong daungan
D. Magtatag ng makabagong telekomunikasyon
_____13. Alin ang naging mabuting resulta ng teknolohiya?
A. Malayang kalakalan
B. Pakinabang sa Palitan ng mga produkto
C. Pagyaman ng mga taga-Hilagang bansa
D. B at C
E. A at B
_____14. Alin sa mga sumusunod ang hindi katanggap-tanggap?
A. Ang teknolohiya ay palaging may masamang kahihinatnan.
B. Ang telekomunikasyon ang siyang pinakamabilis na magbago.
C. Apektado ng modernong teknolohiya ang kultura ng mga bansa.
D. Ang mga suliranin sa kapaligiran ay kadalasang dulot ng teknolohiya.
_____15. Alin sa mga sumusunod ang pinakamoderno?
A. Internet
B. Radyo
C. Telebisyon
D. Telepono
II. Punan ang tsart. Paghambingin ang mga teknolohiya sa pamamagitan ng
paglalagay ng kriterya bago paghahambing.
40
Kriterya Telepono Cellphone
1.
2.
Kriterya Telebisyon Internet
1.
2.
3.
III. Sanaysay (10 puntos ang bawat isa)
1. Alin ang ibinibigay ng teknolohiya, pakinabang ba o panganib? ___________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Ano ang dapat nating gawin upang ang mga Pilipino ay maitanghal din na imbentor? _
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
41
GABAY SA PAGWAWASTO:
PANIMULANG PAGSUSULIT I.
1. T
2. M
3. M
4. M
5. M
6. M
7. T
8. M
9. T
10. M
11. M
12. M
13. T
14. M
15. M
II.
1. C
2. C
3. B
4. B
5. B
6. C
7. C
8. C
9. B
10. C
ARALIN 1 MGA IMBENSYON SA IBAT-IBANG PANAHON ARALIN Gawain 1: Pag-isipan Mo!
A- Airplane
B- Ball pen
C- Computer
D- Dump Truck
E- Egg beater, electric Fans
F- Funnel
G- Guns
H- Highways
I- Intel Computer, Internet
J- Java Program
42
K- Karaoke
L- Land Cruiser
M- Microphone, Microwave
N- Nebulizer
O- Operating Room
P- Phone
Q- Quartz Watch
R- Radio
S- Sony Technology
T- Telebisyon
U- Ultrasound
V- Videophone
W- World Wide Web, water pump
X- X-ray
Y-YKL Foto
Z- Zworykin camera
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman 2. Punan ang Tsart
Panahon Imbensyon Pakinabang sa
Kasalukuyan
Panahong 1-1000 Papel Sulatan
Panahong 1001-1500 palimbagan Nilimbag na aklat
Panahong 1501-1800 kuryente Paglalaba, libangan,
atbp
Panahong 1801-1866 telegrama komunikasyon
Panahong 1867-1900 loudspeaker Komunikasyon sa
malaking populasyon
Panahong 1901-1950 Radio Balita at musika
Panahong 1951-1999 Computer Komunikasyon at
pagsusulat ng sanaysay
43
3. Batay sa karanasan ng ng mag-aaral
Gawain 3: Paglalapat
ARALIN 2 MGA PAKINABANG NATIN SA TEKNOLOHIYA ARALIN Gawain 1: Pag-isipan Mo! 1. Punan ang Tsart
Teknolohiya Pakinabang para sa
Sarili
Pakinabang para sa Bansa
1. Washing
Machine
Hindi pagod Ang mga kababaihan ay
hindi hirap maglaba
2. Internet Pakikipag-ugnayan sa
iba
Pakikipag-ugnayan sa bansa
3. Relo Pagbabadget ng oras Pagbabadget ng oras
sa trabaho
4. Rice Cooker Hindi pagod Ang kababaihan ay hindi
hirap
5. Telebisyon Makakalap ng
importmasyon
Ang mga mamamayan ay
maraming alam na
importmasyon
Kriterya Katwiran sa Pagsulat ng kriterya
Halimbawa: presyo
ng teknolohiya
Mahalaga ang presyo sapagkat makikita ko kung
kaya ko itong bilhin o hindi
Bigat Mas magaan, mas madali gamitin
Pakinabang Buong bansa ay may pakinabang
Malapit Bilhin Upang makarating sa malalyong pook
44
2. Batay sa karanasan ng mag-aaral
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman 1.
Larangan Halimbawa ng Teknolohiya Pakinabang
Agrikultura Makinarya ng pag-ani Hindi mabubulok ang
produkto
Ekonomiya Pagpapadala ng pera sa
cellphone
Hindi madaling manakaw ang
pera
Pulitika Computerization ng eleksyon Mahirap dayain ang resulta
Kultura DVD na video camera Mas mabilis ang pagkuha ng
dokumento
Medisina Gamot sa Kanser Hahaba ang buhay ng tao
2. Batay sa karanasan ng mag-aaral
Gawain 3: Paglalapat
Batay sa pagpapahalaga ng mag-aaral
ARALIN 3 MGA ISYU AT SULIRANIN SA TEKNOLOHIYA Gawain 1: Pag-isipan Mo! 1.
Teknolohiya Kasamaang Dulot o Isyu
1. Nuclear Energy Mga armas
2. GMO Panibagong sakit
3. computer games Hindi nakakapag-aaral ng mga aralin
4. cell phone Sex text
5. internet cybersex
45
Mga Tanong:
1. Masasabing isyu ang paggamit ng teknolohiya kung ang isang bagong naimbento
ay maaring makapagbigay ng pakinabang o suliranin sa mga tao o bansa.
Halimbawa, ang GMO ay maaring makapagprodyus ng maraming pagkain ngunit
may mga nagsasabing nakasisira naman ito ng mga genes ng tradisyonal na
pananim.
2. Dapat tingnan ang kasamaang dulot ng teknolohiya sa pamumuhay, kalusugan,
kapayapaan ng tao, istruktura ng lipunan maging ang epekto nito sa ating kapaligiran.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Larangan Teknolohiya Kasamaang dulot ng
teknolohiya
1. Libangan Internet gaming Bisyo ng mga kabataan
2. Telekomunikasyon videophone Pagdedepende ng mga
mahihirap na bansa sa
mayayamang bansa
3. Pulitika Kompyuter Pagmamanipula ng
datos
4. Kalakalan Paglalagay ng chips sa
katawan
Panibagong sakit
Mga Tanong:
1. Batay sa pamayanan ng mag-aaral
2. Batay sa karanasan ng mag-aaral
Gawain 3: Paglalapat 1. Magsaliksik pa ng mga epekto ng GMO at kung masama ang maidudulot nito,
kailangan itigil ang paggamit nito.
46
2. Ang paggamit ng dinamita sa pangingisda ay ipinagbabawal sapagkat ito ay may masamang epekto sa kalusugan ng mga tao. Mahalagang isuplong sa kinauukulan ang sinumang gumagamit ng dinamita. 3. Mahalagang kumuha ng sample at ipa-eksamen sa BFAD. Alamin din ang taong naglagay nito upang madaling mahuli sakaling nakasasama sa kalusugan ng tao ang kemikal na inilagay sa pagkain.
PANGHULING PAGSUSULIT
1. A 2. D 3. B 4. D 5. A
6. B 7. A 8. A 9. C 10. A
11. C 12. B 13. D 14. A 15. A
II. Punan ang Tsart (Maari pang tingnan ng guro ang sagot ng mag-aaral)
Kriterya Telepono Cellphone 1. Layo ng nararating Malayo din Mas malayo 2. Timbang mabigat magaan
Kriterya Telebisyon Internet 1. Bilis ng komunikasyon Mabilis Mas mabilis 2. Pakinabang sa negosyo
Mas kaunti kaysa sa internet ang sasagot sa patalastas
Mabilis ang sagot ng kausap sa patalastas
3. Ugnayan ng tao Madalang ang ugnayan ng mga tao
Mabilis ang ugnayan ng mga tao
III. Sanaysay Batay sa iyong karanasan ang sagot. Suriin ang sanaysay batay sa mga
sumusunod na kriterya: 1. Pagkakasunod-sunod ng mga argumento 2. Ang ideya ay naayon sa tanong 3. Ang pagsasayos ng talata ay mula sa pangunahing ideya at sinusuportahan ng mas maliliit na ideya.
