FilibusterismoDeciphered -kab15 - SENOR PASTA

16
UNCORRECTED PROOF Kabanata 15 Ginoong Pasta 1 Si Isagani ay nagtungo sa bahay ng abugado, isa sa mga pribilihiyadong isipan sa Maynila na kinokonsulta ng mga prayle kung may malalaking kagipitan. Nag-antay nang kaunti ang binata sapagka’t maraming kliyente ang naroroon, nguni’t dumating din ang taning na ukol sa kanya at pumasok sa gawaan o bufete, gaya ng karaniwang tawag sa Pilipinas. Tinanggap siya ng manananggol-usap sa pamamagitan ng isang bahagyang ubo at tinitingnang palihim ang kanyang mga paa: hindi tumindig ni hindi man lamang siya pinaupo at nagpatuloy sa pagsusulat. Nagkaroon si Isagani ng panahon upang pagmasdan siya at kilalanin. Malaki ang itinanda ng abugado, ubanin na at ang kanyang pagka-kalbo ay halos kalat na sa buong tuktok. Ang kanyang mukha’y maasim at mabagsik. Sa gawaan, ang lahat ay tahimik; walang nadidinig kundi ang bulungan ng mga tagasulat o ng mga nangagsasanay na gumagawa sa katabing silid: ang kanilang mga panulat ay umiingit na parang nakikipag-away sa papel. 1 MGA PALIWANAG Mapapansin kung pag-aaralan ang mga pangalan ng tauhan sa dalawang nobela ni Rizal ay mayroong partikular na kahulugan na sumasagisag sa mga pagkatao ng mga ito. Ang pagbibigay ni Rizal ng pangalang Pasta sa kaniyang tauhan sa kabanatang ito ay isang anyo ng panlilibak. Sapagkat ang salitang pasta maging sa diksyonaryo ni Serrano ay nangangahulugan na pamasak o panapal. Sa ating gamit sa panahon na ito ay higit na umaangkop na lamang sa katawagan sa pamamaraan na ginagawa ng mga dentista, kung saan ang bulok na loob ng ngipin ay nililinis at nilalagyan ng pasta upang magmukhang maayos at huwag magtuloy sa pagkasira.

description

senor pasta

Transcript of FilibusterismoDeciphered -kab15 - SENOR PASTA

Page 1: FilibusterismoDeciphered -kab15 - SENOR PASTA

 UNCORRECTED PROOF

Kabanata 15Ginoong Pasta1

             Si Isagani ay nagtungo sa bahay ng abugado, isa sa mga pribilihiyadong isipan sa Maynila na kinokonsulta ng mga prayle kung may malalaking kagipitan.  Nag-antay nang kaunti ang binata sapagka’t maraming kliyente ang naroroon, nguni’t dumating din ang taning na ukol sa kanya at pumasok sa gawaan o bufete, gaya ng karaniwang tawag sa Pilipinas.

            Tinanggap siya ng manananggol-usap sa pamamagitan ng isang bahagyang ubo at tinitingnang palihim ang kanyang mga paa:  hindi tumindig ni hindi man lamang siya pinaupo at nagpatuloy sa pagsusulat.  Nagkaroon si Isagani ng panahon upang pagmasdan siya at kilalanin.  Malaki ang itinanda ng abugado, ubanin na at ang kanyang pagka-kalbo ay halos kalat na sa buong tuktok.  Ang kanyang mukha’y maasim at mabagsik.

            Sa gawaan, ang lahat ay tahimik; walang nadidinig kundi ang bulungan ng mga tagasulat o ng mga nangagsasanay na gumagawa sa katabing silid:  ang kanilang mga panulat ay umiingit na parang nakikipag-away sa papel.

            Natapos din ang abogado sa kaniyang sinusulat, binitiwan ang panitik, itinaas ang ulo, at nang makilala ang binata ay nagliwanag ang mukha, at malugod siyang kinamayan.

            “Aba, binata…nguni’t umupo kayo, patawarin ninyo…hindi ko alam na kayo pala.  At ang inyong amain?”

            Lumakas ang loob ni Isagani at inakalang magiging maayos ang kanyang pagpunta.  Isinalaysay niyang lahat ang nangyari, na

1MGA PALIWANAG Mapapansin kung pag-aaralan ang mga pangalan ng tauhan sa dalawang nobela ni Rizal ay mayroong partikular na kahulugan na sumasagisag sa mga pagkatao ng mga ito.

