Banat january

12
Advertisement, Extra-Judicial Publication, etc. call or text 09473120452 or email @ [email protected] / [email protected]. NELSON BOLOS 2 TAON NG WANTED PERO PAGALA-GALA BAGONG CENTRAL LUZON MEDIA OFFICERS NANUMPA SA TUNGKULIN BAGONG CENTRAL LUZON MEDIA OFFICERS NANUMPA SA TUNGKULIN January 10-16, 2014 Volume XIV, No.51 CENTRAL LUZON DR. NOOL NO SHOW SA CITY PROSECUTOR’S OFFICE SUMIBAT RAW PA U.S. ? sa kasong sexual harrassment, act s of lasciviousness at abuse of authority... P.4 DR. BERT NOOL Basahin sa p.5 NELSON BOLOS WANTED FOR CRIMINAL CASE # 231-2011 - MTC Br. II TARLAC CITY

description

tarlac local news

Transcript of Banat january

Page 1: Banat january

Advertisement, Extra-Judicial Publication, etc. call or text 09473120452 or email @ [email protected] / [email protected].

NELSON BOLOS 2 TAON NGWANTED PERO PAGALA-GALA

BAGONG CENTRAL LUZON MEDIAOFFICERS NANUMPA SA TUNGKULINBAGONG CENTRAL LUZON MEDIAOFFICERS NANUMPA SA TUNGKULIN

January 10-16, 2014 Volume XIV, No.51

CENTRAL LUZONDR. NOOL NO SHOW SACITY PROSECUTOR’S

OFFICE SUMIBAT RAW PAU.S. ?

sa kasong sexual harrassment,acts of lasciviousness atabuse of authority... P.4 DR. BERT NOOL

Basahinsap.5

NELSON BOLOS

WANTED FORCRIMINAL CASE

# 231-2011 - MTC Br. IITARLAC CITY

Page 2: Banat january

2 CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG JANUARY 10-16, 2014

Jess P. MalvarPublisher / Editor

Malou P. MalvarMarketing Manager

BANAT Newsmag is a Community NewsMagazine, Published in Taglish,circulated in Central Luzon with Editorial Business Office @ Tarlac City.

For Subscription, Advertisement, Extra-Judicial Publication, etc.call or text 09473120452 or email @ [email protected] /

[email protected] http://clbanat.webs.com

EDITORYAL

CENTRAL LUZON

Ronjie DaquiganRuby Bautista

Celo CandelariaAd Consultants

OFF THE AIR ni Jess Malvar

Mark Jessel P. MalvarLayout Artist

Tatlong taon akong hindi nakadalo sa taunang kombensiyon ngCentral Luzon Media Association. Medyo namahinga muna tayo,subalit nitong nakalipas na linggo ay dumalo kami ni Abel Pablo.

Ginanap ito sa Science City of Muñoz sa lalawigan ng NuevaEcija. Nagulat pa ako pagdating ko doon, dahil ang mga datingmasisigla na kasamahan naming Media sa CLMA ay tahimik na athalos ay wala ng kibo, dahil siguro nagkaka-edad na. Ang iba nga aynadale na ng stroke. Kaya biro ko nga sa isang kasama namin saZambales na si Rey Soriano, ang dating maingay sa mga meetingtumahimik, pangiti-ngiti na lang siya. Ang buhay nga naman!

Pero naroroon pa rin ang init ng aming samahan sa nag-iisangRegional Media organization sa buong bansa. Karamihan kasi ngMedia sa ibang lugar ay hindi nakabuo ng grupo dahil may kanya-kanya agenda.

Dumating ang ilang matatandang Media na siyang nagpasimulang CLMA, ang iba sa kanila ay namayapa na. Nasa ika-25 taon naang CLMA na dumaan din sa iba’t-ibang yugto ng mga pagsubokhanggang sa maabot ang kinalalagyan ngayon, na isang masiglangCLMA.

Buwan-buwan nagpupulong, sa iba’t-ibang probinsiya at mgalungsod sa gitnang Luzon.

Naging panauhin ang mga representative nina Governor Umali,Representative ni General Iberri ng 7th Infantry Division na isangGeneral, si General Castro, naroroon din ang opisyal ng PhilRice nasiyang host.

Nagkaroon ng halalan sa mga bagong opisyal at pamunuan ngCLMA, karamihan sa mga naroon na kasama sa hanap-buhay aymga bago. Kaya nanahimik na lang ako, nang biglang may nag-nominate sa akin. Udyok ni kasamang Bonnie Dacayanan at AidaDulay.

Kalaban ko sa posisyon ang isang tiga Aurora, subalit sapagtataka ko, umatras ito at ipinaubaya sa akin ang nasabingposisyon, siguro dahil na rin sa magulo ang mga nag-nominate saakin, kaya nagparaya na ito. Pero talagang malaki ang delegasyonng Tarlac.

Idagdag pa rito ang mga kasangga sa ibang mga probinsiya nadati naming kasamahan at buwan-buwan ay nagkikita sa iba’t-ibanglugar sa gitnang Luzon.

Sabi ko sa sarili ko, may asim pa pala ako sa aking mgakasamahan. Dahil almost 4 long years na di kami nagkita ay pinili parin nila akong maging isa sa opisyal ng Media sa Central Luzon.

Maraming salamat sa inyo.Kinabukasan, isang presscon ang ginanap habang nag-aalmusal

sa PhilRice. Naroon ng opisyal ng PhilRice at Philipine CarabaoInstitute.

