“I’m invisible to everyone and to him. I’m a stranger to ...
Transcript of “I’m invisible to everyone and to him. I’m a stranger to ...
“I’m invisible to everyone and to him. I’m a stranger to him that he just met and passed by. Will
he notice me? Will he notice my existence? Or I will remain a stranger to him?”
©ohmycheese
Date Started: September 13, 2014
Date Ended: January 18, 2015
P r o l o g u e
Everyone is wishing to be notice by him. Will I get his attention? Or I’ll remain a stranger, that
secretly loving him?
Chapter One
-Kristen-
‘Kristen tinatawag ka ni ma’am.” Bulong ni Jackie sa akin kaya napa’angat ako ng tingin.
“Paki solve ang nasa harap.” Sabi ni ma’am. Napatingin ako kay Jackie at sinsabing kaya ko ito.
Tumayo na ako at naglakad papuntang harap para I’solve ang nasa blackboard. Pero biglang
nagtawanan ang mga classmates ko kaya nilingon ko sila. Napatingin ako kay Jackie na kagat
kagat ang ibabang labi. Tumingin ako sa nasa likuran ng upuan ko nakangise lang siya. May mali
ba?
“Ms. Dimalanta I think nakalimutan mong may dalaw ka today?” nagkataas kilay na sabi ni
ma’am. Biglang nanlaki ang mata ko sabay tingin sa likuran ng palda ko. Halos manlambot ang
tuhod ko dahil may tagos ako at nakita nilang lahat iyon, pati siya.
Nakakahiya ako! Nakakahiya!!!
Nagexcuse ako kay ma’am at tumakbo na ako palabas ng classroom at nagtungo’ng cr. Anong
gagawin ko? Paano ba ito! Aish! Tinanggal ko ang palda ko mabuti na lang at naka short ako.
binasa ko ang part na may tagos at ni’rub iyon. Parang naglalaba lang. Kulay yellow kasi itong
skirt namin kaya kitang kita ang pulang mantas dito. Napatingin ako sa short ko. Nakakainis
naman bakit diko alam na dadalawin pala ako ngayon?
Sinuot ko na ulit ang palda ko at nagtungo akong canteen para bumili ng pad. Nagtungo ulit ako
ng c.r para suotin iyon.
Nakakahiya talaga ako! Nakita niya pa tuloy yung tagos ko. Nakakainis.
Padabog akong naglakad papuntang garden ng school. Hindi muna ako papasok ngayon sa next
subject nahihiya pa kasi ako sa mga classmates ko. At tsaka ayoko muna ang umupo baka
matagusan ulit yung palda ko galing sa tagos sa short ko.
Ilang oras kaya ako tatayo dito? Tss. Naglakad lakad muna ako ng may mapansin akong parang
may nakasunod sa akin kaya napalingon ako at nakita ko siya nakatingin ng seryoso sa akin.
Hala ano kaya ginagawa niya dito? Tinalikuran ko siya at naglakad ulit ako. Tumigil ako nung
napansin kong wala na siya sa likod ko kaya nilingon ko ulit siya at tama nga ako wala na siya sa
likod ko. Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad pero pagharap ko halos mawalan
na ako ng hininga.
“WaahhhHmpppp!” kasi naman eh nakakagulat yung pagtalikod mo bigla bigla na lang may
nakatayong gwapo na lalaki sa harap mo at sobrang lapit ng mukha niyo
Binitawan niya ang pagkakatakip sa bunganga ko
“Tss. Oh.” Inabot niya sa akin yung bag ko. Huh? Bag ko? Ang bait naman niya.
“S-salamat. B-babalik din naman a-ako sa classroom e-ehh.” Nauutal na sabi ko pinunasan ko
din yung tumulong pawis sa noo ko.
“Sinabi sa akin ni Ma’am Valdes na ibigay itong bag mo sa’yo.” Sabi niya at agad akong
tinalikuran.
Sabi ko nga napag utusan lang siya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko
ang secret exit sa school. Dito lumulusot ang mga laging nagka’cut class. Mag cut class kaya ako?
Sa bahay naman ang diretso ko eh.
**
“Ang aga mo naman ata ngayon anak?” tanong ni Mama sa akin. Napatingin ako sa wrist
watch ko. 10:30 pa lang pala.
“Nakatagos po kasi ako, Ma.” Sabi ko at yumuko ako.
Narinig ko na tumawa si Mama at lumapit sa akin tapos pinatalikod ako.
“Sige na umakyat ka na maglinis ka ng katawan mo may naamoy ako eh.” Tapos tumawa pa.
baliw lang ang nanay ko.
Napapailing na lang ako habang umaakyat papunta sa kwarto ko. Naligo na din ako at naglagay
ng panibagong pad.
Haayyy. Kumusta naman yung pagbitbit niya ng bag ko? mabuti naman at nahanap niya kung
nasaan ako ano? Haayyy itatago ko yung bag ko di muna gagamitin gagawin kong unan ko yun
hinawakan ni Jungkook eh.! Waahhhh! Kilig much ang lola niyo. Hihi :”>
**
Kinaumagahan maaga akong nagising. Sinisigurado ko ngayon na hindi na ako matatagusan.
Huehue T_T
Pagpasok ko ng classroom ganun pa rin maiingay pa rin sila. Isa lang ang tahimik. Yung lalaking
matagal ko ng pinagpapantasyahan. :D Yung mga barkada niya ang iingay pero siya ang tahi-
tahimik.
“Hi Kristen! Bakit dika na pumasok kahapon?” tanong ni Taehyung sa akin. Waahhh! Ang
cute niya. Lagi siyang naka eyeliner. Parang anak ni Baekhyun, yung member ng EXO? Yung
sikat na Boyband sa Korea? Idol niya siguro! *u*
“H-ha? Ah eh… A-alam mo naman siguro k-kung ano yung n-nangyari sa akin.” Halos
pabulong na sabi ko. Naramdaman ko ding nag init yung pisngi ko.
Narinig kong nagtawanan silang magbabarkada.
“Bes pren!!!” tawag ni Jackie sa akin. Nilingon ko siya at halos lumuwa na ang mata.
“Oh anyare sa mukha mo?” tanong ko sa kanya ng makalapit ako sa kanya. Umiling iling pa
siya tapos tumingin sa likuran ko kaya pati ako napalingon doon. Andun ang bangtan boys
naghaharutan haha. Tinignan ko ulit siya na ngayon ay nakangise na.
“Don’t tell me sinagot ka na ni Jungkook?” pumapalakpak pa na sabi niya. agad kong tinakpan
yung bunganga niya. ang ingay nakakahiya baka marinig nila. Binanggit pa man din yung
pangalan niya.
“Jackie! Wag ka nga! Kinausap lang ako ni Taehyung.” Sabi ko at umupo na sa upuan ko.
Tinignan lang niya ako ng nakakaloko. Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Tumahimik na ang
klase dahil dumating na ang teacher namin. Hindi ako maka concentrate sa pakikinig dahil
feeling ko may nakatingin sa akin. Pasimple kong nilingon ang left side kopero may kanya kanya
silang gawawin ganun din sa right side ko. Baka naman sa likod? Lumingon ako sa likod at
nakita kong nakatingin siya sa akin pero agad siyang nag iwas ng tingin. Napalunok ako at agad
na umayos ng upo. Pinunasan ko din yung namoong pawis ko.Huminga ako ng malalim.
Sinundot ako ni Jackie sa may tagiliran, thank god di ako pinanganak na nag iingay pag
nagugulat.
“Ayos ka lang?” bulong niya. tumango lang ako at kinompose ko ang sarili ko.
Tinuon ko ang atensyon ko sa pagdidiskus ng guro namin. Halos mahulog ako sa upuan ko ng
may sumipa dito galing sa likod. Sino pa nga ba ang nasa likod ko kundi siya? May problema ba
siya sa akin? Nilingon ko siya na ngayon ay natutulog. Siya kaya yung sumipa sa upuan ko? Eh
paano namang siya eh natutulog yung tao?
Napapailing na lang ako habang tuminginulit sa harap. Natapos na din ang klase at break time na.
agad akong hinila ni Jackie papuntang canteen para mauna kami sa pila. Nag order siya ng
spaghetti at ako naman sandwich at juice lang. naglakad na kami patungo sa upuan namin ng
biglang may bumangga sa akin kaya tumilapon sa akin yung isang plato ng spaghetti at juice.
Narinig ko yung pagsigaw ng mga kaklase ko. Tinignan ko yung blouse ko at halos mapaiyak na
ako sa nakita ko. Natapon sa putting blouse ko yung spaghetti at juice. Waahhh! Natapon yung
pagkain ng bespren ko sa damit ko!
“K-kristen.” Narinig kong bulong ni Jackie. Napatingin ako sa paligid ko at nakita ko ang
Bangtan Boys. Nakatingin sila sa akin maliban siya. Nakatingin siya sa iba na mukhang bored na
bored. Kelan pa kasi siya nagka interes na tignan ako?
“J-jackie s-sorry n-natapon y-yung pagkain mo.” Mahinang sabi ko. Tatayo na sana ako ng
biglang may humawak sa kamay ko para tulungan akong tumayo. Tinignan ko kung sino si
Taehyung pala.
Ng makatayo na ako nginitian niya ako “Mag-ingat ka minsan.” Payo niya sa akin.
Tumango ako tsaka nagpasalamat “S-salamat Tae—
“V. V na lang. hehe” napakamot pa siya sa ulo niya.
“A-ah. S-salamat, V” sabi ko ulit. Ngumiti lang siya tapos tumalikod na pabalik sa mga kaibigan
niya.
Nilingon ko si Jackie na laglag ang panga.
“J-jackie! O-oyy Sorry ha? Sorry natapon ko yu—
“Bes pren! Lumapit si V dito sa atin! Alam mo bang heaven iyon? Yieehhh!” nangisay na siya
sa kilig. Umiling na lang ako. lumabas na akong canteen at nagtungo’ng c.r para linisin ang
blouse ko.
Buti pa si V lumapit at tinulungan ako. pero siya? Ni tignan ako hindi niya magawa. Eh sino ba
ako para tulungan niya at tignan niya? Isa lang naman akong simpleng babae na palihim na
nagkakagusto sa kanya. Hindi nga ako papasa sa taste niya eh. Hindi ako yung tipo ng babaeng
papansinin niya. Kaya nga nawalan na ako ng pag-asa para mapansin niya. Dahil kahit kailan isa
lang akong stranger sa kanya. Siguro kahit pangalan ko hindi pa niya alam. Hindi niya daw kasi
trip ang mag memorize ng pangalan kaya minsan pag may tinatawag siyang isa sa mga classmate
naming hini-hoy lang niya. :3
--
C h a p t e r – T w o
Monday- Nakatagos ako
Tuesday- Natapunan ng spaghetti at juice
Wednesday???
Unknown. Hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari sa akin sa Wednesday! Araw araw na
lang laging ako ang biktima ni kamalasan. Kumusta naman ako? Bukod sa tanga ano pa ang
maitatawag niyo sa akin? Psh!
“OMG! Talaga? kakanta sila ngayon?” tanong nung babaeng nasa harapan ko na naglalakad
mukhang kinikilig pa sila.
“Oo bruha! Sa may garden daw. Nagse’set up na nga sila eh. Omg! Dumadami na ang tao
doon. Tara na bruha.” Naghilahan sila papunta sa garden.
Dahil curious ko kung ano ang nangyayari sa araw na ito napagpasyahan kong pumunta na din
ng garden. Nakipagsiksikan pa ako para lang makarating sa unahan. Halos malaglag ang panga at
panty ko ng marealize ko kung ano ang nangyayari.
May ‘Bangtan Boys Serenade’ pala ngayon. Every Wednesday kakanta sila ng smooth song.
Hindi yung usual na kinakanta nilang ang genre ay hiphop. Kaya sobrang sikat nila sa school
dahil sa hindi lang sila magagaling kumanta mga alien din sila. Mga gwapong alien! Siguro
noong nagpasabog ng kagwapuhan at talent si God gising na gising sila at marami silang nahakot.
Tumingin ako sa harapan at nakita ko si Jungkook na nakahawak ng mic apat silang nasa
harapan na nakahawak ng mic. Kasama niya sina V, Jin at Jimin. Shemays. Halos mabingi na din
ako sa mga tilian ng mga kababaihan.
“Okay Girls! Quiet! Para marinig niyo silang mabuti.” Suway nung teacher namin sa music.
Agad naman silang tumahimik pero tahimik silang nagsisigaw.
Nagsimula na yung togtog at pumalakpak sila kaya pumalakpak na din ako. nagsimula na silang
kumanta. Yung kanta nila ay yung You’re My. Grabe ang masasabi ko lang ay PUTANG INA
NIYONG MGA GWAPONG ALIEN KAYO PWEDENG IUWI KO ISA SA INYO AT
GAWIN KONG ASAWA KO? Gusto kong isigaw yan pero duh? May natitira pa akong hiya sa
katawan.
Habang kumakanta sila ay kay Jungkook lang ako nakatingin. Sa tuwing kakanta siya ay
nakapikit siya na talagang dinadama yung kanta.
“Shet! Nakakainlove si V.”
“Mas lalo naman si Jin ano!”
“Ang gwapo ni Jimin kapag kumakanta siya lalo na pag nag smirk siya.”
“Oh May Gawd Jin akin ka nalang!”
“Makalaglag panty ang boses ni Jungkook!”
Sigawan nila! Halos mapatawa na ako sa kanila. Over sila sa pag fan girl sa bangtan!
Ng matapos ang kanta ngumiti sila sa audience kaya ngumiti din ako sa kanila. Feeling ko sa
akin siya nakangiti. Tumingin siya sa gawi ko kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Yung
ngiti niyang iyon ang sarap sa mata. Pero biglang napawi iyon at agad na nag iwas ng tingin sa
akin. Ayaw ba niya akong makita? Masakit siguro ako sa mata. Haayyy.
Bumalik ako sa classroom na nakasimangot. Nakakainis kung sa iba ang lapad ng ngiti sa akin
sisimangot. Psh.
“Hoy Kristen anyare sa mukha mo? Parang pinagbagsakan ng langit at lupa. May problema
ba?” nag aalalang tanong ni Jackie sa akin. Tinignan ko lang siya at nagpakawala ako malalim
na hininga. bumagsak yung balikat ko.
“May problema ka nga. Baka naman dahil lang sa mens mo?” tinignan ko siya ng masama.
Nilabas ko yung sketch pad ko at nagsimulang mag sketch. Nakarinig ako ng hiyawan sa labas
ng classroom narinig ko din ang takbuhan ng mga classmates ko. Napatigil ako sa pagsketch at
tumingin sa pintuan. Sakto papasok ang Bangtan Sonyeondan. Ang gugwapo talaga nila. Grabe
talaga ang sigawan ng mga babae pati bakla.
Nagulat ako ng may lumapit kay Jungkook at may inabot na paper bag yung girl. Si Ashley pala.
Yung classmate ko na patay na patay din kay Jungkook. Nakatingin lang ako sa kanya.
Nagulat ako ng sinulyapan niya ako tapos tumingin ulit kay Ashley. Bigla akong yumuko ng
tanggapin niya iyon ng nakangiti. Dati rati pag may nag aabot ng gift sa kanya hindi niya
tinatanggap kundi isa sa mga barkada niya ang tatanggap pero ngayon tinanggap niya ito ng
nakangiti pa. sakit sa bangs mga bhe! Nagseselos ako sa nginitian niya.
Pero wala naman akong dapat ikaselos kasi nga wala akong karapatan. isa lang kasi akong taga
hanga niya sa malayo. :3
Nag start na ang klase at tinuon ko na lang ang atensyon ko sa diskusyon ni Sir. Walanjo tong
mata ko bumabagsak. Gusto ng matulog. Hindi kasi ako nakatulog kagabi kakaisip kay Jungkook
eh. :3
“Hoy ate anong nangyayari sa’yo at kanina pa bagsak yang balikat mo at ang mukha parang
namatayan?” tanong ni Jackie sa akin. Nandito kami ngayon sa canteen nagmemeryenda.
“W-wala! Inaantok ako.” sabi ko. Totoo naman eh. Inaantok ako.
“Ay grabe ka naman! Ang aga mo nag good night sa akin kagabi. Alas siyete. Tapos sabi mo
inaantok ka?” nag pout siya.
“Porket nag good night na matutulog na agad? Sorry naman triny kong matulog kagabi pero
walanjo itong si Kookie di ako pinatulog!” pagmamaktol ko. Biglang nanlaki ang mata niya
“OMG! Don’t tell nag ano kayo? Waahhh! Malaki ba? Masakit ba? masarap ba?” utang na
labas na Jackie! Ano bang pag iisip ang meron ka?
Binatukan ko nga siya.
“Huta ka Jackie kung ano ano ang pinagiisip mo! Hindi niya ako pinatulog dahil lagi siyang
sumasagi sa isipan ko! Okay? Hindi yung nag ano na iniisip mo!” natawa lang siya sa mga
sinabi ko. Gaga talaga ito kahit kelan.
“Chillax ateng! Hahahaha! Ikaw naman kasi pwedeng pakiliwanagan!”
“Iba ka lang talaga mag isip! Manyak to!” diretso na sabi ko. Sa halip na mainis siya sa akin
dahil sinabihan ko siyang manyak. Tinawanan lang ako.
“Korek ka diyan bes! Manyak ako eh ano naman? Kay alien V lang ako nagpapakamanyak!
Mwahahaha—Aray!” sinapak ko na. bukod sa maingay siya, nababaliw na din siya.
Pinagtitinginan tuloy kami dito ng ibang estudyante.
“Jackie pwede ba? Ako ang natatakot sa’yo eh.” Sabi ko at tinusok yung fish ball sabay subo
“Sus parang dika na nasanay! Pati din naman ikaw eh! Byuntae ka din bhe! Wag ng mag
deny may nakita ako sa lappy mo noong isang araw. Aba ang daming nake---
“isa Jackie kung dika tumahimik jan itutusok ko itong stick na ito sa mata mo!” banta ko sa
kanya pero napatawa siya ng malakas.
“ANg pula na ng mukha bessy! Hahahahaa!” face palm! Nakakahiya po siya promise!
“Hi!” biglang may bumati. Tinignan ko si Jacke sa harap ko na nakatingin sa likuran ko na
laglag ang panga.
Nilingon ko kung sino iyon. Si V pala.
“H-hello.” Bati ko sa kanya.
“Pwede maki upo? Wala na kasing bakante eh?” ngumiti siya na parang nahihiya.
“S-sure!” wala sa sariling sagot ni Jackie. Tinignan ko siya na ngayon ay pinagpapantasyahan si
V.
