1ST GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/.../10/KOMUNIKASYON-AT...MODYUL-3.pdfng wika ang...

25
1 Senior High School Kuwarter 1 - Modyul 3 Mga Gamit ng Wika sa Lipunan _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2.0

Transcript of 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/.../10/KOMUNIKASYON-AT...MODYUL-3.pdfng wika ang...

  • 1

    Senior High School

    Kuwarter 1 - Modyul 3

    Mga Gamit ng Wika sa Lipunan

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 2

    Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Mga Konseptong Pangwika Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang

    akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng

    pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing

    ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

    Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,

    palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.

    Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaang-

    kin ng mga tagapaglathala at may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito

    ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

    Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang

    pahintulot sa Kagawaran.

    Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

    Kalihim: Leonor Magtolis Briones

    Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

    Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

    Manunulat: Marianne Y. Monzolin

    Editor: Lorna P. Almirante

    Tagasuri: Dr. Clavel D. Salinas

    Marivic M. Yballe (Moderator)

    Tagaguhit: Marianne Y. Monzolin

    Tagapamahala: Dr. Marilyn S. Andales Schools Division Superintendent

    Dr. Leah B. Apao Assistant Schools Division Superintendent

    Dr. Ester A. Futalan Assistant Schools Division Superintendent

    Dr. Cartesa M. Perico Assistant Schools Division Superintendent

    Dr. Mary Ann P. Flores CID Chief

    Dr. Novie O Mangubat SGOD Chief

    Mr. Isaiash T. Wagas LR Focal Person

    Dr. Clavel D. Salinas EPS for SHS

    Lorna P. Almirante Evaluator

    Inilimbag sa Pilipinas ng :

    Kagawaran ng Edukasyon — Rehiyon VII, Sangay ng Cebu Province

    Office Address IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City 6000 Cebu

    Telephone Number: (032) 520-3216 – 520-3217

    E-mail Address: [email protected]

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 3

    Unang Markahan—Modyul 3

    Gamit ng Wika sa Lipunan

    IKATLONG LINGGO

    ni:

    MARIANNE Y. MONZOLIN

    SHS Teacher II

    Juan Pamplona National High School

    Tabuelan, Cebu

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 4

    Panimula

    Sa ilalim ng K to 12 Basic Education Curriculum, ang Komunikasyon at

    Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ay itinuturing na isa sa mga Core Sub-

    jects para sa Senior High School. Binibigyang pokus dito ang pag-aaral tungkol sa

    pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit at paggamit ng wikang

    Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino.

    Ang modyul na ito ay idenisenyo sa kasalukuyang panahon kung saan na-

    harap sa krisis ang bansa at ang buong mundo dulot ng COVID-19. Sa pamamagi-

    tan nito, maaaring maipagpapatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan kahit nasa ba-

    hay lamang.

    Hangad ng gumawa na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay maihatid sa

    mga kabataang mag-aaral ang kinakailangang kaalaman upang matugunan ang

    hinihingi ng asignaturang ito. Inaasahan na makaaangkop ang modyul na ito sa pan-

    gangailangan ng mga mag-aaral na malinang ang kanilang kakayahan sa paggamit

    ng wika sa pasalita at pasulat na pakikipagtalastasan na isinasaalang-alang ang

    mga tuntunin at pagbaybay ng mga salita sa Filipino.

    Para sa ikatlong linggo, inaasahan na matutunan ng mga mag-aaral sa modyul

    na ito ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan at mapagtanto ang kahalagahan nito

    sa pagkakaisa ng mga lipunang Pilipino. Ang lubusang pag-unawa tungkol sa gamit

    ng wika ang magsisilbing tulay tungo sa paglinang ng kakayahang komunikatibo ng

    mga kabataang mag-aaral. Mahalagang malinang ang kakayahan ng mga kabataan

    sa komunikasyon dahil malaking tulong ito sa paghulma sa kanilang pagkatao tungo

    sa malayang pagpapahayag ng kaisipan, adhikain, damdamin at saloobin.

    Inaasahang magsisilbing tanglaw ang modyul na ito upang magiging madali,

    epektibo, at kapaki-pakinabang ang pagkatuto sa asignaturang ito.

