An Advocacy on UN CRC

Post on 20-May-2015

1.841 views 2 download

Tags:

Transcript of An Advocacy on UN CRC

Bata, May “K” ka!An advocacy on Children’s Rights An advocacy on Children’s Rights

by VIDES PHILIPPINES VOLUNTEERS FOUNDATION, INC.

On the occasion of the 20th Anniversary of the United Nations Convention on the Rights of the Child

(UN CRC)1989 - 2009

ALAM MO BA NA TAYONG MGA BATA AY MAY “K”? “K” as in “KARAPATAN” ? ITO AY MABABASA NATIN DUN SA TINATAWAG NILA NA “UNITED NATIONS CONVENTION ON THE RIGHTS OF THE CHILD” O “UN CRC”.

Bata, May "K" ka!

E ANO BA ANG “UNITED NATIONS”?

Bata, May "K" ka!

ANG “UNITED NATIONS” AY BINUBUO NG MGA PINUNO NG IBA’T-IBANG BANSA . NOONG IKA-20 NG NOBYEMBRE, 1989, 191 NA PANGULO NG MGA BANSA ANG SUMANG-AYON NA DAPAT PANGALAGAAN ANG MGA KARAPATAN NG MGA BATA SA PAMAMAGITAN NG PAGSASA-BATAS NITO SA “UNITED NATIONS CONVENTION ON THE RIGHTS OF THE CHILD O UN CRC”.

Bata, May "K" ka!

KAPAG PUMIRMA ANG ISANG BANSA DITO SA UN CRC, KAILANGANG SIGURUHIN NILA NA ANG MGA BATAS AT GAWAIN NILA AY AYON DIN DITO. SA NGALAN NG BUONG SAMBAYANANG PILIPINO, SUMANG-AYON ANG ATING PAMAHALAAN DITO SA UN CRC NOONG IKA-26 NG HULYO, 1990.

Bata, May "K" ka!

WOW! IBIG SABIHIN AALAGAAN TAYO NG ATING

GOBYERNO?

Bata, May "K" ka!

KOREK KA DYAN! KAYA DAPAT ALAMIN NATIN KUNG ANO ANG ATING MGA KARAPATAN BILANG MGA BATA.

Bata, May "K" ka!

ANU-ANO BA ANG MGA KARAPATAN NATIN AYON SA

UN CRC?

Bata, May "K" ka!

APAT NA PRINSIPYO ANG NILALAMAN NG UN CRC:1) PAGKAKAPANTAY-PANTAY (article 2 )2) KAPAKANAN NG MGA BATA (article 3)3) PROTEKSYON AT PAG-UNLAD NG MGA BATA (article 6)4) PAKIKILAHOK (article 12)

Bata, May "K" ka!

ANO ANG IBIG SABIHIN NG 1) PAGKAKAPANTAY-

PANTAY?

Bata, May "K" ka!

SIMPLE LANG ANG IBIG SABIHIN NG PAGKAKAPANTAY-PANTAY. ANG MGA KARAPATAN NG MGA BATA AY PARA SA LAHAT – KAHIT ANO PA ANG KULAY, KASARIAN, RELIHIYON, PANINIWALA, KATAYUAN SA BUHAY, LAHI, KAPANSANAN, ARI-ARIAN, AT IBA PA.

Bata, May "K" ka!

IBIG SABIHIN, DI TAYO PWEDENG APIHIN NG KAHIT

SINO PA MAN, KAHIT NG KAPWA BATA NATIN.

Bata, May "K" ka!

TAMA! AT TAYO RIN AY KAILANGANG MARUNONG GUMALANG SA ATING KAPWA. UNANG-UNA SA ATING MGA MAGULANG, MGA GURO, MGA PINUNO, AT GANUNDIN SA ATING MGA KAPATID, KAKLASE, KALARO AT KAPWA BATA.

Bata, May "K" ka!

GANUN?! MALI PALA ANG GINAGAWA KONG PANG-

AAPI SA MAY KAPANSANAN.

Bata, May "K" ka!

MAY KARAPATAN DIN SILA…

Bata, May "K" ka!

E ANO NAMAN ANG IBIG SABIHIN NG

“KAPAKANAN NG BATA”?

Bata, May "K" ka!