“E-ehem!” tapos tinapik ko si Jackie sa balikat dahilan para magsing siya sa pagday dream.
Narinig kong napa chuckle si V.
“hehe. Bakit dimo kasama mga kaibigan mo? Si Jungkook?” tanong niya sabay sulyap sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin.
“Ah nasa dance studio sila nag pa’practice. Tumakas lang ako para mag meryenda.” Sabi
niya sabay kain.
“Ahh. Ganun ba? sasali kayo bukas sa dance competition?” tanong ko sa kanya.
“Oo kaya kami nagpa’practice ngayon. Panoorin niyo kami ha? I’cheer niyo din kami.” Sabi
niya. biglang pumalakpak si Jackie at nakangiti ng abot tenga.
“Sure! Ichi’cheer namin kayo with banner pa! OMG! I can’t wait! Goodluck! Emegeshhhh!!”
kinikilig na sabi niya.
“O-oyy V pagpasensyahan mo na itong bes pren ko ha? May sapak kasi siya kaya ganyan
siya.” Pagpaumanhin ko kay V kaagad akong nakatanggap ng batok kay Jackie.
“hahaha. Okay lang sanay na ako sa mga ganyan. Osige alis na ako. Salamat sa pagpapaupo
sa akin dito. Bukas ah? Asahan ko yung banner at yung presensya niyo doon. Bye.” Sabi niya.
“Goodluck!” pahabol ko. Ngumiti lang siya at tinanguan ako. hinarap ko si Jackie na
nangingisay na sa kilig.
“Bes niyaya niya tayong panoorin natin siya. Oh my god! Nai’inlove na ata sa akin si V. Lagi
tayong pinapansin!”
Pansin ko nga. Si V ang pinaka friendly sa kanila. Siya lang yung member ng Bangtan boys na
pumapansin sa akin at sa amin.
**
@SkoolLuvAffair Audi Gym
Ngayon na ang araw ng dance competition. May dala dalang banner itong si Jackie. Nakasuot pa
kami ng t-shirt nila. May tatak na malaking ARMY sa harap at maliit na B.T.S sa baba nito.
Nahiya tuloy ako kasi pinagtitinginan kami ng mga ibang estudyante.
Wala namang masama kung suportahan mo ang grupong gusto mo diba? Pero kasi ang sasama
ng tingin nila sa amin. Dahil na din sa paglapit lapit sa amin ni V.
Nagsimula na ang competition at pang number 3 sila. Yung unang grupo na Got7 ay magagaling
din sila. Ang cute ni Bambam. Ang Got7 ay nasa section IV-C grabe lang diko aakalaing ang
gugwapo at gagaling nilang kumanta at sumayaw. Sumunod naman ang VIXX ang gagaling din
nila promise. Ang astig nung kinanta at sinayaw nila. Yung title eh yung Vodoo Dolls? Grabe
nakakainlove si Leo! Siya na~
“Let’s clap for the contestant number 3 the Bangtan Sonyeondan! The stage is yours!” sigaw
nung emcee sa mic. Sobrang lakas ng tili ng crowd. Nakisali na din ako sa sigawan at hiyawan.
Pumwesto na sila. Tumingin sila sa crowd at ngumit. Si V naman may hinanap ang mata at ng
makita kami tinanguan niya kami at kumindat. Yung mga nasa tabi ko nangisay na sa kilig.
At ako? Kinilig din. Mwahaha. Sorry Kookie lalandi muna ako kay V. lels. Tinignan ko si
Jungkook. Ang sama ng tingin kay V. hala! Ano kaya nangayari sa kanya? Tinapik siya ni V sa
balikat niya pero hindi niya ito nginitian o ano man lang.
Nagstart na ang tugtog kakantahin nila ngayon yung sarili nilang kanta yung Boy In Luv. Grabe
ang astig ni Jimin! Yung abs! edi siya naaa~! Sana pati din si Jungkook! Pakers!
Ang hot ng nampyeon ko! Naku after ng performance nila kikidnappin ko talaga si Kookie
diretso kami sa simbahan at ikakasal na. Grabe ang hot niya sa black attire nila. Yung mata niya
na parang ang cold tumingin. At kung titigan ka man niya panigurado laglag panty hubad damit
ang lagay mo niyan.! XD
*sigaw* *talon* ganyan ang mga ibang kababaihang nababaliw sa BTS at kasama na din ako sa
kanila. Winagayway namin ni Jackie yung banner at talon ng talon ang bruha. Mahulog sana siya
sa upuan niya. Hahaha sama ko ba?
Ng matapos ang performance nila halos mabasag na ang eardrums ko sa pagkalakas lakas na
sigaw ng mga kababaihan at ako yung namula sa sinabi nila.
“Hutahamnida mo Rap Monster I LOVE YOU! SABOG NA SABOG NA ANG OVARIES
NAMIN!” halaaa sila! Paano kung marinig ng principal namin yun? Haayyy
“Gaahhh! Jungkook SAY WHAT I WANT? I WANT YOU INSIDE ME!! WAAHHHH!”
isang bakla ang sumigaw nun. Sobrang lakas ng tawa namin at siya naman tatalon talon pa na
sobrang proud sa sarili. Ay jusku day! anong nangyayari sa pagka mara clara ng mga kababaihan
at nagbabae-baehan?
Napatawa na lang ang bangtan sa mga inasal ng audience at nag wave sila bago makarating ng
backstage.
“Shet talaga bakla! Sobrang hot ni V. Ako din yung ovaries ko nag explode na!” ay tanginan
pati ito nakiki ganun na din?
“Ehh?” juthko!
Marami pa ang nagperform mga pito ata ang group na sumali. Ang dami palang aspring dancers
and singers sa school namin. May girls group pa na sumali ang A-Pink at Red Velvet. Ang ganda
ni Chorong sa A-pink. No wonder ang daming nagkakagusto at nanliligaw sa kanya. Si Seulgi
naman sa Red Velvet ay kamukha ni Sandara Park ng 2ne1 parang pinag mix na Chanyeol ng
EXO at Dara. Omg! Hindi po ako ChanDara shipper kasi isa akong DaraGon! Omegash! Haha.
Balik sa dati tayoo~
“The competition is finally over. What group do you think will win?” Tanong nung emcee.
Lumakas ang hiyawan at sigawan sa loob ng gym. May kanya kanyang cheer ang lahat.
“B.T.S! B.T.S! B.T.S! B.T.S!” cheer namin yan!. Sobrang lakas na akala mo nakalunok kami ng
microphone.
Ngumiti ang emcee ng inabot sa kanya ang card na naglalaman kung sino ang mga nanalo.
“So nasa akin na ang list of winners. Can I hear your chant to your favorite group!” sigaw ng
emcee sa mic. Napatakip tenga na lang ako dahil sa sobrang ingay na bumabalot sa gym.
‘Okay. Okay! Now relax. The 2nd
runner up goes to…….
“OMG!!!!! GO Bangtan Boys~~” sigaw ng crowd. Ang daming fans ng BTS dito sa school.
Grabe lang talaga.
“Goes to A-pink!” announce ng emcee. Pumalakpak at sigawan naman ang lahat. Pumunta sa
stage ang A-pink members upang tanggapin ang award. Nagtatalon din sila sa stage.
Nakakainggit sila dahil may talent sila. Ang gaganda pa nila. Haayy.
“What do you think is the 1st runner up?” tanong ng emcee. Kanya kanya ulit ng sigawan.
Nagdasal ako na sana manalo ang BTS.
“1st runner goes to Got7!” announce ng emcee. At ang mga fans ng got7 ayun talon talon. Ang
sasaya nila. Haalaaa. Dipa natatawag ang BTS.
“Bakla ako ang kinakabahan! Sana ang BTS ang champion jusku!” sabi ni Jackie.
Hinawakan niya kamay ko.
‘And the champion is….”
“Goooo Red Velvet wohooo~ Ireneee!” sigaw ng mga kalalakihan.
Ang dami ding fanboys sa school namin. Grabehan lang.
“Bangtan Sonyeondan!” sigaw ng emcee sa mic.
Natigilan ako. nanalo ang BTS. Champion sila. Winner ang grupo ni Kookie koo.
“Waahhhh Jackie nanalo ang Bangtan! Kyaahhhh!” nagtatalon na din ako dito pati ang ilang
fans ng BTS talon ng talon at sigaw ng sigaw.
Umakyat na sa stage ang BTS upang kuhain ang prize. Grabe ang saya lang. makita mong
nakangiti at tumatanggap ng award yung crush mong grupo ay napapaiyak ka nalang.
**
“Kristeennn!” may tumawag sa pangalan ko.
Tapos na ang activity sa school at naglalakad na ako pauwi ng bahay namin. Nilingon ko yung
tumawag sa akin. May nakahinto sasakyan sa likuran ko at nakadunga sa bintana si V
“Halika sakay na!” sigaw niya. Nagulat ako. Niyaya niya akong sumakay sa kotse nila?
Nanatili lang akong nakatayo doon. Nagulat ako ng bumaba siya sa sasakyan at lumapit sa akin
tapos hinila ako at tinulak papasok sa loob ng sasakyan. Nagulat pa ako kasi pinagitnaan nila ako
ni Jungkook.
Shit! Katabi ko si Jungkook! Waahhh! Ansabe ng lola niyo? Waahhh! Pwede na akong mamatay.
Grabe kinikilig ako. tagos hanggang large intertines. Yung mga paru paru sa tiyan mukhang
nagkakabanggaan na sa paglipad dahil sa sobrang kilig.
“Oyy Jungkookie! Wag mo namang itapat yang aircon sa’yo. Pinagpapawisan si Kristen
naiinitan na ata.” Sabi ni V. bigla akong namula.
Hala pinagpapawisan ba ako? Waahhh! Hutaaa! >3<
“H-ha? H-hindi ako n-naiinitan hehe.” Palusot ko. Gumalaw si Jungkook at inayos yung
aircon. At dahil magkatabi kami naamoy ko yung mabango niyang damit. Binabad kaya iyon sa
downy? Pwede sumayaw ng downy’s rubbadabango downy’s rubbadabango when you rub rub
rub ang damit bango bango bango—
“Masyado ba akong mabango?” bulong niya sa tenga ko na nagpagulat sa akin. Biglang
nagsitakbuhan ang mga kabayo sa dibdib ko at nagsiliparan ng matataas ang mga paru paru sa
tiyan ko.
Nakiliti ako sa pagbulong niya sa may tenga ko. Narinig ko yung pag ngise niya. waahhh!
Pahalata ka masyado Kristen! Gaga ka! Waahhh!
Itatala ko ito sa history. Nagsalita si Jungkook. Bumulong siya sa tenga ko. Ang lapit niya sa
akin! Waahhhh! Yung ovaries ko sumabog na! XD :3
--
C h a p t e r – T h r e e
“Hoy! Kanina ka pa tulala jan?” pukaw ni mama sa akin.
Agad naman akong umayos ng upo. At nag umpisang sumubo.
“Anak sabihin mo nga sa akin. Inlove ka ba?” tanong ni Mama bigla akong nasamid.
Inabutan niya ako ng tubig at pinat ako sa likod ko.
“Haayyy. Sabi na eh. Kaya pala lagi kang lutang.” Sabi niya sabay ngiti ng malawak sa akin.
Bigla akong namula kasi naman ehhh~!
“Porket laging lutang inlove agad, Ma? Diba pwedeng inaantok muna?” pamimiliosopo ko.
Binatukan naman ako ni Mama.
“Sus utot mo! Eh bakit ka namumula jan?” tanong ni mama tapos nakangise pa.
“Mainit kasi.” Palusot ko.
“Haayyy! Anak kita kabisado na kita Kristen. Wag ka ng mag sinungaling. Sino itong malas
na lalaki?”
“Mama naman! Malas talaga?” *pout*
“Crush lang po meron ako. Hindi inlove no!” weh? Crush nga lang ba?
“Oo dapat crush lang muna. Bata ka pa. At kung ma in love ka man anak, hwag mong ibigay
lahat ha? Magtira ka ng kaunti para sa sarili mo. Para pag sinaktan ka niya hindi ka
masasaktan ng sobra. Masakit magmahal ng sobra anak.” Payo ni Mama sa akin.
“Weh?” ayan sumegway pa ako. nakatanggap tuloy ako ng batok sa nanay kong mahilig pumayo.
“Oh siya labas na ako. Naghihintay na yung mga pasyente ko. Bye!” paalam ni Mama. Isang
veterinarian ang Mama ko. At gusto niyang kumuha ako ng Vet pag college. Ayoko nga! Hate na
hate ko ang hayop. Super!
“Sige po Mama ingat.”
Kami na lang ni Mama ang natitira sa buhay. Si papa ayun nangabilang bahay.
Huwebes ngayon walang magawa. Wala kaming klase. Holiday eh. Hmm. Ano kaya pwedeng
gawin ngayon? Ma-text nga itong si Jackie.
To: Jackie
Hey jack! Mall tayo?
Send.
Bhhbb. Bbhhbb..
Sure. Punta na ako jan.
Ayos si bakla ah. Wala pang 5 minutes..
“KRISTEEENNNNN! ANDITO NA AKOOOO!” uso daw sumigaw eh may buzzer naman. Tch.
Bumaba na ako at pinagbuksan siya ng gate.
“Grabe akala ko may sunog. Uso mag buzzer bakla.” Bungad ko sa kanya.
“Tinetest ko lang boses ko bakla. May Mall show ako ngayon. Mwahahah.” /roll eyes/
Nababaliw na naman po siya! >_<
“Tara na nga bago pa nila sabihing may kabigan akong takas sa mental.” Hinila ko na siya
papunta sa labas at nag abang ng taxi.
“Hoy bakla grabe lang nakita kita kahapon hila hila ka ni V. Selos ako dun bakla. Inaagaw
mo na si V sa akin. Akala ko ba si Jungkook ang sa’yo?” *pout* /sobs/
Tinignan ko siya ng masama. Pinagsasabi nitong inaagaw ko si V? “Dimo ba nakita na si V ang
lumapit sa akin at tinulak papasok sa van? Kidnapper lang ang peg bakla. At alam mo ba!
Shet! Katabi ko sa loob si Jungkook! At ang bango niyaaa! Uwahh! Owemji! I kennot.” Oh
diba nahahawa na ako sa kalandian at kabaliwan ng bespren ko.
“Seryoso? As in magkatabi? As in magkalapit ang skin niyo? Waahhh! Hutamnida pakyo
anim napo’t anim! Bakit mo kasi ako iniwan sa school? Eh di sana sabay tayong dalawa na
nakarating sa heaven.” Pagmamaktol niya. napapatingin na sa amin si kuya driver.
“H-hoy! Anong heaven pinagsasabi mo jan? Bibig mo.” Ang ingay kasi tapos kung ano ano pa
pinagsasabi niya.
“Kasi naman ehh~ Waahhh sana mareach ko din ang heaven kasama si V.” binatukan ko na
tumingin sa amin si kuya driver at nakangise sa amin. Baka isipin niya isa kaming kaladkaring
babae eh at baka kung anong gawin sa amin.
Nagpapasalamat ako sa diyos at nakarating kami ng maayos sa Mall. At itong si Jackie kanina pa
talak ng talak.
“Hoy Kristen nakikinig ka ba?” sabi niya. nagulat ako sa biglang pagsigaw niya kaya
pinanlakihan ko siya ng masama.
“Pakyo! Kanina pa ako salita ng salita dito kung saan saan lumilipad yang isip mo. Earth to
bakla. Earth!” sabay wagayway ng kamay niya sa harapan ko.
Pinigilan ko naman yung kamay niya. “Ay hindi EXO planet to. Exo planet! Tss.”
pamimilosopo ko. Inirapan lang ako. bigla siyang napatigil sa paglalakad na para bang may
nakitang multo.
“Oh tulala ka jan---
“Bakla andito si V!!!” /hampas/ /sabunot/ /hila tshirt ko/
“Gaga oo nakikita ko. Kaya pwede pakitigilan ako? May balak ka bang sirain ang damit ko?”
agad naman niya akong binitawan. Grabe kiligin itong si Jackie. May hampas, sabunot hila pang
nalalaman.
Bigla niya akong hinigpitan ng hawak ng makita kami ni V at kawayan kami tapos naglakad sa
way namin sumunod naman ang mga barkada niya. Ngumiti ako sa kanya.
“Hi.” Nakangiting bati niya.
“H-hi V!” kinikilig ang lola niyo sa tabi ko
“Hello girls.” Bati sa amin ni RapMon.
“Hi.” Bati ko. Binati din kami ng iba nilang kaibigan.
**
“Transferee ba kayo? Bakit parang hindi namin kayo nakikita sa school?” tanong ni Suga sa
amin. Ahy? Ganun na ba kami ka invicible sa kanila?
“H-hindi ah. Since first year estudyante na kami sa Skul Luv Affair.” Sagot ni Jackie.
Nandito kami ngayon sa Shabu-Shabu. Kumakain malamang. Huehue.
“Classmates pa nga tayo eh.” Sabi ni V.
“Weh? Hehe pasensya hindi kasi ako mahlig tumingin tingin sa mga nasa paligid ko eh.”
Paumanhin ni Suga.
“Hehe okay lang.”
“Ang tagal naman ni Jungkook. Baka nilamon na ng bath thub?” sabi ni Jimin tapos tumawa
sila. Ako naman tahimik lang
“Ay nag text siya di daw siya makakapunta.” Nag pout si Jhope pagkatapos basahin yung text.
“ha? Baka may sakit ang bunso natin. Tara na uwi na tayo.” Sabi ni Jin sa kanila. Agad
naman silang nag panic.
“Hala baka nga! Ahm Kristen, Jackie una na kami ah? Si Jungkook kasi baka may sakit.”
Paalam ni rapmon.
“O-okay lang.” sabi ko naman,
“Hyung, maiwan muna ako. May sasabihin lang ako kay Kristen.” Paalam ni V. napatingin
ako kay V. ano kaya yung sasabihin niya. Hala.
“Sige. Uwi ka din after nito ah?” sabi nila. Tumango naman si V.
Ng maka alis na sila nag clear throat si V. tinignan ko si Jackie na titig na titig kay V.
‘A-ahm a-ano yung s-sasabihin mo V?” tanong ko sa kanya. Kinakabahan ako. baka kasi may
ano eh. May kasalanan ako. o baka naman nahahalata niyang may gusto ako kay Jungkook?
“A-ano kasi… Hmm. P-pwede b-bang.. Sht! Ah ano… Hm pwedebakitangligawan?” sabi niya.
ha ano daw?
“ha? Diko naintindihan. Paki slow down.” Sabi ko naman. Tinignan ko si Jackie parang wala
sa mundo titig na titig kay V na naglalaway. Shit naman! Nakakahiya itong kaibigan ko.
