2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf ·...

36
Nang Matuto Ka at Magising B a s i c L i t e r a c y L e a r n i n g M a t e r i a l B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N 2 Pag-aari ng Pamahalaan HINDI IPINAGBIBILI INSTRUCTIONAL MATERIALS COUNCIL SECRETARIAT, 2011 Reformatted for distribution via DepEd LEARNING RESOURCE MANAGEMENT and DEVELOPMENT SYSTEM PORTAL

Transcript of 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf ·...

Page 1: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

Nang Matuto Ka at Magising

B a s i c L i t e r a c y L e a r n i n g M a t e r i a lB u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m

d e p A r t M e N t o f e d u c A t i o N

2

Pag-aa

ri ng P

amah

alaan

HINDI IP

INAGBIB

ILI

INSTRUCTIONAL MATERIALS COUNCIL SECRETARIAT, 2011

Reformatted for distribution via DepEd LEARNING RESOURCE MANAGEMENT and DEVELOPMENT SYSTEM PORTAL

Page 2: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa
Page 3: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa
Page 4: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

1

Basahin NatinBasahin ang dayalogo. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Sa ospital nagkita ang magkumareng Nelia at Tuding…

Page 5: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

2

Page 6: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

3

Page 7: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

4

Page 8: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

5

Page 9: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

6

Subukin Natin

1) Nang magkasakit si Junjun, ibinili siya ni Aling Nelia ng gamot sa ubo sabotika sa halagang P 225.00. Bumili pa siya ng pampahid sa likod sahalagang P 150.00. Magkano lahat ang nabili niyang gamot?

2) Nang sumunod na linggo, lumala ang ubo ni Junjun. Bumili uli si AlingNelia ng gamot sa botika. Iba namang “brand” ang kanyang binili sa masmataas na halagang P 310.00. Binili pa niya ang gamot na inireseta ngdoktor na nagkakahalaga ng P 416.50. Magkano lahat ang nagastos niAling Nelia para sa ubo ni Junjun?

3) Kung ang badyet ni Aling Nelia sa gamot ni Junjun ay P 900.00, magkanoang naidagdag sa kanyang badyet?

Page 10: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

7

Alamin Natin

Aralin 1: Pagkilala, Paghahanda at Paggamitng mga Halamang Gamot

Halamang Maaaring Gawing Dekoksiyon

1. Sambong (para sa mga maysakit sa bato at sa mga binabalisawsaw)

Pagkilala:• Palumpong (shrub) na tumataas ng 3 metro• May bulo ang dahon

Paggamit:• Hatiin sa 3 bahagi ang inilagang gamot• Inumin sa umaga, tanghali at gabi

Paalala:• Hindi ito gamot sa impeksiyon sa bato o ihi.

Page 11: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

8

2. Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagongpanganak, tsaa para sa mga nagtatae, at mga namamagang gilagid)

Paggamit:

• Hugasan ng inilagang gamot ang sugat nang dalawang (2) beses.• Maaari rin itong ipainom sa sumasakit ang tiyan dahil sa pagtatae.• Magagamit din itong pangmumog sa namamagang gilagid.

3. Ulasimang Bato (para sa pampababa ng “uric acid” sa dugo)

Pagkilala:• Isang uri ng damo na makatas at hugis- puso ang dahon

Paghahanda/Paggamit:

• Salad− Hugasang mabuti ang mga dahon− Maghanda ng 1 ½ baso ng sariwang dahon− Hatiin sa 3 at kainin ito sa umaga, tanghali at gabi.

Page 12: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

9

• Dekoksiyon− Hugasang mabuti ang mga dahon− Maghanda ng 1 ½ baso ng sariwang dahon− Pakuluan ang dahon sa dalawang basong tubig sa mahinang

apoy sa loob ng 15 minuto− Huwag takpan ang palayok− Palamigin at salain− Hatiin sa 3 ang pinaglagaan at inumin ang bawat isa

sa umaga, tanghali at gabi pagkatapos kumain

4. Ampalaya (mabisang panlunas sa sakit na diyabetes)

Pagkilala:• Baging, namumulaklak, at namumunga• Bunga at dahon ay kinakaing gulay

Paggamit:• Inumin ang pinaglagaan 3 beses sa maghapon, 30 minuto

bago kumain• Ang murang dahon ay maaaring pasingawan at kainin (1/2 baso

2 beses maghapon)

Page 13: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

10

5. Lagundi (para sa hika at ubo)

Pagkilala:• Palumpong (shrub), tumataas nang may 5 metro

Paggamit:• Hatiin sa 3 ang pinaglagaan• Inumin ang bawat isa tuwing ika-apat na oras

Anu-ano ang ibang uri na dapat pag-ingatan? Bakit?