Ang pagbibigay ni Rizal ng pangalang Pasta sa kaniyang tauhan sa kabanatang ito ay isang anyo ng panlilibak. Sapagkat ang salitang pasta maging sa diksyonaryo ni Serrano ay nangangahulugan na pamasak o panapal. Sa ating gamit sa panahon na ito ay higit na umaangkop na lamang sa katawagan sa pamamaraan na ginagawa ng mga dentista, kung saan ang bulok na loob ng ngipin ay nililinis at nilalagyan ng pasta upang magmukhang maayos at huwag magtuloy sa pagkasira.

Page 2: FilibusterismoDeciphered -kab15 - SENOR PASTA

pinag-aaralang mabuti ang epekto ng kanyang sinasabi.  Pinakinggang walang katiga-tigatig ni Ginoong Pasta ang simula, at kahit alam na niya ang balakin ng mga nag-aaral ay nagmamaang-maangan upang ipakilala na wala siyang pakialam sa mga kamusmusang iyon, nguni’t nang maramdaman ang pakay sa kanya at nadidinig na tumutukoy sa Vice-Rector, mga prayle, Capitan General, panukala, ang kaniyang mukha ay unti-unting nagdilim at pagkatapos ay bumulalas nang:

            “Ito ang lupain ng mga panukala!  Nguni’t ituloy, ituloy ninyo.”

            Hindi nanlupaypay si Isagani; sinabi ang kapasyahang ibibigay at nagtapos sa pagpapahayag ng pagkakatiwala ng kabinataan na siya, si Ginoong Pasta, ay mamamagitan nang kaayon sa kanila, sakaling si Don Custodio ay sumangguni sa kanya, gaya ng maaasahan.  Hindi nangahas si Isaganing sabihin na pagpayuhan dahil sa kibit na ipinamalas ng manananggol.

            Nguni’t may tiyak nang gagawin si Ginoong Pasta, na dili iba’t ang huwag manghimasok sa bagay na iyon, ni sumangguni, ni pagsanggunian.  Alam niya ang nangyari sa Los Baños, batid niyang may dalawang pangkat at hindi si Padre Irene ang tanging bayani na kampi sa mga estudyante, at hindi rin siya ang nagpalagay ng pagdaraan ng kasulatan sa lupon sa paaralan, kundi lubos na kaiba.2  Si Padre Irene, si Padre Fernandez, ang condesa , isang mangangalakal na nakikini-kinita nang makapagbibili ng kagamitang ukol sa bagong akademya at ang mataas na kawaning tumukoy ng iba’t ibang kapasyahang-hari ay mangagtatagumpay na sana ,3

2 Ipinapakita ni Rizal ang talas ni Senor Pasta bilang abogado dahilan sa kaniyang kakayahan na malaman na kasinungalingan ng mga ikinuwento ni Padre Irene sa mga estudyante.

3 Pansinin ang mga taga-suporta ng mga estudyante at ang kanilang mga interes:

a. Padre Irene – kumakampi siya sa mga estudyante, dahilan sa mga perang padulas ng mga estudyante sa kaniya.

b. Si Padre Fernandez (ang kahulugan ng kaniyang pangalan ay intelligent and brave) – na kumampi sa mga estudyante bunga ng kaniyang liberal na pananaw sa mga estudyante. (Marami pa kayong matutuklasan sa kaniya sa mga susunod na kabanata)

c. Ang condesa o ang first lady na mayroong pagkalugod kay Makaraig.d. Mangangalakal – na ang dahilan ay nakikitang negosyo kapag natuloy

ang akademiya.e. Mataas na kawani – na nakikita na ang hiniling ng mga estudyante ay

nasa batas. Ito ay dahilan sa alam niya ang katotohanan hindi ang mga estudyante ang dapat na humingi nito, kundi ang pamahalaan ang dapat na magbigay nito sa mga estudyante.

Page 3: FilibusterismoDeciphered -kab15 - SENOR PASTA

nang ipinaalaala ni Padre Sibyla, upang magkapanahon, ang kataas-taasang lupon.4  Ang lahat ng bagay na ito’y nakalagay sa alaala ng abugado; kaya’t nang matapos makapagsalita si Isagani ay tinangkang lituhin ito sa paiwas na mga pangungusap, guluhin at ilipat ang usapan sa ibang bagay.

