FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIK...sanaysay, photo essay, resume, liham –aplikasyon,...

21
1 FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIK Unang Markahan- Modyul 1 Aralin 1: Kahulugan at Kalikasan ng Akademikong Pagsulat 12

Transcript of FILIPINO sa PILING LARANG AKADEMIK...sanaysay, photo essay, resume, liham –aplikasyon,...

  • 1

    FILIPINO sa

    PILING LARANG AKADEMIK Unang Markahan- Modyul 1

    Aralin 1: Kahulugan at Kalikasan ng Akademikong Pagsulat

    12

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 2

    Pilipino sa Piling Larang Akademik – Grade 12 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Lesson 1: Kahulugan at Katuturan ng Akademikong Pagsulat Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties. Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them. Published by the Department of Education Secretary: Leonor Magtolis Briones Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

    Printed in the Philippines by: Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province Office Address: IPHO Bldg. Sudlon, Lahug, Cebu City

    Telefax: (032) 255-6405

    E-mail Address: [email protected]

    Development Team of the Module

    Writer: Eugenia M. Solon

    Editors: Jennifer Armamento/ Lorna P. Almirante

    Reviewers: Nenita Lerio/ Dr. Clavel D. Salinas

    Moderator: Marivic M. Yballe

    Illustrator: Andre Angel O. Erasmo

    Layout Artist: Andre Angel O. Erasmo

    Management Team:

    Dr. Marilyn S. Andales Schools Division Superintendent

    Dr. Leah B. Apao Assistant Schools Division Superintendent

    Dr. Ester A. Futalan Assistant Schools Division Superintendent

    Dr. Cartesa M. Perico Assistant Schools Division Superintendent

    Dr. Mary Ann P. Flores CID Chief

    Mr. Isaiash T. Wagas Education Program Supervisor-LRMDS

    Dr. Clavel D. Salinas PSDS/SHS Division Coordinator

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 3

    Panimula

    Ang modyul na ito ay idenisenyo sa kasalukuyang panahon na kung saan

    naharap sa krisis ang bansa at ang buong mundo dulot ng COVID-19. Sa pamamagitan

    nito maaaring maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan kahit nasa bahay lamang.

    Ang sariling gawang modyul na ito ay malaking tulong sa mga kabataang mag-aaral

    upang magbigay ng mga panimulang kaalaman at karunungan tungkol sa akademikong

    pagsulat at pagsulat para sa pagtatrabaho. Maaaring sa mga pangyayari ngayon

    mailalahad nila ang kanilang mga saloobin o mga isyung dapat pagdiskusyonan sa

    pamamagitan ng pagsulat. Tinalakay rito ang mga kahulugan, kalikasan, at mga

    katangian, mga bahagi at mga hakbang sa pagsulat ng mga akademikong sulatin tulad

    ng abstrak, bionote, talumpati, replektibong sanaysay, posisyong papel, lakbay-

    sanaysay, photo essay, resume, liham –aplikasyon, korespondensyang opisyal,

    agenda, katitikan ng pulong, press release at panukalang proyekto. Layunin nitong

    palawakin at palalimin ang pang-unawa mo sa mga sulating ito.

    Upang hindi mahuli sa tawag ng globalisasyon kailangang hangga’t maaga pa ay

    magsanay na sa pagsulat. Ang mundo ay puno ng kompetisyon, sa pagtatapos ng

    Senior High School ay kailangang hawak mo na ang buong kaalaman at kahusayan sa

    limang makrong kasanayan: ang pagbasa, pagsasalita, pakikinig, panonood at ang

    pagsulat. Layunin ng modyul na ito na hasain ang iyong kaalaman sa mga

    akademikong sulatin bilang paghahanda sa iyong propesyonal na buhay. Sa paggawa

    ng modyul na ito isanaalang-alang ang pagtugon sa mga kahilingan ng bagong

    kurikulum. Idinsenyo sa trak na nakaangkla sa mga gawaing pang akademik.