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 5

    Ang modyul na ito ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi:

    Dito inilalatag ang mga layuning inaaasahang matatamo sa

    pagtatapos ng modyul. Matatamo lamang ito gamit ang

    iba’ibang pamamaraan sa pagtuturo tungo sa pagkatuto

    Ito ang bahagi kung saan tinataya ang kakayahan at kaala-

    man ng mga mag-aaral sa mga araling dapat niyang matutu-

    han at kung alin ang dapat pang palawakin at linangin

    Ito ang mga gawaing sinubok ang dating kaalaman ng mag-

    aaral bilang panukat sa kanilang natutuhan

    Sa bahaging ito, sinusubok ang mapanuring pag-unawa ng

    mga mag-aaral sa asignatura sa pamamagitan ng paglatag

    ng mga gawain

    Dito itinatampok ang paksa ng araling tatalakayin upang ma-

    linang ang kasanayan ng mga mag-aaral

    Sa bahaging ito, ipinahahayag ang mahalagang pag-unawa

    tungkol sa paksang tinalakay

    Binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mapag-

    isipan ang kabuluhan ng mga kaalamang natamo bago

    magpatuloy sa susunod na bahagi

    Sinusubok ang lalim ng pag-unawa ng mag-aaral sa kabuuan

    ng aralin

    Ito ang mga gawaing hahamon sa mga mag-aaral na ilapat

    ang kanilang natutunan sa mga aktuwal na sitwasyon o ma-

    katotohanang konteksto.

    Dito tinataya ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral

    kaugnay sa kabuuang araling tinalakay.

    Ito ang mga karagdagang babasahin o gawain na magpapa-

    lawig sa talakayan na susubok at hahasa sa tibay ng pag-

    unawa ng mga mag-aaral. Maaari itong nakalimbag o mula

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 6

    Basahin at unawain ang bawat pahayag sa ibaba. Sagutin ang hinihingi ng bawat

    bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot na iyong napili.

    1. Isang lingguwistang Briton na bumuo sa kinilalang modelo ng sistematikong gamit

    at tungkulin ng wika.

    A. Dell Hymes

    B. M.A.K. Halliday

    C. Bygate (1987)

    D. Edgar Sturtevant

    2. Nagagamit ang wika upang ipahayag ang nararamdaman, opinion at sariling iden-

    tidad.

    A. Pampersonal

    B. Pang-interaksyonal

    C. Panregulatori

    D. Pang-instrumental

    3. Nagagamit ang wika upang makakuha ng kaalaman tungkol sa kapaligiran. Halimba-

    wa nito ang riserts, pagtatanong, at pag-eeksperimento.

    A. pang-imahinasyon

    B. Pang-representasyonal

    C. Impormatibo

    D. Pangheuristiko

    4. Nagagamit ang wika sa pagbibigay at pagpapalitan ng katotohanan at impormasyon

    tulad ng pagbabalita, pag-uulat, pagpapaliwanag at pagtuturo.

    A. pampersonal

    B. Pang-interaksyonal

    C. Pangrepresentasyonal

    D. Pang-instrumental

    5. Nagagamit ang wika upang magbigay ng patakaran, magbigay ng pahintulot o

    pagbabawal, pagsang-ayon o di pagsang-ayon

    A. pang-imahinasyon

    B. Pangrepresentasyonal

    C. Panregulatori

    D. Pang-interaksyonal

  • 7

    Basahin ang bawat pahayag at isulat sa patlang kung ito ay BICS (Basic Interper-

    sonal Communicative Skills) o CALP (Cognitive Academic Language Proficiency)

    _________1. Nag-email si Josef sa kaniyang magulang na nasa Canada ngayon.

    _________2. Nagtalumpati ang pangulo ng unibersidad sa harap ng mga estudyante sa

    unang araw ng pasukan.

    _________3. Isang tula ang sinulat ni Adrian para sa kaniyang nililigawan.

    _________4. Ibinalita sa telebisyon ang magaganap na nationawide transport strike sa

    susunod na araw.

