thesis mi
-
Upload
soulpatch85 -
Category
Documents
-
view
162 -
download
5
Transcript of thesis mi
Global Warming sa Pananaw ng mga Estudyante sa Unang Taon ng Kursong Bachelor of Science in Accountancy
Sa Partido State University Taon Ng Pasukan 2008-2009
Isang Pag-Aaral na Iniharap Sa Mga Guro ng Partido State University
Bilang Pangangailangan Sa Filipino II,
Pagbasa At Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik
Nila
Eddierol Pacao
Lisandro Flojo
Aljon Rellora
Dennis Rivero
Marcel Pagal
Alvin Pasiona
Marso 2009
1
Panimula
Ang pananaliksik na ito ay ang naisipang gawin ng mga mananaliksik dahil sa
kanilang napapansin, nakikita at nararamdaman sa kapaligiran. Ang init at alinsangan ng
temperatura ay hindi tulad ng dati. Lubhang mas painit ng panit ang panahon ngayon.
Kaya pinag-aralan at inalam nila kung ano anga ba talaga ito. Ano ang sanhi at bunga
nito?
Alam nilang mga ordinaryong mga estudyante at mamamayan lamang sila pero
ito din ang nagbigay daan sa kanila upang mas lao nilang maintindihan na karamihan sa
mga tao ay tulad din nila. Hindi lang nila alam kung saan at papano sila magsisimula.
Mabuti na lang at makabago na ang teknolohiya sa panahong ito. Malaki ang naitulong
ng internet at kompyuter sa lahat ng mga hakbanging kanilang ginawa.
Tulad ng ibang mga mananaliksik, hindi lang para sa kanila ang pag-aaral na ito
kundi para sa lahat upang magising tayo sa katotohanan. Nawa ay makakuha ang mga
magbabasa nito ng mga karagdagang impormasyon At sana ay makatulong ito sa kanila
lalong lalo na sa pang araw araw nilang pamumuhay.
Mga Mananaliksik
2
Dahon Ng Pasasalamat
Ang pananaliksik na ito ay hindi mabubuo kung wala ang mga tao sa likod ng
tagumpay ng –aaral na ito. Mga taong tumulong at nagbigay ng mga ideya na talaga
namang nakatulong sa mga mananaliksik upang mapadali at mapagaan ang mga
hakbanging kanilang tinahak at ginawa sa pag-aaral na ito.
Unang-una ay sa Poong Maykapal, sa pagbibigay Niya ng mga ideya at sa
paggabay sa pang-araw-araw na pamumuhay ng lahat. Siya na nagbibigay sa atin ng
lakas, buhay at kaisipan. Ang lahat ng ito’y naging posible sa pamamagitan ng Kanyang
walang hanggan at walang sawang pagtulong sa sanlibutan.
Pangalawa ay sa aming butihing guro, si Mrs. Rosemarie Tabardillo, sa kanyang
ibinigay na pagkakataon sa amin na maranasan at matutong gumawa ng pananaliksiksik.
Pangatlo ay sa mga estudyante sa unang taon ng kursong BSA sa taong pasukan
2008-2009, dahil sa kanilang pagtulong sa pamamgitan ng pagsagot nila ng mga
talatanungan. Hindi mabubuo ang pananliksik na ito kung wala sila.
Sa kanilang lahat, lubos pong nagpapasalamat ang mga mananaliksik. Sa inyo
pong ibinigay na suporta, impormasyon at tulong, maraming maraming salamat po.
