Guro Ako - Teacher Talks · Web viewBalik-tanaw sa mga Sangkap ng Skill-Related Fitness I. Layunin...
Transcript of Guro Ako - Teacher Talks · Web viewBalik-tanaw sa mga Sangkap ng Skill-Related Fitness I. Layunin...
Edukasyong
Pangkatawan
YUNIT 4
PAGPAPANATILI SA PAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS
ARALIN 1
Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
Balik-tanaw sa mga Sangkap ng Skill-Related Fitness
I. Layunin
1. Natutukoy ang mga sangkap ng skill-related fitness.
2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagpapanatili ang kasiglahan at kalakasan ng ating katawan.
3. Napahahalagahan ang mga sangkap ng skill-related fitness upang lubos na maunawaan ang kahalagahan ng mga ito sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng ating physical fitness.
II. Nilalaman
Paksa: Balik-tanaw sa mga Sangkap ng Skill-RelatedFitness
Kasanayan: Skill-Related Fitness
Pagpapahalaga: kabutihang dulot ng skill-related fitness sa katawan
Sanggunian: MAPEH 4
Kagamitan: Filipino Physical Activity Pyramid Guide
III. Pamamaraan
A. Pang –araw-araw na gawain
1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotan.
2. Pampasiglang Gawain: sumangguni sa MAPEH 4
3. Balik-aral:
Tanungin ang mga bata sa mga natutuhan sa mga nakaraang aralin tungkol sa sangkap ng skill-related fitness.
B. Panimulang Gawain
1. Ipabasa ang talaan at lagyan ng tsek ang kolum kung ang mga gawaing pisikal (physical activity) na nabanggit ay lumilinang sa mga sangkap ng skill-related fitness. Kopyahin nila ang talaan at sagutan sa kuwaderno.
2. Sagutin ang mga katanungan.
C. Panlinang na Gawain
Muling bigyan ng pansin ang anim na sangkap skill-related fitness.
D. Paglalapat
Ang klase ay hahatiin sa anim na pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng isang sangkap ng skill-related fitness. Bibigyan ng laang oras ang bawat pangkat upang umisip ng isang gawain, laro/isports, at sayaw na lumilinang sa ibinigay na sangkap sa grupo.
Sa pamamagitan ng malikhaing presentasyon, ipakikita ng bawat pangkat sa buong klase ang naisip na gawain, laro/isports, at sayaw. Huhulaan ito ng iba pang pangkat. Ang sinumang makahula ay bibigyan ng karampatang puntos..
E. Paglalagom
Ang agility (liksi), balance (balanse), coordination (koordinasyon), power, speed (bilis), at reaction time ay mga sangkap ng skill-related fitness na dapat linangin upang magawa nang buong husay ang mga kasanayan sa paglalaro, pagsasayaw, o mga gawaing pang-araw-araw.
IV. Pagtataya
1. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap na nasa
kahon at sagutin ang tanong.
2. Gumuhit ng mga gawaing nakalilinang ng mga sumusunod na sangkap ng skill-related fitness. Gumawa ng isang islogan na naaayon kung paano ito mapauunlad:
a. Agility (liksi)
b. Speed (bilis)
c. Power
V. Takdang- aralin
Laging isaisip na sa lahat ng ating pang-araw-araw na gawain ay ginagamit natin ang mga sangkap ng skill-related fitness upang mas maging madali at ligtas ang mga gawain.
Gumawa ng personal na kontrata para sa paglinang ng mga sangkap na nabanggit. Ipasa ang kontrata sa susunod na pagkikita.
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. 71
YUNIT 4
PAGPAPANATILI SA PAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS
ARALIN 2
Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
Paglinang ng Balanse
I. Layunin
1. Naipaliliwanag ang mga kabutihang idunudulot ng likhang sayaw sa paglilinang ng balanse sa kalusugan ng katawan.
2. Naisasagawa nang tama ang mga hakbang sa pagsasayaw .
3. Nabibigyang-halaga ang mga kabutihang idinudulot ng likhang sayaw sa paglilinang ng balanse sa kalusugan ng katawan.
II. Nilalaman
Paksa: Paglinang ng Balanse
Kasanayan: balanse, koordinasyon, at flexibility
Pagpapahalaga: Mabibigyang-halaga ang mga kabutihang dulot ng
likhang sayaw sa kalusugan ng katawan.
Sanggunian: MAPEH 4
Kagamitan: CD player, cds, 2 pirasong patpat o 2 piraso ng bao (ikalawang pwedeng gamitin upang magbigay ng tunog sa mga bata upang masundan ang kumpas kung walang CD player.)
III. Pamamaraan
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotan.
2. Pampasiglang Gawain: sumangguni sa LM Grade 4
3. Balik-aral: Balik-aral sa gawaing lokomotor
B. Panimulang Gawain (Simulan Natin)
Ipakita sa mga bata ang larawan. Tanungin kung alin sa mga
larawan ang nasubukan nilang gawin?
C. Panlinang na Gawain
Ipaliwanag kung ano ang balanse.