1
ARALING PANLIPUNAN
(Effective Alternative Secondary Education)
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
MODYUL 24
KARAPATANG PANTAO
2
MODYUL 24 KARAPATANG PANTAO
Isang pagbati! Ikaw na nasa Ika-24 na modyul na. Ibig sabihin, ay matatapos na
ang kursong ito.
Ipinapaalam ng modyul na ito ang mga karapatan mo upang may magamit
kang pananggalang sa pang-araw-araw na pakikipagsapalaran mo sa buhay. Ang
mga karapatang pantao ay may malaking maitutulong upang mabigyan ka ng
proteksyon laban sa mga tao o grupo ng taong nais mang-api at magsamantala.
Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:
Aralin 1: Konsepto, Batayan at Uri ng Karapatang Pantao
Aralin 2: Iba Pang Pandaigdigang Instrumento ng Karapatang Pantao
Aralin 3: Paglabag sa Karapatang Pantao at mga Hakbang Upang Iwasan Ito
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang mga
sumusunod:
1. Maipaliwanag ang konsepto ng karapatang pantao at ang mga batayan nito;
2. Makapagbibigay ng mga halimbawa ng mga karapatang pantao batay sa mga
uri nito;
3. Masusuri ang iba’t ibang pandaigdigang instrumento ng karapatang pantao; at
4. Mailalahad ang mga uri ng paglabag sa karapatang pantao at masasabi ang
mga hakbang upang malunasan ang mga paglabag sa karapatang pantao.
3
PANIMULANG PAGSUSULIT: I. Panuto: Isulat kung ang mga sumusunod na karapatan at
karapatang Sibil, Pulitikal, Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkultural
_______________1. Karapatan sa impormasyon ukol sa idudulog na kaso laban sa
isang tao. ______________2. Karapatang mabuhay. ______________3. Karapatang maghanapbuhay. ______________4. Karapatang maglibang at magpahinga. ______________5. Karapatang sumali sa asembilya. ______________6. Karapatang sa edukasyon. ______________7. Karapatang panatilihin ang sariling sistema ng pagpapahalaga. ______________8. Karapatang bumoto. ______________9. Karapatang maging lider ng pamayanan at ng bansa. ______________10. Karapatang mamili ng hanapbuhay. II. Panuto: Punan ang mga patlang. 1. Ang pagtugon sa mga pangangailangan ng tao ay pagtugon sa
___________________. 2. Ang batayan ng karapatang pantao sa Pilipinas ay ang ___________________. 3. Ang instrumento upang mabigyang proteksyon ang karapatan ng mga
kababaihan ay ___________________. 4. Ang instrumento upang mabigyan proteksyon ang karapatan ng mga bata ay ang
___________________. 5. Ang karapatang sibil, pulitikal, pangkabuhayan, panlipunan at pangkultural ay
makikita sa ___________________. 6. Ang karapatang sibil, pulitikal, pangkabuhayan, panlipunan at pangkultural ay
mga karapatang dapat tamasihin ng ___________________. 7. Ang karapatang Pilitikal, panlipunan at pangkultural ay mga karapatang
tinatamasa ng mga pangkat at ___________________. 8. Kapag ang karapatan ay hindi natatamasa, ang mga karapatang ito ay
___________________. 9. Kapag ang isang tao ay binugbog, ito ay paglabag na ___________________. 10. Kapag ang isang babae ay napagsamantalahan, ito ay paglabag na
___________________.
4
ARALIN 1
KONSEPTO, BATAYAN AT URI NG KARAPATANG PANTAO
Malalaman mo sa araling ito ang konsepto at mga uri ng karapatang pantao.
Umiinog ang konsepto ng karapatang pantao sa pagbibigay proteksyon at
pagsusulong ng dignidad ng isang tao.
Ang karapatang pantao ay nahahati sa dalawa: karapatang pang indibidwal at
pangkatan. Ang mga karapatang pang-indibidwal ay ang mga karapatang sibil,
pulitikal, pangkabuhayan, panlipunan at pangkultural. Ang mga karapatang
pangkatan naman ay ang karapatan sa pagpapaunlad ng kabuhayan, lipunan, at
kultural.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Makapagpapaliwanag ng konsepto ng karapatang pantao at ang mga
batayan nito;
2. Makasusuri ng mga uri ng karapatang pantao at makapagbibigay-halimbawa
ng mga karapatan sa bawat uri; at
3. Makapagpapahayag ng mga kalagayan ng karapatang pantao.
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Gumuhit o gumipit ng mga larawan ng mga kailangan ng isang tao upang
mabuhay. Idikit sa bahagi ng katawan ng tao ang pangangailangang ito. Halimbawa:
idikit ang aklat sa bahaging ulo ng tao, ang pagkain sa tiyan, atbp.
Matapos idikit ang mga larawan ng mga kailangan ng tao, isulat sa paligid ng
drowing ang mga institusyong dapat tumulong upang makamtan ng tao ng kanyang
mga pangangailangan.
5
Suriin mo ang iyong ginawa:
1. Anu-ano ang mga pangangailangan ng tao upang mabuhay siya nang
marangal? ___________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
2. Anu-ano sa mga pangangailangang ito ang iyong natatamasa? __________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
3. Anu-ano naman sa mga pangangailangang ito ang hindi mo natatamasa?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
6
4. Anu-ano ang mga institusyon na kailangan ng tao upang makamit niya ang
kanyang mga pangangailangan? __________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
5. Ano ang mangyayari sa tao kung hindi niya natamasa ang kanyang
pangangailangan? _____________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
6. Ano ang nawawala sa tao kung hindi niya natatamasa ang kanyang mga
pangangailangan? _____________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
7. Ano ang nangyayari sa tao kung natatamasa niya ang kanyang mga
pangangailangan? _____________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
8. Para sa iyo, mahalaga ba nag karapatang Pantao? Ipaliwanag. __________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
Kahulugan at Kahalagahan ng Karapatang Pantao
Ang mga pangangailangan ng tao ay dapat matugunan upang siya ay
mabuhay. Karapatan ng tao na matugunan ang kanyang mga pangangailangan
upang siya ay mabuhay nang may dignidad bilang tao.
Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa
sandaling siya ay isilang. Ang pagkakamit ng tao ng mga pangangailangan niya tulad
ng pagkain. Damit, bahay, edukasyon at iba pang pangangailangan ay
nangangahulugan na nakakamit niya ang kanyang karapatan. Hindi maaaring
mabuhay ang tao kung hindi niya nakakamit ang kanyang mga karapatan. Mayroon
tayong karapatan dahil tayo ay tao. Ang pagkakaroon ng karapatang pantao ay
7
bahagi na ng pagiging tao at hindi na kinakailangan pang ito ay kilalanin ng
pamahalaan sa estado sapagkat likas na itong bahagi ng tao.
Mahalagang malaman natin ang ating karapatan upang matamasa natin ang
mga pangunahing pangangailangan natin bilang tao. Sinumang umagaw sa ating mga
pangangailangan o kumitil sa ating buhay ngang walang dahilan ay lumabag as ating
karapatn bilang tao. Maari tayong dumulog sa hukuman kung sakaling nahahadlangan
ang ating karapatan.
Ang pagkilala sa karapatang pantao ay pagkilala din sa karapatan ng iba. Ang
pagkilala sa karapatan ng iba ay nasasaad ng ating obligasyon na igalang ang
karapatan ng lahat ng tao. Kung lahat ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan ng
bawat isa, malaki ang posibilidad ng kapayapaan sa lahat ng aspeto ng ating buhay
sa lipunang Pilipino.
Ang Uri ng Karapatang Pantao
Tunghayan ang mga larawan sa tsart. Anu-ano ang mga uri ng karapatang
pantao na nakalarawan?
KARAPATANG PANTAO
8
Ang karapatang pantao ay nahahati sa karapatan bilang indibidwal at
pangkatan. Napansin mo marahil iyon sa mga larawan sa tsart.
1. Indibidwal o personal na karapatan. Ito ay ang mga karapatan na pag-aari
ng mga indibidwal na tao para sa pagunlad ng sariling pagkatao at kapakanan.