Napakamot siya sa ulo.
“S-sabi ko. Pu-we-de ba ki-tang li-ga-wan?” ayan na slow motion na.
Pwede daw ba niya akong ligawan.. oo lig---
“LIGAW? Ah hehe s-sorry.” Napasigaw tuloy ako kaya napatingin sa amin ang mga tao doon.
Ang bes pren ko naman nahulog sa upuan niya.
“Hoy! Ano yun? Naligaw sino? Sino?” nasapo ko noo ko. Napunta ata sa outer space itong bes
pren ko eh.
Tinignan ko si V na namumula. Shet! Ang cute niya mamula. Pero hanu daw? Liligawan? Ako?
weh? Di nga? Seryoso?
“E-eh V.. S-seryoso ka? A-ako? L-ligawan mo?” nahihiyang tanong ko. Napasinghap yung
katabi ko. Tinignan ko siya at parang nanlumo ako sa nakita ko. Nasasaktan ang bes pren ko.
Sht! Ano ba itong gagawin ko? Ayokong saktan ang bespren ko and at the same time ayokong
ding mapahiya si V? Lord! Ano pong gagawin ko?
“O-okay lang kung a-ayaw mo Kristen. P-pero kahit na ayaw mo. Liligawan pa rin kita.
Gusto kita. Hindi lang ata gusto eh. Mahal na ata?” Sabi pa niya. narinig kong suminghap si
Jackie. Agad agad mahal agad? Masyadong malandi tiong alien na ito. Huehue -3-
‘A-ahm V pagisipan ko muna. A-ano k-kelangan na naming umalis. Bigla akong
nakaramdama ng tawag ng kalikasan eh. Sige bye. Ingat sa pag uwi.” Kinawayan ko siya
habang palabas kami ng restaurant at hila hila si Jackie palabas.
“J-jackie…” umpisa ko. Ang tahimik niya kasi eh. Hinawakan ko yung dalawang kamay niya at
tinignan siya.
“He-he Ano ka ba Kristen pagkakataon mo na iyon. Liligawan ka ng isang Kim Taehyung! K-
kung iniisip mo ang mararamdaman ko. Wag kang mag aalala magiging o-okay lang ako.
Susuportahan ko ang bes pren ko.” Alam kong may pait siyang nararamdaman. Umiling ako.
“S-sorry. H-hindi ko naman alam na may g-gusto siya sa akin J-jackie. Pero alam mo naman
kung sino ang gusto ko hindi ba?” tanong ko sa kanya.
“ha-ha-ha! Ganun ba talaga sa love? Yung gusto mo ayaw sa iyo at sa iba nagkakagusto? Si
V gusto ko pero ikaw ang gusto pero ikaw kay Jungkook. Nakakatawa ano?” she laughed
bitterly. Pinunasan niya yung luhang lumandas sa pisngi niya.
“Gusto ka ni V, Kristen. Mahal ka na nga daw niya diba? Alam kung wala kang balak saktan
siya. Wala kang balak na paasahin siya. At hindi rin ako yung tipo ng bes pren na sasabihing
tatalikuran kita once na agawin mo si V sa akin. Pero sana Kristen, sabihin mo kay V yung
totoo. Sabihin mong iba ang gusto mo. Ayoko kasing makitang nasasaktan siya. Oo
masasaktan siya pag nabasted siya pero mas masakit ang umasa, bes pren.” Mahabang sabi
niya.
Natahimik ako. pero kasi nahihiya ako na mam basted. Lalo na sa isang Kim Taehyung. Anong
karapatan ko na mambasted sa isang mabait, gwapo at talentadong tao? At natatakot ako na
masaktan siya. Hindi ko gusto ang manakit ng tao. Lalo na ang damdamin. Aish! Ano bang dapat
kung gawin?
**
Tahimik ako hanggang makarating kami sa bahay. Sana dina lang ako lumabas. Sana nagkulong
na lang ako. wahhh~
Bakit kasi si V pa? bakit hindi na lang si Jungkook? Kung si Jungkook yun aba sinagot ko na
agad agad diretso kama na din! Wahaha! JOKE xD! Pero kasi… mabait si V hindi siya snob
kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ayaoko siyang saktan. Pero diba mas masasaktan
siya kung papaasahin ko siya? Aish! Naman eh! Haba ng hair ko! Pwede pakiputulan? Baka
matalbugan ko si Rapunzel nito! :3
Taehyung’s POV:
Sa wakas nasabi ko na din. Matagal ko ng napapansin si Kristen. Tahimik lang siya di kagaya ng
bespren niya na maingay pero kahit ganun ang cute nilang tignan. Ang enjoy nilang kasama. Nag
ipon ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya na gusto ko siya na gusto ko siyang ligawan.
Pero parang ayaw niya eh. Ah kahit na ayaw niya liligawan ko siya. Hindi ko na mapigilan yung
sarili ko eh.
Nag excuse na silang lumabas at hinila si Jackie palabas ng restaurant. Agad akong sumunod sa
kanila at nakita kong naiiyak si Jackie. B-bakit? M-may problema ba sila?
Lalapit sana ako kaso nagsalita si Kristen “J-jackie…” pero tahimik lang bes pren niya. tinignan
ko silang dalawa. Hinawakan niya yung dalawang kamay ni Jackie at tinignan siya.
“He-he Ano ka ba Kristen pagkakataon mo na iyon. Liligawan ka ng isang Kim Taehyung! K-
kung iniisip mo ang mararamdaman ko. Wag kang mag aalala magiging o-okay lang ako.
Susuportahan ko ang bes pren ko.” Sabi niya. T-teka don’t tell me may gusto sa akin si Jackie?
“S-sorry. H-hindi ko naman alam na may g-gusto siya sa akin J-jackie. Pero alam mo naman
kung sino ang gusto ko hindi ba?” bigla akong nalumo. May ibang gusto si Kristen? Kaya ba
mukhang ayaw niya kanina na ligawan ko siya? Awts! Ang sakit naman dito… sa may bandang
dibdib ko.
“ha-ha-ha! Ganun ba talaga sa love? Yung gusto mo ayaw sa iyo at sa iba nagkakagusto? Si
V gusto ko pero ikaw ang gusto pero ikaw kay Jungkook. Nakakatawa ano?” tumawa si Jackie
at pinunasan yung luha sa pisngi niya.
S-si J-jungkook ang gusto ni Kristen? Sht! Bakit kay Jungkook pa? Tangina naman oh!
“Gusto ka ni V, Kristen. Mahal ka na nga daw niya diba? Alam kung wala kang balak saktan
siya. Wala kang balak na paasahin siya. At hindi rin ako yung tipo ng bes pren na sasabihing
tatalikuran kita once na agawin mo si V sa akin. Pero sana Kristen, sabihin mo kay V yung
totoo. Sabihin mong iba ang gusto mo. Ayoko kasing makitang nasasaktan siya. Oo
masasaktan siya pag nabasted siya pero mas masakit ang umasa, bes pren.” Mahabang sabi ni
Jackie.
Oo masakit malaman na may ibang gusto ang taong gusto mo pero mas masakit kung paasahin
ka niya. Pero ito ang tatandaan mo Kristen pag once na sinaktan ka ni Jungkook di ako
magdadalawang isip na kunin ka sa kanya.
Maghihintay ako. Magtitiis ako. Kakayanin ko ang sakit. Dahil mahal kita. TT___TT
--
C h a p t e r – F o u r
Kristen’s POV
Feeling ko para akong zombie ngayon. Bukod sa paglakad ko na parang zombie dumagdag pa
yung eye bags ko na mas malaki pa kaysa kay Exo-Tao at yun buhok ko na dinaanan ng bagyong
Yolanda. Geh. Wala akong pake alam. Bangag na bangag ako ngayon. Yumuko ako sa may desk
ko at pinikit ko yung mata ko. Halos mahulog ako sa upuan ko ng biglang may sumigaw ng
pangalan ko. Si Jackie na sobrang saya!
“Waahhhh! Anyare sa mukha mo Kristen? Ilang bundok ang dinaanan mo?” pang asar niya.
sinimangutan ko siya. Siya kaya ang isa sa dahilan kung bakit ako ganito ngayon.
Sinimangutan ko siya. “Huta ka! Di ako nakatulog kakaisip kung ano mangyayari ngayong
araw.” *pout*
“Hahaha. Masyado kang napressure sa drama ko bes pren? Hahaha. Ang galing ko talaga.
pang best actress na ako neto.! kekeke!” Ano daw? Umarte lang siya kahapon?
“Jackie Anne Roderick! Gusto mo na bang ma’meet si Lucifer ha? Gaga ka! Halos ako
maiyak na kahapon sa hitsura mo tapos joke lang lahat kahapon yung inasta mo?” galit na
sigaw ko sa kanya. Nagpeace sign lang siya sa akin mas lalong kinainit ng ulo ko. Nakakainis.
Napuyat ako sa kakaisip kung paano hindi magiging awkward ang atmosphere namin ngayong
nalaman niyang may gusto sa akin ang crush niya.
“hehehe. Duh bakla! Crush ko lang siya. At hanggang doon lang. kaya gora bakla!
Magpaligaw ka na sa kanya! Wala namang masama hindi ba? Pero kung wala kang balak na
sagutin siya wag na wag kang magpapaligaw kundi ililigaw kita.” Pagbabanta niya sa akin.
Ako naman ngumiti. Akala ko kasi magagalit siya sa akin kasi nagkagusto sa akin si V eh. :)
“Good Morning, Kristen. Hi Jackie.” Bati ng Bangtan sa amin pero si Jungkook tahimik lang.
ganun din si V.
“V…” tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. Naramdaman ko yung pagtitig ni Jungkook sa
likod ko.
“Pwede ba tayong mag usap mamaya? Break time?”
Tumango lang siya bilang sagot. Hala ang cold niya naman sa akin ngayon.
**
“T-taehyung… M-mabait ka. G-gwapo… talented… Maraming nagkakandarapa at
nagmamahal sa’yo. Pero sa tingin ko hindi ako yung karapat dapat na babae sa’yo. Gusto ko
ngang batukan yung sarili ko kasi ang isang tulad ko ay ang lakas ng loob na basted’in ang
isang V. Ang isang V na minamahal ng lahat.” Napayuko ako at kinagat yung ibabang labi ko.
Naramdaman kong lumapit siya sa akin at hinawakan yung magkabilang balikat ko.
Tinignan ko siya at hinuli niya yung tingin ko.
“A-ayos lang. Atleast nasabi ko yung totoong nararamdaman ko. Pero sana hayaan mo akong
mahalin ka sa malayo. Alam kong hindi ako ang gusto mo. At hinihiling ko na sana mapansin
ka ng taong yun. Dahil ang isang tulad mo ay karapat dapat na pansinin. Karapat dapat na
mahalin.” Malungkot na sabi niya. biglang may tumulong luha sa mga mata niya. agad ko iyon
pinunasan.
“V… S-sorry. S-sana nga… Sana nga mapansin na niya ako. Dahil sa tingin ko malabo ng
mangyari iyon. Hindi kasi ako kapansin pansin.” Malungkot na sabi ko. Nag simula na ding
magtuluhan ang mga luha ko. Agad ko iyon pinunasan.
“Shh. Ano hindi ka kapansin pansin? Kaya nga kita nagustuhan dahil kapansin pansin ka.
Bulag siguro siya.” Sabi niya. “Pero ito ang tatandaan mo Kristen. Kung hindi ka niya
pinahalagahan kukunin at kukunin kita sa kanya. Mahal kita.” Sabi niya habang umiiyak.
Halos manghina ang tuhod ko dahil sa boses niya na nanginginig.
“P-pwedeng payakap? Kahit sampung Segundo lang? Promise hindi lalagpas sa 10 seconds.”
Bulong niya. hindi na ako sumagot kusa ko na siyang niyakap. Salamat V dahil pinaramdam mo
sa akin na hindi ako invisible. Na kahit papaano may nakakapansin din pala ng existence ko.
“10… 9… 8… 7… 6…”
Nagbilang pa talaga siya. Mas lalo akong umiyak.
“5… 4… 3… 2… 1…” kumalas na siya sa yakap ko. Tumingin siya sa akin at pinunasan yung
luha ko sa may pisngi ko.
“Wag kang umiyak di bagay sa’yo. Mahapdi sa mata na nakikita kang umiiyak.” Sabi niya
tapos pinilit niyang ngumiti. Kaya pinilit ko ding ngumiti.
Lumabas na ako ng gym. Para akong nabunutan ng tinik sa ginawa ko. Grabe ang sama ko naba?
kasi hindi pa siya nag umpisang manligaw basted na agad siya? Pero diba mas maganda na yun?
Yung sabihin mo yung totoo kaysa naman magpa’asa ka
“Oh ano na kayo na?” bungad na tanong ni Jackie sa akin. Umiling ako.
Bigla niya akong sinapak. ‘Aray naman Jackie! Kasi… Kasi alam mo naman kung sino ang
gusto ko diba? Kaya sinabi ko sa kanya na hindi ako yung taong karapat dapat sa kanya. Eh
kaysa naman na paasahin ko yung tao. Gaya ng sabi mo kung wala akong balak na sagutin
siya wag na akong magpaligaw.” Sabi ko naman tapos humingan malalim.
“haayyy. Relief ako dun! Akala ko aagawin mo na talaga si V sa akin. Hahaha” sinamaan ko
siya ng tingin.
“Hoy Kristen! How dare you para basted’in si V ha? Sino ka ba sa akala mo? Ang kapal ng
mukha mong paiyakin ang Taehyung namin!” sigaw ni Nicole sa akin. Napatayo ako dahil
hindi naman magandang tignan na naka upo ako habang siya nakatayo aba--- gusto niya ng
WWIII? I’ll give her that.
“Anong pinagsasabi mo? Hindi ko pinaiyak si V. Wala kang alam kaya wag kang magsasalita
jan!” sabi ko sa kanya.
“walang alam? Gusto mo iparinig ko yung record kanina sa Gym? Ang kapal mo din para
yakapin siya matapos mo siyang basted’in may gana ka pang landiin siya!!” sigaw niya sa
mukha ko. Hindi na ako nakatiis tinulak ko siya dahilan para mapaupo siya. Naramdaman ko
yung kamay ni Jackie sa braso ko pero inalis ko yun.
“wala kang karapatan na sabihang malandi ako o nilalandi ko siya! Sino sa atin ang papalit
palit ng boyfriend ha? Sino sa atin ang nakikipag date sa isang 45 years old? Sino sa atin ang
nakikipaghalikan sa may boyfriend ng may boyfriend?” hindi na ako nakatiis nailabas ko na
ang baho niya.
Narinig ko yung bulungan ng mga estudyante. Siya naman nanlaki ang mata at laglag ang panga.
Inalalayan siya ng mga kaibigan niya para tumayo. Pinapalibutan na kami ng mga estudyante
“How dare you! Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo? Isang chismosa? Hahaha!
Chismosa na nga malandi pa! Siguro ganun ang nanay mo ano?” nagtagis ang bagang ko at
kumulo bigla ang dugo ko.
‘Putang ina mo! Wag na wag mong idadamay ang Mama ko dito! Wala kang alam sa amin!
Masyado kang pake alamera!” sinugod ko na siya at walang ngali ngaling sinabunutan at
pinaglalampaso ang mukha niya.
Ayaw na ayaw ko sa lahat ay ang dinadamay ang mama ko dito. Mabait ang mama ko. Kaya
wala siyang karapatan sabihan na tinuruan niya akong maging isang chismosa at malandi.
“O-ouch! H-heyy! B-bitawan mo ako!” halos magmakaawa na siya pati mga kaibigan niya,
nakakatanggap din ako ng kalmot sa mukha.
Napatingin ako sa direction kung nasaan nakatayo si Jungkook at pinapanood ako. napailing siya.
Bigla akong nanghina sa titig niya dahilan para mabitawan ko si Nicole at mabigyan siya ng
chance na sabunutan ako. Naramdaman ko na lang ang sakit ng ulo ko sa paghila niya sa buhok
ko. Shit!
“yan ang bagay sa’yong malandi ka! Piliin mo kasi ang lalandiin mo at kakalabanin mo okay?
Sa amin lang si V! Walang sa’yo! Isa kang hampas lupa na hindi nakakatawag pansin ang
mukha!” at isang malakas na paghila ang ginawa niya sa buhok ko. Napadaing ako sa sakit. No
Kristen don’t cry. Malakas ka!
“Bitawan mo siya.” May narinig akong nagsalita pero hindi na ako naglakas loob para tignan ito.
Dahil sa boses pa lang alam ko sino iyon.
Narinig ko yung pagsinghap nila ng buhatin niya ako na para bang isang sako ng bigas.
Bigla niya akong hiniga sa isang kama. “Nurse nakipagsabunutan. Paki gamot mga sugat niya.”
sabi niya sa nurse. Agad naman akong inasikaso nung nurse.
“A-ouch!” daing ko ng dumampi ang panggamot sa sugat sa sugat ko
“Haayy. Kayo talagang mga kabataan ngayon.” Napapailing na sabi ng nurse.
“Ipahinga mo muna yang ulo mo. Naku mamaya mararamdaman mo na yung sakit ng ulo
mo.” Sabi niya. Sinunod ko naman siya agad kong pinikit yung mata ko.
Bakit ba kelangan kong makipagsabunutan? Tch! Sa isang pagsabi ng malandi sa akin nauwi ako
sa ganito. Eh totoo naman eh! Wala akong karapatan na basted’in si V pero anong gawin ko?
Magpaligaw? Baka mas lalong magalit sila sa akin pag ganun!
**
“Mabuti naman at nagising ka na! Akala ko balak mo ng matulog dito.” Muntikan na akong
mahulog sa kama ng marinig ko ang boses niya sa tabi ko.
Umupo ako at napahawak agad ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng sobrang sakit ng ulo ko na
feeling ko malalagas na ang buhok ko.
“Tss.” suplado talaga kahit kelan.
Tumayo na ako at kinuha yung bag ko na nakapatong sa upuan. Lalabas na sana ako kaso bigla
niya akong hinawakan sa braso.
“B-bakit? A-ano… S-sorry. T-thank you pala.” Mahinang sabi ko. Nakalimutan kong mag
thank you eh.
“Bakit kelangan mo silang patulan?” tanong niya. tinignan ko siya na nagtataka.
Kinakausap niya ako? Shet! Kinakausap niya ako! O___O
“Kung ikaw masabihan ng malandi, okay lang sa’yo? Syempre okay lang kasi lalaki ka. Pero
kasi Jungkook babae ako. Pinaparatangan akong malandi! Sinabihang tinuruan ako ng
mama ko na maging chismosa at malandi! Ayaw na ayaw ko salahat ay yung dinadamay ang
Mama ko.” Sabi ko.
