Ana presentation

49
PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN Ana Katrina M. Mondido Unang-Taon Marvelous

Transcript of Ana presentation

Page 1: Ana presentation

PROYEKTO SAARALING PANLIPUNAN

Ana Katrina M. MondidoUnang-Taon Marvelous

Page 2: Ana presentation

Pananaliksik ng mga pangunahing Suliranin ng Pamayanan/Barangay

Page 3: Ana presentation

Mapa ng Barangay Masagana

Page 4: Ana presentation

KASAYSAYAN NG BARANGAY MASAGANA

Page 5: Ana presentation

Barangay Hall ng Masagana

Page 6: Ana presentation

LOGO NG BARANGAY MASAGANA

Page 7: Ana presentation

Kgd. Josefina B. Del BarioCommittee on Education | GAD| Senior Citizen Affairs | Family Affairs

Kgd. Nicanor C. BalolongCommittee on Peace and Order | Anti-Drug Abuse

Hon. Juliet Liporada-GinetePunong Barangay

Page 8: Ana presentation

Noon ay Enero 1973, masiglang pinulong ni Konsehal Eduardo Paredes, Estanislao G. Alinea Jr. Jose J. Paculdo at Mario Montenegro ng ikalawang purok at dalawang kinatawan ng bawat kalye, sa pulong ito, inihalal ang mga kagawad ng unang sanggunian ng Barangaylimang XII-5, isa sa limang (5) asembliya ng mga mamamayang itinatag sa Project 4, Ang mga nahalal ay sina Juan Pareja, bilang Kapitan ng Barangay: Willy Villarosa, Narciso Lorilla, Arnulfo Vargas, Eulalia Cruz, Nestor I. Papa Jose M. Flores: mga kagawad ng sanggunian: Nonita Correa, Kalihim: at Napoleon Santos Ingat – Yaman.

Page 9: Ana presentation

Pagkaraan ng isang taon, bilang pag-alinsunod sa derektiba ng Quezon City Secretariat, Department of Local Govenrment and Community Development, binago ang pagkabuo ng Barangay XII-5, Muling hinati sa sampung (10) mga Barangay Yunit sa ilalim ng Barangay Zona 65. Sa ilalim ng bagong kalagayan ito, nagkaroon ng bago ring mga kagawad sa Sanggunian na binuo nina Atty. Sancho Niedo, Jose M. Flores, Narciso Lorilla, Arnulfo Vargas, Napoleon Santos, Nestor Papa, Willy Villarosa, Santiago Gascon at Gng. Eulalia Cruz na nanungkan bilang tagapagbuo ng bawat yunit.

Page 10: Ana presentation

Datapwat di- gaanong nagtagal ay ang pasong organisasyong ito ng Barangay. Sa bias ng Dekrito ng Pangulo bilang 557 na pinalabas noong Septyembre 21, 1974, ipinagtuos ng pangulo ng Pilipinas na ang R.A. 3590 na lalong kilala bilang binagong Alkade Norbeto Amoranto ang pasonang oraganisasyon ng Barangay at humirang pamunuan ng Bagong Sangguniang Barangay. Ang dating sampung (10) yunit n gating barangay ay nagging anim na lawak – sanggunian na lamang. Bawat isa nito’y pamunuan ng isang (1) councilman. Ang mga sususnod na tayo ay ang mga nahirang ng Alkalde na nagging Kagawad ng Sangguniang Barangay: G. Jose Flore Kapitan Barangay: Bb. Carmen Sese, G. Arsenio T. Olfindo, G Cecilia Z. Doctor, G. Arnulfo Vargas, G. Nestor I. Papa at Ambrosio Racho nahirang ding Kalihim si Kol. Cornelio G. Genito (Retirado) at si Gng. Eulalia Cruz naman ang ingat-yaman. Nang ipagdiwang ang Araw ng Barangay noong Septyembre 11, 1975, nanumpa sa tungkulin ang sa bagong Q.C. Hall ang naturang bagong Kagawad.

