Official Publication of the Bureau of Workers with Special...

2
Official Publication of the Bureau of Workers with Special Concerns Volume 6, Issue 12 November 2014 “Pag binigyan ka ng tulong ng gobyerno, palaguin mo, wag na wag sasayangin,” ani ni Gng. Marilou “Malou” Balunso, isa sa limang naging benepisaryo ng Negosyo Sa Kariton o “Nego Kart” ng Department of Labor and Employment Regional Office No. V (DOLE-Bicol) limang taon na ang nakalilipas. Ang dang ndahan ng mag-asawang Caesar at Malou Balunso ay isang kariton na nakapuwesto sa isang eskinita sa Brgy. Market Site, Sto. Domingo, Albay. Sila ay nagnda ng barbecue gamit ang isang lamesang yari sa ra-rang coco lumber at grill na yari sa kapirasong yero at chicken wire. “Siguro na ikot namin ang buong sentro ng Sto. Domingo sa pagpapalipat-lipat ng pwesto kasi nga pinagtatabuyan kami dahil side walk vendor nga lang. Pag sinisita kami sa pwesto bibitbin namin lahat tapos lipat. Nagkakanda paso kame kasi mainit yung uling. Ganun po ang buhay namin. Talagang napakahirap,” ani Malou habang ipinapakita ang mga peklat nya sa kamay. Nagsimulang mabago ang kapalaran ng pamilya Balunso nang sila ay napiling maging benepisyaryo ng DOLE Nego Kart Project. Dahil naging lehimo na ang kanilang negosyo, hindi na nila kinailangan pang magpalipat-lipat ng pwesto. “Ni hindi nga ako marunong magsindi ng gas stove noon. Siguro mga isang lingo pa bago ko na master magsindi ng gas stove na bigay ng DOLE kase nga po uling lang ang alam kong gamin at yung durog pa,” patawang sabi ni Caesar. “Natuto kaming kumilos ng mabilis. Pa yun mga bata nuruan na naming tumulong. Noong naisipan naming magdagdag ng lutuin na loglog, yung mga bata ang taga pwesto. Alam na nila ang gagawin paggising sa umaga bago pumasok at pagdang galing eskwela. May kanya- kanya na silang toka. Ayaw man namin silang pagtrabahuhin pero wala po kaming magagawa basta hindi naman napapabayaan yung pag-aaral,” dagdag nya. Ang pamilyang Balunso kasama si PIO Raymond Escalante sa kanilang pwesto sa Sto. Domingo Albay Public Market.

Transcript of Official Publication of the Bureau of Workers with Special...

Official Publication of the Bureau of Workers with Special Concerns

Volume 6, Issue 12 November 2014

“Pag binigyan ka ng tulong ng gobyerno, palaguin mo, wag na wag sasayangin,” ani ni Gng. Marilou “Malou” Balunso, isa sa limang naging benepisaryo ng Negosyo Sa Kariton o “Nego Kart” ng Department of Labor and Employment Regional Office No. V (DOLE-Bicol) limang taon na ang nakalilipas.

Ang dating tindahan ng mag-asawang Caesar at Malou Balunso ay isang kariton na nakapuwesto sa isang eskinita sa Brgy. Market Site, Sto. Domingo, Albay. Sila ay nagtitinda ng barbecue gamit ang isang lamesang yari sa tira-tirang coco lumber at grill na yari sa kapirasong yero at chicken wire.

“Siguro na ikot namin ang buong sentro ng Sto. Domingo sa pagpapalipat-lipat ng pwesto kasi nga pinagtatabuyan kami dahil side walk vendor nga lang. Pag sinisita kami sa pwesto bibitbitin namin lahat tapos lipat. Nagkakanda paso kame kasi mainit yung uling. Ganun po ang buhay namin. Talagang napakahirap,” ani Malou habang ipinapakita ang mga peklat nya sa kamay.

Nagsimulang mabago ang kapalaran ng pamilya Balunso nang sila ay napiling maging benepisyaryo ng DOLE Nego Kart Project. Dahil naging lehitimo na ang kanilang negosyo, hindi na nila kinailangan pang magpalipat-lipat ng pwesto.

“Ni hindi nga ako marunong magsindi ng gas stove noon. Siguro mga isang lingo pa bago ko na master magsindi ng gas stove na bigay ng DOLE kase nga po uling lang ang alam kong gamitin at yung durog pa,” patawang sabi ni Caesar.

“Natuto kaming kumilos ng mabilis. Pati yun mga bata tinuruan na naming tumulong. Noong naisipan naming magdagdag ng lutuin na loglog, yung mga bata ang taga pwesto. Alam na nila ang gagawin paggising sa umaga bago pumasok at pagdating galing eskwela. May kanya-kanya na silang toka. Ayaw man namin silang pagtrabahuhin pero wala po kaming magagawa basta hindi naman napapabayaan yung pag-aaral,” dagdag nya.

Ang pamilyang

Balunso kasama si

PIO Raymond

Escalante sa

kanilang pwesto sa

Sto. Domingo

Albay Public

Market.

