Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-8-Modyul... ·...

21
f Mga Karunungang Bayan Filipino 8

Transcript of Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-8-Modyul... ·...

Page 1: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-8-Modyul... · 2020. 10. 1. · Walang matimtimang birhen Ang taong masipag Sa santong namamalangin

f

Mga Karunungang Bayan

Filipino

8

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 2: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-8-Modyul... · 2020. 10. 1. · Walang matimtimang birhen Ang taong masipag Sa santong namamalangin

Unang Markahan-Modyul 1 Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi

maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o

tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng

produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga

iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa

modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o

ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas 2020 Department of Education – Region VII - Division of Cebu Province Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu Telefax: (032) 255-6405 E-mail Address: [email protected]

Pangkat na Bumubuo sa Modyul

Manunulat : Gina A. Semblante, Lea R. Flores

Tagasuri : Dr. Eugenia M. Solon

Tagaguhit : Gina A. Semblante, Lea R. Flores

Tagapag-ugnay : Dr. Necifora M. Rosales

Tagapamahala : Dr. Marilyn S. Andales, SDS, Cebu Province

Dr. Leah B. Apao, ASDS, Cebu Province

Dr. Cartesa M. Perico, ASDS, Cebu Province

Dr. Ester A. Futalan, ASDS, Cebu Province

Dr. Mary Ann P. Flores, Chief, CID

Mr. Isaiash T. Wagas, EPSVR, LRMDS

Mrs. Araceli A. Cabahug, ESPVR, Filipino

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 3: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-8-Modyul... · 2020. 10. 1. · Walang matimtimang birhen Ang taong masipag Sa santong namamalangin

Filipino 8

Mga Karunungang Bayan

Alam

at

bugto

ng

Kw

ento

ng b

ayan

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 4: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-8-Modyul... · 2020. 10. 1. · Walang matimtimang birhen Ang taong masipag Sa santong namamalangin

Paunang Mensahe

Para sa mga Guro o facilatator:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM)

Modyul para sa araling panitikan na tumatalakay sa kaugalian at kalagayang panlipunan

ng lugar na pinagmulan ng kuwentong batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador

mula sa pambuliko institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang

matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12

habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon

sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon

din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo

habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito

sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral

kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-

unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral

habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul

para sa Unang Markahan hinggil sa Panitikan sa Panahon ng Katutubong Pilipino. Ang

modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong

matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din

nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

ii

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 5: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-8-Modyul... · 2020. 10. 1. · Walang matimtimang birhen Ang taong masipag Sa santong namamalangin

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong

matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman

mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang

sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng

modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan

kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa

maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,

pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.

Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang

pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga

kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa

pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng

modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng

pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan

mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang

maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na

sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng

pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain

upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa

natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa

modyul.

Sanggunian

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

iii

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 6: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-8-Modyul... · 2020. 10. 1. · Walang matimtimang birhen Ang taong masipag Sa santong namamalangin

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat

ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga

pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob

sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa

pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin

lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag

mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng

tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga

kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka

nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang

pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.

Kaya mo ito!

iv

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 7: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-8-Modyul... · 2020. 10. 1. · Walang matimtimang birhen Ang taong masipag Sa santong namamalangin

Noon pa man ang tao ay mayroon ng panitikan na nagpapahayag ng

Kanilang damdamin tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay ,

sa pamahalaan, sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa. Ang

panitikan din ang nagiging daan upang mabatid ang kaugalian, tradisyon at

kultura. Mayroong iba’t ibang uri ang panitikan, isa na rito ay ang

Karunungang Bayan.

Ang Karunungang bayan ay isang sangay ng panitikan kung saan na giging daan ito

sa kaisipan na napapabilang sa bawat kultura ng isang tribo. Ito ay may kahalagahan sa

pagbasa ng panitikan. Nakatutulong ito sa pag-angkin ng kamalayan tradisyonal na

nagpapatibay ng pagpapahalagang kultural.

