32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

1
For the best experience, open this PDF portfolio in Acrobat 9 or Adobe Reader 9, or later. Get Adobe Reader Now!

Transcript of 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

Page 1: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

For the best experience, open this PDF portfolio inAcrobat 9 or Adobe Reader 9, or later.

Get Adobe Reader Now!

Page 2: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

1

ProgramangPamantayan: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto at isyu kaugnay ng kasaysayan,

ekonomiks at iba pang disiplinang panlipunan gamit ang mga kasanayan sa pananaliksik, pagsisiyasat , mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasya ,pagkamalikhain,likas-kayang paggamit ng pinagkukunang-yaman, pakikipagtalastasan at pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw tungo sa pagiging isang mapanagutang mamamayan ng bansa at daigdig.

Pamantayan

sa Unang Taon

Pamantayan

sa Ikalawang Taon

Pamantayan

sa Ikatlong Taon

Pamantayan

sa Ikaapat na Taon

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at napapanahong isyung pangkasaysayan at pampamahalaan ng Pilipinas gamit ang mga kasanayan at pagpapahalaga tungo sa pagpapatatag ng pagkabansa, sistemang demokratiko, pagkakaisa at mabuting pagkamamamayan

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at napapanahong isyu sa pag-aaral ng lipunan at kultura ng mga bansang Asyano gamit ang mga kasanayan at pagpapahalaga tungo sa pagkakaroon ng kultural na literasi (cultural literacy), pagkakaunawaan, pag-aasahan at pagkakaisa ng mga mamamayan sa rehiyong Asya

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan sa kasaysayan ng daigdig at napapanahong isyu gamit ang mga kasanayan at pagpapahalaga tungo sa pagkakaroon ng pandaigdigang kamalayan, kapayapaan at kaunlaran

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at napapanahong isyu sa ekonomiks gamit ang mga kasanayan at pagpapahalaga tungo sa pagiging “globally competitive” at produktibong mamamayan ng bansa at daigdig

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Page 3: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

2

Talahanayan ng mga Konsepto sa Bawat Taon at sa Bawat Markahan

Araling Panlipunan

CONCEPTUAL MATRIX

Markahan

Nagbubuklod na Tema

Unang Taon KASAYSAYAN AT

PAMAHALAAN NG PILIPINAS

Ikalawang Taon PAG-AARAL NG MGA BANSANG

ASYANO

Ikatlong Taon KASAYSAYAN NG DAIGDIG

Ikaapat na Taon EKONOMIKS

Unang Markahan (Tao, Lugar

at Kapaligiran)

Kasaysayan, Heograpiya at Kabihasnang Pilipino

Heograpiya at Kabihasnang

Asyano

Heograpiya at Kabihasnang

Daigdig

Pinagkukunang-yaman at Kaunlarang

Pangkabuhayan

Ikalawang Markahan (Panahon,

Pagpapatuloy at Pagbabago)

Paglinang sa Kamalayang Pilipino

Pagkakakilanlang Asyano

Pag-usbong ng Pandaigdigang

Kamalayan

Tao at Suliranin ng Kakapusan

Ikatlong Markahan (Kapangyarihan,

Awtoridad at Pamamahala)

Kasarinlan/Kalayaan

Transpormasyon ng Asya

Pag-unlad ng mga Kaisipan Tungo sa Transpormasyon

Pang-ekonomiyang Pamamahala

Ikaapat na Markahan (Indibidwal, Pangkat

at Institusyon)

Pamahalaan,Saligang Batas at ang

Pagkamamamayan

Pamahalaan, Kultura,

at Lipunang Asyano

Pandaigdigang Pagkakaisa

Globalisasyon at mga Isyung

Pangkabuhayan

Page 4: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

3

Pamantayan para sa Unang Taon

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at napapanahong isyung pangkasaysayan at pampamahalaan ng Pilipinas gamit ang mga kasanayan at pagpapahalaga tungo sa pagpapatatag ng pagkabansa, sistemang demokratiko, pagkakaisa at mabuting pagkamamamayan.

Page 5: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

4

ARALING PANLIPUNAN I

Pamantayan para sa Unang Taon: Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at mga napapanahong isyung pangkasaysayan at pampamahalaan ng Pilipinas gamit ang mga kasanayan at pagpapahalaga tungo sa pagpapatatatag ng pagkabansa, sistemang demokratiko, pagkakaisa at mabuting pagkamamamayan.

UNANG MARKAHAN

Antas 1: Resulta/Inaasahang Bunga Antas 2: Pagtataya MGA PAMANTAYAN MGA KAKAILANGANIN Sa Antas ng

Pangnilalaman Pagganap Pag-unawa Mahahalagang Tanong

Produkto/ Pagganap

Pag-unawa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa bahaging ginampanan ng heograpiya at ng tao sa pagbuo at pag-unlad ng sinaunang kabihasnang Pilipino

Ang mag-aaral ay nakapaguugnay-ugnay ng bahaging ginampanan ng heograpiya at tao sa pagbuo at pag-unlad ng sinaunang kabihasnang Pilipino.

Ang ugnayan ng tao sa kanyang kapwa tao sa heograpiya ay nagbigay -daan sa pagbuo ng sinaunang kabihasnang Pilipino na pinaunlad ng mga karanasan ng nakaraan na nagpasalin-salin at naging bahagi ng kasaysayan.

Paano nabuo at umunlad ang sinaunang kabihasnang Pilipino?

Malalim na Pag-uugnay-ugnay ng bahaging ginampanan ng kasaysayan, heograpiya at tao sa pagbuo at pag-unlad ng sinaunang kabihasnang Pilipino

Pagpapaliwanag Ipaliwanag ang ugnayan ng heograpiya at tao sa pagbuo at pag-unlad ng sinaunang kabihasnang Pilipino. Kraytirya: Katanggap-tanggap, kalidad ng impormasyon, malalim Interpretasyon Bigyang-kahulugan ang naging tugon ng sinaunang tao sa kanilang kapaligiran sa pagbuo at pag-unlad ng sinaunang kabihasnang Pilipino Kraytirya: Kaangkupan, makatotohanan Paglalapat Magmungkahi ng mga gawaing pangkapaligiran na tutugon sa pagpapanatili at patuloy na pagpapaunlad ng kabihasnang Pilipino. Kraytirya: Makatotohanan, napapanahon

Pagtataya sa lalim ng pag-uugnay-ugnay ng bahaging ginampanan ng kasaysayan, heograpiya at tao sa pagbuo at pag-unlad ng sinaunang kabihasnang Pilipino batay sa mga sumusunod na Kraytirya: A. Batay sa pananaliksik tulad ng citation at bibliograpiya B. Kaalaman sa konteks-tong pangkasay-sayan

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Page 6: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

5

Antas 1: Resulta/Inaasahang Bunga Antas 2: Pagtataya MGA PAMANTAYAN MGA KAKAILANGANIN Sa Antas ng

Pangnilalaman Pagganap Pag-unawa Mahahalagang Tanong

Produkto/ Pagganap

Pag-unawa Pagganap

Bahaging ginampanan ng tao at heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng sinaunang kabihasnang Pilipino

- Pinagmulan ng

kapuluan Lokasyon, Laki, Hugis, Klima ng Pilipinas

- Likas na Yaman ng Pilipinas, Rehiyonalisasyon at Mga Pangkat-Etnolinggwistiko ng Pilipinas

- Sinaunang kabihasnang Pilipino (aspektong pampulitika, pang-ekonomiya, panlipunan, at pang kultural kabilang ang Pagdating at Paglaganap ng Islam

- Kahalagahang pangkasaysayan ng pagbuo at pag-unlad ng sinaunang kabihasnang Pilipino

Ang interaksyon ng tao sa kanyang kapwa tao at sa heograpiya ay nagbigay -daan sa pagbuo at pag-unlad ng sinaunang kabihasnang Pilipino

1. Paano maiuugnay ang bahaging ginampanan ng tao at heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng sinaunang pamayanang Pilipino? 2. Paano namuhay ang sinaunang Pilipino? 3. Paano nakipag-ugnayan ang mga sinaunang Pilipino sa mga tao ng karatig-lugar?