Mga isyung bigas at kalabaw ang isyu.Tapos tumuloy kami sa 7th Infantry Division dahil sa imbitasyon

ni General Iberri. Matagal ang biyahe mula Muñoz hanggang PalayanCity. Sa wakas nakarating kami bago mananghalian.

Registration muna, tapos yung mga mahihilig sa baril aypumutok sa isang Fun Shoot Competition na napagwagihan ng Tarlacang kapwa First at Second Prize. Naka-walong libo sila dahil angpremyo ay 5 at 3 Thousand. Masaya ang lahat ng media na naroon.

Sa tanghalian masarap na boodle fight. Maraming salamat 7thID sa inyong masarap na pagtanggap sa CLMA.

Mayroon na tayong sapat na batas ukol sa pang-aabusong sekswal sa lahat ng sektor ng lipunan. Subalithindi epektibo ang pagpapatupad nito lalo na sa mgaprobinsiya o kanayunan.

Nananatili pa rin ang impluwensiya ng salapi at antassa lipunan ng mga gumawa ng pang-aabuso. Kung angbiktima ng sekswal na pang-aabuso ay isang mahina atmababa ang libel salipunan mananatili na lamang na tikomang kanyang bibig at patuloy siyang sinasamantala ngsuspek.

Karaniwan na biktima ng sekswal na pang-aabuso aymga kabataan at kababaihan na walang kalaban-laban,lalo na yaong mga mahihirap.

Ang mga otoridad naman na siyang dapat umalalaysa mga biktima tulad ng DSWD at PNP Women andChildren’s Desk ay tila matamlay sa pagtulong sa mgabiktimang inilalapit sa kanilang tanggapan.

Dapat muling magkaroon ng re-oryentasyon ang mgatao sa mga tanggapang ito. Muling sumailalim sa seminarworkshops at ilagay ang tamang tao na may malasakit samga kabataan at mga kababaihan.

Sa ngayon nananatiling tamad o basta na lamangmaka-raos sa kanilang walong oras na pag-upo sa kanilangtanggapan ang DSWD at Kapulisan.

Dapat na ilagay sa mga tanggapang ito ay ang maybisyon at layuning ipatupad at ipairal ang batas kontra sapang-aabuso sa mga kabataan at kababaihan.

Sa mga pulis at DSWD na siyang nakatoka sa gawainkontra sa karahasan sa kabataan at kababaihan mag-trabaho naman kayo!

Isipin n’yo na lang kung anak o kamag-anak n’yo angnaging biktima. Ano kaya ang pakiramdam n’yo?

SEKSWAL NA PANG-AABUSO SA MGAPAARALAN, TANGGAPAN AT TAHANAN

DAPAT NA MAWAKASAN

MASAYANG 25thANNIVERSARY NG CLMA

Page 3: Banat january

CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG JANUARY 10-16, 2014 3

Muñoz Nueva Ecija – Nanumpa na sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng Central Luzon Media Association (CLMA)nito lamang Enero 10, 2013 na ginanap sa Philippine Rice and Research Institute (PhilRice) sa Muñoz, Nueva Ecija.

BAGONG CENTRAL LUZON MEDIAOFFICERS NANUMPA SA TUNGKULIN

Ang panunumpa sa tungkulin ay kasabay ng ika-32 taunangkombensiyon ng nag-iisang pang rehiyong grupo ng mgamamamahayag sa gitnang Luzon.

Nauna rito, nagkaroon ng halalan bandang hapon na sinundanna rin ng panunumpa ng mga bagong halal na opisyal para sa taong2014 sa bandang gabi.

Ang mga bagong opisyales ng CLMA ay pinamunuan ngPangulo nito mula sa Nueva Ecija na si Tony Vallejo; ExecutiveVice President si Ruel Tarayas ng Bataan; Vice President for Print siPaul Gozales ng Tarlac; VP Broadcast si Betty Bendicion ngOlongapo City; Auditor si Jess Malvar mula sa Tarlac City; SecretaryGeneral si Immediate Past President Ronald Leander ng Aurora;

Chief Marshalls sina Lito Ochotorena ng Pampanga at Noel Diaz ngTarlac City; Public Relation Officer si Nilo Baltran ng Aurora atBusiness Manager si Michael Balaguer ng Bulacan.

Ang kasalukuyang pangulo na si Vallejo ang siya ng pipili upangmagiging Secretary at Treasurer nito na tiga Nueva Ecija rin upangmaging madali ang proseso ng mga papeles dahil malapit sa lugar ngpangulo.

Bago maghiwa-hiwalay ang grupo ay itinakda na ang buwanangpulong ng CLMA sa buong isang taon. Ang unang pulong sa hulingbiyernes ng Pebrero ay gaganapin sa Tarlac City.

Nagsasagawa ng buwanang pulong at ugnayan ang CLMA naumiikot sa mga probisiya at siyudad sa gitnang Luzon.

Tarlac City (CIO) - Mayor Gelacio “Ace” R. Manalang was installed as Global Vice President for Sun Moon University of SouthKorea. Installation rites were conducted during the launching of the Korean Language Institute at Sangguniang PanlungsodSession Hall, during a welcome ceremony hosted by the City Government of Tarlac.

Mayor Ace Manalang installed as Global VicePrexy for South Korean based University

Professor Hwang Sun Jo released the appointment to MayorManalang as the Sun Moon University’s Global Vice President andwas blissfully received by the Mayor’s representative, Atty.Godofredo M. Sabado Jr., as he handed the welcome key of theCity to the visiting Korean University Officials.

Manalang, in his message read by Atty Godofredo M. Sabado,said that he was truly honored to receive such appointment withdeep appreciation to the Korean delegation especially to ProfessorHwang. “It is such an honor to have you here with us today, I amcertain that my appointment as Global Vice President of the SunMoon University, will be a very meaningful and fruitful undertaking.This likewise will be a symbol of an everlasting friendship betweenKorea and Tarlac City, Manalang said.