D. Paglalapat
Ipasagawa sa mga mag-aaral ang Balanse Backward Hop.
E. Paglalagom
Ipaliwanag sa klase na ang balanse ay mahalagang physical fitness components.
IV. Pagtataya
Tanungin ang mga bata tungkol sa isinagawang Backward Hop.
Ipasagot ang mga tanong sa Suriin Natin.
V. Takdang-aralin
Ipagawa sa mga mag-aaral ang personal na kontrata para sa paglinang ng balanse. Ipasa ang kontrata sa susunod na pagkikita.
YUNIT 4
PAGPAPANATILI SA PAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS
ARALIN 3
Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
Paglinang ng Reaction Time
I . Layunin
1. Nalilinang ang kaalaman at kasanayan sa reaction time.
2. Nabibigyang-halaga ang mga kahalagahan ng kasanayan na maging alisto at may sapat na kakayahan sa reaction time.
II . Nilalaman
Paksa: Paglinang ng Reaction Time
Kasanayan: koordinasyon, reaction time, at flexibility.
Pagpapahalaga: kabutihang dulot ng likhang sayaw sa kalusugan ng katawan.
Sanggunian: MAPEH 4
Kagamitan: CD player, cds, dalawang pirasong patpat o dalawang piraso ng bao (ikalawa pwedeng gamitin upang magbigay
ng tunog sa mga bata upang masundan ang kumpas kung walang CD player.)
III. Pamamaraan
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Pagtsek ng attendance at angkop na kasuotang
pampisikal na gawain
2. Pampasiglang Gawain: Sumangguni sa LM Grade 4
3. Balik-aral: Balik-aral tungkol sa paglinang ng balance
B. Panimulang Gawain
Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan at tanungin sila kung naranasan na ba nilang tumugon sa isang pangyayari na mabilis nilang naisagawa ang kanilang reaksyon.
C. Panlinang na Gawain
Pagpapaliwanag tungkol sa reaction time.
D. Paglalapat
Ipapakita ng guro ang tamang pagsasagawa ng Coin
Catch. Pagkatapos ng pagsasagawa ng alituntunin ng Coin Catch
hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Isasagawa nang ilang ulit ng
bawat pangkat ang Coin Catch B upang ito ay maisagawa nang
tama at malinang ang kasanayan.
E. Paglalagom
Sabihin na ang reaction time ay mahalagang physical fitness components upang lubos na makagawa nang mahusay na gawain.
IV. Pagtataya
Ipasagot sa mga bata ang mga katanungan ukol sa nararamdaman sa katatapos na gawaing Coin Catch.
V. Takdang-aralin
Ipagawa sa mga mag-aaral ang personal na kontrata para sa paglinang ng reaction time. Ipasa ang kontrata sa susunod na pagkikita.
YUNIT 4
ARALIN 4
Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
MALIKHAING PAGSAYAW
I. Layunin
1. Naiisa-isa ang mga katawagan sa sayaw.
2. Nasusuri ang pagganap ng mga mag-aaral sa mga pangunahing hakbang.
3. Naipakikita ang kamalayan sa kahalagahan ng sayaw.
II. Nilalaman
Paksa: Katutubong Galaw sa Makabagong Sayaw
Kasanayan: balanse, koordinasyon, at flexibility
Pagpapahalaga: Mabibigyang-halaga ang mga kabutihang
dulot ng sayaw sa katawan.
Sanggunian: MAPEH 4
Kagamitan: CD player, cds, dalawang pirasong patpat o dalawang piraso ng bao (ikalawang pwedeng gamitin upang magbigay ng tunog sa mga bata upang masundan ang kumpas kung walang CD player.)
III. Pamamaraan
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotang
pampisikal na gawain
2. Pampasiglang Gawain: sumangguni sa LM Grade 4
3. Balik-aral: Magtanong tungkol sa sayaw na Ba-Ingles.
B. Panimulang Gawain
Ipagawa sa mga bata ang talaan ng mga hakbang na ginamit sa katatapos na aralin, sa Ba-Ingles at sa Liki .
C. Panlinang na Gawain
Balik- aralan at ipasakilos sa mga bata ang naitala nila. Paalalahanan ang mga bata na isiping maigi ang bawat hakbang at bilang.
D. Paglalapat
Ipasubok sa mga bata na gawin ang mga hakbang sa pagsayaw sa
makabagong tugtugin.
E. Paglalagom
1.Gabayan ang mga bata sa pagbuo ng paglalahat
F. Pangwakas na Gawain
Ipasayaw na muli sa mga bata ang lahat ng bahagi ng sayaw.
IV. Pagtataya
Sa tulong ng inihandang checklist, lagyan ng tsek (/) ang paraan ng pagsasagawa ng mga batayang hakbang.
Paraan ng Pagsasagawa
Mga Batayang Posisyon
1
Hindi
Naisagawa
2
Bahagyang Naisagawa
3
Lubos na Naisagawa
4
Kahanga-hanga ang
Pagsasagawa
Hop Step
Close Step
Touch Step
Change Step
Waltz
Waltz Turn
Three Step Turn
Change Step Turn
V. Takdang-aralin/Pagbibigay-halaga sa Aralin (Pagbutihin Natin)
Sabihan ang mga bata na sanayin ang mga hakbang sa pagsayaw at humanda sa sariling paglikha.
