El Filibusterismo:Deciphered-kab04

21
UNCORRECTED PROOF Kabanata 4 Si Kabesang Tales Sa mga nakabasa ng ng unang bahagi ng kuwentong ito ay maaring maala-ala ang isang matandang mangangahoy na naninirahan doon sa kalooban ng isang gubat. Si Tandang Selo ay buhay pa, at sa kabila ng pagputi ng kanyang buhok ay mabuti pa rin ang kanyang pangangatawan. Hindi na nanghuhuli sa bitag at hindi na rin nagpuputol ng kahoy; sa dahilang bumuti na ang kabuhayan ay naggagagawa na lamang ng walis. Ang kanyang anak na si Tales (palayaw ng Telesforo) 1 ay nakisama muna sa isang mamumuhunan; ngunit nang magtagal, nang magkaroon ng dalawang kalabaw at mga ilang daang piso, ay gumawa na sa sarili, na katulong ang kanyang ama, ang kanyang asawa at ang kanyang tatlong anak. Hinawan at nilinis ang makapal na kagubatan na nasa labas ng hangganan ng bayan, na inakala nilang walang may-ari. Nang kanilang ginagawa at inaayos ang lupa ay nilagnat na isa-isa silang mag-aanak at namatay ang ina at anak na panganay na si Lucia, na nasa katamtamang gulang. 2 Ang mga mikrobyo, na lumilitaw 1 Ang pangalang Telesforo ay nangangahulugan na lalaking mula sa malayong nayon o halos napakalayo sa kabyanan. 2 Ang paghihirap ni Kabesang Tales sa paglilinis ng kagubatan at kamatayan ng mga mahal sa buhay ay katulad ng naging karanasan ni Don Francisco Mercado (ama ni Rizal), na kasama sa mga naunang magsasaka sa hacienda ng mga Dominicano sa Calamba. Pansinin ang salaysay ni Austin Craig: The pioneer farming, clearing the miasmatic forests especially, was dangerous work, and there were few families that did not buy their land with the lives of some of its members. In 1847 the Mercados had funerals, of brothers and nephews of Francisco, and, chief among them, of that elder

Transcript of El Filibusterismo:Deciphered-kab04

Page 1: El Filibusterismo:Deciphered-kab04

UNCORRECTED PROOF

Kabanata 4 Si Kabesang Tales 

            Sa mga nakabasa ng ng unang bahagi ng kuwentong ito ay maaring maala-ala ang isang matandang mangangahoy na naninirahan doon sa kalooban ng isang gubat. Si Tandang Selo ay buhay pa, at sa kabila ng pagputi ng kanyang buhok ay mabuti pa rin ang kanyang pangangatawan.  Hindi na nanghuhuli sa bitag at hindi na rin nagpuputol ng kahoy; sa dahilang bumuti na ang kabuhayan ay naggagagawa na lamang ng walis.

            Ang kanyang anak na si Tales (palayaw ng Telesforo)1 ay nakisama muna sa isang mamumuhunan; ngunit nang magtagal, nang magkaroon ng dalawang kalabaw at mga ilang daang piso, ay gumawa na sa sarili, na katulong ang kanyang ama, ang kanyang asawa at ang kanyang tatlong anak.           

Hinawan at nilinis ang makapal na kagubatan na nasa labas ng hangganan ng bayan, na inakala nilang walang may-ari.  Nang kanilang ginagawa at inaayos ang lupa ay nilagnat na isa-isa silang mag-aanak at namatay ang ina at anak na panganay na si Lucia, na nasa katamtamang gulang.2  Ang mga mikrobyo, na lumilitaw dahil sa pagkakabungkal ng lupa, na sagana sa sari-saring bagay, ay inakala nilang paghihiganti ng mga laman-lupang naninirahan sa gubat, kaya naglubag ang kanilang loob at ipinagpatuloy ang gawain sa pag-asang pumayapa na ang pagkamuhi ng espiritu.  Nang aanihin na ang

1 Ang pangalang Telesforo ay nangangahulugan na lalaking mula sa malayong nayon o halos napakalayo sa kabyanan.

2 Ang paghihirap ni Kabesang Tales sa paglilinis ng kagubatan at kamatayan ng mga mahal sa buhay ay katulad ng naging karanasan ni Don Francisco Mercado (ama ni Rizal), na kasama sa mga naunang magsasaka sa hacienda ng mga Dominicano sa Calamba. Pansinin ang salaysay ni Austin Craig:

The pioneer farming, clearing the miasmatic forests especially, was dangerous work, and there were few families that did not buy their land with the lives of some of its members. In 1847 the Mercados had funerals, of brothers and nephews of Francisco, and, chief among them, of that elder sister who had devoted her life to him, Potenciana. She had always prompted and inspired the young man, and Francisco's success in life was largely due to her wise counsels and her devoted encouragement of his industry and ambition. Her thrifty management of the home, too, was sadly missed.

Page 2: El Filibusterismo:Deciphered-kab04

UNCORRECTED PROOF

unang tanim ay inangkin ang mga lupang iyon ng isang Corporacion ng mga prayle na may pag-aari sa bayang kalapit, na ang dahilan ay nasa loob ng kanilang mga hangganan, at upang mapatunayan ang gayon ay itinayo noon din ang kanilang mga muhon.3  Gayunman alang-alang sa pagiging makatao ay pinabayaan siya ng tagapangasiwa ng mga pari upang taniman, sa kondisyon na magbabayad siya sa taun-taon ng isang munting halaga, isang walang gaano, dalawampu o tatlumpung piso.4

            Si Tales, ay isa sa mabait na maaring matagpuan, ayaw sa usapin na gaya ng iba, at masunurin sa mga prayle gaya ng ilan, sa pag-iwas na ibunggo ang isang palayok sa isang kawali, gaya ng sabi niya (para sa kanya ay kasangkapang bakal ang mga prayle at siya ay kasangkapang putik), ay umalinsunod sa kagustuhan, dahil sa naisip niyang siya ay hindi marunong ng wikang Kastila at walang maibabayad sa mga abogado.5  At saka sinabi sa kanya ni Tandang Selo na:

            “Pasensiya na!  Malaki pa ang magagastos mo sa usaping panghukuman sa isang taon kaysa magbayad ng sampung taon na hinihiling ng mga paring puti.  Hmh!  Marahil ay ganatihan ka naman nila ng misa.  Ipagpalagay mong ang tatlumpung pisong iyan ay natalo sa sugal o kaya ay nahulog sa tubig at kinain ng buwaya . ”6

3 Ang kaso ay tinatawag na land grabbing – pansinin sana na ang muhon (pananda sa hangganan ng lupa) ay inilipat sa lupang nilinis at sinasaka ni Kabesang Tales. Ginamit ni Rizal ang naililipat na muhon upang gawing simbolo sa kawalang hangganan ng kasakiman sa lupa ng mga prayle noon sa Pilipinas.

