Sagipin ang Sierra Madre!

2
SAVE SIERRA MADRE NETWORK ALLIANCE OFM Provincial House 69 San Pedro Bautista Street, SFDM, Q.C. Tel: 373-2973 Fax: 3732972 Email: [email protected] Facebook: Save Sierra Madre / Twitter: follow us @savesierramadre Website: www.savesierramadre.ph CP: 09178782343/09291339280 Sagipin ang Sierra Madre! Pahayag ng Save Sierra Madre Network Alliance sa Save Sierra Madre Day September 26, 2009 nang binulagta tayong lahat ng Ondoy. Ang bugso ng tubig ay galing sa Marikina Watershed na sirang sira na dahil sa pagkakahoy, quarrying, pagmimina, golf courses at mga di-makakalikasang pagpapatayo ng pabahay, at iba pang gusali. Salamat sa pagdeklara ng Presidente na ang September 26, 2011 ay Save Sierra Madre Day para mamulat ang mga tao sa pag-aalaga ng bundok. Ngunit ang dapat unang mamulat ay ang Department of Enegy and Natural Resources (DENR) sapagkat sa halip na mag-alaga ng kalikasan, ito pa ang sanhi ng pagkasira nito. Nakipag-ugnay na ang Save Sierra Madre Network Alliance (SSMNA) sa DENR ngunit sa halip na aksyunan ang aming mga nireklamo, pinrotektahan pa nito ang mga opisyales ng DENR na hindi ginagampanan ang kanilang tungkulin sa Casiguran, San Luis at Dingalan ng lalawigan ng Aurora; DRT, Bulacan boundary ng Nueva Ecija. Ang logging moratorium ay sa papel lamang. Tuloy lang ang pagputol ng kahoy sa mga liblib na lugar tulad ng Dinapigue, Isabela; Brgy. Dikapinisan, San Luis, Aurora; Umiray, Quezon at sa Ipo at Angat Watershed sa Bulacan. Ang mga programang greening at pagtatanim ng kahoy ay lumalabas na papogi at ito ay isa lamang “recycled reforestation scam.” Sa ngalan ng dagdag na investment, pagmimina ang pinaparami ng DENR kahit na kakarampot lamang na excise tax ang bumabalik sa bayan samantalang init, baha,pagkasira ng lupa, pagkalason ng ilog at dagat at pagkawala ng bio diversity ang kapalit nito. Naririyan ang black sand mining sa Buguey at Gonzaga ng lalawigan ng Cagayan, ore mining sa Bulacan, mining sa Dinapigue at ang mga unregulated na small scale mining. Kailan kaya magkakaroon ng political will ang pamahalaan para banggain ang mayroong vested interests sa Marikina Watershed? Kawawa ang mga kahoy na pinagpuputol ng isang subdivision developer sa Sitio Paenaan, Brgy. Pinugay, Baras, Rizal. Hihintayin pa bang maulit ang nangyari sa Ondoy? SAVE SIERRA MADRE NETWORK (SEC Reg. No. CN201004940) Board of Directors FR. PEDRO V. MONTALLANA, OFM Chairperson TRIBAL GOV. NAPOLEON BUENDICHO Vice Chair DR. DONNA PAZ T. REYES PH.D. Secretary FR. BIENVENIDO MIGUEL Treasurer Board Members: TONY ABUSO FR. ERNIE PESIMO BRO. MARTIN FRANCISCO, BSMP RODEL QUIÑONES

description

Pahayag ng Save Sierra Madre Network Alliance

Transcript of Sagipin ang Sierra Madre!

Page 1: Sagipin ang Sierra Madre!

SAVE SIERRA MADRE NETWORK ALLIANCE OFM Provincial House 69 San Pedro Bautista Street, SFDM, Q.C.