Ang mga karapatang ito at ang sibil o pulitikal ng karapatan, ang panlipunan,
pangkabuhayan, ay kultural na karapatan.
a. Karapatang Sibil. Ito ang mga karapatan ng tao upang mabuhay na
malaya at mapayapa. Ilan sa mga halimbawa ng karapatang sibil ay ang
karapatang mabuhay, pumili ng lugar kung saan siya ay maninirahan,
maghanapbuhay at mamili ng hanapbuhay.
b. Karapatang Pulitikal. Ito ang mga karapatan ng tao na makisali sa mga
proseso ng pagdedesisyon ng pamayanan tulad ng pagboto ng mga
opisyal, pagsali sa referendum at plebisito.
c. Karapatang Panlipunan. Ito ay ang mga karapatan upang mabuhay
ang tao sa isang lipunan at upang isulong ang kanyang kapakanan.
d. Karapatang Pangkabuhayan. Ito ang mga karapatan ukol sa
pagsususulong ng kabuhayan at disenteng pamumuhay.
e. Karapatang Kultural. Ito ang mga karapatan ng taong lumahok sa
buhay kultural ng pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad
ng pamayanan.
2. Panggrupo o kolektibong karapatan. Ito ang mga karapatan ng tao ng
bumuo ng pamayanan upang isulong ang panlipunan. Pangkabuhayan, at
pangkultural ng pag-unlad sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang likas na
kayamanan at pagsusulong ng malusog na kapaligiran.
9
Mga Batayang Legal ng Karapatang Pantao Ang pagkakaroon ng karapatang pantao ay nakabatay sa mga ginagawang
batas sa Pilipinas at sa mga pandaigdigang kasunduan. Bagamat ang tao mula sa
kanyang pagsilang ay may karapatang dapat na natatamasa na, mas nakasisiguro
tayo kung ito ay nakasulat sa ating batas upang magsilbing sandigan natin kung
sakaling hindi natin natatamasa ang ating mga karapatan.
Ang mga pangunahinh instrumentong legal ay ang Saligang-Batas ng Pilipinas
at ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao.
Mga Artikulo sa Saligang-Batas ng Pilipinas na Kunilala sa Karapatang Pantao
Ang karapatang pantao ng mga Pilipino ay maliwanag na naksulat sa Saligang-
Batas ng 1987. sa dokumentong ito, ang mga karapatang pantao ay nasa Bil of
Rights (Art. III); Pagboto (Art V); Deklarasyon ng mga Prinsipyo at Patakaran ng mga
Estado (Art II); Katarungang Panlipunan at Karapatang Pantao (Art XIII); Pambansang
Ekonomiya at Patrimonya (Art Xii); Edukasyon, Agham at Teknolohiya, Sining, Kultura
at Isports (Art. XIV).
Ang mga karapatang pantao na nasusulat sa Deklarasyon ng mga Prinsipyo at
patakaran ng Estado (Art. II) ay ang mga sumusunod:
• Papapahalaga sa dignidad ng isang tap at paggarantiya ng buong respeto sa
karapatang pantao;
• Pagkilala sa karapatan ng pamilya at pagpapalakas ng pamilya;
• Pagsulong at pagbigay proteksyon sa pisikal, moral, ispiritwal, intelektwal ay
panlipunang kapakanan ng mga kabataan;
• Pantay-pantay ng karapatan sa harap ng batas ng mga kababaihan at
kalalakihan;
• Proteksyon sa karapatang pangkalusugan at balanse at malinis na kapaligiran
ng tao;
• Pagsulong ng kalayaan at pag-unlad ng tao; at
• Pagkilala at pagsulong ng mga karapatan ng mga pamayanan Kultural.
10
• Lahat ng mga Pilipino ay sakop ng batas na ito kayat dapat natin sundin ang
mga ito.
Ang mga karapatang sibil at pulitikal ng mga Pilipino ay nasa Bill if
Rights (Art. II) tulad ng:
• Karapatang mabuhay, maging malaya at magkaroon ng mga ari-arian
• Karapatan sa makatarungang proseso at pantay na proteksyon ng batas
• Karapatan ng tao sa tamang pamamahala ng katarungan
• Ang katarungang panlipunan at karapatang pantao sa Art. XIII ay nagsusulong
ng karapatang panlipunan at pangkabuhayan ng bawat Pilipino. Obligasyon ng
pamahalaang Pilipinas na magbigay ng mga panlipunang serbisyo tulad ng
edukasyon, kalusugan, at paglilitis ng kaso upang ang mga taong walang
pambayad ay matulungan nang libre ng pamahalaan. Ito ay batay sa prinsipyo
ng panlipunang katarungan na ang mga taong mahihirap ay dapat magbigyang
proteksyon ng ating batas at pamahalaan.
Ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights o UDHR)
Ang UDHR ay nabuo at nilagdaan noong 1948. Ang Pilipinas ay nakalagda
sa deklarasyong ito kayat ang instrumentong ito’y dapat ipatupad sa ating bansa.
Binibigyang diin ng Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao na
lahat ng tao ay isinilang na malaya at may pantay-pantay na dignidad. Itinakda nito
ang pangunahing prinsipyo ng pagkakapantay-pantay at pagbabawal sa
diskriminasyon upang matamasa ang karapatang pantao at ang mga pangunahing
kalayaan ng tao.
• Ang mga sibil na probisyon ng UDHR ay ang mga sumusunod:
• Karapatang mabuhay, maging malaya at maging ligtas ng isang tao
• Kalayaan sa pagiging alipin at puwersahang pagtatrabaho o paninilbihan
11
• Kalayaan laban sa pananakit at malupit, di-makatao at nakakababang-uri ng
pagtrato at kaparusahan
• Pagkilala sa tao sa harap ng batas
• Pantay na proteksyon sa harap ng batas
• Epektibong paraan panghukuman laban sa paglabag sa karapatang pantao
• Kalayaan sa walang dahilang pag-aaresto, detensyon, at pagpapalayas sa
sariling bansa
• Pantay na paglilitis at pagdinig pampubliko ng isang malaya at walang
kinikilingang tribunal
• Pagpapalagay na walang kasalanan ang isang tao hanggat hindi
napapatunayang maysala
• Hindi dapat bigyang kaparusahan sa isang aksyon na hindi pa krimen noong ito
ay ginawa
• Kalayaan sa pakikiaalam sa pagiging isang pribadong indibidwal, pamilya,
bahay at mga sulat
• Kalayaan sa pagpili ng lugar na titirahan at maging sa pag-alis sa isang lugar
• Mag-asawa at magkaroon ng pamilya
• Magkaroon ng ari-arian
• Ang Mga Pulitikal na Karapatan ay:
• Karapatan sa Asylum. Ang Asylum ay ang paghingi ng karapatang maging
mamamayan ng isang bansa kung sakaling ang isang tao ay napaalis sa
kanyang bansa dahil sa pagtutol sa pamahalaan
• Karapatang magkaroon ng nasyonalidad
• Kalayaan sa pag-iisip, konsensiya at relihiyon
• Kalayaan sa sariling opinyon at pagsasalita
• Kalayaan sa tahimik na asembliya at asosasyon
• Pagsali sa pamahalaan ng sariling bansa
• Pagkakaroong ng pantay na serbisyo publiko sa sariling bansa
• Ang mga Karapatan sa Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkultura ay ang
mga sumusunod:
12
• Karapatan sa panlipunang seguridad
• Karapatang magkaroon ng hanapbuhaty at kalayaan sa pagpili ng empleo
• Pantay na bayad sa pantay na paggawa
• Karampatang kabayaran sa trabaho ng nagbibigay respeto sa pamumuhay na
may dignidad
• Bumuo at sumali sa mga unyong pangkalakal
• Karapatan sa pahinga at paglilibang
• Maayos na pamumuhay upang maging malusog (kasama dito ang karapatan
sa pagkain, pananamit, pabahay at gamot)
• Magkaroon ng seguridad sa panahon na walang hanapbuhay, pagkakasakit,
pagkakaroon ng kapansanan, pagkamatay ng asawa, pagtanda ai iba pang
pagkakataon na wala sa kontrol ng tao
• Bigyan ng proteksyon ang mga ina at anak
• Karapatan sa edukasyon. Ang magulang ay may karapatang mamili ng
edukasyon ng kanilang anak
• Karapatan sa partisipasyon sa buhay kultural ng isang pamayanan
• Magkaroon ng proteksyon sa moral at material na interes na nagreresulta sa
pagiging may akda ng siyentipiko, literari at artistikong produksyon
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Punan ang tsart ng iba’t ibang uri ng karapatan
URI NG KARAPATAN
TIYAK NA HALIMBAWA
Sibil
Pulitikal
Pangkabuhayan
13
Panlipunan
Pangkultura
Ilista ang mga karapatang parehong nasa Saligang-Batas ng Pilipinas at UDHR.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Ilista ang mga karapatan na nasa UDHR ngunit wala sa ating Saligang-Batas.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_______________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. Kung hindi matatagpuan ang karapatan sa ating Saligang-Batas at nasa UDHR
lang, maari pa rin ba nating isulong ang mga karapatang ito? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
14
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tandaan Mo! Ang karapatang pantao aya ng mga karapatan na tinatawag
ng tao sa oras pa lamang na siya ay isilang. Ito ay ang
pagtatamasa ng kanyang mga pangangailangan upang siya ay
mabuhay.