Ang Karunungang Bayan ay punong-puno ng mga magagandang - aral na siyang

nagsisilbing gabay sa ating mga ninuno sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay sa

kanilang panahon. https://www.youtube.com/watch?v=BF9VgvB2e4E&t=28s

Sa modyul na ito, tunghayan natin kung ano – anong kaisipan ang nakapaloob sa mga

karunungang – bayan noong unang panahon at ang mga kaugnayan nito sa mga pangyayari

sa tunay na buhay sa kasalukuyan.

Inaasahan sa modyul na ito ay inyong matamo ang mga sumusunod

na mga layunin:

• naibibigay ang kahulugan ng Karunungang Bayan at matutukoy ang mga uri nito

• nasusuri ang mga mahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang – bayan

• nailalapat ang mga natutunang mahalangang kaisipan ng mga karunungang – bayan

sa pang araw-araw na pamumuhay

ALAMIN

1

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 8: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-8-Modyul... · 2020. 10. 1. · Walang matimtimang birhen Ang taong masipag Sa santong namamalangin

• naisaisip/naisasapuso ang kahalagahan ng mga kaisipang napapaloob sa mga

karunungang – bayan sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanilang saloobin at ideya

tungkol sa mga ito.

Paunang Pagtataya

Subukin ko ang Kaalaman Mo!

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang bilang kung ang ipinapahayag ng mga pangungusap

ay wasto. Kopyahin sa inyong dyornal at doon ilagay ang inyong mga sagot.

1. May mayamang kaban na ng panitikan ang ating mga ninuno bago pa man dumating

ang unang bansang dayuhan.

2. Nasasalamin sa mga salawikain ang kagandahang-asal at pag-uugali ng mga

sinaunang Pilipino.

3. Mahusay tumula ang ating mga ninuno.

4. Ang bugtong at palaisipan ay ilan lamang sa libangan ng ating mga ninuno.

5. Bawat hanapbuhay o gawain ng sinaunang Pilipino ay may kaakibat na awitin.

6. May kanya-kanyang karunungang bayan ang bawat pangkat etniko ng Pilipinas.

7. Ang mga karunungang bayan ay nagpapatalas sa kaisipan ng ating mga ninuno.

8. Ang mga kwentong bayan, alamat at mga kasabihan ay mabuting hanguan ng mga

impormasyon hinggil sa matatandang-aral ng mga ninuno.

9. Ang mga karunungang bayan ay naglalarawan sa mga kultura ng mga Pilipino.

Aralin

1

Naiuugnay ang mahahalagang

kaisipang nakapaloob sa mga

karunungang-bayan sa mga

pangyayari sa tunay na buhay sa

kasalukuyan

SUBUKIN

2

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 9: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-8-Modyul... · 2020. 10. 1. · Walang matimtimang birhen Ang taong masipag Sa santong namamalangin

10. Ang mga kaisipang napapaloob sa mga karunungang bayan ng ating mga ninuno ay

nagiging gabay pa rin ng mga tao sa kasalukuyan.

Matutukoy mo kaya ito?

Panuto: Batay sa iyong dating kaalaman tukuyin kung anong Karunungang- bayan ang

nasa loob ng bawat kahon. Kung ito ba ay salawikain, idyoma/sawikain, palaisipan,

kwentong bayan, bugtong, alamat, kasabihan, o awiting bayan. Isulat ang kasagutan sa

sagutang papel.

6.

1.

2. 7.

3. 8.

4.

9.

5. 10.

Sagutin ang mga sumusunod na pamprosesong tanong. Isulat ang kasagutan sa sagutang

papel.

1. Anong kaisipan ang nakapaloob sa kahon bilang 8 at 3?

2. Alin sa mga karunungang bayan ang nagbibigay ng payo o paalala?

3. Lantad ba o di – lantad ang kaisipang napapaloob sa isang salawikain at kasabihan?

BALIKAN

Kung hindi ukol

Hindi bubukol

Magtanim ay di-biro

Maghapong nakayuko

Di naman makatayo

Di naman makaupo

May katawan, walang mukha

Walang mata’y lumuluha Ako ay nasa gitna ng dagat, nasa huli

ng daigdig at nasa unahan ng globo.