Page 11: Ana presentation

KABATAANG BARANGAY

Kasabay ng pagtatag ng mga Asembliya ng mamamayan noong 1973, binuklod ang mga kabataan ng Barangay sa isang samahang tinatawag na “Barangay Youth Corp.” Ito ang pinakaugat ng kabataang Barangay noong Abril 15, 1975 sa bisa ng kautusan ng Pangulo bilang 684. Lahat ng kabataang may edad na gulang na hindi bababa sa 15 taon at hindi hihigit sa edad na 18 ay nagsipagtala upang maging opisyal na kasapi ng Asembliya ng Kabataang Barangay.

Page 12: Ana presentation

Nagkaroon ng halalan ang Asembliya ng KB upang piliin ang pamunuan ng sangguniang kabataang barangay, nahalal sinaq Mariese Elisesbilang tagapangulo ng KB, Ramon G. Genito, Athena Elises, Marissa Villanueva bilang mga Councilman; marie-Ingat-Yaman at Marissa Villanueva, Kalihim. Naging kasaping ex-official ng Sangguniang Barangay Masagana ang nahalal na tagapangulo ng Kabataang Barangay.

 

Page 13: Ana presentation

MGA NAGAWA:

 

Sa loob ng mga taong pagkakatatag ng Barangay Masagana, ito ang mga natatanging nagawa:

Page 14: Ana presentation

1973 - Pagtatala ng mga botante ; maging mga kagawad ng Referendum Komite; Nagtinda ng NGA bigas at mais; nakiisasa kampanya sa kalinisan at pagpapaganda nagkaloob ng mga basurahan galing sa MERALCO at ibang mga kompanya; at hinikayat ang bawat pook pangalakal na magkaroon ng sariling basurahan.

Page 15: Ana presentation

1974 - Sinimulan ang ampamilyang senso ng Barangay; dumalo sa mga Seminars ng Barangay Police Relation; binilang at nireport ang mga posteng walang ilaw; nagdaos ng mga pulong-pulong ng mga Barangay Lider kaugnay ng himpilang Pulisya ng Lungsod ng Quezon; nagtatag ng mga boluntaryong tanod na na roronda sa Barangay; Tanod Brigade. Nakiisa sa Seminar sa pag-iwas ng Bawal na Gamot; nanghikayat ng mga mag-aaral sa klaseng pantay-init ng mataas na Paaralang J.P Laurel, nakiisa sa mga paligsahan sa basketball nakiisa sa paghingi ng donasyon para sa mga nasalanta, nagdaos ng seminar sa nakisali sa mga proyektong”Operation Share a TV” sa para- kasaysayan ng lahi sa mga paligsahan ng pangkalahatang pag-awit namahagi ng langis panluto at nagkaroon ng kampanya sa pagbibigay kabatiran tungkol sa buwis na kita.

Page 16: Ana presentation

1975 - Nakiisa sa mga pakiki pagdayalogo sa mga kapitan ng Barangay at

kumander ng presinto 2 tungkol sa mga suliranin sa katahimikan at kaayusan ng pook; pumili ng 10 kasapi ng barangay na nagsesenso nag-isponsor ng libreng klase sa pananahi ng damit panlalaki; pagdaos ng seminar sa kooperatiba; tumulong sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan pambarangay; nagdaos ng pulong-pulong; pagtatala ng mga botante sa Referendum (Feb.28) ng mga kawani at opisyal ng pamahalaan at mga kasaping Kabataang Barangay nakikiisa sa mga palaro ng KB gawing pang-eleksyon at “Operation Overnight Parking”.

Page 17: Ana presentation

1976 - Pagpapatuloy sa kampanya sa kalinisan mga pulong-pulong pagtatala ng botante;boluntaryong propaganda ganap na pakikiisa s mga Kilusang Kabataang Barangay at Barangay Ladies Auxillary Brigade; pagsali ng KB sa mga palaro gaya ng Volleyball , Basketball, Chess at iba pa, sa 1976 proyekto ng unang Ginang tungkol sa lunting Himagsikan, sa mga gawaing nauukol sa relihiyon gaya ng St. Cruz de Mayo pagtanggap sa Mahal na Birhen ng La Naval.