Natigilan naman sya at tinignan lang ako. yung titig niya napara bang hinuhukay ang kalamnan
ko.
“Bakit mo kasi … b-binasted si V?” nag iwas siiya ng tingin.
Sasabihin ko ba sa kanya? Tang ina Jungkook ikaw ang dahilan kung bakit ko siya binasted!
“W-wala ka nadun. Sige aalis na ako.” paalam ko at tinalikuran ko na siya.
“Tandaan mo kaibigan ko ang sinaktan mo.” Sabi niya. huminto ako. oo kabigan ko ang
nasaktan ko dahil sa’yo
“Hindi ko intensyong saktan siya. Mas maaga ng sabihin ko sa kanya ang totoo sa maaga
kaysa sa umasa siya sa wala.” hinarap ko siya.
Hindi niya ako sinagot kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad. Putang ina naman Jungkook!
Hindi ka talaga marunong makiramdam! Manhid!
Pagkarating ko sa bahay agad akong humiga sa kama ko. Feeling exhausted ang peg ko! Grabe
ang daming nagyari ngayong araw na ito. At yung ulo ko ganun pa rin feeling ko matatanggal na
yung buhok ko.
Napansin nga ako ni Jungkook doon pa sa pakikipagsabunutan ko. Nakaka turn off ano?
T_T
--
C h a p t e r – F i v e
Maaga akong gumising dahil naramdaman ko ang sakit ng ulo ko. Agad akong bumangon at
nagtungo’ng c.r para maligo na. takot na takot pa akong suklayan ang buhok ko. Jusko naman
feeling ko matatanggal talaga ang mga buhok ko eh.
“Haayyy. Kelangan ba talagang pumasok ngayon” tanong ko sa sarili ko.
February na at kelangan naming pumasok para sa practice namin sa J.S Prom. Putakte naman eh!
Sino kaya magiging date ko? Pwedeng wag na lang pumasok? Tch.
“K-kristen…” bungad sa akin ni Jackie. Pinilit kong ngumiti.
“May date ka na sa prom mamayang gabi?” tanong niya sa akin. Umiling ako. wala pang nag
ask sa akin. Hindi nga ako kapansin pansin. Baka hindi na din ako yayain ni V. Duh? Binasted
ko na kaya hindi na niya ako yayayain. Sana naman makaramdam si Jungkook! Omg!
“i-ikaw? M-may date ka na?” tanong ko. Tumango siya ng marahan. Pero nakasimangot.
“Oh eh bakit ka nakasimangot? Siguro pangit yung nag ask sa’yo? Hahaha. Bes pren naman
last JS na natin ito. Bakit pangit pa yung biningwit mo?” tawang tawa ako. sinapak lang niya
ako.
“sorry Kristen.” Tapos lumabas na siya ng classroom. Anyare doon?
Sinundan ko lang siya ng tingin. Nahinto siya ng magkasalubong sila ni Jungkook.
Nagkatinginan sila tapos tumakbo na siya ng tuluyan palabas ng classroom. Huh? Anong meron?
“May partner ka na sa Prom Kristen?” tanong sa akin ni JB. Umiling ako. Si JB ka schoolmate
ko siya member siya ng Got7. Medyo playboy .
“So will you be my date tonight?” yaya niya. papayag ba ako? Eh paano na si Jungkook? Gusto
ko siyang maging partner! Pero baka may partner na siya. Tumango ako sa kanya.
“alright! Susunduin na lang kita mamaya.” Masayang sabi niya. nginitian ko na lang siya.
Nakakainis naman kasi eh. Nag expect ako na siya ang magiging Prom date ko!
**
“Ang ganda talaga ng anak ko.” Sabi ni Mama. Tuwang tuwa siya kasi siya lang nag ayos sa
akin.
Nakasuot ako ng light pink na cocktail dress hanggang taas tuhod. Yung malambot yung tela
niya. tapos naka heels ako ng kulay pink din na 3 inches. Yung buhok ko kulot sa baba nilagyan
niya din ako ng floral crown. Yung make up ko light lang. pero may nagiba naman sa hitsura ko
kahit papaano.
“O anjan na pala ang date mo. Hijo take care of my daughter ha?”sabi ni Mama kay JB. Ang
gwapo niya. yun nga lang babaero. Bakit ko nga ba siya naging partner ngayong gabi? New
target ba niya ako?
“Don’t worry tita. Iuuwi ko siya dito, safe and sound.” Sabi niya.
Ngumiti lang si Mama. Nagpaalam na kami at lumabas na ng bahay.
“You look stunning tonight.” Sabi niya. agad namang namula ang pisngi ko.
“T-thank you.”
Tahimik lang kami sa biyahe. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. May iba akong nararamdaman
ngayong gabi. Parang may mali. Hindi ko lang alam kong ano iyon.
Ng makarating na kami sa school. Rinig ko na ang maingay na sound system. Pero mas maingay
yung tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari sa akin?
“Hey relax lang! di kita gagawan ng masama! Haha.” Nag fake smile ako sa kanya.
Inalalayan niya ako habang naglalakad kami papasok. At halos lahat ng mata ay nakatuon sa
amin. Maraming namangha sa ganda ko. Sabi na sa inyo eh maganda ako. haha taas ng
confidence ate? :D
Ng makarating na kami sa loob ng gym halos masilaw ako sa ilaw. Ang lakas pa ng togtog.
Umupo na muna kami sa upuan. Tahimik lang ako.
“Water? Juice? Ano gusto mo? Kukuha ako?” tanong ni JB.
“Kahit na ano.” Sabi ko naman.
Umalis na siya sa harapan ko agad ko namang nilabas yung cellphone ko para idial ang number
ni Jackie. Pero ang gaga pinatayan lang ako. hala. Bakit? Bakit niya ako pinatayan ng phone?
Bigla akong nanlumo. Galit ba siya sa akin dahil binasted ko si V? Ay asan pala ang Bangtan
Boys? Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko sila sa may bandang kanan kasama ang date nila.
Wala pa sina Jungkook at V doon. Si V hindi niya din ako niyaya.. ang sakit lang.
Dumating na si JB may dala dala ang iced tea. Binigay niya sa akin yung isang baso at umupo sa
tabi ko. “Thanks.” Sabi ko. Nginitian lang niya ako.
Humarap na ako sa stage ng may nagsalita. Nag welcome address lang yung President ng school
at inumpisahan na ang program.
“Will you be my first dance?” bigla siyang tumayo at nilahad ang kamay niya. tinignan ko iyon.
Yung pinapangarap ko din na maging first dance si Jungkook hindi na matutupad. Tumingin ako
sa paligid para hanapin siya pero wala… kinuha ko na ang kamay niya. papunta na kaming dance
floor ng namatay ang ilaw biglang umilaw yung spotlight at tinapat sa may entrance. Inilawan
nun sina Jungkook at…
.
.
.
.
Jackie… Partner ni Jackie si Jungkook. Ang best friend ko Prom Date niya si Jungkook. May
grand entrance pa sila. Ang sakit sakit sa may bandang dibdib ko. Seeing your best friend with
your dream man. Yung mga pangarap ko noon si Jackie ang nakatupad nun.
Tumingin sa gawi ko si Jackie. Tinignan niya ako na humihingi ng sorry. Putang ina! Bakit ako
nasasaktan ng ganito? Dapat maging masaya ako kung ang best friend ko ang magustuhan niya
dahil wala naman akong karapatan na magalit at magselos.
Binitawan ko yung pagkakahawak kamay namin ni JB at tumakbo ako palabas ng gym papunta
sa mas tahimik na lugar narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi na ako nag abalang
lumingon pa. masyado akong nasasaktan sa nakita ko. Ayaw mag sink in sa utak ko iyon.
Dinala ako ng paa ko dito sa garden. Tahimik. Malayo sa ingay. Huminga ako ng malalim at
pinunasan yung luhang sumira sa make up ko. Kanina ang ganda ganda ko tapos sa isang iyak
nabura yung ganda ko.
“K-kristen…” may narinig akong nagsalita sa likuran ko.
Nilingon ko siya.
“A-ano… S-sorry Jackie… Mukhang nasira ko pa ata ang grand entrance niyo.” Naiiyak na
sabi ko. Hahawakan sana niya ako pero lumayo ako sa kanya na kinagulat niya.
“J-jackie… Sorry pero hindi ako kagaya mo na kayang tanggapin ang lahat. Kung noon na
gusto akong ligawan ni V ay kaya mong maging masaya para sa amin, ako hindi ko kayang
maging masaya na makitang kayo ni Jungkook. Selfish na kung selfish pero ako dapat yun eh.
Ako dapat ang partner niya sa prom! Dapat ako yung kasama niya sa grand entrance hindi
ikaw!” sigaw ko at talagang pumiyok ako. tangina naman! Sabog na sabog na ang feels ko.
Masyado ng masakit at hindi ko na kaya.
“S-sorry Kristen..N-nagulat nga ako kung bakit niya ako nilapitan at biglang niyaya na
maging date niya sa prom. Gusto kung tumanggi pero natakot ako. natakot ako na mangyari
sa akin yung nangyari sa’yo.” Napailing na lang ako.
“Buti ka pa Jackie. Effortless. Kahit hindi ka sa kanya nagpapansin, napansin ka pa rin niya.
pero ako? Ako na matagal ng may gusto sa kanya. Hinding hindi niya kailanman
mapapansin.”
Putanginang puso ito. Basag na basag. At putanginang mata ito di magtigil sa pagbuhos ng luha.
Naramdaman kong may pumatak na tubig sa may balikat ko. Napatingin ako sa taas. Mukhang
makikisabay pa ata ang panahon sa pagda drama ko
“Sana Kristen hindi ito ang sisira sa friendship natin. Malay mo after nito hindi na niya ako
pansinin hindi ba? Tara na sa loob uulan na ata.” Sabi niya.
“Ikaw na lang ang papasok. Uuwi na ako.” sabi ko at tumalikod na.
“Kristen…” tawag niya sa akin pero patuloy lang ako sa paglalakad.
“Jackie!! UUlan na tara na sa loob.” Natigil ako sa paglalakad ng marinig ko yung boses niya
na tinawag ang best friend ko.
“P-pero si Kris—
“tara na.” narinig kong hinila niya sa Jackie paalis sa lugar na iyon.
Hindi man lang siya nag atubuling hilahin din ako. nilingon ko sila at mas lalo akong napaiyak sa
kadahilanang hindi na nga niya ako napapansin wala pa siyang pake alam sa akin kahit bilang tao
man lang. nakita naman niya siguro ako kanina na nakatayo dito diba? Pero bakit kahit simpleng
ikaw jan? Dika papasok? Uulan oh. Wala akong narinig galing sa kanya. Hahaha. Nakakatawa.
Sino ba kasi ako para pansinin at pag aksayahan niya ng panahon para kausapin? Yung kahapon
kilig na kilig ako dahil niligtas niya ako kina Nicole pero ngayon durog na durog na ang puso ko
dahil sa ginagawa niya.
Gago ka Jungkook! Sana… sana hindi na lang kita nakilala. Sana hindi na lang ikaw yung
nagustuhan ko… Sana hindi na lang ikaw yung minahal ko! Sana si V na lang! o kaya sa iba na
lang! Sana~!!!
--
C h a p t e r – S i x
“Anak may bisita ka~~!” sigaw ni Mama sa baba kaya dali dali akong bumaba. Muntikan na din
akong mahulog sa hagdan dahil nagulat ako sa nakita ko. Bakit andito si Jungkook? Yayayain na
ba niya ako bilang Prom date niya? Kyaahhh! ^///^ Emergesh :’’’>
“H-hi! A-anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya.
“Don’t tell me nakalimutan mo? Tutor kita. Malapit na ang final exam.” mataray na sabi niya.
ayy oo nga pala. Siya pala yung tuturuan ko. Waahhh! Ibig sabihin ba nito ay makakasama ko
siya at makakausap ko siya ng matagal? Kyaahhh! HEAVEN na ituuu! XD
Nagstart na ang lesson namin. Andito kami sa sala dahil bawal sa kwarto baka ma rape ko itong
si Jungkook. Myehehe XD
“Gets mo na?” tanong ko. Pati ako nahilo sa Math! Hindi naman ako top sa school pero dahil sa
classmate ko siya at isa ako sa mga naeexcel sa klase eh ayun inutusan ako ng mabait naming
titser! :D
“Oo. Sige alis na ako. Salamat.” Paalam niya. teka may physics pa ah! Ang bilis naman ata
nyang umuwi?
“T-teka uuwi ka na?” tanong ko. Natigil naman siya tsaka ako tinignan ng nakakaloko. “I… I
mean dipa tayo tapos sa Physics?” nahihiyang sabi ko. Para naman kasing ayoko pa siyang
umuwi. Eh totoo naman ej. Pwedeng dito na lang siya sa bahay namin tumira??? :3
“May date ako.” sabi niya tsaka lumabas na ng bahay.
May date siya. May date siya. May ka date sya? Waahhh! Sino yung malas na babae na iyon at
kakalbuhin ko na siya ngayon din? Teka asan yung ballpen ko sasaksakin ko siya ng ballpen.
Ipapakain ko siya sa mga pating! Nakakainis! Panira yung kadate niya! >_______<
**
Lumabas ako ng bahay dahil bored na bored ako. Matambay nga sa park. Bumili muna ako ng
ice cream bago ako nagtungo’ng park. Umupo ako sa may bench doon habang kumakain ng ice
cream.
“Oyy strawberry?” tanong ni…
‘Waahhh! Taehyung!! Buti naman balak mo na akong kausapin at pansinin! Kainis ka!”
maktol ko. Napatingin ako sa natapon kong ice cream.
“Hala ka! Dahil sayo natapon ice cream ko /le sobs/” yung ice cream ko natapon. Favorite ko
pa man din ang strawberry! T n T
“O-oyy! Sorry naman! Sino ba sa atin ang naexcite na makita ako? Haha. Alam mo naman
I’m in the process of moving on.” Sabay ngiti. Umupo siya sa tabi ko at bumuntong hininga.
“Uso sa’yo mag move on?” di makapaniwalang sagot ko.
“Aba syempre tao din naman ako! kelangan mag move on para magpatuloy ang buhay at
para maging masaya.”
“Akala ko alien ka! Hahaha. Joke peace!” V^___^V
“Ito talaga! mukha na ba akong alien?” *pout*
“Gwapong alien---oppsss!” napatakip ako sa bibig ko. Napatingin ako sakanya na ang lawak ng
ngiti.
“Gwapo pala ako pero bakit ayaw mo sa akin? Diba talaga pwede? Siya ba talaga ang gusto
mo?” tanong niya. ako naman yung nag pout.
“V naman eh! Gwapo ka kaya dika bagay sa akin. Pero mas gwapo siya at bagay siya sa akin
dahil mas maganda ako! mwahaha-aray naman!” batukan ba naman ako! abaa~!
Nagkwentuhan lang kami ni V. tinanong niya ako kung may partner na ako sa prom pero sinabi
kong wala. sayang nga daw at di siya aattend dahil may pupuntahan daw siya sa gabi ng prom.
Kung aattend lang daw siya baka niyaya na niya ako. Awtsuu~! Last prom na nga dipa siya
makaka attend.
After naming magkwentuhan syempre umuwi na ako gabi na din at baka nagaalala na ang
mudrang ko.
**
Grabe lang! inhale exhale! Kasi naman pagpasok ko sa school may babaeng humaharana sa
bangtan boys. Ang kapal ng mukha ni ate. Pero impernes maganda ang boses at yung mukha sige
sa boses na lang tayo maganda talaga yung boses XD
“Jungkook matagal na kitang gusto. Pwede bang ikaw ang date ko sa Prom?” shemays naman!
Nakalaklak ba si ate ng confidence? Sobrang taas at rami ng confidence niya. Sobra. Ako yung
nahihiya sa pinaggagawa niya eh.
Kababaeng tao, haharana tapos siya pa magyayaya sa prom date? Dina talaga uso ang mara clara
sa panahon ngayon. Dahil pati ako wala na si mara clara sa akin. Waahhh! T^T
“Sorry I already have a date.” Malamig na sabi ni Jungkook sabay yuko sa armchair.
“G-ganun ba? I-ikaw RapMon?” ngumiti pa si Ateh kay Rapmon..
“Me too, meron na din.” RapMon
Tumingin si ate kina Jhope tapos nagulat sina Jhope dahil pati sila yayayain niya. aba akala ko ba
si Jungkook ang gusto? Eh bakit parang buong bangtan boys gusto niyang idate? >___<
“Ahehe kami din. Pasensya na ha?” sabay sabay na sabi nina Jhope, Jimin at Suga. Sina V at
Jin na lang. ay si V hindi pala aattend sa Prom. Tinignan ko si Jin. Ngumit siya. Biglang
nagtilian yung girls.
“Ako din eh. Late ka naman kasing nangharana.” Ouch ate better luck next time. Try mo
magpabelo ha? Waahhh! Hard na ba ako masyado? :3 /le Chichay soorryyy pooo/
“I’m not going to the Prom, sorry mis.” Sabi naman ni V. malungkot na umalis si ate sa upuan
ko.
Kaya ako naman agad na umupo doon. Nginitian naman ako ni V kaya ngumiti din ako sa kanya.
May recitation kami ngayon. Sana naman makasagot si Jungkook para di siya magsisi na ako
yung naging tutor niya.
*
Wahhh! *sobs* I’m so proud of myself! Sobrang saya ko! oh my god! I’m so happy! XD kasi
naman nakasagot si Jungkook sa super duper mahirap na questions! Gumana yung pagrereview
namin. Habang nagsasagot siya nakatingin lang ako sa kanya tapos siya nakatingin lang din siya
sa akin tapos noong nakasagot siya kumindat siya sa akin! Oh My God! This is peg ebeg
naaa! :””> ❤___❤
“Hoy bruha yang ngiti mo abot na langit, kumindat lang si Jungkook happy na?” umupo sa
tabi ko si Jackie at nilagay sa harap ko yung sandwich at juice na inorder niya. siya na ang
umorder dahil baka madisgrasya na naman ako.
“Hindi lang happy bakla, sobrang happy! Gaga feeling ko buntis ako.” /insert heart heart eyes
here/
‘Hoy pinagsasabi mo jan! sino ama? Kelan ka pa nagpa first blood? Kelan mo pa sinuko ang
bataan? At kanino ha?” OA na tanong ng bes ko. Natawa ako sa reaksyon niya
“Bes nabuntis ata ako ng kindat ni Jungkook! Kyaahhh! Heart heart! Emergesh—aray!
