TITLE: I Love You, ARA JF LANGUAGE: Filipin · makatulog ako kagabi. Pero hindi ko na gaanong...

386
------------------------------ TITLE: I Love You, ARA JF LANGUAGE: Filipino AUTHOR: JamilleFumah ------------------------------ #################################### DOCUMENTARY #################################### AUGUST 28, 2014-OCTOBER 21, 2014 JamilleFumah xxI Love You, Araxx Ikaw. Oo ikaw. Nagbabasa ka ba nito? Kung ganun BAGALAN mo. Marahan mong basahin ito. Dahan-dahan lang. Pagkapatapos -

Transcript of TITLE: I Love You, ARA JF LANGUAGE: Filipin · makatulog ako kagabi. Pero hindi ko na gaanong...

------------------------------

TITLE: I Love You, ARA ⓒJF LANGUAGE: Filipino

AUTHOR: JamilleFumah

------------------------------

####################################

✞ DOCUMENTARY ✞ ####################################

AUGUST 28, 2014-OCTOBER 21, 2014 ⓒJamilleFumah

xxI Love You, Araxx

Ikaw.

Oo ikaw.

Nagbabasa ka ba nito?

Kung ganun BAGALAN mo.

Marahan mong basahin ito.

Dahan-dahan lang.

Pagkapatapos -

Habang nagbabasa ka.

Pakiramdaman mo ang iyong PAA.

Wag kang yuyuko!

Wag kang sisilip.

Pakiramdaman mo lang.

Malamig ba?

Kapag hindi pa, hintayin mo lang.

Wag ka lang yuyuko, para tingnan.

Lumalamig na ba?

Pakiramdam mo ba, may nakahawak na?

Wag mong titingnan.

Baka di mo magustuhan.

Magbasa ka lang.

At wag mong balingan.

Kung binabasa mo ito,

Andun SYA.

Nandun sa -

Ilalim mo!

Kaya wag kang yuyuko!

Wag mo SYANG titingnan.

Hawak nya ang -

Mga PAA mo...

Wag kang kabahan.

Wag kang KATAKUTAN.

Ihahanda kita...

Sa pwede mong MASILAYAN.

Sasabihin ko sa'yo

Kung anong hitsura NYA.

Ikukwento KO sa'yo

Kung sino si -

ARA...

I LOVE YOU ARA

Ang 'I LOVE YOU ARA' ay nilikha tatlong taon na ang nakakaraan. Ito ay

nagmula sa isang naburang blog at ngayon ay aking isina-libro upang

ibahagi sa inyo. Marami kayong mababasang 'hindi niyo nanaising

paniwalaan'. May mga mababasa rin kayong magpapagulo ng inyong mga

isipan. Higit pa roon ay may ilang pangyayari sa kwento na maaaring

'hindi, pwede at oo' na makakapagpabago ng inyong mga pinapaniwalaan.

IKAW.

Bago mo simulan ang pagbabasa ng kwentong ito... uunahan na kita. HINDI

ito ang uri ng katatakutan na iyong inaasahan. Kung desidido kang

ipagpatuloy hanggang sa mga susunod na pahina... malalaman mo na kung

gaano ka kamanhid... o gaano ka kadaling KILABUTAN.

[ The edited version of ILY ARA. Ang iba ay produkto na lamang ng malawak

na kaisipan ng may akda... at ang iba... maniniwala ka ba kung sasabihin

kong TOTOONG mga kaganapan? ]

Copyright © JAMILLEFUMAH ALL RIGHTS RESERVED 2014

No part of this book may be reproduced in any form or by any means

without the author's consent. Please obtain permission.

WARNING: This book contains violence and mature contents. Readers

discretion is advised.

Makibalita kay ARA sa kanyang page: I LOVE YOU ARA -JF

[ https://www.facebook.com/ILoveYouAra.JFstories ]

####################################

PROLOGUE

####################################

xxILY,ARAxx

OUT-CALL: "H-Hello... ikaw ba 'yan, Ka Pineng?"

IN-CALL: "Oo ako nga. Ikaw ba ito, Madge?"

OUT-CALL: "O-Oo..."

IN-CALL: "Bakit ka napatawag? Nangangatog ka ah... may problema ba?"

OUT-CALL: "L-Listen... wala na akong time para magpaliwanag..."

IN-CALL: "Okay..."

OUT-CALL: "You're still in a paranormal job, right?"

IN-CALL: "Yup. Bakit?"

OUT-CALL: "T-Tulungan mo ako... tulungan mo kami..."

IN-CALL: "All right. But first, you have to tell. Bakit ka nanginginig?

Anong problema? Nasaan ka?"

OUT-CALL: "Wala na tayong oras! Puntahan mo ako ngayon dito?"

IN-CALL: "Okay fine! Sige. Anong address yan?"

OUT-CALL: "D-Dito sa..."

IN-CALL: "Oh wait! Kukuha lang ako ng pen and paper okay? Wag mo

ibababa."

OUT-CALL: "Ha? Sandali -"

(AFTER A COUPLE OF SECONDS)

IN-CALL: "Hello? Madge? Andyan ka pa ba?"

OUT-CALL: (NO ANSWER)

IN-CALL: "Hello?"

OUT-CALL: (NO ANSWER)

IN-CALL: "Hello Madge? Are you still there? Hello?"

OUT-CALL: (NO ANSWER)

IN-CALL: "Hello Madge!"

OUT-CALL: "Hello..." (VOICE OF A YOUNG GIRL)

IN-CALL: "Hello! Sino 'to?"

OUT-CALL: (NO ANSWER)

IN-CALL: "Hello! Pwede kay Madge?"

OUT-CALL: (NO ANSWER)

IN-CALL: "Bata! Pakibigay kay Madge yung phone please!"

OUT-CALL: "Wala na sya..."

IN-CALL: "Ha? Nasaan na sya?"

OUT-CALL: (NO ANSWER)

IN-CALL: "Hello Bata? Nasaan na si Madge?"

OUT-CALL: "Patay na sya..."

IN-CALL: "Ano?! Lintik kang bata ka ah! Wag mo akong pinagti-tripan ah.

Ibigay mo kay Madge ang phone!"

OUT-CALL: (NO ANSWER)

IN-CALL: "Hello!"

OUT-CALL: "Patay na sya..."

IN-CALL: "Bwiset! Sino ba 'to? Ha?!"

OUT-CALL: (NO ANSWER)

IN-CALL: "Hello?!"

OUT-CALL: "Hello..."

IN-CALL: "Sino ka ba ha?! Sino ba 'to!?"

OUT-CALL: "ARA..."

IN-CALL: "Ara? Sinong Ara?"

OUT-CALL: (NO ANSWER)

IN-CALL: "Hello Ara? Nasaan ba si Madge? Nasaan ba kayo?"

OUT-CALL: (NO ANSWER)

IN-CALL: "Hello Ara?"

OUT-CALL: "Hello..."

IN-CALL: "Ara saan 'yang lugar nyo? Nasaan ka?"

OUT-CALL: (NO ANSWER)

IN-CALL: "Hello Ara!?"

OUT-CALL: "Hello..."

IN-CALL: "Ara! Nasaan ka?"

OUT-CALL: "Nandito..."

IN-CALL: "Saan!? Anong lugar yan?!"

OUT-CALL: (NO ANSWER)

IN-CALL: "Hello Ara?"

OUT-CALL: "Nandito..."

IN-CALL: "Saan ngang lugar? Nasaan ka Ara?"

OUT-CALL: "Nandito..."

IN-CALL: "Saan?!"

OUT-CALL: "Sa LIKOD mo..."

IN-CALL: "Shit! ------------ "

TBC

JAMILLEFUMAH

Makibalita kay ARA sa kanyang page: I LOVE YOU ARA -JF

[ https://www.facebook.com/ILoveYouAra.JFstories ]

####################################

You'll Love Her

####################################

xxILY, ARAxx

BALITA SA RADYO: 10:15 a.m Natagpuan ang bangkay ng isang dalagita sa

isang tapsihan. Ang buong akala ng mga napaparaan sa naturang lugar ay

natutulog lamang ito dala ng kalasingan, pero nang lapitan ito ng isa sa

mga waiter ng nasabing kainan ay doon napag-alamang wala na itong buhay.,

Monday, 6:40am

[ START ]

Ara's POV:

It's Monday, tinanghali ako ng gising. Naka-unifom pa pala ako ng

makatulog ako kagabi. Pero hindi ko na gaanong maalala. Bumalikwas ako ng

bangon at mabilis na hinanap ang aking red shoes, doll-shoe type ito na

iniregalo sa akin ni Nana - my mother.

Damn! Ayoko ng ma-late today dahil baka ma-sermunan na naman ako ng

thick-lipped na nanay ng betsfriend ko na 'teacher' din naming si -Mrs.

Ocampo.

Anyway, focus muna ako sa paghahanap ng red shoes ko. Oh! I forget to

mention, last Saturday was my birthday. No! I mean last Friday pala, so

it's been three days past when I received that red shoes from Nana as a

gift. Well, lagi namang red ang mga gifts na nare-recieve ko sa kanya.

Haist, hindi ko pa rin ito makita so I quit, next time ko na hahanapin

dahil baka ma-late ako. Knowing that I don't even know what time is it.

Maybe ibang sapatos muna ang susuutin ko. Nagmadali akong lumabas ng

aking kwarto at bumaba ngunit pinilit kong maging marahan. Plan kong

dumiretso sa School since naka-uniform naman na ako. Hindi naman mabaho

ang aking amoy or marumi ang aking suot, so okay lang. Hindi halatang

hindi ako naligo at pinantulog ang suot kong uniform.

I pack my things and check my wallet, all I need is in my bag. Ready to

go!

Bago ko marating ang pintuan ay nabasa ko ang isang stamp note sa aming

refrigerator. 'ARA, you're grounded!'

Napapikit na lang ako habang tuloy sa marahan kong paghakbang. I forget

to mention... again! Three days nga pala akong hindi umuwi since I left

last Friday - my birthday. Pero kasama ko naman si Uncle Roli - Nana's

brother.

Sa kusina ay nahagip ng aking paningin si Nana. Tahimik itong naghuhugas

ng plato. Tumikhim ako para iparamdam sa kaniya ang aking presensiya.

Pansamantala syang huminto sa kanyang ginagawa at bahagyang yumukod.

Humakbang pa ako nang bahagya upang mapalapit sa kanyang kinatatayuan.

Kahit nakatalikod sya sa akin ay ramdam ko ang galit nya.

"N-Nana." Nanginginig kong salita. "I-I'm sorry." Nakayuko lang ako.

Hindi sya umimik, kahit singhal ay wala. Narinig kong muli syang kumilos

at tanging tunog ng mga plato ang aking nadinig. Kilala ko si Nana kapag

galit sa akin. Hindi nya ako papansinin. Kung mayroon man syang gustong

i-sermon sa akin ay isinusulat nya iyon sa isang papel at idinidikit sa

refrigerator upang mabasa ko. And as I'd read - I'm grounded.

"P-Pasok na po ako, Nana." Pamamaalam ko sa kanya nang may buong

paggalang. Isinukbit kong muli ang aking bag at lumabas ng aming bahay.

Sa tapat nito ay sakayan na ng jeep patungo sa aking School na

pinapasukan. Shet! Hindi ko pa rin alam kung anong oras na.

Pumili ako ng jeep na kaunti lang ang sakay. Nang makasakay ay pumwesto

ako sa bandang dulo malapit sa exit ng jeep. Ang baho, lahat ng pasahero

ay nakatakip sa ilong nila.

Kaya naman pala, may pasaherong may bitbit ng mga bilao ng bilasa na

yatang mga isda!

Kaunti lang naman kaming pasahero, medyo mabagal ang pag-usad dahil

dumaraan ito sa palengke. Hindi mawala sa isip ko si Nana, alam kong

nagtampo sya sa akin. Paano'y after ng birthday celebration ko sa bahay

ay umalis din ako kinagabihan at sa tantya ko'y kaninang madaling araw

lang ako naka-uwi.

Ibinaling ko ang aking isip sa iba, pinagmasdan ko ang mga pasahero.

Sa unahan ng jeep malapit sa driver ay may isang ma-edad na babae na sa

tingin ko'y trenta'y singko na. Chubby ito at naka-duster lang na damit.

Sa katapat naman nyang upuan sa unahan ay may isang lalaki at babae.

Nakasandal iyong babae sa lalaki at sa wari ko'y tulog na tulog kahit

hindi ko mabanaag ang mukha nito. Sweet!

Sa tapat ko namang kina-uupuan ay isang babaeng estudyanteng gaya ko.

Muling natanaw ko sa unahan malapit sa driver ang lalaking sinasandalan

ng tila tulog pa ring babae. Malaking lalaki sya, naka-sumbrelong puti at

tila halos nag-uunahan ang kulot nyang buhok na makalabas sa kanyang cap.

Nakasando lang sya na black at rugged na maong pants. Kahit di ko pa

masyadong nakikita ang mukha nong lalaki ay sure akong guwapo ito. Siguro

mga nasa 30's ang edad.

Ngunit mas nakakuha ng aking pansin ay babaeng nakasandal sa kanya,

nakayuko ito at nakasubsob sa kanyang dibdib. Hindi ko maaninag ang mukha

ng babae dahil nakatalukbong ito ng malaking towel na sumasakop sa buong

ulo nito ngunit hindi ang sa buhok. Magkasing-haba kami ng buhok.

Siniyasat kong mabuti ang babaeng tila antok na antok, ni hindi

kumikilos. Nakaakbay pala rito ang lalaki na kulang na lang ay yakapin na

ito. Naka-skinny jeans na maong at napapatungan ng jacket na itim ang

katawan nito. Ngunit nakapagtataka lang na walang sapin ito sa paa,

nakayapak' ito. Marungis ang mga paa, naninilaw at nangingitim ang mga

kuko.

Di sinasadyang napaharap sa akin ang lalaki ngunit hindi napatingin sa

akin. Oh my God! Hindi ako maaaring magkamali, he's Uncle Roli - Nana's

brother.

Lumakas ang kabog ng aking dibdib at na-iangat ang yakap kong bag upang

maikubli ang aking mukha. Is this real? Sino ang kasamang iyon ni Uncle

Roli? May - babae sya?

Biglang nanikip ang dibdib ko.

Ang totoo niyan... May something sa amin ni Uncle Roli.

Sabihin man nilang hindi tama o ako'y baliw, pero ito talaga. Wala na

akong magagawa. And I think hindi lang basta pagtingin, I have feelings

for him. On the other hand, hindi naman siya tunay na kapatid ng Nana

ko... dahil sa pagkakaalam ko'y ampon lang si Uncle Roli.

Si Uncle Roli rin ang dahilan kung bakit kahit gabi na ay umalis ako sa

aking birthday party, upang katagpuin sya. May gift daw kasi sya sa akin.

Pero hindi isang bagay, kundi masayang pangyayari sa buhay ko.

Dinala nya ako sa probinsya nila kung saan sabay silang lumaki ni Nana. I

know it's stupid dahil hindi ko na nagawang magpaalam kay Nana, pero

birthday ko naman at alam kong mauunawaan nila ako. Isa pa, Uncle ko

naman ang aking kasama.

Super close na ako noon pa man kay Uncle Roli dahil malambing sya sa

akin. Siguro'y dahil doon ay nahulog ang loob ko sa kanya. Pero hindi

pwedeng malaman nina Nana at ng Daddy Roger ko. You know, I'm only 18

years old at mahigit sampung taon ang tanda sa akin ni Uncle Roli.

Pero one day, I was surprised nang magtapat sya sa akin na gusto nya

akong maging girlfriend. Funny kasi naalala ko at kinikilig pa rin ako

kung paano sya nagtapat sa akin. Niyakap nya ako at saka bumulong sya

malapit sa aking tainga, 'I love you... Ara.' Noong una akala ko as his

niece lang so hindi ako gaanong umasa, but then he kissed me sa lips

after.

Sa totoo lang hindi naman mahirap magustuhan ang isang tulad niya.

Bagamat tahimik siyang tao ay guwapo ito sa tunay na kahulugan ng

salitang iyon. Matangos ang ilong niya, malalantik ang mga pilik-mata at

natural na mapula ang manipis na mga labi. Aristahin ito kaya lang

mahiyain at hindi nga palakibo. Maganda rin ang pangangatawan nito.

May ilang kamag-anak kaming nagsasabing may sakit daw sa pag-iisip si

Uncle Roli pero hindi ako naniniwala. Mabait siya sa akin kahit pa minsan

ay mainitin ang ulo niya.

Mula noong magtapat siya sakin ay naging lihim na ang aming relasyon lalo

na kay Nana. Hindi man ako sigurado kung true love nga itong nararamdaman

ko sa kanya, pero isa lang ang alam ko... ayaw kong mawala sya sa akin.

Kaya naman halos maghimagsik ang aking kalooban habang nakatanaw sa

kanila ngayon nitong babaeng kasama niya.

Sino ba kasi itong babaeng parang ayaw na nyang pakawalan ngunit

napakarungis naman? Alam kong halos ka-edaran ko lang ito kung pisikal

itong titingnan, ngunit di hamak naman yata na mas maganda ang porma ko

at lamang ako ng sampung paligo.

Napansin kong nakatingin din sa kanila ang ma-edad ng babae na katapat

lang ng kanilang kina-uupuan. Baling din ang tingin nito sa babaeng

nakasandal kay Uncle Roli.

"Manong, okay lang po ba iyang kasama mo?" Hindi na nakatiis na tanong

nito kay Uncle Roli.

Bahagyang muling kumilos si Uncle Roli upang ayusin ang twalyang

nakatakip sa ulo ng babaeng nakasandal sa kanya. "Okay lang ho sya, naka-

inom lang."

"Sigurado ho ba kayo? Eh mukhang namumutla na iyan, oh. Iba na ang

kulay." Muling puna ng ma-edad na babae.

Bahagya namang lumaylay ang kamay ng babaeng tila tulog na tulog pa rin

at walang malay mula sa pagkakatabing ng jacket dito. Oo nga! Iba na nga

ang kulay ng balat nito.

Kumilos muli si Uncle Roli at inayos ang braso ng babae upang muling

takpan ng jacket. At saka inilapit nya ang kanyag bibig malapit sa mukha

ng babaeng natatakpan ng towel at bumulong ito na sila lang ang

nakakarinig.

"Tanggalin mo kaya 'yung tuwalya sa ulo nya nang makahinga 'yan."

Suhestyon ng babaeng ma-edad na.

"Okay lang daw ho sya." Nakangiting tugon ni Uncle Roli. "Masakit lang

daw po ang ulo nya."

Inihinto ng driver ang kanyang jeep at nilingon sila. "Baka kailangan mo

ng dalhin 'yan sa Hospital. Iba na ang kulay nyang kasama mo." Lumingon

pa ito sa kanyang kaliwang bahagi at tumuro panguso. "Dito sa pagtawid

hijo, sa sakayan ng tricycle. Sumakay lang kayo dyan at dadalhin na kayo

sa Hospital sa looban."

Sinipat nang tingin ni Uncle Roli ang itinuro ng driver sa pagtawid at

pagkalaunan ay nagdesisyon na rin itong bumaba. Inakay nyang paakbay sa

kanya ang babae na tila hindi pa rin nagigising at walang malay. Ngunit

dahil malaking tao si Uncle Roli at may bruskong pangangatawan, madali

para sa kanyang naibaba ang babae. Kapwa napapa-iling ang driver ng jeep

at ang babaeng ma-edad na nakatanaw sa kanilang dalawa.

Nang mapadaan naman sa akin sila Uncle Roli pababa ng sasakyan ay bahagya

akong yumuko upang hindi nya ako mapansin. Mabuti na lang at nakatuon ang

kanyang atensyon sa kanyang inaalalayan kaya't walang duda na hindi nya

ako nakita.

"May sakit na yata, hindi pa dalhin sa Hospital." Muling baling ng driver

sa kanyang manubela ng makababa na si Uncle Roli at ang kasama nito.

"Nangingitim na nga ang kulay eh." Tatawa-tawa pang dugtong ng ma-edad na

babae malapit sa kinauupuan ng driver.

Samantalang ang pakiramdam ko'y pinagbagsakan ako ng langit at lupa dahil

sa mga nasaksihan ko. Pero hindi ako mapakali, may karapatan ako sa kanya

dahil ako ang kasintahan nya. Kailangan ko ng paliwanag.

Kaya't nang akmang aandar na ang jeep ay mabilis akong sumibad ng

pagbaba. Tingin ko'y hindi ako napansin ng driver dahil abala syang

nakikipagkwentuhan sa pasaherong kalapit lang nya. Nang lumingon ako ay

bumaba na rin pala ang kasunod ko lang na estudyanteng katapat ko kanina

sa aking kinauupuan. Buti hindi ako napansin ng driver, hindi pa kasi ako

bayad.

Luminga-linga ako upang hanapin ang Uncle Roli ko sa pagtawid. Gusto ko

syang kumprontahin sa aking nakita, naghihinagpis ang aking kalooban at

naghahanap ng kasagutan. Iba ang sakit na aking nararamdaman, matinding

selos.

Nang maabot ko sila ng tanaw sa pagtawid ay nakita kong pumasok sila sa

isang Tapsihan. Katulad pa rin ng aking nakita, nakaakbay sa kanya 'yung

babae at yapos naman ng kanyang braso ang baywang nito na halos buhat-

buhat nya na at kulang na lang ay pangkuhin ito. Para syang may akay na

lasing na lasing at nakatulog na ni kahit mga paa'y hindi maihakbang at

laylay ang ulo sa kasalingan.

Patakbo akong tumawid upang sundan sila.

Sa tapat ng Tapsihan ay may terminal ng tricycle, ito marahil 'yung

tinutukoy ni Manong driver na sasakyan papuntang Hospital. Ngunit bakit

hindi sila dito sumakay?

Agad akong pumasok sa Tapsihan, open ito na walang saraduhan ang pinto at

may malalawak na mga binatana. I know this, sa ganitong lugar kami

madalas kumain ni Uncle Roli.

Lalong kumulo ang aking dugo sa isiping may dinadala na syang ibang babae

sa ganitong uri ng lugar. Naalala ko rin kasi na ilang beses ko syang

natanggihan sa kama. Iniisip ko kasi na masyado pa akong bata para sa

isang sex. And one more thing, takot akong mabuntis. Baka malintikan ako

kay Nana lalo't matuklasang si Uncle Roli pala ang karelasyon ko. Iyon

tuloy ang madalas naming pag-awayan... Minsan pa'y nasasaktan niya ako.

Pero kahit ganoon ay baliw na yata talaga ako sa pagmamahal ko sa kaniya.

Siguro ay dahil sa bata pa ako... o talagang nakakahibang lang ang

atensyong ibinibigay sa akin ni Uncle Roli.

Hinagilap ng aking paningin kung saan maaaring pumwesto ang dalawa.

Masyado kasing malawak ang dining area ng Tapsihan na ito. Hindi nagtagal

ay natunton ko ang kinauupuan nilang dalawa. Palihim akong umupo sa

kanilang likuran, humina ang loob ko na magpakita sa kanila. Maghihintay

na lang ako ng tamang pagkakataon.

Kapwa sila naka-upo at magkatabi, ngunit ang babae ay nakayukyok sa mesa.

Ladlad ang buhok nito na nagsisilbing tabing sa buong ulo nito, wala na

iyong towel. Sa hitsura nito'y mukhang tulog na tulog pa rin at walang

malay.

Maya-maya ay tumayo si Uncle Noli at pumunta sa counter area. Muli kong

pinagmasdan ang babae, nakatungo pa rin ito at walang imik. Napatingin

akong muli sa kanyang paa, bakit nga ba wala man lang sya kahit tsinelas?

Napatingin ako sa jacket na ngayo'y nakatabing sa kanyang likuran. Ang

mga walanghiya! Ito 'yung jacket na regalo ko sa kanya noong sinagot ko

sya. Bakit ba ngayon ko lang napansin?

This is it! I can't help it anymore. Galit akong tumayo upang

kumprontahin ang babaeng ito ngunit nakapagpigil ako dahil sya namang

balik ni Uncle Roli sa kanilang kinauupuan. Agad akong bumalik sa aking

pagkaka-upo tabing muli ang aking bag sa aking sarili at yakap ito ng

mahigpit. Hindi nya pa dapat ako makita.

Hawak nya na pala ang towel na kanina'y nakatakip sa ulo ng babae at

ngayo'y gamit nya na pamunas ng kanyang pawis nang sulyapan ko sya.

Mayamaya'y dumating na ang order nila, katulad din ng palagi naming

kinakain tuwing may date kami at inaabot kami ng madaling araw sa pag-uwi

- Goto with meat and egg, at soda for drinks. Wala namang pag-aalala si

Nana dahil sya naman ang kasama ko kahit pa abutin ako ng kinabukasan sa

pag-uwi.

Ngunit hindi pa rin kumikilos ang babae kahit dumating na ang kanilang

order. Mabilis na naubos ni Uncle Roli ang pagkain nya kahit ba mainit pa

ito at sunod na nilaklak ang soda. Normal lang ang kanyang kilos at tila

kalmado lang. Ni hindi man lang ako naisip!

Hindi nagtagal ay tumayo na si Uncle Roli mula sa kinauupuan. Yumuko sya

nang bahagya upang ilapit ang kanyang mukha sa tainga ng babaeng

nakayukong natutulog pa rin at saka bumulong.

Oh my God! I heard it! I heard what he whispered. I was shocked!

Pagkatapos ay mabilis na hakbang ang nilikha ni Uncle Roli paalis sa

lugar na iyon, iniwan ang pagkaing para sa kanyang kasama. Nanginginig

man ang tuhod ko ay pinilit kong tumayo sa aking kinauupan sa di kalayuan

upang tunguhin ang kinauupuan ng babae.

Nang makalapit kasi ako sa babaeng nakatungo ay natutop ko ang aking

bibig at naglandas ang mga luha ko sa aking pisngi. Diyos ko! Napaluhod

ako at napa-upo sa harap ng babaeng ito.

Oh God bakit po? Napatingala ako na puno ng luha, natanaw ko ang wall

clock sa taas ng kanyang kinatutunguhan .

It's almost 10:15 a.m.

Napayuko ako at napatingin sa babeng ito. Nahagip ng aking paningin ang

kanyang dibdib. Sa loob ng damit niya sa may parteng dibdib ay may

nakasuksok na isang bagay. Isang pares ng sapatos - my red shoes! At

dahil doll-shoe type ito, ang isang pares naman ay nakatiklop sa maliit

na tinupi marahil ng dalawang beses at nakasubo sa bibig nya.

And i forget to mention -again and again. I heard what Uncle Roli

whispered to this girl before he went out -

'I love you... ARA.'

Ang babaeng kasama niya... ang babaeng ito...

Walang iba kundi -

-AKO!

TBC

JAMILLE FUMAH

Makibalita kay ARA sa kanyang page: I LOVE YOU ARA -JF

[ https://www.facebook.com/ILoveYouAra.JFstories ]

####################################

REWiND [ Part1 ]

####################################

xxILY, ARAxx

Friday, 6:15am (Ara's Birthday)

[ START ]

Ara's POV:

"Damn it Clarisse! Hindi ba sinabi ko na sa'yo na wala akong tiwala dyan

sa kapatid mo?!"

"Bakit ba ang laki ng galit mo sa kapatid ko?"

"Because I'm a lawyer! Alam kong hindi inosente iyang si Roli."

Ito ang mga sigawang naulinigan ko pagmulat ng aking mga mata. Dinig ko

ang kanilang pagtatalo sa kabilang kwarto.

"So anong gusto mong palabasin? Ha? Na kriminal ang kapatid ko?"

"Ako ang humawak ng kaso nya remember? Wala akong nakikitang katotohanan

sa mga testimonya nya."

"Ganoon naman pala eh. Bakit mo ipinapanalo ang kaso nya? Ano ba talaga

ang gusto mong palabasin?"

"Gusto ko lang naman na - iiwas iyang anak mo sa kanya!"

"Ano?" Nanginginig na ang boses ni Nana - my mother.

Huminga nang malalim si Daddy Roger bago ito muling nagsalita. Dinig ko.

"Mahirap na. Baka mapahamak lang si Ara sa kanya."

Narinig kong napaiyak na si Nana. "Anong pinagsasa -" Hindi na sya

makapagsalita nang maayos.

"I'm sorry Clarisse. P-Pero iyon talaga ang konklusyon ko sa kaso nya."

Narinig ko ang paghinahon ng boses nito.

"Sa tingin mo - magagawa nyang patayin ang asawa't anak nya? Anong tingin

mo sa amin? Ha? Mamamatay tao? Baliw? Ano?!" Nagtaas na ng boses si Nana.

"Will you please just shut up!" Natahimik sila bigla. Natiyanak sa

kanilang pagtatalo. "Birthday ni Ara ngayon. Ayokong sirain ang kaarawan

nya ng dahil sa away natin." Biglang huminahon si Daddy. Narinig ko ang

paglabas nya ng kwarto at naiwang umiiyak si Nana.

Pagkuwan ay marahan akong bumangon sa aking higaan upang tunguhin ang

labas ng kwarto. It's Friday, may pasok nga pala ako. Dali akong kumilos

at inasikaso ang sarili at mga gamit sa pagpasok. Sinadya kong bagalan

ang aking kilos upang hintayin na ring humupa ang away nilang dalawa bago

ako tuluyang dumulog sa hapag kasalo sila.

Laking gulat ko ng bumulaga sa akin si Nana. Parang walang nangyari at

masaya pa sya. Sinalubong nya ako nang yakap. "Happy birthday, Ara."

Ang sarap ng yakap ni Nana, napakalambot ng katawan nya. Pero ang higit

na nagpasaya sa akin ay nang iabot nya sa akin ang isang box na nakabalot

panregalo. "Ano ito Nana?"

"Regalo ko sa iyo iyan." Nakangiti sya sa akin.

Mabilis ko itong binuksan. Tumambad sa akin ang pulang sapatos - it's a

doll-shoe type na gustong-gusto ko. Yari'y nayakap ko sya sa sobrang

saya. "Salamat Nana!"

Ngunit sa aking nakikita ay tila mas higit ang ligayang nadarama ni Nana

nang makita nyang nagustuhan ko ng husto ang regalo nya.

Nang nasa hapag na kami ni Nana ay hindi ko napigilan na sya ay tanungin.

"Nana? Nasaan si Daddy?"

"Maagang umalis." Tuloy pa rin sya sa paghahanda para sa aming almusal.

"Ganoon naman iyon. Hindi ka na nasanay."

"Nana?" Malungkot ang aking tinig.

Huminto sya sa kanyang ginagawa. Umupo sya at humarap sa akin. "Alam ko,

narinig mo ang aming pagtatalo."

Yumuko ako at hindi nakapagsalita.

Bumuntong hininga lamang sya at masiglang muling kumilos. "Naku! Huwag mo

ngang pansinin iyang Daddy mo. Alam mo inggit lang iyan dahil mas lamang

ang atensyon mo sa Uncle Roli mo kaysa sa kanya." Mayamaya ay naupo syang

muli sa aking harapan. "Palibhasa'y wala na syang oras sa atin."

Hindi ko magawang umimik. May mga bagay akong gustong itanong ngunit

hindi ko mabanggit.

Tumingin sa akin si Nana na tila ba binabasa ang aking nasa isipan. Ilang

segudo lang ay narinig ko ang paghinga nya nang malalim. "Hindi mamamatay

tao ang Uncle Roli mo." Seryoso sya. "Hindi mamamatay tao ang kapatid

ko." Pagkatapos ay humigop sya ng kape na inihanda nya.

"P-Pero Nana, hindi pa rin malinaw sa atin ang lahat. B-Bigla kasi ang

pagkawala ng pamilya nya." Sa wakas at nagagap ko rin ang aking nais

sabihin.

"Pero malinaw sa atin na patay na sila." Muling syang tumayo at kumuha ng

tubig. Bahagya pa syang natilihan na napatanaw sa bintana na malapit sa

aming kusina. "Hindi man natagpuan ang katawan nila, nakakasiguro ang mga

awtoridad na pinaslang sila."

"Mabuting tao si Uncle Roli Nana. Hindi nya iyon magagawa sa pamilya

nya." Maluha-luha man ay pinilit kong magsalita.

Ngumiti si Nana. "Alam ko."

"B-Baka iniwan lang sya nina Tiya Laurie?"

Muli ang pagbuntong hininga nya. "Alam mo... masyado ka pang bata para sa

ganitong usapan, ano?" Pilit nyang inabot ang aking ilong at saka ito

pinisil. "Ang mabuti pa, tapusin mo na iyang pagkain mo at pumasok ka na.

Baka mapagalitan ka ni Mrs. Ocampo dahil late ka na naman."

Oh yes! Si Mrs. Ocampo, my thick-lipped teacher. Kailangan ko na ngang

magmadali.Mabilis akong nakasakay ng jeep papasok. But still, I was late!

Wala namang gaanong nangyaring kakaiba. Parang same lessons, same quizes

lang. Ang kakaiba lang ay si Mrs. Ocampo. Naging mabait sya sa akin sa

buong araw ng klase. Maybe because it was my birthday. Kaklase ko rin

pala iyong anak ni Mrs. Ocampo na si Janice-bestfriend ko! Actually tatlo

kaming magkakaibigan... Ako, si Janice at ang inactive na si Rene.

Excited ang lahat sa pagtatapos ng araw dahil sa gaganaping birthday

party ko sa house namin. But me, I'm not. Isang tao lang ang gusto kong

makita at makasama - si Uncle Roli. But he didn't appeared, hindi nya ako

sinundo. Kahit text o greet man lang sa facebook... wala.

Katulad ng mga nakaraang birthdays ko, wala si Daddy. Busy sa work at

walang time. Pero si Nana, never nawala sa tabi ko. She's always there

especially sa mga mahahalagang araw ng buhay ko like this.

Hindi ko na-enjoy ang birthday party ko although dumalo lahat ng mga

classmates ko kasama si Mrs. Ocampo. Pero hindi ko ito pinahalata. Marami

akong gifts na natanggap, pero isang gift lang ang nagustuhan ko - my red

shoes.

It was 11 in the evening, ngunit di ako maigupo ng antok. I know... may

party pa rin sa ibaba. Tanging mga kaibigan ni Nana at mga asawa nito na

lang ang natira, nag-iiuman. Sa ngayon marahil ay lasing na ang mga ito,

kabilang si Nana.

Pilit din akong pinabababa ni Nana para harapin ang mga bisita ngunit

wala ako sa mood. Naghihimutok ang damdamin ko, sumisikdo ang dibdib ko.

Why Uncle roli? Why?

Hindi ko mapigilan ang mapaluha, nasasaktan ako at nagluluksa. Ilang

minuto lang ay isang malakas na ringtone ng aking cell phone ang pumukaw

sa natutulog kong diwa. Di ko matatap ang gagawin kaya't dali ko itong

sinagot.

"Happy birthday, Ara." Bungad nya sa akin sa kabilang linya. Si Uncle

Roli.

Labis ang aking pagkaibaya, ngunit hindi ko mahanap ang salitang nais

kong itugon sa kanya.

"Okay ka lang ba Ara? Sorry ah kasi -"

"It's okay!" Hindi ko na sya pinatapos sa kanyang nais sabihin. "Ang

mahalaga tumawag ka." Pagkatapos ay katahimikan.

"Ara?"

"Goodnight Uncle Roli."

"No! Ara. Magkita tayo. Alam kong nagtampo ka sa akin. Babawi ako sa'yo."

"Pero Uncle anong oras na, baka -"

"Hihintayin kita! Sa dati nating tagpuan." Pagkatapos ay nawala na sya sa

kabilang linya.

Hindi na ako nag-isip pa at agad akong kumilos upang magpalit ng

maisusuot. Simpleng sleeveless shirt at maong jeans with my new red shoes

na regalo ni Nana.

I know magagalit si Nana kapag nalaman nya ang paglabas ko nang hating

gabi but I have no choice. Kailangan kong makita si Uncle Roli, kailangan

ko syang makasama.

Mabilis akong nakarating sa aming laging tagpuan, sa may tapsihan sa di

kalayuan sa aming bayan. Ito ang food trip namin, kumain ng Goto. Minsan

Mami lalo na't inaabot kami ng madaling araw.

Then finally I saw him, he's sitting on a stool. Waiting for me. Nang

matanaw nya ako ay agad syang tumayo mula sa kinauupuan. And there he

was, my love. Yes! My boyfriend

-and my Uncle.

Like same old days, ganoon pa rin ang porma nya. Black sando at kupas na

maong pants. Naka-tsinelas lang sya at laging nakasumbrelo. Guwapo talaga

siya! Masasabi kong kahawig niya si Imran Abbas hehe.

Dise'ostso pa lang ako ngunit kita na sa aking pisikal ang pagdadalaga.

Iyon din marahil ang dahilan kung bakit nya ako minahal. Masasabi ko na

dalagang-dalaga na ako sa panigin ng kahit na sino.

Hindi ko namalayan na nakadaop na pala sya sa akin. Mabilis nya akong

niyakap nang mahigpit at bumulong malapit sa aking tainga. "I love you,

Ara." Usal nya.

Hindi ko napigilan ang mapangiti, this is better than to be with my

friends kaninang birthday party ko. Pagkalas nya ay hinawakan nya ako sa

kamay at hinila palayo sa lugar na iyon.

"Wait Uncle Roli!" Awat ko sa kanya. "Saan tayo pupunta?"

"Basta sumama ka sa akin." Hila-hila nya ako.

"Akala ko'y kakain tayo sa tapsihan?"

"Dadalhin kita sa aking palasyo."

Napahinto ako at piniit ang aking hakbang. "Saan?"

"Sa probinsya namin ng Nana mo." Bahagya pa syang napayuko sa height

nyang anim mahigit na talampakan. "Kung saan kami sabay lumaki noon."

"Pero -"

"Huwag kang mag-alala. Ako ang bahala sa Nana mo. Hindi naman sya mag-

aalala kapag nalaman nyang ako ang kasama mo, hindi ba?" Nakangiti sya sa

akin.

Tumango na lang ako. Hindi ko na binanggit ang tungkol sa pagtatalo nila

Nana at Papa tungkol sa kanya.

Tumagal din ang biyahe namin ng apat na oras bago nakarating sa kanilang

probinsya. Hindi mapaghiwalay ang aming mga kamay habang nasa biyahe

kaya't hindi maiwasan na pagka-tinginan kami ng ilang mga pasaherong

nakakasabay namin.

Bago marating ang tutuluyan namin doon ay kinailangan pa naming maghintay

ng isang oras sa terminal para sakyan ang tinatawag nilang baby bus. May

oras kasi ang bawat biyahe. Hindi ko na rin namalayan na napahimlay ako

sa kanyang mga bisig.

Malaki ang mansyon na aking nadatnan doon. Naikuwento nga sa akin ni Nana

dati ang tungkol sa hasyendang ito. Mayroon daw itong limang kwarto.

Ngunit antigo na ang mga gamit dito at luma na ang style. Tigmak ito ng

sapot at tila maraming relikya sa bahay na ito. Mayroon itong ikalawang

palapag. Napaglumaan na marahil ng panahon kung titingnan ito.

Mayamaya pa'y natanghod ko na ang pagsikat ng araw. Madaling araw nga

pala kaming bumiyahe.

"Dito ka muna at magpahinga. Alam kong pagod ka." Yumakap sa akin si

Uncle Roli mula sa likuran. "Bibili lang ako ng pagkain sa bayan."

"Malayo ba Uncle Roli?"

"Tatlumpu't minuto lang ang biyahe. Isang oras lang at narito na ulit

ako." Malambing nyang tugon.

"Okay." Humarap ako sa kanya. "Maglilinis na lang muna ako dito."

Pagkatapos ay binigyan ko sya ng matamis na halik sa kanyang labi.

Gumanti sya ng halik ngunit kumalas din agad. "Unahin mong linisin iyong

isang kwarto." Isang makahulugang ngiti ang kanyang ipinagkaloob sa akin.

Ginantihan ko na lamang sya ng ngiti at tumango. Saglit pa'y agad na

syang nakaalis.

Nilibot ko muna ang buong bahay. Malaki nga ito ngunit parang may kulang

- apat lang ang kwarto. Na sa pagkakaalam ko ay lima.

Aynway, una kong nilinis ang kwarto sa ikalawang palapag ng bahay sa

dulong bahagi nito. Hindi ko maipaliwanag ang amoy ng aking linisin ito,

masangsang at malansa. Mabaho at masakit sa ilong.

Ngunit ang higit na nagbigay ng atensyon ko ay ang linya ng mga langgam.

Sinundan ko ng tingin kung saan patungo ang mga ito. Sa dingding...

hindi! May butas ang dingding, sa loob ng dingding. Kinatok ko at

pinakinggan ang dingding, sarado ang tunog nito. Marahil ay may lungga

lamang ang mga langgam sa loob nito.

Agad kong pinuksa ang abalang mga langgam gamit ang kerosene na natagpuan

ko sa cabinet , sa downstair. Mabilis ko ring winalis ang mga dumi at

alikabok sa kwarto. Ngunit ang amoy, hindi pa rin mawala ang malansang

amoy. Parang nabubulok na karne.

Napugto ang aking pag-iisip ng makarinig ako ng ingay mula sa ibaba. Dali

akong bumaba sa pag-aakalang dumating na si Uncle Roli. Natiyanak ako sa

aking nakita. May -

- isang batang babae ang nananakbo patungo sa kusina!

Saglit akong natilihan ngunit agad ding nakabawi ng kilos. Paanong

nagkaroon ng bata sa loob ng bahay na ito? Agad ko itong sinundan, nakita

ko itong pumasok sa loob ng cabinet sa ilalim ng lababo.

"Bata?!" Tawag ko dito habang marahang binabaybay ng mga paa ko ang

paghakbang patungo rito.

Nakita ko ang pagpasok nito sa maliit na cabinet at pinagkasya nito ang

sarili. Marahil ay nasa edad ito nang anim hanggang pitong taon. Naka-

duster lang ito na hanggang tuhod at nakayapak.

"B-Bata? Lumabas ka dyan." Utos ko dito. Hindi ko rin maipaliwanag kung

bakit maiksi lang ang nalilikha kong paghakbang.

Marahan.

Paunti-unti.

Hanggang sa malapit ko na itong marating.

Ang cabinet.

Limang hakbang na lang.

Hindi!

Apat na hakbang na lang.

Pero bakit ganoon?

Parang hindi na ito kumikibo.

"Bata?" Tawag kong muli dito.

Tatlong hakbang na lang.

Dalawa...

Isa.

Marahan kong hinawakan ang handle ng cabinet.

Bubuksan ko ito kahit anong mangyari.

Ngunit lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib.

Bakit?

Bahala na! Basta bubukasan ko ito.

Akma ko na itong hihilahin ng biglang -

TBC

Makibalita kay ARA sa kanyang page: I LOVE YOU ARA -JF

[ https://www.facebook.com/ILoveYouAra.JFstories ]

####################################

REWiND [ Part2 ]

####################################

xxILY, ARAxx

Saturday, 7:00am

[ START ]

Ara's POV:

"Huwaaaaaaaggggggggg!!!" Isang malakas na tili ng isang babae ang nagmula

sa aking likuran.

Kamuntik na akong mapatalon sa pagkagulat!

Nakakabingi... masakit sa pandinig.

Agad ko itong hinarap upang mapagsino.

Isang ale ang tumambad sa aking harapan. Nakasuot sya ng maruming sleeve

less na shirt at nakapaldang puti na sa tantsa ko ay ka-edaran ni Uncle

Roli.

Napaatras ako, natakot. Paano kasi'y kita ko ang malaki nyang peklat sa

kanyang leeg. Labis akong nangatog. Paanong nagkaroon ng tao sa bahay na

ito?!

"Huwag kang matakot, hija."Umamo ang kanyang mukha. "Pamangkin ka ba ni

Roli?"

Kumalma ako nang mabanggit nya ang pangalan ni Uncle. Nakahinga ako nang

maluwag. Akala ko'y may multo sa bahay na ito.

"S-Sino ho kayo?" Pautal kong tanong.

"Ah, kami ang kinuhang bantay ng Uncle Roli mo dito." Nakangit itong

bahagyang lumapit sa akin.

"G-Ganoon po ba?" Muli akong napabaling sa cabinet sa ilalim ng lababo.

"E-Eh may bata po kasing pumasok dito."

"Ah. Hayaan mo lang sya. Anak ko sya." Kalmado lang ito. "Tanek na lang

ang itawag mo sa kanya."

"Baka hindi po sya makahinga sa loob."

"Okay lang. Kapag nakatulog na sya dyan ay ilalabas ko rin sya. Magwawala

kasi iyan kapag pinilit ko syang palabasin dyan ngayon."

Hindi pa rin ako kumportable ngunit pinilit kong gantihan sya ng ngiti.

"Anong pangalan mo, hija?" Tanong nya.

"Ara po." Matipid kong tugon.

"Ako si Ane'. Tawagin mo na lang akong Aling Ane'."

Tinanguan ko lang sya. Pagkatapos ay tinulungan nya akong maglinis ng

buong bahay. Isang oras na ang lumipas ngunit wala pa rin si Uncle Roli.

Hindi naman ako nainip dahil madaldal naman si Aling Ane'.

Ang totoo pa lang tagapagbantay dito ay si Ka Aming, ang kanyang ina.

Ngunit nang magkasakit ito ay ipinamana na sa kanya ang pamamahala ng

naiwang bahay nila Uncle Roli at Nana na ito. Buwan-buwan naman silang

pinadadalhan ng pera ni Uncle Roli bilang kabayaran.

"Kung hindi ako nagkakamali, anak ka ni Clarisse. Clarisse VillaVerde."

Tanong nya sa akin nang makapagpahinga na kami.

"Opo. Pero Clarisse Santos na po sya ngayon."

"Ah oo nga pala. Nakapangasawa nga pala sya ng lawyer. Si Attorney

Santos. Ang Dad mo, ano?" Nakatanaw sya sa bintana.

"Opo."

"Ang mahalaga ay VillaVerde ka pa rin." Nakangiti ito.

Mayamaya pa'y umakyat na si Tanek. Marahil ay lumabas na ito mula sa

cabinet sa ibaba ng lababo. Yumakap ito kay Aling Ane'.

"Alam mo ba hija, ang mga VillaVerde noon ang pinakamayaman sa

probinsyang ito." Pagpapatuloy nya. "Si Emilio VillaVerde, ang Lolo mo na

tatay nila Roli at Clarisse, ay kamuntik ng maging pinuno ng probinsyang

ito." Huminto sya nang bahagya. "Pero isang araw, bigla na lang nawala si

Emilio, maging ang mga trabahador at ilang kawaksi ay biglang naglaho."

Sumeryoso sya.

Nakatingin lang ako sa kanya habang pinupunasan ng pawis ang kanyang anak

na si Tanek.

"Sila Clarisse at Roli lang ang naiwan dito sa mansyon. Maige na lang at

may isa pang kawaksi ang tumayo nilang mga magulang." Biglang nagbago ang

mood nya.

"Talaga po?"

"Pero ilang taon lang ang lumipas matapos silang magtungo sa Maynila,

naglaho rin naparang bula ang kawaksing ito. Iniwan din sila." Muli syang

ngumiti. "Sa kabila non, natagpuan pa rin nila Clarisse at Roli ang mga

makakatuwang nila sa buhay."

Tila kumirot ang aking puso. Oo nga pala, napangasawa pa rin ni Uncle

Roli ang Tita Laurie ko. At nagkaroon sila ng isang anak, ang pinsan ko.

Damn! What am I thinking? Kirida tuloy ang tingin ko sa sarili ko.

"P-Pero wala na po sila Tita Laurie, ang asawa ni Uncle Roli, hindi po

ba?" Kusang lumabas sa aking bibig.

"Oo hija. Sampung taon na ang nakalilipas ng paslangin sila. Mabuti nga

at hindi nabaliw si Roli sa pagkawala nila eh."

Tila naman napikon ako sa pinagsasasabi nya. "You mind if I ask? Ano pong

nangyari dyan sa leeg nyo? Saan nyo po nakuha ang peklat na yan?"

Umilap ang mga mata nya. "Ah hija. Tutuloy na kami ah. Marami pa kasi

akong gagawin sa bahay eh. Maiwan ka na namin." Agad nyang binuhat si

Tanek at daling lumabas ng bahay. Para bang nagmamadali, hindi ko na sya

naawat.

Dalawang oras na ang nakakalipas, wala pa rin si Uncle Roli. Hanggang sa

nagtatlong oras, apat na oras. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala

ako sa sobrang pagod.

TSUG! TSUG! TSUG!!!

Napabalikwas ako ng bangon nang maunanigan ko ang malakas na tunog na

ito. Saan kaya iyon nagmumula? Muli ko itong pinakingggan. Katahimikan

lamang ang namutawi sa paligid. Marahil ay guni-guni ko lamang ito.

TSUG! TSUG! TSUG!!!

Napaangat ang katawan ko mula sa kinahihigaan nang muling magsimula ang

tunog. Parang magigiba ang dingding sa lakas nito. Nagmumula ito sa

dingding malapit sa kinatitirikan ng aking katreng hinihigaan.

Tumayo ako at lumayo rito. Nahagip muli ng aking paningin ang linya ng

mga langgam na kanina lamang ay sinupil ko na. Heto na naman ang mga ito,

patungo sa butas ng dingding na -

TSUG! TSUG! TSUG!!!

Oh my God! Para talagang binabayo ng malakas ang dingding na ito. Agad

akong nanakbo patungo sa ibaba. Nakadama kasi ako ng takot.

Lumabas ako ng bahay upang doon ito tingnan. And I was shocked,

napakalaki pala ng bahay na ito kung titingnan sa labas. Pero bakit kapag

nasa loob ka na ay tila hindi naman ito ganoon kalawak.

Pinagmasdan ko at sinuri ang ikalawang palapag ng bahay mula sa itaas.

Binilang ko ang bintana nito, bawat bintana kasi ay katumbas ng isang

kwarto.

Isa, dalawa... tatlo.

Apat -

Ha?

Lima?!

Lima ang kwarto?!!!

Mabilis akong pumasok at umakyat sa ikalawang palapag ng bahay upang

bilangin naman mula sa loob ang kwarto. Tinungo ko ang unang kwarto, ang

ikalawa at ang ikatlo. Pagkatapos ang ikaapat at - damn! Wala na. Bakit

ganoon? Apat lang ang kwarto kung bibilangin ito mula sa loob. Sa dulong

kwarto naman ay dead end na!

"Ara..."

Isang tinig ang aking narinig. Mahina lang ito ngunit dinig ko.

Lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib.

"Ara."

Iyon na naman ang tinig ngunit masmalakas ito kaysa sa una!

"Ara!" Mas malakas! Napaatras ako.

"Ara!!" Mas lumalakas! Tila papalapit ito sa akin.

"Ara!!!" Sa lakas ng sigaw ay napatakbo ako sa dulong kwarto.

Agad kong isinara ang pinto at napasandal na hinihingal. Malalim ang

aking paghinga, tagaktak ang pawis ko.

Nawala ang boses, nanlata akong napaupo habang nakasandal sa pintuan.

Wala pa rin si Uncle Roli.

Tumayo ako, marahan. Takot man ay mahinay kong binuksan ang pintuan.

Marahan.

Nanginginig ako.

Dahan-dahan.

Heto na.

At -

"Bulaga!!!"

Napatili ako ng isang malaking lalaki ang agad na sumunggab sa akin at

yumakap. Humahagikhik ito nang malakas.

- si Uncle Roli.

"Nagulat ba kita?" Nakangisi sya sa akin.

Maiyak-iyak ako. "Bakit ang tagal mo?" Sabay yakap sa kanya.

"Di ko akalaing mahirap na pala sumakay pauwi eh. Pero huwag kang mag-

alala. Marami akong pinamiling pagkain. Good for three days!" Nakayakap

din sya sa akin.

"Ha?"

"Oo Ara. Sa Lunes ka na nang madaling araw umuwi ah. Akong bahala sa Nana

mo."

"Sigurado ka, Uncle?"

"Oo, akong bahala. Pa-birthday ko ito sa'yo." Pilyo ang ngiti nya sa

akin.

Pagkatapos ay bumaba na kami upang kumain. Pinagmasdan ko ang pinamili

nya na nasa supot - martilyo, kadena, palakol at kandila. May mga pagkain

din ngunit karamihan ay instant. Nakakapagtaka man ay nagkibit-balikat na

lang ako.

Pagkatapos naming kumain ay nag-usap kami sa kwarto.

"Uncle Roli, ilan ba talaga ang kwarto rito?" Tanong ko sa kanya.

"Lima." Kampante niyang tugon.

"Pero apat lang eh."

"Ah... oo. Apat lang yata. Hindi ko na matandaan eh." Lumabi sya sa akin.

Ang guwapo niya talaga kapag lumalabi siya ng ganoon.

"Pero binilang ko mula sa labas ay -"

"Ara. Nakapagpahinga ka ba nang husto?" Hindi nya na pinatapos ang

sinasabi ko. Nakangisi sya sa akin.

Tinanguan ko lang sya.

Pagkasabi'y nag-umpisa na syang kumilos. Hinalikan nya ako sa aking mga

labi, pababa sa aking leeg.

"U-Uncle Roli, dumaan pala rito iyong katiwala nyo sa bahay na ito. Si -"

Naiilang ako sa ginagawa nya.

"Uhmm... oo. Si Ka Aming." Tuloy pa rin sya sa kanyang ginagawa sa akin.

"Hindi... iyong - "

"Please Ara! Just focus, okay?" Napahinto sya at tumitig sa akin.

Napayuko ako. Natatakot akong baka magalit na naman sya kapag muli ko

syang tinanggihan. Ipinagpatuloy nya ang kanyang nasimulan. Naglakbay ang

kanyang mga labi pababa sa aking leeg habang unti-unti tinatanggal ang

aking butones ng suot kong sleeveless shirt.

"Ah... U-Uncle Roli?"

"Uhmmm.."

"K-Kanina ay may m-malakas na katok akong narinig mula - sa likuran ng

dingding na iyan."

"B-Baka may inaayos lang ang kapitbahay natin sa kabila." Tuloy pa rin

sya.

"P-Pero Uncle, wala naman tayong kapitbahay..."

"Ano ba Ara?!" Napahinto muli sya. "Gusto mo ba o ayaw mo?"

"K-Kasi Uncle..." Napayuko muli ako. "Hindi pa ako handa -"

Isang malakas na sampal ang sinalo ng aking mukha na nagpahiga sa akin sa

kama! Agad syang kumalas sa akin at padabog na tumayo.

"Shit! Hanggang kailan mo ba ako titigangin ah?!" Galit nyang itinumba

ang malaking aparador at tumama ito sa dingding. "Ilang buwan na tayong

mag-ON pero ni minsan ay hindi mo ako pinatikim!" Ibinilaranda nya nang

malakas ang pinto ng kwarto at tumalilis palabas.

Hindi ko maiwasan ang mapaiyak lalo na't matuklasan ko ang pagdurugo ng

aking bibig. Ito ang unang pagkakataon na nagalit sya sa akin ng ganito

katindi at nakuha nya akong saktan. Napatulala ako. Napakabilis ng mga

pangyayari.

Oo nga't lalaki sya at may pangangailangan, ngunit masyado pa akong bata

para sa ganoon.

Naramdaman ko ang kanyang pagsibat, marahil ay sa bayan ang kanyang

tungo. Nananagis ako dahil sa nagawa nya sa akin. Tigagal ako at hindi pa

rin makapaniwala sa mga nangyari. Si Uncle Roli ba talaga iyon? Ibang-iba

sya ngayon.

ISANG ORAS ANG LUMIPAS. Hanggang sa nagdalawa. Nagdilim at sumapit ang

gabi. It's Saturday, seven in the evening. Hindi na ako binalikan ni

Uncle Roli. Marahil ay labis ang kanyang galit sa akin.

Oh God ang dilim! Wala yata silang kuryente rito. Anyway, hindi naman ako

takot sa dilim. Tiningnan ko ang aking cell phone, walang signal. Ginamit

ko itong ilaw upang maghalungkat sa pinamili ni Uncle Roli. Agad kong

natunton ang mga kandila at posporo.

Sinindihan ko ito upang magkaroon ako ng liwanag. Nililimi ko pa rin ang

mga nangyari, nakakintal pa rin sa aking isipan kung paano nya ako

sinampal.

Bumaba ako upang maglagay ng ilaw doon at ako'y muling natigilan nang

makita kong muli si Tanek na patakbong nagtungo sa cabinet sa ilalim ng

lababo sa kusina. Marahil ay matutulog na naman ito roon. Nagkibit-

balikat na lamang ako. Pero nasaan kaya si Aling Ane'?

Nang malagyan ko ito ng kandila ay bumalik na ako sa aking kwarto.

Napansin ko ang pagtama ng malaking aparador na itinumba ni Uncle Roli sa

dingding. Nasira tuloy ang tila kahoy lang na pader, nabutas ito. Marahan

kong itinulak ang aparador palayo sa nasirang dingding. Nalaglag mula sa

loob nito ang isang photo album na puro alikabok na.

Ngunit bago ko ito buksan ay may umalingasaw na amoy - mabaho na masakit

sa ilong. Nakakasuka! Doon ko napansin ang nabutas na dingding. Tama ang

hinala ko, gawa ito sa makapal na plywood. Nang ilawan ko ito ay labis ko

itong ikinagulat! Oh my God!

Mayroon pa itong isang malawak na espasyo na kasing lawak ng aking

kwarto. Ikinagulat ko rin nang aking matanaw ang loob nito

- isang bintana.

This is it! Ito marahil ang pang-limang kwarto.

Patakbo akong bumaba at kinuha ang isang bagay sa pinamili Uncle Roli -

ang martilyo. Nang makabalik ako sa aking kwarto ay pinukpok ko ng

malakas ang dingding.

Isa!

Dalawang pukpok!

Kulang pa.

Buong pwersa at tatlo!

Agad itong bumigay at nawasak, sapat ng butas upang ako'y makapasok.

Bitbit ang aking kandila ay maingat akong pumasok. Inilawan ko ang

paligid, masangsang na amoy ang sumalubong sa akin, masakit sa ilong.

Katulad lang din ito ng mga naunang kwarto dito, pati ang style. Ngunit

bakit kaya ito nakakubli? Ano kaya ang nakatago dito?

Iginala ko pa rin ang aking paningin sa espasyo ng kwartong ito. Ni hindi

ko magawang humakbang mula sa aking pagkakatayo. Hinahagilap ko kung saan

nagmumula ang mabahong amoy. Ngunit wala, wala akong makita.

Nang ipinasya ko nang umalis ay may nahagip ang liwanag ng kandila ko sa

aking tabi.

Ano iyon?

Kinutuban ako.

Iniliwan ko iyon.

Nangangatog ako.

Oh hindi!

Nang matutukan ito ng liwanag ay agad akong napaatras sa takot!

Oh God!

Bahagya kong nabitawan ang kandila kong hawak ngunit nanatili ang ningas

nito. Nanginginig man ay muli ko itong dinampot. Muli kong tinutukan ng

liwanag ang aking nakita.

Marahan.

Pataas.

Nanginginig kong muli itong inilawan.

Tao?

Hindi.

Pero-

Parang tao!

Oo nga!

Isang tao!

Isang-

Bangkay!

Bangkay ng tao!

Inaagnas na!