Mga Mananaliksik
3
Talaan Ng Mga Nilalaman
Paunang Pahina 1Panimula 2Dahon Ng Pasasalamat 3Talaan Ng Mga Nilalaman 4Kabanata
I – Suliranin At Kaligiran Nito 5Panimula 5Layunin 6Kahalagahan Ng Pananaliksik 6Saklaw At Limitasyon Ng Pag-Aaral 8Pagbibigay Kahulugan Sa Mga Salita 8
II – Kaugnay Na Literatura At Pag – Aaral 9Kaugnay Na Literatura 9Kaugnay Na Pag-Aaral 10Batayang Teoritikal 10Batayang Konseptwal 11
III- Disenyo At Pamamaraan Ng Pananaliksik 14Teknik Sa Pamimili Ng Populasyon O Mga
Kalahok Ng Popupasyon 14Populasyon 14
Kalahok Sa Pag-Aaral 14Hakbang Sa Paglikom Ng Mg Datos 14Disenyo Ng Pananaliksik 15Statistical Tools 15
IV – Presentasyon At Interpretasyon Ng Mga Datos Na Kinalabasan Ng Pag-Aaral 16Kinalabasan Ng Pag-Aaral 16
V – Paglalagom, Mga Natuklasan, Kongklusyon At Rekomendasyon 23Lagom Ng Pag-Aaral 23Mga Natuklasan 24Kongklusyon 24Rekomendasyon 25
Bibliografi 26Talatanungan 27Datos Pantalambuhay 29
4
Kabanata I
Suliranin at Kaligiran Nito
Panimula
Sa kasalukuyan, mapapansin natin na nag-iiba na ang temperatura o ang antas ng
pagbabago ng klima sa buong mundo. Malayo sa dating temperatura ng mundo nitong
mga nakaraang taon ay kapansin-pansing mas mainit ang temperatura ng mundo ngayon.
Hindi man napapansin ng iba pero hindi maipagkakaila sa ilan na may masama itong
epekto hindi lang sa tao kundi sa kapaligiran at sa lahat ng nilalang sa buong mundo.
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang pananaw ng ilang kabataan
ukol sa usaping “global warming”. Malaki ang papel ng kabataan sa usaping ito at mas
dapat na sila ang magbigay at magpahayag ng kanilang mga pananaw sa usaping ito. Sa
pananaliksik na ito malalaman, masasagutan at matutugunan ang katanungan ng ilan ukol
sa problemang ito lalo na ang mga mananaliksik.
Dito malalaman ang mga dahilan at posibleng mga epekto nito sa mundo sa
panahon ngayon at ganundin sa hinaharap. Nais ng mga mananaliksik na maisiwalat ang
mga datos na kanilang nakalap at kinalabasan ng pananaliksik na ito. Ito’y para man
lamang kahit sa mumunting paraang ito’y makatulong sila sa unti-unting pagsugpo sa
Global Warming. Isa pa’y nais din nilang mabasa ng mga susunod na henerasyon ng
kabataan ang pananliksik na ito. Upang sa gayon ay magkaideya man lang sila kung ano
ang nangyayri sa paligid at kung paano nila unti unting pagtulung tulungan na sugpuin
ang problemang kinakaharap ng inang kalikasan.
5
Layunin
Katulad din ng ibang mga mananaliksik, mayroon ding layunin ang mga
mananaliksik nito na siyang magsisilbing gabay para sa kanila upang makamit, makuha
at maisagawa ng tama ang pananliksik na ito. Ito ay ang sumusunod:
Upang malaman kung ano ang pananaw ng ilang kabataan ukol sa usapig
Global Warming.
Upang malaman kung ano ang opinion nila kung ano ang mga kadahilanan at
posibleng mga epekto nito.
Upang malaman ang tungkol sa usaping ito upang magising sila sa katotohanan
ukol dito
Upang mailahad sa publiko at sa lahat kung ano ang pwedeng mapagtutulungan
gawin ng lahat upang unti unti nating masugpo at tapusin ang problemang ito.
Kahalagahan Ng Pananaliksik
Sa pananaliksik na ito layon ng mga mananaliksik na malaman ang pananaw ng
nakararami at ang mga katotonang napapaloob sa usapin ukol sa Global Warming. Ang
mga resultang at kalalabasan ng pag-aaral na ito ay ibabahagi sa sumusunod:
Mga Mananaliksik. Ang mga impormasyong nakalap nila ay makapagbibigay ng
motibo upang mapag-aralan, maanalisa, at makagawa ng awput na kapakipakinabang sa
lahat, at magsisilbing proyektong isusumite nila sa kanilang guro.