    _________5. Sumulat si Eric sa administrasyon ng unibersidad upang ipahayag ang

    kaniyang pagkabahala sa pagtaas ng matricula.

    _________6. Ininterbyu ni Jessica ang gobernadora upang alamin ang tungkulin nito at

    ang mga proyektong nagawa sa lalawigan.

    _________7. Sumulat ng kanta si Mark tungkol sa kanyang nililigawan.

    _________8. Nagsaliksik ang mga estudyante sa sanhi at bunga ng global warming.

    _________9. May isang dayo na nagtanong sa iyo kung saan matatagpuan ang pinaka-

    malapit na estasyon ng pulis mula sa inyong kinatatayuan.

    _________10. Sumagot ka at sinabi mo kung ano ang sasakyan niya, kung saan siya

    bababa at kung anong kalye ang patutunguhan niya.

    _________11. Inutusan ng ina ang kanyang anak na linisin ang kuwarto dahil may

    darating na bisita.

    _________12. Sumulat si Edna sa kompanya upang mamasukan bilang Sekretarya.

    _________13. Iniulat ng bawat estudyante sa harap ng kalse ang kasaysayan ng kanil-

    ang pinaggalingang lalawigan.

    _________14. Pinagbawalan si Carla ng kanyang magulang na gumimik kasama ang

    barkada.

    _________15. Nagpalitan ng mensahe sa facebook ang magkaibigang Claire at

    Michelle upang kumustahin ang isa’t isa.

  • 8

    Kasanayang Pampagkatuto:

    1. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-

    unawa sa mga konseptong pangwika (F11EP – Ic – 30);

    2. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (F11PT – Ic – 86)

    Ano ang mga dapat asahan sa modyul na ito?

    Narito ang mga inaasahang magawa ng mga mag-aaral :

    1. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan;

    2. Nakabubuo ng isang maikling dayalog batay sa nakitang larawan gamit ang iba’t ibang gamit

    ng wika sa lipunan;

    3. Napahahalagahan ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 9

    Natatandaan mo pa ba ang paksang nabasa mo noong

    nakaraan linggo?

    Kung ganoon, balikan natin ang iyong natutunan hing-

    gil sa mga konseptong pangwika bago tayo dumako sa pani-

    bagong paksa.

    1. Ano ba ang Unang wika? Ikalawang wika? Ikatlong

    wika?

    ___________________________________________

    _______________________________________________

    2. Paano ba masasabi na ang isang tao ay Monolingguwal?

    Bilingguwal? At Multilingguwal?

    ___________________________________________

    ________________________________________________

    _________________________________________________

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 10

    Gawain 3. Ano ‘ka mo?

    PANUTO: Pag-aralan nang mabuti ang mga larawan sa ibaba. Isulat sa kahon ang nais ipa-

    hayag ng tao hinggil sa kanyang iniisip. Maaaring bumuo ng dayalog kung kinakailangan.

    1.

    2.

    3.

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 11

    4.

    5.

  • 12

    Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon. Gingamit ito ng tao sa lahat ng bagay kung

    kaya ito ay itinuturing na napakahalagang aspeto sa buhay ng tao. Ito rin ang ikinaiba ng tao sa

    lahat ng nilikha ng Diyos. Dahil sa wika, nagkakaroon ng kasangkapan ang tao na makiisa sa

    lipunang kanyang kinabibilangan.

    GAMIT NG WIKA

    Madalas banggitin ang pangalan ni Michael Alexander Kirkwood Halliday o mas kilalang

    M.A.K Halliday sa pag-aaral ng pagpapaunlad sa pagkatuto ng wika. Isa siyang lingguwistang

    Briton na bumuo sa kinilalang modelo ng sistematikong gamit at tungkulin ng wika.

    Ang wika ay ginagamit ayon sa pangangailangan ng tao. Ito ang nagsisilbing kasangkapan

    upang maipahayag ng tao ang kanyang hinahangad at maisagawa niya ang kanyang mga nina-

    nais. Sa madaling salita, may particular na gamit o tungkulin ang wika at ito ay nakabatay sa

    pangangailangan o paggagamitan ng tao.