Tel: 373-2973 Fax: 3732972 Email: [email protected] Facebook: Save Sierra Madre / Twitter: follow us @savesierramadre

Website: www.savesierramadre.ph CP: 09178782343/09291339280

Sagipin ang Sierra Madre!

Pahayag ng Save Sierra Madre Network Alliance sa Save Sierra Madre Day

September 26, 2009 nang binulagta tayong lahat ng Ondoy. Ang bugso ng tubig

ay galing sa Marikina Watershed na sirang sira na dahil sa pagkakahoy,

quarrying, pagmimina, golf courses at mga di-makakalikasang pagpapatayo ng

pabahay, at iba pang gusali.

Salamat sa pagdeklara ng Presidente na ang September 26, 2011 ay Save

Sierra Madre Day para mamulat ang mga tao sa pag-aalaga ng bundok. Ngunit

ang dapat unang mamulat ay ang Department of Enegy and Natural Resources

(DENR) sapagkat sa halip na mag-alaga ng kalikasan, ito pa ang sanhi ng

pagkasira nito.

Nakipag-ugnay na ang Save Sierra Madre Network Alliance (SSMNA) sa DENR

ngunit sa halip na aksyunan ang aming mga nireklamo, pinrotektahan pa nito

ang mga opisyales ng DENR na hindi ginagampanan ang kanilang tungkulin sa

Casiguran, San Luis at Dingalan ng lalawigan ng Aurora; DRT, Bulacan boundary

ng Nueva Ecija.

Ang logging moratorium ay sa papel lamang. Tuloy lang ang pagputol ng kahoy

sa mga liblib na lugar tulad ng Dinapigue, Isabela; Brgy. Dikapinisan, San Luis,

Aurora; Umiray, Quezon at sa Ipo at Angat Watershed sa Bulacan. Ang mga

programang greening at pagtatanim ng kahoy ay lumalabas na papogi at ito ay

isa lamang “recycled reforestation scam.”

Sa ngalan ng dagdag na investment, pagmimina ang pinaparami ng DENR kahit

na kakarampot lamang na excise tax ang bumabalik sa bayan samantalang init,

baha,pagkasira ng lupa, pagkalason ng ilog at dagat at pagkawala ng bio

diversity ang kapalit nito. Naririyan ang black sand mining sa Buguey at

Gonzaga ng lalawigan ng Cagayan, ore mining sa Bulacan, mining sa

Dinapigue at ang mga unregulated na small scale mining.

Kailan kaya magkakaroon ng political will ang pamahalaan para banggain ang

mayroong vested interests sa Marikina Watershed? Kawawa ang mga kahoy na

pinagpuputol ng isang subdivision developer sa Sitio Paenaan, Brgy. Pinugay,

Baras, Rizal. Hihintayin pa bang maulit ang nangyari sa Ondoy?

SAVE SIERRA MADRE NETWORK

(SEC Reg. No. CN201004940)

Board of Directors

FR. PEDRO V. MONTALLANA, OFM

Chairperson

TRIBAL GOV. NAPOLEON BUENDICHO

Vice Chair

DR. DONNA PAZ T. REYES PH.D.

Secretary

FR. BIENVENIDO MIGUEL Treasurer

Board Members:

TONY ABUSO

FR. ERNIE PESIMO

BRO. MARTIN FRANCISCO,

BSMP

RODEL QUIÑONES

Page 2: Sagipin ang Sierra Madre!

Hinihintay pa ng mga katutubo ang kanilang mga Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) para maprotektahan nanila

ang kanilang mga lupaing ninuno.