Mga Estudyante. Makapagbibigay ng karagdagang impormasyon sa kanila at sa
kanilng gagawing mga pag-aaral at pwede pa nila itong gamitin sa kanilang pang-araw-
araw na pamumuhay para na rin maging aktibo sila pagdating sa usaping ito.
6
Kabataan. Higit kanino man ay sila dapat ang unang unang magpasimula sa
pagkilos at pagsugpo sa krisis na ito sa kadahilanang sila ang mga susunod na magiging
mga pinuno ng bayan. Mabuting ngayon pa lang ay alam na nila ito at matutunan nilang
hindi ito dapat isinasawalang bahala kung hindi ay sila din lang ang sasapo sa mga
konseklwensyang kakaharapin ng mundo kapag hindi ito nasulusyunan.
Mga Magulang. Sila dapat ang gumabay sa kanilang mga anak sa pamamagitan
ng pagpapaliwanag ang lahat tungkol sa usaping ito sa kanilang mga anak. Sa
pamamagitan ng mga impormasyong manggagaling dito ay mas maipapalinawag nila ito
ng maayos sa kanilang mga anak.
Publiko. Gamit ang mga impormasyong nakalap ng mga mananaliksik ay
mailalahad sa kanila ang tungkol sa usaping ito na pwede nilang magamit sa araw – araw
nilang pamumuhay.
Mga Susunod Na Henerasyon. Magsisilbi itong gabay at makapagbibigay ng
impormasyon sa kanila upang sa gayon ay malaman nila kung paano ito lahat nagsimula
at kung anong mga hakbangin ang nararapat nilang gawin.
Mga guro. Upang makapagbigay ito sa kanila ng karagdagang impormasyong
pwede nilang maibahagi sa kanilang mga estudyante.
Administrasyon Ng Paaralan. Dahil malaki ang sakop nila sa paaralan, pwede
silang gumawa ng mga hakbangin tungkol sa paglutas nito. Magsisilbi itong gabay sa
kanila upang makagawa ng mga bagong ordinansa/batas o regulasyon ng paaralan na
makapagbibigay daan sa pagtulong ng paaralan sa pagsugpo ng problemang ito.
7
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang at nakapukos sa pananaw na ibibigay
ng mga respondente sa loob ng paaralan.
Ang pananliksik na ito ay gagawin lamang sa loob ng paaralan, sa Partido State
University, simula buwan ng Enero hanggang sa ikalawang linggo ng Marso 2009.
Pagbibigay Kahulugan Sa Mga Salita
Global Warming – ang labis na pag-iinit ng mundo
Greenhouse Gasses – hangin na nahaluan ng usok ng sinunog na plastik at hangin na
sumusingaw paitaas
Greenhouse Effect - epektong dulot ng greenhouse gasses sa atmospera ng mundo
Fossil Fuel – pinanggagalingan nga mga produktong petrolyo
8
Kabanata II
Kaugnay Na Literatura At Pag-Aaral
Kaugnay Na Literatura
Ayon sa New Book of Knowledge Encyclopedia (2006), ang Global Warming ay
ang pag-iinit ng mundo dahil sa greenhouse effect. Sinasabi rito na sa pagsunog at
paggamit ng fossil fuel ay naisisingaw paitaas ang mga hangin sa atmospera at humahalo
sa hangin at natatrap sa atmospera ng mundo. Ang hanging ito ay naiipon at kumakapal
na tinatawag na greenhouse gasses.
Sinabi pa rito na ang init ng araw ay naabsorba ng mundo at ang iba rito ay
kailangang mareflect ng mundo upang hindi magdulot ng sobrang init. Dahil na rin sa
patuloy na pagkapal ng greenhouse gasses nahaharangan ang ibang init na ito at hindi na
nakakalabas ng mundo.
Sinabi rin ni Rob Blackstock (2001), sa kanyang artikulong “A Global Warming
Primer”, na ilan sa mga hangin na bumubuo ng greenhouse gasses ay ang singaw galing
sa nag-evaporate na tubig galing sa mga anyo ng tubig, carbon dioxide, methane, nitrous
oxide at iba pa. dahil din daw sa pagdami ng tao kaya marami ding karbon dioxide ang
naibubuga paitaas kaya naaapektohan ang natural carbon dioxide – oxygen cycle.