Ang karapatang pantao ay may dalawang uri: indibidwal at pangkatan.
Ang pang-indibidwal na karapatan ay ang karapatang sibil, pulitikal,
pangkabuhayan, pangkultural at panlipunan.
Ang karapatan mga pangkatan ay amg katapatang pangkultura, pangkabuhayan,
at panlipunan.
Ang Saligang-Batas ng Pilipinas at ang Pandaigdigang Deklarasyon ng
Karapatang pnatao ay ang mga Pangunahing batayan ng karapatang pantao ng
mga Pilipino.
Gawain 3: Paglalapat
1. Magtanong sa iyong punong barangay at kagawad ng barangay kung paano
nila isinusulong ang karapatan ng kanilang nasasakupan. Isulat ang sagot sa
ibaba.
Punong barangay________________________________________________________
_______________________________________________________
15
_______________________________________________________
____________________________________________________________
______________________________________________________
_______________________________________________________
Kagawad _______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
2. Ano ang masasabi ma sa kanilang mga ginawa?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________
ARALIN 2
IBA PANG PANDAIGDIGANG INSTRUMENTO NG KARAPATANG PANTAO Nalaman mo sa Aralin 1 ang konsepto, kahalagahan, uri at mga pangunahing
batayan ng karapatang pantao. Sa araling ito, matutunghayan mo naman ang iba
pang pandaigdigang instrumento sa pagsusulong ng karapatang pantao. Ang mga
pandaigdigang ito ay reulta ng mga kasunduan ng mga bansa upang ang mga
karatang pantao ay ipatupad sa kanya-kanyang bansa. Aktibo ang partisipasyon ng
16
bansang Pilipinas sa pagbubuo ng mga kasunduang ito. Ang ating bansa ay pumirma
upang ipatupad ang mga ito sa ating bansa.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusuod:
1. Masusuri ang mga karapatan na nakasaad sa iba’t ibang pandaigdigang
instrumento ukol sa karapatang pantao;
2. Maipaliliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng mga kasunduang
pandagidig para sa mga tao, pangkat, bata at kababaihan; at
3. Masasabi ang kahalagahan ng mga pandaigdigang instrumento para sa
karapatang pantao.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
1. Ilista ang mga karapatang dapat matamasa ng isang tao sa mga sumusunod
na kapaligiran:
Kapaligiran Mga Karapatan Uri
Tahanan
Paaralan
Barangay
Bansa
17
2. Ano ang nangyayari sa karapatan ng tao habang siya ay lumalabas ang
kanyang tahanan?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
4. Bakit mahalaga ang karapatan sa lahat ng kapaligiran ng isang tao?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
5. Ano ang iyong pakiramdam kapag alam mong nabibigyang proteksyon ang
iyong karapatan?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Ang Pandaigdigang Kasunduan sa Karapatang Sibil at Pulitikal Ang kasunduang ito ay ipinatutupad sa mga bansang sumang-ayon dito. Ang
Pilipinas ay isa sa mga bansang pumirma dito. Pangunahing binibigyang proteksyon
ng kasunduang ito ang karapatang mabuhay ng bawat isa. Sakop nito ang mga
sumusunod na karapatang sibil: Karapatang Mabuhay
• Walang sinuman ang dapat kitlan ng buhay nang hindi makatwiran;
• Walang sinuman ang maging biktima ng pananakit, di makataong pagtrato o
pagparusa; maging alipin o biktima ng di makatwirang aresto at pagkakulong;
• Sinumang inaresto ay dapat mabigyan ng impormasyon hinggil sa dahilan ng
pag-aresto;
18
• Sinumang inaresto o ikinulong dahil sa isinampang krimen laban sa kanya ay
dapat iharap sa hukom o sinumang taong may kapangyarihang maglitis ng
kaso; at
• Sinumang naging biktima ng ilegal na aresto o pagkakakulong ay dapat
magkaroon ng karampatang sahod sa mga araw ng kanyang pagkakakulong;
Karapatan Maging Malaya
• Karapatan ng bawat isa na malayang maglakbay, pumili ng tirahan at umalis ng
bansang tinitirhan; ngunit karapatan ng estado na paalisin ang mga dayuhang
lumalabag sa batas ng estado;
• Ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa harap ng batas kayat karapatan ng bawat
tao na maidulog ang kanyang kaso ayon sa makatarungang proseso;
• Hindi dapat bigyan ng parusa ang mga taong may pagkilos na hindi pa labag
sa batas noong kanyang ginawa ang pagkilos.
• Dapat makatao ang pagtrato sa sinumang nakulong at walang sinuman ang
dapat makulong dahil sa di pagtupad sa kontrata;
• Hindi dapat bigyang kaparusahan ang isang tao sa isang aksyon na hindi pa
krimen noong ito ay ginawa; at
• Hindi dapat pakialaman ang kalayaan ng isang pribadong indibidwal, pamilya,
tahanan at mga sulat;
Mga Karapatang Pulitikal
Ang mga sumusunod ay mga karapatan ng tao bilang isang mamamayan ng
bansa:
• Kalayaan sa pag-iisip, konsyensya at relihiyon, maging ang kalayaan sa
pananalita at karapatan sa impormasyon;
19
• Kalayaan sa anumang uri ng propaganda para sa digmaan. Ang pagsusulong
ng galit sa bansa, lahi o relihiyon na nag-uudyok ng diskriminasyon, kasungitan
o agresyon ay ipinagbabawal sa batas;
• Karapatang sumali sa matahimik na asembliya;
• Karapatan sa pagbubuo ng mga samahan;
• Ang mga babae at lalaki ay may karapatang mag-asawa at magtatag ng
pamilya. Kinikilala din nito ang pagkakapantay-pantay ng mga mag-asawa
habang sila ay kasal at maging sa panahon na napawalang bisa ang kanilang
kasal;
• Karapatan ng mga bata ang magkaroon ng pamilya, lipunan at nasyonalidad,
• Karapatan ng bawat mamamayan na sumali sa anumang gawaing pampubliko,
bumoto at iboto, at makinabang sa mga serbisyong publiko;
• Lahat ng tao ay may proteksyon sa ilalim ng batas; at
• Dapat magkaroon ng mga batas upang bigyang proteksyon ang mga pangkat
etniko, relihiyon o linggwistikong grupo.
Ang mga karapatang sibil ay ukol sa mga karapatan ng tao bilang tao
samantalang ang mga karapatang pulitikal ay tungkol sa mga karapatan ng tao bilang
mamamayan ng isang estado.
Halos lahat ng nasa probisyong ito ay matatagpuan sa Bill of Rghts ng
Saligang-Batas ng 1987 ng Pilipinas.
Pandaigdigang Kasunduan sa mga Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkultural
Ang kasunduang ito ay nabuo upang bigyang proteksyon ang mga indibidwal o
pangkat sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ang mga karapatang ito ay ang mga sumusunod:
• Karapatan ng lahat ng tao na bigyang direksyon ang kanyang katayuang
pulitikal, kabuhayan, panlipunan at pangkultural na pag-unlad;
20
• Karapatan ng tao na ibahagi at paunlarin ang kanilang likas na kayamanan;
• Karapatan ng bawat isa na maghanapbuhay, magkaroon ng makatao at
makatarungang kondisyon sa trabaho, magkapantay na suweldo at trabaho,
ligtas at maayos na lugar ng trabaho at magkaroon ng pahinga at libangan;
• Karapatang bumuo at sumali sa mga unyong pangkalakal, karapatang mag-
aklas at karapatan sa panlipunang seguro
• Proteksyon para sa mga nanay at kabataan
• Karapatan sa sapat na antas na pamumuhay: sapat na pagkain, damit at
bahay.