    Inilahad ni Halliday (1973) ang pitong gamit ng wika na makikita sa murang edad ng mga

    bata. Ayon sa kanya, ang mga bata ay naggaganyak na madebelop ang wika dahil ito’y nagbib-

    igay sa kanila ng iba’t ibang gamit at tungkulin sa pakikisalamuha sa kapwa.

    MGA GAMIT PALIWANAG HALIMBAWA

    Pang-instrumental Nagagamit ang wika upang mai-

    pahayag ang kanyang pangan-

    gailangan tulad ng pakikipag-

    usap

    “Gusto kong kumain.”

    (berbal na pagpapahyag, pag-

    mumungkahi, pakikiusap)

    Panregulatori Nagangamit ang wika upang

    sabihin sa iba kung ano ang

    dapat gawin

    “Huwag kang pumasok dito.”

    (pagbibigay ng patakaran, pagbibigay

    ng pahintulot o pagbabawal, pagsang-

    ayon o di pagsang-ayon)

    Pang-interaksyunal Nagagamit ang wika upang

    bumuo ng relasyon o ugnayan

    “ikanalulugod kitang makilala, Piolo.”

    (pagbati, pag-iimbita, pasasalamat,

    paggamit ng wika ng tahanan o di-

    yalekto)

    Pampersonal Nagagamit ang wika upang ipa-

    hayag ang nararamdaman,

    opinion at sariling identidad

    “Sa tingin ko, wala talagang

    magkakagusto sa akin.”

    (pagpapahayag ng sariling damdamin:

    galit, tuwa, lungkot, hinanakit,gulat,

    atbp.)

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 13

    Kung titingnan ang mga naunang ibinigay na mga gamit ng wika, ay makikita na ginagamit

    ng tao ang wika upang matugunan ang kanyang interpersonal na pangangailangan sa pagpapa-

    hayag ng saloobin. Sa madaling salita, kumbersasyunal ang dating ng mga naunang binanggit

    ng mga gamit ng wika o mas kilala sa tinatawag na BICS o Basic Interpersonal Communicative

    Skills.

    Ang pangrepresentasyunal, pangheuristiko at pang-imahinayon ay mataas na tungkilin ng

    wika o mas kilala sa Cognitive Academic Language Proficiency (CALP).

    MGA GAMIT PALIWANAG HALIMBAWA

    Panrepresentasyunal Nagagamit ang wika sa pag-

    bibigay at pagpapalitan ng

    katotohanan at impormasyon

    (pagbabalita, pag-uulat, pagpapaliwa-

    nag, pagtuturo)

    Pangheuristiko Gamit ng wika bilang

    kagamitan sa pagkatuto ng

    mga kaalaman at pag-

    unawa . Ang gamit na ito ang

    batayan ng kaalaman sa iba-

    ibang disiplina. Isang paraan

    upang ipakilala ang

    kabataan sa gamit na ito ng

    wika ang pormal na edukasy-

    on.

    (pagtatanong, pangangatwiran, pag-

    bibigay kongklusyon, paggawa ng

    haypotesis, pagbibigay katuturan,

    pagsubok/pagtuklas, pagbibigay

    puna, pagsusuri, pag-eeksperimento,

    at iba pa)

    Pang-imahinasyon Nagagamit ang wika upang

    maipahayag ang malikhaing

    kaisipan. Pinahihintulutan din

    ditto ang paglagay ng sarili

    sa katauhan ng mga naba-

    basa/nakikita sa telebisyon.

    Pinahahalagahan ang gamit

    na imahinatibo kung nag-

    bubunga ito ng artistikong

    paglikha ngunit sa kara-

    mihan, nagsisilbi itong isang

    susi sa mga pagkakataon

    sa paglikha at pagtakas sa

    katotohanan.

