GA AY SA PAG GAMIT NG ADMIN ONSOLE · may tatlong uri ng tech support tag o mensahe sa tech support...
Transcript of GA AY SA PAG GAMIT NG ADMIN ONSOLE · may tatlong uri ng tech support tag o mensahe sa tech support...
Page 1 of 16
A CLOUD INFORMATION SYSTEM FOR DISASTER PREPAREDNESS
GABAY SA PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE (ADMIN CONSOLE QUICK GUIDE)
UPDATED: NOVEMBER 2016
No pa r t o f th is pub l ica t io n m ay be re pro duce d, di s t r ibute d , or t ra ns mi t te d i n a ny fo rm
or by a ny me ans , i nc l udi ng pho toc opyi ng , recor d i ng, or o ther e lec tr on ic o r mec ha n ica l
me tho ds , w itho ut the pr io r wri t te n per m iss io n of the C I TY OF LEGAZ PI , exc ept i n the
case of br ief quo ta t ions e m bo die d i n c r i t ica l re v i e ws a nd c er ta i n o the r no nco m me rc ia l
uses pe rm i t te d by co pyr i g ht l a w.
Page 2 of 16
TABLE OF CONTENTS
I. ANO ANG BALANGAY? .......................................................................................................................... 3
ANNOUNCEMENTS ................................................................................................................................... 3
HAZARD MAPS .......................................................................................................................................... 3
D-LEARNING (DISASTER LEARNING) .......................................................................................................... 4
HOTLINES .................................................................................................................................................. 4
II. PAANO MA-A-ACESS ANG BALANGAY? ................................................................................................ 5
BALANGAY MOBILE ................................................................................................................................... 5
WEB APP o WEBSITE ................................................................................................................................. 6
ADMIN CONSOLE ...................................................................................................................................... 6
III. ANG PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE ............................................................................................ 8
PAANO GUMAWA NG ACCOUNT? ............................................................................................................ 8
ANO ANG MAGAGAWA KO SA AKING ADMIN CONSOLE ACCOUNT?..................................................... 10
DASHBOARD ............................................................................................................................................ 10
VIEW ANNOUNCEMENTS ........................................................................................................................ 11
POST ANNOUNCEMENTS ........................................................................................................................ 12
DELETE ANNOUNCEMENTS ..................................................................................................................... 12
MANAGE HOTLINES ................................................................................................................................ 13
MESSAGE TECH SUPPORT ....................................................................................................................... 14
CHANGE PASSWORD ............................................................................................................................... 15
LOG OUT .................................................................................................................................................. 16
Page 3 of 16
I. ANO ANG BALANGAY?
Ang BALANGAY ay isang ONLINE NETWORK na ginawa upang maghatid ng mabilis,
mapagkakatiwalaan at up-to-date na impormasyon tungkol sa Disaster Preparedness
para sa lahat!
Ang Balangay ay may APAT na main FEATURES:
ANNOUNCEMENTS
Ang mga “ADMIN ACCOUNTS” Ay maaaring mag post ng
announcements tungkol sa trainings, school/work
suspensions, store opening/closing schedules (para sa
mga businesses) at iba pang announcement na may
kaugnayan sa disaster preparedness.
Ang mga announcement na ito ay makikita sa front page
o Dashboard ng Balangay MOBILE at Balangay WEB.
HAZARD MAPS
Makikita sa Balangay ang Official Hazard Maps ng
buong Albay – Pag-baha, Lava flow map ng Mayon
volcano, Landslide map, etc. Meron din itong GPS
locator na kung saan ay makikita kung gaano ba ka-
delikado ang iyong kinatatayuan sa baha, sa lava, o
sa landslide.
Page 4 of 16
D-LEARNING (DISASTER LEARNING)
Ang D-LEARNING ay
mayroong DISASTER
DICTIONARY na kung
saan makikita ang ibig
sabihin ng disaster-
related terminologies.