EDITORIAL BOARD

Publisher: Bureau of Workers with Special Concerns

Chairperson: Director Ahmma Charisma Lobrin-Satumba

Editor-in-Chief: Cielo C. Cabalatungan Managing Editor: Maybelle P. Frianeza

Writer: Nina Mikhail T. Alba Arts and Design: Renz J. Nucup/Mary Grace B. Salazar

Telephone Numbers: 404-3336, 527-2804, 527-5856, 527-5857, 527-3116, 528-0119

Mula sa Nego Kart at ½ kilong pansit loglog, lumago ang kanilang negosyo hanggang na nagpasya silang mangupahan ng pwesto sa Sto. Domingo Public Market. Sa paglipat sa bagong pwesto ay dumami ang kanilang suki at ngayon ay bulto-bulto na ng pansit loglog ang iniluluto at nauubos araw-araw.

Maski ang kanilang limang anak, na sya rin nilang naging katuwang sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan ay nauunawaan ang sakripisyo at pagsisikap na kinailangan upang makamit ang ginhawang tinatamasa nila ngayon.

“Hindi po kami makabili ng gusto naming pagkain at laruan noon. Bihira din po kaming maglaro kase po kailangan tumulong. Ngayon po nabibili na namin ang gusto namin at pwede ng maglaro kahit anong oras,” sabi ni Yanie, 10-yrs. old at isang Grade 5 pupil.

Bukod sa pamilya Balunso, may iba pang nakinabang sa pag-unlad ng kanilang negosyo. Ito ay ang mga kababayan nila na kinuha nilang waiter at assistant sa kanilang restaurant.

“Dito na sila natutulog stay-in, libre lahat. Matagal na sila dito, simula pagbukas namin nitong restaurant. Kung ano po ang kinakain namin yun din ang kinakain nila. Parang ka pamilya din lang.” ani Malou.

“Mabait po sina Ate. Nagpapasalamat po ako na nakapasok ako dito kasi ako po ang inaasahan ng pamilya namin. Mahirap po maghanap ng trabaho at mas mahirap maghanap ng mabait na amo. Kaya po pinagbubutihan ko ang trabaho para mas dumami ang customer namin,” wika ni Ariel Escaluche, waiter na isang taon nang naninilbihan sa Loglogan Ni Waday.

Bukod sa murang presyo na ₱12.00 sa Regular at ₱35.00 sa Special loglog, dinarayo ang Loglogan Ni Waday dahil sa bukod-tanging sarap ng kanilang timpla at sa kanilang home-made chili sauce. ‘Di nagtagal, ang kita ng kanilang negosyo ay umaabot na sa humigit-kumulang ₱5,000.00 kada araw - triple ng puhunan na binigay ng DOLE-Bicol.

Dahil sa kalidad at sarap ng tinda ng Loglogan Ni Waday, dalawang beses nang may nag-alok na bumili ng kanilang franchise simula noong pagbukas nila sa Public Market noong Pebrero nitong taon.

“Masarap, murang-mura at malinis pa! Kaya binabalik-balikan namin ito. Kahit malayo sa amin. Aprub!” wika nina Win at Honorina Baloloy, mag-asawang dumarayo pa galing sa malayong barangay ng Fidel Surtida, Sto. Domingo, Albay.

Ang pag-asenso ng Loglogan Ni Waday ay katibayan na mabisa ang tulong na binibigay ng gobyerno kung ito’y napupunta sa mga kamay ng karapat-dapat na tao.

“Mahirap maghanap ng benepisaryo ng livelihood. Hindi mo alam kung seseryosohin o sasalaulain. Maraming nagtatanong sa akin kung bakit daw kaunti lang ang mga nagrerequest galing dito sa Market Site samantalang maraming mga request na nanggagaling sa ibang barangay. Ang dahilan ay ayaw kong mapahiya sa oras na walang mangyari sa livelihood. Sa akin, kahit isa lang at kahit hindi ko kadikit basta’t nakita ko na maayos, walang bisyo at desidido sa buhay, yan ang irerekomenda ko dahil ayaw kong mapahiya sa DOLE at para makaulit pa.” giit ni Brgy. Chair Ofelia Balunso.

“Bagamat ang buhay ay puno ng pagsubok at paghihirap, wag na wag susuko, ika nga hindi kailanman nagtatagumpay ang umaayaw. Gayahin ang kwento ng Loglogan ni Waday na umunlad mula sa isang simpleng nego kart na ngayon ay isa ng malaki at asensadong restaurant” ani DOLE Bicol regional director Nathaniel V. Lacambra.

“Maraming maraming salamat po sa DOLE dahil sa inyo nagsimula ang lahat-lahat”, sabi ng mag-asawang Malou at Caesar.

Sa ngayon, uumpisa nang mag-ipon ang mag-asawang Balunso pambili ng sarili nilang bahay. Kung noon ay tila walang katiyakan ang kanilang buhay, ngayon, ang pangarap nila na magkaroon ng tahanang maituturing nilang tunay na kanila ay malapit nang matupad. (Raymond Escalante—DOLE RO 5)

Ang Loglogan ni Waday ay

dinarayo ng mga

estudyante at mga taga-

ibang baryo