Page 18: Ana presentation

1977 - Nakiisa sa mga sumusunod: puspusang kalinisan ’77 simposyum sa pag-iingat sa sunog, kampanya para sa kalinisan ng kapaligiran pagdedeklara ng halaga ng mga ari-arian pagtatala ng mga botante sa Referendum; nagkaroon ng libreng imunisasyon para sa mga sakit ng Rabies ng mga aso; pulong-pulong pagtatag ng dalawang pangkat ng barangay Tanod Brigade.

Page 19: Ana presentation

MGA PARANGAL AT PAGKILALA:

Hindi nahuhuli ang Barangay Masagana sa sandaa’t tatlumpu’t pitong Barangay sa Lungsod ng Quezon, kung ang pag-uusapan ay mga parangal at pagkilalang nakakamit. Narito ang ilan:

Page 20: Ana presentation

Isa sa dalawampung panghuling pagpipilian ng Limang Natatanging Barangay sa Lungsod Quezon noong Oktubre 12, 1975.

Pampurok na Kampeon sa Inter KB Basketball tournament ng taong 1975 (nagtamo ng tropeyong kaloob ng Pangulo).

Pinakamahusay na uniporme sa basketball sa taong 1975.

Nagwagi sa Pangkat I, Purok III- Unang KB Sportfest ng Lungsod Quezon 1976.

First Runner-up unang KB Sportfest ng Lungsod ng Quezon taong 1976.

Kampeon ng Senior Team, 1976 sa larong ping pong sa Project 4, na nilahukan ng walong koponan.

Page 21: Ana presentation

Kaalinsabay ng pagkamit ng mga tagumpay at parangal na nabanggit sa larangan ng palakasan, natamo rin ng pamunuan ng Barangay masagana ang kaukulang pagkilala, Si G. Jose M. Flores, Kapitan ng ating Barangay ay nahalal sa kasapi at ingat-yaman ng Directorate ng Katipunan ng mga Barangay sa ikatlong purok noong 1974; at nahirang na kalihim ng katipunan ng mga barangay, ikatlong purok noong 1974. Si Mariese Elises, Tagapngangulo ng KB ay nahalal ding kalihim ng KB Secretariat sa ikatlong purok, Lungsod ng Quezon at siyang nagging kasapi ng Sangguniang Panlunsod, Q.C.Bilang kinatawan sa kabataan, ang ating kalihim na si Cornelio Genito ay nahalal naming Pangulo ng samahan ng mga Kalihim ng Barangay ng ikatlong purok at pangalawang pangulo para sa pananaliksik at paglinang ng nasabing samahan, nahalal siyang pangalawang pangulo ng samahan ng Barangay Volunteer’s Brigade sa lungsod Quezon City.

Page 22: Ana presentation

1978 - Sa taong ito sinimulang itayo ang kasalukuyang Barangay Hall sa pamumuno at pangangasiwa ng sumusunod:

BARANGAY CAPTAIN: JOSE FLORES COUNCILMAN: NESTOR L. PAPA

OLYMPIO ESTANISLAOFRANCISCO PREPENACESAR DOMETITAAMBROCIO RANCHO

Page 23: Ana presentation

Sa di inaasahang sandali o pangyayari, nagkasakit noon si Kapitan Flores na siyang dahilan ng kanyang pagyao.

1980 – 1982 – nanungkulan bilang kapitan ng Barangay Masagana si Nestor I. Papa bilang kahalili ni G. Jose Flores, kasama sina:

Page 24: Ana presentation

  

COUNCILMAN: CARMEN SESE

FRANCISCO PREPENA

NAMIE PINEDA

CESAR DOMETITA

AMBROCIO RANCHO

  KALIHIM: CORNELIO GENITO

INGAT – YAMAN: LILY MARTE

KB CHAIRMAN: ANGELITO RACHO

Page 25: Ana presentation

Sa panahong ito ipinagpatuloy at natapos ang bagong Barangay Hall. Naisagawa rin ang mga sumusunod na proyekto:

Pagbabagong sigla ng 30 Barangay Tanod upang mapangalagaan ang katahimikan at kaayusan ng buhay ng residenteng Barangay Masagana.

Pagkaka- aspalto ng mga kalye. Pakikilahok ng mga kabataan sa mga

Gawain.