Perspektibo Bigyang-katwiran ang pananaw na ang sinaunang kabihasnang Pilipino ay nabuo at umunlad sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa at sa heograpiya. Kraytirya: Katanggap-tanggap, naglalahad ng sariling pananaw, kaangkupan ng mensahe

Empatiya Ilagay ang sarili sa katayuan ng sinaunang Pilipino. Ipahayag ang naging damdamin nila sa kanilang nabuong kabihasnan Kraytirya: Makatotohanan, may katapatan

Pagkilala sa Sarili Magnilay sa kahalagahang pangkasaysayan ng pagkabuo at pag-unlad ng sinaunang kabihasnang Pilipino Kraytirya: May katapatan, naglalahad ng kahinaan at kalakasan

C. Kalidad ng impormasyon

Page 7: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

6

IKALAWANG MARKAHAN

Antas 1: Resulta/Inaasahang Bunga Antas 2: Pagtataya

MGA PAMANTAYAN Sa Antas ng

Pangnilalaman Pagganap Mga Kakailanganing

Pag-unawa

Mahahalagang

Tanong Produkto/

Pagganap

Pag-unawa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagpupunyagi ng mga Pilipino na mawakasan ang kolonyalismong Español at mabuo bilang isang bansa.

Ang mga mag-aaral ay nakapagpapahayag ng malikhaing panghihikayat sa pagpapayabong ng nasyonalismong Pilipino

Nakabuo ng isang bansa ang mga Pilipino bunga ng kanilang pagpupunyagi at pagbubuklod na mawakasan ang kolonyalismong Español.

Paano nabuo ng mga Pilipino ang pagiging isang bansa na nagbigay-wakas sa kolonyalismong Español?

Nakapagpapahayag ng malikhaing panghihikayat sa pagpapayabong ng nasyonalismong Pilipino.

Pagpapaliwanag Patunayan na ang pagkabuo ng Pilipino bilang isang bansa ay dahil pagpupunyagi ng mga Pilipino na wakasan ang kolonyalismong Español. Kraytirya: Nagpapakita ng katibayan, kalidad ng impormasyon, malalim Interpretasyon Bigyang-puna ang iba’t ibang paraan ng pagpupunyagi ng mga Pilipino na wakasan ang kolonyalismong Español at mabuo bilang isang bansa. Kraytirya: Kaangkupan, makatotohanan, imparsyal (fair) Paglalapat Kilalanin ang mga banta at oportunidad sa pagkabansa ng mga Pilipino sa gitna ng mga hamon ng globalisasyon. Kraytirya: Kaangkupan, naglalahad ng mga ebidensya

Pagtataya sa malikhaing paghahayag at paghihikayat sa pagpapayabong ng nasyonalismong Pilipino batay sa mga sumusunod na kraytirya:

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Page 8: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

7

Antas 1: Resulta/Inaasahang Bunga Antas 2: Pagtataya

MGA PAMANTAYAN Sa Antas ng

Pangnilalaman Pagganap Mga Kakailanganing

Pag-unawa

Mahahalagang

Tanong

Produkto/

Pagganap Pag-unawa Pagganap

Paglinang sa Kamalayang Pilipino A. Kolonisasyon at Kristiyanisasyon -Mga layunin at istratehiya sa pananakop ng mga Español -Mga patakaran ng mga Español (bigyang-diin ang reaksyon ng mga pamayanan sa hilaga at timog na bahagi ng pilipinas) na nakaapekto at nagdulot ng transpormasyon sa mga sinaunang pamayanang Pilipino. -Mga Reaksyon at Pagtutol ng mga Pilipino (lalo ang mga reakyon ng mga pamayanan sa hilaga at timog na bahagi ng Pilipinas) sa pananakop ng mga Español.

Perspektibo Timbang-timbangin ang mga layunin ng mga pagpupunyagi ng mga Pilipino na wakasan ang kolonyalismong Español at mabuo bilang isang bansa. Kraytirya: Imparsyal (fair), makatotohanan, kalidad ng impormasyon Empatiya Ilagay ang sarili sa katauhan ng mga Pilipinong nagpunyagi at pahalagahan ang kanilang ginawa na wakasan ang kolonyalismong Español at mabuo bilang isang bansa. Kraytirya: Makatotohanan, may katapatan

Pagkilala sa Sarili Magnilay sa kahalagahang pangkasaysayan sa pagpupunyagi ng mga Pilipino na wakasan ang kolonyalismong Español at mabuo bilang isang bansa. Kraytirya: May katapatan, naglalahad ng kahinaan at kalakasan

A. Mensa-he B. Kaang-

kupan sa paksa

C. Kaang-kupan ng mga mungkahing gawain

Page 9: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

8

Antas 1: Resulta/Inaasahang Bunga Antas 2: Pagtataya

MGA PAMANTAYAN Sa Antas ng

Pangnilalaman Pagganap Mga Kakailanganing

Pag-unawa

Mahahalagang Tanong Produkto/

Pagganap Pag-unawa Pagganap

-Reaksyon ng mga Pilipino at epekto sa Pilipinas ng iba pang mga dayuhan na nagtangkang manakop tulad ng British, Dutch. B. Pagsibol at Pag-unlad ng Nasyonalismong Pilipino -Pagbabago sa ekonomiya at lipunan noong ika-19 na siglo bunga ng pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan

- Mga pangyayari at salik na nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismo ng mga Pilipino - Ang nasyonalismo ng Kilusang Propaganda at Katipunan - Ang Rebolusyong Pilipino, kaganapan sa Tejeros, Kasunduan sa Biak-na-Bato, Pagpapahayag sa Kasarinlan ng Pilipinas, Convention, at ang mga pangyayari kaugnay ng pagtatatag ng Unang Republika sa Malolos -Ang Digmaang Pilipino-Amerikano

Page 10: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

9

IKATLONG MARKAHAN

Antas 1: Resulta/Inaasahang Bunga Antas 2: Pagtataya MGA PAMANTAYAN MGA KAKAILANGANIN Sa Antas ng

Pangnilalaman Pagganap Pag-unawa Mahahalagang Tanong

Produkto/ Pagganap

Pag-unawa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagpupunyagi ng mga Pilipinong makamtan ang kalayaan at ang kanilang mga naging tugon sa mga hamon ng pagsasarili. A. Pagpupunyagi ng mga Pilipinong makamtan ang kalayaan Pagsupil sa Nasyonalismong Pilipino - Mga Layunin sa

Pananakop ng mga Amerikano

- Mga Patakaran at Batas na Sumupil sa

Nasyonalismong Pilipino - Mga patakarang pampulitika, pang-

Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga tugon ng mga Pilipino na sumasang-ayon o sumasalungat sa pagsupil ng kanilang kalayaan

Ang pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamit ang kalayaan ay nagbigay-daan sa pagtatamasa ng karapatang pamunuan ang bansa at tugunan ang mga hamong kinakaharap sa pagsasarili. Sinikap ng mga Pilipino na maipagpatuloy ang pakikibaka para sa ninanasang kalayaan sa kabila ng mga di inaasahang hadlang o balakid.

Paano naging makabuluhan ang mga pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamit ang ang kalayaan? Paano tinugon ng mga Pilipino ang pagkabalam ng inaasam na kalayaan?

Pagsusuring kritikal sa mga tugon ng mga Pilipino na sumasang-ayon o sumasalungat sa pagsupil ng kanilang kalayaan

Pagpapaliwanag Patunayan na nagpunyagi ang mga Pilipinong makamtan ang kalayaan at matugunan ang mga hamon ng pagsasarili. Kraytirya: Nagpapakita ng katibayan, kalidad ng impormasyon, malalim

Interpretasyon Bigyang-puna ang mga pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamtan ang kalayaan at ang kanilang mga naging tugon sa mga hamon sa pagsasarili. Kraytirya:

Kaangkupan, makatotohanan, imparsyal (fair) Aplikasyon Isulong ang mga naaangkop na gawaing nagpapamalas ng pangangalaga sa tinatamasang kalayaan sa kasalukuyan. Kraytirya: Kaangkupan, tumutugon sa katotohanan, napapanahon

Pagtaya sa pagsusuring kritikal sa mga tugon ng mga Pilipino na sumasang-ayon o sumasalungat sa pagsupil ng kanilang kalayaan batay sa mga sumusunod na Kraytirya: A. Kalidad ng

Impormasyon

B. Suporta ng Datos sa Pag-aanalisa

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Page 11: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

10

Antas 1: Resulta/Inaasahang Bunga Antas 2: Pagtataya MGA PAMANTAYAN MGA KAKAILANGANIN Sa Antas ng

Pangnilalaman Pagganap Pag-unawa Mahahalagang Tanong

Produkto/ Pagganap

Pag-unawa Pagganap

ekonomiya at Pangkultura na ipinatupad ng mga Amerikano sa bansa (Pilipinisasyon, Malayang kalakalan) - Mga pagbabago sa edukasyon, kalusugan, lipunan, imprasraktura - Mga patakaran at batas na may kinalaman sa pagsasarili ng mga Pilipino (Philippine Bill of 1902, Jones Law, Tydings-McDuffie Law) - Ang Pagkakatag ng Philippine Commonwealth bilang paghahanda sa pamamahala sa sarili (self-rule)