Prof. Hwang, in his response, made an acknowledgement toTarlac City’s contribution in extending strong friendship and goodwillbetween Koreans and Filipinos in its role in increasing the numberof Koreans becoming proficient in English. He also thanked theCity’s cooperation in developing exchange programs for bothFilipinos and Koreans.

After the launching ceremony conducted at the SangguniangPanlungsod Session Hall, Tarlac City officials and the Koreandelegation led the cutting of ribbon at the Tarlac City TourismBuilding to be officially recognized as the Korean Language Instituteofficial training venue for Tarlaquenos who would be interested tolearn Korean Language.

Dr. Maribel C. Dizon, President of the Tarlac City TourismCouncil and Senior Tourism Officer Wilfredo J. Toldanes were in-charge in the preparation of the affair and assisted the Korean

Delegates in the said occasion. International Affairs Director of theTarlac State University, Dr. Maria June S. Carlos and other membersof the academe and media personalities were also there to witnesssuch significant undertakings.

Sun Moon University is situated at the central part of SouthKorea in Tanjung Crystal Valley and Asan City and one of theUniversities engaging in International Exchange Programs -30-

Matapos ang tatlong taong pagtatago sa batas bumagsak na rinsa kamay ng mga otoridad ang isang pugante sa San Jose, Tarlac.

Ayon sa report ng pulisya kinilala ang suspek na si Noel Guererona nahaharap sa kasong frustrated homicide.

Ang arrest warrant ay inisyu ni Judge Jose S. Vallo ng RegionalTrial Court Branch 68 sa bayan ng Camiling, Tarlac.

Samantala nahuli naman ng Criminal Investigation and DetectionGroup ang anim pang wanted sa magkakahiwalay na operasyon.

Kinilala lamang ang mga ito na sina Alfred Bernardo ng SanRafael, sa kasong carnapping na may piyansang P180,000.00;Ferdinand San Andree at Liwayway Garcia, kapwa ng BarangayMaligaya, Tarlac City sa kasong direct assault; Ronald Tejada; EugeneCataina; at Lito Baisa na pawang residente ng Sta. Ignacia para sakasong child abuse na may piyansang P80 libong piso bawat isa.

MGA WANTED PERSONSBUMAGSAK NA SA KAMAY

NG BATAS

Page 4: Banat january

4 CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG JANUARY 10-16, 2014

Hindi sumipot sa preliminary investigation ng City Prosecutor’s Office ang dating Vice President ng Tarlac State University(TSU) akusado sa kasong sexual harassment, act of lasciviousness at abuse of authority ng dalawang kababaihan sa Tarlac City.

DR. NOOL NO SHOW SA CITY

Kinilala ang akusado na siDr. Bert N. Nool, Residente ngbarangay Magaspac, Gerona,Tarlac at talunang pulitiko dahilsa tatlong beses nitongsinubukang lumaban sa pulitikapero laging natatalo.

Ang unang preliminaryinvestigation ay itinakda noongEnero 6, 2014, subalit hindi itosumipot at ayon kay Prosec utorDayaon, humingi ito ng post-ponement dahil umano sakatwirang piyesta sa kanilangbarangay. Muling itinakda niDayaon ang unang pagdinig saEnero 27, 2014.

Nabatid sa source ngBanat na lumipad na ito patungong Estados Unidos at iniwan naang kanyang kaso.

Kinilala naman angdalawang nagsampa ng kaso sapiskalya na sina alyas Lorna atFe kapwa mga residente ngTarlac City.

Base sa isinampang kaso,ilang ulit umanong niyakap atpilit na hinahalikan ni Nool angmga biktima, na kanyang mgaempleyada sa tuwing nakakakitaito ng pagkakataon, kaya

ganoon na lamang ang takot ngdalawang babae sa tuwingnakikita ang mukha ni NOOL naparang laging nanggigigil kayasi alyas Fe ay napilitan nang mag-resign sa kanyang trabaho upangmaiwasan na umano angposibleng gulong mangyayari sapagitan ng boyfriend nito at niNOOL.

Ayon sa dalawa, sa tuwingpumapalag sila atnagsusumbong ay tinatakotumano ni NOOL na aalisin sakanilang trabaho.

Tiniis nila ng ilang arawna hindi nagsasalita dahil

nahihiya din silang magsumbongbaka kumalat ang pinag-gagawanito sa kanila.

Subalit dumating naumano sa sukdulan, at hindi nanila matiis, kaya’t nagsumbongna ang dalawang babae sakanilang Presidente.

Umaksiyon naman angmga Board of directors, atpinatawan ito ng reprimand atipinagbabawal na kay NOOLang body contact o paghawaksa mga staff at mga estudyantengbabae.

Subalit talagang matindiang pagka-uhaw nito sa sex atinulit na naman, hindi lamang samga empleyada kundi pati mgamenor de edad na mga mag-aaralay kinakatalo na rin nito atpinaghihipuan at hinalikan.Katunayan, Isa sanagreklamong menor de-edaday dumulog na sa DSWD.

Araw-araw din umanoitong nagdadala ng mga PORNOMAGAZINE at ipinapakita samga empleyadong babae kapagnagsu-solo sa kanyangtanggapan, na tila ba nag-aanyaya na gumawa ng

kalaswaan, bagay napinandidirihan ng mga complain-ant.