    (pag-awit ng isang mang-aawit,

    paglalaro ng malikot na isip ng maka-

    ta, mga larong pangwika, panunukso,

    panunudyo, pagsalaysay nang labis,

    pagtula, pagbibiro, at iba pa) ilan

    lamang ito sa mga pagkakataong

    gamit ng imahinatibo ng wika upang

    aliwin ang sarili o ibang tao

    - Sipi mula kay G. Montera at N. Plasecia. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino: Phiazarra Pub. House, Corp. p.29-31

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 14

    Ayon kay Halliday, habang nagkakaedad ang bata, nakadedebelop na siya ng mga ideya

    o kaisipan. Siya’y nag-iisip, nagsusuri, lumilikha, nagtatanong ng mga kaalaman, nakikisangkot

    sa mga usapin at nagbibigay ng pananaw ayon sa kaniyang paniniwala at desisyon.

    BASIC INTERPERSONAL COMMUNICATIVE SKILLS (BICS)

    at

    CONGNITIVE ACADEMIC LANGUAGE PROFICIENCY (CALP)

    Ang akronim na BICS at CALP ay tumutukoy sa distinksyon na ipinakilala ni Cummins

    (1979) sa pagitan ng Basic Interpersonal Communicative Skills at Cognitive Academic Lan-

    guage Proficiency.

    Ang BICS ay tumutukoy sa pang-araw-araw na tungkulin ng wika sa tao. Halimbawa nito

    ang pakikiusap (request), pagmumungkahi (suggest), paghingi ng pahintulot (asking permis-

    sion), pagbabawal (restrict, prohibit), pagsang-ayon (approval), pagbati (greet), pag-imbita

    (invite), pasasalamat (giving thanks), at iba’t ibang pagpapahayag ng sarili: galit, tuwa, lungkot,

    hinanakit, gulat at iba pa. (De Guzman, et.al., 2013)

    Ang CALP ay tinatawag rin akademikong wika sapagkat kadalasan itong ginagamit sa

    mga sitwasyong pangklase at iba pang sitwasyong nangangailangan ng kritikal na pag-iisip o

    mataas na antas ng pag-iisip.

    Samakatuwid ang BICS ay kadalasang gamit ng wika sa pang-araw-araw na pamumuhay

    ng tao. Gingamit ito sa loob ng tahanan, sa pakikipag-usap sa kapwa at maging sa sarili kung

    kaya nabibilang ditto ang pang-instrumental, panregulatori, pang-interaksyunal at pampersonal

    na gamit ng wika. Malinaw na gumagamit ito ng kumbersasyunal na paraan ng pakikipag-

    ugnayan. Sa ibang banda, ang CALP naman na kinabibilangan ng pangheuristiko, pang-

    imahinasyon at panregulatori ay mataas na antas na ang kinakailangan sa pagpapahayag at

    pakikipag-ugnayan at kadalasang nangyayari sa loob ng paaralan. Kung iisipin ang mga

    halimbawang gamit ng wika sa nabibilang sa CALP ay kadalasang ginagawa ng mga

    kabataang mag-aaral sa loob ng paaralan.

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 15

    https://ecdn.teacherspayteachers.com/thumbitem/CommUNITY-Pronouns-for-Learning-Language-Clip-Art-38-Pieces-BW-and-COLOR--4032343-1536063877/original-4032343-4.jpg

    “Napakahalaga pala ng mga gamit

    ng wika, ‘no? Ibahagi mo naman

    sa akin ang iyong masasabi

    tungkol sa larawan sa itaas. Isulat

    sa kahon ang kahalagahan ng

    gamit ng wika sa lipunan batay sa

    larawang ipinakita”

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 16

    Panuto: Basahin nang mabuti ang mga pahayag sa bawat aytem. Piliin ang tamang sagot sa

    mga pagpipilian. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

    1. Litong-lito si Emman sa dami ng nakatakdang Gawain kaya naisipan nalamang niyang

    pumunta sa silid-aklatan upang magsaliksik.

    A. instrumental

    B. Heuristik

    C. Imahinatibo

    D. Regulatori

    2. Naging maayos ang pag-uusap sa pagitan ng mga bansang Pilipinas at China at human-

    tong sa pagkakaroon ng kasunduan upang malutas ang sigalot sa pinag-aagawang teritoryo

    ng dalawang bansa sa West Phillipine Sea.