Ano ako?

Huwag kang magtiwala sa, di

mo kakilala

“Ang Pinagmulan ng Waling waling”

Ilaw ng tahanan

Haligi ng tahanan

Ang sakit ng kalingkingan

Damdam ng buong katawan

Isang kahig, Isang tuka

Ang Kalusugan, Ay kayamanan

3

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 10: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-8-Modyul... · 2020. 10. 1. · Walang matimtimang birhen Ang taong masipag Sa santong namamalangin

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na kaisipan na hatid ng bawat salawikain. Isulat ang buong salita ng iyong sagot at isulat sa dyornal.

1. Daig nang taong maagap 6. Walang matimtimang birhen

Ang taong masipag Sa santong namamalangin

2. Paano na ang damo 7. Kung ano ang itinanim

Kung patay na ang kabayo Ay Siyang aanihin

3. Ang pagsasabi ng matapa 8. Kung ano ang puno

Ay pagsasama ng maluwat Ay siya rin ang bunga

4. Magtiis munang mamaluktot 9. Ang umaayaw ay di nagwawagi

Habang makitid pa ang kumot Ang nagwawagi ay di umaayaw

5. Ang magalang na pagsagot 10. Magsama-sama’t malakas

Nakakapawi ng pagod Magwatak-watak at babagsak

TUKLASIN

A. Pagkakaisa D. May paninindigan G. Paggalang

B. Kaliksihan E. Katapatan H. Pagtitiyaga

C. Pagtulong F. Pagtitiis I. Paguugali

J. Kasipagan

4

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 11: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-8-Modyul... · 2020. 10. 1. · Walang matimtimang birhen Ang taong masipag Sa santong namamalangin

2. Palaisipan – ay isang suliranin o uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng

lumulutas nito. Kadalasang nililikha ang mga ito bilang isang uri ng libangan.

Mga halimbawa ng Palaisipan:

1. Kung ang gumagapang sa aso ay pulgas, sa damo ay ahas, sa ulo ng tao

ay kuto, ano naman ang gumagapang sa kabayo?

Sagot: Plantsa

SURIIN

Ano nga ba ang Karunungang Bayan?

Narito ang mga kahulugan ng mga Karunungang Bayan:

• Ang Karunungang Bayan ay tumutukoy sa isang klase o uri ng panitikang

idinadaan sa pamamagitan ng pagsagot o paghuhula

• Kailangan din ng Karunungang Bayan ang malalim na pag-iisip.

Ginagamit ito bilang idyomatiko na may malalim na kahulugan kay sa

literal na kahulugan nito.

• Karunungang Bayan ay ginagamit upang mapatalas ang mga kaisipan.

Ito’y hinahango sa mga karanasan ng mga matatanda, nagbibigay ng payo

tungkol sa mga kagandahang-asal at nagbibigay ng mga paalala

(https://www.youtube.com/watch?v=BF9VgvB2e4E&t=28s)

Pag- aralan natin ang iba’t-ibang halimbawa ng Karunungang Bayan:

1. Bugtong – ay uri ng palaisipan na nasa anyong patula na binubuo ng 1 o 2

taludtod na maiikli at may sukat at tugma. Ito ay isang uri ng laro na may

kaugnayan sa pagpapahula sa isang bagay na inilalarawan.

Halimbawa ng bugtong:

Isang bayabas Munting tampipi

Pito ang butas Puno ng salapi

Sagot: mukha Sagot: Sili

Dalawang batong itim Hiyas akong mabilog

Malayo ang nararating Sa daliri isinusuot

Sagot: Mata Sagot: Singsing

5

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 12: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-8-Modyul... · 2020. 10. 1. · Walang matimtimang birhen Ang taong masipag Sa santong namamalangin

2. Anong mayroon sa aso na miron din sa pusa na wala sa ibon ngunit

meron sa manok na dalawa sa buwaya ay kabayo at tatlo sa palaka?