Meron din itong
DISASTER
ENCYCLOPEDIA para sa
mas detalyadong
explanation ng disaster
related concepts. Meron
din itong SURVIVAL KIT
na nagtuturo ng iba’t
ibang paraan kung paano
mag handa para sa
sakuna.
HOTLINES
Makikita sa hotlines ang phone numbers at address ng iba’t ibang institusyon at
government agencies. Madaling i-update ng admin accounts ang mga detalyeng
ito gamit ang online admin console.
Page 5 of 16
II. PAANO MA-A-ACESS ANG BALANGAY?
Maaring ma access ang Balangay network sa TATLONG PARAAN:
BALANGAY MOBILE
Maari mong i-download ang Balangay mobile app sa GOOGLE PLAY o AMAZON
Apps ng LIBRE:
Balangay MOBILE APPLICATION (GOOGLE PLAY and AMAZON)
Balangay WEB APP (aka WEBSITE) (BALANGAYPH.COM)
Balangay ADMIN CONSOLE (BALANGAYPH.COM/ADMIN.php)
Page 6 of 16
WEB APP o WEBSITE
Para sa mga walang cellphone, buksan ang iyong internet browser at maaring
ma-access ang Balangay sa www.BALANGAYPH.com. Lahat ng features na
makikita sa Balangay Mobile (maliban sa GPS Locator) ay makikita din sa website
na ito.
ADMIN CONSOLE
Ang maari lamang maka-access ng Balangay admin console ay ang mga
mayroong verified admin accounts.
Upang masiguro na katiwa-tiwala ang mga announcement sa Balangay network,
ang bibigyan lang ng admin accounts ay ang mga institutions na amin nang na-
verify ng personal.
Para makagamit ng admin account, pumunta lamang sa
www.balangayph.com/admin.php o di kaya ay pumunta sa
Page 7 of 16
www.balangayph.com at i-click ang “ADMIN CONSOLE” button sa dilaw na
menu-bar sa itaas.
Ang mga functions ng admin console ay idi-discuss sa susunod na chapter.
Page 8 of 16
III. ANG PAG GAMIT NG ADMIN CONSOLE
PAANO GUMAWA NG ACCOUNT?
1. Pumunta sa www.balangayph.com/admin.ph at i-click ang SIGN UP
2. Ilagay ang impormasyon na kailangan. Pagkatapos ay i-click ang “SIGN UP”
button.
NOTE:
Basahin ang BEST PRACTICE GUIDE MODULE para sa ilang paalala sa pag-gawa ng iyong
account, username at password.
Page 9 of 16
3. Bago maka-access, kailangan muna naming na i-verify ang inyong
agency/organization/school. Hintayin na contact-in naming kayo sa ibinigay
ninyong contact information, at mag i-is-schedule kami ng personal visit sa
inyong opisina upang i-verify ang inyong account creation request.
4. Kapag na-verify ng aming team ang inyong account, maari na kayo mag log-in sa
inyong Balangay admin account gamit ang inyong username at password na ni-
register. Magagamit ninyo ang admin console KAHIT SAANG COMPUTER na may
INTERNET.
Page 10 of 16
ANO ANG MAGAGAWA KO SA AKING ADMIN CONSOLE ACCOUNT?
Gamit ang ADMIN CONSOLE, maaari mong gawin ang mga sumusunod:
1. Mag VIEW, POST at mag DELETE ng ANNOUNCEMENTS.
2. I-Update ang information tungkol sa inyong opisina/institution tulad ng contact
details, address at logo.
3. Mag-palit ng password.
4. Humingi ng tulong sa Balangay Tech Support Team
DASHBOARD
Makikita sa DASHBOARD ang impormasyon tungkol sa inyong account. Makikita din
dito ang mga announcement na iyong ginawa, na kasalukuyang naka-publish sa
Balangay network.
Kung ikaw naman ay nag-file ng request for assistance sa Balangay Tech Support
Team, makikita dito ang status ng iyong request.