Panira ka! Ngayon lang ako maging ganito ihh!” *pouts*
Nakakainis naman. Ngayon lang ako magpakabaliw dahil sa kindat ni Jungkook sisirain pa. may
batok pang nalalaman! Tapos tinawanan lang ako! okay!
“Ikaw ha! May ganyan ka ng nalalaman!” tukso siya. Inirapan ko lang siya
“Lakas mo maka impluwensya ih! Tss.” /irap/ kumain na lang ako ng meryenda ko.
Basta ang saya ko kasi kinindatan niya ako! kumindat siya! Kyaahhh! /tumbling/ /talon/ /roll/
okay calm Kristen! XD Ito naba ang hudyat ng love life ko? Wieeehhh~ Pag ibig na kaya~~
Lalalaa~~ XDD
--
C h a p t e r – S e v e n
“Haayyy. Kelangan ba talagang pumasok ngayon” tanong ko sa sarili ko.
February na at kelangan naming pumasok para sa practice namin sa J.S Prom. Putakte naman eh!
Sino kaya magiging date ko? Pwedeng wag na lang pumasok? Tch. Kasi naman eh. Sa dalawang
araw na naging tutor ako ni Jungkook di man lang ako niyaya or tinanong na “May date ka na ba
sa Prom? Tayo na lang kaya?” tsss. Namaaannn ehhh! Kainisss!
“K-kristen…” bungad sa akin ni Jackie. Pinilit kong ngumiti.
“May date ka na sa prom mamayang gabi?” tanong niya sa akin. Umiling ako. wala pang nag
ask sa akin. Hindi nga ako kapansin pansin. Baka hindi na din ako yayain ni V. Duh? Binasted
ko na kaya hindi na niya ako yayayain. Sana naman makaramdam si Jungkook! Omg!
“i-ikaw? M-may date ka na?” tanong ko. Tumango siya ng marahan. Pero nakasimangot.
“Oh eh bakit ka nakasimangot? Siguro pangit yung nag ask sa’yo? Hahaha. Bes pren naman
last JS na natin ito. Bakit pangit pa yung biningwit mo?” tawang tawa ako. sinapak lang niya
ako.
“sorry Kristen.” Tapos lumabas na siya ng classroom. Anyare doon?
Sinundan ko lang siya ng tingin. Nahinto siya ng magkasalubong sila ni Jungkook.
Nagkatinginan sila tapos tumakbo na siya ng tuluyan palabas ng classroom. Huh? Anong meron?
“May partner ka na sa Prom Kristen?” tanong sa akin ni JB. Umiling ako. Si JB ka schoolmate
ko siya member siya ng Got7. Medyo playboy .
“So will you be my date tonight?” yaya niya. papayag ba ako? Eh paano na si Jungkook? Gusto
ko siyang maging partner! Pero baka may partner na siya. Tumango ako sa kanya.
“alright! Susunduin na lang kita mamaya.” Masayang sabi niya. nginitian ko na lang siya.
Nakakainis naman kasi eh. Nag expect ako na siya ang magiging Prom date ko!
**
“Ang ganda talaga ng anak ko.” Sabi ni Mama. Tuwang tuwa siya kasi siya lang nag ayos sa
akin.
Nakasuot ako ng light pink na cocktail dress hanggang taas tuhod. Yung malambot yung tela
niya. tapos naka heels ako ng kulay pink din na 3 inches. Yung buhok ko kulot sa baba nilagyan
niya din ako ng floral crown. Yung make up ko light lang. pero may nagiba naman sa hitsura ko
kahit papaano.
“O anjan na pala ang date mo. Hijo take care of my daughter ha?”sabi ni Mama kay JB. Ang
gwapo niya. yun nga lang babaero. Bakit ko nga ba siya naging partner ngayong gabi? New
target ba niya ako?
“Don’t worry tita. Iuuwi ko siya dito, safe and sound.” Sabi niya.
Ngumiti lang si Mama. Nagpaalam na kami at lumabas na ng bahay.
“You look stunning tonight.” Sabi niya. agad namang namula ang pisngi ko.
“T-thank you.”
Tahimik lang kami sa biyahe. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. May iba akong nararamdaman
ngayong gabi. Parang may mali. Hindi ko lang alam kong ano iyon.
Ng makarating na kami sa school. Rinig ko na ang maingay na sound system. Pero mas maingay
yung tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari sa akin?
“Hey relax lang! di kita gagawan ng masama! Haha.” Nag fake smile ako sa kanya.
Inalalayan niya ako habang naglalakad kami papasok. At halos lahat ng mata ay nakatuon sa
amin. Maraming namangha sa ganda ko. Sabi na sa inyo eh maganda ako. haha taas ng
confidence ate? :D
Ng makarating na kami sa loob ng gym halos masilaw ako sa ilaw. Ang lakas pa ng togtog.
Umupo na muna kami sa upuan. Tahimik lang ako.
“Water? Juice? Ano gusto mo? Kukuha ako?” tanong ni JB.
“Kahit na ano.” Sabi ko naman.
Umalis na siya sa harapan ko agad ko namang nilabas yung cellphone ko para idial ang number
ni Jackie. Pero ang gaga pinatayan lang ako. hala. Bakit? Bakit niya ako pinatayan ng phone?
Bigla akong nanlumo. Galit ba siya sa akin dahil binasted ko si V? Ay asan pala ang Bangtan
Boys? Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko sila sa may bandang kanan kasama ang date nila.
Wala pa sina Jungkook at V doon. Si V hindi niya din ako niyaya.. ang sakit lang.
Dumating na si JB may dala dala ang iced tea. Binigay niya sa akin yung isang baso at umupo sa
tabi ko. “Thanks.” Sabi ko. Nginitian lang niya ako.
Humarap na ako sa stage ng may nagsalita. Nag welcome address lang yung President ng school
at inumpisahan na ang program.
“Will you be my first dance?” bigla siyang tumayo at nilahad ang kamay niya. tinignan ko iyon.
Yung pinapangarap ko din na maging first dance si Jungkook hindi na matutupad. Tumingin ako
sa paligid para hanapin siya pero wala… kinuha ko na ang kamay niya. papunta na kaming dance
floor ng namatay ang ilaw biglang umilaw yung spotlight at tinapat sa may entrance. Inilawan
nun sina Jungkook at…
.
.
.
.
Jackie… Partner ni Jackie si Jungkook. Ang best friend ko Prom Date niya si Jungkook. May
grand entrance pa sila. Ang sakit sakit sa may bandang dibdib ko. Seeing your best friend with
your dream man. Yung mga pangarap ko noon si Jackie ang nakatupad nun.
Tumingin sa gawi ko si Jackie. Tinignan niya ako na humihingi ng sorry. Putang ina! Bakit ako
nasasaktan ng ganito? Dapat maging masaya ako kung ang best friend ko ang magustuhan niya
dahil wala naman akong karapatan na magalit at magselos.
Binitawan ko yung pagkakahawak kamay namin ni JB at tumakbo ako palabas ng gym papunta
sa mas tahimik na lugar narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi na ako nag abalang
lumingon pa. masyado akong nasasaktan sa nakita ko. Ayaw mag sink in sa utak ko iyon.
Dinala ako ng paa ko dito sa garden. Tahimik. Malayo sa ingay. Huminga ako ng malalim at
pinunasan yung luhang sumira sa make up ko. Kanina ang ganda ganda ko tapos sa isang iyak
nabura yung ganda ko.
“K-kristen…” may narinig akong nagsalita sa likuran ko.
Nilingon ko siya.
“A-ano… S-sorry Jackie… Mukhang nasira ko pa ata ang grand entrance niyo.” Naiiyak na
sabi ko. Hahawakan sana niya ako pero lumayo ako sa kanya na kinagulat niya.
“J-jackie… Sorry pero hindi ako kagaya mo na kayang tanggapin ang lahat. Kung noon na
gusto akong ligawan ni V ay kaya mong maging masaya para sa amin, ako hindi ko kayang
maging masaya na makitang kayo ni Jungkook. Selfish na kung selfish pero ako dapat yun eh.
Ako dapat ang partner niya sa prom! Dapat ako yung kasama niya sa grand entrance hindi
ikaw!” sigaw ko at talagang pumiyok ako. tangina naman! Sabog na sabog na ang feels ko.
Masyado ng masakit at hindi ko na kaya.
“S-sorry Kristen..N-nagulat nga ako kung bakit niya ako nilapitan at biglang niyaya na
maging date niya sa prom. Gusto kung tumanggi pero natakot ako. natakot ako na mangyari
sa akin yung nangyari sa’yo.” Napailing na lang ako.
“Buti ka pa Jackie. Effortless. Kahit hindi ka sa kanya nagpapansin, napansin ka pa rin niya.
pero ako? Ako na matagal ng may gusto sa kanya. Hinding hindi niya kailanman
mapapansin.”
Putanginang puso ito. Basag na basag. At putanginang mata ito di magtigil sa pagbuhos ng luha.
Naramdaman kong may pumatak na tubig sa may balikat ko. Napatingin ako sa taas. Mukhang
makikisabay pa ata ang panahon sa pagda drama ko
“Sana Kristen hindi ito ang sisira sa friendship natin. Malay mo after nito hindi na niya ako
pansinin hindi ba? Tara na sa loob uulan na ata.” Sabi niya.
“Ikaw na lang ang papasok. Uuwi na ako.” sabi ko at tumalikod na.
“Kristen…” tawag niya sa akin pero patuloy lang ako sa paglalakad.
“Jackie!! UUlan na tara na sa loob.” Natigil ako sa paglalakad ng marinig ko yung boses niya
na tinawag ang best friend ko.
“P-pero si Kris—
“tara na.” narinig kong hinila niya sa Jackie paalis sa lugar na iyon.
Hindi man lang siya nag atubuling hilahin din ako. nilingon ko sila at mas lalo akong napaiyak sa
kadahilanang hindi na nga niya ako napapansin wala pa siyang pake alam sa akin kahit bilang tao
man lang. nakita naman niya siguro ako kanina na nakatayo dito diba? Pero bakit kahit simpleng
ikaw jan? Dika papasok? Uulan oh. Wala akong narinig galing sa kanya. Hahaha. Nakakatawa.
Sino ba kasi ako para pansinin at pag aksayahan niya ng panahon para kausapin? ngayon durog
na durog na ang puso ko dahil sa ginagawa niya.
Gago ka Jungkook! Sana… sana hindi na lang kita nakilala. Sana hindi na lang ikaw yung
nagustuhan ko… Sana hindi na lang ikaw yung minahal ko! Sana si V na lang! o kaya sa iba na
lang! Sana~!!!
--
C h a p t e r – E i g h t
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa bahay na maayos. Buti na lang at tulog na si Mama.
Kung hindi tadtad ako ng tanong galing sa kanya.
Nagdiretso ako sa kwarto ko at agad na napaupo sa sahig. Wala na. hinang hina na ako.
Nasasaktan ako emotionally and physically. Sobrang sakit ng paa ko. Biruin niyo tinakbo-lakad
ko ang school papuntang bahay? Hindi na kasi ako nag abalang tanggalin pa ang heels ko dahil
nagmamadali na talaga akong umuwi. Basang basa na din ako ng ulan. Ang swerte ko talaga.
sobrang swerte. /sarcastic laugh/
Tumayo ako at humarap sa salamin. ‘maganda naman ako ah? Mas maganda pa kay Jackie.
Pero bakit hindi mo ako mapansin?” nababaliw na din po ako. kinakausap ang sarili sa salamin.
‘Hindi ba pwedeng ako na lang? Jungkook-ah! Ako na lang please!” nagumpisa na namang
tumulo ang mga luha ko.
Kelan ba ako mauubusan ng luha? Unlimited lang ang peg? Natawa ako sa hitsura ko. Yung
mascara ko nagkalat na sa paligid ng mata ko. Yung buhok ko gulong gulo na nabasa ng ulan at
yung floral crown ko nakabitin na sa buhok ko.
“I wish I could forget you. Like I forget everything I’ve studied seconds before an exam.” I
heave out a sigh. Napatingin ulit ako sa salamin.
Tandaan mo Kristen. Isa kang stranger sa kanya. Isang invisible na kahit kelan hinding hindi
niya mapapansin.
**
Nagising ako na masakit ang ulo at katawan ko.
“Achooo! Ahh.” Hala may sakit ako? naman! Bumangon ako at humarap sa salamin. Ang ganda
ko. Laki ng eyebags sobrang itim tapos mugto pa. great! Sobrang ganda ko.
Bumangon na ako at bumaba para mag almusal. Nagulat si mama sa hitsura ko. Nilait pa ako
pero wala ako sa gana makipag biruan sa kanya.
‘You’re not okay anak. Wag ka ng—
“Ma! Papasok ako. okay lang ako. malakas ako. sige na papasok na ako.” kanina pa ako
sinasabihan na nanghihina ako. Pero gusto kong pumasok.
Wala ng nagawa si Mama kundi pabayaan na lang akong pumasok. Habang papasok ako biglang
lumapit sa akin si JB. “Oyy. Sama mo. Tinakbuhan mo ako kagabi.” Naka pout pa siya.
Tinignan ko siya na walang ekspresyon.
“S-sorry. Bigla kasing sumama yung tiyan ko kaya umuwi na ako. Jb sorry talaga.”
pagsisinungaling ko.
Dahil sa pagmamahal natuto akong magsinungaling. >_<
“Ahh ganun ba? Hehe. Okay lang.” nilagpasan ko na siya. Wala ako sa mood makipag usap.
Pagpasok ko ng classroom agad akong niyakap ni V. Napasinghap ako. Narinig ko ang bulungan
ng mga ka klase ko.
“V-v! H-hindi ako m-makahinga!” sabi ko. Agad naman siyang humiwalay sa pagkakayakap
niya sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinignan ako sa mata. “I know
you’re hurt.” Sabi niya. naguluhan naman ako doon.
“H-ha? Pinagsasabi mo—Achooo. Excuse me. sorry.”putspa naman oh. Panira tong sipon ko.
Nagtakip ako ng ilong gamit ang panyo ko.
“May sakit ka? Nagpaulan ka ba kagabi?” tanong niya. dahil pina’alala na naman niya yung
kagabi. Diko mapigilan kundi umiyak. Tumulo na naman yung luha na kahapon ko lang inubos.
Ngayon naka refill na naman.
“H-hey! B-bakit ka umiiyak?” nag aalalang tanong niya. bago ko pa siya sagutin tinalikuran ko
na siya. May nakasalubong pa ako sa may pinto pero tinulak ko sila para makalabas ako ng
mabilis. Narinig ko yung boses ni Jackie pero diko siya pinansin. Nagtuloy lang ako sa pagtakbo.
Pumunta akong Gym dahil ayoko sa Garden sa school. May maalala lang ako doon. Pero tang
ina pati din pala dito may maalala lang ako.
“Bakit ba nasasaktan ako ng ganito? Putang ina naman oh!” sigaw ko nang makapasok ako
sa loob.
“Pwede wag maingay?” Napatalon ako ng may nagsalita. Hinanap ng mata ko kung saan
nanggaling yung boses at nakita ko siya sa may left side sa bench na nakahiga. Nakaunan siya sa
bag niya at nakatingin ng masama sa akin. Bakit kahit saang anggulo gwapo pa rin siya
“Ikaw! Gago ka! Sobrang gago mo!” sht! Napatakip ako sa bunganga ko! Ano bang
pinagsasabi ko! Lord! Please wag naman sanang lumabas sa bibig ko na mahal ko siya.
“tss. At bakit ako gago?” tanong niya bumangon siya at umupo tsaka ako hinarap.
“Bakit ka ba ganyan? Bakit ka ganyan sa akin? Bakit ang cold mo sa akin? Bakit hindi mo
ako napapansin? At bakit ako nasasaktan sa pakikitungo mo sa akin?” gaga ka Kristen! Kelan
mo pa natutunan na traydorin ang sarili mong katawan ha? Hoy bibig magtigil ka!
Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Ngayon magkaharap na kami. Tinignan niya ako sa
mata. Ganun din ako pero agad akong nagbawi ng tingin dahil nanghihina ako sa mga titig niya.
“Tanga ka ba o sadyang manhid ka lang? Halos banggain na kita sa tuwing
magkakasalubong tayo para lang mapansin mo ako! Pero wala eh! Sino ba naman kasi ako
para pansinin mo? Isa lang naman akong hamak na simpleng babae na hinding hindi mo
mapapansin! Isa lang ako sa mga babaeng nagmamahal at nagkakagusto sa’yo! Ni wala nga
ako sa kalingkingan sa tipo mong babae eh!” sigaw ko. Halos pumiyok na din ang boses ko
dahil sa pagiyak ko.
Kelan pa ako nagkaroon ng lakas ng loob para magtapat sa taong mahal ko? Matagal ko din
itong kinimkim. Apat na taon ko siyang pinagpapantasyahan sa malayo. Apat na taon ko itong
nararamdaman sa kanya. Apat na taon ko na siyang kamahal. At apat na taon na din akong
nakakaramdaman ng sakit sa may puso ko.
“Tanggap ko naman eh! Tanggap ko naman na hanggang sa malayo lang talaga kita
masusulyapan. Pero kasi nangarap lang naman ako. nangarap na balang araw mapapansin
mo! Pero tangina! Kahit anong gawin kong papansin sa’yo walang epekto! Pero yung taong
walang ka effort effort magpapansin sa’yo at yung taong sa iba nagpapansin siya yung
napansin mo! At worst best friend ko pa!” alam niyo yung pinakahate ko sa lahat? Yun ay ang
umiyak sa harapan ng lalaking walang kwenta at manhid.
Ganito lang yun eh para ka lang sumuntok sa pader at ikaw lang din ang nasaktan. Kaya babala
wag na wag kayong makipagusap sa manhid. Dahil sa huli ikaw lang ang masasaktan.
“Hindi ka lang manhid! Bulag ka din! Hindi ko alam kung paano kita nagustuhan, minahal.
At hindi ko alam kung bakit sa’yo pa ako nahulog. Ang tanga ko kasi eh. Nahulog ako sa
isang taong walang pake alam sa akin, sa isang manhid at bulag na tao. Sa isang lalaking ang
turing sa akin ay isang stranghero na napadaan lang sa harapan niya.” patuloy pa rin ako sa
pag iyak.
Huta naman! Ang dami ko ng nasabi dito pero siya nanatili lang siyang tahimik.
“Putangina naman Jungkook oh! Kasing haba na ng buhok ni Rapunzel yung nasabi ko pero
ni isang salita wala ka man lang sasabihin? Yung totoo bukod sa manhid at bulag ka. Pipi ka
din?” tinignan ko siya.