Sa mismong panunuya ni Rizal ay kaniyang sinabi na dati ang hacienda ay matatagpuan sa loob ng bayan at sa kasalukuyan ang bayan ng Calamba ay matatagpuan sa loob ng hacienda.

4 Isang pang-iinsulto ni Rizal na binihisan ni Rizal ng magandang pananalita. Ang kasakiman ay mayroong anyo ng kabaitan.

5 Makikita ang kalagayan ng mga mahihirap na nagiging daan sa higit nilang lantad sa pagsasamantala– Una, ang kawalan nila ng kakayahan na gumamit ng opisyal na wika ng pamahalaan; at pangalawa, ang kawalan nila ng kakayahan na kumuha abogado na magtatanggol sa kanilang mga usapin sa hukuman.. 6

Ang buwaya na tinutukoy rito ay ang mga prayle. Personal Note: May isang manunulat ng Rizal na nagsabing pagagalitan tayo ni Rizal, dahil walang ibang pakahulugan ang buwaya sa Noli – hindi ko maunawaan kung nabasa niya o naintindihan ang nasabing nobela at nagdududa ako kung nabasa niya ang El Fili, sa panahon na sinusulat niya ang kaniyang artikulo, kasi sa Noli lang ang kaniyang tinatalakay.

Page 3: El Filibusterismo:Deciphered-kab04

UNCORRECTED PROOF

            Naging sagana ang ani, naipagbili sa malaking halaga, at

inisip ni Tales ang magtayo ng isang bahay na kahoy sa baryo ng Sagpang, ng bayang Tiyani, na kalapit ng San Diego.7

            Lumipas pa ang ang isang taon at nagdala ng isa pang mabuting ani, at dahil sa iba’t ibang dahilan ay ginawa ng mga prayle na limampung piso ang canon, na pinagbayaran naman ni Tales upang di sila magkagalit at sa dahilang umaasang maipagbibili sa mabuting halaga ang asukal.8

          “pagpaumanhinan mo na!  Isipin mong lumaki ang buwaya,”9 ang payo ni matandang Selo.           

Sa taong iyon ay naganap ang kanilang pangarap:  manirahan sa kanilang bahay na tabla10 sa nayon ng Sapang, at

. 7 Makikita ang lupit ni Rizal sa pagbibigay ng pangalan lugar. Ang pangalan ng baryo ay Sagpang na nangangahulugan na kinain ng bibig ng isang hayop (Sangguniin ang Vocabulario nina ang Noceda at Sanlucar). Ang hayop na sasagpang ay pinapanood muna mula sa mayo ang kaniyang biktima, sinusukat ang lakas, hindi simulado at biglaan ang pag-atake.

Bayan ng Tiyani – walang bayan sa Pilipinas na tinatawag sa ganitong pangalan. Saan kinuha ni Rizal ang pangalan ng bayan na ito.Lahat ng mga Pilipino na nagsasalita ng Tagalog na nagbubunot ng balahibo sa anumang bahagi ng katawan ay alam nila ang kagamitang tiyani na pang-ipit at pambunot ng nakatanim na balahibo sa katawan. Ang dayuhang tiyani ang bumubunot ng tubong balahibo sa isang katawan.

8 Ang tubo (sugarcane)ang pangunahing produkto ng pamilya ni Rizal sa kanilang inuupahang lupang taniman sa Calamba. Sa kapanahunan na si Rizal ay nag-aaral sa Europa, si Paciano na halos ang direktang namamahala sa taniman ng tubo at mula sa kinikita sa lupa ay nagpapadala ng kaukulang gastusin si Paciano kay Rizal. Isang hindi napapansin sa pagsusuri ng kasaysayan, na ang salaping ginastos ni Rizal sa pagpapalimbag ng Noli Me Tangere ay nagmula sa produktong tumubo sa lupa ng Pilipinas.9

Pansinin sana na palaging isang paboritong simbolo na gamitin ni Rizal sa mga prayle ay buwaya. Kung ayaw mong maniwala na walang ibang pakahulugan si Rizal sa buwaya.

10 Kalimitan na ang bahay ng mga Pilipino sa kapanahunan ng mga Kastila ay gawa sa mga pawid at sawali na tinatawag ng mga Kastila na bahay mahirap (casa pobre). Ang pagkakaroon ng bahay na gawa sa kahoy ay pagpapakilala ni Kabesang Tales ng kaniyang pag-angat sa buhay. - Noon at ngayon ay isa sa mga indikasyon ng pag-angat ng

Page 4: El Filibusterismo:Deciphered-kab04

UNCORRECTED PROOF

inisip ng ama at ng lolo na pag-aralin ang magkapatid, lalung-lalo na ang babae, si Juliana o Juli,11 na karaniwang tawag nila, na tila magiging maganda.  Isang batang lalaki, si Basilio, na kanilang kaibigan at kagaya rin nilang mahirap ay nag-aaral na noon sa Maynila.

