36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy...

download 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

of 31

Transcript of 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy...

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    1/31

    THE DANCER & THE SHAPESHIFTER

    Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Book 4 NOELLE ARROYO

    MULA nang matalo sa konsyerto nina Guinevere at Caleb ay hindi nagparamdam sa mga Encantara si Leica Soldita Malvado. But on the day Georgette le Charme Encantara, the last of the Enchanted Daughters, dreamed her Prince Hero dead, nagalaw ang balanse ng enerhiya sa magical realm. Inagaw ni Leica ang kapangyarihan ng Diyosa ng Kalikasan at hindi na lang ang kanyang buhay ang nanganganib sa masamangbruja kundi kaligtasan ng sangkatauhan at nang lahat ng mga nilikha sa buong mundo. Pero hanggang hindi naililigtas ang kanyang Prince Hero, alam ni Georgettena wala siyang silbi sa lahat. O kahit sa kanyang sarili. SI Daniel ay isang manunulat na shapeshifter na kahit kailan ay hindi pa nakalayo sa invisible na islang Vernaa. Pero nang matuklasan niyang meron siyang misyong mas malawak kaysa kanyang simpleng eksistensyaat makakasama niya sa misyong iyon si Georgette na isang fairy-witchhindi siya halos makapaghintay na simulan ang kanyang adventure. Saimahinasyon niya sila nagsimula, pero sa isang masalimuot na pangitain nang inani Daniel noong sanggol pa lang siya magtatapos ang kwento ng mananayaw at nangkanyang Buriway. Ang tanong, pagkatapos ng kwento ay buhay pa rin kaya silang dalawa? ***

    Sa panaginip ko, halos mabaliw ako noong akala ko namatay ka. Hanggat hindi ka nila nakikita hindi ako natahimik. Noong dumating ka bilang bayawak, kahit hindi paako sigurado na ikaw nga yon gumaan agad ang aking dibdib. Kung hindi pa kita ma

    hal non hindi ko na alam kung ano yon.

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    2/31

    Kahit na akoy makapagsalita ng ibat ibang wika ng mga tao at mga anghel, para lamang akong kampanang kumakalembang o pompiyang na maingay kung wala akong pag-ibig. 1 Corinto 13: 1

    ONEBILOG ANG BUWAN nang gabing iyon ng Marso at mistula iyong isang makapangyarihang bantay na mapagpasensyang nakatanod sa lahat ng nilalang sa lupa. Sa pusod nggubat sa rancho ng mga Encantara na nasa dulo ng bayan ng San Bernardino, magaanang mga paang nagsasayaw pauwi si Georgette. Ang tangi niyang gabay ay ang liwanag sa taas na nakakatakas sa mga butas sa pagitan ng mga dahon at dalang mumunting mga ilaw ng mga alitaptap na masiglang nagsisisunuran sa bawat niyang pagkilos. Minsan, tumatakbo siya; minsan ay lumulukso at naririnig ang kanyang masayanghalakhak tuwing dumadapo ang maliit na mga ilaw sa kanyang balat. Yapak ang mgapaa niyang patingka-tingkayad sa mahamog na damuhan na parang isang naglalarongballerina sa sariling entablado o mas tamang sabihing witch enchantress sa sariling maka-kalikasang kaharian. Isa iyong gabi na puno ng magic. Sa mga bansa sa Norte, simula ng spring simula ng buhay. Buntis ang lupa at malapit nang manganak.Nararamdaman niya ang mahika sa nagtatampisaw na liwanag mula sa makapangyarihang buwan sa kalangitan. Hinihinga niya iyon sa kapaligiran.

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    3/31

    Mabini siyang tumalon sa ibabaw nang nakausling ugat nang isang matandang puno.Nang bumagsak ang kanyang mga paa sa lupa ay nakaipit na ang orkidyas sa kanyangteynga. Natatanaw na ang hardin ni Lola Mertha sa labas ng gubat at bumilis angtakbo niya. Nagpasalamat siya sa mga alitaptap sa pagsama ng mga ito sa kanya.At nang makalabas siya sa kagubatan ay ngumiti siya sa liwanag ng buwan na bumagsak sa kanyang mukha at nagbigay nang banayad na init na untiunting lumukob sa kanyang katawan bilang isang magical na enerhiya. Tinungo ni Georgette ang bed rock sa gitna ng hardin ng mga bulaklak at nahiga siya roon. Ang spot na iyon sa gitna ng hardin ang kanyang pinakapaborito sa buong universe. She did her dreaming hereboth asleep and awake. Dito rin niya naiisip maging kanyang mga problema. Nataboy ang saya sa kanyang dibdib. Tatlong buwan na langtatlong buwanat siya namanang haharap sa sumpa ni Tita Leica. Ni anino nang kanyang mangingibig, hindi panakikita. Ginagamit na lahat ng paraang praktical at mahiko para hanapin ito pero hindi pa rin ito mahanap. Kahit sa mga visions ng mga seers, wala. Where. Was. Her. Prince? Masyadong nanghina si Tita Leica mula noong mataboy ito kay Alekang awit ng pag-ibig nina Ate Guinevere at Kuya Caleb nang gabi ng konsyerto. Naroroon din kasi nang gabing iyon si Gregory at ito at si Aleka pala ay nakatakdasa isat isa. Isang taon matapos gumaling si Aleka mula sa masamang epekto nang mapagkontrol na salamangka ni Tita Leica noong alipin pa nito ito ay ikinasal angdalawa at ngayon ay tahimik nang naninirahan sa rancho. Pero hindi pa rin nagpaparamdam sa kanila ang masamang bruha kaya nag-aalala lahat sa kung anumang maaaring hinahanda nito para makaganti at makuha siya.

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    4/31

    Itinataboy niya ang takot niya sa pag-alalang binigyan ng proteksyon ng kapangyarihan si Kuya Orlando bago pa nito makilala si Ate Soliel. Malakas ang kapangyarihan ng pag-ibig. Throughout history, man has always been fickle and weak but love always remained steadfast in the end. Nanonood sa nagkikislapang mga bituin salangit, napabuntunghininga siya. Sa Norse Mythology, noong nilikha ni Prometheus ang mga nilalang sa mundo, sinadya nitong nakayuko ang lahat ng mga hayop maliban sa nag-iisang biniyayaan ng pagkatuto. Hinulmahan nito ito ng tuwid na spinepara makatayo, makatingala sa langit at mamasdan ang kalawakan nang perpektongsistema ng mga buwan, ng mga planeta at kumikinang na mga bituin. Na nagsasabingkahit gaano man kagulo sa mundo, posible ang perfection sa universe. Na kung susundin ng tao ang batas ng kalikasan, they could achieve that beautiful perfection. Eventually, everything would be alright.