Napapikit ako at napatili. Gustuhin ko mang tumakbo ay hindi ko magawang

tumayo. Napapikit ako habang nag-uunahan ang aking luha sa magkabila kong

mga mata.

Marahan kong iminulat muli ang aking mga mata. Hindi ito guni-guni

lamang. Bangkay nga ng isang babae ang aking kaharap. Daglit nawala ang

aking takot nang pakatitigan ko ito. Nakadikit ang ulo nito sa dingding

na tila ba iniuntog ito nang malakas.

Nang maraming beses!

Ito ba iyong lagabog na narinig ko noong isang araw na gumising sa akin?!

Bakas din ang malaking laslas nito sa leeg na isa marahil sa dahilan ng

pagkamatay nito.

Ngunit nabubulok na ito at -

- nilalanggam!

Kaya pala hindi nawawala ang mga linya nglanggam!

Dahil sa matinding takot ay nakakilos ang aking katawan palabas sa butas

na aking nilikha. Awtomatikong kumilos ang aking kamay at nagawa pang

damputin ang photo album at saka patakbong bumaba. Wala akong ibang nasa

isip kundi ang makaalis sa lugar na ito.

Ngunit bago ko tunguhin ang pinto palabas ay bigla kong naalala si Tanek

na kanina lamang ay pumasok sa cabinet sa ilalim ng lababo.

"Tanek!" Sigaw ko sa kanya. "Tanek halika na!" Patakbo ko ring tinungo

ang kusina at agad na binuksan ang cabinet. Kukunin ko si Tanek at sabay

kaming aalis sa lugar na ito. Hindi ko sya maaaring iwan.

Nang mabuksan ko ito ay isang masangsang na amoy ang sumalubong sa akin.

Oh my God! Help me please!

Napaatras ako at napalupagi.

Kasi -

Kasi -

Isang bangkay ng bata ang tumambad sa akin!

Inaagnas na rin ito!

Para bang isiniksik sa loob ng maliit na cabinet na iyon!

Hindi ko nagawang bitawan ang kandilang hawak ko. Ito na lang

nagsisilbing kasama ko sa mga kahindik-hindik na aking nasaksihan. Ngunit

nabitawan ko ito, nalaglag itong nakabukas.

Kumilos ang aking kamay na may hawak na kandila upang ilawan ito.

Sh*t!

Totoo ba ito?

Picture ito ni -

Aling Ane' at Tanek, magkayakap.

Pero isang bagay ang ikinagulat ko, ang lalaking nakayakap sa kanila -

si Uncle Roli!!!

Napaluha ako lalo na nang mabasa ang mga salita sa ilalim ng mga

pictures. ROLI AND LAURIE ANNE VILLA VERDE. A HAPPY FAMILY.

"Ara..." Isang tinig ang nagpalingon sa akin mula sa likuran.

Nakangiti ito at - may hawak na martilyo!

-Si Uncle Roli.

TBC

Makibalita kay ARA sa kanyang page: I LOVE YOU ARA -JF

[ https://www.facebook.com/ILoveYouAra.JFstories ]

####################################

HAIR on the FLOOR

####################################

xxILY, ARAxx

The following day takes between Friday (Birthday of Ara) to Monday (When

Ara found dead) but in a different scene.

Saturday, 1:00am

[ START ]

Mrs. Maria Ocampo's POV:

MADALING ARAW na nang makauwi ako sa aming apartment galing sa naganap na

birthday party ng aking isang paboritong estudyante: si Ara Santos.

Kasama ko ang aking anak na si Janice, classmate nya si Ara at -matalik

na kaibigan din. Kaya naman magaan ang loob ko sa batang iyon ngunit

ayokong ipahalata. Gusto ko pa ring magpaka-istrikta sa lahat ng

pagkakataon, sa lahat ng oras. Hindi lamang sa aking anak na estudyante

ko rin o kay Ara, kundi sa lahat ng mag-aaral.

Magkapanabay naming inakyat ni Janice ang makipot na hagdan patungo sa

aming apartment, sa third floor. Hindi tulad ng magara at malaking bahay

ni Ara, maliit lang ang apartment na tinutuluyan namin. Hindi rin naman

na masasabing naghihirap kami, nagkataon nga lang na hindi private lawyer

ang napangasawa ko na tulad ng napangasawa ni Clarisse Santos, o tawagin

na lang natin syang Nana.

Naramdaman ko agad ang malalim na paghinga ni Janice matapos mahiga sa

kama ng aming kwarto. Marahil ay napagod at napuyat sya, pasado ala-una

na rin kasi nang madaling araw. Marahan akong pumanaog malapit sa

kinahihigaan nya. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, nakadama ako ng

lungkot. Bakit hindi ko maibigay sa kanya ang buhay ng katulad kay Ara?

Dahil ba sa isang guro lang ako sa isang unibersidad?

Ginawaran ko ng halik sa pisngi ang natutulog kong anak. Nakadapa sya

tulad ng paborito nyang posisyon kapag natutulog. But I'm sure later,

maiiba na ang pwesto nya. Malikot kasi sya matulog kaya ipinasadya kong

malawak ang aming kama para sa aming dalawa. Ipinatong ko ang isang unan

sa kanyang likod sa bandang puwetan. Kapag nagising sya, malamang

magagalit sya sa'kin because she hate it. Ayaw nya ng nilalagyan sa

likuran ng unan kapag natutulog. Hindi bale, sa kalikutan naman nya kapag

natutulog, malamang maya-maya lamang ay matatanggal na rin ang unang ito

sa kanyang likuran ng hindi nya namamalayan.

Huminga ako nang malalim at marahang pumikit.

Ako si Mrs. Maria Ocampo - madalas akong tawaging - the thick-lipped

teacher ng mga estudyante ko. I hate those students who called me that

way! They are out of respect! Pero totoo naman, makapal ang mga labi ko.

Ngunit sa kapwa ko teacher na lalaki, it looked sexy. It was thicked

literally but it's just - pouted for me.

Namatay ang asawa ko sa isang aksidente - ang ama ni Janice. Maaga akong

nabiyuda dahil sanggol pa sya noon nang maganap iyon. Kaya mag-isa kong

binuhay ang aking nag-iisang anak. Mabuti na lamang at may dekalidad

akong trabaho. Wala na rin akong mga magulang dahil pumanaw na sila bago

pa man ako ikasal kay Eric, my husband.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto, bahagya kong kinabig ang pintuan nito. I

did'nt switch off the light because she hated it also, takot sya sa

dilim. Minabuti ko munang maglinis sa kusina since wala namang pasok, sa

Lunes na ulit. Isa pa, hindi pa naman ako inaantok.

Biglang pumasok sa isip ko ang biglang pagkawala ni Ara sa birthday party

nya. Masyado nang malalim ang gabi kung lumabas pa iyon ng bahay.

Ipinagkibit-balikat ko na lamang ito, hindi naman na kasi alintana ni

Nana ang paglabas nito dahil sa kalasingan. Mabuti na nga lang at

naligtasan ko ang ilang mga shot glass na ilang beses sa aking inalok ni

Nana.

Teka!

Bakit ganito?

Bakit -

- napakaraming buhok sa sahig?!

Mahahabang hibla ng buhok! Napaisip ako. Imposible namang galing sa akin

ito dahil maiksi lamang ang aking buhok na hindi lumalampas sa aking

batok. Maiksi lang din ang buhok ni Janice na hanggang balikat.

Hindi na bale, I'll ask Janice tomorrow kung may pinapasok ba syang

classmate dito kahapon. Maaga ko nga pala silang pinauwi kahapon upang

maghanda sila ng mga classmate nya para sa birthday party ni Ara.

Then I started to sweep this thread of hair, but I'm still wondering

where it came from. Matatapos na ako sa aking ginagawa nang maramdaman

kong bumangon si Janice mula sa kama. I left the door ajar, para malaman

nyang nasa labas lamang ako ng kwarto at naglilinis.

Then I felt her behind me, staring at me. "Bakit ang daming hibla ng

buhok na nagkalat dito?" I asked her without looking her at my back.

Pero wala akong sagot na narinig. But I can feel her! She was there - sa

likod ko.

"Galing ba rito si Ara?" I asked again habang patuloy ako sa aking

pagwawalis. "Si Ara lang naman kasi ang may ganitong kahabang buhok sa

lahat ng kaklase mong babae eh..."

But still there's no answer from her.

Bahagya kong iniangat ang aking katawan mula sa aking pagkakatungo,

iniunat ko ang aking likod. I can see her silhouette from my back. She

was just standing there.

Napabuntong hininga ako. "Okay fine. Matulog ka na. Mukhang antok na

antok ka pa." Utos ko sa kanya ngunit hindi ko pa rin sya nililingon.

Saka ko naramdamang bumalik sya sa kwarto, then I heard she closed the

door. Makalipas ang isang oras na pagwawalis, nakaramdam ako ng pagod.

Kaya minabuti ko na rin na pumasok sa kwarto. Marahan kong binuksan ang

pinto and I was surprised!

Bakit -

Patay ang ilaw?!

Never pang nagpatay ng ilaw si Janice lalo na kapag natutulog!

Then I swicthed on the light. Hindi ko alam kung mabibigla ako sa aking

nakita.

Her position.

The way she was lying down on the bed -

Was the same when I left her an hour ago!

Nakapatong pa rin ang unan sa kanyang likuran, nakadapa pa rin sya.

Malalim pa rin ang kanyang paghinga!

Napailing ako, that can't be! Imposibleng hindi sya bumangon, naramdaman

ko sya kanina na nakatayo sa likuran ko. Umupo ako malapit sa

kinahihigaan nya. Ito parin sya, ito pa rin ang ayos nya. Pero -

Ipinilig ko ang aking ulo. Maybe tumayo sya kanina para hanapin ako pero

dahil sa sobrang antok ay hindi makapagsalita o makasagot sa mga tanong

ko! Then after I told her to get back to bed, isinara nya ang pinto at -

pinatay ang ilaw? Shit!

Napayuko ako, siguro tinatakot ko lang ang sarili ko. Kami lang naman ang

tao dito at mahigit sampung taon na kaming nakatira sa apartment na ito.

Maybe I was hallucinating dahil na rin sa antok at pagod ko. Tatanungin

ko na lang sya bukas, that's the best thing to do.

SIKAT NANG ARAW mula sa bintana ang gumising sa akin. Pasado alas nuebe

na pala ng tingnan ko ang orasan. Agad akong bumangon, tulog pa rin si

Janice. Tulad ng inaasahan ko, wala na ang unan sa kanyang likuran.

Nakatihaya na sya.

Mabilis kong tinungo ang banyo at naligo. It's Saturday, it's grocery

day. Sigurado akong excited si Janice for this. Sa mga ganitong

pagkakataon ko lang nakakasama ng solo ang anak ko. Dahil kapag nasa

school kami, hindi ko sya anak - she's my student.

Nang makalabas ako ng banyo ay sya agad ang bumungad sa akin. "Mommy may

lakad ako today." Nakaupo sya sa harapan ng mesa.

"Saan? Akala ko ba it's grocery day today?" Agad kong tinungo ang closet

room at nagbihis.

"I know. Pero my group project kami sa Science." I could hear her voice.

Lumabas ako ng closet room at tinungo ang kusina. "Sinu-sino naman ang

kagrupo mo?"

"Don't worry Mom. Kami lang ni Ara ang magme-meet up para gawin ang

project na yun."

Kumuha ako ng cereal at milk sa refrigerator. "Nakauwi na kaya iyon? Eh

kagabi nga bigla na lang syang nawala sa birthday party nya di ba?"

"Sigurado namang nakauwi na yun. May usapan kami ngayon."

Inihain ko ang cereal with milk sa kanyang kaharap na mesa. "Okay sige.

May tiwala naman ako kay Ara eh. Basta huwag kang magpapagabi ah. Doon ka

lang kila Nana."

Tumango lang sya habang kumakain ng inihain ko. Lumapit ako sa kanya at

kinintilan sya ng halik sa noo. Kasing edad nya lang si Ara, kung

pagmamasdan, halos magkamukha sila. Parehas maganda, maputi ang kutis at

matalino.

Pero nitong mga nakaraang buwan ay napansin kong laging late pumasok si

Ara. Hindi ko naman masasabing may kinalolokohang lalaki iyon dahil

bantay sarado ito sa Uncle Roli na laging sumusundo dito.

"Oh paano... Mauna na ako sa iyo ha? Isarado mo na lang itong bahay bago

ka umalis ha? Mamaya dadaanan kita kila Nana." Pinagkalooban ko sya muli

ng isang halik sa noo bago ako umalis.

"Mommy? Sinong kasama mo sa grocery ngayon?" Malungkot ang mukha nya nang

lingunin ko sya.

"Si Tita Madge mo. Sya na lang muna ang isasama ko."

NAKIPAGKITA AKO KAY Madge malapit sa grocery store sa di kalayuan sa

aming lugar. Ka-schoolmate namin sya dati ni Nana noong nasa kolehiyo pa

kami. Ang napangasawa naman nya na si Marvin ay nasa abroad at doon

nagtatrabaho. Nakasanayan na syang tawaging Tita ni Janice although hindi

ko naman sya kapatid.

"Damn it Madge!" Bungad ko sa kanya. Napasintido ako sa aking ulo.

"Oh bakit ang aga-aga eh minumura mo ako." Nakangisi sya sa akin.

"Hindi. May nakalimutan lang akong itanong sa anak ko bago ako umalis."

"Ha?"

"Hay naku! Mahabang kwento. Halika na at mag-grocery na tayo." Para

kaming sasabak sa sugal kung yayain ko sya.

Masayang kasama si Madge. Dati rin syang teacher ngunit huminto at

itinuon na lang ang sarili sa gawaing bahay matapos makapangasawa. Wala

pa silang anak ng husband nya dahil nasa abroad ito. Doon na ito tumuloy

matapos silang ikasal.

Si Madge lang din ang nakakatiyaga sa akin na sumama sa grocery, maliban

kay Janice. Inaabot kasi ako ng apat na oras sa pamimili. Matapos mag-

grocery, tumungo kami sa kanugnog ng grocery store na restaurant. Kumain

muna kami ng lunch although ala-una na ng hapon.

"Kila Nana muna tayo ha? Bago sa bahay." Utos ko sa kanya habang

isinasalansan ang mga pinamili namin sa loob ng grocery store sa

compartment ng kanyang Toyota Vios. This is one more thing kung bakit

masayang kasama si Madge, may sarili syang sasakyan.

"Okay. Pero nagtext sakin si Nana. Umalis daw sya ngayon." Tugon nito sa

akin habang papasok sa driver seat ng kanyang kotse.

"Ha? Eh nandoon ngayon si Janice eh..." Pumasok na rin ako sa sa

passenger seat ng sasakyan at isinuot ang seat belt.

"Group projects na naman? Sabi ni Nana hindi pa raw umuuwi si Ara." She

said while inserting the key into the ignition.

"Shit! Mukhang naisahan ako ni Janice ah!"

"Relax Maria. Hindi naman bulakbulero si Janice tulad ng ibang estudyante

ah." Minapula na nya ang manubela at pinaandar ang sasakyan.

"I know. Pero si Ara.."

"What about Ara?"

"Nitong mga nakaraang buwan, lagi syang late. Tapos kagabi sa birthday

party nya, bigla syang nawala. Tila tumakas at lumabas ng kanilang

bahay."

"Tsk. tsk. Busy kasi ang ama nya kaya hindi sya nakakastigo eh." Patuloy

lang ito sa pagmamanubela.

"Iyon na nga ang inaalala ko. Baka maimpluwensyahan nya itong si Janice

ko."

"Di bale. Dumaan na lang tayo ngayon sa bahay ni Nana. Alamin natin kung

naroon nga si Janice."

Tumango na lang ako at nanahimik.

NANG MAKARATING KAMI sa bahay ng mga Santos, saradong-sarado ito. Halata

namang walang tao. Naka-ilang pindot ako sa door bell ngunit walang

lumalabas mula sa loob. Pasalampak akong bumalik sa passenger seat ng

sasakyan ni Madge.

"Walang tao?" Bungad sa akin ni Madge.

Habul-habol ko ang hininga ko. "Dumiretso tayo sa bahay." Malumanay lang

ako ngunit alam kong nararamdaman ni Madge na galit na ako. Nagdidilim

ang aking paningin sa galit. Ito ang unang beses na pinagsinungalingan

ako ni Janice.

Walang imik na pinaharurot ni Madge ang kanyang sasakyan pauwi sa amin.

It's four in the afternoon nang makarating kami sa aking apartment dahil

sa traffic, umibis ako palabas ng kotse at mabilis na tinungo ang third

floor ng aming building. Padabog kong binuksan ang pintuan.

"Janice!" Sigaw ko. Nanginginig ang mga laman ko.

Bago ko pa lang bubuksan ang pinto ng kwarto ay biglang bumukas ito. Si

Janice.

Hinila ko sya sa braso. "Halika nga rito!"

Kita ko sa mukha nya ang pagkagulat.

"Ang sabi mo sa akin may group project ka ngayon!?" Iginiya ko sya paupo

sa bangko kaharap ng mesa.

Tumingala sya sa akin. "Meron nga po." Kita ko ang takot sa kanyang

mukha.

"Sinong kasama mo?!" Pinandilatan ko sya.

"S-Si Ara po."

Saka ko sya nakurot sa kanyang braso. "Sinungaling! Sabi ni Nana, hindi

pa raw umuuwi si Ara mula kagabi!"

Nanginginig ang boses nya. "I-Imposible Mommy, kasama ko sya kanina lang

sa bahay nila."

"Pumunta ako sa bahay ni Ara kanina, wala namang tao doon ah!"

"Mommy I swear! Kahit tanungin mo pa si -" Hindi na nya naituloy ang

gusto nyang sabihin matapos ko syang sampalin. Dito na sya napaiyak.

"Ayoko sa lahat ay sinungaling!" Dinuro ko sya sa noo. "Kakausapin ko si

Nana tungkol dito." Pagkasambit ay tinalikuran ko na sya at bumaba muli

sa labas ng building upang puntahan si Madge.

Naroon si Madge, nakatayo sa kanyang kotse.

"N-Nandyan sya?" Tanong nya sa akin.

Hindi ko sya tiningnan. "Oo, at nagdadahilan pa."

"A-anong sabi nya?" Para syang naginginig.

Tumingin ako sa kanya. "Okay ka lang. Namumutla ka yata?"

"Anong sabi ni Janice?" Hindi nito sinagot ang tanong ko.

Bumaling ako ng tingin sa iba. "Kasama nya raw si Ara doon sa bahay

nito. Eh noong pinuntahan natin wala ngang tao doon, diba?"

Hindi sya umimik.

Nang tiningnan ko sya, nakatingala sya at nakatingin sa floor namin.

"Halika pumasok ka muna." Anyaya ko sa kanya.

Nanatili syang nakatingin sa third floor. "H-Hindi na. Uuwi na ako."

Tiningnan ko kung anong tinitingnan nya. "Ano bang tinitingnan mo dyan?"

Tumingin sya sa akin, nanginginig. "Third floor kayo di ba?"

"Oo."

Walang imik syang pumasok ng sasakyan nya. Dumungaw sya sa akin. "Iyong

mga pinamili natin inilabas ko na sa compartment. Nandoon sa gate ng

building nyo." Inginuso nya pa ang mga ito sa likuran ko upang tukuyin

ang kinalalagyan ng mga ito.

Nang lingunin ko ay naroon nga ang mga pinamili namin.

"Pasensya ka na Maria. Hindi na kita matutulungang iakyat iyang pinamili

mo."

Bumaling akong muli sa kanya. "Okay lang. Magpahinga ka na at mukhang

namumutla ka."

Hindi na sya makatingin sa akin. Ngunit nakita ko pa syang sinulyapan ang

third floor ng gusali kung saan naroon ang apartment ko. Pagkatapos ay

pinaandar nya na ang makina ng sasakyan. Bago nya ito tuluyang paandarin,

tumingin sya sa akin. "Sya nga pala, nag-text sa akin si Attorney

Santos."

"Oh anong sabi?"

"Tinatanong nya sa akin kung nasaan daw si Nana at si Ara. Nasa bahay na

kasi sya."

Napapadyak pa ako sa aking kinatatayuan. "Lintik talaga oh! Sabi na nga

ba nagsisinungaling sa akin itong si Janice eh."

Pagkatapos noon ay minaneho na nya ang kanyang sasakyan papaalis, na para

bang nagmamadali at tila takot? Pero saan?!

Nagpatulong na lang ako kay Mang Isko, nakatira rin sa building namin

ngunit sa second floor, na iakyat sa third floor ang aking mga pinamili.

Halos sya na lahat ang nag-akyat, kaunti lang ang aking nabitbit.

"Salamat Mang Isko. Halikayo at magmiryenda muna!" Anyaya ko sa kanya ng

matapos nyang maiakyat anglahat ng groceries.

"Ah hindi na, Mrs. Ocampo. Maghahapunan na rin naman. Doon na ako kakain

sa bahay." Nagsasalita ito ngunit nakatingin sa aking likuran.

Napatingin ako sa likuran ko, wala namang mayroon doon. Humarap muli ako

sa kanya. "Oh sige, salamat na lang. Sa uulitin po."

"O-Okay sige -" Para bang may gusto pa syang sabihin.

Nang lumakad paalis si Mang Isko ay hinabol ko pa ito nang tingin. Kita

ko ang pagsulyap nya sa akin na para bang hindi ito makatingin sa akin ng

diretso. Nang tuluyan nga syang makababa sa second floor, pumasok na ako

sa loob ng apartment. Isinaayos ko na ang aking mga groceries. Bakit ang

weird ng mga tao ngayon?

Ala-siete na nang gabi nang makatapos ako, sakto rin naman dahil

sinabayan ko ito ng pagluluto sa kusina para sa hapunan. Tinungo ko ang

kwarto kung saan naroon ang nagtatampong si Janice. Alam ko nabigla sya

sa nagawa ko sa kanya, pero mali pa rin na magsinungaling sya sa akin.

Natagpuan ko syang nakaupo sa kama, yakap nya ang sariling mga tuhod.

"Halika na... kakain na." Mapait kong anyaya sa kanya.

Marahan lang syang tumayo at sumunod sa akin.

Kumain kami ng walang imik sa isa't isa. Pagkatapos nyang kumain ay

iniligay nya lang sa lababo ang kanyang pinagkainan at dumiretso na sa

kwarto. Nang matapos din akong kumain ay nilinis ko ang aming

pinagkaininan at pumasok na rin ako sa kwarto.

There she was, mukhang pagod na pagod, lying on her bed. Naririnig ko ang

malalim nyang paghinga. Ganoon muli ang kanyang ayos, nakadapa. Tumabi

ako sa kanya at sinubukang matulog. I closed my eyes, sinikap kong

makatulog. Pero paulit-ulit pumapasok sa isip ko ang mukha ni Janice,

takot na takot sya sa akin kanina nang sampalin ko sya.

Dumilat akong muli at nilingon ko sya, tulog na tulog. Ginawaran ko sya

ng haplos sa mukha, I want to say sorry. But even if I say it to her

right now, she will not hear it. Nakaramdam ako bigla ng awa, ngunit

galit muli. Naiinis pa rin ako sa kanya kapag naiisip kong nagsinungaling

sya sa akin.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Marahan akong bumangon, bumaling

ako kay Janice. She's still asleep, malalim ang tulog nya. Ganoon pa rin

ang ayos nya, nakadapa. Marahan akong kumilos at ipinatong ang unan sa

kanyang likuran malapit sa puwetan like what I did yesterday. I know

she'll hate me for this, pero hindi nya na mamamalayan iyon, maya-maya

lang ay maglilikot na ulit sya sa pagkakatulog.

Lumabas ako ng kwarto, tulad ng dati, I left the door ajar. I avoided to

switch off the light.

Nang marating ko ang sala, dumiretso ako sa kusina kung saan naroon ang

aming refrigerator. I drunk a glass of water, then went to the room.

Ngunit bago ako pumasok ng kwarto ay napansin ko na naman ang mga

nagkalat na buhok sa sahig!

Kumuha ako ng walis at dust pan, winalis ko ito. Oo nga pala, hindi ko pa

natatanong si Janice tungkol sa mga buhok na ito.

Mayamaya'y naramdaman ko na naman ang pagbangon ni Janice mula sa kama. I

can feel her presence near me.

Hindi ko sya pinansin ni nilingon, nagpatuloy lang ako sa pagwawalis. But

she's not moving, I think she was just staring at me.

"Kanino ba galing ang buhok na ito, ha?!" Tanong ko sa kanya without

turning to her.

Katulad noong una. Wala syang imik. Hindi ko rin naman sya kayang

lingunin, I know she was mad at me.

Bahagya akong tumayo ng tuwid at bumuntong hininga. "All right Janice.

I'm sorry. Pasensya ka na -"

BLAGGGGGGG!

Biglang sumara ng malakas ang pinto ng kwarto!

Napaigtad ako sa pagkagulat at agad ko syang nilingon. But it was too

late that I can't see her. Maybe she was inside the room!

Padabog kong inilapag ang hawak kong walis at dustpan. Ito ang unang

pagkakataon na pinagdabugan ako ni Janice ah! Lalong kumulo ang dugo ko

sa kanya. Hindi nya ba narinig ang paghingi ko ng tawad.

Mabilis akong humakbang papasok sa kwarto. Nagulat pa ako ng buksan ang

pinto -

- patay ang ilaw!

I immediately switch on the light.

Napatigagal ako!

TBC

Makibalita kay ARA sa kanyang page: I LOVE YOU ARA -JF

[ https://www.facebook.com/ILoveYouAra.JFstories ]

####################################

DOPPELGANGER

####################################

xxILY, ARAxx

Saturday, 3:00am

[ START ]

Mrs. Maria Ocampo's POV:

Janice!

Janice was -

Still asleep!

Lumapit ako sa kanya, nanginginig ang tuhod ko.

Iyong unan na ipinatong ko sa kanyang likuran -

Ganoon pa rin ang ayos!

Naririnig ko pa rin ang malalim nyang paghinga!

Tulog na tulog pa rin sya!

Oh my God! Dali kong isinara ang pinto ng kwarto. I saw the clock, it's

three in the morning. Humiga ako sa tabi nya at mahigpit ko syang

niyakap. Ni hindi man lang sya natinag sa malalim nyang pagtulog. How

could she slammed that ajar door to shut or even switch off the light

kung ganito sya matulog?

Baka stress lang ako. But everything's weird today. Si Madge, the way she

looked frightened while she's staring at our floor; si Mang Isko, na

parang balisa at may nais sabihin sa akin.

Nakatulog pala ako mula sa malalim na pag-iisip. Same day as yesterday,

it's nine in the morning. Bumangon ako at dumiretso sa banyo. I took a

bath and prepared a breakfast for us.

Nakita kong marahang lumabas ng kwarto si Janice, dumiretso sya sa mesa

at nag-almusal. Sinaluhan ko sya, she's quiet.

"Maligo ka na. Magsisimba tayo ngayon remember?" Utos ko sa kanya ngunit

hindi ko sya magawang tingnan.

Hindi sya umimik, mahinay lang syang kumakain.

Tiningnan ko sya, seryoso syang sumusubo ng pagkain. Nakatingin sya sa

akin, umiwas ako ng tingin. "Sya nga pala, bakit ang daming buhok na

nagkalat dito sa sahig? Galing ba dito si Ara?"

Umiling lang sya at nanatiling tahimik. Nakatingin lang sya sa akin.

Tumingin ako sa kanya. "Bumangon ka ba kagabi?"

Umiling muli sya at yumuko. Nagpatuloy sa pagkain.

"Siguro nagsleep-walk ka." Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko.

Nanatili lang syang tahimik.

Pagkatapos kumain ay naligo na sya , dumiretso sa closet at nagbihis.

"Ayusin mo ang bihis mo ha. Sa simbahan tayo hindi tayo mama -" Nagulat

ako ng bumungad sya sa akin. Nakasuot sya ng unipormeng pamasok. Lumapit

ako sa kanya. "Janice, Linggo ngayon. Magsisimba tayo hindi tayo pupunta

sa school." Lumuhod pa ako sa harapan nito. "Magpalit ka ng damit."

Tumango lang sya at bumalik sa closet. Pagbalik nya ay nakabistida na

syang puti. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya. Agad din akong

bumitaw at tiningnan ko sya. Blanko ang mukha nya, wala pa rin syang

imik. Hindi ko magawang humingi ng tawad sa kanya sa ngayon.

"Hintayin mo ako sa labas. May kukunin lang ako sa kwarto." Utos ko sa

kanya.

Tumango lang sya at humakbang na palayo sa akin patungo sa pintuan

palabas ng apartment.

Mabilis akong tumungo sa harapan ng lifesize mirror malapit sa kwarto

upang tingnan kung maayos ba ang suot ko. Pagkatapos ay bumaling na ako

sa pintuan ng kwarto papasok. Dito na ako napatili sa aking nakita.

Paanong?!

Totoo ba ito?!

I saw Janice -

- she's still asleep!

Lying on her bed!

Natutop ko ang aking bibig sa pagkagulat!

Hindi ako maaaring magkamali. Si Janice ito dahil nakatihaya sya at

kitang-kita ko ang kanyang mukhang tulog na tulog! Naramdaman kong parang

kumapal at namanhid ang aking ulo, tila nagtayuan ang lahat ng balahibo

ko!

If Janice was here, sino iyong nasa labas ng pintuan?

Marahan akong gumawa ng hakbang patungo palabas ng kwarto.

Marahan lang.

Halos hindi ko maiunat ang aking mga binti, nanginginig ang mga 'to!

Nang makalabas ako ng kwarto, sapat na para matanaw ko ang pintuan

palabas ng apartment.

And it was opened -

Humakbang pa ako ng isa.

Nanginginig ang aking katawan, naluluha ang aking mga mata.

Isa pa... marahan lang.

Malapit na.

Then -

I saw her!

Nakatalikod sya sa akin!

Who is she?!

Lumingon ako sa aking kaliwang bahagi kung saan abot tanaw ko si Janice

na natutulog sa kama.

She's still there!

Muli ay lumingon ako paharap kung saan naman nakatayo sya patalikod sa

akin sa may pintuan.

Humugot ako nang malalim na paghinga.

At saka muling humakbang.

Isang hakbang...

Marahan lang.

Pangalawang hakbang.

Hindi nya alintana, nakatayo pa rin sya patalikod sa akin.

Pangatlong hakbang.

Dumampot ako ng walis at hinawakan ko ito.

Paamba sa kanya.

Pang-apat.

Nanginginig ang aking mga kamay.

Panglima.

"Janice..." Usal ko habang papalapit sa kanya.

Ngunit hindi sya lumingon. Nanatili lang syang -

Nakatayo.

"J-Janice..."

Pinilit kong tatagan ang aking loob. Ang aking mga paang hindi mailakad

sa kaba ay pinilit kong ihakbang papunta sa kanya.

She was still standing there, infront ahead of me. I saw her back. How

could she? I just saw her in her bedroom a minute passed away. Malalim

ang tulog nya, paanong -

Unless I was just dreaming! Baka nga panaginip lang ito. Sana nga

panaginip lang ito.

"Janice..." I called her but whisper.

Hindi sya lumilingon. Hinigpitan ko ang aking pagkakahawak sa broomstick

na hawak ko kahit nangangatog na ako sa kaba. Sino ang babaeng ito? Hindi

sya si Janice! Hindi sya ang anak ko!

Limang hakbang na lang ang layo ko sa kanya, but she didn't notice me.

Marahan pa akong humakbang.

Apat na hakbang na lang.

Tatlo.

Dalawa.

Isa -

"Bulaga!"

Napaatras ako! Nagulat!

Tila ang aking dugo'y umakyat sa utak!

"Oh! Bakit gulat na gulat ka?" Sabay baling nito kay Janice. "How are you

Janice?"

Si Madge.

Bigla syang sumulpot sa pintuan.

Napatingin sa akin si Madge. "Bakit ka may hawak na walis?"

Para akong na-estatwa. "Ah... wala. Maglilinis sana ako..." Sabay bitaw

ko sa hawak kong walis. Nagulat pa ako ng yakapin nya si Janice sa

harapan, o kung si Janice nga ba ito.

"Ang bango naman ni Janice." Pagkatapos ay bumaling sya sa akin. "Akala

ko ba magsisimba tayo?"

Tumango lang ako at pilit sinisilip ang kayakap nyang si Janice.

Bumitaw sya sa anak ko sa pagkakayakap. "Bakit parang matamlay ka,

Janice?"

"Inaantok pa po kasi ako, Tita Madge." Tugon nito sa kay Madge. Ito ang

unang pagkakataon na narinig ko ang tinig ni Janice mula nitong umaga.

"Siguro... nasermonan ka ng Mommy mo nuh?" Sabi pa ni Madge habang

hinihimas ito sa buhok.

Yumuko lang si Janice.

Pero hindi! Hindi ito si Janice! But I heard her voice...

Kung ganoon.

Sino iyong -

Nakahiga sa kwarto?

Wala akong pasintabing tumakbo sa kwarto. Heto na naman ang matinding

kaba sa akin.

Sya agad ang hinanap ng aking paningin nang nasa pintuan pa lang ako ng

kwarto!

Then I was shocked -

She's -

Not there!

Wala ang Janice na kanina'y natutulog lang - dito sa kama!

Nanlambot ako at napaupo.

Doppelganger?!

I know it was in fiction and folklore, and literally a double goer which

means - a double of a living person and sometimes portrayed as a

harbinger of badluck. But I don't believe in this! Not until I saw it

with my own eyes!

"Maria!" Sigaw ni Madge sa pangalan ko.

Agad akong napatayo sa pagkakaupo at pilit pinahid ang luhang namutawi na

pala sa aking mga mata. "I'll be there in a sec!" Tugon ko sa kanya.

What the hell is happening to me? Bakit ako nagkakaganito? Nagsimula lang

ang lahat ng ito matapos naming manggaling sa birthday ni Ara. I think

something bad might happen. Masama ang kutob ko. Or - baka naman stress

lang ito. Again? Why am I always considering this as like that? Siguro

pinapalakas ko lang ang loob ko.

Matapos magsimba, dumiretso kami sa isang fastfood malapit sa aming

bayan. Hindi ko maiwasang pagmasdan si Janice, she's still Janice anyway.

Isang bagay lang ang nagbago, alam kong nagtatampo sya sa akin.

Tinatanguan nya lang ako kapag may tanong ako sa kanya, pero hindi nya

ako magawang tingnan sa mga mata. Mabuti na lang at sumulpot si Rene,

kaibigian din nila ni Ara at estudyante ko rin.

"Mrs. Ocampo, pwede ko po bang isama si Janice dyan sa mall sa tapat

nito." Si Rene, itinuro nito ang tapat ng fastfood na kinakainan namin

ngayon.

Tumango ako. "Bumalik din kayo agad ha..."

Tumango lang si Janice. Pagkatapos ay umalis na sila.

Tumingin sa akin si Madge na nakaupo lang sa aking harapan. "May problema

ka ba? Kanina ka pa parang balisa..."

"Ikaw Madge? May problema ka ba? Kahapon ka pa weird." Gagad ko sa tanong

nya.

"What do you mean?" She sipped a drink of ice tea.

"Kahapon Madge, nagmamadali kang umuwi na parang takot na takot ka. The

last time I saw like that is when you - meet Nana and Ara, remember?"

"Ah wala yun. Ganoon talaga ako minsan weird..." Plastic ang ngiti nya.

Halatang may itinatago.

"Speaking of Ara, bakit ang ilap mo sa batang iyon?" Pumangalumbaba ako.

"Hindi naman sa mailap ako sa kanya, hindi ko lang sya - ah ewan! Hindi

ko maipaliwanag eh."

"As I remember, nakikita ko na parang hindi ka makatingin sa kanya.

Although matalik na kaibigan mo naman si Nana, pero pagdating sa batang

iyon - parang ilang ka."

Nagbago ang mukha nya. Hindi sya makatingin sa akin.

"Look Madge, kaibigan mo rin naman ako katulad ni Nana but you're so

close to Janice. Why can't you be like that to Ara, too? Is there

something I don't know?" Hinawakan ko sya sa kamay.

She sighed. "Wala... namimili lang talaga ako ng batang magugustuhan ko."

"So nanggaling na sa bibig. Hindi mo gusto si Ara?"

"Why are you interrogating me about her, huh? Eh samantalang kahapon,

ikaw na ang may sabi na baka maging masamang impluwensya itong si Ara kay

Janice mo. At saka wag mong ibalik sa akin ang tanong, I'm asking you,

right? Bakit parang balisa ka kanina ha? Siguro inaway mo si Janice,

nuh?" Bahagya nya pang inilapit sa akin ang kanyang mukha.

Hindi ako nakaimik.

"Napansin ko ang palihim mong pagsulyap sa anak mo kanina pa. Parang

nangingilap ka sa kanya..."

Tumanaw ako palayo sa kanya, ni hindi ko sya magawang tingnan. Alam ko,

may kasalanan ako kay Janice nang pagbuhatan ko ito ng kamay. But aside

from that, may bumabagabag sa isip ko. Ang mga pangyayaring hindi ko

maipaliwanag, there is something wrong that's happening after namin

manggaling sa birthday ni Ara. Pakiramdam ko talaga may masamang

mangyayari. Natatakot ako! Heto na naman ang kaba sa dibdib ko!

Who's that girl staring at me last night kung hindi iyon si Janice? I

know now, hindi si Janice iyon. Sino ang babaeng iyon na natutulog katabi

ko? How about that hair on our floor? Kanino galing ang mahahabang hibla

ng buhok na iyon?

Biglang may humawak sa balikat ko!

"Wahhh!" Napasigaw ako sa gulat.

It wasn't Madge! Isang batang pulubi ang humawak sa balikat ko!

"Palimos po..." May pagmamakaawa sa tinig nito.

Hindi ako nakagalaw, na-estatwa ako sa pagkakagulat. Napakarungis ng

batang ito. Paano ito nakapasok sa fastfood na tulad nito?

Mayamaya'y nilapitan ito ng service crew at hinila palabas. "Bawal ka

dito. Doon ka sa labas mamalimos." Utos nito sa batang pulubi at hinila

na nga ito palabas.

Halos habol ko ang aking paghinga sa kaba. Nagulat kasi ako sa biglang

pagtapik nito sa akin.

"Okay ka lang?" Ani Madge na nakatingin pala sa akin. "Bakit parang takot

na takot ka?"

"Ah wala, nagulat lang ako dun sa pulubi." Umayos ako ng upo.

"Kahit ako nagulat din eh. Bigla ang pagsulpot nito sa harapan mo. Tulala

ka kasi kaya hindi mo napansin." Nakangisi ito sa akin.

"Ha?"

"I told you. Wala ka sa sarili. Kanina ka pa balisa."

Napayuko na lang ako.

Napakamot si Madge sa kanyang ulo. Ngunit ng ibaba na nya ang kanyang

kamay, natabig nya ang basong may ice tea sa kanyang harapan. "Shit!"

Sabay pa kaming napatayo nang matapon ito.

"Sorry, natapunan ka ba?" Pag-aalala nya sa akin.

"Hindi naman. Kaunti lang." Habang pinupunasan ko ng panyo ang ibabang

bahagi ng aking kasuotan.

Nang mapunasan namin ang natapon na ice tea, biglang pumasok ang isang

lalaking nakaitim na jacket. Halos nagwawala ito sa counter. "Hindi naman

ito ang in-order ko ah! Bakit ito ang ibinigay mo sa akin!" Galit na

galit nitong isinalampak ang pagkaing nakabalot sa harapan ng cashier.

"Sorry, Sir. Palitan ko na lang po." Alo ng Cashier dito.

"Aba! Dapat lang! Hindi ko naman pagkakamali iyan!" Sigaw pa ng lalaking

nagrereklamo.

Bumulong sa akin si Madge. "Grabe nuh? May ganyan palang mga tao."

Tinanguan ko lang sya.

Nang makuha ng lalaki ang pinalitang order, padabog itong lumabas ng

fastfood at sumakay sa nakaparada nitong sasakyan. Pagkatapos ay

pumaharurot ito paalis.

Napapailing na lang si Madge.

"Hintayin lang natin si Janice, tapos umuwi na tayo." Habang nakatingin

ako sa aking relo.

Tumango lang si Madge.

Mayamaya ay may pumaradang Honda Jazz na pink malapit sa pwesto namin. We

can barely noticed it through the glass wall beside us. Iniluwa ng

sasakyang ito si Tony Gonzaga. Halos magtilian ang mga service crew sa

loob ng fast food.

"Akalain mo, may artista rin palang bumibili sa fastfood na 'to." Sambit

ni Madge.

I'm a fan, actually. Pero wala ako sa mood dahil malalim ang iniisip ko.

Sandali lang nanatili si Tony at umalis na rin matapos magtake-out ng

order nito. Maya-maya ay dumating na si Janice, kasama si Rene.

"Let's go!" Pagkatayo ko ay tumayo na rin si Madge.

Nang makauwi kami sa apartment, nag-stay muna si Madge at

nakipagkwentuhan kay Janice. Sa amin na rin sya naghapunan. Maaga ko ring

pinatulog si Janice dahil kinabukasan ay may pasok na.

Nagkwentuhan kami ni Madge hanggang alas-nuebe ng gabi. Pagkatapos ay

umuwi na rin sya.

I'm about to go to bed ng mapansin ko na naman ang mga hibla ng buhok na

nakakalat sa sahig. I sighed. Then I swept it again. Saan ba nanggagaling

ang mga buhok na ito? Madge has a long hair but it's blonde, this one is

black.

After I'm done, I went to bed. Tulog na si Janice, naririnig ko na ang

malalim nyang paghinga. Heto na naman ang takot ko. Baka mangyari na

naman ang nangyari kaninang umaga. Hindi ako natatakot sa mga nangyari,

natatakot ako na baka may mangyaring masama kay Janice.

I stared at Janice, this time, nakatalikod sya sa akin na nakayakap sa

unan patagilid. Is she still mad at me? Hinimas ko ang kanyang buhok. I

can feel that she's in deep sleep. Tumayo ako at isinara ko ang pintuan

ng kwarto. Mula sa pintuang iyon, tinitigan ko sya. I want to say sorry

about what happened yesterday. But how could I? May kasalanan din naman

kasi sya sa akin. She betrayed me, she lied to me! Well, if she say sorry

to me I will forgive her. Maybe tomorrow -

"Why are you staring at me!"

Napaigtad ako sa pagkagulat, isang boses na nagmula kay -

Janice!

But I can't see her talking. Nakatalikod sya sa akin!

"Anong sabi mo?" Nag-init ang ulo ko sa tanong nya.

Hindi sya lumingon o gumalaw. Nakatalikod pa rin sya sa akin at nakayakap

sa kanyang unan.

Hindi sya kumibo.

"I'm still your mother! Hindi ka dapat -"

"Why are you staring at me!" Sigaw nyang muli.

"Ha?"

Ni hindi sya gumagalaw o humaharap sa akin. Sa tono pa ng pananalita nya,

para syang galit!

Lumakad ako papunta sa kabilang bahagi ng kama paharap sa kanya. "Aba't!

Sumusobra ka na ah! Wala ka ng paggalang sa -" Napahinto ako nang makita

ko ang kanyang mukhang -

Tulog na tulog pa rin sya!

"Janice..." Tinawag ko sya.

Pero kita ko na malalim ang pagtulog nya.

Imposible!

Sa kanya nagmula ang tinig na iyon!

Bahagya akong umupo paharap sa kanya. "Janice..." Pero kahit yugyugin ko

sya ay mukhang malabo syang magising dahil sa lalim ng pagkakatulog nya.

Napayuko ako.

Siguro -

Nananaginip lang sya.

Sleep talking, maybe.

Ngunit ano itong nararamdaman ko? Parang halos lahat ng balahibo ko sa

katawan hanggang likod, nagtataasan. Dali kong hinimas ang aking mga

braso, baka giniginaw lang ako. Pero heto na naman, ang pakiramdam na

iyon. Natatakot ako -

Tuminign ako kay Janice, natatakot ako -

Natatakot akong baka may mangyaring masama sa kanya.

Hindi ko na naman namalayan na nakatulog na pala ako. Tumayo ako sa aking

kinahihigaan sa gilid ng kama at si Janice agad ang hinanap ng aking

paningin.

But she's not in the bed!

"Janice!" Napasigaw ako.

I panicked.

Nasaan ang anak ko?!

TBC

JAMILLE FUMAH

Makibalita kay ARA sa kanyang page: I LOVE YOU ARA -JF

[ https://www.facebook.com/ILoveYouAra.JFstories ]

####################################

DEJAVU'

####################################

Sunday. 10:15 in the evening.

[Bago ang kamatayan ko...]

ISANG MALAKAS na pagpukpok ang gumising sa aking pagkakatulog, marahan

kong iminulat ang aking mga mata. Agad na bumungad sa akin si Uncle Roli,

he's near beside me. He's pounding something gamit ang kanyang maso.

Nakakaamoy ako ng malansa, napakasansang ng amoy. Siniyasat kong mabuti

kung ano ito, he's pounding -

-a pair of foot!

Oo! Putol na paa!

Paa ng isang -

-TAO!

I panicked kaya't napabalikwas ako ng bangon paupo mula sa aking

kinahihigaan. Malalim na kinahihigaan. Malamig, giniginaw ako.

Then he looked at me, puro dugo ang kanyang mukha. "Gising ka na pala..."

Doon nanumbalik sa akin ang ala-alang tinatakasan ko sya. Animal ang

lalaking ito, hayop! Demonyo at mamamatay tao. Ang taong ito ang pumatay

sa pamilya nya! Sa auntie ko, sa pinsan ko. Napaluha ako at sa galit ko'y

nakapagsalita ako sa kanya. "Lamimnyungonum..." Shit! Bakit hindi ako

makapagsalita!

Then I slowly touched my mouth. Napakalagkit ng aking bibig, napakalansa.

Nang iangat ko ang aking kamay matapos itong hawakan -

-dugo!

What the hell is happening to me?! Bakit puro dugo ang aking bibig? Ng

yumuko ako ay nakita ko rin na umagos ang dugo hanggang sa aking dibdib,

sa aking suot na damit. Ngunit mukhang halos natuyo na ang dugo, malagkit

na ito.

Then I felt the pain in my head, may dugo rin ito. Naalala ko, pinukpok

nga pala ako ni Uncle Roli ng batuta sa ulo na sanhi para makatulog ako.

Pagkatapos ay nakaramdam ako ng kirot sa aking bunganga. Napanganga ako

sa sakit. Bahagya akong napayuko at tumulo mula rito ang malapot na dugo

na nagmula pa sa aking -

-bibig!

Napaiyak ako! Nangangatog. Natatakot ako. Ang mga dugong ito, nagmumula

sa bibig ko! Napakalakas ng kabog sa dibdib ko. Si Uncle Roli ba ang may

gawa nito? Shit! Papatayin nya ako!

Naulinigan ko ang paghakbang nya papalapit sa akin. Hindi ko sya magawang

tingnan sa kanyang mukha.

Ang kanyang mga kamay, puro dugo ito. Hinagilap ng aking paningin ang

pares ng paa na kanyang pinupukpok. Lalo akong nakaramdam ng matinding

takot! Paa nga ito, pares ng isang paa na halos mayupi na at madurog sa

kapupukpok nya. Kaninong paa kaya ito? Ibig ba sabihin nito ay may

pinaslang na syang tao bago pa man ako tumuntong sa bahay na ito?

Baliw ang taong ito, baliw ang Uncle Roli ko.

Nahagip ng aking paningin ang kanyang mga kamay, naliligo ito sa dugo.

Para syang may in-operahan. Naalala ko, dapat nga pala ay magdu-doktor

sya. Kaya nga lang, huminto sya sa pag-aaral. Maaga nya kasing nabuntis

ang Tiya Laurie ko kaya't hindi na sya nagpatuloy. Ngunit kahit ganun,

may alam pa rin sya pagdating sa mga surgical matters.

Matalim ko syang tiningnan sa kanyang mukha, ang kanyang mukha na puro

tilamsik ng dugo. Wala akong ibang nakikita kundi ang madilim nyang

mukha, ang malawak nyang ngiti na para bang abot hanggang tainga. Ang

kanyang mga mata ay natatabingan ng mahaba nyang kulot na buhok,

natatabunan ng itim nyang sumbrelo. Hindi na sya ang kasintahan ko, hindi

na sya ang Uncle Roli na kilala ko.

Gusto ko syang murahin, gusto ko syang saktan. Ngunit walang lumalabas na

boses mula sa aking bibig, ni kahit lakas na pagkukunan. Nanghihina ako,

nanglulugo - ang aking paningin, nanlalabo. Pero tinatatagan ko ang aking

loob, kailangan ko ito. Iniisip ko si Nana, ang Mommy ko! Sya na lang ang

pinaghuhugutan ko ng lakas, kailangan kong lumaban sa tarantadong ito.

"Ara... Sandali lang ah. Kukuha lang ako ng pagkain..." Malambing ang

tinig nya. Pagkatapos ay humakbang sya palabas at nawala sa aking

paningin. Pagkakataon ko na, tatakas ako.

Pero bakit ganito, hindi ako makabangon. Nilingap ko ang paligid, malalim

ang aking hinihigaan -

-nasa bathtub ako!

Malamig! Malansa!

Madilim. Tanging liwanag ng buwan mula sa bintana ang nagsisilbi kong

liwanag.

Kalahati ng bathtub ay may tubig! Halos kalahati ng aking katawan ay

nakatubog sa tubig.

Pinagmasdan ko ang tubig, kulay pula ito. Nahaluan marahil ng dugo ko ang

tubig na ito. Kalahati lang ng aking katawan ang natatanaw ko dahil sa

tubig na ito. Pinilit kong makatayo, hindi ako makatayo. Pinasadahan ko

ng tingin ang paligid, nasa malawak akong banyo. Puti ang tiles nito

ngunit -

-nagkalat ang dugo sa paligid!

Nakakarinig ako ng ingay. Ingay ng malaking langaw, bangaw. Ngunit wala

akong makita, basta naririnig ko lang ang ingay ng mga ito.

Sinubukan ko na muling bumangon, hindi talaga kaya. Bakit? Kaya naman

pinilit kong lumingon sa aking likuran. Doon ko nakita ang isang kadena.

Kadenang nakatali sa makapal at malaking tubo sa aking likuran. Nakatali

ito sa aking beywang, kinapa ko ito mula sa ilalim ng tubig. Nakabuhol

nga ito ng makailang ulit sa aking beywang.

Pinagmasdan ko ang pinto ng banyo, it's ajar. He left it ajar in purpose.

Kaya mabilis kong kinalas ang kadenang nakabuhol sa akin. Ilang beses

kaya itong ibinuhol? Isa? Dalawa? Mga tatlong buhol.

Agad ko itong kinalas. Nakalas ko ang unang buhol.

Maya-maya ay narinig ko ang langitngit ng sahig, yabag ni Uncle Roli!

Lalong bumilis ang kilos ko. Kinapa kong muli ang nakabuhol na kadena,

mahigpit ang pangalawang buhol.

"Ara..."

Si Uncle Roli! Pero mahina ang kanyang boses. Buong lakas kong kinalas

ang mahigpit na buhol ng kadena, nakalas ko. Isang buhol na lang!

"Ara.."

Papalapit na sya. Huminga ako ng malalim, mahigpit ang pangatlong buhol!

"Ara."

Hayan na sya. Bilis pa Ara! Bilis pa!

"Ara?"

Malapit ko ng matanggal. Bilis pa!

"Ara!"

Malapit na sya. Napahinto ako.

Katahimikan.

Nawala ang tinig nya. Gumaan ang aking kamay at marahan kong tinanggal

ang pangatlong buhol ng kadena. Nararamdaman ko, nasa malapit lang sya.

Pinagmamasdan ako, sinisilip ako.

Huminga ako ng malalim upang lumiit ang aking tiyan. Sa ganitong paraan,

madali kong matatanggal ang buhol.

Isa...

Hinga ng malalim. Hila! Hila!

Dalawa...

Hila! Hila! Hinga ng malalim. Habang nasa pinto ang aking paningin.

Tatlo!!!

Napahinto ako.

May mga mata -

Sa pinto.

May mga mata.

Napalunok ako. Finally.

Nakalas ko ang pangatlong buhol.

Ngunit -

Kaninong mga mata ito?

Kumukurap.

Nakasilip sa akin, nakatingin.

Kumukurap.

Nakatitig sa akin.

Kumukurap.

Ang mga matang ito. Pinakatitigan ko.

Hindi si Uncle Roli.

Hindi kay Uncle Roli -

-ang mga matang ito.

Imposible!

Kilala ko ang mga matang ito!

Kilala ko ang may-ari ng mga -

PAK!!!

Napaigtad ako sa gulat! Malakas na sumara ang pinto!

Habul-habol ang aking paghinga, napakalakas ng aking kaba. Kilala ang

taong iyon! Kilala ang nakasilip na iyon!

Maya-maya'y -

Marahang bumukas ang pinto.

Lumalangitngit ito.

Sa takot ko, napapikit ako ng mariin. Hindi ko kayang makita kung sino

man ang iluluwa ng pintuang iyan.

Katahimikan.

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

"Ara!"

Napaatras ako. Nagulat!

"Kumain ka muna." Si Uncle Roli. May dala syang plato. Blangko ang maamo

niyang mukha.

Hindi ako kumibo. Gusto kong sabihin sa kanya na ayaw ko, pero paano?

Hindi ako makapagsalita.

Umupo sya at sinilip ang aking mukha. "Kumain ka muna, pagkatapos -

maglalaro tayo." Nakangiti sya sa akin.

Umiling ako.

"Kumain ka muna, sige na..." Nagsusumamo sya.

"Ngwi..." Umungol lang ako, walang tono aking tinig.

Sumimangot sya, mukha syang demonyo. "Kakainin mo ba ito o hindi!" Asik

nya sa akin.

Nakaramdam ako ng takot, panginginig, muli ay takot. Ang taong ito,

papatayin ako ng taong ito.

Nagulat ako ng biglang -

Sinabunutan nya ako ng madiin!

Malakas!

Parang hihiwalay sa anit ko ang aking buhok kung manabunot sya!

"Kakainin mo ito o - kakalbuhin kita!" Mahigpit ang kapit nya sa aking

buhok.

Napahagulgol ako sa sakit. Napakasakit! Mahinahon akong tumango...

Bumitaw sya sa aking buhok, kita ko ang ilang hibla ng buhok ko na

nalaglag sa floor mula sa kanyang kamay. Napakalakas nya, sandali nya

lang akong sinabunutan ngunit maraming hibla agad ang natanggal nya mula

sa aking anit.

Iniabot nya sa akin ang platito, may kaunti itong kanin. Sa ibabaw nito

ay may ulam. Inabot ko ito.

"Kumain ka ah... bilisan mo para makapaglaro na tayo." Heto na naman sya,

napakalambing ng tono.

Wala naman akong choice kundi kumain. Isa pa, kailangan ko rin ito para

magkaroon ako ng lakas. LAKAS para makatakas.

Pinagmasdan ko ang pagkain. Mainit na kanin. Sa ibabaw nito - isang

pirasong ulam. Teka. Anong klaseng ulam ito? Nanlalabo yata ang paningin

ko.

Kinusot ko ang aking mata upang mapagmasdan ang ulam, piraso ng ulam.

Piraso ito ng karne. Kulay pula ito. Hindi! Kulay pink. Flesh pala.

Hinawakan ko ito, medyo matigas na. Firm at magaspang, malagkit at -

SHIT!

Hindi pwede! Kaya ba ako ganito?

Putang ina!

Totoo ba ang nakikita ko?

"Kainin mo yan, Ara. Para makapagsalita ka na..."

Muli akong napaluha, iniangat ko ang aking kamay - mabagal lang. At saka

ko kinapa ang aking -

--bibig. Sumunod ay ngumanga ako at kinapa ang aking -

DILA...

Wala ang aking dila!

Kaya pala...

Hindi ako makapagsalita.

Pinutol nya ang aking -

DILA!!!

Napahikbi ako, hindi ko na maawat ang pag-iyak ko. Ang hayop na ito,

ipapakain sa akin ang dila ko.

"Kainin mo yan!" Pinandilatan nya ako.

Sa takot ko, pikit mata ko itong kinain.

Ang kanin.

Nginuya ko ito.

Sumunod ang ulam.

Ang aking dila.

Nginuya ko ito.

Hindi ko ito malasahan. Basta ang alam ko lang, nginunguya ko ito -

marahan.

Nakatingin lang si Uncle Roli sa akin. Pinagmamasdan ang bawat pagnguya

ko. Ang mga mata nya, nakatingin sa akin. Pero napakalikot na mga ito.

Kasabay ng aking pagnguya ay ang aking pagluha. Oh Diyos ko! Bakit sa

akin nangyari ito? Pahihirapan nya ba muna ako bago nya ako patayin?

Hindi pwede. Hindi ako pwedeng mamatay. Paano si Nana? Paano ang Mommy

ko?

Nakatitig pa rin sya sa akin. Ganoon pa rin ang kanyang mga mata,

napalikot.

"Roli?" Isang tinig ng babae mula sa labas.

Mabilis na tinungo ni Uncle Roli ang bintana, sumungaw sa kanyang mga

labi ang ngiti. Tila may inaasahan syang darating. Sino?

Bumaling sya sa akin. "Dyan ka lang Ara. May surpresa ako sa'yo."

Nakangisi pa ang gago. Then he went out the door but he left it ajar.

Lagi nya itong ginagawa.

Nang mawala sya sa paningin ko ay buong lakas akong bumangon. Umahon ako

sa tubig mula sa bathtub. Since nakalas ko na ang kadena, ito na ang

pagkakataon ko para makatakas.

Humakbang ako paahon. Nang makalapag ako sa floor, napaluhod ako. Bakit?

Hindi ako makahakbang?

Then lumingon ako sa aking likuran. Nanlambot ako sa aking nakita.

Oh my God!

Gumapag ako at mabilis na hinablot ang putol na paa. Pares ng paa na

kanina pa pinupukol ni Uncle Roli.

Pagkatapos ay tumungo ako sa sulok at niyakap ko ito. Humagulgol akong

muli.

Ang paang ito. Ang pares ng paang ito...

Ito pala ang -

KANANG PAA ko...

Manhid.

Tanging ingay ng BANGAW ang aking naririnig.

Matigas. Malamig.

Masangsang. Malagkit.

Nilalayag ng paningin, ang aking paligid.

MARAHAN KONG MULING iminulat ang aking mga mata. Sa floor. Sa tiles.

Nagkalat ang mga hibla ng buhok. Buhok na galing sa akin. Nagkalat ang

Dugo! DUGO na galing sa akin.

May UGONG. May ugong akong naririnig.

BANGAW. Ngunit wala naman akong nakikita. Pero alam ko ang huni ng

insektong iyon.

Humigpit ang aking pagkakayakap - sa piraso ng aking kanang PAA. Putol na

PAA. Niyapos ko ito ng mahigpit, mahigpit na mahigpit. At saka ako umiyak

muli. Ano na ang gagawin ko? Kahit makaligtas ako sa kamay ni Uncle Roli,

pilay pa rin ako - PIPI. Walang kanang paa, at walang dila. I am

disabled!

Si Nana! Malamang ay nag-aalala na iyon sa akin at hinahanap ako. Oh

Nana! Tulungan mo po ako!

Pagluha. Paghikbi. Paghagulgol.