6. Herba Buena (para sa pananakit ng iba’t ibang bahagi ng katawan)

Pagkilala:• Halamang gumagapang na amoy mint• May apat na kanto ang tangkay at kulay berde• Ang dahon ay magkakatapat, magaspang, at kulubot.

Page 14: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

11

Paggamit:• Hatiin sa 3 ang pinaglagaan• Inumin ang bawat isa sa umaga, tanghali, at gabi• Maaaring dikdikin ang sariwang dahon at itapal sa bahaging

nananakit

7. Akapulko (para sa an-an, buni, galis-aso at alipunga)

Pagkilala:• Palumpong (shrub) na tumataas nang 3 metro o higit pa• May bulaklak na kulay dilaw na matatagpuan sa dulo ng mga

sanga• May maliliit na bunga na may maliliit na buto

Paggamit:• Ipahid ang katas sa apektadong balat 1-2 beses maghapon

Paalala:• Ang sariwang dahon ng akapulko ay maaaring gawing

dekoksiyon para sa may allergy

Page 15: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

12

• Magpakulo ng 1 basong tinadtad na dahon sa 2 basong tubig saloob ng 15 minuto o hanggang maging 1 baso na lamang

• Ihugas ito sa apektadong balat 1-2 beses maghapon

Tandaan NatinPaghahanda ng Halamang Gamot

Mga Kagamitan:

• Gumamit lamang ng palayok, enamel o anumang kagamitanghindi yari sa aluminum (para walang tingga ang nilutonggamot)

Paalala:A. Pagpapakulo

- hugasang mabuti ang mga dahon- maghanda ng 1 basong tinadtad na dahon at 2 basong

tubig

Page 16: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

13

- ilagay sa malinis na palayok at pakuluan sa mahinangapoy sa loob ng 15 minuto

- palamigin at salain

B. Pagsukat- Gumamit lamang ng isang uri ng panukat para sa dahon

at sa tubig.

C. Pagpili- Gamitin lamang ang bahagi ng halamang iminumungkahi.

D. Paggamit- Sundin ang wastong dosis- Gumamit lamang ng isang uri ng halaman sa bawat

sintomas o karamdaman- Ihinto ang paggamit ng halamang gamot kung

magkakaroon ng hindi kanais-nais na reaksiyon (tuladng allergy)

- Kung walang nararamdamang pagbabago pagkataposng 2 o 3 araw na paggamit, kumonsulta sa doktor.

Page 17: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

14

Mga Kagamitan sa Pagluluto

• kalan• palayok o stainless na lutuan• sandok na kahoy• baso• kutsilyo• boteng sisidlan

Mga Sangkap:

• asukal• tubig• kandila• mantika• halamang gamot

Page 18: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

15

Paggawa ng Dekoksiyon

• Ihanda ang mga kagamitan para sa pagluluto at mga sangkap

• Hugasang mabuti ang dahon

• Gayatin ang hinugasang dahon

• Pagsamahin ang isang takal na ginayat na halamang gamot at 2basong tubig (Sa bawat isang basong ginayat na dahon 2 basongtubig ang kailangan at sa pagtatakal ay siguruhing isang klaselang ng baso ang gagamitin para sa tubig at dahon)

• Pakuluan ng 15 minuto sa mahinang apoy (simulang orasan saunang pagkulo)

• Huwag takpan ang palayok sa pagpapakulo

• Salain ang pinaglagaang dahon sa isang malinis na baso omangkok (ang dekoksiyon ay maaaring gamitin sa loob ng2 araw)

Page 19: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

16

Paggawa ng Akapulko Ointment

• Hugasang mabuti ang sariwang dahon• Gayatin ang hinugasang dahon• Haluin ang isang basong ginayat na dahon sa isang basong

mantika, cooking oil o langis ng niyog.• Lutuin sa mantika hanggang lumutong ang dahon• Hanguin at salain

Page 20: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

17

Alamin Natin

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Bakit kailangang gumamit ng isterilisadong sisidlan sapag-iimbak ng halamang gamot?

2. Bakit ang palayok o stainless na lutuan ang dapatpagpakuluan ng dekoksiyon?

Page 21: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

18

Subukin Mo

Pagsunud-sunurin ang mga paraan ng tamang paghahanda nghalamang gamot sa pamamagitan ng pagsulat ng bilang 1-6 sa patlang.