            Subalit ang pangarap na ito ay nakatalagang hindi mangyayari. Ang unang ginawa ng bayan, nang makita ang unti-unting pag-angat nila sa buhay, ay ang ihalal na Kabesa ang pinakamasipag sa mag-aanak; ang anak na panganay na si Tano ay may labing-apat na taon pa lamang.  Tinawag na ngang Kabesang Tales, nangailangang magpagawa ng chaqueta, bumili ng isang sambalilong piyeltro/felt at humanda sa gastusin.  Upang di makipagkagalit sa kura at sa pamahalaan ay pinagpapaluwalan niya ang mga hindi inaalis sa padron, ipinagbabayad ang mga umaalis at namamatay, nag-aaksaya ng maraming panahon sa paniningil at pagtungo sa kapitolyo ng lalawigan.12

            “Magpasensiya ka na!  Ipagpalagay mong dumating ang

mga kamag-anak ng buwaya ,” ang sabing nakangiti at payapa ni Tandang Selo.13

buhay ng mga Pilipino ay ang pagpapagawa o pagsasa-ayos ng bahay. 11

Pansinin na ang pangalan ng anak na babae ni Kabesang Tales ay Juliana, ngunit ang talagang ginamit ni Rizal sa babaeng ito ay Juli, na sa tagalog ang kahulugan ay dakip/kulong/sagpang. Kung ayaw mong maniwala na ito ang pakahulugan ni Rizal, basahin mo sa mga susunod na kabanata.

12 Isa sa mga mapanlupog na posisyon sa pamahalaan noong panahon ng pamahalaang kolonyal ay ang maging kabesa de baranggay – ang kaniyang unang gawain ay panguluhan ang pamayanan, ngunit ang pinakamabigat na gampanin ay ang paniningil ng buwis. Ang kaniyang buwis na sinisingil ay nakaayon sa padron o listahan ng mga naninirahan na inihanda ng mga kura-paroko. Sa kabilang dako, ang mga kura paroko ay tumatanggap ng allowance mula sa pamahalaang kolonyal na ang halaga ay nakaayon sa kabuuang bilang ng mga naninirahan sa pueblo na nasasakupan ng kaniyang parokya, sa ganito ay pinapanatili niya ang maraming mga pangalan, kahit na mga ito ay matagal ng namatay o umalis ng kanilang lugar. Sa ganito ang nakakahabag na kabesa ng barangay ang siyang napipilitan na magbayad o magpaluwal sa hindi naalis sa padron ng kura.13

Dati ay isang buwaya lamang ang lumilimas sa pera ni Kabesang Tales ang mga prayle, sa pagkakataon na ito ay dalawa na ang nandadambong sa kaniyang pera – ang mga taong pamahalaan na para kay Rizal ay kamag-anak ng unang buwaya. Pansinin ang mapanlibak na tawa ni Rizal na ipininta niya sa mukha ni Tandang Selo.

Page 5: El Filibusterismo:Deciphered-kab04

UNCORRECTED PROOF

            “Sa sumunod na taon ay magsusuot ka na ng sayang may

buntot at pupunta ka sa Maynila, upang mag-aral na katulad ng mga dalaga sa bayan!” ang sabi ni Kabesang Tales sa kanyang anak, kailanman at maririnig ang pagsulong ni Basilio sa pag-aaral. 

Ngunit hindi sumapit ang taong iyon dahilan sa pagdaragdag ng buwis sa lupa. Napaiyak na si Kabesang Tales at nagkakamot ng ulo.  Isinasalin na ng palayok ang kanyang bigas sa kaldero.14

            Nang umabot sa dalawang daang piso ang canon ay hindi na nagkasya si Kabesang Tales sa pagkamot ng ulo at pagbubuntung-hininga; tumutol at bumulung-bulong.  Nang maganap iyon ay sinabi sa kanya ng prayleng tagapangasiwa, na kung hindi siya makababayad ay iba ang magtatanim sa mga lupang iyon.  Maraming may gustong magbayad ng ganoong kalaking upa.

           Sa una ay inakala ni Kabesang Tales na nagbibiro ang prayle, ngunit tinotoo ng pari ang sinasabi itinuturo ang isa sa mga alila niya na siyang kukuha ng lupa.  Ang kaawa-awang tao ay namutla, ang tainga niya ay umugong, isang mapulang ulap ang tumakip sa kanyang paningin at doon ay nakita ang kanyang asawa at anak na babaing namumutla, payat, naghihingalo, dahil sa tigil gisaw na lagnat.  At pagkatapos nakita ang makapal na gubat na naging bukirin, nakita ang agos ng pawis na dumidilig sa mga lubak, nakita niya, siya, siya rin, ang kaawa-awang si Tales, na nag-aararo sa gitna ng arawan, na nasusugatan ang mga paa sa mga bato at tuod, samantalang ang uldog na iyon ay nagliliwaliw na nakasakay sa isang sasakyan at kukuha ng kanyang ari ay susunud-sunod na gaya ng isang alipin sa kanyang panginoon.15  Ah, hindi!  Makalilibong hindi!  Lumubog na muna ang mga kaparangang iyon sa kailaliman ng lupa at malibing na silang lahat.  Sino ang dayuhang ito upang magkaroon ng karapatang umangkin ng kanyang mga lupain?   Nagdala ba siya kahit ng isang dakot man lamang ng alabok mula sa kaniyang bayan?  Nabaluktot ba ang

14 Isinalin na ng palayok ang kaniyang bigas sa kaldero – ipinagkaloob na ng mga Pilipino ang kanilang salapi sa mga prayle. Sa anyo ng mga bayaring pansimbahan at kabayaran sa sinasakang lupa na sakop ng mga hacienda ng mga prayle.15

Taglay ng pangungusap na ito ang elemento ng panunulsol ni Rizal sa mga magsasakang kasama sa mga hacienda na pag-aari ng mga ordeng pang-relihiyon.

Page 6: El Filibusterismo:Deciphered-kab04

UNCORRECTED PROOF

isa man sa mga daliri niya sa pagbunot ng isang ugat man lamang na nakabaon doon?16

            Napuno na sa mga pagbabanta ng prayle, nagpasyang

panghawakan ang kanyang mga karapatan sa lahat ng paraan, sa harap ng ibang naninirahan doon ay nagmatigas si Kabesang Tales, ayaw magbayad, ni isa mang kuwalta, at dala rin sa harap ang mapulang ulap, ay sinabing ipagkakaloob lamang niya ang kanyang mga bukirin sa dumilig muna doon ng dugo ng kanyang mga ugat.

            Si matandang Selo na nakatingin sa mukha ng kanyang anak ay hindi nakapangahas na banggitin ang buwaya, ngunit tinangka niyang pakalmahin sa pagsasabi ng tungkol sa mga palayok at ipinaalaala na sa mga usapin, ang nananalo ay nawawalan ng kamiseta at salawal.17

            “Lahat tayo ay uuwi sa alabok, ama, at wala tayong damit nang sumilang mundo!” ang tutol nito.

            Nagmatigas siya na hindi magbabayad, ni ibigay ang isang dangkal man lamang ng kanyang lupa , kung hindi ipakikilala ng mga prayle ang legalidad ng kanilang pag-aangkin sa pamamagitan ng titulo pagmamay-ari o kahit anong kasulatan.18  At sa dahilang walang maipakita ang mga prayle ay nagkaroon ng usapin, at tinanggap ang gayon ni Kabesang Tales sa pag-asang kung di man ang lahat ay may ilang mga umiibig ng katarungan at gumagalang sa mga batas.

            “Naglilingkod ako at marami nang taon na ako ay naglilingkod sa hari, sa pamamagitan ng aking salapi at mga pagpapagod,” ang sinabi sa sa mga nagwiwikang wala siyang mararating, “hinihiling ko sa kanya ngayon na lingapin ang aking katwiran at lilingapin niya ako.”19

16 Ang mga corporacion ng prayle ay nag-may-ari ng malalaking lupa, samantalang wala naman silang dinalang lupa sa Pilipinas. Pansinin na ginamit na ni Rizal ang salitang pagbunot, pagkatapos ng paglalarawan ng pagkaka-ipit ni Kabesang Tales na nagmula sa bayan ng Tiyani.

17 Tayong mga mahirap ay walang access sa katarungan.

18 Ang paninindigang ito ang siya ring paninindigan ng mga magsasaka sa Calamba. Hiniling nila sa hukuman na ipakita ng mga prayleng Dominicano ang katibayan ng kanilang pagmamay-ari sa lupa. Ang mga prayleng Dominicano ay walang maipakitang titulo ng pagmama-ari ng lupa. (citation needed) Coates.19 Ipinaparamdam ni Rizal sa pamahalaan kolonyal ang pag-asa at pagtitiwala sa katarungan nito. Ang karaniwang mga mamamayan ay

Page 7: El Filibusterismo:Deciphered-kab04

UNCORRECTED PROOF

Hinatak g ng isang kasawian at parang sa paglilitis ay nakataya ang kanyang kinabukasan at ng kanyang mga anak, ginastos ang kanyang naiipon sa pagbabayad sa mga abugado, eskribano at prokurador/solicitor, at hindi pa kabilang dito ang mga kawani at mga tagasulat/ clerk na nagsamantala sa kanyang kamangmangan at kalagayan.  Nagpabalik-balik siya sa kapitolyo ng lalawigan, lumipas ang mga araw sa buong maghapon na hindi kumakain at hindi nakatulog, at ang kanyang pakikipag-usap ay pawang tungkol sa mga kasulatan, pagharap, paghahabol sa lalong may mataas na kapangyarihan, atbp.  Sa ganito ay nakita ang isang labanang hindi pa naisasagawa sa ilalim ng langit ng Pilipinas:20  ang isang maralitang Indiyo, mangmang at walang mga kaibigan, tiwala sa kanyang katwiran ng kaniyang pakikipaglaban, na nakikilaban sa isang malakas na corporacion ng relihiyon na niluluhuran ng maykapangyarihan at sa harap nito ay binibitiwan ng mga hukom ang kanilang timbangan at isinusuko ang kanilang tabak.21  Sa mapilit niyang pakikipagtunggali, ay naging tila isang langgam na kumakagat, gayong alam niyang siya ay matitiris, parang langaw na tinatanaw ang walang hanggang kalawakan sa likod ng isang salaming kristal.22  Ah!  Ang palayok na nakikipaglaban sa

naglingkod sa Hari ng walang pag-iimbot at katapatan, ikumpara sa mga prayle na ang kaniyang paglilingkod at katapatan ay sa orden pang-relihiyon na kaniyang kinabibilangan.

20 Ang usapin ng mga magsasaka ng Calamba na kinabibilangan ng pamilyang Rizal ay naging isang malaking usaping panghukuman sa panahong iyon. Ilang mga nag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas, ang nagsasabi na ang kilusang agraryo sa Calmaba ay isa sa mga pangunahing mitsa na nagpasiklab sa Rebolusyong Pilipino noong 1896. Kung hindi inapi ng duwag na hukuman at ng mga ganid na prayleng Dominicano ang mga magsasaka ng Calamba, ang bahaging ito ng salaysay ni kabesang Tales ay hindi magiging labis na maapoy at isa sa mga nagpasulak ng kalooban ng mga mambabasa – na isa na rito ay si Andres Bonifacio. (citation needed)

21 Sa isang Korte na pinamamahayan ng kaduwagan dahilan sa sila ay mistulang mga tuta ng makapangyarihan – binibitawan ang timbangan at sinusuko ang tabak ng katarungan at sa isang hukumang pinamumugaran ng katiwalaan – ipinagbibili ang timbangan at ang tabak ng katarungan.

22 Katulad ng langaw na gustong lumipad sa kalawakan na kaniyang nakikita, ngunit hinahadlangan ng kaniyang kamangmangan, kahinaan at kahirapan. Nailarawan ni Rizal ang buhay at pananaw ng mga mahihirap. Magagawa lamang ng mga mahihirap na makalipad sa natatanaw niyang malawak na kaparangan kung magkakasama-sama silang babasagin ang salamin na humahadlang sa kanilang mga

Page 8: El Filibusterismo:Deciphered-kab04

UNCORRECTED PROOF

mga kaldero ay may nakahahanga ring anyo sa pagkadurog:  tinataglay niya ang natatanging katapangan nang pakikipaglaban ng isang walang pag-asa. Sa mga araw na hindi siya naglalakbay ay pinalilipas sa paglilibot sa kanyang bukirin na dala ang escopeta,23 sinasabi niyang ang mga tulisan ay nanloloob at kailangang magtanggol siya upang di mahulog sa kanilang mga kamay at matalo ang usap.  Ito ay parang nagsasanay sa pagtudla na binaescopeta ang mga ibon at mga bungang-kahoy, bumaescopeta ng mga paruparo nang walang lihis, kaya ang tagapangasiwang uldog ay hindi na naglakas loob na magtungo sa Sagpang kung walang kasamang mga guwardiya sibil, at ang palamunin ng pari na nakakita sa mapagbantang tindig ni Kabesang Tales na naglilibot sa kanyang bukirin na parang isang bantay ay buong takot na umayaw na kunin ang pag-aari.

            Subalit ang mga lokal na hukom24 at ang mga nasa kapitolyo na nagtanda sa karanasan ng ilan sa kanilang mga kasamahan na basta na lamang naalis ng walang kadahilanan sa katungkulan, ay hindi makapangahas na bigyan siya ng makatwirang kapasiyahan.  At hindi naman masasama ang mga hukom na iyon, pawang taong matatalino, matapat, mabubuting mamamayan, maririlag na mga magulang, mabubuting anak… at nakatataya ng kalagayan ni Tales nang mabuti pa kaysa sariling may katawan.  Marami sa kanila ang nakababatid ng mga sanhi at kasaysayan ng pagkakaari, alam nilang ang mga prayle mula sa mga panuntunan ng mga ito ay hindi magkaroon ng mga pag-aaring lupa,25 Subalit alam din

balakin.23

Ang escopeta ay shotgun – isang escopeta na naglalabas ng maramihan at sabayang mga bolitas sa isang putukan.24

Mga hukom sa pueblo ng Tiyani.

25 Ang historikal na katotohanan ng kasakiman ng mga ordeng pang-relihiyon noon ay naging sanhi ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa preserbasyon ng lupa na kanilang pag-aari. Ang Pag-aalsang Agraryo ng mga Tagalog noong 1745-46. Ang hari ng Espanya ay ipinadala ang hukom Pedro Calderon upang siyasatin ang usapin

Alam ng mga hukom na hindi pag-aari ng mga prayle ang lupang kanilang kinakamkam (land grabbing) mula kay Kabesang Tales dahil sa ang kahatulan ni Hukom Pedro Calderon ay bahagi ng jurisprudence ng kolonyal na hukuman ng Espanya sa Pilipinas at nagkaroon pa rin ng pagsipi sa mga desisyon ng korte suprema ng Pilipinas.

Inaanyayahan ko kayo na basahin ang artikulo ni Damon L. Woods na From Wilderness to Nation: The Evolution of Bayan ng UCLA Center for Southeast Asian Studies.

Page 9: El Filibusterismo:Deciphered-kab04

UNCORRECTED PROOF

naman nila silang mga hukom ay nanggaling din sa malayo, tumawid -dagat taglay ang pagtatalaga na kanilang pinaghirapan na makuha at tuparin ang tungkulin sa pinakamahusay na intensiyon. Ang lahat ng iyon dahil lamang sa sinapantaha ng isang Indiyo na ang katwiran ay gaganapin sa lupa nang gaya sa langit, aba!  Isa rin namang kahibangan ang gayon!  Sila ay mayroon din namang mga kaanak at marahil ay may malaki pang pangangailangan kaysa Indiyong iyon; ang isa’y may inang pinadadalhan tuwina ng salapi, at mayroon pa bang kabanal-banalang bagay na gaya ng pakanin ang isang ina?  Ang isa ay may mga kapatid na babaing napapanahon sa pag-aasawa, ang isa pa’y may mga anak na maliliit na nag-aantay ng pagkain na waring mga inakay sa pugad na marahil ay mangamamatay pagdating ng araw na maalis sa katungkulan; at ang pinakamunti ay may asawang nalalayo, lubhang malayo, na kung hindi tumanggap ng ukol na salapi ay  magigipit… At ang lahat ng hukom na iyon, na ang marami sa kanila’y may mga budhi at may malinis na hilig, ay nag-aakalang ang pinakamabuti nilang magagawa ay ang himukin sa pagkakasundo, sa paraang magbayad si Kabesang Tales ng buwis na hinihingi.26  Nguni’t si Tales, gaya nang sinumang may maikling paghuhulo, ay patuloy sa layon, kailanma’t nakakabanaag ng katwiran.  Humihingi ng mga katunayan, katibayan, kasulatan, titulo, nguni’t walang maipakita ang mga prayle at walang pinanghahawakan kundi ang mga nakaraang pag-alinsunod.27

Ang palaging tugon ni Kabesang Tales ay:

“Kung nagbibigay ako ng limos sa araw-araw sa isang pulubi upang makaiwas sa pagkainis, sino ang oobliga sa akin na ipagpatuloy ko ang paglilimos, kung inaabuso niya ang aking kabaitan”

Sa paninindigan na ito ay walang makakatinag sa kaniya, o anumang mga pagbabanta na makatatakot sa kaniya. Dahil walang nangyari, ang Gobernador M... ay naglakbay upang siya ay makausap at takutin. Na sinagot niya ng:

26 Nagkaroon din ng effort ang hukuman na pagkasunduin ang mga magsasaka ng Calamba at ang mga Dominicano (citation needed:See Buencamino)27

Spantext: fundaban en las complacencias pasadas. Nangangahulugan na mga dating napagkasunduan. Sa kabila ng pagsisiyasat ni Pedro Calderon ay wala pa rin nangyari sa mga magsasaka na sakop na mga hacienda na pag-aari ng mga sakim na religious order.

Page 10: El Filibusterismo:Deciphered-kab04

UNCORRECTED PROOF

G. Gobernador, akoy mangmang at walang lakas, Ngunit binungkal ko ang bukiring ito, ang asawa ko at anak ay nangamatay sa pagtutulong sa paghahawan, kaya hindi ko maibibigay sa sinuman na hindi makakagawa ng higit sa nagawa ko. Diligin muna ng dugo ang mga ito ng nagnanais at ilibing dito ang kanilang asawa at anak.

Ang resulta ng katigasang loob na ito, ay ang bigyang katwiran ang mga prayle ng mga matapat na hukom at siya ay pinagtawanan ng mga tao at pinagsabihan pang hindi naipanalo ang mga usapin ng dahil sa katwiran.28 Kahit pa ganoon, ay nagpatuloy pa rin siya sa paghahabol, nilagyan ng punglo ang kaniyang escopeta at kalmadong lumiligid sa kaniyang bukid.29

Sa panahong iyon ang kaniyang buhay ay waring isang masamang panaginip. Ang kaniyang anak na si Tano, isang batang kasingtaas ng ama at kasimbuti tulad ng kaniyang kapatid na babae ay inatasan na maglingkod sa hukbo at hindi na bumayad ng kapalit.30

“Kailangan kong magbayad sa mga abogado,” ang sabi niya sa lumuluha niyang anak na babae. “Kung ako ay mananalo sa kaso, makakahanap ako ng paraan para siya maibalik, kung ako ay matatalo, hindi ko na kailangan ang anak na lalaki.”31

Sa ganito ang anak ay umalis at walang narinig sa kaniya kundi ang balitang pinutulan ng buhok at natutulog ito sa ilalim ng isang kariton. Anim na buwan matapos ay nabalitaan na nakita siya na pasakay ng barko patungo sa Carolinas; ang ibang

28

Isang matinding indignasyon ni Rizal sa kolonyal na hukuman na takot sa makapangyarihang korporasyon.29 Pansinin ang kontrast nanalig sa hukuman, ngunit naglagay ng punglo sa kaniyang escopeta.30

Konskripsiyon - sapilitang paglilingkod ng mga kalalakihan na nasa tamang edad sa hukbo, lalo na sa panahon ng digmaan. Ang katotohanan ng konskripsiyon sa nobelang ito ay maitutugma sa sinasabi sa Kabanata 1 na pakikidigma sa Mindanao at sa paglalabanan ng Alemanya at Espanya sa pag-aangkin sa kapuluan ng Carolinas.Dahilan sa sapilitan ang paglilingkod sa hukbo 31

Kung mananalo si Kabesang Tales sa kaso ay kanya ang lupa at magkakaroon siya ng kasaganaan sa lupa na pinagmumulan ng kayamanan. Kung siya ay matatalo, siyang maipapamana.

Page 11: El Filibusterismo:Deciphered-kab04

UNCORRECTED PROOF

balita ay nagsasabing nakita siya na naka-uniporme ng guardia sibil.

“Si Tano, guardia sibil! Susmariosep!" ang pabiglang nasabi ng ilan na kasabay ng pagtukop ng kamay.32 Si Tano na napakabait at napakatapat! Requimternam!"33

Lumipas ang maraming araw na hindi kinakausap ng lolo ang anak, Si Juli ay nagkasakit, subalit hindi man tumulo ang isang patak na luha ni Kabesang Tales. Dalawang araw na hindi ito umalis ng bahay. Na waring natatakot sa paninisi ng kaniyang mga kanayon, natatakot na tawaging berdugo ng kaniyang anak, ngunit ng ikatlo ay muling lumbas na dala ang kaniyang escopeta.

Siansapantahan na siya ay papatay, may nagsasabing na nadinig umano na ibinubulong niya ang banta na ililibing niya ang uldog sa mga lubak ng kaniyang bukirin; sa ganito labis na kinatakutan siya ng prayle. Dahil dito, bumababa ang dekreto mula sa Kapitan Heneral na nagbabawal sa pagamit ng escopeta at ang pagsasamsam ng mga ito. Ibinigay ni Kabesang Tales ang kaniyang escopeta, subalit nagpatuloy sa kaniyang pagbabantay na dala ang isang mahabang itak.

“Anong gagawin mo sa iyong itak, ang mga tulisan ay mayroong mga baril” ang tanong ni Tandang Selo sa kaniya.

"Kailangang bantayan ko ang aking pananim,"34 ang sagot nito “bawat isang tubo/cane na nakatubo ay isang buto ng aking asawa”

Inalisan siya ng itak dahilan sa napakahaba. Kinuha niya ang matandang palakol ng kaniyang ama at pinasan ang palakol sa kaniyang balikat at pinagpatuloy ang kaniyang nakapangingilabot na pagbabantay.

32 Isang kilos na ang kahulugan ay huwag naman sanang mangyari.33

Isang dasal sa namatay. Ang ipinagdasal rito ay ang tiyak na kamatayan ng kabutihan at katapatan ni Tano – talagang ang lupit mang-insulto ni Rizal.34

Sa bahaging ito ay makikita na ang tunay na dahilan ng pagbabantay ni Kabesang Taes ay ang maingatan ang kaniyang pananim na maaring sirain ng kaniyang mga kalaban. Sa bahaging ito ay ipinapaalam ni Rizal na alam ng mga prayle na ang pinakamabisang paraan ng pagpapasuko ay lupugin ang kabuhayan ng kalaban.

Page 12: El Filibusterismo:Deciphered-kab04

UNCORRECTED PROOF

Sa bawat pag-alis ng bahay, sina Tandang Selo at Huli ay nanginginig sa takot. Si Huli ay titindig sa kaniyang panahian, dudungaw sa bintana at magdarasal, magpapanata sa mga santo at uusal ng mga nobena. Ang kaniyang lolo was hindi matapos ang buklod ng walis at nagsasabi ng pagbabalik sa kagubatan – ang buhay sa bahay na iyon ay hindi niya makayanan. 35

Sa wakas ang takot ay nagkatotoo. Dahil ang bukirin ay malayo sa pamayanan, Si Kabesang Tales, sa kabila ng pagkakaroon ng palako ay nahulog sa kamay ng mga tulisan na may mga rebolber at riple. Sinabi ng mga ito na kung may pera siya na pambayad sa mga hukom at abogado, kailangan din niya na magbayad sa mga sawimpalad at inuusig.36 Sa ganoon ay humingi ng panubos na limandaang piso sa pamamagitan ng isang tagapamagitan ng mga tulisan, na may babala na kung anuman ang mangyayari sa mensahero ay pagbabayaran ng buhay ng bihag. Dalawang araw ang ibinigay na palugit.