    Inihanda ang mga gawain sa modyul upang makatugon sa iba’t ibang track na

    kinukuha. May mga gawaing akademiko, teknikal bokasyonal, pansining, pandesinyo at

    pang-isports.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 4

    Ang modyul ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi

    dito inilatag ang mga layuning inaasahang matatamo sa pagtatapos ng

    modyul. Ito ang nais iparating ng sumulat sa mga mag-aaral at matamo

    lamang ito gamit ang ibang pamamaraan sa pagturo tungo sa

    pagkatuto.

    ito ang bahaging tinataya ang kakayahan at kaalaman ng mag-

    aaral sa mga araling dapat n’yang matutuhan kung anong aspeto

    sa laranga ng pagsusulat ang dapat pang palawakan at

    paglinangin.

    ito ang mga gawaing sinubok ang dating alam ng mag-aaral bilang

    panukat sa kanilang natotohan.

    dito sinusubok ang mga mapanuring pag-unawa ng mga mag-aaral

    sa Filipino sa Piling Larang Akademik sa pamamagitan ng

    paglalatag ng mga Gawain na sila mismo ang nakadiskubre sa

    araling tatalakayin.

    ipinahahayag ang mahalagang pag-unawa sa aralin, ang konteksto ng

    paksang tatalakayin upang malinang ang mga makrong kasanayan ng

    mga mag-aaral.

    dito ipinahahayag ang mahahalagang pag-unawa tungkol sa

    paksang tinalakay.

    dito binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mapag-isipan

    ang kabuluhan ng mga kaisipang nabasa niya bago tumuloy sa

    kasunod na pagtatalakay.

    dito sinusubok ang lalim ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa

    kabuuan ng aralin.

    ito ay mga aktuwal na mga gawaing humahamon sa mga mag-aaral na

    ilapat ang kanyang natutuhan sa mga aktuwal na sitwasyon o

    makatotothanang mga konteksto. Ang mga gawaing ilalatag ay susubok

    sa mga gawaing tulugon sa iba’t ibang track.

    dito tinataya ang lebel ng pag-unawa ng mga mag-aaral kaugnay

    sa kabuuang araling tinatalakay. Ito ang bahaging makapaglikha

    ang mga mag-aaral sa sarili nilang kaparaanan bunga ng

    pagkatutu sa araling tinatalakay.

    ito ang mga karagdagang babasahin na magbibigay ng pagpapalawig

    sa pagtatalakay sa susubok at hahasa sa tibay na pag-unawa ng mga

    mag-aaral bunga ng pagkatuto. Maari itong nakalimbag o mula sa

    internet.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 5

    SUBUKIN KO ANG KAALAMAN MO!

    PANIMULANG PAGTATAYA

    I. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan: Bilugan lamang ang titik ng

    tamang sagot.

    1. Ito ay artilkulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman

    sa paraang nakalimbag,

    A. Pakikinig

    B. Pagbabasa

    C. Pagsasalaysay

    D. Pagsusulat

    2. Anyo ng Pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at

    bunga, at pagbibigay ng mga halimbawa.

    A. Paglalahad

    B. Paglalarawan

    C. Pagsasalaysay

    D. Pangangatuwiran

    3. Anyo ng Pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng

    mga pangyayaring aktuwal nas naganap.

    A. Paglalahad

    B. Paglalarawan

    C. Pagsasalaysay

    D. Pangangatuwiran

    4. Anyo ng pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o

    argumentong pumapanig o sumasalungat sa isyung nakahain sa

    manunulat.

    A. Paglalahad

    B. Paglalarawan

    C. Pagsasalaysay

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 6

    D. Pangangatuwiran

    5. Anyo ng Pagsusulat na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon,

    palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar,

    o pangyayari.

    A. Paglalahad

    B. Paglalarawan

    C. Pagsasalaysa

    D. Pangangatuwiran

    II. Sabihin kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap. Kung MALI, salungguhitan

    ang salitang napagkamalian at isulat ang tamang sagot sa katapat nito.

    6. Matapat ang isang mananaliksik na nagsusulat ng impormasyon sa

    notecard hinggil sa mga impormasyon na kaniyang nakuha sa mga aklat.

    7. Sistematiko ang isang mananaliksik na nagbabanggit hinggil sa limitasyon

    ng kaniyang ginagawang pag-aaral.