Isa pang magandangempleyada ni NOOL na itinagosa pangalan Aida ang biglanghinalikan at pinapakitaan ng mgaPORNO Magazine ang nagre-reklamo dahil hindi naman niyagusto ang ginawang iyon niNOOL.

Kapwa nagbigay ngpahayag ang mga biktima nito,ayon pa sa mga complainant,niyayakap umano sila athinahalikan, sinabi pa ng mga itona halos masuka-suka sila dahilsa itsura ng matanda na tilaasong ulol kapag sinusumpongng kanyang pagnanasa.

Dito na gumawa ngaksiyon ang pamunuan at angmajority ng BOARD of Direc-tors at tuluyan na siyangtinanggal bilang Administratorng Computer Technical Train-ing center na katatayo pa lamang.Dahil dito, naglakas na rin ngloob ang mga empleyada naginawan niya ng kahalayan namagsumite ng kanilang reklamo

NOOL

STOP SEXUALHARRASSMENT IN SCHOOL

FROM TARLAC COALITION AGAINST SEXUAL OFFENDERS

Sundan sa P. 9

PROSECUTOR’S OFFICESUMIBAT RAW PA U.S.?

sa kasong sexual harrassment, acts of lasciviousness at abuse of authority

Page 5: Banat january

CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG JANUARY 10-16, 2014 5

Tarlac City – Isang taon at walong buwan nang nagtatago sa batas ang isangreporter ng pahayagan at pangulo ng Bantay Lupa, matapos magpalabas ngisang Bench Warrant ang korte sa pamamagitan ni Judge Eleanor de Jesus,Presiding Judge ng Municipal Trial Court in Cities, Branch II.

NELSON BOLOS 2 TAON NG

Natalang Criminal Case No. 231-2011 and kaso ni Bolos na di niya sinipotkaya’t nagpalabas ng bench warrant si Judge De Jesus na may petsang Mayo 7,2012.

Mula sa petsang yaon ay naging wanted na si BOLOS sa batas. Subalit madalasitong nakikitang pagala-gala sa siyudad ng Tarlac at sa bayan ng Gerona lalo na saPolice Station dito.

Sa follow-up na isinagawa ng pulisya, pinuntahan umano ng warrant officerang address nito sa Blk. 4. Villa Sto. Niño Subdivision, Sta Cruz, Tarlac City subalitmatagal na umano itong hindi nakatira sa nasabing bahay dahil iniwan na nito angkanyang pamilya na ngayo’y may matinding problema. Ayon sa kuwento ng warrantofficer, dahil madalas umano ay ang mga anak lang ni Bolos ang nakakausap ng

PERO PAGALA-GALA

WWWWWANTEDANTEDANTEDANTEDANTEDFOR CRIMINAL CASE# 231-2011 - MTC Br. II

TARLAC CITY

NELSON BOLOS

mga pulis na nagsi-serve ng warrant, nakakaawa na umano angkalagayan ng kanyang mga anak.

Hindi na rin nagpapakita ang asawa nitong si BOLOS dahilwanted din sa isa pang kaso na ayaw nang banggitin ng mgapulis.

Inireport na rin umano sa Gerona Police Station ang kasoni Bolos at nag-iwan na rin doon ng photo copy ng kanyangwarrant. Ikinagulat pa ng mga kapulisan sa bayan ng Geronaang pagdating ng warrant ni Nelson dahil madalas umano itongnaroon sa kanilang tanggapan at kumukuha ng mga balita dahililalabas umano nito sa kanyang pahayagan subalit wala namangnapapalitaw na balita.

Nagsagawa na rin ng survey sa isang resort na hindi munabinanggit ng pulisya sa bayan ng Gerona na napag-alamangpinagkukutaan nitong si BOLOS.

Isa pa ring subdibisyon sa Tarlac City ang umano’ytinutuluyan ng suspek na ngayon ay minamatyagan na ng mgaotoridad.

Nagsimula ang pagtatago ni Bolos matapos iwasan angkasong isinampa ng mag-asawang residente ng Pangasinan nana-involved sa isang vehicular accident. Nakipag-ayos umanosi Bolos, at nangakong ito’y kanyang babayaran sa panahongitinakda ng korte, subalit hindi na ito sumipot sa araw ng pag-uusap bagkos ay nagtatago na ito kaya nagpalabas na ng

a photo copy of arrest order of bolos Sundan sa P. 9

WANTED SA BATAS

Page 6: Banat january

6 CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG JANUARY 10-16, 2014

Q: Ano ang sexual-harassment?A: Ang sexual harassment ay ang sapilitang paghingi, paghiling o pag-uutos at iba pa, ng sekswal

na pabor mula sa iba, ito man ay tanggapin/pagbigyan o hindi ng biktima, na nanggagaling sa employer,manager, supervisor, ahente ng employer, guro, instruktor, propesor, coach, tagapagsanay, o sinumangmay kapangyarihan, impluwensiya, o moral na awtoridad sa iba sa loob ng trabaho o lugar ng pag-aaralo pagsasanay.

Q: Saan at kailan may sexual-harassment sa ilalim ng R.A. 7877?A: Ang sexual harassment ay nagaganap lamang sa loob ng trabaho at lugar ng pag-aaral o

pagsasanay. Limitado ito sa may relasyong employer-empleyado, guro-estudyante o sa pagitan ngsinumang may moral na awtoridad at sa biktimang nasa pangangalaga niya sa loob ng nasabing mgakondisyon o kapaligiran.

Q: Sino ang maaaring lumabag sa anti-sexual harassment law? A: Sinumang direktang magsagawa ng mga ipinagbabawal na akto, babae man o lalaki ay maaaring

maparusahan sa ilalim ng batas. Gayundin, sinumang humikayat o tumulong sa iba na isagawa angmga nasabing akto ay maaari ring managot sa batas.

Q: Paano nagaganap ang sexual harassment sa lugar ng trabaho?A: (1) Ang sekswal na pabor ay ginagawang kondisyon sa pagtanggap sa trabaho ng isang aplikante

o pananatili ng isang empleyado sa kanyang trabaho, o di kaya’y sa pagkakaloob ng sahod o anumangbenepisyo at pribilehiyo, o kaya naman ay ang pagtanggi sa sekswal na pabor ang sanhi ng diskriminasyonsa trabaho at pagkabawas o tuluyang pagkawala ng mga oportunidad sa trabaho.

(2) Ang sexual harassment ay nagdudulot ng paglabag sa mga karapatan ng empleyado sa ilalim ngbatas sa paggawa

(3) Ang mga akto ng sexual harassment ay nagbubunga sa isang hindi komportableng sitwasyon sabiktima

Q: Paano nagaganap ang sexual harassment sa lugar ng pag-aaral o pagsasanay?A: (1) Laban sa biktima na nasa pangangalaga, kustodiya o superbisyon ng offender(2) Laban sa biktimang ang pag-aaral o pagsasanay ay ipinagkatiwala sa offender(3) Kung ang sekswal na pabor ay kondisyon upang bigyan ang biktima ng pasadong marka, parangal

o scholarship, allowance at anupamang benepisyo o konsiderasyon(4) Kung ang sekswal na pabor ay nagbubunga sa isang hindi komportableng sitwasyon sa biktima Q: Ano ang kinakailangang gawin ng employer o head of educational at training institution

ayon sa R.A. 7877?A: (1) Magtakda ng proseso upang imbestigahan ang mga kaso ng sexual harassment. (2) Bumuo ng CODI (Committee on Decorum and Investigation) na tatanggap ng mga reklamo

patungkol sa sexual harassment. Q: Maaari bang magsampa ng hiwalay ng kaso ang biktima maliban sa imbestigasyon ng CODI?A: Oo. Karapatan ng biktima na makahingi ng ibang legal na remedyo kung nais nya sa pamamagitan

ng hiwalay na kasong kriminal sa korte. Q: Ano ang parusa sa paglabag sa batas ng sexual-harassment o R.A. 7877?A: Ang anumang paglabag ay maaaring maparusahan ng pagkakulong ng hindi bababa sa isang (1)

buwan at hindi lalampas ng anim (6) na buwan o kaya’y multa na hindi bababa sa sampung libong(10,000) piso at di lalampas sa dalawampung-libong (20,000) piso, o di kaya’y parehong pagkakulong atmulta, sa diskresyon ng korte.

Mga karaniwang tanong ukol sa Sexual Harassment.Sexual Harassment (RA 7877)

MAG-ARAL, ALAMIN ANG KARAPATAN

Page 7: Banat january

CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG JANUARY 10-16, 2014 7Sundan sa p.11

ANONG PROTEKSYON ANG MAAARING HINGIN NGBABAENG NAKAKARANAS NG KARAHASAN?

Sa ilalim ng RA 9262 (2004), maaring humingi ng protection order upang itigil ang karahasang nararanasan ngbabae o kaniyang anak. Dagdag dito, marami pang maaring makuha sa pamamagitan ng protection order kasamaang sustento, pagpapalayo sa nananakit, at iba pa.

Saan makakakuha ng protection order?Maaring makakuha sa mga Korte gaya ng Regional Trial Court o Municipal Trial Court kung saan nakatira ang nais

humiling.Maari ring kumuha sa Barangay ng Barangay Protection Order o BPO. Ito ay may bisa sa loob lamang ng barangay at

hanggang 15 araw lamang. May dagdag pang impormasyon ukol sa BPO sa ibaba.Sino ang maaring humiling ng protection order?Marami ang maaring tulumong sa babaeng nakakaranas ng violence against women o VAW. Ang mga sumusunod ay

maaring humiling ng protection order:A. ang nakakaranas ng karahasan;B. mga magulang o tagapangalaga ng nakaranas ng karahasan;C. ninuno, inapo, o kamag-anak hanggang sa ikaapat na antas-sibil (sa dugo o sa kasal);D. mga opisyal o social worker ng DSWD o ng mga LGU;E. mga pulis, lalo na ang mga nakatalaga sa mga women’s at children’s desk;F. punong barangay o barangay kagawad;G. abugado, tagapayo, therapist o healthcare provider ng nakaranas ng karahasan; oH. dalawa o higit pang responsable at nagmamalasakit na mamamayan sa lungsod o munisipyo kung saan nangyari

ang karahasan, na mayroong personal na kaalaman ukol sa nangyaring krimen.Barangay Protection Order - Ano ito?Ayon sa RA No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act, ang barangay ay maaaring mag-isyu

ng barangay protection order o BPO. Ito ay may bisa sa loob ng 15 araw - ngunit hindi ipinagbabawal ang pag renew dito. May bisa lang ang BPO sa loob ng barangay kung saan ito inisyu.

Ang barangay protection order o BPO ay isang utos galing sa barangay na naglalayong pigilan ang patuloy na karahasano banta ng karahasan laban sa isang babae at/o sa kanyang anak. Libre ito at walang halaga o pera ang kailangan upangmakakuha ng BPO.

Sa pamamagitan ng isang BPO, mapagbabawalan ang taong nanakit o nagtangkang manakit na ipagpatuloy angkanyang karahasan. Pagbabawalan din siyang i-harass, inisin, tawagan sa telepono o kausapin sa anumang paraan –direkta man o hindi – ang babae o batang victim-survivor.