    Thanknaisip.

    you,

    Prometheus,

    nangingiti

    niyang

    Hinanap nang kanyang mga mata ang mga bituin ni Lolo Pilay. Pero madaling-araw na at kapag tinawag niya ito sa ganoong oras, she might give the poor old man a heart attack. Napalabi siya. Ang pagiging paranoid ni Lolo Pilay ay understatement pa lang ng paranoia nang lahat. Hindi ibig sabihin na hindi lumalabas si Leica, hindi ito nakakaisip nang masama. Malamang na sine-save nito ang pinakamatinding pagsalakay na gagawin nito sa huling mga araw bago ang kanyang kaarawan. Dahilan kung bakit natatakot siya para sa kalagayan nang kanyang mangingibig, saanman ito naroroon. Tumagilid sa pagkakahiga si Georgette at nang mamasdan ang mga bulaklak ay gumaan kahit papaano ang kanyang dibdib. Kung ipipikit niya ang kanyang mga mata ay alam niyang makikita niya ang maririkit na mga kulay na parang nasa kasikatan iyon ng arawpula, rosas, dilaw, orange,

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    5/31

    pinakamatingkad na blue at pinakamaputing puti sa lahat ng mga puti. Kahit ang kaberdehan ng mga sanga at tsokolateng kulay ng mga katawan ng puno ay buhay na buhay. Pero napakaganda pa rin ng mga ito sa kabila nang mabining liwanag ng gabikagandahang misteryoso mystical. Nangungusap iyon sa kanya, binubura ang takot niyasinasabing ligtas ang kanyang mangingibig saan man ito naroroon nabibigyan ng proteksyon ng kapangyarihan nang kanilang nakatakdang pag-ibig. Nalukob siya ng kapayapaan at unti-unti siyang inantok. Naghikab siya kaya ipinikit niya ang kanyang mga mata. She could hear a soft song in the wind the songs of distant fairy voices. Nakakaengganyo iyong pakinggan nanghehele nagpapaantok. Nang makatulog siya,ni hindi niya iyon halos namalayan.

    NANG MAGMULAT muli si Georgette ay napakunotnoo siya. Gabi pa rin. Pero napakadilim. Tumingala siya. Nasaan ang bilog na buwan? Nasaan ang kanyang mga bituin? Then she realized that she wasnt awake. She was dreaming. And it wasnt a pleasant dream. Hindi halos makita ang mga bulaklak. Hindi matanaw ang liwanag nang kanyang mga kaibigang alitaptap sa bukana ng kagubatan. Everything was black ang gray.She did not like it. May narinig siyang mahinang tunog sa kanyang tabi at naiinis na napalingon siya roon.

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    6/31

    Pagkatapos ay umalpas sa kanyang bibig ang napakalakas na irit. Eeeeeeeeeeeek! Halos mahalit ang lalamunan ni Georgette sa pagsigaw. Nagtatayuan ang mga balahibosa kanyang buong katawan nang mahulog siya sa lupa sa tarantang paglayo sa kanyang nakita. May butiki sa ibabaw ng bato! Hegante at napakahabang butiki! Anong ginagawa panaginip?! ng bayawak sa kanyang

    Gusto mang tumakbo, sa sobrang sindak ay nanigas siyang parang flagpole. Baka habulin siya nito! Saka niya naalala

    Oo nga pala! Fairy ako, witch papowerful ako. At bakit ako matatakot eh panaginipko ito?!Pero anong gagawin niya sa butiki, nadidismaya rin niyang naisip. Hurting it made her cringed. Wala naman itong ginagawa kundi panoorin siya sa kanyang kawalanng poise. Thats not enough for her to zap it to oblivion. Ano naman kayang klase ng panaginip ito? naiungol niya. Monitor lizards were reptiles, werent they? Kinilabutan na naman siya. Pero sinermunan niya ang kanyang sarili.

    Georgette, youve handled clay zombies. Snap out of it!Right, sabi niya nang malakas. Its just a lizard. No problem, dagdag pa niya. She ld maybe stare it down. At nakipagtitigan nga siya rito, pinakikita ritong hindisiya natatakot. Na kahit anong gawin

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    7/31

    nito, hindi siya tatakbo at hindi siya sisigaw at hindi siya hihingi ng saklolo.

    What was it doing in her dream, anyway. Usually, she could control her dreams. As in really. Kapagpumapangit-na-nagigising-na-siya-period. Pinahid niya ang pawis sa kanyang noo. May nakita ba siyang bayawak o pictures niyon recently para managinip siya nang ganito?Wala naman siyang maalala. Ang laki nito talaga, mas malaki pa sa water lizard na nakita niya sa Manila Zoo. But instead of black skin and white spots, this onescolors were very alive they were almost breathing. Ito lang ang nag-iisang maykulay sa gray and white niyang panaginip. Pinaalala niya sa sariling reptile ito, pinsan ng mga alligators at ahas. Walang cute na reptile.