            “Oo!” ang sabi na inilawit ang labi at kinamot ang kalbong bahagi ng ulo, “walang hihigit sa akin sa pag-ibig sa tinubuan at paghahangad ng pagkakasulong, datapwa’t… hindi ako makapagbibigay ng komitment … hindi ko alam kung batid ninyo ang aking kalagayan, isang lubhang maselan na kalagayan… marami akong ineteres… kailangan kong kumilos sa loob ng isang masusing pagkataros… isang kompromiso…”5

            Ibig lituhin ng abugado ang binata sa pamamagitan ng maraming salita at nagsimula ng pagtukoy sa mga batas, sa mga kapasyahan, at dahil sa napakarami ang nasabi ay hindi ang bata ang nagulo kundi siya sa sarili ang halos nagulo sa isang pasikut-sikot na kababanggit ng ganito o gayong bagay.

            “Hindi po naming nais na ilagay kayo sa kompromiso,” ang kalmadong sagot ni Isagani, “Iligtas ng Lumikha sa pagkagambala ang mga taong ang buhay ay lubhang kapaki-pakinabang sa ibang mga Pilipino!6  Subalit ako, na kahit napakakaunti ng nalalaman ukol sa mga batas, mga kautusang-hari, mga lathala at mga kapasyahang umiiral sa ating bayan, ay hindi ko inaakalang magkakaroon ng kasamaan ang makitulong sa mga adhikain ng

4. Dahilan sa papabor na sana ang Kapitan Heneral sa kahilingan panig ng mga estudyante (Tandaan na binulungan ni Padre Irene na si Makaraig ay kinaluluguran ng kondesa). Kung magkaganoon, ang panukala ni Padre Sybila na ipadaan ito sa komisyon ng paaralan ay upang binbinin (delaying tactic) ang tiyak na pasiya ng heneral na pabor sa mga estudyante. Sa proseso ng pagbinbin ay magawan ng paraan na huwag maisakatuparan o ang bersiyon ng pasiya ay higit na papabor sa mga pangkatin ni Padre Sybilla. 5 Sinasabi ni Senor Pasta na siya ang pangunahing umiibig sa Pilipinas, subalit bago ang Pilipinas ay pangunahin niyang iniibig ay ang kaniyang personal na interes.

6 Ang binitawang salita ni Isagani ay isang insulto na nakatago sa papuri.

Page 4: FilibusterismoDeciphered -kab15 - SENOR PASTA

pamahalaan, punyagiin ang siya’y maalinsunod na mabuti;7 iisang layon ang aming hinahanap at nagkaiba lamang sa kaparaanan.”

            Ang manananggol ay napangiti, ang binata’y napadadala sa ibang landas at doon niya lilituhin, lito na nga.8

            “Diyan nga naririyan ang kid, sa karaniwang sabi; Malinaw na kapuri-puri ang tumulong sa pamahalaan, kapag ang pagtulong ay sa pamamagitan ng pangangayupapa,9 sinusunod ang kanyang mga kapasyahan, ang matuwid na diwa ng mga batas na katugon ng matuwid na paghahaka ng mga namumuno at walang kontradiksiyon at karaniwang paraan sa pagkukuro ng mga ginoong may hawak ng ikaaanyo ng mga taong bumubuo ng isang lipunan.  At dahil dito ay isang krimen, na nararapat parusahan, sapagka’t ito ay nakakasakit sa prinsipyo ng kapangyarihan, sa pagtatangka na gumawa ng isang bagay na laban sa kanyang mga inisyatiba kahi’t na inaakalang mabuti kaysa nanggagaling sa pamahalaan, sapagka’t ang gayong kagagawan ay makasusugat sa prestihiyoso na siyang batayan ng alinmang kolonyal na pamahalaan.”10

7 Makikita rito ang nakakainis na reyalidad ng isang lipunan na uhaw sa katarungan. Si Isagani na walang alam sa batas ay nagnanais na maipatupad ang batas. Si Senor Pasta na isang dalubhasang abogado ay takot na ipatupad ito, kung ang makakabangga ay ang mga makapangyarihang negosyong pang-relihiyon sa Pilipinas.

8 Alam ni Senor Pasta na ideyalismo ang kaniyang kaharap na si Isagani. Ipapakita niya sa bata ang pagkakaiba ng ideyal na sinasabi nito sa harap ng reyalidad na panlipunan.

9 Maging sa sistema ng ating lipunan, ang mahusay na katulong ay ang mga sipsip sa pinuno ng isang opisina ng pamahalaan.

10 Ang mga pananalitang ito ni Senor Pasta ay nagpapakita na ang pamamahala ng kolonyal na gobyerno ay nakasalalay sa prestihiyoso na ito ay nagpapakita ng kabutihan sa bayan na kaniyang nasasakop.