    A. Personal

    B. Imahinatibo

    C. Regulatori

    D. Heuristic

    3. Simula nang maglagay ng mga babala ang MMDA sa mga kalsada, nabawasan ang mga

    aksidenteng dulot ng hindi pagtawid sa tamang tawiran.

    A. interaksyunal

    B. Instrumental

    C. Personal

    D. Regulatori

    4. Marami ang dumalo sa panayam ni Pangulong Duterte tungkol sa kaniyang layuning ma-

    sugpo ang kriminalidad sa bansa kamakailan lamang.

    A. heuristic

    B. pangrepresentasyonal

    C. Imahinatibo

    D. Instrumental

    5. Nahirapan si Johanne sa pagbabagong nangyayari sa kanyang buhay kaya naman nag-

    simula siyang magsulat ng mga saloobin niya sa kaniyang talaarawan.

    A. interaksyunal

    B. Heuristic

    C. Personal

    D. Regulatori

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 17

    6. Masayang nagbabatian at nagkakkamustahan ang mga tao sa pagdiriwang ng ikalabing-

    walong taong kaarawan ni Marie.

    A. impormatibo

    B. Interaksyunal

    C. Instrumental

    D. Imahinatibo

    7. Bagaman unang subok ni Nessa na magluto ng cake naging masarap ang kinalabasan ng

    kanyang luto dahil matamang sinunod niya ang pamamaraan ng pagluto nito.

    A. personal

    B. Heuristiko

    C. Imahinatibo

    D. Regulatori

    8. Marami na sa mga kabataan ngayon ang nanonood at nakikinig ng makabagong tula da-

    hil sa mga matalinghaga at masining na pagpapahayag.

    A. imahinatibo

    B. Interaksyunal

    C. Regulatori

    D. Instrumental

    9. Nanood kami kagabi ng pag-uulat sa telebisyon tungkol sa paparating na bagyo sa ating

    bansa.

    A. heuristiko

    B. Impormatibo

    C. Personal

    D. Instrumental

    10. Nahumaling si Alvin sa Nakita niyang patalastas na may tagline na “wala pa ring tatalo

    sa Alaska!” kaya bumili siya nito.

    A. imahinatibo

    B. Regulatori

    C. Instrumental

    D. Interaksyunal

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 18

    Panuto. Gumawa ng dayalog mula sa larawan.

    https://cdn3.vectorstock.com/i/1000x1000/85/32/conversing-people-in-flat-vector-23258532.jpg

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 19

    Basahin at unawain ang bawat pahayag sa ibaba. Sagutin ang hinihingi ng bawat

    bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot na iyong napili.

    1. Isang lingguwistang Briton na bumuo sa kinilalang modelo ng sistematikong gamit

    at tungkulin ng wika.

    A. Dell Hymes

    B. M.A.K. Halliday

    C. Bygate (1987)

    D. Edgar Sturtevant

    2. Nagagamit ang wika upang ipahayag ang nararamdaman, opinion at sariling iden-

    tidad.

    A. Pampersonal

    B. Pang-interaksyonal

    C. Panregulatori

    D. Pang-instrumental

    3. Nagagamit ang wika upang makakuha ng kaalaman tungkol sa kapaligiran. Halimba-

    wa nito ang riserts, pagtatanong, at pag-eeksperimento.

    A. pang-imahinasyon

    B. Pang-representasyonal

    C. Impormatibo

    D. Pangheuristiko

    4. Nagagamit ang wika sa pagbibigay at pagpapalitan ng katotohanan at impormasyon

    tulad ng pagbabalita, pag-uulat, pagpapaliwanag at pagtuturo.

    A. pampersonal

    B. Pang-interaksyonal

    C. Pangrepresentasyonal

    D. Pang-instrumental

    5. Nagagamit ang wika upang magbigay ng patakaran, magbigay ng pahintulot o

    pagbabawal, pagsang-ayon o di pagsang-ayon

    A. pang-imahinasyon

    B. Pangrepresentasyonal

    C. Panregulatori

    D. Pang-interaksyonal

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 20

    Basahin ang bawat pahayag at isulat sa patlang kung ito ay BICS (Basic Interper-

    sonal Communicative Skills) o CALP (Cognitive Academic Language Proficiency)

    _________1. Nag-email si Josef sa kaniyang magulang na nasa Canada ngayon.

    _________2. Nagtalumpati ang pangulo ng unibersidad sa harap ng mga estudyante sa

    unang araw ng pasukan.