    Wrooong. Tortoises were reptiles and tortoiseswere cute. And that was it. Even as she tried, she wasnt that scared of the lizard anymore. Dahil nagsisimula na siyang ma-curious. And God hath made the word CURIOUS and CURIOUS was GEORGETTE, lumabas sa kanyang bibig. Napangiwi siya. Guilty.Siya ang fly sa flame. And Ate Soliel and Ate Guinevere werent here in her dreamto shoo her away. At in fairness sa bayawak, it wasnt really a dangerous-lookingflame. Hindi pa rin ito kumikibo. Ang mga mata nito ay half-lidded na parang antok o bored. His skin was scaly but the colors were extra-ordinarydilaw ng araw at berde nang bagong sibol na halaman. Sandaling kumibo ang buntot nito, a flicking that took its own time and didnt scare her at all, habang patuloy siya nitongpinanood na parang

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    8/31

    naghihintay itong ipahiya na naman niya ang kanyang sarili. Hindi na talaga siyanatatakot. Maingat siyang lumapit. Huwag sana itong manunggab dahil baka magitla siya at magi itong butiki sa kisame. Pero wala pa rin itong ginawa. His eyes followed her, oo, pero gaya lang nang isang bored na pusang nakakita ng kilala pero ni hindi nagkainteres bumati. Parang si Garfield, pero bayawak. Dahan-dahan siyang naupo sa gilid ng bato. Kumiling ang ulo nito na parang gusto siyang makita sa mas magandang anggulo. At kumbinsido na si Georgette na walang masamang balak sa kanya ang bayawak. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, basta alam lang niya. She reminded herself again that she was inside a dream, very conscious, but still in a dream. And she knewthis wasnt just an ordinary dream. Its a magical dream. Anong mensahe ng panaginip na ito sa kanya? Noong natititigan na niya ito nangwalang takot, napagtanto niyang hindi talaga ito pangit. Gaya nang ibang nilalang, it has a beauty all its own. Van Gogh painted flowers that were picked fromthe countryside then sold years after his death for millions of dollars becausethe beauty of the flowers could then be seen through his eyes. Ganoong klase ngperspective. At lalo siyang nakumbinsing merong mensahe sa kanya ang panaginip. Hello sabi niya rito. Kinakausap na niya ang bayawak. Improvement.

    Ano naman kayang gagawin niya kung bigla itong sumagot? Inangat niya ang kanyangkamay at dahan-dahan niya iyong ipinatong sa ibabaw ng ulo nito.

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    9/31

    Pagkalapat na pagkalapat nang kanyang kamay rito, nakarinig siya nang mahinang ingay na hindi nalalayo sa kuntentong purr nang isang pusa. Hindi niya napigilangmatawa.

    Ahhh. Alam na niya ang misteryo.Hes a confused bayawak who thought himself a cat. You just love that, dont you? Someone must have spoiled you reckless. It opened its mouth and flicked its tongue out. Nandidiri niyang nabawi ang kanyang kamay. Nilawayan siya nito! Eeeww. Daniel, kadiri ka! Natigilan siya.

    Daniel.?Now where did that come from?

    Daniel ulit niya sa kanyang isip, hindi maipaliwanag ang init na lumukob sa kanyang katawan hanggang sa maabot niyon ang kanyang puso.D-Daniel? mahina niyang bulong nabibingi sa kabog nang kanyang dibdib. For a moment, nothing happened. Pagkatapos ay nagsimula itong mangatal. Nangaligkig ang mgaspikes sa ibabaw nito at kumislot ang mahaba nitong buntot. Taranta siyang napatayo. Lumakas ang seizure, then blood spurted from its eyes. Oh my God! naiiyak niyasa takot. habang

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    10/31

    Hindi na lang ang spine kundi ang mga buto ang gumagalaw sa loob ng balat nito na parang gustong umalpas! Sindak na natulala si Georgette dito. Dahil alam niyakung anong Nagdaraan siya sa ganoon gabi-gabi. nangyayari.

    Her beautiful bayawak was changing form right infront of her eyes! Pero hindi gaya niya na nababalutan ng liwanag, nililindol ito nang kung anong delubyo mula sa loob. It looked so painful, napaluha siya sa sobrang awa rito. Lumapit na naman siya para sumaklolo. Pero sa kanyang panghihilakbot, bigla itong sumabog. Daniieeeeel! irit niya. Sa harap niya, umalpas rito ang mahahabang mga biyas, flat natorso at matipunong dibdib nang isang lalaki. Huli ang ulong ang mukha ay nababahiran nang matinding sakit, takot, at matinding pagkatuliro. Gumiray ito sa ibabaw ng bato. Georgette had no time to get out of the way bumagsak ito sa kanya. Bumagsak sila sa damuhan, crushing little wild flowers on the ground. Air was forced out of her lungs. Mabigat ito. Umungol ito.Georgette...! The feeling of suffocation vanished when she heard her name from his anguished lips. Pero bumagsak angulo nito sa kanyang balikat at hindi na ito kumibo. She turned her shocked eyesto look at his bloody face. Parang nagyelo ang puso niya nang makilala niya ito. Ang kanyang Prince sa wishing well. And he looked dead.

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    11/31

    Nagising si Georgette at mataas na sikat ng araw. Pagkatapos ay umalpas sa kanyang bibig ang klase ng sigaw na hindi pa narinig mula sa kanya kahit kailan.

    HUMIHINGAL SI Daniel nang magmulat at napabalikwas siya sa pagkakahiga sa mga nets sa bakal na sahig ng deck ng fishing boat na nakaangkla sa dalampasigan ng isla ng Vernaa. Napakurap siya sa liwanag. Umaga na. Nagtungo siya roon nang madaling araw at nahiga para panoorin ang mga bituin sa langit bago iyon maitaboy nang paparating na araw. Inantok siya at nakatulog. At nanaginip siya. Napanaginipan ni Daniel ang pinakamagandang babaeng nakita niya sa tanang buhay niya. Natutulala siyang bumangon para maupo sa paboritong stool nang kanyang ama noong buhaypa ito at namimirata pa ang mga Vernaan. Ngayon ay si Kuya Miguel na, ang panganay niyang kapatid, ang may-ari ng bangka at lider nila sa pagpapalaot. Tapos naang pamimirata ng mga Vernaan. Pangingisda, panghuhuli ng hipon at alimasag, pearl diving and culturing at pangangalakal na ang pangunahing pinagkukunan nila ng kabuhayan. Katunayan ay magpapalaot sila mamayang hapon para salubungin ang yateng magdaraan malapit sa isla. Bebentahan nila ng mga produkto ang mayayamang mga sakay niyon. Sa isla ay may paaralan, library, palengke, craft-making house at maliit na templo ng sambahan. Walang ospital dahil may gift of healing ang mgaBuriwayisa pang tawag sa mga Vernaan. Ang mga pagpupulong ay ginaganap sa sentrong tipunan sa gitna ng isla pero kilala niya ang bawat mukha nang halos anim nadaan niyang mga kalahi at wala roon ang sa babae. Maraming taon na ring namumuhay nang tahimik ang mga Buriway sa isla ng Vernaa nang walang istorbo mula sa mga

