bulacandeped.comAng guro’y may ibinilin, isang tulang dapat kabisaduhin. Pag-uwi niya sa bahay,...
Transcript of bulacandeped.comAng guro’y may ibinilin, isang tulang dapat kabisaduhin. Pag-uwi niya sa bahay,...
Published by the
Department of Education
Region III
COPYRIGHT@ 2018
by ________
Copyright Notice:
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:
“No copyright shall in any work of the Government of the Republic of
The Philippines. However, prior approval of the government agency of office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for
profit.”
Siya ang batang si Aya,
palaging nahihiya.
Tipid palagi ang ngiti,
tikom ang mga labi.
Kapag naglakad ay nakatungo,
sa iba’y ayaw makihalubilo.
Iisa ang kalaro,
sa ibang tao’y nagtatago.
Minsan sa paaralan,
noong sila’y bago magpaalam
Ang guro’y may ibinilin,
isang tulang dapat kabisaduhin.
Pag-uwi niya sa bahay,
hindi na siya mapalagay.
Naluluhang lumapit kay Nanay,
sapagkat kinakabaha’t nalulumbay.
Isinaulo, inensayo
kinabisado nang husto.
“Tandaan mo ang bilin ko,
tiwala sa sarili’y kailangan mo.”
wika ni Nanay
Sa una’y nahihiya,
nagsimula nang tumula.
Mga kamag-aral ay napatulala,
labis-labis ang paghanga!
“Mahusay, Aya!”
wika ng gurong nakangiti.
Sa bahay ay umuwi,
galak sa puso’y hindi mapawi.
Kaya ngayon si Aya,
hindi na nahihiya.
Palaging handang makihalubilo,
tiwala sa sarili’y nabuo.
Values Education
Pagkakaroon ng tiwala sa
sarili at pagiging masunurin
Socio-Emotional Development
Pakikisalamuha at
pakikipag-kaibigan sa
ibang tao.
Language, Literacy and Communication
Nahahasa ang kakayahan sa komunikasyon sa pagsagot sa bawat tanong ayon sa
kuwentong binasa.
Aesthetic and Creative
Development Naipapahayag ang
nararamdaman
sa pamamagitan ng
pagguhit ng sarili.
Kasanayan Blg. 1
Panuto: Ano ang naramdaman mo matapos mong
marinig ang kuwento? Ipakita ito sa pamamagitan ng
pagguhit ng iyong sarili.
Kasanayan Blg. 2
Panuto: Sagutin ang mga itatanong ng iyong guro.
1. Sino ang batang palaging nahihiya?
a. Ana b. Aya c. Ada
2. Ano ang ipinakabisado ng guro kay Aya?
a. tula b. kwento c. awit
4. Ano ang naramdaman ni Aya nang napuri siya ng
kanyang guro?
a. malungkot b. masaya c. takot
3. Sino ang tumulong kay Aya upang makabisa nya ang
tula?
a. Nanay b. Tatay c. Guro
5. Papaano mo maipapakita na ikaw ay may tiwala sa
iyong sarili? Gamit ang lapis at papel, iguhit mo ang
iyong sagot.