Yunit 4
PAGPAPANATILI SA PAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS
ARALIN 5
Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
Ang Pagsubok sa mga Sangkap ng Physical
Fitness (Post-test)
I . Layunin
1. Nasusubukang muli ang antas ng physical fitness.
2. Natutukoy kung ano ang estado ng physical fitness kumpara sa naunang pagsubok o pre-test.
3. Naisasagawa ang pagsubok sa mga sangkap ng physical fitness o physical fitness test.
II . Nilalaman
Paksa: Physical Fitness (Post-test)
Kasanayan: balanse, koordinasyon, at flexibility
Pagpapahalaga: Kabutihang dulot ng physical fitness.
Sanggunian: MAPEH 4
Kagamitan: Physical Fitness Passport Card, tungtungan o hagdan
III. Pamamaraan
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotan. 2. Pampasiglang Gawain: sumangguni sa LM Grade 4
3. Balik-aral: Magtanong tungkol sa katutubong galaw sa makabagong sayaw.
B. Panimulang Gawain
Sabihan ang mga mag-aaral na muling pag-aralan ang Physical Fitness Passport Card na siyang naging talaan ng mga Pre-test scores.
Tanungin ang mga bata kung anong sangkap o component sila o malakas. Tanungin sila kung ano-anong mga gawaing pisikal (physical activity) ang kanilang mga ginawa para mapaunlad ang mga sangkap na ito.
C. Panlinang na Gawain
Sa patnubay at gabay ng guro, ipasagawa sa mga mag-aaral ang mga pagsubok nang naaayon sa tamang alituntunin at kaligtasan.
D. Paglalapat
Ipagawa sa mga bata ang iba’t ibang pagsubok.
E. Paglalagom
Gabayan ang mga bata upang makabuo ng wastong kaisipan sa iba’t ibang pagsubok. Itanong kung aling gawaing pagsubok ang dapat mauna at dapat mahuli.
IV. Pagtataya
Muling ipagawa sa mga mag-aaral ang mga pagsubok upang malaman kung ano ang estado ng kanilang physical fitness kumpara sa paunang pagsubok o pre-test.
V. Takdang-aralin
Sabihan ang mga bata na bago nila itaya ang kanilang sarili sa mga pagsubok ng mga sangkap ng physical fitness, nararapat lamang na muli nilang tandaan ang mga alituntunin para sa wastong pagsasagawa ng mga ito.
Yunit 4
ANG PAGSUBOK SA MGA SANGKAP NG PHYSICAL FITNESS
ARALIN 6
Laang oras ng pagtuturo: apatnapung (40) minuto
Pangangasiwa ng Katawan
I. Layunin
1. Nasasagutan ang fitness passport card at post-test.
2. Naisasagawa ang mga gawaing nasa talaan ng iskor sa mga pagsubok ng physical fitness
II. Nilalaman
Paksa : Pangangasiwa ng Katawan
Kasanayan: Health-related at Skill-related Physical Fitness Components
Pagpapahalaga: Mabibigyang-halaga ang mga kabutihang dulot ng fitness level ng mga mag-aaral.
Sanggunian: MAPEH 4
Kagamitan: fitness passport card, talaan ng iskor sa mga pagsubok ng physical fitness
III. Pamamaraan
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Pag-tsek ng attendance at angkop na kasuotang pampisikal na gawain.
2. Pampasiglang Gawain: sumangguni sa MAPEH 4; pp.
3. Balik-aral : Tanungin ang mga bata sa mga
natutuhan sa mga nakaraang aralin tungkol sa
Filipino Pyramid Activity gaya ng kahutukan, bilis,
lakas ng kalamnan, puwersa at liksi.
B. Panimulang Gawain (Simulan Natin)
Gabayan at ipaliwanag sa mga bata ang pagsasagawa ng mga gawain sa “Simulan Natin”.
C. Panlinang na Gawain (Ipagpatuloy Natin)
Ipabasa sa mga bata ang “Ipagpatuloy Natin” at ipaliwanag ito sa kanila.
D. Paglalapat: (Gawin Natin)
Ipalabas sa mga bata ang kanilang Talaan ng Iskor sa mga Pagsubok ng Physical Fitness at ipagawa ang “Gawin Natin”
E. Paglalagom (Tandaan Natin)
Gabayan ang mga bata sa pagbuo ng kaisipan na nauukol sa mga pagsubok sa mga sangkap ng physical fitness
F. Pangwakas na Gawain
Sabihin sa mga bata na mag-cool down at kaunting stretching.
IV. Pagtataya (Suriin Natin)
Ipagawa sa mga bata ang gawain sa “Suriin Natin”.
V. Takdang-aralin/Pagbibigay-halaga sa Aralin (Pagbutihin Natin)
Ipagawa ang nasa LM “Pagbutihin Natin”