Maya-maya ay napahinto ako ng may marinig akong tinig. Bumaling ako sa

pinto ng banyo, tulad ng dati - Uncle Roli left it ajar. Then bumaling

ako sa aking kanang binti. Maraming dugo, malagkit na ang dugo. Tuyo na

ang dugo, manhid na! Putol pala ito hanggang tuhod.

Yumukod ako at dumapa, gumapang ako na parang isang sundalong nasa

giyera. Takot tamaan ng bala. Sa tulong ng mga hiblang buhok na nagkalat

sa lapag, madali kong narating ang pinto. Ang tinig ng isang babae,

naririnig ko. Pero malabo, kulob ang boses nito. Kaya naman buong lakas

pa akong gumapang, palabas ng pintuan.

Naririnig ko na ang usapan.

"Hindi mo pa rin itinatapon?" Tanong ng babae. Sino ang babaeng ito?

Pamilyar sa akin ang boses nito.

"Natutulog lang sya. Bakit ko sya itatapon?" Malamig ang tinig ni Uncle

Roli. Animo'y napakabait nyang tao.

Narinig ko ang banayad na paghakbang nung babae. "Roli, patay na sya."

Pamilyar talaga sa akin ang boses nito. Hindi ko lang maalala dahil

marami itong katulad, maraming kapares.

Humikbi si Uncle Roli, dinig ko. "Hindi pa sya patay!" Piyok na ang boses

nya.

"No one could survive that. Naubusan sya ng dugo. Bata pa sya, hindi

kakayanin ng katawan nya ang - "

"Hindi! Hindi pa sya patay!" Napahagulgol na si Uncle Roli, ngunit

napahinto rin sya.

Humugot ako ng pwersa upang makaabante pa mula sa aking pwesto,

gumagapang. Nang makakuha ako ng magandang lugar, iniangat ko ang aking

leeg at pilit itong pinahaba upang tanawin kung sino ang babaeng ito na

kausap ni Uncle Roli. Ngunit sadyang mailap ang pigura nito, nakatalikod

ito sa akin. Nakayakap kay Uncle Roli. Hindi ko ito gaanong maaninag,

madilim. Natatakpan nito ang liwanag na ilaw ng kandila. Nakasuot ito ng

malapad na black cowboy hat, natatabingan ang buhok nito.

Sino ba ang babaeng ito? Kasintahan ni Uncle Roli? Sabi na nga ba may

babae sya eh! But it's not important now. Kahit naman mahuli ko sya sa

akto balewala na rin sa akin. Wala na akong nararamdamang pagmamahal

kanya, takot na lang. Isa syang baliw! At malamang, masahol pa ang

babaeng ito sa kanya.

Kumalas ito sa pagkakayakap kay Uncle at -

Naglapat ng labi sa isa't - isa! SHIT! Sabi na nga ba! May relasyon sila.

Kumalas muli ang babae sa pagkakahalik naman sa kanya. Pagkatapos ay

hinimas nito ang kanyang buhok. "Sinabi ko na kasi sa'yo, wala kang ibang

mamahalin kundi AKO. Ako lang Roli, ako lang."

Baliw nga rin ang babaeng ito! Baliw kay - Uncle Roli.

"Huwag mo syang papatayin." Sa tinig ni Uncle Roli ay parang nagmamakaawa

ito.

Natahimik itong babae. Ngunit maya-maya ay padabog itong humakbang

patalikod kay Uncle Roli. "BullSHIT! Gusto mo bang matulad sya sa mag-INA

mo, ha?!"

Biglang kumabog ang aking dibdib. Anong ibig nyang sabihin don?

Mabilis itong tinungo ni Uncle Roli upang amuin. "Wag... maawa ka. Mahal

ko sya."

"Bakit Roli?! Bakit sa dinami-dami ng babae, sya pa?! Anong meron sya na

wala ako, ha?! Ano?! Ako ang matagal mo ng kasama at hindi siya!"

Nanggagalaiti ito sa galit.

Napayuko sa paghagulgol si Uncle Roli. "Mahal din naman kita eh. Sinabi

ko naman sa'yo, bigyan mo lang ako ng panahon. Kaunting oras lang naman

ang hiningi ko -"

"Patay na sya Roli!" Hindi na sya nito pinatapos.

Nag-angat ng ulo si Uncle Roli.

Hinawakan sya ng babae sa mukha at hinimas. "Patay na sya Roli... Patay

na si -

--Ara..."

SHIT! Napaatras ako sa aking narinig, napaigtad.

"Hindi pa sya patay!" Mariing hiyaw ni Uncle Roli.

"Patay na si Ara, Roli. Kagabi pa lang matapos KONG putulin ang kanyang

PAA."

Ha? Ano daw? Totoo ba ang narinig ko? Sya ang pumutol ng paa ko?

Nagwala si Uncle Roli at humugot ng bangko sa kanyang likuran - ibinato

ito. "Hindi patay si Ara! Kanina lang pinakain ko pa sya!"

Tama si Uncle Roli. Hindi pa ako patay. Akala ng babaeng ito, patay na

ako. Heto nga't nakikita ko pa ang usapan nila. Ang walanghiyang babaeng

ito! Sya pala ang pumutol sa paa ko -

"Roli!!!" Isang malakas na sigaw ang pinakawalan nito. Nakakatakot ang

tinig nito.

Kaya naman si Uncle Roli na kanina'y tila mabangis na hayop - na ngayo'y

parang maamong tupa na unti-unting nagbago ang anyo. Napayuko sya sa

tindig ng babae.

"Sinabi ko na sa'yo na ako lang ang pwede mong mahalin, di ba? Ako lang

Roli! Ako lang!" Napakadominante ng boses nito. Pagkatapos ay humugot ito

ng malalim na paghinga. "Wala ka ng ibang mamahalin, maliwanag ba?"

Walang imik si Uncle Roli. Para itong bata na pinapagalitan.

"Or else - matutulad sila sa ginawa ko...

...sa PAMILYA mo at kay ARA..."

Putang ina! Tama ba ang narinig ko?! Ang babaeng ito ang pumatay sa

Auntie ko, sa pinsan ko? Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig!

Nalilito ako. Ang buong akala ko, si Uncle Roli ang pumatay sa kanila.

Hindi pala! Ang babaeng ito! Ang tarantadong ito! Ito ang -

SHIT! Sobrang SHIT!

Napaluha ako. Gusto kong bumangon at gumanti.

Pero wala akong lakas. Wala akong boses.

"Iuuwi ko sya." Si Uncle Roli. Malumanay ang boses nya.

"Ano?!" Singhal nitong babae.

"Ibabiyahe ko sya... pauwi."

"Hindi mo ba talaga naiintindihan, Roli?! PATAY na si Ara. Dito mo na

lang din sya itago sa bahay na ito, kasama ng pamilya mo!"

"Eh ano kung iuwi ko sya. Pinutol mo naman na ang DILA nya. Hindi sya

makakapagsumbong kahit kanino. Hindi na sya makakapagsalita." Nanginginig

ang tinig ni Uncle Roli na nagsusumamo. Para syang baliw, I mean... baliw

talaga sya. "Isa pa, kakain kami." Bahagya pa syang napahinto. "Kakain

kami sa paborito naming tapsihan..."

Hindi pwede! Hindi nya ako pwedeng iuwi ng ganito ang kalagayan ko.

Kailangang ma-convince ko rin si Uncle Roli na patay na nga talaga ako

tulad ng sinasabi ng babaeng ito. Saka na lang ako mag-iisip ng paraan

kung paano ako makakatakas sa bahay na ito at makakahingi ng tulong.

Imbis na lalong magalit, napahalakhak ang babae. "All right. Pero ikaw na

ang bahala sa kanya. Ikaw na ang bahala sa bangkay nya."

"Hindi pa nga sya PATAY! Kanina lang pinakain ko pa sya." Pagpupumulit

nito.

Natatawa na lang iyong babae. "Okay! Let's see."

Oh my God! Pupunta sila -

-DITO!

Mabilis akong kumilos at umikot pabalik. Pagapang.

Hindi ako pwedeng makita ng babaeng ito. Papatayin ako nito! Kailangang

makapagtago ako!

Narinig ko ang kanilang paghakbang. Papalapit.

SHIT! Bilis pa Ara! Bilis pa.

Buong lakas akong gumapang! Sige pa!

Hayan na sila.

Papalapit na.

Damn Ara! Bilis pa.

Gapang Ara! Bilis pa.

Ang mga hakbang nila. Malapit na.

Nang marating ko ang pinto ng banyo, lumingo ako sa kanan.

Dead End! Pader lang. Walang daan.

Lumingon ako sa kaliwa.

May maliit na lababo. Sa ilalim nito, may cabinet. Butas-butas.

Hayan na sila! Malapit na!

Sa harapan ko. Ang pintuan papasok sa loob ng banyo. Sa kaliwa ko.

Cabinet na maliit sa ilalim ng banyo. Saan? Saan ako?

Heto na sila.

Sa tapat ng -

BANYO!!!

Mabilis na humakbang papasok ng pinto iyong babae.

Nakikita ko. Nakasilip ako. Dito.

Dito sa maliit na cabinet, sa ilalim ng lababo. Puro butas nga lang ito.

"Roli!" Sigaw nitong babae.

Itong si Uncle Roli naman ay papasok pa lang sa loob - Nang mapahinto.

Kitang-kita ko sya, nakasilip ako.

"Roli. Nasaan si Ara?" Tanong nitong babae na nasa loob na ng banyo.

Sumilip ako.

Si Uncle Roli - marahang lumingon.

Sa pwesto ko.

Whaaaaaaaaaa! Napayuko ako. Napakalakas ng kabog sa dibdib ko.

Katahimikan.

Iniangat ko ang aking ulo. Marahan. Sumilip muli ako sa butas.

Napaigtad ako.

Si Uncle Roli - Nakatingin sya dito!

Humakbang sya.

Papalapit dito!

Naririnig ko ang yabag nya. Papalapit. SHIT!

Napapikit ako.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Katahimikan.

Marahang kong iminulat ang aking mga mata. Nangangatog ako.

Dahan-dahan. Muli akong sumilip. Sinilip ko and -

Shocks!

Ano itong nasisilip ko? My God!

Malikot. Gumagalaw. Namumula!

MATA!!!

Sinisilip nya rin ako!

Napaatras ako kahit alam kong wala na akong maatrasan. Labis ang takot na

nararamdaman ko, nagpanik ako. Napatili, napasigaw kahit walang boses.

Wala akong nagawa kundi - takpan ang mga mata ko!

"Roli?" Tinig muli nung babae.

Naramdaman kong nagliwanag. Yari. Lagot ako. Papatayin ako ng babaeng

iyon.

Ngunit ng imulat ko ang tinakpan kong mga mata -

Wala si Uncle Roli. Pumasok ito sa loob ng banyo.

Bakit? Hindi nya ba ako nakita? Nakahinga ako ng malalim, ng mapayapa.

Whew!

"Roli? Nasaan sya?" Tanong muli nito.

"Andyan lang sya. Sa Bathtub." Tugon nya.

"Walang laman itong bathtub kundi tubig. Duguang tubig."

Lumakad si Uncle Roli palapit sa bathtub, rinig ko ang yabag nya.

Pagkatapos ay lagaslas ng tubig. "Heto sya oh..." Tila may iniangat na

bagay mula sa tubig ng bathtub.

What?! Paanong?! Heto ako! Wala dyan. Baliw nga ang mga ito!

"Linisan mo muna sya bago mo sya ibiyahe pauwi." Utos nung babae na para

bang bagay lang iyon na kailangang hinawan.

"Paano ang binti nya? Putol?" Tanong ni Uncle Roli.

Ano ba ang pinagsasasabi ng dalawang ito?

"Don't Worry. Bumili ako ng packing tape kanina ng mamili ako sa BAYAN."

"Kunin mo na habang nililinis ko ito." Pagkasabi nito ni Uncle Roli ay

narinig kong humakbang palabas ang babae. Nakita ko rin actually.

Sya namang sinamantala ko ang pagkakataon. Gumapang ako palapit sa pinto

at sumilip. Doon na ako napaluha.

Nakita kong nililinisan ni Uncle Roli ang katawan ng isang -

BABAE.

Naestatwa ako. Napatanga. Napatulala.

Sa likuran ko ay narinig ko naman itong yabag ng babae. Namalayan ko na

lang na nilampasan ako nito. Kitang-kita ko! Ang suot nitong sapatos, ay

ang -

RED SHOES ko! Iyong regalo sa akin ni Nana.

Lumapit ito kay Uncle Roli. "Oh heto, i-tape mo na lang ang binti nyan.

Tapos, itago mo na lang sa suot nyang jeans."

Ngunit bago iyon tanggapin ni Uncle Roli, kinuha muna nito ang isang

putol na paa - binti.

"Bakit ganyan ang itsura ng binti na yan?" Tanong nito.

"Pinukpok ko." Maiksing tugon nya.

"Ha? Bakit?"

"Gusto kong madurog ang laman at manariwa muli ang dugo nito. Nang sa

ganun ay maikabit ko uli sa katawan nya."

Humagikhik lang yung babae, iiling-iling. "Mabuti na lang at binti lang

ang pinukpok mo. Itong paa nya maayos pa. Maikukubli pa natin itong binti

sa pantalon nya."

Tumingin sya ng matalim sa babae. "Hindi pa sya patay. Hindi pa."

Maya-maya nga ay binalutan na nila ang binti ng packing tape, na para

bang naputol lang itong kable, upang dumugtong sa hita. Sinuutan ng

jeans, sinuklayan ang buhok at tinakluban ng jacket na itim ang katawan.

Pagkatapos ay ipinasan ito ni Uncle Roli sa kanyang likuran. Na para bang

taong natutulog lang.

"Wait." Awat nitong babae. "May kulang pa." Tinanggal nito ang suot na

sapatos. Ang red shoes ko. Ang isang pares ay isinuksok nito sa dibdib

nung katawan na pasan ni Uncle Roli. Ang isang pares naman ay tinupi nito

ng makatatlong beses at isinuksok naman sa -

BIBIG nung bangkay.

Which is -

Katawan KO!

Yes I admit! PATAY na ako. Akin ang katawan - na buhat ng Uncle ko.

Iyong UGONG, naririnig ko pa rin. Iyong BANGAW, nakita kong umaaligid sa

aking tainga - sa aking bangkay. Patay na ako. Pero ang tainga ko,

responsive pa rin kahit papaano.

Ngayon, paano ko tatanggapin ito? Parang hindi ako makapaniwala, PATAY na

ako. Ang babaeng ito, kasama na pala ni Uncle Roli nung gabing pukpukin

nya ako at nawalan ako ng malay. Ang babaeng ito ang pumatay sa akin.

Ang babaeng ito na ngayon ay -

Pamilyar ang pananamit sa akin! Ngayon ko lang ito napagmasdan ng husto.

Ang damit nito - ang boses nito -

Humalik itong babae sa noo nitong aking bangkay na buhat ni Uncle Roli.

Dito ko napagmasdan ang mukha nito.

Jesus! Nagulat ako.

Hindi maaari! Paanong? Bakit? Totoo ba ito? Sa dinami-dami - SYA pa!

PutangINA!!!

Ngumiti ito at bumulong. "I love you, ARA." At saka siya nag-spray ng

pabango sa katawan-ko.

####################################

ESPECIAL Part [ KENNY ]

####################################

xxILY, ARAxx

Espesyal Na Parte

Alam ko binabasa mo ito ngayon.

Kung ako sa'yo, wag mo ng ituloy.

Ang huling nagbasa nito -

Nakita SIYA.

Gusto mo rin siyang makita?

Ngayon.

Kung nagpatuloy ka sa pagbabasa -

May ipapagawa ako sa'yo.

Tumingin kang mabuti at magbasa.

Makiramdam ka.

Hindi mo ba SYA nakikita?

Tumingin ka sa likod mo.

Ano, nakita mo ba SIYA?

Kung hindi - makiramdam ka.

Nandyan lang SIYA.

Nasa likod mo at nakikibasa.

Nandyan sa likod mo si ---

---ARA.

When I was in college, I had this friend of mine whom I always called

Kenny. Which, I'm the only one in our class who called him that. He was

the same at my age. Something different about him was - he didn't believe

in God. Funny right, no man has no God. Kaya nga na-intriga ako sa kanya,

kinaibigan ko siya. Although palagi namin syang binu-bully ng tropa ko.

Kahit magdasal ay hindi nya magawa, ni mag-antanda. Minsan pa nga ay

pinipilit namin syang pumasok sa simbahan. Pero ayaw niya talaga. Para sa

kanya - God is only written in the book, but didn't exist. Siyempre,

tutol ako sa paniniwala niyang iyon. I'm a christian, and I believe in

God.

Anyway, may KAYA naman itong si Kenny sa buhay. Minsan kasi ay sumama na

ako sa kanila. Sa Mandaluyong siya nakatira. Sagana man siya sa salapi,

salat naman siya sa atensyon ng kanyang mga magulang. Tinanong ko kung

ano ang relihiyon ng kanyang mga magulang, katoliko raw. Meaning, siya

lang sa kanila ang - walang Diyos.

Moving forward, kakaiba ang ambience ng bahay nila, although malaki ito

at mukhang gawa sa mamahaling materyales. Kakaibang disenyo ang inilapat

dito - antique-look. Kaya noong unang tumuntong ako sa kanila, para lang

akong nasa panahon ng mga kastila. Napakalungkot ng buhay niya dahil

madalas siyang mag-isa, nasa America kasi ang parents niya at abala sa

trabaho. Ang madalas nya lang makasama doon ay ang kanyang pinsan na kung

minsan ay hindi pa umuuwi dahil lulong sa samahan ng barkada.

Well, here's the story. One day, everything's change after nyang hindi

pumasok ng isang linggo. Wala naman syang maibigay na dahilan sa amin

kung bakit sya umabsent. Basta ang naaalala ko lang, kapag recess time ay

bigla siyang nawawala. Mostly kasi, kaming magkakabarkada ay sabay-sabay

kumakain. Especially ng ni-recruit ko siya sa tropa. And for almost a

month, laging ganoon ang sistema niya. Wala naman siyang sinasabi sa

amin.

Then one time, habang papasok ako ng comfort room -- I saw him.

Praying.

Seriously?

This guy didn't believe in God? How could he pray like this, which was so

deep? I asked myself.

Then I tried to sneak. May binubulong siya.

"Please God, protect me from HER..." Bulong nya.

Sinong HER? Bakit siya humuhingi ng proteksyon? And now, may DIYOS na

siyang pinaniniwalaan?

So me and my barkada decided to talk to him. I told him that I saw him

praying in the comfort room yesterday. Kita ko sa mukha niya na kabado

siya, pinagpapawisan nang malapot. Pero wala siyang ikinwento, kahit

sa'kin. In fact, wala namang pakialam ang iba naming tropa sa kaniya.

On and on, I feel so worried about him and I don't know why? Felt like I

was responsible. Kaya naman pinuntahan ko siya sa kanila at kinausap. As

always, siya lang ang tao sa kanila. Nang bumungad siya sa akin ay halos

hindi niya ako matingnan sa aking mga mata. Bakit kaya?

Then after magmiryenda, pumunta kami sa kwarto niya. Napansin kong ang

headboard ng kama niya ang hindi nakasagad sa pader, nasa gitna ito.

Nakakatawa nga eh, ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng pwesto ng

kama. Halos nasa gitna na ng kwarto niya.

"Please Kenny, tell me." Pakiusap ko sa kaniya.

Ngunit tumingin lang siya sa akin. Heto na naman siya, pawisan.

"I swear, atin-atin lang muna. Hindi ko sasabihin sa barkada."

Kita ko sa mukha niya na parang umaliwalas ito. Pagkatapos ay lumapit

siya sa akin at idinikit ang mukha niya malapit sa aking tainga. Bumulong

sya. "Every night, SHE was there."

"Who?"

Yumuko siya at hindi umimik. Itinuro niya ang paanang bahagi ng kanyang

kama. "Tuwing gabi."

Napatingin ako sa bahaging iyon. Nang humarap ako sa kaniya ay napangiti

ako. "Hindi kita maintindihan."

"Natutulog ako minsan, isang batang babae diyan sa paanan -" Halos

namumutla siya.

"Ha?"

"Tuwing gabi." Kita ko sa mata niya ang matinding takot.

"Tuwing gabi ano?"

"Tuwing gabi - nanriyan siya sa paanan..."

"Sino nga?" Medyo napipikon na ko, ngunit bahagyang naninindig ang

balahibo ko.

Tumingin siya sa akin, dilat na dilat ang kanyang mga mata.

"Sabi niya - tuwing gabi -" Parang wala na siya sa sarili.

"Anong sabi niya?" Hinawakan ko ang nanlalamig niyang mga kamay.

"Sabi niya, sa - sa Morong daw..."

"Ha?"

"S-Sa Morong daw." Kanda-utal siya.

"Anong meron sa Morong?"

"Sa Morong daw siya." Nanlilisik ang kaniyang mga mata.

"Ano?"

"Nasa Morong daw -" Nagbubutil ang pawis niya.

"Nasa Morong siya?"

Umiling si Kenny.

"Eh ano ba?"

"Iyong katawan niya -"

"Sh*t!" Bulong ko.

"Iyong katawan daw niya - nasa Morong."

Pakiramdam ko ay nangapal ang aking mukha, tumaas ang aking buhok. Ang

taong ito, hindi ito makakapagsinungaling. Paano'y halos mapaluha na ito,

hirap na hirap magkwento. Kaya ba - ganito ang pwesto ng kanyang kama?

Nang sa ganun ay - makaatras pa sya pataas kapag nasa paanan nya - IYONG.

Nangangatog ako.

"S-Sino?" Tanong kung muli.

Tumingin lang siya sa akin, parang nagtatanong ang kanyang mga mata.

"S-Sino raw siya?"

"A -"

Kahit ako ay namumutla na rin, sa takot. "Sino?" Pag-uulit ko.

"A-Ara."

TRUE!!!

It was September 28th that day, in the year of 1997. In Maybancal Morong

Rizal found a body of a college student. Based on the investigation, the

body was merely almost a month in buried beneath the ground farm. The

corpse was a girl, and sadly - at the same time I was confused. The girl

wass not Ara, they found it was -

Janice.

Janice Ocampo.

And who's Ara anyway? The one who always bothered Kenny everynight? Was

she related to Janice?

Only you -

Who could answer.

Now.

Ready na ba kayo sa susunod na chapter?

Paano SYA pinatay?

At - sino ba talaga ang pumatay sa KANYA?

Don't look at your back. Just read!

ARA will tell us how she died...

1980 - 1997

cardiac arrest syndrome according to the doctors -

Ready na ba kayo sa susunod na chapter?

Paano SYA pinatay?

At - sino ba talaga ang pumatay sa KANYA?

Don't look at your back. Just read!

ARA will tell us how she died...

1980 - 1997

cardiac arrest syndrome according to the doctors -

-bangungot, pero hindi ako naniniwala!

Befor he died, he told me about HER.

In Memory of Kenneth L. Sanchez

O tawagin na lang natin syang -

Kenny

JAMILLE FUMAH

Makibalita kay ARA sa kanyang page: I LOVE YOU ARA -JF

[ https://www.facebook.com/ILoveYouAra.JFstories ]

####################################

FOOD and FOOT [ SPG ]

####################################

xxILY, ARAxx

Sunday. 10:15 in the evening.

[Bago ang kamatayan ko...]

[ START ]

Ara's POV:

ISANG MALAKAS na pagpukpok ang gumising sa aking pagkakatulog, marahan

kong iminulat ang aking mga mata. Agad na bumungad sa akin si Uncle Roli,

he's near beside me. He's pounding something gamit ang palakol.

Nakakaamoy ako ng malansa, napakasangsang ng amoy. Siniyasat kong mabuti

kung ano ito, he's pounding -

-a pair of foot!

Oo! Putol na paa!

Paa ng isang -

-TAO!

I panicked kaya't napabalikwas ako ng bangon paupo mula sa aking

kinahihigaan.

Malalim na kinahihigaan.

Malamig, giniginaw ako.

Then he look at me, puro dugo ang kanyang mukha. "Gising ka na pala..."

Doon nanumbalik sa akin ang ala-alang tinatakasan ko sya. Animal ang

lalaking ito, hayop! Demonyo at mamamatay tao. Ang taong ito ang pumatay

sa pamilya nya! Sa auntie ko, sa pinsan ko. Napaluha ako at sa galit ko'y

nakapagsalita ako sa kanya. "Lamimnyungonum..." Hala! Bakit hindi ako

makapagsalita?!

Then I slowly touch my mouth. Napakalagkit ng aking bibig, napakalansa.

Nang iangat ko ang aking kamay matapos itong hawakan -

-dugo!

What the hell is happening to me?! Bakit puro dugo ang aking bibig? Nang

yumuko ako ay nakita ko rin na umagos ang dugo hanggang sa aking dibdib,

sa aking suot na damit. Ngunit mukhang halos natuyo na ang dugo, maitim

na ito.

Then I feel the pain in my head, may dugo rin ito. Naalala ko, pinukpok

nga pala ako ni Uncle Roli ng martilyo sa ulo na sanhi para makatulog

ako. Pagkatapos ay nakaramdam ako ng kirot sa aking bunganga. Napanganga

ako sa sakit. Bahagya akong napayuko at tumulo mula rito ang malapot na

dugo na nagmula pa sa aking -

-bibig!

Napaiyak ako! Nangangatog. Natatakot ako. Ang mga dugong ito, nagmumula

sa bibig ko! Napakalakas ng kabog sa dibdib ko. Si Uncle Roli ba ang may

gawa nito? Shit! Papatayin nya ako!

Narinig ko ang paghakbang nya papalapit sa akin. Hindi ko sya magawang

tingnan sa kanyang mukha.

Ang kanyang mga kamay, puro dugo ito. Hinagilap ng aking paningin ang

pares ng paa na kanyang pinutol. Lalo akong nakaramdam ng matinding

takot! Paa nga ito, pares ng isang paa! Kaninong paa kaya ito? Ibig ba

sabihin nito ay may pinaslang na syang tao bago pa man ako tumuntong sa

bahay na ito?

Baliw ang taong ito, baliw ang Uncle Roli ko.

Nahagip ng aking paningin ang kanyang mga kamay, naliligo ito sa dugo.

Para syang may in-operahan.

Matalim ko syang tiningnan sa kanyang mukha, ang kanyang mukha na puro

tilamsik ng dugo. Wala akong ibang nakikita kundi ang madilim nyang

mukha, ang malawak nyang ngiti na para bang abot hanggang tainga. Ang

kanyang mga mata ay natatabingan ng mahaba nyang kulot na buhok,

natatabunan ng itim nyang sumbrelo. Hindi na sya ang kasintahan ko, hindi

na sya ang Uncle Roli na kilala ko.

Gusto ko syang murahin, gusto ko syang saktan. Ngunit walang lumalabas na

boses mula sa aking bibig, ni kahit lakas na pagkukunan. Nanghihina ako,

nanglulugo - ang aking paningin, nanlalabo. Pero tinatatagan ko ang aking

loob, kailangan ko ito. Iniisip ko si Nana, ang Mommy ko! Sya na lang ang

pinaghuhugutan ko ng lakas, kailangan kong lumaban sa tarantadong ito.

"Ara... Sandali lang ah. Kukuha lang ako ng pagkain..." Malambing ang

tinig nya. Pagkatapos ay humakbang sya palabas at nawala sa aking

paningin. Pagkakataon ko na, tatakas ako.

Pero bakit ganito, hindi ako makabangon. Nilingap ko ang paligid, malalim

ang aking hinihigaan -

-nasa bathtub ako!

Malamig! Malansa!

Madilim.

Tanging liwanag ng buwan mula sa bintana ang nagsisilbi kong liwanag.

Kalahati ng bathtub ay may tubig! Halos kalahati ng aking katawan ay

nakatubog sa tubig.

Pinagmasdan ko ang tubig, kulay pula ito. Nahaluan ng dugo ko ang tubig

na ito. Kalahati lang ng aking katawan ang natatanaw ko dahil sa tubig na

ito. Pinilit kong makatayo, hindi ako makatayo. Pinasadahan ko ng tingin

ang paligid, nasa malawak akong banyo. Puti ang tiles nito ngunit -

-nagkalat ang dugo sa paligid!

Nakakarinig ako ng ingay.

Ingay ng malaking langaw, bangaw.

Ngunit wala akong makita, basta naririnig ko lang ang ingay ng mga ito.

Sinubukan ko na muling bumangon, hindi talaga kaya. Bakit? Kaya naman

pinilit kong lumingon sa aking likuran. Doon ko nakita ang isang kadena.

Kadenang nakatali sa makapal at malaking tubo sa aking likuran. Nakatali

ito sa aking beywang, kinapa ko ito mula sa ilalim ng tubig. Nakabuhol

nga ito ng makailang ulit sa aking beywang.

Pinagmasdan ko ang pinto ng banyo, it's ajar. He left it ajar in purpose.

Kaya mabilis kong kinalas ang kadenang nakabuhol sa akin. Ilang beses

kaya itong ibinuhol? Isa? Dalawa? Mga tatlong buhol.

Agad ko itong kinalas.

Nakalas ko ang unang buhol.

Mayamaya'y narinig ko ang langitngit ng sahig, yabag ni Uncle Roli!

Lalong bumilis ang kilos ko.

Kinapa kong muli ang nakabuhol na kadena, mahigpit ang pangalawang buhol.

"Ara..."

Si Uncle Roli!

Pero mahina ang kanyang boses.

Buong lakas kong kinalas ang mahigpit na buhol ng kadena, nakalas ko.

Isang buhol na lang!

"Ara.."

Papalapit na sya. Dinig ko!

Huminga ako nang malalim, mahigpit ang pangatlong buhol!

"Ara."

Hayan na sya.

Bilis pa Ara! Bilis pa!

"Ara?"

Malapit ko ng matanggal. Bilis pa!

"Ara!"

Malapit na sya.

Napahinto ako.

Katahimikan.

Nawala ang tinig nya. Gumaan ang aking kamay at marahan kong tinanggal

ang pangatlong buhol ng kadena. Nararamdaman ko, nasa malapit lang sya.

Pinagmamasdan ako, sinisilip ako.

Huminga muli ako nang malalim upang lumiit ang aking tiyan. Sa ganitong

paraan, madali kong matatanggal ang buhol.

Isa.

Hinga nang malalim. Hila! Hila!

Dalawa

Hila! Hila! Ara, hila pa!

Habang nasa pinto ang aking paningin.

Tatlo!!!

Napahinto ako.

May mga mata -

Sa pinto.

May mga mata.

Napalunok ako. Finally.

Nakalas ko ang pangatlong buhol.

Ngunit -

Kaninong mga mata ito?

Kumukurap.

Nakasilip sa akin, nakatingin.

Kumukurap.

Nakatitig sa akin.

Kumukurap.

Ang mga matang ito.

Pinakatitigan ko.

Hindi si Uncle Roli.

Hindi kay Uncle Roli -

-ang mga matang ito.

Imposible!

Kilala ko ang mga matang ito!

Kilala ko ang may-ari ng mga -

PAK!!!

Napaigtad ako sa gulat!

Malakas na sumara ang pinto!

Habul-habol ang aking paghinga, napakalakas ng aking kaba.

Kilala ang taong iyon! Kilala ang nakasilip na iyon!

Mayamaya'y -

Marahang bumukas ang pinto.

Lumalangitngit ito.

Sa takot ko, napapikit ako nang mariin.

Hindi ko kayang makita kung sino man ang iluluwa ng pintuang ito.

Katahimikan.

Katahimikan.

Katahimikan.

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata.

Isa.

Dalawa.

Tatlo -

"Ara!"

Napaatras ako. Nagulat!

"Kumain ka muna." Si Uncle Roli. May dala syang plato. Blangko ang maamo

niyang mukha.

Hindi ako kumibo. Gusto kong sabihin sa kanya na ayaw ko, pero paano?

Hindi ako makapagsalita.

Umupo sya at sinilip ang aking mukha. "Kumain ka muna, pagkatapos - uuwi

na tayo." Nakangiti sya sa akin.

Uuwi? Sinong niloko nya?

Umiling ako.

"Kumain ka muna, sige na..." Nagsusumamo sya.

"Ngwi..." Umungol lang ako, walang tono aking tinig.

Sumimangot sya, mukha syang demonyo. "Kakainin mo ba ito o hindi!" Asik

nya sa akin.

Nakaramdam ako ng takot, panginginig, muli ay takot. Ang taong ito,

papatayin ako ng taong ito.

Nagulat ako ng biglang -

Sinabunutan nya ako ng madiin!

Malakas!

Marahas!

Parang hihiwalay sa anit ko ang aking buhok kung manabunot sya!

"Kakainin mo ito o - kakalbuhin kita!" Mahigpit ang kapit nya sa aking

buhok.

Napahagulhol ako sa sakit. Napakasakit! Pinilit kong tumango.

Bumitaw sya sa aking buhok, kita ko ang ilang hibla ng buhok ko na

nalaglag sa tiles floor mula sa kanyang kamay. Napakalakas nya, sandali

nya lang akong sinabunutan ngunit maraming hibla agad ang natanggal nya

mula sa aking anit.

Iniabot nya sa akin ang platito, may kaunti itong kanin. Sa ibabaw nito

ay may ulam. Inabot ko ito.

"Kumain ka ah... bilisan mo para makauwi na tayo." Heto na naman sya,

napakalambing ng tono.

Wala naman akong choice kundi kumain. Isa pa, kailangan ko rin ito para

magkaroon ako ng lakas. LAKAS para makatakas.

Pinagmasdan ko ang pagkain. Mainit na kanin. Sa ibabaw nito - isang

pirasong ulam. Teka. Anong klaseng ulam ito? Nanlalabo yata ang paningin

ko.

Kinusot ko ang aking mata upang mapagmasdan ang ulam, piraso ng ulam.

Piraso ito ng karne. Kulay pula ito. Hindi! Kulay pink. Flesh pala.

Hinawakan ko ito, medyo matigas na. Firm at magaspang, malagkit at -

Oh HINDI!

Hindi pwede! Kaya ba ako ganito?

Totoo ba ang nakikita ko?

"Kainin mo yan, Ara. Para makapagsalita ka na..."

Muli akong napaluha, iniangat ko ang aking kamay - mabagal lang. At saka

ko kinapa ang aking -

-bibig. Sumunod ay ngumanga ako at kinapa ang aking -

DILA!

Wala ang aking dila!

Kaya pala -

Hindi ako makapagsalita.

Pinutol nya ang aking -

DILA!!!

Napahikbi ako, hindi ko na maawat ang pag-iyak ko.

Ang hayop na ito, ipapakain sa akin ang dila ko.

"Kainin mo yan!" Pinandilatan nya ako.

Sa takot ko, pikit mata ko itong kinain.

Ang kanin.

Nginuya ko ito.

Sumunod ang ulam.

Ang dila ko.

Nginuya ko ito.

Hindi ko ito malasahan.

Basta ang alam ko lang, nginunguya ko ito - marahan.

Nakatingin lang si Uncle Roli sa akin. Pinagmamasdan ang bawat pagnguya

ko. Ang mga mata nya, nakatingin sa akin. Pero napakalikot na mga ito.

Kasabay ng aking pagnguya ay ang aking pagluha. Oh Diyos ko! Bakit sa

akin nangyari ito? Pahihirapan nya ba muna ako bago nya ako patayin?

Hindi pwede. Hindi ako pwedeng mamatay. Paano si Nana? Paano ang Mommy

ko?

Nakatitig pa rin sya sa akin. Ganoon pa rin ang kanyang mga mata,

napakalikot.

"Roli?!" Isang tinig ng babae mula sa labas.

Mabilis na tinungo ni Uncle Roli ang bintana, sumungaw sa kanyang mga

labi ang ngiti. Tila may inaasahan syang darating. Sino?

Bumaling sya sa akin. "Dyan ka lang Ara. May surpresa ako sa'yo."

Nakangisi pa ang gago. Then he went out the door but he left it ajar.

Lagi nya itong ginagawa.

Nang mawala sya sa paningin ko ay buong lakas akong bumangon. Umahon ako

sa tubig mula sa bathtub. Since nakalas ko na ang kadena, ito na ang

pagkakataon ko para makatakas.

Humakbang ako paahon. Nang makalapag ako sa floor, napaluhod ako. Bakit?

Hindi ako makahakbang?

Then lumingon ako sa aking likuran. Nanlambot ako sa aking nakita.

Oh my God!

Nangingipuspos ako.

Tila ako naitulos sa aking kinasasadlakan.

Hindi maaari.

Paano na ako?

Gayunpaman, gumapang ako at mabilis na hinablot ang putol na paa. Pares

ng paa na kanina pa pinutol ni Uncle Roli.

Pagkatapos ay tumungo ako sa sulok at niyakap ko ito. Humagulhol akong

muli.

Ang paang ito. Ang pares ng paang ito.

Ito pala ang -

KANANG PAA ko...

TBC

JAMILLE FUMAH

Makibalita kay ARA sa kanyang page: I LOVE YOU ARA -JF

[ https://www.facebook.com/ILoveYouAra.JFstories ]

####################################

HE not SHE [ SPG ]

####################################

xxILY, ARAxx

Sunday, 11:00pm

[ START ]

Ara's POV:

Manhid.

Tanging ingay ng BANGAW ang aking naririnig.

Matigas. Malamig.

Masangsang. Malagkit.

Nilalayag ng paningin ang aking paligid.

MARAHAN KONG MULING iminulat ang aking mga mata. Sa floor. Sa tiles.

Nagkalat ang mga hibla ng buhok. Buhok na galing sa akin. Nagkalat ang

Dugo! DUGO na galing sa akin.

May UGONG. May ugong akong naririnig.

BANGAW. Ngunit wala naman akong nakikita. Pero alam ko ang huni ng

insektong iyon.

Humigpit ang aking pagkakayakap - sa piraso ng aking kanang PAA. Putol na

PAA. Niyapos ko ito nang mahigpit, mahigpit na mahigpit. At saka ako

umiyak muli. Ano na ang gagawin ko? Kahit makaligtas ako sa kamay ni

Uncle Roli, pilay pa rin ako - PIPI. Walang kanang paa, at walang dila. I

am disabled!

Si Nana! Malamang ay nag-aalala na iyon sa akin at hinahanap ako. Oh

Nana! Tulungan mo po ako!

Pagluha. Paghikbi. Paghagulgol.

Maya-maya ay napahinto ako nang may marinig akong tinig. Bumaling ako sa

pinto ng banyo, tulad ng dati - Uncle Roli left it ajar. Then bumaling

ako sa aking kanang binti. Maraming dugo, malagkit na ang dugo. Tuyo na

ang dugo, manhid na! Putol pala ito hanggang tuhod.

Yumukod ako at dumapa, gumapang ako na parang isang sundalong nasa giyera

na takot tamaan ng bala. Sa tulong ng mga hiblang buhok na nagkalat sa

lapag, madali kong narating ang pinto. Ang tinig ng isang babae,

naririnig ko. Pero malabo, kulob ang boses nito. Kaya naman buong lakas

pa akong gumapang, palabas ng pintuan.

Naririnig ko na ang usapan.

"Hindi mo pa rin itinatapon?" Tanong ng babae. Sino ang babaeng ito?

Pamilyar sa akin ang boses nito.

"Natutulog lang sya. Bakit ko sya itatapon?" Malamig ang tinig ni Uncle

Roli. Animo'y napakabait nyang tao.

Narinig ko ang banayad na paghakbang nong babae. "Roli, patay na sya."

Pamilyar talaga sa akin ang boses nito. Hindi ko lang maalala dahil

marami itong katulad, maraming kapares.

Humikbi si Uncle Roli, dinig ko. "Hindi pa sya patay!" Piyok na ang boses

nya.

"No one could survive that. Naubusan sya ng dugo. Bata pa sya, hindi

kakayanin ng katawan nya ang - "

"Hindi! Hindi pa sya patay!" Napahagulhol na si Uncle Roli, ngunit

napahinto rin sya. Ito ang unang pagkakataon na narinig ko syang ganito.

Humugot ako ng pwersa upang makaabante pa mula sa aking pwesto,

gumagapang. Nang makakuha ako ng magandang lugar, iniangat ko ang aking

leeg at pilit itong pinahaba upang tanawin kung sino ang babaeng ito na

kausap ni Uncle Roli. Ngunit sadyang mailap ang pigura nito, nakatalikod

ito sa akin. Nakayakap kay Uncle Roli. Hindi ko ito gaanong maaninag,

madilim. Natatakpan nito ang liwanag na ilaw ng kandila. Nakasuot ito ng

malapad na black cowboy hat, natatabingan ang buhok nito.

Sino ba ang babaeng ito? Kasintahan ni Uncle Roli? Sabi na nga ba may

babae sya eh! But it's not important now. Kahit naman mahuli ko sya sa

akto balewala na rin sa akin. Wala na akong nararamdamang pagmamahal

kanya, takot na lang. Isa syang baliw! At malamang, masahol pa ang

babaeng ito sa kanya.

Kumalas ito sa pagkakayakap kay Uncle at -

Naglapat ng labi sa isa't - isa! SHIT! Sabi na nga ba! May relasyon sila.

Kumalas muli ang babae sa pagkakahalik sa kanya. Pagkatapos ay hinimas

nito ang kanyang buhok. "Sinabi ko na kasi sa'yo, wala kang ibang

mamahalin kundi AKO. Ako lang Roli, ako lang."

Baliw nga rin ang babaeng ito! Baliw kay - Uncle Roli.

"Huwag mo syang papatayin." Sa tinig ni Uncle Roli ay parang nagmamakaawa

ito.

Natahimik itong babae. Ngunit mayamaya'y padabog itong humakbang

patalikod kay Uncle Roli. "BvllSHIT! Gusto mo bang matulad sya sa mag-INA

mo, ha?!"

Biglang kumabog ang aking dibdib. Anong ibig nitong sabihin don?

Mabilis itong tinungo ni Uncle Roli upang amuin. "Wag... maawa ka. Mahal

ko sya."

"Bakit Roli?! Bakit sa dinami-dami ng babae, sya pa?! Anong meron sya na

wala ako, ha?! Ano?! Ako ang matagal mo ng kasama at hindi siya!"

Nanggagalaiti ito sa galit.

Napayuko sa paghagulgol si Uncle Roli. "Mahal din naman kita eh. Sinabi

ko naman sa'yo, bigyan mo lang ako ng panahon. Kaunting oras lang naman

ang hiningi ko -"

"Patay na sya Roli!" Hindi na sya nito pinatapos.

Nag-angat ng ulo si Uncle Roli.

Hinawakan sya ng babae sa mukha at hinimas. "Patay na sya Roli... Patay

na si -

- Ara..."

Napaatras ako sa aking narinig, napaigtad!

"Hindi pa sya patay!" Mariing hiyaw ni Uncle Roli.

"Patay na si Ara, Roli. Kagabi pa lang matapos KONG putulin ang kanyang

PAA."

Ha? Ano daw? Totoo ba ang narinig ko? Sya ang pumutol ng paa ko?

Nagwala si Uncle Roli at humugot ng bangko sa kanyang likuran - ibinato

ito. "Hindi patay si Ara! Kanina lang pinakain ko pa sya!"

Tama si Uncle Roli. Hindi pa ako patay. Akala ng babaeng ito, patay na

ako. Heto nga't nakikita ko pa ang usapan nila. Ang walanghiyang babaeng

ito! Sya pala ang pumutol sa paa ko -

"Roli!!!" Isang malakas na sigaw ang pinakawalan nito. Nakakatakot ang

tinig nito.

Kaya naman si Uncle Roli na kanina'y tila mabangis na hayop - na ngayo'y

parang maamong tupa na unti-unting nagbago ang anyo. Napayuko sya sa

tindig ng babae.

"Sinabi ko na sa'yo na ako lang ang pwede mong mahalin, diba? Ako lang

Roli! Ako lang!" Napakadominante ng boses nito. Pagkatapos ay humugot ito

nang malalim na paghinga. "Wala ka ng ibang mamahalin, maliwanag ba?"

Walang imik si Uncle Roli. Para itong bata na pinapagalitan.

"Or else - matutulad sila sa ginawa ko...

...sa PAMILYA mo at kay ARA..."

Tama ba ang narinig ko?! Ang babaeng ito ang pumatay sa Auntie ko, sa

pinsan ko? Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig! Nalilito ako. Ang

buong akala ko, si Uncle Roli ang pumatay sa kanila. Hindi pala! Ang

babaeng ito! Ito ang -

SHIT! Sobrang SHIT!

Napaluha ako. Gusto kong bumangon at gumanti.

Pero wala akong lakas. Wala akong boses.

"Iuuwi ko sya." Si Uncle Roli. Malumanay ang boses nya.

"Ano?!" Singhal nitong babae.

"Ibabiyahe ko sya... pauwi."

"Hindi mo ba talaga naiintindihan, Roli?! PATAY na si Ara. Dito mo na

lang din sya itago sa bahay na ito, kasama ng pamilya mo!"

"Eh ano kung iuwi ko sya. Pinutol mo naman na ang DILA nya. Hindi sya

makakapagsumbong kahit kanino. Hindi na sya makakapagsalita." Nanginginig

ang tinig ni Uncle Roli na nagsusumamo. Para syang baliw, I mean... baliw

talaga sya. "Isa pa, kakain kami." Bahagya pa syang napahinto. "Kakain

kami sa paborito naming tapsihan..."

Hindi pwede! Hindi nya ako pwedeng iuwi ng ganito ang kalagayan ko.

Kailangang ma-convince ko rin si Uncle Roli na patay na nga talaga ako

tulad ng sinasabi ng babaeng ito. Saka na lang ako mag-iisip ng paraan

kung paano ako makakatakas sa bahay na ito at makakahingi ng tulong.

Imbis na lalong magalit, napahalakhak ang babae. "All right. Pero ikaw na

ang bahala sa kanya. Ikaw na ang bahala sa bangkay nya."

"Hindi pa nga sya PATAY! Kanina lang pinakain ko pa sya." Pagpupumulit

nito.

Natatawa na lang iyong babae. "Okay! Let's see."

Oh my God! Pupunta sila -

-DITO!

Mabilis akong kumilos at umikot pabalik. Pagapang.

Hindi ako pwedeng makita ng babaeng ito. Papatayin ako nito! Kailangang

makapagtago ako!

Narinig ko ang kanilang paghakbang.

Papalapit.

Bilis pa Ara! Bilis!

Buong lakas akong gumapang! Sige pa!

Hayan na sila.

Papalapit na.

Damn Ara! Bilis pa.

Gapang Ara! Bilis pa.

Ang mga hakbang nila.

Malapit na!

Nang marating ko ang pinto ng banyo, lumingo ako sa kanan.

Dead End! Pader lang. Walang daan.

Lumingon ako sa kaliwa.

May maliit na lababo. Sa ilalim nito, may cabinet. Butas-butas.

Hayan na sila! Malapit na!

Sa harapan ko. Ang pintuan papasok sa loob ng banyo. Sa kaliwa ko.

Cabinet na maliit sa ilalim ng banyo. Saan? Saan ako?

Heto na sila.

Sa tapat ng -

BANYO!!!

Mabilis na humakbang papasok ng pinto iyong babae.

Nakikita ko. Nakasilip ako.

Dito.

Dito sa maliit na cabinet, sa ilalim ng lababo. Puro butas nga lang ito.

"Roli!" Sigaw nitong babae.

Itong si Uncle Roli naman ay papasok pa lang sa loob - Nang mapahinto.

Kitang-kita ko sya, nakasilip ako.

"Roli. Nasaan si Ara?" Tanong nitong babae na nasa loob na ng banyo.

Sumilip ako.

Si Uncle Roli - marahang lumingon.

Sa pwesto ko.

Whaaaaaaaaaa! Napayuko ako. Napakalakas ng kabog sa dibdib ko.

Katahimikan.

Iniangat ko ang aking ulo.

Marahan.

Sumilip muli ako sa butas.

Napaigtad ako.

Si Uncle Roli -

Nakatingin sya dito!

Humakbang sya.

Papalapit dito!

Naririnig ko ang yabag nya. Papalapit!

Napapikit ako.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Katahimikan.

Marahang kong iminulat ang aking mga mata. Nangangatog ako.

Dahan-dahan.

Muli akong sumilip. Sinilip ko and -

Shocks!

Ano itong nasisilip ko?

My God!

Malikot. Gumagalaw. Namumula!

MATA!!!

Sinisilip nya rin ako!

Napaatras ako kahit alam kong wala na akong maatrasan. Labis ang takot na

nararamdaman ko, nagpanik ako. Napatili, napasigaw kahit walang boses.

Wala akong nagawa kundi - takpan ang mga mata ko!

"Roli?" Tinig muli nung babae.

Naramdaman kong nagliwanag. Yari. Lagot ako. Papatayin ako ng babaeng

iyon.

Ngunit nang imulat ko ang tinakpan kong mga mata -

Wala si Uncle Roli. Pumasok ito sa loob ng banyo.

Bakit? Hindi nya ba ako nakita? Nakahinga ako nang maluwag, nang

mapayapa. Whew!

"Roli? Nasaan sya?" Tanong muli nito.

"Andyan lang sya. Sa Bathtub." Tugon nya.

"Walang laman itong bathtub kundi tubig. Duguang tubig."

Lumakad si Uncle Roli palapit sa bathtub, rinig ko ang yabag nya.

Pagkatapos ay lagaslas ng tubig. "Heto sya oh..." Tila may iniangat na

bagay mula sa tubig ng bathtub.

What?! Paanong?! Heto ako! Wala dyan. Baliw nga ang mga ito!

"Linisan mo muna sya bago mo sya ibiyahe pauwi." Utos ng babae na para

bang bagay lang iyon na kailangang hinlawan.

"Paano ang binti nya? Putol?" Tanong ni Uncle Roli.

Ano ba ang pinagsasasabi ng dalawang ito?

"Don't Worry. Bumili ako ng packing tape kanina ng mamili ako sa BAYAN."

"Kunin mo na habang nililinis ko ito." Pagkasabi ni Uncle Roli ay narinig

kong humakbang palabas ang babae. Nakita ko ring lumabas ito.

Sya namang sinamantala ko ang pagkakataon. Gumapang ako palapit sa pinto

at sumilip. Doon na ako napaluha.

Nakita kong nililinisan ni Uncle Roli ang katawan ng isang -

BABAE.

Naestatwa ako. Napatanga. Napatulala.

Sa likuran ko ay narinig ko naman itong yabag ng babae. Namalayan ko na

lang na nilampasan ako nito. Kitang-kita ko! Ang suot nitong sapatos, ay

ang -

RED SHOES ko!

Iyong regalo sa akin ni Nana.

Lumapit ito kay Uncle Roli. "Oh heto, i-tape mo na lang ang binti nyan.

Tapos, itago mo na lang sa suot nyang jeans."

Ngunit bago iyon tanggapin ni Uncle Roli, kinuha muna nito ang isang

putol na paa - binti.

Humagikhik lang yung babae, iiling-iling.

Tumingin sya nang matalim sa babae. "Hindi pa sya patay. Hindi pa."

Pagakatapos nga ay binalutan na nila ang binti ng packing tape, na para

bang naputol lang itong kable, upang dumugtong sa hita. Sinuutan ng

jeans, sinuklayan ang buhok at tinakluban ng jacket na itim ang katawan.

Pagkatapos ay ipinasan ito ni Uncle Roli sa kanyang likuran. Na para bang

taong natutulog lang.

"Wait." Awat nitong babae. "May kulang pa." Tinanggal nito ang suot na

sapatos. Ang red shoes ko. Ang isang pares ay isinuksok nito sa dibdib ng

bangkay. Ang isang pares naman ay tinupi nito ng makatatlong beses at

isinuksok naman sa -

BIBIG nito!

Which is -

Katawan KO!

Yes I admit! PATAY na ako. Akin ang katawan - na buhat ng Uncle ko.

Iyong UGONG, naririnig ko pa rin. Iyong BANGAW, nakita kong umaaligid sa

aking tainga - sa aking bangkay. Patay na ako. Pero ang tainga ko,

responsive pa rin kahit papaano.

Ngayon, paano ko tatanggapin ito? Parang hindi ako makapaniwala. Ang

babaeng ito, kasama na pala ni Uncle Roli nang gabing pukpukin nya ako at

nawalan ako ng malay. Ang babaeng ito ang pumatay sa akin.

Ang babaeng ito na ngayon ay -

Pamilyar ang pananamit sa akin! Ngayon ko lang ito napagmasdan ng husto.

Ang damit nito - ang boses nito -

Humalik itong babae sa noo nitong aking bangkay na buhat ni Uncle Roli.

Dito ko napagmasdan ang mukha nito.

Jesus! Nagulat ako.

Hindi maaari! Paanong? Bakit? Totoo ba ito? Sa dinami-dami - SYA pa!

Bakit SYA pa?!!!

Ngumiti ito at bumulong. "I love you, ARA."

TBC

JAMILLE FUMAH

Makibalita kay ARA sa kanyang page: I LOVE YOU ARA -JF

[ https://www.facebook.com/ILoveYouAra.JFstories ]

####################################

NIGHTMARE

####################################

xxILY, ARAxx

SUNDAY 10:15pm

[ START ]

xxCONTINUATIONxx

MRS. MARIA OCAMPO's POV

"Janice! Bakit gising ka pa? Madaling araw na ah." Tanong ko dito habang

tigagal pa rin kami ni Madge sa pagsulpot nito mula sa pintuan ng kwarto.

"Mommy, binangungot ako." Kinukusot pa nito ang sariling mga mata.

Nagkatinginan kami ni Madge.

Pagkuwan ay lumapit ako sa kanya. Marahan. Nangangatog ako. "Janice,

anong napanaginipan mo. Come here."

Yumakap sya sa akin. "Napanaginipan ko si -

--ARA..."

Kumalas agad ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Namalayan ko na lang na

nasa likuran ko na si Madge. "Anong napanaginipan mo tungkol kay Ara?"

Desididong tanong ni Madge.

"N-Nakita ko si Ara... sa panaginip ko." Tugon ni Janice.

Muli kaming nagkatinginan ni Madge. Pagkatapos ay bumaling muli kay

Janice. "Saan mo sya nakita?" Tanong ko.

"S-Sa panaginip ko, sinisilip ko sya." Halos hindi ito makapagsalita. "N-

Nasa loob sya ng isang malawak na... banyo. Nakaupo sya sa bathtub."

"Anong ginagawa nya sa bathtub? Naliligo ba sya?" Si Madge.

Umiling si Janice. "D-Duguan po sya tapos... tapos..."

Bigla akong kinabahan. "Tapos ano?!"

"Tapos... n-nakita nya akong sinisilip ko sya..." Kita sa mukha nito ang

takot.

Hinawakan ko ang kamay nito. Napakalamig. "Alam mo ba kung saan ang lugar

na iyon? Ha?"

Umiling muli ito.

Nagkatinginan kaming muli ni Madge. Bumaling sya sa anak ko pagkatapos.

"Anong ginawa mo ng makita mong nakatingin sya sa'yo?"

"Natakot ako kaya - isinara ko ng malakas yung pinto ng banyo." Naluluha

na ito.

Agad ko itong sinalo ng yakap. "Shsss... tahan na."

"Last na Jane, ano sa tingin mo iyong ginagawa nya sa loob ng bathtub?"

Muling tanong ni Madge.

Umangat ang mukha ni Janice. "P-Para syang may kinakalas na kadena sa

kanyang... katawan."

Ako naman ang nagtanong. "Pagkatapos Janice, ano ng nangyari?" Hinahaplos

ang kanyang mukha. Ramdam ko pa rin ang kanyang panginginig.

"P-Pagkatapos... nakita ko ulit SYA..." Halata ang takot sa tinig nito.

"Saan?" Magkapanabay naming tanong ni Madge.

Nanginginig nyang iniangat ang kanyang kanang kamay. "HAYUN oh... sa -

likod NYO!"

TBC

####################################

JANICE OCAMPO [ Part1 ]

####################################

xxILY, ARAxx

TWENTY FOUR hours later after ARA found dead.

[ START ]

Janice Ocampo's POV:

Napabalikwas ako ng bangon. It's morning na pala. Si Mommy? Nasaan kaya

sya?

"Janice!" Tinig ni Mommy mula sa labas ng room.

Akma na akong babangon ng iluwa sya ng door ng kwarto.

"Janice! Okay ka lang ba?" Bungad nya sa akin. I can see to her face ang

labis na pag-aalala.

Tumango lang ako. Saka ko lang napansin na pawisan pala ako.

"Nagsisisigaw ka. Binangungot ka na naman ba?" She gasped my hair.

Gusto kong sabihin sa kanya na NO! Pero walang boses na lumabas sa aking

bibig. I just nodded.

Malungkot ang kanyang mukha. "Prepare yourself. Pupunta tayo kila Nana."

Muling nagrehistro sa isip ko si ARA. Oo! Si Ara! Kahapon lang. Natagpuan

ang body NYA. Patay na SYA. Patay na si - ARA.

Yumakap sa akin si Mommy. "Lakasan mo ang loob mo, Janice."

Natagpuan ko na lang ang sarili kong humihikbi, lumuluha. Am I crying? I

guess so. Si ARA - wala na SYA. Bakit hindi ko matanggap? Mahal ko si

Ara, I love her like a sister. Kaya napakasakit para sa akin. Pakiramdam

ko, namatayan ako ng kapatid.

Bumitiw si Mommy sa akin mula sa pagkakayakap. "Pupuntahan natin si Ara

ngayon ah. Wag ka ng malungkot."

Parang hindi ko SYA kayang makita. Ayoko SYANG makita na nakaratay sa

loob ng kabaong. God what should I do?

"Sige na. Magbihis ka na." Pagkatapos ay hinalikan nya ako sa noo at saka

lumabas ng kwarto.

NANG MAKAPAGHANDA na kami, sakto namang dumating si Tita Madge. Halos

hindi maipinta ang mukha nito. Parang mayroon silang pinag-uusapan ni

Mommy na hindi ko alam. Gayunpaman, I'm not interested.

Anyway, hapon na kami nang nakarating kila Nana. Napakalungkot ng

AMBIENCE doon. Especially si Nana. Tulala lang ito at parang wala sa

sarili. Tanging mga luha lang sa mga mata nito ang aming nakikita.

"Our Condolences, Nana." Mommy greeted her.

Tumingin lang si Nana sa amin. But after that, dumako ulit ito sa

kawalan. We all knew kung gaano nya kamahal si ARA. Maybe ako man ang

nasa kalagayan nya, as a mother, magkakaganito rin ako.

Pagkatapos nun ay bumungad sa amin si Tito Roger - ang father ni ARA. Si

Attorney Roger Santos. "Tuloy kayo, Mrs. Ocampo. Madge." Hindi rin nito

magawang ngumiti. I could see the sorrow in his face, I know. I'm sure,

pinipilit na lang nito na maging matatag. Mahirap naman kasing tanggapin,

lalo na't nag-iisa nilang anak si ARA.

May mga ilan na rin palang mga bisita ang naroon ng makapasok na kami.

And there she is - sa kabaong na iyon. Doon nakahimlay si ARA. Natatanaw

ko na. But wait! Bakit ganito ang amoy sa lugar na ito. MALANSA!

Yup that's the correct term. Malansa ang naaamoy ko, masangsang na amoy!