• Lahat ay may karapatan sa mataas na pamantayan sa pisikal at pangkaisipang
kalusugan at edukasyon
Ang mga bansa na pumirma sa kasunduan ay dapat maglaan ng libreng
edukasyon sa primarya at pagsikapang libre ang edukasyon sa sekondarya. Pantay
din ang pagkakataon sa lahat na makapg-aral sa tersyarya. Ang mga magulang at
legal na tagapag-aalaga ay malayang nakakapili ng mga paaralan upang mabigyang
proteksyon ang kanilang edukasyong pangrelihiyon at moral.
Lahat ay may karapatang makibahagi sa buhay kultural ng pamayanan at
magtamasa ng mga nadiskubreng siyensya. Dapat may mga hakbang na nagawa
upang mapanatili, mapaunlad at mapalawak ang kultura at agham. Ang kalayaan sa
pananaliksik at paglikha ay dapat irespeto at lahat ay may karapatang magtamasa ng
mga benepisyo sa sariling pananaliksik at paglikha.
Ang mga karapatang ito ang pinakamahirap matugunan sapagkat maraming
mga bansa ang mahirap at kapos ang kanilang badyet upang mabigyan ng serbisyo
ang mga mamamayan.
Kasunduan Ukol sa Karapatan ng mga Bata (Convention on the Rights of the
Child)
21
Ang Kasunduan Ukol sa Karapatan ng mga Bata ay isang pandaigdigang
kasunduan ng mga bansa upang mabigyang proteksyon ang mga batang may 18
gulang pababa sa anumang bansa sa daigdig.
Ang mga karapatan ay nakagrupo sa apat na aspeto: karapatang mabuhay,
karapatang magtamasa ng kaunlaran, karapatang mabigyang proteksyon at
karapatan sa partisipasyon sa lipunan.
Ang mga karapatang mabuhay ng may dignidad (Survival Rights) ay ang mga
sumusunod:
• Karapatang Mabuhay
• Karapatan sa kalusugan
• Karapatan sa pamilya
• Karapatan sa maayos na pamumuhay
Ang mga bata ay wala pang kakayahan na maghanapbuhay upang
mapangalagaan ang kanilang sarili. Mahalaga ang kalinga ng mga magulang at
pamilya upang sila ay mabuhay nang may dignidad. Pangunahing prinsipyo na dapat
igalang sa mga bata ay ang pangangailangan nila ng kalinga upang mabuhay.
Ang mga karapatang pangkaunlaran (Development Rights) ay:
• Karapatan sa edukasyon
• Karapatan sa pagpapaunlad ng personalidad
• Karapatan sa relihiyon
• Karapatang makapaglaro at makapaglibang
• Karapatan sa impormasyon at kaalaman
Mahalagang mapaunlad ang kakayahan ng mga bata habang sila ay bata pa
upang sa mga susunod na panahon ay makabubuo tayo ng bansang maunlad din.
Ang mga karapatan ukol sa pagbibigay proteksyon (Protection Rights) ay:
• Karapatan sa isang payapa at ligtas na pamayanan
• Karapatan sa proteksyon sa oras ng armadong paglalaban
22
• Karapatan sa proteksyon laban sa diskriminasyon
• Karapatan laban sa pang-aabuso at pagsasamantala
Ang pangangalaga sa kapakanan ng mga bata ay mas mahalaga sa panahon
ng digmaan, kalamidad at panganib. Unang dapat isaalang-alang ng mga magulang
at pamahalaan ang kapakanan ng mga bata sapagkat wala pa silang kakayanan na
iligtas ang kanilang sarili.
At ang karapatan sa pakikilahok (Participation Right) ay:
• Karapatang makapagpahayag g sariling opinion o pananaw
Ang mga bata ay tao rin kayat nararapat lamang na bigyan sila ng pagkakataong
magpahayag ng kanilang saloobin.
Ang Kababaihan sa Lipunang Pilipino Maraming katangian ang mga kalalakihan na halos pareho din sa mga babae
tulad ng pagiging agresibo, matalino, mapagbigay, masipag, malambing, at iba pa.
May mga gawain naman ang mga lalaki na kaya rin ng babae tulad ng gawain ng
abogado, doktor, mekaniko, kaminero, inhenyero, at iba pa.
Sa mahabang panahon, tiningnan ang mga tungkulin ng babae at lalaki batay
sa bayolohikal na katangian ng ating lipunan. Ang mga babae ay nanganganak kayat
pangunahin sa naging tungkulin niya ay mag-alaga ng bata at gampanan ang mga
gawaing bahay. Dahil sa ang lalaki ay hindi nanganganak, naging tungkulin niya ang
maghanapbuhay sa labas ng tahanan. Maskulado ang lalaki kayat ang mga mabibigat
na gawain ay iniatang sa kanya. Samantala, tiningnan ang babae na may maliit at
malambot na pangangatawan kayat pananahi, panunulsi, pagluluto at iba pang
pambahay na gawain ang iniatang sa kanya. Dahil nagkaroon ng pagkakaiba-iba ng
tungkulin ng babae at lalaki: ang babae sa loob ng bahay lamang at ang lalaki sa
labas ng bahay, ang naging resulta ay ang kakulangan ng pagkakataon ng babae sa
pagganap ng mahahalagang gawain sa lipunan.
Karamihan ng pinuno ng mga bayan ay mga lalaki. Ang mga namamahala ng
malalaking negosyo ay ibinibigay ng pamilya o ng mga miyembro sa lalaki. Nawalan
23
ang babae ng mahalagang papel sa pag-unlad ng bansa. Dahil dito, marami sa mga
kababaihan ang nakaranas ng di-pantay na pagtingin na nagreresulta sa iba’t ibang
problema tulad ng pambubog ng asawa, karahasan sa kababaihan, pagbebenta sa
mga babae, at iba pa.
Ang ganitong sitwasyon ang nag-udyok upang bigyang proteksyon ang
karapatan ng mga kababaihan.
Kasunduan sa Pag-aalis ng Diskriminasyon Laban sa Kababaihan (Convention
on Elimination of Discrimination Against Women)
Ang kasunduan sa pag-aalis ng diskriminasyon laban sa kababaihan ay
sinimulang ipatupad noong 1981. Ito ay kinapapalooban ng mga sumusunod na
karapatan ng mga kababaihan:
• Karapatan sa pantay na pagtingin sa babae at lalaki
• Partisipasyon sa pulitikal at pampublikong larangan
• Partisipasyon sa pandaigdigang talastasan
• Karapatan sa nasyonalidad
• Pantay na karapatan sa edukasyon
• Karapatang maghanapbuhay
• Karapatan sa pangangalaga ng kalusugan at pagpaplano ng pamilya
• Karapatang magtamo ng pangkabuhayan at panlipunang benepisyo
• Pantay na pagtingin sa mga kababaihan sa rural
• Pantay na pagtingin sa harap ng batas
• Karapatang mag-asawa at magkapamilya
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Pansinin mo ang bata sa larawan. Isulat sa
paligid ng bata ang mga katangian ng isang bata.
24
Isulat ang katangian ng mga lalaki ayon iyong pananaw :_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
1. Ilista ang mga pangangailangan ng mga bata.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. Natugunan ba ang iyong mga pangangailangan bilang isang bata? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
B. Pansinin mo naman ngayon ang lalaki at babae sa larawan. Pagkatapos ay gawin
ang hinihngi sa bawat kahon
25
1. May pagkakaiba ba ang mga katangian ng babae at lalaki?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. Anu-ano ang mga katangian ng lalaki na maaring katangian din ng mga babae?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
3. Pantay ba ang karapatan ng mga babae sa lalaki sa ating bansa? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Tandaan Mo! May Iba’t ibang pandaigdigang Instrumento ukol sa karapatang pantao.
Ang mga ito ay :
Ang Pandaigdigang Kasunduan sa Karapatang Sibil at Pulitikal
Pandaigdigang Kasunduan sa mga Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan
at Pangkultural.
Ang Kasunduan Ukol sa Karapatan ng mga Bata. Ang mga karapatan ay
nakagrupo sa apat na aspeto: karapatang mabuhay, karapatang magtamasa
ng kaunlaran, karapatang mabigyang proteksyon at partisipasyon.
