Kisapmata.docx

2
Romero, Jansen Joel C. 4 lit Film and Lit Assoc. Prof. John Jack Wigley, Ph.D. Kisapmata(1981) Isang pelikula na base sa isang maikling kwento na hango naman sa mga totoong pangyayari. Ang Kisapmata ni Mike de Leon ay ipinalabas noong 1981 at isa sa mga kinikilala na halimbawa ng magandang pelikula. Ito ay pinag bibidahan ni Charo Santos at Jay Aguilar, ang pelikulang ito ay base sa obra ni Nick Joaquin na House on Zapote street. Ito ay tungkol sa isang mag asawa na naiipit sa pag hihigpit ng tatay ni Mila(ginampanan ni Charo Santos), hindi niya matanggap ang “maagang” pag aasawa ng kaniyang unica hija. Sinisindak ni Tatang ang asawa ni Mila na si Noel(ginampanan ni Jay Aguilar), madalas na pinag kukumpara ni tatang ang kanyang paigigng pulis sa pagiging banker ni Noel. Lagi niyang sambit ang malaki niyang kita dati dahil sa pagiging pulis Pasay niya at

description

Review about Kisapmata( Film)

Transcript of Kisapmata.docx

Page 1: Kisapmata.docx

Romero, Jansen Joel C.

4 lit

Film and Lit

Assoc. Prof. John Jack Wigley, Ph.D.

Kisapmata(1981)

Isang pelikula na base sa isang maikling kwento na hango naman sa mga totoong

pangyayari. Ang Kisapmata ni Mike de Leon ay ipinalabas noong 1981 at isa sa mga kinikilala

na halimbawa ng magandang pelikula. Ito ay pinag bibidahan ni Charo Santos at Jay Aguilar,

ang pelikulang ito ay base sa obra ni Nick Joaquin na House on Zapote street. Ito ay tungkol sa

isang mag asawa na naiipit sa pag hihigpit ng tatay ni Mila(ginampanan ni Charo Santos), hindi

niya matanggap ang “maagang” pag aasawa ng kaniyang unica hija. Sinisindak ni Tatang ang

asawa ni Mila na si Noel(ginampanan ni Jay Aguilar), madalas na pinag kukumpara ni tatang ang

kanyang paigigng pulis sa pagiging banker ni Noel. Lagi niyang sambit ang malaki niyang kita

dati dahil sa pagiging pulis Pasay niya at kakabit neto ang pagtatanong kung kaya bang buhayin

ni Noel si Mila sa kanyang suweldo.

Mahigpit na padre de pamilya si Tatang Cabading, pinapakita ‘to sa kanyang pakikitungo

sa kanyang mga kasama sa bahay. Ipinakita ang retiradong Cabading na may control sa buong

bahay; tuwing sila ay kakain siya ang nakaupo sa gitna habang ang lahat at nasa kanyang gilid,

tuwing sila naman ay nag uusap usap siya din ang nakaupo sa gitna ng sala habang nakaupo si

Mila sa may sofa at ang kanyang asawa ay nag tatahi sa sulok ng bahay.

Page 2: Kisapmata.docx

Nakikita dito ang pagiging Alpha Male ni Sgt. Cabading, ang kanyang pagiging mahigpit

sa mga taong nasa kanyang ilalim. Pinapakita din sa pelikula ang kanyang pagiging may

kapangyarihan sa bahay, dahil sa hindi maaring pag salungat sa kanyang utos.

Natapos ang pelikula na sa sobrang pag hihigpit niya sa magasawa ay napatay niya silang

dalawa, nais niyang makasama ang kanyang anak na babae ng mas matagal ngunit dahil sa

desperasyon nagawa niyang patayin ang mag asawa kabilang narin ang kanyang may bahay.