    8. Maparaan ang isang mananaliksik na hindi gumagamit ng mga datos na

    kuwestiyonable.

    9. Ginagamit ang akademikong pagsulat sa pagbabalita sa mga pangyayari

    hinggil sa mga paboritong artista sa telebisyon.

    10. Mahalaga ang naidudulot ng akademikong pagsulat, partikular sa pag-

    uulat ng mga pananaliksik na ginawa ng iba’t ibang iskolar hinggil sa iba’t

    ibang disiplina.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 7

    Kasanayang Pampagkatuto: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong

    pagsulat (CS_FA11/12PB-Oa-c-101)

    Mga Dapat asahan sa modyul na ito:

    a. naipapaliwanag ang iba’t ibang konsepto ng pagpapakahulugan

    ng akademikong sulatin

    b. nakabubuo ng pagpapatunay sa pinanindigang paniniwala

    c. nagagamit ang kritikal na pag-iisip sa pagpapalawak sa inilalahad

    na konsepto

    d. natutukoy ang kahalagahan na akademikong sulatin bilang isa sa

    pangangailangan ng lahat ng kurso

    Modyul 1: Kahulugan at Katuturan ng Akademikong Pagsulat

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 8

    Panimulang-Gawain :

    Maalaala Mo Kaya !

    Panuto:

    Gawain Blg.1: Magbalik-gunita. Isulat sa hagdan ang mga sulating naranasan.

    Ang pinakaunang baitang ay ang sulating unang natutuhan hanggang sa huling baitang

    na s’yang pinakahuling natutuhan. Maaaring magdagdag ng mga baitang kung

    kinakailangan.

    Ang dami na pala ninyong natutuhan kung karanasan sa pagsusulat ang pag-

    uusapan. Sige nga dagdagan natin ang banga ng inyong kaalaman kung gaano kaya

    katibay ang inyong mga kasanayan sa pagsulat.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 9

    Kaya ninyo pa ba?

    Gawain Blg. 2: Panindigan Ko!

    Batay sa mga nakatala sa bawat hagdan, alin dito ang pinakamadali,

    ang katamtaman at ang pinakamahirap. Mabigay ng pagpapatunay. Isulat

    ang sagot sa mga nakalaang hugis.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 10

    Magaling! Nagpapatunay lamang na bihasa na kayo sa larangan ng Pagsusulat

    ng mga iba’t ibang uri na mga sulatin.

    Tuklasin:

    Sisirin Ko !

    Ano kaya ang dahilan ng mga indibiduwal na awtor kung bakit sila

    nagsusulat? Isulat sa concept web ang sagot.

    Malinaw na inilahad sa concept web na ang awtor ay may tiyak na dahilan kaya

    siya sumulat. Mula sa mga naunang mga gawain atin ng mahuhulo kung ano kahulugan

    at katuturan ng pagsulat.

    Ano ang kahulugan ng Akademikong Pagsulat? Kailan naging Akademikong Pagsulat?

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 11

    Ano-anong sulatin ang maituturing na pang-akademiko? Alin dito ang naranasan

    mo sa pagsusulat? Mahirap ba o madali? Bakit? Isulat sa loob ng kahon ang sagot.

    May liwanag ng mababakas sa inyong isipan kung ano ang punto ng ating

    talakayan. Sige ipagpatuloy lang ang pagsagwan mabingwit din natin sa dulo ang katas

    ng karunungan.

    Ipagpatuloy ang nasimulan upang madagdagan pa ang kaalaman.

    Tampok na Aralin:

    May iba’t ibang dahilan ang tao

    sa pagsusulat. Para sa iba ito ay

    nagsisilibing libangan sapagkat sa

    pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa

    iba ang kanilang ma ideya at mga

    kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-

    siya para sa kanila. Sa mga mag-aaral

    na katulad mo, ang kalimitang dahilan ng

    pagsusulat ay ang matugunan ang

    pangangailangan sa pag-aaral bilang

    bahagi ng pagtatamo ng kasanayan.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 12

    ng pagsusulat ay ang matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral bilang bahagi ng

    pagtatamo ng kasanayan.

