Pabula, Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
-
Upload
abbie-laudato -
Category
Education
-
view
5.150 -
download
65
Transcript of Pabula, Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG
PABULA
PABULA• Nagmula sa salitang GRIYEGO
muzos = myth o mito
• Nagsimula sa tradisyong pasalita at nagpasalin salin sa iba’t ibang henerasyon hanggang sa kolektahin ng mga pantas at sa huli ay binigyan ng ilang pagbabago ng mga tagapagkuwento nang naaayon sa kultura o kapaligirang ginagalawan.
Pabula ni Aesop
Nang isilang ang kanyang mga pabula na gumamit ng mga hayop na nagsasalitang parang tao bilang mga pangunahing tauhan.
AESOP• Isang Griyego
• Namuhay noong panahong 620 hanggang 560 BC ay itinuturing na AMA NG MGA SINAUNANG PABULA (Ancient Fables).
• Sinasabing isinilang na kuba at lumaking isang alipin subalit pinagkalooban ng kalayaan ng kanyang amo at hinayaang maglakbay at makilahok sa mga kilusang pambayan at makisalamuha sa mga tao.
• Siya ay tinatayang nakalikha ng mahigit 200 pabula sa kanyang buong buhay.
PABULA• Nagagamit ang mga kuwento at aral na taglay ng
mga pabula sa pagtuturo ng kagandahang-asal at mabuting pamumuhay sa mga tao lalong lao na sa kabataan.
• Ang mga tauhang hayop ng mga pabula ay masasalamin ang mga katangiang taglay ng mga tao.
• Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito.
Mga Paraan ng Pagpapahayag ng
Emosyon o Damdamin
Iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng damdamin at emosyon:1. Mga Pangungusap na Padamdam
2. Maikling Sambitla
3. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng isang tao
1. Mga Pangungusap na Padamdam
• Pagpapahayag ng matinding damdamin o emosyon.
• Bantas na tandang padamdam (!)
HALIMBAWA:- Ay, nandyan na ang mabangis
na tigre!
2. Maikling Sambitla• Iisahin o dadalawahing pantig na
nagpapahayag ng matinding damdamin.
HALIMBAWA:- Yehey! - Huwag!- Naku! - Lagot!
3. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng isang tao• Pangungusap na may anyong pasalaysay.
HALIMBAWA:a. Kasiyahan: Natutuwa ako sa pagdating ng binatang
sumalba sa aking buhay.b. Pagtataka: Bakit hindi siya nagsasawang tumulong
sa iba?c. Pagkagalit: Galit ako sa pagmamalupit ng tao sa
mahihina.