Nagpatiuna na sa akin sina Mommy at Tita Madge. Tinungo nila ang kabaong

kung saan nakahimlay si Ara. Bakas sa mga kilos nila ang labis na

pakikiramay. If they will know how much worst mine than them, malamang,

mas maaawa sila sa akin. Gusto kong umiyak ng todo! As in sa place na

walang makakarinig sa akin!

Sana alam ko. Sana nakita ko. Sana naituro ko. Sana -

SANA natulungan ko sya. Oh ARA! Sana natulungan kita.

Biglang pumasok sa isip ko si Rene. Nasaan kaya sya? Supposedly narito na

sya ah. Tumingin ako sa paligid.

Tumingin ako sa HARAP - wala!

Sa LIKOD - wala!

Sa KALIWA - wala!

Sa KANAN - Oh my GOD! Napataatras ako!

Nagulat ako sa nakita ko!

"Ara..." Bulong nito.

Si -

Nana!

"A-Ara..." Humihikbi ito.

Nakakaawa sya.

"B-Bakit Ara? Bakit mo ako iniwan?" Punung-puno ng luha ang mga mata

nito.

Dito na lumapit sina Mommy at Tita Madge nang maulinigan ito. Mabilis

nila itong niyakap. Maging ako, I found myself crying! I know how she

feel, napakasakit nun! Nahagip ng aking paningin si Tito Roger. Ang mga

mata nito, nasa mga mata nito ang matinding galit.

Marahan kong nilingon ang kinaroroonan ni Ara. I have to be strong. I

need to see her. Then, humakbang ako patungo dito. Para akong nabingi,

nawala ang ingay sa paligid. Napakalakas ng kabog sa aking dibdib.

Wala akong ibang marinig kundi ang aking paghakbang.

This is odd. I can't hear everybody.

I can feel my feet taking steps.

Malapit na ako.

Slowly.

Malapit na ako.

Abot-kamay ko na -

Ang kabaong NYA.

But I stopped!

Ano yun?! Totoo ba itong nakikita ko?

Bakit -

May mga BANGAW!!!

May mga BANGAW sa IBABAW!

Sa IBABAW ng kabaong NYA!

Tinakbo ko ito at agad -

PINAGPAG! Sinaway.

Nagsiliparan ang mga bangaw.

Papalayo.

Sinundan pa ng aking paningin ang paglipad ng mga ito.

Papalayo.

Tiningala ko ang mga ito.

Papalayo.

Then I realized. Nandito na ako.

Dito sa harap ng kabaong.

Kabaong ni ARA.

Pagkatapos ay marahan akong yumuko.

Yumuko mula sa pagkakatingala.

Marahan.

Makikita ko na SYA.

Dahan-dahan.

Si ARA.

Mahinahon lang.

Ang mukha NYA.

Heto na.

And -

HOLY CHRIST!!!

Bakit?

Bakit SYA -

NAKADAPA?!

Napaatras ako. Nilingon ko sila.

I saw THEM. Abala sila.

Napaatras pa ko.

Sige atras pa.

Kailangan kong umatras pa.

Atras pa!

Sige pa!

Sa ilalim ng kabaong ni ARA -

Bilis atras pa!

Sa ilalim nito!

Natakpan ko ang aking bibig. Please atras pa!

Sa ilalim nito - may nakatayo.

Oh my God! Atras!

May nakatayong -

mga PAA!

TBC

JAMILLE FUMAH

Makibalita kay ARA sa kanyang page: I LOVE YOU ARA -JF

[ https://www.facebook.com/ILoveYouAra.JFstories ]

####################################

JANICE OCAMPO [ Part2 ]

####################################

xxILY, ARAxx

[ START ]

Janice Ocampo's POV:

NANGALAY ANG PWESTO ko sa pagkakatihaya kaya tumagilid ako sa

pagkakahiga. I can hear my Mom's breath, she's at my back - katabi ko.

NAPAKALAMIG!

Giniginaw ako! Sinubukan kong mamaluktot to embrace myself, but it's not

enough. Bahagya kong iminulat ang aking mga mata. I saw my phone lying on

infront my face near me. So pikit-mata ko itong kinapa, then I look at it

kung anong oras na.

It's 10:15 in the evening.

Naramdaman kong gumalaw si Mommy sa aking likuran. "M-Mommy, yakap mo

ko..." I whispered but I know she heard it.

Segundo nga lang at naramdaman ko ang kanyang braso na dumantaw sa akin

mula sa likuran. She always did this, ang yakapin ako mula sa likuran.

And it was so comfortable, lalong sumasarap ang aking tulog. But wait!

Ang lamig ng mga braso nya!

Kinapa ko ito.

Malamig.

Is it possible na mas nilalamig pa sya kaysa sa akin? But I did'nt feel

her na giniginaw. "Mommy? Are you okay?" I asked her.

There's no answer from her. Mahimbing na siguro ang tulog nya.

Then suddenly, my phone rang.

I looked at it.

It's unknown number.

Sino kaya ito?

Hindi ko pinansin.

I rathered na matulog na lang nang mahimbing.

"M-Mommy, dantay mo ko..." I felt her moving, I guess.

Maya-maya nga ay dumantay na sya sa akin. Naramdaman kong ikinulong ako

ng kanyang mga hita na pumatong sa aking puwetan. Oohh! I love it.

Napakasarap matulog kapag ganito.

Then my phone rang again.

Darn it! Sino ba kasi itong tawag ng tawag?!

Mabilis kong dinampot ang phone and I answered it. "Hello!"

"He+++ Janice!" Sagot nito mula sa kabilang linya. Hindi ko gaanong

marinig dahil choppy.

"Sino 'to?"

"Janice ma+++ ako ng ++i." Garalgal ang boses nito. Siguro dahil sa

signal.

"Hello! Choppy! Sino ka!?" Bulong ko pero pasigaw.

"Janice, hin++ ++ k+ nari+++?" Magulo pa rin ang linya.

"Ano yun?!" Parang gusto ko ng ibaba.

"Sabi ko, ma++++ +++ uw+!"

"Ha?!" Isa pa at ibababa ko na.

"Sabi ko, male-late ako ng uwi..." Biglang luminaw ang linya.

Gosh!

Is this real?!

"Oh my God..." Parang huminto ang mundo ko!

"Nakitawag lang ako kasi lowbat ako - Janice?"

Bigla akong nanginig!

Tindig ang balahibo ko!

Tila ako naluluha, naiiyak. God please help me!

"Janice? Bakit?"

Pinilit kong makapagsalita. "M-Mommy?"

"Ako nga Janice. Bakit?"

SHIT!!! Sino itong -

katabi ko?

NAPASIGAW ako, agad bumangon. Pawis na pawis! Pagud na pagod.

"Janice! Okay ka lang?" Si Mommy. May dala syang tubig.

Naluluha ako. Bangungot na naman!

Agad nya akong niyakap. "Janice anong nangyari? Bigla kang hinimatay dun

sa BUROL ni ARA."

Hindi ako makapagsalita. Bakit ganun? Gusto kong sabihin sa kanya lahat!

Gusto kong malaman nya ang lahat. Bumitiw sya sa pagkakayakap sa akin.

"Janice, anong nangyayari? Nag-aalala na ako sa'yo. Nanginginig ka." Kita

sa mukha nya ang labis na pag-aalala.

Pero bakit ganun? Hindi ako makasagot! Hindi ako makapagsalita!

"Janice?" Nakahawak sya sa magkabila kong balikat.

Maya-maya ay namataan ko si Tita Madge. Papalapit sya sa amin.

"Janice, okay ka lang ba?" Hinimas ako nito sa aking buhok.

Tumingin lang ako sa kanya. Sa mga MATA ko, ipinakita ko sa kanya na may

nais akong sabihin.

Pero hindi nya iyon pinansin. Bumaling sya kay Mommy. "Maria, andito na

sya."

Ilang segundo lang ay may pumasok nga mula sa pintuan. Isang lalaki, sa

tantya ko'y maedad na. Kilala ko ito - si Mang Isko. Ito yung kapitbahay

namin dito sa second floor.

Mabilis itong nilapitan ni Mommy. "Mang Isko." Pagkatapos ay napatingin

sya kay Tita Madge.

"Si Mang Isko yung - crime investigator ni Ara." Ani Tita Madge habang

nilalamukos ang sariling mga palad.

Naalala ko na! Si Mang Isko nga pala ay isang pulis. Madalas ko syang

makitang rumoronda tuwing gabi sakay ng police mobile. Akalain mong sya

ang may hawak ng kaso ni Ara.

"Mrs. Ocampo." Kinamayan ni Mang Isko si Mommy.

Sinalo ni Mommy ang palad nitong nakalahad. "We're glad na ikaw ang

humawak ng kaso ni Ara. Hindi na kami mahihirapan na - makapagbigay ng

pahayag."

"S-Salamat." Napakalikot ng tingin nitong si Mang Isko. Hindi nya ako

matingnan ng diretso.

"May prime suspect na po ba kayo, Isko?" Tanong ni Tita Madge. Matagal na

yatang kakilala nito ang lalaki.

"Meron na. Si - " Inilibot muna nito ang sariling paningin. "Roli..."

Tumingin si Mommy kay Tita Madge, pagkatapos ay bumalik kay Mang Isko.

"May ibedensya na ba?"

Napayuko si Mang Isko. "Wala pa. Pero - " Habol nito ang sariling

hininga. "Hindi na kasi sya nagpakita pagkatapos ng mga pangyayari. Isa

pa - "

"SYA ang pumatay, Mang Isko!" Nanginginig ang boses ni Mommy.

"Pero wala ka sa TAPSIHAN na iyon ng dalhin ni Roli ang bangkay ni Ara

dun. Tama?" Hindi magawang tingnan ni Mang Isko si Mommy sa mga mata.

Napaiyak si Mommy at agad syang niyakap ni Tita Madge. "N-Naduwag ako...

Alam ko na mangyayari iyon pero - "

"Mrs. Ocampo..." Alo ni Tita Madge.

"No! Kasalanan ko! Kung sanang nireport ko agad na mangyayari yun - sana

nahuli ng mga pulis si Roli..."

"Tama lang ang ginawa mo Mrs. Ocampo. Kapag nagkataon, maaari ka pang

madamay sa kasong ito. Pwede kang mapagbintangan na kasagwat kapag

nagkataon." Malumanay na paliwanag ni Mang Isko. The truth is, hindi ko

sila maintindihan.

All I know is, alam na ni Mommy na mangyayari ito. Hindi ko alam kung

paano. Basta una nyang nilapitan si Mang Isko. But the problem ay hindi

sya pinaniwalaan nito. Wala naman kasing matibay na ibedensya kung paano

ipapaliwanag ni Mommy kung paano nya nalaman na doon nga matatagpuan ang

bangkay ni Ara bago ang pangyayaring iyon. And then nangyari nga.

Sa point ni Mang Isko, tama lang ang ginawa ni Mommy na hindi muna ito

nag-report sa pulis. Dahil kung ginawa nya nga iyon, sana ngayon ay

kasama na rin sya sa mga suspect. Paano nya nalaman na mangyayari iyon?

Paano nya nalaman na si Tito Roli ang nagdala doon?

Napahagulgol si Mommy. "Ano ng gagawin natin?"

"Kailangan natin ng matibay na ibedensya. At ayoko ng ma-involve ka, Mrs.

Ocampo." Tumingin ito sa akin. "Si Janice..."

Sabi na nga ba eh. May pagtingin ang matandang ito kay Mommy. It so deep

naman kasi ng mga ginagawa nyang pagtulong sa amin, like this.

Ngunit pinili na lang ni Mommy na manahimik. Ganoon din si Tita Madge.

Alam kong alam din nila ang tungkol dito kay Mang Isko. Wala na rin naman

kasi itong asawa. May isa itong anak ngunit nasa ibang bansa. Hindi

malayong labis itong nangungulila sa pagmamahal. Of course, malamang si

Mommy ang napagbalingan nya. Sampung taon na rin kasi namin itong

neighborhood. Why not?

Napabuntong-hininga si Mang Isko. "May kilala akong paranormal expert..."

Napabaling sa kanya sina Mommy at Tita Madge.

"Si Ka Pineng ba ang tinutukoy mo?" Si Tita Madge.

Tumango lang ang lalaki.

"Tinawagan ko na sya. Humingi na ako ng tulong sa kanya. Pumayag na syang

tulungan tayo. Naputol nga lang ang pag-uusap namin sa linya." Pagkasabi

ay tumingin si Tita Madge kay Mommy. "Classmate namin sya ni Isko nung

college kami. Matutulungan nya tao..."

KINABUKASAN, pinuntahan namin itong sinasabi ni Mang Isko na makakatulong

daw sa amin dito sa Manila. Hindi naman ito kalayuan sa amin. Lahat kami

ay desidido nang makita ang sinasabi nyang paranormal expert daw. Marami

na raw itong natulungan pagdating sa mga spiritual na gawain, kahit mga

artista.

Napakalaki ng bahay nito, masasabi ko na ngang mansyon ito. Pero sakop pa

rin naman iyon ng siyudad. Diretso pasok lang kami sa loob. Hindi naman

kasi naka-lock ang pinto. Isa pa, mukha naman feel at home itong si Mang

Isko.

Maganda ang loob ng bahay nito. Halatang gumamit ng mga mamahaling

materyales. Ngunit sa kabila noon, dalawang tao lang daw ang nakatira

dito.

"Wala yatang tao, Mang Isko." Bulong ni Mommy.

"Mukha lang walang tao. Nandyan lang sa paligid yun." Ani Mang Isko na

palinga-linga.

So lahat kami ay kanya-kanyang lakad. Para kaming nagwi-window shopping

sa isang mall. Sa lawak at dami ng mga furniture sa paligid, isang

pintuan ang nakaagaw ng aking atensyon. Patungo pa lang ako ng matigilan

ako.

Ano yun?

Parang may -

Bumubulong.

Nilingon ko sina Mommy at Tita Madge. May mga sarili silang mundo,

abalang namamangha sa paligid. So bumaling muli ako sa pintuan na ilang

hakbang na lang mula sa aking harapan.

Humakbang ako.

Marahan.

Bakit?

May naririnig ako.

May naririnig akong -

Bulong.

Hindi ko naman maintindihan.

Nagpatuloy ako sa paghakbang.

Marahan.

Sa pintuan.

May butas ang pintuan.

Malaki ang butas nito.

Sa gitna ng pintuan.

Sisilipin ko ito.

Marahan.

Sisilipin ko na.

Sinilip ko na.

Madilim.

Wala akong makita.

Wala akong makita maliban sa -

Ano yun?

Ano ang mga iyon?

Isang pares?

Dalawa?

Ano yun?

Sinilip ko pang mabuti.

Sinipat ko pa.

Malaki ang butas. Sakop ang aking dalawang mata.

Tinitigan ko.

Oh my God! Naluha ako.

Oh hindi! Heto na naman.

Nakatayo ang mga ito.

Nakatayo.

Nangangatog ako. Nanginginig.

May mga nakatayong -

Nakatayong mga -

PAA!!!

SHIT!!! Napaatras ako.

Mga PAA!

"Janice!" May tumawag sa akin.

Agad akong napalingon. Boses ng isang lalaki. Actually, lahat pala kami

ay napalingon.

Sa aking kaliwa, nakatayo ang isang lalaki. Sino ang lalaking ito? Ngayon

ko lang ito nakita. Paano nya ko nakilala?

Hinas ang buhok nito. Naka-long sleeve ito ngunit naka-short. Napakaputi

ng mukha nito dahil sa poundation, maybe. Which is obvious. Napakatangos

ng ilong nito although mukha na itong matured.

Nanginginig ako.

Nakatingin lang sya sa akin.

"Ka Pineng!" Sigaw ni Mang Isko.

Napabaling ako kay Mang Isko.

Lumapit si Mang Isko sa lalaking ito. "Kamusta, Ka Pineng?"

Ngunit hindi sya tiningnan nito. Bumaling ito kina Mommy at Tita Madge.

Lahat kami ay nagkakatinginan.

Napahalakhak si Mang Isko. "Ah... Ka Pineng, sila nga pala si - "

"Hindi mo na sila kailangang ipakilala sa akin." Hindi na sya pinatapos

nito.

Napaawang ang bibig namin.

Tumungin ito sa akin. "Ang batang ito ay si Janice." Pagkatapos ay

tumingin ito kay Mommy. "Ang babaeng ito naman ay si Maria Ocampo. Isang

college teacher-Mother ni Janice." Humakbang ito nang bahagya. "Madge?"

Sa hitsura pa lang nito ay mukhang nakilala nya agad si Tita Madge.

"Nawala ka sa linya nung nakausap kita..."

Napanganga ako. Paano nya kami nakilala ni Mommy gayung hindi pa kami

nagpapakilala.

Umabante si Tita Madge. "Ka Pineng, tungkol ito -"

"Alam ko ang ipinunta nyo rito." Nangunot ang noo nito. "I'm sorry. Hindi

ko kayo matutulungan." Pagkatapos ay tinalikuran na kami nito.

Nagkatinginan lang kami then, hinabol na nila itong si Ka Pineng patungo

sa sala. Samantalang ako naman ay marahan munang nilingon ang pintuang

aking sinilip kanina. Pagkatapos ay tumalilis na rin ako sa sala.

"Ka Pineng, hindi mo pa nga naririnig na ang aming panig, eh." Habol ni

Mang Isko.

Naroon na rin ako at sina Mommy nang huminto itong sa Ka Pineng. "Alam ko

kung anong nangyari."

"Alam mo naman na pala. Bakit hindi mo kami tulungan?" Si Tita Madge,

nanginginig ito.

Marahan kaming nilingon ni Ka Pineng. "Ayoko pang -

mamatay..."

Lahat kami'y halos napaatras.

"Ano pong ibig ninyong sabihin?" Tanong ni Mommy na parang maluluha na.

Mayamaya'y may sumulpot na estudyante sa aming likuran, lalaki. Nakabag-

pack ito at mukhang nerd. "Magandang araw po. Pwede po kay Justine?"

Nakabaling ito kay Ka Pineng.

Tumingin muna sa amin si Ka Pineng bago nagsalita. "Umupo muna kayo.

Maghahanda ako ng pagkain." Pagkatapos ay tumingin ito sa batang

estudyante. "Sandali lang. Tatawagin ko si Justine."

Tumango lang iyong batang estudyante. Pamilyar sa akin ang mukha nito.

"Justine! Justine!" Nagsisigaw si Ka Pineng. Si Justine marahil ang anak

nito. "Justine! May bisita ka!"

Pero walang sagot mula sa kanyang anak. Napakalaki ba naman kasi ng bahay

nila.

Tumayo si Mang Isko. "Ako na ang tatawag kay Justine. Baka natutulog pa

iyon sa kwarto." Mukhang malapit din si Mang Isko sa anak nito. Bago

humakbang, bumaling muna sya sa batang estudyante. "Ah hijo, anong

pangalan mo? Para masabi ko kay Justine."

Ngumiti itong batang estudyante. "KENNY po."

"Ah Kenny sandali lang ah. Pupuntahan ko lang sya sa kwarto." Pagkatapos

ay umalis na si Mang Isko.

Umalis din itong si Ka Pineng at nagtungo sa kusina. Pagbalik ay may dala

na itong miryenda. Hotcake yata iyon at softdrinks. Kasabay nito ang

isang batang lalaki, ito marahil si Justine. Nakangiti ito sa akin. "Dad,

may bisita po pala kayo."

Kilala ko ang Justine na ito! Dumagundong ang dibdib ko. Matapos akong

tingnan nito ay tumungo ito kay Kenny, iyong bisita nito.

"Kenny! Ang aga mo pre." Bati nitong si Justine.

Tumango lang itong si Kenny.

"Oh sya! Doon na kayo sa kwarto at may importante kaming pag-uusapan

nitong mga bisita ko." Utos ni Ka Pineng.

Tumayo na si Kenny at pumunta sa pwesto ni Justine. Pero bago yun, nakita

kong sinulyapan muna ako nitong si Justine, may kasama pang kindat. Alam

ko kung gaano ito kaloko. Ka-schoolmate namin ito ni Ara, eh at -

mahabang kwento.

Anyway, nang mawala na sa paningin namin ang dalawa, bumaling na sa amin

itong si Ka Pineng. "Nakita nyo ba yun? Ako na lang ang pamilya ng batang

iyon. Kapag nakialam ako sa kasong ito - mamamatay ako."

Biglang tumahip ang kaba sa dibdib ko. Nakita kong namumula na ang mga

mata ni Mommy. "H-hindi po namin kayo maintindihan."

"The moment pa lang na tumuntong kayo dito sa bahay ko..." Halos hindi

ito makapagsalita. "...nasa hukay na ang isang paa ko."

Seryoso ba ang lalaking ito?

Nanginginig na kaming lahat sa takot. What does he mean? Hindi namin sya

maunawaan. Meaning to say ba nun eh, lahat kami ay mamamatay? At ayaw

nyang madamay? Bakit? Paano? Pero nakuha na nito ang tiwala namin.

Imagine, he already knew na darating kami dito at ang mga pangalan namin.

Napaiyak si Mommy at napayakap sa akin.

"So anong dapat naming gawin?" Tanong ni Tita Madge. Sa tono nito, parang

naiinis na ito. "M-Mamamatay ba kami? Iyon ba yun?" Paos na rin ang boses

nito.

Yumuko lang si Ka Pineng. "I'm sorry." Nag-angat ito ng ulo. "Mahal ko si

Justine- hindi ko kayo matutulungan." Pagkasabi ay lumisan na ito.

Niyakap ni Tita Madge si Mommy na patuloy lang sa pag-iyak. "Sabi na nga

ba Madge. May masama akong kutob sa mga nangyayari..."

"Shhh... gagawa tayo ng paraan. Mag-iisip tayo ng paraan." Napapaiyak na

rin si Tita Madge.

Hindi nila alintana, humakbang ako palayo sa kanila upang habulin si Ka

Pineng. I have to convince him. But how will I do that? Hindi ako

makapagsalita.

Nasa labas na sya ng pintuan papuntang garden nang maabutan ko itong si

Ka Pineng. Kinalabit ko sya. Agad nya akong nilingon. "Janice?"

Pero wala akong masabi, hindi ako makapagsalita. Bakit? Bakit nga ba

parang pakiramdam ko ay nawalan ako ng dila?

He bend down at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "I know. Hindi ka

makapagsalita."

Shit! Kinikilabutan ako sa pinagsasasabi ng lalaking ito. How did he know

that? Saludo na talaga ako sa kanya.

"Janice, makinig ka." Sumeryoso na ang mukha nito. "Tatapatin na kita."

Biglang lumakas na naman ang kabog ng aking dibdib.

Yumuko pa ito nang bahagya na parang hindi masabi ang nais sabihin.

Pagkatapos ay buong tatag itong humarap sa akin. "IKAW ang uunahin nya.

Ikaw ang unang -

MAMAMATAY..."

TBC

JAMILLE FUMAH

Makibalita kay ARA sa kanyang page: I LOVE YOU ARA -JF

[ https://www.facebook.com/ILoveYouAra.JFstories ]

####################################

The KILLER

####################################

xxILY, ARAxx

I love Ara, mami-miss ko sya sobra. Kaya lang kinailangan ko talaga syang

patayin. Masyado na itong maraming nalalaman. Isa pa, nagkaroon sya ng

kakaibang relasyon kay Roli. Nagselos tuloy ako.

Sayang.

Dapat kasi hihintayin ko munang magdalaga nang husto si Ara bago ko sya

patayin. Parang bunga lang ng isang puno: Hihintayin ko munang mahinog

bago ko pitasin.

Iyan tuloy hindi na ako masaya. Mabuti na lang at narito pa SIYA - hindi

si Ara ah. Iyong isa pang bunga na pinapahinog ko pa. Pero para sa'kin ay

hinog na sya. Hayun sya at pinagmamasdan ko. Narito ako ngayon sa lamay

ni Ara. Hay... excited na akong patayin sya. Siya ang uunahin ko at

isusunod ko ang mga kasama nya. Wala akong ititira sa kanila, lahat

silang nagmamahal kay Ara.

Well, mahal ko rin sya na katulad ng pagmamahal ko kay Ara. Kaya nga

lang, mukhang hindi ko na mapigilang hindi pumatay. Ang sarap pala, lalo

na kapag mahal mo yung taong papatayin mo.

Nanginginig ang buo kong katawan. Ngayon ko lang ulit naramdaman ito,

sabik na sabik. Parang droga, nakaka-addict. Gusto kong pumatay! Ngayong

gabi, papatay ako. Papatayin ko si -

Janice!

Bago yun, pagmamasdan ko muna sya. Natatanaw ko sya, nakaupo sa isang

tabi. Walang imik, walang kibo. Haaaaa! Mukhang di ko matatagalang

tingnan sya. Kapag nagpatuloy ito, baka mawala ako sa sarili. Kailangan

kong maghintay ng tamang pagkakataon. Mamaya... papatayin ko sya.

Papatayin ko sya...

- the KILLER

Janice Ocmapo's POV:

Paano ko ba ipapaliwanag kay Mommy na hindi naman malala ang sakit ko?

Hindi lang talaga ako makapagsalita. And I don't know why. Pero labis ang

pag-aalala nya dahil three days na akong walang voice. To make my story

short, narito na kami ngayon sa hospital. Galing kami sa lamay ni Ara.

Well, I really hate talaga na pumunta sa mga ganitong lugar. Matatakutin

kasi ako. Hindi ko na sasabihin kung saang hospital 'to ah.

Anyway, alas ocho iyon nang gabi. Napilitan akong ipa-confine ni Mommy.

Nakakainis nga eh, ayoko na nga mag-stay dito. Kinuhanan nya ako ng

private room at nandito kami ngayon nila Tita Madge. Speaking of Tita

Madge, bakit ganun kaya sya makatingin? Parang ang talim. Kanina pa yun

noong nasa lamay pa lang kami. Kakaiba sya tumitig sa akin.

Bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nun sina Nana at Tito Roger -

parents ni Ara, kasama nila si Mang Isko. Bago pa man tumulo ang luha ni

Nana ay nasalo na ito nang yakap ni Mommy. "Nana, tatagan mo ang loob

mo..." Alo nya kay Nana.

Lumapit naman si Tito Roger sa kanila. "Salamat Maria."

Ito namang si Mommy, tila pinamulahan. Uhmm... may something ba? At si

Tita Madge, napaismid. Mukhang hearthrob yata itong si Tito Roger, aba!

Kumalas si Nana sa yakap ni Mommy. "Tulungan mo kami, Maria... Dalhin mo

kami sa sinasabi nyong si Ka Pineng..." Piyok ang tinig nito.

Nagkatinginan na lamang si Mommy at Tita Madge. Mukhang desperado na

talaga sila na mahuli ang pumatay kay Ara. Well, siguro'y hindi rin sila

pinapatahimik ni Ara katulad ko. Pagkatapos ay bumaling muli si Mommy kay

Nana. "Pero..."

Sumingit si Mang Isko. "Kapag isinama natin sila kay Ka Pineng, tiyak na

hindi na yun makakatanggi..." Pursigido ito.

Dito na humawak si Tita Madge sa balikat ni Mommy. "Ako na ang maiwan

dito para bantayan si Janice..."

Napabaling naman silang lahat sa akin. Then, lumapit sa akin si Nana at

niyakap ako. "Oh Janice... are you alright?" Alam ko rin kasi kung gaano

ako kamahal ni Nana. Anak na rin ang turing nya sa akin.

Tumango lang ako. Hindi ako makapagsalita. Accroding to the doctor kasi -

aphonia raw. Pero kailangan ko pang dumaan sa mga tests. Ang Aphonia raw

kasi'y may take in several different forms. Posible rin daw kasing

Laryngitis o Dysphonia. Pero wag naman sanang Laryngeal kasi it's a

thyroid cancer. Wala naman kasi akong nararamdamang pamamaga o sakit sa

aking lalamunan. Lalo tuloy na-curious yung mga doctor.

Lumapit din sa akin si Tito Roger, pagkatapos ay hinimas nya ako sa ulo.

Nakita ko ang labis na lungkot sa mga mata nito. Siguro naalala nito si

Ara?

"Okay! Puntahan na natin sya ngayon. Sasamahan ko kayo..." Biglang

nagsalita si Mommy. Pero sa akin sya nakatingin.

Mayamaya nga'y nagpaalam na silang lahat sa akin. Naiwan si Mommy.

"Janice, babalik agad si Mommy ha. Gabi naman at mabilis ang biyahe,

madali akong makakabalik..."

Tumango lang ako at yumakap sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na it's

fine with me. Alam ko kasing nagpaparamdam na rin sa kanya si Ara, sa

kanila. Kaya desidido silang magpatulong kay Ka Pineng para mabigyan na

ng katarungan ang pagkamatay ng kaibigan ko.

Pagkatapos nga nun ay humakbang na palabas ng pintuan si Mommy. But

before sya makalabas, huminto muna sya at humarap sa akin. Sabay muling

sulpot naman nila Tito Roger at Mang Isko sa pinto. Kumaway silang lahat

sa akin.

Ngumiti ako sa kanila at kumaway din. Napagmasdan ko ang kanilang ngiti

at -

Oh my God!

Nanlaki ang mga mata ko!

Natutop ko ang aking bibig!

Nagbago ang anyo ni Mommy. "Bakit Janice? M-May problema ba?"

Hindi ako makapagsalita.

Kinikilabutan ako.

Umiling na lang ako.

Lumapit sa akin si Tita Madge. "Okay ka lang ba, Janice?"

Pinilit ko na lang umayos. Ngumiti ako kay Tita Madge.

Ngumiti rin ito sa akin and

- SHIT!!! Ano ba itong nakikita ko?

Bahagya akong napaatras!

Kita sa mga mukha nila ang pagtataka.

Hindi na lang ako nagpahalata.

Kinawayan ko sila Mommy ngunit hindi ko na sila tiningnan sa mukha.

Pagkatapos non ay umalis na sila.

Umayos ako ng upo at saka nahiga. Mabuti na lang at narito si Tita Madge.

I know naman na hindi nya ako pababayaan kahit - masama na ang kutob ko.

Parang nagbago ang pakiramdam ko sa kanya. Tumalikod ako sa kanya sa

aking pagkakahiga. Iniiisp ko pa rin yung nakita ko kanina. Kinikilabutan

ako!

Kumakaway sila, nakangiti sa akin.

Pero bakit ganun -

-ang kanilang ngipin?

Bakit biglang kulay -

ITIM!!!

Paano ko ba sasabihin?

Iyong -

Iyong -

Nabubulok nilang ngipin!

Siguro nga imagination ko lang. Pero para kasing nakita ko rin sa ngiti

ni Tita Madge. Mayamaya'y naramdaman kong hinimas nya ang buhok ko, nasa

likuran ko sya. This time, try ko ulit. Baka nagha-hallucinate lang ako

kanina. Humarap ako sa kanya at ngumiti. Of course ngingiti rin sya sa

akin.

And -

ngumiti nga sya.

Napaatras ako,

Oh God!

Iyong ngipin nya -

Kulay itim nga!

"Janice?" Nangunot ang noo nya. Nakita siguro nyang namutla ako.

Ano kayang ibig sabihin ng mga nakikita ko? Premoniton ba ito?

Kinakabahan ako.

Hindi ko na sya inimik. As if naman na nakakapagsalita ako. Pumikit na

lang ako. Naramdaman kong hinaplos nya ako sa pisngi. Tapos dumilat ako.

Marahan lang.

Iyong pagdilat ko.

Dahan-dahan.

Kinakabahan.

Ang aking mga mata.

Iminulat ko nang -

Marahan.

Hayan na!

Wahhhhhh!

Wala lang.

Whew! Akala ko kay makikita akong kakaiba. Wala lang pala.

Nakatingin pa rin sya sa akin. Ayoko nang makita ang mga ngiti nya.

"Janice bibili lang ako ng pagkain natin sa labas ah. Mabilis lang ako."

Pagkasabi ay tumayo na sya, kumuha ng wallet at lumabas ng pinto. Pero

iniwan nyang bahagyang nakabukas ang pinto.

Kinuha ko ang aking cellphone, tiningnan ko yung oras. It's nine in the

evening. Ganoon din yung oras sa wall clock na nasa itaas ng pintuan.

Tumalikod na akong muli at saka pumikit. Gusto kong makatulog kahit

kaunti lang. Kahit saglit lang. Matutulog na ako nang marinig kong

bumukas ang pinto.

Iyong langitngit ng pinto.

Ang bilis namang nakabalik ni Tita Madge. Pero di bale, itutuloy ko na

lang ang pagtulog ko.

Tapos sumara iyong pinto. Dinig ko.

Then naramdaman kong bahagyang lumubog iyong kama sa aking likuran. Tila

may umupo. Tapos gumalaw uli. Parang may tumuntong.

Parang may tumayo!

Oo! Parang may nakatayo sa likuran ko!

Nakatuntong ito sa kama ko!

Ano bang trip ni Tita Madge? Bakit sya nakatayo?

Nakatungtong pa dito sa likuran ko?

Dito pa sa kama ko!

Bigla tuloy lumakas ang kabog sa dibdib ko.

Tapos lumundag ito!

Jesus! Oo! Lumundag ito!

Hindi ito si Tita Madge. Bakit naman sya lulundag-lundag dito pa sa kama

ko?

Sa likuran ko?

Tagaktak na ang pawis ko. Mommy ko!

Tapos lumundag ulit!

Help!

Takot na takot ako!

Lumundag pa!

Umuuga na iyong kama!

Ayoko na!

Uuwi na ako, di ko na kaya!

Gusto kong sumigaw, wala naman akong boses.

Umungol na lang ako ng ilang beses.

Tapos nawala yung paglundag.

Pero nararamdaman kong may nakatungtong pa rin.

Lilingunin ko ba?

Huhu!Di ko malaman ang gagawin.

Kinapa ko yung cellphone ko sa aking likuran.

Naluluha ako, kinikilabutan.

Kapa pa, Janice. Kapa pa!

Ayaw kong tumingin sa likuran.

Kapa pa, Janice. Kapa pa!

Pero wala ito, nasaan?

Tapos may nakapa ako.

Ano itong nakapa ko?

Malamig.

Malagkit.

May mga daliri!

SHIT!!!

PAA!

Paa ni -

Ara!!!

Napabalikwas ako ng bangon! Lumayo ako sa kama.

Napasandal ako sa pader, nakaharap sa kama.

Nakapikit ako, nakaharap sa kama.

Didilat ako, paharap sa kama.

Bakit ba Ara? Bakit ba?

Ano ba ang gusto mo? Bakit ka nagpapakita?

Dumilat ako nang marahan. Dahan-dahan.

Isa.

Marahan.

Dalawa.

Dahan-dahan.

Tatlo!

Oh God!

Pero wala naman.

Wala naman akong namataan.

Then napansin ko yung orasan.

Totoo ba ito? It's three nang madaling araw.

Pero kanina lang bago ako pumikit, alas nuebe yan ah.

Posible kayang binangungot lang ako?

Baka nga. Baka binangungot lang ako.

Iyong pinto, bahagya pa rin nakabukas.

Marahan akong tumayo.

Tapos iyong pinto.

Iyong pinto -

Lumangitngit.

Dahan-dahang bumubukas.

Bumukas iyong pinto. May bumungad.

Isang babae.

Nakasuot ito ng -

COWBOY HAT.

"Hi Janice..." Ngumiti ito sa akin.

Namutla ako. Paano'y may hawak syang martilyo.

Hindi ko makita ang mukha nya. Hanggang sa bahagya syang tumingala.

Oh hindi!

SYA?

"Isusunod na kita kay -

Ara."

Bakit SYA? Bakit? Sa dinami-dami Bakit SYA pa?

Bakit SYA pa na aking -

TBC

JAMILLE FUMAH

Makibalita kay ARA sa kanyang page: I LOVE YOU ARA -JF

[ https://www.facebook.com/ILoveYouAra.JFstories ]

####################################

The CLOCK

####################################

xxILY, ARAxx

[ START ]

Roger Santos POV:

Tik! Tak! - Tik! Tak!

Katahimikan.

Nakakabinging tunog ng orasan.

Tik! Tak! - Tik! Tak!

Kinakabahan.

Napakagulo ng aking isipan.

I looked at my wrist watch. It's twelve in the midnight. Narito ako

ngayon sa sala ni Ka Pineng - a paranormal expert daw. Kasama ko si Isko

na pumunta rito, iyong detective police officer na may hawak ng kaso ni

Ara.

Tik! Tak! - Tik! Tak!

Iyong oras.

Di ko namalayan.

Tik! Tak! - Tik! Tak!

Malamig.

Pero ako'y pawisan.

Nakakailang missed call na ba ako kay Nana? Apat? Lima? Nagpaiwan kasi

ito sa hospital at isinama si Mrs. Ocampo pauwi sa amin. Sasaglit raw

muna sila sa bahay para asikasuhin iyong mga bisita sa lamay ni Ara.

Then, susunod na lang sila rito pagkatapos. Pero bakit ganun? Hindi ko na

sila ma-contact? Kahit si Madge ay kinontak ko, na naiwan din dun sa

hospital para naman bantayan si Janice dahil na-confine ito, hindi rin

sumasagot.

Dalawa lang tuloy kami ni Isko na nagpaunang pumunta rito. Ang kaso, sa

lawak ng bahay na ito, parang walang tao. Kailangan pang hanapin ni Isko

itong si Ka Pineng, na inirerekumenda sa akin nina Mrs. Ocampo at Madge,

sa mansyong ito. Damn! Bakit ba naman kasi nagmamadali itong si Nana?

Pwede naman namin itong asikasuhin pagkatapos ng libing ni Ara.

Katahimikan.

Nawala yung ingay nung -

Orasan!

Tumayo ako at luminga sa paligid.

Iyong orasan. Nasaan?

Bakit wala akong mamataan?

Then I looked again sa aking wrist watch - and shit!!! It stopped.

Tinaktak ko. Saka ko lang napansin ang oras nito. 10:15. Nalilito tuloy

ako. Anong oras na ba talaga? Tiningnan ko yung oras sa cellphone ko.

What the! 10:15!!! And it's in the evening! Namilik-mata ba ako kanina?

Tapos pinakatitigan ko.

Iyong oras sa cellphone ko.

Ilang minuto na ba ang lumipas?

Bakit hindi nagbabago?

Tapos tinaktak ko. Tila ba huminto yung oras. Darn! Kinikilabutan tuloy

ako.

Biglang kumurap iyong ilaw. Napatingala tuloy ako.

Maya-maya may narinig akong ingay. May bumubulong.

Saan kaya nanggagaling yun?

Sinilip ko yung makitid na pasilyo. May bumubulong.

Humakbang ako patungo dun?

May tao! Ito siguro yung bumubulong.

Pero malayo ito. Kaya humakbang pa ako.

Ang layo nito. Pero dinig ko yung bumubulong.

Sino kaya ito? Lumapit pa ako.

Habang papalapit ako, lumalakas yung bumubulong.

Hayan na malapit na ko.

Naaaninagan ko na yung bumubulong.

Babae? Oo babae ito!

Nakatalikod ito sa akin habang bumubulong.

Yakap nito ang sarili. Nanginginig ito.

Iyong balikat nito, umuuga habang bumubulong.

"Miss? Are you alright?" Tanong ko rito. Napansin ko kasing basang-basa

ito.

Hindi ito umimik. Basta yung balikat nito - umuuga!

Lumapit pa ako nang bahagya. "M-Miss?" Napalunok ako.

Iyong balikat nito - bumibilis ang pag-uga!

Napansin kong basang-basa ito. Pumapatak sa lupa ang animo'y ulan mula sa

mahaba nitong buhok. Nangangatog ito.

Nakatalikod pa rin ito. Tanging balikat lang nito ang umuuga!

"M-Miss... B-Babalikan kita..." Napaatras ako. Natatakot na ako!

Pero itong babae umatras din!

Lumakad itong paatras din!

F*ck!!! Wala ba itong balak na ako'y lingunin!

Kaya ako umatras pa! Atras pa! Atras pa!

Pero ito - ganun din! Lumalakad itong patalikod papalapit -

Sa AKIN!

Dammit!!! Atras pa! Nanginginig ako sa takot... atras pa!

Pero itong babae - bumibilis! Lumalakad patalikod - papalapit!

P*ta!!! Takbo na!

Pero lalo itong bumilis! Papalapit!

Kaya ako - buong lakas pumihit!

Takbo! Hanggang sa marating ko iyong sala na pinagmulan ko.

"Roger Santos?" Tinig na mula sa aking harapan.

Napaangat ako. Hinihingal. "W-Who are you?" Tanong ko sa lalaking

sumulpot sa kung saan.

Lumapit sya sa akin. "Just call me Ka Pineng..." Kinamayan nya ako.

Kinamayan ko sya, napansin kong marami syang bagaheng dala.

"Okay ka lang ba? Mukhang hinihingal ka ah..." Nakakunot ang noo nya.

Tumango lang ako. Paano ko ba sasabihing minulto ako? Paano ko

ipapaliwanag ang nakita ko? "H-How did you know my name?" I asked,

instead.

Ngumtiti sya sa akin. "Because I knew you're coming. Kayo ni Isko."

Huh?! Seriously? Pero ayokong magpaliguy-ligoy pa. Dideretsahin ko na

sya. "We came here to talk to you about -"

"About Ara, right?" Sinalo nya ako sa sasabihin ko.

"Ha?" Napamaang ako dun ha.

"Ka Pineng!" Sabay dating ni Isko mula sa hagdan.

"Isko..." Tinanguan lang nya ito. Pagkatapos ay binuhat na nya ang mga

bagahe nya. "Let's go!"

Nagkatinginan kami ni Isko. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa bahay nyo." Seryoso ang mukha nya.

"Sasama ka sa amin?" Parang hindi makapaniwala si Isko.

Tumingin sa akin Ka Pineng. "Oo. Kaya nga hinanda ko na ang gamit ko

eh..."

"Alam mong darating kami?" Hindi pa rin ako makapaniwala.

Tumango lang sya. Akala ko mahihirapan kaming kumbinsihin sya.

"A-Akala ko'y ayaw mong madamay?" Kahit si Isko ay hindi pa rin

makapaniwala.

Nalungkot ang mukha ni Ka Pineng. "It's too late para tumanggi pa ako.

Ayokong madamay ang anak ko kaya - tutulungan ko na lang kayo..."

"I-Iyong bang anak mo ay babae?" Pagbabaka-sakali ko.

Nagkatinginan sila ni Isko. "Lalaki ang anak ko. Justine ang pangalan

nya..." Aniya habang nakatingin sa akin.

Naku sabi na nga ba! Eh sino kaya yung babae kanina?

"Isa pa nasa sister ko ngayon si Justine. Ako lang ang tao dito." Patuloy

pa nya.

Napayuko na lang ako.

Tumitig sa akin nang matalim si Ka Pineng. "Iyong nakita mo..."

Napaangat ako ng ulo. Paano nya nalaman?

"Iyong nakita mo..." Seryoso ang mukha nya. "...si Ara. Iyong nakita

mo..."

"Ano!?" Nawala ako sa sarili at nakwelyuhan ko sya.

Umawat naman si Isko sa amin. "Tama na yan Roger!" Pumagitna sya sa amin.

"Irespeto mo ang pagkamatay ng anak ko!" Asik ko sa kanya.

"Roger, ano ba?!" Sa akin na nakaharang si Isko. "Ano bang nangyayari

sa'yo?"

Bahagya akong natigilan. Kahit ako'y hindi ko maunawaan ang aking sarili.

Sa dami ba naman ng nangyayaring hindi ko maunawaan at problema, pihadong

wala na akong self-control.

Nakatingin lang sa akin si Ka Pineng. "Umalis na tayo."

"Hintayin lang natin sandali sina Mrs. Ocampo at Nana. Baka paparating na

yun..." Mabuti't nasabi iyon ni Isko.

Pero umiling si Ka Pineng. "Hindi na sila darating..."

Napatigagal kami ni Isko. "B-Bakit?" Tanong ko agad.

Yumuko lang sya at hindi umimik.

Anong pinagsasasabi nito?

"B-Bakit Ka Pineng? M-May nangyari ba?" Kinakabahang tanong ni Isko.

"Hindi ko rin alam." Nag-angat sya ng mukha. "Basta sigurado akong hindi

na sila darating..."

"Gaano ka namna kasigurado?" Ako naman ang nagtanong na pilit kong

pinapakalma ang aking sarili.

"Kasing-sigurado tulad nung inasaahan ko ang pagdating nyo ngayon."

Diretso ang tingin ni Ka Pineng. As a lawyer, alam ko kapag nagasasabi

ang isang tao ng totoo. At isa sya ron.

Ewan pero bigla akong nanlambot, napaupo. Matapos mamatay ni Ara, kakaiba

na ang mga nangyayari. Pero imposible! Dapat pala hindi na kami nagpauna

dito. Sana hinantay na lang namin sila. Oh dear God! I can't lose Nana.

Nawala na nga si Ara, wag naman pati sana sya.

"P-Posible bang alam mo kung nasaan sila?" Hindi na ako makatingin sa

kanya.

"Hindi ko alam." Malungkot ang tinig ni Ka Pineng. "Umuwi na tayo sa

inyo."

Tumango lang si Isko.

"Wait..." Inawat ko sila. Then I dialed my cellphone, again. Tinawagan ko

si Nana. Tatlong beses. Walang sumasagot. Si Maria. Ganun din. Si Madge.

Wala rin. Tapos hayun ulit. Iyong ingay... hayun ulit.

Tik! Tak! - Tik! Tak!

"Anong oras na?" Tanong ko agad sa kanila.

Napatingin sila sa kanilang relo. "12:30, midnight." Halos sabay pa sila.

Natutop ko ang sarili kong bibig. Ayoko pa ring maniwala. Totoo ba

talagang nangyayari ito? Kung bangungot man ito, sana magising na ako. I

looked at my wrist watch again. They were right. It's 12:30 in the

midnight. Tumingin ako sa kanila. "Maghintay pa tayo kahit three

hours..."

Sumang-ayon naman ang dalawa.

Pero makalipas nga ang tatlong oras, wala pa ring Nana at Mrs. Ocampo na

dumarating. Hindi rin ako nahinto sa pagtawag sa kanila ngunit wala pa

ring sumasagot. Nagpasya na kaming umuwi. Bumiyahe kami gamit ang

sasakyan ni Isko. Dumiretso kami sa hospital dahil kailangan ko munang

daanan si Madge. Baka magkakasama lang sila nila Nana at Mrs. Ocampo.

Nang makarating kami dun, nagpatiuna na kami ni Isko. Naiwan si Ka Pineng

sa sasakyan. Halos manlumo ako nang makita kong may nagkakagulong mga

pulis pagbungad pa lang papasok. Nagpaiwan si Isko para alamin kung ano

ang dahilan ng kaguluhang iyon. Ako naman ay dumiretso sa private room ni

Janice.

Sh*t!!! Wala akong nadatnan doon! Mayamaya nga'y nakasalubong ko na si

Isko. "N-Nasaan si Janice?" Kinakabahan ako.

Namumutla si Isko. "Nahagip ng cctv camera na lumabas si Janice ng

hospital kaninang alas tres pasado nang madaling araw."

"Saan naman daw papunta?"

"Nananakbo daw palabas. Walang makapagsabi." Nakayuko lang ito.

Napasuntok ako sa hangin. Parang maiiyak ako. "Eh si Madge..."

"Lumabas daw ng nine p.m. Pero hindi na bumalik..."

"A-Anong ibig sabihin nito Isko?" Naluluha na ako.

"Nawawala sila."

Hindi na ako nagdalawang isip. "Tara sa bahay..." Bumalik kami sa

sasakyan at dumiretso sa bahay. Tiningnan ko yung oras. It's four nang

madaling araw. Maraming gustong sabihin si Ka Pineng pero ayaw ko muna

syang pagsalitain. Magulo kasi ang isip ko ngayon. Ang babaeng nakita ko

kanina sa bahay nila - totoo bang si Ara iyon? Posible nga kayang

nawawala sila? What the hell?! Sasabog na ang utak ko kakaisip!

4:30 nang madaling araw nang tingnan ko yung orasan namin sa may pintuan,

nasa bahay na kami. Pero walang tao dun. Wala na rin yung mga bisita.

Tanging naroon lang ay iyong - kabaong ni Ara. Bullsh*t!!! Mababaliw na

yata ako! Nag-dial ulit ako. Tinawagan ko ulit sila. Pero ganun pa rin,

walang sumasagot.

"Pupunta muna ako sa apartment. Titingnan ko na rin ang bahay nila Mrs.

Ocampo." Si Isko. Kapitbahay nga lang pala nito sina Mrs. Ocampo at

Janice.

Tumango lang ako sa kanya. Wala na ako sa sarili.

"Sa hospital naman ako. Baka makakuha ako ng impormasyon dun." Ani Ka

Pineng na mahinahon.

Pero wala talaga ako sa sarili. Hindi ako makapaniwala sa mga nagyayari.

Pinilit kong magsalita. "A-Akala ko ba paranormal expert ka?" Nakabaling

ako kay Ka Pineng. "B-Bakit hindi mo masabi sa'min ngayon kung nasaan

sila?"

Napatingin din sa kanya si Isko.

Napabuntong-hininga ito. "Pinipigilan NYA ako."

"Sino?" Magkapanabay naming tanong ni Isko. "Sino ang pumipigil sa'yo?"

Bumuga muna siya ng hangin. "Pinipigilan ako ni -

- Ara..."

Nagkatinginan muli kami ni Isko. "Bakit naman gagawin ni Ara yun? Biktima

rin sya, diba?" Si Isko ang nagtanong.

"Hindi ko rin alam. Kaya nga gusto kong malaman..." Sagot ni Ka Pineng.

Tumikhim muna ako. "Hindi ganun ang pagkakakilala ko kay Ara. Mabait ang

anak ko..."

Tumingin lang sa akin ang malungkot nilang mga mata.

Hindi ko namalayan, napaluha na pala ako. Pero iyong kamay ko, walang

hinto sa pag-dial ng kanilang numero.

"Didiretso na ko sa pulisya. Ire-report ko na 'to." Si Isko na

nakikisimpatya.

Pagkatapos nun ay napayuko na ako. Hindi ko namalayang lumabas na pala

sila.

Tik! Tak! - Tik! Tak!

Iyon na naman iyong ingay. Tumingin ako sa orasan para tingnan iyong - Oh

Christ!!!

Napabalikwas ako.

It's 10:15 na naman! Totoo ba 'to?

Nahagip ng paningin ko yung kabaong ni Ara. Sarado.

Tapos lumapit ako.

Nangangatog ako.

Then, kumurap iyong ilaw.

Napatingala ako.

Kumurap ulit.

Then, biglang -

Namatay!!!

Oh Lord!!! Wala akong makita!

Buti bumukas ulit.

Nakakasilaw.

Napailing na lang ako. Bumaling muli ako sa kabaong ni Ara. Humakbang ako

papun -

Diyos ko!

Napaatras ako!

Bakit bahagyang -

Nakabukas ito?!

Iyong kabaong - bahagyang nakabukas!

Lalapit ba ako - o aatras?

Napalunok muna ako bago humakbang papalapit.

Papalapit sa kabaong ni Ara.

Kaso iyong ilaw. Kumurap ulit.

Naku wag naman sana.

Eh kaso namatay nga! Sh*t!!!

Anong gagawin ko? Paano na?

Tapos bumukas ulit.

Napatingin agad ako sa kabaong ni Ara.

Marahan akong humakbang muli para isara.

I-itong kabaong NYA.

Isa.

Dalawa.

Nang may biglang pumatak.

Tubig!

Luminga ako sa paligid.

Wala sa aking gilid.

Wala sa kaliwa. Wala sa kanan.

Wala sa likuran. Kundi nasa aking harapan.

Nangangatog ako.

Iyong pagpatak ng tubig - malakas.

Tila ba umuulan.

Sinubukan kong umatras. Nagmumula ito sa itaas.

Dahan-dahan. Ako'y titingala.

Kinakabahan ako. Sobra!

Hayan na! Malapit ko nang makita!

Tumingala ako. Tang*na!!!

Nabigla ako putang*na!!!

Sa kisame naroon SYA.

Naroon sa kisame si -

- ARA.

Tik! Tak! - Tik! Tak!

SHE can stop the clock...

TBC

JAMILLE FUMAH

Makibalita kay ARA sa kanyang page: I LOVE YOU ARA -JF

[ https://www.facebook.com/ILoveYouAra.JFstories ]

####################################

The COWBOY Hat

####################################

xxILY, ARAxx

@JEONBUTTERKOOKIE , ang kyoot ng tula mo. Salamat ha? :) at sa lahat!

Salamat sa komento at boto. Sori at nahuli ako. ..

May isa pa... Iyong nagkomento na halos buong ILY ARA yata inaral niya.

As in pati petsa... nakakatuwa. Salamat po.

*ILY ARA*

Huwag padadaya sa iyong mababasa; minsan ang sagot nasa huli nakikita.

- Tanong...

[ START ]

Ugh!

Nakakatuwa! Ang saya!

Ugh!

Pinagmamasdan ko sya. Habang pinupukol ko ang kanyang mga paa.

Ugh! Ugh! Ang sarap sa pandinig ng ungol nya. Patatagalin ko pa ba? Kaso

gusto ko pa, gusto ko pa! Pero hindi ko na kaya. Baka hindi ko mapigilan

at -

-mapatay ko sya...

Heto sya ngayon, nakadapa. Gumagapang, nagmamakaawa. Hindi ko naman

maririnig ang mga sasabihin nya. Paano'y nababalutan ng packing tape ang

mukha nya. Makahinga pa kaya sya? Tanging ungol lang nya ang naririnig

ko, ang saya!

Ugh!

Hayan na naman sya, napaungol. Parang musika, para syang ulol! Haha!

Hindi naman sya makatayo kasi -durog na ang mga tuhod nya. Uhmmm... sa

sakong ko naman sya pupukpukin. Heto na! Lalapit pa ako sa kawawang

batang ito. Pagkatapos ay iniangat ko ang aking kaliwang kamay, hawak ko

ang martilyo. Hahampasin ko sya! Pupukulin ko sya! Mamartilyuhin kong

muli -

-ang kanyang mga paa! Heto na.

Isa.

Dalawa.

Ugh!

Napalakas yata. Namilipit sya.

Narinig ko ang paghagulgol nya. Haha! Ang sarap sa tainga.

Ugh! Ugh! Nanggigil ako kaya pinukpok ko pa sya. Ugh! Ugh! Halos madurog

ang mga paa nya! Sige ungol pa, sige iyak pa -

- sige Janice hiyaw pa, sige pa!

Mahal ko sya, pero mas mahal ko si Ara. Pero mahal ko rin sya, kaya lang

- mahal ko si Ara. Pero di na bale, basta ako masaya. Masaya akong

nakikita syang nagdurusa. Noon ko pa sya gustong patayin, kaya lang inuna

ko si Ara. Wala tuloy akong choice kundi ang isunod sya. Saka ko na

papatayin yung dalawa, baka bukas o sa makalawa. Uunahin ko na lang muna

sya. Problema ko pa yung mga lalaki, pero papatayin ko rin sila.

Then pinagmasdan ko si Janice, gumagapang pa rin. Pilit pa ring tumatakas

sa akin. Nanghihina na sya, alam kong hindi sya makahinga. Pero mayamaya

lang, mamamatay na sya. Iyong mga paa nya, durog na. Kaya pumunta ako sa

kanyang uluhan. Itong ulo nya, ito naman. Ito naman ang aking - pag-

iinitan.

Itinaas kong muli ang aking kaliwang kamay. Hawak ko ang martilyo.

Dudurugin ko, ang kanyang -

-ulo.

Goodbye Janice, pakisabi na lang kay Ara, 'I love you.'

Isa.

Bumwelo ako.

Dalawa.

Mas malakas ito.

Tatlo!

Ugh! Ugh! Ugh! Ugh! Ugh!

- the Killer.

Carlos "Isko" Abanilla's POV:

Naabutan kong tulog si Roger sa bahay nila, agad ko syang ginising.

Paano'y binabangungot na naman yata. Halos patirin sya nang paghinga nang

makabangon sya, hinihingal. Inabutan ko sya ng isang basong tubig. "Okay

ka lang?"

Nilagok nya iyong tubig. "Isko... kanina ka pa?" Hindi sya makatingin sa

akin.

"Kararating lang. Bangungot na naman?" Umupo ako paharap sa kanya.

Hinihingal pa rin sya. Hindi sya makaimik.

"Si Ara ba?" Mahina lang ang aking tinig.

Bago sya sumagot ay bumukas ang pintuan, iniluwa non si Ka Pineng. "Anong

balita?" Bungad nito sa amin.

Umiling lang ako. Dalawang araw na kasi ang lumipas, hindi pa rin

nagpapakita sina Nana, Maria at Madge. Nag-file na rin ako ng report for

them as missing persons. Ito tuloy si Roger, para nang mababaliw. Ikaw ba

naman kamamatay lang ng nag-iisang anak na hindi pa naililibing, tapos

biglang mawawala pa ang asawa. Sa'kin man mangyari iyon ay baka di na ako

nakakatulog ni nakakakain.

Napasulyap ako sa kabaong ni Ara, narito pa rin ito. Pinakansela muna ni

Roger ang lamay, ganun din ang libing na dapat ay ngayon. Pang-walong

araw na kasing nakaburol si Ara dito.

"Napanaginipan ko na naman sya..." Sabi ni Roger, tulala pa rin ito.

Wala naman akong maipayo sa kanya. Malamang si Ara na naman ang nakita

nito sa bangungot nya.

"Hindi ako naniniwalang si Ara yun, hindi ganun ang anak ko... Hindi sya

yun, diba?" Piyok ang tinig nya. Nakatingin sya kay Ka Pineng.

Si Ka Pineng naman ay pumunta sa kusina. Pagbalik nito ay may dala na

itong tatlong tasa, thermos at kubyertos. Inilapag nya iyon sa harapan

naming lamesita. Pagkatapos ay sinalinan nya ang bawat tasa ng mainit na

tubig. "Naniniwala ako na ang tao ay nahahati sa tatlo." Sabi pa niya.

Nakatingin lang kami ni Roger sa kanya. Bumalik ulit ito sa kusina,

pagbalik nito'y kape at cream naman ang bitbit.

"Kapag namatay ang isang tao, nahahati ito sa tatlo." Pagpapatuloy ni Ka

Pineng. "Ang una ay ang katawan nito na naiiwan sa lupa, pangalawa ay ang

espiritu na umaakyat sa langit at..." Binuksan nito yung cream.

"...pangatlo ay ang kaluluwa. Iyong kaluluwa ay naiiwan din dito sa lupa,

aariin ng kalikasan."

Nagkatinginan lang kami ni Roger.

"For example: itong mainit na tubig na nasa tasa ay ang kalikasan. At

itong cream ay ang kaluluwa..." Kumuha ito ng isang kutsarang cream.

"...iyung taong namatay nang masaya, ito yung kaluluwa nya." Tapos

inihalo nya ito sa tasang may mainit na tubig at tinimpla. "See, kulay

puti." Tapos tinikman nito. "Plain ang lasa..."

Hindi ko ma-gets ang point ni Ka Pineng.

Pero nagpatuloy sya. Kumuha naman ito ngayon ng isang kutsarang kape.

"Ito naman yung taong namatay nang may poot at galit..." Pagkatapos ay

inihalo nito at tinimpla. "Umitim..." Tinikman nito. "Pumait..." Tumingin

ito kay Roger. "Nasagot ko na ba ang tanong mo?"