Page 26: Ana presentation

Sa panunungkulan ni G. Nestor I. Papa nahalal siyang tagasuri (auditor) ng Barangay Captain Association Ikatlong Distrito.

1982 – 1984 – Sa taong ito nagsimula ang halalan ng mga pinuno ng Barangay. Nahalal ang mga sumusunod:

Page 27: Ana presentation

1982 – 1984 – Sa taong ito nagsimula ang halalan ng mga pinuno ng Barangay. Nahalal ang mga sumusunod:

BARANGAY CAPTAIN: SILVERIO PINEDA

COUNCILMAN: ANICETA BALOLONG

HECTOR VILLANUEVA

OLYMPIO ESTANISLAO

CESAR DOMETITA

AMBROCIO RANCHO

BANITO VILLEGAS

KALIHIM: CORNELIO GENITO

LILY MARTE

Page 28: Ana presentation

1984 – 1986 - Sa taong ito nagsimula ang halalan ng mga pinuno ng Barangay. Nahalal ang mga sumusunod:BARANGAY CAPTAIN: HECTOR VILLANUEVA

COUNCILMAN: ANICETA BALOLONG

CESAR DOMETITA

AMBROCIO RANCHO

NESTOR I. PAPA

FRAMNCISCO PREPENA KALIHIM: CORNELIO GENITO

INGAT–YAMAN: LILY MARTE

Page 29: Ana presentation

1986 – 1994 – Mga Sannguniang Barangay:

BARANGAY CAPTAIN: ANICETA BALOLONG

COUNCILMAN:ROMULO QUIZA

TERESITA M. SEMILLA

EUSEBIO L. MENDOZA ( 1989-1992)

MILAGROS A. ALFONSO

EDUARDO C. AVILLANO

VICTOR CRISOSTOMO

DONATO ABLAY (1992-1994)

KB CHAIRMAN: MARIO A. FUNTILA 1ST HALF

RONALD FRANCIA 2ND HALF 

KALIHIM: BELLA B. BUGAYONG 1ST

LYDIA C. VILLAMOR 2ND

INGAT – YAMAN: AIDA FRANCIA

Page 30: Ana presentation

MGA NAGAWA:

Nagawa noong panahon ni Kapitana Balolong ay naipatayo ang Barangay Masagana Covered Court na pinundohan naman ni Mayor Brigido M. Simon Jr. at pag-iimproved ng Barangay Hall.

Page 31: Ana presentation

1994 – 1997 – Mga Sangguniang Barangay:

BARANGAY CAPTAIN: EDUARDO C. AVILLANO

COUNCILMAN: RAYMUNDO A. BUENAVENTURA

ROMULO QUIZA

JAIME E. SARABIA

DIONISIA M. REYES

NARCISO M. LORILLA

PIO F. SANTOS JR.

ARNOLD ANTHONY C. KUNZ 

SK CHAIRMAN: RONALD M. FRANCIA 1ST HALF

JESUS EMMANUEL L. VARGAS 2ND HALF

KALIHIM: FLORENTINA R. ESPINAS JUNE ’93-DEC.’95

INGAT – YAMAN: AIDA M. FRANCIA

Page 32: Ana presentation

MGA NAGAWA:

Mga nagawa noong panahon ni Kapitan Avillano nagpailaw ng buong Kalantiaw Street nagkaroon ng roving motorcycle para sa mga tanod at multicab na ibinigay ni Congressman Mike T. Defensor nagpaayos at nagpaganda ng Barangay Hall at nagpalagay ng Skating Ring sa Park at nagpagawa ng tatlong Deepwell.

