Mga Karaniwang Sintomas at
Senyales ng Kanser sa Kabataan
Hatid ng Philippine Society of Pediatric Oncology
at My Child Matters Philippines
Kanser sa Kabataang Pilipino
• Mga 3500 bata bawa’t taon
• Karamihan ay nasa malalang kalagayan na at mahirap gamutin:
- huli na bago madala sa pagamutan
- kulang sa kaalaman ukol sa kanser
- kulang sa pangangailangan
May pag-asa bang gumaling ang mga batang may kanser?
• OO, kung ….. maagapan ang paggamot sa mga batang ito
- mas malaki ang pag-asang tuluyang gumaling kapag ginamot bago kumalat o lumala ang sakit
- mas kaunti ang halaga na kailangan upang ang pasyente
ay gumaling
Paano tayo makakatulong?
• Sa pamamagitan ng:
- pagkilala sa mga pangunahin or karaniwang senyales at
sintomas ng kanser
- pagbigay ng tamang payo kung saan maaring makakuha ng sapat na serbisyo para sa mga batang ito
Anu-ano ang mga sintomas/senyales na maaring magbigay babala tungkol sa kanser?
- lagnat
Di Maipaliwanag, Paulit-ulit o Patuloy na…
- pangangayayat
- kawalan ng gana sa pagkain
- pamumutla
Anu-ano ang mga sintomas/senyales na maaring magbigay babala tungkol sa kanser?
- pagdugo
Anu-ano ang mga sintomas/senyales na maaring magbigay babala tungkol sa kanser?
- panghihina
Anu-ano ang mga sintomas/senyales na maaring magbigay babala tungkol sa kanser?
- sakit ng ulo/pagsusuka
Anu-ano ang mga sintomas/senyales na maaring magbigay babala tungkol sa kanser?
Pamamaga ng……
- buto
- kasu-kasuan
- likod
- balakang
- kulani sa leeg, kili-kili, singit
Pagkakaroon ng bukol sa iba’t ibang bahagi ng katawan….
- tiyan - dibdib - kalamnan - at ibang bahagi ng katawan
Pagbabago sa Mata at Paningin
- pamumuti ng itim sa
gitna ng mata “matang pusa”
- pagiging banlag o duling
- paglabo o pagdoble ng paningin
Ano ang dapat gawin pag may mga babalang sintomas na ito?
• Bagama’t di ibig sabihin na siguradong may kanser ang isang
bata pag mayroon sila ng mga sintomas na ito, dapat:
Magtanong tungkol sa ibang pang nararamdaman at
Maging maingat sa pagsusuri
Ano ang dapat gawin pag may mga babalang sintomas na ito?
• Depende sa sintomas, isangguni ang bata sa isang ospital na may espesiyalista gaya ng:
- PEDIATRIC ONCOLOGIST (kanser)
- PEDIATRIC HEMATOLOGIST (sakit sa dugo)
- PEDIATRIC NEUROLOGIST (utak)
- PEDIATRIC SURGEON (siruhano)
- ORTHOPEDIC SURGEON (buto)
Kanino maaring humingi ng tulong?
Philippine Society of Pediatric Oncology
• Isang samahan ng mga doktor na dalubhasa sa pangagalaga ng mga batang may kanser
• Matatagpuan ang mga doktor na ito sa iba’t ibang bahagi ng
Pilipinas mula La Union hanggang Zamboanga
Ang Layunin ng PSPO at “My Child Matters, Philippines”
• Iangat ang antas ng kaalaman tungkol sa maagang pagkilaala
ng mga senyales/sintomas na maaring babala ng kanser sa
kabataan
• Sa pamamagitan nito, mas maraming batang may kanser ang inaasahang magamot bago tuluyang lumalala ang kanilang sakit at tuloy mas mabigyan ng pag-asa ang mga batang ito na gumaling
Top Related