Kasunduan sa Pag-aalis ng Diskriminasyon Laban sa Kababaihan
(Convention on Elimination of Discrimination Against Women)
Isulat ang katangian ng mga babae ayon sa iyong pananaw. _________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
26
Gawain 3: Paglalapat
Sagutin ang mga sumusunod:
1. May nakita kang bata kapitbahay na laging pinapalo ng
magulang, ano ang iyong gagawin?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. May kapatid kang ayaw paaralin ng iyong magulang sapagkat siya ay babae.
Ano ang iyong gagawin?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
3. Magtanong ng mga paraan kung paano itinataguyod ng mga sumusunod ang
karapatan ng bata at kababaihan sa pamilya at pamayanan:
Mga Nagtataguyod Mga bata Kababaihan
1. Nanay Mo
2. Tatay mo
3. Pinuno ng iyong
barangay
4. Pulis sa iyong
pamayanan
27
ARALIN 3 MGA PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO AT MGA HAKBANG UPANG IWASAN ITO Malalaman mo naman sa araling ito ang iba’t ibang uri ng paglabag sa
karapatang pantao. Hihikayatin ka rin ng araling ito na magsulong ng iyong karapatan
at ng karapatan ng iyong kapwa.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Makapagsusuri ng iba’t ibang anyo ng paglabag sa karapatang pantao;
2. Makapagpapaliwanag ng mga sitwasyon ng paglabag sa karapatang pantao sa
iba’t ibang kapaligiran; at
3. Makapaglalahad ng mga hakbang upang mabigyang proteksyon ang karapatang
pantao.
Gawain 1 : Pag-isipan Mo 1. Gumuhit ng mga simbolo na nagpapakita ng hindi pagkakamit ng
karapatan ng mga tao sa iba’t ibang kapaligiran.
2. Isulat ang kahulugan ng bawat simbolo sa talahanayan sa ibaba.
Kapaligiran Mga
indibidwal o
pangkat
Tahanan Paaralan Pamayanan Bansa Daigdig
Bata
28
Kababaihan
Mga
Katutubong
Mamamayan
3. Anu-ano ang mga karapatang sa palagay mo ay hindi natatamasa ng mga
sumusunod sa iyong pamayanan o sa ating bansa?
a. Mga bata
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
b. Kababaihan
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
c. Mga Katutubo
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
29
_________________________________________________________
_________________________________________________________
4. Bakit hindi nila natatamasa ang kanilang mga karapatan? _______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Konsepto ng Paglabag sa Karapatan
Anumang karapatan na hindi natatamasa o naisusulong ng tao ay isang uri ng
paglabag sa karapatang pantao. Pangunahin sa karapatan ng tao ay ang karapatang
mabuhay nang may dignidad. Halimbawa, ang pagkitil ng buhay ay isang pagpigil sa
karapatan ng taong mabuhay. Maging ang pagsikil sa kalayaan ng tao ay isang pag-
aalis sa karapatan ng taong mabuhay nang malaya.
Sa pangkalahatan, ang paglabag sa karapatang pantao ay makikita kapag
nilabag ng tao at ng estado Saligang-Batas ng Pilipinas at ang mga Pandaigdigang
Instrumento sa Karapatang Pantao.
Iba’t iba ang anyo ng paglabag sa karapatang pantao tulad ng pisikal,
sikolohikal o emosyonal at istruktural.
• Pisikal na Paglabag sa Karapatang Pantao. Pisikal na paglabag ang turing
kapag ang nasaktan ay ang pisikal na pangangatawan ng tao. Ang
pambubugbog, pagkitil ng buhay, pagputol sa anumang parte ng katawan ay
ilan sa halimbawa ng pisikal na paglabag. Maging ang sekswal na pananakit
tulad ng panghahalay at pagsasamantala ay isang pisikal na paglabag sa
karapatang pantao.
• Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag sa Karapatang Pantao. Ang pisikal
na pananakit ay nagdudulot ng trauma sa isang tao. Ito ang nagiging dahilan
kaya nawawalan ng kapayapaan ng loob ang isang tao at bumababa din ang
pagtingin niya sa kanyang sarili. Maging ang pagsasalita nang masama sa tao
30
ay isang uri ng sikolohikal na paglabag sa kanyang karapatan sapagkat ito ay
nagreresulta sa balisang estado ng isang tao.
• Istruktural. Ang kaayusan ng lipunan batay sa kung sino ang may
kapangyarihan, kayamanan at kalagayan sa lipunan ay simula ng hindi
pagtatamasa ng karapatan istruktural. Ang istruktural na paglabag ay makikita
kung ang tao ay walang kabuhayan, mababa ang kanyang kalagayan sa
lipunan at wala siyang kapangyarihan magdesisyon para sa sarili, sa pamilya,
sa pamayanan, sa bansa at sa daigdig.
Ang mga paglabag sa karapatang pantao ay nangyayari sa tahanan,
pamayanan, paaralan, trabaho, bansa, at daigdig.
Sa tahanan, madalas na paglabag ay ang pang-aabuso sa mga bata at
kababaihan. Ang hindi pagbibigay ng pagkain ng magulang sa bata, hindi
pagpapaaral sa mababang paaralan, hindi pagbibigay ng pangalan at damit ay ilan
lamang sa mga paglabag sa karapatang pantao ng mga tao.
Sa pamayanan, ang paglabag sa karapatang pantao ay makikita kapag ang
mga lokal na opisyal ng pamahalaan ay hindi tumupad sa tungkuling panatilihing
malinis, maayos at mapayapa ang kapaligiran. Tungkulin din ng lokal na pamahalaan
na paratingin ang mga pangunahing serbisyo publiko tulad ng serbisyo sa kalusugan,
kuryente, tubig, komunikasyon, edukasyon, at iba pa.
Sa paaralan, edukasyon ang pangunahing serbisyong dapat ihatid sa mga
mamamayan. Ang pananakit pisikal, sekswal at sikolohikal sa mga mag-aaral ay ay
paglabag din sa karapatan ng mga mag-aaral.
Sa bansa, pisikal, sikolohikal at istruktural ang karaniwang paglabag sa
karapatang pantao. Pisikal at sikolohikal ang paglabag kapag ang mga kinatawan ng
pamahalaan tulad ng pulis, militar, pinuno at kagawad ng barangay, o iba pang
sangay ng pamahalaan, ay nanakit sa mga tao. Istruktural ang paglabag kapag ang
pamahalaan ay walang programa upang umangat ang kabuhayan, panlipunan, at
kultural na kalagayan ng mga mamamayan.
31
Sa mundo, lahat din ng uri o ng paglabag o bayolasyon ay madarama kapag
ang mga kinatawan ng mga bansa ay nakasakit sa mga tao o kaya ay gumawa ng
mga kasunduang nakasasama sa tao. Ilan dito ay ang pakikipagdigmaan, paggawa
ng mga armas pandigmaan, at pakikipagkalakal na mayayamang bansa lamang ang
may pakinabang.
Mga Hakbang Upang Mabigyang Proteksyon Laban sa Mga Paglabag sa Karapatang Pantao
Maraming paraan upang mabigyan tayo ng proteksyon at hindi malabag ang
ating karapatan bilang tao. Ito ang mga hakbang:
1. Pagdulog sa mga lokal na hukuman
2. Pagdulog sa Pandaigdigang Korteng Pangkatarungan (International Court of
Justice)
3. Edukasyon para sa karapatang pantao
4. Pagsasabuhay ng karapatang pantao
Pagdulog sa mga lokal na hukuman. Kapag nalabag ang iyong karapatan,
maaring magsimulang dumulog sa katarungang pambarangay lalo na kapag ang uri
ng paglabag ay sakop nito. Kapag hindi sakop, ang kaso ay ipapasa sa tamang
hukuman. May mga libreng abogado ang Kagawaran ng Katarungan, ang Komisyon
sa Karapatang Pantao, at iba pang institusyon na maaaring makatulong sa
pagsasampa at paglilitis ng kaso. Ang mga karapatang sibil at pulitikal ang
karaniwang dinidinig ng mga korte sa Pilipinas.
Ang mga kawani ng pamahalaan ay maaring magsampa ng reklamo sa
kanilang mga opisina o sa Komisyon ng Serbisyo Sibil at kung ang pagkakasala ay
may malakas na ebidensya, maari itong idulog sa Sandigang Bayan.