Page 33: Ana presentation

1997 – August 15, 2002 – Sangguniang Barangay:BARANGAY CAPTAIN: DIONISIA M. REYES

COUNCILMAN: RAYMUNDO A. BUENAVENTURA

JULIET L. GINETE

JAIME E. SARABIA

VENANCIO C. BANCUYO

NARCISO M. LORILLA

WINONA Z. CHU

ARNOLD ANTHONY C. KUNZ

SK CHAIRMAN: JESUS EMMENUEL L. VARGAS KALIHIM: FLORENTINA R. ESPINAS JUNE ’93-DEC.’95 

INGAT-YAMAN: LEFIGRACE MILLAN

Page 34: Ana presentation

MGA NAGAWA:

Mga nagawa noong termino ni Kapitana Dioning Reyes ay naipatayo ang Senior Citizen Building na pinondahan ni Senator Nikki Coseteng at ang Daycare Center na pinondahan naman ni Mayor Ismael Mathay Jr. pinaayos din nya ang landscape sa Park at nagpaayos at nagpaganda din siya ng Barangay Covered Court at nagpaoverlay ng mga kalye, nagpagawa din siya ng tatlong Deepwell at nagpailaw ng mga iskinita. At siya ang nag-organized ng Senior Citizen ng Barangay Masagana at sa kanyang termino rin naibalik ang Day Care.

 

Page 35: Ana presentation

August 15, 2002 – 2007 – Sangguniang Barangay:

BARANGAY CAPTAIN: ARNOLD ANTHONY C. KUNZ

COUNCILMAN: RAYMUNDO A. BUENAVENTURA

JULIET L. GINETE

JUAN TENGCO

VENANCIO C. BANCUYO

VICTOR S. CRISISTOMO

ROMULO QUIZA

JOSEPH T. ALVARADO

SK CHAIRMAN: CLARISSE ANNE M. SANTOS

KALIHIM: ANGELITA DB. DEL BARRIO 2003-2004

LAILA GONZALES 2003-2004

THERESA PANCHO 2004-2007 

INGAT – YAMAN: GIL G. CASTRO

Page 36: Ana presentation

MGA NAGAWA:

Ang mga nagawa noong panahon ni Kapitan Arnie Kunz ay naipatayo ang Gazeebo na pinondohan ni Konsehal Bolet Banal at ni Congressman Mat Defensor itinuloy din niya ang pagpapaganda at pagpapaayos ng Barangay Covered Court nagparepair din siya ng mga nasirang ilaw ng iskinita at naipagawa ang Multi Purpose Hall na pinondohan ni Mayor Sonny Belmonte.

Page 37: Ana presentation

December 1,2007 – up to Present – Sangguniang Barangay:

BARANGAY CAPTAIN: JULIET L. GINETE COUNCILMAN:

ALLAN FRANCIS A. PUMARADA

PERLA U. DANIEGA

ROLAND B. MOLINA

JOEY M. LORENZANA

EDUARDO C. AVILLANO

VERGEL L. VARGAS II

VENANCIO C. BANCUYO 

SK CHAIRMAN: EDDIE DP. ALCANTARA KALIHIM:MARITES G. ANDRANEDA

INGAT – YAMAN: GIL G. CASTRO

 

Page 38: Ana presentation

MGA NAGAWA:

Mga nagawa ni Kapitana Jhet Ginete sa termino niya, siya ang kauna-unahang nagpababa ng Philhealth at Social Security System (SSS) sa Barangay Masagana at kauna- unahang nagbigay ng one percent (1%) para sa Senior Citizen nagpaayos at nagpaganda ng Gazeebo at nagpagawa ng Barangay Hall at patuloy pa rin ang pagsisilbi sa ating Barangay.

Page 39: Ana presentation

MAGBIGAY O MAGTALA NG LIMANG SULIRANIN/PROBLEMA NG ATING BARANGAY?

- Pagkakalat ng basura

- Kakulangan ng pangkabuhayan-Akyat bahay.

- Bukas kotse \ agaw cellphone- Pagkakalat ng dumi ng hayop

Page 40: Ana presentation

I. PEACE AND ORDER (KATAHIMIKAN AT KAPAYAPAAN)

Pagtaas ng bilang ng mga Tanod sa ating Barangay mula sa bilang na pito (7), sa kasalukuyan ay labing pito (17) na , sinisigurado nating may kanya-kanya silang shift ng duty bawat 24 oras ng isang araw.

Nakikipag-ugnayan tayo sa Kapulisan at iba’t-ibang ahensya ng gobyerno para sa karampatang pag-aalay upang masiguro na ang bawat araw at gabi para sa ating mga residente ay mapayapa at panatag.