"A-Anong ibig mong sabihin? Hindi na si Ara ang nagpapakita sa'kin?" Utal

na tanong ni Roger.

"Si Ara pa rin sya. Kaya lang, pag-aari na sya ng kalikasan... Itinimpla

na may poot at galit."

"Well, let me talk to her... tulungan mo akong makausap sya."

Pagmamakaawa ni Roger.

Kumuhit pa si Ka Pineng nang isa pang kutasarang kape at inihalo doon sa

tinimpla nito. Lalong umitim ang kulay nun. "Iba na si Ara ngayon; mas

mabangis, mas galit at mas masungit..." Tumikhim ito sa tinimpla nito,

napangiwi ito sa lasa. "Mas mapait..."

"Kaya ba ayaw nyang makipagtulungan sa atin?" Ako naman ang nagtanong.

"Maaari..." Tipid nitong tugon.

"Ngayon ka lang ba naka-engkwentro ng ganito?" Tanong ko ulit.

Tumango lang ito.

"Akala ko ba eksperto ka na sa mga ganitong bagay?" Si Roger, parang

galit na naman ito.

Nagpatuloy na sa pagtitimpla si Ka Pineng. "Para akong runner na

tinanggalan nya ng paa; Na singer na pinutulan nya ng dila; Na writer na

tinanggalan nya ng kamay. Pinipigilan nya ako. Hindi ko alam kung

bakit... Tinanggal nya ang vision ko." Tumayo ito bitbit ang isang tasa.

"Magkape muna kayo..."

"Basta ako, hindi pa rin ako naniniwala na si Ara ang nagpapakita sa'kin.

Kilala ko ang anak ko..." Paninindigan ni Roger.

Wala naman nang umimik sa amin ni Ka Pineng.

Kumuha ako ng isang tasa. "Anong nangyari sa hospital?" Pag-iiba ko ng

usapan. Dalawang araw na kasi itong pabalik-balik don.

"Wala silang maibigay na pahayag sa pagkawala ni Janice at Madge."

Nakatalikod ito sa amin.

"I'll sue them!" Asik ni Roger. "Responsibilidad nila ang pagkawala ni

Janice. She's in a private room, paanong nawala sa paningin nila ang

pasyente? Kulang ba sila sa mga securities at nurses?"

"Sinampahan ko na sila ng kaso. Gayunpaman, hanapin na rin natin iyong

tatlo." Suhestyon ko.

Tumango lang ang dalawa.

"Roger, pwede ba akong makialam sa gamit ni Nana? Baka may makita akong

lead." Humigop muna ako ng kape.

"Sure..."

Dali naman akong nagpunta sa kwarto ni Nana, hinalungkat ko ang mga laman

ng cabinet nito. Hinalukay ko rin ang mga gamit nito, pero wala. Tapos

binungkal ko yung ilalim ng kama, may nakita akong picture. Lumang

picture. Sino kaya itong nasa picture? Dalawang babae. Iyong isang babae,

namumukaan ko; si Nana ito! Pero yung isa, hindi. Nakaupo ito sa tabi ni

Nana. Lumang-luma na ang larawang ito, bata pa si Nana rito.

Pagkatapos ay may nakita pa akong picture. Ito medyo bago. Si Nana, may

kasama syang babae. Si Mrs. Ocampo ito ah. Masaya sila sa picture pero

may napansin ako. Si Mrs. Ocampo may hawak ito. Pinakatitigan ko. Isang

bagay. Iyong hawak nito.

Then bumaba na ako.

"May nakita kang lead?" Tanong agad ni Ka Pineng.

"W-Wala eh..." Wala naman talaga. "Ah maiwan ko muna kayo, uwi muna ako."

"Bumalik ka agad." Utos ni Roger. "May pupuntahan tayo. Doon, baka may

makuha tayong lead."

"Saan?" Habang papalabas ako ng pintuan.

"Sa dating bahay nila Nana. Apat na oras ang biyahe dun." Sagot nya.

"Sige. Mabilis lang ako."

MINUTO nga lang at narito na ako sa apartment ko. Pero tumungo ako sa

third floor kung saan nakatira sina Mrs. Ocampo at Janice. Bago yun,

kinapa ko muna itong revolver ko sa bulsa. Mabuti na iyong handa.

Hindi naka-lock ang pinto kaya dumiretso na ako pagpasok. Marahan akong

humakbang papasok. Iyong sahig, lumalangitngit. Dito muna ako maghahanap

ng lead.

Tapos humugot ako sa aking bulsa, tiningnan ko ulit iyong picture ni Mrs.

Ocampo. Ang ganda nya sa picture na 'to. Hay naku, miss ko na sya. Tapos

nabaling ulit ako dun sa bagay na hawak nya. Iyong bagay na hawak nya.

Dumiretso ako sa kusina. Bakit kaya ganito ang amoy dito, ang lansa!

Tumuloy ako sa banyo. Ang sangsang ng amoy!

Humakbang ako patungo sa kwarto. Tinakpan ko ang ilong ko.

Dahan-dahan. Ang tahimik. Kinakabahan tuloy ako.

Marahan. Lumapit ako.

Nakaiwang yung pinto ng kwarto.

Lalong bumabaho, habang papalapit ako.

Dahan-dahan. Malapit na ako.

Hinugot ko yung revolver ko, tas itinutok ko.

Ano kaya ang nasa loob ng kwartong ito?

Bubuksan ko na.

Heto na.

Biglang may -

Lumangitngit! Sh*t!

May tao! May pumasok na tao!

Nagtago ako.

Iyong pinto papasok, sinilip ko.

Wala namang tao.

Pero may naramdaman akong pumasok kanina.

Nanginginig ako.

Lumapit ako doon.

Wala ngang tao!

Napadako muli ako sa kwarto.

Para kasing may narinig ako. Sa loob non.

May naririnig nga ako!

Ano kaya iyon?

Kumakabog ang dibdib. Humakbang pa ako. Napalunok ako.

Nanginginig ang tuhod ko.

Malapit na ako. Malapit na, hayan na ko!

Dahan-dahan. Iyong pintuan.

Marahan kong - binubuksan.

Alerto ako sa aking mamamataan.

Dahan-dahan.

Bumubukas na.

Marahan.

Heto na.

Isa. Dalawa.

Sheeeet!

Walang tao!

Tagaktak ang pawis ko! Whew!

Doon sa kama. May bagay.

Hinugot ko muli iyong larawan. Iyong bagay.

Sa picture ni Mrs. Ocampo, may hawak ito.

Itong bagay.

Katulad nong nasa kama.

Ang bagay.

Isang bagay.

Malapad. It's Black.

Isang uri ng hat.

A Black hat.

A Cowboy Hat!

TBC

JAMILLE FUMAH

Makibalita kay ARA sa kanyang page: I LOVE YOU ARA -JF

[ https://www.facebook.com/ILoveYouAra.JFstories ]

####################################

SHE'll Kill Us All

####################################

xxILY, ARAxx

@jannaakawaiinee , at sa iba pa... Salamat sa inyo. Malapit na malapit na

tayo,

Sana walang iwanan! At natutuwa ako sa inyong mga komento, kasi kahit

simple lang ang mga pangyayari ay nagti-tiyaga pa rin kayo.

Nung isang araw pala, binangungot ako. Sabi ko kasi bakla si Ara! Ayaw

pala niya nang jino-joke siya. Tsk.

[ Start ]

Una.

Humawak ka nang mabuti sa iyong kinauupuan.

Huminga ka nang malalim at wag kang kabahan.

Pangalawa.

Wala kang lilingunin,walang ibang titingnan.

Wala kang ibang gagawin, magbabasa ka lang.

May mensahe sya sa'yo, ikukwento nya ito.

Kaya't wag kang kukurap, sa nakasulat dito.

Maya-maya kasi may kakatok sa inyo.

Oo sa'yo, dyan sa pinto nyo.

Iyong killer ni Ara, naku nandito.

Nadito sa -

labas ng pinto.

Pangatlo! Kapit lang - start na tayo.

[ START ]

Carlos "Isko" Abanilla's POV:

HINDI na ako sumama kina Roger at Ka Pineng sa pupuntahan nilang

probinsya. Ayon pa kay Roger, doon daw lumaki sila Nana at Roli kaya

marami akong makukuhang lead sa lugar na iyon. Ewan pero mukhang mas

marami pa akong makukuhang lead dito sa bahay nila kaysa don kaya pinauna

ko na sila. Usapan namin na susunod na lang ako sa kanila.

Isa pa, alam ko naman na iyong lugar. Ipinaliwanag sa'kin ni Roger ang

daan at tatawag-tawagan na lang daw nila ako. Sa ngayon ay narito na ako

sa bahay nila -

dito kila Ara.

GABI.

Binuksan ko yung ilaw.

Hayun yung kabaong ni Ara.

Ako lang ang tao dito.

Pinuntahan ko yung kabaong ni Ara. Tapos sinilip ko sya.

Sinilip ko sya.

Sinilip ko sya.

Sinilip ko sya.

At -

Hayun sya. Parang natutulog lang. Sayang. Napakabata nya pa.

Pagkatapos ay umakyat ulit ako sa 2nd floor. Mabuti na lang at may

malaking salamin dun. Well, tiningnan ko itong aking sarili kung bagay ba

sa'kin itong cowboy hat na nakuha ko sa kwarto ni Mrs. Ocampo. Bagay nga!

Kay Maria Ocampo nga kaya talaga ito? Pagkatapos ay hinugot ko muli iyong

picture nya sa bulsa ko. Sa picture na yun, sya kasi yung may hawak nito.

Tapos napaisip ako dun sa lumang picture. Si Nana at iyong isang babae.

Sino nga kaya ang babaeng iyon? Ibinigay ko ang lumang picture na iyon

kay Roger kanina. Ang sabi nya, hindi nya raw iyon kilala. Noon nya lang

daw pati nakita ang picture na iyon kung hindi ko pa ibigay sa kanya.

Tumungo muli ako sa kwarto ni Nana. Ang target ko: Hanapin iyong photo

album nila. Pero wala iyon dito, hindiko nakita. So bumaba ulit ako ng

bahay. Hayun ulit iyong kabaong ni Ara. Lumapit ulit ako dun.

Sinilip ko sya.

Animo nga'y natutulog lang sya. Nakapikit.

Sa uluhan nya, may nakita ako.

Ano yun?

Sinipat ko nang tingin.

Ano kaya yun?

Parang -

Bangaw!

Inangat ko yung takip ng kabaong. Naroon pa rin ang bangaw.

Pero malikot itong bangaw. Sumiksik don sa buhok ni Ara.

Hinalukay ko nga. Pero marahan lang.

Hindi ko maiwasang mapasulyan sa mukha ni Ara.

Nakapikit.

Bumaling ulit ako sa buhok. Kinapa ko itong bangaw.

Napabaling muli ako sa mukha nya.

Nakapikit.

Tapos hinanap ko ulit itong bangaw.

Pero napatingin ulit ako sa mukha nya.

Nakapikit.

Balik ako sa paghahanap. Dahan-dahan sa buhok nya.

Tapos sa mukha nya ulit.

Nakapikit.

Tapos sa buhok ulit. Nakakapa ko na.

Tapos sa mukha nya.

Nakapikit.

Sa Buhok nya. Hayun! Nahuli ko na.

Tapos sa mukha nya.

Nakadilat.

Tapos sa buhok nya. Kinuha ko na itong bangaw at -

Teka!

Napahinto ako.

Tama ba iyong nakita ko kanina?

Nakadilat!?

Napalunok ako nang madiin.

As in malalim.

Pero ayoko ng tumingin.

Pero marahan pa rin akong bumaling.

Nangangatog ako.

Marahan lang ako.

Titingnan ko ang mukha nya.

Baka namalik-mata lang ako.

Heto na.

Titingnan ko na.

Hayan na.

Nakadilat nga!

Nakadilat si -

ARA!!!

Sa takot ko, napatakbo ako palabas ng bahay nila. Mabilis akong sumakay

sa sasakyan ko at pinaharurot ito pauwi sa amin. Halos hinihingal pa ko

nang makarating ako sa apartment ko. Totoo ba ang nakita ko? O baka naman

- nadala lang ako ng takot ko?

Hindi tuloy ako mapakali kaya tinawagan ko sina Roger at Ka Pineng. Pero

hindi nila sinasagot ang tawag ko. Kanina pa silang tanghali umalis pero

mukhang nasa biyahe pa rin sila ngayon. Hindi ko namalayan, patay pala

iyong ilaw.

Bubuksan ko sana nang mapahinto ako.

Kasi sa harapan ko -

May tao!

Nakatayo.

Nakasuot ng -

Cowboy hat!

Nahugot ko ng mabilis ang revolver ko at itinutok dito.

Sh*t!

Natawa tuloy ako.

Nakaharap lang pala ako sa salamin. Ang dilim kasi! Binuksan ko na itong

ilaw. Napa-paranoid lang siguro ako dahil sa mga pangyayari. Nawala sa

isip kong suot ko pa pala itong cowboy hat ni Mrs. Ocampo. Tapos napaisip

ako. Siguro kailangan ko itong ibalik doon. So pumunta ulit ako sa

apartment ni Maria. Ganun pa rin dito, hindi pa rin naka-lock ang pinto.

Pumasok ako sa loob at isinara ko iyong pinto. Malansa pa rin ang amoy.

Kinikilabutan pa rin ako. Bakit kaya? Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi dapat

ako matakot. Pero kinakabahan ako.

Tinanggal ko itong cowboy hat sa ulo ko at inilapag ko sa mesa.

Pagkatapos ay tinungo ko iyong kusina.

Ganun pa rin.

Tapos don sa banyo.

Ganun pa rin.

Tapos dun sa kwarto.

Ganun p - Diyos ko ano yun?!

Napalunok muna ako bago ako marahang lumapit.

Ano ito?

Dahan-dahan. Papalapit.

Ano ka ito?

Papalapit.

Parang may -

Tulog sa kama!

Lumapit pa ako.

May tulog sa kama!

Malapit na ako.

Nakakumot.

Hayan na ako.

Iyong tulog sa kama, nakakumot.

Malapit na ako nang may -

Tok! Tok! Tok!

May kumatok sa labas.

Hinugot ko itong aking revolver at marahan akong lumabas ng kwarto. Pero

bago yun, tiningnan ko muna itong tulog sa kama. Nakatalukbong ito ng

kumot. Sino kaya ito? Bumaling na ulit ako sa may pinto.

Tok! Tok! Tok!

Lumapit ako nang bahagya. Sino pa ba ang magtatangkang kumatok dito,

malalim na ang gabi?

Tok! Tok! Tok!

Inihanda ko ang sarili ko. "S-sino yan?" Tanong ko.

Walang sagot.

Tok! Tok! Tok!

Pero kumakatok.

Bahala na. Bubuksan ko itong pinto. Bakit ako matatakot? May baril ako.

Tapos.

Marahan kong binuksan itong pinto.

Marahan lang.

Itinutok ko itong revolver ko.

Marahan lang.

Bumubukas na.

Hayan na.

Heto na.

Iyan na!

Isinukbit ko agad itong revolver ko. "A-Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko

sa bumungad sa akin.

Pero hindi sya umimik. Nanginginig sya at duguan ang mga kamay nya.

"Halika pumasok ka!" Inalalayan ko sya agad papasok. Dinala ko sya sa

kusina.

Marahan lang syang umupo sa bangko, sa kusina. Tila tulala.

Ako naman kabado na. "A-Anong nangyari? Nasaan sila? Dalawang araw na

kayong nawawala ah..."

Tumingin lang sya sa akin. Naluluha ang mga mata nya.

Hindi ako makatingin sa kanya nang diretso. Humugot ako ng cellphone para

tumawag kina Roger at Ka Pineng pero inawat nya ako. "T-Tubig..." Sabi

nya.

"Sandali... kukuha lang ako..." Tumakbo ako sa dulong kusina at kumuha ng

tubig. Ngunit walang malinis na baso. Naghugas muna ako ng baso. "Pinag-

alala nyo kami ng husto... Saan ka ba nagpunta? Saka - nasaan sila?"

Habang naghuhugas ako ng baso.

Walang sagot mula sa kanya.

Kumuha ako ng pitsel sa refrigerator. Nangangatog ako. "W-Wag kang mag-

alala. Gagawin ko ang lahat para mabigyan ng katarungan ang mga

nangyayaring ito." Nagsalin ako ng tubig sa baso. "Pero bago yun,

kailangan ko munang malaman kung nasaan -" Naramdaman ko na lang umikot

ang paningin ko.

Bumagsak ako sa sahig!

Nahilo ako. Masakit!

Sinubukan kong tumayo pero hindi ako makatayo. Ang ulo ko, masakit.

Kinapa ko ang ulo ko. Paanong?!

May dugo!

Pero bakit?

Kailan?

Tapos napatingin ako sa kanya.

Walanghiya! Nakangiti sya.

May hawak syang -

- martilyo!

Kung ganun sya. Sya pala!

Sya pala ang -

- killer ni Ara!

Pinukpok nya pala ako sa ulo. Nasaan ang revolver ko? Sh*t! Hayun, nasa

paanan nya. Kinuha nya iyon at isinukbit sa kanyang tagiliran. Tapos

pumunta sya sa mesa. Kinuha nya iyong - cowboy hat. "Finally, nakita din

kita..." Tapos isinuot na nya iyon.

Hindi ako makagalaw, ni makakilos. Pagkatapos ay pumunta sya sa kwarto.

Narinig kong may hinila sya. Paglabas nga nya ay may -

Hila-hila na sya!

Hila-hila nya sa buhok -

- kinakaladkad nya!

Ito iyong tulog kanina don sa kwarto ah. Pero - Mukhang patay na! Puro

dugo iyong paa!

Tapos pinakatitigan ko iyong kinakaladkad nya. Dito na ako napaluha.

Panginoon ko!!! Iyong hila-hila nya -

- si Janice yata. Patay na!

Napahagulhol ako. Paano nya ito nagawa? Bakit nya ito nagawa? Baliw sya!

Baliw! Lahat kami - papatayin nya. Inilapag nya si Janice sa tapat ng

pinto at lumapit sya sa akin.

Nakangiti sya. "Ikaw na ang sunod - Isko." Sunod non ay bumwelo sya, sa

kaliwa nyang kamay - may martilyo.

Ugh!

Sapol ako sa sentido.

Ugh!

Sapol ako sa panga.

Ugh!

Sapol ako sa mata.

Ugh!

Sapol +k+ +###! Diyos ko!

Ugh!

+##ol +# ++##!

TBC

JAMILLE FUMAH

Makibalita kay ARA sa kanyang page: I LOVE YOU ARA -JF

[ https://www.facebook.com/ILoveYouAra.JFstories ]

####################################

HAUNTING Activity [ Part1 ]

####################################

Ano yun?

Patak ba yun ng tubig?

Halos hindi ko maimulat ang aking mga mata. Itong ulo ko, masakit.

Sinubukan kong tumayo - pero hindi ko kaya. Masakit ang aking mga paa.

Madilim. Wala akong makita. Pero may naririnig akong patak ng tubig.

Nasaan ako? Anong klaseng lugar ito? Tapos napaigtad ako sa aking

naalala. Shit! Ano kayang nangyari sa kanya? Okay lang kaya sya? Fvck! Si

-

Si -

Si Janice! Kamusta kaya sya?

Pinilit kong alalahanin ang lahat. Sa hospital, oo! Ako ang bantay nya

pero iniwanan ko sya. Ang sabi ko sa kanya ay bibili lang ako ng pagkain

namin pero hindi yun ang totoo.

Hindi yun ang totoo! Napahagulgol ako.

Sa lamay pa lang kasi ni Ara, nakita ko na sya. Napatingin ako sa kanya.

Nakita ko syang -

Walang PAA!!!

Tapos yung mukha nya blangko - wala akong makita!

Hanggang sa dinala nga namin sya ni Mrs. Ocampo sa hospital. Kaso ganun

pa rin. Iyong mukha nya - blangko pa rin.

Sa lamay pa lang ni Ara pinakatitigan ko na sya. Baka kasi namimilik mata

lang ako. Pero ganun pa rin eh. Tulad ni Ara nun, ganun din!

Iyon ang totoo kaya dinahilan kong lalabas ako. Di ko na kasi kayang

makita sya. Kinikilabutan kasi ako, tangina! Tapos inalala ko pa. Paano

ba ako napunta dito? Ang naaalala ko, dun ako dumeretso sa parking lot

kahit walang tao. Tapos hayun!

Hayun naalala ko!

May pumalo sa ulo ko!

Pinalo ako ng martilyo!

Nilinga ko ang paligid. Nagsimula na akong kabahan. Naluluha ako pero

pilit kong pinipigilan. Alam kong nasa paligid lang sya. Papatayin nya

ako! Papatayin nya kami! Lahat kami - papatayin nya!

Maya-maya nga ay bumukas ang pintuan. Naroon ang liwanag na sumalubong sa

akin na aking ikinasilaw. Heto sya - tumambad sa aking harapan. May hila-

hila syang -

LALAKI!!!

Hila-hila nya sa isang paa ang isang lalaking tila walang malay-tao.

Nakikita ko kahit nasisilaw pa rin ako.

Lumapit sya sa akin ng bahagya. Naka-cowboy hat sya at sa kaliwang kamay

nya ay may hawak syang martilyo. Napatingin ako dun sa taong hinihila

nya. Dito na ako napamura! Kilala ko ang lalaking ito - kilala ko ito!

Kusang yumugyog ang aking balikat. May halong takot ang aking pag-iyak.

Ang babaeng ito - pinatay nya ang lalaking ito. Pinatay nya itong si -

ISKO!!!

Then sumungaw sya sa akin. "Ikaw na ang sunod..."

Jesus! Dito ko na sya nakilala. Bakit? Bakit sya? Bakit sya pa?

Imposible! Grabe talaga! Grabe!

"Handa ka na ba?" Bumwelo sya sa kaliwa. Sa hawak nyang martilyo,

bumwelo sya.

Gising! Gising! Hindi pa ako pwedeng mamatay! Kailangan kong umilag o

lumaban man lamang. Tapos sinubukan kong gumapang.

Gumapang.

Gumapang.

Ano itong malagkit sa sahig?

Dugo?

Dugo nga!!!

Tatayo ako at tatakbo! Pero hindi ako makatayo. Nilingon ko ang mga binti

ko.

Nilingon ko.

Nilingon.

Nili -

Suko na ako.

Pvtangina!

Wala na pala akong mga -

PAA!!!

Wahhhhhhhhhhhh!!!

Ugh! Ugh! Ugh!

P.S. - Madrigal Celeste's POV.

Her body was never found.

Please pray for her.

Oh by the way.

You can call her -

Madge.

[ START ]

ROGER's POV

Damn it! Bakit hindi ko ma-contact si Isko? Usapan namin ay susunod sya

ng madaling araw dito sa probinsya nila Nana. Tamad talaga ang isang ito.

Sinabi ko lang na masmabilis ang biyahe sa madaling araw eh - hindi

sumabay sa'min kagabi.

Anyway, heto na nga kami ni Ka Pineng patungo dun sa dating bahay nila

Nana at Roli. Si Ka Pineng ang driver. Pero bago yun, pansamantala muna

kaming tumuloy sa isang hotel kaninang madaling araw para magpalipas ng

umaga. Usapan namin ni Isko na dun nya kami pupuntahan. Kaso nga heto at

tanghali na, wala pa ring paramdam.

Kagabi ko pa napansin itong malaking bagahe ni Ka Pineng. Ano kaya ang

laman nun. Nagkibit -balikat na lang ako.

"Sino pa ang nakakaalam ng lugar na ito?" Tanong ni Ka Pineng habang

nagmamaneho sya.

"Si Mrs. Ocampo bukod sa'kin." Panay pa rin ang dial ko sa aking

cellphone.

"Matagal na bang kaibigan ni Nana si Mrs. Ocampo." Tanong nya ulit.

"Siguro. Pero ang alam ko - matagal nang naging kasintahan ni Roli itong

si Mrs. Ocampo."

Tila sya nasamid at nai-preno ang sasakyan. "Ibig mong sabihn... dating

magkasintahan si Mrs. Ocampo at Roli?"

"Yup! Akala ko nga noon ay sila na ang magkakatuluyan kaso - dumating

bigla si Laurie." Hinugot ko yung larawan na ibinigay sa akin ni Isko

bago kami naghiwalay kagabi.

"Si Laurie yung napangasawa ni Roli..."

"Eh nasaan na itong si Laurie?" Huminto ang sasakyan namin.

"Never been found until now. At duda akong si Roli ang pumaslang sa mag-

ina nya." Bumaba ako ng sasakyan.

"Mag-ina? You mean, may anak pa sila." Bumaba na rin sya.

"Hinala ko rin na si Roli ang pumatay kay Ara."

"Tingin ko hindi." Umiling sya.

Nangunot ang noo ko. "Paano mo naman nasabi?"

"Sabi sa'kin ni Isko, posible raw babae ang killer. Based in his

investigation, mula sa mga sugat na natamo ni Ara -"

"Pwede bang wag na nating pag-usapan yan?" Hindi ko na sya pinatapos.

Ayokong pag-usapan kung paano pinatay si Ara.

Napasinghap na lang sya. "Okay. Isang tanong na lang."

Hindi ako umumik.

"Naging defense attorney ka ni Roli diba? Napansin mo bang kaliwete sya

magsulat?"

"Kanan." Mabilis kong tugon.

"So hindi nga sya. Ayon pa kay Isko, kaliwete daw ang killer at - ayoko

na magkwento. Baka sakalin mo na ako." Tinapik nya ako sa balikat.

Napatingin sya sa picture na hawak ko. "Ano yan?"

Napatingin din ako dun. "Picture ito ni Nana nung labing-siyam na taong

gulang pa lang sya." Sa totoo lang, ngayon ko lang nakita ang picture na

ito.

"Sino yung kasama nya sa picture?"

"Hindi ko rin alam." Napabuga ako ng hangin. "Nakita lang daw ito ni Isko

sa ilalim ng kama namin sa kwarto."

"Well I'm expecting na marami tayong makikitang ganyan dito sa lumang

bahay ni Nana..." Luminga sya sa paligid.

"Teka! Bakit nga pala tayo nandito? Medyo malayo pa ang bahay ni Nana

dito." Sabay tingin ko sa aking wrist watch. Ala-una na pala ng hapon.

"May hihintayin lang tayo sandali."

Minuto nga lang at may sumulpot na dalawang lalaki.

"Heto na sila." Sinalubong ito agad ni Ka Pineng. "They're my crew..."

"Ha?" Ano ba yan nagsama pa itong matandang ito ng back up.

"Guys this is Roger." Bumaling sya sa akin. "Roger, ito si Cary." Itinuro

nya yung lalaking blonde at kulot. Maliit lang ito. "Ito naman si Fin..."

Tinapik nya sa balikat ang isang lalaking malaki ang pangangatawan. Naka-

eye glasses ito at may makapal na bigote.

"Hi Roger... nice to meet you." Bati sa'kin ni Fin.

Kinabig ko si Ka Pineng. "What the hell are they doing here? Don't tell

me isasama mo sila?"

"Listen to me Roger. We need them. Kasama ko na sila for more than 10

years sa mga ganitong activity." Bulong nya sa akin.

"What do you mean activity?"

"Paranormal activity." Nilingon nya ang dalawa. "Mas matalas ang

pakiramdam ng dalawang yan kaysa sakin."

Napailing na lang ako. "Okay. Pero kargo mo ang dalawang yan ha..."

"Of course!"

Tapos ay sumakay na nga kami ng sasakyan papunta kina Nana. Itong si Fin,

kalalaking tao eh madaldal. Samantalang si Cary naman ay tahimik lang.

Wala itong ibang ginawa kundi tingnan ako. Naiilang tuloy ako.

Minuto lang at narito na kami sa lumang bahay. Namangha ang lahat sa

aming nakita. Yup! Malaki ang bahay na ito at - mukhang hunted house.

Matagal na kasing itinirik ito dito. Panahon pa yata ng mga kastila.

Malayo ito sa ibang kabahayan at napapalibutan ng kagubatan. Hindi ko na

nga lang matandaan kung ilan ang kwarto nito sa loob. Lima yata o apat?

Basta ang alam ko lang, mayroon itong dalawang kusina, anim na maliit na

at isang malaking banyo at tatlong sala.

Pagkatapos ay pumasok na kami. Pagbukas ko pa lang ng pinto sa maindoor

ay sinalubong na kami ng masangsang na amoy. Nakakapagtaka lang na parang

ayaw pumasok nina Cary at Fin. Sinenyasan ko sila. "Let's go inside..."

Pero mukha lang silang tangang nakatulala sa looban.

Napatingin na rin ako sa loob. Nasa unahan ko si Ka Pineng, tulala rin

ito.

"Ano ang amoy na yun?" Hahakbang sana ako ng mapaatras si Ka Pineng.

May sinusundan sya ng tingin. Sinundan ko rin ng tingin pero wala naman

akong makita. Pagkatapos ay umayos sya ng tao. "Umuwi ka na Roger. Kami

ng bahala rito."

"Ha?" Napatigagal ako dun ah.

"Delikado ang lugar na ito." Lumilinga pa rin sya sa paligid.

Ako naman ay pinagpapawisan na ng malapot. Madidiin din ang aking

paglunok. "What do you mean?"

Tumingin sya sa akin. "Dito pinatay si -

ARA..."

Oh Lord! Napaatras ako sa sinabi nya. Ngunit pinilit kong maging

matapang. "Hindi ako uuwi!"

Yumuko lang sya. "Okay... pero hanggang ngayong gabi ka lang ha."

Ngayong gabi? Ibig sabihn - dito kami matutulog? Tangina eh ngayon pa nga

lang umaga natatakot na ako, lalo na kaya kapag nagdilim na. Tumango na

lang ako kahit di ako sigurado.

Pumasok na rin sina Cary at Fin, bitbit nila yung malaking bagahe ni Ka

Pineng. May laman yung mga kandila, flashlights at tila maraming sinulid

na ewan. Kakaiba eh, parang hindi ordinaryo.

Tinungo namin yung second floor. Sa gitnang bahagi, kumuha sila ng upuan

at dun nila pinaupo itong si Fin. "Wag kayong aalis dito." Bilin ni Ka

Pineng sa amin.

Bumaba sila ni Cary at may dala silang mga sinulid. Pero bago yun,

itinali muna nila kay Fin yung sinulid. But I am curious kaya sinundan ko

sila. Nakita kong itinali nila yung mga sinulid sa iba't ibang parte

nitong bahay at yung dulo nga ng sinulid ay nakakonekta kay Fin. Bumalik

ako kay Fin. "Sigurado ba kayo sa ginagawa nyo?"

Ngumiti ito sa'kin. "Matagal na namin itong ginagawa."

Hindi na ako umimik. Siguro ay inabot din sila ng ilang oras bago

natapos. Nakakonekta lahat ng sinulid kay Fin na itinali nila sa mga

binata, pintuan, banyo, kwarto at kung saan-saan pang pwedeng daanan.

Pagkatapos nun ay kanya-kanya kaming hawak ng flash light. Sakto at

magdi-dilim na. Kinakabahan na ako tangina!

"Makinig kayo." Bulong ni Ka Pineng. "Ang sinulid na ito ay glow-in-the-

dark kaya makikita natin ito sa dilim. Ang base natin ay si Fin. Kung

alinmang sinulid na nakakunekta sa kanya ang gumalaw ay kailangan nating

puntahan yun. Madali lang naman sundan." Bumaling sya sa akin. "Pero -

kapag pakiramdam nyo ay naliligaw na kayo, bumalik kayo dito sa base

natin. Maliwanag ba Roger?"

Tumango lang kahit nanginginig na ako sa takot.

"Kailangan natin syang mahanap." Sabi pa nya.

"Sino?" Tanong ko agad.

"Si Ara."

Namilog ang mga mata ko.

"Kapag nakita nyo sya, dalhin nyo sya agad dito sa base natin."

Tigagal lang ako. Parang hindi ko yata kaya 'to.

"One more thing..." Si Ka Pineng ulit. "Bawal tayong sumigaw. Bulungan

lang."

Bakit kaya? Imbes na magtanong pa ako, nanahimik na lang ako. Ramdam ko

rin kasi ang pananahimik nila. Mukhang maging sila kinakabahan din.

Hanggang sa dumilim na nga.

Wala nga palang kuryente dito.

Seryoso ang tatlo. Si Fin, nakatulog yata habang nakaupo. Alam ba nito na

sa kanya nakapulupot itong mga sinulid?

Samantalang ako ay panay pa rin ang contact kay Isko. Hindi pa rin ito

sumasagot. Damn! Ano na kayang nangyari dito?

Biglang dumilat si Fin! Nagulat ako. "Sa baba... sa labas" Sabi nya.

Napatingin nga ako dun sa isang linya ng sinulid.

Gumagalaw.

"Ako na ang pupunta?" Sabi ni Cary. May dala itong flashlight.

Tinanguan lang ito ni Ka Pineng.

Bumaba si Cary ng marahan sa hagdan. Ang tapang naman nito.

Maya-maya'y gumalaw ulit yung isang linya ng sinulid. "Sa banyo... sa

malaking banyo..." Sabi ni Fin. Dilat lang ito at hindi kumukurap.

Tumingin sa akin si Ka Pineng. "Puntahan mo..."

Napapikit ako! Pwede kayang tumanggi? Pero nilakasan ko na ang loob ko.

Binuksan ko yung flashlight ko. Malay ko ba, baka si Ara agad ang makita

ko.

"Iwasan mong masagi yung mga sinulid ha?" Bilin nya sa akin.

Madali naman iwasan. Kitang-kita naman sa dilim itong mga sinulid.

Marahan na kong bumaba sa hagdan. Sinusundan ko yung galaw nung sinulid.

Oo nga, patungo nga yun sa malaking banyo.

Dahan-dahan akong humakbang.

Madilim.

Pababa ako ng hagdan.

Malamig.

Nasaan na kaya si Cary? Panay ang linga ko sa paligid. Napakalaki at

napakalawak naman kasi ng bahay na ito. Hindi ko namalayan, nawala na sa

paningin ko yung linya ng sinulid na sinusundan ko.

Pero meron akong namataan.

Dun sa kanan ko.

Sa ibaba.

May gumalaw.

Iyong sinulid - gumalaw!

So marahan ko yung pinuntahan.

Mabuti na lang may flashlight ako. Inilawan ko. Walang tao.

Bumaba pa ako.

Inilawan ko.

Walang tao.

Sinundan ko yung galaw ng sinulid.

Papasok dun sa banyo.

Iniliwan ko.

Walang tao.

Tapos may nakita ako.

May batang nanakbo.

Dioys ko! May batang nanakbo!

Paano nagkaroon ng bata rito?

Kaya inilawan ko.

Pero wala na ito.

Bvllshit! Nanginginig na ako!

Pakiramdam ko naliligaw na ako.

Bilin ni Ka Pineng, kapag pakiramdam ko raw ay naliligaw na ako - bumalik

na ako sa base. So mabilis akong bumalik sa pinaggalingan ko.

Patakbo akong umakyat sa hagdan, sa gitna.

Hayun si Fin. Nakaupo pa rin.

Kaso wala si Ka Pineng.

Lumapit ako kay Fin. "Asan si Ka Pineng?"

Wala syang tugon sa akin.

"Fin?" Tawag ko ulit.

Pagkatapos iniliwan ko sya.

Inilawan ko nitong flaslight kong dala.

Tumambad sa akin yung mukha.

Iyong mukha nya.

Iyong mukha nya tangina!

Tila hinampas ng martilyo, yupi yung mukha nya!

Patay na si Fin pvtangina!!!

Sinong may gawa nito sa kaniya?!!!

TBC

TBC-To Be Continued. Ito po ay on-going... Salamat sa mga readers na

'matiyagang' maghintay sa aming UD. We have other things to do too... you

know. But we enjoy sharing free stories sa lahat ng nais malibang... at

makilala si ate Ara.

JAMILLEFUMAH

####################################

HAUNTING Activity [ Part2 ]

####################################

xxILY, ARAxx

[ START ]

Roger's Santos POV:

Totoo ba itong nakikita ko? Kanina lang kausap niya ako.

Nananaginip ba ako? O bangungot lang ito?

Iniliwan ko ulit itong mukha niya, oh.

Iyong mukha niya, puro dugo.

Tapos sabog ang kanyang bungo.

Nayupi yata iyong kanyang noo.

Hindi na siya humihinga! Diyos ko po!

Patay na si Fin.

Ilang beses ko pang ikinurap ang aking mga mata. He's still there infront

of me. Prente pa rin siyang nakaupo sa bangko. Nangangatog ako. Hindi ako

makagalaw sa aking kinatatayuan. Gusto kong tumakbo sa takot pero

kinakabahan ako. Hindi ako makakilos, ni makalingon kahit saan.

Para kasing ang bilis ng mga pangyayari. Nalingat lang ako tapos ganito

na. Ilang segundo ba akong nawala? Minuto ba? Oras ba? Oh cr*p! Hindi pa

rin ako makapaniwala.

Will I scream? Oo! Tatawagin ko si Cary. Tatawagin ko si Ka Pineng.

But wait! Mahigpit na ipinagbilin ni Ka Pineng na wag akong gagawa ng

ingay. Eh pvta anong gagawin ko?

"Ka Pineng..." I lost myself. Nasambit ko. Pero kulang. Mahina ang tinig

ko.

"Ka Pineng." Sabi ko. Pero usal lang ito. Oh God! Takut na takot na ako!

"Ka Pineng!" Hindi na ako nakapagtimpi, napasigaw ako.

Mayamaya, iyong mga sinulid -

Iyong mga sinulid sa paligid ko. Gumagalaw.

Lahat ng sinulid. Gumagalaw.

Itong sinulid na nakakonekta kay Fin. Gumagalaw.

Anong ibig sabihin nito? Bakit gumagalaw lahat?

Itong mga sinulid. Gumagalaw lahat.

Then, huminto lahat sa paggalaw.

Katahimikan.

Tapos may narinig ako.

May narinig akong nananakbo.

May mga yabag ng nananakbo.

Mula sa ibaba, may nananakbo.

Papunta sa hagdan itong may nananakbo.

Pataas ng hagdan itong nananakbo.

Palapit yata sa akin itong nananakbo.

Holy Crist! Roger takbo!

Pero ano ito? Hindi ako makagalaw paano 'to?!

Kaya dumapa na lang ako. Nanginginig kong pinatay itong flashlight ko.

Pinilit kong gumalaw, gumapang ako.

Papalapit na itong nananakbo.

Gumapang ako. Mabilis ang gapang ko.

Malapit na itong nananakbo.

Gapang pa! Gumapang pa ako.

Hayan na itong nananakbo.

Ako naman, lalong bumilis ang paggapang ko.

Heto na itong nananakbo.

Kaya ako, gumapang pa nang todo.

Madilim. Basta gumapang lang ako.

Tapos may nakapa ako. Ano ito? Tila ba balat ng tao.

Nakatayo. Malamig. Para bang paa ng tao.

Kaso madilim. Hindi ko makita kung kaninong paa ito.

Basta humakbang ito. Papasok sa pinto. Sa loob ng isang kwarto.

Gumapang ako. Sinundan ko ito. Namalayan ko na lang na nasa loob nga ako

ng isang silid. Buong lakas akong umupo at marahang isinara ang pinto.

Pagkatapos, gumapang pa ako. Hindi ko na nga alam ang ginagapangan ko.

Kagagapang ko, may nakapa akong butas. Butas sa pader, malaking butas.

Siguro kasya ang isang tao.

Pumasok ako don, gumapang ako. Tingin ko, sa kabilang kwarto din ito.

Gumapang pa ako. Hanggang sa may nakapa ako. Ano kaya ito? Animo'y isang

libro. Kinuha ko. Bahagya kong inilawan. Oh! Photo album pala ito. Kanino

kaya ito? Isinilid ko muna sa pocket ng coat ko.

Naramdaman ko na lang na tagaktak na pala ang pawis ko. Luminga ako sa

paligid. Madilim. Wala akong makita. So binuksan ko itong flashlight ko.

At hayun, nasa loob din ako ng isa pang kwarto. Inilawan ko itong butas

na nilusutan ko, tanaw ko yung pinto na pinasukan ko. Doon sa kabilang

kwarto.

Sino kaya iyong nananakbo? Iyong papalapit sa aking nananakbo? Kanino

kayang paa iyong nahawakan ko? Iyong pumasok sa kwartong ito? Sino kaya

iyong bata kanina na nakita ko?

Biglang lumangitngit iyong pinto. Iyong pintong inilawan ko.

Heto na naman itong kaba ko! Natatakot ako!

Marahang bumubukas iyong pinto.

Napalunok ako.

Iyong pinto, bumubukas ito.

Napaatras ako.

Malapit ng bumukas iyong pinto.

Humihingal ako.

At heto na, bumukas na iyong pinto.

Itong flashlight ko, nakatutok pa rin dito.

Pero walang pupamasok. Bumukas ito pero walang tao.

Naghintay pa ako. Pero wala talagang pumasok mula sa labas nito.

Tatayo na ba ako? At isasara ko ito?

Pupuntahan ko na sana kaso may pumasok na.

Napaatras pa ako sa aking nakita.

May pumasok kasing isang babae, tang*na!

Bahagyang nakatingala, nakaliyad pa!

Nakaputi, mahaba ang buhok ng p*tangina!

Lumalakad pero wala namang paa.

Waaaaah! Napaatras ako. Gusto kong sumigaw pero napipilan ako. Nilingon

pa kasi ako nitong babae. Jesus! Ano ito, multo? Iyong bata kaninang

nakita ko? Multo? Iyong paang nahawakan ko? Multo? Nawala ako sa sarili,

basta tumakbo na lang ako.

Hindi ko alam kung saan ako nakarating. Wala kasing patid sa pagtakbo

itong mga paa ko. Ang naaalala ko lang, natalisod ako. Heto ako ngayon sa

ilalim ng lamesa. Akala ko naiwan ko na itong flashlight ko! Hindi na

kasi umiilaw. Tinapik-tapik ko. Hindi pa rin umilaw.

Tapos may narinig akong mga hakbang.

Naglalakad.

Nakita ko mula sa ilalim ng lamesa.

Lumalakad.

Marahan lang ito, parang may hinahanap.

Huminto ito sa paglakad.

Napaigtad ako ng bumulong ito. "Roger..."

Namilog ang mga mata ko.

--Si Cary!

I was about to stand nang may narinig ako. Ugh!

D*mn! Ano yun?

Ugh!ugh!

Tapos may lumagabog.

What happened to Cary?

Wala akong makita. Madilim kasi.

Tinapik ko ulit itong flashlight ko. Ayaw talaga umilaw. Nilakasan ko nga

iyong pagtapik. Hayun! Umilaw! Kasabay nun yung -

--muntik na akong mapahiyaw!

Oh no! Si Cary!

Holy God! Si Cary!

Panu ba 'to? Si Cary!

Si Cary kasi. Si Cary!

Napaluha ako. Halos tumulo ang laway ko.

Si Cary nakahiga.

Yumugyog ang balikat ko. Napayuko ako.

Si Cary nakatingin sa akin.

Nakadapa ako. Sa ilalim ng mesang ito.

Dilat ang kaniyang ang mga mata.

Pero hindi na siya humihinga.

Duguan ang mukha niya.

Basag ang kaniyang panga.

Umikot ang paningin ko. I ran again. Hindi ko na alam kung nasaan ako. I

found myself in the bathroom.

Ano ba talagang nangyayari? Ano bang meron sa bahay na 'to? Kanina multo

yung nakita ko. Tapos ngayon, patay na tao! Hindi! Buhay pa sana si Cary,

pero may pumatay sa kanya. Hindi ko lang natitiyak kung sino sya!

Lalabas sana ako ng banyo nang matigilan ako. Bigla kasi akong may

natanaw na tao.

Mula sa liwanag ng buwan mula sa labas - kitang-kita ko ito.

Nakasuot itong cowboy hat at may dalang martilyo.

Sino ito? Sino ang babaeng ito?

"Roger..." Napabalikwas ako when whispered at my back.

"S-Sino yan?" Bulong ko.

"Ka Pineng..."

I can't see him. Madilim kasi. Pero nakahinga ako ng maluwag nang marinig

ko siya. "Oh thank God..."

"Wag kang maingay, baka marinig nya tayo..." Sabi niya.

"Nasaan ka?" Tanong ko.

"Narito lang ako sa likod mo."

"So nakikita mo rin siya." Sabay silip ko ulit sa pintuan.

"Oo..."

"Sino siya?" Nakasilip pa rin ako.

"Siya yung - pumatay kay Ara."

Nakuyom ko ang aking kamao. "Papatayin ko sya Ka Pineng... papatayin ko

siya..." Madiin ang pagbigkas ko.

"Teka, Roger. Pagmasdan mo siya." He ceased me.

Pinagmasdan ko naman ang kilos nitong killer.

"Tingnan mong mabuti ang paggalaw niya."

"Anong meron sa pagkilos niya?" Naroon pa rin ang paningin ko rito.

"Babae siya pero mukhang sanay ang mga mata niya sa dilim." Narinig kong

napalunok si Ka Pineng. "Alam kong kaya natin siyang patumbahin. Pero

dehado tayo sa isang taong sanay pumatay."

"Ha?"

"Delikado tayo Roger. Nakikita niya tayo pero hindi natin siya nakikita.

At isa pa, sa tindig pa lang niyan, mukhang marami nang napatay ang taong

iyan. Ang taong iyan, baliw ang taong iyan." Parang naiiyak na si Ka

Pineng sa takot.

Tama si Ka Pineng. Posibleng ang babaeng ito ay sanay ang paningin sa

dilim. Hindi ito magdadalawang isip na patayin kami once na makita nito

kami. Samantalang ako, hindi ko alam kung paano ko ito papatayin. "So

anong gagawin natin?"

"Ang dapat nating gawin ay hanapin si Ara at makalabas dito sa bahay na

'to -- at makahingi ng tulong."

Sinabi ni Ka Pineng sa amin na kailangan naming makita si Ara dahil

umaasa pa rin kaming makikipagtulungan ito sa amin. At dito sa bahay na

ito ang pinakamalaking posibilidad na mahanap namin ito dahil dito raw

ito pinatay. Iyon ang purpose nitong haunting activity na ito.

"Kailangan nating makita si Ara bago nya tayo mapatay." Kahit hindi ko

siya makita, alam kong nakatanaw sya don sa killer.

What?! Ilang multo pa ba ang makikita ko bago ko makita si Ara? "A-Anong

plano natin?" Bigla na naman akong kinabahan.

"Dito ko sa baba hahanapin si Ara, ikaw doon sa taas."

"Paano ko gagawin iyon? Baka paglabas ko pa lang nitong pintuan ay

patayin na ako ng tarantadong iyan. Ni baka nga hindi na ako makarating

sa hagdan paakyat sa sobrang dilim." Pinagpapawisan na naman ako.

"Gamitin mo ang flashlight ng CP mo."

Kinuha ko nga ang cellphone ko sa bulsa ko. Ganun pa rin ito, walang

signal. Kanina ko pa kasi binabalak na tumawag at humingi ng tulong.

"Makinig ka." Hinugot niya rin ang cellphone nya. Saka ko lang siya

nakita. "I-aalarm ko itong cellphone kong ito in a minute para kapag

tumunog ito rito, makuha natin ang atensyon nya." Habang pinipindot na

nga nya ang CP nya. "Tumakbo ka papunta sa itaas. Kapag nakita mo si Ara,

buksan mo ang garapon na ibinigay ko sa'yo kanina."

"Pagkatapos."

"Pagkatapos ay makukuha na natin si Ara. Sa ibang lugar ko na lang siya

kakausapin." Inilapag na nya yung cellphone sa lapag.

"Totoo bang kusa siyang papasok sa garapon na ito?"

"Basta gawin mo na lang Roger. At saka halika na! Maya-maya lang ay mag-

a-alarm na itong phone ko."

Humugot muna ako ng malalim na paghinga. I prepared myslef to run. Sa

kaliwang pasilyo kasi paglabas dito sa banyo, may papasok don patungo sa

kusina. Kapag doon kami dumaan, maiiwasan namin itong killer na nasa

sala. Heto na nga ako. Handa ng tumakbo.

Isa.

Dalawa.

Tatlo!

Takbo!

Tumakbo lang ako nang tumakbo.

Namalayan ko na nga lang na nasa kusina na ako.

Sa tabi ko, naririnig kong hinihingal din si Ka Pineng. Minuto nga lang

at tumunog na iyong alarm ng CP nya. Papunta na marahil doon sa banyo

iyong killer.

"Roger, tumakbo ka na pataas!" He commanded me.

"Saan ka?" Malalim ang aking paghinga.

"Hay naku Roger! Nakinig ka ba sa plano natin kanina?"

"Alam ko! Pero paano tayo magkikita? Paano ko malalalaman na nakita mo na

si Ara? Paano ko sasabihin sa'yo kapag nakita ko si Ara?" Mukha kaming

tanga. Parehas kaming natataranta.

"Bahala na! Basta pilitin mong makalabas at pumunta ka sa sasakyan

natin." Tapos naramdaman kong nanakbo na sya.

Ako naman, tumakbo na rin pataas ng hagdan. Naririnig ko pa rin iyong

ingay ng alarm ng cellphone. Halos hindi ako makagulapay sa hingal. Heto

na ulit ako. Nasa tabi ni -

--Fin!

Bahala na! Basta sana makita ko si Ara.

Tapos heto na naman. Dahil sa ingay ng alarm, itong mga sinulid ay

naggagalawan.

Oh hell! Sa mga sinulid na ito, saan kaya naroon si Ara?

Then, isa-isang tumigil sa paggalaw.

Itong mga sinulid, isa-isang natigil sa paggalaw.

Hanggang sa isa na lang ang gumagalaw.

Oo! Isa na lang ang gumagalaw!

Sinundan ko ng tingin kung saan nakakonekta.

Hayun. Doon sa - wahhhh!

Sa likuran ko! Doon nakakonekta!

Gumagalaw pa rin!

Itong sinulid - sinundan ko nang tingin!

Patungo ang aking tingin - doon sa likuran ko -

--doon ako titingin!

Marahan akong lumingon.

Gamit ang CP ko, inilawan ko iyon.

At hayun.

Sa aking likod nandoon.

May isang babae don.

Diyos ko po! Sino iyon?!

Iyong nasa likuran kong iyon.

Kinakalabit niya iyong sinulid.

Kaya pala gumagalaw iyon.

Napaatras ako! Kamuntik na akong mapatalon.

Paano kase., iyong babae -

--nasa kisame nakatungtong!

Tapos kumurap, nawala itong flashlight ng aking cellphone.

Nang bumukas ulit, hindi ko na siya matunton.

Nawala iyong tunog ng alarm.

Katahimikan.

Nawala siya sa paningin ko.

Katahimikan.

Ilang multo pa ba ang makikita ko?

Katahimikan.

Marahan akong gumalaw, tatakbo ako.

Katahimikan.

Kaso, may humihingal sa likod.

Help me God! Sino 'to?

Napaluha ako.

Itong garapon, gagamitin ko.

Ipanghahampas ko ito.

Pero nang gagawin ko na iyon, bigla itong nagsalita. "Roger..." Oh come

on! Ginulat nya ako. Si Ka Pineng lang pala ito.

"Tinakot mo naman ako!" Sigaw ko pero pabulong.

"Roger..."

"Ano?!" Inilawan ko yung mukha nya.

"May iba pa bang daan palabas dito?" Doon sya nakatingin sa kaliwa ko.

"Meron" Tiningnan ko rin yung tinitingnan nya.

"Saan?" Nangangatog sya.

Sa kaliwa namin. Naroon iyong hagdan pababa. Kaso, may nakatayo don.

Naka-cowboy hat at may hawak na martilyo. Hindi ko man gaanung nakikita.

Pero naaaninagan ko. Tumugon ako sa kanyang tanong. "S-Sa - bintana."

Tapos marahan siyang humarap sa akin. "Roger..."

Humarap din ako sa kaniya. "Ano..."

"Takbo!"

Sabay kaming tumakbo! Agad kung binuksan ang bintana at hindi na ako nag-

isip na talunin iyon. Nang bumagsak ako sa lupa, narinig ko rin ang

pagbagsak ni Ka Pineng. Parehas kaming halos di makatayo sa sakit ng mga

paa namin.

But I felt it numb. Dali kaming tumayo at tinungo itong sasakyan namin.

"Roger! Ang susi!" He's chilling.

"Aba ewan ko! Ikaw ang nagmamaneho kanina eh!" Tagaktak ang pawis ko.

"Ilawan mo itong sasakyan!" Natataranta nyang hinanap yun.

Napadako ako sa rearview mirror. "Ka Pineng..."

"Tulungan mo ako maghanap!"

I was astounded. "K-Ka Pineng..." Kandautal ako.

"Ano!?"

Ngayon, sa rearview mirror, sabay na kaming nakatingin.

Itong killer, papunta sa amin.

Sh*t! Halos magkauntugan kami sa paghahanap nitong susi. "My God! My God!

My God!" Hanggang sa nakapa ko na nga itong susi. "Oh thank God!"

He immediately inserted it to igniton key. Kaso hayun. Bakit ganoon?

"Bakit Ka Pineng?"

Namumutla siyang napatingin sa akin. "Kailangang itulak."

Sa rearview mirror, napatingin ako ulit. Hayun ang killer. Papalapit

amin!

"Sige na Roger! Itulak mo na!"

Hindi na ako tumugon. Mabilis akong bumaba ng kotse at buong lakas na

itinulak iyon.

Tapos napalingon ako.

Nilingon ko.

Lalong lumakas yung pagtulak ko.

Kasi itong killer - nananakbo!

Malapit na ito!

Kaya itinulak ko pa ng todo!

Please umandar ka na oh!

Kung hindi - mamamatay ako!

Tapos heto na ito.

Malapit na sa tabi ko!

Saka lang umandar itong sasakyan ko!

"Roger takbo!"

Huli na. Kasi yung killer -

---heto na sa likod ko!!!

TBC

JAMILLE FUMAH

Makibalita kay ARA sa kanyang page: I LOVE YOU ARA -JF

[ https://www.facebook.com/ILoveYouAra.JFstories ]

####################################

Unrecognizable

####################################

xxILY, ARAxx

[ START ]

Roger Santos POV:

Pakiramdam ko, ang oras ay huminto. Ito na siguro ang pinakamatagal na

segundo ng buhay ko. Kasabay ng pagpatak ng pawis ko ang pagtulo ng luha

ko. Napahagulhol ako. Putangina! Mamamatay na ako! Ito kasing killer -

--nasa likod ko.

Nablangko ang isip ko, nanginginig ang aking katawan. Papatayin nya ako

ng walang kalaban-laban.

Pero hindi! Lalaban ako! Babae lang sya at lalaki ako. Buong lakas akong

pumihit. Iyong garapong hawak ko, pinaghahampas ko.

Ngunit wala akong tinatamaan. May napupukol ako pero hangin lang. Madilim

- wala naman yung killer sa aking likuran.

Napakalalim ng aking paghinga.

Jesus! Akala ko mamamatay na ako!

"Roger!" Ka Pineng called me. Pero hindi naman iyon umaandar.

Nakakapagtaka. Tapos napalingon pa rin ako sa paligid. Madilim. Nasaan

yung killer? Awtomatikong gumalaw ang aking paa paatras. Natalisod pa ako

at napaupo pero pinilit kong tumayo. I was trembling.

Halos pagapang kong tinakbo ang sasakyan na tinulak ko. Nasa loob non si

Ka Pineng. Nasa passenger seat sya.

"Ikaw na ang magmaneho!" Sigaw niya.

Wala ako sa sarili. Pilit ko pa ngang kinakapa ang mukha ko kung buhay pa

ba ako. Pagkatapos ay mabilis akong sumakay sa kotse at pinaandar iyon.

Umaandar naman ah. Bakit kanina ayaw? Napaharap na naman ako sa rearview

mirror.

Napalunok ako.

Sa likod ng sasakyan!

Iyong killer -

--nasa likod at nakatanaw sa'min!

--May hawak itong martilyo.

Hindi na ako nag-isip pa. Pinaharurot ko ang sasakyan papalayo. Ni hindi

ko nga alam kung saan na kami nakarating. Basta nagmaneho lang ako

hanggang sa makalayo.

Samantalang si Ka Pineng ay walang kaimik-imik sa tabi ko. Pero panay ang

tingin nya sa akin. Mybe it's because I'm crying. Hindi pa rin kasi ako

makapaniwala na buhay ako. Akala ko talaga ay mamamatay na ako. Ganito

pala ang pakiramdam ng kamuntik ng mamatay.

Pagkatapos nga non ay dumeretso na kami sa pinakamalapit na police

station. Hindi ko nga alam kung naiintindihan ko pa iyong mga tanong ng

mga pulis sa akin eh. Lutang kasi ang isip ko at tulala parin ako. Wala

pa rin ako sa sarili pero nakapagbigay ako ng salaysay.

Ang dami kasing tanong sa isip ko. Why she didn't kill me? Bakit hinayaan

nya akong mabuhay?

Mayamaya'y rumesponde na ang mga kapulisan patungo sa lugar na iyon.

Gusto ko sanang sumama pero parang hindi ko na kayang bumalik sa bahay na

iyon. Pakiramdam ko tuloy, mababaliw ako. Dalawang tao ang namatay sa

harapan ko. Ilang multo ba ang nakita ko?

Nakatulog pala ako sa sasakyan. Narito pa rin kami sa estasyon ng

pulisya. Bumungad sa akin si Ka Pineng. "Roger, okay ka na ba?"

I nodded. Maliwanag na pala. Kinuha ko ang CP ko. Finally! May signal na

ako. Kinontak ko agad si Isko ngunit hindi pa rin ito sumasagot.

"Shit!" Naibato ko itong cellphone ko. Bakit ba kasi hindi na nagparamdam

itong si Isko? Isang gabi rin namin syang hinintay sa hotel na pinag-

usapan namin bago kami pumunta sa Hacienda Villa Verde. Pero hindi ito

dumating at nagpakita ni tumawag o nag-text. Siguro kung kasama lang

namin siya, baka napatay namin iyong killer. Kahit papaano kasi ay

marunong sa hand combat si Isko at alam nito ang mamaril.

Napabaling ako sa backseat ng sasakyan. Nakakita ako ron ang isang

redwine. Katabi non ay naroon ang coat ni Ka Pineng. "Saan galing 'yan?"

I asked.

Napadako rin doon si Ka Pineng. "Nakita ko yan sa bodega kanina nang

nandon pa tayo, kaya kinuha ko."

Kinuha ko iyon. "Fonseca 1983. Rare ang wine na ito ah..."

"Vintage Port sa Portugal. Marami niyan don sa bahay na iyon. Pero

karamihan ay basyo na lang." He smiled at me.

Nangunot ang noo ko. "Bakit mo kinuha ito?"

Inginuso niya yung coat nya sa backseat. "Kunin mo yun."

Kinuha ko naman.

"Kapain mo iyong bulsa."

Kinapa ko ang pocket nito sa loob. May nakuha akong botilya. "Ano ito?"

"Cyanide. One of the fast killing and lethal poison."

Napapalatak ako. "What do you mean? Magpapakamatay tayo?"