Mapera at ma-impluensya ang mga magkakahoy, magmimina at nagpapatayo ng dams, coal-fired power plants at

ganoon din ng Geothermal power plant sa Bulusan, Sorsogon. May kaugnayan ang perang inutang sa World Bank at

Asian Development Bank sa paglala ng kalikasan. Malapit nang ipapasa sa komite sa Kongreso ang panukalang batas na

magpapahintulot sa patuloy na malakihang pangangahoy ng ating mga secondary forests. Kulang sa tatlong porsyento

na lamang ng Pilipinas ang may natitirang primary forests na tanging pinoprotektahan sa kasalukuyang panukalang

batas at matagal na tayong binabalaan ng mga dalubhasa na higit pa dapat sa kalahati ng buong bansa ang mayroon

pang kagubatan upang patuloy tayong mabuhay at magkaroon ng kabuhayan.

Bukod sa dapat nang ipawalang bisa ang Mining Act of 1995 ay lalong pinalalawak pa ng pamahalaan ang pagmimina.

Sa batas na Privatization ibinebenta sa mga dayuhan at mayayamang ng korporasyon ang ating kagubatan at dams na

dapat sana’y pampublikong serbisyo. Ito raw ang magliligtas sa atin sa kahirapan. Paano na ang tubig, sariwang hangin,

mga pananim? Paano na kung lumubog na tayo sa baha? Paano na ang kaparatan ng Kalikasan?

Ang Sierra Madre ay ating buhay at buhay ng ating mga anak at ng susunod na henerasyon. Tibayan ang loob at

kasama natin ang Diyos sa pagtatanggol ng kanyang Kalikasan sapagkat mahal tayo niya. Magkaisa tayo sa paggigiit na:

1. Linisin ang korapsyon sa DENR para ito ay hindi maging Department of the Destruction of Natural Resources.

2. Ibasura ang kasalukuyang panukalang batas na patuloy na binubuksan ang Secondary Forests sa malakihang

pangangahoy at pagmimina.

3. Magkaroon ng moratorium sa Large-Scale Mining at ipatupad ng tama ang batas sa Small-Scale Mining.

4. Maipatupad agad ang proteksyon ng Marikina Watershed.

5. Itigil ang pagsasapribado ng kagubatan at pinagkukunan ng tubig.

6. Isulong ang interes ng mga katutubo sa pag-angkin ng mabilisan sa kanilang Lupang Ninuno.

7. Ituwid ang mga maling polisiya ng DENR at sa halip ay bigyan ng diin ang forest protection kaysa sa

reforestation.

Magkaisa rin tayo sa paggawa ng mga sumusunod:

1. Sa Linggo, Sept 25, organisahin sa ating mga Simbahan ang pagpanalangin at magninilay na “Mas madaling

hanapin ng lahat ng taong ang kapayapaan kung kinikilalang hindi maaring paghiwalayin ang ugnayan ng Diyos,

tao at Kalikasan.” (Papa Benedicto XVI). Mayroon special na video ng Sierra Madre, Panata sa Inang Kalikasan

at Panalangin na pwedeng ninyong i-download sa website ng Network: www.savesierramadre.ph. Sumama sa

picket sa DENR sa Sept. 26 10:00 nang umaga. Magsabit ng green ribbons sa bahay, sasakyan at kalsada.

2. Sumulat sa Presidente, sa mga senador at kongresista, sa mga pahayagan, sa Facebook, sa Twitter at iba pa.

Tumawag sa mga radio para ipaabot ang inyong pagtatanggol sa Sierra Madre.

3. Magbuo ng mga grupo para sa Kalikasan at makipag-ugnay sa Save Sierra Madre Network Alliance, Inc para sa

di-tumitigil na kampanya. Kung mas organisado tayo at mas marami, mas matibay tayo.

4. Mag-ambag ng pera para sa kampanya para sa Sierra Madre campaign. Wala tayong milyones pera ngunit may

isang milyon tao tayong mapagkukunan kung tayo’y magkakaisa.

5. Sa mga artists at manunulat, magsumite ng inyong mga malikhaing gawa tungkol sa inyong karanasan noong

Ondoy, sa inyong pangangalaga sa kalikasan o sa climate justice.

Ilaan ang buhay para sa susunod na henerasyon! Save Sierra Madre!