Pansinin ang sinabi ni Rizal ukol sa kolonyal na gobyerno ng Espanya sa Pilipinas:

the Philippines will remain Spanish if they enter upon the life of law and civilization, if the rights of their inhabitants are respected, if the other rights due them are granted, if the liberal policy of the government is carried out without trickery or meanness, without subterfuges or false interpretations.

Philippines Century Hence:

Page 5: FilibusterismoDeciphered -kab15 - SENOR PASTA

            Ang matandang abugado, sa pananalig na ang mga sinabing iyon ay nakalito kay Isagani ay nagpakabuti sa kanyang silyon nang walang kaimik-imik, kahi’t na sa loob niyang sarili ay nagtatawa.

            Gayon man ay sumagot si Isagani.

            “Inakala ko na ang mga pamahalaan ay dapat humanap ng saligang higit na matibay kapag ito ay nanghihina… Ang saligang kabantugan ng kolonial na pamahalaan ay siyang pinakamahina sa lahat sapagka’t wala sa kanila kundi nasa mabuting kalooban ng mga nasasakupan,11 samantalang ibig kilalanin ang gayon… Ang katarungan at katwiran ay siyang inaakala kong matibay.”12

            Itinaas ng abugado ang ulo;  ano, ang binatang iyon ay nangangahas tumutol at makipagtalo sa kanya, siya, si Ginoong Pasta?  Hindi pa lito sa kanyang nabigkas na pangungusap?

            “Binata, nararapat iwan sa isang dako ang mga hakang iyan, sapagka’t mapanganib,” ang hadlang ng manananggol na na gumawa ng isang pahiwatig na kilos.13  “Ang sinasabi ko sa inyo ay dapat na bayaang gumawa ang pamahalaan.”

            “Ang mga pamahalaan ay itinatag para sa ikagagaling ng mga bayan, at upang makatupad nang lubos sa layunin niya ay dapat umalinsunod sa kahilingan ng mga mamamayan na siyang lalong nakababatid ng kanilang mga kailangan.”14

            “Ang mga bumubuo ng pamahalaan ay mga mamamayan din at iyong mga may lalong kakayahan.”

11 Ang kabutihang loob na dapat ipakita ng Espanya ay hindi ginagawa. Ang tunay na may kabutihang loob ay ang Pilipinas na hindi naghihimagsik sa ilalim ng isang inipesyente at mapang-abusong gobyerno na hindi naman kanila.

12 Ang pagiging makatarungan at panghahawak sa matuwid na batas at pamamahala ang siyang pinakamahusay na pundasyon ng isang kolonyal na gobyerno, na namamahala sa kaniyang mga bayang nasasakupan.

13 Maaring ang pahiwatig na kilos ay ang paglalagay ng isang index finger at ikinilos na pahiwa sa lalamunan.

14 Ang binabanggit ni Isagani sa bahaging ito ay ang social contract sa pagitan ng namamahala at pinamamahalaan.

Page 6: FilibusterismoDeciphered -kab15 - SENOR PASTA

            “Nguni’t sa dahilang sila’y tao ay maaaring magkamali, at hindi nararapat na huwag pansinin ang opinion ng iba.”15

            “Dapat magtiwala sa kanila, ibibigay nilang lahat.”

            “May isang kasabihang likas na Espanyol, na nagsasabing:  ‘ang hindi umiiyak ay hindi nakakasuso’  Ang hindi hinihingi ay hindi ipinagkakaloob.”

            “Baligtad!” ang sagot ng abugado na tumawang pakutya, “sa pamahalaan ay kabaligtaran ang nangyayari…”16

            Datapwa’t biglang napahinto na wari’y nakapagwika ng higit sa nararapat at tinangkang gamutin ang kanyang pagkabulalas.17

            “Pinagkalooban tayo ng pamahalaan ng mga bagay na hindi natin hiniling, na hindi natin mahihiling…sapagka’t ang paghiling…ang paghiling ay nagpapakilalang may pagkukulang, at dahil doon ay hindi gumaganap sa kanyang katungkulan…18 magpahiwatig ng isang paraan, tangkaing gabayan siya, huwag siyang kalabanin, ay isang pagsasapantahang siya’y mangyayaring mamali, at sinabi ko na nga sa inyong ang mga gayong paghahaka’y laban sa eksistensiya ng mga kolonyal na pamahalaan …19 Ang bagay na ito’y hindi batid ng masa at hindi alam ng mga kabataang nagdadalus-dalos, hindi nila alam, ayaw kilalanin ang lubhang baligtad na bunga ng paghingi…ang subersibong taglay ng panukalang iyan…”