    Sinabi naman ni Badayos” ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang

    bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang

    wika o pangalawang wika man”.

    Ayon naman kay Keller: “ang pagsulat isang biyaya, isang pangangailangan at

    isang kaligayahan ng nagsasagawa nito”.

    May kanyang ring pagpapakahulugan si Donald Murray: “Writing is rewriting, a

    good writer is wasteful, he saws and shapes and cuts away, discarding wood…The

    writer cannot build a good strong piece of writing unless he has gathered an abundance

    of fine raw materials”

    Ang paglalarawan naman nina Peck at Buckingham sa pagsulat: “ Ang pagsulat

    ay ekstensyon ng ika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig,

    pagsasalita at pagbabasa”.

    Kaya naman sa, sa limang makrong kasanayang pangwika, ang pagsulat ay isa rin

    sa mga dapat pagtuonan ng pansin na malinang at mahubog ang mag-aaral sapagkat

    ditto masusukat ang kanilang kahandaan at kagalingan sa

    iba’t ibang disiplina. Sa mga makrong kasanayan

    tulad ng pakikinig, pagbasa at panonood,

    madalas ang isang indibiduwal na

    gumagawa nito aykumukuha o

    nagdaragdag ng mga kaalaman sa

    kanyang isipan. Subalit, sa pag-

    sasalita at pagsusulat ang taong

    nagsasagawa nito ay nagbabahagi

    ng kanyang mga kaisipan at

    nalalaman tungkol sa isang tiyak

    na paksa sa pamamagitan ng

    kanyang sinabi at isinulat.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 13

    Mahalagang Kaalaman

    Akademikong Pagsulat

    Ano-ano na ang naisusulat mo? Nagsulat ka na ba ng tulang tungkol sa iyong

    hinahangaan o ng mga kuwentong ipinabasa mo sa publiko sa iyong social media

    account? Nagsulat ka na ba ng sanaysay na nagpapaliwanag ng pananaw sa isang

    isyu?

    Ang pasulat ay isang pangangailangan. Nagsusulat ang tao upang matugunan

    ang mga personal na pangangailangan. Nagsusulat ang tao hindi lamang upang

    magpahayag ng saloobin at bumuo ng magpatatag ng mga ugnayan, bagkus ay upang

    mapabuti ang sarili. Maliban sa mga ito, nagsusulat din ang tao upang matugunan ang

    mga akademiko at propesyonal na pangangailangan.

    Ano ang akademikong pagsulat?

    Sa isang globalisasyong mundo, nakaaangat ang mga indibiduwal na may

    kasanayan sa akademikong pagsulat o intelektuwal na pagsulat. Isa itong uri ng

    pagsulat na kailangan ang mataas na antas na pag-iisip. Ang mahusay na manunulat

    ng akademikong teksto ay may mapanuring pag-iisip, May kakayahan siyang mangalap

    ng impormasyon o datos, mag-organisa ng mga ideya, mag-isip ng lohikal,

    magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon, at magsuri at gumawa ng sintesis.

    Samakatuwid ang akademikong pagsulat ay isang intelektuwal na pagsulat na nag-

    aangat sa antas ng kaalaman ng mga mambabasa. Hindi ito opsiyon para sa mga

    akademiko o propesyonal. Ito ay isang pangangailangan.

    Ilan sa mga halimbawa ng mga akademikong teksto ang abstrak, bionote,

    panukalang proyekto, talumpati, sintesis at replektibong sanaysay. Bahagi na rin ng

    bawat propesyonal ang magsulat ng mga tekstong tulad ng katitikan ng pulong

    (minutes of the meeting),posisyong papel, at agenda. Itinuring ding akademikong

    sulatin ang photo essay at lakbay – sanaysay o travel essay o travelouge .

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 14

    Ang lente ng karunungan ay ihanda na, sa tibay ng iyong paliwanag masubok na! Pagnilayan:

    S

    Paliwanag Mo, Itala sa Dahon Ko!