Ang Kagawaran ng Paggawa at Empleo ay tumutulong naman sa mga
manggagawa hinggil sa paglabag ng kanilang karapatang may kinalaman sa
paggawa.
32
Ang Komisyon ng Karapatang Pantao at Public Attorney’s Office ng Kagawaran
ng Katarungan ay nagbibigay ng libreng serbisyong legal sa mga Pilipinong
mahihirap.
Pagdulog sa Pandaigdigang Hukumang Pangkatarungan. Kapag ang mga
kaso ay patungkol na sa mga alitan ng tao na galing sa iba’t ibang nasyonalidad o
alitan ng mga bansa, ito ay idinudulog sa Pandaigdigang Hukumang Pangkatarungan.
Nililitis nila ang mga kaso na nagiging sagabal sa pagsusulong ng karapatang pantao.
Edukasyon Para sa Karapatang Pantao. Ito ang isa sa pinakamahusay na
paraan upang hindi malabag ang karapatang pantao. Ang pag-alam sa iba’t ibang
karapatan ng tao, maging ang mga paglabag, ay malaking tulong upang maging
mapayapa ang ating lipunan. Ang pag-aaral ng ating karapatan ay siyang
magmumulat ng ating kaisipan upang ito ay isabuhay.
Pagsasabuhay ng Karapatang Pantao. Mahalagang hindi huminto ang pag-
aaral ng karapatang pantao sa pagsasaulo lamang ng mga probisyon ng mga batas.
Ang pagsasabuhay ng mga natutuhan sa pang-araw-araw na pamumuhay ay isang
hamon sa pagsusulong natin ng karapatang pantao. Ito ang tunay na pagkilos upang
mapigilan ang paglabag sa ating karapatan at sa karapatan ng iba.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
1. Mag-interbyu ng Punong Barangay at isang pulis sa iyong pamayanan.
Itanong kung anu-ano ang mga karaniwang kaso sa paglabag ng karapatang pantao.
Itanong din ang kanilang hakbang na ginawa upang mabigyang proteksyon ang mga
naging biktima ng paglabag sa karapatang pantao. Isulat sa tsart ang iyong nakalap
na datos.
33
Mga tinanong Mga paglabag Hakbang na ginawa
1.
2.
3.
4.
Pulis
5.
1.
2.
3.
4.
Punong barangay
5.
2. Ano ang iyong masasabi sa mga hakbang na ginawa ng:
a. Pulis ____________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
b. Punong barangay _________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
34
Tandaan Mo! Ang paglabag sa karapatang pantao ay nararanasan kapag hindi
nakakamit o naisusulong ng tao ang kanyang mga karapatan.
Iba’t iba ang anyo ng paglabag sa karapatang pantao: ito ay
maaring pisikal at sekswal, sikolohikal o emosyonal, at istruktural.
May mga paraan upang mabigyang proteksyon ang ating mga karapatan;
Ito ay ang mga sumusunod:
1. Pagdulog sa mga lokal na hukuman.
2. Pagdulog sa Pandaigdigang Korteng Pangkatarungan (International
Court of Justice)
3. Edukasyon para sa karapatang pantao
4. Pagsasabuhay ng karapatang pantao
Gawain3: Paglalapat 1. Ngayong alam mo na ang iyong karapatan, bumuo ng simpleng
plano kung paano mo isusulong ang karapatang pantao.
Mga hakbang 2006 2007 2008
35
Mga hakbang 2009 2010 2011
36
2. Bakit mahalagang magplano para sa pagsusulong ng karapatang pantao?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO:
Ang mga sumusunod ay pangunahing kaisipan na dapat mong tandaan tungkol sa modyul na ito:
Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na nakakamit ng tao sa oras pa
lamang ng kanyang pagkasilang. Ito ay ang pagtatamasa ng kanyang mga
pangangailangan upang siya ay mabuhay.
Ang karapatang pantao ay may dalawang uri: ang pang-indibidwal at
pangkatan.
Ang pang-indibidwal na karapatan ay ang karapatang sibil, pulitikal,
pangkabuhayan, pangkultural at panlipunan.
Ang karapatan mga pangkat ay ang karapatang pangkultura, pangkabuhayan,
at panlipunan.
Ang Saligang-Batas ng Pilipinas at ang Pandaigdigang Deklarasyon ng
Karapatang Pantao ay ang mga pangunahing batayan ng karapatang pantao
ng mga Pilipino.
May iba’t ibang pandaigdigang instrumento ukol sa karapatang pantao. Ang
mga ito ay :
♦ Ang Pandaigdigang Kasunduan sa Karapatang Sibil at Pulitikal
♦ Pandaigdigang Kasunduan sa mga Karapatang Pangkabuhayan,
Panlipunan at Pangkultural
♦ Ang Kasunduan Ukol sa Karapatan ng mga Bata. Ang mga karapatan ay
nakagrupo sa apat na aspeto: karapatang mabuhay, karapatang
37
magtamasa ng kaunlaran, karapatang mabigyang proteksyon, at
karapatan sa partisipasyon.
♦ Kasunduan sa Pag-aalis ng Diskriminasyon Laban sa Kababaihan
(Convention on Elimination of Discrimination Against Women)
Ang paglabag sa karapatang pantao ay nararanasan kapag hindi natatamasa o
naisusulong ng tao ang kanyang mga karapatan.
Iba’t iba ang anyo ng paglabag sa karapatang pantao: Ito ay maaring pisikal at
sekswal, sikolohikal o emosyonal, at istruktural.
May mga paraan upang mabigyang solusyon ang paglabag sa ating mga
karapatan; Ito ay ang mga sumusunod:
1. Pagdulog sa mga lokal na hukuman
2. Pagdulog sa Pandaigdigang Korteng Pangkatarungan (International
Court of Justice)
3. Edukasyon para sa karapatang pantao
4. Pagsasabuhay ng karapatang pantao
38
PANGHULING PAGSUSULIT
I. Panuto: Isulat ang iba’t ibang uri ng paglabag sa karapatang
panato: S kung sibil na karapatan, P kung Pulitikal, K kung Pangkabuhayan,
KL kung pangkultural at L kung panlipunang karapatan.
__________1. Karapatang mamili ng panirahan
__________2. Pagsali sa referendum
__________3. Karapatang mabuhay
__________4. Magtamasa ng kaunlaran dahil sa mga imbensyon
__________5. Magsulong ng mapayapang pamayanan
__________6. Pantay na proteksyon ng batas
__________7. Asylum
__________8. Seguridad ng pamayanan
__________9. Pantay na pagtingin sa babae at lalaki
__________10. Partisipasyon sa pagsusulong ng tradisyon
II. Panuto: Isulat ang titik ng tamang kasagutan
__________1. Tinatamasa ng tao mula sa kanyang pagsilang hanggang siya ay
mamatay
A. dignidad
B. karapatang pantao
C. pagkatao,
D. pangangailangan
__________2. Ang pagrespeto sa karapatang pantao ay tungo sa kapayapaan ng
lipunan
A. kapayapaan ng lipunan
B. kaayusan ng lipunan
C. kalinisan ng lipunan
D. a at b
E. a at c
39
__________3. Ang mga sumusunod na probisyon ng Saligang-Batas ay
nagsusulong ng karapatang pantao maliban sa:
A. Bill of Rights
B. Mga Pambansang Komisyon
C. Pambansang Patrimonya at Ekonomiya
D. Deklarasyon ng Prinsipyo at Patakaran ng Estado
__________4. Ang karapatan sa kabuhayan ay isinusulong ng
A. Bill of Rights
B. Mga Pambansang Komisyon
C. Pambansang Patrimonya at Ekonomiya
D. Deklarasyon ng Prinsipyo at Patakaran ng Estado
__________5. Ang karapatang sibil at pulitikal ay makikita sa
A. Bill of Rights
B. Mga Pambansang Komisyon
C. Pambansang Patrimonya at Ekonomiya
D. Deklarasyon ng Prinsipyo at Patakaran ng Estado
__________6. Ang nagsusulong ng karapatang pantao ay
A. Katarungang Panlipunan
B. Family Code of the Philippines
C. Saligang Batas
D. a at b
E. b at c
__________7. Ang nagsusulong ng karapatan para sa mga mahihirap ay
A. Katarungang Panlipunan
B. Family Code of the Philippines
C. Saligang-Batas ng Pilipinas
D. a at b
E. b at c
__________8. Ano ang nalalabag ng dayuhang kumpanya na nagmimina sa likas na
yaman ng iyong pamayanan?
