INTERMEDIA NG INDANG (1904-1927) - Preliminaryo

14
INTERMEDIA NG INDANG (KNA Cavite State University) 1904-1927

Transcript of INTERMEDIA NG INDANG (1904-1927) - Preliminaryo

Page 1: INTERMEDIA NG INDANG (1904-1927) - Preliminaryo

INTERMEDIA NG INDANG(KNA Cavite State University)

1904-1927

Page 2: INTERMEDIA NG INDANG (1904-1927) - Preliminaryo

"A masterpiece indeed! Daniel Anciano's Intermedia ng Indang has opened the floodgates of renewed enthusiasm to rewrite longheld and accepted segments of local and institutional history. By meticulously putting into place each piece of historical information accumulated through years of dedicated research and scholarship he came up with an outstanding work that befits as a benchmark in historiography. May his methodical way of filling in the gaps of the rich history of Cavite State University inspire other educators, researchers and advocates of truth to take their pens and rekindle the passion for history writing..."

P.D. Cuaresma, Ph.D. Director, Center for Central Luzon Studies, CLSU

Daniel Mendoza Anciano

Ang nagsasaliksik ay nagtapos ng kursong Batsilyer sa Siyensiya ng Edukasyon – Medyor ng Agham Panlipunan sa Philippine Normal College 1984. Naging regular na guro sa araling sekondaryo 1984-1997 sa mga paaralang pampubliko sa Cavite. Sa kasalukuyan ay isang contractual na Instruktor ng mga aralin sa Agham Panlipunan sa Cavite State University.

Page 3: INTERMEDIA NG INDANG (1904-1927) - Preliminaryo

“Marahil, balang araw, kapag ang gusaling paaralang ito na ngayon ay itinatayo, ay gawa na, at sa pagdating ng panahon dahil sa katandaan, pagkatapos dumaan ang maraming kasawian ay bumagsak at magkadurug-durog dahil sa hampas ng Kalikasan (lindol at bagyo) o sa mapanirang kamay ng tao, at sa ibabaw ng mga guho ay tumubo ang mga baging at damo; pagkatapos, kapag pinawi na ng panahon ang baging at damo, at napulbos na ang mga guhong bato at ikalat ng hangin ang kanyang mga abo at malimutan na sa mga pahina ng Kasaysayan ang alaala tungkol sa kanya at sa mga taong sa kanya ay gumawa, na matagal nang nalimot ng tao; marahil, kapag ang mga lipi ay nangalibing na at nawala na kasama ng balat ng lupa, ISANG ARAW AY ILALABAS MULA SA MATITIRANG BATO ANG MGA LIHIM AT TALINHAGA, kung matamaan ng panghukay ng isang minero ang bato, dahil sa hindi sinasadyang pagkakataon.

Jose RizalKabanata 32 Noli Me Tangere

Page 4: INTERMEDIA NG INDANG (1904-1927) - Preliminaryo

INTERMEDIA NG INDANG(KNA Cavite State University)

1904 -1927

Ang Kasaysayanng Paaralang Panlalawigan

sa Katimugang Cavite

ni

DANIEL MENDOZA-ANCIANOInstruktor ng Kasaysayan

Cavite State University – Silang Campus

Page 5: INTERMEDIA NG INDANG (1904-1927) - Preliminaryo

Paghahandog

Kay Ka Francisco Anciano Sr. (1918-1976) Ang aking unang guro sa kasaysayan. Salamat po sa pagtuturo sa akin kung papaano pag-aralan at pahalagahan ang kagandahan ng kasaysayan. Higit sa lahat, sa pribilehiyo na ako ay naging anak ninyo.

Kay Nanay,Isang napaka-payak na handog para sa kadakilaan na hindi ko matutumbasan man lamang.

Sa aking Ikalawang InaMrs. Basilia Topacio-Amiscosa

Kay MynMapapawi rin ang maitim na ulap na dumadaan sa ating buhay. Salamat sa mataas na pang-unawa sa mga kahirapan na naging kasama ng pag-aaral na ito.

Kay Kiko at AtoySa pagbubukas ng inyong isipan ay babasahin ninyo ang aklat na ito at ang mga susunod pa na aking isinusulat. Mauunawaan ninyo kung bakit sa kabila ng kahirapan/poverty ay pagtuturo ang esensiya ng aking buhay – ang inyong ama ay TITSER NG BAYAN.