    Tinalakay sa unahan ang iba’t ibang konsepto ng pagpapakahulugan ng

    pagsulat at ang kahulugan ng Akademikong Pagsulat , kaya n’yo na bang ipaliwanag

    ang ibig ipakahulugan ng bawat awtor.

    Sige nga sipatin natin! Isulat ang nabuong pagpapakahulugan sa hugis dahon

    ng pahina.

    Mabilin (2012)

    Badayos

    Keller

    Donald Murray

    Pick at Buckingham

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 15

    Dugtungan Mo Ako upang Diwa Ko ay Mabubuo

    Tumpak napakahusay! Talagang pinahanga n’yo ako. Ang tatas at katas ng

    inyong pagpapakahulugan ay pinagpatibay sa kahusayan ng inyong pagsulat bilang isa

    sa mga sandata sa pagtatamo ng karunungan at kaalaman sa tawag ng kompetisyon

    sa virtual na mundo.

    Sa aking pagkaunawa ang

    Akademikong Pagulat ay

    ________________________________

    ________________________________

    ________________________________

    ________

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 16

    Subukin ang Natutuhan

    Tuklas-Dunong !

    Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

    1. Ano-ano ang kabibahan ng akademikong pagsulat sa personal na pagsulat?

    _______________________________________________________________________

    _____________________________________________________________________.

    2. Maaari bang gawing malikhain ang akademikong pagsulat? Pangatuwiranan

    ang sagot.

    ______________________________________________________________________

    ______________________________________________________________________.

    3. Bakit mahalaga ang paggamit ng akademikong Filipino sa pagsulat? Ano-ano

    ang kabutihang dulot nito sa buhay partikular na sa hinaharap?

    ______________________________________________________________________________.

    4. Naniniwala ka bang dapat ngang kunin ng lahat ng kurso ang asignaturang ito?

    Ipaliwanag ang iyong sagot.

    ________________________________________________________________________

    ________________________________________________________________________.

    5. Bakit mahalagang alamin kung sino ang mambabasa kapag magsusulat ng

    akademikong teksto?

    ________________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________.

    Suri-lapat Sumulat ng reflective journal upang maipahayag ang natutuhan sa aralin. Bumuo ng limang talata na may lima hanggang pitong pangungusap.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 17

    Tayahin

    Kaya Ko ‘To

    Bumuo ng pick-up lines o hugot lines bilang sintesis hinggil sa kahulugan at katuturan ng pagsulat.

    Subok na ang galing ninyo sa umpisa pa lang ng talakayan. Dapat tandaan

    na ang pagkatuto sa mga akademikong sulatin ay nakatutulong ng malaki sa paglinang

    sa mga lohikal na pag-iisip, hinasa dito ang kritikal na pag-unawa, paglutas sa mga

    suliranin, pagsusuri sa bawat pangyayari at pagtimbang - timbang sa bawat isyu tungo

    sa pagkatuto sa mga bagay-bagay.

    Maraming salamat sa paglalakbay ninyo sa buong modyul na ito. Nawa’y

    anumang batis ng kaalaman ang napitas, ihasik sa isipan at kusang linangin ang

    kasanayan sa pagsulat.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 18

    Palawakin ang Kaalaman

    Makatutulong ang mga sumusunod na web sites sa pagpapayaman ng iyong

    kaalaman at kasanayan sa akademikong pagsulat.

    http://owl.massey.ac.nz./academic-writing/what-is-academicwriing,php-

    Tinatalakay rito ang kahulugan, katangian, at estruktura ng akademikong

    pagsulat,

    http://owl.englis.purdue,edu,/owl/section/1/2/- Makukuha rito ang mahahalagang

    impormasyon tungkol sa mga teknik at pamamaraan sa pagsulat ng

    akademikong sulatin.

    http://owl.englis.purdue,edu,/owl/section/1/2/-UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 19

    Susi ng mga sagot:

    A. Panimulang Pagtataya

    1. D

    2. B

    3. C

    4. D

    5. B

    6. MALI

    7. MALI

    8. MALI

    9. MALI

    10. TAMA

    B. Gawain Blg. 1 – Maalaala Mo Kaya!

    Halimbawang Sagot:

    a. Pagsulat ng liham

    b. Pagsulat ng karanasan

    c. Pagsulat ng buod

    d. Pagsulat ng sanaysay

    e. Pagbubuo ng iba’t ibang kuwento tulad ng alamat, pabula, kwentong-bayan, metp at iba pang uri ng

    kuwento na likhang-isip

    f. Pagbuo ng replektib dyornal

    g. Pagbuo ng sariling talumpati

    h. Pagbuo ng Pamanahong-papel

    i. Pagbuo ng Panimulang Pananaliksis

    C. Tuklasin

    Concept Web

    Iba-iba ang sagot

    Dulo ng Bituin

    Iba-iba ang sagot

    Kahon ng Karanasan

    Depende sa angkop na karanasan ng sumulat

    Mga Sulating Pang-akademiko:

    Abstrak

    Sinopsis/Buod

    Bionote

    Adyenda/Katitikan ng Pulong

    Memorandum

    Panukalang Papel

    Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

    Lakbay Sanaysay

    Pagsusulat ng Talumpati

    D. Pagnilayan

    Paliwanag Mo, Itala sa Dahon Ko!

    Iba-ibang paliwanag ng mag-aaral ayon sa sarili niyang pagkaunawa.

    E. Tuklas-Dunong!

    Iba-iba ang sagot Susi ng mga sagot:

    A.Panimulang Pagtataya

    1.D

    2.B

    3.C

    4.D

    5.B

    6.MALI

    7.MALI

    8.MALI

    9.MALI

    10.TAMA

    B.Gawain Blg. 1 – Maalaala Mo Kaya!

    Halimbawang Sagot:

    a.Pagsulat ng liham

    b.Pagsulat ng karanasan

    c.Pagsulat ng buod

    d.Pagsulat ng sanaysay

    e.Pagbubuo ng iba’t ibang kuwento tulad ng alamat, pabula, kwentong-bayan, metp at iba pang uri ng

    kuwento na likhang-isip

    f.Pagbuo ng replektib dyornal

    g.Pagbuo ng sariling talumpati

    h.Pagbuo ng Pamanahong-papel

    i.Pagbuo ng Panimulang Pananaliksis

    C.Tuklasin

    Concept Web

    Iba-iba ang sagot

    Dulo ng Bituin

    Iba-iba ang sagot

    Kahon ng Karanasan

    Depende sa angkop na karanasan ng sumulat

    Mga Sulating Pang-akademiko:

    Abstrak

    Sinopsis/Buod

    Bionote

    Adyenda/Katitikan ng Pulong

    Memorandum

    Panukalang Papel

    Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

    Lakbay Sanaysay

    Pagsusulat ng Talumpati

    D.Pagnilayan

    Paliwanag Mo, Itala sa Dahon Ko!

    Iba-ibang paliwanag ng mag-aaral ayon sa sarili niyang pagkaunawa.

    E.Tuklas-Dunong!

    Iba-iba ang sagot

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 20

    TALASANGGUNIAN

    Arrogante, Jose A. Filipino Pangkolehiyo Kasiningan, Kakayahan, at Kasanayan sa Komunikasyon. Binagong Edisyon. Mandaluyong City: National Bookstore, 2000. DIWA Senior High School Series: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang Akademik Filipino sa Piling Larang Akademik. Pinagyamang Pluma. Quizon Ave. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016. Lorenzo, Carmela, et.al. Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan. Binagong Edisyon. Mandaluyong City: National Bookstore, 2010. Mabilin, Edwin, et.al. Transformatbiong Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Malabon City: Mutya Publishing House: Inc., 2010. Nebiu, Besim. Developing Skills of NGO’s Project proposal Writin. Szentendre, Hungary. The Regional Environmental Centerfor Central and eastern Europe, 2000. Pagsulat sa Pilipino sa Piling Larangan (Isports Teknikal-Bokasyonal). Metro Manila: Vival Publishing House.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 21

    Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education: DepEd-Cebu Province Office Address: Sudlon, Lahug, Cebu City, 6000Cebu Telefax: (032) 255-6405 E-mail Address: [email protected]

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark