El Filibusterismo:Deciphered-kab01

28
UNCORRECTED PROOF KABANATA 1 SA ITAAS NG KUBYERTA Sic itur ad astra. Isang umaga ng Disyembre , 1 ang bapor Tabo 2 ay nahihirapan na sumasalunga sa paliko-likong agos ng Pasig, 3 lulan nito ang malaking bilang ng mga pasahero MGA PALIWANAG Sa ganyan ka lalandas sa mga bituin , Sa ibang salin ay Lumalandas sa kawalang hanggan . Salitang ginamit ni Virgil na sa ibang pagpapakahulugan ay isang mabigat na gawain na patungo sa kadakilaan o katanyagan na walang kamatayan. Isang palaisipan kung bakit ni Rizal ang pariralang ito, ito kaya ay upang maging inspirasyon niya upang maging determinado na tapusin ang ikalawang nobela. 1 Sa anotasyon ng nagsasaliksik sa Noli Me Tangere ay binigyan nito ng pansin na ang naganap ang pagdiriwang sa (Kabanata 1) sa bahay ni Kapitan Tiyago sa huling araw ng Oktubre ay nilagyan ng taong 1882. Ibinibigay muli sa inyong pansin na nagsimula naman ang Kabanata 1 ng El Filibustersmo sa buwan ng Disyembre. Mahalaga na malaman ito, dahil sa magiging susi sa pagkaunawa sa isang hindi napapansin na kronolohikang nagawa ni Rizal para sa dalawang nobela na magkakaroon ng propetikal na kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas. Tingnan sa mga susunod na kabanata ng ating pag- aaral . 2 Ang malakaking sasakyang dagat ay tinatawag sa Pilipinas na barko at bapor. Ang barko ay pangkalahatang tawag sa malalaking sasakyang dagat na nakapaglululan ng maraming bilang ng pasahero at magagamit sa malayuang paglalakbay. Ang bapor ay isang uri ng barko na pinatatakbo ng makina na pinapaandaw ng singaw (vapor). Ang Bapor Tabo ay iwinangis ni Rizal sa mga bapor na pampasahero na naglalakbay ng Maynila at Laguna sa kaniyang kapanahunan. Ginamit ni Rizal ang Bapor Tabo upang gamiting isang simbolismo ng Lipunang Pilipino sa panahon ng pananakop ng Espanya. 3 Mga suliranin na tinatahak ng pamahalaan sa araw-araw. Kung makakabasa ka ng isang serye ng pahayagan sa buong

Transcript of El Filibusterismo:Deciphered-kab01

Page 1: El Filibusterismo:Deciphered-kab01

UNCORRECTED PROOF

KABANATA 1SA ITAAS NG KUBYERTA

Sic itur ad astra.

Isang umaga ng Disyembre,1 ang bapor Tabo2 ay nahihirapan na sumasalunga sa paliko-likong agos ng Pasig,3 lulan nito ang malaking bilang ng mga pasahero patungo sa lalawigan ng Laguna.4 Siya ay isang malaking bapor, halos bilog, na katulad ng tabo na pinagkuhanan ng kaniyang MGA PALIWANAG Sa ganyan ka lalandas sa mga bituin, Sa ibang salin ay Lumalandas sa kawalang hanggan. Salitang ginamit ni Virgil na sa ibang pagpapakahulugan ay isang mabigat na gawain na patungo sa kadakilaan o katanyagan na walang kamatayan. Isang palaisipan kung bakit ni Rizal ang pariralang ito, ito kaya ay upang maging inspirasyon niya upang maging determinado na tapusin ang ikalawang nobela. 1

Sa anotasyon ng nagsasaliksik sa Noli Me Tangere ay binigyan nito ng pansin na ang naganap ang pagdiriwang sa (Kabanata 1) sa bahay ni Kapitan Tiyago sa huling araw ng Oktubre ay nilagyan ng taong 1882. Ibinibigay muli sa inyong pansin na nagsimula naman ang Kabanata 1 ng El Filibustersmo sa buwan ng Disyembre. Mahalaga na malaman ito, dahil sa magiging susi sa pagkaunawa sa isang hindi napapansin na kronolohikang nagawa ni Rizal para sa dalawang nobela na magkakaroon ng propetikal na kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas. Tingnan sa mga susunod na kabanata ng ating pag-aaral.

2 Ang malakaking sasakyang dagat ay tinatawag sa Pilipinas na barko at bapor. Ang barko ay pangkalahatang tawag sa malalaking sasakyang dagat na nakapaglululan ng maraming bilang ng pasahero at magagamit sa malayuang paglalakbay. Ang bapor ay isang uri ng barko na pinatatakbo ng makina na pinapaandaw ng singaw (vapor). Ang Bapor Tabo ay iwinangis ni Rizal sa mga bapor na pampasahero na naglalakbay ng Maynila at Laguna sa kaniyang kapanahunan. Ginamit ni Rizal ang Bapor Tabo upang gamiting isang simbolismo ng Lipunang Pilipino sa panahon ng pananakop ng Espanya.

3 Mga suliranin na tinatahak ng pamahalaan sa araw-araw. Kung makakabasa ka ng isang serye ng pahayagan sa buong dekada na nasa sinupan ng iyong paaralan ay makikita mo ang dinadaanan ng ating bayan sa araw-araw sa loob ng dekada. Halos paulit-ulit lamang.

4 Pinabibigay alam sa mga nag-aaral ng nobelang na sa bahaging ito ay masisimulang mapansin ang pagkakadugtong ng El Filibusterismo sa Noli Me Tangere. Maala-ala sana, na halos nagtapos ang climax ng Noli sa pag-uusap nina Ibarra at Elias sa bangka na dumadaan sa Ilog Pasig at nagtapos sa paghahabulan sa Lawa ng Laguna. Sa pagkakataong ito ay binuksan ni Rizal ang El Filibusterismo sa lugar na malapit kung saan misteryosong nawala ang dalawang mahalagang tauhan ng Noli Me Tangere.

Page 2: El Filibusterismo:Deciphered-kab01

UNCORRECTED PROOF

pangalan, marumi sa kabila ng kaniyang pagnanais na maging malinis , 5 tila nagmamalaki sa kaniyang mabagal na pag-usad.6 Sa kabilang dako, siya ay kinagigiliwan sa lugar na iyon, maaring dahilan sa kaniyang Tagalog na pangalan, o dahilan sa tinataglay niya ang mga likas na ugali ukol sa bayan, na kumakatawan sa kaniyang tila pagtatagumpay laban sa progreso,7 isang bapor na hindi naman bapor ang kabuuan,8 isang organismo na walang pakiramdam,9 walang kaayusan, subalit hindi pag-aalinlanganan, at kung nais niyang mag-anyong progresibo ay nasisiyahan na lamang sa pagpahid ng bagong pintura.10

Masasabing ang bapor na ito ay tunay na Pilipino! Kung pagpapaumanhinan sa paggamit nito, siya ang bapor ng estado, na ginawa sa ilalim ng pagmamasid ng mga Reverendo at Illustrisimo!11

5 Ito ang trahedya ng isang pamahalaan – marumi sa kabila ng kaniyang pagnanais na maging malinis at upang magmukhang malinis ay kailangan lamang ang paimbabaw na remedyo..6 Nagmamalaki sa kaniyang mabagal na pag-usad. Kahit na naiiwan tayo sa karera ng progreso ay nagmamalaki pa rin ang Pilipinas na umuunlad o nakakahabol sa pagsulong ng mundo (kahit paano).

7 Isang bahagi nang pasaring ni Rizal para sa pangkat ng mga tao na gustong manatiling nasa hulihan ng progreso ang Pilipinas.8

Isang paglalarawan ni Rizal sa Pilipinas na halos isang bansa sa pang-estadong istrakturang – subalit hindi naman tunay na estado dahilan sa nasa ilalim ng kolonyalismo.

9 Ang Pilipinas ay isang organismong walang pakiramdam – hindi kumikibo at nagsasalita sa mga pang-aabuso at pagsasamantala na ginagawa sa kaniya.

10 Makikita rito na ang mga “pagbabago” sa Pilipinas ay higit na kosmetiko. Maaring mayroong mga ilang tagumpay na “programa o pakulo” ngunit hindi naman ito nagtatagal at lumalabas muli ang kalawang ng kahinaan na minsan nating tinakpan ng pansamantalang solusyon.11

Ipinakikita niya ang isang estado na pinagtutulungan na itaguyod ng kolonyal na gobyeno at mga kaparian ng kolonyal na simbahan. Mula sa paliwanag ni Ongoco, sa bapor na ito ng estado ang makina ang gobyerno at ang timon/rudder ay ang mga taong simbahan.

Page 3: El Filibusterismo:Deciphered-kab01

UNCORRECTED PROOF

Napapalibutan ng liwanag ng umaga, ang kaniyang maputing katawan (na nagbubuga ng maitim na usok),12 na nagpapagalaw sa alon ng ilog at nagpapasipol sa hangin, sa mga malagong kawayanan na bumabaluktot sa magkabilang pampang; may mga pabirong nagsasabing umuusok ang bapor ng pamahalaan13 Tumitigil sa bawat sandali ang kaniyang paos na pagpito 14 at nagbabanta na parang isang hari-harian na nag-uutos sa pamamagitan ng sigaw, kaya ang nasa loob ng ng bapor ay hindi marinig maging ang kaniyang isipan.15 Kaniyang pinagbabantaan ang lahat ng kaniyang makakasalubong; minsan ay parang nais niyang durugin ang mga salambaw na mga payat na kagamitan sa pangingsida, na parang yumuyukong mga kalansay sa nagdadaang higanteng pagong na nabuhay sa panahon hindi pa nagaganap ang pag-apaw ng tubig sa buong mundo; 16 kung minsan ay nagtutungo sa sa mga kawayanan o kaya ay sa mga karihan na nagagayakan ng mga gumamela at iba pang mga bulaklak, na katulad sa mga naliligong na ang mga paa ay nakalubog sa tubig, na ayaw pang lumublob. Kung minsan sa pagsunod sa daanan na itinuturo ng ilang mga nakatusok na kawayan, ang bapor ay umaandar na may kasiyahang loob17, maliban sa isang biglaang pagbagok na muntik ng ikabuwal ng mga

12

Mula sa malayo ay napapalibutan na nang makabagong panahon ang lipunang Pilipino, maputi ang kulay dahil nais ipakitang “bago”, subalit nagbubuga pa rin ng maitim na usok na simbolismo ng makalumang kaisipan at mga katiwalian na hindi maitago.

13 Umuusok ang bapor ng pamahalaan dahil ang paninigarilyo ay isa sa mga pangunahing bisyo ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan.

14 Hindi consistent ang gobyerno sa kaniyang mga utos o ipinangangalandakang mga programang panlipunan.

15 Ang malakas na panakot ng isang naghahari-hariang pamahalaan ay nagbibigay ng panganib sa mga mamamayan na magpahayag ng kanilang mga kaisipan. Ang nakakatakot na pamahalaan ay nagtatago ng tunay na tinig ng mga taong bayan.16

Larawan ng salambaw na gamit sa pangingisda ay mula sa guhit ni Fernando Amorsolo at mula sa url na: http://galeriestephanie.blogspot.com/

Page 4: El Filibusterismo:Deciphered-kab01

UNCORRECTED PROOF

pasahero, ito ay dahilan sa pagkakatama sa burak na hindi inaasahan ninuman na naroon18.

Kung ang pagkakatulad sa bapor ng estado ay hindi pa sapat, pansinin ang kaayusan ng mga pasahero. Sa ibaba ng kubyerta ay matutunghayan ang mga mga kayumangging mukha at mga itim na ulo, na mga uring Indio, Intsik, at Mestiso, nakaupong siksikan sa pagitan ng mga baol at kahon ng kalakal. Samantalang sa itaas ng kubryerta, sa ilalim ng tolda na nagsasanggalang sa kanila araw, ay nakaupo sa maginhawang silya ang iilang pasahero na nakasuot ng kagayakang Europeo, mga prayle, at mga kawani ng pamahalaan, na humihitit ng tabako, nakatanaw sa dinadaanan,19 na hindi alintana ang pagsisikap ng kapitan na maiwasan ang mga balakid sa ilog.

Ang kapitan ay isang taong may magiliw na kaanyuan, may labis na edad, isang matandang maglalayag, na noong kabataan ay namuno sa higit na maayos na bapor sa lalong malawak na karagatan, ngayong matanda na ay kailangang gumamit ng malaking pag-iisip, ingat, pagbabantay, upang makaiwas sa maliliit na panganib.20 Iyon mga balakid sa araw-araw; iyon ding mga mababaw na burak,21 ang dati ring laki ng bapor na sumasayad sa mga kapareho ding kurbada,22 na parang isang matabang babae sa siksikan ng mga tao, kaya sa 17 Maayos na nakapaglalakbay ang estado kung nakabase sa mga panuntunan.18 Mga biglaang kaganapan na hindi inaasahan ng estado tulad ng mga kalamidad o biglang kaguluhan.19

Nagawa ni Rizal sa pamamagitan ng pagtukoy ng kinaroroonan ng mga pasahero (sa ibabaw at ilalim ng kubyerta) ang istratipikasyon ng lipunan. Higit sa lahat ang pribilehiyo at komportableng kalagayan ng mga nasa itaas na halos napakalaking pagkakaiba sa siksikan at hirap na kalagayan ng mga nasa ibaba.

Pansinin na pinasimulan ni Rizal ang paglalarawan mula sa itaas na magpapakita ng kaniyang magiging trato sa paglalantad ng realidad panlipunan mula sa drama ng mga tauhan ng nobelang ito na nagmula sa mga naghaharing uri.

20 Ang matandang kapitan ng bapor Tabo ay ginamit bilang simbolismo ng mga nKapitan Heneral ng Espanya sa Pilipinas. Karamihan sa kanila ay matatanda na sa panahon ng kanilang panunungkulan bilang punong tagapagpaganap at sa ganito ay nawawala ang bisyon at tapang na harapin ang mga prayle upang maipaglaban ang kapakanan ng mga Pilipino.

21 Mababaw na burak – hayagang kabulukan na palaging naririyan sa lahat ng panahon na humahadlang sa mabilis na pagbibiyahe ng bapor ng estado.

Page 5: El Filibusterismo:Deciphered-kab01

UNCORRECTED PROOF

bawat sandali, ang mabait na kapitan ay tumitigil, umurong, pinababagal sa kalahati ang bilis, nagpalipat-lipat sa kaliwa at kanang panig ng bapor ang mga marinero na may hawak na tikin upang ituon sa lugar na itinuturo ng timon. Ang kapitan ay katulad ng isang kawal, pagkatapos na pamunuan ang mga kawal sa isang mapanganib na pakikidigma, sa pagtanda ay naging tagapag-alaga ng isang batang sumpungin, matigas ang ulo, at tamad. 23

Si Donya Victorina, ang nag-iisang babae na nakaupo sa kalipunan ng mga Europeo, ang makapagsasabi kung ang bapor Tabo ay tamad, masuwayin, at kapritsoso; Si Donya Victorina ay katulad ng marami na napaka-nerbiyosa, ay nagtutungayaw sa mga kasko, bangka, balsang niyong, mga Indiyo na namamangka, pati na sa mga naglalaba at naliligo na kinaiinisan niya dahilan sa pagkakatuwa at ingay! Tama naman siya, ang Tabo ay magiging maayos ang lakad kung wala kahit isa mang Indiyo sa bayan at sa mundo, hindi napupuna na ang mga tumitimon ay Indiyo, ang mga makinista ay Indiyo, at Indiyo ang siyamnapu’t siyam sa bawat isang daang pasahero, at maging siya ay Indiyo rin, kung kakaskasin ang kulapol sa kaniyang mukha at huhubarin ang kaniyang ipinagmamalaking gown . 24 Nang umagang iyon ay higit ang pagka-irita ni Donya Victorina, sapagkat hindi siya pinapansin ng mga kasama, na hindi naman kapos sa kadahilanan – magkakasama ba naman doon ang tatlong prayle na naniniwala na ang buong mundo ay titiwarik, sa araw na sila ay lalakad ng tuwid;25 ang walang kapagurang si Don Custodio, na payapang

22 Mapapansin na ang bapor ng estdado ay sumasayad sa mga burak at kurbada ng daanan – ipinapakita ni Rizal na ang kabuuan ng bapor o sistema ay hindi na katugma o angkop sa kaniyang tinatahak na daanan.23

Pansinin na ang pagkilos ng Kapitan ay nasa anyo na palaging contingent at hindi naka-programa.

24 Pansinin ang husay ni Rizal sa paggamit ng mga tauhan sa kaniyang nobela. Ang ginamit niyang magsasalita sa kahinaan ng mga Indio ay si Donya Victorina, ito ay upang maiiwas muna sa paggamit ng tauhan na mga kabilang sa matataas na pinuno ng pamahalaan at simbahan, lalait sa ating lahi.

25 Naiintindihan mo na ba kung bakit si Donya Victorina ang pinagsalita ni Rizal ng mga kontra Iindio. Ito ay dahilan sa pangungusap na ito naman ay pinasimulan na ni Rizal ang kaniyang kontra prayleng pahayag. Titiwarik ang mundo, kung lalakad ng tama sa pamumuhay ang mga prayle. Magsisimula rito si Rizal sa kaniyang maraming napakagagandang mga pananalita ng pang-iinsulto.

Page 6: El Filibusterismo:Deciphered-kab01

UNCORRECTED PROOF

natutulog, at nasisiyahan sa kaniyang binabalak na proyekto.26 Ang walang pagod na manunulat na si Ben-Zayb (anagram ng Ibañez) na naniniwalang kaya nag-iisip ang mga tao sa Maynila ay dahilan sa siya ay nag-iisip;27 isang canonigo na katulad ni Padre Irene, na nagdadagdag sa dangal ng kaparian, dahil sa maayos na pagkakaahit sa kaniyang mukha na kinalalagyan ng isang ilong-Hudio at dahil sa kaniyang sutlang sutana na lapat ang pagkakatabas at maraming bitones;28 at isang mayamang mag-aalahas na katulad ni Simoun, na pinaniniwalaan na tagapayo at nag-uudyok sa mga pagpapasiya ng Kapitan Heneral;29 Isipin ba namang magkatagpo ang mga haliging saligan ng bayan, magkasama-sama doon, at masayang nag-uusap, ay hindi mabibighani na masiyahan sa isang nagtakwil ng sariling pagka-Pilipina,30 na nagpakulay ng buhok, na sapat upang maubos ang pasensiya ng isang Joba – pangalang ibinigay sa sarili ni Donya Victorina, kailanman at may makakatagpo.31

26 Don Custodio na walang pagod ay natutulog na kasama ang kaniyang mga balak na proyekto. Larawan ng isang pamahalaan na pakitang tao lamang ang kasipagan (o naniniwala na siya ay masipag) na kasamang natutulog ang mga magagandang programa.

27 Si Ben-Zayb ay maaring isang manunulat ng sa isang pahayagan. Sa ganito ay kaniyang naiinpluwensiyahan ang kaisipan ng mga naninirahan sa Maynila. Naniniwala siya na ang kaniyang isinusulat ay mayroong malaking inpluwensiya sa opinyong pampubliko ng Maynila.

28 Ang katungkulang canonigo ni Padre Irene ayon sa glosaryo ay nakabase sa katauhan ng isang synodal examiner na itinago panitik na Don E. N.

Subalit malupit ang panunudyo ni Rizal kay Padre Irene – ang kaniyang naibibigay na dangal sa kaparian ay higit na pang-labas lamang at walang binanggit ukol sa talino at integridad na dapat taglayin ng isang paring nagtataglay ng ganoong posisyong pansimbahan.

29 Sa bungad na kabanata ay unti-unti nang ipinakilala ni Rizal ang inpluwensiyang pangpamahalaan ng pangunahing tauhan ng kaniyang nobelan na si Simoun.

30 Sa pamamagitan ng isang patawang paraan ay nailusot ni Rizal ang kaniyang isang pangungutya sa mga Pilipino na nagtatakwil ng kaniyang pagiging Pilipino. Ipinapakita ni Rizal sa mga Pilipina na nagkukunwaring mga dayuhan na hindi sila papansinin ng mga matataas na tao mula sa lahi na kaniyang ginagayahan. 31 Tinawag ni Donya Victorina ang kaniyang sarili na babaeng Job, na isa sa mga tauhan ng Biblia na dumaan sa matinding pagsubok sa buhay.

Page 7: El Filibusterismo:Deciphered-kab01

UNCORRECTED PROOF

Higit na naradagan ang pagkainis ng babae sa bawat sigaw ng kapitan ng:  baborp!  estriborp!  Sa mga mga marinero, na nagmamadaling isaksak sa mga gilid ang kanilang mga mahahabang tikin at pigil sa tulong ng mga hita at balikat upang mapigil na masadsad sa dakong iyon ang bapor. Kung makikita sa gayong kalagayan ang bapor ng pamahalaan ay masasabing nawawala sa pagkapagong at nagiging alimango sa bawat banta ng panganib.32

“Subalit kapitan, bakit hindi doon pinapupunta ng mga istupidong timunel?” ang pagalit na tanong ng babae.

“Sapagkat napakababaw po doon ali” ang malumanay na sagot ng Kapitan, at marahang ikinindat ang isang mata, na kaniyang nakaugalian na katulad ng kaniyang salita na lumalabas ng marahang lumalabas: marahang-marahan.           

“Kalahating tulin ng makina, aba, kalahating tulin!” ang tutol ni Donya Victorina, “bakit hindi buong tulin?”

“Sapagkat tayo ay babagtas sa mga palayang iyan, señora," ang walang tinag na sagot ng kapitan, inginuso ang kaniyang labi upang ipakita ang palayan at dalawang beses na kumindat.

Si Donya Victorina ay kilala sa buong bayan sa kaniyang kapritso at kinahuhumalingan. Palagiang dumadalo sa mga piging panlipunan, at pinagtitiyagaan doon, lalo na tuwing kasama ang kaniyang pamangking si Paulita Gomez, maganda at mayamang binibi na ulila sa ama at ina, na naiwan sa pangangalaga ni Donya Victorina. Sa pagtanda ng babaeng ito ay nagpakasal sa isang sawing palad, na ang pangalan ay Don Tiburcio de Espadaña, at sa mga sandaling ito ay may labinglimang taong nang kasal, ang buhok ay peluka at ang kalahati ng kasuotan ay gayak Europea. Sapagkat sa buong buhay niya ay hinahangad, magmula ng mag-asawa ay nag-anyong Europea, sa tulong ng kaniyang masagwang kaparaanan, ay marahang nagtagumpay na baguhin ang kaniyang sarili, sa kasalukuyang kaanyuan, kahit na magtulong sina Quatrefages at Virchow,33 ay hindi magagawa kung saang lahi siya ibibilang.

32 Nailarawan dito ni Rizal ang karikatura ng pamahalaan sa Pilipinas. Ang pagiging pagong sa larangan ng kaunlaran at ang pagiging tila alimango sa harap ng panganib – armado ng sipit, nababalutan ng malutong (hindi makapal) na baluti at mapagbanta, ngunit patagilid kung hindi man paurong ang paraan ng pagsugod.33

Page 8: El Filibusterismo:Deciphered-kab01

UNCORRECTED PROOF

Ang kaniyang asawa, na nagtiis ng maraming taon sa lahat ng kaniyang maibigan na katulad ng isang fakir,34 isang masamang araw ang lalaki ay dinalaw ng isang sumpong, at hinambalos siya ng tungkod. Ang nabiglang si Madam Joba sa pagbabagong ugali, ay hindi agad nakasunod sa kaganapan, at pagkatapos ng pagkabigla at makatakas ang kaniyang asasa, ay saka naramdaman ang sakit at naratay ng ilang araw, sa gitna ng napakalaking katuwaan ni Paulita, na nawiwili sa pagtatawa at pagbibiro sa kanyang ali. Subalit ang asawa, sindak sa nagawang pagkakamali, na para sa kaniya ay parang isang kakila-kilabot na pagpatay sa kabiyak ng puso, tumakas, at hinabol ng alitang mag-asawa (ang dalawang aso at isang loro sa bahay), ay tumakbong na buong bilis na ipinahihintulot ng kaniyang kapilayan, sumakay sa unang bangkang nakita sa ilog, at ang Ulises sa Pilipinas, ay nagsimulang maglagalag sa mga bayan-bayan, sa mga lalawigan, sa mga pulo na hinahabol at inuusig ng kaniyang Calypso, na nakasalamin, na nakakainis sa mga kasabay sa pagbibiyahe. Tumanggap ng balita na ang asawa ay nagtatago sa isang bayan sa Laguna, kaya papunta doon upang akitin ang asawa sa tulong ng kaniyang buhok na tininaan.

Ang kaniyang mga kapwa pasahero ay nagkaisang magsangalang sa pakikisalamuha sa kanya, sa pamamagitan ng walang hintong usapan ng anumang paksa.35 Sa pagkakataong iyon, dahilan sa liko-likong daanan ng ilog ay pinag-uusapan ang pagtutuwid sa kanal na iyon, at tungkol sa mga gawaing ukol sa daungan.

Si Ben-Zayb, ang manunulat na anyong prayle36 ay nakikipagtalo sa isang batang prayle na mukha namang artilyero.37 Kapwa nagsisigawan, ang kaanyuan ay ayon sa sinasabi, ibinubuka ang kanilang mga kamay, tumatadyak sa

Sina Quadrifages ay isang tanyag na etnologist na Prances at si Virchow pathologuist at ethnologist na Aleman. Pagsamahin pa man ang kanilang husay sa larangan ng ethnolohiya ay hindi nila kayang malaman kung saang tribo ng mundo ibibilang si Donya Victorina.

34 Isang lalaking asetiko sa relihiyong Islam na ang buhay ay nakagugol sa mga pagtitiis at na nabubuhay sa pamamagitan ng limos.

35 Asar ang mga kausap ni Donya Victorina at ito ay ipinakikita nila sa pamamagitan ng hindi nila pagpayag na makasingit sa kanilang usapan.

36 Sa paglalarawan ni Rizal kay Ben-Zayb na manunulat na ang anyong prayle, ang dadagilin niya ang mga prayle sa pamamagitan ng kaniyang kakatwang paglalarawan sa tauhang ito.

Page 9: El Filibusterismo:Deciphered-kab01

UNCORRECTED PROOF

sahig, nag-uusap ukol sa mga patitis at mga baklad, Ilog San Mateo, mga Kasko, mga Indiyo, at iba pang mga bagay, sa gitna ng kasiyahan ng kanilang mga tagapakinig, at ang hindi maitagong pagkainip ng isang matandang paring Pransiskano, na labis na napakapayat at natutuyo, at ng Dominicano na may maayos na tindig at kababakasan ang kaniyang labi ng isang pakutyang ngiti.38

Ang payat na Pransiskano na na nakakaunawa ng ngiti ng Dominicano, ay nagpasiyang makilahok sa usapan upang ito ay maputol. Hindi mapag-aalinlanganan na siya ay iginagalang, kaya sa isang galaw ng kamay ay kaniyang naputol ang usapan ng dalawa, nang ang paring mukhang artilyero ay bumabanggit ukol sa karanasan at ang manunulat na mukhang prayle ay tungkol naman sa agham.39

“Mga siyentipiko, Ben-Zayb, alam ba ninyo kung ano ang mga taong marurunong?” tanong ng Pransiskano, sa malalim na tinig, na halos hindi kumilos sa kaniyang kinauupuan at bahagya lamang na igalaw ang butuhan niyang kamay.

37 Prayleng anyong artilyero ay isang tagong panlilibak ni Rizal sa pamamagitan ng simbolismo. Isang taong hindi angkop sa kaniyang tungkulin dahilan sa hindi kaya ng isipan at emosyon. Balikan ang Kabanata 4 ng Noli Me Tangere ukol sa paglalarawan ni Rizal sa artilyero na nakagalit ni Don Rafael.

38 Katulad sa unang Kabanata ng Noli ay muli na namang pinagtagpo ni Rizal ang kinatawan ng orden Dominicano at Franciscano sa Unang Kabanata ng kaniyang ikalawang nobela. Si Padre Sybila ang Dominicano na presente sa dalawang Unang Kabanata at si Padre Salvi sa pagkakataong ito (sa Noli ay si Padre Damaso.

39 Mapapansin na ang dahilan ng pagtatalo ay karanasan at agham.

Page 10: El Filibusterismo:Deciphered-kab01

UNCORRECTED PROOF

“Nariyan sa probinsiya ang Puente del Capricho40 na ginawa ng isa naming kapatid, na hindi natapos, dahilan sa pinintasan ng mga marurunong na tao na mahina at mapanganib dahilan sa kanilang paniniwala sa kanilang mga sapantaha – ngunit sa kabila noon ay nariyan pa rin ang tulay na lumalaban sa lahat ng mga baha at lindol.

“Iyan nga, puñales, ang eksaktong sasabihin ko” ang wika ng paring mukhang artilyero, kasabay ng bagsak ng kaniyang kamao sa gabay ng kaniyang upuang kawayan, “iyan ang Puente del Capricho at ang mga marurunong; iyan nga ang babanggitin ko, Padre Salvi, puñales,”

Si Ben-Zayb ay nanatiling tahimik, bahagyang nakangiti, marahil sa paggalang o dahilan hindi niya alam ang isasagot, kahit na siya lamang ang tanging ulo na nag-iisip sa Pilipinas. Si Padre Irene ay sumang-ayon sa pamamagitan ng galaw ng ulo, habang pinapahid ang kaniyang mahabang ilong. Si Padre Salvi, ang payat at nanunyong pari, ay mukhang nasisiyahan sa pagpapakumbaba ng dalawa, sa gitna ng katahimikan.

“Subalit hindi ang kahulugan nito na kayo ay wala sa katwiran, katulad ni Padre Camorra (pangalan ng paring mukhang artilyero); ang problema ay nasa lawa…”

40 Ang tulay na ito ay ginawa sa Majayjay, Laguna sa ilalim ng pamamahala ng mga Pransiskanong si Padre Victoriano del Moral noong 1851. patuyang tinawag na Puente del Capricho dahilan sa hindi maayos na kayarian, at ipinahayag sa opisyal na ulat na ginawa ng mga inhenyerong Espanyol noong 1852 na hindi umaayon sa siyentipikong paraan ng konstruksiyon, ngunit sa kabila nito, sa paglipas ng panahon ay napatunayan na napakatibay at nagamit ng matagal. (Glosaryo)

Ang larawan ay mula sa url na:http://www.icomosphilippines.com/2006/04/bridge-over-not-so-troubled-waters.html

Page 11: El Filibusterismo:Deciphered-kab01

UNCORRECTED PROOF

“Talaga naman wala kahit isang mabuting lawa sa lupaing ito” ang putol ni Donya Victorina, na labis na namumuhi at muling humanda para salakayin ang kuta.41

Ang mga nasa bakod ay sindak na nagkatinginan, ngunit sa pamamagitan ng katalasan ng isang heneral, ang mag-aalahas na si Simoun ay sumagot. “Ang remedyo ay simple lamang” ang sabi niya sa isang kakaibang pamamaraan, na magkahalong wikang Ingles at Timog Amerika. “Hindi ko nga maunawaan kung bakit wala kahit isa man lamang nakaisip.”

Ang lahat ay napalingon, maging ang Dominicano, at nakinig sa kaniyang mabuti. Ang mag-aalahas ay matangkad, malitid, labis na kayumanggi, suot-Ingles at suot ang isang salakot na timsin. Natatangi ang kanyang mahabang buhok na puti na tiwali sa kaniyang madalang na balbas na itim, na pagkikilalanan ng kaniyang pagiging mestiso. Upang maiwasan ang silaw ng araw ay palagiang gumagamit ng salamin na may asul na kulay, na ganap na tumatakip sa kanyang mga mata at bahagi ng pisngi, na nagbibigay sa kanya ng ayos bulag o malabo ang mata. Nakatayo sa mga paang nakabikaka na parang naninimbang, ang mga kamay ay nakapasok sa bulsa ng kaniyang chaqueta (coat).

“Napakadali ng remedyo” ang kaniyang ulit, “at hindi hindi gagastos.”

Ang pakikinig ay higit na nag-ibayo. Sa bulungan ng mga mahahalagang tao sa Maynila na ang taong ito ay kumokontrol sa Kapitan Heneral, at nakikini-kinita nang lahat na ang remedyo ay maisasagawa. Maging si Don Custodio ay napalingon upang makinig.

“Humukay ng isang tuwid na kanal mula sa pinagmumulan hanggang sa bungad ng ilog, na magdadaan sa Maynila; sa madaling salita, gumawa ng isang bagong ilog lagusan at tabunan ang matandang ilog Pasig. Makakatipid ng lupa at iikli ang paglalakbay at mapipigilan ang pagkakaroon ng mababaw na dako.” 42

41 Nangangahulugan na ang mga matataas na tao na kasama ni Donya Victorina na ayaw siyang isingit sa usapan.

42 Dahilan sa malimit na si Rizal na naglalakabay pauwi sa kaniyang lalawigan sa pamamagitan ng mga bapor na nagbibiyahe sa Maynila patungo ng Laguna ay maaring sa mga paglalakbay na iyon ay kaniyang naisip ang proyektong ipinasasabi niya kay Simoun.

Napakalaking proyekto ang nasa isipan ni Simoun – ang katunayan nga kung ito ay nagkaroon ng katuparan sa tunay na buhay

Page 12: El Filibusterismo:Deciphered-kab01

UNCORRECTED PROOF

Ang proyektong ito ay nakapamangha sa mga tagapakinig, na nasanay sa mga paraang tapal-tapal.43

“Isang panuklang Yankee,” sabi ni Ben-Zayb, na nais na kalugdan siya ni Simoun. Ang mag-aalahas ay matagal na nanirahan sa Hilagang Amerika.44

            Kinonsidera ng lahat ang kalakihan ng panukala, sa

pamamagitan ng mga galawan ng ulo. Si Don Custodio, ang liberal na si Don Custodio, dahilan sa kaniyang malayang kalagayan at mataas na tungkulin, ay inaakalang nararapat niyang labanan ang isang panukala na hindi kanya nagmula, iyon ay isang panghihimasok.45 Umubo, hinaplos ang kaniyang balbas, at sa matigas na boses  ay parang nasa pormal na sesyon ng pamahalaang panlunsod ay nagsabing: “Paumanhinan ninyo ako Ginoong Simoun, kung hindi ninyo ako ka-opinyon, malaking salapi ang gugulin, at maaring sumira tayo ng mga bayan.”

ay maaring nagkaroon ng napakalaking kapakinabangan ngayon sa mga lalawigan ng Laguna, Rizal, at Metro Manila. Ang isa sa maaring maging kanal na labasan ng tubig ng Laguna de Bay tungo sa Manila Bay ay ang bayan ng Paranaque na may pinakamakitid na lupang pagitan sa dalawang katawang tubig.

43 Isang masakit na pasaring ni Rizal sa mga solusyon ng pamahalaan na panandalian lamang at walang pang-matagalang epekto sa kabuuan ng bansa.44

Panukalang Yankee – ang pagkakabanggit na ito ni Ben-Zayb ay dahilan sa mga panahong iyon ay aktibo ang Estados Unidos (na higit na kilala noon sa Pilipinas sa katawagang Norte Amerikano) sa konstruksiyon ng mga kanal. Si Rizal ay nakadaan sa Estados Unidos noong 1888 (sa panahon na pinasisimulan niya ang El Filibusterismo) para sa kaniyang ikalawang pagtigil sa Europa.

Ang pagkakagawa ng kanal sa unang yugto ayon sa wikipedia ay nagbuwis ng maraming buhay na tinataya na umaabot sa 22,000. Maaring dito binunot ni Rizal ang takot ni Don Custodio.http://en.wikipedia.org/wiki/Panama_Canal#Early_proposals

Pansinin na ang panukala ay mula sa Norte Amerikano at hindi sa mga bansang nasa Sur Amerikano na ang malaking bahagi ay dating mga kolonya ng Espanya. Hanapin ang magiging malupit na pagpuna ni Rizal sa mga republika ng Timugang Amerika sa mga susunod na bahagi ng nobelang ito.

45 Ipinakikilala ni Rizal sa katauhan ni Don Custodio ang karaniwang kaugalian ng mga pinuno ng pamahalaan na baliwalain ang mga mahuhusay na panukala dahilan sa ito ay hindi nagmula sa kaniya.

Page 13: El Filibusterismo:Deciphered-kab01

UNCORRECTED PROOF

“Kung ganoon ay sirain iyon!” ang mahinahong sagot ni Simoun.

“Papaano ang salaping ibabayad sa mga manggagawa?”           

“Huwag bayaran.  Pagawain ang mga bilanggo at presidiyaryo…”           

“Hindi iyon sasapat, Ginoong Simoun!”           

“Kung hindi sapat, ang lahat ng naninirahan sa mga bayan, ang matatanda, ang mga binata, ang mga bata ay pagawin at ang labinlimang araw na sapilitang paggawa ay palitan nang tatlo, apat o limang buwang paggawa para sa pamahalaan at may karagdagang obligasyon na ang bawa’t isa ay magdala ng kanyang pagkain at kagamitan.”46

            Ang nasisindak na si Don Custodio ay na lumingon upang

tanawin kung sa kalapit ay may isang Indiyo na nakaririnig sa kanila.  Salamat na lamang at ang nangaroroon ay pawang taga-bukid, at ang dalawang timunel ay waring walang pinapansin kundi ang mga liko ng ilog.47

            “Nguni’t Ginoong Simoun…”

            “Maniwala kayo, Don Custodio,” ang matigas na patuloy ni

Simoun, “sa ganyang lamang paraan nagagawa ang malaking proyekto, sa munting gugol. Sa ganyan nagawa ang mga piramide, ang lawang Moeris at ang Coliseo sa Roma.  Nanggagaling ang lahat sa mga lalawigan mula sa disyerto na dala-dala ang kanilang mga sibuyas na makakain; ang mga matatanda, mga binata at mga bata ay naghahakot ng bato, tinatapyas nila at pinapasan sa pamamagitan ng pamalo ng namumuno; at pagkatapos ay bumabalik sa kanilang mga tahanan ang natitirang buhay o nangamamatay sa buhanginan ng disyerto.  Makaraan iyon ay darating ang ibang lalawigan,

46 Makikita ang husay ni Rizal sa paggamit ng mga pahayag ng kaniyang mga tauhan – ang mga mapanupil na sinabi ni Simoun sa mga nakaraang hanay ay hinango ni Rizal mula sa katotohanang historikal ng Pilipinas sa mga unang dantaon ng kolonyalismo sa Pilipinas.

Nagawa ni Rizal na ipahayag ang kasaysayan ng pagka-alipin ng mga Pilipino sa ilan dantaon na ang gamit ay ang panukala ni Simoun. Napakatalas talaga ni Rizal.

47 Ang natakot ay si Don Custodio – isang kasangguni sa batas ng pamahalaang kolonyal ng Espanya sa Pilipinas.

Page 14: El Filibusterismo:Deciphered-kab01

UNCORRECTED PROOF

pagkatapos ay iba naman, sunud-sunod sa paggawa sa loob ng mga taon; ang gawain ay natatapos at ngayon ay hinahanggan natin, naglalakbay tayo, pumupunta tayo sa Ehipto o sa Roma, pinupuri natin ang mga Paraon, ang pamilyang Antonina… Maniwala kayo, Don Custodio; ang mga patay ay naiiwang patay at ang malakas lamang ang binibigyan ng katwiran ng mga kapanahunang susunod.” 48            

“Subalit ang mga ganyang paraan, Ginoong Simoun, ay maaring maging dahilan ng pagbabangon,” ang sabi ni Don Custodio na hindi mapalagay dahil sa masamang pinupuntahan ng usapan.49

            “Pagbabangon, ha, ha!  Naghimagsik ang mamamayang

Ehipsiyo minsan man?  Naghimagsik ba ang mga bilanggong Hudyo laban sa madasaling si Tito?  Akala ko pa naman ay nakakaalam kayo sa mga nakasaad sa kasaysayan!”50

           Malinaw na si Simoun ay mapagmalaki o walang pakundangan.  Ang sabihin kay Don Custodio na hindi nakakalam ng kasaysayan ay sapat na makagagalit kahit kanino!51  At gayon ang nangyari, nakalimot si Don Custodio at

48 Ito ang istilo ni Rizal – muli na naman niyang pinagsalita si Simoun para ipakita ang lupit at pagsasamantala na ginawa ng Espanya sa maraming taon sa pamamagitan ng sapilitang paggawa ng mga Pilipino sa pagawaing bayan ng kolonyal na pamahalaan sa Pilipinas.49

Ito ang istilo ni Rizal – Ang ginamit niyang tagapagtanggol at nagpakita ng pagmamalasakit ay ang opisyal ng kolonyal na pamahalaan.

Kung papansinin ang kalipunan ng mga sinulat ni Rizal, ang unang anti-kolonyal at anti-simbahan na sinulat ni Rizal ay ang Junto Al Pasig, na dito ay maaring hindi mapansin o seseryoshin ang filibustero at heretikal na nilalaman nito dahilan sa kaniyang pinagsalita ay ang tauhang diablo sa alegorya. Ang malaking bahagi ng pagsusuri na ginawa ng nagsasaliksik ay ang bigyan ng link ang huling tapos na nobelang naisulat ni Rizal (Fili) sa unang kumpletong drama na natapos ni Rizal (Junto Al Pasig).

50 Ang bahaging ito ang susi, upang ipaalam ni Rizal na ang mga sinasabi ni Simoun ay pabaligtad sa tunay na mensahe.

Mula sa kuwento ng aking ama at ina, na sa panahon ng pananakop ng mga Hapon ang usapan ng mga tao ukol sa mga pangyayari sa bansa ay pabaligtad sa tunay na nangyayari. Katulad ng kanilang kuwentuhan noong 1944 bago ang tinatawag na liberasyon na “Hindi na darating ang mga Amerikano” at ang sagot naman ng kausap ay “Oo nga, wala naman silang ginagawang paghahanda para salakayin ang mga Hapon sa Pilipinas.”

Page 15: El Filibusterismo:Deciphered-kab01

UNCORRECTED PROOF

sumagot: “Ang mahirap ay hindi Ehipsiyo o Hudyo ang inyong kakaharapin!”           

“At ang bayang ito ay hindi minsan lamang naghimagsik,” ang dugtong na may munting takot ng Dominicano, “noong panahong pinahila sila ng malalaking kahoy upang gawing mga bapor; kung hindi dahil sa mga pari…”52

“Malayo na ang mga panahong iyon,” ang sagot ni Simoun, na ang tawa ay higit na matindi sa karaniwan,53 “Ang mga pulong ito ay hindi na muling maghihimagsik, gaano man ang bigat ng buwis at gawain na ipataw sa kanila. Hindi ba pinupuri ninyo,” ang dugtong na hinarap ang payat na Pransiskano, “ang bahay at pagamutan sa Los Baños, kung saan naroroon ngayon ang Kapitan Heneral.”

           Itinango ni Padre Salvi ang ulo at tuminging may pagkakamangha sa tanong.54

51 Kung wala kang alam sa kasaysayan, hindi mo maiintindihan ang mga pasikot-sikot na pamamaraan ng pang-iinsulto ni Rizal sa Noli at Fili. Nagagalit ka ba? Kung hindi, kahit hindi nakikita sa oras na ito ay hinahangaan kita at umaasa ako na may mahalagang bagay na maidudulot ang iyong isipan para sa ating lipunan.Kung nagalit ka, nauunawaan kita at kung ako ay malapit lang sa iyo ng pisikal, buong awa akong magmamagandang loob na damputin ang iyong IQ sa sahig na kinatutuntungan ng iyong paa.

52 Tinutukoy dito na paghihimagsik ay ang mga naganap sa Pilipinas noong ika-17 siglo sa kasagsagan ng pagpapagawa ng mga Galyon ng Espanya sa sa iba’t ibang bahagi ng bansa partikular sa Cavite. Ang isa sa pinakamalubha rito ay ang ginawang pag-aalsa nina Sumuroy sa Samar. Isinisingit ni Padre Sybila ang kahalagahan ng mga prayle sa aktibidad na kontra-rebelyon ng mga Pilipino.

53 Sa isang usapan na ang tao ay mayroong pinakamatinding tawa kaysa sa proporsiyon ng bagay na pinagtatawanan ay mayroong higit na naiisip. Bakit Tumatawa ng matindi si Simoun?Kasi ba ba naman, labis na sineseryoso ng kaniyang mga kausap ang kaniyang sinasabi, samantalang patago iba ang kaniyang tunay na iniisip at ang katotohanan ay nililibak pa nga niya ang mga ito. 54

Nagtataka si Padre Salvi sa tanong ni Simoun dahilan sa pagkakabanggit ng paghihimagsik sa Pilipinas. Nagpapakita na si Simoun, sa kabila kabila ng pagiging “dayuhan” ay maraming alam ukol sa bayang ito.

Page 16: El Filibusterismo:Deciphered-kab01

UNCORRECTED PROOF

            “Hindi ba sinabi ninyo sa akin na ang dalawang bahay na iyon ay naitayo sa tulong ng pagpilit sa mga bayang gumawa doon, sa ilalim ng kapangyarihan ng isang lay brother?55  Marahil ang Puente del Capricho ay nayari sa gayon din paraan.  At kayo ang magsabi, naghimagsik baga ang mga bayang ito?”

            “Subalit ang katotohanan ay naghimagsik na noong araw,” ang sabi ng Dominicano, “at ab actu ad posse valet illatio (sa nangyari ay ay  maaaring mahulaan ang pagka-maaaring mangyari).

            “Wala, wala, wala niyon,” ang patuloy ni Simoun na nagsimulang bumaba sa escotilla upang pumanaog sa sa ibaba ng cubierta,56 “ang nasabi ay nasabi na.  At kayo, Padre Sibyla, ay huwag bumanggit ng mga wikang Latin at ng mga katunggakan.   Sa ano at naririto kayong mga prayle kung maaaring maghimagsik ang mga bayan?”57

            Si Simoun ay pumanaog sa munting hagdanan, na hindi pinansin ang mga tutol at sagot at inuulit-ulit ang salitang Vaya, vaya!            Namutla si Padre Sybila, siya na vice-rector ng unibersidad, ay noon lamang nasabihang may katunggakan; si Don Custodio ay nagkulay berde; sa alinmang pulong na kanyang dinaluhan ay hindi nakatagpo ng isang katunggaling kagaya niyon.  Ang gayon ay napakalabis.58

            “Isang mulatong Amerikano!” ang pabulalas na ungol.

55 Ang mababang presyo ng pagpapatayo sa pamamagitan ng maliit na pasahod at pamimilit ay katulad din ng ikinukuwento ni Padre Damaso sa Noli Me Tangere.

56 Pansinin ang simbolismo ng pagpanaog ni Simoun mula sa ibabaw tungo sa ilalim ng cubierta na kinaroroonan ng mga taong kabilang sa mababang uri.

57 Sa kapanahunan ng mga Kastila ay ipinagmamalaki ng mga prayle na sila ang humahadlang sa mga pagtatanggka ng mga taong bayan laban sa paghihimagsik sa pamahalaan – maging si Padre Salvi ay naging kasangkapan sa pagsugpo ng himagsikan (na siya rin ang may lihim na pakana sa Noli). 58 Bakit sinabihang tunggak ni Simoun si Padre Sybila na vice-rector ng UST?

Nagsalita ng isang katotohan si Padre Sybila sa wikang Latin, samantalang ang paniniwala ng prayle na sila ang susi upang huwag magtagumpay ang anumang paghihimagsik sa Pilipinas.

Page 17: El Filibusterismo:Deciphered-kab01

UNCORRECTED PROOF

            “Indiyo-Ingles!” ang mahinang sabi ni Ben Zayb.

            “Sinasabi ko sa inyong Amerikano, bakit ko nalalaman?” ang payamot nma sagot ni Don Custodio, “sinabi sa akin ng Kapitan Heneral; siya ay isang mag-aalahas na nakilala niya sa Havana59 at sa hinala ko ay nagbigay sa kanya ng katungkulan, sapagkat pinautang siya ng salapi. Upang mabayaran ay pinaparito at nang magawa ang gusto upang madagdagan ang kanyang kayamanan sa pagbebenta ng mga diamante, ano ang malay natin, baka imitasyon? 60   At napakawalang utang na loob, na matapos kunan ng salapi ang mga Indiyo ay ibig pang…!  Pf!”    At tinapos ang salita sa isang makahulugang galaw ng kamay.61

Walang nakapangahas na makisali sa gayong mga pag-alimura; si Don Custodio ay mangyayaring makipagsira sa Kapitan Heneral kung ibig niya, ngunit ni si Ben Zayb, ni si Padre Salvi, maging ang binastos na si Padre Sibyla ay walang katiwala sa paglilihim ng iba.62

            “Ang taong iyan, dahil Amerikano, ay nag-aakalang ang kakaharapin natin ay ang mga pulang kulay (mga Indiyan sa

59 Lumilitaw na si Simoun ay nagmula sa Cuba. Isa kayang pagbibiro ng pagkakataon na si Rizal bago maganap ang Himagsikang Pilipino noong 1896 ay magsasadya naman sa Cuba, bilang manggagamot sa hukbong Espanyol.

60 Nagkaroon ng inpluwensiya si Simoun sa Kapitan Heneral dahilan sa pinautang niya ang KH ng salapi na maaring magamit sa pagbili sa posisyon. Makikita sa salaysay na ito na ang mga masalapi ay nagkakaroon ng inpluwensiyang pampulitika sa pinuno ng bayan na tinulungan niya para malagay sa tungkulin. Sa kaso ni Simoun ay hindi lamang pulitika kundi higit sa lahat ay ang pangkabuhayan kapakanan ang kaniyang natamong kapalit sa Kapitan Heneral. Walang magagawa ang KH sa anumang maibigan ni Simoun dahil sa utang na loob.

Ano kaya ang kapalit nang pagsuporta na hihiningi ngayon ng mga malaking negosyo, sa kanilang sinusuportahang kandidato sa pagkapangulo?

61 Hindi na inilarawan ni Rizal ang mustra ng kamay ni Don Custodio, subalit si Rizal ay nagkaroon ng halos katulad na karanasan. Ito ay ng i-mustra ng mensahero ng palimbagan sa Berlin ang kamay nito na pagilit sa leeg, upang ipaalam kay Rizal ang maari niyang kahantungan dahil sa pagsulat ng Noli Me Tangere.62

Hindi dapat magtiwala ng lihim kaninuman. Ang lihim na naibahagi ay nagtatapos sa pagiging lihim nito. Alam ni Padre Sybila, na walang sikreto sa Pilipinas.

Page 18: El Filibusterismo:Deciphered-kab01

UNCORRECTED PROOF

Amerika).  Pag-usapan ang mga bagay na iyan sa loob ng isang bapor!  Ipag-utos, pilitin ang tao…!  Siya ang nagpanukala ng pagsalakay sa Carolinas, ng pagdigma sa Mindanaw na pupulubi ng kalait-lait sa atin. At siya ang humandog na mamagitna sa paggawa ng crucero , 63 nguni’t ang tanong ko naman:  ano ang alam ng isang mag-aalahas, gaano man kayaman at kabihasa, sa pagpapagawa ng mga daong?”

           Sinabing lahat ito ni Don Custodio na pinalalaki ang boses, sa kaniyang katabi na si Ben-Zayb, na kasabay ng kumpay, kibit ng balikat, pamaminsan-minsang nagtatanong sa tingin sa ibang kausap na iginagalaw naman ang ulo nang walang ibig turan. Ang kanonigong si Padre Irene ay napapangiting walang ibig sabihin, na tinatakpan ng kamay sa tulong ng paghaplos sa kanyang ilong.64

        “Sinasabi ko sa inyo, Ben-Zayb,” ang patuloy ni Don Custodio na tinatampal ang bisig ng manunulat, “ang lahat ng suliraning dito ay bunga ng hindi pagtatanong sa mga taong may malaong paninirahan dito.  Ang isang panukalang nakasulat sa maayos na salita, lalung-lalo na ang may malaking gugulin, ng isang guguling may mga halagang walang putal ay nakasisilaw

63 GRABE TALAGA ANG TALAS NI RIZALIpinapakita ni Rizal sa pamamagitan ng pangungusap ni Don

Custodio na mayroong kumikita ng salapi sa pakikidigma ng Espanya na ang gamit ay salapi ng mga Pilipino. ANG KATOTOHANAN, ANG PAIMBABAW NA INAALIMURA NI DON CUSTODIO SA NOBELA AY SI SIMOUN, SUBALIT ANG POOT NI RIZAL AY LUMALAGOS SA TUNAY NA KATAUHAN NG ARSOBISPO NG MAYNILA NA SI PEDRO PAYO.Sa Glosaryo ay makikita ang paliwanag:

Dahilan sa hidwaan ng Espanya sa Alemanya ukol sa pag-aangkin sa Carolinas, sa Maynila ay nagkaroon ng pan-iinlak ng salapi noong 1886na umabot ng daan-daang dolya para sa pagpapagawa ng isang barkong pandigma (crucero). Ang barkong pandigma ay ipinagawa sa isang arsenal sa Hong Kong (na sinasabing) kasosyo ng mga Dominicano prayle sa Pilipinas. Ang barko ay hindi pinayagan ng na makadaong dahilan sa kawalan ng katatagan. Ang Resulta; ang isang proyekto na ginugulan ng libo-libo ay ay itinapon sa dagat.

Makikita ang pag-alimura ni Rizal sa pamamagitan ng Don Cuistodio kay Simoun (na sa katunayan ay patungkol sa Dominicanong arsobispo Pedro Payo) ano ang alam ng isang mag-aalahas, gaano man kayaman at kabihasa, sa pagpapagawa ng mga daong

64 Ang dahilan ng lihim sa ngiti ni Padre Irene ay sapagkat nakikita na nila ang maari nilang maging kakampi laban kay Simoun, na nakikita nilang pangahas at walang pakundangan sa kaparian.

Pansinin na muling ginamit ni Rizal ang ilong sa paglalarawan ng kaniyang tauhan. Sa Noli ay ibinigay ni Rizal ang katangiang ito kay Seňor Laruja (Kabanata 1 at 9 ng Noli Me Tangere)

Page 19: El Filibusterismo:Deciphered-kab01

UNCORRECTED PROOF

at tinatanggap agad…!”Ikiniskis ni  Don Custodio ang kanyang mga daliring hinlalaki, hintuturo at hinlalato. 65   

            “Mayroon ngang ganyan,” ang akala ni Ben-Zayb na dapat niyang isagot, dahil sa pagiging mamamahayag ay dapat makaalam ng lahat.66

            “Tingnan ninyo, bago gawin ang Obras del Puerto ay nagharap ako ng isang panukala, bago, malinaw, mapapakinabangan, matipid at magagawa upang luminis ang wawa ng dagat na tabang, at hindi tinanggap dahil sa hindi nagbibigay nang ganito!”67 At inulit ang pagbilog ng mga daliri, kinibit ang balikat at ang lahat ay tiningnan na waring ang ibig sabihin ay:  ‘Nakakita na kayo ng ganyang kasawian?’

            “Maari bang malaman ang inyong panukala?” at… ‘aba!’ ang pamangha ng isa’t isa na naglapitan at tinalasan ang pakikinig.  Ang mga panukala ni Don Custodio ay pawang bantog, na kagaya ng mga lunas ng mga palpak na manggagamot.

65

Sa pamamagitan ni Don Custodio ay ipinakita ni Rizal ang kahinaan ng pamahalaang kolonyal – handang aprobahan ang malalaking pagawaing bayan na mayroong nakalaang malaking budget. Ang paglalarawan ni Don Custodio ng bilog sa pamamagitan ng mga daliri ay isang pagdagil ni Rizal na sa anumang mga malaking pagawaing bayan, ang mga opisyal ng kolonyal na pamahalaan ay nagkakaroon ng malaking kita.

Ginamit ni Rizal si Don Custodio na isang mataas na pinuno ng kolonyal na pamahalaan upang kumpirmahin kahit sa pamamagitan ng nobela ang malaking suhulan na nagaganap noon sa pamahalaang kolonyal ng Espanya sa Pilipinas.

66 Sa hanay ng pananalita para kay Ben-Zayb ay ginawang mistulang tanga ni Rizal ang peryodista. Dapat niyang kumpirmahin na may suhulan sa pamahalaan, subalit wala siyang isinusulat ukol doon… Sa patagong salita ay pinag-iisip tayo ni Rizal, kung talagang tanga si Ben-Zayb o hindi niya isinusulat dahilan sa may pera siyang natatanggap sa hindi pagsulat ukol sa bagay na iyon.

67 Hindi tinatanggap sa pamahalaan ang mga proyekto ng paglilinis ng wawa ng ilog Pasig dahilan sa hindi magkakaroon ng kikitahin ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.Pansinin ang sinabi ni Jagor ukol sa pagbabaw ng wawa ng ilog Pasig:

[Silting up of river mouth.] In every rain-monsoon, the Pasig river sweeps such a quantity of sediment against the breakwater that just its removal keeps, as it seems, the dredging machine stationed there entirely occupied.

Page 20: El Filibusterismo:Deciphered-kab01

UNCORRECTED PROOF

Muntik ng hindi sabihin ni Don Custodio ang bagay, sapagkat nagdamdam dahil sa hindi siya kinampihan noong dinudusta ni Simoun.  “Kapag walang panganib ay ibig ninyong ako ay magsalita, ha, at pag mayroon ay wala kayong imik,” ang nais niyang sabihin, ngunit ang gayon ay isang pagpapakawala ng isang mabuting pagkakataon at yayamang hindi na maisasagawa ang panukala ay makilala man lamang at hangaan.

Matapos ang dalawa o tatlong buga ng aso, umubo at lumura nang patagilid, ay tinanong si Ben-Zayb, na sabay ang tampal sa hita nito.

            “Nakakita na ba kayo ng pato?”            “Tila…nakahuli kami sa lawa,” ang pahangang sagot ni Ben-Zayb.           

“Hindi, hindi ko tinutukoy ang patong-bukid (wild duck); ang sinasabi ko ay ang mga maaamo na inaalagaan sa Pateros at sa Pasig.  At alam ninyo kung ano ang kanilang kinakain?”           

Si Ben-Zayb, ang tanging ulong nag-iisip, ay hindi nakaaalam niyon; hindi niya napanghihimasukan ang hanapbuhay na iyon.

            “Mga susong maliliit, tao kayo; mga susong maliliit!” ang sagot ni Padre Camorra, “hindi kailangang maging Indiyo upang makabatid ng bagay na iyan, sukat na ang magkaroon ng mata!”           

“Eksakto, mga susong maliliit!” ang ulit ni Don Custodio na iginagalaw ang hintuturo, “at alam ninyo kung saan kinukuha?”           

Hindi rin iyon alam ng ulong mapag-isip. 68

            “Kung kayo ay nanirahan na sa lupaing ito nang kagaya ng

haba ng aking paninirahan ay  mababatid ninyong nakukuha sa wawa at doon ay marami na kahalo ng buhangin.”

“At ano ang inyong panukala?”           

“Diyan nga ang tungo ko.  Ang aking iniisip ay pipilitin ko ang lahat ng bayang kalapit ng wawa na mag-alaga ng pato, at

68 Ginawang katatawanan ni Rizal si Ben-Zayb, sa una ay ipinakilala na tanging nag-iisip sa Pilipinas – mapapansin na sa maraming mga paksang napag-usapan ay lumilitaw na walang anumang nalalaman.

Page 21: El Filibusterismo:Deciphered-kab01

UNCORRECTED PROOF

makikita ninyo sila, sa kanilang saril, ay makakapagpalalim ng wawa sa panghuhuli ng suso…Ganyang-ganyan.”69

          Binuksan ni Don Custodio ang kanyang dalawang bisig at malugod na tinanaw-tanaw ang pagkakagulilat ng mga nakikinig sa kanya; walang isa mang nakaisip ng gayong kainam na panukala.           

“Papayagan ba ninyong makasulat ako ng isang artikulo tungkol sa bagay na iyan?” ang tanong ni Ben-Zayb, “napakakaunti ang nag-iisip sa lupang ito…”70

            “Nguni’t Don Custodio,” sabi ni Donya Victorina na

nagpakendeng-kendeng at kumiling-kiling.  “Kung ang lahat ay mag-aalaga ng pato ay dadami ang itlog na balot.  Hoy, nakakadiri!  Hayaan na lang magsara ang wawa!” 

69 Isang napakalaking insulto sa mga opisyal ng kolonyal na pamahalaan– Ipinakita ni Rizal sa pamamagitan ni si Don Custodio ang saliwang balangkas ng mga pinuno ng pamahalaan at ito ay ang pagkakaroon nila ng mataas na tungkulin at kababaan ng kaisipan.

70 Kulang na lang sabihin ni Rizal na sina Don Custodio at Ben-Zayb ay ang dalawang pinaka-tunggak sa Pilipinas. Isang mamamahayag na gagawa ng mga ulat ukol sa katawa-tawang panukala ni Don Custodio. Pero, mapansin na si Don Custodio ay alam na ang prinsipyo ng mabuting Public Relation.

Ang paghingi kaya ng pahintulot ni Ben-Zayb ng pahintulot kay Don Custodio ay isang anyo ng pag-aalok na isulat ang isang bagay kapalit ng halagang salapi?

Sa bandang huli ay hindi rin pinaligtas ni Rizal sa puna si Don Custodio sa dahilang ang sabi ni Ben-Zayb na pagkatapos na marinig ang kakatwang panukala ni Don Custodio ay “napakakaunti ang nag-iisip sa bayang ito.”

sa

Page 22: El Filibusterismo:Deciphered-kab01

UNCORRECTED PROOF