    _________3. Isang tula ang sinulat ni Adrian para sa kaniyang nililigawan.

    _________4. Ibinalita sa telebisyon ang magaganap na nationawide transport strike sa

    susunod na araw.

    _________5. Sumulat si Eric sa administrasyon ng unibersidad upang ipahayag ang

    kaniyang pagkabahala sa pagtaas ng matricula.

    _________6. Ininterbyu ni Jessica ang gobernadora upang alamin ang tungkulin nito at

    ang mga proyektong nagawa sa lalawigan.

    _________7. Sumulat ng kanta si Mark tungkol sa kanyang nililigawan.

    _________8. Nagsaliksik ang mga estudyante sa sanhi at bunga ng global warming.

    _________9. May isang dayo na nagtanong sa iyo kung saan matatagpuan ang pinaka-

    malapit na estasyon ng pulis mula sa inyong kinatatayuan.

    _________10. Sumagot ka at sinabi mo kung ano ang sasakyan niya, kung saan siya

    bababa at kung anong kalye ang patutunguhan niya.

    _________11. Inutusan ng ina ang kanyang anak na linisin ang kuwarto dahil may

    darating na bisita.

    _________12. Sumulat si Edna sa kompanya upang mamasukan bilang Sekretarya.

    _________13. Iniulat ng bawat estudyante sa harap ng kalse ang kasaysayan ng kanil-

    ang pinaggalingang lalawigan.

    _________14. Pinagbawalan si Carla ng kanyang magulang na gumimik kasama ang

    barkada.

    _________15. Nagpalitan ng mensahe sa facebook ang magkaibigang Claire at

    Michelle upang kumustahin ang isa’t isa.

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 21

    Bisitahin ang inyong mga Social Media (SocMed) Accounts: Facebook, Twitter, Instagram

    at iba pa. Pumili ng limang (5) posts mula sa inyong mga kaibigan at tukuyin kung anong gamit

    ng wika ang ipinapakita sa naturang post. Kung sa wikang Ingles nakasulat ang post ay maaari

    itong gamitin subalit kailangang isalin ito sa wikang Filipino.

    Natapos mo rin ang

    ikatlong Modyul,

    klasmeyt.

    Magaling!!! Kita kits ulit

    tayo sa susunod.

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 22

    Panimulang pagtataya BICS o CALP

    1. B 1. BICS 6. CALP 11. BICS

    2. A 2. CALP 7. CALP 12. BICS

    3. D 3. CALP 8. CALP 13. CALP

    4. C 4. CALP 9. BICS 14. BICS

    5. C 5. BICS 10. BICS 15. BICS

    Pababalik-aral

    1. Unang wika—ang unang wika ay tinatawag din bilang katutubong wika. Ito ay arterial na

    wika na natutunan natin mula ng tayo’y isinilang

    Ang pangawalang wika, ayon sa dalubwika ay tumutukoy sa alinmang wikang natutuhan ng

    isang tao matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang kanyang sariling wika.

    Ikatlong wika. Sa mga taong nasa labas ng katagalugan, ito ang wikang Ingles. Sa orihinal

    na kahulugan ang ikatlong wika ay wikang kasunod na natutunan matapos ang pangalawang

    wika.. Ito ang wikang natutunan sa tulong ng telebisyon, radio at mga kakilala

    2. Ang isang tao ay maituturing na monolingguwal kung siya ay nakapagsasalita at nakauuna-

    wa ng iisang wika lamang, bilingguwal naman kung siya ay matatas sa dalawang wika at mul-

    tilingguwal naman ang isang tao kung siya ay may sapat na kaalaman at pag-unawa sa higit

    sa dalawang wika.

    Gawain 3. Ano ‘ka mo?