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    12/31

    taga-ibang isla, dahilan kung bakit kung meron mang ibang mukha, malalaman iyonagad nang lahat. Si Daniel ay matangkad at magandang lalaki, base sa reaksyon sakanya ng mga dalaga sa isla. Makisig ang kanyang katawan dahil sa pagtatrabahoat paninisid. Sa edad niya ay pwede na siyang mag-asawa pero wala pa siyang napupusuan sa mga dalaga sa Vernaa. Wala pang nakapagpabilis sa tibok nang kanyang puso gaya ng babae sa kanyang panaginip. Pumikit siyang muli. Mabilis at napakalinaw ang pagbalik nito sa kanyang balintatawang maamo at hugis-puso nitong mukha,matangos na ilong at mukhang napakalambot, napakapupulang mga labi mga labing parang napakasarap halikan. Ang mga mata nitong nangungusap ang pinakamalinaw sa kanyang alaala. Kumirot muli ang puso niya nang maalala ang lungkot sa mga matangiyon habang umaabot sa kanya ang isa nitong kamay, tinatawag ang kanyang pangalan.

    Daniel napakatagal na kitang hinihintayGustong gusto niya napakalayo nito sa kanya. itong abutin pero

    At nang magising siya, noong natuklasan niyang panaginip lamang iyon at hindi ito totoo, nagsikip ang dibdib niya. Ni hindi man lang niya ito nahawakan ni hindinakausap. Ang posibilidad na hindi na niya ito muling makita ay parang sugat nanag-antak sa kanyang puso at nagdala nang labis na kalituhan sa kanya. Posible bang masaktan nang ganito dahil sa isang babaeng nakita lamang niya sa panaginip?Pero nangyari na ito, hindi ba? Malungkot siyang napangiti habang naaalala si Georgette. Pagkatapos ay umaliwalas ang kanyang mukha. Dinukot niya sa bulsa angisang pen knife.

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    13/31

    At sa sumunod na sandali, kinutkot nang matulis na dulo ng kutsilyo ang kahoy sagilid ng bangka ng mga Buriway. Nang matapos iyon, kritikal niyang tinitigan ang nabuong imahe. Sana nakita niya itong ngumiti kahit sandali lang para naobserbahan niya ang mga linyang nabago. Para nakita niya kung may biloy ito sa mga pisngi gaya ni Georgette, kung paano kuminang ang mga mata nito dahil sa sayang nararamdaman nito. At naramdaman ni Daniel ang matinding pangungulila na akala niyaay nakalimutan na niya. Sino ka? tanong niya sa larawan. Saka mapait na natawa. Kinakausap niya ito. Naloko na.

    Georgette, bulong nang tinig sa kanyang isip.Napakurap si Daniel pagkatapos ay napakunotnoo. Hindi.

    Georgette, giit ng tinig.Napabuntunghininga si Daniel. Hindi na siya natuto. Hindi niya kinayang suwayinang tinig na iyon noon. Ngayon pa kaya? Sabagay, akma ang pangalan para rito. Nababagay sa maamo nitong mukha, sa buhay na buhay nitong mga mata. At parang hindina masakit maalala si Georgette. Hindi gaya nang dati. Sige, papangalanan niyaitong Georgette. Sandali niyang blinangko ang kanyang isip at pinakiramdaman angkanyang sarili. Pero ang tanging dumating ay ang salakay ng kakuntentuhan gayanang dala sa katawan nang mainit na tsokolate sa malamig na gabi. Napangiti siya. Noon niya narinig ang tawanan sa dalampasigan. Dumating na ang kanyang mga kapatid at mga

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    14/31

    pinsan. Nagbuntunghininga siya habang itinutupi ang pen knife at ibinabalik iyonsa kanyang bulsa. Hindi nagtagal at isa-isang lumulan sa bangka ang mga ito. Hindi na nagtatakang makita siya, inabutan siya ng Kuya Gabriel niya ng almusal. Sandali lang nitong sinulyapan ang bagong guhit sa kahoy, pagkatapos ay nagkibit-balikat. Maganda, anito. Hindi siya umimik. Napapailing itong tumalikod at naghanda na sila sa kanilang pagpapalaot sa hapong iyon.

    WALA SA sarili si Georgette nang masaklolohan siya nina Gregory at Aleka. Pinainom siya ni Lola Mertha ng tsaa nang makauwi siya sa bahay at kinalma siya ng mgayakap nito kahit nahihirapan itong papagtagpuin ang mga kamay sa kabuuan niya dahil mataba na naman siya. Kinwento niya rito ang kanyang panaginip at ang kanyang naramdaman pagkatapos magpalit ng anyo si Daniel. Sigurado ako, Lola. Pahiwatig ang panaginip na iyon. Hes in danger I just know it, umiiyak niyang sabi rito. Kalangan ko syang mahanap. Naiintindihan mo ba? Pinatawag ko na ang mga kaibigan natin at mga kapatid mo. Parating na sila. Lola, we have to go! protesta niya. Now! Paan? We have to do more spells and divinations. We have to know where to go. Nagbagsakan lalo ang mga luha sa mukha niya. Lola Im scared!

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    15/31

    Hinaplos nito ang pisngi niya. Mi bien, ino te molestes. Gagawin natin lahat. Wewill find him. Hindi natin papayagang may mangyaring masama sa kanya. Dumating sina Lolo Pilay, ang mga gurong sina Teacher Lolita, Teacher Anita at Prof. Nunu,si Aling Lily at ang mga anak nitong sina Kathleen at Veronica na agad na yumakap sa kanya. Pinakinggan nila habang pinag-usapan ng mga matatanda ang gagawin. Meron akong naisip, Lola Mertha, ani Teacher Anita. Alam nyo kung saan siya pupuntahan? tanong niya agad habang napapatayo sa lugar kung saan niya katabi ang kanyangmga kaibigan. Pwede sigurong mahanap ang mangingibig mo sa dream dimension ng magical realm kung totoong ang panaginip na iyon ay pahiwatig sa iyo na nasa panganib ang iyong mangingibig, anito. Ikaw at si Daniel ay nakatakda sa isat isa, konektado nang isang pisi sa mundong hindi nakikitapero pwede iyong makita nang isang napakagaling na magician sa mundo ng mahika kung saan iyon unang nagmanifest bagonangyari sa pisikal na mundo. Sinong tanong. magician? pigil-hininga niyang

    Matatandang mga orakulo, sagot ni Prof. Nunu. Sasama ako, sambit niya. Naging maingy sa library. Ayaw siyang payagan ng mga matatanda. Higit sa lahat, ngayon ka dapat mag-ingat, apo, ani Lola Mertha. Manatili ka rito sa ligtas na lugar habang hinahanap namin si Daniel.