Nakadaragdag din daw dito ang pagkakalbo ng kagubatan at ang paggamit ng fossil fuel
na ginagawang mga produktong petrolyo upang mapatakbo ang mga makina at mga
sasakyan. At dahil hindi na makayanan ng paunti nang paunting punongkahoy na sipsipin
ang carbon dioxide, ang epekto, kukulangin ang suplay ng oxygen.
9
Kaugnay Na Pag-Aaral
Sa pag-aaral ni Stephen Schneider (1990), lumalabas na 1.6 bilyong tonelada ng
karbon ang nawawala sa balance ng kalikasan. Ayon naman kay John Holdren (2007), na
ang sangkatauhan din lang ang siyang may kagagwan kung bakit nagging malala ang
sitwasyon at ito ay isang malaking panganib na nakaambang mangyari. Sinabi rin niyang
sa pagtatapos ng siglong ito ay mararanasan ng mundo ang temperaturang hindi
panararanasan sa loob ng ilang milyong taon.
Batayang Teoritikal
Sa pananaliksik na ito napili ng mga mananaliksik ang motivation factor at ang
hygiene factor. Sinasabi ni Herzberg (1987), na kailangan sa isang organisasyon tulad ng
pamayanan ay dapat may motivators o satisfiers. Mga salik na gaya ng pagtatagumpay sa
isang gawain, partisipasyon o ang pagkakaroon ng isang tao na dapat ay ginagampanan
niya, at ang pagpapatuloy ng isang sitwasyon, ang salik na nagsasabing habang patuloy
na lumalala ang sitwasyon ay mas malaking responsibilidad ang dapat gampanan at sa
pagkakroon ng mga ganitong salik ay makapagbibigay ng motibo sa isang tao na
magpursige sa paggawa ng isang bagay.
Ang hygiene factors naman, ayon kay Herzberg (1987), ay nasa panlabas na
naturalesa ng isang tao pero nakakatulong din. Napapalob dito ang superbisyon o
angpagjkakaroon ng isang tao ng responsibilidad, mga batas na ipinasusunod ng mga
nakakataas, mga positibong pananaw at kondisyon ng buhay ng isang tao, relasyon sa
ibang tao at pakikisalamuha sa mga ito.
10
Sa paraang ito, magiging maayos ang pagsasamahan at kapaligiran ng isang
lipunan at ang pagkakmit ng tagumpay sa kung ano man ang pinagsisikapan nila
(Herzberg).
Batayang Konseptwal
Input. Dito napapaloob ang mga salik na dapat na analisahin at unawain upang
makagawa ng kongklusyon. Isa na rito ang mga nakalap na impormasyon galing sa
internet. Ditto napapaloob ang tungkol sa pinagmulan ng Global Warming, ang
posiblebleng naging dahilan kung bakit nagsimula ang problemang ito, ang posibleng
epekto nito sa sangkatauhan at sa kalikasan, at ang patuloy na paglala ng sitwasyon.
Proseso. Dito, gumawa ang mga mananaliksik ng talatanungan at pinasagatutan
sa mga estudyante upang makuha at malaman ang pananaw ng bawat isa sa kanila ukol sa
usaping ito. Dito rin inaanalisa ng mga mananaliksik ang mga data n akanilang nakalap.
Gumawa sila ng buod at kunklusyon ng kabuuhang resulta ng mga prosesong
isinasagawa.
Awtput. Sa bahaging ito, nalalaman na ng mga mananaliksik ang kinalabasan ng
kanilang pananaliksik na isinagawa. Dito na lumalabas ang mga reaksyon ng mga
estudyante ukol sa usaping ito. Nalalaman na nila kung ano ang mga dapat at pwedeng
gawin upang mapagtulung-tulungang unti-unting maresolbahan ang problemang ito. Dito,
pwede na nilang tapusin ang kanilang pananaliksik at ibahagi sa iba ang kanilang
natuklasan.