Humugot muna nang malalim na paghinga si Ka Pineng. "Sa tingin ko Roger,

ginawang base ng killer ang Hacienda Villa Verde." Tumingin ito sa akin.

"Meron akong nabubuong plano kung paano natin sya matatalo." Pagkatapos

ay ipinaliwanag niya sa akin ang plano.

Bigla akong napipilan nang matapos niyang ipaliwanag sa akin ang plano

niya. Natutop ko ang aking sariling bibig. "Are you serious?"

Tumango siya. Kita ko sa kanyang mga mata na desidido siya.

Napayuko ako. Totoo kaya ang lahat ng sinabi niya? Hindi pa rin ako

makapagsalita. Sana nga magtagumpay ang plano naming ito. Ayokong tutulan

iyon pero ayaw ko ring sang-ayunan. Buhay kasi ang nakataya doon.

Bumaling na lang ako sa ibang bagay. Kinapa ko ulit itong coat nya. May

nakapa akong garapon. Napatingin ako sa kanya. "Nakuha mo si Ara?"

He nodded again while he's smiling.

Muntik ko na siyang mayakap. Sa wakas, makakausap ko si Ara. Pagkatapos

ay ako naman ang humugot sa aking coat. Kinuha ko ang photo album na

napulot ko. Parehas kaming napatingin dito. Luma na ang mga picture ang

naroon maliban sa picture ni Roli at Laurie. Naroon din ang anak nila na

pamangkin ko. Sa kasamaang palad, hindi pa rin natatagpuan ang mag-ina ni

Roli. They were suddenly gone and never found until now.

Nasaan na kaya si Roli? Akala ko sya ang killer, mukhang hindi pala.

Babae kasi ang nakita ko. Posible rin kayang ang babaeng iyon ang dahilan

ng pagkawala ng asawa ko at ng iba pa?

Habang binubuklat pa namin ang photo album, sa likod ay may mas lumang

mga larawan. Naroon na naman ang picture ni Nana nang nasa ika-

labingwalong taong gulang pa lang ito. At naroon din iyong kasama nyang

babae na hindi ko naman kilala. Lagi nya itong kasama at katabi sa mga

pictures. Halos kasing edad nya lang ito at kasing katawan.

"It's odd." Ani Ka Pineng habang nakatingin sa mga picture na tinitingnan

namin.

"Bakit?"

"Hindi mo ba napapansin? Itong babaeng laging kasama ni Nana, sa lahat ng

kuha nila, lagi itong nakaupo."

Pinakatitigan ko. Oo nga! Wala itong kuha na nakatayo ito. Bakit kaya?

Ibinalik ko na sa aking bulsa itong photo album. "Magtatanong-tanong ako

sa loob since narito na tayo kung may alam sila sa pamilya ng mga

VillaVerde. Baka ito na ang sagot sa matagal na nating mga tanong."

Pagkuwan ay bumaba na nga ako ng kotse. Ngunit hindi pa man, tinawag ako

ni Ka Pineng. Nilingon ko sya. Nakayuko lang sya. "Naiwan ko sa bahay

niyo iyong shoulder bag ko. Sa loob nito, may notebook. Diary ko iyon.

Pwede mo bang pakibigay iyon kay Justine, iyong anak ko?" Napatikhim sya.

"Nasa likod ng notebook na iyon ang address nya sa Manila."

Napailing na lang ako. "Bakit mo ibinibilin sa akin ito?"

"Wala lang. In case na may hindi magandang mangyari sa akin."

I smiled at him. "Walang mangyayari sa atin."

His tone changed. "Sa tingin mo Roger, sino ang killer?"

Tinanong nya ako dahil halos nagkalapit kami nong babaeng iyon. Napapikit

ako bago ako magsalita. Ayaw ko kasing sabihin ito. "Sa tingin ko, si -

- Maria Ocampo."

Nanalaki ang mga mata nya. "Paano mo nasabi?"

Napakurap ako. "Hindi ko alam... may palagay lang ako." I couldn't look

at him. "Kung katawan nito ang pagbabatayan eh -" Natigilan ako.

He's just staring at me.

"Ewan! Magkasing katawan kasi sila ni Nana eh!" Napasabunot ako sa buhok

ko. Bakit ko ba iniisip ito? Kung sino pa iyong mahahalagang tao sa buhay

ko, sila pa iyong pinagdududahan ko.

"Mukhang may something din sa inyo ni Mrs. Ocampo ah..." Bumaling sa iba

ang kanyang paningin.

Mahabang kwento na ayaw ko nang sabihin. I deeply looked at him.

"Malalaman din natin ang totoo."

Tumingin din sya sa akin. "Basta ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa

anak ko." Iniba nya ang usapan.

Nagkibit-balikat na lang ako at iniwan ko na sya.

Pumasok na ako sa police station ilang hakbang ang layo sa sasakyan

namin. Doon ako nagtanong-tanong tungkol sa mga VillaVerde, ang pamilya

ni Nana. Pero wala namang makasagot sa mga tanong ko.

Hanggang sa may lumapit sa aking isang pulis. "Ako, baka matulungan

kita?" Tawagin ko na lang daw SP01 Arthur o Arthur na lang. May edad na

sya at nanay daw nya ang isa sa mga naging tagapagbantay ng bahay na

iyon.

"Masasamahan mo ba ako sa kanya?"

"Pwede kitang dalhin sa bahay ko para makausap mo sya. Kaya lang, tumawag

na si chief." Bumuga ito ng hangin. "Naroon na sila sa dating bahay ng

mga VillaVerde."

Bigla akong kinabahan. "Nakita ba nila iyong dalawang bangkay?"

He grinned " Actually -- tatlong bangkay ang nakita nila."

Namilog ang mga mata ko. "Ha?"

"Ang mabuti pa, sumama ka sa amin to see it yourself."

Sumang-ayon na lang ako. Marami naman kami at puro pulis ang kasama ko.

Agad kong pinuntahan si Ka Pineng sa sasakyan. Ang kaso, bigla siyang

nawala. Saan kaya nagpunta iyon?

"Mr. Santos, tara na!" Sigaw sa akin ni Arthur.

"Sandali! Hinahanap ko lang iyong kasama ko."

Nangunot ang noo ni Arthur. "Mr. Santos... wala kang kasama. Ikaw lang

mag-isa ang pumunta dito sa station namin."

Tila ako naitulos sa aking kinatatayuan.

"Halika ka na!" Kinabig na ako ni Arthur papasok ng sasakyan.

Habang nasa biyahe ay tulala ako. Hindi ba nila nakita na kasama ko si Ka

Pineng? Hanggang sa narating na nga namin ulit itong Hacienda Villa

Verde. Maraming pulis at ilang reporters. Tinungo agad namin ang

kinalalagyan ng mga bangkay. Tatlo nga ito, nakahilera. Nakabalot ito sa

corpse bag.

Una nilang binuksan ang unang bag. Bumungad sa akin ang mukha ni Fin.

"Kilala mo ba ito?" Arthur asked.

Hindi ako makatingin pero tumango ako.

Binuksan ang pangalawa - Si Cary.

Pagkatapos, marahang binuksan ang pangatlo.

Dito ako napaatras. Napaluha ako.

Napatigagal ako nang makita ko ito.

Imposible! I was throbbing.

Totoo ba ito o bangungot lang din?

Kanina lang kasi nagbilin pa siya sa akin.

Lumapit ako dito at sinipat ko ito nang tingin.

Ang bangkay nga na ito ay si -

--Ka Pineng.

TBC

JAMILLE FUMAH

Makibalita sa page ni ARA at I Love You Ara - JF page. See you there!

####################################

Split

####################################

xxILY, ARAxx

[ START ]

Roger Santos POV:

Tahimik.

Wala akong marinig kahit maraming tao sa paligid.

Manhid.

Totoo ba ang lahat ng ito o isa lamang panaginip?

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Iyong mga

taong kasama ko kasi kagabi lang, patay na ngayon.

Si Ka Pineng? Kailan siya namatay? Pinatay ba sya ng killer? How did he

die?

Ayon kay Arthur, natagpuan daw ang bangkay ni Ka Pineng sa loob ng banyo.

Sabog daw ang likod ng ulo nito. Malamang, pinukpok iyon ng martilyo.

Ngayon lang tuloy nag-sink-in sa utak ko. Kaya pala wala siyang ginawa

kundi ang utusan ako. Kaya pala nagbilin na siya sa akin ng kung anu-ano.

Kaya pala bigla na lang siyang naglaho. Kaya pala - sh*t! Naiiyak ako!

I embraced myself. Nanginginig ang buo kong katawan. Marahan kong

tiningala ang kalangitan. Doon nagmumula ang malakas na pagpatak ng ulan.

Narito pa rin kami sa Hacienda Villa Verde. I'm sure, isa na ako sa mga

suspect nila. Pero wala naman silang makukuhang ebidensya na ako ang may

gawa nito. Lumapit sa akin si Arthur. "Mukhang may bagyo..." Inabutan nya

ako ng isang tasang kape.

"Hindi ako ang may gawa nito." Inabot ko itong kape at sumimsim ako.

"Naniniwala ako sa'yo Mr. Santos." Humigop din sya. "Wag kang mag-alala.

Hindi ka naman namin huhulihin hangga't wala kaming matibay na

ebidensiya."

"Iyong Nanay mo, madadala mo ba ako sa kanya?"

He sighed. "Pwede kitang dalhin sa kanya mamaya."

"Malayo ba?"

"Siguro isang oras ang biyahe natin. Pero dumaan muna tayo sa apartment

ko. Malapit lang iyon dito."

"Hindi mo siya kasama sa apartment mo?"

Umiling sya. "Naroon siya ngayon sa dati naming hospital. Kasama niya ang

kapatid kong bunso na doktor."

"May sakit siya?"

He took a deep breath. "Wala naman. Sobrang katandaan na lang niya siguro

kaya mahina na sya." He looked at me. "Pero madaldal pa rin siya. Wala

syang ibang kwento kundi ang tungkol sa mga VillaVerde."

I picked the photo album from my pocket. "Makikilala nya pa kaya ang mga

larawan dito?"

"Maybe?" Napangiwi sya. "Kung Villa Verde 'yan, malamang makikilala niya

pa ang mga 'yan."

Pihadong makikilala niya pa si Nana o si Clarisse Villa Verde sa larawan

na ito. Biglang nag-ring ang phone ko. "May signal dito?"

"Sa loob lang walang signal" Narito kasi kami sa sasakyan ko. Tinapik nya

ako sa balikat. "Balikan kita." Then, umalis na siya.

I answered my phone "Hello?"

"Mr. Attorney, si Marvin 'to." Sagot sa kabilang linya.

"Marvin?"

"Asawa ni Madge."

"Ow!" Napatayo ako. "Nasaan ka?"

"Nandito na ako sa Pilipinas dahil nabalitaan kong nawawala ang asawa ko.

May balita na ba?"

Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya ang lahat? "Marvin, I think we need to

talk."

"Nasaan ka ba ngayon Attorney."

Ipinaliwanag ko sa kanya kung nasaan ako at willing naman raw itong

puntahan ako kahit gaano ito kalayo. So I gave him the address. Hindi raw

kasi siya mapapakali sa bahay lang at walang ginagawa. Labis ang pag-

aalala niya sa pagkawala ni Madge.

Nakilala ko si Marvin dahil matalik rin na kaibigan ni Nana si Madge.

Marahil ay kinontak siya ni Isko para ipaalam sa kanya ang pagkawala ng

kanyang asawa ilang araw na.

Nagulat na lang ako ng bumulusok patungo sa akin si Arthur. "Mr.

Santos..." Hinihingal pa ito. "May nakita kaming sugatang babae sa

basement..."

"Ha?" Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at mabilis kong tinakbo ang loob

ng bahay. Nagkalat ang ilang kapulisan sa loob at doon sa basement,

tumabad sa akin ang katawan ni -

--Nana!!!

Agad kong nilapitan si Nana na inilipat na sa stretcher. "Nana..."

Naiiyak ako. Paano'y may putok sya sa noo. "Jesus Christ! What happened?"

Hirap siyang huminga pero pinilit niyang dumilat nang bahagya. "M-

Maria..."

"A-Ano?" Inilapit ko ang aking tainga sa kanya.

"M-Maria... O-Ocampo..."

Namutla ako sa narinig ako. "S-si Mrs. Ocampo?!"

Marahan siyang tumango bago nawalan ng malay.

"No Nana! No please no!.." Pilit ko syang ginigising pero hindi na siya

magising.

Agad siyang isinakay sa ambulansya. Mabuti na lang at may nurse doon.

"Sir, mukhang nawalan lang po siya ng malay. Dalhin na po natin siya sa

hospital."

I just nodded. Pero bago kami umandar, dumating si Arthur. "Mr. Santos,

may problema tayo." He couldn't look at me. "Dahil sa lakas ng ulan,

walang ibang madadaanan ang sasakyan papunta sa bayan." Napadako ang

tingin nya kay Nana. "Naroon sa bayan ang hospital."

"Anong gagawin natin?" I am holding Nana's hands.

"Ang mabuti pa, doon muna natin sya dalhin sa Nanay ko pansamantala.

Doctor ang bunso kong kapatid at matutulunagn nya tayo. Isa pa, dati ring

hospital ang tinitirhan ni Inang kaya kompleto rin sa equipment doon."

Tinanguan ko na lang si Arthur. Sumama na rin siya sa amin doon sa

sinasabi niyang lugar. Sa ambulance si Nana at kami naman ni Arthur sa

sasakyan ko. Mabuti na lang at kalsada ang daan papunta doon kaya walang

baha. Nang makarating kami don, sinalubong agad kami ng dalawa pang nurse

kasama ang bunsong kapatid na doctor ni Arthur. Dinala agad nila si Nana

sa isang emergency room.

"Mr. Santos this is Rico. Kapatid ko." Ipinakilala nya ako sa kapatid

niyang doktor.

"Nice to meet you, Mr. Santos." Agad sinalo ni Rico ang nakalahad kong

palad.

Pumapasok ito sa hospital sa bayan. Pero hindi ito nakapasok ngayon dahil

sa lakas nga ng ulan. Kapag weekends daw, dito ito tumutuloy sa dating

hospital na ito dahil sa Inang nila. Napakalaki ng bahay na ito na may

tatlong palapag. Hospital ito noong araw pero nalugi kaya tinirhan na

lang ng Nanay nila na si Inang.

Nang malagyan na ng swero si Nana, lumapit sa akin si Arthur. "Sino si

Maria Ocampo?"

"Siya ang may gawa ng lahat nang ito." Madiin kong tugon. Narinig nya rin

ito kanina na binanggit ni Nana. Itinawag nya ito agad sa kanilang

station at nagfile siya ng report.

"Dito muna kayo pansamantala. Kakausapin ko lang si Rico tungkol sa

kalagayan niya." Nakatingin siya kay Nana.

"Salamat Arthur..."

He just tapped me on my shoulder.

Narito kami ngayon sa ground floor. Samantalang si Inang naman nila ay

naroon sa ikatlong palapag kung saan inihahanda ni Rico ang ilang mga

gamot nito. Iyong dalawang nurse kanina na sumalubong sa amin ay personal

nurse ni Inang. Sabi ni Arthur, mamayang gabi ko na lang daw kausapin si

Inang paggising nito. Kung bibilangin, apat lang ang taong nakatira sa

malaking bahay na ito kabilang na si Rico. Buti hindi sila natatakot?

Kinakabahan tuloy ako. O baka na-trauma lang ako sa mansyon ng mga Villa

Verde?

Ang kasama ko na lang ngayon ay itong nurse na naghatid kay Nana dito.

"Sir, CR lang ako." Nagpaalam ito sa akin habang ptuloy sa pagtipa sa

hawak nitong cellphone.

Paglabas nito, kinuha ko iyong garapon na ibinilin sa akin ni Ka Pineng.

Totoo kayang narito sa Ara sa loob nito? Kung may pagkakataon man na

dapat ko ng kausapin si Ara, ngayon na iyon. While I'm with Nana.

So I gently opened it.

Iyong takip ng garapon, marahan lang.

Pagkatapos ay inilagay ko ito sa aking paanan.

I stared at it.

Pinakatitigan ko.

Pinakatitigan ko.

Pinakatitigan ko.

Pero wala naman.

Then.

Mayamaya lang.

Parang -

Parang may --

--Ah wala!

Wala talaga.

Mukhang pinagloloko lang ako ni Ka Pineng. Napasandal ako sa aking

kinauupuan. Sabagay, may pagka-albularyo kasi iyon eh.

Tapos napabaling ako kay Nana. Grabe ang babaeng ito, pinag-alala ako

nang husto. Tapos bigla kong naisip si Maria. Napailing ako. Ang baliw na

iyon! Ito pala ang killer ni Ara! Nalamukos ko ang sarili kong kamao sa

galit. That woman will pay!

Bigla akong nakaramdam ng antok. Naalala ko, wala pa pala akong tulog.

Hinagkan ko ang kamay ni Nana at tumungo ako.

"Dad..." Napaigtad ako.

I stood up! Nagpalinga-linga ako sa paligid. Tinig ni Ara 'yun ah! O baka

guni-guni ko lang. Sobra na kasi ang pagod ko. Naupo ulit ako pero hindi

ako mapakali. Para kasi talagang narinig ko ang boses ni Ara.

"Dad..." Hayun na naman iyong tinig.

Naiiyak ako. T*ngina kinikilabutan ako! "A-Ara..." My voice's shaking.

"Dad..."

Sa -

--likuran ko!!!

Mabilis ko itong nilingon. "A-Ara..."

There she is!

Naroon si -

--Ara!!!

Ang anak ko!

Ganoon pa rin ang hitsura niya. Maganda at mukhang dalaga na. Pero ako,

tigagal pa rin. Is she real?

"Dad..." Naluluha si Ara. "I'm sorry..."

Iyong mga paa kong ayaw humakbang, lumakad patungo sa kanya. Nawala lahat

ng aking takot nang makita ko ang mga luha nya. "Oh Ara..." Niyakap ko

sya. Mahigpit! She's real!

"Dad I'm sorry..."

"Shhh... ako dapat ang mag-sorry. Hindi ako naging mabuting ama sa'yo..."

Garalgal na ang boses.

Itong si Ara, napahagulhol na. "Dad... I miss you po... mahal na mahal

kita Dad..."

Iyong iyak ko, inimpit ko. Naglandas ang mga luha ko. "I love you...

Ara..." I cried. Sa wakas, nasabi ko rin sa kanya. Isang salita na

ipinagkait ko sa kanya noong nabubuhay pa siya.

Naroon pa rin siya sa aking pagkakayakap at umiiyak.

Bumitiw ako sa kanya at hinaplos ko ang kanyang mukha. Napakaganda talaga

ng anak ko. "Wag mong kakalimutan Ara... mahal na mahal ka ni Daddy

ah..." Oh God! Kulang ang mga salitang ito para malaman niya kung gaano

ko sya kamahal. Sayang at hindi ko na siya makakasama. Sayang at wala na

siya.

Pinunasan niya ang luha ko. "Dad... take care of yourself ah... 'wag ka

po gaano magpapagod sa trabaho ah..."

Sa sinabi niyang iyon, napahagulhol ako lalo. "Ara I'm sorry... kung

maibabalik ko lang ang lahat anak... kung maibabalik ko lang ang lahat...

ipaparamdam sa'yo ni Daddy ang lahat ng mga pagkukulang ko... oh

huhuhu... Diyos ko po..." Hindi na maampat ang mga luha ko.

Niyakap niya ulit ako.

Ginantihan ko ang yakap niya nang mas mahigpit. "I love you, Ara..."

Humigpit din ang yakap niya sa akin.

"Ara... sabihin mo sa'kin kung sino ang pumatay sa'yo..."

Bumulong sya sa akin. Pagkatapos, sinabi niya ang pangalan nito.

DITO NA AKO napaigtad sa aking pagkakayukyok. D*mn! Panaginip lang pala.

Nakatulog pala ako!

Pero parang totoo! Napatingin ako doon sa garapon sa paanan ko. So kung

ganon, totoo nga. Kaso sa panaginip ko lang siya nakausap.

Napatingin ako kay Nana. Wala pa rin itong malay. Then I walked outside

the room.

Gabi na pala. Wala ng ulan. Matagal din pala akong nakatulog. Napaisip

ako.

Totoo kaya? Iyong ibinulong na pangalan sa akin ni Ara, siya nga kaya?

Siya nga kaya ang pumatay kay Ara? Pero paano kung panaginip nga lang

iyon? Paano nya magagawang patayin si Ara?

Biglang sumulpot si Arthur sa harapan ko. "Mr. Santos, may naghahanap

sa'yo."

Sa likuran nya, naroon si Marvin. "Attorney." Kinamayan nya ako.

"Mabuti nakarating ka kahit malakas ang ulan kanina." Tinext ko kasi sa

kanya kanina ang exact address ng lugar na ito bago kami nakarating dito.

"Nahirapan nga ako, Attorney, kaya ginabi na ako." Kita sa mukha ni

Marvin ang lungkot.

"Siya nga pala, Mr. Santos." Singit ni Arthur. "Gising na si Inang.

Sinabi ko ang tungkol sa mga Villa Verde at - hinahanap ka niya."

UMAKYAT NA KAMI sa third floor gamit ang elevator since naroon naman na

iyong nurse ni Nana na nagbabantay dito. Habang paakyat, ipinaliwanag ko

lahat kay Marvin ang mga pangyayari. He was shocked. Ako man nasa

kalagayan nya, matutulala rin ako.

Minuto nga lang at narito na kami sa kwarto ni Inang. Nagulat ako sa

histura niya, she's so old. Bahagya nang nakapikit ang mga mata niya at

tabingi na ang mukha. Nasa wheel chair siya at hindi raw nawawalan ng

dextrose, sobrang payat niya.

Pero isang bagay ang napansin ko ng husto sa kanya -

--wala siyang mga kuko sa paa.

Sa kwartong iyon, naroon si Rico at ang dalawa niyang nurse. "Bukas niyo

na dalhin si Nana sa hospital sa bayan, masyado nang malalim ang gabi."

Rico suggested.

"Salamat." Tugon ko. Pero dito ako nakabaling kay Inang. Hinugot ko itong

photo album sa aking coat at ipinakita ko iyon kay Inang kahit hindi ako

sigurado kung makikita niya pa yun.

Kinuha naman ito ng matanda at binuklat-buklat. Ngunit matagal tinitigan

ni Inang ang mga larawan lalo na iyong picture ni Nana at nong babaeng

nakaupong katabi nito. Nagkakatinginan na kami nila Arthur dahil

nakatitig lang ito doon.

Lumapit na si Arthur at bahagyang sinigawan ang ina. "Inang! Kilala nyu

po ba iyong nasa larawan?!"

Hindi ito tumugon. Hinihimas lang nito ang larawan.

Ako na ang lumapit. "Inang, kilala nyo po ba ang babaeng ito?" Itinuro ko

si Nana doon sa picture.

Tumango si Inang. "S-Si Clarisse..."

Lahat kami ay napaangat ng mukha. Si Clarisse ay si Nana.

Itinuro nya pa iyon. "Ito si Clarisse..."

Kilala nya pa si Nana. Itinuro ko naman ngayon iyong katabing babae ni

Nana sa picture. "Ito Inang, kilala niyo po ba ang babaeng ito?"

Tumango ulit sya. "Ito si -

--ARA..."

Namilog ang mga mata ko. "Ito pong babaeng ito?" Itinuro ko iyong nakaupo

ulit.

Tumango si Inang at itinuro ang babaeng katabi ni Nana sa picture na

nakaupo. "Ito si Ara..."

"Imposible po Inang. Si Ara po ang Anak ko. Hindi po si Ara 'yan." I

almost shout.

Itinuro niya ulit itong nasa larawan. "Ito si Ara. Kapatid ni Clarisse.

Si Ara... kakambal ni Clarisse si Ara."

Sh*t! Napaatras ako. May kakambal si Nana? At ARA ang pangalan nito?

Bigla ko tuloy naalala iyong pangalan na ibinulong sa akin ni Ara dun sa

panaginip ko. Nang tanungin ko siya kung sino ang pumatay sa kanya. Ang

sagot nya -

--Si NANA.

Tapos biglang namatay yung ilaw.

--

Hephep! Wag malilito. Lahat ng tanong nyo, masasagot sa susunod na

chapter nito.

Next chapter - sasagutin na ni Ara ang lahat ng tanong natin. Abangan.

At opo... Ang ilang parte ng ILY ARA ay edited na, sabi nga namin...

dumi-depende lang kami sa mga nakalap naming chismis jk! Pero sa totoo

lang... Kahit ako di ko mapaniwalaang me ganito?

JAMILLEFUMAH

Makibalita kay ARA sa I Love You Ara - JF page. See you there!

####################################

WHO's Ara?

####################################

xxILY, ARAxx

AUTHOR's POV

Kwento ni Inang (Si Inang, iyong lola na pinuntahan namin... years

ago...)

YEAR 1980

CLARISSE VILLAVERDE a.k.a NANA

"Ara, bakit mo ako pinatawag?" Tanong ni Clarisse sa kanyang kakambal na

si Ara.

Tumingin ito sa kanya bagama't nanatili sa pagkakaupo. "Umupo ka sa tabi

ko at magpakuha tayo ng litrato." Nakangiti ito sa kanya. Napakaamo ng

mukha nito at napakaganda. Napakalayo sa itsura nya. Kahit kambal kasi

sila ay ipinanganak silang hindi magkamukha. Sila iyong Fraternal twin o

yung tinatawag na non-identical twin.

Umupo naman sya sa tabi nito. Sa harapan nila, naroon si Mang Gustin na

tagakuha ng litrato. "Oh mga hija, ngiti sa kamera ah..." Nakatutok ito

sa Lustre-Pak, modelo ng Bremson na isang wooden camera noong araw.

Pinilit naman nyang ngumiti habang nakatanaw kay Inang, isa sa mga

katulong nila- na itinuturing na rin nyang isang Ina. Namatay kasi ang

kanilang tunay na Ina noong ipinanganak sila ni Ara. Hindi naman kasi

ganoon ka-epetikbo noon ang teknolohiya para magtagumpay na makapagsilang

ng kambal na sanggol.

Sa likuran ni Mang Gustin, naroon ang kanilang ama na si Emilio. Masaya

nitong pinagmamasdan si Ara.

"Ibang pwesto naman." Utos muli ni Mang Gustin. "Tumayo naman kayo."

Natawa sya ng pagak sa sinabi ng matanda. Nakalimutan yata nito na lumpo

ang kakambal niyang si Ara. Mayroon itong Metabolic defect na Tay-sachs

disease. Birth defect ito ni Ara na hindi na magagamot ayon sa mga

doktor. Milagro nga na hindi sya ang tinamaan ng inborn disability na ito

sa kabila ng pagigi nilang magkakambal.

Tila naman nasaktan si Ara sa sinabi ni Mang Gustin kaya't sumimangot ang

mala-anghel nitong mukha.

Napaangat ng mukha si Mang Gustin. "Ay oo nga pala, hindi ka nga pala

nakakalakad ano? Nakalimutan -" Hindi na nito natapos ang sinasabi dahil

bigla na lang tumarak sa ulo nito ang isang -

- palakol!

Biak ang bungo nito at wala na itong buhay ng matumba ito sa pagkakatayo.

Hinugot ng kanilang ama ang palakol na nakabaon sa ulo ni Mang Gustin na

parang wala lang. Ito pala ang sumibak sa ulo ng kawawang matanda. Para

lang itong namalakol ng kahoy na panggatong. Parang normal na lang na

gawain nito ang pumatay ng tao. "Ayoko sa lahat, nilalait ang anak kong

si Ara..."

Nagbago ang mukha ni Ara na kanina lang ay nakasimangot. Sumungaw ang

nakakatakot nitong ngiti sa mga labi. "Salamat Papa..." Bigla itong

bumaling sa kanya. Tiningnan sya nito ng masama. Pagkatapos nun ay

bumaling uli ito sa ama nilang si Emilio. "Papa, pinagtawanan ako kanina

ni Clarisse. Ayaw ko syang makita! Ipatapon mo uli sya sa kagubatan!"

Namutla sya. Sa tuwi kasing galit sa kanya ang kakambal na si Ara ay

ipinapatapon sya ng kanyang ama sa madilim na kagubatan. Minsan nga ay

naranasan na nyang tumira dun ng anim na buwan. Wala syang ibang pagkain

dun kundi ang mga hayop na maaaring kainin. Wala syang ibang sinisilungan

doon kundi ang madilim na kweba. Wala syang ibang kayakap kapag malamig

kundi ang mga ugat ng puno.

Sa ganitong pagkakataon, malamang ay isang buwan sya iiwanan doon.

Depende sa galit ng kanyang kakambal na si Ara. Kapag kasi namimi-miss

sya nito, ipinapakuha rin sya nito doon para may makalaro ito.

Dahil sanay na syang manirahan sa malawak nilang kagubatan, naging

matalas ang kanyang paningin lalo na sa dilim. Lumakas ang kanyang

pakiramdam at nasanay na syang pumatay - ng mga hayop.

Sila ang pinakamayamang angkan ng mga VillaVerde noon sa kanilang lugar.

Hindi lang sila mayaman, makapangyarihan din ang kanyang ama dahil sa mga

ilegal nitong transaksyon. Kaya kahit ilang tao pa ang patayin nito ay

magagawa nito. Walang batas na sinusunod si Emilio. Naging libangan na

nga nito ang pagpatay ng tao. Sa liblib nilang Probinsiya ay hindi

masyadong uso ang batas -lalo na ng panahon nila.

Bumaling ang ama nilang si Emilio kay Inang. "Yaya, pakilinis ang

nagkalat na dugo sa sahig."

Si Inang naman ay tumawag pa ng ilang mga katulong para makatulong sa

paglilinis ng bangkay ni Mang Gustin. Para kay Inang, normal na lang

nitong gawain ang ganun. Alam naman nitong mga baliw ang pamilyang

pinagsisilbihan nito. Lalo na si Ara. Lahat kasi ng hilingin nito sa ama,

ibinibigay naman ng ama. Kahit pa humiling ito ng buhay ng iba.

Napaigtad si Clarisse nang hilahin sya ng kanyang ama para ipatapon na

naman sa madilim na kagubatan. Kahit pumalag sya, wala syang magagawa.

Malaking tao si Emilio at ang pangangatawan nito na kaya syang ihambalos

kung gugustuhin nito. Napaluha na lang sya habang nakatanaw kay Inang.

Wala naman magawa ang ginang kundi ang pabaunan sya ng malungkot na

tingin.

Samantalang lumawak naman ang ngiti ni Ara habang pinagmamasdan ang

pagluha nya. Habang kinakaladkad sya ng kanyang ama palabas ng malaking

bahay nila. Hindi nya maintindihan ang sarili ngunit hindi nya magawang

magalit sa kakambal. Mahal nya kasi ito at para sa kanya, normal lang na

magkaganito si Ara dahil sa kapansanan nito.

PAGKALIPAS nga ng dalawang buwan ay hiniling na ni Ara na makabalik sya

sa kanilang mansyon. Nagulat pa sya ng makitang duguan si Ara habang

naglalaro ito ng chess. Napansin din nya ang nagkalat na bangkay ng tao

sa paligid. Ganito ang hilig ng kakambal niya, ang makipaglaban sa larong

chess. Ang problema, kapag may natatalo ito ay ipinapapatay nito sa ama.

Ang kadalasang kinakalaro nito ay ang mga tauhan nila sa hacienda. Sa

totoo lang, malapit ng maubos ang mga trabahador nila dahil sa larong ito

ni Ara.

"Checkmate!" Sigaw ni Ara sa kalaro nito ng madatnan nya ito sa malawak

nilang sala.

Napangiwi naman ang binatang kalaro nito. "Maawa po kayo..." Naluluha

ito.

Nilapitan naman ni Emilio ang binata at walang awa nitong pinukol iyon ng

palakol. Tirik ang mata nito nang tamaan ito sa panga. Talsik ang malapot

nitong dugo sa katawan ni Ara. Kaya pala maging ito ay duguan din. Hindi

matatapos ang larong ito hangga't hindi nagsasawa si Ara.

Sa kabilang gilid naman ay naroon lang nakatayo si Inang at ang dalawang

katulong na parang walang krimeng nagaganap sa harapan ng mga ito. Tila

naaaliw pa ang dalawang katulong na katabi ni Inang habang nanunuod.

Ganoon ka-makapangyarihan ang mga VillaVerde. Walang makakapalag sa

kanila kahit pa mag-aklas ang buong baryo laban sa makapangyarihang si

Don Emilio VillaVerde. Maraming kapit ang Pamilyang ito at maraming

tauhan. Ang mga simpleng trabahador sa lugar nila ay hindi makakalaban sa

kanila kahit pa gustuhin ng mga ito.

"Next!" Sigaw ni Ara.

Maya-maya ay may lumapit muling batang lalaki at umupo sa harap ng chess

board.

Napansin naman sya ni Ara. "Clarisse! Nariyan ka na pala. Halika!

Panoorin mo ako maglaro."

Lumapit naman sya rito.

"Alam mo bang hanggang ngayon ay wala pa ring nakakatalo sa akin."

Nakangiti ito na aakalaing napakabait sa kabila ng mga dugo nito sa

mukha.

Napabaling sya sa kalaro nitong batang lalaki. Kakaiba kasi ang isang

ito. Parang walang takot at hindi kinakabahan na di tulad ng mga ilang

nakaharap na ni Ara sa larong ito. Wala sya sa sariling naitanong nya ang

pangalan nito. "Anong pangalan mo?"

Napatingin sa kanya ang lahat.

Napasimangot si Ara. "Clarisse - ayokong kinakausap ang kalaro ko." May

galit sa tinig nito. Maldita talaga itong kakambal niya, pero kahit

ganoon si Ara ay mahal niya ito.

Nginitian niya si Ara. "Hindi ba mas maganda kung malalaman mo ang

pangalan ng makakalaro mo bago mo ito talunin?"

Tumingin ito sa kanya nang masama. Pero maya-maya ay ngumiti na naman

ito na para bang maamong bata. "Kung sabagay..." Bumaling ito sa batang

lalaki. "Anong pangalan mo?"

Nag-angat naman ng mukha ang batang lalaki na sa tantiya nya ay nasa edad

sampu. Mas matanda sila rito ni Ara. "Roli po..." Tugon nito. "Taga-

kabilang baryo po ako... Ulila na."

"Okay! Maglaro na tayo" Pumalakpak si Ara. "Alam mo naman siguro na

kapag natalo kita ay mamamatay ka."

Tumango lang si Roli na parang hindi kakikitaan ng takot.

Nagsimula na nga ang laro ng mga ito. Tumagal iyon ng dalawang oras na

may limang rounds. Pero sa limang rounds na ito, hindi nanalo si Ara. Ito

yata ang unang pagkakataon na may nakatalo kay Ara sa larong chess at

limang beses pa!

Kita na sa mukha ni Ara ang pagkapikon. "Nakakainis! Bakit hindi kita

matalo?" Hanggang sa ika-anim na round ay natalo pa rin si Ara. Galit na

galit ito kay Roli. "Papa. Patayin mo sya."

Lumapit naman si Emilio kay Roli at bumwelo hawak ang malaking palakol.

"Sandali!" Sigaw nya.

Napahinto ang kanyang ama.

"Kapag pinatay mo sya Ara, mawawalan ka ng magaling na kalaban."

Nakabaling sya kay Ara.

Napaisip si Ara. "Kung sabagay tama ka." Tapos ay bumaling ito kay Inang.

"Sige, si Inang na lang ang ipapa-patay ko."

Namutla ang ginang! Maging sya ay nagulat din. Napaluhod sya sa harapan

ng kakambal. "Huwag Ara maawa ka..." Si Inang kasi ang pinakamalapit sa

kanya sa lahat ng katulong nila. Ito rin ang nag-alaga sa kanila mula ng

pagkabata nila kaya isang Ina na ang turing nya rito.

Napapikit si Ara. "Oh sige. Hindi ko ipapapatay si Inang. Pero gusto ko

ang mga kuko nya sa paa."

Nanlaki ang mga mata ni Inang. Alam nito na kapag hindi nito tinupad ang

kahilingan ng alaga ay mamatay ito ngayon din.

Tumingin na lang sya kay Inang at tinanguan nya iyon. Mas mabuti na kasi

iyon kaysa ang ipapatay ito.

Si Emilio naman ay humugot ng plies sa bulsa at ibinigay ito kay Inang.

"Hugutin mo ang mga kuko mo sa paa."

Napalunok muna si Inang bago iyon tinanggap. Hindi nga nagtagal at

binunot nito isa-isa ang sarili nitong mga kuko sa paa upang ibigay kay

Ara. Halos mapahagulgol ang ginang sa ginawa nito sa sarili. Iika-ika

nitong iniabot kay Ara ang mga kuko nito.

Lumawak ang ngiti ni Ara. "Hindi ako kuntento rito." Bumaling ito sa

isang katulong na nasa likuran ni Inang. "Ikaw!" Sigaw ni Ara dito.

"Ibigay mo sa'kin ang kaliwang kamay mo..."

Napaatras naman ang isang katulong habang naluluhang umiiling. "Ayaw ko

po..."

Lalong sumimangot si Ara.

Dahil sa takot, nagtatakbo ang katulong. Pero bago ito makalabas ng

pintuan, nasapol ang likod nito ng ibinatong palakol ni Emilio. Nangisay

ito bago ito bawian ng buhay.

Bumaling pa si Ara sa isa pang katulong sa likuran ni Inang. "Ibigay mo

sa'kin ang kaliwang kamay mo."

Todo tango naman ang katulong na iyon. "Opo! Opo! Masusunod po!" Humiram

ito ng palakol sa kanilang ama.

"Ayoko ng palakol ang gagamitin mo, gusto ko yung lagare." Matigas ang

tinig ni Ara.

Lalong nanlaki ang mga mata ng katulong na ito nang abutan na ito ni

Emilio ng lagare.

Tanging malakas na lang na tili ang maririnig sa loob ng malaking bahay

na iyon. Dahil sa nilagaring kaliwang kamay nito, naubusan din ito ng

dugo na ikinamatay nito.

Bumaling si Ara kay Roli. "Papa, gusto kong ampunin natin si Roli. Gusto

ko syang maging kapatid."

Iniangat naman ng malapad na kamay ni Emilio ang batang si Roli. "Simula

ngayon, anak na kita. Ipapaayos ko ang mga papeles mo bukas upang

mapabilang kang isa sa mga VillaVerde."

Ngunit ang mukha ng batang si Roli ay hindi kakikitaan ng kagalakan.

Bagkus ay tila mas mabangis pa ito kaysa kay Ara. Tiyak na higit itong

mas malaking bulas kaysa sa kanilang ama kapag nagbinata na ito. Sa edad

kasi nitong iyon kasi ay halos kasinglaki na nila ito ni Ara, na kung

tutuusin ay ay labing-walong gulang na silang magka-kambal.

SIMULA noon ay nabawasan na ang pagpaslang sa bahay ng mga VillaVerde

dahil nalibang si Ara sa pakikipaglaro nito kay Roli. Hanggang sa huling

mga buwan kasi ay hindi nito matalo ang kalaban. Tila ba napagbago ni

Roli ang kakambal nya. At habang nangyayari iyon ay nakuha rin nitong si

Roli ang atensyon nya.

Hanggang isang gabing iyon, tumabi si Ara sa kanyang pagtulog. Kinausap

sya ng kakambal. "Clarisse, may hihilingin ako sa'yo..." Napakaamo na

naman nito.

Hinimas nya ito sa ulo. Itinuturing nya kasi itong mas nakababata sa

kabila ng kanyang kakulangan sa kaalaman kung sino nga ba ang mas matanda

sa kanila.

Tumingala ito sa kanya. "Gusto kong makalakad. Bigyan mo ako ng mga

bagong paa..." Namumugto ang mga mata nito na halatang kaiiyak lamang.

Ito talaga ang tunay na Ara... Isang malungkot at isang batang punong-

puno ng insecurities sa katawan. Si Ara-Ang kaniyang kawawang kakambal.

Niyakap nya ito at napaluha na rin sya. "Pangako Ara, makakalakad ka.

Tutulungan kita..." Mahal na mahal nya si Ara kahit minsan ay inaabandona

sya nito kapag galit ito sa kanya. Kahit kasi nagdaramdam ito sa kanya,

ni minsan ay hindi sya nito nagawang ipapatay sa kanilang ama. Di tulad

ng kanyang lolo at lola na kinasakiman ni Ara. Pinatay ang mga ito ni

Emilio dahil hiniling iyon ni Ara.

Si Emililo- na kanilang ama... Wala itong ginagawa na hindi para sa

kaniyang kakambal. Mahal na mahal kasi nito si Ara, siguro ay dahil na

rin sa kapansanan ng kaniyang kapatid.

Pinahiga na nya si Ara at kinumatan. Pagkatapos ay ginawaran nya ng halik

sa noo. Mabilis naman nakatulog ang kakambal.

PAGGISING nito kinabukasan ay naghihiyaw ito sa sakit. "Clarisse!

Ahhhhhhh!" Sigaw nito.

Umaga na noon ng magising si Ara. Pumasok sya sa kwarto nito - duguan.

"Anong nangyari sa mga paa ko? Sa mga binti ko?" Tanong ni Ara habang

lumuluha ito. Putol kasi ang magkabila nitong binti, nagkalat ang dugo

nito sa higaan.

Lumapit sya rito at may bitbit syang mga binti. "Papalitan ko ang mga

paa mo. Baka sakaling makalakad ka..." Hindi na sya kumukurap.

Nangangatog na napatingin lang sa kanya ang kakambal. "K-Kaninong mga

binti yan..."

Tumingin sya rito at ngumiti. "Kay Papa..." Naupos siya sa tabi nito.

"Pinainom ko siya ng pampatulog, tapos ay pinilit kong maputol ang mga

paa niya." Aniya rito.

Natutop ni Ara ang sariling mga labi. Napahagulgol na ito habang

nanginginig.

"Shhhh..." Niyakap nya ito. "Makakalakad ka Ara... makakalakad ka..."

Niyakap nya ito. Tapos ay kumilos na sya. Inilagay nya ang mga binti ng

kanyang ama para idugtong sa mga putol na binti ni Ara. Ang kaso,

masyadong malaki iyon. Napailing sya. "Masyado palang malaki ang mga

binti ni Papa. Dapat pala ay binti ng isang babae at iyong kasing edad

natin..."

Ngunit hindi na umiimik si Ara.

"Ara?" Nag-alala na sya. Nang tingnan nya ito sa mukha ay maputla na ito.

"Ara!" Niyugyog nya ito. "Ara!"

Pero hindi na ito humihinga.

"Ara!" Niyakap nya ito habang humihiyaw sya sa pag-iyak.

Pumasok naman sa pintuan si Inang at Roli. "Diyos ko po!" Halos hindi

makapaniwala si Inang. "Diyos ko Clarisse! Bakit mo ito nagawa?! Bakit ka

tumulad sa mga baliw mong Pamilya!" Hagulhol ni Inang.

"Inang... patay na si Ara... huhuhu..." Iyak nya.

Niyakap naman sya ni Inang. "Aalis tayo rito. Lalayo tayo sa lugar na

ito." Bumaling ito kay Roli. "Roli, patayin mo lahat ng natitirang

katulong sa loob at labas ng bahay na ito."

Tumango lang si Roli.

Nang sumapit muli ang gabi, wala silang ginawa kundi ang maghukay ng

lupa. Inilibing nila ang mga katulong na pinapatay ni Ara at pinatay ni

Roli ng gabing iyon. Natagpuan din ni Inang na wala ng buhay si Emilio at

putol ang mga binti nito.

"Inang..." Bumaling si Clarisse sa ginang. "Wag nyo po ilibing si Ara...

tutuparin ko po ang kahilingan nya."

Tinanguan lang sya ni Inang.

Kinuha nya ang bangkay ng kakambal at inlagay sa loob ng drum. Pagkatapos

noon ay sinalinan nila ng tubig iyon na sapat para sakupin ang buong

katawan nito. Iniisip nya na sa ganoong paraan, mananatiling buhay ang

katawan ng kanyang kapatid.

Tinakpan nila iyon at isinarang mabuti. Itinago nila iyon sa kwebang

tinitirhan nya sa gitna ng kagubatan sa tuwing ipinapatapon sya doon.

Doon nya ito ikinubli ng sa ganun ay mabalikan nya ito kung gugustuhin

nya. Sa lawak ng gubat na iyon ay malabong madiskubre iyon ng sinuman

lalo na't hindi naman nila ibebenta ang lupain.

Kaya habang hindi pa sya nakakakuha ng mga paa para sa kakambal nyang si

Ara, doon muna ito. Naisip nya rin na mas epektibo siguro kung

makakahanap sya ng mga paa mula sa kapangalang Ara at kasing edad nila.

Pag-iisipan nyang mabuti kung paano sya makakahanap ng ganun.

Hindi matukoy kung paano nagawan ng paraan ni Inang na pamahalaan ang mga

naiwang transaksyon ni Emilio. Pero karamihan sa mga negosyo nito at ari-

arian ay ibinenta nito maliban sa malaking bahay nito. Ang napagbentahan

ay inilagay nito sa savings ni Clarisse at ni Roli. Mahalaga kasi kay

Clarisse ang bahay na iyon.

[ANG MGA PANGYAYARING IYON AY NAGING MALAKING ISYU SA KANILANG BARYO AT

MAGING SA IBA PANG KARATIG BARYO AT BAYAN SA PROBINSIYA NILA CLARISSE.

NAGING BALI-BALITA ANG TUNGKOL SA ISANG DON EMILIO VILLAVERDE-NA ISANG

BALIW NA NEGOSYANTE NA PUMAPATAY NG MGA TRABAHADOR NITO. NAGING USAP-

USAPAN DIN ANG MGA ANOMALYA NITO SA NEGOSYO AT ANG MADUMING PAGLALARO NG

PERA. ANG KRIMENG NAGANAP SA MANSION AY KUMALAT HANGGANG SA NAGING LAMAN

IYON NG DIYARYO AT MGA BALITA SA RADYO- BAGAMAN WALA PA IYONG MAAYOS NA

LEAD MULA SA MGA KAPULISAN- PERO NAISARADO RIN ANG KASO DAHIL SA

KAKULANGAN NG EBIDENSIYA LABAN SA MGA KALABAN SA NEGOSYO NI DON EMILIO NA

NAPAGBINTANGANG MAY GAWA NG MGA PAGPATAY NA IYON. PERO LAHAT DIN AY

NAIBAON SA LIMOT NANG TULUYAN NG MAWALA ANG MGA VILLAVERDE SA TAGONG

MANSION NG MGA ITO. NANAHIMIK NA RIN ANG MGA TAO AT HINDI NA HINANAP ANG

MGA NAWAWALANG ANAK NI DON EMILIO NA INAAKALA NG LAHAT NA MGA BIKTIMA

LANG DIN NG KALUPITAN NG BALIW NA AMA NG MGA ITO.]

Inilayo ni Inang si Clarisse at Roli patungong Manila. Doon nito sila

pinag-aral. Pinilit sila nitong limutin ang mga nangyari sa kanilang

probinsiya. Hanggang sa limang taon nga ang lumipas at nasa kolehiyo na

si Clarisse. Bigla na lang ding naglaho si Inang ng mga panahong iyon

kaya sila na lang ni Roli ang namuhay sa iisang bubong. Mabuti na lang at

may pera sila na iniwan sa kanila ni Inang.

-UNIVERSITY-

"NANA!" Napasimangot si Clarisse nang bumungad sa harapan nya si Roger.

Ka-schoolmate nya ang binata sa pinapasukan nyang paaralan at kasalukuyan

itong nag-aaral ng Law.

Nasa ilalim sya ng isang puno at nagpapahinga matapos ang pangalawang

klase nya. "Bakit mo ba ako tinatawag sa pangalang iyan?" Inirapan nya

ang lalaki.

"Wala lang. Para kasing ang ganda mo sa pangalang iyon." Simaptiko ang

ngiti nito. "Diba Nana ang tawag sa'yo ng ibang kaibigan mo?"

"Kapag narinig iyan ni Maria, magseselos yun." Si Maria ang bestfriend

nya. Ang Maria ring ito ay si Mrs. Ocampo na tinutukoy nya.

Lumukot ang mukha ni Roger. "Wala na kami."

Namilog ang mga mata nya.

"Meron na syang bagong boyfriend." Tumingin ito sa kanya. "Ang kapatid

mo." Ang tinutukoy nito ay si Roli.

Parang kinurot ang puso nya sa narinig. Napahalukipkip sya at humarap sa

binata. "Akala ko ba gusto ng bestfriend mong si Eric Ocampo si Maria?"

Ang Eric na tinutukoy nya ay ang mapapangasawa ni Mrs. Ocampo.

"Malay mo, sila pa rin sa huli. Hindi naman susukuan ni Eric si Maria

eh."

Naroon pa rin ang sakit sa puso nya sa isiping bestfriend nya ang

napupusuan ni Roli. Isinumpa nya kasi na walang ibang mamahalin si Roli

kundi sya. Nanumpa rin naman ito sa kanya. Dahil sa namumuong galit,

lumapit sya kay Roger at walang pasubaling siniil nya ito ng halik. Hindi

naman nakapalag ang binata sa ginawa niya.

"Oooow!" Nakangisi ito at nabigla sa ginawa nya.

"Liligawan mo ba ako?" Tanong nya rito habang nakayapos pa rin sa mga

leeg nito.

"Oo sana."

"Meron lang akong hiling, Roger. Sana tuparin mo."

"Kahit ano pa 'yan, tutuparin ko." Yumakap na rin ito sa kanya.

"Gusto ko, kapag nagkaanak tayo ng babae, Ara ang ipangalan natin."

Napabitiw si Roger sa kanya. "Hindi pa nga 'tayo', anak agad!"

"O sige 'tayo' na. Pero tuparin mo ang hiling ko."

Sunud-sunod naman ang tango ni Roger. Yumakap ulit ito sa kanya. "Meron

din akong hiling. At gusto ko, tuparin mo rin..."

Tumango lang sya.

"Simula ngayon, ang gusto kong pangalan mo -

NANA..."

END of flash back

Ano kaya ang gagawin nila Roger at Arthur gayong kasama lang pala nila

ang killer sa loob ng bahay ni Inang? Makaligtas kaya sila rito gayong

sanay ito sa dilim at sanay pumatay? Next Chapter - aatake na si NANA -

ang killer.

TBC

####################################

The Killers Attack [ Part1 ]

####################################

To: @KimberlyArellano thank you daw sabi ni Ate Ara sa pagtatanggol mo sa

kanya. :)

xxILY, ARAxx

[ START ]

ROGER's POV

Dugdug!- Dugdug!- Dugdug!

Iyong dibdib ko, ang lakas ng kabog.

Dugdug!- Dugdug!- Dugdug!

Tapos sa ibaba, may narinig kaming lagabog.

Dugdug!- Dugdug!- Dugdug!

Kahit di ko sila makita dahil sa madilim na paligid, alam kong

nakikiramdam lang din sila. Dahil alam kong alam na rin nila kung sino

ang killer. Naikwento na sa amin ni Inang ang lahat ng tanong ko na hindi

ko masagot. Sapat na iyon para mapatay ko SYA nang wala akong takot.

Pvtangina nya! Minahal nya ba ko talaga? O ginamit nya lang ako para

mabuo si Ara? Para sa kakambal NYA? Kaya pala sya pumuputol ng PAA - ay

dahil para sa kapatid NYA.

Papatayin ko SYA!

Ako mismo ang papatay sa KANYA tangina NYA! At ito palang nagpapakita sa

amin ay si Ara - si Ara na kakambal nya. At hindi ang anak kong si Ara.

Papatayin ko SYA. Papatayin ko sila ni Roli - papatayin ko sila!

Iyong putok nya sa noo - pagpapanggap lang pala. Ginamit nya pa ang

pangalan ni Mrs. Ocampo para ligawin kami at makasama namin SYA. Tapos

ginagamit nya pa ang cowboy hat ni Mrs. Ocampo para hindi namin maisip na

ang killer ay - SYA. Ngayong malinaw na sa akin ang lahat, gusto ko ako

mismo ang papatay sa'yo NANA. Ipaghihiganti ko ang anak nating si Ara!

Namalayan ko na lang na napaluhod na pala ako. Napahagulgol. Kinapitan

agad ako ni Arthur. "Mr. Santos... tatagan mo ang loob mo..."

"Papatayin ko sya Arthur... papatayin ko sya..." Mahina lang pero madiin

ang pagbigkas ko.

Tahimik lang ang lahat at halatang nakikisimpatya. Hindi ko man sila

makita dahil madilim, alam kong natatakot din sila. Kahit nga ako'y

nangangatog at nakakaramdam pa rin ng takot - sila pa kaya na hindi pa

nakakaengkwentro si Nana. Inalalayan ako ni Arthur tumayo. "Roger...

nasaan si Nana ngayon?"

"Nandun sya sa first floor. Sa emergency room." Si Rico na ang sumagot.

"Okay. Pupunta ako. Dito lang kayo." Utos ni Arthur sa amin.

"Arthur..." Bulong ko. "...meron ka bang ibang sandata dito bukod dyan sa

hand gun mo?"

"Meron kaming palakol dito." Mabilis nyang tugon.

"Nasaan?" Tanong ko ulit.

"Nasa - first floor eh."

"Shit!" Nasapo ko ang aking noo.

"Bakit?" Napalunok muna si Arthur, dinig ko.

"Hawak na ni Nana yun ngayon." Tapos hinugot ko ang CP ko sa bulsa. Fvck!

Lowbat ako. Bumaling ako may Marvin. "Marvin, peram phone mo." Kaso nung

nilabas nito iyon ay halos kumukurap na rin ito. "Arthur, wala ka bang

flashlight man lang?"

Kinuha ni Arthur ang cellphone nya at ginamit iyon para magliwanag. Ganun

din ang ginawa ni Rico at ng dalawa pang nurses na kasama namin.

Bahagyang nagliwanag ang paligid dahil sa mga ilaw na ito.

Maya-maya pa'y nag-dial na si Arthur at tumawag ng back-up.

Bumaling ako sa kanilang lahat. "Uubusin nya tayo. Papatayin nya tayong

lahat."

"Attorney, babae lang sya. Puro lalaki tayo dito." Ani Marvin sa gilid

ko.

"Pero wala tayong mga mata na kasing talas ng sa kanya sa dilim."

Kumasa ng baril si Arthur. "Anong ibig mong sabihin?"

"Ang killer na ito ang umubos sa mga kasama ko sa dating bahay ng mga

VillaVerde. Nakita ko kung paano sya kumilos sa dilim."

"Noong bata pa ako..." Biglang sumingit si Inang. "...mas takot ako sa

baliw kaysa sa multo. Kasi ang ang baliw, hindi lang nakakatakot. Kaya

pang pumatay ng tao."

Nagkatinginan kaming lahat. Kita sa mukha ng mga ito ang takot. "Okay.

Ganito ang plano." Si Arthur. "Mr. Santos, samahan mo akong bumaba doon."

Inabutan nya ako ng lighter. "Iyong iba, maiwan dito."

"Sasama ako." Ani Marvin sa likuran ko.

Tinanguan lang ito ni Arthur.

"Mag-iingat kayo mga hijo. Isang hayop ang kalaban nyo at hindi lang

basta tao." Pahabol ni Inang. "Ibang-iba na siya... Mas sumahol pa...

Akala ko ay tuluyan na siyang nagbago... Nagbago nga siya pero sa mas

ikasasama pala."

Hindi ko na ito nilingon. Basta naglakad na lang ako palabas.

Dugdug! Dugdug! Dugdug!

Heto na naman yung kabog ng dibdib ko.

"May tatlong daan pababa rito. Iyong una itong bababaan natin. Pangalawa

iyong sa gitna. Pangatlo iyong sa dulo." Paliwanag ni Arthur.

"Anong ibig mong sabihin, maghihiwa-hiwalay tayo?" May takot sa tinig ni

Marvin.

Tumingin sa akin si Arthur na para bang humihingi ng suhestyon. "Sa

tingin ko, mas malakas tayo kung magkakasama tayong tatlo."

Tumango na lang sya. At heto na nga kami - marahang bumababa ng hagdanan.

Mula sa third floor.

Pababa.

Second floor.

Pababa.

First floor.

Ano yun?

May naririnig ako.

May naririnig akong -

Ungol!!!

Nagkatinginan kaming lahat.

Pagkatapos ay marahan kaming humakbang.

Marahang humakbang patungo sa kwarto ni Nana.

Marahan lang.

Iyong ungol, palakas nang palakas.

Lalo tuloy akong kinakabahan.

Inilawan ni Arthur yung daan.

Habang humahakbang.

Humahakbang nang marahan.

Tapos - hayun yung pinto.

Marahan naming tinungo ito.

Bukas yung pinto.

Sinilip namin ito.

Madilim.

Inilawan ni Arthur ito.

Si Nana.

Wala na si Nana dito.

May umuungol.

Inilawan ni Arthur ito.

Tapos nakita ko.

Iyong umuungol na tao.

Humihinga pa ito.

Kaso - biyak na ang bibig nito.

Tila ba sinibak ng palakol ito.

Ito yung nurse na bantay ni Nana.

Na iniwan ko dito.

Then napansin ko.

Itong dalawang kasama ko.

Na-estatwa ang mga ito.

Natulala sa nakita nito.

Ako lang ang nakakilos at agad na pinuntahan ito. Naghahabol ito ng

hininga. Nanginginig ako at di malaman ang gagawin. Nasa harapan ko ba

naman ang isang taong nag-aagaw buhay. Nilingon ko yung dalawa,

nakatingin lang ang mga ito sa akin. "T-Tulungan nyo ko..." Nanginginig

kong utos sa kanila.

Maya-maya ay nangisay na itong nurse na lalaki.

"Damn! Tulungan nyo ako!" Napasigaw na ako sa dalawa.

Wala sa sarili si Arthur. Parang hibang na nagsalita. "B-Babalikan ko

sila Inang." Bigla na lang itong nagtatakbo at iniwan kami.

"Arthur!" Nawalan tuloy ng liwanag. Sya lang kasi ang may dala ng CP na

may flashlight. Mabuti naalala ko yung binigay nyang lighter sa akin.

Sinindihan ko yun.

CLICK! CLICK!

Pvta mukhang ayaw pang sumindi.

CLICK! CLICK!

Hayun sumindi na.

Kaso itong lalaking nurse -

Mukhang hindi na humihinga.

Nilingon ko si Marvin. "Marvin kailangan natin ng liwanag." Pero tulala

pa rin ito. Bahagyang naluluha. Nilapitan ko ito. "Hey!" Tinampal ko ito.

Para itong nagising sa pagkakatulog. Nanginginig ito.

"Kailangan natin ng ilaw."

Pero tulala lang ito.

Nakatingin lang ito sa likod ko.

Dugdug! Dugdug! Dugdug!

Kinabahan na naman ako.

"M-Marvin?"

Nakatingin lang ito sa likod ko.

"B-Bakit?" Tanong ko.

Tapos namatay yung apoy sa lighter ko.

Parang may umihip dito.

Binuksan ko.

CLICK! CLICK!

Sumindi ito.

Namatay ulit.

Parang may umihip dito.

CLICK! CLICK!

Sumindi ulit.

Tapos may umihip ulit.

Namatay ulit.

Kinakabahan na ako.

Sisindihan ko pa kaya ito?

