OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN - Santa...

4
. Qw) Republic of the Philipp ines MUNJCIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna OFFI CE OF THE SANGGUNIANG DAY AN SIPI MULA SA KATITIKAN NG IKA-APATNAPU'T ANIM NA PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAY AN NG SANTA ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARA W NG MARTES, IKA-7 NG DISYEMBRE, 1999 SA BULWAGANG PULUNGAN NG PAMAHALAANG BAY AN. Mga Dumalo: 1. Kgg. 0. RAMON L. LIJAUCO 2. Kgg. LUISITO B. ALGABRE 3. Kgg. PAULINO Y. CAMACLANG, J r. 4. Kgg. LAUDEMERA. CARTA 5. Kgg. GIOVANNI T. BUSTAMANTE 6. Kgg. ERIC T. PUZON 7. Kgg. PETRONIO C. FACTORIZA 8. Kgg. MARCELITO S. LASERNA 9. Kgg. RAUL P. AALA 10. Kgg. ARIES A. ALCABASA Di-Dumalo: 1. Kgg. ROMEO P. AALA *************** - Pang. Punong-bayan-Namuno -Kagawad -Kagawad - Kagawad -Kagawad - Kagawad -Kagawad - Kagawad -Kagawad - Kagawad, Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan - Kagawad, Pangulo ng Samahan ng mga Punong- Barangay KAUTUSANG BAYAN BLG. 902-'99 (Sa mungkahi ni Kag. Algabre na pinangalawahan ni Kag. Factoriza) ANG .KAUTUSANG BAYAN NA NAGPAPATIBAY SA KAUTUSANG. BARANGAY BLG. Ol-'99 NG SANGGUNIANG BARANGAY NG CAINGIN NA NAGSASAAD TULAD NG SUMUSUNOD: KAUTUSANG BARANGAY 01-'99 ANG KAUTUSANG BARANGAY NA NAGPAPATIBAY NG PAGPAPATUPAD NG "CURFEW'' SA BARANGAY CAINGIN, SANTA ROSA, LAGUNA SIMULA SA IKA10:00 NG GABI HANGGANG IKA-4:00 NG UMAGA SA MGA KABATAAN MAY GULANG LABING PITONG TAON (17) PABABA NA NAGBABAWAL NG PANANATILI SA LANSANGAN SA MGA NABANGGIT NA ORAS. Sapagka't, ang concerned citizens ng Barangay Caingin ay nagsulit ng kahilingan/petisyon para sa pagpapatupad ng "CURFEW'' sa aming barangay Caingin, bunsod ng kanilang hangaring magkaroon ng katiwasayan at kaligtasan ang mga kabataang bunsod din ng kanilang pangamba dulot ng patuloy na kaguluhan sa aming barangay sa kalaliman ng gabi, pagtaas ng bilang ng kriminalidad, patuloy na pagkawala ng mga ari-arian, patuloy na pagdami ng bilang ng mga kabataang nawawalan ng interes sa pag-aaral at napapatuon sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot;

Transcript of OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN - Santa...

~

.Qw) Republic of the Philippines

MUNJCIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN

SIPI MULA SA KATITIKAN NG IKA-APATNAPU'T ANIM NA PANGKARANIW ANG PULONG NG SANGGUNIANG BAY AN NG SANTA ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARA W NG MARTES, IKA-7 NG DISYEMBRE, 1999 SA BULWAGANG PULUNGAN NG PAMAHALAANG BAY AN.

Mga Dumalo:

1. Kgg. 0. RAMON L. LIJAUCO 2. Kgg. LUISITO B. ALGABRE 3. Kgg. PAULINO Y. CAMACLANG, Jr. 4. Kgg. LAUDEMERA. CARTA 5. Kgg. GIOVANNI T. BUSTAMANTE 6. Kgg. ERIC T. PUZON 7. Kgg. PETRONIO C. FACTORIZA 8. Kgg. MARCELITO S . LASERNA 9. Kgg. RAUL P. AALA

10. Kgg. ARIES A. ALCABASA

Di-Dumalo:

1. Kgg. ROMEO P. AALA

***************

- Pang. Punong-bayan-Namuno -Kagawad -Kagawad - Kagawad -Kagawad - Kagawad -Kagawad - Kagawad -Kagawad - Kagawad, Pangulo ng

Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan

- Kagawad, Pangulo ng Samahan ng mga Punong­Barangay

KAUTUSANG BAYAN BLG. 902-'99 (Sa mungkahi ni Kag. Algabre na pinangalawahan

ni Kag. Factoriza)

ANG .KAUTUSANG BAYAN NA NAGPAPATIBAY SA KAUTUSANG. BARANGAY BLG. Ol-'99 NG SANGGUNIANG BARANGAY NG CAINGIN NA NAGSASAAD TULAD NG SUMUSUNOD:

KAUTUSANG BARANGAY 01-'99 ANG KAUTUSANG BARANGAY NA NAGPAPATIBAY NG PAGPAPATUPAD NG "CURFEW'' SA BARANGAY CAINGIN, SANTA ROSA, LAGUNA SIMULA SA IKA10:00 NG GABI HANGGANG IKA-4:00 NG UMAGA SA MGA KABATAAN MAY GULANG LABING PITONG TAON (17) PABABA NA NAGBABAWAL NG PANANATILI SA LANSANGAN SA MGA NABANGGIT NA ORAS.

Sapagka't, ang concerned citizens ng Barangay Caingin ay nagsulit ng kahilingan/petisyon para sa pagpapatupad ng "CURFEW'' sa aming barangay Caingin, bunsod ng kanilang hangaring magkaroon ng katiwasayan at kaligtasan ang mga kabataang bunsod din ng kanilang pangamba dulot ng patuloy na kaguluhan sa aming barangay sa kalaliman ng gabi, pagtaas ng bilang ng kriminalidad, patuloy na pagkawala ng mga ari-arian, patuloy na pagdami ng bilang ng mga kabataang nawawalan ng interes sa pag-aaral at napapatuon sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot;

l

..-..

~ Republic of the Philippines

MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN

-2-

SAPAGKA'T, sa mga katulad ding kadahilanan ay dama ng Sangguniang Barangay ng Caingin ang pangangailangan na mailayo ang mga kabataan sa mga hindi kanais-nais na libangan at bisyo at mapangalagaan din ang kanilang kaligtasan sa mga pangyayaring dulot ng mga hindi inaasahang krimen.

KAYA'T, sa pamamagitan ng isang mungkahing buong pagkakaisang pinagtibay ay:

IPINASISIYA, tulad ng dito'y ginagawang PAGPAPASIYA at ngayon nga ay IPINASIYA ang pagpapatibay ng pagpapatupad ng "CURFEW'' simula sa Ika-10:00 ng ~abi hanggang Ika-4:00 ng umaga sa mga kabataang may edad labing pito (17) sa Barangay CAINGIN na nagbabawal ng pananatili ng mga nabanggit na kabataan sa mga oras na itinadhana na tutugon sa mga sumusunod na tadhanain:

ARTIKULOI

MGA SAKLA W NG KAUTUSAN

Seksiyon 1. Saklaw ng Kautusang ito ang lahat ng kabataang hindi pa umaabot ng labing walong taong gulang (18) na matatagpuan sa lansangan na nasasakop ng Barangay Caingin, Santa Rosa, Laguna.

Seksiyon 2. Ang "CURFEW'' ay ipatutupad simula sa Ika-10:00 ng gabi hanggang Ika-4:00 ng umaga.

Seksiyon 3. Ang mga kabataang wala pang labing walong (18) taong gulang ay malaya sa panahon ng "CURFEW HOURS" at hindi nasasakop ng Kautusang ito sa mga sumusunod na pagkakataon:

a. Ang kabataan ay kasama ng kanilang magulang o tagapangalaga.

b. Ang kabataang nanggaling sa pag-aaral at paghahanap-buhay kung saan ay nararapat na magpakita ng katibayan.

k. Ang kabataang napag-utusang tumugon o kusang loob na tumalima sa isang kinakailangang pangyayari o "emergency situation" tulad ng pagbili ng gamot para sa mga may sakit, paghingi ng tulong para sa isang kaguluhan at iba pang mabibigat na pangyayari na kinakailangan ang kagya 't na pagtugon na kung saan sangkot ay panganib sa buhay ng tao o panganib sa pagkasira ng mga ari-arian.

~~ r

,-..

Republic of the Philippines MUNICIPALITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN

-3-

d. Ang kabataang gumaganap ng mga bagay na may kaugnayan sa kanyang pananampalataya.

e. Ang kabataang tumutupad ng pangkomunidad na pangangailangan.

g. Ang kabataang nagbuhat sa paglalakbay ng malayo o ibang bansa o bayan.

Seksiyon 4. Ang Kautusang ito ay hindi iiral sa mga araw at panahong tulad ng mga sumusunod:

a. Sa panahon ng Mahal na Araw, simula Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay.

b. Kapistahan ng Barangay, simula Ika-11 ng Hunyo hanggang Ika-14 ng Hunyo.

k. All Saints Day (Araw ng mga Patay) Ika-1 ng Nobyembre.

d. Sa panahon ng kapaskuhan, simula Ika-16 hanggang Ika-25 ng Disyembre.

e. Bagong Taon, Disyembre 31 hanggang Ika-1 ng Enero.

ARTIKULOII

ALITUNTUNIN SA PAGPAPATUPAD

Seksiyon 1. Ang lahat ng ipapataw sa sinumang lalabag sa kautusan ay hindi itinuturing na kaparusahan, bagkus ay hakbanging magbibigay aral sa mga kabataang lalabag sa isang Kautusang Barangay na lalayong pangalagaan ang kaligtasan at kapaanyuan ng mga nabanggit, tulad ng sumusunod:

UNANG PAGLABAG - pangangaral sa kabataang lumabag sa harapan ng mga magulang o tagatangkilik at pagbibigay ng mahigpit na tagubilin.

P ANGALAWA HANGGANG IKA-3 BESES NA PAGLABAG -pagmumulta ng magulang ng halagang DALAW ANG DAANG PISO (P200.00).

PANG-APAT NA PAGLABAG - paglalagak ng kabataan sa pangangalaga ng Municipal Social Welfare Development (MSWD).

~ ~

Republic of the Philippines MUN1CIPALITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG DAYAN

-4-

Seksiyon 2. Ang kabataang hindi residente ng Barangay CAINGIN na lalabag sa kautusan ay ilalagak sa pangangalaga ng Municipal Social Welfare and Development.

ARTIKULOID

PAGPAPAIRAL

Ang Kautusang ito ay magkakabisa matapos na mapagtibay, maipaskil sa mga lugal na madaling nababasa ng mamamayan at pagpapalimbag sa pahayagang may sirkulasyon sa Lalawigan ng Laguna.

ARTIKULOIV

PAGPAPAWALANG BISA

Itinatadhana ng Kautusang ito na ang lahat ng Kautusang Barangay na umiiral na sumasalungat sa Kautusang ito o alinmang bahagi nito ay pinawawalang bisa.

BUONG PAGKAKAISANG PINAGTIBA Y.

PATOTOO:

Pinatotohanan:

(Lgd) 0. RAMON L. LIJAUCO Pang.Punong-bayan

Pinagtibay:

(Lgd) LEON C. ARCILLAS Punong-bayan

Pinatutunayan ko na ang Kautusang ito ay sipi mula sa katitikan ng Ika-46 na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Bayan ng Santa Rosa, Laguna noong Ika-7 ng Disyembre, 1999.

cfr!i-~~z