Pero nanatili lang siyang nakatingin sa aking mga mata. May mga sinasabi ang mga iyon pero
sarado ang isip ko para basahin kung ano ang sinasabi ng mga iyon.
“Putspa Jungkook! Sa pagiging tahimik mo mas lalo akong nasasaktan! Gago ka!” sigaw ko
tsaka ko siya tinulak. Tumakbo na ako palabas ng school. Buti na lang nasa may gym kami at
kaming dalawa lang ang nandoon kundi bukas na bukas baka magda’drop na ako sa kahihiyan
Narinig ko pang tinawag ako ng guard pero patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang makalayo
ako ng bahay.
Gusto kong umalis sa impiernong lugar na ito. Sa lugar kong saan ayaw na ayaw ko ng balikan!
Nakakainis siya! Bakit ba kasi hinayaan kong mahulog ako sa taong hindi naman ako kayang
saluhin? >3<
Tanga talaga ako kahit kelan! Napaka clumsy ko talaga kahit kelan! Hahaha! Kelan ba kasi ako
naging swerte? TT__TT Halos araw araw may masamang nangyayari sa akin, kung hindi
madadapa, matatapunan ng pagkain, kung hindi naman, matatagusan, kung hindi naman
mahuhulog sa hagdan. Pero alam niyo yung pinaka worst na katangahan na nagawa ko sa buhay
ko? Yun ay ang mahulog sa taong hindi ako kayang saluhin. Kaya nga durog na durog na ang
puso ko eh. Sobrang durog na! sobrang sakit!
“Putangina mong gago ka sana hindi na lang kita nakilala!” sigaw ko ng makalayo ako sa
school.
Tangina. Ganito ba talaga kasakit magmahal? Kung alam ko lang ganito kasakit ang magiging
impact ng pagkakahulog ko sana sa umpisa palang pinigilan ko na ang mahulog sa kanya.
--
C h a p t e r – N i n e
Dinala ako ng paa ko sa may lake dito sa malapit sa school. Medyo madilim na. sa wakas nasabi
ko na rin yung nararamdaman ko para sa kanya. Dahil sobrang bigat na talaga yung
nararamdaman ko.
The greatest pain that comes from love is to love someone you can never have.
Humugot ako ng malalim na hininga. Tumingin ako sa may sunset. Ang ganda niya. Kasing
ganda ko. Joke haha XD pinapatawa ko lang sarili ko. Hindi pa ako nababaliw. :3
“Sabi na eh dito kita makikita.” Napalingon ako sa nagsalita.
“V? Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at ngumiti sa akin.
“Babawiin na kita.” sabi niya. nanlaki ang mata ko. Ano daw? Babawiin? Don’t tell me siya si
Kamatayan?
“Waah! V!! Wag! Bata pa ako! ayoko pang mamatay! Ikaw ba si kamatayan? Sinusundo mo
na ba ako? Binabawi mo na ba ang buhay ko?” O.A ko no? Eh sino bang hindi matatakot kong
sabihan kang babawiin na kita. Tapos napaka creepy pa ng oras.
“hahahaha! Ikaw talaga ang cute moo~!” edi pisnge ko na kawawa. >_<
“Arhay mashaket!” reklamo ko sabay tampal ng kamay niya. ngumiti lang siya sa akin.
“Sinaktan ka niya at ang sabi ko pag once na saktan ka niya babawiin na kita sa kanya.” Sabi
niya. bigla akong natahimik. T-teka… sinaktan niya ako? Nino? Alam ba niya na si Jungkook
ang mahal ko?
“A-alam mong siya?” tanong ko sa kanya. Tumango siya at ngumiti ng mapait.
“Yeah. narinig ko kayo ni Jackie noong nag confess ako ng feelings ko para sayo. Nung time
na hingin ko ang permiso mo sa panliligaw ko.” Sabi niya.
Natahimik ako. so alam na din niyang may gusto sa kanya si Jackie?
“Sinayang niya yung pagmamahal ng babaeng mahal ko.” Sabi niya.
“T-teka V! K-kasi hindi naman niya siguro yun sinayang diba? K-kasi hindi naman niya alam
na mahal ko siya?!” kanina lang niya nalaman yung nararamdaman ko para sa kanya.
“Tss. Halika na. Ihahatid na kita. Madilim nab aka nag aalala na ang mommy mo sa’yo.”
Bigla niya ako hinila patayo.
“Aba naman kung makahila ng kamay! Alam mo yung salitang masakit?” inis na tanong ko
sa kanya.
“Oo nararamdaman ko nga ngayon iyon eh… dito.” Sabay turo sa bandang puso niya.
natahimik naman ako dun.
Tahimik lang kaming naglalakad. Walang ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita.
“Ah dito na ang bahay namin. Thank you ha?” nginitian lang niya ako.
“Bukas. Makikita mo na ang totoong labanan sa pagibig.” Sabi niya na nagpagulo ng isipan ko.
Ano daw? Totoo labanan sa pag ibig?
**
Maaga akong pumasok sa school dahil na din sa maaga akong nagising o sabihin na nating hindi
ako nakatulog?
Tahimik lang ako sa loob ng classroom. Wala pang tao at ako pa lang. shet naman! Kumusta
naman yung alas sais nasa school na ako tumatambay sa classroom? Pwede na bang
ma’award’an ng best in punctuality? Megash! :3
“Ang aga natin ah?” bungad na bati ng Bangtan sa akin. Tumingin ako sa kanila at isang tipid
na ngiti ang sinukli ko sa kanila.
“Kumusta ang tulog? Okay na ba ang sipon mo?” tanong ni V sabay upo sa katabing upuan ko.
Tinignan ko lang siya at tumango ako.
“Good. That’s my girl.” Feeling ko namula ako >///< ginulo pa niya yung hair ko.
Bakit ang sweet ni V ngayon?
“Oyss sinagot mo na siya Kristen?” tanong nila sa akin na agad naman akong pinamulaan ng
mukha.
“Nice bro! may love life ka na!”masayang sigaw ni Jimin tapos sumayaw sayaw pa sila nina
Jhope Suga at RapMon sina Jin at Jungkook naman tahimik lang. si Jin nagce’cellphone si
Jungkook wala. nakatingin sa akin ng masama. Bigla siyang tumayo at binagsak yung upuan
niya kaya napatigil yung apat sa pagsasayaw tapos pinagmasdan si Jungkook na lumabas ng
classroom.
“Paktay! Oo nga pala.” Bulong nina Jhope at Jimin. Anong nangyayari? Biglang lumabas si V
kaya nagulat ako. siguro susundan niya si Jungkook?
Tumingin ako sa mga natira na agad namang nag iwas na tingin sa akin. Susundan ko ba sila?
“Sundan mo sila.” Utos ni RapMon at agad akong tinulak palabas. Edi sundan sila…
Jungkook’s POV
Akala ko pag ginawa ko iyon makakaganti na ako. pero hindi pala. Dinate ko ang best friend
niya para saktan din ang best friend niya dahil sa sinaktan din niya ang best friend ko. V and I
are best friends. At nagalit ako kay Kristen ng malamang binasted niya ito. Kaya nakaisip ako ng
paraan para makaganti din sa kanya. Akala ko magiging masaya ako sa ginawa ko. Pero hindi eh.
Mas nagalit ako sa sarili ko.
Tangina naman! Matagal ko ng gusto si Kristen. Oo matagal na! Kaya nga lagi akong umiiwas sa
kanya dahil natatakot akong aminin na may gusto ako sa kanya. Noong papunta kaming mall
nakita kong kasama nina hyung sila kaya nagtext ako na kunware hindi ako makakapunta pero
ang totoo niyan pumunta ako kaya lang bigla akong umatras ng makita ko si Kristen.
Noong nalaman kong liligawan siya ni V naging kalmado lang ako. kung may gusto ang best
friend ko sa kanya edi ipapaubaya ko. Pero noong nasaktan si V at nakita ko kung paano umiyak
si V parang gusto kong maghiganti. Pero sa paghihiganti doon ko nalaman yung sagot ko sa mga
tanong ko noon. Mahal ko na pala siya. Gago ako dahil sa ginawa kong paghiganti sa best friend
ko mukhang mawawala pa siya sa akin. At ang dahilan ng pagkawala niya sa akin ay dahil din sa
best friend ko. Pinagtanggol ko si V pero may karapatan pa siyang agawin si Kristen sa akin.
Nasaktan ako ng makita ko siyang umiyak sa harap ko. Manhid ba talaga ako? bakit hindi ko
maramdamang may gusto din siya sa akin? Bakit hindi ko makita yung mga ginagawa niyang
pagtitig sa akin minsan? Kaya pala may kakaiba sa mga tingin niya.
Akala ko dati isang simpleng paghanga lang yung naramdaman ko sa kanya. Yun pala lumalim
na hanggang sa nahulog na ako sa kanya.
“Jungkook! Ano tatalikod ka na naman? Hindi ba pwedeng lumaban ka naman?” nilingon ko
siya at kinuyom ko ang mga kamao ko.
Sila naba? Totoo bang sila na?
“Paano ako lalaban kung kayo na?” sigaw ko. Mas naikuyom ko ang kamao ko ng tumawa
siya.
“Hanggang ngayon duwag ka pa rin Kookie! Hanggang ngayon hinahayaan mong maagaw
pa rin ng iba ang taong mahal mo! Lumaban ka! Hwag kang duwag!” sigaw niya sa akin.
Kapag may nagmahal sa’yo wag mong balewalain dahil baka mapagod siya at marealize niya
na marami pang iba jan na mas bukod sa’yo. Naalala ko bigla yung sinabi sa akin ni Mommy
noon. Dahil sa pagbabalewala at pagiging duwag ko na sumugal sa pagibig noon nawala sa akin
si Arise. Ngayon naman magpapakaduwag na naman ba ako?
“Ano? Hahayaan mo bang agawin ko si Kristen bago mo marealize kung gaano siya kahalaga
sa’yo? Itutulad mo ba ulit ito sa ginawa mo kay Arise noon?” Hindi ko na napigilan ang sarili
ko sinugod ko na siya at pinagsusuntok.
Tangina! Oo! Duwag ako! Iniwan ako noon dahil sa hindi ko siya maipaglaban! Ngayon
mawawalan na naman ako ng taong mahal ko dahil duwag pa rin ako!
“Gago ka ano! Lumaban ka! Tang*na mo V! Lumaban ka!” hindi siya lumalaban.
“Ginawa ko yun para sa’yo dahil best friend kita. Gusto ko ding saktan ang best friend niya
para maipaghiganti kita dahil best friend tayo. Pero tang*na V may karapatan ka pang
agawin siya sa akin!” patuloy lang ako sa pagsuntok sa kanya.
“TAMA NAAA~! Sht! V!” biglang may sumigaw dahilan para matigil ako sa pagsuntok ko sa
bespren ko tumayo na ako at inayos yung sarili ko. Napatingin ako sa kanya na naiiyak na
habang tinutulungan si V.
“V… Ayos ka lang? gago ka ba? Bakit dika *sobs* lumaban? Gusto mo na bang mamatay ha?
*sobs* Tara sa hospital. Kaya mo bang maglakad? *sobs*” nagseselos ako. nagseselos ako
dahil tinanong niya si V kung ayos lang siya pero sa akin hindi.
Nagulat ako ng hinarap niya ako na nanlilisik ang mata “Wala ka na bang ibang alam gawin
kundi ang manakit ng damdamin ng tao ha, Jungkook? Ano masaya ka na? Nasaktan mo na
ako, pati BEST FRIEND ko balak mo pang saktan at ngayon SARILI mong BEST FRIEND
sinaktan mo pa! Napaka sadista mo!” sigaw niya sa akin habang dinuduro ako.
Ang sakit. Makita yung taong mahal mo na sinasabihan ka kung gaano ka kasama. Lumunok ako.
umurong bigla yung dila ko eh.
“V… Tara na tumayo ka na jan.” inalalayan niya ulit si V patayo pero hinila ko siya at niyakap
siya. “Jungkook-ah~! B-bitawan mo ako! K-kelangan ako ni V. K-kelangan niyang madala sa
hospital.” pagpupumiglas niya pero wala. hindi ko siya pakakawalan. Ilang beses na ba akong
nagpigil para hwag siyang hawakan o yakapin?
“K-kristen… Kailangan din kita.” Bulong ko. At pilit na hinihigpitan yung yakap ko.
Nagpumiglas lang siya. Narinig ko na naman ang paghikbi niya. “gago ka Jungkook!
Napakagago mo!” pahina ng pahina ang boses niya pati ang pagsuntok sa dibdib ko.
“Oo gago ako! And I’m sorry for being a jerk!” bulong ko sabay haplos sa mahaba at mabango
niyang buhok.
“I hate you! Gago ka!” masakit. Masakit na sabihin niya yan sa akin pero alam ko deep inside
her she loves me.
“I’m sorry.” Yun lang. wala akong masabi eh.
“ganyan naman kayong mga lalake eh! Mahilig manakit ng damdamin naming mga babae
pero hanggang sorry lang kayo! Ugh! Bitawan mo ako!’ bigla niya akong tinulak kaya
napakalas ako sa pagkakayakap sa kanya.
Nakipagsukatan siya ng tingin. Yung tinging nagpapahina sa akin. Yung tinging nagpapalambot
sa akin >_<
“Alam mo bang nagsisisi akong nakilala kita? Na hiniling kong sana hindi na lang kita
nakilala! Masaya naman ako nun eh, kahit nung wala ka pa! di tulad ngayon.. pinapahirapan
mo lang ako. Alam kong dimo din sinasadyang makilala ako. Ako rin eh, hindi ko
sinasadyang makilala at mahalin ka.” Galit talaga siya sa akin. Sobra.
Tinalikuran na niya ako at inalalayan si V. sakto namang pumasok ang mga barkada ko at agad
na tinulungan si V. lumapit sa akin si Jin. Tinapik niya ang balikat ko pero nagulat ako ng
suntukin ako ni RapMon.
“Gago ka ba! Dahil sa putanginang pag ibig na yan balak mo pa atang patayin si V?” sigaw
niya sa akin. Napahawak ako sa bibig kong nagdugo. Napatingin ako kay Kristen na halatang
nagulat hawak hawak siya nina Jimin at Jhope.
“RapMon…” bulong niya. tinignan siya ni RapMon at huminga ng malalim tsaka ako
tinalikuran. Lahat sila iniwan akong mag isa sa gym.
Dapat lang naman eh. Dapat lang na iwan nila ako. masama ako. masama akong kaibigan! Hindi
ako karapatdapat na mahalin.
“Jungkook!” nagulat ako ng biglang lumapit sa akin si Jackie. Hahawakan sana niya ako kaso
umilag na ako “Don’t… don’t touch me… I’m sorry. I’m sorry for being a jerk. Sorry for
hurting your best friend’s feelings. Sorry for trying to ruin your friend ship.” Paghingi ko ng
sorry.
Nginitian lang niya ako. “Okay lang yun. Masakit na gamitin mo ako. masakit dahil sa akin
mo gustong ipaghiganti si V. Mas okay na yun kaysa naman sa best friend ko. Pero hindi eh.
Nasaktan siya at nasaktan din ako. doble yung sakit na naramdaman niya kaysa sa sakit na
naramdaman mo noong malaman mong binasted niya ang best friend mo.”hindi ako nakaimik
doon.
Ang sama ko talaga. sobang sama kong tao.
“I’m sorry.” Natawa siya na kinainis ko.
“Nakakatawa. Ang isang cold na Jungkook marunong palang mag sorry. Kay Kristen ka mag
sorry. Hindi sa akin. Geh alis na ako.” bago siya makalabas ng gym. Hinawakan ko yung braso
niya na kinagulat niya.
“I need your help. Will you help me?” tinignan ko siya sa mata at nagmakaawa ako.
Ngumiti siya at tumango.
Sisiguraduhin kong sa huli magiging akin din si Kristen. Hindi pwedeng mawala din siya sa akin.
Ayoko ng mawalan. At hindi ko iyon kakayanin.
--
C h a p t e r – T e n
Kristen’s POV:
Andito kami ngayon sa hospital. Mahimbing na natutulog si V. sina Jhope, Jimin, Suga at
RapMon natutulog sa sofa. Si Jin umuwi. Pinuntahan si Jungkook. Kapatid kasi ang turing ni Jin
sa kanya. Si Jungkook kasi ang bunso.
Tinignan ko si V. Simula noong pumasok ako sa buhay nila nagkaganito na sila. Ayokong
magkawatak watak ang barkada nila dahil sa akin.
Naramdaman kong gumalaw si V kaya tumayo ako at tinignan siya. Nagmulat siya ng mata at
agad na tinignan ako. ngumiti siya sa akin, nginitian ko din siya.
“I’m sorry, V” naiiyak na sabi ko. Naguilty ako feeling ko talaga kasalanan ko lahat ng ito.
“Shh. Wag ka ngang mag’sorry. Wala kang dapat ika’sorry.” Sabi naman niya tsaka pilit
ngumingiti.
“Bakit dimo siya nilabanan?” tanong ko tumawa siya at agad na napadaing dahil napunit yung
sugat niya sa may labi niya. “Ouch! Ahk! Gusto mo bang labanan ko si Jungkook? Baka
magalit ka sa akin niyan?” sabi niya sabay pout.
“E-ehh. Kaysa naman hinayaan mong bogbog sarado ka? Muntik ka na niyang mapatay!”
sabi ko.
“Hindi ako mamamatay. May misyon pa ako sa mundo! Hehe.” Natahimik na lang ako.
Naalala ko kanina si Jungkook. Mahal niya ba ako? Totoo ba yung mga narinig at nakita ko
kanina? Niyakap niya din ako. sobrang bilis ng tibok ng puso niya.
“T-tae… T-totoo ba yung nakita ko? Yung narinig ko, totoo ba? Totoo bang mahal niya ako?”
tanong ko kay V. ngumiti siya sa akin at marahang tumango. “Matagal ko ng napapansin na
may gusto siya sa’yo. Ang tindi nga ng selos niya sa tuwing lumalapit ako sa’yo eh. At dahil
dun narealize niya kung gaano ka niya kamahal.” Natatawang sabi niya tapos napadaing ulit
dahil sa sugat niya.
“Ganun siya. Kelangan pang ipa realize sa kanya bago niya matanggap sa sarili niyang inlove
siya. At Kristen… mahal na mahal ka ng gago kong best friend. Inlove siya sa’yo. Torpe nga
lang.” sabi niya.
Bumuntong hininga ako. nakapag desisyon na ako. lalayo na ako. tatanggapin ko na lang na
hanggang ganito na lang kami. Atleast diba? Kahit papaano napansin niya ako.
