Awit ni Sakima - Global Storybooks · Awit ni Sakima Skrevet av: Ursula Nafula Illustret av: Peris...

Post on 01-Jun-2020

12 views 0 download

Transcript of Awit ni Sakima - Global Storybooks · Awit ni Sakima Skrevet av: Ursula Nafula Illustret av: Peris...

Awit ni SakimaAwit ni Sakima

Ursula Nafula Peris Wachuka Arlene Avila tagalog nivå 3

Nakatira si Sakima sa lupa ng pag-aari ng isangmayaman, kasama ang mga magulang at apat nataong gulang na kapatid.

2

Nagkasakit si Sakima noong siya ay tatlong taonggulang at mula noon ay naging bulag siya.

3

Maraming nagagawa si Sakima na hindi kayanggawin ng ibang anim na taong gulang bata. Kayaniyang makipagtalakayan sa mga nakakatandatungkol sa mga mabibigat na bagay.

4

Namamasukan ang mga magulang ni Sakima sabahay ng mayaman. Maaga silang umaalis at gabina sila nakakauwi. Naiiwan si Sakima sa kanyangkapatid na babae.

5

Mahilig kumanta si Sakima. Kaya isang araw,natanong ng ina, “Saan galing ang mga awit naito, Sakima?”

6

“Kusa na lang po silang dumarating, ‘Nay.Naririnig ko sila sa isip ko kaya kinakanta ko,”sagot ni Sakima.

7

Gustong gusto ni Sakima kumanta, lalo na paggutom ang kanyang kapatid. Nakikinig ito nangmabuti at sumasayaw sa tunog ng kantangkayang pumawi ng gutom.

8

“Kanta ka uli, Kuya Sakima,” sabi ng kapatid. Atkakanta si Sakima ng paulit-ulit.

9

Isang gabi, tahimik ang kanyang mga magulang.Naramdaman agad ni Sakima na may problema.

10

“Ano po ang nangyari, ‘Tay, ‘Nay?” tanong niSakima. Nalaman niya na nawawala ang anak ngmayamang amo ng magulang. Labis ang lungkotnito.

11

“Siguro sasaya siya kung kakanta ako,” sabi niSakima. “Hindi ka makakatulong. Napakayamanniya. Isa ka lang bulag. Ano sa palagay momagagawa mo?” sabi ng mga magulang.

12

Hindi sumuko si Sakima. Pinagtanggol din siya ngkapatid, “Nawawala ang gutom ko pagkumakanta si Kuya. Baka naman matulungan dinniya ang taong mayaman.”

13

Kinaumagahan, inakay si Sakima ng kanyangkapatid papunta sa bahay ng mayaman.

14

Tumayo siya sa ilalim ng bintana at nagsimulangkumanta. Unti-unting dumungaw ang mayaman.

15

Tumigil ang mga trabahador sa kanilangginagawa. Sabi ng isa, “Wala pang nakakatulongsa amo natin. Akala ba ng bulag na ito na maymagagawa siya?”

16

Natapos ni Sakima ang isang awit at balak nasana niyang umalis. Hinabol siya ng mayaman,“Pasuyo naman, umawit ka pa uli.”

17

Biglang dumating ang dalawang lalaki na maydalang stretcher. Natagpuan nila ang anak ngmayaman, na iniwan lang sa daan mataposbugbugin.

18

Natuwa ang mayaman nang makitang buhay anganak. Binigyan niya ng gantimpala si Sakima.Dinala niya ang anak sa ospital para ipagamot. Atdinala rin niya si Sakima para magpa-opera ngmata.

19

Barnebøker for NorgeBarnebøker for Norgebarneboker.no

Awit ni SakimaAwit ni SakimaSkrevet av: Ursula Nafula

Illustret av: Peris WachukaOversatt av: Arlene Avila

Denne fortellingen kommer fra African Storybook (africanstorybook.org) og ervidereformidlet av Barnebøker for Norge (barneboker.no), som tilbyr barnebøkerpå mange språk som snakkes i Norge.

Dette verket er lisensiert under en Creative Commons Navngivelse 4.0 Internasjonal Lisens.