Sagot: titik A

3. Si Reina ay anak ng doctor, paanong hindi ama ni Reina ang doctor?

Sagot: ina nya ang doctor

3. Salawikain – ay isang maikli ngunit makabuluhang pahayag na may matulaing

katangian. Ito rin ay isang matalinghagang pahayag na ginagamit ng matatanda

noong unang panahon. Naglalaman ito ng mga aral karunungan o katotohanan.

Naglalayon itong mangaral, magpayo, at ituwid ang mga kabataan sa tamang landas

at kabutihang-asal.

Mga halimbawa ng Salawikain:

1. Kung ano ang puno, siya ang bunga

Paliwanag: Kung ano ang pinanggalingan ay siya rin ang bunga. Kadalasan, ito ay

tumutukoy sa pagkakaparehas ng anak sa kanyang mga magulang.

2. Kung walang tiyaga, walang nilaga

Paliwanag: Walang pag-unlad kung hindi ka marunong mag tiyaga o magtrabaho ng

maigi.

4. Idyoma/sawikain - ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi

komposisyunal. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan

at kaugalian ng isang lugar.

Mga Halimbawa ng Idyoma/Sawikain:

1.butas ang bulsa - walang pera

2.ilaw ng tahanan – ina

3.alog na ang baba - matanda na

4.kapilas ng buhay – asawa/bana

5.bahag ang buntot – duwag

6

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 13: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-8-Modyul... · 2020. 10. 1. · Walang matimtimang birhen Ang taong masipag Sa santong namamalangin

5. Kasabihan/Kawikaan (sayings) - ay mga matatalinong mga salita, payo, at

saloobin.

Karaniwang nanggagaling sa mga matatalino at makaranasang mga tao, sa mga

matatalinong akda at kasulatan tulad ng libro at Biblia.

Mga halimbawa ng Kasabihan:

1. Ang kayamanang galing sa kasamaan, dulot ay kapahamakan.

2. Ang taong nagigipit sa patalim man ay kumakapit.

3. Ang anak na magalang, ay kayamanan ng magulang.

4. Walang tunay na kalayaan, kung nabubuhay sa kahirapan.

5. May tainga ang lupa may pakpak ang balita

Gawain 1.1: Tinalakay sa unahan ang kahulugan ng karunungang- bayan. Isulat sa loob

ng kahon ang kahulugan nito. Magbigay ng halimbawa sa bawat uri. Isulat ang mga ito

sa maliit na kahon na nakapalibot. Gawin ito sa inyong dyornal notebook.

PAGYAMANIN

Karunungang Bayan

7

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 14: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-8-Modyul... · 2020. 10. 1. · Walang matimtimang birhen Ang taong masipag Sa santong namamalangin

Gawain 1.2: Isulat sa mga talulot ng bulaklak ang mga mahahalagang kaisipan na

napapaloob sa mga karunungang- bayan ayon sa kanilang kahulugan. Gawin ito sa iyong

dyornal.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa isang

buong papel (intermediate pad):

1. Ano ang pagkakatulad ng bugtong at palaisipan? Nilalaro pa ba ito sa kasalukuyan? Bakit?

2. Saan ito nababasa o matatagpuan ang mga bugtong at palaisipan?

ISAISIP

8

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 15: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-8-Modyul... · 2020. 10. 1. · Walang matimtimang birhen Ang taong masipag Sa santong namamalangin

3. Malaki ba ang naitutulong ng bugtong at palaisipan sa mga tao sa tunay na buhay sa kasalukuyan? Sa paanong paraan?

4. Aling palaisipan ang mas nagugustohan ng mga tao, ang sinaunang panahon o

panahong kasalukuyan? Bakit?

5. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang iyong naging damdamin habang kayo ay naglalaro

ng bugtongan at palaisipan?

6. Ano ang kaibahan ng salawikain sa kasabihan?

7. Sinasabi o naririnig nyo pa ba ang mga kasabihan sa inyong pamamahay sa kasalukuyan?

8. Nakakatulong ba ang mga mahalagang kaisipan ng mga salawikain at kasabihan sa

inyong araw-araw na pamumuhay? Paano?