Sa Cavite State UniversityIbinabalik ko sa iyong ala-ala, ang ugat ng iyong Intilektwal na Tradisyon na dapat maunawaan ng isang institusyon na naghahanap ng higit na malayong direksiyon

Sa Bayan ng IndangAng iyong kasaysayang lokal ay nakatali sa pagpapahalaga ng iyong mga mamamayan sa pagtatamo ng edukasyon. Hindi ako rito isinilang o lumaki, subalit dito unang pumintig ang aking buhay at ipinaglihi ng aking ina.

Page 6: INTERMEDIA NG INDANG (1904-1927) - Preliminaryo

Ang aklat na ito ay isang gawang pang-alaala kina:

Hammon H. Buck Charles John AndersonHarry J. HawkinsClifton Earl WorkmanHenry WiseMary Swanson WiseJoseph A. CocannouerFelisa MercadoGuillermo Bayan Mariano MondoňedoMaria del Rosario-MondoňedoSimeon MadlangsakayBasilio ViadoCarlos BayotGuadalupe de las AlasJacinto Dili-diliNieves Mojica-CatuncanMa. Conchita RiegoPedro CreenciaEulogio Acuňa Camilo Guevara Sr.

Natalia de las Alas Panganiban - Tagasinop ng Kasaysayan ng Indang.

Page 7: INTERMEDIA NG INDANG (1904-1927) - Preliminaryo

Pasasalamat

Sa proseso ng pag-aaral na ito ay pinasasalamatan ko ang mga sumusunod na indibidwal at institusyon na nakatulong ng direkta sa paghahanda ng pag-aaral na ito:

Kay Nanay para sa tulong na ispiritwal at materyal para sa pag-aaral na ito. Kina Arman at Lysel para sa ipinadala ninyong libro, computer at digital camera, na ginamit ko sa pag-aaral pang-kasaysayan na ito at sa pinansiyal na tulong para sa pag-aaral nina Kiko at Atoy. Kina Gener at Jun, sa lahat ng pagtulong ninyo.

Kay Dr. Sotero Lasap para sa mga mahahalagang suhestiyon sa pag-aaral na ito. Kasama na rin ang antisipasyon na ang aklat na ito ay mapapalimbag na maramihan.

Kay Dr. Ruperto Sangalang sa napakahalagang katanungan na nakarating sa akin “kailan ipinaglihi at kailan ipinanganak ang institusyon”. Katanungan na nagbunsod upang isulat at gawing inpormatibo ang pag-aaral na ito.

Kay Ms. Linda Guevara sa kaniyang pagsubaybay at pagtulong para mabuo at mapagyaman ang pag-aaral na ito, sa pamamagitan ng pagkakaloob niya ng mga matandang larawan ng mga aktibidad sa paaralan.

Sa ala-ala ni Prof. Adriano Romen, sa kaniyang pagsisinop ng isang mahalagang dokumento na nagsilbing bakasan ng nagsasaliksik upang mabuo ang pag-aaral na ito.

Kay Dr. Antonio Papa sa moral support na kayang ipagkaloob ng isang nakakatandang kapatid.

Kay Dr. Lutgarda P. Ilagan na sa panahon ng kaniyang pagiging Dekana ng CAS ay nagbigay nang paunang paghikayat na sumulat ako ng mga libro.

Sa aking mga naging kasamahan sa Kagawaran ng Agham Panlipunan at Humanidades noong ako ay nagtuturo pa sa CavSU-Indang na sina Prof. Evalyne Rodriguez, Gil Ramos, Renato Pelorina, Franco Pelayo, Rodolfo Bagay, Jaf Francisco, Che Gana at Carol Lontoc.

Sa Mag-asawang Camilo Jr. at Mercedes Guevara para sa mga mahahalagang inpormasyon at suhestiyon na nagbigay sa aklat na ito ng bagong anyo at perspektibo.

Sa mga anak ni Mr. Ambrosio Bayan ng Silang, Cavite sa pagpapahiram ninyo ng mga mahalagang dokumento sa ikahuhusay ng pag-aaral na ito. Kay Mr. Rudy Bayan sa ginawa niyang pagsisikap

Page 8: INTERMEDIA NG INDANG (1904-1927) - Preliminaryo

na makuha ang ilag mahahalagang dokumento sa Harvard University upang higit na pagyamanin ang mga inpormasyon ukol sa lalaking nagtayo ng Intermedia ng Indang.