Gayatin ang hinugasang dahon.

Ihanda ang mga kagamitan sa pagluluto at mga sangkap.

Salain ang pinaglagaang dahon sa isang malinis na basoo mangkok.

Hugasang mabuti ang dahon.

Pakuluan ng 15 minuto sa mahinang apoy (simulangorasan sa unang pagkulo).

Pagsamahin ang isang takal na ginayat na halamanggamot at 2 takal na tubig.

Page 22: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

19

Alam Mo Ba?

Lagyan ng tsek (!) ang patlang kung tama ang sinasabi ng pangungusapat ekis (") kung mali.

1. Mahalagang kilalaning mabuti ang mga halamanggamot bago gamitin.

2. Maaaring magkaibang takalan ang gamitin sapagtakal ng tubig at halamang gamot.

3. Gumamit lamang ng isang uri ng halaman sa bawatsintomas o karamdaman.

4. Itigil ang paggamit ng halamang gamot kapagnakaranas ng hindi kanais-nais na reaksyon tulad ngallergy.

5. Palayok o stainless na lutuan ang dapat pagpakuluanng dekoksyon.

Page 23: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

20

B. Piliin sa loob ng bilog ang mga pangalan ng halamang gamot natumutugon sa mga tanong. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

1. Magaling na lunas sa sakit ng tiyan

2. Mabisang gamot sa ubo at diyabetes

3. Panglanggas ng sugat, para sa namamagang gilagid

Page 24: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

21

4. Magaling na pampaligo sa mga bagong nanganak

5. Mabisang gamot sa mga binabalisawsaw at hindi maihi

BayabasSabila

SambongBanaba

Ampalaya

Tsaang-gubat

Page 25: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

22

Kwentahin NatinBasahin at sagutin ang mga suliraning sumusunod.

Si Aling Nelia ay naging interesado sa pag-iimbak ng mga halamanggamot ngunit wala siyang mga gamit sa paghahanda ng mga ito. Nagtayosila ng grupo ng kababaihan sa kanilang lugar at tinulungan sila ng mgaopisyal ng barangay upang makabili ng mga kasangkapan. Binigyan silang halagang P 1,500 para pambili ng mga kagamitan.

Ito ang kanilang binalak bilhin:• palayok - P 80.00• salaan - 55.00• baso - 26.50• kutsilyo - 77.25• kalan - 1,275.00• sandok na kahoy - 23.75

1. Magkano lahat ang kabuuang halaga ng bibilhin nilang kagamitan?2. Magkano ang halagang kailangan pa nila upang mabili lahat ang

kanilang kailangan?

Page 26: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

23

3. Kung ikaw ang pinabili, paano mo pagkakasyahin ang pera?

4. Ang isang takal ng halamang gamot ay nangangailangan ng 2 takalng tubig.

Kung 2 takal ng halamang gamot ang iyong inihanda, ilang takalna tubig ang dapat mong ilagay dito? Kung tatlo? Kung apat?

Page 27: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

24

Aralin 2: Botika sa Likod Bahay

Aba Pare, abalang-abalaka sa pagtatanim. Parasaan ba yan?

Di pa ba nakarating sa’yoang rebolusyong ginawa ngkababaihan sa ating lugar?

Page 28: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

25

Hindi Pare, ang ibig kongsabihin, nagtayo ngsamahan ang atingkababaihan para matulunganang ating komunidad namaging maayos.

Ano!, Rebolusyon? Sumali naba sila sa mga maka-kaliwa?.....Aba!....di ko alamyun ah! Eh, ano naman angkaugnayan niyang pagtatanimmo?

Page 29: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

26

Magandang umaga Mare!E, ano ba ang sadya mo saKumare mo? Sabihin mo nanang hindi ka na maabala.

Aba Pareng Larry! Buti’tnapadaan ka, balak ko pasanang dumaan sa inyo paramakausap si Mare. Tayo na sabahay muna at makapagkape.

Page 30: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

27

Mabuti pa nga Pare, may proyekto kasi angmga kababaihan na mapaunlad angpagtatanim ng mga halamang gamot, at angbawat pamilya ay maakit na magtanim ngsariling halamang gamot.

Ganun ba! Kaya ba kaninapang umaga abala si Paresa pagtatanim? Aba’y sigeMare, maasahan mo angpakikiisa namin.