“Oh bakit ka malungkot? Ayaw mo nun? Mahal ka din ng mahal mo? Di tulad ko may mahal
na iba yung mahal ko.” *pout*
“H-ha? A-ano kasi… ahmm.—
“Hyung…” biglang bumilis yung tibok ng puso ko ng marinig ko yung boses niya. napatingin si
V sa may pintuan. Ako naman marahang tumingin sa harapan kung saan nakatayo siya.
Tumayo ako para lalabas na sana kaso pinigilan niya ako. “A-ahh. L-lalabas lang muna ako
saglit. M-magpapahangin.” Paalam ko. Dali dali akong lumabas dahil feeling ko talaga
masu’suffocate na ako doon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at mas lalong bumilis ito ng
hinawakan niya yung braso ko.
Nagtungo ako sa chapel. Gusto kong humingi ng tawad. Dahil sa akin may muntikan na akong
masira na friendship. Pero hindi ko naman kasalanan yun eh. Hindi ko kasalanan kong mainlove
sila sa akin. Jusku masyado akong maganda kasi. Hahaha. Okay sumesegway ang lola niyo.
“K-kristen…” napatigil ako sa pagdadasal ng marinig ko yung boses ng bes pren ko. Hindi ko
magawang lumingon. Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko. Magagalit ba ako?
Susumbatan ko ba siya? O yayakapin dahil sobrang miss ko na siya!
“Best friend, I’m sorry. *sobs*” /le cries a han river/ tumayo ako at hinarap ko siya tsaka
niyakap.
“K-kristen *huk* S-sorry.. S-sorry talaga. H-hindi ko n-naman s-sinasadya m-maging p-
partner siya. T-tinanggihan ko s-siya k-kaso n-nagpumilit s-siya. huhuhu” Patuloy na pag
sorry niya. hindi ako nagsalita. Umiiyak pa rin ako.
Grabe ako na talaga. ako na ang may pinakamaraming luha. “P-pero g-ginawa niya i-iyon p-
para ipaghiganti si Taehyung. Bes, bruha, bakla sorry naaa~ ajujuju.” Hindi ko alam kong
naiiyak ako dahil namimiss ko na siya at nasasaktan ako o naiiyak ako dahil ang ingay niyang
umiyak na parang baliw.
Humiwalay ako sa pagyayakapan namin at nginitian ko siya. “Sorry kung nagalit ako sa’yo.
pero kasi masakit talaga. hindi lang naman kasi isang simpleng paghanga ang
nararamdaman ko eh. Nahulog ako sa kanya na hindi naman niya ako nasalo.” Pinilit kong
ngumit at ganun din siya.
“Hahaha. Ang drama na natin bakla. Nakuuu. Mali ang mainvolve sa mga bangtan! Da-
drama buhay natin. Hahah!” nagkatawanan na lang kaming dalawa.
**
Pauwi na ako sa bahay galing hospital. Si V sa isang araw pa siya lalabas magpapahinga daw
muna siya. Ang dami kasing pasa at malalim pa ang sugat niya sa may mata. Mabuti na lang at di
siya nabulag. Grabe kung manuntok si Jungkook eh.
“Kristen…” napalingon ako ng may magsalita.biglang bumilis yung tibok ng puso ko.
Asdfghhjjkl!@#%%!@$# yung puso ko pakihabol please tumakbo hinabol yung puso ni Kookie.
Myehehe. B-bakit siya andito? “Sorry.” Panimula niya.
Ano bang meron sa mga tao ngayon at puro sorry ang naririnig ko galing sa kanila at galing sa
bibig ko? Sorry Day ba ngayon? Haha korni Kris. >3<
“Punta ka bukas sa gym ng maaga ha? Hihintayin kita.” Yun lang at umalis na siya. Pupunta
ba ako? Eh diba balak ko ng kalimutan at layuan siya?
Yun yung desisyon ko. Kakalimutan at lalayo na ako sa kanya, sa kanila. New life bh3!
**
“Anak. May problema ka ba? Nitong mga nakaraang araw ang tamlay tamlay mo na?”
nilalaro laro ko lang yung pagkain ko. Pupunta ba ako mamaya sa gym? Maghihintay ba siya sa
akin?
“Mama ganun po ba talaga pag nagmahal ka? Masasaktan ka talaga? Yung sobrang
madudurog yung puso mo?” tanong ko. Nag umpisa na namang tumulo yung luha ko.
Grabe fourth year high school pa lang ako kung makapag drama na ang lola niyo grabe ano? Tss.
“Diba ang sabi ko kasi sa’yo wag mag mahal ng sobra dahil ang sobra nasasayang.” Sabi niya.
lumapit siya sa akin at niyakap ako. ako naman edi umiyak ulit.
Nasasaktan ako sa magiging desisyon ko. Nasasaktan ako sa gagawin ko. Pero ito yung nararapat.
Ito yung makakapagpatahimik sa aming lahat.
“Akala ko ma, simpleng paghanga lang yung nararamdaman ko para sa kanya. Yun pala
ininvade na niya ang buong puso ko. Yun pala pagmamahal na. at ang masakit ma ay yung
nahulog ako sa isang bangin na walang kasiguraduhan kong may sasalo ba sa akin.” Patuloy
lang ako sa pag iyak at patuloy din si mama sa paghagod sa likod ko.
“Ganun talaga sa pagmamahal anak. Walang nagmamahal ng walang nasasaktan. Masasabi
mo bang nagmahal ka kung hindi ka naman nasaktan dahil sa kanya? Pero anak kung sobra
sobra ka ng nasasaktan itigil mo na. walang maidudulot na maganda iyan sa’yo.” ang bait ni
mama. Akala ko bubulyawan niya ako dahil ang tigas tigas ng ulo ko. Yun pala mag’aadvice siya
sa akin.
Umiyak lang ako habang yakap yakap ako ni Mama. Ng okay na ako nag paalam na ako para
pumasok. This is it. Ito na.
Nanginginig ang mga tuhod ko habang tinatahak ko ang daan papuntang gym. Ang lakas at ang
bilis ng kabog ng dibdib ko. Napahawak ako dun at huminga ng malalim.
Pinihit ko na yung pinto at pagbukas ko biglang may tumugtog. Napatingin ako sa stage at
nandun siya nagkahawak ng mic, si Jin Jhope may hawak na gitara yung ibang Bangtan members
may hawak na banner at rose. Tapos biglang may nagplay sa white board na videos. At ako
pictures ko lang naman po ang nandoon. Tapos mga videos ko. Mga stolen pictures at videos ko
na nakakahiya. O///O
Isang malakas na sigawan, palakpakan at tuksuan ang bumalot sa gym ng magsimula na siyang
kumanta.
asdfghjkl@#$%^&*&^$#$#$ Putangina mong JUngkook ka! Akala mo madadaan mo ako sa
pakanta kanta? At anong trip ito ha? Jusku! Yung plano ko mukhang diko na magagawa. Oh
megash! Yung hair ko naputa ng SoKor sa haba! >/////<
“It took one look
Then forever laid out in front of me
One smile then I died
Only to be revived by you”
Ngumit siya sa akin na nagpabilis ng tibok na puso ko. Gusto kong ilipat yung tingin ko pero
hindi ko magawa. Na stuck na kay Jungkook. Feeling ko kaming dalawa lang yung nandito sa
gym. Siya at ako. yung mata niya na sa akin lang din nakatutok.
“There I was
Thought I had everything figured out
Goes to show just how much I know
'bout the way life plays out...”
Hutahamnida! Pakyo! Gago! Oo na! Ang sweet na! Jusku naman! Lalanggamin pa tuloy ako ng
mga imported na langgam >3< Bigla akong nagulat ng may nanulak sa akin dahilan para
mapunta ako sa gitna. Napatingin ako sa tumulak. Fishtea! Traydor yung best friend ko. >___<
Bumaba siya ng hagdan palapit sa akin.
“I take one step away
then I find myself coming back to you
My one and only, one and only you...ooh...
Now I know
That I know not a thing at all
Except the fact that I am yours
And that you are mine
Ooh,
They told me that this wouldn't be easy
And no
I'm not one to complain...”
Hinawakan niya yung kamay ko tsaka ako pinaikot. Oh edi siya na. siya na ang sweet. Tss. >//<
Bumaba yung member ng Bangtan na may hawak na rose. Pati yung mga estudyante lumapit sa
akin at isa isang binigay yung mga rose.! Fok yung totoo burol ko? XD pero kasi ehhh.
Asddfgghjqwewerwer@#$% Kinikilig ako. Yung kilig ko abot hanggang North Pole. XD
“I take one step away
then I find myself coming back to you
My one and only, one and only
I take one step away
then I find myself coming back to you
My one and only, one and only
you...”
After ng kanta siya naman ang lumapit sa akin at binigay ang isang rose.
“365.” Sabi niya. ha? Hanu daw? 365? Ano yun? Yung kanta ng EXO? Myehehe XD
“365 infinite I’ll be here for you. Forever.” Sabi niya sabay ngiti sa akin.
nakarinig ako ng pag awww ahhh sweet sa crowd.
Tinignan ko siya agad niyang pinunasan yung luha sa pisngi ko
“Hush! Oo gago ako! Napakagago ko para saktan yung taong mahal ko at mahal ako.
Manhid ako dahil hindi ko naramdamang mahal mo din ako. Bulag ako dahil hindi ko makita
na matagal na palang nasa harap ko yung taong mamahalin ako ng sobra. Pipi ako dahil
hindi ko masabi kong gaano kita kamahal.” Sabi niya. naghiyawan naman ang crowd.
Hinampas ko siya sa dibdib niya napa chuckle naman siya. “Gago ka! I hate you!” umiiyak na
sabi ko.
“I love you.” Sabi naman niya na nagpapula ng pisngi ko at nagpangisay sa mga kababaihan.
“Bakit ka ba ganyan? Bakit kelangan pang umiyak ako sa harapan mo? Bakit kelangang
ligawan pa ako ni Taehyung bago mo marealize na… na ano..
“Na mahal kita? Hindi ko din alam eh. Sorry kung pinaghintay kita. Sorry kung natagalan
bago ko marealize na mahal na mahal pala kita.” Sabi niya sabay hawak sa magkabilang pisngi
ko.
“Alam mo bang ang sakit ng pagkakahulog ko? Alam mo bang durog na durog na ang puso
ko dahil sa’yo? Tanga na nga lampa pa! Nahulog ako sa taong hindi naman pala ako kayang
saluhin! Kaya gago ka! Pero kahit gaano ka kagago. Sobra pa rin kitang mahal!” umiiyak na
sabi ko habang pinagsusuntok siya sa dibdib niya.
Wala na akong pakealam sa mga nanonood gusto kong ilabas yung nararamdaman ko para sa
kanya.
“Paano kita masasalo kung pati ako nahulog na sa’yo?” natigil ako sa pagsuntok sa kanya at
sinamaan siya ng tingin. Sige banat pa! gago! Banatan kita sa mukha eh! Pero wag na sayang ang
kagwapuhan mo! Hehe! Landi! :D :3
Bibigay na ba ako? Pero kasi ano eh. Nakakatakot. Si Taehyung… yung mararamdaman niya?
Yung mga fangirls? Ayokong habang masaya kami may mga taong nasasaktan dahil sa pagiging
masaya namin.
“B-bakit?” nag-aalalang tanong niya.
Dumistansya ako ng kunti sa kanya at tinignan siya sa mata.
“Sorry Jungkook.” Yun lang at tumakbo na ako palabas ng gym. Palabas ng school
“Kristen wait!!” narinig kong sumusunod siya sa akin. Pati yung mga kaibigan niya. patuloy
lang ako sa pagtakbo.
Sorry Jungkook. Hindi pa pwede ngayon. Hindi pa maayos yung puso ko para masaktan ulit.
Kelangan ko munang magisip. Maraming masasaktan kung pipiliin kong maging masaya tayo.
Mahal kita pero masyado mo akong nasaktan.
“Kristen please!” nangnginig na sigaw niya.
Tumigil ako at lumingon sa kanya. Nakayuko siya at nakahawak yung dalawang kamay niya sa
tuhod niya na hingal na hingal.
Umiling ako sa kanya. Sorry.
“Mahal kita pero hindi pa pwede ngayon. Sorry Jungkook.” Sabi ko sabay takbo.
Hinabol niya ulit ako. Ng masigurado kong walang sasakyan na dadaan tumakbo ako patungo’ng
kalsada para tumawid papunta kabilang kanto.
Pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Isang malakas na busina ang nagpatigil
sa akin. Napalingon ako kay sa likuran ko at sa gilid ko.
*beeeeepppp*
“KRISTEENNN!”
--
C h a p t e r – E l e v e n
Nasa isang tahimik na lugar ako. tanging yung ingay ng machine na nagpapakita kung tumitibok
pa ba ang puso niya. Nasa unconscious stage pa rin siya. Hinihintay ang 24 hours na lumipas at
pag dipa rin siya gumigising tatanggalin na ang oxygen na siyang tumutulong para magkaroon
siya ng hininga at kung mangyayari man iyon ay tuluyan na siyang hindi magigising. Malakas
ang pagkakabunggo niya ng truck kanina. Tumilapon siya sa malayo mula sa kinatatayuan niya.
At maraming dugo ang nawala sa kanya.
Yung feeling na parang nawalan ako ng lakas. Na parang gusto ko na ding magpasagasa. Pero
hindi pwede dahil alam kong gigising siya. Gigising siya at magiging masaya kaming dalawa.
Hinawakan ko yung kamay niya. sobrang lambot nito. Hinalikan ko yun at tumingin sa mukha
niya. ang himbing ng tulog niya. napansin ko yung gasgas sa may noo at pisngi niya pero kahit
ganun maganda pa rin siya. Isa pa rin siyang anghel.
“Hijo, umuwi ka muna kelangan mo ding matulog. Gabi na oh.” Sabi ni tita sa akin. Pero
umiling ako. kelangang nasa tabi niya ako. hindi ko siya iiwan baka kasi pagbalik ko dito hindi
ko na siya maabutan pero hindi. Hindi pwede! Mabubuhay siya. May awa ang nasa taas.
“Dito na lang po ako tita. Babantayan ko po si Kristen. Hindi ako aalis sa tabi niya.” sabi ko.
Napabuntong hininga na lang siya tsaka humiga sa may extra na kama sa loob.
Nagalit siya sa akin kanina, sinisi ako sa mga nangyari pero tanggap ko naman. Dahil sa akin
nangyari ito. Kung sana hindi na lang niya ako nakilala. :( Pero di naglaon pinatawad din ako ni
tita. Mabait siya kagaya ni Kristen. Bakit kasi napakatanga ko at kelangan ko pa siyang masaktan?
*
Bigla akong nagising ng gumalaw yung malambot na kamay na hawak ko. At nakarinig ako ng
mahinang ungol. Napatingala ako at nagkusot kusot pa ng mata. Nakita kong gising na si Kristen
bumubuka yung bibig niya pero ungol lang ang lumalabas. Tumulo yung luha ko. Seeing her in
pain makes my heart crushed.
Agad agad kong ginising sina tita at Jackie na natutulog.
“OMG gising na si bakla?” dali dali silang lumapit sa kama ni Kristen.
Nakita ko kung gaano kasaya sina tita at Jackie na makitang gising na siya. Umiiyak sila at pati
na rin si Kristen may luhang tumulo sa mata niya “Don’t cry baby. Be strong okay? Andito lang
si mommy. Andito lang kami.” Pagpapatahan ni tita kay Kristen. Napailing ng marahan si
Kristen habang umiiyak.
“S-s-shi-shino s-s-sh-sha?” tanong niya tapos tumingin sa akin. T-teka h-hindi niya ako maalala?
Napatingin sa akin sina Tita at Jackie tapos tingin ulit kay Kristen. “Oh My God!” bulong ni
Jackie sabay takip sa bibig niya tapos umiling iling pa.
“Jackie call the doctor.” taratang Utos ni tita sumunod naman agad si Jackie.
Lalapit sana ako sa kanya pero bigla niya akong pinahinto at wag palapitin sa kanya. Galit ba
siya sa akin? Ayaw ba niya talaga akong makita?
Pumasok sa loob si Dr. Ramirez at yung nurse. Chineck up niya si Kristen. “Kelangan niyang
magpahinga at mahaba habang panahon para maka recover sa mga tinamo niyang sugat. Sa
ngayon mahina pa siya at hindi muna siya makakapagsalita ng maayos dahil sa pagka opera
ng panga niya.” sabi ng doctor. Nagpasalamat ako sa diyos at nabuhay siya. Sa nangyari sa
kanya hindi mo iisiping makakaligtas pa siya.
Inoperahan siya sa may panga niya dahil sa may nag crack doon at yung kaliwang paa niya
sinemento nila pati yung kamay niya
“Doc… B-bakit k-kanina hindi niya ako maalala? Tinatanong niya kung sino ako?” tanong
ko sa doctor. Napatingin silang lahat sa akin. Napailing ang doctor.
“She has selective amnesia.” Sagot ng doctor na siyang nagpahina sa akin.
So ibig sabihin noon isa ako sa taong nakalimutan niya? “M-mare’regain pa rin po ba niya ang
memory niya, Doc?” tanong naman ni Jackie.
“Dadaan pa siya some examination, hija.” Sagot ng doctor.
Tumingin ako kay Kristen na mahimbing na natutulog. Dapat lang siguro na makalimutan mo
ako. Dapat lang na kalimutan mo ang isang tulad ko. Isang gago!
Kung sakaling hindi na niya mare’regain ang memory niya and if she’ll going to lost it forever
magiging stranger na ako sa kanya. Yung tipong magsisimula akong maging isang stranger sa
kanya.
“Hijo…” napatingin ako kay Tita at saka ngumiti. Tatatagan ko ang loob ko para kay Kristen.
Ipapa’aalala ko sa kanya kong sino ako. Na ako yung taong mahal niya at yung taong mahal siya.
Hindi ako mawawalan ng pag-asa. Magiging masaya din kami. I will never lose hope, Kristen.
Magiging masaya ka din, tayo. Everything will be fine.
The biggest fear in love is to be forgotten by someone you love.
--
C h a p t e r – T w e l v e
“Here. Kainin mo ito masarap yan ako gumawa niyan.” inabot ko sa kanya yung ginawa
watermelon lemonade at yung cupcakes. Umiling siya tapos mas pinili niyang isubo yung mga
cookies na dala ni Taehyung.
“Tae~ Tae~ Ang sarap nitong cookiesss~ Magdala ka ulit next time ha? Yung madaming
madami~ Super damiii~ Hmmm! Sarap!” napatingin ako kay Taehyung na napakamot sa ulo
habang nagba’barbecue. Andito kasi kami sa bahay ni Kristen. We we’re celebrating our
graduation party. Nagdesisyon si Tita na dito na lang kami mag party, kasama ang Bangtan boys
at si Jackie.