            “Pagpaumanhinan po ninyo,” ang putol ni Isagani na namuhi sa mga pangangatwirang ginamit sa kanya ng abugado, “pag sa makatwirang paraan, ang isang bayan ay humihingi ng ano man sa

15 Kahalagahan ng opinyong publiko, kahit na ang pinakatatalino at mahusay na tao sa pamahalaan ay nakalagay. at ayon kay Rizal ay matatamo ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malayang pamamahayag.The free press will keep the government in touch with public opinion. Century Hence

16 Ibig sabihin, ang mga nasa pamahalaan - nakakasuso ay nakatawa pa at ang ipinagkakaloob sa mga tao ay hindi nila gusto.

17 Mapapansin na nadulas si Senor Pasta.18

Ito ang dahilan ng pagkamuhi

19 Ang anumang opinion ng publiko ay makakasama sa isang kolonyal na pamahalaan.

Page 7: FilibusterismoDeciphered -kab15 - SENOR PASTA

isang pamahalaan, ay sapagka’t inaakalang mabuti at nalalaang pagkalooban siya ng isang kabutihan, at ang kagagawang ito ay hindi dapat makamuhi sa kanya kundi bagkus pa ngang dapat makagalak; humihingi sa ina, sa madrasta ay hindi, magpakailanman.20  Ang pamahalaan, sa aking hindi daluhasang pag-aakala,21 ay hindi isang may laganap na paningin na nakikita’t napaglalaanan ang lahat ng bagay, at kahi’t na maging gayon ay hindi mangyayaring mamuhi,22 sapagka’t naririyan ang simbahan na walang ginagawa kundi maghihingi ng manghingi sa Diyos na nakakakita at nakakakilala ng lahat ng bagay,23 at kayo man ay humihingi at humihiling ng maraming bagay sa mga hukuman ng pamahalaan ding iyan,24  at ni ang Diyos, ni ang pamahalaan hanggang sa ngayon ay hindi pa nagpapahalata ng kamuhian.25 Nasa kamalayan ng lahat, na ang pamahalaan, dahil sa siya’y institusyon ng sangkatauhan, ay nangangailangan ng tulong ng iba, nangangailangang ipakita at iparamdam sa kanya ang realidad ng mga bagay.  Kayo na sa sarili ninyo ay hindi naniniwalang sa katotohanan ng inyong mga ikinatwiran; kayo sa sarili’y alam ninyong marahas at despotiko ang pamahalaan, na upang maipakita na malakas at independente, ay nagkakait ng lahat ng bagay, sa takot o sa kakulangan ng tiwala, at ang mga bayang dinadahas at inaalipin ay siya lamang may katungkulang huwag humingi ng kahit ano magpakailan man.26  Ang isang bayang nasusuklam sa kanyang pamahalaan ay walang dapat hilingin dito kundi ang bitiwan nito ang kapangyarihan.”27

20 Mapupuna ang pagtuturing na ito ni Rizal sa pamamagitan ni Isagani.21 Ang paggamit ni Isagani ng salitang “hindi dalubhasang pag-aakala” ay isang insulto kay Senor Pasta. Ito ay dahilan sa kahit na siya (Isagani) ay hindi abogado ay mayroon siyang alam at paghahangad na ipatupad ang batas. 22 Ang gobyerno ay hindi dapat mamuhi sa mga nagsasalita o nagpapabatid ng kalagayang panlipunan.

23 Ang diyos ay hindi namumuhi sa simbahan na ang pangunahing negosyo ay humingi ng humingi ng napakaraming pabor mula sa kanilang kinikilala at ipinakikilalang diyos.

24 Maging si Senor Pasta ay pangunahing humihiling sa pamahalaan.

25 Kung papaano na ang mga pari ng simbahan at mga abogado ng korte26

Ang paghingi ng tao mula sa pamahalaan ay isang paraan ng pagkilala ng mga mamamayan sa isang nakatayong pamahalaan.