Page 11 of 16
VIEW ANNOUNCEMENTS
Makikita dito ang LAHAT ng announcement na kasalukuyang naka-post sa Balangay
network.
Page 12 of 16
POST ANNOUNCEMENTS
Maaring mag post ng mga announcement depende sa ‘permission’ ng iyong account.
Kung ikaw ay isang SCHOOL ACCOUNT, ang maari mo lang i-post ay mga
announcement sa SCHOOL CATEGORY.
Upang mag post, pumili ng category at isulat ang iyong announcement. Siguraduhing
na review ng maigi bago I click ang “PUBLISH ANNOUNCEMENT” button.
DELETE ANNOUNCEMENTS
Kapag ikaw ay nagkamali, o di kaya naman ay may gustong i-delete na
announcement, piliin lang ang iyong announcement at i-click ang “DELETE SELECTED
ANNOUNCEMENT” button.
Ang mga announcement na iyong ginawa lamang ang pupwede mong i-delete.
NOTE:
Basahin ang BEST PRACTICE GUIDE MODULE para sa ilang mahahalagang paalala sa
pag-post ng announcements sa Balangay network.
Page 13 of 16
MANAGE HOTLINES
Sa feature na ito, maaaring i-update o palitan ang impormasyon tungkol sa iyong
opisina o agency. Ang impormasyon na ito ay naka-publish sa HOTLINES feature ng
Balangay network.
Para mag update, piliin lamang sa menu kung anong impormasyon ang gusto mong
palitan. Isulat sa blanko sa ibaba ang latest revision/update. Pagkatapos ay i-click
ang “SAVE HOTLINE INFORMATION.” Agad itong mau-update sa network.
Kung mag u-upload naman ng LOGO ng inyong opisina/organization, maghanda ng
SQUARE-sized logo na may sukat na (500x500 pixels). I-click and “UPLOAD LOGO”
at hintaying mag update ang litrato sa itaas ng Manage Hotlines page.
NOTE:
Ang MANAGER ACCOUNTS ay may kapangyarihang mag-delete ng announcements na
ginawa ng LAHAT NG ACCOUNTS sa ilalim ng kanilang OFFICE/Agency.
Page 14 of 16
MESSAGE TECH SUPPORT
Kapag mayroong suggestion, comment o problema, tutugunan ito agad ng aming
Tech support team. Piliin ang uri ng mensahe na nais mong ipadala.
MAY TATLONG URI NG TECH SUPPORT TAG o MENSAHE SA TECH SUPPORT TEAM:
Para sa mga comments, suggestions, piliin ang GENERAL MESSAGE.
Kapag may problema sa Balangay admin console na kailangan ng mabilisang aksyon,
piliin ang TECH SUPPORT.
Kung may problema naman sa iyong account (log in, password, office info, etc.),
piliin ang ACCOUNT ISSUES.
Isulat ang detalye ng iyong mensahe o problema at i-click ang SEND button. Maari
mong ma-monitor ang lagay ng iyong request sa DASHBOARD.
Page 15 of 16
CHANGE PASSWORD
Iminumungkahi naming na palitan ang iyong password buwan-buwan. Huwag itong
ibigay basta basta lalo na sa mga tao sa labas ng inyong opisina.
Para magpalit ng password, pumunta sa CHANGE PASSWORD section.
Isulat ang KASALUKUYANG PASSWORD, ang BAGONG PASSWORD at ang BAGONG
PASSWORD (ulit) para maka sigurado na tama ang iyong pagkaka-type. Pagkatapos
ay i-click ang “CHANGE PASSWORD” button.
Mag log-out, at mag log-in ulit gamit ang bagong password.
Page 16 of 16
LOG OUT
Kapag tapos nang gamitin ang admin console UGALIIN na mag-LOG OUT upang maka-
tiyak na walang unauthorized na taong gagamit sa iyong Admin account.
Para sa iba pang katanungan, mag-email lamang sa [email protected]
END OF DOCUMENT