Tapos nilingon ko yung likod ko.

Saka ko sinindihan ito.

CLICK! CLICK!

Sumindi ito.

Wala namang umiihip dito.

Bigla kong narinig si Marvin.

Humihingal ito.

Bumulong ito sa akin.

"A-Attorney sa taas mo..."

Nangangatog ito.

"Ha?" Anong sa taas ko?

"S-Sa kisame Attorney...

...sa itaas mo..." Sabi pa nito.

Napalunok ako. Saka marahang tumingala.

Nanginginig ako. Habang marahang tumitingala.

May pumapatak na tubig. Sa itaas nagmumula.

Heto na ako at - nakatingala.

May babae dun. Sa kisame nakatungtong.

Nakatingin sa akin at bumubulong.

Iyong mga mata nito, hindi kumukurap.

Nakaliyad ang likod nito paharap.

Tapos - namatay ulit itong lighter ko.

Pvcha! Ayoko ng sindihan ito.

Basta ako - tatakbo.

Makalayo lang dito.

Namalayan ko na lang na hinila ko si Marvin. Tulala pa rin kasi ito. Ni

hindi ko na alam itong nilalakaran ko. Basta ako, takbo lang nang takbo.

Narito na pala kami sa second floor. Halos mapatiran ako ng hininga. Teka

-

Bakit -

Para ako na lang mag-isa?

Nasaan si Marvin?

"Marvin?" Bulong ko.

Pero walang sagot mula rito.

Nasaan yun? Hinila ko sya ah. Sinindihan ko ulit itong lighter ko.

CLICK! CLICK!

Ayaw sumindi. Isa pa.

CLICK! CLICK!

Hayun sumindi na.

Tapos sa aking unahan.

May natanaw ako.

Lalaki.

Doble ang laki nito.

Hindi ko maaninag.

Lumapit pa ako.

Imposible naman yatang -

Si Marvin ito.

Tapos - nanlambot ako.

Nang makilala ko kung sino ito.

Namatay yung lighter -

Nang mapaluhod ako.

Lumapit ito at humakbang.

Tapos - narinig ko si Nana sa aking likuran.

"Ang tagal mo naman... bakit ngayon ka lang?"

Nagsalita itong lalaki sa aking harapan. "Hinanap ko pa kasi ang lugar na

ito kung saan..."

Itong lalaki, may martilyo. Ibinato nito iyon sa likod ko. "Hindi ako

sanay gumamit nito, oh..."

Narinig ko naman na nasalo ito ni Nana sa likod ko. "Mas gusto ko ito,

kaysa dito sa palakol na hawak ko..."

Ibinato rin nito yung palakol - sa lalaking nasa harap ko.

Nasalo naman nito!

Ang dalawang ito, parang ang liwanag kung magpalitan ng armas.

Napapagitnaan pa ko ng mga baliw na 'to ang waaah!

"Duguan ka yata?" Puna ni Nana sa lalaki.

"May dalawa kasing parak sa labas. Pinaslang ko na." Tugon nito. Na para

bang normal lang ang ginawa nito.

Itong mga pulis na tinutukoy nito. Ito marahil yung back-up na tinawagan

ni Arthur kanina.

"Ilan pa sila rito?" Tanong pa nito kay Nana.

"Mga anim pa..." Tugon ni Nana.

"Eh paano itong si Roger?"

Muntik na akong kapusin ng hininga.

Kung mag-usap kasi ang dalawang ito.

Parang wala ako sa gitna nila.

"Wag mo syang gagalawin. Ihuhuli ko sya. Ako ang papatay sa kanya..."

Bilin ni Nana.

Pvtangina! Kung magpartihan itong dalawa. Akala mo kakain ng pagkain ang

mga pvta!

Hindi ko alam pero natameme ako. Kaya ko ba ang dalawang ito? Basta ang

alam ko lang nanginginig ako. Hindi ako makagalaw - natatakot ako.

"Sige, basta akin si Inang..." Sabi nitong malaking lalaki habang

humakbang palampas sa akin.

Dun ko lang sila nilingon.

Si Nana may hawak na cellphone.

Hindi ko man gaanong makita.

Pero naaninagan ko sila.

Naluluha ako pag-alis nila.

Lagot kami, paano na?

Kay Nana lang hirap na kami.

Tapos, dumating pa itong si -

- ROLI!!!

Malamang mamamatay kami -

Yari kami ngayong gabi...

Dugdug! Dugdug! Dugdug!

Dugdug! Dugdug! Dugdug!

TBC

####################################

The Killers Attack [ Part2 ]

####################################

xxILY, ARAxx

[ START ]

ROGER's POV

CLICK! CLICK!

Ayaw na naman bumukas nitong lighter ko, badtrip!

CLICK! CLICK!

Bakit kaya? Hindi naman basa ng tubig.

CLICK! CLICK!

Sinubukan ko pa rin ng makailang ulit.

CLICK! CLICK!

Ayaw pa rin talaga, lintek!

Muntik ko nang maibato itong lighter na 'to, pero pinigilan ko ang sarili

ko. Sa ngayon kasi, ito na lang ang meron ako kung gusto kong makaligtas

sa lugar na ito. Ito lang ang panlaban ko sa dalawang iyon - ang munting

liwanag nitong lighter na 'to.

CLICK! CLICK!

Sa wakas! Sumindi na rin.

Ang plano ko - hanapin si Marvin. Alam kong narito pa rin sya sa second

floor. Sigurado akong nadala ko sya rito nang hilahin ko sya kanina rito

bago kami nagtagpo nila Roli at Nana. Kapag nakita ko na sya, kailangan

ko naman ngayong sabihan sila Arthur na narito rin si Roli bukod kay Nana

- at papatayin nito kami! Sana lang ay makita ko pa silang buhay.

The only way para makaligtas ako ay ang iligtas ko rin sila. Hangga't may

buhay pa kasi sa amin ay hindi naman siguro ako papatayin ni Nana. Ang

sabi nya kasi kanina ay ihuhuli nya raw ako di ba?

Anyway, humakbang na nga ako. Bumungad sa akin ang tabi-tabing kwarto.

Shit! Gaano ba kalawak ang dating hospital na 'to? Tinungo ko yung unang

kwarto. Naka-lock ang pinto. Mabuti ay may bintana ito. Inilawan ko ng

lighter ko - walang tao.

Pinuntahan ko yung pangalawang kwarto. Inilawan ko yung binatana nito.

Walang tao.

Sumunod yung pangatlong kwarto.

Walang tao.

Tapos yung sumunod na kwarto.

Walang tao.

Iyong sumunod.

Walang tao.

Tapos itong isa.

Walang tao.

Iyong katabi nun.

May babae.

Tapos sa kasunod.

Walang tao.

Tapos sa -

Teka -

Tama ba?

May babae dun sa kwartong -

Iniliwan ko kanina?

Sa likuran ko.

Narinig ko.

Bumukas yung pinto.

Nung kwarto.

Iyong kwartong nakita ko.

May babae dun sa kwarto.

Napalunok ako.

Tapos namatay yung sindi ng lighter ko.

Hala!

CLICK! CLICK!

Ayaw na naman sumindi. Nanginginig ang mga kamay ko.

CLICK! CLICK!

Hay salamat sumindi.

Kaya lang.

Pagsindi nito.

Dun sa harap ko.

Katapat lang ng apoy nito.

May mukha.

Nakatingin sa akin ang pvcha!

Mahaba ang buhok, babae sya.

Hindi kumukurap ang mga mata.

May mga bangaw sya sa tainga.

Tapos yung amoy nya -

Ang sangsang tang*na!

Iyong bibig nya nakanganga.

Nakaliyad sya at basang-basa.

Pvtang*na! Si Ara!

Si Ara na kakambal ni NANA!

Wahhhhh!

Hindi na ako nagsalita! Basta ako, tumakbo na. Hindi ko na nga alam itong

dinadaanan ko. Basta ako - takbo na naman nang takbo.

Tapos may nakabunggo ako.

Nabitawan ko tuloy itong lighter ko.

Kinapa ko ito.

Dammit! Nawawala ito.

Tapos - napatigil ako.

Sino yung nakabangga ko?

Naku yari ako.

Baka mamaya - si NANA o si Roli ito.

Bigla kong nakapa itong lighter ko.

Nanginginig ko itong iniangat.

CLICK! CLICK!

Sumindi agad!

Inilawan ko iyong nakabunggo ko.

Isa.

Nanginginig ako.

Dalawa.

Nangangatog ako.

Tatlo!

"Attorney..."

Wahhhh! Nagulat ako.

Si Marvin lang pala akala ko kung sino. "Marvin!" Nilapitan ko sya.

Umiiyak sya. "A-Attorney..."

"Marvin! Kailangan na nating -" Natigilan ako.

Kasi -

Kasi -

Napatingin ako sa kanyang -

Haaaa! Paano ba?

Napatulala ako.

"A-Attorney tulungan mo ko..."

Paano kasi -

Putol ang kanyang braso.

"A-Attorney... ayoko pang mamatay..." Napahagulgol sya.

Hinawakan ko sya sa magkabila nyang panga. "Anong nangyari Marvin? Bakit

putol ang kanang braso mo?"

Nangangatal sya. "M-May lalaking pumalakol sa akin kanina... malaking

lalaki... hindi ko makita..."

"Shhh..." Alo ko sa kanya kahit natatakot na rin ako. "Halika..." Inakay

ko sya papasok sa isang kwarto dun. Inuupo ko sya sa kama. Tuloy lang sya

sa paghagulgol. Ako naman, natatarantang naghahanap sa medecine kit ng

kahit anong gamot o gasa na pwede kong ipantakip sa putol nyang braso.

"Attorney... mamamatay na yata ako..." Umiiyak pa rin sya at halatang

takot na takot.

"Shhh.. wag kang maingay..." Tuloy lang ako sa paghahalungkat.

"Mamamatay na ako... mamamatay na ako..."

Nang ilawan ko muli, hayun nga ang dugo at nagkalat na sa inuupuan nya.

Kailangang maampat ko ang dugo nya or else, mauubusan sya nito na baka

ikamatay nya. Kinuha ko yung kumot sa higaan. Pinunit ko pahaba at

itinali ko dun sa putol nyang braso. Hindi sya umaaray. Manhid pa yata

ito.

Iisa lang ang sinasabi nya. "Mamamatay na ako... mamamatay na ako..."

Nang matalian ko ang sugat nya, humarap ako sa kanya. "Marvin makinig ka.

Ihahatid kita sa labas sa sasakyan ko. Aalis tayo rito."

Tumingin sya sa akin na parang wala sa sarili.

Tapos may narinig ako.

Ano yun?

Parang -

May kinakaladkad.

Kinakaladkad na bakal.

Kinakaladkad na -

Palakol!!!

Tapos yung tunog -

Palakas nang palakas.

Papalapit nang papalapit.

Agad kong inakay si Marvin. Hinila ko sya palabas.

"Attorney mamamatay na yata ako..." Umiiyak pa rin sya.

"Hindi ka mamamatay Marvin... Mabubuhay ka..."

Pero nagpumiglas sya. Itinulak nya ako.

"Marvin?" Inilawan ko sya.

"Attorney... mamamatay na ako..." Para na syang baliw habang umaatras sa

akin.

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "No Marvin... tatagan mo ang loob

mo... makakaligtas tayo -" Wah!

Biglang -

Bumukas ang ilaw!

Thank God may kuryente na.

Napatingala tuloy ako. Nilingon ko ang paligid ko. "Marvin nakita mo...

may liwanag na..." Nilingon ko muli sya. "Makakaligtas na -"

Napatigagal ako.

Dito sa nakita ko.

Si Marvin.

Tirik ang mga mata nito.

Tapos -

May nakatarak.

Sa ulo nito -

May palakol na nakatarak!

Napaatras ako.

Nakita ko kasi si Roli - nasa likod nito.

Sa unang pagkakataon - kusang kumilos ang katawan ko. Pumihit ako at

mabilis akong nakatakbo. Diyos ko po! Si Marvin - patay na ito. Napahinto

lang ako nang may madaanan akong elevator. Ito siguro yung sinasabi ni

Arthur na daanan sa gitna bukod sa hagdan na dinaanan namin. Nangangatog

akong pinindot ang button nun para magbukas.

TING!

Nagbukas naman agad.

BOOM! BOOM!

Tunog iyon ng baril ah.

Si Arthur!

Sumakay ako ng elevator. Sa third floor.

TING!

Nagsara.

Sa third floor.

TING!

Nagbukas.

Marahan akong lumabas.

Nakarinig ako ng putok ng baril? Baka napatay na ni Arthur si Nana. May

ilaw na kasi eh. Kaso biglang -

Wahhhh! Namatay na naman yung ilaw.

Hinugot ko yung lighter.

Biglang bumukas iyong ilaw.

Tapos namatay ulit.

Bumukas ulit.

Namatay.

Bumukas ulit.

Patay-sindi!!!

Pero mas okay na ito kaysa wala talagang ilaw. Iyon nga lang, masakit sa

mata. Luminga ako sa paligid. Saan na nga ba iyong kwarto ni Inang?

Hayun! Bukas ang pinto. Itong ilaw, patay-sindi pa rin.

Pumasok ako.

Pagpasok ko.

Bakit ganito?

Nang pumasok ako.

Nagkalat ang dugo -

Pero walang tao.

Pumasok pa ako.

Nasaan sila? Si Inang? Si Athur at si Rico? Iyong dalawang nurse na

kasama nila?

Tapos may narinig akong ungol.

Marahan ko iyong nilingon.

May tao dun.

Nilapitan ko iyon.

Nilapitan ko.

Iyong ilaw.

Kumukurap pa rin ito.

Pero lumapit pa ako.

Tapos heto.

Heto na ako.

Heto.

At -

Nang makalapit na ako.

Nabuhayan ako.

Kilala ko ang dalawang ito. Ito yung dalawang nurse ni Inang. Kaso iyong

isang babae, duguan ang ulo. Nilapitan ko sila. "Anong nangyari?"

Naiiyak yung isang nurse. "May pumukpok po sa ulo nya..."

Humihinga pa itong duguan. "Tulungan mo ako, ihiga natin sya sa kama..."

Binuhat namin itong isang nurse at inihiga sa kama. May malay-tao pa

itong duguan. "Anong pangalan mo?" Tanong ko dito.

Umungol ito. "M-Mary po... Mary Estopil..."

"Okay Mary, kaya mo bang tumayo?"

Tumango lang ito. Bumaling ako dito sa isa pang nurse na babae. "Anong

pangalan mo?"

"C-Cristine May Sir..." Halata ang takot sa tinig nito.

"Okay Cristine May, meron ba dyang pwede nating ibalot sa ulo nya - like

guaze..."

Hindi na ito sumagot. Naghanap na lang ito at naghalungkat sa mga

cabinet. Pagbalik nito, may dala na itong benda. Binalutan muna namin ang

ulo ni Mary Estopil nang sa ganun ay maibsan ang pagdurugo noon.

Pagkatapos ay inakay ko na ito palabas ng kwartong iyon.

Bumaling ako kay Cristine May. "Nasaan sina Arthur?"

"H-Hindi ko po alam Sir... basta lang po nung nagkagulo dito eh... nawala

na lang po sila. Nagtago po kasi ako nang matumba sa akin si Mary..."

Nangingiyak ang tinig nito.

"Okay ganito... tatagan mo ang loob mo ah. Lalabas tayo at aalis sa lugar

na ito."

Sunud-sunod ang pagtango nito. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa

narating namin iyong elevator sa gitna. Pinindot ko ulit ang buton niyon

pababa. Langya! Ayaw bumukas.

Bumaling ulit ako kay Cristine. "Malayo ba iyong isang daan pababa?"

TING!

Bumukas iyong elevator pero kalahati lang.

"Cristine, alalayan mo muna itong si Mary. Bubuksan ko lang ang

elevator."

Inilahad ko dito itong si Mary. Pero tulala lang sya sa likod ko.

"C-Cristine... Bakit?"

Naluluha ang mga mata nito. Nakatingin lang ito sa likod ko.

Napalunok ako. Parang namumutla na rin ako.

So marahan ko itong nilingon.

Marahan.

Marahan.

Heto na.

Nilingon ko na.

Pvtang*na!

May babae dun.

Sa elevator na yun.

Nakatalikod.

Umuuga ang balikat nun.

Tapos sa gilid ko.

May napansin ako.

Ano yun?

Parang bumerang ito.

Mabilis ang ikot -

Lumilipad sa ere.

Hindi ko namalayan -

Ang bilis ng pangyayari.

Kasi itong bagay na 'to -

Nasapol si Cristine sa ulo.

Torpet ang babae -

Basag ang bungo nito!!!

Isa palang martilyo -

Na tumama sa ulo nito.

Agad akong napalingon sa pinanggalingan nito.

Si NANA! Takbo!

Sa takot ko - napilitan akong pasukin itong elevator. Kahit na ba may -

Babaeng multo dito.

Basta - pinagkasya ko yung sarili ko sa makitid na pinto nito.

Paano kasi - bahagya lang nakabukas ito.

Mabilis kong pinidot ang buton nito para magsara.

Tang*na ayaw pa!

Bilis pindot pa!

Si Nana andyan na!

Pindot pa! pindot pa!

Si Nana papalapit na!

Pindot pa!

Hayun at -

TING!

Nagsara!

Sa wakas. Sa first floor!

Tapos na-stock up!

Fvck!

Saka ko lang namalayan.

Katabi ko nga pala si Ara.

Si Ara na kakambal ni NANA.

Heto pa rin sya.

Nasa gilid ko pa.

Naku paano na?!

May multo kaming kasama!

Tapos napalingon ako dito sa akay ko.

Bakit kaya hindi umiimik ito.

"M-Mary..." Bulong ko dito.

Sinilip ko ang mukha nito.

Dun ko na ito binitawan.

Kasi di ko namalayan.

Wala na pala itong buhay.

Isa na lang pala itong bangkay.

Tapos sa gilid ko - may sumitsit.

SHIT!!!

Kahit anong mangyari -

Hindi ko ito lilingunin pakshit!

Eh ang kaso nangalabit!

Habang sumisitsit!

Wahhhhh! May killer na meron pang multo.

Malamang baliw na rin ako makaligtas man ako dito.

Mamalayan ko na lang - killer na rin pala ako.

Kaya sige - heto at lilingun na ko -

Isa -

Dalawa -

Tatlo!

TING! Sakto!

Nasa first floor na pala ako!

Takbo!

Kaya lang napahinto ako.

Bumungad kasi si -

Roli.

Dito sa harap ko.

Mukhang hanggang dito na lang ako.

Kasi - papatayin na nya ako.

Iyong hawak nyang palakol -

Mukhang sa akin ipupukol!

"Ako na ang papatay sa'yo..."

Sabi nya na parang ulol.

TBC

####################################

ARA

####################################

xxILY, ARAxx

NEAR END

ROGER's POV

[ START ]

Dad?

Ano yun? Parang may narinig akong boses.

Dad?

Si Ara ba yun? Pinakinggan ko pa nang isang beses

Dad?

Si Ara nga! Pero nasaan sya?

Dad?

Ay hindi. Ala-ala lang pala.

Oo nga. Ala-ala lang pala. Akala ko talaga tinatawag ako ni Ara. Tama.

May naalala lang ako. Naalala ko nung isang beses na lumapit sa akin si

Ara noong nabubuhay pa sya.

'Dad?'

'Not now Ara. I have to get in court. I have a hard case today.'

'But Dad, may tatanong lang po sana ako.'

'Ara, you know I'm busy.'

'I swear. Mabilis lang po ito.'

'Hay. Okay. Anong tanong mo?'

'It's about life. Assignment po namin kay Mrs Ocampo. Hindi ko po kasi

alam ang isasagot ko.'

'Ara, pwede bang diretsahin mo na ko? Ano bang tanong mo?'

'Iyong question po kasi ni Mrs. Ocampo na - bakit daw po nabubuhay ang

isang tao.

'Jesus Christ Ara! That was a common question - bakit di mo alam?'

'Hindi ko po kasi talaga alam ang sagot, Dad.'

'You know what? This is a waste of time. I got to go.'

'Dad please. Kahit maiksing sagot lang po.'

'Hay. Okay. Ganito yan Ara - nabubuhay ang tao dahil - may dahilan sila.'

'Like what Dad?'

'Dahilan? Marami. Pwedeng nabubuhay sila dahil para sa minamahal nila or

- para sa nagmamahal sa kanila.'

'Like you, Dad? Nabubuhay ka dahil mahal mo kami ni Nana.'

'Hay. You know what. I have to go.'

'Please Dad last na po.'

'Ano na naman?'

'Paano po kapag nawala iyong mga taong minamahal ng isang tao - ganun din

iyong mga nagmamahal sa kanya? May dahilan pa ba sya para mabuhay?'

'Ha? Ah. Eh. Siguro - wala nang dahilan para mabuhay sya.'

'Wrong Dad.' Umiling pa si Ara.

'What?'

'Kapag wala ka ng dahilan para mabuhay - gumawa ka ng paraan para

magkaroon ka ng dahilan para mabuhay.'

'At anong paraan naman yun, Ara?'

'Magmahal ulit - para magkaroon ka muli ng dahilan para mabuhay.'

'Alam mo naman pala ang sagot, bakit nagtatanong ka pa. Aalis na ako.'

'Dad?'

'Ara please. Wala na akong -'

'I love you.'

'Ha?'

'I love you Dad. At nabubuhay ako dahil sa'yo.'

'Hay. I have to go. See you around.'

Pero ang totoo, gusto kong sabihin sa kanya na: I love you, too Ara. Na

sya ang dahilan kung bakit ako nabubuhay. Ewan at bakit di ko nasabi nung

time na yun. At ngayong wala na sya. Ano pang dahilan ko para mabuhay.

Unti-unti kong iniangat ang aking mukha. Hayun pa rin si Roli - iyong

palakol nya, ipupukol nya sa akin.

Sige lang Roli. Patayin mo na ako. Wala na ang dahilan ko para mabuhay.

Wala na.

'Wrong Dad.'

Boses ba ni Ara yun? O ala-ala na naman?

'Dad, mali ka.'

Ala-ala nga yata. Oo ala-ala nga. At naaalala ko. Minsang sinabi sa akin

ni Ara.

'Kapag wala ka ng dahilan para mabuhay - gumawa ka ng paraan para

magkaroon ka ng dahilan para mabuhay.'

Ara was right! Gagawa ako ng paraan para magkaroon ako ng dahilan para

mabuhay. Noong araw na sinabi nya sa akin, natuklasan kong alam talaga

nya ang sagot sa kanyang tanong. Gumawa lang sya ng paraan para makausap

nya ako. Dahil - gusto nyang malaman ang dahilan ko.

At ngayon - hindi dapat ako mamatay. Hindi ako mamamatay. Gagawa ako ng

paraan para mabuhay.

Awtomatikong kumilos ang katawan ko palayo. Kahit hindi ko alam kung saan

ako patungo. Naramdaman ko na lang na napasandal na ako sa pader habang

habol ang sarili kong hininga. Namataan ko ang palakol ni Roli na bumaon

sa lupa - nakailag ako!

Napakalakas pa rin ng kabog ng puso ko. Nasa harapan ko pa rin si Roli at

muli syang kikilos para palakulin ako. Pero hindi ako papatalo. Hindi ako

papayag na mapatay nya ako.

Inihanda ko ang sarili ko. Lalaban ako. Bahala na basta lalaban ako.

Susugod ako. Pasugod na ako kay Roli nang biglang -

BOOM!

Putok ng baril!

Namalayan ko na lang na tumalsik sa mukha ko ang - dugo ni Roli!

Sapol ito ng bala sa dibdib!

Nang lungunin ko kung sino ang may gawa non -

- si Arthur!

BOOM!

Isang putok ulit!

Sapol ulit si Roli sa dibdib. Tumba ito padapa sa harapan ko.

"Sh!t..." Nangangatal ako.

"Mr. Santos! Okay ka lang ba?" Tanong ni Arthur sa akin. Habang si Rico

naman ay buhat-buhat si Inang.

Tumango lang ako. Napatigagal ako. Muntik na ako. Salamat kay Ara dahil

may na-realize ako. Na kailangan ko pang mabuhay.

Nakita kong inilapag ni Rico si Inang sa lupa. Duguan ang matanda.

Lumapit ako. Nakita kong -

Basag ang kaliwang mukha ni Inang! Naghihingalo na ito.

Kumapit sa braso ko ang matanda. "Hijo... hanapin nyo si Ara..." Ang

tinutukoy nito malamang ay iyong kakambal ni Nana.

Napaluha si Rico sa kalagayan ng ina.

"Si Ara... i-ilibing nyo s-si A-Ara... Diablo si... A-Ara" Pinawian na

nang buhay ang matanda.

"Inang!" Napahagulgol si Rico.

Samantalang si Arthur naman ay napasuntok sa lupa. "Papatayin ko ang

pvtanginang Nana na yan!" Akmang tatayo si Arthur nang awatin ito ni

Rico.

"Hindi Kuya. Susundin natin ang huling habilin ni Inang. Hanapin natin si

Ara sa kagubatan."

"Paano mo hahanapin ang bangkay ni Ara don? Napakalawak ng kagubatan na

iyon!" Kinabig ni Arthur ang kamay ng kapatid.

"Nakalimutan mo na ba, Kuya. Laging kwento ni Inang na - may palatandaan

para malaman kung nasaan si Ara?" Pagpupursige pa rin ni Rico.

"At anong palatandaan iyon?" Ako naman ang nagtanong.

Bumaling sa akin si Rico. "Ingay."

"Ingay?" Nangunot ang noo ko.

"Iyon daw ang palatandaan sabi ni Inang. Iyong Ingay."

Napaismid si Arthur. "Bakit ba kasi nagpapaniwala ka sa mga kwento ni

Inang."

Tiningnan nang masama ni Rico si Arthur. "Paanong hindi ako maniniwala sa

mga kwento nya eh ako ang lagi nyang kasama. At ikaw? Nasaan ka Kuya?

Nasaan ka sa tuwing hinahapin ka nya?"

Napikon si Arthur at kinwelyuhan ang kapatid. "Wag mong isusumbat sa akin

ang pag-aalaga kay Inang! May responsibilidad ka rin sa kanya!"

"Hey guys!" Umapila na ako. "Baka mamaya eh - magpatayan pa kayo?"

Ibinalya ni Arthur si Rico at nagmartsa palayo sa amin. "Kung gusto nyong

hanapin ang bangkay ni Ara - hanapin nyo. Basta ako, papatayin ko si

Nana." Tuloy lang ito sa paglalakad.

"Kuya!" Sigaw ni Rico.

"Ano?!" Humarap ito sa amin.

"Kahit ngayon lang makinig ka kay Inang!" Nagmamakaawa si Rico.

Napailing lang si Arthur. "Ako pa rin ang panganay. Ako ang magdedesisyon

sa gusto kong gawin."

Pagkatapos ay namatay ang ilaw.

Fvck!

Tapos. Bumukas ulit.

Nang bumukas -

nanlaki ang mga mata ko.

Paano kasi - si Arthur -

sa likod nito.

Si Nana.

Nakita ko.

Sa likod ni Arthur.

Nakita ko.

Namatay ulit ang ilaw.

"Arthur sa likod mo!"

Napasigaw ako.

Ugh! Ugh! Ugh!

Narinig ko.

Nang magbukas ulit ang ilaw.

Si Arthur -

Durog na ang ulo.

"Kuya!" Napahiyaw si Rico.

"Rico tara na!" Hinila ko na ito.

Nagpatianod naman si Rico. Tumakbo kami hanggang sa marating namin ang

sasakyan ko. Nag-uunahan kaming makasakay don. Nang makapasok na ako,

nangangatog pa akong ipinasok ang key car sa igniton.

"Bilis! Bilis!" Utos ni Rico.

Damn! Nabitawan ko tuloy iyong susi!

Mabilis akong yumuko para hanapin ito. "Rico, tanawin mo kung papunta ba

si Nana dito..."

Pero walang imik si Rico.

"Rico?" Kinapa ko yung susi ko.

Wala pa ring imik si Rico.

Nakapa ko yung susi ko. "Rico." Umangat ako.

Hayun si Rico. Tulala sa tabi ko. Nakatingin sa side window ng sasakyan

ko.

"Bakit?" Tanong ko. Habang kusang kumilos ang kamay ko para i-start ang

kotse ko.

"Si N-Nana..." Kandautal si Rico.

"Nasaan?" Namutla ako. Buti nag-start na itong sasakyan ko.

"Hayun oh... sa labas. Sa -

Gilid mo..."

Crap! Napayuko ako nang basagin ni Nana ang salamin ng kotse ko!

Mabuti na lang at naikyambo ko agad ang sinasakyan namin at mabilis kong

pinaharurot ito. Ni wala nang lingon. Basta binilisan ko ang patakbo ko.

Nangangatog pa rin ako.

"Sa gubat tayo..." Maya-maya'y sabi ni Rico.

Hindi ko sya inimik. Inihinto ko ang sasakyan at saka ako bumaling sa

kanya. Pagkatapos ay kinapa-kapa ko sya.

Napailag naman sya. "Anong ginagawa mo?" Reklamo nya.

Nang mahawakan ko sya - nakahinga na ako nang maluwag. Pagkatapos ay

nagmaneho na ulit ako. "Baka kasi kaluluwa ka na lang pala. Tulad nung

kaibigan ko. Nakausap ko pa - patay na pala. Akala ko buhay pa." Si Ka

Pineng ang tinutukoy ko.

Napabunga naman ng hangin si Rico. "Akala ko nabaliw ka na eh."

Napabuntong-hininga na lang ako. "Saan ang daan papunta sa gubat na

iyon?"

Itinuro naman nya sa akin kung saan. Mabuti na lang at kabisado ni Rico

ang pasikot-sikot sa lugar na ito. Kinse-minutos lang at naroon na nga

kami. Iyon nga lang, mukhang mas nakakatakot dito sa gubat na ito.

Maraming puno kasi at masyadong masukal. Napakatahimik at napakadilim.

"Saan natin hahanapin ang kwebang iyon?" Tanong ko kay Rico. Hawak nito

ang sariling cellphone at gamit ang flashlight non. Kailangan naming

makita ang kweba na tinutukoy ni Inang dahil doon daw itinatago ni Nana

ang bangkay ni Ara na kakambal nito. Ang problema, si Inang lang ang

nakakaalam sa amin kung saan talaga ang eksaktong lugar non.

"Sabi ni Inang - palatandaan daw ang INGAY." Ani Rico habang palinga-

linga sa paligid.

"Anong klaseng ingay?" Hinugot ko itong lighter ko.

"Hindi ko rin alam."

"Kailangan nating makita yun bago tayo mapuntahan ni Nana dito."

Sinindihan ko na rin itong lighter ko. Malamang ay dito na patungo si

Nana ngayon. Kailangang maunahan namin sya. Kapag nakita namin ang

bangkay ni Ara, kailangang mailibing namin ito at madasalan. Sa ganoong

paraan lang siguro matatahimik ang baliw na si Nana. Pero teka - si Roli

kaya? Patay na nga kaya? Hindi ko kasi na-check ang pulso nito matapos

itong barilin ni Arthur.

Nanginginig pa rin si Rico. "A-Alam ko..."

Humakbang na rin ako nang marahan. Ngunit biglang napahinto si Rico.

"Bakit?"

Mukha syang nakikiramdam. "Wala ka bang naririnig?"

"Na ano?"

Tumingin sya sa akin. "Ingay ng bangaw."

"Bangaw? Wala." Napalinga na rin ako. "Huni ng kuliglig meron." Paano

naman kasi magkakaroon ng bangaw dito eh gabi?

"Nakakarinig ako ng bangaw." Sabi nya. "Banda don." Itinuro nya ang

direksyon.

Nanlaki ang mga mata ko. "Baka iyan na iyong INGAY na tinutukoy ni

Inang."

"Baka nga." Pagkatapos ay naglakad na si Rico. Sumunod naman ako.

Nakakapagtaka lang. Bakit sya lang ang nakakarinig ng ingay na iyon ng

mga bangaw? Bakit ako walang marinig? Minuto nga lang at may natanaw na

kaming isang malaking siwang sa malalaking batuhan. Ito na siguro iyong

kweba kung saan naroon ang bangkay ni Ara na kakambal ni Nana. Malayo pa

lang ay naaamoy na namin ang masangsang na amoy.

Nagpatiuna na si Rico. "Palakas nang palakas ang ingay ng mga bangaw na

naririnig ko habang papalapit tayo sa lugar na ito." Sabi pa nya.

Humakbang na rin ako. Damn! Ang baho talaga! Ang lansa ng amoy. "Siguro

nga Rico dito na yun."

Pumasok kami sa loob non. Imbes na mga paniki ang sumalubong sa amin -

mga bangaw. Makitid lang ang daan papasok sa kwebang iyon ngunit mahaba.

Hanggang sa pumasok pa kami sa kaloob-looban non. Doon namin nakita ang

isang malaking drum na kasya yata ang apat na katao at tila gawa sa kahoy

ngunit nababalutan ng metal.

"Heto na yun." Inilawan ni Rico ito.

Kumpulan ang mga bangaw sa drum na ito. Nang makalapit kami rito,

nagliparan ito na halos sumalubong pa sa mukha ko. "Buksan na natin ito

at kunin natin si Ara." Sabi ko.

Tumango lang si Rico at walang habas na binuksan nito ang takip non.

Lalong umalingasaw ang nakakasukang amoy. Halos maduwal ako. Ang malas

pa, biglang kumurap ang flashlight sa cellphone ni Rico. "Lowbat ako."

Naku!

So inilawan ko gamit ang lighter ko. Dinungaw namin itong drum.

Dumungaw kami.

Dinungaw namin.

Pero bago namin gawin iyon -

nagkatinginan muna kami.

Tapos dinungaw namin.

Tapos. Sa loob non.

May tubig!

Malapot. Marumi iyon.

Pero meron pa.

Buhok ba yon?

Makapal na buhok.

Mukhang ito na ang -

Bangkay ni ARA!!!

"Kunin natin sya." Inilublob ni Rico ang mga kamay nya ron para dakmain

sa magkabilang balikat ng bangkay. Pagkatapos ay buong lakas nyang

iniangat ito. Hayun si Ara - walang mga paa.

Inilapag namin ang bangkay sa lupa. Pagkatapos ay inilawan ko ito gamit

ang lighter ko. Bakit ganun?

Bakit -

Hindi pa rin inaagnas si Ara. Ilang taon na ah. Although kulay puti na

ang mga balat nito at halos nadudurog na. Pero di ba dapat - bungo na

lang ito.

Biglang may narinig kaming umungol.

"Ano yun?" Sabay kaming napabaling sa pinaggalingan non.

Inilawan ko kung saan banda yun. Humakbang kami ni Rico at iniwan muna

ang bangkay.

"Narinig mo ba yun, Rico?"

"Oo. Don banda." Itinuro nya ang direksyon.

Kaso nawala na yung ungol. "Ilibing muna natin si Ara." Suhestyon ko.

"Sige. Bilisan na natin." Sinang-ayunan naman nya ako.

Pagkatapos ay binalikan namin ang bangkay. Iniliwan ko iyon.

Iniliwan ko.

- Ha?!

Nasaan?!

Nasaan na si -

ARA?!

Pvtangina!

Nawala iyong bangkay ni Ara!

"N-Nandito lang yun kanina ah..." Kandautal si Rico.

Napalunok ako. Kanina lang kasi ay narito ito.

Dalawa lang pwedeng dahilan. Posibleng may kumuha ng bangkay na ito o -

Bumangon ito.

Bumangon ito.

Bumangon ito.

Sa likod ni Rico!

May babae don!

Puti ang balat... o maputla?

Puro bangaw iyon.

Basa ng tubig -ang katawan niyon.

Oh Diyos ko po -

Si ARA - bumangon?!

Tapos namatay ang sindi ng lighter ko.

"Rico?" Bulong ko.

Tapos may narinig akong parang may pinilipit na buto.

"Ahhhhhhh!" Palahaw iyon ni Rico!

"Rico!" Agad kong sinindihan ang lighter ko.

Pero ayaw sumindi nito.

"Pvtangina ang sakit! Tulong! Ahhhkuuuk - kuk - kek-" Napahagulgol pa si

Rico na parang pinipilipit ito.

"Rico!" Tapos may tumilansik sa mukha ko.

Kinapa ko iyon. Malapot ito.

Inamoy ko. Dugo!

Kasi malansa ito!

Napaatras ako pero natalisod ako.

Napaupo ako habang takot na takot ako.

Naiiyak ako. "Rico..."

Sinindihan ko muli itong lighter ko.

Ayaw. Isa pa. Sinindihan ko.

Ayaw talaga. Sinidihan ko pa.

Tapos hayun! Sumindi na.

Sa wakas.

May liwanag na.

Si Rico? Nasaan ka ba?

Hayun! Nakita ko sya.

Kaso bakit ganun ang katawan nya?

Pilipit ang pvta!

At hindi lang yun -

Tila ba tinupi sya nang lima.

Patay na si Rico!

Hindi na huminga!

Iyong hitsura nya pa.

Nakaka-trauma.

Paano'y tirik ang kanyang mata.

Nakalawit ang dila nya.

Wahhh! Meron pa!

May nakaupo sa kanya.

Sa ibabaw ni Rico.

Nakaupo si -

ARA!!!

TBC

A/N: Tumatanggap ko kami ng donasyon para sa cover ni ARA :) Sa mga nais

at may talentong mag-edit ng Photo cover ... Parinig... You can send it

po sa aming page sa Facebook na: JamilleFumah

hehe, at salamat sa inyong paghihintay ng Update! May good news din kami,

ipo-post namin sa page pag sure na sure na! Muwahugs!

JAMILLEFUMAH

####################################

Soul For The Demon

####################################

xxILY, ARAxx

ANG ISANG TAONG NAMATAY na... ay bihira na lamang makakaalala... Ang

namatay sa panahong hindi niya pa oras at may naiwan pang mithiin sa lupa

ay pamamahayan ng kalikasan. [PGAN101]

Ang isang demonyo na ko-kontrol sa masamang enerhiya ng taong yumao ay

ang diablong maghahari. Hindi siya mawawala dahil ang demonyo ang

malabong susuko. Hindi siya susuko sa Diyos at lalaban ang kanilang lipi

at gagawa ng kadayaan sa mundo gamit ang isip ng mga taong mahal ng Diyos

at aagawin sila dito.

May gusto itong makuha mula sa'yo... Pero hindi niya ito makukuha ng

'wala' mong pahintulot. Gagawa siya ng daan para ikaw mismo ang sumuko sa

kanila. Ang isang matibay na tao ay hindi susuko... pero madaya ang

demonyo...

YOUR SOUL kapalit ng bagay na ibibigay niya sa'yo...

Once demon have your soul, then your soul belong to hell once you die.

That's if you get into a covenant with them by talking to them about a

'deal'. Pero you have to remember... 'ikaw' pa rin ang tao sa huli.

HINDI naman sila lumapit sa'yo para ibigay ang totoong gusto mo. They are

very tricky and they have absolutely NO sympathy for humans. Demons,

devil, fallen angels, unclean souls... they feed off of negative energy.

What demons want from us is our total destruction. NO MORE NO LESS.

-- INSANUS

ILY ARA- Ang ilang parte ng 'ILY ARA' mula sa dalawang huling kabanata ay

likhang-isip na lamang ng may akda (ilang haka-haka at kwento ng mga

matatanda) . Ipagpaumanhin ang ilang unedited chapters... Babalik kami

para ayusin muli ang iilan.

[ START ]

ROGER's POV

Si Ara nasa harapan ko.

Nakatingin sya sa mga mata ko.

Hindi ako kukurap.

Baka mawala sya sa paningin ko.

Eh kaso -

Namatay itong lighter ko!

CLICK! CLICK!

Sumindi.

Shit! Si Ara -

Nawala na!

Nasaan na sya?!

Yari! Paano na?!

Gising! Gising! Tinapik-tapik ko ang mukha ko. Sana panaginip lang ito.

Ngayon lang kasi ako nakakita ng pinilipit na katawan sa tanang ng buhay

ko. Para kasing hindi ito totoo. Sa palabas ko lang kasi napapanood ang

ganito.

Inilawan ko ang paligid. Nangangatog ako. Halos mabitawan ko n itong

lighter na hawak ko. Biglang may narinig akong umungol. Ano yun? Iyon na

naman iyong ungol na narinig namin ni Rico.

Inilawan ko iyon. Doon! Banda ron!

Naluluha ako sa takot. Paano kung sa Ara pala yun?

Tapos -

Hayun na naman iyong umuungol.

Inilawan ko.

Shit!

May -

Babae don.

Nakahiga ito! Namamaluktot!

Nanginginig! Umuungol!

"S-Sino yan?" Bulong ko.

Tapos -

Namatay na naman itong lighter ko!

Damn! Ayaw ng sumindi!

Sinindihan ko ulit! Ayaw na talaga!

Napahinto ako.

Paano -

Sa likod ko -

May humihinga!

Pvta may naririnig ako!

Humihinga!

Napalunok ako. Tagaktak ang pawis ko.

Pero ang mas ikinatakot ko -

Iyong lighter ko.

Kusang sumindi ito!

Jesus!

Muntik na akong mapatalon!

Dinampot ko iyon - at saka iniangat.

Inilawan ko ang paligid - at saka lumingat.

Iyong babae -

Nawala.

Nasaan na yun?

Kanina lang, nandi -

Fvck!

Napakawag ako ng may biglang yumakap sa likod ko!

Hinila ako nito. Kinaladkad.

Pinilit kong pumiksi pero di ako nakapalag.

Basta ako - nagkakakawag!

"R-Roger!"

Napahinto ako. Kilala ko ang tinig na iyon.

Inangat ko ang aking mukha mula sa pagkakahiga. Madilim. Habol ko ang

aking hininga. Akala ko kasi mamamatay na ako. Pero kaninong tinig iyon?

Tinawag ang pangalan ko.

"R-Roger..."

Hayun ulit. "S-Sino ka?"

"R-Roger ako ito..." Nanginginig ito.

Bumangon ako. Pamilyar ang boses nito. "Maria..."

"O-Oo... si Mrs. Ocampo."

"Oh my God!" Kahit hindi ko sya makita, alam kong nasa harapan ko lang

sya. Agad ko syang niyakap. Nanginginig sya. "Ikaw nga Maria!"

Napahagulgol sya. "R-Roger..."

Kung ganun, sya pala yung babaeng umuungol. Sya rin iyong babaeng nakita

kong nakahiga at nanginginig kanina. "Maria... kailangan nating makaalis

dito..."

"K-Kailangan natin ng ilaw..."

Napaigtad ako ng biglang nagliwanag ang paligid. Isang lalaki mula sa

likuran ko ang bumungad. May dala itong lampara.

"Sino ka!" Takot na takot akong napaatras habang yakap si Mrs. Ocampo.

"It's okay... R-Roger... kilala ko ang lalaking yan..." Awat sa akin ni

Maria.

"Narinig ko ang pag-ungol ng babae dito sa loob ng kweba ng mangaso ako

kanina. Nang makita ko sya.." Nakabaling ito kay Mrs. Ocampo. "...humingi

agad ako ng tulong sa tiyuhin ko." Paliwanag nitong lalaking may dalang

lampara. Ngunit nakakapagtakang hindi lang lampara ang dala nito. May

dala rin itong malaking bag.

Sa likod naman nito ay may sumilip pang isang matandang lalaki . Ito

marahil ang tiyuhin nito.

"Umalis na tayo rito..." Iniangat ko si Maria. Dito ko lang napansin na

tuyong-tuyo ang mga labi nya. Namumutla at nanghihina sya.

Inabutan kami nitong lalaking may lampara ng tubig na nasa bote. Pinainom

ko agad iyon kay Maria. Nanginginig pa syang inubos nya ang laman niyon.

Marahil ay ilang araw syang hndi nakakain at nakainom ng tubig.

"Sino ang lalaking nakahiga doon?" Tanong ng tiyuhin nitong lalaki.

"Nakahiga?" Napamaang ako.

"Oo, nakahiga. Mukhang wala na syang buhay."

"Hindi ba - pilipit ang katawan nya?" Tumayo ako upang tingnan ang itsura

ng bangkay ni Rico.

"Hindi. Nakahiga lang ito."

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Oo nga! Nakahiga lang ito. Animo'y

natutulog lang na tao. Natutop ko ang sarili kong bibig. Bakit ganun?

Kitang-kita ko kung paano pinilipit ang katawan nito kanina ah. Paanong?

Bumalik ako kay Mrs. Ocampo. "Maria... noong hinila mo ako... nakatayo ba

ako?"

Umuling sya. "Hindi Roger... nakapikit ka... mukha kang binabangungot..."

So ganun pala ang nangyari. Bangungot pala iyon. Parang totoo! O - hindi

kaya -

Naku! Posible kayang ilusyon iyon? Hipnotismo ni Ara!

Pagkatapos ay bumalik ako sa bangkay ni Rico. Sa tabi nya -

Hayun ang kalansay ni Ara.

Inaagnas na ito.

Bumaling ako sa lalaking may hawak ng lampara. "Ano ang laman ng bag mo?"

"Ah heto ba? Wala naman."

"Pwede ko bang mahiram?"

Napatingin mo na sya sa Uncle nya at saka tumugon. "Sige..."

Nang makuha ko na iyon sa kanya, binuksan ko iyon. Pagkatapos ay pikit-

mata kong binuhat ang labi ni Ara at inilagay ko sa loob ng bag.

"Seryoso ka?" Reklamo nitong lalaking may lampara.

Hindi ko sya tinugon. Bagkus ay itinuloy ko ang aking ginagawa.

Naalala ko. Sabi ni Inang, bago ito binawian ng buhay, diablo raw si Ara.

Mukhang totoo nga ang sinabi nito. Bumaling ako sa kanilang lahat.

"Umalis na tayo. Humingi tayo ng tulong sa mga awtoridad." Pagkasabi ko

non ay binuhat ko na si Maria.

Nagkatinginan muna ang dalawa bago sumang-ayon. Paglabas namin ng kweba,

sabay-sabay kaming naglakad patungo sa labasan ng gubat. Pasan-pasan ko

si Mrs. Ocampo habang bitbit ko ang isang bag kung saan naroon ang labi

ni Ara. Maya-maya lang at natanaw na namin ang sasakyan nila sa kalayuan.

"Salamat sa inyo..." Sabi ko sa dalawa.

"Ikaw lang ba mag-isa hijo?" Tanong sa akin nung matanda.

"Dalawa ho kaming pumunta rito. Kaso - namatay ho iyong kasama ko."

"Pinatay mo sya?" Bahagya pa itong napahinto.

"Hindi ho." Tumingin ako sa bitbit kong bag. "Ito ho ang pumatay sa

kanya."

Napahalakhak lang ang matanda na halatang hindi naniniwala sa akin. Iniba

nya ang usapan. "May sasakyan ka ba?"

Tumango ako. "Doon ho banda."

Nagulat ako nang maglabas ito ng baril. "Sori hijo. Pero hindi kami

narito para tulungan kayo ng kasama mo. Narito kami para nakawan kayo."

Namutla ako. Tangina! Mga magnanakaw pala ang mga ito. Kaya pala may

dalang malaking bag itong isa. Akala yata may kayamanan dun sa loob ng

kweba.

Tinutukan nila ako ng baril at pinalapit sa sasakyan nila. Pagdating

namin don, mayroon pa syang kasamang tatlong lalaki. Nakangisi ito sa

amin.

"May pera ba yan?" Tanong nung isa nilang kasama. Mukhang ito iyong

pinuno.

"May sasakyan daw sya. Doon banda." Inginuso nito.

"Good job! Eh yung babaeng kasama nya - mapapakinabangan ba?"

Bigla akong kinabahan. Maging si Maria ay humigpit ang pagkapit sa aking

likuran. "Please. Kunin nyo na lang ang sasakyan ko. Banda dun. Sasamahan

ko kayo."

"May cash ka dyan?" Tanong ng pinuno nila.

Umiling ako.

"Oh sige. Isama mo kami sa kotse mo. Iwan mo na yang babae."

"Isasama ko na itong babae." Naglakas loob na ako. "Hindi naman kami

tatakas..."

Tumango lang ang pinuno nila. Pagkatapos ay humakbang na kami kasama

itong lalaking may hawak ng lampara kanina. "Dito muna kayo boss.

Pagbalik namin - dala ko na ang kotse nito."

"Ingat ka."

Bumulong ako kay Mrs. Ocampo na nangangatog sa likuran ko. "May favor ako

sa'yo..."

"Ano?"

"Pumikit ka lang. Wag kang didilat." Usal ko.

"Bakit?" Tanong nya.

"Basta gawin mo na lang. Kapag nakatulog ako, gisingin mo agad ako ah?"

"Hindi ko maintin -"

"Basta gawin mo na lang."

Narinig yata nung kasama namin ang pagbubulungan namin. "Anong

pinagbubulungan nyo ha!"

"Wala." Tipid kong tugon. Bumulong ulit ako kay Mrs. Ocampo. "Nakapikit

ka na?"

"Oo." Sagot nya.

"Sandali!" Awat ng pinuno nila.

Halos hindi pa kami nakakalayo. Napalingon kami.

"Sino yung batang kasama nyo dyan?" Tanong ng pinuno nila.

Ha? Sinong bata?

Nagkatinginan kami nitong lalaki. "Nasaan?"

"Hayun oh - sa likod nyo."

Napalunok ako. Heto na naman iyong kaba ko. Malamang si -

Ara ito!

Kaso nong lumingon ako -

Nawala yung lalaki sa tabi ko!

Iyong kasama ko.

Shit! Hindi kaya -

May bumagsak mula sa itaas.

Katawan.

Pilipit na -

Katawan!

Ito yung lalaking -

Katabi ko.

Tapos -

Napatingala ako.

Napatingala ako.

Napatingala ako.

Si Ara!!!

Takbo!

Sunud-sunod na putok ng baril ang naririnig ko. Kung ganun - nakikita rin

nila si Ara. Kung hindi ako nagkakamali -

Nasa ilalim na rin sila ng hipnotismo nito.

Ganoon din ako!

Sana lang gisingin ako ni Mrs. Ocampo.

Kapag napatay ako ni Ara dito sa panaginip ko -

Malabo na kong magising pihado!

Pero sa ngayon - tatakbo lang ako.

Basta takbo lang ako nang takbo!

Iyong mga putok ng baril - isa-isa nang nawawala.

Tapos may mga katawan na humahagis sa kung saan!

Biglang katahimikan.

Napahinto ako.

Wala na kong marinig na sigaw ng tao.

Lilingon ba ako.

Oo, lilingon ako.

Please Maria! Gisingin mo na ako.

Heto na - lilingon na ako.

Kaso - hindi pa ako nakakalingon -

May napansin ako.

Itong pasan-pasan ko.

Para kasing -

Hindi si Mrs. Ocampo.

"Maria?" Bulong ko.

Wala itong tugon.

Bastan ramdam ko -

Basang-basa na ng tubig ang likod ko.

Nanginginig ito.

Naamoy ko - ang baho nito.

Napakalamig nito.

Naririnig kong -

Binabangaw ito.

Diyos ko! Anong gagawin ko!?

Bibitawan ko ito.

Oo, bibitawan ko!

Pero paano?

Nakayapos ito sa likod ko.

Bahala na! Naiiyak na ako.

Isa.

Dalawa.

Tatlo!

Humigpit ang pagkakayakap nito!

"Wahhhh!" Napasigaw ako.

Nang magbangon ako - si Mrs. Ocampo -

Nasa harapan ko.

"Sa waka nagising ka rin..." Nakangiti sya sa akin.

"Anong nangyari?" Nangangatal pa ako.

"Nakatulog ka."

Pagtingin ko sa paligid ko, tulog din itong mga lalaking carnapper.

"Hindi ko alam... pero kanina... umuungol sila..." Sabi pa ni Maria.

Tama nga ako sa hinala ko. Malamang patay na ang mga yan sa bangungot.

Tumayo ako at agad hinanap ng kamay ko ang bag kung saan naroon si Ara.

Sa di kalayuan - natatanaw ko na ang sasakyan ko. "Halika na..."

Inalalayan ko na sya.

Pagpasok namin ng sasakyan, ipinaliwanag ko na sa kanya ang mga

nangyayari. Namo-mroblema kasi ako, kailangan kasi'y isa sa amin ang

laging nakapakit. Baka kasi umatake na naman si Ara at parehas kaming

mapasailalim ng bangungot.

Napatulala lang sya. "Isa syang diablo?" Parang hindi pa sya

makapaniwala.

"Hindi ko rin alam Maria."

"Posible ang sinasabi mo, Roger. Sya rin marahil ang nagpaparamdam sa

amin noon."

Namilog ang mga mata ko. "Anong ibig mong sabihin?"

Isinalaysay nya sa akin ang lahat. "Hindi makakapanakit ng pisikal ang

isang diablo pero kaya nilang gumamit ng hipnotismo para makapanakit at

makagamit ng katawang lupa."

"Ano ang dapat nating gawin?" Tanong ko.

"Isa lang naman ang pakay nito - kaluluwa."

Napasandal ako sa driver seat. "Sa dami ng pinatay ni Nana - bakit hindi

na lang iyon ang kuhaan nya ng kaluluwa."

"Roger... hindi basta makukuha ng diablo ang kaluluwa ng isang tao.

Unless kung io-offer mismo ng isang tao ang kaluluwa nya sa diablo."

Napatingin ako sa kanya. "How did you know that?"

"Nagsisimba ako tuwing Linggo. Madalas itong mabanggit sa sermon ng

pari." Nalungkot ang mukha nito. Si Janice kasi ang kasa-kasama nito

magsimba.

"Si Janice -"

"Alam ko na Roger." Napaluha sya.

"Alam mo ng nawawala si Janice?"

Umiling ito. "Alam ko ng patay na si Janice. Pinatay sya ni Nana!"

Napahagulgol na ito. "Ang kapal ng mukha nya! Ikinwento nya pa sa'kin

kung paano nya pinatay ang anak ko! Papatayin ko sya! Papatayin ko sila

ni Roli!"

Bigla ko syang niyakap. Maging ako ay napaluha na rin.

"Mga hayop sila! Baliw sila!"

"Shhh... tahan na Maria. Wag kang mag-alala. Sisiguraduhin kong

magbabayad sila sa batas." I'm a lawyer. Kaya ko silang idiin sa batas.

Pagkatapos ay humarap na ako sa manibela at pinaandar ang sasakyan ko.

Kaso -

Bago ko mapandar ang sasakyan ko -

Sa gilid ng bintana nito -

May palakol.

May palakol.

May palakol na -

Tumama sa leeg ni Maria.

"Maria!!!" Napahiyaw ako!

Sapol sa leeg si Maria! Napabuga ito ng dugo!

Si Roli!

Nasa gilid pala ng sasakyan ko.

Mabilis kong ikinambyo ang koste ko at pinaandar ito.

Nahigit pa ni Roli ang palakol na ipinukol nito. Nang tingnan ko ito sa

rearview mirror ko - kasama rin pala nito si -

Nana!

Hayun sila at magkasama!

Napahagulgol ako. Hindi sa takot. Hindi sa galit. Kundi sa sobrang habag

ko sa kalagayan ni Maria. Naghihingalo ito. Inihinto ko ang sasakyan ko

ng makalayo ako kila Nana. Tinakpan ko ang hiwa ng kanyang leeg.

Napakaraming dugo ang lumalabas roon. "Maria..." Piyok ang tinig ko.

Kumapit sya sa kamay ko. "R-Roger... minahal mo ba ako..."

Tumango ako. Totoo naman kasi. Minahal ko talaga sya. Kahit noong kasal

na kami ni Nana. Kaya lang, mahal ko rin si Nana.

"Maria... please wag kang magsalita... dadalhin kita sa hospital..."

Ngunit nagpumilit pa rin syang magsalita. "I-Ililigtas kita..."

Pagkatapos ay bahagya syang tumingala kahit na tumatagas ang dugo sa leeg

nya. "A-Ara... inaalay ko sa'yo a-ang aking kaluluwa..."

"Wag!"

"S-Sa'yo na ang aking kaluluwa... b-bumalik ka lang sa impyernong p-

pinanggalingan mo..." Pagkatapos ay sumuka na sya ng dugo.

"Maria!"

Kinapitan nya ako sa kwelyo. May gusto syang ibulong.

Inilapit ko ang tainga ko sa kanya. "Maria... hindi kita marinig..."

Umiiyak ako.

Lumapit pa lalo ang bibig nya sa tainga ko. Bumulong sya. "Anak mo si -

JANICE..."

TBC

JAMILLEFUMAH

INSANUS... now posted on my Wattpad Acct.

Abangan ang huling DALAWANG kabanata ng ILY ARA. At salamat sa lahat!

####################################

The Plan

####################################

xxILY, ARAxx

[ START ]

ROGER's POV

Janice...

Janice...

Janice...

Anak ko si Janice? Paano nangyari iyon?

Nag-isip ako.

Inalala ko.

Naalala ko.

Noong mga panahong kakakasal pa lang namin ni Nana - hindi nawala ang

relasyon namin ni Maria kahit na isang taon na syang kasal kay Eric.

Hanggang sa nalaman ko mismo kay Eric na baog sya kaya pala hindi pa rin

sila nagkaka-anak.

Ngunit isang araw, nagdalang-tao si Maria. Halos kasabayan ni Nana. Ako

lang ang nagulat dahil ako lang naman ang nakakaalam, bukod sa kanilang

dalawa ng asawa nya, nang tungkol sa disability nito. I thought it was a

miracle. Ni hindi sumagi sa isip ko na sa akin pala ang batang iyon. Ako

pa kasi ang walang sawang nagpapayo kay Eric na wag sumuko - na sumubok

pa ulit.

Tapos napaisip ulit ako. Oo nga pala - may nangyayari sa amin ni Maria.

Oh God! Ano ba itong nagawa ko?!

Pagkapanganak ni Maria kay Janice, namatay si Eric sa isang aksidente.

Teka - aksidente nga ba? Posible nga kayang si Nana rin ang pumatay sa

kanya? Naalala ko rin kasi noong gabing namatay si Eric, hindi ko

mahagilap si Nana.

Napatingin ako kay Maria sa tabi ko - wala na syang buhay. Narito pa rin

ako at nagmamaneho ng sasakyan ko pauwi. Pagkatapos noon ay hinagkan ko

ang muka nya. Naroon pa rin ang pouted lips nya - napakaganda nya talaga.

Itinuon ko ang sarili ko sa pagmamaneho. Sa wakas, nasilayan ko rin ang

araw. And in that moment - nagpasya na ako. Ipaghihiganti ko ang mga

taong nawala sa buhay ko. Kahit kapalit pa non ang sarili ko - papatay

ako.

Habang nasa biyahe ako, saktong umulan nang malakas. Humito ako sa isang

liblib na lugar. Hinubad ko ang suot kong damit at ganoon din ang damit

ni Maria. Lumabas ako ng kotse at naligo ako sa ulan nang sa ganun ay

mawala ang malansang dugo sa aking katawan. Nang malinis ko na ang sarili

ko, bumalik ako sa kotse at muling nagbihis ng hinubad kong damit.

Samantalang inilagay ko naman ang katawan ni Maria sa backseat sa ilalim

nito. Pinunasan ko ang sarili ko gamit ang damit na hinubad ko kay Maria

at saka ibinalot iyon sa bangkay nya. Nagpatuloy na ako sa pagmamaneho.