    Iba-iba ng sagot. Nasa guro ang pagpapasya kung ilan ang ibibigay na marka.

    Pagnilayin

    Mahalaga ang gamit ng wika sa lipunan sapagkat naipapakita nito ang mga sumusunod:

    • Nakatutulong ito sa pagpapahayag ng sariling kaisipan

    • Nakatutulong ito sa pagkakaroon ng ugnayan sa mga kaibigan gayundin sa lipunang gi-

    nagalawan

    • Nagkakaroon ng pagkakaintindihan ang dalawang taong may magkaibang kinalakihang

    kultura at paniniwala

    • Nakakamit ng tao ang kanyang mga ninanais gamit ang wika

    Subukin ang natutuhan

    1. B 6. B

    2. C 7. B

    3. D 8. A

    4. D 9. B

    5. C 10. A

    Susi ng Pagwawasto

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 23

    Ilapat ang natutuhan

    Iba-iba ng sagot. Nasa guro ang pagpapasya kung ilan ang ibibigay na marka.

    Pangwakas na pagtataya

    1. B

    2. A

    3. D

    4. C

    5. C

    BICS O CALP

    BICS O CALP

    1. BICS

    2. CALP

    3. CALP

    4. CALP

    5. BICS

    6. CALP

    7. CALP

    8. CALP

    9. BICS

    10. BICS

    11. BICS

    12.CALP

    13. CALP

    14. BICS

    15. BICS

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

  • 24

    TALASANGGUNIAN

    Aklat

    Montera, Godfrey G., Plasencia, Norly R. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura.

    Komprehensibong Sanayang-Aklat sa Filipino para sa Senior High School. Phiazarra

    Publishing House, Corp.

    Eletronikong sanggunian

    https://www.slideshare.net/pesiaplaza6291/ang-tungkulin-ng-wika

    https://www.researchgate.net/profile/Jim_Cummins5/publica-tion/242539680_Basic_Interpersonal_Communicative_Skills_and_Cognitive_Academic_Language_Proficiency/links/0deec534e935738b3a000000/Basic-Interpersonal-Communicative-Skills-and-Cognitive-Academic-Language-Proficiency.pdf

    _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

    1ST G

    ENER

    ATION

    MODU

    LES -

    VERS

    ION 2.0

    https://www.slideshare.net/pesiaplaza6291/ang-tungkulin-ng-wikahttps://www.researchgate.net/profile/Jim_Cummins5/publication/242539680_Basic_Interpersonal_Communicative_Skills_and_Cognitive_Academic_Language_Proficiency/links/0deec534e935738b3a000000/Basic-Interpersonal-Communicative-Skills-and-Cognitive-Academic-Languaghttps://www.researchgate.net/profile/Jim_Cummins5/publication/242539680_Basic_Interpersonal_Communicative_Skills_and_Cognitive_Academic_Language_Proficiency/links/0deec534e935738b3a000000/Basic-Interpersonal-Communicative-Skills-and-Cognitive-Academic-Languaghttps://www.researchgate.net/profile/Jim_Cummins5/publication/242539680_Basic_Interpersonal_Communicative_Skills_and_Cognitive_Academic_Language_Proficiency/links/0deec534e935738b3a000000/Basic-Interpersonal-Communicative-Skills-and-Cognitive-Academic-Languaghttps://www.researchgate.net/profile/Jim_Cummins5/publication/242539680_Basic_Interpersonal_Communicative_Skills_and_Cognitive_Academic_Language_Proficiency/links/0deec534e935738b3a000000/Basic-Interpersonal-Communicative-Skills-and-Cognitive-Academic-Languaghttps://www.researchgate.net/profile/Jim_Cummins5/publication/242539680_Basic_Interpersonal_Communicative_Skills_and_Cognitive_Academic_Language_Proficiency/links/0deec534e935738b3a000000/Basic-Interpersonal-Communicative-Skills-and-Cognitive-Academic-Languag

  • 25

    Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

    Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province

    Office Address: Sudlon, Lahug, Cebu City

    Telefax: (032) 255-6405

    Email Address: [email protected]