TANDAAN: Hindi maaaring hikayatin na makipagkasundo ang victim-survivor sa taong nanakit sa kanya. Ipinagbabawalng batas ang anumang pakikipagkasundo sa mga kaso ukol sa karahasan sa kababaihan at kabataan.

Dahil sa halagang ibinibigay ng batas sa BPO, maaaring ipagpaliban ang iba pang gawain ng barangay upang bigyang-priority ang isang aplikasyon para sa BPO.

Anong uri ng karahasan ang maaaring pigilan ng isang BPO?Gaya ng nasaad sa itaas, maaaring pigilan ng isang BPO ang anumang aktwal o bantang pisikal na karahasan.Dapat din nating tandaan na saklaw ng RA 9262 ang iba pang uri ng karahasan – sekswal, sikolohikal, at pang-

ekonomiya o pinansyal. Bagamat labas ang mga ito sa bisa ng BPO, may tungkulin ang mga opisyal ng barangay natumulong sa biktima ng anumang uri ng karahasan, pisikal man o hindi.

Saan maaaring makuha ang BPO?Ang aplikasyon para sa BPO ay dapat ihain sa barangay kung saan nakatira o matatagpuan ang aplikante. Kabilang

dito ang pansamantalang tinutuluyan ng aplikante, o ang lugar na kanyang pinuntahan upang umiwas sa karahasan.Ito ay dapat ihain sa punong barangay, o kung wala ang punong barangay, sa sinumang kagawad na matatagpuan.

Kung kagawad ang nag-isyu ng BPO, dapat siyang maglagay sa mismong order ng pasabi na wala ang punong barangay,kung kaya’t siya na ang nag-isyu nito.

Kailangan bang sabihan o dinggin ang respondent o taong gumawa ng karahasan bago mag-isyu ng BPO?Hindi. Ang BPO ay maaaring igawad ex parte, o base lamang sa reklamo ng aplikante.Ano ang tamang anyo at porma ng aplikasyon para sa BPO?Ang aplikasyon para sa BPO ay dapat:1. nakasulat;2. may lagda ng aplikante;3. nasa wikang nauunawaan ng aplikante;4. pinatunayan ng punong barangay o kagawad na may jurisdiction sa aplikasyon;Dapat isaad sa BPO ang mga sumusunod:1. ang huling alam na tirahan ng akusado o respondent;2. petsa at oras ng pag-isyu;

Page 8: Banat january

8 CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG JANUARY 10-16, 2014

Page 9: Banat january

CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG JANUARY 10-16, 2014 9

TARLAC CITY (CIO) – In memoriam of the 117th death anniversary of Dr. Jose Rizal and with this year’s national theme intribute to the National Hero, “Rizal: Inspirasyon Noon, Ngayon at Bukas”, President Benigno Aquino lead a wreath laying andflag raising ceremony at his hometown, Tarlac City with local city officials led by Mayor Gelacio Ace R. Manalang held at theTarlac City Plazuela.

President Aquino leads commemoration of Rizal’s117th year martyrdom in his hometown, Tarlac City

Aquino was given full military honors by the Armed Forcesof the Philippines as he arrived at the plaza and proceeded in theflag raising ceremony together with Mayor Manalang, TarlacGovernor Victor A. Yap, National Historical Commission of thePhilippines (NHCP) Chairperson Maria Serena Diokno, NHCPExecutive Director III Ludovico D. Badoy, AFP Chief of StaffGen. Emmanuel Bautista and Philippine National Police Chief AlanPurisima, marked by the firing of army cannons.

Aquino then offered a wreath to the monument of Rizal.The ceremony was attended by other key city officials such

as Councilors Emily Ladera-Facunla, Anne Belmonte, ChristopherDelos Reyes, Abel Basangan, Frank Dayao including Barangayofficials and health workers, Heads of the Departments of the citygovernment of Tarlac and members of other government agencies.

The members of National Media such as the People’s

Television Network (PTV4), Philippine Information Agency (PIA),Philippine Daily Inquirer and local media organizations coveredthe event which is supposed to be first done in the city by Aquinoas President.

Synchronized with other key locations in the country such asin Luneta Park in Manila, Calamba City, Laguna; and in DapitanCity, Zamboanga Del Norte, flag raising and wreath layingceremonies and other activities were also held in honor andremembrance of Rizal.

Jose Rizal who died on December 30, 1896 was executed ina firing squad at Bagumbayan which is now known as the LunetaPark. Rizal was considered a hero and martyr for his bravery andintellect through his ideals and works such as Noli Me Tangereand El Filibusterismo to suppress the cruelty and abuse of Spanishauthorities during their occupation of the Philippines.

sa piskalya upang matigil na umano ang kababuyan nitong si NOOLsa kanilang pagka-babae.

Pero bago pa magsampa ng kaso itong mga biktima aynagsumite na sila ng kanilang salaysay sa pamunuan ng kumpanyaupang mabigyan na agad ng aksiyon ang kanilang sinapit. Ang suspekay dating Vice President ng TSU na umano’y tinanggal o pinaalisdin sa di malamang kadahilanan. Tumakbo rin itong Board Membersa Second District noon, subalit natalo at dalawang beses natumakbong konsehal sa bayan ng Gerona subalit lagi itong natatalo.

Ayon sa ilang residente ng Gerona, at yaong ibang nag-com-ment ay mga kamag-anak pa nito, na hindi umano mananalo itong siNOOL sa kanilang bayan kahit na ano pa ang takbuhan nito dahil“kilala itong hindi maganda ang reputasyon, at umano’ymapagsamantala sa mga kahinaan ng mga kabataang babae,” ayonpa sa ilang source.