Napatingin ulit ako kay Kristen na pinapapak yung cookies at hindi talaga pinansin yung nilapag
ko sa harap niya. diko alam kong nananadya ba ito o ano. Napatingin siya sa akin, ngumiti siya
at inabutan ako ng cookie umiling ako tapos napasimangot siya. Parang bata! >_<
1 month na siyang walang maalala at kami nina Jackie, Taehyung ang kanyang nakalimutan.
Pero kahit na may selective amnesia siya parang kilala naman niya si Taehyung. Ang bait niya
kay V, parang kung titignan hindi siya ito nabura sa isip niya. Pero may kakaiba sa kanya kung
itrato niya kami. Like kay V, sweet siya sa kanya, sa akin cold at kay Jackie masungit siya. Ewan
ba. Kelan ba siya makakaalala ulit?
“Bakit dika sumali sa kanila mag luto? Bakit ka lagi nakabuntot sa akin?” tanong niya.
napatingin ako sa kanya.
“Because I’m your angel! MInsan ka ng napahamak dahil sa kapabayaan ko, and I won’t let
that happen again.” Napangiti siya. Yung ngiting tumutunaw sa puso ko.
“Alam mo may kamukha ka? Sino ba kasi yun~? Familiar yang mukha mo eh. Yang ilong
mo, mata mo, pati boses mo, kaparehas mo siya. Lagi ko siyang napapanaginipan.” Bigla
siyang huminto. Napatingin ako sa kanya at siya’y tila nagiisip ng malalim.
“Kamukha mo siya, yung lalaking humahabol sa akin sa panaginip, yung lalaking dahilan
bakit ako na’aksidente, yung lalaking patuloy nanakit sa akin, not physically but mentally and
emotionally.” Napatingin siya sa akin ng seryoso. Napapanaginipan niya yung mga dati niyang
alaala? Is that a sign na babalik na ang alaala niya?
“You said you’re my angel? Then why in my dreams you’re the devil?” napalunok ako sa
sinabi niya. sa panaginip niya ako yung taong nanakit sa kanya. Nasaktan ko talaga siya ng sobra.
“The devil who ruin my life, pero bakit sa panaginip ko… mahal kita?” napahinto ako sa
huling sinabi niya. napatingin ako sa kanya at may isang butil ng luha ang nahulog mula sa
maganda niyang mata.
“B-bakit ganito? Dati blurred ka sa panaginip ko pero bakit ngayon parang lumilinaw na
yung mukha. At ikaw yun. Di ako pwedeng magkamali. Ikaw yun!” parang naguguluhang sabi
niya.
“Ahhhh! Aray!’’ bigla akong kinabahan ng bigla niyang hawakan yung ulo niya at parang bigla
itong sumakit. Biglang nagsilapit ang mga kasamahan namin at kitang kita sa mukha nila ang
pag aalala.
“K’kristen o-okay ka lang? A-anong nangyayare? Jungkook?” nagaalalang tanong ni Jackie.
“Mama! Ahhh! Ang sakit ng ulo ko! Ahhhh parang binibiyak siya!! T-tulong! Mama~!”
bigla ko siyang sinalo nung natumba siya. Bigla akong tumakbo palabas ng bahay at dali dali
pinasok sa loob ng sasakyan at agad ko itong pinaandar para dalhin siya sa hospital.
“No Kristen! Please! Wag kang susuko! Please sana okay ka! Wag mo akong iiwan!
Ikakabaliw ko pag wala!” pinipigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi pwedeng maging
mahina ako ngayon.
Kakayanin niya ito. Sana magising siya. At sa paggising niya makilala na niya ako.
*
Pagkarating namin sa hospital agad siyang dinala sa ER. Napaupo ako sa upuan doon at nagtakip
ng mukha. Hindi ko na kinaya nilabas ko na mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Mahal ko si
Kristen. Sobra! And I don’t know what to do without her. I need her. I need her in my life
because I love her.
“Kookie…” naramdaman ko na lang yung yakap ni Jackie sa akin at sinabayan ako sa pagiyak.
“H-hindi ko akalaing m-mangyayari ito sa b-bestfriend ko. H-hindi ko akalaing m-maging
miserable ang buhay niya. Jungkook… Ayokong mawala siya… A-ayokong tuluyan ng
mabura sa isip niya yung mga alaala niya. Yung mga a-araw na masaya kami… Y-yung mga
araw na nagpakabaliw siya sayo. A-ayokong mawala sa alaala niya ang mga iyon!” patuloy
lang siya sa pagiyak habang yakap yakap ako.
Maski ako, ayokong mawala ng tuluyan ang memorya niya sa nakaraan. Ayokong tuluyan na
niya kaming kalimutan. Pero kung sakaling mang mangyari iyon. Hindi ko siya kakalimutan.
Sabi nga nila Makalimutan man ng isip pero ang puso hindi nito makakalimutan ang taong
mahal mo.
Napatigil kami sa pagiyak ng magsalita yung doctor agad kaming napatayo ni Jackie at hinarap
ang doctor nandito din ang Bangtan si Tita wala siya. Nasa shop nila at mukhang wala siyang
alam sa kalagayan ngayon ni Kristen.
“Are you the family of Ms. Kristen?” tanong niya sa amin.
“Barkada niya po kami at siya po yung bestfriend niya.” sabay turo ni Jimin kay Jackie.
Tumango lang yung doctor at tsaka siya tumingin sa akin. Bigla akong kinabahan. Anong ibig
sabihin ng mga titig na iyon?
“D-doc… A-ano pong kalagayan niya? Kumusta po si Kristen?” tanong ko. Tangina naman oh
ang tagal naman niyang sumagot. Ano yung napipi? Tss.
“Go inside she’s waiting for you there.” Sabi niya sa malungkot na boses. Hindi ko alam pero
mas kinabahan ako. Pero diba dapat magsaya ako kasi sabi niya hinihintay niya ako? Ibig sabihin
naalala niya ako at hinahanap niya ako? Diba?
“A-ako po? Seryoso po? Jungkook po ba iyong hinahanap niya?” paninigurado ko.
Tumango siya. Napatingin ako sa mga barkada ko. Hindi ko mapigilang ngumiti. “G-guys! H-
hinahanap ako ni Kristen ibig s-sabihin n-nakakaalalana siya. Doc naregain na niya yung
memory niya?” tanong k okay doc.
“Yes. Sige na pasok na kayo sa loob. Hinihintay na niya kayo. At pakisabi kay Cassandra
puntahan niya yung anak niya okay? Excuse me.” sabi ng doctor. Nag thank you na kami sa
kanya at dali dali akong pumasok. Pagkapasok ko nakita ko siyang naka upo at nakatingi sa
kawalan na blanko ang hitsura niya.
“J-jungkook ikaw na ba yan?” tanong niya. Hindi ko alam pero bakit parang may mali?
“Bestfriend naalala mo na kami?” masayang sabi ni Jackie pagkapasok niya sa loob. Pero agad
nagbago yung ekspresyon ng mukha ni Jackie ng makitang umiyak si Kristen.
Ano na namang nangyayari?
--
Epilogue
It's been 4 years simula noong umalis siya ng bansa. At sobrang miss ko na siya. Kelan ba siya
babalik? Akala ko ba babalik siya? Sabi pa niya maghihintay ako dahil babalik at babalik siya.
Kahit ayokong umalis siya pinabayaan ko na lang. She needed time and space. At ang gusto niya
pag naging kami na wala ng problema. Na dapat nasa maayos na ang lahat. Kaya heto ako
ngayon naghihintay pa rin sa kanya. Apat na taon. Apat na taon akong naghintay sa kanya hindi
ko alam kung ilang taon pa ako maghihintay sa kanya. Pero kahit ilang taon pa ang hintayin ko,
kahit panghabambuhay ko siyang hihintayin maghihintay ako. Mahal ko siya. Mahal na mahal.
At handa akong maghintay sa wala.
"Hanggang ngayon hinihintay mo pa rin siya?" tanong ni Jackie. napatingin ako sa kanya.
She's wearing a business suit. Isa na siyang CEO ng Tamayo Empire. Ngumiti ako ng pilit.
"Mahal ko siya Jack. And I'm willing to wait even if it takes thousand years." umupo siya sa
tabi ko.
Andito ako ngayon kung saan ko siya laging nakikitang natatambay. Sa may garden sa school
namin nung highschool kami. Kung saan kami laging nagseserenade kung saan lagi ko siyang
kinakantahan ng palihim.
"What if hindi na siya babalik?" natigilan ako sa tanong niya. What if hindi na siua dadating
talaga?
"Babalik siya. She swear. At yung sabi ko maghihintay ako kahit habambuhay ko siyang
hihintayin." bigla akong binalot ng lungkot. Apat na taon akong nangulila sa kanya.
"What if kinalimutan ka na niya ng tuluyan? What if may mahal na siyang iba? " there are
so many what if's .
"Babalik siya Jack. Babalik siya. Magiging masaya kaming dalawa. Kami yung nakatadhana
para sa isat isa. Mahal ako ni Kristen. Mahal niya ako. Yun yung sabi niya bago siya
umalis." biglang nangilid yung luha ko. Babalik siya.
"Babalik ako. Please hintayin mo ako. Mahal kita." naiiyak na sabi niya habang hawak hawak
niya yung mukha ko gamit yung dalawa niya malambot na palad.
"Maghihintay ako. Kahit gaano pa katagal. Mahal kita. At ikaw lang. Kaya bumalik ka agad ha?
At sa pagbalik mo pakasal na tayo."I smiled to her kahit alam kong hindi niya nakikita.
After niyang maregain yung memory niya doon naman niya nawala yung paningin niya. Nabulag
siya dahil sa aksidente. Naapektuhan daw yung mata niya sa pagkakabagok ng ulo niya. kung
kelan naman kasi naregain na niya yung memory niya doon naman siya nabulag.
They decided to take her to US. Para doon magpa opera at magpagaling. At balak na talagang
pumuntang US simula noong nagkagulo na ang buhay niya. Gusto niyang magpakalayo layo
para makapagisip isip daw.
"Wag mo akong ipagpapalit ha? Dahil ako hindi kita kayang ipagpalit." lumulhang sabi niya
Napangiti ako.
"Hinding hindi kita ipagpapalit. Ikaw lang wala ng iba."
"Salamat Jungkook. Salamat dahil minahal mo ako. I love you." napaiyak ako sa sinabi niya. Sa
simpleng I love you niya kinikilig na ako.
"I Love You too. O sige na. Baka maiwanan ka ng eroplano. Para naman makabalik ka na agad.
Mamiss kita." /pout/ shit. nababakla na ata ako. Nagmamahal eh.
"Osige na. I love you. I love you. I love you. Hehe." Bigla naman akong kinilig dun. Shit.
nakakabakla ba magmahal? haha.
Tumalikod na siya at inalalayan siya ni Tita. Pero bago pa siya makalayo bigla ko siyang hinila
at niyakap. Paalis pa lang siya namiss ko na siya agad paano pa kaya pag nawala na siya sa
tabi ko?
"J-jungkok..." napasinghap siya
"Wag ka na lang kasing umalis. Hindi ka pa nga nakakaalis, miss na miss na agad kita. Dito ka
na lang kasi. Ako na lang magiging mata mo Handa kong ibigay ang mga mata ko para sayo.
Please. Wag ka na lang umalis." bigla akong napaiyak at mas hinigpitan yung yakap ko sa
kanya.
"K-kookie... Kelangan... Kelangan kong ayusin ang buhay ko at ganun din sayo. Dapat maging
maayos muna ang lahat bago tayo pumasok sa isang relasyon. Sige na. Baka mas lalo pa akong
mawala sa higpit ng yakap mo eh." narinig ko siyang napatawa ng mahina.
Kumalas ako sa pagkakayakapan namin at hinawakan siya sa magkabilang braso. Tinitigan ko
yung mga mata niyam nakatingin rin siya sa akin. Pero blanko ang mga iyon.
Sa pagkakataong ito hinalikan ko siya sa may noo niya. Nagulat siya dun pero agad naman
siyang napangiti
"I love you more than so much. Hihintayin kita." Yun na ang sinabi ko bago ko siya pinakawalan.
Palabas na ako ng school dumidilim na rin kasi. Pero bago ako makalabas may narinig akong
tumugtog. napatingin ako sa paligid at napaka liwanag sa garden. Tekaa... Ano kayang meron
dun? Bigla akong ngalakad palapit sa garden.
[Play the song at the side: Inlove with you]
Habang papalapit ako biglang bumibilis yung pintig ng puso ko. Napahawak ako dun. Kakaiba
itong nararamdaman ko ngayon. Pero mas lalo itong bumilis sa pagtibok nung marinig ko yung
boses niya.Kristen?
napatingin ako sa direction kung saan ko galing yung boses. It's her. Siya ba talaga yan?
"Ano tatanga at tatayo ka na lang ba diyan? Dimo ba ako namiss? Miss na miss nanga kita
eh " bigla siyang nagpout pero agad siyang napangiti ng tumakbo ako palapit sa kanya at
yakapin siya ng sobrang higpit.
"You're here. At totoo ka. Hindi ako nanaginip. Totoong nasa harap kita. Oh god. Namids
kita sobra." yumakap ulit ko sa kanya. narinig kong may nag ehem. Agad akong napabitaw at
nakita ang BTS pati si Jackie na ang lalawak ng ngiti.
"Haay akala ko di uubra yung plano natin eh " -Jimin.
"Oo nga. Pero success. Ano na Kristen. Tuloy mo na yung plano mom Patayin mo na si
Jungkook." Jhope
tinignan siya nito ng masama "Joker. hahaha."
natawa na lang kami sa kanya. dipa rin nagbabago ang loko.
Napatingin ako kay Kristen na ang ganda ng mga ngiti.
"N-nakakakita ka na?" tanong ko. tumango siya sabay may kinuha sa bulsa ng palda niya.
napatgil ako ng nilabas niya ang isang kahon at binuksan ayon. Shit nabaligtad na ba panahon
ngayon?
"Alam kong torpe ka kaya ako na gagawa. Haha." bigla akong namula. Siya ba talaga ang
magpo propose? Tangna!
"Alam kong akin ka pa rin. At ngayon I'm going to protect whats mine. Mr. Jeon Jungkook
will you marry this beautiful lady infront of you? OO o OO lang ang pagpipilian." tapos
natawa pa siya
"S-seryoso ka?" di makapaniwalang tanong ko.
"Ay hindi joke lang ito lahat. Joke lang. Ayaw mo naman ata akong pakasalan eh. Pero sabi
ko nga ang pagpipilian ay OO o OO walang HINDI sa choices." Sa tuwa ko bigla ko siyang
hinalikan sa labi. Walang gumalaw ni isa sa amin. nakadikit lang ang mga labi namin.
"Oyy chansing ka ah." natatawang sabi niya. Perobsa halip na sagutin ko siya kinuha ko yung
isang pares ng singsing sa kahon at tsaka ako lumuhod. napatakip siya ng bibig.
"Ako dapat kasi gumagawa nito. Ms. Kristen Dimalanta will you marry me? Dahil ako ang
sagot ko sa tanong mo kanina ay isang malaking malaking OO." sabi ko. napangiti siya and at
the same time napaluha. pero agad naman niya itong pinunasan.
"Gago ka talaga kahit kelan. Oo naman. Papakasalan kita." agad kong sinuot yung singsing
sa daliri niya at siya naman agad niya kinuha yung kamay ko at sinuot yung singsing sa daliri ko.
"I love you."
"I love you too."
Napangiti ako dun. At dahil sa tuwa ko bigla ko siyang hinalikan. And this time gumalaw na ang
mga labi namin. We kissed passionately. Tasting each other’s lips. Yung para banag uhaw na
uhaw kami sa isat isa.
"Wag kayo dito gumawa ng pamangkin ko." bigla kaming napahiwalay. we both turned red and
laugh. Hinawakan ko yung kamay niya at tiningnan siya. Hinalikan ko yung kamay niya dahilan
para mas mamula siya.
"Sobra kitang namiss alam mo yun? Four years at dahil dun magbabayad ka." sabay tawa ko.
Agad naman niya akong binatukan.
"Tara?" yaya ko sa kanya.
"Guys una na kami. Gagawa na kami ng baby namin." sabay hila sa kanya. Nagcheers naman
ang mga loko. at si Kristen ayun tinadtad ako ng mura at sama ng tingin.
Naghiwalay man kami ng ganun katagal. Nangyari man ang lahat ng di namin inaasahang
mangyari. Andito pa rin kami sa huli. Kami pa rin ang pinagtagpo. Alam kong may rason ang
lahat ng iyon. At salamat sa kanya dahil kahit gaano kasama ang nangyari 5 years ago ay andito
pa rin kaming dalawa. Kami pa rin sa huli.
We started as a stranger but we didn't let ourselved to be a stranger at the end. Dahil lahat ng
mga nagmamahalan they started as a stranger and end up loving each other. She was a stranger
to me way back then pero hindi siya naging invisible sa akin. Dahil simula pa lang nakuha na na
niya attention ko.
"Gawa na tayo ng baby!" pabirong tanong ko.
"Hindi pa tayo kasal! Wag kang atat!" sinimangutan niya ako.
"So pag kasal na tayo pwede na tayong gumawa ng maraming baby?"
"Wag ka nga Kookie! Mahirap magbuntis may tumigil tigil ka jan baka maputol ko yang ano
mo!" bigla niya akong kinurot.
"Aray naman! Excited na kasi akong magkababy eh." sabay pout ko
"Tss. Sa ngayon ikaw muna baby ko. Kaya tumahimik ka jan." kinilig naman ako? Haha.
"Sus. oo na kinilig na ako. Haha. I love you wifey ko." bigla akong natawa sa tinawag ko sa
kanya
shet! Pati rin pala inlove nagiging korni ka!
"Hihi I love you to infinity and beyond hubby ko. *chu*". at dahil hinalikan niya ako ng smack
sa labi bigla ko siyang hinila at hinalikan ng mas matagal.
I love her so much. At siya lang wala ng iba
The end
--
A/n: Guys please lang! I am giving my stories’ softcopies pero sana wag niyo siyang
iplagiarize. Wag niyong angkinin, okei? Nakikiusap ako. Alam naman nating
PLAGIARISM IS A CRIME! Kasalanan sa batas at kay GOD! Maawa kayo pinaghirapan
kong gawin ito kaya sana wag niyong ipublish na sa inyo. I gave softcopies dahil may mga
nanghihingi. At dahil mabait ako. :D Pero wag umabuso.
Maraming Thank you po sa inyo! :)
©ohmycheese [jey]