11
.
.
12
mga nakalap na impormasyon galing sa internet
pinagmulan ng Global Warming
ang posibleng mga naging dahilan
ang posibleng epekto nito sa sangkatauhan at sa
kalikasan
gumawa ang mga mananaliksik ng talatanungan
pinasagatutan sa mga estudyante
pananaw ng bawat isa sa kanila ukol sa usaping ito
inaanalisa ng mga mananaliksik ang mga data na kanilang nakalap
buod at kunklusyon ng kabuuhang resulta ng mga prosesong isinasagawa
kinalabasan ng kanilang pananaliksik na isinagawa
reaksyon ng mga estudyante ukol sa usaping ito
nalalaman na nila kung ano ang mga dapat at pwedeng gawin upang
mapagtulung-tulungang unti-unting maresolbahan ang problemang ito.
ibahagi sa iba ang kanilang natuklasan
13
motivators o satisfiers
pagtatagumpay sa isang gawain
partisipasyon
pagpapatuloy ng isang sitwasyon
motivation factor hygiene factor
panlabas na naturalesa ng isang tao
superbisyon
mga batas na ipinasusunod ng mga nakakataas
relasyon sa ibang tao
TAGUMPAY
Kabanata III
Disenyo At Pamamaraan Ng Pananaliksik
Teknik Sa Pamimili Ng Populasyon
Napili ng mga mananaliksik nag awing kalahok sa pag-aaral na ito ang ilang
estudyante. Sa unang taon na kumukuha ng kursong bachelor Of science in accountancy
sa partido state university.
Populasyon
Kalahok bilang ng kalahok
BSA-1A 25
BSA-1B 25
Napili nilang gawing respondyente sa ginawang pananaliksik ang limampung
estudyanteng kinabibilangan ng dalawampu’t lima sa bawat isa sa dalawang klase.
Kalahok Na Pag-Aaral
Kalahok sa pananaliksik na ito ang limampung estudyante galing sa dalawang
klase sa unang taon sa kursong bachelor Of science in accountancy sa partido state
university, sa bawat klase ay may dalawampu’t limang respondyente.
Hakbang Sa Paglikom Ng Mga Datos
14
mga positibong pananaw at kondisyon ng buhay ng isang tao
pakikisalamuha.
n
Naghanda muna ang mga mananaliksik ng mga talatanungan at pinasagutan sa
mga respondyente. Pagkatapos ay pinag-isa nila ang mga magkakaparehong sagot.
Kinuha nila ang bahagdan o porsyento ng mga magkakaparehong sagot ng mga
respondyente sa bawat tanong sa talatanungan. Masusi nila itong pinag-aralan at ginawan
ng pagbubuod at kunklusyon ng sagot ng mga respondyente. Sa paraang ito ay nakuha
nila ang pananaw ng mga respondyente ukol sa global warming.
Kumuha din sila ng iba pang impormasyon sa Internet tungkol sa Global
Warming.dito marami ang nakapagbibigay ng komento at impormasyon ukol sa isang
usapin.
Disenyo At Pamamaraan Ng Pananaliksik
Ginamit sa pag-aaral na ito ang descriptive method para makakalap, makarekord,
maglarawan, mag-analisa at i-interpret ang mga impormasyon tungkol sa “Global
Warming”. Sa paggamit ng methodolohiyang ito, sinasabi ni Gay (1986) na malaking
porsyento ng napag-aralan ay descriptive ang ginamit dahil sa nakakatulong ito sa pag
aaralat pag-reresolba sa ilang variety ng problemang edukasyunal.
Sinabi rin ni Travers(1988), na ang mga layunin ng paggamit ng teknik na ito ay
upang mailarawan ang kalagayan ng isang sitwasyon habang pinag-aaralan ito at upang
malaman ang mga kadahilanan ng isang particular na phenomenon.
Statistical Tools
Ginamit bilang statistical tool sa pagtitimbang at pagsukat ng mga data ang
percentage technique sa pananaliksik na ito.
Ginagamit ang percentage technique upang makita ang kinalalabasan ng
ginawang pagsusuri batay sa mga sagot ng mga respondyente. Ginagamit din ito upang
15
makuha ang kalahatang bahagdan ng bilang ng pare-parehong mga sagot sa isang
partikular na tanong. Ang ginamit na formula ay ang,
% = ------ x 100
Kung saan:
n = bilang ng sagot % = bahagdan
N = bilang ng respondente
Kabanata IV
Presentasyon At Interpretasyon Ng Mga Datos Na Kinalabasan Ng Pag-Aaral
Inilahad sa kabantang ito ang imterpretasyon at ebalwasyon ng mga datos na
nakalap mula sa mga talatanungan ipinamahagi sa mga respondyente ng naturang pag-
aaral at mga datos na nakuha galling sa internet.
Kinalabasan Ng Pag-Aaral
16
Naniniwalang: SagotBilang
Ng Sagot
BilangNg
Respondyente
Porsyento Ng
Sumagot a. apekatado ng Global Warming
ang pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao
Oo 31 50 62%Hindi 6 50 12%
Minsan 13 50 26%
b. isa ang pagkagutom sa mga epekto nito
Oo 21 50 42%Hindi 20 50 40%
Minsan 9 50 18%
c. nakakaapekto ito sa kalusugan ng tao
Oo 33 50 66%Hindi 8 50 16%
Minsan 9 50 18% d. ang tao ang may kagagawan
kaya nagkaroon ng Global Warming
Oo 44 50 88%Hindi 1 50 2%
Minsan 5 50 10%
e. ang tao ang unang naapektuhan ng patuloy na paglala nito
Oo 31 50 62%Hindi 7 50 14%
Minsan 12 50 24% f. may kinalaman ang Global
Warming sa unti-unting pagkaubos ng ibang mga hayop at mga pananim
Oo 31 50 62%Hindi 14 50 28%
Minsan 5 50 10% g. maari itong pagmulan ng mga
trahedya, sakuna, kalamidad at iba pa.
Oo 29 50 58%Hindi 7 50 14%
Minsan 14 50 28% h. ang pag-abuso ng mga tao sa
kalikasan ang nakadaragdag sa lalong paglala nito
Oo 41 50 82%Hindi 3 50 6%
Minsan 6 50 12%
i. dahilan ito ng unti-unting pagkaubos ng mga pangunahing pangangailangan ng mga tao na nagmumula sa kalikasan
Oo 39 50 78%Hindi 9 50 18%
Minsan 2 50 4%
j. kalikasan ang unang naapektuhan ng Global Warming
Oo 22 50 44%Hindi 21 50 42%
Minsan 7 50 14% k. kasali ang Pilipinas sa mga
bansang apektado ng Global Warming
Oo 47 50 94%Hindi 0 50 0%
Minsan 3 50 6%
l. ito ang dahilan ng pag-iiba-iba ng klima na nararanasan natin ngayon
Oo 22 50 44%Hindi 16 50 32%
Minsan 12 50 24%
m. makakaapekto ito sa mga susunod na henerasyon
Oo 43 50 86%Hindi 2 50 4%
Minsan 5 50 10% n. kaya pa kayang ang malutas ang
problemang ito tungkol sa Global Warming
Oo 41 50 82%Hindi 8 50 16%
Minsan 1 50 2%
o. kaya itong sulusyunan ng gobyerno
Oo 41 50 82%Hindi 2 50 4%
Minsan 7 50 14%
17
0% 10% 20% 30% 40% 50%
Oo
Hindi
Minsan
b. is
a a
ng p
agkaguto
m s
a
mga e
pekto
nito
Series1
Sa talahanayan makikita ang mga pananaw at reaksyon ng mga estudyante ukol sa
posibleng dahilan, epekto at pwedeng gawin upang masulusyunan ang Global Warming.
Makikita din sa talahanayan kung ilang porsyento o bahagdan ng mga estudyante ang
sumagot ng oo, hindi o minsan sa bawat tanong.
Kailangang malaman kung ano ang kani-kanilang mnga pananaw kalahok sa pag-
aaral ukol sa Global Warming. Ito ay dapat lamang sapagkat ditto natin mababatid kung
ano ang pananaw ng karamihan sa kanila upang malaman at masulusyunan ang
problemang ito.
18
19
0% 20% 40% 60% 80% 100%
Oo
Hindi
Minsan
d. ang tao a
ng m
ay
kagagaw
an k
aya
nagkaro
on n
g G
lobal
Warm
ing
Series1
20
0% 10% 20% 30% 40% 50% 60% 70%
Oo
Hindi
Minsan a
. ap
eka
tad
o n
g G
lob
al W
arm
ing
an
g p
an
g-a
raw
-ara
w n
a
pa
mu
mu
ha
y n
g m
ga
tao
Series1
Sa mga grap na ito makikita ang resulta ng pagkuha ng mga bahagdan ng pare-
parehong mga pananaw ng mga respondente sa bawat sagot.
Sa pinakahuling bahagi ng talatanungang pinasagutan namin ay humingi kami ng
mga opinyon at suhestyon ng mga respondente kung paano masusugpo ang problemang
tungkol sa Global Warming. Ito ang kanilang mga sagot:
Magrecycle ng mga basurang pwede pang magamit uli
Ipagbawal ng godyerno ang pagkakalbo ng mga kagubatan
Magtipid ng enerhiyang galing sa kalikasan at mga pinagkukunan nito
Ipagbawal ng gobyerno ang mga sasakyang nagbubuga ng maiitim na
usok
Magtanim ng mga pananim
Iwasan ang pagsunog ng plastic
Sulusyunan ang pulusyon
21
Kabanata V
Paglalagom, Mga Natuklasan, Kunklusyon At Rekomendasyon
Lagom Ng Pag-Aaral
Nag-umpisa ang pananaliksik na ito sa layunin ng mga mananaliksik na malaman
kung may pagkabatid ang mga tao sa usaping Global Warming. Ang layuning ito ay
magsisilbing gabay para sa kanila upang makamit ang kanilang nininais na makuha.
Nagsimula sila sa paghanap sa internet ng mga ideya at impormasyon tungkol sa kanilang
paksang Global Warming na magagamit nila habang ginagawa nila ang pag-aaral na ito.
Pumili din sila ng paraan ng pananaliksik na kanilang gagamitin at napili nila ang
pagsusurbey. Sa pagsusurbey, pumili sila ng mga kalahok sa pag-aaral na ito at napili
nilang magsurbey sa mga estudyante ng unang taon sa kursong BSA sa taon ng pasukan
2008-2009. Sunod na ginawa nila ay ang paghahanda at paggawa ng mga talatanungan na
gagmitin nila at pasasgutan sa mga respondente. At pagkatapos ay binilang at pinag-isa
nila ang mga magkakaparehong sagot sa bawat tanong.
Sa mga pinag-isa nilang mga katanungan, kinuha nila ng bahagdan o porsyento
nito sa kalahatang bilang ng mga respondente. Dito nadetermina nila kung gaano karami
ang mga estudyanteng may kaalaman at may pagkabatid sa usaping ito. Masusi nilang
pinaghambing ang mga resulta at inananalisa. Napag-alaman nilang karamihan sa mga
respondente ay may pagkabatid at alam ang nangyayari sa buong mundo sa ngayon ukol
sa Global Warming. Lumalabas sa pagsusuri ng mga mananaliksik na karamihan sa mga
respondyente ay sumasang-ayon sa halos kalahatan ng mga katanungang kanilang
ibinigay. Ito rin naman ang lumabas sa kanilang pag-aanalisa sa mga impormasyong
nakalap nila sa internet.
22
Alam nilang malaki ang magagawa ng kabataan sa usaping ito sapagkat sila din
lang ang mga magiging lider ng bayan sa mga darating na panahon. mas mainam na
habanmg maaga pa ay alam na nila ang mga hakbanging dapat nilang gawin.
Sa mga mananaliksik naman, nakuha na nila ang kanilang mga ninanais na mga
kasagutan at katanungan nila. Higit sa lahat nakamit nila at nagawa kung ano ang
kanilang layunin sa pag-aaral na ito.
Mga Natuklasan
Natuklasan ng mga mananliksik na halos lahat ng mga respondyente ay may mga
kaalaman na tungkol sa Global Warming, kailangan na lang nila ng karagdagang
impormasyon tungkol dito. Hindi nanam kaila sa kanila ang kabatiran ng iba tungkol
ditto. Batid nilang kapag hindi sila kikilos ay maaaring may mangyaring masama hindi
lang sa kanila kundi sa buong mundo. Alam nilang hindi pa huli ang lahat.
Kongklusyon
Base sa mga resulta ng pananaliksik na isinagawa, lumalabas na mas malaki ang
porsyento ng mga respondyente ang may kabatiran na ukol sa usaping Global Warming.
Kung gayon, alam ng mga kabataan at mga tao ang nangyayari sa ating paligid sa
panahong ngayon. At alam din nila na walang ibang dapat sisihin sa mga nararnsan
nating ito ngayon kundi tayo din, ang mga tao. Kaya kung maaari sana ay dapat wag
itong ignorahin ng ilan. Imbes ay pagtulong tulungan nating burahin at alisin ang mga
bagay na itong tayo din lang ang gumawa. Makakaige dahil hindi na mahihirapan ang
ilan sa pagpapaliwanag sa kanila kung anong dapat gawin.
23
Rekomendasyon
Marami ang dapat gawin pero kung pagtutulong tulungan ay gagaan din. Kaya
habang maaga pa ay mainam na masimulan na ang mga ito. Kailangan lang nilang
magiyahan sa mga aksyong gagawin nila. Sa paraang ito at kung pagtutulungan ito ng
lahat, hindi imposible ang pagbabalik ng dating maganda at matiwasay na pamumuhay
ng mga tao sa mundo nang walang pulusyon, labis na init, at lahat nang mga masasamang
nangyayri sa mundo dahil sa kagagawan ng mga tao. Sino ba naman ang ayaw tumira sa
isang tahimik, payapa at higit sa lahat matiwasay na mundo?
Sabi ni Algore (2006), “Earth is like a web. A web where we, humans live.
Whatever befalls to the web befalls to man itself.”, gusting sabihin ay kung ano man daw
ang gagwin ng tao sa mundo ay siya ring ginagawa niya sa kaniyang sarili at sa iba pa.
Hindi masamang alagaan ang mundo sa paraang gaya ng pag aalaga natin sa ating
sarili. Dito tayo nakatira kaya panatilihain natin itong malinis at malayo sa mga
problemang tayo ang gumagawa.
Huwag na nating hayaang umabot pa sa sitwasyong maghihintay na lang tayo na
unti-unting durugin ng Global Warming ang mundo. Tandaan nating nang linalang ng
Maykapal ang tao ay kasamang ginawa niya ang mundo, ang mga hayop at maga
halaman, kumpleto para lang mabuhay tayo. Pero ano ang ginawa natin? Imbes na
alagaan ay ninaabuso at binababoy natin ang mga ito. Ano pa ang silbi ng ating buhay
kung hindi rin lang natin ito pahahalagahan? Sana ay mapag-isip-isip ito ng mga tao
24
Bibliografi
New Book of Knowledge Encyclopedia (2006), Vol. 1
http://www.aip.org/history/climate/
January 24,2009
http://www.worldviewofglobalwarming.org/
January 24,2009
http://topics.nytimes.com/topics/news/science/topics/globalwarming/index.html
January 24,2009
http://www.ucsusa.org/global_warming/
January 30, 2009
http://en.wikipedia.org/wiki/Global_warming?redirect=no
February 3, 2009
http://lwf.ncdc.noaa.gov/oa/climate/globalwarming.html
February 3, 2009
http://www.bestglobalwarmingarticles.com/
February 3, 2009
http://www.globalwarmingarchive.com/Home.aspx
February 3, 2009
http://www.sciencedaily.com/articles/earth_climate/global_warming/
February 3, 2009
http://en.wikipedia.org/wiki/Global_warming
25
February 3, 2009
26