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    16/31

    Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Hindi nyo ako isasama? I cant stay here. Nanganganib si Daniel! Pero umiling lamang ito at nagkaingay na naman pero pinatahimik ang mga ito nang kanyang lola bago ito lumapit sa kanya para hawakan angkanyang balikat. Georgette, hanggat hindi pa natutuklasan ang binabalak ni Leica,you will stay where youre safe from her handsdito iyon sa rancho. Go and get ready, utos ni Lola Mertha sa iba sa mariing tinig. Pagkatapos ay sinabihan nito sinaKathleen at Veronica. Stay here and make sure she stays put. Hinalikan siya nitosa magkabilang pisngi. Behave. Well bring him home. L-Lola Tumiim ang titig nito nya habang sa likod nito, isa-isang naglaho ang mga witches na makakasama nito sa misyon. Georgette, listen to me. Nakatakda kayo ni Daniel sa isat isa at walangbasta makasisira sa itinakda ng mga diwata. We were able to protect you and yoursisters with our blood in your veins but that was a witch thing. In the magicalrealm of your fairy ancestors, destiny was one potent element and it was Time.And Time past, present and futurewas one. Destiny uttered, destiny fulfilled is afairy principle. Ang itinakda ng iyong Nunong Ina ay itinakda ng Panahon. If itsaid hes going to save you from harm, he will. Napalunok siya. Im so scared Niyakya nito. Have faith in him. Pagkatapos ay naglaho na rin ito.

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    17/31

    Kahit na isa akong propeta; kahit na malaman ko ang pinakamalalim na katotohanan, at lahat ng uri ng katotohanan; kahit na nakapagpapalipat ako ng mga bundok dahil malakas ang aking pananampalataya, wala pa rin akong kabuluhan kung wala akong pagibig. 1 Corinto 13: 2

    TWOPAGKAALIS NG MGA ITO, nakumbinsi siya nang kanyang mga kaibigang magpahinga paramaging handa sa anuman. Bukod kasi sa sandaling pag-idlip na iyon ay wala pa siyang tulog sa magdamag. Dinalhan siya ni Binay nang tsaang may gatas at ni Alekanang tuyong mistletoe para hindi siya makapanaginip muli noong nasa kwarto na siya. Hindi mo pwedeng mapanaginipan ulit si Daniel, mariin nitong sabi. Tama na angisang panaginip na magtuturo sa mga orakulo kung nasaan siya. Sana ay hindi maisip ito ni Reyna Leica. Natulala siya rito. Hindi niya naisip iyon. Na maaaring gamitin din nina Tita Leica ang panaginip niya para mahanap si Daniel. Nilagay niya ang mistletoe sa ilalim nang kanyang unan bago siya matulog.

    SA IBANG parte ng mundo Maingat sa kanyang paghinga si Leica. Bawat kibot at munting kilos ay napakasakit para sa kanya. Ang katawang inookupa niya ay ilang minuto na lang ang itatagal at kailangan na iyong palitan.

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    18/31

    Sa likod niya, naririnig niya ang iyak ng inosenteng birheng gagamitin sa ritwalsa gabing iyon. Too bad she wasnt a powerful witch. Mula nang maagaw sa kanya siAleka ay wala na siyang natagpuang gaya nito. Hindi na niya ito mababawi sa mgaEncantara. Tuluyan na itong naliwanagan sa mga turo ni Merthang Bruja at hindina niya ito makokontrol pa. Pero hindi bale. Narito siya para makuha ang kapangyarihang pinagmulan nang lahat ng kapangyarihan. Gagamitin niya iyon para mapuksaang magkakapatid at lahat nang kanyang mga kalaban. Nakatitig siya sa mga heganteng batong nakatayo sa kanyang paligid. Nasa taas sila ng isang bundok sa Syria. Sa kanilang dinaanan, nagkalat ang mga bangkay mga nagkamaling kwestyunin kungsino at anong ginagawa ng mga estrangherong dumating sa sagradong lugar na iyon.Nasa isang napakatandang burial site sila na panalanginan ng mga pagano may sampung milenyo na ang nagdaan. Iyon ang gamit na portal nang unang mga shaman sa paglalakbay sa mundo ng mga ispirito. Sinundan niya hanggang dito ang isang alamat na iningatan ng mga Malvado. Tumingala siya sa bilog na buwan ng Spring Equinox at ngumiti kahit masakit iyon sa kanyang tuyong mga labi. Narito siya para tawagin ang Reyna ng Kadiliman bilang apo nang isa sa nawaglit nitong mga anak

    NAPABALIKWAS SA kama si Georgette. Malakas ang kabog nang kanyang dibdib. Ang nararamdaman niya ay walang pinag-iba kaninang umagang nagising siya matapos mapanaginipan si Daniel.

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    19/31

    Hintakot siyang bumangon at bumaba sa bahay. Lalo siyang nataranta nang makitangnagkakaingay ang kanyang mga kaibigan, sina Binay at Aleka, at ang kanyang mgaate. Dumating na pala ang mga ito. Nang makita siyang nakatayo sa may baba ng hagdan, agad na sumugod ang dalawa ng yakap. Naramdaman nyo ang naramdaman ko? Something just happened. I can still feel something. Nahihirapan akong huminga, reklamoniya. Nagkatinginan ang mga ito. Sa wakas, si Ate Soliel ang sumagot. Nagalaw ang balanse ng enerhiya sa mundo ng mahika at naramdaman ang vibrations sa mundongito, sabi nito. What?! Ang balanse ng enerhiya? It couldnt be! Sina Lola? Theyto find out why, sagot ni Ate Guinevere sa mas mahinang tinig.