27 Un pueblo que deteste á su gobierno no debe exigirle más sino que abandone el poder.

Page 8: FilibusterismoDeciphered -kab15 - SENOR PASTA

            Ang matandang abugado ay ngumingiwi at pinailing-iling ang ulo, dahil sa hindi kasiyahang-loob at hinaplos ng kamay ang kalbong ulo; pagkatapos, sa isang pananalitang waring may pagkahabag at mapag-ampon, ay nagsabing:

            “Hm!  Masamang teoryang iyan, masamang palagay, hm!  Napagkikilalang kayo’y bata at wala pang karanasan sa buhay!  Tingnan ninyo ang pangyayari sa Madrid na humihingi ng reporma, lahat sila’y pinararatangang filibusterismo, marami ang hindi makapangahas na umuwi,28 nguni’t gayon man ay ano ang kanilang mga hinihingi?  Mga banal na bagay, dati na’t hindi makasasama sapagka’t lubos nang kilala…29 Datapwa’t may   mga bagay na hindi ko maipaliliwanag sa inyo, mga lubhang maselan… siya… ipinagtatapat ko sa inyong may iba pang dahilan, bukod sa mga nasabi na, na nag-uudyok sa isang matinong pamahalaan upang kailanman ay huwag duminig sa mga kahilingan ng isang bayan… hindi… mangyayari ding makatagpo tayo ng mga pinunong palalo at kakatwa ang… nguni’t mayroon ding ibang mga katwiran… kahi’t na ang hinihingi ay yaong lalong nararapat…ang mga pamahalaan ay may iba-ibang palakad…”30

            At ang matanda’y nag-aalinlangang nakatitig kay Isagani, at

pagkatapos ay tumalaga na sa isang bagay, ikinumpay ang kamay na wari’y may inilalayong paghahaka sa kanyang pag-iisip.           

“Nahuhulaan ko ang inyong ibig sabihin,” ang patuloy ni Isagani na ngumiting malungkot, “ibig ninyong sabihin na ang pamahalaang kolonyal, ay nakatatag nang hindi perpekto at nakabase lamang sa mga haka-haka…”

            “Hindi, hindi, hindi iyan, hindi!” ang biglang hadlang ng matanda na nagpakunwaring may hinahanap sa kanyang mga papel,31 “hindi, ang ibig kong sabihin…nguni’t nasaan ba ang aking salamin sa mata?”32

28 Dito ay mapupuna na ang kahulugan ni Rizal ng filibusterismo ay ang paghiwalay sa Espanya.

29 Mula sa pananaw ni Rizal ang pagkilos ng mga repormista sa Madrid ay dati na dahilan sa ito ay pagpapatuloy lamang ng kilusang repormista ng 1869-1872.

30 Sa hanay ng pananalitang ito ay ipinakita ni Rizal ang labis na pagkalito ng abogado sa sistema ng pamahalaan na kaniyang ipinagtatanggol laban sa binata.

31 Makikita ang pagsisinungaling hindi sa salita kundi sa gawa.32

Page 9: FilibusterismoDeciphered -kab15 - SENOR PASTA

            “Hayan po,” ani Isagani.

            Isinuot ni Ginoong Pasta ang kanyang salamin, waring may binasang ilang kasulatan, at nang makitang inaantay siya ng binata ay nagwikang pautal-utal:

            “May ibig akong sabihing isang bagay…ibig kong sabihin, nguni’t nakalimutan ko na… kayo, sa inyong kapusukan ay pinigil ninyo ako… isang bagay na walang malaking kabuluhan… Kung alam lamang ninyo kung papaano ang ulo ko, napakarami kasi ng aking gagawin!”           

Naramdaman ni Isaganing siya’y iniaaboy na.            “Kung gayon,” ang sabing sabay tindig, “kami ay…”           

“Ah…!  Mabuti pang bayaan na ninyo sa kamay ng pamahalaan ang bagay na iyan; siya na ang bahalang magpasya diyan nang alinsunod sa kanyang maibigan… Sinasabi ninyong ang Vice-Rector ay laban sa pagtuturo ng wikang Kastila, nguni’t hindi sa substansiya ng panukala kundi sa paraan ng pagpapanukala.  Sinasabing ang rector na paparito ay may dalang panukalang pagbabago ng pagtuturo…33 mag-antay kayo nang kaunti, bigyan ninyo ng panahon, mangag-aral kayo, sapagka’t nalalapit na ang examen at, putris yata, kayong mahusay na magsalita ng Kastila at madalitang nasasabi ang inyong sarili sa wilang ito, ano’t nakikihimasok pa sa gulo?34  Ano pa ang hangad ninyong bukod na ituro?  Matitiyak na si Padre Florentino ay kaisa ko sa opinyon?  Ipakikumusta ninyo…”

            “Ang aking tiyuhin,” ang sagot ni Isagani, “ay palaging ipinapala-ala sa akin na alalahanin ko iba, gaya nang pag-aalaala ko sa sarili… hindi ako naparito nang dahil sa akin, naparito ako pata sa mga nasa kalagayang lalo pang aba…”

            “Ah, putris!35  Gawin nila ang ginawa ninyo, sunugin nila ang kanilang kilay sa pag-aaral at maging upawin silang gaya ko sa pagsasaulo ng buu-buong salaysay… at inaakala kong kung kaya kayo nakapagsasalita ng wikang Kastila ay sapagka’t pinag-aralan ninyo,

Simbolismo ng pagbubulag-bulagan.33 Ang panukalang pagbabago sa pagtuturo ay higit na isang anyo ng rebisyon ng kahilingan ng mga estudyante.