 

Page 41: Ana presentation

II. HEALTH/ MEDICATION ( PANGKALUSUGAN)

Pag lagay ng Health Station/Clinic at Gym sa Barangay Hall, at taunang pagsasagawa ng activities para sa mga kabataan at mga Senior Citizen.

Pagbibigay ng Medical Mission, mga gamot, diskwento sa Ospital, sa mga gamot na Anti-Rabies na biktima ng kagat ng aso o pusa at pagbibigay tulong sa mga namatayan.

Page 42: Ana presentation

Regular na pagbibigay ng programang pangkalusugan para sa mga bata tulad ng (House to House Ligtas Tigdas) para sa mga bata 8 months to below 9 years old, pagbibigay ng Vitamins A at B sa mga bata at estudyante sa ating Daycare).

Page 43: Ana presentation

III. CLEANLINESS AND BEAUTIFICATION OF ENVIRONMENT/SURROUNDINGS (KALINISAN AT KAGANDAHAN NG KAPALIGIRAN)

Regular na pagpapawalis sa daan, sa ating mga Barangay Sweepers.

Regular na pagpapalinis ng mga imburnal, upang hindi ito magbara at magdulot ng pagbaha sa tuwing uulan. Ganoon din ang regular na paglilinis sa Buaya Creek at pagpapaputol ng mga puno na nasa gilid nito.

Page 44: Ana presentation

Pagpapaputol ng mga sanga ng puno na nakakasagabal sa mga linya ng kuryente,telepono at iba pa.

Regular na panghuhuli ng mga aso at pusang gala, pagkakaroon ng Anti-Rabies Vaccination para sa mga alagang aso at pusa ng mga residente.

Page 45: Ana presentation

IV. LIVELIHOOD/PANGKABUHAYAN

Pagsasagawa ng Livelihood Training para sa mga walang trabaho, kabataang hindi nakapag-aral, sa mga maybahay at Senior Citizens.

Page 46: Ana presentation

V. 8EDUKASYON

Pagbibigay ng Educational Scholarship at tuloy- tuloy na pagbibigay pugay at parangal sa mga magagaling na estudyante ng ating Barangay sa pamamagitan ng “Programang Barangay Alkansiya’.

Pagbibigay ng mga School Supplies para sa mga batang mag-aaral sa Barangay Masagana.

 

Page 47: Ana presentation

Sariling Obserbasyon

May mga patunay na marami pang mga tao ang kulang na kulang sa pag kakaisa at disiplina sa sarili. Patuloy parin silang gumagawa ng mga bagay na hindi ayon sa layunin ng barangay. Normal lang sa kanila magtapon ng pinag balutan ng pagkain , upos ng sigarilyo,tumawid sa mapanganib na lugar kaysa gumamit ng pedestrial lane , sumingit sa pila , at daloy ng trapiko , sirain ang mga swing o see saw sa parke , magkalat ng dumi ng aso . Mga gawaing masama tulad ng “bukas kotse “ at “ akyat bahay”. Kailangan nating magkaisa at sama-samang gumawa upang magkaroon ,malinis at maayos at tahimik na barangay.

Page 48: Ana presentation

Rekomendasyon

Napapadali ang gawain at problema sa isang barangay kung magtutulungan ang bawat kasapi.Masaya ang isang barangay kung ang mga tao nito ay magtutulungan ,sama-samang gumagawa ng proyekto , pinapaganda at nag lilinis ng mga paligid,nagtatanim ng mga halamang na mumulaklak. Tumutulong sa barangay tanod at pulis , upang mahuli ang mga taong gumagawa ng masama at magkaroon ng tahimik at maayos na barangay.

Page 49: Ana presentation

Konklusyon

Ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga kasapi ng bawa’t barangay ang kailangan upang matugunan ang ating mga pangangailangan. Makiisa nang maluwag sa kalooban sa mga kapaki-pakinabang na gawain. Masarap tumira sa isang masaya at tahimik na lugar.Malulutas,magagawa at mapapadali natin ang lahat ng bagay kung ang lahat ay may pagkakaisa,pagtutulungan at disiplina sa ating mga sarili.