Huminto ako sa isang gasoline station at nagpagasolina gamit ang credit

card ko. Bumaba ako at nagtungo sa convenience store nito. Bumili ako ng

maraming kandila at posporo. Bumili rin ako ng maraming energy drink at

kalamansi. Pagbalik ko sa kotse, ipinagpatuloy ko na ang pagmamaneho ko.

Mahaba-haba rin kasi ang biyahe ko.

Tanghali na nang makauwi ako sa bahay. Pagbaba ko ng kotse - luminga muna

ako sa paligid. Walang tao.

Kinuha ko ang bag sa loob ng sasakyan ko kung saan naroon ang labi ni

Ara. Kinuha ko rin ang redwine na nakuha ni Ka Pineng don sa dating bahay

nila Nana, ganoon din ang coat nito. Dinampot ko rin ang mga pinamili ko.

Nilingon ko muna ang katawan ni Maria. Dito muna sya - may tatapusin lang

ako. Then, pumasok na ako sa bahay.

Pagpasok ko - naroon pa rin ang kabaong ni Ara. Sinilip ko iyon - wala na

si Ara don.

Inaasahan ko na iyon. Alam kong kukunin nila ang bangkay ni Ara. Kaya nga

kinuha ko itong mga labi ni Ara na kakambal ni Nana para may leverage pa

rin ako at hindi dehado.

Sa harapan ng kabaong, naglatag ako ng lamesita. Naghanda ako ng kopita.

Binuksan ko itong Fonseca 1983 na redwine at sinalinan ko ang isang

kopita, pero kalahati lang. Iyong isang kopita - hindi ko sinalinan.

Pagkuwan ay tumungo ako sa kusina. Mabuti na lang at may stocks pa ako.

Kumain ako hangga't kaya kahit wala ako sa mood. Kailangan ko ng lakas -

lakas ng loob.

NANG SUMAPIT ang gabi, naghanda na ako. Pinatay ko ang ilaw. Nagsindi ako

ng kandila at itinayo ko iyon sa gitna ng lamesitang inilatag ko.

Pagkatapos ay umupo ako - nakaabang ako sa pinto. Inilapag ko sa tabi ko

itong bag kung saan naroon si Ara - na kapatid ni Nana. Sa itaas ng

pinto, may orasan don. Inorasan ko si Nana. Alam kong darating sya.

Wala akong ibang tinutunggga kundi itong energy drink upang manatili

akong gising. Ngunit lumipas ang magdamag - walang Nana na dumating.

Hanggang sa sumikat na muli ang araw.

Bumalik ako sa kusina at naghanap ng kutsilyo. Hiniwa ko ang sarili ko at

saka ko dinampian ng kalamansi iyon. Napahiyaw ako sa sakit! Pero gising

na naman ako. Ilang oras pa ba bago sumapit ang gabi? Mahabang oras pa

ang hihintayin ko.

Nagtungo ako sa taas ng bahay namin. May mini-gym kami ron at doon muna

ako nagpalipas hanggang magtanghali. Kumain ako pagkatapos at uminom muli

ng maraming energy drink. Nang malapit ng magdilim, kinuha ko ang kopita

na may lamang red wine at itinapon iyon. Tapos ay sinalinan ko ulit iyon

- kaunti lang. inilapag ko iyon sa mesa katabi ng kopitang walang laman.

Naupo ako habang umiinom ng energy drink.

At heto na nga - gabi na ulit. Pinatay ko ang ilaw at nagsindi muli ako

ng kandila sa gitna ng lamesita. Nakatingin lang ako sa orasan. Anong

oras kaya sya darating?

MADALING ARAW NA.

Bakit wala pa rin sya? Hiniwa ko muli ang sarili ko at pinatakan ko iyon

ng kalamansi. Nawala ulit ang antok ko.

Maya-maya ay lumangitngit na ang pinto.

Heto na sya.

Heto na si Nana.

Mula sa liwanag ng kandila - natanaw ko na sya.

Hayun sya! May hawak syang martilyo!

"Kahapon pa kita inaabangan..." Kalmado kong bungad sa kanya.

"Nasaan ang kapatid ko?" Tanong nya.

Kinuha ko ang bag sa tabi ko at inilapit ko sa kanya. Nang mahawakan nya

iyon - agad nya iyong binuksan. Parang buhay itong Ara na kapatid nya

kung yakapin nya ito. Hinalikan nya pa iyon sa noo at binulungan.

"I love you, Ara." Pagkatapos ay bumaling na sya sa akin.

"Nasaan ang anak kong si Ara?" Ako naman ang nagtanong.

Lumakad sya ng marahan at umupo sya sa upuan kaharap ko. "Bakit mo pa

hahanapin ang anak natin? Maya-maya lang ay mamamatay ka na." Inilapag

nya ang hawak nyang martilyo katabi ng kandilang nakatirik sa gitna ng

mesita.

Tinitigan ko sya. Hayun pa rin ang maganda nyang mukha. Alam kong

nasusuklam ako sa kanya ngunit sa kabila noon, mahal ko pa rin sya.

"Minahal mo ba talaga ako, Nana?" Garalgal ang tinig ko.

Tumingin sya sa red wine na nasa harapan namin. "Fonseca 1983 from

Vintage Port sa Portugal, paano mo nalaman na paborito ko ito?" Ngumisi

sya.

Napalunok ako.

Napatingin muna sya sa kopitang may laman na sinalinan ko nang kaunti

bago kumilos ang kanyang kamay at hinawakan ang bote ng redwine upang

salinan ang kopitang walang laman. Pagkuwan ay nilanghap nya ang aroma

non. "I like this wine." Tumingin sya sa akin. "Syempre minahal kita."

"Kung ganoon, paano mo ito nagawa. Bakit pati sarili nating -"

"Shut up Roger!" Napatili sya.

Napaigtad ako sa paghiyaw nya.

"Nagbago na ako ng makilala kita. Kinalimutan ko na ang kapatid kong si

Ara. Handa na ako sa bago kong buhay!" Pumiyok sya. "Pero anong ginawa

mo? Naghanap ka pa ng iba!"

"W-What do you mean?"

"Akala mo hindi ko alam?" Nangangalit ang mga bagang nya. "Alam kong anak

mo si Janice!"

Napatigagal ako.

"Lumapit sa akin si Maria isang araw, umiiyak sya. Kamamatay pa lang ng

asawa nya. Humihingi sya ng tawad sa akin dahil nagka-anak kayo."

Nanginginig sya. "Ang sabi ko - pinatawad ko na sya. Basta wag nya lang

ipaalam sa'yo. Sabi ko pang tutulungan ko sya sa pinansyal para kay

Janice..."

"Jesus -"

"Ang kaso Roger - ang sakit eh! Ang sakit pala! Pvtangina mahal na kita!"

Galit na galit sya. "Sino ang dumamay sa akin? Si Ara! Ang kapatid ko na

si Ara!"

Baliw sya. Kasalanan ko kung bakit - tuluyan na syang nabaliw.

"Kaya tinuloy ko ang naudlot kong plano - ang pangako ko kay Ara. Na

hahanapan ko sya ng PAA. Pero bago yun - papatayin ko muna ang lahat ng

mga nagmamahal kay Ara."

"Ang anak natin?" Natutop ko ang sarili kong bibig.

"Matagal ko na syang gustong patayin. Nagtitimpi lang ako. Pero gigil na

gigil na akong patayin sya. Hanggang sa nagka-relasyon sila ni Roli."

"Fvck!" Napatayo ako. "Nagkarelasyon sila ni Roli?!"

Napangiti sya. "Kaya nga napilitan akong patayin na sya eh. Pag-aari ko

si Roli. Walang ibang pwedeng magmahal sa kanya kundi ako lang."

Nanlambot ako sa pagkakaupo. Nanlumo ako sa nalaman ko. "Ngayon Nana,

bago mo ako patayin, may isa pa akong tanong."

Inangat ni Nana ang kopitang hawak nya na may laman. Tumikhim sya nito.

Napapikit ako ng ginawa nya iyon. Buong lakas pa rin akong humarap sa

kanya. "Minahal mo ba si Ara - na anak ko?"

Huminga sya nang malalim at saka -

Hinipan ang kandila sa harap ko!

Shit! Ang dilim!

Mabilis gumapang ang kamay ko para kapain ang martilyong inilagay nya sa

gitna ng lamesita.

Kaso -

Wala na ito.

Tapos may bumulong sa likod ko. "Of course Roger, I love Ara..."

Pagkarinig ko niyon ay bahagyang nagdilim ang paningin ko. Namalayan ko

na lang na sumubsob ako sa sa lapag. Nang kapain ko ang likod ng ulo ko -

Puro dugo iyon!

Pinukpok nya pala ako ng martilyo!

Nagliwanag ang paligid.

Sinindihan nya pala muli ang kandila. "Di ba sinabi ko na sa'yo, ikaw

ang ihuhuli ko." Naglakad sya papalapit sa akin.

Marahan akong kumilos upang tumihaya. Nakakagalaw pa ako! Hindi pa ako

patay! Kaya lang - masakit ang ulo ko. Manhid ang kanang paa ko. Tinanaw

ko sya - nakayuko sya sa akin.

May hawak syang kopita at sinalinan nya iyon. Pagkatapos ay nilagok nya

ang laman non. "Hindi ka nag-iisip." Sabi nya pa. "Matalas ang paningin

ko sa dilim. Dapat, pinuno mo ng ilaw ang paligid natin."

No Nana! Ikaw ang hindi nag-iisip. Hindi mo yata alam na parte ito ng mga

plano ko - ng mga plano namin ni Ka Pineng!

Oo!

Plano ni Ka Pineng! Gusto kong sabihin sa kanya iyon. Subalit hindi na

ako makapagsalita. Ngumiti nalang ako.

Maya-maya'y kusang nalaglag sa kamay nya ang hawak nyang kopita. Nabasag

iyon.

Kasunod non ay napaluhod sya.

Bumagsak sya padapa. Tirik ang mga mata nya.

From the moment pa lang na tumikim sya ng wine sa kopita, nagtagumpay na

ako. Kaya nga napapikit ako, kasi - nagtagumapy ako. Ito talaga ang plano

namin ni Ka Pineng ng huli ko syang makausap na akala ko'y buhay pa sya.

Ipinakuha nya sa akin ang coat nya, sa bulsa non - may botilya. Cyanide

iyon, isa sa mga fast killing poison na ginawa para sa perpektong panlasa

sa mga babae. Isang minuto na ang pinakamatagal na epekto non kapag

pumasok na ito sa katawan ng isang tao. Ibinilin sa akin ni Ka Pineng na

isalin ko iyon sa redwine na iyon.

Gaano sya kasigurado? Hundred percent!

Nang makita nya raw kasi itong Fonseca red wine sa lumang bahay na iyon

ng mga VillaVerde katabi ng mga basyo nito, naisip na nya na paborito ito

ng killer. Posible rin na ginawang base ng killer ang bahay na iyon dahil

malinis ang mga ito at hindi inaalikabok. Halatang pinupunasan iyon at

mahal na mahal ng may-ari nito. At ito ang ginawa naming pain dahil

sigurado syang kahit saan ko ilatag ang rare wine na ito ay titikim at

titikim ang may pabarito nito - at iyon ang killer.

Although hindi sigurado si Ka Pineng sa Cyanide kung mababago nito ang

kulay ng red wine. Pero sigurado sya na tasteless at odorless ang poison

na ito.

Dito na pumasok ang ideya ko. Alam kong takot si Nana sa dugo kaya siguro

sa dilim sya pumapatay. Pero nagkamali ako, hindi sya takot sa dugo.

Sa kulay pula talaga sya takot.!

Paano ko nalaman? Binanggit nya kanina na matagal na syang nagtitimpi kay

Ara na patayin ito. Kaya pala ang mga regalo nya rito sa tuwing sasapit

ang kaarawan nito ay mga pulang damit, o di kaya'y sapatos. Nang sa

ganun, makontrol nya ang sarili nya patayin ito. Iyong huling regalo nya

ay red doll-shoes. Suot iyon ni Ara hanggang mamatay ito na marahil ay

pinaslang nya ito ng gabi.

To make the story short, mahina ang mga mata nya sa pula kapag gabi.

Ganoon din sa wine. Ang Cyanide ay binabago ang kulay ng wine pero hindi

ang aroma at panlasa nito. Iyon ang dahilan kung bakit patay ang ilaw.

Samantalang ang apoy naman ng kandila ang liwanag na kayang takpan ang

kulay ng isang red wine.

Kaya nga nang sinabi sa akin ni Ka Pineng ang planong ito - halos

matulala ako. Hindi ko alam kasi nong una kung kaya kong i-risk ang buhay

ko. Malabo kasi akong makaligtas kay Nana sa dilim.

Marahan kong nilingon si Nana na katabi ko - wala na itong buhay.

Napatingala ako. Kung nabubuhay si Ka Pineng - malamang magiging masaya

ito. Dahil nagtagumpay ako - nagtagumpay kami sa planong ito.

Sa uluhan ko, may natanaw ako.

May babae doon.

Si -

Ara!

Si Ara na anak ko!

Nakangiti sya at masayang-masaya. Napakaganda talaga ni Ara. Kumaway sya

sa akin.

Kung halusinasyon lamang ito ay wala na akong pakialam!

"Ara..." Tawag ko sa kaniya.

"I love you Dad." Pagkatapos ay tumalikod na sya sa akin at humakbang

palayo.

Pumatak ang aking mga luha. Pinilit kong magsalita. "Ara wait..."

Lumingon sya sa akin.

"Hindi mo ba ako isasama?"

Lumapit sya sa akin. Hinaplos nya ang mukha ko. Napakalamig niya..."No

Dad. Mabubuhay ka..." Nakangiting wika niya sakin.

"Pero... para saan pa?" Mabuway kong tanong. Wala ng silbi ang mabuhay pa

ako diba?

Hinagkan nya ako sa noo. "Magmamahal ka. Magkakaroon ka po ng dahilan

para mabuhay..."

"Ara..." Hinawakan ko sya sa kamay.

"Dad, kailangan ko na pong umalis."

Napahagulgol ako. "Ara... hindi kita malilimutan..."

"Ako rin po..." Napaiyak na rin sya. Ang magandang mukha ng anak ko ay

umiiyak sa aking harapan...

Napabangon ako paupo at niyakap ko sya. Kahit pa tila hangin lamang ang

aking nararamdaman...

"Salamat po. Matatahimik na po ako..."

"I love you Ara." Kumalas ako sa kanya at hinalikan ko rin sya sa noo.

"Go... go..." Itinaboy ko na sya paalis.

Humakbang na sya palayo sa akin. Ngunit bago sya yakapin ng liwanag -

lumingon sya sa akin.

Dito ko nasabi sa sarili ko na - habang buhay ko itong sasabihin. Uulit-

ulitin ko ito hanggang sa huling hininga ng buhay ko. Hindi ako

magsasawang sabihin sa kanya na -

"I love you, Ara."

TBC

Maraming salamat po sa inyong pagsubaybay...

UP NEXT: I LOVE YOU ARA Kabanata XX *evil smile*

####################################

Diary

####################################

xxILY, ARAxx

[ DIARY ]

HABANG isinusulat ko ito, nakaramdam ako ng hindi maganda. Alam ko na ang

mangyayari sa'kin. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at tinungo ang

kwarto mo. Tinabihan kita upang pagmasdan ang mukha mong mahimbing ang

tulog. Sayang, hindi ko na kasi makikita kung paano ka magbinata. Hindi

ko na masisilayan ang mga magiging apo ko na magiging anak mo.

Nakakalungkot.

Pagkatapos noon ay bumalik na ako sa aking iniwang mesa at itinuloy itong

aking pagsusulat. Ngunit iba talaga ang aking pakiramdam. Malamig.

Malamig ang aking - mga paa!

Umayos ako ng upo at hinimas ang aking mga paa hanggang sa talampakan.

Napakalamig nito. Pinasadahan ko nang tingin ang aking sakong patungo

hanggang sa aking mga daliri nitong aking kanang paa. Hanggang sa aking -

Jesus! Ano ito?

bakit -

Ang itim ng mga -

Kuko ko?!!

Tinapik-tapik ko ito. Hindi naman manhid.

Namutla ako. Ikaw agad ang naisip ko.

Tatayo sana ako nang may maaninag ako. Holy Christ! Kusa akong napatakbo

sa kwarto mo. Oh Lord! Naroon nga siya. Naroon +# #++ ++ ##++ mo!

Maingay ang paligid! Although tayo lang naman ang nasa bahay natin.

Nanigas ang aking katawan sa aking nakita. Sobra ang pag-aalala ko sa'yo.

"Sino ka?! Ikaw ba si -"

May bumulong sa akin. "Ara..."

Muntik na akong mapatalon sa takot. Pero tinatagan ko ang aking loob.

Sa'yo ako higit na nag-aalala. Ayaw kong idamay ka nila. "Sinungaling!"

Sigaw ko.

Naaaninagan ko.

May babae.

May babae sa -

Likuran ko.

"Wag mo akong linlangin! Sino ka?!" Sigaw ko ulit. Sa lakas ng boses kong

iyon, hindi mo magawang magising.

"Ara..." Bumulong sya ulit.

"Sinungaling!" Hiyaw ko. "Hindi ikaw si Ara!"

Napaigtad pa ko ng may -

kumalabit sa akin!

"Sino ka?!!" Sinigawan ko na sya.

Katahimikan.

Nawala iyong ingay sa paligid.

Huminga ako ng malalim. "Sino ka? Bakit mo ginagamit ang pangalan ni

Ara?" Tanong ko ulit. Ngunit mahinahon na ang aking tinig.

Bumulong ang hangin sa akin. "Ara..."

"Hindi mo ako maloloko. Hindi ikaw si Ara..." Marahan kong nililinga ang

paligid. Tumingin ako sa'yo. Naroon pa rin +# #++ ++ ##++ mo habang

mahimbing ang iyong pagtulog.

Tinungo ko agad ang mesa kung saan naroon ito. Itinabi ko ito sa bag ko.

Habang +# #++ ++ ##++ mo'y nakatingin sa akin. Hindi ko sya tiningnan.

Ayokong maranasan ko ang naranasan nyang hirap.

Bukas, ipapadala kita sa Manila. Doon mo ipagpatuloy ang pag-aaral mo ng

kolehiyo. Siguradong mamayang gabi ay pupunta sa akin si Roger at Mang

Isko. Dito na mag-uumpisa ang lahat.

Sana mabasa mo itong aking isinulat. Gusto kong malutas mo ang mga bagay

na hindi ko na malulutas. Patawarin mo ako dahil hanggang dito na lang

ako.

P.S. Kung sakaling mabasa mo ito, marahil ay wala na ako. I love you...

Justine.

Your loving father,

Pineda Toledo.

Important: Hanapin mo Roger.

BEWARE: Kapag narinig mo ang ingay ng bangaw - it means malapit ka ng

mamatay. Ito iyong INGAY na naririnig ko.

Remember, palagi +# #++ ++ ##++ mo.

In Memory of Pineda "Ka Pineng" Toledo.

[ START ]

JUSTINE's POV

PAGKABASA nito ay isinara ko na ang pahina. Ilang beses ko na ba itong

binasa?

Maka-ilang ulit na hindi ko na mabilang. Ito na lang kasi ang naiwan nya

sa akin. Palaisipan pa rin kasi sa akin kung paano sya namatay, kung

paano sila namatay. Especially, may part kasi ako rito na hindi ko

maunawaan. Lalo na iyong ibang phrases na mahirap basahin. Natabunan kasi

ng tuyong dugo.

Pinunit ko ang pahina. Pagkatapos ay itinapat ko sa liwanag ng araw. Baka

sakaling maaninagan ko ang nakasulat doon. [Naroon +# #++ ++ ##++ mo!]

Doon sa phrase na iyon.

"Si..." Bahagya ko ngang naaaninagan.

Lumipat ako sa ibang phrase. [Naroon pa rin +# #++ ++ ##++ mo habang

mahimbing ang iyong tulog.] Mas malinaw ang isang ito nang itapat ko sa

sinag.

"Si..." Hindi ko mabasa iyong kasunod na word. "...sa tabi." Kahit paano

ay medyo malinaw na.

Sinubukan ko yung isa pang phrase.

[Habang +# #++ ++ ##++ mo'y nakatingin sa akin.]

Naku! Malabo ang isang ito.

Then bumaling ako dun sa huli.

[Remember, palagi +# #++ ++ ##++ mo.] Ngayon malinaw na iyong [+# #++ ++

##++].

Sabi pala ni Daddy dun ay - oh Shit!

Kinilabutan ako!

'Si... Ara... sa... tabi...'

Marahan akong tumayo. Tagaktak ang pawis ko. Totoo ba iyon?

[Naroon +# #++ ++ ##++ mo!]

[Naroon pa rin +# #++ ++ ##++ mo habang mahimbing ang iyong tulog.]

[Habang +# #++ ++ ##++ mo'y nakatingin sa akin.]

At iyong huli -

[Remember, palagi +# #++ ++ ##++ mo.]

TBC

UP NEXT EPILOGUE para sa inyong katanungan.

INSANUS and TRAUMA now posted on my Wattpad acct.

####################################

EPILOGUE

####################################

[A/N: Pasyensiya na po kayo kung natagalan ng dalawa o tatlong araw ang

huling pag-update. Mahaba ito... Nakakaumay. Wag niyo na po akong

awayin... Robot lang.]

CHAPTER dedicated kay Tita Madel Manalili! Siya po 'yung pinaka sexy sa

Teleperformance Ortigas! Nahihiya ang baby fats ko kapag magkatabi kami

ng station! 55 lang ang nagawa kong emails dahil dito!!! Ayan na, bigyan

mo na ako ng chocolate na galing kay Tito Red pls! Ang hirap kayang isa-

isahin ng kwentong ito... hinalungkat ko pa kung saan-saang folder ang

bawat karugtong! Saka wala akong katulong dito sa Epilogue! Chocolate!

Chocolate!

PS: Wala po kami sa pinangyarihan. Ang iba ay dugtong-dugtong na lamang.

xxILY, ARAxx

EPILOGUE

WHEN I was in high school, I had this friend of mine whom I always called

'Kenny'. Hanggang kolehiyo ay naging kaklase ko siya. Naging mag-

bestfriend pa nga yata kami... mabait si Kenny, iyon nga lang ay di ito

masyadong palakibo.

I'm a christian, and I believe in God.

Ewan ko bakit naging magkaibigan kami... gayong hindi siya naniniwala na

may Diyos.

Mula nang mabasa ko ang Diary na iniwan sakin ng tatay ko ay mas tumindi

na ang paniniwala ko sa Diyos. Alam kong hindi ako masasaktan ni Ara...

hangga't matatag ang pananalig ko.

Back to Kenny...

Isang araw ay nakita ko siyang nagdarasal na labis kong ipinagtaka...

Tinanong ko siya at pinilit na magkwento sa akin...

at nang magkwento na siya...

daig ko pa ang binagsakan ng bomba!

SI ARA...

Paanong- paanong nakilala niya si Ara?!

Posible bang dahil sa akin kaya...

kaya niya nakilala si Ara?!

O posible bang...

dahil sa mahina ang paniniwala niya sa Diyos ay...

siya ang napagbalingan ni...

ARA?!

Nagpaparamdam daw ito sa kaniya... Hindi ko alam kong si Ara nga 'yon!

Takot na takot si Kenny nang ikwento niya sakin ang tungkol sa babaeng

nakikita niya tuwing gabi na nasa paahan ng kaniyang kama.

May sinasabi raw ang babaeng iyon...

Ang sabi raw ay may bangkay sa Morong. At mas marami pang bangkay kung

saan-saan...

Takot na takot si Kenny lalo pa ng sabihin sa kaniya nong babaeng iyon na

kailangan daw nito ng isang paa... kahit kaninong paa.Tila nagpapatulong

sa kaniya ang babaeng iyon. May binanggit daw itong mga pangalan...

Janice at Ara... pero mas tumiim sa isip niya ang pangalang Ara.

Ara raw ang pangalan ng babaeng nagpapakita sa kaniya... pero hindi ito

ang Ara na gusto nitong ipahanap sa kaniya. May Ara raw na gusto nitong

makita...

Magulo ang kwento ni Kenny... hindi ko masyadong maintindihan.

Pero isa lang ang nasigurado ko... iyong Ara na nakausap niya ay isang

baliw na nilalang. Wala itong alam sa sinasabi nito... sa halip ay gusto

lamang nitong makuha ang ninanais nito.

1980 - 1997

cardiac arrest syndrome according to the doctors -

-bangungot, pero hindi ako naniniwala.

Befor he died, he told me about HER.

About Ara...

Nakakainis at nakakalungkot...

Siya na nga lang ang natitira sa akin... pero iniwan niya rin ako.

In Memory of Kenneth L. Sanchez

Hinding-hindi kita makakalimutan...

Sana kung nasaan ka man ay tahimik ka na, Kenny...

You will always be my bestfriend pare.

JUSTINE PINEDA.

Iyong huli naming pinag-usapan... tungkol kay Ara.

It was September 28th that day, in the year of 1997. In Maybancal Morong

Rizal found a body of a college student. Based on the investigation, the

body was merely almost a month in buried beneath the ground farm. The

corpse was a girl, and sadly - at the same time I was confused. The girl

is not Ara, they found it was -

Janice.

Janice Ocampo.

Pero sa huli, hindi pala...

Napapagod na akong maguluhan.

Kaya nga hindi ko na rin hinanap si Roger... kahit iyon ang huling

habilin ng tatay ko.

Sa ngayon... paalis na ako papuntang Amerika. Kinukuha na kasi ako ng

tiyahin ko para doon na mag-aral.

Kung babalik ako... depende na iyon.

At si Ara? Kung sino mang Ara iyon... kung gusto niya akong sundan

hanggang Amerika, eh di sige! Sumunod siya. Hindi na ako natatakot sa

kaniya...

Hindi niya kayang takutin ang mga taong malakas at matatag ang paniniwala

sa Diyos.

xxx

PRESINTO

"SPO3 LYNDON P. ROMULO. Kaibigan ako ni Arthur." Isang matangkad at

batang pulis ang tumabi sa kaniya sa mahabang upuan na naroon sa lounge

ng Police station. "Nakikiramay ako sa lahat ng mga pinatay. Lalo na sa

mga kaibigan kong pulis... sina Art at iyong kapatid nito."

Tango lang ang naisagot ni Roger Santos dito.

"Astig nong ginawa mo pero mali iyon, attorney." Anito.

"Alam ko." Maiksing tugon niya.

"Sana sinaksak mo na lang kasi siya, o kaya naman ay hinampas sa ulo."

Umiling-iling pa ang pulis. "Kaya lang nilason mo eh! Syempre ang iisipin

nila ay pinagplanuhan mong paslangin ang asawa mo. Hindi mo pwedeng

sabihing self defense iyon."

"Ikulong niyo ako kung gusto niyo."

"Gusto mo bang makita iyong bayaw mo?"

"Hindi ko siya bayaw." Matigas niyang tugon at saka binigyan nang

masamang tingin si Romulo.

"Pero siya ang makakatulong sa'yo para-"

"Handa akong makulong... kahit habang buhay..." Agaw niya sa pagsasalita

nito. Kaya nga siya nagtungo agad sa Police Station nong patayin niya si

Nana eh. Inilibing niya muna si ang labi nong kapatid nitong si Ara at

sumuko na siya pagkatapos.

Tumayo na si Romulo. "Tsk. Tigas ng ulo mo attorney."

Nakatalikod na si Romulo ay nakatingin pa rin dito si Roger.

Mapagkakatiwalaan niya ba ang Romulo na ito? Sa itsura kasi nito ay mukha

itong maloko. Pulis ito pero mas mukha pa itong modelo dahil sa itsura at

tangkad nito. Tingin niya ay may pagka-happy go lucky ang lalaki... pero

sa di malamang dahilan ay magaan ang loob niya rito.

"Sandali!" Habol niya kay Romulo.

Tinaasan siya nito ng kilay. "Ano?"

"Paano niyo nahuli si..."

Ngumisi ito. "Si Roli VillaVerde?"

Tumango siya.

"Sumuko siya..." Anito.

"S-Sige... Kakausapin ko siya."

Dinala siya nito sa tila isang bartolina sa istasyong iyon. Ayon dito ay

inihiwalay nito si Roli sa ibang preso dahil sa madalas daw itong

magwala.

"Hindi na siya nagsalita pa matapos niyang sabihin saming gusto ka niyang

makausap." Itinuro nito sa kaniya ang isang bakal na pinto na may maliit

na bintana. "Hihintayin kita dito, kausapin mo na siya."

Naabutan niya Roli na nakasalampak sa sahig at tila natutulog.

"Roli..." Tawag niya sa pansin nito.

Nagtaas ito ng tingin mula sa pagkakatungo sa semento. Ang mukha nito ay

marusing subalit nababakas pa rin doon ang pagiging simpatiko ng lalaki.

Maamo ang mga mata nito na tila hindi makakagawa ng ano mang makakasakit

sa kapwa... iyon na nga, madalas makapanloko ang panlabas na anyo ng

isang tao. Sino ba ang magsasabing ang magandang lalaking ito na kasing

payapa ng mukha ng isang anghel ang mukha ay isang mamamatay at baliw na

tao?

"Roger." Ngumiti ito nang makilala siya.

Tumayo ito at naglakad patungo sa pinto.

"Sayang... Sayang hindi kita napatay." Mahinanong wika nito.

Nanlisik ang mga mata niya. "Hayop ka!"

Lumungkot ang mukha ni Roli. "Roger... Mahal ko si Ara."

"Hayop ka talaga! Pati anak ko tinalo mong hayop ka!" Pigil ang boses na

angil niya rito.

Umiling ito at saka muling tumingin sa kaniya. "Masaya sakin si Ara...

Ibinigay ko sa kaniya ang atensyong hindi mo maibigay sa kaniya sa

sobrang abala mo sa trabaho."

Naumid ang dila niya sa sinabi nito. Ganoon ba ito naging close ng

kaniyang anak para ikwento dito ni Ara ang mga nagaganap sa bahay nila?

"Gusto mo bang malaman kung bakit gusto kitang patayin?" Muli ay wika ni

Roli.

Hindi siya kumibo.

Nagsalita itong muli. "Baka kasi nalulungkot si Ara..."

Nakamasid lang siya sa malungkot na mukha ni Roli.

"Mahal na mahal ka niya..." Anito. "Sa akin niya palaging sinasabi kung

gaano ka niya kamahal... at kung gaano siya nalulungkot na wala kang

panahon sa kaniya."

"Minahal mo ba talaga ang anak ko?" Hirap sa loob na tanong niya rito.

Malungkot itong ngumiti. "Oo... Mas minahal ko siya kesa sa... asawa ko."

Mapait siyang napangiti. "Pero kagaya ng asawa mo't anak ay hinayaan mo

ring mamatay ng walang kalaban-laban ang anak kong si Ara."

Hindi nagsalita si Roli kaya nanggalaiti siya. "Anong klaseng tao ka!" Di

niya napigilang mapaluha. Gusto niyang gulpihin si Roli, gusto niyang

magwala!

"Siguro nga hindi ako tao. Sa totoo lang, mas dapat akong tawaging

demonyo. Baliw ako." Muling napaupo sa sahig ng kulungan si Roli.

Inihilamos nito ang mga palad sa marungis nitong mukha. "Mahal ko si

Ara... Mahal ko si Laurie... Mahal ko sila... Pero wala akong magawa nang

patayin sila ni Clarisse."

"Bakit hindi ka lumaban kay Nana! Pvtang ina mo!"

Nalilitong tumingin ito sa kaniya. "Si Clarisse... m-mahal niya ako..."

"Pvtang ina mo!" Gigil na bulyaw niya rito. Sinenyasan siya ng nasa di

kalayuang si Romulo na hinaan niya ang boses niya.

Nagulat siya nang biglang umiyak si Roli. Para itong batang

ngumunguyngoy. Ngayon niya lamang ito nakitang ganoon.

Tumingin sa kaniya ang luhaang mga mata nito. "Wala akong pamilya o maski

kamag-anak... Kinupkop ako ng pamilya VillaVerde. Naging maalwan ang

buhay ko at nagkaroon ako ng pamilya."

"Pamilya ng mga baliw!" Mahinang asik niya rito.

"Alam mo ba kung bakit wala akong pamilya?" Bagamat luhaan ay nakangisi

na naman ito sa kaniya. "Ako rin ang pumatay sa kanila..."

Napigil niya ang kaniyang paghinga dahil sa sinabi nito.

"Nahuli ng Tatay ko ang Nanay ko na may kinakasamang iba. Kalat na sa

buong baryo ang kawalanghiyaan nila... ang mura kong pag-iisip noon ay

nahaluan ng poot at malisya." Muli itong tumungo. "May mga nakababata

akong kapatid... ayoko silang madamay. Palagi akong binubugbog ng Tatay

ko at kulang na lang ay patayin niya na ako, laging nag-iiyakan non ang

mga kapatid ko. Bata pa ako non Roger... naaawa ako sa sarili ko pero

wala akong magawa. Sa amin ni Itay ibinubuhos ang galit niya sa Nanay

ko."

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dahil sa mga ikinukwento nito.

"Pinatay ko si Nanay at ang kalaguyo niya... Pinatay ko sila ng isang

gabing maabutan ko sila sa silid nila ni Tatay. Pinatay ko sila habang

tulog sila... at isinunod ko ang mga kapatid ko." Balewalang kwento nito

na tila. Parang wala lang dito ang lahat ng naganap.

"Isa kang baliw..." Oo at mamamatay si Roli. Pero hindi niya lubos maisip

na bata palang ito ay pumatay na ito! At ang mahirap tanggapin ay pati

mga nakababatang kapatid nitong walang muwang ay pinatay din nito! "Baliw

ka Roli!!!"

Nagkibit-balikat ito. "Maigi ng ganoon... mawawala na ang usapan ng mga

tao sa baryo namin. Maigi ng mamatay ang mga taong mahal ko kesa magdusa

sila. Nang dumating si Itay ay siya ang hinuli ng mga pulis. Siya ang

pinagbintangang gumawa ng krimen na iyon. Wala ng naganap na

imbestigasyon, basta na lang nilang hinuli si Itay kahit anong panlalaban

nito. Sa huli ay nabaril ang Tatay ko nang magtangka itong makipag-agawan

ng baril sa isang pulis."

Hindi na talaga siya makatagal na makausap ito.

"At nang mga panahong nag-iisa na ako ay napadpad ako sa mansion ng mga

VillaVerde. Sila ang dahilan kaya ibang tao na ako ngayon... isang taong

mas matatag. Sa di malamang dahilan ay tumaas ang tingin ko sa sarili ko

ng muling mamantsahan ng dugo ang aking mga kamay." Tumingin ito sa

kaniya, blangko na ang mga mata nito. "Hindi ako galit sa'yo kahit

pinatay mo si Clarisse. Siguro talagang oras niya ng mamatay..."

Napatungo na lamang si Roger. Sumakit bigla ang ulo niya sa pinagsasabi

ni Roli sa kaniya.

"Grabe na rin ang pinagdaanan niya sa buhay... Katulad ko ay sugatan din

ang kaluluwa niya..." Saad pa nito sa mababaw na boses.

Umiling siya. "Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa'yo, Roli."

Aniya.

Tumayo ito at lumapit muli sa kaniya. "Ilibing mo na ang labi ni Ara...

iyong Arang baliw." Seryoso at tila may takot na wika nito.

Nakipagtitigan siya rito. Para saan ang takot na nababasa niya sa mga

mata nito? "Inilibing ko na siya bago pa man ako sumuko sa mga pulis."

"Hindi lang basta paglibing... Hindi matatahimik ang pvtang inang iyon."

Hindi siya kumibo. Para sa kaniya ay hindi dapat katakutan ang isang

'patay na'... ang dapat katakutan ay ang mga 'buhay pa' dahil sila ang

may kakayahang saktan ka. Hangga't may pananalig ka sa Diyos ay hindi ka

magagapi ng masasama.

Kung Diablo man si Ara... problema na nito iyon. Sa kabila ng mga

kakaibang pangyayari ay hindi pa rin siya naniniwalang masasaktan sila ng

multong iyon. Ang mga naganap ay bunga lamang ng kahinaan ng isang tao.

Pinaglalaruan lamang ng mga diablo ang isipan ng mga tao at ang mga tao

mismo ang ginagamit ng diablo para saktan ang iba pang tao. He had

enough, tama na. Wala na siyang kinatatakutan ngayon dahil wala na rin

namang natitira pa sa kaniya.

Pero si Roli ay hindi mapalagay. Pilit siya nitong inaabot mula sa maliit

na bintana ng pinto ng kulungan nito.

Umatras si Roger. Ayaw niyang madampian siya ng ni dulo ng maruming

daliri ni Roli.

Sumigaw si Roli. "Isa pa siya sa dahilan kaya hindi kami makatakas sa

nakaraan. Hanggang ngayon ay demonyita pa rin iyang Ara na iyan. Demonya

siya noong nabubuhay siya... mas naging demonya pa siya nong mamatay na

siya. Dahil sa kaniya kaya tuluyang nasiraan si Clarisse."

Umismid siya. "Wag na nating pagusapan ang babaeng iyon."

"Minahal ka ni Clarisse!" Anito. "Kaya lang napakagago mo... Niloko mo

siya dahil kay Maria. Wala na sanang problema kung hindi ka nagloko.

Hindi niya sana itinuloy ang pagpatay kay Ara at sana'y buhay pa silang

lahat ngayon. Buhay pa sana si Clarisse at magkasama pa rin kayo... at

sana ay buhay pa rin si Ara ngayon at ako ang kasama niya. Pero ito yata

talaga ang kapalaran... ang mamatay silang lahat."

"Naging mabuti akong asawa kay Clarisse. Oo natukso akong makipag-

relasyon pa rin kay Maria pero natapos din naman iyon. Hindi dahilan na

patayin niya ang anak namin dahil lang sa-"

Pinutol nito ang pagsasalita niya. "Iba ang takbo ng utak ni Clarisse..."

Hindi siya sumagot.

Nagpatuloy ito. "Natutuwa akong unti-unti nang umaayos ang buhay niya

mula ng mag-asawa siya. Bihira ko na siyang makitang balisa at tulala...

Akala ko nakalimutan niya na ang kapatid niya. Isang araw ay nakita ko

siyang matalim ang mga matang nakatingin sa'yo habang nakatalikod ka.

Nag-isip na agad ako na may ginawa kang hindi maganda."

Gusto niya nang iwan ito roon pero may isang parte niya ang nais pang

makinig sa mga sinasabi nito.

"Ilang araw mula noon ay nakita ko na naman siyang balisa. May mga

panahon na bumubuka ang bibig niya at tila siya may kinakausap...

kinabahan na ako noon. Makalipas ang ilang linggo ay tinawagan niya ako

na umuwi sa probinsiya namin."

Pakiramdam ni Roger ay nanikip ang dibdib niya.

Naiiling na muling napaluha si Roli habang nagku-kwento ito. "Tama nga

ang hinala ko... Patay na ang mag-ina ko. Pinatay na sila ni Clarisse..."

"Ni wala kang ginawa!" Mapaklang wika niya rito.

Umiiyak na nagkibit-balikat ito. "Naisip kong oras na nila talaga iyon."

"Sira ulo ka!"

"Nalungkot ako, Roger... Nalungkot ako dahil minahal ko ang asawa kong si

Laurie at ang anak namin. Pero mas nalungkot akong maabutang umiiyak si

Clarisse habang punong-puno siya ng dugo. Umiiyak siya at sinabi niya sa

aking malapit ng masira ang pamilya niya... sinabi niya sa aking niloloko

mo siya."

Nag-iwas siya ng tingin dito. Sapul na sapul kasi siya.

"Bata pa non si Ara... Magda-dalaga palang yata. Inutusan niya akong

bantayan ang anak niyo... at dahil sa pangungulila ko sa mag-ina ko ay

nahulog ang loob ko kay Ara makalipas ang ilang taon. Maganda si Ara,

mabait at maaalalahanin. Nahihirapan ang kalooban ko kapag malungkot siya

kaya sa tuwina ay nais ko siyang pasayahin."

Muli siyang napangiti nang mapakla.

"Pero nalaman din ni Clarisse ang relasyon namin. Nagalit siya sa akin.

Ano raw ang karapatan kong maging masaya gayon siya ay naghihirap? Tama

siya... wala akong karapatan."

Nagdidingas sa poot na tinapunan niya ng tingin ang baliw na si Roli.

"Kaya pinatay niya na ang anak namin!" Aniya na punong-puno ng galit ang

tinig.

"Roger. Hindi ako hihingi ng tawad sa'yo. Naniniwala ako na lahat nang

nangyayari sa mundo ay nakatadhana na."

Hindi niya na pinansin pa ang ibang sinasabi nito. Tinalikuran niya na

ito at saka siya bumalik sa mahabang upuan na kanina ay inuupuan niya.

Baka kasi pag hindi niya pa tinigilan ang pakikipag-usap kay Roli ay

mabaliw na rin siya.

Sumunod sa kaniya ang ngingisi-ngising si SPO3 Lyndon Romulo.

"Attorney! Wag mo na masyadong dibdibin... Hayaan mo't pasasaan ba't

mabibitay na ang Roli VillaVerde na iyon." Anito sabay tapik sa balikat

niya.

"Romulo!" Isang pulis ang lumapit sa kanila.

Tinanguan ito ni Romulo. "Oh? Sabihin mo na kay Santos."

"Attorney." Baling sa kaniya ng bagong dating na pulis. "Ako po si SPO4

Antonio Lorenzo ng District 5."

Tinanguan niya ito.

"Nakita na iyong mga bangkay. Iyong Madge pati na rin ang mga naaagnas na

katawan ng nawawalang pamilya nong Roli VillaVerde. Nasa isang closet

silang lahat... sa isang closet sa isang tagong silid sa lumang bahay

nina Clarisse VillaVerde-Santos. May ilan pang bangkay don ng ilang

kalalakihang tila mga akyat-bahay."

Napatayo siya bigla. "S-si Janice... iyong bangkay ni Janice Jane Ocampo?

Nakita niyo na ba?"

Kumunot ang noo ni Romulo.

"Si Janice! Si Janice? Nasaan siya?!" Halos yugyugin niya na ang

patpating pulis na bagong dating. "Nasaan ang bangkay ni Janice?!!!"

"Ah... walang Janice." Umiling ito.

"Ano?!"

"Walang nakalagay na Janice." Sabad ni Romulo habang hawak nito ang

folder, nakangiti ito.

Binalingan ito ni SPO4 Lorenzo.

"Iyong nakita niyong bangkay sa Morong Rizal. Iyong dalagitang itinapon

ang bangkay."

Tumango-tango si SPO4 Lorenzo. "Ah si Renalyn Sandoval?"

"Oo! Iyong pinatay sa bahay ng mga Ocampo!" Ani pa ni Romulo.

Nandilat ang mga mata ni Roger.

Renalyn Sandoval?

Renalyn... Renalyn... Renalyn...

Pamilyar ang pangalang iyon...

Saan niya ba nakita iyon?

Napakurap si Roger!

Tama!

Si Renalyn Sandoval ay ang kaibigan nina Ara at Janice. Renalyn Sandoval,

nakita niya ito friendster ni Ara ng isang beses na makigamit ng laptop

niya ang kaniyang anak.

Si Renalyn Sandoval ay si- Rene!

"Anong nangyari kay Rene... Kay Renalyn Sandoval." Agad niyang tanong sa

mga ito.

"Hati ang mukha niya, ni hindi na makilala. Puro siya dugo ng makita

namin. Wala na itong buhay." Sagot ni SPO4 Lorenzo. "Siya iyong natagpuan

sa Morong. Kahapon lang namin nalaman sa autopsy."

"Iyon nga! Ang buong akala ay si Janice Ocampo, missing kasi si Janice

Ocampo! Tapos suot pa nitong si Renalyn Sandoval ang damit ni Janice."

Tatango-tangong wika ni Romulo. "Siguro napagkamalan nong Clarisse na si

Renalyn ay si Janice. Ayon sa imbestigasyon ay naganap ang pagpatay sa

mismong bahay ng mga Ocampo."

Parang may paa ng kabayong tumadyak sa dibdib ni Roger. "K-Kung ganoon...

nasaan si Janice?" Nabuhayan siya ng loob. Nagsimula na rin siyang

maluha.

Inakay siya ni SPO3 Lyndon Romulo sa isang silid sa likuran ng quarters

ng mga pulis. Hindi niya alam kung bakit ngiting-ngiti ito. Nang

makarating sila sa pinto ng isang silid ay binulungan siya ng batang

pulis.

"Attorney... Wag ka ng umiyak diyan. Pasayahin mo ang magandang binibini

na nasa loob... kakarating lang niya. Maghihintay ako rito."

Natulala siya nang makita kung sino ang nakaupo sa silyang naroon sa loob

ng silid.

"J-Janice?" Parang gripo ang mga mata niya sa tuloy-tuloy na pag-agos ng

mga luha niya roon.

Ang inosente at magandang mukha nito na bahagyang namumutla ay nabahiran

din ng pagkagulat nang tumingin ito sa kaniya.

Nilapitan niya ito kahit tila nanghihina na ang kaniyang mga tuhod sa

kaba at iba pang emosyon.

Ngumiti ito bagamat luhaan na rin. "Narinig kong sabi ni Nana na... k-

kapatid ko si Ara... na kayo ang tunay kong tatay. Totoo po ba?"

"A-Anak ko..." Inabot niya ito at saka niyakap nang mahigpit.

"Papa..." Umiyak nang umiyak sa dibdib niya ang dalagita. "Patay na si

Mama... Patay na rin sina Tita Madge... Patay na sila..." Tangis nito.

"Sshh..." Pag-aalo niya rito. "Magiging okay ang lahat... narito pa

tayo..." Inalalayan niya itong makaupo muli sa silyang naroon at saka

siya naupo rin sa isa pang silya na katapat ng inupuan nito.

"Kaya pala mahal na mahal ko si Ara..." Malungkot na wika nito. "Kaya rin

kamukha ko siya..."

"Paanong nangyaring nakaligtas ka kay Nana?" Tanong niya kapagdaka.

Lalo itong namutla. "S-si... Nana po... Pinuntahan niya ako sa Hospital."

Nagtagis ang mga ngipin ni Roger at nakuyom niya ang kaniyang kamao.

"Alam ko na pong may masama siyang balak sakin..." Napahikbi muli si

Janice. "Alam ko po... Alam ko dahil nagparamdam sakin si Ara. Hindi ko

po alam kung binabangungot lang ako noon... takot na takot ako..."

Hinaplos niya ang luhaang pisngi nito upang papayapain ang loob ng

dalagita.

Nagpatuloy ito sa pagku-kwento. "Pero dahil sa takot ko kay Ara ay

nalaman kong may masamang mangyayari. Kung nagkataong hindi ako nagising

noon ay baka napatay na nga ako ni Nana. Nakatakas po ako sa kaniya...

Wala na po ako sa sarili, ni humingi ng tulong sa mga nurse at ibang tao

sa Ospital ay di ko nagawa. Dumaan ako sa fire exit. Ang tanging nais ko

na lang ay makita si Mama. Lakad-takbo po akong umuwi ng gabing iyon.

Bumalik po ako sa bahay namin kasi akala ko naroon sina Mama at Tita

Madge. Nagpalit po ako ng damit at nakahanda na muling umalis... tapos

biglang may kumatok."

Pakinig na pakinig si Roger sa mga sinasabi nito.

"Natakot po ako... akala ko si Nana na iyon. Gabing-gabi na po iyon at

walang telepono para makahingi pa ako ng tulong." Saglit itong natigilan

at saka muling napahikbi. "Natuwa ako nang malamang hindi si Nana iyong

dumating. Iyon pong bestfriend namin ni Ara na si Rene... Tumakas daw po

siya sa kanila kasi ayaw siyang payagan ng parents niya na pumunta sa

burol ni Ara. Nagpunta siya sakin kahit gabi na dahil nakokonsensiya

siyang hindi siya nakiramay sa burol ni Ara. Basa siya ng ulan kaya

pinahiram ko siya ng damit ko... Magkasama kami sa kwarto ko non nang

biglang mag-brownout." Nanginig na ang katawan ni Janice.

Niyakap ni Roger ang dalagita. Ramdam niya ang malakas at mabilis na

tibok ng puso nito na dala ng takot.

"Akala ko brownount lang talaga kaya iniwan ko si... si Rene sa kwarto

ko. Kukuha sana ako ng kandila sa kusina." Bigla na namang napahagulhol

si Janice. "P-Pero pagbalik ko... may iba na palang tao sa kwarto!"

"Napakahayop niya..." Gigil na bulong niya habang hinahagod ang likuran

nang umiiyak na si Janice.

"Nong kumidlat ay nakita ko ang duguang mukha ni Rene... hati na iyong

mukha niya at di na siya makilala sa dami ng dugo..." Sumigok ito. "Tapos

nakilala ko ang nakatayong babae sa harapan niya-si Nana!"

Lalong nag-igting sa poot ang kaniyang mga ngipin. Nakikita niya pa sa

isipan niya ang mga pangyayari...

"Sa takot ko ay nagtago ako sa closet sa likod ng pinto ng kwarto ko."

Saglit itong humiwalay sa kaniya at saka nagpahid ng luhaan nitong mukha.

"Kitang-kita ko po nang buhatin niya si Rene papunta sa kama at kumutan

ito. Nagso-sorry pa siya rito... Doon ko po narinig na siya rin ang

pumatay kay Ara. Sabi po niya ay mahal na mahal niya si Ara... pati raw

po ako ay itinuring niya ng anak. Ang hindi niya lang daw po matanggap

ay... niloko niyo siya. Doon ko po nalamang kayo ang 'daddy' ko."

"Oh Janice!"

"Doon po may dumating ulit na isang lalaki... pinatay niya rin po iyon!

Hanggang sa makaalis siya at hindi na ako lumabas sa closet. Si Rene po

ay binalot niya ng kumot at saka niya dinala... Akala niya po ako iyon...

Namatay si Rene dahil sakin..."

Mga ilang minuto rin silang nagyakapan ni Janice bago sila maistorbo ng

isang tikhim mula sa pintuan.

"Attorney." Si SPO3 Lyndon Romulo. "Oo nga pala, mukhang makakalaya ka

na. Nagtext sakin si Lorenzo." Anitong nakangiti.

"B-Bakit?"

"Baliw iyong Roli na iyon noh? Kwinento niya na sa amin ang lahat... saka

isa pa, sa dami ng pinatay ng Clarisse VillaVerde na iyon ay imposibleng

di ka pa makalaya. Tamang usapan na lang ito." At saka siya kinindatan.

"S-Salamat."

"Maging mabuting ama ka ngayon... sa pangalawang pagkakataon." Sabi pa

nito.

Kumunot ang noo ni Roger.

"Sorry ha? Nakinig ako sa usapan niyo kanina ni Roli. Hindi ko rin

sinasadyang hindi makinig ulit ngayon. May magagawa ba ako? Ako ang

bantay mo eh." Napangisi ito.

Naiiling na lamang na tinanguan ito ni Roger. "Salamat Romulo."

Bumaling ito kay Janice pero siya pa rin ang kausap. "Ingatan mo ang anak

mo... Wag mo munang papaligawan. Maganda ang anak mo, attorney.

Siguraduhin mong hindi baliw ang matitipuhan niyan. Siguraduhin mo ring

ang makakatuluyan niya ay iyong kaya siyang ipagtanggol." Makahulugang

wika nito.

Napasimangot ang mukha niya. "Bata pa ang anak ko Romulo. Magdidiso-otso

palang siya."

"Sige, maiwan ko na kayo." Patalikod na ito nang muling lumingon sa gawi

nila. "Oo nga pala attorney... 23 palang ako. Bata pa rin."

Nakita niyang namula ang pisngi ni Janice nang ngitian ito ni Romulo.

Naiiling na lamang si Roger nang tuluyan ng makaalis ang batang pulis.

"Papa..." Tawag sa kaniya ni Janice. Nakangiti na ito at wala ng

masyadong luha ang mga mata.

"Anak..." Ngumiti na rin siya... iyong ngiti na akala niya'y hindi na

muling guguhit sa kaniyang mga labi...

Muli itong yumakap sa kaniya... nang mahigpit...

Buong pagmamahal na hinagkan niya ang ulo nito.

"I love you Janice..."

WAKAS

PLUG: *new horror: INSANUS 'Now Posted'

Ara's letter kasama ng ilang photos at piling mga komento mula sa inyong

mga readers gayon na rin ang announcement for ILY ARA's book II at sa

kaniyang libro ay will be posted on my Facebook page na : JAMILLEFUMAH

(https://www.facebook.com/howsjam)

MARAMING SALAMAT PO!

JAMILLEFUMAH

####################################

(Not An Update)

####################################

THANK you for loving Ara... abangan ang pagpapakilala ng tunay na ARA.

Dalawin natin ang lungga ng ARA CLAN: I Love You Ara -JF (facebook page)

https://www.facebook.com/ILoveYouAra.JFstories

Ipo-post namin ang blog.

Sasagutin ang ilang katanungan.

Mababasa ang aming paboritong komento mula sa ILY ARA comments dito sa

Wattpad.

Sa mga bagong pangyayari maging ang 'ARA2 the beginning'

at ang pamaskong T-shirt ni ate Ara.

at ang ... book II

JAMILLEFUMAH

@JFstories

####################################

ARA 2: The Beginning [Trailer]

####################################

xxILY, ARAxx

Before I Love You, Ara, there is ARA 2: The Beginning.

ARA 2 : The Beginning

"K-Ka Pineng... mabuti't nakarating ka..."

Ito ang bungad sa akin ni Josephine nang pagbuksan nya kami ng pinto.

Nanginginig sya. Napakalikot ng kanyang mga mata. Hindi ko sya kinibo ni

tinapunan nang tingin.

"P-pasok ka, Ka Pineng..." iginiya nya ako papasok.

Akma kong ihahakbang ang mga paa ko nang mapahinto ako. Anong klaseng

pakiramdam ito? Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot. Nang

lingunin ko si Cary sa aking tabi - isa sa mga P.A. ko, nangangatog sya.

Sa aming tatlo kasi nila Fin, na nasa likuran nya, ay sya ang may

pinakamalakas na pakiramdam pagdating sa ganitong sitwasyon. Alam kong

alam nya ang pinupunto ko nang magkatinginan kami.

Gayunpaman, sinikap pa rin naming makapasok sa mansyong iyon sa kabila ng

kabang nararamdaman namin. Masangsang na amoy ang sumalubong sa akin. May

nauulinigan akong tunog. Parang -

-pinupunit na mga laman.

Naririnig ko ang paghikbi ni Josephine sa aking likuran. "K-Ka Pineng...

tulungan mo ang anak ko. Tulungan mo si Joanna... bata pa sya..." tuluyan

na syang napaiyak.

"Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko." Pagkatapos ay bumaling ako kay

Cary. "Nasaan sya?"

"Naroon sya." Inginuso nya sa akin ang hagdan paakyat.

Magkakasunod kaming humakbang paakyat sa hagdang iyon hanggang sa

matunton namin ang isang silid. Pulos mga tabla iyon na magkakadikit at

ipinako doon. Kabi-kabila rin ang padlock nitong pinto. Animo'y may

ikinulong ditong isang mabangis na hayop na hindi dapat makawala.

Lumapit ako roon. Hayun ang tunog, naririnig ko. Mas nakakatakot ito

kaysa sa inaasahan ko. "Fin, ang palakol." Utos ko.

Agad namang naglabas si Fin mula sa bitbit nyang bag ng malaking palakol.

Malaking tao sya kaya naman magaang lang para sa kanya ang ihambalos ito

nang makailang ulit upang tungkabin ang pintuang puno ng nakapakong

tabla.

Nang tuluyan na nyang mawasak iyon, umalingasaw na ang mabahong amoy.

Masakit sa ilong, parang nabubulok na mga laman. "Cary, ang kandila

ihanda mo na."

Dali namang kumilos si Cary at nagsindi ng kandila. Iniabot nya iyon sa

akin at nagpatiuna na akong pumasok. Tama ang hinala ko, madilim ang

kwartong iyon. Napalunok muna ang dalawa bago sumunod sa akin.

Inilawan ko ang paligid, napakalawak niyon. Nakapalagkit ng sahig. Pero

nasaan si Joanna?

Napadako ako kay Cary. "Nasaan si Josephine?"

Hindi sya sumagot. Paano'y namumutla syang nakatingin sa likuran ko.

Mabilis kong ipinihit ang aking katawan. Nararamdaman ko na sya. Hayun

sya!

Iniliwan ko.

Iniliwan ko.

Inila ---

---Diyos ko!

Totoo ba itong nakikita ko?

Anong klaseng nilalang ito?

Matagal na ako sa trabahong ito -

-pero ngayon lang ako nakakita ng ganito!

"J-Joanna?" napausal ako.

Hindi umimik si Joanna. Nakatingin lang sya sa akin. Abala sya.

Marahang lumakad si Fin ngunit inawat ko sya. Sa aming tatlo, si Fin ang

pinakamatapang.

Pagkatapos ay muli akong humakbang patiuna. Lumapit pa ako nang bahagya

kay Joanna. "S-sino ka?"

Hindi tumugon si Joanna. Naririnig ko lang ang kanyang pagnguya.

Iniliwan ko pa.

Tapos -

-napasigaw ako!

Eh kasi ang kinakain ni Joanna -

Ay ang sarili nyang -

---PAA!!!

Napapikit ako. Di ko namalayan na naluluha na pala ako. "S-sino ka?"

piyok ang boses ko. "A-anong kailangan mo kay Joanna?" Nangangatal ako.

Sino bang hindi? Nakaharap ang mukha sa akin ni Joanna, pero ang katawan

nya --

--nakatalikod!

Nakapanghihilakbot!

Nakakatakot!

Nakakapanindig balahibo!

Napagtanto ko kasi na wala na rin syang mga labi.

Tinanggal nya iyon - sagabal yata sa pagkain nya ng kanyang binti!!!

"Sino ka?" tanong ko muli.

Wala pa rin syang sagot.

"Sino ka?!" sigaw ko.

Biglang may kumalabit sa akin.

"Ano?!" hindi ko ito nilingon.

"S-sa itaas..." ani Cary.

Marahan naman akong napatingala.

Sabi na eh, tama ang aking hinala.

Sa itaas kasi, sa kisame.

May taong nakadipa.

Wari'y ipinako ito don.

Wala na itong buhay at hindi na humihinga.

At ang taong ito ay si --

--Josephine.

Pagbungad pa lang nya kanina, alam ko na.

Alam ko nang - patay na sya.

Iyan tuloy, di ko namalayan. Nalingat pala ako kay Joanna.

Sa isang iglap ay biglang --

--may umihip sa kandila!!!

Nakakabulag na kadiliman. Nanlalambot ako.

"S-sino ka?" tanong ko pa rin.

Sa likod ko ay may humihinga.

Parang may ibinubulong sya.

Nararamdaman ko, sya si Joanna.

Pero iba ang sinasabi nya.

Ang bulong nya kasi, sya raw si ---

---ARA.

JAMILLE FUMAH

I Love You Ara will be published under Viva Psicom.

Makibalita kay ARA sa kanyang page: I LOVE YOU ARA -JF

[ https://www.facebook.com/ILoveYouAra.JFstories ]