A. Karapatang Pangkabuhayan
40
B. Karapatang Pangkultural
C. Karapatang Panlipunan
D. Karapatang Sibil
__________9. May mga nagtayo ng pangisdaan sa lawa na pag-aari ng mga
katutubo. Ang taong nagtayo ay hindi kabilang sa pangkat ng mga
katutubo. Ito ay paglabag sa:
A. Karapatang Pangkabuhayan
B. Karapatang Pangkultural
C. Karapatang Panlipunan
D. Karapatang Sibil
__________10. May nagsagupaang militar at rebelde sa inyong pamayanan. Ito ay
paglabag sa:
A. Karapatang Pangkabuhayan
B. Karapatang Pangkultural
C. Karapatang Panlipunan
D. Karapatang Sibil
__________11. Ang isang pagawaan ay mapanganib sa kalusugan ng mga
manggagawa. Ito ay paglabag sa:
A. Karapatang Pangkabuhayan
B. Karapatang Pangkultural
C. Karapatang Panlipunan
D. Karapatang Sibil
__________12. Ang isang sanggol ay iniwan ng kanyang ina sa ospital. Ito ay
paglabag sa karapatan ng bata sa:
A. Edukasyon
B. Kalusugan
C. Nasyonalidad
D. Pag-aaruga
__________13. Hanggang Grade V lang pinaaral ng magulang si Jose. Ito ay
paglabag sa karapatan ng bata sa:
A. Edukasyon
B. Kalusugan
C. Nasyonalidad
D. Pag-aaruga
41
__________14. Ang instrumento na nagtataguyod ng karapatan ng bata ay ang
A. CEDAW
B. CRC
C. Saligang-Batas
D. UDHR
__________15. . Ang instrumento na nagtataguyod ng karapatan ng mga
kababaihan ay ang
A. CEDAW
B. CRC
C. Saligang-Batas
D. UDHR
__________16. Ang karapatan ng bata sa edukasyon ay karapatang:
A. pangkaunlaran
B. pagkakaroon ng proteksyon
C. pangkaligtasan
D. pakikilahok o partisipasyon
__________17. May partikular na batas ang mga kababaihan sapagkat sila ay:
A. mahihina
B. may partikular na pangangailangan
C. nawalan ng mga karapatan dahil sa pagkababae nila
D. nawalan ng pagkakapantay-pantay na pagtingin sa babae at
lalaki
__________18 Ang isang babae ay binastos ng kanyang among lalaki. Ito ay
paglabag na:
A. istruktural
B. pisikal
C. sekswal
D. sikolohikal
_________19. Kapag ang isang bata ay inabuso, saan dapat dumulog ng kaso?
A. hukumang pambarangay
B. paaralan
C. simbahan
D. korte suprema
42
__________20. Ang isang lalaki ay binugbog ng pulis. Saan siya maaring humingi ng
tulong?
A. katarungang pambarangay
B. opisina ng pambansang pulis
C. paaralan
D. simbahan
III. Panuto: Bumuo ng isang jingle, tula o awit na may mensahe ng karapatan
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
43
GABAY SA PAGWAWASTO:
PANIMULANG PAGSUSULIT I.
1. Karapatang Sibil
2. Karapatang Sibil
3. Karapatang Sibil o Pangkabuhayan
4. Karapatang Sibil
5. Karapatang Pulitikal
6. Karapatang Panlipunan
7. Karapatang Kultural
8. Karapatang Pulitikal
9. Karapatang Pulitikal
10. Karapatang Kultural
II.
1. Karapatang Pantao
2. Saligang Batas
3. CEDAW
4. CRC
5. UDHR
6. Indibidwal
7. Indibidwal
8. Nalalabag
9. Pisikal
10. Sekswal
44
ARALIN 1 KONSEPTO, BATAYAN AT URI NG KARAPATANG PANTAO Gawain 1: Pag-Isipan Mo!
1. pagkain, damit, tahanan, edukasyon at iba pa
2–3. Batay sa karanasan ng mag-aaral ang sagot. Ipatsek sa gurong
tagapamahala.
4. pamilya, simbahan, paaralan, at iba pa
5. mamamatay
6. dignidad
7. nagtatamasa
8. Batay sa karanasan ng mag-aaral ang sagot
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman 1.
2-3.
4. Maaring himukin ang pamahalaan na sundin ang kasunduang pinirmahan
Gawain 3: Paglalapat Depende sa datos na nakalap ng mag-aaral
ARALIN 2 IBA PANG PANDAIGDIGANG INSTRUMENTO NG KARAPATANG PANTAO
Gawain 1: Pag-Isipan Mo! 1. Batay ang sagot sa karanasan ng mag-aaral. Ipatsek sa gurong
tagapamahala ng modyul.
2. Lumalawak ang karapatang dapat matamasa.
3. Mabigyang proteksyon ang dignidad ng tao.
4. Masaya at kuntento.
45
Isulat ang katangian ng mga lalaki ayon iyong pananaw :____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Katangian ng mga Bata
1. a. di pa lubos na debelop ang pisikal at intelekwal na katangian
b. kailangan pa ng gabay sa pag-iisip
c. hindi pa kayang maghanapbuhay
d. hindi pa sapat ang mga natutunan
e. kailangan pang paunlarin ang pagkilala sa sarili
2. Batay sa karanasan ng mag-aaral ang sagot. Ipatsek sa gurong
tagapamahala
B.
Mga sagot sa tanong:
1. Meron, bayolohikal na katangian
2. Lahat ng katangian ay maaring pareho maliban sa bayolohikal na
katangian
3. Batay sa karanasan nya ang kasagutan ng magaaral. Ipatsek sa gurong
tagapamahala
Gawain 3: Paglalapat Batay sa karanasan ng mag-aaral ang sagot. Ipatsek sa gurong tagapamahala
ang ginawa mong tsart.
Isulat ang katangian ng mga babae ayon sa iyong pananaw. ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
46
ARALIN 3 PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO AT MGA HAKBANG UPANG IWASAN ITO Gawain 1: Pag-isipan mo!
Batay sa karanasan ng mag-aaral ang sagot. Ipatsek sa gurong tagapamahala
ang ginawa mong tsart at ang mga sagot sa tsart.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Batay sa karanasan ng mag-aaral ang mga sagot. Ipatsek sa gurong
tagapamahala.
Gawain 3: Paglalapat Batay sa karanasan ng mag-aaral ang mga sagot. Ipatsek sa gurong
tagapamahala ang iyong nagawang plano at mga sagot sa tanong.
Panghuling Pagsusulit I. 1. S
2. P
3. K/S
4. KL
5. L
6. S
7. P
8. L
9. L
10. KL
47
II. 1. B
2. D
3. B
4. C
5. A
6. E
7. A
8. A
9. K
10. C
11. A
12. D
13. A
14. B
15. A
16. A
17. D
18. C
19. A
20. B
III. Depende sa kakayahan ng mag-aaral ang magagawa nilang awit o jingle; ngunit
dapat sundin ang mga sumusunod na kriterya:
1. Nilalaman
2. Orihinal
3. Pagkamalikhain
Ipatsek as gurong tagapamahala ang iyong ginawa.
48
References:
Brander, et al. 2003. Compass: A Manual on Human Rights Education with Young People. Strasbourg: council of Europe
Patawaran, Milrose. 2002. Paglinang at Pagpapatibay ng Instrumentong Panukat sa Kamalayan sa Karapatan ng mga Bata ng mga Mag-aaral sa Ikaanim na Baitang. Manila: Philippine Normal University, Unpublished
Thesis.
Sison, Carmelo B. Panimulang Aklat sa Pag-aaral ng 1987 Konstitusyon at Pamahalaan ng Pilipinas. UP Law Center, Institute of Government and
Law Reform
Sison, Carmelo B. 2001. Teaching the 1987 Constitution, Pat II: Human Rights
and the Bill of Rights. Quezon City: JMC Press
Yeban, Felicia et al. 2003. Human Rights Education Pack. Bangkok, Thailand:
Asian Regional Resource Center