34 Tandaan na si Isagani ay isang makata

35 Quie Dientre (saka na lang ito ipaliwanag)

Page 10: FilibusterismoDeciphered -kab15 - SENOR PASTA

kayo’y hindi taga-Maynila ni anak ng Kastila!  Pag-aralan nila ang pinag-aralan ninyo at gawin nila ang ginawa ko… Ako’y naging alila ng lahat ng prayle, ipinagluto ko sila ng chocolate, at samantalang ang kanan ko’y ipinanghahalo ng batidor ay hawak ko sa kaliwa ang gramatika, nag-aaral ako at, salamat na lamang sa Diyos, hindi ako nangailangan ng iba pang mga guro, ni iba pang akademya, ni mga pahintulot ng pamahalaan… Paniwalaan ninyo ako; ang ibig na mag-aral ay nakapag-aaral at natututo!”           

“Nguni’t ilan na sa mga ibig na matuto ang makaaabot sa inabot ninyo?  Isa sa sampung libo, at iyon pa man!”

            “Psch!  At ano pa ang kailangan ng higit sa roon?” ang sagot ng matanda na ikinibit ang balikat, “ang mga abugado’y labis na, ang marami’y pumapasok na lamang na tagasulat.   Mga mediko?   Sila- sila’y nagmumurahan, nag-uupasalaan at nagkakamatayan dahil sa pag-aagawan sa isang maysakit… Bisig, ginoo, ang kailangan natin ay bisig na ukol sa agrikultura!”36

            Nakilala ni Isagani na nag-aaksaya siya ng panahon, nguni’t tumugon:

            “Tunay nga,” ang sagot, “maraming abugado at mediko, nguni’t hindi ko masasabing labis, sapagka’t mayroon tayong mga bayang wala ng isa man sa kanila; nguni’t kung marami man sa bilang, marahil ay kulang sa mabuti.37  At yayamang hindi mapigil na mag-aral ang kabataan, at dito’y wala namang ibang carrera, bakit babayaang masayang ang kanilang panahon at pagsisikap?  Kung ang depektibong edukasyon ay hindi makahahadlang sa marami na maging abugado o mediko, kung tayo’y magkakaroon din lamang, bakit hindi pa mabubuti?38  At gayon man, kahi’t na ang ibig ninyo na ang bayan ya gawing lupain ng mga magsasaka, isang lupain ng mga manggagawa sa lupa, at patayin sa kanya ang lahat ng gawaing intelektwal, ay wala akong makitang masama ng patalinuhin ang mga magsasaka at mga manggagawan, sa pagbibigay sa kanila ng edukasyon na magpapahintulot sa kanila, pagkatapos, na iwasto at pagbutihin ang kanilang mga gawain, na ilagay sila sa kalagayang mauunawaan ang maraming bagay na hindi nababatid sa ngayon.”39

36 Pangmamaliit ni Senor Pasta sa mga magsasaka.

37 Pagpuna ni Rizal sa kwantidad at hindi sa kwalidad ng mga nagsipagtapos. Hindi kulang ang oportunidad para sa mga tunay na may kakayahan.

38 Kondemnasyon ni Rizal sa depektibong edukasyon

39 Ang pananaw ni Isagani ay nakasaad sa artikulo ni Rizal na Los Agricultores.

Page 11: FilibusterismoDeciphered -kab15 - SENOR PASTA

            “Bah, bah, bah!” ang bulalas ng abugado, na inikot na pabilog sa hangin ang kamay, na waring ibig bugawin ang mga ideya na nabanggit, “upang maging mabuting magsasaka ay hindi kailangan ang maraming retorica.  Pangarap, ilusyon, ideolohiya!  Siya!  Ibig baga ninyong sumunod sa isang payo?”