DR. NOOL NO SHOW...mula P.4

WARRANT ang nasabing KORTE upang panagutin sa batas itongsi Nelson Bolos dahil maka-ilang ulit nang nag-follow-up angdalawang matanda sa himpilan ng pulisya subalit hindi ito natugunankaya lumapit na sa Banat ang dalawang matanda.

Sampung libong pisong piyansa at daang libong bayarin ni Bolossa nagsampa ng kaso ang naghihintay sa kanya sa korte. Nanawaganpa ang mga otoridad na sumuko na si Bolos, at sino man angmakakita dito ay ipagbigay alam agad sa himpilan ng pulisya o kayasa MTC Branch II sa siyudad ng Tarlac. Inaasahan ang agarangaksiyon at paghuli kay NELSON BOLOS sa lalong madaling panahonng mga kapulisan.

Sa ngayon ay may mga nakaabang pang mga kaso kay NelsonBolos na posibleng isampa sa kanya sa mga susunod na araw.

NELSON BOLOS 2...mula P.5

Isang pang wanted sa kasong carnapping ang nahulog sa kamayng mga otoridad.

Kinilala ang suspek na natimbog ng Criminal Investigation andDetection Group (CIDG) na si Alfred Saavedra.

Ang suspek ay natimbog dahil sa isang civillian informer saBarangay Maligaya, Tarlac City.

Armado ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Lily C. deVera-Vallo ng Regional Trial Court Branch 64 para sa kasongcarnapping.

Nahuli ang suspek noong Enero 2, 2014 alas nueve ng umaga.Mahigit isang taon ding nagtago ang suspek na bumagsak na sakamay ng otoridad.

Nakadetine ang suspek sa CIDG detention cell sa CampMacabulos.

WANTED NA SUSPEK SACARNAPPING TIKLO

Naaresto ng mga otoridad ang dalawang babae sa isinagawangdrug buy-bust operation ng Provincial Special Operation Group(PSOG) sa Sitio Paninaan, Barangay Carangian, Tarlac City.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Mary Joy Bondoc,41 anyos ng Paradise Subdivision, Ligtasan, Tarlac City at CheloyPadilla, 29 anyos at residente ng Tayag St. Barangay Sto. Cristo,Tarlac City.

Sa isinagawang buybust operation ng pulisya nahuli si Bondochabang nagbebenta ng shabu sachet sa mga pain ng otoridad.

Nakumpiska sa mga otoridad ang 1.7 grams na pinaghihinalaangshabu, dalawang 500 peso bill na mark money.

2 babae natimbog sa drugbuy-bust operation

Nahaharap ang mga suspek sa kasong Violation of DangerousDrug Act of 2002.

Page 10: Banat january

10 CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG JANUARY 10-16, 2014

3. mga hinihiling na proteksyon.Sa paghanda ng aplikasyon, maaring tumulong ang

sinuman, kasama na ang mga opisyal ng barangay. Sakatunayan, tungkulin ng mga opisyal ng barangay na tulunganang aplikante sa pagbuo ng aplikasyon.

May iba pa bang magagawa ang mga opisyal ngbarangay ukol sa karahasan sa kababaihan at kabataan?

Marami pa. Ayon sa batas, tungkulin din ng mga opisyalng barangay ang mga sumusunod:

1. Magpatupad ng lahat ng uri ng protection orders;2. Agarang tumugon sa hiling na tulong ng mga

biktima ng karahasan;3. Kunin ang mga deadly weapon na makikitang taglay

ng akusado o respondent;4. Arestuhin ang pinaghihinalaang nananakit kahit pa

walang warrant of arrest kung mahuli niya itong ginagawaang karahasan, kung may personal siyang kaalaman ukolsa pananakit, o kung may panganib sa buhay ng biktima;

5. Samahan ang babae o bata sa pagkuha ng mgakagamitan mula sa kanyang tirahan; at

6. Tulungan ang iba pang opisyal ng barangay sapagtulong sa mga biktima ng karahasan.

Q: Paano mag-apply ng TPO (Temporary ProtectionOrder)?

A: Mag-file ng isang nakasulat, pirmado, at sinumpaangapplication para sa protection order. Maaari itong i-file bilanghiwalay na kaso o kalakip na remedyo sa kahit anong sibil okriminal na kaso kung saan isyu ang karahasan nainilalarawan sa ilalim ng batas na ito, halimbawa ay legalseparation.

Q: Kung ang nag-aapply ng protection order ay hindiang biktima, ano ang kinakailangan?

A: Affidavit ng aplikante na nagpapatotoo sa 1. Salaysay ng karahasan na pinagdaanan ng

biktimaPatotoo ng pagsang-ayon o di pagsang-ayon ng biktima

sa pag-a—apply para sa protection orderQ: Saan maaaring mag-file ng petisyon para sa TPO/

PPO?A: Ang Petition para sa TPO/PPO ay kasong sibil na

maaaring isampa sa itinakdang Family Court o Regional TrialCourt sa lugar kung saan nakatira ang biktima o di kaya’ypansamantalang namamalagi. Kung walang RTC ay maaririn itong ilagak sa MeTC, MTC, MCTC o MTCC na may sakopsa tirahan ng biktima. Maaari itong gawin kahit walangabogado at maaari ring gawin ng libre kung walangkakayahang magbayad ang nagsasampa ng kaso.

Maaari itong ibigay ng korte sa araw ng pag-file ng

ANONG PROTEKSIYON ANG.... mula p.7

Sundan sa p.11

Page 11: Banat january

CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG JANUARY 10-16, 2014 11

ANONG mula p.10application, kung totoongmay pangangailangan ayonsa petisyon. Ito ay maybisang 30 araw at maaaringma-renew.

