Filipino 4

7
UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY (Dr. Santiago G. Ortega Memorial) Iriga City COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya Tula ni Hermenegildo Flores Inang mapag-ampon, Espanyang marilag, nasaan ang iyong pagtingin sa anak? akong iyong bunsong abang Pilipinas tingni't sa dalita’y di na makaiwas. Ang mga anak kong sa iyo’y gumigiliw, sa pagmamalasakit ng dahil sa akin; ngayo’y inuusig at di pagitawin ng mga prayleng kaaway mong lihim. Sa bawat nasa mong kagaling-galingan, ayaw ng prayleng ako’y makinabang, sa mga anak ko’y ang ibig lamang isip ay bulagin, ang bibig ay takpan. Nang di maisigaw ang santong matuwid na laban sa madla nilang ninanais palibhasa'y wala silang iniisip kundi ang yumaman at magdaya ng dibdib. Sa pagpapalago ng kanilang yaman bendita't bendisyon lamang ang puhunan, induluhensiya't iba't ibang bahay ng mga sagrado naman ang kalakal. Sapagkat anumang bilhin sa kanila, kaya namamahal, dahil sa bendita,

description

free thesis

Transcript of Filipino 4

Page 1: Filipino 4

UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)

Iriga CityCOLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya

Tula ni

Hermenegildo Flores

Inang mapag-ampon, Espanyang marilag,nasaan ang iyong pagtingin sa anak?akong iyong bunsong abang Pilipinas

tingni't sa dalita’y di na makaiwas.

Ang mga anak kong sa iyo’y gumigiliw,sa pagmamalasakit ng dahil sa akin;

ngayo’y inuusig at di pagitawinng mga prayleng kaaway mong lihim.

Sa bawat nasa mong kagaling-galingan,ayaw ng prayleng ako’y makinabang,

sa mga anak ko’y ang ibig lamangisip ay bulagin, ang bibig ay takpan.

Nang di maisigaw ang santong matuwidna laban sa madla nilang ninanais

palibhasa'y wala silang iniisipkundi ang yumaman at magdaya ng dibdib.

Sa pagpapalago ng kanilang yamanbendita't bendisyon lamang ang puhunan,

induluhensiya't iba't ibang bahayng mga sagrado naman ang kalakal.

Sapagkat anumang bilhin sa kanila,kaya namamahal, dahil sa bendita,

kahit anong gawin pag may halong kantaay higit sa pagod ang hininging upa.

Ibig ng simbaha't kumbentong marikitorgano't kampana aranyang nagsabit;

damasko't iba pa, datapwa't pawisng bayan kukunin, mahirap mang kahit.

Page 2: Filipino 4

UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)

Iriga CityCOLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Ani sa asyenda't kita sa simbahansa minsang mapasok sa mga sisidlan

ng mga kumbento'y di na malilitawkaya naghihirap, balang masakupan.

Katapusang Hibik Ng Pilipinas Andres Bonifacio

 Spanish Period

  

Sumikat na Ina sa sinisilangan ang araw ng poot ng Katagalugan,

tatlong daang taong aming iningatan sa dagat ng dusa ng karalitaan.

Walang isinuhay kaming iyong anak sa bagyong masasal ng dalita't hirap;

iisa ang puso nitong Pilipinas at ikaw ay di na Ina naming lahat.

Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis... ang layaw ng anak: dalita't pasakit; pag nagpatirapang sa iyo'y humibik, lunas na gamot mo ay kasakit-sakit.

Gapusing mahigpit ang mga Tagalog, hinain sa sikad, kulata at suntok,

makinahi't biting parang isang hayop; ito baga, Ina, ang iyong pag-irog?

Ipabilanggo mo't sa dagat itapon; barilin, lasunin, nang kami'y malipol. Sa aming Tagalog, ito baga'y hatol

Inang mahabagin, sa lahat ng kampon?

Aming tinitiis hanggang sa mamatay; bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan,

kaya kung ihulog sa mga libingan, linsad na ang buto't lumuray ang laman.

Wala nang namamana itong Pilipinas na layaw sa Ina kundi pawang hirap; tiis ay pasulong, patente'y nagkalat,

rekargo't impuwesto'y nagsala-salabat.

Page 3: Filipino 4

UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)

Iriga CityCOLLEGE OF TEACHER EDUCATIONSarisaring silo sa ami'y inisip,

kasabay ng utos na tuparing pilit, may sa alumbrado---kaya kaming tikis,

kahit isang ilaw ay walang masilip.

Ang lupa at buhay na tinatahanan, bukid at tubigang kalawak-lawakan, at gayon din pati ng mga halaman, sa paring Kastila ay binubuwisan.

Bukod pa sa rito'y ang mga iba pa, huwag nang saysayin, O Inang Espanya,

sunod kaming lahat hanggang may hininga, Tagalog di'y siyang minamasama pa.

Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban, kami'y di na iyo saan man humanggan,

ihanda mo, Ina, ang paglilibingan sa mawawakawak na maraming bangkay.

Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog ang barila't kanyong katulad ay kulog,

ang sigwang masasal sa dugong aagos ng kanilang bala na magpapamook.

Di na kailangan sa iyo ng awa ng mga Tagalog, O Inang kuhila,

paraiso namin ang kami'y mapuksa, langit mo naman ang kami'y madusta.

Paalam na Ina, itong Pilipinas, paalam na Ina, itong nasa hirap,

paalam, paalam, Inang walang habag, paalam na ngayon, katapusang tawag.

Page 4: Filipino 4

UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)

Iriga CityCOLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Isang pagkukuro sa "Sagot Nang Espanya sa Hibik Ng Filipinas (Pilipinas)" ni Marcelo Hilario del Pilar

Ang tulang “Sagot Nang Espanya sa Hibik Nang Filipinas” ay masasabi nating isang mahabang pagtuligsa sa pang-aabuso ng mga prayle at Kastila sa mga Pilipino noong mga kapanahunan ni Marcelo H. del Pilar. Kilala naman natin si del Pilar bilang isang magaling na abogado, ,manunulat at naging patnugot din siya ng pahayagan ng mga propagandista noon, ang La Solidaridad. At dahil likas sa kanya ang angking talino sa iba’t ibang larangan, naging mahusay siya sa panunudyo o panunuya sa kasamaan ng mga prayle sa Pilipinas.

Ayon sa aking mga pananaliksik, ang “Sagot Nang Espanya sa Hibik Nang Pilipinas” ay isang sarkastikong tugon sa tula ni Herminigildo Flores na may pamagat na “Hibik Nang Pilipinas sa Inang Espanya.” Ang tula ni Flores ay isinulat noong 1888 at nasa wikang Tagalog samantalang ang tula naman ni del Pilar ay isinulat noong 1889 sa Europa. Kung paghahambingin natin ang dalawa, malinaw na ang lalabas na layunin nito ay pag-alabin ang mga damdamin ng mga Pilipino sa pamamagitan ng paghahayag ng mga kwento, impormasyon at komentaryo tungkol sa katiwalian ng mga prayle.

Sa tulang “Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas”, napansin ko na nagsimula si del Pilar sa paraan ng isang mapagpukaw na pagkilala ng “ina” sa “anak.” Sa mga unang bahagi ay madarama ang kalungkutan ng isang ina sa sinsapit ng Pilipinas mula sa mga Prayle. Ipinahiwatig ng ‘buhay ng anak ay bunga niring pagmamahal kaya’t anumang kadustaan na maranasan ay kanya ring kadustaan,’ ang ideya na waring naroroon ang malasakit ng ina at handa ito’ng makinig sa mga hinaing ng kanyang anak.

Bilang isang persona ng Inang Espanya, inilahad naman ni del Pilar ang kasaysayan ng Pilipinas mula taludtod 3-8, ang pagdating ng iba’t ibang lahi ng mga tao mula taludtod 9-10, hanggang sa pananakop ng mga Kastila na ipinalalagay ni del Pilar isang pagtupad sa itinakda ng Diyos sa taludtod 12.

Sa pagpapatuloy ng tula, magkakaroon tayo ng pang-unawa na ang mga Prayle daw ay itinalaga ng Espanya upang maging “taga-tingin” sa mga anak ni “Pilipinas” upang sila ay hindi mapariwara (taludtod 17). Pagsapit natin sa ika-20 taludtod ay mababanggit ng ina ang pag-garote sa tatlong paring Pilipino (Gomez, Burgos at Zamora) at ang marami pang mga pinahirapan na talaga naming binabata ng Pilipinas. Ang tula ay lalong naging matapang sa ika-36 hanggang 58 na mga taludtod. Isinasaad na dito ang mga buhay-prayle at kung paano sila naging hadlang sa Espanya. Sinasabi naman sa ika-68 na taludtod na lalong umigting ang

Page 5: Filipino 4

UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)

Iriga CityCOLLEGE OF TEACHER EDUCATION

pagdududa sa kapangyarihan ng mga prayle. Sa naging kasaysayan ng ilang bansa sa Europa ay nagbago ang pagtrato ng mga tao sa mga dating modelo ng pagka-makatao. Pagtagal-tagal, ang mga prayle ay binastos ng taong bayan at tuluyan na silang pinalayas. Ang kanilang pagkawala ay nagdulot ng kapayapaan.

IPINASA NI:

Raizza Wilmina B. Milgaril

BEED-2

IPINASA KAY:

GNG. JEE ANN DIMAIWAT

Page 6: Filipino 4

UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)

Iriga CityCOLLEGE OF TEACHER EDUCATION