NO TO IMPE

download NO TO IMPE

of 1

Transcript of NO TO IMPE

  • 8/18/2019 NO TO IMPE

    1/1

    impit ang boses

    ng lalaking may posas

    tila may isinisigaw

    sa bawat halinghing na tinuturan

    sa kanyang likod

    humahawak ay isang kahoygumagalaw na para bang may buhay

    yun pala’y tali ay ‘di lang makita

    sinubukan kong tanggalin

    ang kanyang takip

    sumisigaw, naghihinaing

    sa hapagkainan, wala kahit daing

    gusto kong pakawalan

    ang lalaking may posas

    pero ako’y pinigilan

    ng may hawak sa kahoy

    malaki itong mama

    ako’y hinipan at pinitik

    natilapon sa malayo

    hinawakan ang ulo, tumutulo ang dugo

    marami pang lalaking may posas

    na hawak ng isang kahoy

    na hawak ng malaking mama

    at ‘di ko namalayan, isang posas rin sa kamay

    tanggalin natin ang posas.

    supilin ang mama.