    Paano si Daniel, tanong nang kanyang isip. Alam niya kung gaano kaimportante angbalanse, pero paano si Daniel?Napahawak sa kanya ang kanyang mga ate, halatang nahulaan ng mga ito ang kanyanginiisip. Theyve already splitang iba ay sa Syria nagtungo. Doon nasundan ang pinagmulan ng vibrations. Ang iba ay ipinagpatuloy ang paghahanap sa mga orakulo. Somebody has hidden the magus that holds the oracle of dreams. Sumunod sa kanila siCaleb para tumulong. Napatingin siya sa mga ito. Lahat ng mga ito nangyari habang natutulog pa siya? Si Kuya Orlando? Nasa Maynila pa kami nang maramdaman namin ang nangyari sa magical realm at naiwan siya para

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    20/31

    magdagdag ng instructions kina Gretchen at Peachy tungkol sa production line, sagot ni Ate Soliel. The company has been manufacturing massive quantities of charmed products to get people protected and ready for whatever was coming. Mas maraming lugar at produkto ang nagtataglay ng imahe ni Ate Soliel, mas maraming konsyerto ang ginawa nina Ate Guinevere at Kuya Caleb matapos ikasal ang mga ito shortly after their very first concert, at libo-libong kopya ng dance videos niya ang naikalat sa buong bansa. Alam nilang ang huli nilang pagharap kay Tita Leica ay mas magiging matindi pa kaysa mga nauna. Gusto nilang maihanda ang inosentengmga taong maaaring maapektuhan. Hindi na nila gustong maulit ang nangyari sa mgataong nabiktima ni Tita Leica noon at ginawang taong putik gaya ni Paquito. Hellbe here any minute now. Sa halip na sumunod kayo kina Lola, dito kayo pumunta parabantayan ako? nagi-guilty niyang sabi. Georgette kung totoo ang hinala nating lahat, ang dalawang taong kailangang mapanatiling safe ay ikaw at ang iyong mangingibig. Lola Mertha will make sure that they could get him to safety habang kami, dito lang sa tabi mo, mariing sabi ni Ate Guinevere. Hindi na nito dinagdag ang alam na niya. Narito ang mga ito para siguruhing wala siyang gagawing kabalbalan sa pagsunod niya sa kanyang damdamin. Dumating si Kuya Orlando at lumabas si AteSoliel para salubungin ito. Tayo sa library, ani naman ni Kathleen. Don unang sumuslpot sina Lola kapag umuuwi sila mula sa kahit saan. Nagtungo sila roon. Ang unang pumasok sa pinto ay si Kuya Caleb at sinalubong ito nang nagulat na asawa. Anong nangyari? tanong nito.

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    21/31

    Pinabalik nila ako agad dito. They have found the magus of the oracle of dreams.Theyre trying to heal him now. Naumid ang mga dila sa sinabi nito. Una silang nakarating sa isang Neolithic dolmen sa Mt. Holmen sa Syria pero hindi na nila inabutan doon si Leica. Nasundan nila ito sa pinagtataguan ng matandang magus, dagdag na paliwanag nito. Lumapit sa kanya si Kuya Caleb at niyakap siya nito nang mahigpit. Georgette, its going to be alright, anito sa matatag na tinig. With the help othe magus, they will know where to find him now. Theyre going to get him and take him home. Hindi siya makaimik pero pinilit niyang ngumiti. Pumasok si Ate Soliel kasunod si Kuya Orlando. Niyakap din siya nito. Are you okay? Im sorry we couldntcome soon enough, anito. Ill feel okay kapag nahanap na nila si Daniel. This Daniis The shapeshifter in my dream. My Prince, Kuya. Then hes going to be alright. Aang taong tao, ni hindi nakanti ni Leica, siya pa kayang aswang? Natahimik lahat.I said something really bad, didnt I? hula nito. Napabuntunghininga siya. Isang klse lang ng shapeshifters ang mga aswang, Kuya Orlando. My Prince is of a different kind. Hindi siya aswang.

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    22/31

    Of course not. Im so sorry, namumula nitong sabi. Tuwing bumibyahe ako sa ere nang illion miles per hour, parang naiiba-iba yata ang pwesto ng brain cells ko paglapag ko sa lupa. Napahagikhik si Veronica habang napapailing naman siya. Pagkatapos, nagbagsakan na lang ang kanyang mga luha. Georgette, calm down. Look, magkaka-eye bags ka na naman, panakot sa kanya ni Kathleen. I dont care! sambit niya. I juwanna be sure hes safe! I want him to be safe! Nag-aalalang napasilip sina Aleka at Binay sa pintuan. Gusto nyo talagang malaman nangyayari? sambit ni Aleka. kung anong

    Napalingos silang lahat dito. Pumapasok ito sa pinto kasunod si Binay. Walang ibang bruja ang sobrang palalo, paniniwalaan nitong kaya nitong kontrolin ang kapangyarihan ng mundo. At alam mo ito dahil? tanong ni Kuya Caleb. Marami nang isiniwalt sa kanila si Aleka tungkol sa mga panahong naglilingkod pa ito sa dati nitongreyna. Ang mga kahindik-hindik na impormasyon, nakuha nila rito sa pamamagitan ng hipnotismo. Paminsan-minsan ay nakakawala ito sa kontrol nang masamang bruja,gaya na lang noong gabing sinubukan nitong itakas si Paquito matapos itong makilala sa larawan sa wallet nang namatay nitong kapatid. Pero nabisto ito bago tuluyang makatakas ang dalawa at bilang parusa, katawan nito ang ginamit ni Leica noong gabi ng konsyerto. Isa iyon sa maraming mga planong halos hindi pa nabubuo saisip niya noong gabing ginamit niya ang katawan ko. Bahagya itong nangatal na parang

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    23/31

    ang karanasan ay mas gusto nitong kalimutan. Gusto niyang hanapin ang Diyosa, parang nalilito nitong sabi, sa isang portal na daraanan patungo sa mundo ng mga patay.