9

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 16: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-8-Modyul... · 2020. 10. 1. · Walang matimtimang birhen Ang taong masipag Sa santong namamalangin

Gawain 1.1: Ang mga salawikain at kasabihan ay katulad din sa mga tinatawag nating

“Hugot Lines” at “Pick-up Lines” sa kasalukuyan. Gumawa ng tatlong “Pick-up Lines” at

“Hugot Lines”. Isulat o ilagay sa inyong dyornal ang inyong nagawang “Pick-up Lines” at

Hugot Lines”.

“Hugot Lines” “Pick-up Lines”

Gawain 1.2: Sa inyong dyornal, gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na sawikain

at ibigay ang kahulugan nito.

Sawikain/Idyoma Kahulugan

1. Pantay na ang paa/sumakabilang buhay

Pangungusap:

2. Bukas ang Palad

Pangungusap:

_________________________________________________________________________

3. Amoy Pinipig

Pangungusap:

4. Nagsusunog ng kilay

Pangungusap:

ISAGAWA

10

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 17: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-8-Modyul... · 2020. 10. 1. · Walang matimtimang birhen Ang taong masipag Sa santong namamalangin

5. Kilos Pagong

Pangungusap:

Panuto: Sagutin ang tanong at isulat ang kasagutan sa loob ng lobo. Kopyahin ang lobo sa

inyong dyornal at doon isulat ang inyong mga sagot.

Ano ang mahalagang kaisipang hatid ng karunungang-bayan na dapat mong isaisip at

isapuso na maging gabay mo sa iyong buhay? Isulat ang sagot sa loob ng hugis. Gawin sa

inyong dyornal.

TAYAHIN

11

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 18: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-8-Modyul... · 2020. 10. 1. · Walang matimtimang birhen Ang taong masipag Sa santong namamalangin

Magtala ng mga ilang halimbawa ng karunungang- bayan at ang kahulugan ng

bawat isa. Lagyan ito ng mga kasagotan, paliwanag at mga larawan. Gawin ito sa inyong

dyornal notebook.

KARAGDAGANG- GAWAIN

12

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 19: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-8-Modyul... · 2020. 10. 1. · Walang matimtimang birhen Ang taong masipag Sa santong namamalangin

Isaisip

1. Iba’t iba ang kasagutan

2. pahayagan, aklat,

komiks, cellphone,

internet 3-8. Iba’t iba ang

kasagutan

Isagawa

Iba’t iba

ang

kasagutan

Tayahin

Iba’t iba ang

kasagutan

Karagdagang

Gawain

Iba’t iba ang

kasagutan

SUSI SA PAGWAWASTO

13

2

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 20: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-8-Modyul... · 2020. 10. 1. · Walang matimtimang birhen Ang taong masipag Sa santong namamalangin

Sanggunian

Aklat

Gonzalez, Esperanza A. et.al. Batayang Aklat Filipino II. A. Ma. Regidor Street, Area

XI. Adriana Printing Co., Inc.1990

Enrijo, Willita A. et.al. Panitikang Pilipino 8, Modyul para sa mga Mag – aaral. 21-E.

Boni Serrano Ave., Q.C. Book Media Press, Inc., Unang Edisyon, 2013

CNU Handbook.

Rebamonte, Geraldine C. M.A.Ed, et.al. Panulaang Filipino.

Internet

Google Internet Information about the lessons

Google Internet Pictures/Icons

https://brainly.ph/question/124875

https://tl.wikipedia.org/wiki/Idyoma

https://philnews.ph/2018/12/19/halimbawa-ng-salawikain-15-halimbawa-

https://philnews.ph/2018/12/14/sawikain-30-halimbawa-sawikain-kahulugan/

YouTube Video

https://www.youtube.com/watch?v=BF9VgvB2e4E&t=28s

14

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 21: Department of Education-Cebu Provincebnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Fil-8-Modyul... · 2020. 10. 1. · Walang matimtimang birhen Ang taong masipag Sa santong namamalangin

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education: DepEd-Cebu Province Office Address: Sudlon, Cebu City, 6000 Cebu Telefax: (032) 255-6405 Email Address: [email protected]

User
Version 2.0
User
DMWMark