Pagkabalam ng Kalayaan - Mga Layunin ng Hapon sa

Ikalawang Digmaang Pandaigdig, partikular sa pananakop sa Pilipinas

- Mga patakaran na ipinatupad sa panahon ng mga Hapones - Mga pangyayaring

nagpamalas ng kagitingan ng mga Pilipino upang mapalaya ang Pilipinas

Perspektibo

Bigyang-katwiran ang ginawang pagpupunyagi ng mga Pilipinong makamtan ang kalayaan at ang kanilang mga naging tugon sa mga hamon ng pagsasarili Kraytirya: Kaangkupan, makatotohanan, imparsyal (fair) Empatiya Ilagay ang sarili bilang isa sa mga Pilipinong nagpunyaging makamtan ang kalayaan at isaalang-alang ang mga naging tugon sa mga hamon sa pagasasarili Kraytirya: Makatotohanan, may katapatan

Pagkilala sa sarili Magnilay sa kahalagahang pangkasaysayan sa pagpupunyagi ng mga Pilipinong makamtan ang kalayaan at ang kanilang mga naging tugon sa mga hamon ng pagsasarili. Kraytirya: May katapatan, naglalahad ng kahinaan at kalakasan

B. Organisasy

on sa Konteks tong Pangkasaysayan

C. Konklu-syon

Page 12: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

11

Antas 1: Resulta/Inaasahang Bunga Antas 2: Pagtataya MGA PAMANTAYAN MGA KAKAILANGANIN Sa Antas ng

Pangnilalaman Pagganap Pag-unawa Mahahalagang Tanong

Produkto/ Pagganap

Pag-unawa Pagganap

B. Mga naging tugon sa mga

hamon sa pagsasarili. Mga Hamon sa Kalayaan mula 1946 - Mga Pangyayari, Suliranin,

Isyu at Pamamahala mula kay Pangulong Roxas hanggang sa Deklarasyon ng Batas-Militar

- Ang Pilipinas sa ilalim ng Batas-Militar

- People Power at ang panunumbalik ng Demokrasya

- Mga Pangyayari, Suliranin, Isyu at Pamamahala mula kay Pangulong Aquino hanggang kay Pangulong Arroyo

Sinikap ng mga Pilipino na maging matatag at mapanatili ang kalayaan sa gitna ng mga hamong kinaharap ng bansa.

Paano hinarap ng mga Pilipino ang hamon ng kalayaan?

Page 13: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

12

IKAAPAT NA MARKAHAN Antas 1: Resulta/Inaasahang Bunga Antas 2: Pagtataya

MGA PAMANTAYAN MGA KAKAILANGANIN Sa Antas ng Pangnilalaman Pagganap Pag-unawa Mahahalagang

Tanong

Produkto/ Pagganap

Pag-unawa Pagganap

Naipamamalas ng mag aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagtataguyod ng mabuting pamamahala at mapanagutang pagkamamamayan tungo sa pangangalaga ng kapakanan ng mamamayan at pagsulong ng pambansang interes.

A.Ang pamahalaan ng Pilipinas bilang isang institusyong hinubog sa body politic ng bansa

Ang mag-aaral ay aktibong nakapagsusulong ng mga demokratikong simulain at pagpapahalaga tungo sa pangangalaga ng kapakanan ng mamamayan at ng pambansang interes.

Ang pangangalaga sa kapakanan ng mamamayan at pagsulong ng pambansang interes ay bunga ng maayos na ugnayan at pagtutulungan ng mabuting pamamahala at mapanagutang pagkamamamayan.

Ang pamahalaan ay instrumento ng pagsasakatuparan ng mga layunin, simulain at pagpapahala ga ng demokrasya

Paano mapangangalagaan ang kapakanan ng mamamayan at pagsulong ng pambansang interes?

1. Bakit mayroong pamahalaan?

Aktibong pagsusulong ng mga demokratikong simulain at pagpapahalaga (ideals & values) ng pagtataguyod ng mabuting pamamahala at mapanagutang pagkamamamayan tungo sa pangangalaga ng kapakanan ng mamamayan at ng pambansang interes.

Pagpapaliwanag

Patunayan na ang mabuting pamamahala at mapanagutang mamamayan ay daan tungo sa pangangalaga sa kapakanan ng mamamayan at pagsulong ng pambansang interes. Kraytirya:

May katapatan, naglalahad ng kahinaan at kalakasan Interpretasyon Bigyang- kahulugan ang hangganan ng kapangyarihan at otoridad tungo sa

pangangalaga ng kapakanan ng mamamayan at pagsulong ng pambansang interes. Kraytirya: Kaangkupan, makatotohanan

Pagtataya sa aktibong pagsusulong ng mga demokratikong simulain at pagpapahalaga (ideals and values) sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala at mapanagutang pagkamamamayan tungo sa pangangalaga ng kapakanan ng mamamayan at ng pambansang interes ayon sa mga sumusunod na Kraytirya: A. Mensahe B. Napapanahon

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Page 14: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

13

Antas 1: Resulta/Inaasahang Bunga Antas 2: Pagtataya MGA PAMANTAYAN MGA KAKAILANGANIN Sa Antas ng

Pangnilalaman Pagganap Pag-unawa Mahahalagang Tanong

Produkto/ Pagganap

Pag-unawa Pagganap

• Ang Pilipinas bilang estado

• Ang pamahalaang Republika

• Ugnayan ng pamahalaan, body politic at buhay-sibiko sa lipunan

• Pananaig ng batas (rule of law)

B.Mga pangunahing simulain at pundasyong demokratiko sa umiiral na kalagayan ng bansa

• Mga simulain ng pama-halaang Konstitusyonal

• Mga simulain at pagpapa-

halaga ng demokrasya

2. Paano pinapangalagaan at itinataguyod ng pamahalaan ang mga simulain ng demokrasya?

Aplikasyon Magplano ng mga gawain na nagpapakita ng pangangalaga sa pamahalaan at sa dignidad ng tao na nagsusulong sa kapakanan ng mamamayan at ng pambansang interes. Kraytirya: Kaangkupan, makatotohanan, napapanahon Perspektibo Panindigan na ang mabuting pamamahala ay bunga ng isang makatuwiran at makabuluhang pagpili ng mamamayan sa pamunuan tungo sa pangangalaga ng kapakanan ng mamamayan at pagsulong ng pambansang interes. Kraytirya: Nagpapakita ng katibayan, makatotohanan, imparsyal (fair)

Page 15: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

14

Antas 1: Resulta/Inaasahang Bunga Antas 2: Pagtataya MGA PAMANTAYAN MGA KAKAILANGANIN Sa Antas ng

Pangnilalaman Pagganap Pag-unawa Mahahalagang Tanong

Produkto/ Pagganap

Pag-unawa Pagganap

C.Istruktura at pamamala-kad ng pamahalaan at kung paanong ang pakikibahagi ng mga mamamayan ay nakatulong sa pagbuo ng mga polisiyang ipatutupad

• Pangangalaga sa mga simulain ng demokrasya

• Konstitusyon: Instrumento at simbolo ng pamahalaan

• Istruktura ng Pamahalaang Nasyonal at Lokal - Pagbabatas - Pagpapairal ng batas at polisiya - Pagpataw ng katarungan para sa proteksyon ng mamamayan - Haligi ng hustiya / katarungan

(5 Pillars of the Criminal Justices Systems)

3. Paano maiuugnay ang simulain ng pamahalaang konstitusyonal sa mga simulain ng demokrasya sa pambansa at lokal na pamahalaan? 4. Paano mapangangalagaan ang mga karapatan ng mga mamamayan lalung-lalo na ang mga bata, kabataan, kababaihan, nakatatanda, manggagawa, may kapansanan migrante, Katutubo, Muslim at iba pang sektor? 5. Paano bumuo ng batas at polisiya?

Empatiya Ilagay ang sarili sa katauhan ng mga may tiwala sa pamahalaan at gumagalang sa kahalagahan at dignidad ng tao na nangangalaga sa kapakanan ng mamamayan at nagsusulong ng pambansang interes. Kraytirya: Makatotohanan, may katapatan

Pagkilala sa Sarili Magnilay kung ano ang maaaring magawa bilang isang mamamayan upang magkaroon ng mabuting pamamahala, matatag na pamahalaan at maging mapanagutang mamamayan upang sa gayon ay maging kabahagi ng pagbabahagi Kraytirya: May katapatan, naglalahad ng kahinaan at kalakasan

Page 16: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

15

Antas 1: Resulta/Inaasahang Bunga Antas 2: Pagtataya MGA PAMANTAYAN MGA KAKAILANGANIN Sa Antas ng

Pangnilalaman Pagganap Pag-unawa Mahahalagang Tanong

Produkto/ Pagganap

Pag-unawa Pagganap

D. Kahalagahan ng pakikipag-ugnayang panlabas

• Ugnayang Panlabas: Ano, Bakit, at Paano?