Ang balitang ito ay nagpukol ng malaking takot sa kawawang pamilya, na nadagdagan nang malaman nila na ang mga guardia sibil ay pinalabas para tugisin ang mga tulisan. Kung magkakaroon ng sagupaan, ang unang magiging biktima ay ang bihag – na alam na ng lahat.37 Hindi nakakilos ang matanda, samantalang ang namumutla at nahihintakutang anak na babae ay nagnais na magsalita ngunit hindi magawa. Subalit ang isa pang nakakatakot na kaisipan na higit na malupit ang nagbalik sa kanilang ulirat. Ang inutusan ng mga tulisan ay nagsabi na sila ay magsisilayo muna sila, at kung magluluwat sila sa pagbibigay ng tubos si kabesang Tales ay pupugutan ng ulo. Ang sinabing ito ay nakatulig sa dalawa, kapwa mahina at walang magagawa. Si Tandang Selo umuupo at tumitindig, akyat panaog, hindi malaman kung saan pupunta, hindi malaman kung sino ang lalapitan. Si Huli ay padulog-dulog sa larawan ng kaniyang mga santo, paulit-ulit na binibilang ang salapi, ngunit ang dalawan daang piso ay hindi naragdagan, ayaw dumami,38

35 Buklod – isang singsing na gamit sa pagbugkos ng mga tingting. Ito ang sangkap upang maging ganap na walis tingting at magamit ito sa kaniyang kaukulan. Ang simbolo ng hindi ng niya pagkakatapos ng buklod ay kakayahan na makagawa ng pambigkis panlipunan, pansinin na sinasabi na niya ang pagnanais na bumalik sa gubat o kalikasan. 36

Pag- ang tao ay nagbayad ng salapi sa pamahalaan tinatawag itong buwis. Kung sa mga taong labas ang tawag dito ay extortion..37 Mapapansin na higit ang takot nila na maki-alam ang kolonyal na konstabularya.38

Isang pang-uuyam ni Rizal sa pamahiin

Page 13: El Filibusterismo:Deciphered-kab04

UNCORRECTED PROOF

biglang nagbihis, inipon ang kaniyang mga hiyas, hihinging sangguniin ang matanda, nagtangkang magpakita sa kapitan, sa hukom, sa directorcillo, at sa tinyente ng guardia sibil. Oo, ang sagot ng matanda sa lahat, at kapag sinabi ng bata na huwag ay huwag din ang matanda. Dumating ang ilang babaing kapitbahay na kamag-anakan at kakilala, mga maralita at may mas maralita pa kaysa sa sa iba, mga walang malay na tao at nagpalaki pa ng takot.39 Ang pinaka-aktibo sa kanila ay si Hermana Bali,40 isang pusakal na panguinguera, na nanirahan sa Maynila upang magsanay sa gawaing pang-relihiyon sa beaterio ng compana.41

Ipinagbili ni Huli ang kaniyang mga hiyas, maliban sa agnos na may brilyante at esmeralda na ibinigay ni Basilio sa kaniya, sapagkat ang agnos na ito ay may kasaysayan; ang anak na madre ni Kapitan Tiyago ay ibinigay ito sa isang ketongin, dahil sa pagkakagamot ni Basilio sa maysakit ay ibinigay ito bilang handog. Sa ganito ay hindi niya maipagbili ito ng hindi muna kinokonsulta ang nagbigay sa kaniya.

Madaling ipinagbili ang suklay,42 hikaw at kuwintas ni Huli sa isang mayamang kapitbahay at dinagdagan pa ng limampung piso; kulang pa rin ng dalawan daan at limampu. Maaring maisanla ang agnos, subalit iniling ni Huli ang kaniyang ulo. Minungkahi ng isang kapitbahay na ipagbili ang bahay at malugod na sinang-ayunan ni Tandang Selo, sapagkat makakabalik na siya sa gubat na mangahoy na muli, na gaya ng una, subalit ang panukala ay hindi maari ayon kay Hermana Bali dahilan sa wala ang tunay na may-ari.

"Minsan asawa ng hukom ay nagbenta sa akin ng isang tapis sa halangang piso, pero ang asawa nito ay nagsabi na ang bilihan ay walang kabuluhan sapagkat hindi alam ng asawan.43

39 Ang sentro ng pilosopiya ni Rizal na ang kamangmangan ay nagpapatindi ng takot.40 Hermana Bali – napakalupit ng pangalan na ibinigay ni Rizal sa kaniyang tauhan na ito. Bali na ang kahulugan ay baluktotn sa pagkatao at sa pag-iisip.41

Napakalupit ng kumbinasyon na ginawa ni Rizal kay Hermana Bali, relihiyosa at pusakal na sugalera. (Naniniwala ka na ba sa kahulugan ng pangalan na ibinigay ni Rizal sa tauhang ito?)42

Ang suklay na ito ay shell comb

43 Ipinapakita ni Rizal ang katusuhan ng hukom sa pamamagitan ng pagpapatawa, ano ba ang paki-alam ng lalaki sa bilihan ng mga gamit na pambabae – maliban kung ang hukom ay gumagamit o nagpapailalim sa kapangyarihan ng tapis.

Page 14: El Filibusterismo:Deciphered-kab04

UNCORRECTED PROOF

Abá! Kinuha ng lalaki ang tapis at ang babae ay hindi ibinalik ang aking piso, kaya kapag nagsusugal kami ay hindi ko binabayaran ang babae kapag nananalo sa panguingui, abá! Sa gayong paraan ko lang siya nasingil ng labindalawang kuwalta, at iyon ang tanging dahilan kung bakit ako nagsusugal. Hindi ako papayag na hindi mabayaran.

Isang kapitbahay ang magtatanong sana kay Hermana Bali, kung bakit hindi siya binabayaran nito sa maliit na pagkakautang, subalit ang matalas na panguinguera na natunugan agad ang itatanong ay nagsabi kay agad na: "Alam mo ba Huli, kung ano ang magagawa mo,? Isanla mo ang bahay ng dalawandaan at limampung piso, na bayaran kapag nanalo ang usapin.”44

Ito ang pinakamahusay sa lahat ng mungkahi, at nagpasiya silang kumilos sa araw ding iyon. Sinamahan ni Hermana Bali sa paglilibot sa mga mayayaman sa Tiyani, subalit walang sinuman na tumanggap ng mungkahi. Ang kaso ay talo na, at ang magpakita ng kagandahang loob sa kaaway ng mga prayle ay naghahantad sa mga ito sa kanilang paghihiganti. Sa wakas ay nakatagpo rin ng isang mapanatang babae na nahabag sa dalaga at nagpahiram ng salapi sa kundisyon na si Huli ay titigil sa kaniya bilang alila.45 Sa isang dako, wala namang gagawin si Huli, manahi lamang, magdasal, samahan siya sa simbahan, pumalit sa kaniya sa pagkokulasyon/ fasting, paminsan-minsan .46 Lumuluhang tinanggap ng dalaga ang kasunduan at tinanggap ang salapi at nangako na magsisimula ng paglilingod sa darating na araw ng pasko.47

Nang matanto ng kaniyang lolo ang bilihan na

kinabagsakan ng kaniyang apo ay nag-iiyak na parang bata.48

44 Pansinin ang katusuhan ni Hermana Bali. Isasanla, sa kasunduan na babayaran kapag nanalo sa usapin, samantalang hindi naman mananalo sa kaso si Kabesang Tales. 45

Isang pagsasamantala ng isang mapanatang babae magpapaalila kapalit ng pagpapautang.