    Portal. Wait napatitig siya kay Aleka.Pagkatapos ay namilog ang kanyang mga mata. Gusto niyang i-possess ang Diyosa ngmundo?! Iyon ang duda ko, anito. Nababaliw na ba siya?! Siya ang diyosa ng mitolotarantang sabi ni Ate Guinevere. Gaea sa Greece, Isis sa Egypt, Ishtar in Mesopotamia, Juno in Ancient Rome, Frigg in Scandinavia, also the Incas Pachamama. Siyaang Diyosa. She couldnt be possessed, protesta nito. Selene mother goddess of the fll moon, nasambit niya habang napapatingin sa kanyang mga ate. Their mothers namewas Celine. Shes usually represented in art riding a chariot drawn by two horses Sndaling nagdaan ang katahimikan habang pinagsasaluhan nilang magkakapatid ang sandali. Pero agad din iyong natapos. Pano naisip ni Leica na pwedeng ma-possess angdiyosa ng mundo? naguguluhang tanong ni Kuya Orlando. Because somebody has done it before, sagot niya habang napapangiwi. Or had tried to. Who? gulat na tanong namni Kuya Caleb. Nagkatinginan na naman silang magkakapatid. Pero si Kathleen angsumagot.

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    24/31

    Ang Reyna nang masasamang mga brujasi Reyna Karema. At muli, nagtalo-talo. Naguguluhang nakinig ang mga bayaw niya. Although Kuya Caleb seemed to understand most that hed heard, lalo namang nagmukhang naguguluhan si Kuya Orlando sa pagdaan ng mga minuto. Hanggang sa hindi na ito nakatiis. Teka teka lang! Hindi ko kayo maintindihan. Anong underworld? At bakit nasali ang Halloween? Marso pa lang ngayon. Bumaling dito ang asawa. Noong pinaginteresan ni Reyna Karema ang kapangyarihan ngDiyosa, ginawa niya ang ritwal sa gabi ng Samhain, ang original na Halloween. Itsin every Samhain night that the veil between our world and the world of the supernatural is thinnest. Veil? Anong veil? At bakit sa kapangyarihan ng Diyosa siyanagkainteres? Makapangyarihan din ang Diyos. Si Kuya Caleb ang sumagot. Sa mga witches at sa mga pagano noon at ngayon, Kuya Orlando, nasa Diyosa ang kapangyarihan, wala sa Diyos. Lalo itong naguluhan. Hindi ko maintindihan. Siya ang nagpaliwanag. Kuya Orlando, naniniwala ang mga witches at mga pagano na magkapantay ang Diyos at Diyosa at hindi maaaring may isa kung wala ang isa. Para sa kanila, ang prinsipyo ng balanse ng diyos at diyosa ay nagsasabing ang Diyos ang nilikha at angDiyosa ang may likha. Bilang ipinapanganak, may kakaibang perspective ang Diyossa cycle ng buhay at rebirth kaya siya ang may hawak ng Kaalaman, ng Katotohanan at ng Pang-unawa. Sa mitolohiya, siya ang laging isinasakripisyo at nabubuhaymuli pagkatapos mamatay. Bilang tagapaglikha naman

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    25/31

    ang nanganganakang Diyosa ang may hawak ng Kapangyarihang lumikha at sumira. Where id this come from? gulat nitong tanong. Sa mitolohiya ng ancient people mula pa sapanahon ng mga Sumerians. Nasa Egyptians din at Babylonians. Ang mga Sumerians ang unang civilization sa history. Goddess Worship is the oldest religion ever. At ang kapangyarihang ito ang pinaginteresan ni Leica? hindi makapaniwalang tanong niKuya Orlando. Tumango siya at ang iba pa. Pero kung sa Samhain bukas ang mga gates ng underworld, bakit ngayon magtatangkang bumaba roon si Leica? tanong naman ni Kuya Caleb. Summer pa lang. May isa pang myth tungkol sa full moon ng Spring Equinox na may kinalaman sa Diyosa, kinakabahan niyang sabi. Napahingal sina Veronica. Sinong makakalimot na kagabi ang unang gabi ng full moon ng Spring Equinox? Atalam ng mga ito ang sinasabi niyaang modern version ng Spring Myth ng mga pagans. Namutla na rin ang iba pang mga witches roon. Syria was six hours late from here. Sa mga sandaling naramdaman ang shift ng balanse ng enerhiya, nasa taas ng Syria ang full moon. Theres a tradition that could be traced in all the myths all over the Old World and modern mythologists call it the tradition of the harrowingof hell, ang tradisyon ng pagbaba ng diyos o diyosa ng mitolohiya sa mundo ng mgapatay at muling pagbalik sa lupa sa Spring. Theres Persephone from Hades and others even Jesus reincarnation on Easter Sunday. The neo-pagans

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    26/31

    version of the myth is thissa mga buwang berde ang lupain sa mundo ay kasama ng diyosa ang diyos niyang anak pero tuwing darating ang Taglagas ay namamatay ito upang muling mabuhay sa Tagsibol. Hindi na matiis ang panonood sa taon-taong kamatayan ng kanyang anak sa kalupaan, sinundan ito ng diyosa sa paglalakbay nito samundo ng mga patay nang dumating ang Taglamig. Nakita siya ng diyos sa mundongiyon ay minahal siya nito, at hinimok siya nitong manatili. Pero sinisi ng diyosaang diyos kung bakit kailangan pang mamatay ang kanyang mga anak. Kung bakit bawat Taglagas ay kailangan nito itong pahirapan. Sagot ng diyos, hindi ito kundiTadhana at cycle ng Panahon ang dahilan kung bakit namamatay ang mga anak ng diyosa. Na inaalagaan lamang nito ang mga namatay sa kaharian nito upang muling lumakas at sumibol muli. Pumayag ang diyosang manatili roon hanggang sa huling gabibago ang Tagsibol upang matutunan ang misteryo, at napagkaloob sa kanya ang korona ng diyos. Isinuot niya iyon sa kanyang leeg at iyon ang naging simbolo ng cycle ng rebirth Na sa pamamagitan ng diyos lahat ay nagdaraan sa kamatayan at sa pamamagitan ng diyosa lahat ay nabubuhay muli, pagpapatuloy ni Veronica sa may respetong tinig. At ang misteryo ay na ang buhay ay paglalakbay patungong kamatayan atang kamatayan ay paglalakbay patungong muling pagkabuhay. Sa panahon ng Tag-init, muling nagbalik ang diyosa sa lupa dala sa kanyang sinapupunan ang diyos niyang anak. At nagsimula muli ang misteryo ng sirkulo ng buhay sa lupa sa Tagsibol. Nagbuntunghininga siya at iyon ang umistorbong ingay sa katahimikan. Of course, gaya nang ibang myths, this is all symbolism of the cycle of creation. Ang significant dito, umaakyat ang goddess deity sa kalupaan kasabay nang pagakyat ng bilogng buwan ng Spring Equinoxwhich was last night. Leica may have tried to receiveher energies in one of the portalssa ancient dolmen na iyon sa Syria. And after all

    thats happening in the world right now, hindi nakapagtataka na isang dark

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    27/31

    goddess ang natyempuhan ni Leica, galit na sambit ni Kathleen. Dark Goddess? naguluhan na namang sambit ni Kuya Orlando. Evil ba ito? No! protesta nilang lahat. Gayang walang dilim kung walang liwanag, merong dark sides ang goddess at ang god. For the goddess, imagine a loving mother, hon, paliwanag ni Ate Soliel dito. Lovingis her positive side. But the negative side of her is the one that teaches herchild the error of its waysiyong parte ng mga ina natin na nagpapangalog sa mga tuhod natin sa takot. Noong bata ka pa, anong naramdaman mo kapag may nagawa kangkasalanan at nabisto ka ni Mommy? O kaya may nagawa kang kabalbalan sa school at pinatawag ang Mommy mo ng Principal? Is she evil when she does her duty of disciplining you? Oh. Napangiwi itong lalo. That puts things in perspective, alright.the goddess is both positive and negative in balanced proportions, she would bewhole. Whole is good, paliwanag din niya. Pero ang positivity at negativity na itoay hindi mabuti o masama sa point of view ng mga pagano it just is. Kapag may imbalance at ang negativity o positivity ay naging mas angat kaysa isa, ang isangpagano o isang good witch ay gagawa ng paraan para maibalik ang balanse dahil hindi maganda ang idudulot niyongaya nang ginagawa ngayon nila lola. Narinig ang isang Navajo chant mula sa buong tinig ni Kuya Caleb.

    With Harmony may I walk, With Harmony behind me, may I walk, With Harmony above me, may I walk, With Harmony below me, may I walk, With Harmony all around me, may I walk.... It is finished in Harmony, It is finished in Harmony

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    28/31

    Nagpapasalamat siyang ngumiti rito bago siya napalunok. Pero p-paano kung kung angpinaguusapan natin ay isang non-pagan cosmos kung saan prevalent ang paniniwalasa absolute-evil, sa absolute power, sa absolute fear at absolute greed at walang alam tungkol sa harmony na way of life lamang para sa mga pagano? At kung sacosmos na ito ay may isang Leica na interesado sa powers ng isang d-dark goddess sabi niya sa tinig na nagsimula nang mangatal. Nang isang galit na Mother Nature Yumuko si Ate Soliel para yakapin siya. Niyakap din niya nakapalibot sa kanya. angmga braso nitong

    Anong ginagawa nila? Ano nang nangyayari? mahina niyang bulong. Her terror couldntbe held back anymore because not only was she worried now about Lola Mertha andthe others, naiisip niya kung anong laban ni Daniel sa isang Leica na taglay angkapangyarihan nang isang galit na Diyosa. Nakikita niya sa isip niya ang duguannitong mukha sa kanyang panaginip. Ang nakapikit nitong mga mata at napahagulholsiya. She hadnt felt this helpless all her life.

    WALANG MAG-AANGAT ng ulo o sisilip sa mga piring ninyo, malakas na sigaw nang isasa mga lalaking may hawak na de-kalibreng baril sa deck ng isang puting yate. Hindi kami mangingiming patayin ang sinumang makakikita ng mukha ng mga pirata. Kungposible pa, lalong nangaligkig ang mga nakadapa sa deck. May walong pirata sa yate. Umiikot ang isa hawak ang isang telang bag kung saan nito ibinabagsak ang mga alahas na pinahubad sa mga bihag. Sa loob naman ay naririnig ang ingay nang iba pa na naghahalughog ng mga valuables roon.

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    29/31

    Boss! May paparating na bangka! biglang sigaw nang isa. Napalingos ang lider. Hindi nga kalayuan, isang makulay na fishing boat ang namataan. Namputsa! nakita? Saangaling? Bakit hindi nyo

    Boss, basta na lang sumulpot! sabi ng naunang nagsalita habang namumutla. Hindi komaintindihan kanina lang wala tapos biglang andiyan na lang Binatukan ito ng katabi. Gago! Pwede ba naman yon? Totoo namang basta na lang sumulpot! Parang malikmata!gil ng nabatukan. Tahimik! sigaw ng lider. Kinakabahan siya. Narinig na niya ang tungkol sa mga bangkang basta na lang sumusulpot sa parteng ito ng karagatan. Multo raw ang mga iyon ng mga magdaragat na nasawi dahil sa mga bagyo. At mga pirata. Boss, lumalapit, kinakabahang sabi ng isa. Hindi siya makaimik. Bakit siya naparalisa bigla? Parang may gusto siyang maalala. Bakit parang nangyari na ito dati? Boss, anong gagawin natin? muliy tanong ng tauhang bantay. Pero parang nagmumulasa malayo ang tinig na iyon.

    Sa susunod na makikita mo ang bangkang ito, tumalon ka sa tubig at lumangoy ka palayo at wala kang maaalalaTumalon kayo sa laot, utos niya sa mga tauhan.

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    30/31

    Tumingin sa kanya ang mga ito na parang bigla siyang tinubuan nang malaking ilong sa kanyang noo. Boss? Tumalon sa laot at lumangoy palayo at huwag umalala sabr ng mga pirata. Nagkurapan ang mga tauhan. Nagdaan ang kung anong blangkong ekspresyon sa mukha ng mga ito. At iyon lang. Isa-isang pumihit ang mga ito, lumiban sa railing ng deck, at nagtalunan sa tubig. Pinakahuli ang lider ng mga pirata. Pa-dive pa.

    SA BANGKANG pangisda nagtatawanan ang mga sakay. Gabriel, Uriel at Daniel at Karlo dahil sa mga piratang palayo.

    ng mga Buriway, Sina Miguel, Raphael, pinsang sina Leo at isa-isang lumalangoy

    Ayos na ang buto-buto, natatawang sigaw ni Gabriel. At nagtawanan ang mga ito habang hinahanda ang mga panindang iaakyat nila sa yate.

  • 7/27/2019 36488949 Noelle Arroyo the Dancer and the Shapeshifter Enchanted Daughters of the Ancient Fairy Preview

    31/31