• Kalagayan ng Ugnayang Panlabas ng bansa

• Samahang panrehiyon

• at pandaigdi- gan: UN,ASEAN, APEC, at iba pang samahang panrehiyon at pandaigdigan at pagtugon sa mganapapanahong suliranin at isyu

Walang bansang makapapamuhay nang nag-iisa Mahalaga ang pakikipag-ugnayang panlabas ng Pilipinas sa pagsulong ng kanyang pambansang interes at kaunlaran nito.

6. Ano ang bahaging ginagampanan ng mga partido pulitikal, interest group, opinyon publiko media’ NGOs at civil society sa pagbuo ng mga batas at polisiya? 7. Bakit mahalaga ang pakikipag-ugnayang panlabas? 8. Paano hinaharap ng bansa ang pandaigdigang isyu tulad ng pagbabago ng klima, usaping pangkayapaan, paglabag sa karapatang pantao, terorismo “transnational crimes “ at iba pang usapin?

Page 17: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

16

Antas 1: Resulta/Inaasahang Bunga Antas 2: Pagtataya MGA PAMANTAYAN MGA KAKAILANGANIN Sa Antas ng

Pangnilalaman Pagganap Pag-unawa Mahahalagang Tanong

Produkto/ Pagganap

Pag-unawa Pagganap

E.Karapatan, tungkulin at pananagutan (responsibilities) ng pakikilahok sa buhay-sibiko o Pagkamamamayan o Kalipunan ng mga

Karapatan ng tao o Pananagutan

(responsibili ties) ng mamamayan

o Tuwiran at iba pang

pamamaraan ng pakikilahok sa pamahalaan

o Pamantayan sa pagpili

ng lider o Pambansang Badyet

.

May kaakibat (katumbas) na tungkulin at pananagutan ang mga karapatan ng mamamayan na pinangangalagaan ng pamahalaan na para sa kabutihan ng higit na nakararami

9. Paano pinangangalagaan ng pamahalaan ang mamamayan ng bansa? 10. Paano naipapakita ang pagkamamayan sa loob ng klase, paaralan at pamayanan?

Page 18: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

KAGAWARAN NG EDUKASYON DEPARTMENT OF EDUCATION

Kawanihan ng Edukasyong Sekondari Bureau of Secondary Education

Sangay ng Pagpapaunlad ng Kurikulum Curriculum Development Division

ANG KURIKULUM NG EDUKASYONG SEKONDARI NG 2010

(2010 SECONDARY EDUCATION CURRICULUM)

Araling Panlipunan I

Page 19: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

TALAAN NG MGA NILALAMAN

ii. Panimula

I. Batayang Konseptwal ng Araling Panlipunan II. Talahanayan ng mga Konsepto

III. Pamantayan sa Programa at sa Bawat Taon

IV. Gabay sa Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 - Araling Panlipunan I

Mga Dagdag Pahina

A. Resulta at mga Rekomendasyon mula sa Isinagawang Pagmomonitor at Pagtataya (M & E) ng Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002 (2002 BEC) B. Mga Gabay na Tanong sa Pagsasaayos ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 (2010 SEC)

Page 20: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

i

PANIMULA

Ang Konteksto/Kaligiran Kalimitan, ang pagpapalit o pagbabago ng kurikulum sa Pilipinas ay isinasagawa tuwing ikasampung taon. Ngunit bunga ng mabilis na pagbabago sa larangan ng edukasyon at patuloy na paglaganap ng mga makabagong kaalaman at impormasyon, naniniwala ang Kawanihan ng Edukasyong Sekondari na dapat nang isaayos ang kasalukuyang kurikulum upang sa gayo’y makaagapay at matugunan nito ang mga pangangailangan ng ating lipunan at ng mga mag-aaral ng kasalukuyang panahon.

Naging batayan sa pagsasaayos ng kurikulum ang mithiin ng Edukasyon para sa Lahat 2015 (Education For All 2015) - ang magkaroon ng Kapaki-pakinabang na Literasi ang Lahat (Functional Literacy For All). Tiniyak na ang mga binuong pamantayan, kakailanganing pag-unawa at nilalaman ng bawat asignatura ay makapag-aambag sa pagtatamo ng nasabing mithiin.

Isinaalang-alang din ang resulta ng ginawang ebalwasyon ng implementasyon ng Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002 (2002 Basic Education Curriculum) sa pagsasaayos at pagdisenyo ng bagong kurikulum, gayundin sa ginawang pagsasanay ng mga guro at pagpapaunlad ng kakayahan ng mga punong-guro ng 23 pilot schools upang mahusay nilang mapamahalaan ang panimulang pagsubok (pilot testing) ng binagong kurikulum.

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling panlipunan I

Page 21: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

ii

Ang Proseso Sa pagsasaayos ng kurikulum, inilapat ang Understanding By Design (UBD) na modelo nina Jay McTighe at Grant Wiggins. Narito ang mga elemento ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010

Resulta/Inaasahang Bunga

Mga Layunin/ Kaalaman/ Kakayahan

Mga Pamantayang

Pangnilalaman/ Pagganap

Mga Kakailanganing

Pag-unawa

Mahahalagang

Tanong

Pagtataya

Plano sa Pagkatuto

Mga Gawaing Instruksyonal

Mga Kagamitan

Mga Produkto/

Pagganap

Kraytirya/ Kagamitan

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Page 22: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

iii

Antas 1: Resulta/Inaasahang Bunga Tinitiyak kung ano ang dapat matutuhan at maisagawa ng mag-aaral sa loob ng isang markahan, yunit o kurso; makikita sa bahaging ito ng dokumentong pangkurikulum ang mga pamantayang pangnilalaman, pamantayan sa pagganap, mga kakailanganing pag-unawa at mahahalagang tanong.

A.1. Ang Pamantayang Pangnilalaman ay ang mahahalagang paksa o konsepto na dapat maunawaan ng mag-aaral sa bawat asignatura. Sinasagot ng bahaging ito ang tanong na, “Ano ang nais nating matutuhan at maisagawa ng mag-aaral pagkatapos ng isang markahan o yunit?”

2. Ang Pamantayan sa Pagganap ay ang tiyak na produkto o pagganap at ang antas o lebel na inaasahang maisasagawa ng mag-

aaral pagkatapos ng isang markahan o yunit. Sinasagot ng bahaging ito ang tanong na: “Paano isasagawa ng mag-aaral ang inaasahang produkto o pagganap? Anong antas o lebel ng pagganap ang dapat magawa ng mag-aaral upang makapasa siya sa pamantayan?”

B. Ang Mga Kakailanganing Pag-unawa ay ang mahahalagang konsepto na dapat matutuhan ng mag-aaral sa bawat asignatura. Mga konseptong hindi makakalimutan at magagamit ng mag-aaral sa kanyang pamumuhay. C. Ang Mahahalagang Tanong ay mga tanong na nasa mataas na lebel at inaasahang masasagot ng mag-aaral pagkatapos ng isang

markahan o yunit. Kinakailangang ang mga ito ay nasasagot ng Mga Kakailanganing Pag-unawa.

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipuanan I

Page 23: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

iv

Antas 2: Pagtataya Ito ang mga inaasahang produkto o pagganap; inaasahang antas ng pag-unawa at pagganap ng mag-aaral; at mga kraytirya o panukat na gagamitin sa pagtataya ng inaasahang produkto o pagganap.

A. Ang Produkto o Pagganap ay ang inaasahang maisasagawa ng mag-aaral pagkatapos ng isang paksa o markahan. Ito ang magpapatunay na natutuhan niya ang mahahalagang konseptong nakapaloob sa isang markahan/asignatura. B. Ang Antas ng Pag-unawa ang susukat sa iba’t ibang aspekto ng pag-unawa ng mag-aaral sa mahalagang konseptong dapat niyang

matutuhan.Masasabing may pag-unawa na ang mag-aaral kung siya’y may kakayahan nang magpaliwanag, magbigay ng sariling kahulugan, makabuo ng sariling pananaw, makadama at makaunawa sa damdamin ng iba, makapaglapat, at makilala ang kanyang sarili.

C. Ang Antas ng Pagganap ay ang inaasahang produkto o pagganap na maisasagawa ng mag-aaral. Makikita rin sa bahaging ito ang kraytirya sa pagtataya ng nasabing produkto o pagganap.

Antas 3: Mga Plano ng Pagkatuto Mga gawaing instruksyunal at mga kagamitan na gagamitin ng guro at mag-aaral sa loob ng klasrum na makatutulong upang matamo ang mga pamantayan. Inaasahan ang pagiging malikhain ng guro sa pagpapatupad ng antas na ito dahil dito nakasalalay ang ikapagtatagumpay ng pagtuturo-pagkatuto.

A. Ang Mga Gawaing Instruksyunal ay binubuo ng mga gawaing isasagawa ng guro at mag-aaral sa loob ng klasrum upang matamo ang mga pamantayan, matutuhan ang mga kakailanganing pag-unawa at masagot ang mahahalagang tanong. B. Ang Mga Kagamitan ay gamit ng mga guro at mag-aaral upang maisakatuparan ang mga gawaing instruksyunal.

(Ang mga gabay na tanong sa pagbuo ng Antas 1-3 ay makikita sa Annex B.)

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Page 24: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

v

Nagkaroon ng mga writeshop at konsultasyon sa mga stakeholder: mga guro, mag-aaral, punong-guro, superbisor, propesor ng iba’t ibang kolehiyo/pamantasan , kawani ng pamahalaang lokal, kinatawan ng piling sektor ng lipunan, at iba pa upang matiyak na akma at makatutugon sa pangangailangan ng mag-aaral sa kasalukuyang panahon ang mga elemento ng isinaayos na kurikulum. Sinanay ang mga guro, puno ng kagawaran at punong-guro ng 23 pilot schools upang maihanda sila kung paano pamamahalaan ang unang pagsubok na implementasyon ng kurikulum. Ang mga pilot school ay pinili batay sa sumusunod: lokasyon (Luzon, Visayas, at Mindanao), at sa uri ng programang pinatutupad ng paaralan (halimbawa:regular na hayskul, espesyal na programa,at iba pa.) Ang pakikipagpulong sa mga punong-guro tuwing isang kwarter at pagmomonitor ng mga pilot teachers ng 23 pilot schools ay regular na isinagawa. Ang mga feedback mula sa kanila ang naging batayan sa patuloy na pagsasaayos ng mga elemento ng mga dokumento ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010. Isinunod na sinanay ang mga superbisor ng lahat ng asignatura upang mabigyan ng suportang pang-instruksyunal ang mga guro. May mga kasunod na pagsasasanay na isinagawa batay sa pangangailangan ng mga taong kasangkot sa unang pagsubok ng kurikulum upang matiyak na magiging maayos at matagumpay ang implementasyon nito sa 2010. Resulta Ang mga feedback mula sa mga pilot teacher ay nakatulong nang malaki sa patuloy na pagsasaayos ng kurikulum. Mula sa mga ito ay nabuo ang Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010. Nanatili pa rin ang prinsipyo ng Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002 (tulad ng Teorya ng Konstruktibismo, Pagtuturong Integratibo, at iba pa). Isinanib at pinagyaman ang iba pang programa ng edukasyong sekondari tulad ng Special Program for the Arts (SPA), Special Program for Sports (SPS), Engineering and Science Education Program (ESEP), Special Program for Journalism (SPJ), Technical-Vocational Program (TECH-VOC), at Special Program for Foreign Language (SPFL).

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Page 25: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

vi

Narito ang mga Katangian ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010

• nakatuon sa mahahalagang konsepto at kakailanganing pag-unawa

• mataas ang inaasahan (batay sa mga pamantayan)- tinitiyak kung ano ang dapat matutuhan at ang antas ng pagganap ng mag-aaral

• mapanghamon- gumagamit ng mga angkop na istratehiya upang malinang ang kaalaman at kakayahan ng mag-aaral

• inihahanda ang mag-aaral tungo sa paghahanapbuhay kung di man makapagpapatuloy sa kolehiyo

• tinitiyak na ang matututuhan ng mag-aaral ay magagamit sa buhay

SPA

SPS

S&T

Tech-Voc

SPED

Core Curr.

SPFL

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Page 26: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

1

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Balangkas-Konseptwal ng Araling Panlipunan

Konstruktibismo

Magkatuwang na

Pagkatuto

Pagkatutong

Pangkaranasan at Pangkonteksto

Kapakipakinabang na Literasi Para sa Lahat

Pagpapahalagang Pangkasaysayan

Mapanagutang

Pagkama- mamayan

Pagkamalikhain

Mapanuring Pag-iisip at Matalinong

Pagpapasya

Likas -kayang Paggamit ng

Pinagkukunang Yaman

(Sustainable Use of Resources)

Pakikipag- talastasan

at Pagpapalawak ng Pandaigdigang

Pananaw

Pagsasaliksik/ Pagsisiyasat

Makaalam Makagawa Maging ganap Makipamuhay

Integrasyon

Interdisiplinari/ Multidisiplinari

Pamamaraang Tematiko-

Kronolohikal/ Topikal/konseptwal

Pamaraang Pasiyasat

Page 27: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

2

BALANGKAS- KONSEPTWAL NG Araling Panlipunan

(Deskripsyon)

Tunguhin ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 (Secondary Education Curriculum) ang Kapakipakinabang na Literasi para sa Lahat (Functional

Literacy For All) na ibinatay sa mithiing Edukasyon para sa Lahat 2015 (Education For All 2015).

Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Araling Panlipunan na malinang sa mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at isyung

pangkasaysayan, ekonomiks at kaugnay na disiplinang panlipunan uppang siya ay makaalam, makagawa, maging ganap at makipamuhay (Pillars of Learning).

Mahalaga na bigyang-diin ang pag-unawa at HINDI ANG PAGSASAULO ng mga pangyayari, lugar, tao, at iba pa. Dapat na malinang sa mag-aaral ang pagtingin

at paghanap sa mga pattern at trend sa mga pangyayari. Matatamo ang mga Ito sa paggamit ng mga pangunahing kasanayan tulad ng pagsasaliksik,

pagsisiyasat, mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapapasya, pagkamalikhain, likas-kayang paggamit ng pinagkukunang-yaman, pakikipagtalastasan at

pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw sa tulong ng iba’t ibang dulog at pamamaraan tungo sa pagiging isang mapanagutang mamamayan ng bansa at

daigdig.

Inaasahan ang tuwirang pagtuturo sa lebel ng pagpapahalagang pangkasaysayan (historical value) upang maipaliwanag ng mag-aaral ang pagkakaugnay-

ugnay at implikasyon ng mga pangyayari. Bigyang diin na ang matututuhan ay magbibigay-daan sa mag-aaral na makita at maramdaman ang kaugnayan ng pag-

aaral ng kasaysayan sa sarili (self-knowledge) upang mapabuti ang kanyang buhay.

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Page 28: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

3

Talahanayan ng mga Konsepto sa Bawat Taon at sa Bawat Markahan Araling Panlipunan I-IV

(Conceptual Matrix )

Pang-ekonomiyang Pamamahala

Globalisasyon at mga Isyung Pangkabuhayan

Pandaigdigang Pagkakaisa

Pamahalaan, Kultura, at Lipunang Asyano

Pamahalaan, Saligang Batas at Pagkamama-mayan

Ika-apat na Markahan (Indibidwal, Pangkat at Institusyon)

Pag-unlad ng mga Kaisipan Tungo sa Transpormasyon

Transpormasyon ng Asya

Kasarinlan/ Kalayaan

Ikatlong Markahan (Kapangyarihan, Awtoridad, at Pamamahala)

Tao at Suliranin ng Kakapusan

Pag-usbong ng Pandaigdigang Kamalayan

Pagkakakilanlang Asyano

Paglinang sa Kamalayang Pilipino

Ikalawang Markahan (Panahon, Pagpapatuloy at Pagbabago)

Pinagkukunang - yaman at Kaunlarang Pangkabuhayan

Heograpiya at Kabihasnang Daigdig

Heograpiya at Kabihasnang Asyano

Kasaysayan, Heograpiya at Kabihasnang Pilipino

Unang Markahan (Tao , Lugar at Kapaligiran )

Ika-apat na Taon EKONOMIKS

Ikatlong Taon KASAYSAYAN NG

DAIGDIG

Ikalawang Taon PAG-AARAL NG MGA BANSANG

ASYANO

Unang Taon KASAYSAYAN AT PAMAHALAAN NG

PILIPINAS

Markahan

Nagbubuklod na Tema

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Page 29: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

4

Pamantayan sa

Unang Taon

Pamantayan sa Ikalawang Taon

Pamantayan sa Ikatlong Taon

Pamantayan sa

Ika-apat na Taon

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at mga napapanahong isyung pangkasaysayan at pampamahalaan ng Pilipinas gamit ang mga kasanayan at pagpapahalaga tungo sa pagpapatatag ng pagkabansa, sistemang demokratiko, pagkakaisa at mabuting pagkamamamayan.

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at mga napapanahong isyu sa pag-aaral ng lipunan at kultura ng mga bansang Asyano gamit ang mga kasanayan at pagpapahalaga tungo sa pagkakaroon ng kamuwangang pangkultura (cultural literacy), pagkakaunawaan, pag-aasahan at pagkakaisa ng mga mamamayan sa rehiyong Asya.

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan sa kasaysayan ng daigdig at mga napapanahong isyu gamit ang mga kasanayan at pagpapahalaga tungo sa pagkakaroon ng pandaigdigang kamalayan, kapayapaan at kaunlaran.

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at mga napapanahong isyu sa ekonomiks gamit ang mga kasanayan at pagpapahalaga tungo sa pagiging “globally competitive” at produktibong mamamayan ng bansa at daigdig.

Programang Pamantayan: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto at isyu kaugnay ng kasaysayan, ekonomiks at iba pang disiplinang panlipunan gamit ang mga kasanayan sa pananaliksik, pagsisiyasat, mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasya, pagkamalikhain, likas-kayang paggamit ng pinagkukunang-yaman, pakikipagtalastasan at pagpapalawak

ng pandaigdigang pananaw tungo sa isang mapanagutang mamamayan ng bansa at daigdig.

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Page 30: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

5

ANNEX A Resulta at Mga Rekomendasyon mula sa Isinagawang Pag-monitor at Pagtataya (M&E) ng Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002 (2002 BEC) Ang Kawanihan ng Edukasyong Sekondari ay inatasan ng Kagawaran ng Edukasyon na mag-monitor at tayain ang implementasyon ng Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002 sa mga piling paaralan sa buong Pilipinas batay sa sumusunod na mga batayan:

• Mga paaralang pinopondohan ng gobyerno

• Mga bagong paaralan na magkatulong na pinopondohan ng gobyerno, lalawigan at munisipyo

• Science High Schools

• Mga pribadong paaralan

• Mga paaralang Technical-Vocational Ang layunin ng isinagawang pag-aaral ay makita ang mga naging suliranin, gayundin ang magagandang gawi at pamamaraang (best practices) isinasagawa/ipinatupad ng mga paaralan na nakatulong sa mga puno ng mga kagawaran punong-guro at superbisor upang maging matagumpay ang implementasyon ng 2002 BEC. Sa isinagawang pag-aaral, kinilala ang paaralan bilang isang lugar na mapagkukunan ng kaalaman kung saan ang mga taong kasangkot ang nagpaplano, nagmamasid, nagsusuri at nag-iisip ng mga paraan kung paano matatamo ang kanilang mga mithiin at pangarap. Ang unang pagmomonitor at pagtataya ng implementasyon ng 2002 BEC ay isinagawa noong Setyembre, 2002 na sinundan noong Oktubre, 2003, at ang pinakahuli ay noong Setyembre, 2004. Nakabatay sa qualitative data ang kinalabasan ng isinagawang pag-aaral. Upang matiyak na ito’y mapanghahawakan (reliability), inihambing ito sa kinalabasan ng isinagawang pag-aaral batay sa quantitative data. Walang pagkakaiba sa kinalabasan ng isinagawang pag-aaral.

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Page 31: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

6

Narito ang mga pananaw, gawi ng mga taong kasangkot kaugnay ng implementasyon ng 2002 BEC: Sumasang-ayon ang mga guro, puno ng kagawaran at punong-guro sa mithiin ng kurikulum na dapat ay makatapos ang mag-aaral sa hayskul na may kapaki-pakinabang na literasi, may mapanuring pag-iisip, malikhain at may kakayahang lumutas ng mga suliranin at maghanapbuhay na MaKA-DIYOS, MAKABAYAN, MAKATAO at MAKAKALIKASAN. 1. Hindi nagtutugma ang inaasahang bunga/resulta sa pamamaraan

Hindi tumutugon sa uri ng gradweyt ang ilang Science High Schools sa mithiin ng kurikulum. Halimbawa, ang pagtuturo ay nakabatay pa

rin sa mga batayang aklat; ang mga mag-aaral ay tumatanggap lamang ng mga impormasyon mula sa guro; limitado ang ibinibigay na pagkakataon sa mga mag-aaral upang makapagbahagi ng kanilang nalalaman; at ang layunin ng isinasagawang pagtataya ay hindi upang mapaunlad pa ang mga kakayahan ng mga mag-aaral kundi para lamang tumaas ang kanilang marka.

Bagamat naniniwala ang mga guro na dapat ibatay ang kurikulum sa kaligirang lokal, marami pa rin sa kanila ang nagtuturo batay sa silabus,batayang aklat at kasanayang pampagkatuto na hindi isinasaalang-alang ang pangangailangan ng mag-aaral. Bagamat naniniwala ang mga guro na kailangang mapaunlad ang kakayahan ng mag-aaral, ang mga gawaing pangklasrum naman ay hindi tumutugon sa ganitong kahingian. Mga Rekomendasyon: Sa mga paaralang hindi magkatugma ang resulta/inaasahang bunga at pamamaraan, maaaring isagawa ang sumusunod: Bumuo ng isang komite sa paaralan na tutukoy at magsasaayos ng kurikulum, instruksyunal, pagmamasid, pagtataya, at pamamahala na makatutulong sa pagtatamo ng mga mithiin.

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Page 32: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

7

Magsagawa ng mga focus group discussion kung paano mabibigyan ng solusyon ang mga suliraning kinakaharap sa implementasyon ng kurikulum at magtulung-tulong ang mga taong bumubuo sa paaralan upang matiyak na magiging matagumpay ang implementasyon ng kurikulum. 2. Pagnanais ng mga guro na maragdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa integratibong pagtuturo

Sa lahat ng paaralan, positibo ang pagtanggap ng mga guro sa iba’t ibang pamamaraan na makatutulong upang maging epektibo ang pagtuturo-pagkatuto tulad ng integratibo, interaktibo, at iba pa na bahagi ng 2002 BEC. Subalit kulang ang kaalaman nila sa paggamit ng mga nasabing pamamaraan. Ang ilan sa mga guro, puno ng kagawaran at punong-guro na dumalo sa pagsasanay sa 2002 BEC ay nagsagawa ng In-service-Training (INSET) sa kani-kanilang paaralan. Pinarami at ipinamahagi nila ang mga babasahin at kagamitan kaugnay ng 2002 BEC at sinanay nila ang kanilang mga kapwa guro upang matiyak na magiging matagumpay ang implementasyon nito. May ilan naman na ibinahagi lamang kung ano ang kanilang natutuhan, kung kaya mayroon pa ring mga guro na hindi sapat ang kaalaman sa mahahalagang konsepto at pamamaraan sa 2002 BEC. Hindi lamang ang mga ipinamahaging banghay-aralin ang kailangan ng mga guro. Ang kailangan nila ay matutuhan ang mahahalagang konsepto, mga pamamaraan, at iba pa tungkol sa 2002 BEC.

Mga Rekomendasyon:

Dapat tulungan o gabayan ng mga punong-guro ang mga guro na magkaroon ng positibong pananaw tungkol sa 2002 BEC. Gabayan sila sa pagpili at paggamit ng mga angkop na pamamaraan sa loob ng klasrum batay sa kasanayang pampagkatuto, na dapat ding ipaliwanag sa kanila. Alamin ang kanilang mga pangangailangan upang maiwasan ang hindi pagkakatugma ng rmga resulta/ inaasahang bunga at mga pamamaraan.

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Page 33: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

8

Kunin ang magagandang gawi o pamamaraan sa paaralan at ibahagi ito sa ibang paaralan.Patuloy na makipagtulungan upang mabigyan ng solusyon ang mga suliraning kinakaharap kaugnay ng 2002 BEC. Ang mga handbook tungkol sa 2002 BEC ay makatutulong sa higit na ikauunawa ng kurikulum. Iminumungkahi na gumawa at magbahagi ng mga flyer o babasahin tungkol sa pamamaraang integratibo, at iba pa. 3. Limitado ang kaalaman ng mga guro sa Teoryang Konstruktibismo at iba pang teorya sa pagtuturo-pagkatuto

Ang kasabihang “Ang pag-aaral ay tuluy-tuloy na proseso, at ang mag-aaral ay tagabuo ng mga kahulugan”. ay isa sa pinagbatayan sa paggamit ng pamaraang integratibo sa 2002 BEC. Bagamat bago sa pandinig ng mga guro ang nasabing konsepto , mamamasid pa rin ito sa mga asignaturang Mathematics, Science at Araling Panlipunan na gumagamit ng mga pamamaraang problem-solving, inquiry o discovery. Limitado lamang ang paggamit ng nasabing konsepto. Mga Rekomendasyon: Ipaunawa ng mga punong-guro sa mga guro ang konsepto ng pagkatutong konstruktibismo (constructivist learning). Ito’y maaaring sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga focus group discussion sa iba’t ibang antas o kagawaran. Maaaring imbitahan ang mga superbisor o mga eksperto bilang tagapagsalita na may malawak na kaalaman tungkol dito. Tiyaking magkakaroon ng paglalapat ang kalalabasan ng FGD, tulad ng pagkakaroon ng pakitang-turo, pagbuo ng mga pagsusulit, pagpapasubok ng mga pamamaraan at iba pa. Ang awtput ng FGD ay maaaring idagdag upang higit na mapagyaman ang 2002 BEC Handbook. Laging gawing batayan ang handbook, iwasto kung kinakailangan.

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Page 34: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

9

4. Nahihirapan ang mga mag-aaral sa paggamit ng English bilang midyum ng pagtuturo

Napansin ng mga punong-guro na hirap ang mga mag-aaral sa paggamit at pag-unawa sa English bilang midyum ng pagtuturo. Upang mabigyan ito ng solusyon, nagsasagawa sila ng mga gawain o kompetisyon tulad ng pagsulat ng sanaysay, kampanya sa paggamit ng English, pagtatalumpati, at iba pa na makatutulong upang matutuhan at pahalagahan ng mga mag-aaral ang paggamit ng nasabing wika. Sa mga klaseng ang midyum ng pagtuturo ay English, mapapansin na may pagkakataong gumagamit ang mga mag-aaral at guro ng kanilang sariling diyalekto (native language) upang magkaunawaan. Mithiin ng 2002 BEC na makapagpatapos ng mag-aaral na malikhain, may mapanuring pag-iisip, at may kakayahang lumutas ng mga suliranin. Ang mga guro ay nahihirapang matamo ito dahil ang mga mag-aaral sa klase sa English ay mahina sa mga makrong kasanayan – pakikinig, pagbasa, pagsasalita at pagsulat. Dahil dito ang pagtatanong ng guro ay mababaw lamang, na karaniwa’y sa antas lamang ng kaalaman. Hindi na nakapagtatanong na susukat sa kakayahang magpaliwanag, magsintesis, maglapat o bumuo ng pinakamahalagang antas ng pag-unawa ng pagkatuto. Mga Rekomendasyon: Iminumungkahi ang sumusunod na gawain o pamamaraan upang maitaas ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita at pag-unawa sa wikang English:

• Magsagawa ng remedial sessions at himukin ang mga mag-aaral na magaling sa English na tulungan ang mga mag-aaral

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Page 35: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

10

na may kahinaan sa paggamit nito. Piliin ang mga gurong magsasagawa nito at bigyan sila ng kaukulang pagsasanay kung paano ito pamamahalaan. Maaaring magbigay ng mga insentibo sa mga mag-aaral na magboboluntaryong magturo.

• Pagsasagawa ng mga kompetisyon sa English tulad ng dagliang pagtatalumpati, at iba pa upang maganyak ang mga mag-aaral na sumali sa mga paligsahan, huwag limitahan ang mga mananalo, at bigyan ng gantimpala ang klaseng may pinakamaraming napanalunan.

• Gamit ang mga nakaraang pagsusulit sa English, suriin ang mga kasanayang pampagkatuto na may kahinaan ang mag-aaral – alamin ang mga kasanayang pampagkatuto na mahina ang mag-aaral at magbigay ng mga remedial session kung kinakailangan.

5. Maraming salik na nakahahadlang upang magampanan ng mga guro ang pagiging mahusay na pasiliteytor ng pagkatuto

Bukas ang isipan ng mga guro sa 2002 BEC. Alam nila ang kanilang mga kahinaan ngunit may pagnanais naman silang matutuhan kung paano magiging mahusay na pasiliteytor ng pagkatuto.

Batay sa mga nakalap na impormasyon, may mga salik na nakahahadlang upang magampanan ng mga guro ang pagiging pasiliteytor ng pagkatuto: tulad ng kahinaan ng mag-aaral sa English na nakahahadlang sa malayang talakayan; malaking bilang ng mga mag-aaral; kakulangan ng mga libro; hindi demokratikong pagmamasid ng mga kinauukulan na nakasasagabal sa pagiging malikhain ng guro; at ang uri ng pagsusulit na ibinibigay ng rehiyon at sangay sa mga mag-aaral. Bunga nito, nananatili ang mga guro sa paggamit ng mga tradisyunal na pamamaraan tulad ng lektyur, tanong at sagot, pagdidikta, at iba pa.

Mga Rekomendasyon: Gamitin ang mabibisang teknik at pamamaraan upang hindi maging hadlang ang malaking bilang ng mga mag-aaral, ang kahinaan sa paggamit ng English,kakulangan ng mga libro, at iba pa.

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Page 36: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

11

6. Maraming mabisang pamamaraan na magagamit sa pagmamasid sa klase/superbisyon

Isa sa mga ito ang pamamaraang kolaboratibong superbisyon. Ito’y pangkat ng mga gurong nagtutulungan upang higit pang mapabuti ang kanilang pagtuturo at mabigyan ng solusyon ang mga suliraning instruksyunal na kinakaharap ng bawat isa. Ibinabahagi nila ang kanilang mga naging karanasan sa pagtuturo, mga kagamitan, at tinataya nila ang kani-kanilang pag-unlad. Isa pa rito ang self-directed supervision, na karaniwang ginagawa ng mga gurong kayang mapaunlad ang sarili niya bilang guro, nang hindi masyadong umaasa sa iba. Siya mismo ang nagbibigay ng solusyon sa mga suliraning kinakaharap niya. Ang mentoring ay isa ring mabisang pamamaraan. Ang bawat guro ay bukas ang isipan na turuan at magpaturo sa iba kung kinakailangan. Ang pinakagamiting paraan ng superbisyon ay ang pagmamasid sa klase ng mga puno ng kagawaran at superbisor, na kaagad sinusundan ng post conference upang matulungan ang gurong namasid na higit pang mapabuti ang mga bahaging kinakailangan pang paunlarin. At ang hindi gaanong gamitin ay ang pamamaraang laissez faire. Sa pamamaraang ito, binibigyang - laya ang mga gurong pumili na sa palagay nila ay angkop na pamaraan sa pagtuturo-pagkatuto. Hindi gaanong nagmamasid ng klase ang mga puno ng kagawaran o punong-guro. Mga Rekomendasyon: Sa dami ng magagamit na pamamaraan sa superbisyon, iminumungkahi na pillin ang pinakaangkop at makatutulong upang higit na mapabuti ang pagtuturo ng mga guro.Maaaring isagawa ng mga puno ng kagawaran, punong-guro o superbisor ang alinman sa sumusunod:

• Ang self-directed na superbisyon para sa mga bihasa na at maaasahang mga guro;

• Ang peer o kolaboratibong superbisyon para sa mga gurong may kakayahang makisama at makapagbahagi sa iba

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Page 37: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

12

para sa kanilang pag-unlad;

• Ang mentoring ng mga bagong guro at di-gaanong mahusay magturo. Hikayating magboluntaryo ang mga bihasang guro na tulungan ang kanilang kapwa gurong nangangailangan ng suporta.

Iwasan ang paggamit ng mga pamamaraang hindi makatutugon sa pangangailangan ng paaralan, guro at mga mag-aaral. Umisip ng angkop na pamamaraan upang sa gayo’y matamo ang mithiin ng paaralan. Ang mga superbisor bilang tagapagbigay ng suportang instruksyunal ay hinihikayat na ganyakin ang mga guro na magtulungan, at huwag maging palaasa sa anumang ibibigay ng kanilang mga puno ng kagawaran, punong-guro o superbisor. Hikayatin silang maging malikhain at magkaroon ng positibong pananaw sa kurikulum. Upang ang mga guro ng kagawaran ay hindi masyadong umasa sa mga pag-aaral na isinasagawa ng mga dayuhan o ibang bansa, hikayatin silang magbasa, magsuri, kundi man magsagawa ng mga pananaliksik sa mga kaganapan sa loob ng silid-aralan (classroom-based action research) upang sa gayo’y matiyak na ang mga kagamitang instruksyunal at pamamaraan ay angkop at makatutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral. 7. Ang mga guro ay nangangailangan ng karagdagang kaalaman sa pagtuturo ng MaKABAYAN bilang asignaturang “Laboratoryo ng Buhay” Ang mga guro at punong-guro ay sang-ayon sa konseptong “Laboratoryo ng Buhay” ang asignaturang Makabayan, at nag-iisip ng mga pamamaraan kung paano ito maisasakatuparan. Kabilang dito ang planong 8-2 (8 linggo sa bawat markahan para sa pagtuturo ng apat na asignatura nang magkakahiwalay, at 2 linggo para sa pinagsamang pagganap ng 4 na asignatura), ang integrasyong pagtuturo ng 4 na asignatura (lingguhang banghay-aralin na ang ituturo ay magkakaugnay na kasanayang pampagkatuto mula sa 4 na asignatura) at ang di–inaasahang integrasyon (ang magkakaugnay na kaalaman at kakayahan mula sa 4 na asignatura ay nalilinang sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa aralin).