46 Napakalupit talaga ni Rizal sa panunudyo –sa lagay na iyon ay wala pa palang masyadong gagawin si Huli.47

Nakakakilabot ang hanay ng pangungusap na ito ni Rizal. Hanapin ang paliwanag sa kabanata 7.

48 Ang bahaging ito ang magpapatunay na ang pangalan ni Huli ay nangangahulugan ng nahuli (captured) sa mga susunod na kabanata ay mababasa ang nakakakilabot na pag-sagpang sa kaniya ng rapist na alagad ng Diyos.

Page 15: El Filibusterismo:Deciphered-kab04

UNCORRECTED PROOF

Diyata at ang kaniyang apo na hindi niya pinapayagan na maglakad sa init ng araw ay masusunog ang balat si Huli, na may maliliit na daliri at mapupulang paa! Diyata! ang kaniyang apo na pinakamaganda sa nayaon at maaring sa buong bayan, na laging tinatapatan sa kaniyang bintana ng mga binatang nagtutugtugan at nagkakantahan, diyata! Ang kaniyang apo na tanging ligaya ng kaniyang lumalabong paningin. Na pinapangarap niyang nakasaya ng mahaba, nagsasalita ng Espanyol, hawak niya ang napipintahang abaniko na katulad ng mga anak mayaman. Siya ba ang papasok na alila, na pagagalitan at pagwiwikaan, masisira ang mga daliri, upang matulog kahit saan, at gisingin ng walang patumangga.

Hindi tumigil ang matanda sa pag-iyak at pagsasalita ng pagbibigti o kaya ay hindi kakain hanggang mamatay. “Kapag umalis ka,” ang ppahayag nito “Magbabalik ako sa gubat at hindi na tutuntong sa bayan.”

Pinayapa siya ni Huli sa pagsasabing kailangang gawin iyon para sa makabalik ang kaniyang ama, kapag napanalo ang usapin ay matutubos nila siya sa pagka-alila.

Ang gabing iyon ay napakalungkot, sinoman sa dalawa ay hindi nakakain at ang matanda ay nagmatigas na hindi humiga, pinalampas ang gabi na naka-upo sa isang sulok, tahimik at walang imik. Si Huli sa kaniyang sarili ay nagbalak na matulog, subalit matagal na hindi naipikit ang mga mata. Nang mapayapa na sa magiging kaayusan ng ama, nang maisip ang kaniyang sarili at timping napaiyak upang hindi marinig ng kaniyang lolo. Sa susunod na araw ay magiging alila na siya, sa araw pa naman na nakagawian ni Basilio na dumalaw mula sa Maynila na may dalang regalo para sa kaniya.49 Dapat na niyang limutin ang pag-ibig na iyon; Si Basilio ay magiging manggagamot ay hindi maaring mag-asawa ng maralita. Nakikini-kinita niya sa kaniyang sarili si basilio na nagtutungo sa simbahan kasama ng pinakamagaganda at pinakamayayamang babae sa bayan, kapwa nakasuot ng maayos, maligaya at kapwa nakangiti, samantalang siya, si Huli, ay susunod-sunod sa kaniyang amo na ang dala ay ang nobena, hitso, at duraan,50 pagsapit sa dakong iyon ay nakaramdam ng paghihigpit ng lalamunan,

49

Ipinapapansin sa mga mambabasa na ang kalungkutan na iyon ay naganap sa Noche Buena ng kapaskuhan.50

Talagang napakalupit ni Rizal na magsama ng mga salita. Nobena, hitso, at duraan. Kung ayaw mong maniwala na ito ang tinutumbok ni Rizal,

Page 16: El Filibusterismo:Deciphered-kab04

UNCORRECTED PROOF

nagpapalubog ng puso, at hinihiling sa Birhen na mamatay na muna siya bago makita ang gayon.

Subalit, anya sa sariling budhi – malaman sana niya, na pinili ko na isanla ko ang akisang sarili, kaysa sa agnos na ipinagkaloob niya sa akin.

Ang isiping ito ay munting nagpalubag ng kaniyang sama ng loob at naghatid sa kaniya ng sari-saring pangarap. Sino ang makapagsasabi? Maaring mangyari ang isang milagro na makakita siya ng dalawandaan at limampung piso sa ilalim ng imahen ng Birhen – marami na siyang nabasang ganoong kababalaghan! Maaring huwag sumikat ang araw at naipanalo ang kaso bago mag-umaga. Maaring makabalik ang kaniyang ama; makapulot siya ng gusi sa kanilang bakuran, ang tulisan ang siyang nagdala sa kaniya ng gusi; si Padre Camorra na nagbibiro parati sa kaniya, na mangyaring dumating na kasama ng mga tulisan...51 Lumaon ay nagugulo ang kaniyang pag-iisip hanggang sa pagkapagod at lungkot ay nakatulog na pinapangarap ang kaniyang kabataan doon sa gitna ng kagubatan; siya ay naliligo sa batis na kasama ng kaniyang dalawang kapatid, may mga isdang sari-sari ang kulay na pinapayagan silang hulihin na parang tanga, at siya ay nayayamot sa panghuhuli ng mga napakaaaamong isda; Si basilio ay nasa ilaim ng tubig; subalit hindi niya malaman kung bakit ang mukha ni Basilio ay ang sa kaniyang kapatid na si Tano.52 Samantalang minamatyagan sila ng kaniyang bagong amo mula sa pampang.

51

Ang bahaging ito ay puno ng laman na katunayan ay putol na may tutuldok. Na maaring masapantaha na puno ng pang-uuyam.52

Dito ay mauunawaan na sa paglikha ni Rizal ng mga tauhan sa nobela ay mayroong siyang ginawang pag-disconfigure sa mukha ng kaniyang tauhan.