Ang PPO naman ayipinagkakaloob ng kortepagkatapos ng abiso atpagdinig, may bisa saan mansa Pilipinas at hangga’t hindibinabawi ng korte.

Q: Anu-ano ang mgatulong o remedyo namaaaring ibigay sa biktima sapamamagitan ng PPO?

Ito ang mga posiblengmaibigay na tulong ng PPO:

1. Pagbabawal sarespondent na gawing muliang anumang akto ngkarahasan laban sapetisyoner at sa kanyangmga anak

2. Pagbabawal sarespondent na guluhin,takutin, tawagan o makipag-ugnayan sa respondent nanglabag sa batas

1. Pagtanggal sa re-spondent sa pamamahay ngpetisyoner, sinuman angmay-ari ng bahay,pansamantala man opermanente

2. Utusan ang re-spondent na layuan angpetisyoner at ang kanyangpamilya, bahay, paaralan,lugar ng trabaho, o kahitanong lugar na madalaspinupuntahan ng petisyonerat ng kanyang pamilya.

3. Pagbibigay sapetisyoner ng gamit ngsasakyan at iba pangkailangang kagamitan,sinuman ang may-ari, at pag-direkta sa tamang ahensyana nagpapatupad ng batasna samahan ang petisyonerpara siguraduhin na makuhaniya ang sasakyan at ibangkagamitan.

4. Pagbibigay ngpanandalian o permanentengpangangalaga ng mga anaksa petisyoner

5. Pagdirekta sa re-spondent na suportahan ang

petisyoner at kanyang anak. Maaaring iutos ng korte na ang parte ng sweldo ng respon-dent ay regular na ibigay sa petisyoner.

6. Pagbabawal sa respondent sa paggamit o paghawak ng kahit anong nakakamatayna sandata, at pag-uutos sa kanya na isuko ang mga sandata sa korte.

7. Pagbabayarin ang respondent sa pinsalang dulot ng karahasan, kasama angpagkasira sa mga ari-arian, gastusing medikal, gastusin sa pag-alaga ng bata, at kawalanng sweldo

Pagdirekta sa DSWD o iba pang ahensya na bigyan ang petisyoner ng anumang tulongna kailangan niya

Q: Ano ang “Battered Woman Syndrome?”A: Ito ay tumutukoy sa kabuuan ng mga sikolohikal na sintomas na nakikita sa mga

babaeng biktima ng pang-aabuso at may medikal o siyentipikong patunay, na kadalasa’ysanhi ng matagal na kasaysayan ng karahasang dinaranas ng isang biktima sa loob ngmapang-abusong relasyon.

Page 12: Banat january

KAGAWAD TOM QUIBALLO NG TIBAGANNAGHAHANDA PARA CITY COUNCILORS RACE

Posibleng tumakbong City Councilor si Kagawad Tom Romero Quiballo ng barangay Tibagan, Tarlac City.

KAP ANTO BAUTISTA FULLSUPORT KAY QUIBALLO

“Ngayon pa lang ay pinaghahandaan ko na ang posibleng pagpalaot ni TOM sa pulitika. Mabaitat maaasahan siyang pulitiko, kaya dapat lang na mapakinabangan ng taong bayan ang kanyangtalino at kasipagan.”

ABC PRES. MANCHOYMANALANG

Congratulations to;ABC PRES. MANCHOY

MANALANGFrom: Barangay CaptainOscar Reyes & Council

Kap Oscar Reyes

Si Quiballo ay 3rd Termer BarangayCouncilor ng Tibagan, son inlaw ni KapitanAnto Bautista, na 3rd termer ding kapitan ngTibagan.

Naniniwala ang kanilang mga kabarangayna makukuha nito ang mandato ng taong bayansa darating na halalang lokal dahil maramiumanong kamag-anak si Tom na tutulong sakanyang kandidatura, dagdag pa na may mgakamag-anak itong naka-posisyon ngayon samga barangay tulad nina kapitana Say Sanchezng Tibag, Kapitan Fider ng Care at iba pa.

Malaki din ang impluwensiya ni KapitanAnto Bautista sa kampanya ni Tom Quiballo dahilmarami itong kaibigan sa pulitika.

Marami ding natulungan si Bautista sa mgaincumbent at mga natalong barangay officialsna posible nitong magamit sakaling matuloy anglaban nitong si TOM ROMERO QUIBALLO sa2016.

Ngayon pa lamang ay pinaghahandaan nani TOM ang darating na laban sa mas malawakna arena ng pulitika.

TOM QUIBALLO

KAP ANTO BAUTISTA

“Hindi dahil son-inlaw ko siya, sasimula pa lang ay nakakitaan ko na ito ngpotensiyal na magiging magaling napulitiko si TOM QUIBALLO.” ito angpambungad na pahayag ni Kapitan AntoBautista ng Tibagan, Tarlac City.

“Matulungin ito at madalas ay siyaang hinihingian ng tulong sa amingbarangay bago pa man makarating saakin ang problema ay may solusyon na,maliban sa mga malalaking problema nakailangan ang aking presinsiya, kaya kungang ugaling ipinakita ni TOM sa amingmga kabarangay ay madala sa siyudadng Tarlak, marami itong matutulungan

dahil madaling kausap at may paninindigan.Ang buong Bautista, Romero, Quiballo, Sanchez at Fider

Clan ay suportado ang kanyang pagtakbo.”Ito ang paniniyak niKapitan Antonio “ANTO” Bautista.