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Page 38: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

13

Ngunit napansin ng mga guro na ang integrasyon ng 4 na signatura sa Makabayan ay may kahirapan maging sa pagpaplano, pagpapatupad at pagtataya dahil sa sumusunod na salik: 1) hindi magkakatulad ang bakanteng oras ng mga guro upang maisagawa ang integrasyon; 2) kakulangan ng kaalaman sa magkakasamang asignatura at sa interaktibong pamamaraan; at 3)kakulangan ng mga gurong bihasa sa pamamaraang ito. Dagdag pa rito ang kakulangan ng panahon sa bawat markahan upang maituro ang mga kasanayang pampagkatuto, gayundin ang uri ng pagsusulit na ibinibigay ng mga dibisyon na karamihan ay mula sa batayang aklat. May mga guro ring negatibo ang pananaw sa integrasyon ng pagtuturo ng 4 na aralin sa paniniwalang kukulangin sila ng panahong maituro ang kasanayang pampagkatuto ng kanilang sariling asignatura. Mga Rekomendasyon: Dapat na magsagawa ng mga talakayan sa paaralan upang mabigyan ng solusyon ang mga suliranin kaugnay ng asignaturang Makabayan. Ayusin ang iskedyul ng mga gurong magtuturo ng Makabayan upang mabigyan sila ng pagkakataong maisagawa ang integrasyon. Imumungkahi sa mga Pansangay na Tagapamanihala na magtalaga ng mga paaralang susubok sa implementasyon ng Makabayan upang makita ang anumang suliraning kahaharapin ng mga guro kaugnay nito. 8. Ang magkakaibang paniniwala ng guro sa pagtuturo ng Edukasyong Pagpapahalaga

Mayroong mga gurong sang-ayon sa pagsasanib ng Edukasyong Pagpapahalaga sa lahat ng asignatura, at mayroon namang naniniwala na dapat itong ituro bilang hiwalay na asignatura. May nagmumungkahi na ang oras na inilaan sa pagtuturo ng Edukasyong Pagpapahalaga ay ilaan na lamang sa pagtuturo ng TLE at Araling Panlipunan.

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Page 39: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

14

Mga Rekomendasyon:

• Magsagawa ng mga action research ang mga guro ng Edukasyong Pagpapahalaga nang pangkatan.

• Pag-aralan at suriin ang pagtuturo ng Edukasyong Pagpapahalaga sa 2002 BEC bilang hiwalay na asignatura upang malaman kung mabisa ang ganitong pamamaraan.

9. Nagtuturo ang guro dahil sa pagsusulit at ang mga mag-aaral ay nag-aaral dahil may pagsusulit

Palasak pa rin ang paggamit ng mga tradisyunal na pagsusulit tulad ng may pagpipiliang sagot, balik-aral, at pag-unawa o komprehensyon. Hindi pa rin ginagamit ang rubrics, portfolio at iba pang awtentikong pagtataya. Mas ginagamit ng mga guro ang tradisyunal na pagsusulit dahil sa sumusunod na dahilan:

• Ito ang mga uri na ibinibigay sa mga pagsusulit

• Madaling iwasto.

• Madaling ihanda.

• Kakulangan ng kaalaman ng mga guro sa paghahanda ng mga awtentikong pagganap at pagtataya. Napag-alaman din na kulang ang kaalaman ng mga guro sa pagsusuri ng kinalabasan ng mga pagsusulit upang gawing batayan sa muling pagtuturo kung kinakailangan.

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Page 40: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

15

Mga Rekomendasyon: Suriin ang mga ibinibigay na pagsusulit, gayundin ang sistema ng pagbibigay ng marka o pagtataya ng mga guro. Suriin kung ang mga ito ay nakaangkla sa mga mithiin ng 2002 BEC. Iminumungkahi ang paggamit ng rubrics o awtentikong pagtataya upang higit na mabigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na maipakita ang kanyang kakayahan, at hindi ang tuon lamang ay maipasa ang pagsusulit. 10. Ang mga paaralan ay patungo na sa pagpapatupad ng Shared Governance

Marami na sa mga paaralan ang ipinatutupad ang R.A. 9155 o Shared Governance. Isinasama na ng ilang punong-guro ang mga stakeholder sa pagpaplano na may kaugnayan sa paaralan. Mga Rekomendasyon: Ipagpatuloy ng mga paaralan ang pagpapatupad ng R.A. 9155. Tiyaking ito’y makatutulong upang higit pang mapaunlad ang paaralan, kabilang ang kurikulum.

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Page 41: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

16

ANNEX B

Mga Gabay na Tanong sa Pagsasaayos ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman

• Masasalamin ba sa Pamantayang Pangnilalaman ang resulta o inaasahang bunga? Ang mahahalagang ideya, isyu, prinsipyo o konsepto na dapat matutuhan ng mag-aaral sa bawat asignatura na magagamit niya maging sa labas ng paaralan?

• Masusukat at matatamo ba ng mag-aaral ang mga binuong pamantayan?

Pamantayan sa Pagganap

• Masasalamin ba sa Pamantayan sa Pagganap ang mga kraytirya kung paano tatayain ang produkto o pagganap ng mag-aaral?

• Masasagot ba nito ang tanong na: Ano ang inaasahang magagawa ng mag-aaral?

Kakailanganing Pag-unawa

• Ito ba ang malalaki at mahahalagang konsepto na nais maipaunawa sa mag-aaral?

• Masasalamin ba dito ang mga pangunahing suliranin, isyu na dapat malaman ng mag-aaral?

Mahahalagang tanong

• Nakatuon ba ang mga tanong sa mahahalagang isyu o suliranin?

• Ang mga tanong ba ay masasagot ng Kakailanganing Pag-unawa?

• Ang mga tanong ba ay may kabuluhan sa buhay ng mag-aaral? Sa lipunan?

• Mapanghamon ba ang mga tanong?

• Ang mga tanong ba ay kaagad na masasagot ng mag-aaral?

• Akma ba ang mga tanong sa kawilihan, Edad at kakayahan ng mag-aaral?

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I

Page 42: 32920767 araling-panlipunan-i-secondary-education-curriculum-2010 (2)

17

Antas 2 Pagtataya

• Magkaugnay ba ang mga kraytirya sa gagawing pagtataya ng produkto/pagganap sa mga pamantayan?

• Malinaw ba at tiyak ang mga binuong kraytirya upang mapatunayan/mataya ang pag-unlad ng kakayahan ng mag-aaral sa pagtatamo

ng mga pamantayan? Produkto at Pagganap

• Mayroon bang mga ebidensya o patunay upang mataya ang mga pamantayan?

• Makikita ba ang iba’t ibang kakayahan at ang istilo ng pagkatuto ng mag-aaral?

• May pagpipilian ba ang mag-aaral?

• Mayroon bang isahan at pangkatang gawain? Antas 3 Mga Gawaing Instruksyunal

• Nakatutulong ba ang mga gawaing instruksyunal sa pagtatamo ng mga pamantayan?

• Nakatutulong ba ang mga gawaing instruksyunal upang matutuhan ng mag-aaral ang mahahalagang konsepto at proseso upang matamo ang mga pamantayan?

• Nakatutulong ba ang mga gawaing instruksyUnal upang maisagawa ng mag-aaral ang inaasahang produkto o pagganap upang mapatunayang natutuhan ng mag-aaral ang mahalagang konsepto?

• Nakatutulong ba ang mga gawaing instruksyonal upang maging aktibo ang mag-aaral?

• Ang pagganyak at panimulang gawain ba ay nakapupukaw ng kawilihan ng mag-aaral?

• Ang mga gawain ba ay nakatutulong upang matamo ng mag-aaral ang mga pamantayan? Sapat na ba ang mga gawain?

• Ang pangwakas na gawain ba ay nakaayon sa mga pamantayan? Nangangailangan ba ito na ipakita ng mag-aaral ang kanyang natutuhan/kakayahan kaugnay ng pamantayan?

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Araling Panlipunan I