SA LAHAT NG BAGAY UKOL SA MGA BATA - TULAD NG MGA DESISYON NG KORTE, NG MGA MAGULANG, O NG MGA NAG-AALAGA SA MGA BATA - KAILANGANG ISIPIN AT ISAALANG-ALANG LAGI NILA ANG ATING KAPAKANAN O ANG HIGIT NA MAKABUBUTI SA ATIN.

Bata, May "K" ka!

SO, KAPAG MAY NANG-AABUSO SA AKIN AY

GAGAWIN ANG LAHAT PARA LAMANG AKO MAILIGTAS?

Bata, May "K" ka!

SYEMPRE NAMAN! KAYA KAILANGAN RIN NATING MAGSUMBONG AT HUMINGI NG TULONG KAPAG TAYO AY SINASAKTAN O PINAHIHIRAPAN. HINDI DAPAT MANAHIMIK SA MGA PANG-AABUSO NA GINAGAWA SA ATIN.

Bata, May "K" ka!

ANO NAMAN YUNG NO. 3 –YUNG PROTEKSYON AT

PAG-UNLAD NG MGA BATA?

Bata, May "K" ka!

KARAPATAN NATIN ANG MABIGYAN NG PROTEKSYON MULA SA SINAPUPUNAN NG ATING NANAY HANGGANG SA ATING PAGLAKI. GANUNDIN, TAYO AY MAY KARAPATANG UMUNLAD SA PAMAMAGITAN NG EDUKASYON, MABUTING KALUSUGAN, BUHAY ESPIRITWAL AT MORAL, KULTURA, AT SPORTS.

Bata, May "K" ka!

BUHAY...EDUKASYON… KALUSUGAN… PAYAPANG KAPALIGIRAN… MATINONG PAMUMUHAY… BUHAY ESPIRITWAL, KULTURA, SPORTS! WOW, DI KO ALAM NA KARAPATAN KO ANG MGA ITO! BUTI

SINABI MO SA AKIN.

Bata, May "K" ka!

NATUTUNAN KO ANG MGA ITO SA AMING PAARALAN. AT SYEMPRE ITINURO RIN ITO NG MGA ATE AT KUYA NATIN SA “BUSINA MO, DUNONG KO” NG VIDES.

Bata, May "K" ka!

GANUN BA? SIGURO ABSENT AKO NUNG TINURO ANG TUNGKOL SA MGA KARAPATAN

NATING MGA BATA. PERO, TEKA, PAANO NATIN MAKAKAMIT ANG MGA ITO?

Bata, May "K" ka!

UNA SA LAHAT, KAILANGAN NATING MAG-ARAL. LIBRE NA NGAYON ANG PAGPASOK SA MGA PUBLIC SCHOOLS, MULA ELEMENTARY HANGGANG HIGH SCHOOL. YAN ANG TUGON NG PAMAHALAAN NATIN SA UN CRC.

Bata, May "K" ka!

KAYA PALA LAGI AKONG PINIPILIT NI INAY NA PUMASOK SA ISKWELA.

Bata, May "K" ka!

OO, KASI KUNG DI TAYO MAG-AARAL, MAGIGING PROBLEMA TAYO NG ATING PAMILYA, NG ATING BARANGAY, NG ATING BANSA, AT NG BUONG MUNDO!

Bata, May "K" ka!

AT KAPAG TAYO’Y NAG-AARAL, LUMALAKAS RIN

ANG ATING LOOB NA MAKISALAMUHA SA IBA.

Bata, May "K" ka!

ANG GALING MO, YAN ANG IKA-APAT NA PRINSIPYO NG UN CRC – ANG KARAPATAN NG MGA BATA NA MAKILAHOK AT MAGPAHAYAG NG SARILI.

Bata, May "K" ka!

BALITA KO MAY ACTIVITY NGAYON ANG MGA BATA

DYAN SA SAN ROQUE. PUPUNTA KA BA?

Bata, May "K" ka!

DUN TALAGA ANG PUNTA KO! PAG-UUSAPAN NATIN DUN ANG MGA KARAPATAN NG MGA BATA, MAGLALARO TAYO DOON, AAWIT, MAG-SASAYAWAT KAKAIN!

Bata, May "K" ka!

YEHEY!!! TARA NA!

Bata, May "K" ka!