Page 31: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

28

Pag-usapan Natin

Sagutin ang mga tanong tungkol sa binasang sagutan.

1. Bakit mahalaga ang proyekto ng kababaihan?

2. Kung kasapi ka ng samahang ito, ano sa palagay mo ang kayamong maiambag upang magtagumpay ang proyektong ito?

3. Sa palagay mo ba kailangan din ng inyong komunidad ang mgaganitong proyekto ?

Page 32: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

29

Tandaan NatinKung nais mong magkaroon ng botika sa likod ng iyong bahay, narito ang dapat mongisaalang-alang

• PagtatanimPumutol ng sangang may tatlong buko

• Patulisin ang dulo ng sanga at ibaon ito sa lupa hanggangsa bahaging may kasamang isang buko.

• Pag-aalaga• Ilagay sa lilim ang bagong tanim sa loob ng 2 linggo• Diligan araw-araw• Gumamit lamang ng natural na pataba gaya ng dumi ng manok, bulok na dahon,

at iba pa,• Huwag gumamit ng pestisidyo dahil ito’y maaaring mag-iwan ng lason sa halaman• Panatilihing malinis ang paligid ng halaman

• Pag-aani• Anihin lamang ang malulusog na dahon• Patuyuin sa mahangin at malilim na lugar hanggang maging malutong ang dahon• Iwasang mapabilad ang dahon sa init ng araw

• Pag-iimbak• Ilagay sa plastik ang pinatuyong dahon• Iimbak sa garapong may kulay na may uling• Takpang mabuti

Page 33: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

30

Subukin MoLagyan ng ! (tsek) ang lahat ng patlang ng tamang sagot.

1. Magiging magandang halimbawa ka ng iyong komunidad kungikaw ay

tumutulong sa pagkakalat ng basuramahilig maghatid ng mga tsismistumutulong sa pagpaparami ng mga halamang gamothindi lumalabas ng bahay

2. Ang mga asawang lalaki o bana na tumutulong sa kababaihan sainilunsad nilang rebolusyon ay

under de sayamabuting kabiyakmay malasakit sa komunidadnagbibigay inspirasyon sa kababaihan

3. Kung ikaw ay walang lugar na pagtataniman ano ang maaari monggawin upang makatulong sa proyekto ?

magtanim sa mga lata at supot na plastikmanguha sa ibang barangay ng mga pananimsirain ang pananim ng iba

Page 34: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

31

Alam Mo Na Ba?

A. Isulat ang titik ng salita sa patlang ayon sa sinasabi ng pangungusap.

A B C D

Pagtatanim Pag-aalaga Pag-aani Pag-iimbak

1. Ilagay sa lilim ang bagong tanim sa loob ng 2 linggo.2. Anihin lamang ang malulusog na dahon.3. Ilagay sa plastik ang pinatuyong dahon.4. Patulisin ang dulo ng sanga at ibaon sa lupa.5. Gumamit lamang ng natural na pataba.6. Panatilihing malinis ang paligid ng halaman.7. Iwasang mapabilad ang dahon sa init ng araw.8. Iimbak sa garapong may kulay at lagyan ng uling.9. Patuyuin sa mahangin at malilim na lugar hanggang maging

malutong ang dahon.

Page 35: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

32

B. Sundin ang sinasabi ng panuto.

1. Ang sanga na itinatanim sa halamang gamot ay dapat na may 3buko. Kung tama ito gumuhit ka ng bulaklak sa kahon, kung malinaman, gumuhit ng dahon.

2. Sa pag-aani ng halamang gamot, siguraduhing hanggang sa ugatang makukuha mo upang ito’y maging mabisa. Kung sang-ayon kadito, lagyan mo ng tatlong titik B ang bawat bilog. Kung hindi kasang-ayon, lagyan mo ng mga ekis (x) ang bawat bilog nito.

Page 36: 2 Nang Matuto Ka at Magisingalslauniondivision.wikispaces.com/file/view/Nang+Matuto+MOD+v2.0.pdf · Bayabas (para sa panlanggas ng sugat, pampaligo ng mga bagong ... hindi yari sa

33

3. Alin sa mga pahayag na sumusunod ang walang kaugnayan saparaan ng pag-aalaga ng halamang gamot. Iguhit mo sa katapatna patlang nito ang limang (5) ekis.

Ilagay sa lilim ang bagong tanim sa loob ng isanglinggo.Diligan araw-araw.Kainin ang mga bunga ng puno.Gumamit lamang ng mga natural na pataba.Huwag gumamit ng pestisidyo.