            At tumindig, masuyong ipinatong ang kamay sa balikat ng binata, at nagpatuloy:

            “Bibigyan ko kayo ng isang lubhang mabuti, sapagka’t nakikita kong kayo’y matalino, at ang payo ay hindi mawawala.  Bakit hindi ka mag-aaral ng medisina?40  Kung gayon ay magkasya kayo sa pag-aaral nang huwag papaano ang paglalagay ng tapal at pagpapasigid sa linta at huwag ninyong panghimasukan ang pagpapabuti o pagpapasama ng kalagayan ng inyong kapwa.41  Pag kayo’y licenciado na ay mag-asawa kayo sa isang dalagang mayaman at mapanata,42 pagpilitan ninyo ang makapanggamot at makasingil na mabuti, layuan ninyo ang lahat ng bagay na may pakialam sa kalagayan ng bayan, magsisimba kayo, magkumpisal at makinabang; pag ang iba’y gumagawa nang gayon, at makikita ninyong pagkatapos ay pasasalamat kayo sa akin at ang gayo’y makikita ko kung ako’y buhay pa.  Palagi ninyong aalalahanin na ang lalong wastong paglingap ay ang lingapin muna ang sarili; walang dapat hanapin ang tao sa mundo kundi ang lalong malaking kaligayahan ng kanyang sarili, gaya ng sabi ni Bentham;43 pag kayo’y nanghimasok sa mga kaululan ay hindi kayo magkakaroon ng carrera, ni hindi kayo magkakaasawa, ni hindi kayo magiging anuman.  Pag-iiwanan kayo ng lahat at ang una-unang magtatawa sa inyong kalinisang-ugali ay ang inyo ring mga kababayan.  Maniwala kayo sa akin, ako’y maaalaala rin ninyo at sasabihin ninyong may katwiran ako pag kayo’y nagkaroon na ng ubang kagaya ko, mga ubang kagaya nito!”

40 Pansinin na ang payo ni Senor Pasta ay higit na makasarili – ayaw niyang maging abogado si Isagani. Ito ay dahilan sa hindi paman ito nakapag-aaral ng batas ay mayroon na ito mahusay na pagbibigay nh opinyong panlipunan.

41 Pagpapakita ng kalagayan ng pagtuturo ng medisina sa Pilipinas at mula sa pananaw ni Senor Pasta na ang edukasyon ay walang improvement.

Ang paggamit ng linta sa medisina ay isang matandang paraan ng panggagamot.42

Oportunista43

Ang paggamit ni Rizal sa pilosopiya ng pilosopong Ingles na si Bentham ay nagpapakita na ang bahagi na ito ng El Fili ay sinusulat niya sa London.

Page 12: FilibusterismoDeciphered -kab15 - SENOR PASTA

            At hinipo ng matandang abugado ang iilan niyang buhok na puti, at ngumiti nang malungkot at umiling-iling.

            “Pag nagkaroon na ako ng mga ganyang uban, ginoo,” ang sagot na malungkot din ni Isagani, “at pag inilingon ko ang aking paningin sa nakaraan at nakita kong wala akong ginawa kundi ang ukol sa sarili, na hindi ginawa ang maari kong gawin at dapat kong gawing para sa bayang nagbigay sa akin ng lahat ng bagay, ukol sa mga mamamayang tumulong sa aking mabuhay, ang bawa’t uban ay magiging isang tinik sa akin, at hindi ko sila ikararangal, bagkus ikahihiya.”

            At masabi ito ay yumuko at umalis.

            Napatigil ang abugado sa kanyang kinalalagyan, na ang mata’y susuling-suling.  Nadinig ang mga yabag na lumalayong unti-unti at muling umupo na bumubulong:

            “Kaawa-awang binata!  Ang mga ganyan ding paniniwala ay sumagi isang araw sa aking pag-iisip!  Sana ang lahat ay makapagsabing:   ginawa ko ito nang dahil sa aking bayan, iniukol ko ang aking buhay sa ikabubuti ng lahat…!  Putong na laurel, na pigta ng katas ng kamansa, mga dahong tuyo na nagkakanlong ng mga tinik at mga uod!  Hindi iyan kabuhayan, hindi nagbibigay ng makakain, hindi nagdudulot ng karangalan; ang mga laurel ay bahagya nang magamit sa isang sawsawan… ni hindi nagbibigay ng katiwasayan…ni hindi nagpapanalo ng mga usapin kundi nagpapatalo pa nga!  Ang bawa’t bayan ay may kanyang klimang moral at karamdaman, na iba sa singaw ng lupa at mga salot ng ibang bayan!”

            At idinugtong pagkatapos:           

“Kaawa-awang binata…!  Kung ang lahat sana’y nag-iisip at gumagawa nang gaya niya ay hindi ko siya pahihindian.  Kaawa-awang binata!  Kaawa-awang Florentino!”