Kay Mrs. Antonina Marasigan Costa – para sa preliminaryong pagsubok sa posibilidad na kilalanin ang mga naunang nagsipagtapos sa paaralan.

Kay Dr. Lorna Penales para sa panahunang pagsubaybay sa pag-aaral na ito.

Kay Mr. Antolin Gemanil ng Silang Historical Society sa maraming mga inpormasyon na nagsisilbing mainam na pandikit sa piraso ng mga historikal na jigsaw puzzle na aking binubuo.

Kay Mr. Antonio Constante sa kaniyang pagbibigay ng paliwanag sa paraan nang pagkakabuo ng unang kasaysayan ng institusyon na kaniyang isinulat. Ang pag-aaral na ito ay nakakawing ng malaki sa kaniyang unang naging hakbang – ang ispirito ng iskolarsip ang nag-didikta na isang duwende na katulad ko ay kailangan na makituntong sa balikat ng higante.

Kay Aidel Belamide sa pagpapahiram niya sa akin ng mga mahahalagang dokumento na maari niyang makuha sa elektronikong aklatan sa panahon na siya ay nag-aaral pa sa Michigan State University.

Sa aking mga mag-aaral sa Agham Panlipunan sa CavSU-Indang na nakatulong ko sa pagkuha ng ilang mga datos ukol mga nagsipagtapos sa paaralan. Inaasahan ko na ang inyong ginawang pakikipanayam, ang magiging susi upang sa darating na panahon ay magkaroon kayo ng inisyatibo na pahalagahan ninyo ang pagsisinop ng kasaysayan at kultura ng inyong mga pamayanan.

Sa mga mananaliksik at staff ng Cavite Studies Center – De La Salle University - Dasmarinas para sa mga mahahalagang dokumento na nakasinop sa inyong sentro. Sana dumating ang panahon na hindi lamang kami maging mga taga-hiram, kundi aktibong kapalitan.

Sa lahat mga inapo nina Mr. Hammon H. Buck, Joseph A. Cocannouer, C. E. Workman at Mariano Mondoñedo na aking mga nakapanayam at nakapalitan ng e-mail sa proseso ng pag-aaral.

Itinutungo ko ang aking ulo, upang pakumbaba na iparating sa Panginoong Diyos ang aking pinakamataas na pagpapasalamat, sa buhay at mga kaisipan na ipinahiram ninyo sa akin. Sa Iyo po ang lahat ng Kaluwalhatian.

Page 9: INTERMEDIA NG INDANG (1904-1927) - Preliminaryo

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Kabanata 1 Ang Paghahanap sa Kasaysayan ng Paaralan

Kabanata 2Kaligirang Pangkasaysayan

Kabanata 3Edukasyon sa Indang Sa Mga Unang Taon Ng Pananakop ng mga Amerikano 1900-1902

Kabanata 4 Unang Taon ng Pangangasiwa Ni Mr. C. J. Anderson sa Edukasyon ng Indang 1903-1904

Kabanata 5 Ang Panimulang Taon ng Intermedia ng Indang 1904-1905

Kabanata 6Ang Panunungkulan ni Mr. Harry J. HawkinsSa Intermedia ng Indang 1905-1905

Kabanata 7Ang Pangangasiwa ni Mr. Clifton E. Workman sa Intermedia ng Indang 1906-1908?

Kabanata 8Ang Pangangasiwa ni Mr. Henry Wise Sa Intermedia ng Indang 1908-1911

Page 10: INTERMEDIA NG INDANG (1904-1927) - Preliminaryo

Kabanata 9Ang Panahon ng PanunungkulanNi Mr. Joseph A. Cocannouer saIntermedia Ng Indang 1911-1915

Kabanata 10 Guillermo Bayan: Ang Makabayang Guro Ng Intermedia ng Indang 1907-1917

Kabanata 11 Ang Administrasyon ni Mr. Mariano MondoňedoSa Intermedia ng Indang 1915-1919

Kabanata 12 Ang Panunungkulan niNi Mr. Simeon Madlangsakay

Kabanata 13 Ang Mga Naging Guro Ng Intermedia ng Indang 1904-1927

Kabanata 14 Ang Mga Nagsipagtapos sa Intermedia ng Indang 1907-1928

Konlusyon, Impresyon at Rekomendasyon

Mga Sanggunian

Appendiks